38. Pagharap sa Nakamamatay na Karamdaman ng Aking Anak
Dalawang taon na ang nakakaraan nang biglang magkaroon ang anak ko ng matinding sakit sa baywang niya. Ipinasuri namin iyon, at sinabi ng doktor na nakakabahala ang mga resulta ng mga pagsusuri, na dapat kaming pumunta sa mas malaking panlalawigang ospital para sa karagdagang pagsusuri. Kinabahan ako nang sinabi niya iyon, at naisip kong may tsansa na may malubhang sakit ang anak ko. Pero naisip ko: “Mula nang maging mananampalataya, lagi akong nagsasakripisyo at gumagawa ng tungkulin ko para sa Diyos, at marami na akong pinagdusahan. Kahit nang naharap sa hibang na paniniil at pang-aaresto na isinagawa ng Partido Komunista, at pangungutya at paninirang-puri ng mga kaibigan at kamag-anak, hindi ako umatras kailanman, at nanatiling matatag sa aking tungkulin. Kung isasaalang-alang ang lahat ng sakripisyong ginawa ko para sa Diyos, dapat protektahan Niya ang anak ko sa anumang malubhang sakit.” Pero nagulat ako sa mga resulta. May kanser sa atay at liver cirrhosis ang anak ko. Sabi ng doktor mayroon na lang siyang tatlo hanggang anim na buwan para mabuhay. Hindi ko talaga inaasahan ang pagsusuring ito at naupo lang ako roon, paralisado. Talagang hindi ko matanggap ang realidad na ito. 37 pa lang siya—paano siya nagkaroon ng ganoon kalubhang sakit? Hawak-hawak ko ang mga resulta ng pagsusuri, at nanginginig ang mga kamay ko. Inisip ko kung mali ba yung diagnosis na ginawa ng doktor. Naupo ako sa gilid ng kama, nakatulala, at matagal bago ako natauhan. Tumulo ang mga luha sa mukha ko at naisip ko, “Napakabata pa niya—paano siya nagkaroon ng ganoon kalubhang sakit? Kanser sa atay at liver cirrhosis? Kahit isa lang sa mga iyon ay nakakamatay na, pero dalawa pa? Siya ang haligi ng pamilya namin. Anong gagawin naming lahat kung wala siya? Ang pinakamasakit na bagay na maaaring harapin ng isang tao sa buhay ay ang paglilibing ng kanyang anak.” Mas lalo akong nagiging miserable. Palagi akong nasa bingit ng pag-iyak at nabubuhay sa bawat araw na tulala. Talagang nasa kadiliman ako. Umusal ako ng panalangin, “Diyos ko, dahil sa lala ng karamdaman ng anak ko, talagang nagdurusa ako, at hindi ko ito kaya. Bigyang-liwanag Mo po ako na maunawaan ang Iyong kalooban.”
Isang araw, nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. Bagama’t mahina si Job at isinumpa ang araw ng kanyang sariling pagsilang, hindi niya itinanggi na lahat ng bagay sa buhay ng tao ay ipinagkaloob ni Jehova, at na si Jehova rin ang Siyang babawi sa lahat ng ito. Paano man siya sinubok, pinanatili niya ang pananampalatayang ito. … Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino). Mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, nakikita ko na ang pagkakaroon ng malubhang sakit ng anak ko ay isang uri ng pagsubok at pagsusuri sa akin, at kailangan kong umasa sa pananalig ko para malagpasan iyon. Naisip ko si Job, na ninakawan ng lahat ng kayamanan niya at mga alagang hayop, namatay ang lahat ng anak niya, at napuno siya ng mga pigsa. Kahit nahaharap sa ganoon kalaking pagsubok, nakahanda siyang isumpa ang sarili niya bago sisihin ang Diyos, at nagawa pa ring purihin ang pangalan ni Jehova. Nagbigay siya ng isang magandang patotoo para sa Diyos sa huli. Noong pinagdaraanan niya ang lahat ng ito, tinuya siya ng mga kaibigan niya, pinintasan siya ng asawa niya, at hinimok pa siyang talikuran na lang ang Diyos at mamatay. Sa panlabas, parang mga tao ang namimintas sa kanya, pero sa likod noon, si Satanas ang tumutukso kay Job gamit ang mga salita ng mga tao para itanggi at ipagkanulo ang Diyos. Pero hindi nahulog doon si Job, at tinuligsa niya pa nga ang asawa niya bilang isang babaeng hangal. Sa panahong ito, ang mga panlilinlang ni Satanas ang nasa likod ng mga pag-atake ng mga kaibigan at kamag-anak ko. Kailangan kong maging tulad ni Job at tumayong saksi para sa Diyos. Hindi ako puwedeng makinig sa walang katuturang sinasabi nila. Sa mga saloobing ito, medyo hindi na ako kasingmiserable at kasinghina na gaya ng dati.
Inoperahan ang anak ko matapos ang dalawang linggo at nagsimulang bumuti ang kanyang kalagayan. Naisip ko, “Baka naawa sa kanya ang Diyos dahil sa pananampalataya ko. Talagang umaasa ako na magpakita ang Diyos ng isang himala at pagagalingin ang sakit niya. Kung lubusan siyang gumaling, napakainam niyon!” Tapos bigla kong naisip ang siping ito ng mga salita ng Diyos: “Ang iyong hinahabol ay ang matamo ang kapayapaan pagkatapos na maniwala sa Diyos, upang ang iyong mga anak ay mailayo sa sakit, upang ang iyong asawang lalaki ay magkaroon ng magandang trabaho, upang ang iyong anak na lalaki ay magkaroon ng mabuting asawang babae, upang ang iyong anak na babae ay makatagpo ng disenteng asawang lalaki, upang ang iyong mga baka at mga kabayo ay makapag-araro nang mahusay, upang magkaroon ng isang taon ng magandang panahon para sa iyong mga tanim. Ito ang iyong hinahanap. Ang iyong hinahabol ay para mabuhay lamang nang maginhawa, upang walang mga aksidenteng dumating sa iyong pamilya, upang ang hangin ay lampasan ka lamang, upang ang iyong mukha ay hindi mabahiran ng dumi, upang ang mga tanim ng iyong pamilya ay hindi bahain, upang ikaw ay hindi maapektuhan ng anumang sakuna, upang mabuhay sa pag-iingat ng Diyos, upang mabuhay sa isang maginhawang tirahan. Ang duwag na kagaya mo, na palaging naghahabol sa laman—mayroon ka bang puso, mayroon ka bang espiritu? Hindi ka ba isang hayop? Ibinibigay Ko sa iyo ang tamang daan nang hindi humihingi ng anumang kapalit, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Isa ka ba sa mga naniniwala sa Diyos? Ipinagkakaloob Ko ang tunay na buhay ng tao sa iyo, gayunman ay hindi ka nagsisikap. Wala ka bang pagkakaiba sa isang baboy o isang aso?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol). Talagang tumatagos na inihayag ng mga salita ng Diyos ang aking mga maling pananaw sa pananalig at mga motibo para sa mga pagpapala. Talagang napahiya ako. Noong nanampalataya ako sa Panginoon, mga pagpapala at biyaya ang hinahangad ko, umaasang pagpapalain ang buo kong pamilya dahil sa pananalig ko. Simula nang tanggapin ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw, kahit na hindi ako kailanman garapalang nanalangin sa Diyos para hingin ang biyaya Niya, hindi ko naman hinangad ang katotohanan, at hindi ko tunay na naunawaan ang Diyos. Sa aking pananampalataya, pinanghawakan ko ang pananaw sa pagtatamo ng mga pagpapala na ako ay “magkakamit ng isandaang beses na kasingdami sa buhay na ito, at ng buhay na walang hanggan sa darating na kapanahunan.” Naisip kong dahil gumawa na ako ng mga sakripisyo para sa Diyos, kikilalanin at pagpapalain Niya ako, na dapat Niyang protektahan ang pamilya ko mula sa sakit at sakuna, gawing maayos ang mga buhay namin, at malaya sa anumang matitinding kasawian. Dahil dito, iniwan ko ang trabaho ko para gawin ang tungkulin ko, lubos na masaya at handang magtiis ng anumang pagdurusa. Pero nang masuring positibo sa kanser ang anak ko, naging palagi akong nakalubog sa kirot at pag-aalala, at nawalan ako ng gana sa tungkulin ko. Nagsagawa ako ng mabababaw na kalkulasyon ng kung gaano karami ang iginugol ko, gaano karami ang pinagdusahan ko, nakikipagdebate sa Diyos, sinisisi Siya dahil sa hindi pagprotekta sa anak ko. Ang sitwasyong hinarap ko, pati na ang mga salita ng paghahayag ng Diyos ang nagpakita sa akin na mali ang pananaw ko sa paghahanap ko sa aking pananalig. Hindi ko isinusuko ang mga bagay para sa pananalig ko upang hanapin ang katotohanan at alisin ang tiwaling disposisyon ko, sa halip, kapalit iyon ng mga biyaya at pagpapala ng Diyos. Nakikipagtransaksyon ako sa Diyos, ginagamit Siya at dinadaya Siya. Ang pananalig ko ay nakatutok sa paghahangad ng proteksyon ng Diyos para sa pamilya ko at pagpapanatiling ligtas namin at malayo sa panganib, malayo sa karamdaman at sakuna. Ano ang kaibahan ko sa mga relihiyosong taong iyon na naghahanap ng tinapay upang mabusog? Nakita ko kung gaano kanakaririmarim ang pananaw ko sa paghahangad. Sa napagtanto kong ito, pakiramdam ko napakalaki ng utang ko sa Diyos, at lumapit ako sa Kanya para manalangin, handa nang ilagay sa mga kamay Niya ang kalusugan ng anak ko, at magpasakop sa Kanyang mga pagsasaayos.
Matapos ang panahon ng gamutan, nagsimulang bumuti ang kondisyon ng anak ko, at bumuti rin nang bumuti ang lagay ng kanyang pag-iisip. Kumakain na siya nang normal at nakakagawa ng ilang magagaan na gawain. Sobrang saya ko, lalo na nang nakita ko siyang kumakanta at sumasayaw kasama ang anak niya, may hawak na mikropono, na mukhang napakalusog. Pakiramdam ko may mas malaking pag-asa para sa kanya, at naisip ko pa nga, “Mula sa pananaw ng isang tao, isang hatol ng kamatayan ang sakit niya at dapat may anim na buwan lang siya para mabuhay. Pero nakalagpas na iyon doon at maayos ang paggaling niya. Biyaya at proteksyon iyon ng Diyos. Kung magpapatuloy nang ganito ang mga bagay-bagay, tuluyan na siyang gagaling.” Pero hindi humantong ang lahat sa gaya ng inaakala ko. Biglang hindi na siya makakain ng anumang pagkain nang hindi nagsusuka, nagsimulang mamaga nang mamaga ang tiyan niya bawat araw, at mahirap para sa kanya ang maupo. Nagpasuri siya at bagaman hindi bumalik ang tumor, lumalala naman ang cirrhosis at nagkakaroon siya ng liver ascites. Pakiramdam ko papalapit na nang papalit sa kanya ang kamatayan, at nawalan na naman ako ng pag-asa. Naisip ko, “Malinaw na bumubuti na ang kondisyon ng anak ko, bakit lumalala na naman iyon? Isa siyang napakabuting anak at kasundo niya ang lahat. Mabubuting bagay ang sinasabi tungkol sa kanya ng mga kaibigan, kamag-anak, at kapitbahay. Kahit na hindi niya masyadong suportado ang pananampalataya ko, hindi niya rin ako hinahadlangan. Bakit siya magkakaroon ng nakamamatay na sakit? Sa buong panahon ko bilang isang mananampalataya, ibinabahagi ko ang ebanghelyo, aktibong ginagawa ang anumang kailangang gawin sa iglesia. Sa kabila ng paniniil at mga pang-aaresto ng Partido Komunista, at sa kabila ng pagtutol at paghadlang na hinaharap ko mula sa mga kamag-anak ko, hindi ako kailanman umaatras. Patuloy kong ginagawa ang tungkulin ko. Napakarami ko nang isinuko, kaya bakit ko kinakaharap ito? Ito ba ang nakuha kong kapalit ng lahat ng taon ko ng pagsasakripisyo?” Kahit na hindi ko ito sinabi, nagapi ako ng pakiramdam na ito na nagiging hindi matuwid ang Diyos. Naging pesimista ako, malungkot, at malabo ang isip sa lahat ng oras. Nawalan ako ng pag-asa. Labis akong nagdurusa at umiiyak sa lahat ng oras.
Sa aking pasakit, nanalangin ako sa Diyos, at hinanap ang Kanyang kalooban sa mga salita Niya. May isang sipi akong nabasa: “Ang katuwiran ay walang kinalaman sa pagiging makatarungan o makatwiran; hindi ito egalitaryanismo, o pagbibigay sa iyo ng nararapat sa iyo alinsunod sa gawaing natapos mo, o binabayaran ka para sa anumang gawaing natapos mo, o ibinibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ayon sa kung gaano ka nagsisikap. Hindi ito pagiging matuwid, pagiging patas at makatwiran lamang ito. Kakaunting tao lamang ang may kakayahang malaman ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Ipagpalagay nang inalis ng Diyos si Job matapos siyang magpatotoo para sa Kanya: Magiging matuwid ba ito? Sa katunayan, oo. Bakit ito tinatawag na pagiging matuwid? Ano ang tingin ng mga tao sa pagiging matuwid? Kung ang isang bagay ay nakaayon sa mga kuru-kuro ng mga tao, napakadali para sa kanila ang sabihin na matuwid ang Diyos; gayunman, kung hindi nila nakikita na nakaayon ang bagay na iyon sa kanilang mga kuru-kuro—kung ito ay isang bagay na hindi nila kayang unawain—mahihirapan silang sabihin na matuwid ang Diyos. Kung winasak ng Diyos si Job noon, hindi masasabi ng mga tao na Siya ay matuwid. Gayunpaman, sa totoo lang, kung ang mga tao man ay nagawang tiwali o hindi, at kung lubos man silang nagawang tiwali o hindi, kailangan bang bigyang-katwiran ng Diyos ang Kanyang sarili kapag nilipol Niya sila? Kailangan ba Niyang ipaliwanag sa mga tao kung sa anong batayan Niya ginagawa ito? Kailangan bang sabihin ng Diyos sa mga tao ang mga tuntuning inorden Niya? Hindi na kinakailangan. Sa paningin ng Diyos, ang isang taong tiwali at malamang na lumaban sa Diyos ay walang anumang silbi; paano man siya pakikitunguhan ng Diyos ay magiging angkop, at ang lahat ay pagsasaayos ng Diyos. … Ang pinakadiwa ng Diyos ay katuwiran. Bagama’t hindi madaling unawain ang Kanyang ginagawa, matuwid ang lahat ng Kanyang ginagawa; hindi lamang talaga ito nauunawaan ng mga tao. Nang ibigay ng Diyos si Pedro kay Satanas, paano tumugon si Pedro? ‘Hindi maarok ng sangkatauhan ang Iyong ginagawa, ngunit lahat ng Iyong ginagawa ay kinapapalooban ng Iyong mabuting kalooban; mayroong katuwiran sa lahat ng iyon. Paanong hindi ko pupurihin ang Iyong karunungan at mga gawa?’ Dapat makita mo na ngayon na ang dahilan kaya hindi pinupuksa ng Diyos si Satanas sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao ay para maaaring malinaw na makita ng mga tao kung paano sila nagawang tiwali ni Satanas at kung gaano sila nito nagawang tiwali, at kung paano sila dinadalisay at inililigtas ng Diyos. Sa huli, kapag naunawaan na ng mga tao ang katotohanan at malinaw nang nakita ang kasuklam-suklam na anyo ni Satanas, at namasdan ang napakalaking kasalanan ng pagtitiwali sa kanila ni Satanas, pupuksain ng Diyos si Satanas, ipapakita sa kanila ang Kanyang pagiging matuwid. Ang panahon ng pagpuksa ng Diyos kay Satanas ay puspos ng disposisyon at karunungan ng Diyos. Lahat ng ginagawa ng Diyos ay matuwid. Bagama’t maaaring hindi maarok ng mga tao ang katuwiran ng Diyos, hindi sila dapat manghusga nang basta-basta. Kung may ginagawa Siya na mukhang hindi patas para sa mga tao, o kung mayroon silang anumang mga kuru-kuro tungkol doon, at nagiging daan iyon para sabihin nilang hindi Siya matuwid, kung gayon ay masyado silang hindi makatwiran. Nakikita mo na nakakita si Pedro ng ilang bagay na hindi maunawaan, ngunit sigurado siya na naroon ang karunungan ng Diyos at na nasa mga bagay na iyon ang Kanyang kabutihang-loob. Hindi maaarok ng mga tao ang lahat ng bagay; may napakaraming bagay silang hindi nauunawaan. Sa gayon, hindi madaling malaman ang disposisyon ng Diyos” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi gaya ng inakala ko ang Kanyang pagiging matuwid—ganap na patas at may pagkakapantay-pantay, at hindi iyon nangangahulugan na makukuha mo kung ano ang eksaktong ibinigay mo. Ang Diyos ang Panginoon ng Paglikha at matuwid ang Kanyang diwa, kaya kung magbigay man Siya o kumuha, makatanggap man tayo ng biyaya, o magdusa sa mga pagsubok, naglalaman ang lahat ng iyon ng Kanyang karunungan. Ang lahat ng iyon ay pahayag ng Kanyang matuwid na disposisyon. Sinunod ni Job ang daan ng Diyos, kinatatakutan ang Diyos at nilalayuan ang kasamaan buong buhay niya. Isa siyang perpektong tao sa mga mata ng Diyos, pero sinubok pa rin siya ng Diyos. Tumitibay sa bawat pagsubok ang pananalig at takot niya sa Diyos, at sa huli, isa siyang matunog na saksi para sa Diyos at ganap na napagtagumpayan si Satanas. Tapos nagpakita sa kanya ang Diyos at mas lalo pa siyang pinagpala. Inihayag noon ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naisip ko rin si Pablo. Marami siyang pinagdusahan at naglakbay nang malayo para ipalaganap ang ebanghelyo ng Panginoon, pero hindi siya nagkaroon ng tunay na pagpapasakop o takot sa Diyos. Gusto niya lang gamitin ang kanyang pagsisikap upang ipagpalit sa mga pagpapala ng Diyos. Matapos gumawa ng ilang gawain, sinabi niyang: “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong ng katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Puno ng kanyang mga ambisyon at hangarin ang pagdurusa at mga kontribusyon ni Pablo at transaksyonal ang mga iyon. Hindi nagbago ang kanyang disposisyon at nasa isang landas siya na laban sa Diyos. Pinarusahan siya ng Diyos sa huli. Nakikita natin mula rito na hindi tumitingin ang Diyos sa kung gaano karami ang mukhang ginagawa ng mga tao, kundi sa kung talaga bang nagmamahal at nagpapasakop sila sa Kanya, at kung nagbabago ba ang disposisyon nila sa buhay. Ang Diyos ay napakabanal at napakamatuwid. Akala ko babayaran ako para sa mga kontribusyon ko, na makakakuha ako ng kapantay sa kontribusyon ko. Isa iyong pantao at transaksyonal na pananaw na ganap na naiiba sa matuwid na disposisyon ng Diyos. Kahit na nakagawa na ako ng ilang sakripisyo at nakagawa na ako ng ilang mabubuting bagay bilang isang mananampalataya, mali naman ang pananaw ko sa paghahangad sa pananalig, at wala akong tunay na pagpapasakop sa Diyos. Sinisi at nilabanan ko pa rin ang Diyos nang magkasakit ang anak ko. Hindi nagbago ang disposisyon ko sa buhay, at isa pa rin akong taong lumalaban sa Diyos at nabibilang kay Satanas. Hindi talaga ako karapat-dapat sa mga pagpapala ng Diyos. Hindi ko naunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at naisip ko na dahil nakailang sakripisyo na ako sa tungkulin ko, dapat protektahan at bantayan ng Diyos ang anak ko. Hindi ba ako sapilitang humihingi sa Diyos batay sa isang pantao at transaksyonal na pananaw? Naisip ko ang mga salitang ito ng Diyos: “May angkop na hantungan ang lahat. Natutukoy ang mga hantungang ito ayon sa diwa ng bawat tao, at ganap na walang kinalaman sa ibang mga tao. Ang buktot na pag-uugali ng isang bata ay hindi maililipat sa kanyang mga magulang, o hindi maibabahagi sa mga magulang ang pagkamatuwid ng isang bata. Hindi maililipat sa kanyang mga anak ang buktot na pag-uugali ng isang magulang, o hindi maibabahagi sa kanyang mga anak ang pagkamatuwid ng isang magulang. Pinapasan ng lahat ang kani-kaniyang mga kasalanan, at tinatamasa ng lahat ang kani-kaniyang mga pagpapala. Walang sinuman ang maaaring maging panghalili sa isa pang tao; ito ang pagiging matuwid” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama). Lagi kong inaakala na dahil nagsakripisyo ako ng mga bagay-bagay sa pananampalataya ko, dapat pagalingin ng Diyos ang anak ko. Kung hindi, makikita ko Siya bilang hindi matuwid. Isa iyong malaking kalokohan! Kahit gaano man ako nagdusa o gaano man kalaki ang halagang ibinayad ko, iyon ang tungkulin ko, at ang dapat kong gawin bilang isang nilalang. Walang talaga iyong kinalaman sa sakit, sa kapalaran o sa hantungan ng anak ko. Hindi ko dapat gamitin iyon bilang kalamangan para makipagnegosasyon, para makipagtawaran sa Diyos.
Isang araw, nakabasa ako ng isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na tumulong sa aking maunawaan ang diwa ng mali kong pananaw. Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kahit gaano pa karaming bagay ang mangyari sa kanya, ang uri ng tao na isang anticristo ay hindi kailanman sumusubok na harapin ang mga ito sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan na nasa mga salita ng Diyos, lalong hindi nila sinusubukang makita ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos—ito ay dahil ganap silang hindi naniniwala na ang bawat linya ng mga salita ng Diyos ay katotohanan. Paano man ibinabahagi ng sambahayan ng Diyos ang katotohanan, nananatiling hindi nakikinig ang mga anticristo, at bunga nito ay wala silang tamang pag-iisip anuman ang sitwasyong kinakaharap nila; partikular na, pagdating sa kung paano nila hinaharap ang Diyos at ang katotohanan, matigas na tumatanggi ang mga anticristo na isantabi ang kanilang mga kuru-kuro. Ang Diyos na kanilang pinaniniwalaan ay ang Diyos na nagsasagawa ng mga tanda at kababalaghan, ang Diyos na higit sa karaniwan. Sinumang nakakagawa ng mga tanda at kababalaghan—si Bodhisattva man, si Buddha, o si Mazu—tinatawag nilang Diyos. … Sa isipan ng mga anticristo, dapat sambahin ang Diyos habang nagtatago sa likod ng isang altar, kinakain ang mga pagkaing inihahandog ng mga tao, nilalanghap ang insensong sinusunog nila, tumutulong kapag nasa kaguluhan sila, ipinapakitang walang hanggan ang kapangyarihan Niya at nagbibigay ng agarang tulong sa kanila sa saklaw ng kung ano ang naiintindihan nila, at tinutugunan ang kanilang mga pangangailangan, kapag humihingi ng tulong ang mga tao at taimtim sila sa kanilang mga pagdalangin. Para sa mga anticristo, ang diyos lamang na kagaya nito ang tunay na Diyos. Samantalang hinahamak naman ng mga anticristo ang lahat ng ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan. At bakit ganoon? Kung pagbabatayan ang kalikasang diwa ng mga anticristo, ang kinakailangan nila ay hindi ang gawain ng pagdidilig, pagpapastol, at pagliligtas na ginagawa ng Lumikha sa mga nilalang ng Diyos, kundi ang kasaganaan at tagumpay sa lahat ng bagay, upang huwag maparusahan sa buhay na ito, at mapunta sa langit kapag namatay sila. Kinukumpirma ng kanilang pananaw at mga pangangailangan ang kanilang diwa ng paglaban sa katotohanan” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikalabinlimang Aytem (Unang Bahagi)). Bawat salita mula sa Diyos ay lubos na totoo. Sa pagninilay-nilay, napagtanto kong pakiramdam ko lagi, dapat akong gantimpalaan at pagpalain ng Diyos para sa mga sakripisyo at kontribusyon na nagawa ko sa aking pananampalataya, na dapat Niyang panatilihing ligtas ang pamilya ko, malayo sa sakuna at sakit. Kaya nang makita ko na malaki na ang ibinuti ng anak ko, naramdaman kong biyaya iyon ng Diyos, at laking pasalamat ko at puno ako ng papuri sa Diyos. Pero nang lumala na naman siya, gusto kong gumawa ng himala ang Diyos para mapagaling siya. Nang hindi ginawa ng Diyos ang gusto ko, napalitan ng hinanakit ang mga ngiti ko, galit sa Diyos sa hindi Niya pagsasaalang-alang sa lahat ng sakripisyo at kontribusyon ko para protektahan at pagalingin ang anak ko. Pinagsisihan ko pa nga ang lahat ng ibinigay at isinakripisyo ko. Umikot lang ang lahat ng lagay ng loob ko sa kung nakikinabang ba ako o nawawalan ng isang bagay. Sa pananampalataya ko, hindi ako sumamba at nagpasakop sa Diyos bilang ang Panginoon ng Paglikha, sa halip bilang isang “idolo” na magbibigay ng mga hinihingi ko at magpapala sa akin. Ano ang kaibahan noon sa mga hindi mananampalatayang sumasamba kay Buddha o Guan Yin? Hindi ako naging isang tunay na mananampalataya! Nagkatawang-tao ang Diyos at dalawang beses pumarito sa lupa, nagtitiis ng matinding kahihiyan, ng pagkondena, paglaban, paghihimagsik, at maling pagkaunawa ng mga tao. Ang lahat ng iyon ay para bigyan tayo ng mga salita Niya at katotohanan, para himukin tayong mabuhay ayon sa mga salita Niya at matakasan ang ating mga tiwaling disposisyon, at iligtas tayo sa huli. Nagbayad ang Diyos ng napakalaking halaga para iligtas ang sangkatauhan. Nagtamasa ako ng napakaraming biyaya ng Diyos sa mga taon ng pananampalataya ko, nakamit ang pagdidilig at panustos ng napakaraming katotohanan. Pero hindi ako naging totoo sa Diyos. Napakasakit at nakakadismaya iyon para sa Kanya! Nagsimula kong maramdaman na mas lalo akong nagkautang sa Diyos, at lumuhod ako sa harap Niya, habang bumubuhos sa mukha ko ang mga luha ng pagsisisi at pagkakonsiyensya. Nanalangin ako at nagsisi sa Diyos, sinasabing, “Diyos ko, naging isang mananampalataya ako sa loob ng maraming taon pero hindi ko hinangad ang katotohanan. Hindi ako nakatayong saksi para sa Iyo sa pagkakasakit ng anak ko, at binigo Kita. Diyos ko, gusto ko pong magsisi sa Iyo, at kung bubuti man ang anak ko o hindi, handa akong magpasakop sa Iyong paghahari at mga pagsasaayos. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig.” Pakiramdam ko isang malaking pabigat ang iniangat mula sa akin matapos ang panalanging iyon at mas gumaan nang husto ang pakiramdam ko.
May nabasa akong isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na nagbigay sa akin ng kaunti pang pagkaunawa sa Kanyang kalooban. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na walang kinalaman ang paggawa ng tungkulin natin sa pagiging pinagpala o isinumpa. Kung nagtatamo man ng mga pagpapala o hindi ang isang tao sa kanyang pananampalataya, bilang mga nilalang, dapat gampanan ang tungkulin para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Tama iyon at wasto. Para iyong mga magulang na nagpapalaki ng mga anak nila hanggang sa pagtanda—dapat maging magalang ang mga anak nila. Hindi dapat iyon maging tungkol sa pagmamana ng ari-arian, hindi dapat iyon may kondisyon. Iyon ang pinakamababang dapat gawin bilang tao. Pero hindi ko iniisip ang tungkol sa kung paano masusuklian ang pagmamahal ng Diyos sa aking tungkulin. Sa halip, ginusto kong gamitin ang tungkuling ibinigay sa akin ng Diyos bilang bentahe para makipagtawaran sa Kanya, humihiling ng biyaya at mga pagpapala mula sa Diyos para sa kaunting naibigay at naisakripisyo ko. Nang hindi natanggap iyon, sinisi ko ang Diyos. Wala akong konsiyensya, at talagang binigo ko ang Diyos. Lalo na nang magkasakit ang anak ko, puno ako ng mga kahilingan, at laging mali ang pagkakaunawa ko sa Diyos at sinisisi Siya. Talagang kinamuhian ko ang sarili ko dahil sa isiping ito. Naisip ko, “Kung bumuti man ang lagay ng anak ko o hindi, hindi ko na uli sisisihin ang Diyos kailanman.” Pagkatapos niyon mas lumala nang lumala ang kondisyon ng anak ko. Malinaw na humihina ang kalusugan niya sa bawat araw. Kahit na nasasaktan ako, at nagdurusa ako, hindi na ako sapilitang humihingi sa Diyos.
Isang araw nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos: “Lubos nang naiplano ng Diyos ang simula, pagdating, haba ng buhay, ang katapusan ng lahat ng nilalang ng Diyos, gayundin ang kanilang misyon sa buhay at ang tungkuling ginagampanan nila sa buong sangkatauhan. Walang sinumang maaaring bumago sa mga bagay na ito; ito ang awtoridad ng Lumikha. Ang pagdating ng bawat nilalang, ang kanilang misyon sa buhay, kung kailan matatapos ang kanilang buhay—lahat ng batas na ito ay matagal na panahon nang inorden ng Diyos, tulad nang iorden ng Diyos ang orbit ng bawat bagay na selestiyal; aling orbit ang sinusundan ng mga bagay na ito, ilang taon, paano nag-oorbit ang mga ito, anong mga batas ang sinusunod ng mga ito—lahat ng ito ay inorden ng Diyos noong unang panahon, hindi nagbago sa loob ng libu-libo, sampu-sampung libo, at daan-daang libong taon. Ito ay inorden ng Diyos, at ito ang Kanyang awtoridad” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Totoo iyon. Ang Diyos ang Panginoon ng Paglikha, at itinatakda Niya ang haba ng buhay natin. Kung gaano katagal tayong mabubuhay, gaano karami ang pagdurusa natin sa buong panahon ng ating mga buhay, at kung gaano karami ang pagpapala natin ay nasa mga kamay lahat ng Diyos. Hindi pahahabain ng Diyos ang haba ng buhay ng isang tao dahil lang sa gumawa siya ng mabubuting gawa sa mundong ito, at hindi Niya tatapusin nang maaga ang buhay niya dahil gumawa siya ng maraming kasamaan. Kung mabuti o masama man ang isang tao, ang haba ng buhay ng lahat ay itinatakda ng Diyos. Walang makakapagpabago noon. Matagal na panahon nang itinakda ng Diyos kung gaano kahaba ang magiging buhay ng anak ko. Matuwid ang anumang gawin Niya at kailangan ko lang magpasakop sa Kanyang pamamahala at mga pagsasaayos. Pinagaan ng pagkatanto sa mga bagay na ito ang kaunti sa pasakit ko. Alam kong anuman ang kahinatnan ng anak ko, kailangan kong gawin ang tungkulin ng isang nilalang at suklian ang pagmamahal ng Diyos.
Noong Marso ng taong ito, tuluyan na kaming nagpaalam sa anak ko. Salamat sa patnubay ng mga salita ng Diyos, nagawa kong harapin nang tama ang pagpanaw niya at bawas ang naging pagdurusa ko. Sa nakaraang dalawang taong ito, mula nang unang nagkasakit ang anak ko, kahit na matindi ang naging pagdurusa ko, sa pamamagitan ng paghahayag ng pasakit na ito at pagsubok, nagawa kong makita ang aking mga kasuklam-suklam na layon, katiwalian, at mga karumihan sa paghahangad ko ng mga pagpapala sa aking pananampalataya. Mas marami rin akong nalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos at hindi na gagawa ng mga di-makatwirang kahilingan sa Kanya. Nagagawa ko na ngayong magpasakop sa Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos. Talagang ipinakita sa akin ng karanasang ito na anuman ang maaaring mangyari, at kahit na kung makita man ng mga tao ang isang bagay bilang masama o mabuti, basta’t nananalangin tayo sa Diyos at hinahanap ang katotohanan, maaari tayong makinabang at magtamo mula rito.