829 Ikaw ba’y Tunay na Tiwala na Magpatotoo para sa Diyos?
I
Napakataimtim man ng inyong pananalig,
walang sinumang
makapaglalarawan sa Diyos nang buo,
ni tunay na makapagpapatotoo
sa lahat ng realidad na nakikita ninyo.
Ngayon, karamiha’y pabaya
sa inyong mga tungkulin,
pinipili’ng mga makalamang bagay,
nagpapasasa sa laman.
Kaunti lang ang katotohanang taglay ninyo.
Pa’no kayo makapagpapatotoo
sa lahat nang nakita ninyo?
May tiwala ba kayong
maaari kayong maging saksi ng Diyos?
II
‘Pag dumating ang araw na ‘di mo mapatotohanan
ang lahat ng bagay na nakikita mo ngayon,
mawawala ang ‘yong silbi bilang nilikha;
mawawalan ng kahulugan ang pag-iral mo.
Ika’y ‘di karapat-dapat na maging tao.
Masasabi pa na hindi ka na nga.
III
Gumawa’ng Diyos
ng ‘di mabilang na gawain sa inyo,
ngunit dahil wala kang natututunan,
walang alam at paggawa’y walang kabuluhan,
sa oras na palawakin ng Diyos ang gawain Niya,
‘di ka makakaimik, tutunganga, at walang silbi.
‘Di ka kaya magiging makasalanan
habang panahon?
Pagdating nito,
‘di ka kaya manghihinayang nang labis?
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?