Kabanata 55
Ang tinatawag na normal na pagkatao ay hindi kasing-higit sa karaniwan tulad ng naguguni-guni ng mga tao. Sa halip, kaya nitong pangibabawan ang mga pagkakaugnay ng lahat ng tao, pangyayari, at bagay, at ang mga pag-uusig na umuusbong mula sa kapaligiran ng isang tao. Kaya nitong lumapit sa Akin at makipagniig sa Akin saanmang dako o sitwasyon. Palaging mali ang pakahulugan ninyong mga tao sa Aking mga layunin. Kapag sinabi Kong dapat ninyong isabuhay ang isang normal na pagkatao, nagpipigil kayo sa sarili at kinokontrol ang inyong laman, ngunit hindi ninyo binibigyang-pansin ang maingat na paghahanap sa loob ng inyong espiritu. Nagtutuon lamang kayo sa inyong panlabas na anyo, hindi pinapansin ang mga pagbubunyag at pagpapakilos na sinasanhi Ko sa loob mo. Pabaya ka! Masyadong pabaya! Maaari kayang itinuturing mong isang malaking tagumpay ang pagkumpleto sa ipinagkatiwala Ko sa iyo? Isa kang hangal! Hindi mo binibigyang-pansin ang pagpapaugat nang malalim! “Huwag kang maging isang dahon sa isang puno, kundi maging ugat ng puno”—ito ba talaga ang iyong kasabihan? Walang pagpapahalaga! Pabaya! Nasisiyahan ka na sa sandaling maisip mo na mayroon ka nang kaunting natamo. Napakaliit ng pagsasaalang-alang mo sa Aking kalooban! Mula ngayon ay sumunod ka, huwag maging walang ginagawa, at huwag maging negatibo! Habang naglilingkod, mas madalas kang lumapit sa Akin at mas makipag-usap ka sa Akin. Ito ang iyong tanging daan palabas. Alam Kong tinanggihan mo na ang iyong sarili, na alam mo ang mga sarili mong pagkukulang, at alam mo ang mga sarili mong kahinaan. Ngunit ang pagkaalam lamang ay hindi pa sapat. Kailangan mong makipagtulungan sa Akin at kapag naunawaan mo na ang Aking mga layunin ay isagawa mo kaagad ang mga ito. Ito ang pinakamabuting paraan para magpakita ng malasakit sa Aking pasanin, at ang pinakamabuting paraan din para magpasakop.
Paano mo man Ako tratuhin, gusto Kong isagawa ang Aking kalooban sa iyo at sa lahat ng banal, at gusto Ko itong maisagawa nang walang hadlang sa buong lupain. Magkaroon ng ganap na kamalayan tungkol dito! Ito ay may kinalaman sa Aking mga atas administratibo! Hindi ka ba natatakot kahit kaunti? Hindi ka ba nanginginig sa takot dahil sa sarili mong mga kilos at pag-uugali? Sa lahat ng banal, halos walang nakararamdam sa Aking mga layunin. Ayaw mo bang mamukod-tangi bilang tao na talagang mapagsaalang-alang sa Aking kalooban? Alam mo ba? Ang madalian Kong layunin ngayon ay ang maghanap ng isang grupo ng mga tao na kayang maging lubusang mapagsaalang-alang sa Aking kalooban. Ayaw mo bang maging isa sa kanila? Ayaw mo bang gugulin ang iyong sarili para sa Akin, at ialay ang iyong sarili para sa Akin? Hindi ka handang magbayad kahit ng pinakamababang halaga o gawin ang kahit pinakakaunting pagsisikap! Kung magpapatuloy na ganyan, ang Aking maingat na pagsisikap ay masasayang lang sa inyo. Ngayong itinuro Ko na ito sa iyo, hindi mo pa rin ba naiintindihan kung gaano kaseryoso ang usaping ito?
“Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Kita mo! Maraming beses Ko na itong sinabi sa iyo, ngunit napakarami mo pa ring agam-agam at takot tungkol sa mga sitwasyon ng pamilya at panlabas na kapaligiran. Hindi mo talaga alam kung ano ang mabuti para sa iyo! Ang ginagamit Ko lamang ay ang mga tapat, simple, at bukas na tao. Ikaw ay naging masaya at handa para gamitin Ko—ngunit bakit masyado ka pa ring nag-aalala? Maaari kayang walang kahit na anong epekto ang Aking mga salita sa iyo? Sinabi Ko nang ginagamit kita, ngunit hindi mo ito tapat na mapagkatiwalaan. Palagi kang nagdududa, takot na iiwan kita. Ang iyong mga kuru-kuro ay malalim na nakabaon! Kapag sinabi Kong ginagamit kita, nangangahulugan ito na ginagamit kita. Bakit palagi kang nagdududa? Hindi pa ba malinaw ang Aking sinabi? Bawat salitang sinabi Ko ay totoo; wala ni isang pahayag na hindi totoo. Aking anak! Pagkatiwalaan mo Ako. Maging tapat ka sa ngalan Ko, at tiyak na magiging tapat Ako sa iyo!