848 Mga Pagpapahayag na Taglay ng mga Nagawang Perpekto

Kapag nagsimulang tumahak ang mga tao sa landas ng pagkaperpekto, ang dati nilang mga disposisyon ay may kakayahang magbago. Bukod dito, patuloy na lumalago ang kanilang buhay, at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Nagagawa nilang kamuhian ang mundo at lahat ng hindi nagsisikap na matamo ang katotohanan. Kinamumuhian nila lalo na ang kanilang sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw nilang kilala ang kanilang sarili. Handa silang mamuhay ayon sa katotohanan at ginagawa nilang kanilang layunin na sikaping matamo ang katotohanan. Ayaw nilang mamuhay ayon sa mga kaisipang nabuo sa sarili nilang utak, at nakararamdam sila ng pagkamuhi sa pagmamagaling, kahambugan, at kapalaluan ng tao. Nagsasalita sila nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, nangangasiwa sa mga bagay-bagay nang may paghiwatig at karunungan, at matapat at masunurin sa Diyos. Kung nakararanas sila ng isang pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila hindi nagiging walang kibo o mahina, kundi nagpapasalamat pa sila para sa pagkastigo at paghatol na ito ng Diyos. Naniniwala sila na hindi maaaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos, na pinoprotektahan sila nito. Hindi sila nagsisikap na maghangad ng pananampalatayang magkaroon ng kapayapaan at kagalakan at maghanap ng tinapay upang mapawi ang gutom. Ni hindi rin sila naghahangad ng panandaliang kaaliwan ng laman. Ito ang nangyayari sa mga naperpekto.

Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig 4

Sinundan: 847 Paghahanap sa Katotohanan ang Tanging Pagkakataon na Magawang Perpekto

Sumunod: 849 Ang mga Pangako ng Diyos sa Yaong mga Nagawang Perpekto

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito