233 Itangi ang mga Huling Sandali
1 Sa isang kisap-mata lamang ay lumipas ang lahat ng taong pananampalataya ko sa Diyos. Sa pagkakita na ang Kanyang gawain ay malapit nang magwakas, nagninilay-nilay ako ngayon kung nakamit ko ba ang katotohanan at ang buhay. Nalilito ako; hindi ko alam kung paano ako magsusulit sa Diyos. Napakaraming beses, sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos, wala sa loob ko lamang iyong ginawa nang hindi pinagbubulayang mabuti ang mga ito; napakaraming beses, matapos na mapungusan at maiwasto, nabigo akong hangarin ang katotohanan; matapos ang napakaraming taon ng pagsasakripisyo at paggugol sa aking sarili, akala ko ay naging matapat ako sa Diyos. Nang suriin ko nang mabuti ang aking mga motibo, nakikita ko na lahat ay tungkol sa paghahangad ng pangalan at katayuan para sa aking sarili. Napakaraming salitang binigkas ang Diyos, ngunit halos wala akong naunawaang anumang katotohanan; napakarami kong hinarap na pagsubok, at napakaraming pagpipino, ngunit hindi nagbago ang aking disposisyon. Ngayong malapit nang umalis ang Diyos, biglang nagising ang manhid kong puso. Dahil hindi ko hinahanap ang katotohanan, nawala sa akin ang napakaraming pagkakataon na magawang perpekto.
2 Babalik ang Diyos sa Sion, at sasapit ang malalaking sakuna. Nababahala pa rin sa pagiging batang-isip natin sa buhay, taimtim Niya tayong hinihimok na huwag sayangin ang pagkakataong hanapin ang katotohanan. Paulit-ulit na pinupukaw ng Kanyang paghatol at pagkastigo ang manhid kong puso. Napaluha ako nang makita ko ang lahat ng taos-pusong mga salita ng Diyos; para iligtas ang sangkatauhan, nagbayad Siya ng napakalaking halaga. Kung talagang may taglay akong katwiran at konsiyensiya, paano ako muling maghihimagsik at sasaktan ang Diyos? Kung nagpatuloy akong hindi hanapin ang katotohanan, magkukulang ang aking pagkatao at hindi karapat-dapat na mabuhay. Ang disposisyon ng Diyos ay matuwid at banal, at hindi magpaparaya sa mga pagkakasala ng sangkatauhan. Maliban kung ang aking tiwaling disposisyon ay malinis at mabago, paano ako maililigtas? Napakarami kong pinanghihinayangan sa mga bagay ng nakaraan; ang aking puso ay puno ng pagsisisi. Itatangi ko ang mga huling sandaling ito, at hahanapin ang katotohanan upang maisabuhay ang wangis ng isang tao at magdala ng kasiyahan sa Diyos.