Kabanata 89

Hindi madali na gawin ang lahat ng bagay nang nakaayon sa Aking mga layunin. Wala itong kinalaman sa pagpilit sa iyong sarili na magkunwari; sa halip, nakasalalay ito kung pinagkalooban kita ng Aking mga katangian bago ang Aking paglikha ng mundo. Ang lahat ng ito ay nakasalalay sa Akin. Hindi ito mga bagay na magagawa ng mga tao. Mamahalin Ko kung sino ang nais Kong mahalin, at tiyak na panganay na anak ang sinumang sinasabi Kong panganay na anak. Iyan ay talagang tama! Maaaring gustuhin mong magkunwari, pero walang saysay ang paggawa nito! Iniisip mo bang hindi kita nakikilala ayon sa kung ano ka? Sapat na ba para sa iyo na magpakita lamang ng ilang mabubuting pag-uugali habang nasa harapan Ko? Ganoon ba ito kasimple? Hinding-hindi ito ganoon; dapat na nasa iyo ang Aking pangako, at kailangang nasa iyo ang Aking paunang pagtatalaga. Iniisip mo ba na hindi Ko alam ang ginagawa mo sa likod Ko? Talipandas ka! Magmadali kang bumalik sa lawa ng apoy at asupre sa sandaling matapos ang iyong serbisyo sa Akin! Nasusuklam Ako; puno Ako ng pagkamuhi sa pagtingin sa iyo. Ang lahat ng nagseserbisyo sa Akin, ang lahat ng hindi tapat na gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin, ang lahat ng namumuhay ng masama at walang pagpipigil, at ang lahat ng hindi makaunawa ng Aking mga layunin, pagkatapos ng iyong pagseserbisyo, magmadali at lumayas sa harapan Ko! Kung hindi, patatalsikin kita! Hindi maaaring manatili ang mga taong ito sa Aking sambahayan (ibig sabihin, ang iglesia) nang isa pang saglit. Dapat silang lumabas dito upang hindi magdala ng kahihiyan sa Aking pangalan at sirain ang Aking reputasyon. Ang lahat ng mga taong ito ay inapo ng malaking pulang dragon; ipinadala sila ng malaking pulang dragon para gambalain ang Aking pamamahala. Nagpapakadalubhasa sila sa pandaraya upang gambalin ang Aking gawain. Anak Ko! Dapat ay nakikita mo ito! Huwag makisama sa mga taong tulad nito. Kapag nakikita mo ang mga ganitong uri ng mga tao, kaagad na lumayo mula sa kanila upang maiwasang masilo sa kanilang mga patibong; na magdudulot ng pinsala sa iyong buhay! Pinakakinasusuklaman Ko yaong mga taong nagsasalita nang walang-ingat, na kumikilos nang hindi nag-iisip, na nagpapatawa at tumatawa, na nakikisali sa walang kabuluhang huntahan. Hindi Ko nais ang sinuman sa mga taong iyon; silang lahat ay kauri ni Satanas! Nanunukso nang walang anumang dahilan. Ano ang mga nilalang na ito? Nagsasalita sila nang walang katuturan at nanggugulo. Hindi pa rin ba sila nakadarama ng kahihiyan? Sa katunayan, ang ganitong uri ng tao ang pinakamababa ang halaga, at matagal Ko na silang nakilatis at pinabayaan. Kung hindi ko ito ginawa, bakit sila paulit-ulit na nagsasalita nang walang katuturan nang hindi napapasailalim sa Aking pagdisiplina? Talagang mga inapo sila ng malaking pulang dragon! Ngayon, nasimulan Ko nang isa-isang alisin ang mga bagay na ito. Magagamit Ko ba ang mga inapo ni Satanas bilang Aking mga panganay na anak, bilang Aking mga anak at Aking mga tao? Kung gayon hindi ba Ako maguguluhan? Tiyak na hindi Ko gagawin iyan. Malinaw ba ninyong nauunawaan ito?

Ang lahat ng kinakaharap ninyo ngayon, mabuti man o masama, ay isinaayos na lahat ng Aking marurunong na kamay; ang lahat ay pinamamahalaan Ko at kontrolado Ko. Tiyak na ito ay isang bagay na hindi kaagad magagawa ng sangkatauhan. Ang ilang tao ay namamawis pa rin ang mga palad sa pag-aalala tungkol sa Akin; ngunit hindi nila talaga kailangang mag-alala! Pinababayaan nila ang kanilang pangunahing tungkulin, at hindi hinahangad na pumasok sa espiritu, pero humihiling pa rin sila ng paglago sa buhay. Umaasa sila nang walang saysay! Hindi sila nababalisa nang kahit kaunti, pero gusto pa rin nilang isagawa ang Aking mga layunin! Nag-aalala kayo sa ngalan Ko, pero hindi Ako nag-aalala. Ano ang inaalala mo? Wala ang iyong puso sa iyong gawain para sa Akin, tahasan kang nagsisinungaling. Sinasabi Ko sa iyo! Itataboy Ko ang mga taong tulad mo mula sa Aking sambahayan mula ngayon. Hindi karapat-dapat na maglingkod sa Akin sa Aking sambahayanan ang ganitong mga tao. Kinamumuhian Ko sila dahil nilalapastangan nila Ako sa kanilang mga ginagawa. Nang sinabi na “ang paglapastangan laban sa Akin ay isang di-mapapatawad na kasalanan,” sino ang tinutukoy dito? Malinaw ba sa inyo ito? Naniniwala ang ganitong uri ng tao na hindi pa malubha ang suliranin, kahit na nagawa na niya ang kasalanang ito. Talagang ang nalilitong taong ito ay bulag at mangmang, at walang espirituwal na pang-unawa! Patatalsikin kita! (Dahil ito ang pagtukso ni Satanas sa Akin, kinamumuhian Ko ito nang labis, at ang paksang ito ay paulit-ulit nang nabanggit, ginagalit Ako sa bawat pagkakataon. Hindi Ko mapigilan ang aking galit, at walang makakapigil nito. Hindi pa dumarating ang panahon, kung hindi ganito ay matagal Ko nang napanagot ang taong iyon!) (Tungkol ito sa katunayan na sa kasalukuyan maraming tao ang hindi pa rin naniniwala na gustong magsiksikan sa China ng mga dayuhan; kahit ngayon ay hindi pa rin sila naniniwala, at ito ang dahilan kung bakit ang Aking poot ay nag-aalimpuyo at kumukulo.)

Sa Aking sambahayan, ano ang eksaktong uri ng tao na naghahangad ng Aking puso? Ibig sabihin, bago ang paglikha, anong uri ng mga tao and paunang itinalaga Ko na mabuhay nang walang hanggan sa Aking sambahayan? Alam ba ninyo? Naisaalang-alang na ba ninyo kung anong uri ng mga tao ang minamahal Ko at kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian Ko? Para sa mga taong may isip na katulad Ko ang Aking sambahayan, at nakikibahagi sa masasayang panahon at mga paghihirap Ko—sa madaling salita, mga taong nakikibahagi kapwa sa mga pagpapala at paghihirap. Ang mga taong ito ay kayang mahalin lahat ang mahal Ko at kamuhian ang kinamumuhian Ko. Matatalikuran nila kung ano ang kinasusuklaman Ko. Kung sinasabi Ko na hindi sila makakakain, handa silang hayaang walang laman ang kanilang mga tiyan para maisagawa ang Aking mga layunin. Ang ganitong uri ng tao ay handang manatiling tapat sa Akin, at igugol ang kanyang sarili para sa Akin, at kayang magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking maiingat na pagsisikap, palaging nagpapagal para sa Aking kapakanan. Kaya nga, sa ganitong mga tao ay ibinibigay Ko ang katayuan ng panganay na mga anak, ibinibigay ang lahat ng mayroon Ako sa kanila: mayroon Akong kakayahan na pamunuan ang lahat ng iglesia, at ipinagkakaloob Ko ito sa kanila; mayroon Akong karunungan, at ipinagkakaloob Ko rin ito sa kanila; makapagdurusa Ako para sa pagsasagawa ng katotohanan, at ibibigay Ko rin ang determinasyon sa mga taong ito, na binibigyang-kakayahan sila na pagdusahan ang lahat ng bagay para sa kapakanan Ko; mayroon Akong mabubuting katangian at ibibigay Ko rin ang mga ito sa kanila, na ginagawa silang ganap na katulad Ko, wala ni katiting na pagkakaiba, upang makita Ako ng iba kapag nakikita nila ang mga taong ito. Ngayon, inilalagay Ko ang Aking ganap na pagka-Diyos sa loob ng mga taong ito upang bigyan sila ng kakayahang isabuhay ang isang aspeto ng Aking ganap na pagka-Diyos, upang maaari nila Akong lubos na maipamalas; ito ang Aking layunin. Huwag hangaring maging tulad Ko sa mga panlabas na bagay (ang kumain nang kapareho Ko, magsuot ng kapareho ng damit Ko); walang silbi ang lahat ng ito, at sisirain lang ninyo ang sarili ninyo kapag hinangad ninyo ang mga bagay na tulad nito. Dahil ang mga naghahangad na gayahin Ako sa panlabas ay mga alagad ni Satanas, at isang pakana ni Satanas ang ganitong uri ng pagsisikap; nagpapakita ito ng ambisyon ni Satanas. Hinahangad mo na maging katulad Ko, pero karapat-dapat ka ba? Yuyurakan kita hanggang kamatayan! Palaging nagaganap ang Aking gawain, lumalaganap sa bawat bansa sa buong mundo. Kaagad kayong sumunod sa Aking mga yapak!

Sinundan: Kabanata 88

Sumunod: Kabanata 90

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito