53. Ang Aking Malubak na Karanasan sa Pagpapalaganap ng Ebanghelyo

Ni Anna, Myanmar

Ako ay taga-Myanmar. Tinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw noong 2019. Natutunan ko mula sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang ganap na iligtas ang tao mula sa impluwensya ni Satanas, na nagdadala sa atin sa isang magandang hantungan. Lubos akong nagpapasalamat sa pagliligtas ng Diyos. Mula noon, ipinapalaganap ko na ang ebanghelyo sa iglesia. Sa isang pagtitipon, nabasa namin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos: “Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng patutunguhan ng tao. Bukod dito, ito ay upang kilalanin ng lahat ng mga tao ang mga gawa at mga kilos Ko. Nais Kong makita ng bawat isang tao na tama ang lahat ng nagawa Ko na, at na ang lahat ng nagawa Ko na ay pagpapahayag ng disposisyon Ko. Hindi kagagawan ng tao, lalong hindi ng kalikasan, ang nagluwal sa sangkatauhan, kundi Ako, na nag-aaruga sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa sangnilikha. Kung wala ang pag-iral Ko, mapapahamak lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; makakatagpo lamang ng sangkatauhan ang napakalamig na gabi at ang walang tinag na lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang kaligtasan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng naglaladlad na gawain Ko, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan). Labis akong nabuhayan ng loob sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos. Dahil parami nang parami ang mga sakuna, at maraming tao na nananabik sa pagpapakita ng Diyos ang hindi pa nakarinig sa Kanyang tinig o nakatanggap sa Kanyang pagliligtas sa mga huling araw, nabalisa ako at pakiramdam ko ay kailangan kong mag-apura. Kaya’t nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na gabayan ako para ipalaganap ang Kanyang ebanghelyo sa mga huling araw sa mas maraming tao.

Noong unang bahagi ng Hulyo 2022, sumama ako sa ilang kapatid sa isang nayon para ipalaganap ang ebanghelyo. Naiulat at naaresto ang isang brother dahil sa pangangaral doon, at sa tuwing nanggagaling ang pinuno ng nayon mula sa pulong ng pamprobinsyang gobyerno, sinasabihan niya ang mga residente na bawal silang maging relihiyoso. Kung matutuklasan ang sinumang mananampalataya, pagmumultahin sila ng malaking pera o aarestuhin pa nga. Kaya, walang nangahas na makinig sa ipinangangaral namin. Gusto nilang kausapin muna namin ang pinuno ng nayon bago nila ito siyasatin. Isa akong dayuhan. Ang lahat ng mga kasama kong nagpapalaganap ng ebanghelyo ay mula sa mga kalapit na nayon at hindi namin kilala ang pinuno ng nayon. Ayaw rin kaming samahan ng mga tagaroon para makipagkita sa pinuno. Hindi ko alam kung paano lulutasin ang mga suliraning ito, at nanganganib kaming maiulat at maaresto anumang oras. Nagdasal ako, hinihiling sa Diyos na ituro sa amin ang daan. Nabasa namin ang isang sipi ng mga salita ng Diyos sa isang pagtitipon: “Dapat kang maniwala na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at na nakikipagtulungan lang ang mga tao. Kung ikaw ay sinsero, makikita ito ng Diyos, at magbubukas Siya ng daan para sa iyo sa bawat sitwasyon. Walang paghihirap ang hindi kayang lampasan; dapat mayroon ka nitong pananalig. Samakatuwid, kapag tinutupad ninyo ang inyong mga tungkulin, hindi kailangang magkaroon ng anumang pag-aalinlangan. Hangga’t ibinibigay mo ang lahat mo, nang buong-puso mo, hindi ka bibigyan ng Diyos ng mga paghihirap, ni hindi ka Niya bibigyan ng higit pa sa makakaya mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Pananalig sa Diyos, ang Pinakamahalaga ay Isagawa at Danasin ang Kanyang mga Salita). Binigyan ako ng mga salita ng Diyos ng pananalig at lakas. Makakausap ko man ang pinuno ng nayon, o mauulat at maaaresto ako ay lahat nasa mga kamay ng Diyos. Ang pagpapalawig ng ebanghelyo ay utos ng Diyos, isang bagay na nais ng Diyos na makumpleto. Bagamat sinupil ito ng gobyerno at hinadlangan ng pinuno ng nayon, hindi nila mapipigilan ang pagpapalawig ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos. Hindi nila mapipigilan ang mga tupa ng Diyos na bumalik sa Kanya. Hangga’t ibinibigay natin ang lahat ng mayroon tayo sa ating gawain, alam kong ipapakita ng Diyos ang daan at magbubukas Siya ng landas para sa atin. Sa sandaling naunawaan na namin ang kalooban ng Diyos, lahat kami ay nagkaroon na ng kumpiyansa na ibahagi ang ebanghelyo. May isang brother pala sa kalapit na nayon na kamag-anak ng pinuno. Sasamahan daw niya kami kinabukasan para makipagkita sa pinuno. Nang gabing iyon ay bumalik kami sa nayon at nangaral kami sa ilang lokal na may mabuting pagkatao. Habang nagbabahagi kami, hindi inaasahang dumating ang deputy chief, ang lider ng pulutong, at ang treasurer, pagkatapos ay umalis din sila matapos makinig saglit. Sabi ng isang residente, “Pumunta sila para tingnan kung ipinangangaral ninyo ang ebanghelyo. Hindi na kami dapat makinig. Kausapin niyo muna ang pinuno ng nayon, at makikinig pa kami kung papayag siya.” Wala kaming nagawa kundi umalis. Pagkauwi sa bahay, medyo nalungkot ako. Alam ng deputy chief na ibinabahagi namin ang ebanghelyo. Kung hahadlang siya, talagang hindi sisiyasatin ng mga taganayon ang tunay na daan. Isa pa, noong naaresto ang brother na iyon noon, ito ay dahil sa pag-uulat ng treasurer. Dahil nag-aalala rin ako na maaresto, ayaw kong makipag-usap sa pinuno ng nayon. Nalaman ng superbisor ang kalagayan ko at nagbahagi siya sa akin, “Kapag nahaharap sa ganoong sitwasyon, hindi tayo pwedeng umatras. Kailangan nating gamitin ang pagkakataong iyon upang kausapin ang pinuno ng nayon at ibahagi ang ebanghelyo sa kanila. Hangga’t tinutupad natin ang ating mga responsibilidad, tanggapin man nila ang ebanghelyo o hindi, magiging malinis ang ating konsensya.” Nang sandaling iyon, naisip ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko noon: “Sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, dapat tuparin ng mga tao ang kanilang responsabilidad at makitungo nang masigasig sa bawat potensyal na tatanggap ng ebanghelyo. Inililigtas ng Diyos ang tao sa abot ng makakaya, at dapat isaisip ng mga tao ang kalooban ng Diyos, hindi nila dapat lagpasan nang walang ingat ang sinumang naghahanap at nagsisiyasat sa tunay na daan. … Hangga’t handa siyang siyasatin ang tunay na daan at kayang hanapin ang katotohanan, dapat mong gawin ang lahat ng iyong makakaya para mabasahan pa siya ng mga salita ng Diyos at mabahaginan pa siya ng katotohanan, at mapatotohanan ang gawain ng Diyos at malutas ang kanyang mga kuru-kuro at tanong, upang mahikayat mo siya at madala sa harapan ng Diyos. Ito ang naaayon sa mga prinsipyo ng pagpapalaganap ng ebanghelyo. Kaya paano siya mahihikayat? Kung, sa proseso ng pakikipag-usap mo sa kanya, natitiyak mo na may mahusay na kakayahan at mabuting pagkatao ang taong ito, kailangan mong gawin ang lahat ng makakaya mo para tuparin ang iyong responsabilidad; kailangan mong magbayad ng partikular na halaga, at gumamit ng partikular na mga kaparaanan, at hindi mahalaga kung anong mga kaparaanan ang ginagamit mo ginagamit mo ang mga ito para mahikayat siya. Sa kabuuan, upang mahikayat siya, kailangan mong tuparin ang iyong responsabilidad, at gumamit ng pagmamahal, at gawin ang lahat ng makakaya mo para matamo siya. Kailangan mong magbahagi tungkol sa lahat ng katotohanang nauunawaan mo at gawin ang lahat ng bagay na dapat mong gawin. Kahit hindi mahikayat ang taong ito, magiging malinis ang konsiyensiya mo. Nagawa mo na ang lahat ng makakaya mo(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na kapag nangangaral, kailangan nating gampanan ang ating responsibilidad para magkaroon tayo ng malinis na konsensya. Hangga’t angkop sa mga prinsipyo ang taong pinangangaralan, dapat nating ibahagi ang ebanghelyo sa kanya sa anumang posibleng paraan. Interesado ang mga taganayon na siyasatin ang tunay na daan. Dahil lamang sa paniniil ng gobyerno kaya sila natakot na pagmumultahin o aarestuhin sila, at kaya ayaw nilang makinig. Dapat kong tuparin ang aking responsibilidad at higit na magbahagi sa mga salita ng Diyos, lutasin ang kanilang mga isyu at paghihirap. Kung mabuting tao ang pinuno ng nayon, at handa siyang makinig sa mga salita ng Diyos, dapat kong subukan ang lahat para makapangaral sa kanya. Iyon ang tunay na pagtupad sa aking responsibilidad. Pero kung hindi ko ibabahagi ang ebanghelyo dahil sa takot na maiulat at maaresto, magkakautang ako sa Diyos. Sa sandaling naunawaan ko ang kalooban ng Diyos, nagkaroon ako ng kumpiyansa na makipag-usap sa pinuno, at mangaral sa mga taganayon.

Kinabukasan, dinala kami ng brother na iyon sa tahanan ng pinuno. Naroon din ang deputy chief at ang treasurer. Ibinahagi namin kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang tatlong yugto ng Kanyang gawain para iligtas ang sangkatauhan, at sinabi namin sa kanila na tayo ay nasa mga huling araw na ngayon, at na ang Makapangyarihang Diyos ang pagdating ng Tagapagligtas. Nagpapahayag Siya ng mga katotohanan at ginagawa ang gawain ng paghatol para dalisayin at iligtas ang tao. Kailangan nating tanggapin ang Kanyang paghatol at paglilinis para maprotektahan tayo ng Diyos sa gitna ng mga sakuna, at makapasok sa Kanyang kaharian. Naging interesado ang pinuno ng nayon at ginusto niyang magsiyasat. Ngunit parehong masama ang ugali ng deputy chief at ng treasurer. Sabi nila, “Nakikinig kami sa gobyerno. Hindi nila pinahihintulutan ang mga pananalig sa relihiyon, kaya hindi kami pwedeng manalig. Kung hindi, aarestuhin kami.” Nang makitang matatag talaga sila sa kanilang paninindigan, nagdasal ako sa Diyos, ipinagkakatiwala sila sa Diyos at hinihiling sa Kanya na manguna. Pagkatapos, binasa ko sa kanila ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Marahil ang iyong bayan ay kasalukuyang umuunlad, ngunit kung pinapayagan mo ang iyong mga tao na lumihis papalayo sa Diyos, matatagpuan ang iyong bayan na unti-unting pinagkakaitan ng mga pagpapala ng Diyos. Ang sibilisasyon ng iyong bayan ay lalong tatapak-tapakan, at hindi magtatagal ang mga tao ay titindig laban sa Diyos at susumpain ang Langit. Kung kaya’t, lingid sa kaalaman ng tao, ang kapalaran ng isang bayan ay mauuwi sa pagkawasak. Ang Diyos ay magbabangon ng mga makapangyarihang bayan upang harapin ang mga bayang naisumpa ng Diyos, at maaaring alisin pa nga ang mga ito sa ibabaw ng lupa. Ang pagbangon at pagbagsak ng isang bayan o bansa ay batay sa kung ang mga tagapamahala nito ay sumasamba sa Diyos, at kung inaakay nila ang kanilang mga tao na maging mas malapit sa Diyos at sambahin Siya(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Pagkatapos, nagbahagi ako, “Hindi pinahihintulutan ng gobyerno ang pananampalataya ngayon, at sinasalungat pa nga nito ang Diyos. Nakikinig kayo sa kanila at ayaw ninyong manalig. Sino ba talaga ang makapagliligtas sa mga tao—ang Diyos ba, o ang gobyerno? Palala nang palala ngayon ang pandemya. Mayaman man o mahirap, mataas man o mababa ang katayuan, ang mga tao ay mga hamak lamang sa harap ng sakuna. Walang sinuman ang makapagliligtas sa atin mula sa kapangyarihan ni Satanas, o makapagpoprotekta sa atin sa mga sakuna. Ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin! Ang Diyos ay nagkatawang-tao sa mga huling araw, nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa para iligtas ang tao. Isa itong bibihirang pagkakataon. Kayong lahat ang namamahala sa nayong ito. Kung hindi ninyo aakayin ang mga taganayon sa pagsamba sa Diyos, at sa halip ay sasalungatin Siya, sila ay masisira ninyong lahat.” Pagkatapos ay sinabi ng pinuno ng nayon, “Naniniwala ako na ang kapalaran ng mga tao ay nasa mga kamay ng Diyos, at gusto kong gabayan ang mga taganayon na manalig sa Diyos.” Sabi ng treasurer, “Alam kong mabuti ang pagkakaroon ng pananampalataya, pero huhulihin kami ng gobyerno kung hindi kami susunod sa kanila. Wala kaming magagawa.” Binasa ko sa kanila ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos: “Nagtitiwala kami na walang bansa o kapangyarihan ang maaaring pumigil sa kung ano ang nais ng Diyos na makamit. Ang mga humahadlang sa gawain ng Diyos, lumalaban sa salita ng Diyos at nanggugulo at sumisira sa plano ng Diyos ay parurusahan ng Diyos sa huli. Siya na lumalabag sa gawain ng Diyos ay ipadadala sa impiyerno; anumang bayan na sumusuway sa gawain ng Diyos ay wawasakin; anumang bansa na tumututol sa gawain ng Diyos ay mabubura sa daigdig na ito, at titigil sa pag-iral. Hinihikayat Ko ang mga tao ng lahat ng bansa, lahat ng bayan, at maging lahat ng industriya na makinig sa tinig ng Diyos, masdan ang gawain ng Diyos at bigyang-pansin ang kapalaran ng sangkatauhan, upang magawa ang Diyos na pinakabanal, pinaka-kagalang-galang, pinakamataas, at tanging pag-uukulan ng pagsamba ng sangkatauhan, at magbigay-daan sa buong sangkatauhan upang mamuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos, tulad ng mga inapo ni Abraham na namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova, at tulad nina Adan at Eba, na orihinal na ginawa ng Diyos, na namuhay sa Hardin ng Eden(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 2: Ang Diyos ang Namumuno sa Kapalaran ng Buong Sangkatauhan). Nagbahagi ako, “Hindi kinukunsinti ng disposisyon ng Diyos ang pagkakasala ng tao. Paparusahan Niya ang lahat ng sumasalungat sa Kanyang gawain. Iyon ang matuwid na disposisyon ng Diyos, at walang makakatakas dito. Patuloy na dumarami ang mga sakuna. Ito ang paalaala at babala ng Diyos sa sangkatauhan, at isa ring parusa. Halimbawa, ang gobyerno sa katimugang bahagi ng Wa State sa Myanmar na madalas nang-aaresto ng mga mananampalataya, at hindi pinahihintulutan ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Ito ay malubhang paglaban sa Diyos. Nitong Hunyo ay bumaha roon, at maraming bahay ang naanod. Hindi magiging mahalaga kung mapasama man natin ang loob ng iba, ngunit magiging malubha ang mga kahihinatnan ng paglaban sa Diyos. Lahat tayo ay nakagawa na ng mga bagay na laban sa Diyos noon, pero hangga’t nagsisisi tayo sa Diyos, at ginagabayan natin ang mga taganayon na siyasatin ang tunay na daan at bumaling sa Diyos, kaaawaan at patatawarin tayo ng Diyos.” Matapos kong magbahagi, tila hindi na masyadong mapagmatigas ang saloobin ng treasurer. Sumang-ayon ang pinuno at ang iba pa na hayaan kaming ibahagi ang ebanghelyo sa mga taganayon. Kinabukasan ng umaga, pinatawag namin ang mga taganayon at nagpatotoo sa kanila tungkol sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos ng mahigit 10 araw ng pagbabahagi, mahigit 40 katao sa nayon, kabilang na ang pinuno at ang deputy chief, ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos. Nananabik sila sa mga salita ng Diyos, masigasig na nakibahagi sa mga pagtitipon, at aktibong hinikayat ang iba na makinig sa mga sermon. Kalaunan, sa sama-samang pagtutulungan at pagsisikap ng mga kapatid, tinanggap ng mga tao sa maraming nayon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Habang parami nang parami ang mga taong tumatanggap sa ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw, lalong tumitindi ang pang-aapi ng gobyerno. Ilang beses akong naiulat dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Alam ng karamihan sa aking mga kababayan na nananalig ako sa Makapangyarihang Diyos, at hinahanap ako ng mga pulis kahit saan. Dahil wala ako sa bahay, pinuntahan nila ang bahay ng mga magulang ko, pagkatapos ay inaresto at ikinulong ang aking ina na hindi mananampalataya. Galit na galit ako. Tama at wasto ang aking pananampalataya, at ang pagbabahagi ng ebanghelyo ang tama ring gawin. Tinutugis ako ng gobyerno kahit saan dahil sa aking pananampalataya at pag-eebanghelyo, at sinabi nilang hindi nila pakakawalan ang aking ina hangga’t hindi nila ako nahuhuli. Lubhang napakasama niyon! Hindi ako naiintindihan ng pamilya ko, sinasabi nila na ang pananampalataya ko ang dahilan sa pagkaaresto ng aking ina. Tinawagan nila ako at inakusahan ako na walang puso. Sinabi pa sa akin ng aking kapatid na lalaki at babae na dapat sumuko na lang ako sa mga pulis. Naging miserable ako, at talagang nag-alala ako na magdurusa ang nanay ko. Ipinagpatuloy ko ang pagbabahagi ng ebanghelyo, pero hindi na kasing-aktibo tulad ng dati. Sa aking pasakit, nagdasal ako sa Diyos, “O Diyos, napakaliit ng tayog ko. Naaresto ang nanay ko at hindi nakakaunawa ang pamilya ko—talagang miserable ako. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig para makatayo ako nang matatag.” Binasa ko ang mga salita ng Diyos pagkatapos magdasal: “Wala ni isa mang tao sa inyo ang protektado ng batas—sa halip, kayo ay pinaghihigpitan ng batas. Ang mas malaking problema pa ay hindi kayo nauunawaan ng mga tao: Mga kamag-anak man ninyo, mga magulang, mga kaibigan, o mga kasamahan, walang isa man sa kanila ang nakakaunawa sa inyo. Kapag kayo ay pinabayaan ng Diyos, imposibleng patuloy kayong mamuhay sa lupa, ngunit magkagayon man, hindi kaya ng mga tao na mapalayo sa Diyos, na siyang kabuluhan ng paglupig ng Diyos sa mga tao, at siyang kaluwalhatian ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Simple ba ang Gawain ng Diyos na Tulad ng Inaakala ng Tao?). Talagang naantig ako ng mga salita ng Diyos. Bilang mga mananampalataya, ang pagbabahagi ng ebanghelyo at pagtahak sa tamang landas sa buhay ang pinakamatuwid na bagay sa mundong ito. Pero bukod sa walang legal na proteksyon ang mga mananampalataya sa mga bansang laban sa Diyos, kinokondena at inaaresto rin sila, at nadadawit pa nga maging ang mga kapamilya nila. Sabi ng gobyerno, maaaring mapatawad ang mga drug trafficker at mamamatay-tao; ang mga mananampalataya lamang ang hindi mapapatawad. At saka, kapag nahuli ang isang mananampalataya, pinagmumulta sila, ikinukulong, o ipinapasa sa isang opisyal bilang isang trabahante. Hindi man lang tinatrato bilang tao ang mga mananampalataya. Isa itong napakadilim at napakasamang bansa. Ito ang makabagong-panahong Sodoma, sumasalungat ito sa Diyos. Bilang isang mananampalataya, ang pagsunod sa Diyos ngayon ay nangangahulugan na mauusig ka, pero mula sa mga salita ng Diyos ay nakita ko ang kalooban Niya. Ginagamit ng Diyos ang mga paghihirap na iyon para gawing perpekto ang iyong pananampalataya, habang tinutulutan din kaming magkaroon ng pagkakilala sa masamang diwa ng gobyerno na sumasalungat sa Diyos para matanggihan at matalikdan ko si Satanas, at tunay na bumaling sa Diyos. Hindi na ako gaanong nasasaktan nang maunawaan ko na ang kalooban ng Diyos. Nadama kong handa na akong umasa sa Diyos at patuloy na ibahagi ang ebanghelyo.

Kalaunan, tinipon ko ang mga bagong mananampalataya at binahaginan sila ng mga salita ng Diyos para tulungan silang malaman ang gawain ng Diyos at maunawaan ang Kanyang kalooban. Sama-sama kaming nakinig sa isang himno ng mga salita ng Diyos, “Ang Panahong Nawala ay Hindi na Kailanman Darating Muli”: “Gising, mga lalaking kapatid! Gising, mga babaeng kapatid! Hindi maaantala ang Aking araw; ang oras ay buhay, at ang samantalahin ang panahon ay nakapagliligtas ng buhay! Hindi na malayo ang oras! Kung hindi kayo makapasa sa pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, maaari kayong mag-aral at kumuha muli ng pagsusulit kahit ilang ulit ninyo naisin. Gayunman, ang Aking araw ay hindi na maaantala. Tandaan! Tandaan! Hinihimok Ko kayo sa pamamagitan ng mabubuting salitang ito. Nagaganap ang katapusan ng mundo sa harap mismo ng inyong mga mata, at matuling nagsisilapit ang malalaking sakuna. Ano ang mas mahalaga: ang buhay ninyo, o ang inyong pagtulog, ang pagkain, inumin, at kasuotan? Dumating na ang oras para timbangin ninyo ang mga bagay na ito(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 30). Pagkatapos pakinggan ang himno, nagbahagi ako, “Sinasabi ng ilang tao na mananalig sila kapag bumagsak na ang mga puwersa ni Satanas, at wala nang paniniil, pero matatapos na noon ang gawain ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, at tuluyan na tayong mawawalan ng pagkakataon sa pagliligtas ng Diyos. Kung nagpapapigil tayo sa gobyerno at wala tayong lakas ng loob na manalig kapag pinagbabawalan tayo nito, maaari bang ang gobyerno na lang ang magliligtas sa atin? Syempre hindi. Ang Diyos lamang ang makapagliligtas sa atin. Kung makikinig tayo sa kanila at hindi mananalig, mawawala sa atin ang pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw. Kapag natapos na ang gawain ng Diyos, mawawasak tayo kasama ni Satanas. Nagdusa tayo sa panunupil at pang-aaresto ng gobyerno dahil sa ating pananampalataya, pero may halaga ang paghihirap na ito. Kailangan nating magbayad ng halaga kung gusto nating matanggap ang pagliligtas ng Diyos. At naghahari ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya maaresto man tayo o hindi ay nakasalalay lahat sa mga kamay Niya. Kung maaaresto tayo, ito ay may pahintulot ng Diyos. Dapat tayong magpasakop sa Kanya at matuto ng ating leksyon.” Pagkatapos ay nagbasa pa ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos: “Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga ‘mananagumpay’ ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang ‘mananagumpay’(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos). “Dapat makita mo na ngayon na ang dahilan kaya hindi pinupuksa ng Diyos si Satanas sa panahon ng Kanyang pagliligtas sa tao ay para maaaring malinaw na makita ng mga tao kung paano sila nagawang tiwali ni Satanas at kung gaano sila nito nagawang tiwali, at kung paano sila dinadalisay at inililigtas ng Diyos. Sa huli, kapag naunawaan na ng mga tao ang katotohanan at malinaw nang nakita ang kasuklam-suklam na anyo ni Satanas, at namasdan ang napakalaking kasalanan ng pagtitiwali sa kanila ni Satanas, pupuksain ng Diyos si Satanas, ipapakita sa kanila ang Kanyang pagiging matuwid(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi). Nagbahagi ako, “Pinahihintulutan ng Diyos ang paniniil at pang-aaresto ng gobyerno. Sinusubukan nito kung tunay tayong nananalig sa Diyos, kung mayroon tayong pananampalataya o wala. Sa pamamagitan ng ganitong uri ng paniniil at paghihirap, kung mapapanatili natin ang ating pananalig, at hindi tayo uurong sa pagkanegatibo o hindi natin ipagkakanulo ang Diyos, at sa halip ay patuloy na susundin ang Diyos, magtitipon at ibabahagi ang ebanghelyo, iyon ay pagkakaroon ng patotoo, at mapapahiya at matatalo si Satanas. May halaga ang paghihirap na iyon. Bakit hindi na lang lipulin ng Diyos si Satanas ngayon? Ito ay para gamitin si Satanas bilang daan upang gawing perpekto ang isang grupo ng mananagumpay habang tinuturuan din tayong makilala ang mabuti sa masama. Makikita natin kung paano gumagawa ang Diyos para iligtas ang mga tao, at kung paano ginagawang tiwali at sinasaktan ni Satanas ang mga tao. Pagkatapos, isang araw, kapag nilipol na ng Diyos si Satanas, makikita natin kung gaano katuwid ang Diyos. Kung lilipulin agad ng Diyos si Satanas, hindi tayo magkakaroon ng pagkakilala kay Satanas, at hindi natin ito kapopootan at tatalikdan. Katulad ng mga rehimen ni Satanas na laban sa Diyos, at ng mga diyablong iyon na nagpapatakbo ng gobyerno—magaling talaga sila sa pagpapanggap at panlilinlang. Kapag mukha silang gumagawa ng ilang mabubuting bagay, ito ay para lamang sambahin sila ng mga tao. Nagpakita na ang Makapangyarihang Diyos at gumagawa sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan. Inilantad Niya ang malademonyong diwa ng mga rehimeng iyon na sumasalungat sa Diyos. Itinatatwa at kinokondena ng mga ito ang Makapangyarihang Diyos, at inaaresto, pinagmumulta, hinahatulan at ikinukulong ang Kanyang mga mananampalataya. Katulad lang sila ng diyablong si Satanas, na humihimok sa mga tao na sambahin ito, at hindi tinutulutan ang mga tao na manalig at sumunod sa Diyos. Sa huli, lahat sila ay mapupunta sa impiyerno at mapaparusahan kasama nito.” Pagkatapos ng pagbabahagi, nagkaroon ng pagkakilala at pananampalataya ang mga baguhan, at lahat ay aktibong nakibahagi sa pagtitipon. Natuwa talaga ako.

Pagkatapos niyon, sinama ng mga bagong mananampalataya ang ilan sa kanilang mga mahal sa buhay para makinig sa mga sermon. Makalipas ang ilang araw, mahigit 80 tao mula sa nayong iyon ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Nakita kong napatupad ang karunungan ng Diyos batay sa panlilinlang ni Satanas. Ginamit ni Satanas ang lahat ng uri ng panlilinlang para pigilan ang gawain ng ebanghelyo, para mabigo kami at manlumo, pero binigyan kami ng mga salita ng Diyos ng pananalig at lakas. Ibinuhos namin ang lahat sa pagbabahagi ng ebanghelyo, at nakita namin ang patnubay ng Diyos. Talagang nagpapasalamat ako sa Diyos. Nakita ko na walang sinumang tao ang makakapigil sa nais tapusin ng Diyos, at nagkaroon ako ng higit na pananalig sa pagbabahagi ng ebanghelyo.

Noong Setyembre 2022, dinala kami ng isang bagong mananampalataya sa nayon ng kanyang mga magulang para ipangaral ang ebanghelyo, kung saan mahigit 40 tao ang interesado sa tunay na daan. Talagang masaya ako, at nagsimulang magbahagi ng patotoo sa kanila sa gawain ng Diyos sa mga huling araw. Pagkatapos ay nakatanggap ako ng balita na ipinakita ng mga opisyal ng pangrehiyong gobyerno ang litrato ko sa kanilang pulong, sinasabing wanted daw ako, at sinabi sa mga tao na isumbong ako kapag nakita nila akong nangangaral ng ebanghelyo. Pinahihinto rin ng mga pulis ang mga sasakyan gamit ang mga harang sa daan, hinahanap ako. Naisip ko, dahil pinaghahahanap ako ng mga pulis kahit saan, kapag nahuli nila ako isang araw, malamang ay papatayin nila ako. Dapat ba akong magpatuloy sa pagbabahagi ng ebanghelyo? Kung hihinto ako, paano naman ang mga taganayon na nasa gitna ng pagsisiyasat sa gawain ng Diyos? Hindi nila maririnig ang tinig ng Diyos at matatanggap ang Kanyang bagong gawain. Hindi ko matutupad ang aking responsibilidad. Gusto akong paalisin ng mga kapatid, bilang pagsasaalang-alang sa aking seguridad. Natakot ako, kaya umalis na lang ako. Talagang nakonsensya ako pagkatapos niyon. Gusto kong bumalik at patuloy na ipangaral ang ebanghelyo sa mga taganayon. Kaya nagdasal ako sa Diyos, “Diyos ko, hinahanap ako ng mga pulis kung saan-saan, at natatakot ako. Pero alam ko na kung maaresto man ako o hindi ay ganap na nasa mga kamay Mo. Gusto ko pong ipagkatiwala sa Iyo ang lahat. Pakiusap, gabayan Mo po ako para magkaroon ako ng pananalig na ipagpatuloy ang pangangaral at magpatotoo sa Iyo.” May nabasa ako sa mga salita ng Diyos kalaunan: “Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong atas, at ang iyong responsabilidad? Nasaan ang iyong pakiramdam ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matibay na paninindigan ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga natirang buhay na ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?). Talagang nagbibigay-inspirasyon ang mga salita ng Diyos, pero nakonsensya rin ako. Napakaraming tao ang hindi pa rin nakatanggap sa pagliligtas ng Diyos sa mga huling araw, at namumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Wala silang magawa at miserable sila. Nalulungkot ang Diyos at nag-aapura para sa kanila. Ang ilan sa kanila ay nagtatrabaho nang maraming oras para kumita, namumuhay nang mahirap at nakakapagod na buhay, at hungkag at miserable pa rin ang nararamdaman ng ilan kahit na matapos kumita ng pera kahit papaano. Hindi nila alam ang halaga ng buhay ng tao at wala silang makitang direksyon. May ilang tao na gustong hanapin ang tunay na daan, pero masyado silang natatakot, dahil sa paniniil at pang-aaresto ng gobyerno. Nangangahulugan iyon na kailangan nating ibahagi ang mga salita ng Diyos sa kanila, magpatotoo sa gawain ng Diyos, at gamitin ang mga salita ng Diyos para lutasin ang kanilang mga problema, para makita nila ang katotohanan, liwanag at pag-asa sa mga salita ng Diyos, at matanggap ang pagliligtas ng Diyos. Isa pa, lumalala na ang mga sakuna sa panahon ngayon, at marami pa rin ang hindi nakarinig sa tinig ng Diyos. Wala silang mapupuntahan sa panahon ng sakuna. Responsibilidad ko na ibahagi ang ebanghelyo sa mga taong ito. Ayaw ng Diyos na mapahamak sa mga sakuna ang sinumang nais Niyang iligtas. Kung titigil ako sa pagpapalaganap ng ebanghelyo para sa sarili kong seguridad, hindi ko magagawa ang aking tungkulin. Magiging napakalaki ng utang ko sa Diyos, at hindi ako magiging karapat-dapat na tawaging parte ng Kanyang pamilya. Naisip ko kung paanong katulad ako noon ng mga taganayong iyon, namumuhay sa ilalim ng kontrol ni Satanas nang walang anumang layon o hangarin. Binigyang-inspirasyon ng Diyos ang mga kapatid na ibahagi sa akin ang ebanghelyo nang paulit-ulit, hanggang sa wakas ay narinig ko ang tinig ng Diyos at natanggap ang Kanyang pagliligtas sa mga huling araw. Iyon ay pagmamahal at habag ng Diyos para sa akin. Kailangan kong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos, at gawin ang lahat ng aking makakaya para magpatotoo sa gawain ng Diyos at suklian ang Kanyang pagmamahal. Kinabukasan, bumalik ako sa nayong iyon para patuloy na ibahagi ang ebanghelyo. Pero makalipas lang ang ilang araw, umalis na ang baguhang naghatid sa amin doon dahil may kailangan siyang asikasuhin nang apurahan. Medyo nag-alala ako. Maaaresto ba ako kung walang proteksyon ng isang tagaroon? Pero kung hihinto ako sa pagpapalaganap ng ebanghelyo, maaantala ang pagtanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos ng mga nagsisiyasat sa tunay na daan. Sa nakalipas na ilang araw, palihim silang umaakyat sa mga burol para pakinggan kaming mangaral, sa pagsisikap nilang maghanap at magsiyasat. Sobra silang nananabik dito. Kung tatakas ako dahil sa takot na maaresto, at ayaw ko nang mangaral, magkakautang ako sa kanila, at masasaktan ko ang Diyos. Kaya, isa-isa akong nakipagkita sa mga nagsisiyasat sa tunay na daan at binasa ko sa kanila ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sa huli, tinanggap ng bawat isa sa kanila ang gawain ng Makapangyarihang Diyos. Pagkatapos niyon, isinama nila ang iba para makinig sa mga sermon namin. Parami nang parami ang tumanggap sa bagong gawain ng Diyos matapos marinig ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Nang makita ang patnubay ng Diyos, lubos akong nagpapasalamat sa Kanya. Madalas na nagpapatrolya sa gabi ang milisya ng nayon, na nakalilimita sa aming mga pagtitipon. Kaya, nagbahagi ako sa mga salita ng Diyos sa mga bagong mananampalataya para tulungan silang maunawaan ang mga panlilinlang ni Satanas at matutong magtipon nang palihim. Nang matutunan nila iyon, hindi na sila naaapektuhan ng gobyerno. Umaakyat silang lahat sa mga burol o sa mga taniman ng gulay para magtipon sa gabi. Mas nagkaroon ako ng lakas sa pangangaral nang makita ko iyon.

Naalala ko, minsan sinabi sa akin ng isang sister na inaresto ng gobyerno ang ilang taong napangaralan ko dahil sa pakikinig sa aming mga sermon. Pinuntahan ako sa bahay ng mga pamilya nilang hindi mananampalataya, sinasabing papatayin nila ako. Sinabi sa akin ng sister na mag-ingat. Nakakatakot iyon para sa akin. Kung nasa bahay lang ako noon, baka kung ano na ang ginawa nila sa akin. Kung patuloy kong ipapalaganap ang ebanghelyo roon at mahuli nila ako, siguradong hindi nila ako basta-bastang pakakawalan. Ginusto kong umalis sa lugar na iyon at huwag nang magbahagi ng ebanghelyo roon. Pero talagang nalulungkot ako kapag naiisip kong umalis. Pagkatapos ay naalala ko ang mga salitang ito mula sa Diyos: “Alam mong ang lahat ng bagay sa iyong kapaligiran ay naroon dahil sa Aking pahintulot, Ako ang nagsasaayos nitong lahat. Tingnan ito nang malinaw at bigyang-kasiyahan ang Aking puso sa kapaligirang ibinigay Ko na sa iyo. Huwag matakot, ang Makapangyarihang Diyos ng maraming hukbo ay tiyak na sasaiyo; Siya ay nasa inyong likuran at Siya ang inyong sanggalang(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 26). Nakikita ko mula sa mga salita ng Diyos na nahaharap ako sa sitwasyong ito nang may pahintulot ng Diyos. Dahil ibinabahagi ko ang ebanghelyo, nagpapatotoo sa gawain ng Diyos, siguradong hindi titigil si Satanas para hadlangan ako, para guluhin ang aking pag-iisip, para matakot ako nang husto na ipalaganap ang ebanghelyo. Iyon ang masamang intensyon ni Satanas. Kung titigil ako sa pagpapalaganap ng ebanghelyo dahil sa takot, kakapit sa aking buhay at laman, hindi ba’t mahuhulog ako sa mga panlilinlang ni Satanas? Maaresto man ako o mamatay, lahat ay nasa mga kamay ng Diyos. Maraming pinagdusahan si Job nang subukin siya ni Satanas. Nawala sa kanya ang lahat ng kanyang anak, lahat ng kanyang kayamanan, at nagkaroon siya ng mga pigsa sa buong katawan. Pero hindi pinahintulutan ng Diyos si Satanas na kitilin ang buhay ni Job. Hindi nangahas si Satanas na salungatin ang sinabi ng Diyos—hindi ito nangahas na ipahamak ang buhay ni Job. Ngayon, kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang mga taong iyon na ipahamak ako, wala silang magagawa sa akin. Nasa mga kamay ng Diyos ang buhay ko—hindi sila ang magpapasya kung mabubuhay ako o mamamatay. Kung maaaresto ako, nasa likod nito ang mabuting kalooban ng Diyos, at dapat akong magpasakop. Naisip ko, dahil masama ang sitwasyon sa nayong ito, maaari akong mangaral sa ibang nayon. Hindi ako magkakaproblema kung gagamit ako ng karunungan at mag-iingat. Gaya ng sinabi ng Panginoong Jesus: “Kapag kayo’y pinag-usig nila sa isang bayang ito, ay magsitakas kayo tungo sa kasunod na bayan(Mateo 10:23). Nabasa ko ang marami pang salita ng Makapangyarihang Diyos pagkatapos: “May plano ang Diyos para sa Kanyang bawat tagasunod. Ang bawat isa sa kanila ay may kapaligiran, na iniaayos ng Diyos para sa tao, para isagawa ang kanyang tungkulin, at mayroong biyaya at pabor ng Diyos na dapat tamasahin ng tao sa kanya. Mayroon din siyang mga espesyal na sitwasyon, na binalangkas ng Diyos para sa tao, at maraming pagdurusang kailangan nilang maranasan—hindi ito isang madaling paglalakbay na gaya ng iniisip ng tao. Bukod pa riyan, kung kinikilala mo na isa kang nilikha, dapat mong ihanda ang iyong sarili na magdusa at magbayad ng halaga alang-alang sa pagtupad ng iyong responsabilidad na ipalaganap ang ebanghelyo at alang-alang sa maayos na pagganap sa iyong tungkulin. Maaaring ang kabayaran ay ang pagdanas ng ilang pisikal na karamdaman o paghihirap, o pagdusahan ang mga pag-uusig ng malaking pulang dragon o ang mga maling pagkaunawa ng mga taong makamundo, gayundin ang mga paghihirap na pinagdaraanan ng isang tao kapag nagpapalaganap ng ebanghelyo: ang maipagkanulo, mabugbog at mapagalitan, makondena—ang dumugin pa nga at malagay sa panganib ang buhay. Posible, habang nagpapalaganap ng ebanghelyo, na mamamatay ka bago matapos ang gawain ng Diyos, at na hindi ka na mabubuhay upang masilayan ang araw ng kaluwalhatian ng Diyos. Dapat kang maging handa rito. Hindi ito para takutin kayo; ito ay katotohanan. … Paano namatay ang mga disipulo ng Panginoong Jesus? Sa mga disipulo, may mga pinukol ng bato, ipinakaladkad sa kabayo, ipinakong patiwarik, pinaghiwa-hiwalay ng limang kabayo ang katawan—sinapit nila ang lahat ng uri ng kamatayan. Ano ang dahilan ng kanilang kamatayan? Naaayon ba sa batas ang pagpatay sa kanila dahil sa kanilang mga krimen? Hindi. Sila ay kinondena, binugbog, binulyawan, at pinatay dahil ipinalalaganap nila ang ebanghelyo ng Panginoon at tinanggihan ng mga tao ng mundo—ganyan kung paano sila minartir. … Anuman ang paraan ng kanilang kamatayan at paglisan o kung paano man ito naganap, hindi ito ang paraan ng Diyos sa pagtukoy sa pangwakas na mga kahihinatnan ng mga buhay na iyon, ng mga nilikhang iyon. Ito ay isang bagay na dapat mong malinaw na makita. Sa kabaligtaran, ginamit nila mismo ang mga kaparaanang iyon upang kondenahin ang mundong ito at upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos. Ginamit ng mga nilikhang ito ang kanilang napakahalagang buhay—ginamit nila ang huling sandali ng kanilang buhay upang magpatotoo sa mga gawa ng Diyos, upang magpatotoo sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, at upang ipahayag kay Satanas at sa mundo na tama ang mga gawa ng Diyos, na ang Panginoong Jesus ay Diyos, na Siya ang Panginoon, at ang nagkatawang-taong laman ng Diyos. Kahit hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay, hindi nila kailanman itinatwa ang pangalan ng Panginoong Jesus. Hindi ba ito isang anyo ng paghatol sa mundong ito? Ginamit nila ang kanilang mga buhay upang ipahayag sa mundo, upang tiyakin sa mga tao na ang Panginoong Jesus ay ang Panginoon, na ang Panginoong Jesus ay Cristo, na Siya ang katawang-tao ng Diyos, na ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya para sa buong sangkatauhan ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na patuloy na mabuhay—hindi nagbabago ang katotohanang ito magpakailanman. Yaong mga naging martir dahil sa pagpapalaganap ng ebanghelyo ng Panginoong Jesus, hanggang sa anong punto nila tinupad ang kanilang tungkulin? Hanggang sa pinakahuling punto ba? Paano naipakita ang pinakahuling punto? (Inialay nila ang kanilang buhay.) Tama iyan, buhay nila ang kanilang naging kabayaran. Pawang panlabas na mga bagay ang pamilya, kayamanan, at ang materyal na mga bagay sa buhay na ito; ang tanging bagay na may kaugnayan sa sarili ay ang buhay. Sa bawat nabubuhay na tao, ang buhay ang bagay na pinaka-karapat-dapat na pakaingatan, ang pinakamahalagang bagay at, sa katunayan, nagawa ng mga taong ito na ialay ang pinakamahalagang pagmamay-ari nila—ang buhay—bilang patunay at patotoo sa pagmamahal ng Diyos sa sangkatauhan. Hanggang sa araw na sila ay mamatay, hindi nila itinatwa ang pangalan ng Diyos, at hindi rin nila itinatwa ang gawain ng Diyos, at ginamit nila ang kanilang mga huling sandali ng buhay upang magpatotoo sa pag-iral ng katunayang ito—hindi ba ito ang pinakamataas na anyo ng patotoo? Ito ang pinakamahusay na paraan ng pagganap ng isang tao sa kanyang tungkulin; ito ang pagtupad ng isang tao sa kanyang pananagutan. Nang pagbantaan at takutin sila ni Satanas, at, sa huli, kahit pa nang ipabayad sa kanila ang kanilang mga buhay, hindi nila tinalikdan ang kanilang responsabilidad. Ito ang kahulugan ng pagtupad ng isang tao sa tungkulin hanggang sa pinakasukdulang punto. Ano ang ibig Kong sabihin dito? Ibig Ko bang sabihin na gamitin ninyo ang ganoon ding paraan upang magpatotoo sa Diyos at upang maipalaganap ang Kanyang ebanghelyo? Sadyang hindi kinakailangang gawin mo ang ganoon, ngunit dapat mong maunawaan na ito ay iyong pananagutan, na kung kinakailangan ng Diyos na gawin mo ito, dapat mo itong tanggapin bilang iyong obligasyon(Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Pagpapalaganap sa Ebanghelyo ay Tungkuling Dapat Tuparin ng Lahat ng Mananampalataya). Tinulungan ako ng mga salita ng Diyos na mapagtanto na ang mga disipulo ng Panginoong Jesus ay kinondena, ikinulong, at dumanas ng lahat ng uri ng pang-uusig alang-alang sa pagpapalaganap ng ebanghelyo. Marami sa kanila ang naging martir. Pero anong uri man ng katapusan ang kinahantungan nila, nagawa nilang isuko ang kanilang mahalagang buhay, hindi kailanman itinatwa ang Diyos kahit sa kamatayan. Nagpatotoo sila sa Diyos at niluwalhati Siya gamit ang sarili nilang buhay. Iyon ang pinakamatayog sa mga patotoo at ang pinakamainam na paraan sa paggawa ng isang tungkulin. Samantalang ako, nang habulin ng gobyerno at pagbantaan ng masasamang tao, sakim akong kumapit sa buhay, at ginusto kong tumakas mula sa nayon, tumigil na sa pangangaral at pagdidilig ng mga baguhan. Nasaan ang aking patotoo? Nagnilay ako: Bakit ako natatakot sa tuwing nahaharap ako sa isang kritikal na sitwasyon? Iyon ay dahil masyado kong pinahahalagahan ang buhay, hindi nauunawaan ang buhay at kamatayan. Ang totoo, itinakda na ng Diyos ang ating buhay at kamatayan. Sa pagiging martir para sa Diyos, bagamat namamatay ang ating katawan, hindi talaga ito kamatayan. Hindi iyon nangangahulugan na hindi ka magkakaroon ng magandang kalalabasan at hantungan. Sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sinumang mag-ibig iligtas ang kanyang buhay ay mawawalan nito: at ang sinumang mawalan ng kanyang buhay dahil sa Akin ay makakasumpong niyaon(Mateo 16:25). Kung hindi ko gagawin ang tungkulin ko at ipagkakanulo ko ang Diyos dahil kumakapit ako sa buhay, maaaring hindi magdurusa ang aking laman, pero palalayasin ako ng Diyos dahil sa Kanyang pagkasuklam sa akin at maparurusahan ang aking kaluluwa. Kung kaya kong ialay ang aking buhay para magpatotoo sa Diyos, at mas gugustuhin kong mamatay kaysa ipagkanulo Siya, ipapahiya niyon si Satanas, at magiging makabuluhan ito. Matapos kong mapagtanto ito, hindi na ako nangamba para sa buhay ko, at nagpasya ako: Hangga’t wala ako sa bilangguan, hangga’t humihinga pa ako, patuloy kong ipapalaganap ang ebanghelyo at magpapatotoo sa Diyos para ipahiya si Satanas. Patuloy kong ipinangaral ang ebanghelyo pagkatapos niyon. Hindi nagtagal, tinanggap ng karamihan sa mga tao sa nayon ang gawain ng Makapangyarihang Diyos.

Pumunta ako sa iba pang nayon pagkatapos niyon para ipalaganap ang ebanghelyo. Mahigit isang dosenang tao ang sumali noong una, pero nahuli kami ng pamahalaang bayan habang nangangaral kami sa isang mag-asawa. Ang pinuno ng bayan, deputy chief, treasurer, at ilang miyembro ng milisya—mahigit isang dosenang tao sa kabuuan—ang sumugod sa silid at sinabing kailangan naming sumama sa kanila. Talagang kinakabahan ako noong oras na iyon. Aarestuhin ba nila ako at ipapakulong? Ilang panahon na akong pinaghahahanap ng gobyerno. Ipinaalam nila sa bawat kabahayan ang pangalan ko, sinasabing iulat ako kapag natagpuan nila akong nangangaral ng ebanghelyo. Hindi nila ako basta-bastang pakakawalan kapag nakilala nila ako. At maaapektuhan ang mga bagong mananampalataya—paano na iyon? Walang tigil akong nagdarasal, humihingi sa Diyos ng pananalig para maging matatag ako sa aking patotoo. Hindi nagtagal, naaresto rin ang isang brother at isang sister na pumunta sa nayong iyon para ipangaral ang ebanghelyo kasama namin. Dinala kaming lahat sa pamahalaang bayan at kinumpiska ang aming mga mobile phone. Pagkatapos, pinagtatanong kami ng pinuno ng bayan: “Sino ba kayo? Pumunta ba kayo rito para mangaral ng ebanghelyo?” Hindi kami sumagot. Kaya ikinulong nila kami sa isang madilim na kuwarto at pinabantayan sa lima o anim na milisya. Nag-alala ako na baka makilala nila ako. Kung ibabalik nila ako sa aking bayan, siguradong masesentensiyahan ako ng pagkabilanggo para pahirapan at ipahiya nila. Sinabi ng pinuno ng pamahalaang pangrehiyon na kapag nahuli nila ako, gugupitin nila ang buhok ko, magsasabit ng karatula sa aking leeg, at ipaparada nila ako. Nang panahong iyon, nagdasal ako nang nagdasal sa Diyos, “O Diyos, handa po akong magpasakop sa pagkakaaresto, pero maliit ang tayog ko. Pakiusap, bigyan Mo po ako ng pananalig at bantayan Mo po ako para makapanindigan ako.” Pagkatapos magdasal, naalala ko ang isang video ng patotoo na nakita ko noon. Ang ilang kapatid na binugbog ng mga Chinese police hanggang sa mamatay sa bilangguan ay hindi itinatwa o ipinagkanulo ang Diyos, kahit na naharap na sila sa kamatayan. Marami pang iba ang brutal na pinahirapan, hinatulan at ikinulong, pero sa pamamagitan ng pagdarasal at pagtitiwala sa Diyos, nagkaroon sila ng tunay na pananalig sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos. Taimtim silang nanumpa na hindi ipagkakanulo ang Diyos, kahit na makulong sila habang-buhay. Nagbigay sila ng matatag at matunog na mga patotoo. Talagang nabigyan ako nito ng inspirasyon. Naalala ko ang mga salita ng Diyos: “Sa yugtong ito ng gawain ay hinihingi sa atin ang lubusang pananampalataya at pag-ibig. Maaari tayong matisod mula sa pinakamaliit na kapabayaan, dahil ang yugtong ito ng gawain ay iba mula sa lahat ng mga nakaraan: Ang pineperpekto ng Diyos ay ang pananampalataya ng sangkatauhan, na kapwa di-nakikita at di-nahahawakan. Ang ginagawa ng Diyos ay na maging pananampalataya, pag-ibig, at buhay ang mga salita. Dapat makarating ang mga tao sa isang punto kung saan sila ay nakapagtiis na ng daan-daang pagpipino at nagtataglay ng pananampalatayang mas dakila kaysa sa pananampalataya ni Job. Dapat silang magtiis ng di-kapani-paniwalang pagdurusa at ng lahat ng uri ng pagpapahirap nang hindi humihiwalay sa Diyos magpakailanman. Kapag sila ay masunurin hanggang sa kamatayan, at may dakilang pananampalataya sa Diyos, sa gayon ang yugtong ito ng gawain ng Diyos ay kumpleto na(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Landas … 8). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos na ang gawain Niya sa mga huling araw ay ang gumamit ng mga salita para gawing perpekto ang ating pananampalataya at pagmamahal, para maisagawa at maranasan natin ang Kanyang mga salita sa pamamagitan ng pang-aapi at paghihirap, para maging buhay natin ang Kanyang mga salita. Naalala ko noong inapi at tinugis ako ng gobyerno. Kapag natatakot ako at nangangamba, tanging mga salita ng Diyos ang gumabay sa akin, nagbibigay sa akin ng pananalig na magpatuloy sa pangangaral. Ngayong nahuli na ako, kailangan kong manalig para makapanindigan nang matatag. Kahit makulong ako at mapahiya, o mamatay pa nga, handa akong magpasakop. Pagkatapos, sumagi sa isip ko ang himnong tinatawag na “Patotoo ng Buhay”: “Balang araw maaari akong mahuli at mausig dahil sa pagpapatotoo sa Diyos, ang pagdurusang ito’y alang-alang sa katuwiran, na nalalaman ko sa puso ko. Kung mamatay ako sa isang kisapmata, ipagmamalaki ko pa rin na kaya kong sundan si Cristo at patotohanan Siya sa buhay na ito. Kung hindi ko makikita ang dakilang kaganapan ng paglawak ng ebanghelyo ng kaharian, mag-aalay pa rin ako ng pinakamagagandang hangarin. Kung hindi ko makikita ang araw na mabubuo ang kaharian, ngunit kaya kong pahiyain si Satanas ngayon, sa gayon puso ko’y mapupuspos ng galak at kapayapaan. … Lumalaganap ang mga salita ng Diyos sa buong mundo, nagpakita na ang liwanag sa mga tao. Nagbabangon at itinatatag sa kahirapan ang kaharian ni Cristo. Kadilima’y palipas na, narito na ang matuwid na bukang-liwayway. Ang panahon at realidad ay nagpatotoo na para sa Diyos” (Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin). Talagang nagbibigay-inspirasyon sa akin ang himnong ito. Naunawaan ko na kung maaaresto ako dahil ipinalaganap ko ang ebanghelyo, ito ay pang-uusig para sa katuwiran. Ngayong nahuli na ako, malamang na makukulong na ako, hindi na ako makakapangaral. Pero bagamat inaresto ako at inusig, nagkaroon ako ng pagkakataong magbigay ng magandang patotoo para sa Diyos at ipahiya si Satanas. Talagang ipinagmamalaki ko iyon. Nagbigay sa akin ng pananalig ang kaisipang ito. Pagdating ng madaling araw, muli nila kaming pinagtatatanong. Nang makitang wala silang nakukuha sa amin, pinagmulta nila kami ng 3,000 kyat at pinakawalan kami pagkatapos. Binalaan din nila kami na huwag magpatuloy sa pangangaral, at nagsabi sila ng maraming bagay na lumalapastangan sa Diyos. Lalo kong kinasuklaman ang mga diyablong iyon.

Matapos akong mapalaya, patuloy ko pa ring ipinalaganap ang ebanghelyo. Isang araw, tumawag ang isang brother at sinabi sa akin, “Alam ng mga opisyal ng bayan na isa kang dayuhan na pumarito para ipangaral ang ebanghelyo. Inaresto nila ako at ang dalawang bagong mananampalataya para ipagkanulo ka namin. Pero wala sa amin ang nagsalita, kaya pinagmulta nila kami at pinakawalan. Sinabi rin nila na kapag nahuli ka nilang nangangaral muli, gagahasain ka nila oramismo. Hinahanap ka nila kung saan-saan, bilisan mo na at tumakas ka….” Halos hindi ako makapaniwala nang sabihin iyon ng brother. Nang marinig ko na sinabi nilang gagahasain nila ako kapag nahuli nila akong nangangaral, galit na galit ako. Talagang mga demonyo ang mga taong iyon, at walang pagkatao! Isa lang akong mananampalataya na nagbabahagi ng ebanghelyo, pero lubha silang namumuhi. Ayaw nila kaming hayaang manalig, gusto nila kaming arestuhin, usigin, at pagmultahin, pati gahasain at ipahiya pa nga ako. Talagang sila ay mga demonyong laban sa Diyos. Habang mas sinisiil nila ako, mas lalo kong gustong mangaral at magpatotoo.

Pagkatapos, noong Oktubre, pumunta kami sa ibang nayon para ipalaganap ang ebanghelyo. Nakapangaral na roon ang mga kapatid, pero nagpakalat ng mga tsismis ang kanilang pastor para pigilan ang mga mananampalataya sa pagsisiyasat sa tunay na daan at sinimulang arestuhin ng gobyerno ang mga mananampalataya. Dahil nalinlang sa mga tsismis at natakot na maaresto, hindi naglakas-loob ang mga taganayon na siyasatin ang tunay na daan. Magiging mahirap para sa amin na ipalaganap ang ebanghelyo. Nagdasal ako, humihingi ng patnubay sa Diyos. Pagkatapos, naghanap ako ng apat na tao na may sapat at mabuting pagkaunawa sa katotohanan at nagbahagi ako sa kanila kung ano ang tunay na daan, kung ano ang mga huwad na daan, at kung paano ginagamit ng Diyos ang paniniil at mga panggagambala ni Satanas sa mga huling araw para ilantad at gawing perpekto ang mga tao, para ibukod ang trigo mula sa mga mapanirang damo, ang matatalinong dalaga mula sa mga hangal. Ang mga hangal ay nakikinig lamang sa mga tao, kay Satanas. Hindi sila naghahanap at nagsisiyasat kapag naririnig nila ang balita na pumarito na ang Panginoon at nagpapahayag ng mga salita, kaya hindi nila masasalubong ang kasintahang lalaki. Tanging ang mga nagsisikap na pakinggan ang tinig ng Diyos, na matatag sa kanilang pananalig na sundan ang Diyos ang matatalino. Sila lamang ang makakadalo sa piging ng kasal kasama ang Panginoon. Pagkatapos ng pagbabahaginang iyon, gusto nilang apat na patuloy na magsiyasat. Sa mga sumunod na araw, nagdaos ako ng mga pagtitipon para sa kanila, nagbabahagi sa mga salita ng Diyos. Sinabi ng isa sa kanila, “Nakinig ako sa pastor at sa pinuno ng nayon noon. Sinabi nila na huwag makinig sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi ako nakinig. Muntik ko nang mapalagpas ang pagkakataon na masalubong ang pagparito ng Panginoon. Hindi na ako makikinig sa mga tao. Makikinig ako sa Diyos.” Sinabi rin ng isa pa, “Sa pagbabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, nakumbinsi ako na Siya ang nagbalik na Panginoong Jesus. Gaano man ako hadlangan ng iba, tatanggapin ko ang Makapangyarihang Diyos.” Masayang-masaya ako nang marinig ang mga sinabi nila. Pagkatapos niyon, dinala nila ang ilan nilang kamag-anak para makinig sa mga sermon, at hindi nagtagal, mahigit 20 tao ang tumanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Talagang nakakaantig para sa akin na kayang hanapin ng mga bagong mananampalatayang ito ang tunay na daan at manatiling matatag sa gitna ng mga paninira. Ang lahat ng iyon ay dahil sa patnubay ng mga salita ng Diyos. Sa wakas ay pinalaya na ang nanay ko noong Disyembre. Araw-araw siyang pinagtrabaho nang mabigat sa ilang buwan ng kanyang pagkakakulong. Sinabi ng mga tauhan ng gobyerno na tiyak na huhulihin nila ako at ikukulong. Naalala ko noong bago pa pinalaya ang nanay ko, madalas pumupunta sa bahay ko ang mga pulis na may dalang mga baril at batuta para arestuhin ako, sinasabing hindi nila pakakawalan ang nanay ko hanggang sa pag-uwi ko. Pero ngayon, pinalaya na nila ang nanay ko nang hindi ako hinuhuli. Talagang naranasan ko na ang Diyos ang naghahari sa lahat, at tanging nasa mga kamay Niya kung maaaresto ako o hindi. Hindi na ako napipigilan—patuloy akong nangangaral at nagpapatotoo sa Diyos.

Sa pangangaral ng ebanghelyo, naranasan ko ang maraming paghihirap, kabilang na ang makaramdam ng panlulumo at panghihina. Pero sa bawat pagkakataon, ginagabayan ako ng mga salita ng Diyos, nagbibigay-daan na manatili akong matatag sa gitna ng pagkalumbay at panghihina, nagbibigay sa akin ng pananalig na patuloy na mangaral at magpatotoo sa Diyos. Tunay kong naranasan na ginagamit ng Diyos ang mga paghihirap na ito para gawing perpekto ang aking pananampalataya. Nagpapasalamat ako sa Diyos. Tutuparin ko ang aking responsibilidad, ibabahagi ang ebanghelyo ng Diyos sa mga huling araw sa mas maraming tao, at susuklian ang pagmamahal ng Diyos.

Sinundan: 52. Pagtalikod sa Aking Dominanteng Pamamaraan

Sumunod: 54. Ang Pagkamakasarili ay Kasuklam-suklam

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito