777 Tularan ang Karanasan ni Pedro

Ang malaking kadalisayang nakamit ni Pedro

ay dahil sa mga bagay na ginawa niya.

Nadama niyang marami siyang utang sa Diyos,

‘di siya makakabawi sa Kanya.

Nakita niyang tiwali ang sangkatauhan,

kaya’t nabagabag kanyang konsensya.

Maraming bagay na sinabi si Jesus sa kanya,

kaunti lang ang naunawaan niya.

Minsan sumalungat siya’t nagrebelde.

Hanggang sa ipinako si Jesus sa krus,

at namulat si Pedro’t nabagabag.

Sa wakas ‘di na niya papayagan maling kaisipan.

Matapos sumailalim sa gawain ng Diyos,

nakamtan niya paghiwatig at pang-unawa,

naunawaan prinsipyo ng serbisyo,

at lubusang naging matapat

sa ipinagkatiwala ni Jesus.

Ang dahilan na siya’y huwaran

ay dahil siya ang pinaka-nagdusa,

matagumpay ang kanyang naranasan.

Kaya kung lalakarin mo ang landas sa gayong paraan,

walang nilikha ang makaaagaw sa iyong mga pagpapala,

walang nilikha na makaaagaw sa iyong mga pagpapala.


Alam na alam ni Pedro ang kalagayan niya,

at alam na alam niya ang kabanalan ng Panginoon,

kaya dahil sa lahat ng kaalaman ni Pedro,

puso niyang mapagmahal sa Panginoon ay lumago,

at sa kanyang buhay ay mas nagtuon.

Dahil dito’y dumanas siya ng mga hirap.

Tila maysakit siya minsan,

at tila nasa pinto na siya ng kamatayan.

Maraming beses na dinadalisay,

mas naunawaan niya ang kanyang sarili,

nagkakaroon ng tunay na pagmamahal sa Panginoon.

Buhay niya’y sumailalim sa pagdadalisay,

at ginugol ito sa pagkastigo.

Ang karanasan niya’y kakaiba,

daig ng pagmamahal niya ang ‘di naperpekto.

Ang dahilan na siya’y huwaran

ay dahil siya ang pinaka-nagdusa,

matagumpay ang kanyang naranasan.

Kaya kung lalakarin mo ang landas sa gayong paraan,

walang nilikha ang makaaagaw sa iyong mga pagpapala,

walang nilikha na makaaagaw sa iyong mga pagpapala.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Tahakin ang Huling Bahagi ng Landas

Sinundan: 776 Pinanghawakan ni Pedro ang Tunay na Pananampalataya at Pag-ibig

Sumunod: 778 Dapat Hangarin ng mga Tao na Mabuhay Nang Makabuluhan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito