N. Tungkol sa Paano Hangarin ang Pagbabago ng Disposisyon at Pagpeperpekto ng Diyos

504. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay nakakamit sa pamamagitan ng maraming iba’t ibang uri ng gawain ng Diyos; kung wala ang gayong mga pagbabago sa kanyang disposisyon, hindi magagawa ng tao na magpatotoo sa Diyos at umaayon sa mga layunin ng Diyos. Ang pagbabago ng disposisyon ng tao ay tanda na napalaya na ng tao ang kanyang sarili mula sa pagkaalipin kay Satanas at mula sa impluwensya ng kadiliman, at tunay nang naging isang huwaran at uliran ng gawain ng Diyos, isang saksi ng Diyos, at isang taong umaayon sa mga layunin ng Diyos. Ngayon, naparito ang Diyos na nagkatawang-tao upang gawin ang Kanyang gawain sa lupa, at hinihiling Niya sa tao na magkamit ng pagkakilala sa Kanya, magpasakop sa Kanya, at patotoo sa Kanya—kailangan nilang malaman ang Kanyang praktikal at normal na gawain, magpasakop sa lahat ng Kanyang salita at gawain na hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, at kailangan nilang magpatotoo sa lahat ng gawaing Kanyang ginagawa upang iligtas ang tao, pati na ang lahat ng gawang isinasakatuparan Niya upang lupigin ang tao. Yaong mga nagpapatotoo sa Diyos ay kailangang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos; ang ganitong uri lamang ng patotoo ang tumpak at praktikal, at ang ganitong uri lamang ng patotoo ang maaaring magbigay-kahihiyan kay Satanas. Ginagamit ng Diyos ang mga taong nakakilala na sa Kanya sa pamamagitan ng pagdaan sa Kanyang paghatol, pagkastigo, at pagpupungos, upang magpatotoo sa Kanya. Ginagamit Niya yaong mga nagawang tiwali ni Satanas upang magpatotoo sa Kanya, at ginagamit din Niya yaong ang mga disposisyon ay nagbago na, at sa gayon ay nagkamit na ng Kanyang mga pagpapala, upang magpatotoo sa Kanya. Hindi Niya kailangang purihin Siya ng tao sa salita lamang, ni hindi rin Niya kailangan ang papuri at patotoo ng kauri ni Satanas, na hindi Niya nailigtas. Yaon lamang mga nakakakilala sa Diyos ang karapat-dapat na magpatotoo sa Kanya, at yaon lamang mga nabago na ang kanilang disposisyon ang karapat-dapat na magpatotoo sa Kanya. Hindi papayagan ng Diyos ang tao na sadyang magdala ng kahihiyan sa Kanyang pangalan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos

505. Hindi mababago ng mga tao ang sarili nilang disposisyon; kailangan silang dumaan sa paghatol at pagkastigo, at sa pagdurusa at pagpipino, ng mga salita ng Diyos, o sa pagdidisiplina at pagpupungos ng Kanyang mga salita. Pagkatapos noon, saka lamang sila magiging mapagpasakop at matapat sa Diyos, at hindi na maging pabasta-basta sa pakikitungo sa Kanya. Sa ilalim ng pagpipino ng mga salita ng Diyos nagbabago ang disposisyon ng mga tao. Sa pamamagitan lamang ng paglalantad, paghatol, pagdidisiplina, at pagpupungos ng Kanyang mga salita sila hindi na mangangahas na kumilos nang walang pakundangan kundi sa halip ay magiging matatag at mahinahon sila. Ang pinakamahalagang punto ay na nagagawa nilang magpasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos, at sa Kanyang gawain, kahit hindi ito nakaayon sa mga kuru-kuro ng tao, nagagawa nilang isantabi ang mga kuru-kurong ito at maluwag sa loob na magpasakop. Noong araw, ang usapan tungkol sa mga pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumukoy lamang sa paghihimagsik laban sa sarili, pagpapahintulot na magdusa ang laman, pagdidisiplina sa katawan ng isang tao, at pag-aalis sa sarili ng mga makalamang kagustuhan—na isang uri ng pagbabago sa disposisyon. Ngayon, alam ng lahat na ang tunay na pagpapakita ng pagbabago sa disposisyon ay pagpapasakop sa kasalukuyang mga salita ng Diyos at tunay na pagkaalam sa Kanyang bagong gawain. Sa ganitong paraan, maaaring mapawi ang dating pagkaunawa ng mga tao tungkol sa Diyos, na nakulayan ng sarili nilang mga kuru-kuro, at makapagtatamo sila ng tunay na kaalaman at pagpapasakop sa Diyos—ito lamang ang tunay na pagpapahayag ng isang pagbabago sa disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

506. Nagsisimula ang pagbabago ng disposisyon ng tao sa kaalaman ng kanyang diwa at sa pamamagitan ng mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kalikasan, at pangkaisipang pananaw—sa pamamagitan ng mga pangunahing pagbabago. Sa ganitong paraan lamang makakamtan ang mga tunay na pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang pinag-ugatan ng mga tiwaling disposisyon na lumilitaw sa tao ay ang panlilihis, katiwalian, at lason ni Satanas. Ang tao ay iginagapos at kinokontrol ni Satanas, at dinaranas niya ang napakalaking pinsalang idinulot ni Satanas sa kanyang pag-iisip, moralidad, kabatiran, at katwiran. Sumasalungat ang tao sa Diyos at hindi matanggap ang katotohanan dahil mismo nagawa nang tiwali ni Satanas ang mga pangunahing bagay ng tao, at lubhang hindi na katulad ng orihinal na pagkakalikha ng Diyos sa kanila. Sa gayon, dapat magsimula ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao sa mga pagbabago sa kanyang pag-iisip, kabatiran, at katwiran na siyang magbabago ng kanyang pagkakilala sa Diyos at kanyang pagkakilala sa katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hindi Pagbabago ng Disposisyon ay Pakikipag-alitan sa Diyos

507. Sa kanyang buhay, kung nais ng tao na malinis at makamtan ang mga pagbabago sa kanyang disposisyon, kung nais niya na isabuhay ang isang makabuluhang buhay, at tuparin ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha, kung gayon dapat niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, at hindi dapat hayaan ang pagdisiplina ng Diyos at pagpalo ng Diyos na lumisan mula sa kanya, upang maaari niyang mapalaya ang kanyang sarili mula sa pagmamanipula at impluwensiya ni Satanas, at mamuhay sa liwanag ng Diyos. Kilalanin mo na ang pagkastigo at paghatol ng Diyos ay ang liwanag, at ang liwanag ng kaligtasan ng tao, at na walang higit na mabuting pagpapala para sa tao, at walang mas dakilang biyaya o mas mahusay na proteksyon. Ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, at umiiral sa laman; kung hindi siya nalilinis at hindi nakatatanggap ng proteksyon ng Diyos, kung gayon ang tao ay lalong magiging higit na masama. Kung nais niyang ibigin ang Diyos, kung gayon dapat siyang malinis at maligtas. Nanalangin si Pedro, “Diyos ko, kapag pinakikitunguhan Mo ako nang may-kabaitan ay nalulugod ako, at nagiginhawahan; kapag kinakastigo Mo ako, nakadarama ako ng higit pang kaginhawahan at kagalakan. Bagaman ako ay mahina, at nagbabata ng di-mabigkas na pagdurusa, bagaman mayroong mga luha at kalungkutan, batid Mo na ang kalungkutang ito ay dahil sa aking paghihimagsik, at dahil sa aking kahinaan. Tumatangis ako dahil hindi ko natutugunan ang Iyong mga layunin, nalulungkot ako at nanghihinayang dahil hindi ako sapat para sa Iyong mga hinihingi, ngunit handa akong makamit ang antas na ito, handa akong gawin ang lahat ng kaya ko upang Ikaw ay matugunan. Ang Iyong pagkastigo ay nagdala sa akin ng proteksyon, at nakapagbigay sa akin ng pinakamabuting kaligtasan; ang Iyong paghatol ay higit sa Iyong pagpaparaya at pagtitiis. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, hindi ko matatamasa ang Iyong awa at mapagmahal na kabaitan. Ngayon, lalo kong nakikita na ang Iyong pag-ibig ay nakalampas sa mga kalangitan at hinigitan ang lahat ng iba pang bagay. Ang Iyong pag-ibig ay hindi lamang awa at mapagmahal na kabaitan; higit pa riyan, ito ay pagkastigo at paghatol. Napakarami kong nakamit mula sa Iyong pagkastigo at paghatol. Kung wala ang Iyong pagkastigo at paghatol, walang isa mang taong malilinis, at walang isa mang taong makararanas ng pag-ibig ng Lumikha.”

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

508. Kung nais mong maperpekto, kailangan ka munang paboran ng Diyos, sapagkat pineperpekto Niya yaong mga pinapaboran Niya at nakaaayon sa Kanyang mga layuninn. Kung nais mong umayon sa mga layunin ng Diyos, kailangan mong magkaroon ng pusong nagpapasakop sa Kanyang gawain, kailangan mong sikaping hangarin ang katotohanan, at kailangan mong tanggapin ang masusing pagsusuri ng Diyos sa lahat ng bagay. Sumailalim na ba ang lahat ng ginagawa mo sa masusing pagsusuri ng Diyos? Tama ba ang iyong intensyon? Kung tama ang iyong intensyon, pupurihin ka ng Diyos; kung mali ang iyong intensyon, ipinapakita nito na ang minamahal ng puso mo ay hindi ang Diyos, kundi ang laman at si Satanas. Kung gayon, kailangan mong gamitin ang panalangin bilang isang paraan upang tanggapin ang pagsisiyasat ng Diyos sa lahat ng bagay. Kapag nagdarasal ka, bagamat hindi Ako personal na nakatayo sa iyong harapan, sumasaiyo ang Banal na Espiritu, at nagdarasal ka kapwa sa Akin Mismo at sa Espiritu ng Diyos. Bakit ka naniniwala sa katawang-taong ito? Naniniwala ka dahil taglay Niya ang Espiritu ng Diyos. Maniniwala ka ba sa taong ito kung wala sa Kanya ang Espiritu ng Diyos? Kapag naniniwala ka sa taong ito, naniniwala ka sa Espiritu ng Diyos. Kapag natatakot ka sa taong ito, natatakot ka sa Espiritu ng Diyos. Ang pananampalataya sa Espiritu ng Diyos ay pananampalataya sa taong ito, at ang pananampalataya sa taong ito ay pananampalataya rin sa Espiritu ng Diyos. Kapag nagdarasal ka, nadarama mong sumasaiyo ang Espiritu ng Diyos at na ang Diyos ay nasa iyong harapan, at sa gayon ay nagdarasal ka sa Kanyang Espiritu. Sa panahong ito, karamihan sa mga tao ay masyadong takot na dalhin ang kanilang mga kilos sa harap ng Diyos; bagama’t maaari mong linlangin ang Kanyang katawang-tao, hindi mo malilinlang ang Kanyang Espiritu. Anumang bagay na hindi makayanan ang pagsisiyasat ng Diyos ay hindi nakaayon sa katotohanan, at nararapat na isantabi; kung hindi ay nagkakasala ka sa Diyos. Kaya, kailangan mong ilatag ang iyong puso sa harap ng Diyos sa lahat ng oras, kapag nagdarasal ka, kapag nagsasalita at nagbabahagi ka sa iyong mga kapatid, at kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin at ginagawa ang iyong gawain. Kapag ginampanan mo ang iyong tungkulin, sumasaiyo ang Diyos, at hangga’t tama ang iyong intensyon at iyon ay para sa gawain ng sambahayan ng Diyos, tatanggapin Niya ang lahat ng ginagawa mo; dapat mong buong taimtim na ialay ang iyong sarili sa pagganap sa iyong tungkulin. Kapag nagdarasal ka, kung mayroon kang mapagmahal-sa-Diyos na puso, at hangad mo ang malasakit, pangangalaga at pagsisiyasat ng Diyos, kung ang mga bagay na ito ang iyong hangarin, magiging epektibo ang iyong mga dalangin. Halimbawa, kapag nagdarasal ka sa mga pulong, kung bubuksan mo ang iyong puso at magdarasal ka sa Diyos at sasabihin mo sa Kanya kung ano ang nasa puso mo nang hindi ka nagsisinungaling, siguradong magiging epektibo ang iyong mga dalangin. Kung mayroon kang maalab na mapagmahal-sa-Diyos na puso, manumpa ka sa Diyos: “Diyos ko, na nasa kalangitan at sa lupa at sa lahat ng bagay, isinusumpa ko sa Iyo: Nawa’y suriin ng Iyong Espiritu ang lahat ng ginagawa ko at protektahan at pangalagaan ako sa lahat ng oras, at gawing posible na lahat ng ginagawa ko ay tumayo sa Iyong presensya. Kung sakaling tumigil ang puso ko sa pagmamahal sa Iyo o pagtaksilan Ka nito, kastiguhin at isumpa Mo ako nang matindi. Huwag Mo akong patawarin sa mundong ito o kahit sa susunod!” Nangangahas ka bang manumpa nang gayon? Kung hindi, ipinapakita nito na ikaw ay kimi, at na mahal mo pa rin ang iyong sarili. May ganito ba kayong pagpapasya? Kung ito talaga ang inyong pagpapasya, dapat ninyong gawin ang panunumpang ito. Kung may pagpapasya kang gawin ang gayong panunumpa, tutuparin ng Diyos ang iyong pagpapasya. Kapag nanunumpa ka sa Diyos, nakikinig Siya. Tinutukoy ng Diyos kung ikaw ay makasalanan o matuwid sa pamamagitan ng iyong panalangin at iyong pagsasagawa. Ito ngayon ang proseso ng pagperpekto sa inyo, at kung talagang may pananalig ka na magagawang perpekto, dadalhin mo ang lahat ng iyong ginagawa sa harap ng Diyos at tatanggapin ang Kanyang masusing pagsusuri; kung gagawa ka ng isang bagay na labis na mapanghimagsik o kung pagtataksilan mo ang Diyos, gagawin Niyang magkatotoo ang iyong panunumpa, at sa gayon anuman ang mangyari sa iyo, mapahamak ka man o makastigo, kagagawan mo mismo ito. Ikaw ang nanumpa, kaya dapat mong tuparin ito. Kung ikaw ay nanumpa, ngunit hindi mo ito tinupad, mapapahamak ka. Yamang ikaw ang nanumpa, tutuparin ng Diyos ang iyong panunumpa. Natatakot ang ilan pagkatapos nilang manalangin, at dumaraing, “Tapos na ang lahat! Wala na ang pagkakataon ko sa kahalayan; wala na ang pagkakataon kong gumawa ng masasamang bagay; wala na ang pagkakataon kong magpakalulong sa aking mga makamundong pagnanasa!” Gustung-gusto pa rin ng mga taong ito na maging makamundo at magkasala, at tiyak na mapapahamak ang kanilang kaluluwa.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pineperpekto ng Diyos ang mga Nakaaayon sa Kanyang mga Layunin

509. Mayroong isang patakaran sa pagperpekto ng Diyos sa mga tao, na kung saan nililiwanagan ka Niya sa pamamagitan ng paggamit ng isang kanais-nais na bahagi mo upang magkaroon ka ng landas ng pagsasagawa at maihihiwalay mo ang sarili mo mula sa lahat ng negatibong kalagayan, na tumutulong sa iyong mapalaya ang iyong espiritu, at ginagawa kang mas kayang mahalin Siya. Sa ganitong paraan, magagawa mong iwaksi ang tiwaling disposisyon ni Satanas. Hindi ka maarte at bukas ka, handang kilalanin ang sarili mo at isagawa ang katotohanan. Tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, kaya kapag ikaw ay mahina at negatibo, nililiwanagan ka Niya nang doble, tinutulungan kang mas makilala ang sarili mo, maging mas handang magsisi para sa sarili mo, at mas maisasagawa ang mga bagay na dapat mong isagawa. Sa ganitong paraan lamang magiging payapa at maginhawa ang iyong puso. Ang isang taong karaniwang nakatuon sa pagkilala sa Diyos, na nakatuon sa pagkilala sa kanyang sarili, na nakatuon sa kanyang sariling pagsasagawa, ay madalas na makatatanggap ng gawain ng Diyos, maging ng Kanyang patnubay at kaliwanagan. Kahit negatibo ang kalagayan ng taong iyon, nagagawa niyang baligtarin kaagad ang sitwasyon, maging dulot man ito ng epekto ng konsensiya o ng kaliwanagan mula sa salita ng Diyos. Ang pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay palaging natatamo kapag nalalaman niya ang kanyang sariling tunay na kalagayan at ang disposisyon at gawain ng Diyos. Ang isang taong handang kilalanin ang kanyang sarili at maging bukas ay makakayang isagawa ang katotohanan. Ang ganitong klaseng tao ay isang taong tapat sa Diyos, at ang isang taong matapat sa Diyos ay may pagkaunawa tungkol sa Diyos, malalim man o mababaw ang pagkaunawang ito, kakaunti o sagana. Ito ang katuwiran ng Diyos, at isang bagay ito na natatamo ng mga tao; sarili nilang pakinabang ito. Ang isang taong may kaalaman tungkol sa Diyos ay isa na may batayan, may pananaw. Ang ganitong klaseng tao ay nakatitiyak tungkol sa katawang-tao ng Diyos, at nakatitiyak tungkol sa salita at gawain ng Diyos. Paano man gumagawa o nagsasalita ang Diyos, o paano man nagsasanhi ng kaguluhan ang ibang mga tao, kaya niyang manindigan, at manindigan sa kanyang patotoo sa Diyos. Kapag lalong ganito ang isang tao, lalo niyang maisasagawa ang katotohanang kanyang nauunawaan. Dahil lagi niyang isinasagawa ang salita ng Diyos, lalo siyang nagtatamo ng kauunawaan sa Diyos, at matatag ang kanyang pasya na manindigan sa kanyang patotoo para sa Diyos magpakailanman.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

510. Sa paniniwala sa Diyos, kung nais ng mga tao na baguhin ang kanilang disposisyon, hindi nila dapat ihiwalay ang kanilang sarili mula sa tunay na pamumuhay. Sa tunay na pamumuhay, kailangan mong kilalanin ang iyong sarili, maghimagsik laban sa ang iyong sarili, isagawa ang katotohanan, at matutuhan din ang mga prinsipyo, sentido kumon, at mga panuntunan ng sariling pag-uugali sa lahat ng bagay bago mo makamit ang unti-unting pagbabago. Kung pagtutuunan mo lamang ang teoretikal na kaalaman at mabubuhay ka lamang sa mga relihiyosong seremonya nang hindi pumapasok nang husto sa realidad, nang hindi pumapasok sa tunay na pamumuhay, hindi mo kailanman mapapasok ang realidad, hindi mo kailanman makikilala ang iyong sarili, ang katotohanan, o ang Diyos, at magiging bulag at mangmang ka magpakailanman. Ang gawain ng pagliligtas ng Diyos sa mga tao ay hindi upang tulutan silang mamuhay nang normal pagkaraan ng maikling panahon, ni hindi para baguhin ang kanilang mga maling kuru-kuro at doktrina. Sa halip, ang Kanyang layunin ay baguhin ang dati nilang mga disposisyon, baguhin ang kabuuan ng dati nilang paraan ng pamumuhay, at baguhin ang lahat ng makalumang paraan ng kanilang pag-iisip at pananaw. Hindi mababago ng pagtutuon lamang sa buhay-iglesia ang mga dating gawi ng mga tao sa buhay o ang mga pamamaraan ng pamumuhay na nakasanayan nila sa mahabang panahon. Anuman ang mangyari, hindi dapat mahiwalay ang mga tao mula sa tunay na pamumuhay. Hinihiling ng Diyos na mamuhay nang normal bilang tao ang mga tao sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia; na isabuhay nila ang katotohanan sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia; at na tuparin nila ang kanilang mga tungkulin sa tunay na pamumuhay, hindi lamang sa buhay-iglesia. Upang makapasok sa realidad, kailangang ibaling ng isang tao ang lahat sa tunay na pamumuhay. Kung, sa paniniwala sa Diyos, hindi makilala ng mga tao ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagpasok sa tunay na pamumuhay, at kung hindi sila makapamuhay nang normal bilang tao sa tunay na pamumuhay, mabibigo sila. Ang mga naghihimagsik laban sa Diyos ay pawang mga taong hindi makakapasok sa tunay na pamumuhay. Silang lahat ay mga taong nagsasalita tungkol sa pagkatao, ngunit isinasabuhay ang likas na pagkatao ng mga demonyo. Silang lahat ay mga taong nagsasalita tungkol sa katotohanan, ngunit isinasabuhay naman ang mga doktrina. Ang mga hindi makayang isabuhay ang katotohanan sa tunay na pamumuhay ay ang mga naniniwala sa Diyos, ngunit itinatakwil Niya. Kailangan mong isagawa ang iyong pagpasok sa tunay na pamumuhay, alamin ang iyong mga kakulangan, paghihimagsik, at kamangmangan, at alamin ang iyong abnormal na pagkatao at mga kahinaan. Sa gayong paraan, ang iyong kaalaman ay maiuugnay sa iyong aktuwal na kalagayan at mga paghihirap. Ang ganitong klase lang ng kaalaman ang tunay at maaaring magtulot sa iyo na tunay na maunawaan ang iyong sariling kalagayan at makamit ang pagbabago sa disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagtalakay sa Buhay Iglesia at sa Tunay na Buhay

511. Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pagsasagawa ng panalangin, pagtanggap ng pasanin ng Diyos, at pagtanggap ng mga gawaing ipinagkakatiwala Niya sa iyo—lahat ng ito ay para mayroong landas sa iyong harapan. Kapag mas marami ang pasaning mayroon ka para sa atas ng Diyos, mas madali ka Niyang mapeperpekto. Ayaw makipagtulungan ng ilan sa iba sa paglilingkod sa Diyos, kahit natawag sila; ang mga ito ay mga taong tamad na nag-iimbot ng kaginhawahan. Kapag mas hinihingi sa iyo na makipagtulungan sa iba para maglingkod, mas marami kang mararanasan. Dahil mas marami kang pasanin at karanasan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto. Samakatwid, kung kaya mong paglingkuran nang sinsero ang Diyos, magiging mapagsaalang-alang ka sa pasanin ng Diyos; dahil diyan, magkakaroon ka ng mas maraming pagkakataong maperpekto ng Diyos. Ang gayong grupo lamang ng mga tao ang kasalukuyang pineperpekto. Kapag mas inaantig ka ng Banal na Espiritu, mas maraming panahon ang ilalaan mo sa pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos, mas mapeperpekto ka ng Diyos, at mas makakamit ka Niya—hanggang, sa bandang huli, magiging isang tao ka na kinakasangkapan ng Diyos. Sa kasalukuyan, may ilan na walang dinadalang pasanin para sa iglesia. Ang mga taong ito ay maluwag at pabaya, at ang tanging pinahahalagahan nila ay ang sarili nilang laman. Ang gayong mga tao ay masyadong makasarili, at bulag din sila. Kung hindi malinaw sa iyo ang bagay na ito, hindi ka magdadala ng anumang pasanin. Kapag mas isinasaalang-alang mo ang mga layunin ng Diyos, mas mabigat ang pasaning ipagkakatiwala Niya sa iyo. Ang mga makasarili ay ayaw magtiis ng gayong mga bagay; ayaw nilang bayaran ang halaga, at, dahil dito, mawawalan sila ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos. Hindi ba nila sinasaktan ang kanilang sarili? Kung ikaw ay isang tao na isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos, magkakaroon ka ng tunay na pasanin para sa iglesia. Sa katunayan, sa halip na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iglesia, mas mainam na tawagin itong pasanin na dinadala mo para sa iyong sariling buhay, dahil ang layunin ng pasaning ito na pinapasan mo para sa iglesia ay para magamit mo ang gayong mga karanasan upang maperpekto ka ng Diyos. Samakatwid, sinuman ang nagdadala ng pinakamabigat na pasanin para sa iglesia, at sinuman ang nagdadala ng isang pasanin para sa buhay pagpasok—sila ang magiging mga taong pineperpekto ng Diyos. Malinaw na ba ito sa iyo? Kung ang iglesiang kinabibilangan mo ay nakakalat na parang buhangin, ngunit hindi ka nag-aalala ni nababahala, at nagbubulag-bulagan ka pa kapag hindi normal na kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos ang iyong mga kapatid, hindi ka nagdadala ng anumang mga pasanin. Ang gayong mga tao ay hindi ang klaseng kinatutuwaan ng Diyos. Ang klase ng mga taong kinatutuwaan ng Diyos ay nagugutom at nauuhaw para sa katuwiran at isinasaalang-alang ang mga layunin ng Diyos. Sa gayon, dapat kayong maging mapagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos, ngayon mismo; hindi ninyo dapat hintaying ibunyag ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa di-mabilang na tao bago kayo maging mapagsaalang-alang sa pasanin ng Diyos. Hindi ba magiging huli na ang lahat sa oras na iyon? Ngayon ang magandang pagkakataon upang maperpekto ng Diyos. Kung hahayaan mong makalampas ang pagkakataong ito, pagsisisihan mo iyon habambuhay, gaya noong hindi nagawang pumasok ni Moises sa magandang lupain ng Canaan at pinagsisihan niya ito habambuhay, at namatay nang may taos na paggigiyagis. Kapag naibunyag na ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa di-mabilang na tao, mapupuspos ka ng pagsisisi. Kahit hindi ka kastiguhin ng Diyos, kakastiguhin mo ang iyong sarili dahil sa sarili mong taos na paggigiyagis. Hindi kumbinsido rito ang ilan, ngunit kung hindi ka naniniwala rito, maghintay ka lang at makikita mo. May ilang tao na ang tanging layunin ay tuparin ang mga salitang ito. Handa ka bang isakripisyo ang sarili mo para sa mga salitang ito?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maging Mapagsaalang-alang sa mga Layunin ng Diyos para Makamit ang Pagiging Perpekto

512. Ang Banal na Espiritu ay may isang landas na tatahakin sa bawat tao, at binibigyan ang bawat tao ng pagkakataon na maperpekto. Sa iyong pagiging negatibo naipapaalam sa iyo ang sarili mong katiwalian, at sa pag-aalis ng pagiging negatibo ay makasusumpong ka ng landas ng pagsasagawa; lahat ito ay paraan kung saan ginagawa kang perpekto. Bukod diyan, sa patuloy na paggabay at pagpapalinaw ng ilang positibong bagay sa iyong kalooban, aktibo mong gagampanan ang iyong tungkulin, lalago sa kabatiran at makakahiwatig. Kapag maganda ang iyong mga kalagayan, mas handa kang basahin ang salita ng Diyos, at mas handa kang manalangin sa Diyos, at maiuugnay mo ang mga sermon na iyong naririnig sa iyong sariling sitwasyon. Sa gayong mga pagkakataon nililiwanagan at tinatanglawan ng Diyos ang iyong kalooban, kaya natatanto mo ang ilang positibong aspeto. Ganito ka pineperpekto sa positibong aspeto. Sa mga negatibong kalagayan, ikaw ay mahina at negatibo; pakiramdam mo ay wala ang Diyos sa puso mo, subalit pinaliliwanagan ka ng Diyos, tinutulungan kang makahanap ng isang landas ng pagsasagawa. Lalabas dito ang pagtatamo ng pagkaperpekto sa negatibong aspeto. Mapeperpekto ng Diyos ang tao kapwa sa positibo at negatibong mga aspeto. Nakasalalay ito sa kung nagagawa mong makaranas, at kung hinahangad mong maperpekto ng Diyos. Kung tunay mong hinahangad na maperpekto ng Diyos, ang negatibo ay hindi ka magagawang dumanas ng kawalan, kundi maaaring maghatid sa iyo ng mga bagay na mas totoo, at magagawa kang mas malaman yaong kakulangan sa loob mo, mas mauunawaan ang iyong tunay na kalagayan, at makikita na walang kahit ano ang tao, at balewala siya; kung hindi ka makararanas ng mga pagsubok, hindi mo malalaman, at palagi mong madarama na nakahihigit ka sa iba at mas mahusay ka kaysa sa lahat ng iba pa. Sa lahat ng ito makikita mo na lahat ng dumating noon ay ginawa ng Diyos at protektado ng Diyos. Ang pagpasok sa mga pagsubok ay iniiwan kang walang pagmamahal o pananampalataya, kulang ka sa panalangin at hindi mo nagagawang umawit ng mga himno, at hindi mo namamalayan, sa gitna nito ay nakikilala mo ang iyong sarili. Maraming paraan ang Diyos para maperpekto ang tao. Ginagamit Niya ang lahat ng uri ng sitwasyon para pungusan ang tiwaling disposisyon ng tao, at gumagamit ng iba’t ibang bagay upang ilantad ang tao; sa isang banda, pinupungusan Niya ang tao, sa isa pa ay inilalantad Niya ang tao, at sa isa pa ay ibinubunyag Niya ang tao, hinuhukay at ibinubunyag ang “mga hiwaga” sa kaibuturan ng puso ng tao, at ipinakikita sa tao ang kanyang kalikasan sa pamamagitan ng pagbubunyag sa marami sa kanyang mga kalagayan. Pineperpekto ng Diyos ang tao sa pamamagitan ng maraming pamamaraan—sa pamamagitan ng paghahayag, pagpupungos, pagpipino, at pagkastigo sa tao—para malaman ng tao na ang Diyos ay praktikal.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Yaon Lamang mga Nakatuon sa Pagsasagawa ang Mapeperpekto

513. Sa kasalukuyan, ang pangunahing dapat ninyong hangarin ay ang gawin kayong perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at gawing perpekto ng Diyos sa pamamagitan ng lahat ng tao, usapin, at bagay na hinaharap ninyo, upang higit pa sa kung ano ang Diyos ay mapapanday sa loob ninyo. Kailangan mo munang tanggapin ang pamana ng Diyos sa lupa; saka ka lamang magkakaroon ng karapatang magmana ng mas marami, at mas higit pang, mga pagpapala mula sa Diyos. Ito ang lahat ng bagay na dapat ninyong hangarin, at na dapat muna ninyong unawain bago ang lahat. Kapag mas hinahangad mong magawang perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, mas magagawa mong makita ang kamay ng Diyos sa lahat ng bagay, at bunga nito ay, sa pamamagitan ng iba’t ibang pananaw at sa iba’t ibang usapin, aktibo mong hahangarin na makapasok sa katauhan ng salita ng Diyos at makapasok sa realidad ng salita Niya. Hindi ka maaaring masiyahan sa mga negatibong kalagayankalagayan gaya ng hindi lamang gumagawa ng kasalanan, o walang mga kuru-kuro, walang pilosopiya sa mga makamundong pakikitungo, at walang pantaong kalooban. Ginagawang perpekto ng Diyos ang tao sa napakaraming paraan; sa lahat ng bagay ay may posibilidad na magawang perpekto, at magagawa ka Niyang perpekto hindi lamang sa positibong mga paraan kundi pati sa negatibong mga paraan, upang gawing mas masagana ang makakamit mo. Bawat isang araw ay may mga pagkakataong magawang perpekto at dahilang makamtan ng Diyos. Matapos maranasan ang ganito nang maikling panahon, lubos kang mababago, at likas na maiintindihan mo ang maraming bagay na dati ay hindi mo alam. Hindi na kakailanganin ang tagubilin mula sa iba; lingid sa kaalaman mo, liliwanagan ka ng Diyos, upang makatanggap ka ng kaliwanagan sa lahat ng bagay at makapasok sa lahat ng karanasan mo nang detalyado. Tiyak na gagabayan ka ng Diyos upang hindi ka gumawi sa kaliwa o sa kanan, at sa gayon tatapak ka sa landas ng pagpeperpekto Niya.

… Kung nais mong gawing perpekto ng Diyos, dapat mong matutuhan kung paano danasin ang lahat ng bagay, at makamit ang kaliwanagan sa lahat ng mangyayari sa inyo. Mabuti man ito o masama, dapat itong magdala ng kapakinabangan sa iyo, at dapat hindi ka gawing negatibo. Anupaman, dapat mong maisaalang-alang ang mga bagay habang nakatayo sa panig ng Diyos, at hindi suriin o aralin ang mga ito mula sa pananaw ng tao (ito ay magiging isang paglihis sa karanasan mo). Kung ganito ka dumanas, mapupuno ang puso mo ng mga pasanin ng buhay mo; palagi kang mamumuhay sa liwanag ng anyo ng Diyos, na hindi madaling malilihis ng landas sa pagsasagawa mo. May magandang kinabukasan ang ganitong mga tao sa hinaharap. Mayroong napakaraming pagkakataong magawang perpekto ng Diyos. Nakasalalay ang lahat ng ito sa kung kayo ay isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos at kung taglay ninyo ang kapasyahang gawing perpekto ng Diyos, makamit ng Diyos, at tumanggap ng mga biyaya at pamana Niya. Hindi sapat ang kapasyahan lamang; dapat mayroon kayong malawak na kaalaman, kung hindi, palagi kayong malilihis sa pagsasagawa ninyo. Handa ang Diyos na gawing perpekto ang bawat isa sa inyo. Sa kasalukuyan, bagamat matagal nang tinanggap ng karamihan ng tao ang gawain ng Diyos, nilimitahan nila ang mga sarili nila sa pagpapainit lamang sa biyaya ng Diyos, at handa lamang na hayaan ang Diyos na bigyan sila ng kaunting ginhawa ng laman, subalit ayaw nilang tumanggap ng mas higit pa, at mas matataas, na mga pahayag. Ipinapakita nitong palagi pa ring nasa labas ang puso ng tao. Bagamat ang gawain ng tao, ang paglilingkod niya, at ang kanyang mapagmahal-sa-Diyos na puso ay may mas kaunting karumihan, kung ang panloob na diwa niya at ang paurong na pag-iisip niya ang pag-uusapan, palagi pa ring hinahangad ng tao ang kapayapaan at kasiyahan ng laman, at walang pakialam sa kung anu-ano ang mga kondisyon at mga layunin ng Diyos para sa pagpeperpekto sa tao. Kaya naman, masagwa at nabubulok pa rin ang buhay ng karamihan ng tao. Hindi nagbago kahit katiting ang mga buhay nila; sadyang hindi nila itinuturing na isang mahalagang bagay ang pananampalataya sa Diyos, na para bang may pananampalataya lamang sila alang-alang sa iba, kumikilos nang walang pagsisikap at pabayang nakararaos, inaanod sa isang walang-layong pag-iral. Kakaunti lamang yaong mga nagagawang maghangad na makapasok sa salita ng Diyos sa lahat ng bagay, na nagkakamit ng mas higit at mas masasaganang bagay, nagiging mga taong may mas higit na kayamanan sa tahanan ng Diyos ngayon, at tumatanggap ng mas higit pang mga pagpapala ng Diyos. Kung hinahangad mong gawing perpekto ng Diyos sa lahat ng bagay, at nagagawang tanggapin ang ipinangako ng Diyos sa lupa, kung hinahangad mong maliwanagan ng Diyos sa lahat ng bagay at hindi hinahayaang lumipas ang mga taon nang nakatunganga, ito ang pinakamainam na landas na aktibong pasukin. Sa ganitong paraan ka lamang magiging karapat-dapat at magkakaroon ng karapatang gawing perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pangako sa Yaong mga Naperpekto

514. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumagawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo sa isang praktikal na paraan, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng pagsasagawa, mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at isang paraan kung saan lalago ang buhay. Ang landas ng pagiging perpekto ay naaabot sa pamamagitan ng pagpapasakop mo sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, o sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay ka Niya hahayaang makamit o makita ang mga bagay. Kung makatatapak ka sa tamang landas na ito, ipinakikita nito na mayroong malaking pag-asang magawa kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo magagawa, ipinakikita nitong malungkot at walang liwanag ang kinabukasan mo. Kapag nagsimula ka sa tamang landas, makakamit mo ang pahayag sa lahat ng bagay. Kahit na ano pa man ang ibinubunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka batay sa kaalaman nila para maranasan ang mga bagay sa sarili mo, kung gayon ay magiging bahagi ito ng buhay mo, at magagawa mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Ang mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng paggaya sa mga salita ay mga taong hindi pa nagkakaroon ng anumang mga karanasan; dapat mong matutunang humanap, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagtanglaw ng iba, isang paraan ng pagsasagawa bago ka magsimulang magsalita tungkol sa sarili mong aktuwal na karanasan at kaalaman. Ito ay may higit na pakinabang sa sarili mong buhay. Dapat mong maranasan ang ganito, na nagpapasakop sa lahat ng nagmumula sa Diyos. Dapat mong hangarin ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matutunan ang mga aral sa lahat ng bagay, nang lumago ang buhay mo. Ang ganitong pagsasagawa ay nagbibigay ng pinakamabilis na pag-unlad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

515. Tunay bang handa kang gawing perpekto? Kung talagang handa kang gawing perpekto ng Diyos, magkakaroon ka ng lakas ng loob na talikuran ang laman mo, at maisasagawa mo ang mga salita ng Diyos, at hindi ka magiging negatibo o mahina. Magagawa mong magpasakop ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at magagawa mong iprisinta ang lahat ng kilos mo—ginagawa man ang mga ito sa harap ng iba o kapag nakatalikod ng mga ito—sa Diyos. Kung kumikilos ka bilang isang matapat na tao, at isinasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, kung gayon ay magiging isa kang taong gagawing perpekto. Ang mga mapanlinlang na mga taong kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang magawang perpekto. Lahat sila ay mga anak ng perdisyon at pagkawasak; sila ay kay Satanas, at hindi sila hinirang ng Diyos. Hindi hinihirang ng Diyos ang gayong mga tao! Kung ang mga kilos at pag-uugali mo ay hindi maihaharap sa Diyos o masisiyasat ng Espiritu ng Diyos, patunay itong mayroong mali sa iyo. Magagawa mo lamang na tumapak sa landas ng pagiging perpekto kung tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at tinututukan ang pagbabago ng disposisyon mo. Kung tunay na handa kang maperpekto ng Diyos at sumunod sa kalooban ng Diyos, kung gayon ay dapat kang magpasakop sa lahat ng gawain ng Diyos, nang walang kahit isang salita ng pagdaing, nang walang ginagawang basta-bastang paghusga o kongklusyon tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ang pinakamabababang hinihingi para maperpekto ng Diyos. Ang mahalagang hinihingi sa mga naghahangad na maperpekto ng Diyos ay ito: Kumilos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso sa lahat ng mga bagay. Ano ang kahulugan ng kumilos nang may mapagmahal-sa-Diyos na puso? Ibig sabihin nito ay ang lahat ng mga kilos at pag-uugali mo ay maihaharap sa Diyos. At sapagkat mayroon kang mga tamang layunin, tama man o mali ang mga kilos mo, hindi ka natatakot na ipakita ang mga ito sa Diyos o sa mga lalaki at mga babaeng kapatid mo, at nangangahas kang sumumpa sa harap ng Diyos. Dapat mong ilahad ang bawat layunin, iniisip, at ideya mo sa harap ng Diyos para sa masusing pagmamasid Niya; kung nagsasagawa at pumapasok ka sa ganitong paraan, magiging mabilis ang pag-unlad sa buhay mo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Nagpapasakop sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos

516. Kung gusto mong gamitin at perpektuhin ng Diyos, kailangan mong taglayin ang bawat aspekto ng katotohanan: ang determinasyong magdusa, pananalig, pagtitiis, pagpapasakop, at kakayahang hanapin ang katotohanan at maunawaan ang mga layunin ng Diyos, ang kakayahang maging mapagsaalang-alang sa Kanyang paghihinagpis at masisidhing layunin, at iba pa. Hindi madaling gawing perpekto ang isang tao, at bawat isang pagpipinong nararanasan mo ay nangangailangan ng iyong pananalig at pagmamahal. Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magpakaabala lang, ni sapat ang gugulin lamang ang iyong sarili para sa Diyos. Kailangan kang magtaglay ng maraming bagay upang maging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag nahaharap ka sa pagdurusa, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananalig na sundan Siya, mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi hinahayaang manlamig o maglaho ito. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangang hayaan mo Siyang mamatnugot ayon sa Kanyang kagustuhan, at mas dapat mong sumpain ang iyong sariling laman kaysa magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong maging handang tiisin ang sakit ng pagsuko sa minamahal mo, at maging handang manangis nang may kapaitan, para mapalugod ang Diyos. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at tunay na pananalig. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang taglayin pareho ang determinasyong ito na magdusa at ang tunay na pananalig na ito, at kailangan mo ring magkaroon ng determinasyong maghimagsik laban sa laman. Dapat ay handa kang personal na magdusa at dumanas ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang matugunan ang mga layunin ng Diyos. Dapat ay may kakayahan ka ring makaramdam ng pagsisisi tungkol sa sarili mo sa puso mo: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, maaari kang magsisi sa iyong sarili. Hindi ka dapat magkulang sa anuman sa mga aspektong ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo matutugunan ang mga pamantayang ito, hindi ka magagawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Iyong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino

517. Ang pagbabago sa disposisyon ay pangunahing tumutukoy sa pagbabago sa kalikasan ng isang tao. Ang mga bagay tungkol sa kalikasan ng isang tao ay hindi makikita mula sa panlabas na mga pag-uugali. Ang mga ito ay tuwirang may kinalaman sa halaga at kabuluhan ng kanyang pag-iral, sa kanyang pananaw sa buhay at sa kanyang mga pinahahalagahan, kabilang dito ang mga bagay na nasa kaibuturan ng kanyang kaluluwa, at ng kanyang diwa. Kung ang isang tao ay hindi kayang tumanggap ng katotohanan, hindi siya sasailalim sa pagbabago sa mga aspektong ito. Sa pamamagitan lamang ng pagdanas sa gawain ng Diyos, pagpasok nang lubusan sa katotohanan, pagbabago sa mga pinahahalagahan ng isang tao at mga pananaw ng isang tao tungkol sa pag-iral at buhay, pag-aayon ng mga pananaw ng isang tao sa mga bagay-bagay sa salita ng Diyos, at pagiging may-kakayahang ganap na magpasakop at pagiging tapat sa Diyos, saka masasabing nagbago na ang disposisyon ng isang tao. Sa kasalukuyan, maaaring mukha kang nagsisikap nang kaunti at matatag sa harap ng paghihirap habang gumaganap sa iyong tungkulin, maaaring nagagawa mong magsakatuparan ng mga pagsasaayos ng gawain mula sa ang Itaas, o maaaring nagagawa mong pumunta saanmang dako ka pinapupunta. Sa panlabas, maaaring mukhang medyo masunurin ka, ngunit kapag may nangyayaring hindi naaayon sa mga kuru-kuro mo, lumalabas ang paghihimagsik mo. Halimbawa, hindi ka nagpapasakop sa pagpupungos, at lalong hindi ka mapagpasakop kapag may dumarating na isang natural o gawa-ng-tao na sakuna; nagagawa mo pa ngang magreklamo tungkol sa Diyos. Samakatwid, ang kaunting pagpapasakop at pagbabagong iyon sa panlabas ay isang maliit na pagbabago lamang sa pag-uugali. May kaunting pagbabago, pero hindi ito sapat para ituring na pagbabago ng iyong disposisyon. Maaaring nakakaya mong tumahak sa maraming landasin, magdusa ng maraming paghihirap at magtiis ng matinding kahihiyan; maaaring nadarama mo na napakalapit mo sa Diyos, at ang Banal na Espiritu ay maaaring gumawa ng kaunting gawain sa iyo. Gayumpaman, kapag hinihingi ng Diyos sa iyo na gumawa ng isang bagay na hindi kaayon sa iyong mga kuru-kuro, maaaring hindi ka pa rin nagpapasakop, sa halip, maaaring maghanap ka ng mga palusot, maghimagsik at lumaban sa Diyos, at maging sa mga malulubhang sitwasyon ay kuwestiyunin at labanan mo Siya. Isa itong seryosong problema! Makikita rito na mayroon ka pa ring kalikasan na lumalaban sa Diyos, na hindi mo tunay na nauunawaan ang katotohanan, at na wala ka man lang pagbabago sa buhay disposisyon mo. Matapos silang matanggal o mapaalis, nagagawa pa rin ng ilang tao na husgahan ang Diyos at sabihing hindi matuwid ang Diyos. Nakikipagtalo pa nga sila sa Diyos at lumalaban, saanman sila magpunta ay ipinagkakalat nila ang kanilang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos at kawalang-kasiyahan sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay masasamang diyablo na lumalaban sa Diyos. Ang mga taong may maladiyablong kalikasan ay hinding-hindi magbabago at dapat silang abandonahin. Tanging ang mga kayang hanapin at tanggapin ang katotohanan sa lahat ng sitwasyon, at magpasakop sa gawain ng Diyos, ang may pag-asang makamit ang katotohanan at matamo ang pagbabago sa disposisyon. Sa mga karanasan mo, dapat kang matutong makakilatis sa mga kalagayan na sa panlabas ay mukhang normal. Maaari kang mapahikbi at mapaiyak habang nagdarasal, o pakiramdam mo ay mahal na mahal ng puso mo ang Diyos, at napakalapit nito sa Diyos, subalit gawain lamang ng Banal na Espiritu ang mga kalagayang ito at hindi nangangahulugan na isa kang taong nagmamahal sa Diyos. Kung nagagawa mo pa ring mahalin ang Diyos at magpasakop sa Kanya kahit hindi gumagawa ang Banal na Espiritu, at kapag gumagawa ang Diyos ng mga bagay na hindi umaayon sa sarili mong mga kuru-kuro, saka ka lamang isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos. Saka ka lamang isang tao na nagbago na ang buhay disposisyon. Tanging ito ang isang taong may katotohanang realidad.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

518. Ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao ay hindi pagbabago ng pag-uugali, o pakunwaring panlabas na pagbabago o pansamantalang pagbabago na bunsod ng sigasig. Gaano man kabuti ang mga pagbabagong ito, hindi mapapalitan ng mga ito ang mga pagbabago sa buhay disposisyon, dahil ang mga panlabas na pagbabagong ito ay maaaring makamtan sa pamamagitan ng mga pagsisikap ng tao, pero hindi makakamtan ang mga pagbabago sa buhay disposisyon sa pamamagitan lang ng pagsisikap ng isang tao. Kailangang maranasan ang paghatol, pagkastigo, mga pagsubok, at pagpipino ng Diyos para makamtan ito, gayundin ang pagpeperpekto ng Banal na Espiritu. Kahit nagpapakita ng ilang mabubuting pag-uugali ang mga taong nananampalataya sa Diyos, wala ni isa man sa kanila ang tunay na nagpapasakop sa Diyos, tunay na nagmamahal sa Diyos, o nakasusunod sa kalooban ng Diyos. Bakit ganito? Ito ay dahil kailangan nito ng pagbabago sa buhay disposisyon, at ang pagbabago lang sa ugali ay hinding-hindi sasapat. Ang pagbabago sa disposisyon ay nangangahulugan na mayroon kang kaalaman at karanasan sa katotohanan, at na naging buhay mo na ang katotohanan, na maaari nitong patnubayan at pangibabawan ang iyong buhay at lahat ng tungkol sa iyo. Ito ay isang pagbabago sa buhay disposisyon mo. Ang mga tao lamang na nagtataglay ng katotohanan bilang buhay ang mga taong nagbago na ang mga disposisyon. Dati, maaaring mayroong ilang katotohanan na hindi mo maisagawa noong naunawaan mo ang mga iyon, pero ngayon naisasagawa mo na ang anumang aspekto ng katotohanang nauunawaan mo nang walang mga sagabal o paghihirap. Kapag isinasagawa mo ang katotohanan, natutuklasan mong napupuno ka ng kapayapaan at kasayahan, pero kung hindi mo maisagawa ang katotohanan, nasasaktan ka at nababagabag ang konsensiya. Nakapagsasagawa ka ng katotohanan sa lahat ng bagay, nakakapamuhay ayon sa mga salita ng Diyos, at mayroon kang pundasyon sa pamumuhay. Nangangahulugan ito na nagbago na ang iyong disposisyon. Madali mo nang napapakawalan ngayon ang iyong mga kuru-kuro at imahinasyon, ang iyong mga kagustuhan at hangarin ng laman, at ang mga bagay na hindi mo mapakawalan dati. Nadarama mo na ang mga salita ng Diyos ay totoong mabuti, at na ang pagsasagawa ng katotohanan ang pinakamainam na gawin. Nangangahulugan ito na nagbago na ang iyong disposisyon. Parang napakasimple ng isang pagbabago sa disposisyon, pero ang totoo ay isang proseso ito na nangangailangan ng maraming karanasan. Sa panahong ito, kailangang dumanas ng maraming hirap ang mga tao, kailangan nilang supilin ang kanilang katawan at maghimagsik laban sa kanilang laman, kailangan din nilang dumanas ng paghatol, pagkastigo, pagpupungos, mga pagsubok, at pagpipino, at kailangan din nilang dumanas ng maraming kabiguan, pagbagsak, pagtatalo ng kalooban, at paghihirap sa kanilang puso. Pagkatapos nilang maranasan ang mga ito, saka lang magkakaroon ng kaunting pagkaunawa ang mga tao sa sarili nilang kalikasan, pero ang kaunting pagkaunawa ay hindi agad-agad na nagbubunga ng lubos na pagbabago; kailangan nilang dumaan sa mahabang panahon ng karanasan bago nila maiwaksi nang paunti-unti ang kanilang mga tiwaling disposisyon. Kaya nga kinakailangan ng habambuhay para mabago ang disposisyon ng isang tao. Halimbawa, kung nagbubunyag ka ng katiwalian sa isang bagay, maisasagawa mo ba kaagad ang katotohanan kapag natanto mo iyon? Hindi. Sa yugtong ito ng pagkaunawa, pinupungusan ka ng iba, at pagkatapos, ang iyong kapaligiran ay pinipilit ka at pinupuwersa ka na kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Kung minsan, labag pa rin sa iyong kalooban na gawin iyon, at sinasabi mo sa sarili mo, “Kailangan ko bang gawin ito nang ganito? Bakit hindi ko ito puwedeng gawin sa paraang gusto ko? Bakit lagi akong sinasabihang isagawa ang katotohanan? Ayaw kong gawin ito, sawa na ako!” Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay nangangailangan ng pagdaan sa sumusunod na proseso: mula sa pag-aatubiling isagawa ang katotohanan, tungo sa kahandaang isagawa ang katotohanan; mula sa pagiging negatibo at mahina, tungo sa kalakasan at kakayahang maghimagsik laban sa laman. Kapag naabot ng mga tao ang isang tiyak na punto ng karanasan at pagkatapos ay dumaan sa ilang pagsubok, pagpipino, at sa huli ay naunawaan ang mga layunin ng Diyos at ilang katotohanan, medyo magiging masaya na sila at handang kumilos ayon sa mga katotohanang prinsipyo. Sa pasimula, ang mga tao ay atubiling magsagawa ng katotohanan. Gawing halimbawa ang debotong paggampan sa mga tungkulin: May kaunti kang pagkaunawa sa paggampan sa iyong mga tungkulin at pagiging deboto sa Diyos, at mayroon ka ring kaunting pagkaunawa sa katotohanan, subalit kailan mo magagawang maging ganap na deboto? Kailan mo magagawang gampanan ang iyong mga tungkulin sa salita at gawa? Mangangailangan ito ng proseso. Sa prosesong ito, maaaring dumanas ka ng maraming hirap. Maaaring pungusan ka ng ilang tao, maaaring punahin ka ng iba. Matutuon ang lahat ng mata sa iyo, sisiyasatin ka ng mga ito, at doon mo lamang masisimulang matanto na ikaw ay nasa mali at na ikaw ang nakagawa nang hindi maayos, na hindi katanggap-tanggap ang kakulangan ng debosyon sa paggampan sa iyong tungkulin, at hindi ka dapat maging pabasta-basta! Liliwanagan ka ng Banal na Espiritu mula sa loob, at sasawayin ka kapag ikaw ay nagkamali. Sa prosesong ito, mauunawaan mo ang ilang mga bagay tungkol sa iyong sarili, at malalaman mo na masyado kang maraming karumihan, nagkikimkim ka ng napakaraming personal na motibo, at may napakaraming labis-labis na pagnanais habang ginagampanan ang iyong mga tungkulin. Sa sandaling naunawaan mo na ang diwa ng mga bagay na ito, kung makakaya mo nang lumapit sa Diyos sa panalangin at magkaroon ng tunay na pagsisisi, malilinis sa iyo ang mga tiwaling bagay na iyon. Kung, sa ganitong paraan, madalas mong hinahanap ang katotohanan upang malutas ang iyong mga sariling praktikal na problema, unti-unting tatapak ka sa tamang landas ng pananalig; magsisimula kang magkaroon ng mga tunay na karanasan sa buhay, at magsisimulang unti-unting madalisay ang iyong tiwaling disposisyon. Kapag mas nadadalisay ang iyong tiwaling disposisyon, mas magbabago ang iyong buhay disposisyon.

Kahit maraming tao ang gumaganap na ngayon sa kanilang tungkulin, sa diwa, ilang tao ang iniraraos lang ang kanilang tungkulin? Ilang tao ang kayang tumanggap sa katotohanan at gumanap sa kanilang mga tungkulin ayon sa mga katotohanang prinsipyo? Ilang tao ang gumagampan sa kanilang mga tungkulin ayon sa mga hinihingi ng Diyos matapos magbago ang kanilang mga disposisyon? Sa pamamagitan ng higit na pagsusuri sa mga bagay na ito, malalaman mo kung talagang pasok ka sa pamantayan sa paggampan sa iyong tungkulin, at makikita mo rin nang malinaw kung nagbago na ang iyong disposisyon. Ang pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ng isang tao ay hindi isang simpleng bagay; hindi ito nangangahulugan ng pagkakaroon lamang ng ilang mga pagbabago sa pag-uugali, pagkakamit ng ilang kaalaman sa katotohanan, kakayahang makapagsabi nang kaunti ukol sa karanasan sa bawat aspekto ng katotohanan, o pagkakaroon ng kaunting pagbabago o bahagyang pagiging mapagpasakop pagkaraang madisiplina. Ang mga bagay na ito ay hindi bumubuo sa pagbabago ng buhay disposisyon ng isang tao. Bakit Ko sinasabi ito? Bagama’t maaaring medyo nagbago ka na, hindi mo pa rin totoong isinasagawa ang katotohanan. Marahil dahil ikaw ay nasa isang pansamantalang angkop na kapaligiran, at pinahihintulutan ito ng sitwasyon, o napilit ka ng mga kasalukuyang pangyayari, umaasal ka sa ganitong paraan. Dagdag pa riyan, kapag maganda ang pakiramdam mo, kapag normal ang kalagayan mo, at kapag may gawain ka ng Banal na Espiritu, maisasagawa mo ang katotohanan. Pero ipagpalagay nang nasa gitna ka ng isang pagsubok, kapag nagdurusa ka na tulad ni Job sa gitna ng iyong mga pagsubok, o nahaharap ka sa pagsubok ng kamatayan. Kapag dumating ito, magagawa mo pa rin bang isagawa ang katotohanan at manindigan sa patotoo? May masasabi ka bang tulad ng sinabi ni Pedro, “Kahit mamatay ako matapos Kang makilala, paanong hindi ko magagawa iyon nang may galak at masaya?” Ano ang pinahalagahan ni Pedro? Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang pagpapasakop, at itinuring niyang pinakamahalagang bagay ang pagkilala sa Diyos, kaya nagawa niyang magpasakop hanggang kamatayan. Ang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangyayari sa loob ng magdamag; kinakailangan ng habambuhay na karanasan para makamtan ito. Medyo mas madaling maunawaan ang katotohanan, pero mahirap maisagawa ang katotohanan sa iba’t ibang konteksto. Bakit laging nahihirapan ang mga tao na isagawa ang katotohanan? Sa katunayan, ang mga paghihirap na ito ay direktang may kaugnayan sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao, at sagabal ang lahat ng iyon na nagmumula sa mga tiwaling disposisyon. Samakatwid, kailangan mong magdusa nang husto at magbayad ng halaga para maisagawa ang katotohanan. Kung wala kang mga tiwaling disposisyon, hindi mo kakailanganing magdusa at magbayad ng halaga para maisagawa ang katotohanan. Hindi ba ito isang malinaw na katunayan? Minsan, mukhang isinasagawa mo ang katotohanan, ngunit ang totoo, ang kalikasan ng ikinikilos mo ay hindi nagpapakita na isinasagawa mo ang katotohanan. Sa pagsunod sa Diyos, maraming tao ang nagagawang isantabi ang kanilang pamilya at propesyon at gampanan ang kanilang mga tungkulin, na dahil dito naniniwala silang isinasagawa nila ang katotohanan. Gayumpaman, hindi nila kailanman nagagawang magbigay ng tunay na patotoong batay sa karanasan. Ano ba talaga ang nangyayari dito? Kung susukatin sila ayon sa mga kuru-kuro ng tao, mukhang isinasagawa nila ang katotohanan, subalit hindi kinikilala ng Diyos ang ginagawa nila bilang pagsasagawa ng katotohanan. Kung ang mga bagay na ginagawa mo ay may personal na mga motibo sa likod ng mga ito at hindi puro, malamang na lumihis ka sa mga prinsipyo, at hindi masasabing nagsasagawa ka ng katotohanan; isa lamang itong uri ng pag-asal. Sa mahigpit na pananalita, malamang na kondenahin ng Diyos ang ganitong klase ng pag-asal mo; hindi Niya ito sasang-ayunan o tatandaan. Kung mas hihimayin pa ang diwa at ugat nito, ikaw ay isang tao na gumagawa ng kasamaan, at ang mga ipinapakita mong pag-uugali ay lumalaban sa Diyos. Kung titingnan mula sa labas, hindi ka nakagagambala o nakagugulo sa anumang bagay at hindi ka nakagawa ng tunay na pinsala. Mukhang lohikal at makatwiran iyon, subalit sa loob nito, naroon ang mga karumihan at intensyon ng tao, at ang diwa nito ay ang paggawa ng kasamaan at paglaban sa Diyos. Samakatwid, dapat matukoy mo kung mayroon nang pagbabago sa iyong disposisyon at kung isinasagawa mo ang katotohanan gamit ang mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagtingin sa mga motibo sa likod ng iyong mga sariling pagkilos. Hindi iyon nakasalalay sa kung ang mga kilos mo ba ay umaayon sa mga imahinasyon at iniisip ng tao, o kung ito ba ay angkop sa iyong panlasa; ang mga bagay na ito ay hindi mahalaga. Bagkus, nakadepende iyon sa sinasabi ng Diyos kung umaayon ka o hindi sa Kanyang mga layunin, kung ang iyong mga kilos ay mayroong katotohanang realidad o wala, at kung tumutugon ang mga ito o hindi sa Kanyang mga hinihinging pamantayan. Ang pagsukat lamang ng iyong sarili ayon sa mga hinihingi ng Diyos ang tama. Ang pagbabago sa disposisyon at pagsasagawa ng katotohanan ay hindi kasingpayak at kasindali ng inaakala ng tao. Nauunawaan na ba ninyo ito ngayon? May karanasan ba kayo rito? Pagdating sa diwa ng isang suliranin, maaaring hindi ninyo ito maunawaan; labis na mababaw ang inyong pagpasok. Paroo’t parito kayo sa maghapon, mula bukang-liwayway hanggang takipsilim, bumabangon nang maaga at natutulog nang gabing-gabi na, subalit hindi pa ninyo nakakamit ang pagbabago sa inyong buhay disposisyon, at hindi ninyo maarok kung ano ang disposisyonal na pagbabago. Ibig sabihin ay napakababaw ng inyong pagpasok, hindi ba? Gaano katagal man kayo nananampalataya sa Diyos, maaaring hindi ninyo madama ang diwa at malalalim na bagay na may kinalaman sa pagbabago sa disposisyon. Masasabi bang nagbago na ang inyong disposisyon? Paano ninyo malalaman kung sinasang-ayunan kayo ng Diyos o hindi? Kahit paano, madarama mo ang natatanging katatagan hinggil sa lahat ng iyong ginagawa, at madarama mo na ginagabayan at nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu at gumagawa Siya sa iyo habang ginagampanan mo ang iyong mga tungkulin, ginagawa ang anumang gawain sa sambahayan ng Diyos, o sa pangkalahatan. Ganap na aakma sa mga salita ng Diyos ang iyong mga pagkilos, at kapag nagtamo ka na ng ilang antas ng karanasan, madarama mo na medyo angkop kung paano ka kumilos noong araw. Gayunman, kung makaraang magtamo ng karanasan sa loob ng ilang panahon, nadarama mo na hindi angkop ang ilan sa mga bagay na ginawa mo noong araw, at hindi ka nasisiyahan sa mga iyon, at nadarama mo na hindi naaayon ang mga ito sa katotohanan, pinatutunayan nito, kung gayon, na ang lahat ng iyong nagawa ay ginawa bilang paglaban sa Diyos. Katunayan ito na ang iyong paglilingkod ay puno ng paghihimagsik, paglaban, at mga paraan ng pagkilos ng tao, at na lubos kang nabigong makamtan ang mga pagbabago sa disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Dapat Malaman Tungkol sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao

519. Kung maraming mabubuting pag-uugali ang isang tao, hindi iyon nangangahulugan na taglay niya ang mga katotohanang realidad. Sa pagsasagawa lang ng katotohanan at pagkilos ayon sa mga prinsipyo mo maaaring taglayin ang mga katotohanang realidad. Sa pagkakaroon lang ng takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan mo maaaring taglayin ang mga katotohanang realidad. Ang ilang tao ay may kasigasigan, kayang magsalita ng doktrina, sumunod sa mga regulasyon, at gumawa ng maraming mabubuting bagay, pero ang masasabi lang tungkol sa kanila ay na may taglay silang kaunting pagkatao. Ang mga kayang magsalita ng doktrina at palaging sumusunod sa mga regulasyon ay hindi tiyak na masasabing kayang magsagawa ng katotohanan. Kahit tama ang sinasabi nila at parang walang mga problema ang mga iyon, wala silang masabi sa mga bagay na may kinalaman sa diwa ng katotohanan. Samakatwid, gaano man karaming doktrina ang kayang sabihin ng isang tao, hindi iyon nangangahulugan na nauunawaan niya ang katotohanan, at gaano man karaming doktrina ang nauunawaan niya, hindi niya malulutas ang anumang mga problema. Maipaliliwanag ng lahat ng teorista tungkol sa relihiyon ang Bibliya, pero sa huli, babagsak silang lahat, dahil hindi nila tinatanggap ang buong katotohanang naipahayag ng Diyos. Ang mga taong nakaranas ng pagbabago sa kanilang disposisyon ay naiiba; naunawaan na nila ang katotohanan, nakikilatis nila ang lahat ng usapin, alam nila kung paano kumilos alinsunod sa mga layunin ng Diyos, kung paano kumilos alinsunod sa katotohanang prinsipyo, at kung paano kumilos upang mapalugod ang Diyos, at nauunawaan nila ang kalikasan ng katiwalian na kanilang ibinubunyag. Kapag ang kanilang sariling mga ideya at mga kuru-kuro ay naibubunyag, nagagawa nilang makakilala at maghimagsik laban sa laman. Ganito naipapamalas ang isang pagbabago sa disposisyon. Ang pangunahing pagpapamalas ng mga taong dumaan sa pagbabago ng disposisyon ay nagagawa nilang maunawaan nang malinaw ang katotohanan, at kapag ipinatutupad ang mga bagay, isinasagawa nila ang katotohanan nang may relatibong katumpakan at hindi sila nagbubunyag ng katiwalian nang madalas. Karaniwan, ang mga nagbago na ang disposisyon ay nagiging makatwiran at nakakakilatis, at dahil sa kanilang pagkaunawa sa katotohanan, hindi sila gaanong nagbubunyag ng pagmamagaling o kayabangan. Nauunawaan nila nang malinaw at nakikilatis ang marami sa katiwaliang nahayag sa kanila, kaya hindi sila nagyayabang. Nagagawa nilang magkaroon ng isang nasusukat na pagkaunawa sa kung ano ang dapat nilang kalugaran at kung ano ang mga bagay na dapat nilang gawin na makatwiran, kung paano gumawa ng tungkulin nang maayos, kung ano ang sasabihin at kung ano ang hindi sasabihin, at kung ano ang sasabihin at kung ano ang gagawin sa alin mang mga tao. Kaya, ang mga taong nagbago ang mga disposisyon ay medyo makatwiran, at ang ganoong mga tao lamang ang tunay na nagsasabuhay ng wangis ng tao. Dahil nauunawaan nila ang katotohanan, nasasabi at nakikita nila ang mga bagay alinsunod sa katotohanan, at may prinsipyo sila sa lahat ng ginagawa nila; hindi sila sumasailalim sa impluwensiya ng sinumang tao, pangyayari o bagay, at lahat sila ay may sariling pananaw at kayang itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo. Ang kanilang disposisyon ay medyo matatag, hindi sila sala sa init at sala sa lamig, at anuman ang kanilang sitwasyon, nauunawaan nila kung paano isagawa nang wasto ang kanilang tungkulin at kung paano umasal na ikalulugod ng Diyos. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay hindi nagtutuon ng pansin sa kung ano ang gagawin sa panlabas upang maging maganda ang tingin sa kanila ng iba; natamo nila ang panloob na kaliwanagan sa kung ano ang gagawin upang mapalugod ang Diyos. Kung gayon, sa panlabas maaaring tila hindi sila ganoon kasigasig o nakagawa ng anumang mahalaga, ngunit ang lahat ng kanilang ginagawa ay makahulugan, mahalaga, at nagbubunga ng praktikal na mga resulta. Iyong mga nagbago ang mga disposisyon ay tiyak na nagtataglay ng napakaraming katotohanang realidad, at ito ay mapapatunayan sa pamamagitan ng kanilang mga pananaw sa mga bagay at sa kanilang mga prinsipyo ng pagkilos. Ang mga hindi pa nagtamo ng katotohanan ay talagang hindi nagkamit ng anumang pagbabago sa buhay disposisyon. Paano ba talaga nakakamit ang pagbabago sa disposisyon? Lubhang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, lahat sila ay lumalaban sa Diyos, at lahat sila ay may kalikasang lumalaban sa Diyos. Inililigtas ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagbabago sa mga may kalikasang lumalaban sa Diyos at maaaring lumaban sa Diyos na magpasakop at magkaroon ng takot sa Diyos. Ito ang kahulugan ng maging isang tao na nagbago na ang disposisyon. Gaano man katiwali ang isang tao o ilang tiwaling disposisyon ang mayroon siya, basta’t kaya niyang tanggapin ang katotohanan, tanggapin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at tanggapin ang iba’t ibang pagsubok at pagpipino, magkakaroon siya ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at kasabay nito ay malinaw niyang makikita ang sarili niyang kalikasang diwa. Kapag tunay niyang nakikilala ang kanyang sarili, magagawa niyang kamuhian ang kanyang sarili at si Satanas, at magiging handa siyang maghimagsik laban kay Satanas, at ganap na magpasakop sa Diyos. Kapag may ganitong determinasyon na ang isang tao, kaya na niyang hangarin ang katotohanan. Kung may tunay na kaalaman ang mga tao tungkol sa Diyos, kung nadalisay ang kanilang satanikong disposisyon, at nag-ugat ang mga salita ng Diyos sa kanilang kalooban, at naging buhay na nila at batayan ng kanilang pag-iral, kung namumuhay sila ayon sa mga salita ng Diyos, at lubusan nang nagbago at naging mga bagong tao—maituturing ito bilang pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Ang pagbabago sa disposisyon ay hindi nangangahulugan ng pagkakaroon ng pagkataong nasa hustong isipan na at bihasa, ni hindi ito nangangahulugan na mas maamo ang panlabas na mga disposisyon ng mga tao kaysa dati, na dati silang mayabang ngunit ngayon ay makatwiran nang magsalita, o na dati ay wala silang pinakikinggan ngunit ngayon ay kaya na nilang makinig sa iba nang kaunti; hindi masasabi na ang mga panlabas na pagbabagong ito ay mga pagbabago sa disposisyon. Siyempre pa, ang mga pagbabago sa disposisyon ay kinabibilangan ng mga ganoong pagpapamalas, ngunit ang pinakamahalagang bagay ay na sa loob, nagbago na ang buhay nila. Lahat ng ito ay dahil nag-ugat na ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan sa kanilang kalooban, namumuno sa kanilang kalooban, at naging buhay na nila. Nagbago na rin ang kanilang mga pananaw tungkol sa mga bagay-bagay. Kitang-kita nila ang nangyayari sa mundo at sa sangkatauhan, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano nilalabanan ng malaking pulang dragon ang Diyos, at ang diwa ng malaking pulang dragon. Kaya nilang kamuhian ang malaking pulang dragon, si Satanas sa puso nila, at kaya nilang lubos na bumaling at sumunod sa Diyos. Nangangahulugan ito na nagbago na ang kanilang buhay disposisyon, at nakamit na sila ng Diyos. Ang mga pagbabago sa buhay disposisyon ay mga pangunahing pagbabago, samantalang ang mga pagbabago sa pag-uugali ay paimbabaw. Ang mga nagkamit lang ng mga pagbabago sa buhay disposisyon ang mga nagtamo ng katotohanan, at sila lang ang nakamit ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

520. Kung nais mong malinis sa katiwalian mo at dumanas ng pagbabago sa disposisyon mo sa buhay, kailangan mong magkaroon ng pagmamahal sa katotohanan at magawa mong tanggapin ang katotohanan. Ano ang ibig sabihin ng tanggapin ang katotohanan? Ang pagtanggap sa katotohanan ay nangangahulugan na anumang uri ng tiwaling disposisyon ang mayroon ka, o alinman sa mga lason ng malaking pulang dragon—mga lason ni Satanas—ang nasa iyong kalikasan, kapag inilantad ng mga salita ng Diyos ang mga bagay na ito, dapat mong aminin ang mga ito at magpasakop ka, hindi ka maaaring gumawa ng ibang pagpili, at dapat mong kilalanin ang iyong sarili ayon sa mga salita ng Diyos. Ang ibig sabihin nito ay magawang tanggapin ang mga salita ng Diyos at tanggapin ang katotohanan. Anuman ang sabihin ng Diyos, gaano man kabigat ang mga pagbigkas Niya, at anumang mga salita ang ginagamit Niya, matatanggap mo ang mga ito basta’t katotohanan ang sinasabi Niya, at kaya mong kilalanin ang mga ito basta’t umaayon ang mga ito sa realidad. Kaya mong magpasakop sa mga salita ng Diyos gaano kalalim mo man nauunawaan ang mga ito, at kaya mong tanggapin ang liwanag mula sa pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu na pinagbabahaginan ng iyong mga kapatid at magpasakop dito. Kapag umabot na sa isang partikular na punto ang paghahangad sa katotohanan ng gayong tao, maaari niyang matamo ang katotohanan at makamtan ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Kahit pa medyo may pagkatao ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan, kayang gumawa ng ilang mabubuting bagay, at kayang tumalikod at gumugol para sa Diyos, nalilito sila tungkol sa katotohanan at hindi ito sineseryoso, kaya hindi nagbabago kailanman ang buhay disposisyon nila. Nakikita mo na ang pagkatao ni Pedro ay kapareho ng pagkatao ng iba pang mga disipulo, ngunit namukod-tangi siya sa kanyang marubdob na paghahangad sa katotohanan. Anuman ang sinabi ni Jesus, taimtim niya iyong pinagnilayan. Nagtanong si Jesus, “Simon Barjona, mahal mo ba Ako?” Matapat na sumagot si Pedro, “Ang Ama na nasa langit lamang ang mahal ko, subalit hindi ko minahal ang Panginoon sa lupa.” Kalaunan ay naunawaan niya, naisip na, “Hindi tama ito, ang Diyos sa lupa ay ang Diyos sa langit. Hindi ba pareho ang Diyos kapwa sa langit at sa lupa? Kung ang Diyos sa langit lamang ang mahal ko, hindi praktikal ang pagmamahal ko. Kailangan kong mahalin ang Diyos sa lupa, sapagkat doon lamang magiging praktikal ang aking pagmamahal.” Sa gayon, naunawaan ni Pedro ang tunay na kahulugan ng salita ng Diyos mula sa itinanong ni Jesus. Para mahalin ang Diyos, at para maging praktikal ang pagmamahal na ito, kailangang mahalin ng isang tao ang Diyos na nagkatawang-tao sa lupa. Ang mahalin ang malabo at di-nakikitang Diyos ay hindi makatotohanan ni praktikal, samantalang ang mahalin ang praktikal at nakikitang Diyos ay katotohanan. Mula sa mga salita ni Jesus, natamo ni Pedro ang katotohanan at naunawaan ang layunin ng Diyos. Malinaw na ang pananampalataya ni Pedro sa Diyos ay nakatuon lamang sa paghahangad sa katotohanan. Sa bandang huli, nagawa niyang mahalin ang praktikal na Diyos—ang Diyos sa lupa. Napakamasigasig ni Pedro sa kanyang paghahangad sa katotohanan. Sa bawat pagkakataon na pinayuhan siya ni Jesus, taimtim niyang pinagnilayan ang mga salita ni Jesus. Marahil ay nagnilay-nilay siya nang ilang buwan, isang taon, o ilang taon pa nga bago siya binigyang-liwanag ng Banal na Espiritu at naunawaan niya ang diwa ng mga salita ng Diyos. Sa ganitong paraan, pumasok si Pedro sa katotohanan, at sa kanyang pagpasok, nagbago at napanibago ang kanyang buhay disposisyon.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

521. Ang susi sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon ay ang makilala ang sariling kalikasan, at dapat itong gawin ayon sa paglalantad ng Diyos. Sa mga salita lamang ng Diyos makikilala ng isang tao ang kanyang kasuklam-suklam na kalikasan, ang iba’t ibang lason ni Satanas na nasa loob ng kanyang kalikasan, ang kanyang kahangalan at kamangmangan, at ang marurupok at negatibong mga elemento sa kanyang kalikasan. Pagkatapos mong lubusang makilala ang mga bagay na ito, at tunay mo nang kayang kamuhian ang iyong sarili, maghimagsik laban sa laman, magpursigi sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos, magpursigi sa paghahangad sa katotohanan habang ginagawa ang iyong tungkulin para makamit ang pagbabago sa disposisyon, at maging isang taong tunay na nagmamahal sa Diyos, matatahak mo na ang landas ni Pedro. Kung walang biyaya ng Diyos o ang kaliwanagan at paggabay mula sa Banal na Espiritu, magiging mahirap na tahakin ang landas na ito, sapagkat kung walang katotohanan, hindi kayang maghimagsik ng mga tao laban sa kanilang sarili. Ang pagtahak sa landas ni Pedro ng pagiging perpekto ay pangunahing nakadepende sa pagkakaroon ng kapasyahan, pagkakaroon ng pananalig, at pagsandig sa Diyos. Dagdag pa rito, dapat magpasakop ang isang tao sa gawain ng Banal na Espiritu at hindi kailanman lumihis mula sa mga salita ng Diyos sa lahat ng bagay. Ito ang mahahalagang aspektong hindi kailanman maaaring labagin. Sa takbo ng kanilang mga karanasan, napakahirap na makilala ang sarili, at kung walang gawain ng Banal na Espiritu, walang mga resultang darating. Para tahakin ang landas ni Pedro, dapat pagtuunan ng isang tao ang pagkilala sa sarili at ang pagbabago sa kanyang disposisyon. Ang landas ni Pablo ay hindi paghahangad sa buhay o pagtuon sa pagkilala sa sarili, kundi isang landas na may partikular na pagtuon sa paggawa ng gawain at sa kadakilaan at katanyagan ng gawaing ginampanan. Ang kanyang intensyon ay ang ipagpalit ang kanyang gawain at pagdurusa para sa mga pagpapala at gantimpala ng Diyos. Mali ang intensyong ito. Hindi tumuon si Pablo sa buhay, ni hindi niya pinahalagahan ang pagbabago ng kanyang disposisyon. Tumuon lamang siya sa mga gantimpala. Mali ang layong hinangad niya; kaya natural, mali rin ang landas na tinahak niya. Idinulot ito ng kanyang mapagmataas at palalong kalikasan. Malinaw na hindi nagtaglay si Pablo ng kahit katiting na katotohanan, ni wala siyang anumang konsensiya o katwiran. Sa pagliligtas at pagbabago sa mga tao, pangunahing binabago ng Diyos ang kanilang mga disposisyon. Ang layunin ng mga salita ng Diyos ay ang magdulot ng pagbabago sa mga disposisyon ng mga tao, at bigyan sila ng kakayahang makilala Siya at magpasakop sa Kanya, at magawang sambahin Siya sa isang normal na paraan. Ito ang layunin ng mga salita at gawain ng Diyos. Ang paraan ng paghahangad ni Pablo ay direktang sumalungat at kumontra sa mga layunin ng Diyos. Ito ay ganap na kasalungat ng mga ito. Gayumpaman, ang paraan ng paghahangad ni Pedro ay ganap na naaayon sa mga layunin ng Diyos. Tumuon si Pedro sa buhay at sa mga pagbabago sa disposisyon, na siyang mismong nais ng Diyos na maidulot sa mga tao sa pamamagitan ng Kanyang gawain. Samakatwid, ang landas ni Pedro ay pinagpala at sinang-ayunan ng Diyos, habang ang landas ni Pablo ay ang mismong kinasuklaman at isinumpa ng Diyos dahil ito ay salungat sa Kanyang mga layunin.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

522. Karamihan sa mga tao ay may napakababaw na pagkaunawa sa kanilang sarili. Hindi talaga nila malinaw na nakikilala ang mga bagay sa loob ng kanilang kalikasan. May kaalaman lamang sila sa iilang tiwaling kalagayan na ibinubunyag nila, sa mga bagay na malamang na gawin nila, o kung anong mga pagkukulang ang mayroon sila, at dahil dito ay iniisip nilang kilala na nila ang kanilang sarili. Kung susunod sila sa ilang regulasyon, titiyakin na hindi sila magkakamali sa ilang partikular na larangan, at magagawang iwasan ang paggawa ng ilang pagsalangsang, nag-aakala na silang nagtataglay sila ng realidad sa kanilang pananampalataya sa Diyos at ipinapalagay na maliligtas na sila. Ito ay pawang mga imahinasyon lamang ng tao. Kung susundin mo ang mga bagay na iyon, tunay ka bang makakaiwas sa pagsalangsang? Tunay mo bang makakamit ang pagbabago sa iyong disposisyon? Talaga bang maisasabuhay mo ang wangis ng isang tao? Tunay mo bang mapapalugod ang Diyos? Talagang hindi. Tiyak ito. Dapat magkaroon ang mga tao ng mataas na pamantayan sa kanilang pananampalataya sa Diyos: ang makamit ang katotohanan at sumailalim sa ilang pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Una itong nangangailangan na magsikap ang mga tao na kilalanin ang kanilang sarili. Kung masyadong mababaw ang pagkakilala ng isang tao sa kanyang sarili, hindi nito malulutas ang anumang problema, at tiyak na hindi magbabago ang kanyang buhay disposisyon. Dapat mong kilalanin ang iyong sarili sa isang malalim na antas. Nangangahulugan ito ng pagkilala sa iyong kalikasan, at pag-alam kung anong mga elemento ang nilalaman nito, kung saan nagmumula ang mga bagay na ito, at kung saan nanggagaling ang mga ito. Dagdag pa rito, kaya mo ba talagang kamuhian ang mga bagay na ito? Nakita mo na ba ang sarili mong pangit na kaluluwa at ang iyong buktot na kalikasan? Kung tunay mong makikita ang katotohanan tungkol sa iyong sarili, kamumuhian mo ang iyong sarili. Kapag kinamumuhian mo ang iyong sarili at pagkatapos ay sinusubukang isagawa ang mga salita ng Diyos, magagawa mong maghimagsik laban sa laman at magkamit ng lakas para isagawa ang katotohanan, at hindi na ito magiging parang isang pakikibaka. Bakit maraming tao ang kumikilos ayon sa mga kagustuhan ng kanilang laman? Dahil itinuturing nilang napakabuti ng kanilang sarili, at pakiramdam nila na ang kanilang mga kilos ay labis na angkop at makatwiran, na walang anumang pagkakamali, at ganap na tama pa nga, kaya kumikilos sila nang may labis na tiwala sa sarili. Kapag tunay na nilang nalaman kung ano talaga ang kanilang kalikasan—kung gaano ito kapangit, kakasuklam-suklam, at kakaawa-awa—hindi na magiging masyadong mataas ang tingin nila sa sarili o hindi na sila magiging sobrang mayabang, at hindi na sila gaanong magagalak sa kanilang sarili. Iisipin nila, “Kailangan kong isagawa ang ilang salita ng Diyos nang praktikal. Kung hindi, hindi ako aabot sa pamantayan ng pagiging tao, at mahihiya akong mamuhay sa presensya ng Diyos.” Tunay nilang makikita ang kanilang sarili bilang maliit at tunay na walang-halaga. Sa puntong ito, magiging madali para sa kanila na isagawa ang katotohanan, at magmumukha silang medyo tulad ng dapat na wangis ng isang tao. Tanging kapag tunay na kinamumuhian ng isang tao ang kanyang sarili saka niya kayang maghimagsik laban sa laman. Kung hindi niya kinamumuhian ang kanyang sarili, hindi niya kayang maghimagsik laban sa laman. Ang tunay na pagkamuhi sa sarili ay hindi isang simpleng bagay. Para magawa ito, may ilang bagay na dapat taglayin ng isang tao. Una, dapat magtaglay ang isang tao ng pagkakilala tungkol sa kanyang kalikasan. Pangalawa, dapat niyang makita na siya ay dukha at kaawa-awa, na siya ay napakaliit at labis na walang-halaga, at dapat niyang makita ang kanyang kaawa-awa at maruming kaluluwa. Kapag lubusan na niyang nakita kung ano talaga siya—kapag nakamit na ang resultang ito—tunay siyang nagkakamit ng pagkakilala tungkol sa kanyang sarili, at masasabing tumpak na tumpak ang pagkakilala niya sa kanyang sarili. Tanging sa puntong ito niya magagawang kamuhian ang kanyang sarili, at susumpain pa nga ang kanyang sarili, tunay na nararamdaman na ang mga tao ay lubhang ginawang tiwali ni Satanas kaya’t wala na silang anumang wangis ng tao. Isang araw, kung tunay siyang maharap sa banta ng kamatayan, iisipin niya, “Ito ang matuwid na kaparusahan ng Diyos. Tunay ngang matuwid ang Diyos. Nararapat akong mamatay!” Sa puntong ito, hindi siya magpapahayag ng kanyang mga hinaing, lalong hindi siya magrereklamo tungkol sa Diyos—mararamdaman lamang niya na siya ay lubhang dukha, kaawa-awa, marumi, at tiwali, at na dapat siyang itiwalag at lipulin ng Diyos, at mararamdaman niya na ang isang kaluluwang tulad ng sa kanya ay hindi karapat-dapat na mamuhay sa lupa. Samakatwid, hindi siya magrereklamo o lalaban sa Diyos, lalong hindi niya ipagkakanulo ang Diyos. Ngunit kung hindi niya kilala ang kanyang sarili, at itinuturing pa rin ang kanyang sarili na napakabuti, kapag nalalapit na ang banta ng kamatayan, iisipin niya, “Napakabuti ng nagawa ko sa aking pananalig. Hinangad ko nang husto ang katotohanan, napakarami kong isinakripisyo, at labis akong nagdusa, pero sa huli, hinahayaan akong mamatay ng diyos. Hindi ko alam kung nasaan ang pagiging matuwid ng diyos. Bakit niya ako hinahayaang mamatay? Kung kahit ang isang tulad ko ay kailangang mamatay, sino ang maliligtas? Hindi ba’t tapos na ang buong sangkatauhan?” Una sa lahat, magkakaroon siya ng mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Pangalawa, magrereklamo siya tungkol sa Kanya at wala siyang anumang pagpapasakop. Katulad na katulad siya ni Pablo, na hindi kilala ang sarili, kahit noong malapit na siyang mamatay. Kapag dumating na sa kanya ang kaparusahan ng Diyos, huli na ang lahat.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi

523. Kapag nagsimulang tumahak ang mga tao sa landas ng pagkaperpekto, ang dati nilang mga disposisyon ay may kakayahang magbago. Bukod dito, patuloy na lumalago ang kanilang buhay, at unti-unti silang pumapasok nang mas malalim sa katotohanan. Nagagawa nilang kamuhian ang mundo at lahat ng hindi nagsisikap na matamo ang katotohanan. Sa partikular, hindi lang sila nasusuklam sa kanilang sarili, ngunit higit pa riyan, malinaw nilang nakilala ang kanilang sarili. Handa silang mamuhay ayon sa katotohanan, ginagawa nilang kanilang layon na hangarin ang katotohanan, at ayaw nilang mamuhay sa loob ng mga kaisipan ng sarili nilang isipan. Nakararamdam sila ng pagkasuklam sa pagmamagaling, kahambugan, at kapalaluan ng tao, nagsasalita sila nang may matinding pagpapahalaga sa kagandahang-asal, may pagkilatis at karunungan kapag nahaharap sa mga bagay, at matapat at mapagpasakop sa Diyos. Kung nakararanas sila ng isang pagkakataon ng pagkastigo at paghatol, hindi lamang sila hindi nagiging negatibo o mahina, kundi nagpapasalamat pa sila para sa pagkastigo at paghatol na ito ng Diyos. Naniniwala sila na hindi maaaring wala silang pagkastigo at paghatol ng Diyos, na pinoprotektahan sila nito. Hindi sila nagsisikap na maghangad ng pananampalatayang magkaroon ng kapayapaan at kagalakan at makinabang hangga’t nais. Ni hindi rin sila naghahangad ng pansamantalang kaaliwan ng laman. Ito ang nangyayari sa mga naperpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Katotohanang Nakapaloob sa Gawain ng Paglupig (4)

524. Kung ang isang tao ay kayang bigyang-kasiyahan ang Diyos habang ginagawa ang kanyang tungkulin, may prinsipyo sa mga salita at kilos niya, at kaya niyang pumasok sa realidad ng lahat ng aspekto ng katotohanan, siya ay isang taong ginawang perpekto ng Diyos. Masasabi na ang gawain at mga salita ng Diyos ay lubos na nagkaroon ng epekto sa kanya, na ang mga salita ng Diyos ay naging buhay niya, na nakamit na niya ang katotohanan, at na nagagawa niyang mabuhay alinsunod sa mga salita ng Diyos. Pagkatapos nito, ang kalikasan ng kanyang laman—iyon ay, ang pinakasaligan ng kanyang orihinal na pag-iral—ay mayayanig at mabubuwal. Pagkatapos taglayin ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, saka lamang sila magiging mga bagong tao. Kung ang mga salita ng Diyos ay maging buhay ng mga tao, kung ang pangitain ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga paglalantad at hinihingi mula sa sangkatauhan, at ang mga pamantayan para sa buhay ng tao na hinihingi ng Diyos na matugunan ng mga tao ay maging buhay nila, kung nabubuhay ang mga tao alinsunod sa mga salita at katotohanang ito, sila ay pineperpekto sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Muling isinisilang ang gayong mga tao at naging mga bagong tao na sila sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Ito ang landas ng paghahangad ni Pedro sa katotohanan. Ito ang landas ng magawang perpekto. Ginawang perpekto si Pedro ng mga salita ng Diyos, at nagkamit siya ng buhay mula sa mga salita ng Diyos, ang katotohanan na ipinahayag ng Diyos ay naging kanyang buhay, at siya ay naging isang tao na nakamit ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Tahakin ang Landas ni Pedro

525. Kapag may tunay na pagkaunawa ang mga tao sa disposisyon ng Diyos, kapag nakikita nila na totoo ang disposisyon ng Diyos, na ito ay talagang banal, at talagang matuwid, at kapag napupuri nila nang taos-puso ang kabanalan at pagiging matuwid ng Diyos, talagang makikilala nila ang Diyos, at makakamit na nila ang katotohanan. Iyon lamang mga nakakakilala sa Diyos ang namumuhay sa liwanag. Ang tuwirang epekto ng tunay na pagkakilala sa Diyos ay ang magawang tunay na mahalin at magpasakop sa Diyos. Kapag ang mga tao ay tunay na nakakikilala sa Diyos, nakakaunawa sa katotohanan, at nakakamit ang katotohanan, nagkakaroon ng tunay na pagbabago sa kanilang pananaw sa mundo at pagtingin sa buhay, na susundan ng tunay na pagbabago sa kanilang buhay disposisyon. Kapag ang mga tao ay may mga tamang layon sa buhay, nagagawang hangarin ang katotohanan, at umaasal ayon sa katotohanan, kapag ganap silang nagpapasakop sa Diyos at nabubuhay ayon sa Kanyang mga salita, kapag panatag at maliwanag ang pakiramdam nila sa kaibuturan ng kanilang puso, at walang kadiliman sa kanilang puso, at kapag nakakapamuhay sila nang lubos na malaya at napalaya sa presensya ng Diyos, saka lamang sila nagtatamo ng tunay na buhay ng tao, at saka lamang sila magiging mga taong nagtataglay ng katotohanan at pagkatao. Bukod pa rito, ang lahat ng katotohanang naunawaan at nakamit mo ay mula sa mga salita ng Diyos at mula sa Diyos Mismo. Kapag nakamit mo ang pagsang-ayon ng Kataas-taasang Diyos—ang Lumikha, at sinabi Niyang isa kang nilikha na pasok sa pamantayan, at na isinasabuhay mo ang isang wangis ng tao, saka lamang magiging pinakamakabuluhan ang iyong buhay.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Malalaman ang Kalikasan ng Tao

526. Kung, sa pananampalataya ng tao sa Diyos, siya ay hindi seryoso tungkol sa mga bagay-bagay ng buhay, hindi hinahangad ang pagpasok sa katotohanan, hindi naghahangad ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at lalong hindi naghahangad ng isang kaalaman sa gawain ng Diyos, kung gayon hindi siya magagawang perpekto. Kung gusto mo na magawang perpekto, kung gayon ay dapat mong maunawaan ang gawain ng Diyos. Sa partikular, dapat mong maunawaan ang kabuluhan ng Kanyang pagkastigo at paghatol, at bakit ang gawaing ito ay isinasagawa sa tao. Kaya mo bang tanggapin ang gawaing ito? Sa panahon ng ganitong uri ng pagkastigo, kaya mo bang makamit ang mga karanasan at kaalaman na kapareho ng kay Pedro? Kung naghahangad ka ng kaalaman sa Diyos at sa gawain ng Banal na Espiritu, at kung naghahangad kang magkaroon ng mga pagbabago sa iyong disposisyon, kung gayon mayroon kang pagkakataon na magawang perpekto.

Para sa mga gagawing perpekto, ang hakbang na ito ng gawain ng pagiging nalupig ay hindi maaaring hindi isasagawa; sa sandaling nalupig ang isang tao ay saka pa lamang siya makararanas ng gawain ng pagiging ginagawang perpekto. Walang malaking kahalagahan sa paggampan lamang ng papel ng pagiging nalupig, hindi ito magtutulot sa iyo na maging angkop na gamitin ng Diyos. Hindi ka magkakaroon ng daan na gampanan ang iyong bahagi sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, sapagkat hindi mo hinahangad ang buhay, at hindi mo hinahangad ang mga pagbabago at pagpapanibago ng iyong sarili, kung kaya wala kang praktikal na karanasan sa buhay. Sa panahon ng gawaing ito nang paisa-isang hakbang, gumanap ka nang minsan bilang tagapagserbisyo, at isang hambingan ngunit kung sa huli ay hindi mo hinangad ang pagiging Pedro, at ang iyong paghahangad ay hindi kaayon sa landas kung saan si Pedro ay ginawang perpekto, kung gayon, natural, hindi ka makararanas ng mga pagbabago sa iyong disposisyon. Kung ikaw ay isang taong naghahangad na magawang perpekto, kung gayon magpapatotoo ka, at sasabihin mo: “Sa hakbang-hakbang na gawaing ito ng Diyos, natanggap ko ang gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, at bagaman nakapagtiis ako ng matinding pagdurusa, nalaman ko kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang tao, nakamit ko ang gawaing ginagawa ng Diyos, nagkaroon ako ng kaalaman sa pagiging matuwid ng Diyos, at ang Kanyang pagkastigo ay nagligtas sa akin. Ang Kanyang matuwid na disposisyon ay dumating sa akin, at nagdala sa akin ng mga pagpapala at biyaya; ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang nagprotekta at dumalisay sa akin. Kung hindi ako nakastigo at nahatulan ng Diyos, at kung ang Kanyang masasakit na salita ay hindi dumating sa akin, hindi ko sana makikilala ang Diyos, at ni hindi sana ako naligtas. Nakikita ko ngayon: Bilang isang nilikha, hindi lamang tinatamasa ng isang tao ang lahat ng bagay na nilikha ng Lumikha, ngunit, mas mahalaga, na lahat ng nilikha ay dapat magtamasa ng matuwid na disposisyon ng Diyos at ng Kanyang matuwid na paghatol, sapagkat ang disposisyon ng Diyos ay karapat-dapat sa pagtatamasa ng tao. Bilang isang nilikha na nagawang tiwali ni Satanas, dapat na tamasahin ng isa ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Sa Kanyang matuwid na disposisyon ay mayroong pagkastigo at paghatol, at, higit pa rito, mayroong dakilang pag-ibig. Bagaman hindi ko kayang lubos na matamo ang pag-ibig ng Diyos sa ngayon, nagkaroon naman ako ng mabuting kapalaran na makita ito, at dahil dito ako ay pinagpala.” Ito ang landas na nilakaran niyaong mga nakakaranas na magawang perpekto at ito ang kaalaman na sinasabi nila. Ang gayong mga tao ay pareho kay Pedro; mayroon silang parehong mga karanasan kay Pedro. Ang gayong mga tao ay iyon ding nakatamo ng buhay, at nagtataglay ng katotohanan. Kapag nararanasan nila hanggang sa katapus-tapusan, sa panahon ng paghatol ng Diyos tiyak na ganap nilang iwawaksi sa kanilang sarili ang impluwensiya ni Satanas, at matamo ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

527. Ang nais Ko ay mga taong tulad ni Pedro, mga taong nagsisikap na magawang perpekto. Ang katotohanan sa ngayon ay ipinagkakaloob sa mga nananabik at naghahanap dito. Ang pagliligtas na ito ay iginagawad sa mga iyong mahigpit na nagnanais na mailigtas ng Diyos, at hindi lamang ito itinakda upang makamit ninyo. Ang layunin nito ay upang maaaring makamit din kayo ng Diyos; nakakamit ninyo ang Diyos upang maaari kayong makamit ng Diyos. Ngayon ay winika Ko ang mga salitang ito sa inyo, at narinig ninyo ang mga iyon, at dapat kayong magsagawa ayon sa mga salitang ito. Sa huli, kung isinagawa ninyo ang mga salitang ito, makakamit Ko sana kayo sa pamamagitan ng mga salitang ito; kasabay nito, ay inyo ring makakamit ang mga salitang ito, na ibig sabihin, ay makakamit ninyo ang pinakamataas na kaligtasang ito. Kapag kayo ay nalinis, kayo ay magiging isang tunay na tao na. Kung hindi mo kayang isabuhay ang katotohanan, o isabuhay ang wangis ng isa na nagawa nang perpekto, kung gayon ay masasabing ikaw ay hindi isang tao, kundi isang naglalakad na bangkay, isang hayop, dahil wala sa iyo ang katotohanan, na ibig sabihin ay wala sa iyo ang hininga ni Jehova, sa gayon ikaw ay isang patay na tao na walang espiritu! Bagaman posible na magpatotoo pagkatapos mong malupig, ang natamo mo lamang ay kaunting kaligtasan, at hindi ka pa naging isang buhay na taong nilalang na may taglay na espiritu. Bagaman nakaranas ka ng pagkastigo at paghatol, ang iyong disposisyon ay hindi napanibago o nabago bilang resulta; ikaw ay ang dati mo pa ring sarili, ikaw ay kay Satanas, at ikaw ay hindi isang tao na nalinis. Tanging iyong mga nagawang perpekto ang may halaga, at ang ganitong mga tao lamang ang nakatamo ng isang tunay na buhay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

528. Sa landas ng iyong paglilingkod sa hinaharap, paano mo matutugunan ang mga layunin ng Diyos? Ang isang mahalagang punto ay ang hangarin ang buhay pagpasok, patuloy na sikaping magkaroon ng pagbabago sa disposisyon, at patuloy na sikaping mas lalong makapasok sa katotohanan—ito ang landas tungo sa pagtatamo ng pagpeperpekto at pagiging nakamit ng Diyos. Lahat kayo ay tumatanggap ng tagubilin ng Diyos, ngunit anong klaseng tagubilin? Nauugnay ito sa susunod na hakbang ng gawain; ang susunod na hakbang ng gawain ay magiging mas dakilang gawaing isinasagawa sa buong sansinukob, kaya ngayon, dapat ninyong patuloy na sikaping baguhin ang inyong disposisyon sa buhay, upang sa hinaharap ay talagang maging patunay kayo ng pagtatamo ng Diyos ng kaluwalhatian sa pamamagitan ng Kanyang gawain, na gagawin kayong mga uliran para sa Kanyang gawain sa hinaharap. Ang patuloy na pagsisikap ngayon ay lubos na para sa paglalatag ng pundasyon para sa gawain sa hinaharap, upang gamitin kayo ng Diyos at makapagpatotoo kayo sa Kanya. Kung gagawin mo itong mithiin ng iyong paghahangad, makakamit mo ang presensya ng Banal na Espiritu. Kapag mas mataas ang itinatakda mong mithiin ng iyong patuloy na pagsisikap, mas magagawa kang perpekto. Kapag mas patuloy mong pinagsisikapang matamo ang katotohanan, mas gumagawa ang Banal na Espiritu. Kapag mas masigla ka sa iyong patuloy na pagsisikap, mas marami kang mapapala. Pineperpekto ng Banal na Espiritu ang mga tao ayon sa panloob nilang kalagayan. Sinasabi ng ilang tao na hindi sila handang gamitin ng Diyos o gawin Niyang perpekto, na nais lamang nilang manatiling ligtas ang kanilang laman at hindi dumanas ng anumang kamalasan. Ang ilang tao ay ayaw pumasok sa kaharian subalit handang bumaba sa walang hanggang kalaliman. Kung gayon, ipagkakaloob din ng Diyos ang iyong nais. Anuman ang iyong hinahangad, papangyarihin iyon ng Diyos. Kaya ano ang hinahangad mo sa ngayon? Iyon ba ay ang magawang perpekto? Ang kasalukuyan mo bang mga kilos at pag-uugali ay para magawang perpekto ng Diyos at makamit Niya? Kailangan mong palagiang sukatin ang iyong sarili sa ganitong paraan sa iyong pang-araw-araw na buhay. Kung buong puso mong patuloy na pinagsisikapang makamtan ang isang mithiin, tiyak na gagawin kang perpekto ng Diyos. Gayon ang landas ng Banal na Espiritu. Ang landas kung saan ginagabayan ng Banal na Espiritu ang mga tao ay nakakamit sa pamamagitan ng kanilang paghahangad. Kapag mas nauuhaw kang magawang perpekto at makamit ng Diyos, mas gagawa ang Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Kapag mas bigo kang magsikap, at mas negatibo ka at bumabalik sa dati, mas pinagkakaitan mo ang Banal na Espiritu ng mga pagkakataong gumawa; habang lumalaon, pababayaan ka ng Banal na Espiritu. Nais mo bang magawang perpekto ng Diyos? Nais mo bang makamit ng Diyos? Nais mo bang kasangkapanin ka ng Diyos? Dapat ninyong patuloy na sikaping gawin ang lahat para magawa kayong perpekto, makamit, at kasangkapanin ng Diyos, upang makita ng sansinukob at ng lahat ng bagay ang mga kilos ng Diyos na nakikita sa inyo. Kayo ang panginoon ng lahat ng bagay, at sa gitna ng lahat ng naroroon, hahayaan ninyong matamasa ng Diyos ang patotoo at kaluwalhatian sa pamamagitan ninyo—patunay ito na kayo ang pinakamapalad sa lahat ng henerasyon!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Taong Nagbago Na ang Disposisyon ay Yaong mga Nakapasok Na sa Realidad ng mga Salita ng Diyos

Sinundan: M. Tungkol sa Paano Maiwaksi ang Impluwensya ni Satanas at Makamit ang Kaligtasan

Sumunod: XI. Mga Salita tungkol sa Pagkilala sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos Ukol sa Pagkakilala sa Diyos Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw Paglalantad sa mga Anticristo Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ukol sa Paghahangad sa Katotohanan Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos Mahahalagang Salita Mula sa Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga Huling Araw Araw-araw na mga Salita ng Diyos Ang Mga Katotohanang Realidad na Dapat Pasukin ng mga Mananampalataya sa Diyos Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin Mga Gabay para sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo ng Kaharian Naririnig ng mga Tupa ng Diyos ang Tinig ng Diyos Makinig sa Tinig ng Diyos  Masdan ang Pagpapakita ng Diyos Mahahalagang Tanong at Sagot tungkol sa Ebanghelyo ng Kaharian Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume I) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume II) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume III) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IV) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume V) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VI) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume VIII) Mga Patotoong Batay sa Karanasan sa Harap ng Luklukan ng Paghatol ni Cristo (Volume IX) Paano Ako Bumalik sa Makapangyarihang Diyos

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito