Kabanata 8

Mula pa noong panahong ang Makapangyarihang Diyos—ang Hari ng kaharian—ay nasaksihan, ang saklaw ng pamamahala ng Diyos ay ganap nang nabunyag sa buong sansinukob. Hindi lamang sa Tsina nasaksihan ang pagpapakita ng Diyos, kundi nasaksihan ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa lahat ng bansa at lahat ng lugar. Silang lahat ay tumatawag sa banal na pangalang ito, naghahangad na makisalamuha sa Diyos sa anumang posibleng paraan, inuunawa ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos at nagkakaisang naglilingkod sa Kanya sa loob ng iglesia. Ganito ang kahanga-hangang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu.

Ang mga wika ng iba’t ibang bansa ay magkakaiba, ngunit iisa lamang ang Espiritu. Pinagsasama ng Espiritung ito ang mga iglesia sa buong sansinukob at lubos na kaisa sa Diyos, nang walang kahit kaunting pagkakaiba. Ito ay isang bagay na hindi mapagdududahan. Tinatawag na sila ngayon ng Banal na Espiritu at ginigising sila ng Kanyang tinig. Ito ang tinig ng habag ng Diyos. Tumatawag silang lahat sa banal na pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Nagpupuri rin sila at umaawit. Hindi kailanman maaaring magkaroon ng anumang paglihis sa gawain ng Banal na Espiritu; gagawin ng mga taong ito ang lahat upang sumulong sa tamang landas, hindi sila umuurong—nagpapatung-patong ang mga kababalaghan. Ito ay isang bagay na mahirap isipin at imposibleng alamin ng mga tao.

Ang Makapangyarihang Diyos ang Hari ng buhay sa sansinukob! Nakaupo Siya sa maluwalhating trono at hinahatulan ang sanlibutan, nangingibabaw sa lahat, at pinaghaharian ang lahat ng bansa; lumuluhod ang lahat ng lahi sa Kanya, nananalangin sa Kanya, lumalapit sa Kanya at nakikipag-usap sa Kanya. Gaano katagal man kayong naniniwala sa Diyos, gaano man kataas ang inyong katayuan o gaano man kalayo ang agwat ng inyong paglilingkod, kung sumasalungat kayo sa Diyos sa inyong mga puso, kailangan kayong hatulan at kailangan kayong magpatirapa sa harapan Niya, nang dumaraing ng masakit na pagsusumamo; ito talaga ang pag-aani ng mga bunga ng inyong sariling mga gawa. Ang tunog ng pagtangis na ito ang tunog ng pinapahirapan sa lawa ng apoy at asupre, at ito ang iyak ng kinakastigo ng bakal na pamalo ng Diyos; ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.

May mga taong natatakot, ang ilan ay inuusig ng konsensya, ang ilan ay gising, ang ilan ay sinisigurong nakikinig nang mabuti, ang ilan ay nagsisisi at nagsisimulang muli, nakakadama ng labis na pagkakonsensya, ang ilan ay mapait na tumatangis sa sakit, ang ilan ay isinusuko ang lahat at desperadong naghahanap, ang ilang tao ay sinusuri ang kanilang mga sarili at hindi na nangangahas kumilos nang marahas, ang ilan ay naghahangad na agad mapalapit sa Diyos, ang ilan ay sinusuri ang kanilang mga sariling konsensya, nagtatanong kung bakit hindi nagagawang umunlad ng kanilang mga buhay. Ang ilan ay nananatili sa kaguluhan, ang ilan ay kinakalagan ang kanilang mga paa at matapang na sumusulong, mahigpit na hinahawakan ang susi at hindi nag-aaksaya ng oras na asikasuhin ang kanilang mga buhay. Ang ilan ay nag-aatubili pa rin at naguguluhan tungkol sa mga pangitain—tunay na mabigat ang pasanin na kanilang tinitiis at dinadala sa kanilang mga puso.

Kung hindi malinaw ang iyong isip, walang paraan ang Banal na Espiritu upang kumilos sa loob mo. Ang lahat ng pinagtutuunan mo ng pansin, ang paraan ng iyong paglalakad at lahat ng hinahangad ng iyong puso ay puno ng iyong mga kuru-kuro at ng iyong pagmamagaling! Inip na inip na ako—sana ay puwede Ko na agad gawing ganap kayong lahat upang sa madaling panahon kayo ay magawang karapat-dapat na magamit Ko, at nang gumaan ang Aking mabigat na pasanin. Ngunit sa pagtingin sa inyo, nakikita Kong hindi makatwiran na maghangad ng agarang resulta. Maaari lamang Akong matiyagang maghintay, dahan-dahang maglakad at dahan-dahang tumulong at umakay sa inyo. Ah, dapat ninyong linawin ang inyong mga isip! Ano ang dapat mong talikuran, ano ang iyong mga kayamanan, ano ang iyong mga nakamamatay na kahinaan, ano ang mga hadlang sa iyo? Pagnilay-nilayan mo pa ang mga katanungang ito sa iyong espiritu at makisalamuha sa Akin. Ang nais Ko ay tahimik Akong tingalain ng inyong mga puso; hindi ko gusto ang inyong papuri na sa salita lamang. Sa inyo na tunay na naghahanap sa harapan Ko, ihahayag Ko ang lahat sa iyo. Bumibilis ang Aking hakbang; hangga’t tinitingala Ako ng iyong puso at sumusunod ka sa lahat ng oras, anumang oras ay maibibigay sa iyo ang Aking kalooban sa pamamagitan ng inspirasyon at mahahayag sa iyo. Yaong mga sinisiguradong maghihintay ay magkakamit ng panustos at magkakaroon ng landas na pasulong. Yaong mga walang-pakundangan ay mahihirapang maunawaan ang Aking puso, at sila ay lalakad sa isang daang walang labasan.

Nais Kong lahat kayo ay mabilis na bumangon at makipagtulungan sa Akin, at maging malapit sa Akin sa lahat ng oras, hindi lamang sa isang araw at isang gabi. Kailangan ay palagi kayong nahahatak at nahihikayat ng Aking kamay, naitutulak kayo pasulong, nahihimok kayong magpatuloy at napakikiusapan kayong sumulong! Hindi lamang ninyo nauunawaan ang Aking kalooban. Masyadong matindi ang mga pagsagabal ng inyong sariling mga kuru-kuro at ang mga pagsagabal ng mga pagkakasangkot sa mundo, at hindi ninyo magawang magkaroon ng mas malalim na pakikipaglapit sa Akin. Sa totoo lang, lumalapit kayo sa Akin kapag mayroon kayong problema, ngunit kapag wala kayong problema, nagugulumihanan ang inyong mga puso. Ang inyong mga puso ay nagiging tulad ng isang malayang pamilihan, at puno ng mga satanikong disposisyon; puno ang mga iyon ng mga makamundong bagay at hindi ninyo alam kung paano makisalamuha sa Akin. Paanong hindi Ako mababagabag tungkol sa inyo? Ngunit hindi makatwirang mabagabag. Ang oras ay napakaikli at ang gawain ay napakahirap. Ang Aking mga hakbang ay tuluy-tuloy na lumilipad; kailangan ninyong panghawakang mahigpit ang lahat ng mayroon kayo, tingalain ninyo Ako sa bawat sandali, at makisalamuha nang malapitan sa Akin. Kung magkagayon, anumang sandali ay tiyak na mahahayag sa iyo ang Aking kalooban. Kapag inyong naunawaan ang Aking puso, magkakaroon kayo ng daang pasulong. Hindi na kayo dapat mag-atubili. Magkaroon kayo ng tunay na pakikisalamuha sa Akin, at huwag kayong gumamit ng pandaraya o subukang labis na magpakatalino; dadayain lamang ninyo ang inyong mga sarili at anumang sandali ay mabubunyag kayo sa harapan ng luklukan ni Cristo. Ang tunay na ginto ay hindi natatakot na subukin sa apoy—ito ang katotohanan! Huwag mag-atubili, at huwag kang masiraan ng loob o maging mahina. Lalo kang diretsahang makisalamuha sa Akin sa iyong espiritu, matiyagang maghintay, at tiyak na maghahayag Ako sa iyo sa Aking panahon. Talagang dapat kang mag-ingat at huwag mong hayaang masayang sa iyo ang Aking pagsisikap; huwag kang mag-aksaya ng kahit isang sandali. Kapag ang iyong puso ay patuloy na nakikisalamuha sa Akin, kapag ang iyong puso ay patuloy na nananahan sa harap Ko, walang tao, walang pangyayari, walang bagay, walang asawa, walang anak na lalaki o babae, ang makagagambala sa iyong pakikisalamuha sa Akin sa loob ng iyong puso. Kapag ang iyong puso ay palaging pinaghihigpitan ng Banal na Espiritu at kapag nakikisalamuha ka sa Akin sa bawat sandali, ang Aking kalooban ay tiyak na mahahayag sa iyo. Kapag palagi kang lumalapit sa Akin sa paraang ito, anuman ang nasa iyong mga paligid o ano mang tao, pangyayari o bagay ang iyong makaharap, hindi ka maguguluhan, kundi magkakaroon ka ng landas na pasulong.

Kung, sa pangkaraniwan, wala kang pinapalagpas na anumang bagay maging malaki man o maliit, kung ang bawat iniisip mo o ideya ay dinadalisay, at kung ikaw ay tahimik sa iyong espiritu, tuwing makakaharap ka ng problema, ang Aking mga salita ay kaagad magiging inspirasyon sa loob mo, gaya ng isang maliwanag na salamin para suriin mo ang iyong sarili, at magkakaroon ka ng landas na pasulong. Tinatawag ito na pag-angkop ng gamot sa karamdaman! At tiyak na gagaling ang sakit—ganito ang pagiging makapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Tiyak na tatanglawan at liliwanagan Ko ang lahat ng nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at naghahanap nang taos-puso. Ipapamalas Ko sa inyong lahat ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo at ang landas na pasulong, ipawawaksi Ko sa inyo ang inyong mga dating tiwaling disposisyon sa lalong madaling panahon, upang makamit ninyo ang kahustuhan ng buhay at maging karapat-dapat na magamit Ko, at upang sa madaling panahon ay makapagpatuloy ang gawain ng ebanghelyo nang walang sagabal. Saka lamang masisiyahan ang Aking kalooban, saka lamang matutupad ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos sa pinakamaikling panahon. Makakamit ng Diyos ang kaharian at bababa sa lupa, at sama-sama tayong papasok sa kaluwalhatian!

Sinundan: Kabanata 7

Sumunod: Kabanata 9

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito