640 Nagtamasa na Kayo ng Malalaking Pagpapala
Ⅰ
Bakit nasa China ang gawain
sa mga huling araw,
ang pinakamadilim at paurong na lugar?
Para ipakita katuwiran ng Diyos,
ipahayag Kanyang kabanalan.
Mas madilim ang lugar,
mas kita Kanyang kabanalan.
Paggawa ng lahat ng ito’y alang-alang
nga sa gawain ng Diyos.
Inihayag na ng Diyos sarili Niya’t
banal na disposisyon sa inyo,
ipinagkaloob na Niyang lahat iyon sa inyo,
para sapat ang pagpapala sa inyo.
Hindi lang n’yo natikman Kanyang
matuwid na disposisyon,
natikman n’yo Kanyang pagliligtas,
walang-hanggang pag-ibig at pagtubos.
Kayo, sa lahat ng tao, ang pinakamarumi,
nakatanggap kayo ng malaking biyaya.
‘Di ba kayo pinagpala?
Ⅱ
Ngayo’y alam n’yo nang
ang Diyos sa langit bumaba sa lupa.
Kumikinang Siya laban sa inyong karumihan,
sa inyong pagkasuwail,
kaya nauunawaan n’yo na Siya.
Kay laking pagpapasigla!
Kayong grupo sa China ay nahirang at napili.
Dahil nahirang kayo’t nagtamasa ng biyaya Niya,
dahil ‘di kayo nararapat sa labis-labis Niyang biyaya,
sa inyo ito’y nagpapasigla,
ito’y kamangha-mangha! Kamangha-mangha!
Inihayag na ng Diyos sarili Niya’t
banal na disposisyon sa inyo,
ipinagkaloob na Niyang lahat iyon sa inyo,
para sapat ang mga pagpapala sa inyo.
Hindi lang n’yo natikman Kanyang
matuwid na disposisyon,
natikman n’yo Kanyang pagliligtas,
walang-hanggang pag-ibig at pagtubos.
Kayo, sa lahat ng tao, ang pinakamarumi,
nakatanggap kayo ng malaking biyaya.
‘Di ba kayo pinagpala?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Nakakamtan ang mga Epekto ng Ikalawang Hakbang ng Gawain ng Paglupig