Pagkilala sa Diyos V
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 166
Alam ba ninyo kung anong kaalaman ang susi sa pag-unawa sa matuwid na disposisyon ng Diyos? Maaaring maraming masasabi mula sa karanasan sa paksang ito, nguni’t may ilang pangunahing punto na dapat Ko munang sabihin sa inyo. Upang maunawaan ang matuwid na disposisyon ng Diyos, kailangang maunawaan muna ng isang tao ang mga damdamin ng Diyos: kung ano ang Kanyang kinamumuhian, kung ano ang Kanyang kinasusuklaman, kung ano ang Kanyang minamahal, kung kanino Siya nagpaparaya at naaawa, at sa anong uri ng tao Niya ipinagkakaloob ang awang iyon. Ito ay isang pangunahing punto. Dapat ding malaman ng isang tao na gaano man kamapagmahal ang Diyos, gaano man karami ang habag at pagmamahal na mayroon Siya para sa mga tao, hindi tinutulutan ng Diyos ang sinuman na nagkakasala sa Kanyang katayuan at posisyon, ni hindi Niya tinutulutan ang sinuman na nagkakasala sa Kanyang dignidad. Kahit mahal ng Diyos ang mga tao, hindi Niya sila kinukunsinti. Ibinibigay Niya sa mga tao ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang habag, at ang Kanyang pagpapaubaya, nguni’t hindi Niya kailanman pinamihasa sila; ang Diyos ay mayroong Kanyang mga prinsipyo at Kanyang mga hangganan. Gaano man kalaki ang naramdaman mo nang pagmamahal sa iyo ng Diyos, gaano man kalalim ang pagmamahal na iyon, kailanma’y hindi mo dapat tratuhin ang Diyos sa paraan ng pagtrato mo sa isa pang tao. Bagaman totoo na itinuturing ng Diyos ang mga tao na sukdulang malapit sa Kanya, kung itinuturing ng isang tao ang Diyos bilang ibang tao lamang, na parang Siya ay isa lamang ding nilalang, gaya ng isang kaibigan o isang bagay ng pagsamba, itatago ng Diyos ang Kanyang mukha sa kanila at tatalikdan sila. Ito ang Kanyang disposisyon, at dapat pag-isipang mabuti ng mga tao ang isyung ito. Kaya, madalas nating nakikita ang mga salitang gaya nito na sinasabi ng Diyos tungkol sa Kanyang disposisyon: Gaano man karami ang mga daan na iyong nalakbay, gaano man karami ang gawain na iyong nagawa o gaano man karami ang iyong tiniis na, sa sandaling magkasala ka sa disposisyon ng Diyos, gagantihan Niya ang bawa’t isa sa inyo batay sa inyong nagawa. Ibig sabihin nito ay itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang sukdulang malapit sa Kanya, nguni’t hindi dapat ituring ng mga tao ang Diyos bilang isang kaibigan o isang kaanak. Huwag tawagin ang Diyos bilang iyong “kaibigan.” Gaano man kalaki ang pagmamahal na natanggap mo mula sa Kanya, gaano man karaming pagpapaubaya ang naibigay Niya sa iyo, kailanman ay hindi mo dapat ituring ang Diyos bilang iyong kaibigan. Ito ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Naiintindihan ba? Kailangan Ko pa bang magsalita pa tungkol dito? Wala ba kayong anumang naunang pagkaunawa sa bagay na ito? Karaniwan, ito ang pinakamadaling pagkakamali na magagawa ng mga tao, naiintindihan man nila ang mga doktrina, o kung hindi man nila kailanman pinagnilay-nilayan ang isyung ito. Kapag nagkakasala ang mga tao sa Diyos, maaaring ito ay hindi lamang dahil sa isang pangyayari, o isang bagay na kanilang sinabi, nguni’t sa halip ito ay sanhi ng isang saloobin na kanilang pinanghahawakan at isang kalagayan na kinaroroonan nila. Ito ay isang bagay na sobrang nakakatakot. Naniniwala ang ilang tao na mayroon silang pagkaunawa sa Diyos, na mayroon silang ilang kaalaman tungkol sa Kanya, at maari pang gumawa sila ng ilang bagay na nagbibigay-kasiyahan sa Diyos. Nagsisimula silang makaramdam na sila ay kapantay ng Diyos at buong pagmamagaling na sila’y naging mga kaibigan ng Diyos. Ang mga ganitong uri ng damdamin ay malaking pagkakamali. Kung wala kang malalim na pagkaunawa ukol dito—kung hindi mo malinaw na nauunawaan ito—napakadali kung gayon na magkasala ka sa Diyos at magkasala sa Kanyang matuwid na disposisyon. Naiintindihan mo na ito ngayon, tama? Hindi ba natatangi ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Magiging katumbas kaya ito ng karakter o katayuang moral ng isang tao kahit kailan? Hindi kailanman. Kaya, hindi mo dapat malimutan na, paano man tratuhin ng Diyos ang mga tao, ni anuman ang pagtingin Niya sa mga tao, ang posisyon, awtoridad, at katayuan ng Diyos ay hindi kailanman magbabago. Para sa sangkatauhan, ang Diyos ay palaging ang Panginoon ng lahat at ang Lumikha.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 167
Kuwento 1: Isang Binhi, Lupa, Isang Puno, ang Sikat ng Araw, mga Ibon, at Tao
Nalaglag sa lupa ang isang maliit na binhi. Bumuhos ang napakalakas na ulan, at nagkaroon ng murang usbong ang binhi, habang ang mga ugat nito ay dahan-dahang sumiksik sa ilalim ng lupa. Lumago ang usbong sa paglipas ng panahon, na tinitiis ang malulupit na hangin at matitinding ulan, na sumasaksi sa pagpapalit ng mga panahon habang lumalaki at lumiliit ang buwan. Sa tag-araw, nagkaloob ng tubig ang lupa upang makayanan ng usbong ang nakakapasong init ng panahon. At dahil sa lupa, hindi natuyo sa init ang usbong, at sa gayon ay lumipas ang pinakamalalang init ng tag-araw. Pagsapit ng taglamig, binalot ng mainit na yakap ng lupa ang usbong, at kumapit nang mahigpit ang lupa at usbong sa isa’t isa. Binigyan ng lupa ng init ang usbong, at sa gayon ay nabuhay ito sa kabila ng masaklap na lamig ng panahon, at hindi napinsala ng malalamig na unos at bagyo ng niyebe. Kinakanlungan ng lupa, lumagong matapang at masaya ang usbong; pinagyaman ng lupa nang walang pag-iimbot, lumago ito nang malusog at matatag. Masaya itong lumago, umaawit sa ulan, sumasayaw at umiindayog sa ihip ng hangin. Umaasa ang usbong at ang lupa sa isa’t isa …
Lumipas ang mga taon, at lumago ang usbong at naging matayog na puno. Matatag itong tumayo sa ibabaw ng lupa, na may matatabang sanga na may napakaraming dahon. Ang mga ugat ng puno ay patuloy na nakabaon sa lupa tulad ng dati, at nakabaon na nang malalim sa lupa. Ang lupa, na minsang nagprotekta sa munting usbong, ang siya na ngayong pundasyon para sa isang napakalaking puno.
Isang sinag ng sikat ng araw ang kuminang sa puno. Inindayog ng puno ang katawan nito at iniunat nang husto ang mga sanga nito at sininghot nang malalim ang hanging naliliwanagan ng araw. Pagkatapos noon, umihip ang sariwang hangin mula sa mga sanga, at nanginig sa tuwa ang puno, na masiglang kumikislot-kislot. Umaasa ang puno at ang sikat ng araw sa isa’t isa …
Naupo ang mga tao sa malamig na lilim ng puno at nagpakasaya sa mabilis at mabangong hangin. Nilinis ng hangin ang kanilang puso’t mga baga, at nilinis nito ang dugong nananalaytay sa kanila, at hindi na matamlay o mabigat ang kanilang katawan. Umaasa ang mga tao at ang puno sa isa’t isa …
Dumapo ang isang kawan ng humuhuning mga ibon sa mga sanga ng puno. Marahil ay lumapag ang mga ito roon upang iwasan ang isang maninila, o upang magparami at palakihin ang kanilang mga inakay, o marahil ay nagpapahinga lang sila sandali. Umaasa ang mga ibon at ang puno sa isa’t isa …
Ang mga ugat ng puno, na baluktot at buhul-buhol, ay nakabaon nang malalim sa lupa. Gamit ang katawan nito, kinanlungan nito ang lupa mula sa hangin at ulan, at iniunat ang mga sanga nito upang protektahan ang lupa sa paanan nito. Ginawa iyon ng puno dahil ang lupa ang ina nito. Pinalalakas nila ang isa’t isa at umaasa sila sa isa’t isa, at hindi sila kailanman maghihiwalay …
…………
Lahat ng kasasabi Ko pa lang ay isang bagay na nakita na ninyo dati. Ang mga binhi, halimbawa—lumalago ang mga ito at nagiging mga puno, at bagama’t maaaring hindi mo kayang makita ang bawat detalye ng proseso, alam mo na nangyayari ito, hindi ba? Alam mo rin ang tungkol sa lupa at sa sikat ng araw. Ang imahe ng mga ibong nakadapo sa isang puno ay isang bagay na nakita na ng lahat, tama ba? At ang imahe ng mga taong nagpapalamig sa lilim ng isang puno—nakita na ninyong lahat ito, tama ba? (Oo.) Kung gayon, kapag nasa iisang imahe lamang ang lahat ng bagay na ito, ano ang ipinadarama ng imahe? (Damdamin ng pagkakaisa.) Nagmumula ba sa Diyos ang bawat isa sa mga bagay na nasa imaheng iyon? (Oo.) Dahil nagmumula sila sa Diyos, alam ng Diyos ang kahalagahan at kabuluhan ng pag-iral sa mundo ng lahat ng iba’t ibang bagay na ito. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, nang planuhin at likhain Niya ang bawat bagay, ginawa Niya iyon nang may layon; at nang likhain Niya ang mga bagay na iyon, bawat isa ay puno ng buhay. Ang kapaligirang nilikha Niya para sa pag-iral ng sangkatauhan, tulad ng kalalarawan sa ating kuwento, ay isang kapaligiran kung saan umaasa ang mga binhi at ang lupa sa isa’t isa, kung saan mapagyayaman ng lupa ang mga binhi at nakabaon ang mga binhi sa lupa. Ang ugnayang ito ay itinalaga ng Diyos sa pinakasimula ng Kanyang paglikha. Ang tagpo ng isang puno, sikat ng araw, mga ibon, at mga tao ay isang paglalarawan ng buhay na kapaligirang nilikha ng Diyos para sa sangkatauhan. Una, hindi maaiiwanan ng puno ang lupa, ni hindi ito maaaring mawalan ng sikat ng araw. Kung gayon, ano ang layunin ng Diyos sa paglikha ng puno? Masasabi ba natin na para lamang ito sa lupa? Masasabi ba natin na para lamang ito sa mga ibon? Masasabi ba natin na para lamang ito sa mga tao? (Hindi.) Ano ang kaugnayan sa pagitan nila? Ang kaugnayan sa pagitan nila ay pinalalakas nila ang isa’t isa, umaasa sila sa isa’t isa at hindi sila mapaghihiwalay. Ibig sabihin, ang lupa, ang puno, ang sikat ng araw, ang mga ibon, at ang mga tao ay umaasa sa isa’t isa para umiral at pangalagaan ang isa’t isa. Pinoprotektahan ng puno ang lupa, at pinagyayaman ng lupa ang puno; pinalalakas ng sikat ng araw ang puno, samantalang nakakakuha ng sariwang hangin ang puno mula sa sikat ng araw at binabawasan ang nakakapasong init ng araw sa lupa. Sino ang nakikinabang dito sa huli? Ang sangkatauhan, hindi ba? Ito ay isa sa mga prinsipyo sa likod ng kapaligirang tinitirhan ng sangkatauhan, na nilikha ng Diyos; ito ang nilayon ng Diyos noong una pa man. Kahit simple ang imaheng ito, makikita natin dito ang karunungan ng Diyos at ang Kanyang layon. Hindi mabubuhay ang sangkatauhan kung wala ang lupa, o wala ang mga puno, lalo na kung wala ang mga ibon at ang sikat ng araw. Hindi ba ganoon ito? Kahit ito ay isang kuwento lamang, ang ipinapakita nito ay isang munting paglalarawan ng paglikha ng Diyos sa kalangitan at lupa at lahat ng bagay at sa Kanyang kaloob na isang kapaligiran kung saan maaaring mabuhay ang sangkatauhan.
Nilikha ng Diyos ang kalangitan at lupa at lahat ng bagay para sa sangkatauhan, pati na ang isang kapaligiran upang tirhan. Una, ang pangunahing puntong tinalakay ng ating kuwento ay ang pagpapalakas sa isa’t isa, pag-asa sa isa’t isa, at ang pag-iral ng lahat ng bagay nang magkakasama. Sa ilalim ng prinsipyong ito, ang kapaligiran ng pag-iral ng sangkatauhan ay protektado; maaari itong umiral at mapanatili. Dahil dito, ang sangkatauhan ay maaaring umunlad at magparami. Ang imaheng nakita natin ay ang puno, ang lupa, sikat ng araw, mga ibon, at mga tao na magkakasama. Nasa imaheng ito ba ang Diyos? Hindi Siya nakita roon ninuman. Ngunit nakita nga ng isang tao ang panuntunan ng pagpapalakas at pag-asa sa isa’t isa sa pagitan ng mga bagay sa tagpong ito; sa panuntunang ito, nakikita ng isang tao ang pag-iral at dakilang kapangyarihan ng Diyos. Ginagamit ng Diyos ang prinsipyong iyon at patakarang iyon upang ingatan ang buhay at pag-iral ng lahat ng bagay. Sa ganitong paraan, naglalaan Siya para sa lahat ng bagay at para sa sangkatauhan. May koneksyon ba ang kuwentong ito sa ating pangunahing tema? Sa tingin, parang wala, ngunit ang totoo, ang panuntunang ginamit ng Diyos sa paglikha ng lahat ng bagay at sa Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay lubhang nauugnay sa Kanyang pagiging pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ang mga katunayang ito ay hindi mapaghihiwalay. Ngayon ay nagsisimula na kayong matuto!
Ang Diyos ang nag-uutos sa mga patakarang namamahala sa operasyon ng lahat ng bagay; Siya ang nag-uutos sa mga patakarang namamahala sa ikabubuhay ng lahat ng bagay; Siya ang nagkokontrol sa lahat ng bagay, at nagtatalaga sa mga ito na kapwa magpatibay at umasa sa isa’t isa, para hindi mapahamak o maglaho ang mga ito. Sa gayon lamang maaaring patuloy na mabuhay ang sangkatauhan; sa gayon lamang sila maaaring mabuhay sa ilalim ng patnubay ng Diyos sa gayong kapaligiran. Ang Diyos ang maestro ng mga patakarang ito ng operasyon, at walang sinuman ang maaaring makialam sa mga ito, ni hindi nila mababago ang mga ito. Tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam sa mga patakarang ito at Siya Mismo lamang ang nakapamamahala sa mga ito. Kung kailan uusbong ang mga puno, kung kailan uulan, gaano karaming tubig at gaano karaming sustansiya ang ibibigay ng lupa sa mga halaman; sa anong panahon malalaglag ang mga dahon; sa anong panahon mamumunga ang mga puno; gaano karaming sustansiya ang ibibigay ng sikat ng araw sa mga puno; ano ang ihihingang palabas ng mga puno matapos mapakain ng sikat ng araw—ang lahat ng bagay na ito ay patiunang itinalaga ng Diyos nang likhain Niya ang lahat ng bagay, bilang mga patakaran na walang makasisira. Ang mga bagay na nilikha ng Diyos, maging sila ay buhay o lumilitaw na walang buhay sa mga mata ng tao, ay nasa kamay Niya, kung saan Niya sila kinokontrol at pinaghaharian. Walang sinuman ang makapagbabago o makasisira sa mga patakarang ito. Ibig sabihin, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, patiunang itinakda Niya na kung wala ang lupa, ang puno ay hindi maaaring magkaugat, umusbong, at lumago; na kung ang lupa ay walang mga puno, ito ay matutuyo; na ang puno ang magiging tahanan ng mga ibon at ang lugar kung saan sila maaaring magkanlong mula sa malakas na hangin. Mabubuhay ba ang puno kung wala ang lupa? Hinding-hindi. Mabubuhay ba ito kung walang araw o ulan? Hindi rin. Ang lahat ng bagay na ito ay para sa sangkatauhan, para sa ikabubuhay ng sangkatauhan. Mula sa puno, nakatatanggap ang tao ng sariwang hangin, at nabubuhay sa ibabaw ng lupa, na pinangangalagaan ng puno. Hindi mabubuhay ang tao nang walang sikat ng araw o iba’t ibang mga bagay na nabubuhay. Bagaman kumplikado ang mga ugnayang ito, kailangan mong tandaan na nilikha ng Diyos ang mga patakaran na namamahala sa lahat ng bagay upang mapalakas ng mga ito ang isa’t isa, umasa ang mga ito sa isa’t isa, at sama-samang umiral. Sa madaling salita, bawa’t isang bagay na Kanyang nilikha ay may halaga at kabuluhan. Kung ang Diyos ay lumikha ng isang bagay na walang kabuluhan, paglalahuin ito ng Diyos. Ito ay isa sa mga pamamaraan na ginagamit ng Diyos upang maglaan para sa lahat ng bagay. Ano ang tinutukoy ng mga salitang “maglaan para sa” sa kuwentong ito? Dinidiligan ba ng Diyos ang puno araw-araw? Kailangan ba ng puno ang tulong ng Diyos para makahinga? (Hindi.) Ang “maglaan para sa” dito ay tumutukoy sa pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay pagkatapos ng kanilang paglikha; sapat na para sa Diyos na pamahalaan ang mga ito matapos itatag ang mga patakarang namamahala sa kanila. Sa sandaling maitanim ang binhi sa lupa, ang puno ay lumalagong mag-isa. Ang mga kondisyon para sa paglago nito ay nilikha lahat ng Diyos. Ginawa ng Diyos ang sikat ng araw, ang tubig, ang lupa, ang hangin, at ang nakapaligid na kapaligiran; ginawa ng Diyos ang malakas na hangin, nagyelong hamog, niyebe, at ulan at ang apat na panahon. Ito ang mga kondisyon na kinakailangan ng puno upang lumago, at ito ang mga bagay na inihanda ng Diyos. Kaya, ang Diyos ba ang pinagmumulan nitong buhay na kapaligiran? (Oo.) Kailangan bang bilangin ng Diyos ang bawa’t dahon sa mga puno araw-araw? Hindi! Ni hindi rin kailangan na tulungan ng Diyos ang puno na makahinga o gisingin araw-araw ang sikat ng araw, na nagsasabing, “Oras na upang magbigay ng liwanag sa mga puno ngayon.” Hindi Niya kailangang gawin iyon. Ang araw ay sumisikat nang kusa kapag oras na para sumikat ito, alinsunod sa mga patakaran; lumilitaw at nagliliwanag ito sa puno at sinisipsip ng puno ang sikat ng araw kapag kinakailangan, at kapag hindi, ang puno ay nabubuhay pa rin sa ilalim ng mga patakaran. Maaaring hindi ninyo kayang ipaliwanag ang kababalaghang ito nang malinaw, nguni’t ito ay isang katunayan gayunpaman, na maaaring makita at kilalanin ng lahat. Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin na ang mga patakarang namamahala sa pag-iral ng lahat ng bagay ay mula sa Diyos, at malaman na ang Diyos ay may kapangyarihan sa paglago at ikabubuhay ng lahat ng bagay.
Ngayon, naglalaman ba ang kuwentong ito ng tinutukoy ng mga tao na isang “metapora”? Ito ba ay isang personipikasyon? (Hindi.) Totoo ang naikuwento Ko. Lahat ng klase ng bagay na nabubuhay, lahat ng bagay na may buhay, ay pinamamahalaan ng Diyos; bawat bagay na nabubuhay ay pinuspos ng buhay ng Diyos nang likhain ito; ang buhay ng bawat bagay na nabubuhay ay nagmumula sa Diyos at sumusunod sa landas at mga batas na gumagabay rito. Hindi kinakailangan ng tao na baguhin ito, ni hindi nito kinakailangan ang tulong ng tao; ito ang isa sa mga paraan na naglalaan ang Diyos para sa lahat ng bagay. Nauunawaan ninyo, hindi ba? Palagay ba ninyo kailangan itong kilalanin ng mga tao? (Oo.) Kaya, may kinalaman ba ang kuwentong ito sa biology? May kaugnayan ba ito kahit paano sa isang larangan ng kaalaman o isang sangay ng pag-aaral? Hindi biology ang tinatalakay natin, at tiyak na hindi tayo nagsasagawa ng pagsasaliksik sa biology. Ano ang pangunahing ideya ng ating pag-uusap? (Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay.) Ano ang nakita ninyo sa lahat ng bagay na nilikha? Nakakita ba kayo ng mga puno? Nakita na ba ninyo ang lupa? (Oo.) Nakita na ninyo ang sikat ng araw, hindi ba? Nakakita na ba kayo ng mga ibong nakadapo sa mga puno? (Oo.) Masaya ba ang sangkatauhan na mamuhay sa gayong kapaligiran? (Oo.) Ibig sabihin, ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay—ang mga bagay na Kanyang nilikha—upang mapanatili at maprotektahan ang tahanan ng sangkatauhan, ang kapaligiran ng kanilang buhay. Sa ganitong paraan, naglalaan ang Diyos para sa sangkatauhan at para sa lahat ng bagay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 168
Kuwento 2: Isang Mataas na Bundok, Isang Munting Sapa, Isang Malakas na Hangin, at Isang Napakalaking Alon
May isang munting sapa na paliku-liko ang daloy, hanggang sa bandang huli ay makarating sa paanan ng isang mataas na bundok. Nakaharang ang bundok sa daanan ng munting sapa, kaya sinabi ng munting sapa sa bundok sa mahina at maliit na boses nito, “Paraan naman. Sagabal ka sa daanan ko at nakaharang ka sa daanan ko.” “Saan ka pupunta?” tanong ng bundok. “Hinahanap ko ang bahay ko,” sagot ng sapa. “Sige, humayo ka at dumaloy sa ibabaw ko!” Ngunit napakahina at napakaliit pa ng sapa, kaya walang paraan para makadaloy ito sa ibabaw ng gayon kataas na bundok. Maaari lamang patuloy na dumaloy iyon doon sa may paanan ng bundok …
Umihip ang isang malakas na hangin, na may dalang buhangin at basura kung saan nakatayo ang bundok. Umugong ang hangin sa bundok, “Paraanin mo ako!” “Saan ka pupunta?” tanong ng bundok. “Gusto kong magpunta sa kabila ng bundok,” umuugong na sagot ng hangin. “Sige, kung kaya mong lumusot sa gitna ko, sumige ka!” Umugong nang umugong ang malakas na hangin, ngunit gaano man kalakas itong umihip, hindi ito makalusot sa gitna ng bundok. Napagod ang hangin at tumigil para magpahinga—at sa kabila ng bundok, nagsimulang umihip ang banayad na hangin, na ikinagalak ng mga tao roon. Ito ang naging pagbati ng bundok sa mga tao …
Sa dalampasigan, ang wisik ng karagatan ay marahang gumulong sa mabatong baybayin. Biglang dumating ang isang napakalaking alon at rumagasa patungo sa bundok. “Tabi!” sigaw ng napakalaking alon. “Saan ka pupunta?” tanong ng bundok. Hindi mapigil ang pagsulong nito, dumagundong ang alon, “Pinapalawak ko ang aking teritoryo! Gusto kong iunat ang mga braso ko!” “Sige, kung makakalagpas ka sa tuktok ko, pararaanin kita.” Umatras nang kaunti ang napakalaking alon, at muling dumaluyong patungo sa bundok. Ngunit gaano man ito nagsikap, hindi ito makalagpas sa tuktok ng bundok. Gumulong lamang nang dahan-dahan ang alon pabalik sa dagat …
Sa loob ng libu-libong taon, marahang umagos ang munting sapa sa paligid ng paanan ng bundok. Sa pagsunod sa mga bilin ng bundok, nakabalik ang munting sapa sa pinagmulan nito, kung saan sumanib ito sa isang ilog, na sumanib naman sa dagat. Sa ilalim ng pangangalaga ng bundok, hindi kailanman naligaw ang munting sapa. Pinatibay ng sapa at ng bundok ang isa’t isa at umasa sila sa isa’t isa; pinalakas nila ang isa’t isa, kinontra ang isa’t isa, at umiral sila nang magkasama.
Sa loob ng libu-libong taon, umihip ang malakas na hangin, tulad ng nakagawian nito. “Dinalaw” pa rin nito nang madalas ang bundok, na may kasamang mga pag-alimpuyo ng buhangin na umiikot sa mga pagbugso nito. Nagbanta ito sa bundok, ngunit hindi ito nakalusot kailanman sa gitna nito. Pinatibay ng hangin at ng bundok ang isa’t isa at umasa sila sa isa’t isa; pinalakas nila ang isa’t isa, kinontra ang isa’t isa, at umiral sila nang magkasama.
Sa loob ng libu-libong taon, hindi tumigil ang napakalaking alon kailanman para magpahinga, at walang-tigil itong rumagasa pasulong, na patuloy na pinalalawak ang teritoryo nito. Dumadagundong ito at dumaluyong nang paulit-ulit patungo sa bundok, subalit hindi kailanman gumalaw ang bundok kahit isang pulgada. Binantayan ng bundok ang dagat, at sa ganitong paraan, dumami at lumago ang mga nilalang sa dagat. Pinatibay ng alon at ng bundok ang isa’t isa at umasa sila sa isa’t isa; pinalakas nila ang isa’t isa, kinontra ang isa’t isa, at umiral sila nang magkasama.
Diyan nagtatapos ang ating kuwento. Una, sabihin ninyo sa Akin, tungkol saan ang kuwentong ito? Sa simula, may isang mataas na bundok, isang munting sapa, isang malakas na hangin, at isang napakalaking alon. Ano ang nangyari sa unang bahagi, sa munting sapa at sa mataas na bundok? Bakit Ko napiling magkuwento tungkol sa isang sapa at isang bundok? (Sa pangangalaga ng bundok, hindi naligaw ng landas ang sapa kailanman. Umasa sila sa isa’t isa.) Sasabihin ba ninyo na pinrotektahan o hinarangan ng bundok ang munting sapa? (Pinrotektahan ito.) Ngunit hindi ba nito hinarangan iyon? Iningatan nito at ng sapa ang isa’t isa; pinrotektahan ng bundok ang sapa at hinarangan din iyon. Pinrotektahan ng bundok ang sapa nang sumanib ito sa ilog, ngunit hinarangan ito para hindi ito dumaloy kung saan-saan, at magsanhi ng mga pagbaha at kapahamakan sa mga tao. Hindi ba tungkol dito ang bahaging ito? Sa pagprotekta sa sapa at pagharang dito, naingatan ng bundok ang mga bahay ng mga tao. Pagkatapos ay sumanib ang sapa sa ilog sa paanan ng bundok at dumaloy papunta sa dagat. Hindi ba ito ang panuntunang namamahala sa pag-iral ng sapa? Ano ang nagbigay-kakayahan sa sapa na sumanib sa ilog at sa dagat? Hindi ba ang bundok? Umasa ang sapa sa proteksyon ng bundok at sa pagharang nito. Kaya, hindi ba ito ang pangunahing punto? Nakikita mo ba rito ang kahalagahan ng mga bundok sa tubig? May layunin ba ang Diyos sa paggawa Niya sa bawat bundok, mataas at mababa? (Oo.) Ipinapakita sa atin ng maikling bahaging ito ng kuwento, na walang anuman maliban sa isang munting sapa at isang mataas na bundok, ang halaga at kabuluhan ng paglikha ng Diyos sa dalawang ito; ipinapakita rin nito sa atin ang Kanyang karunungan at layunin sa Kanyang pamamahala sa mga ito. Hindi ba ganoon?
Tungkol saan ang ikalawang bahagi ng kuwento? (Isang malakas na hangin at ang mataas na bundok.) Mabuting bagay ba ang hangin? (Oo.) Hindi sa lahat ng oras—kung minsan ay napakalakas ng hangin at nagsasanhi ng kapinsalaan. Ano ang madarama mo kung patayuin ka sa gitna ng malakas na hangin? Depende iyan sa lakas nito. Kung ikatlo o ikaapat na lebel lamang ang hangin, matatagalan pa. Kadalasan, maaaring mahirapan ang isang tao na manatiling nakamulat ang mga mata. Ngunit kung lumakas ang hangin at naging bagyo, matatagalan mo ba iyon? Hindi. Kaya, maling sabihin ng mga tao na palaging mabuti ang hangin, o na palagi itong masama, dahil depende ito sa lakas nito. Ngayon, ano ang tungkulin ng bundok dito? Hindi ba para salain ang hangin? Ano ang ginagawa ng bundok sa malakas na hangin? (Ginagawa itong banayad.) Ngayon, sa kapaligirang tinitirhan ng mga tao, nakakaranas ba ang karamihan sa mga tao ng malalakas na hangin o ng mga banayad na hangin? (Mga banayad na hangin.) Hindi ba isa ito sa mga layunin ng Diyos, isa sa Kanyang mga layon sa paglikha ng mga bundok? Ano kaya ang mangyayari kung nakatira ang mga tao sa isang kapaligiran kung saan mabangis na umiikot sa malakas na hangin ang buhangin, nang walang sumasangga o humaharang dito? Maaari kayang hindi maaaring tirhan ang isang lupain na palaging may nagliliparang buhangin at bato? Maaaring tumama ang nagliliparang mga bato sa mga tao, at maaari silang bulagin ng buhangin. Maaaring tangayin ng malakas na hangin ang mga tao o ilipad sila nito sa hangin. Maaaring masira ang mga bahay, at mangyari ang lahat ng uri ng kapinsalaan. Subalit may halaga ba ang pag-iral ng malakas na hangin? Sinabi Kong masama iyon, kaya maaaring madama ng isang tao na wala itong halaga, ngunit ganoon nga ba? Wala ba iyong halaga kapag naging banayad na hangin iyon? Ano ang pinaka-kailangan ng mga tao kapag mahalumigmig o napakainit? Kailangan nila ng banayad na hangin, upang marahang umihip sa kanila, upang mapreskuhan sila at tumigil na sa kaiisip, upang tumalas ang kanilang isipan, upang ayusin at pagandahin ang estado ng kanilang pag-iisip. Ngayon, halimbawa, nakaupo kayong lahat sa isang silid na maraming tao at walang hangin—ano ang pinaka-kailangan ninyo? (Isang banayad na hangin.) Ang pagpunta sa isang lugar kung saan malagkit at marumi ang hangin ay mapapabagal ang pag-iisip ng isang tao, mapapababa ang daloy ng kanilang dugo, at makakabawas sa kalinawan ng isipan. Gayunman, ang kaunting paggalaw at paglibot ay magpapasariwa sa hangin, at iba ang pakiramdam ng mga tao sa sariwang hangin. Bagama’t maaaring magsanhi ng kapinsalaan ang munting sapa, bagama’t maaaring magsanhi ng kapinsalaan ang malakas na hangin, hangga’t naroon ang bundok, ang panganib ay gagawin nitong isang puwersang kapaki-pakinabang sa mga tao. Hindi ba tama iyon?
Tungkol saan ang ikatlong sipi ng kuwento? (Ang malaking bundok at ang dambuhalang alon.) Ang malaking bundok at ang dambuhalang alon. Ang tagpo ng siping ito ay sa dalampasigan sa paanan ng bundok. Makikita natin ang bundok, ang tilamsik ng karagatan, at isang napakalaking alon. Ano ang silbi ng bundok sa alon sa pagkakataong ito? (Isang tagapagsanggalang at isang harang.) Ito ay kapwa tagapagsanggalang at harang. Bilang isang tagapagsanggalang, pinipigilan nito ang paglaho ng dagat, upang makapagparami at umunlad ang mga nilalang na naninirahan dito. Bilang isang harang, pinipigilan nito ang tubig-dagat na umapaw at maging sanhi ng sakuna, na makapinsala at makasira sa mga tahanan ng mga tao. Kaya masasabi natin na ang bundok ay kapwa tagapagsanggalang at harang.
Ito ang kabuluhan ng pagkakaugnay ng malaking bundok at ng munting sapa, ng malaking bundok at ng malakas na hangin, at ng malaking bundok at ng dambuhalang alon; ito ang kabuluhan ng kanilang pagpapalakas at paglilimita sa isa’t isa, at ng pag-iral nila nang magkakasama. Ang mga bagay na ito, na nilikha ng Diyos, ay pinamumunuan sa kanilang pag-iral ng isang patakaran at isang batas. Kaya, anong mga gawa ng Diyos ang nakita ninyo sa kuwentong ito? Hindi na ba pinapansin ng Diyos ang lahat ng bagay mula nang likhain Niya ang mga ito? Gumawa ba Siya ng mga patakaran at dinisenyo ang mga paraan ng pagtakbo ng lahat ng bagay, para lamang pabayaan ang mga ito pagkatapos? Iyon ba ang nangyari? (Hindi.) Ano ang nangyari kung gayon? Kontrolado pa rin ng Diyos ang mga bagay-bagay. Kontrolado Niya ang tubig, ang hangin, at ang mga alon. Hindi Niya hinahayaang magwala ang mga ito, ni hinahayaan ang mga ito na pinsalain o sirain ang mga tahanang tinitirhan ng mga tao. Dahil dito, maaaring mabuhay, magparami at umunlad sa lupa ang mga tao. Nangangahulugan ito na noong likhain Niya ang lahat ng bagay, naplano na ng Diyos ang mga patakaran sa pag-iral ng mga ito. Nang likhain ng Diyos ang bawa’t bagay, tiniyak Niya na makikinabang dito ang sangkatauhan, at kinontrol Niya ito, upang hindi ito makagulo o magdulot ng sakuna sa sangkatauhan. Kung hindi dahil sa pamamahala ng Diyos, hindi ba’t dadaloy ang mga tubig nang walang pagpipigil? Hindi ba’t iihip ang hangin nang walang pagpipigil? Sumusunod ba ang tubig at ang hangin sa mga patakaran? Kung hindi pinamahalaan ng Diyos ang mga ito, walang patakaran na mamumuno sa kanila, at ang hangin ay uugong at ang mga tubig ay hindi mapipigilan at magdudulot ng mga pagbaha. Kung ang alon ay naging mas mataas kaysa sa bundok, makaiiral ba ang dagat? Hindi. Kung ang bundok ay hindi kasintaas ng alon, ang dagat ay hindi iiral, at mawawala ang halaga at kabuluhan ng bundok.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 169
Nilikha ng Diyos ang lahat ng umiiral, at Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng umiiral; Siya ang namamahala sa lahat ng ito at Siya ang tumutustos sa lahat ng ito, at sa lahat ng bagay, nakikita at sinisiyasat Niya ang bawa’t salita at kilos ng lahat ng umiiral. Gayon din, nakikita at sinisiyasat ng Diyos ang bawa’t sulok ng buhay ng tao. Kaya, alam na alam ng Diyos ang bawa’t detalye ng lahat ng umiiral sa Kanyang nilikha, mula sa tungkulin ng bawa’t bagay, kalikasan nito, at mga patakaran nito para mabuhay hanggang sa kabuluhan ng buhay nito at kahalagahan ng pag-iral nito, lahat ng ito ay lubos na nalalaman ng Diyos. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay—iniisip ba ninyo na kailangan Niyang pag-aralan ang mga patakaran na namumuno sa mga ito? Kailangan bang pag-aralan ng Diyos ang kaalaman ng tao o ang agham upang matutuhan at maintindihan sila? (Hindi.) Mayroon bang sinuman sa sangkatauhan na mayroong kaalaman at dunong upang maintindihan ang lahat ng bagay na tulad ng Diyos? Wala, hindi ba? Mayroon bang mga astronomo o mga biyologo na talagang nauunawaan ang mga patakaran ng pamumuhay at paglago ng lahat ng bagay? Kaya ba nilang tunay na maunawaan ang halaga ng pag-iral ng bawa’t bagay? (Hindi, hindi nila kaya.) Ito ay dahil ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos, at gaano man karami o kalalim ang pag-aaral ng tao sa kaalamang ito, o gaano man katagal nilang pagsikapan na matutunan ito, hindi nila kailanman maaarok ang misteryo o ang layunin ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Hindi ba’t ganoon? Ngayon, mula sa ating talakayan hanggang sa puntong ito, nararamdaman ba ninyo na kayo ay nagkamit na ng bahagyang pagkaunawa sa tunay na kahulugan ng pariralang: “Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay”? (Oo.) Alam Ko na kapag tinalakay Ko ang paksang ito—Ang Diyos ang Pinagmumulan ng Buhay para sa Lahat ng Bagay—maraming tao ang kaagad na maiisip ang isa pang parirala: “Ang Diyos ay katotohanan, at ginagamit ng Diyos ang Kanyang salita upang tustusan tayo,” at walang anumang higit pa sa gayong antas ng kahulugan ng paksa. Mararamdaman pa nga ng iba na ang pagbibigay ng Diyos ng buhay ng tao, ng pang-araw-araw na pagkain at inumin at bawa’t pang-araw-araw na mga pangangailangan ay hindi maituturing na Kanyang pagtutustos para sa tao. Hindi ba’t may ilan na ganito ang nararamdaman? Gayunman, hindi ba’t malinaw ang layunin ng Diyos sa Kanyang paglikha—ang tulutan ang sangkatauhan na umiral at mamuhay nang normal? Pinananatili ng Diyos ang kapaligiran kung saan naninirahan ang mga tao at ibinibigay Niya ang lahat ng bagay na kinakailangan ng sangkatauhan para sila ay mabuhay. Bukod dito, Siya ang namamahala at may kataaas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Ang lahat ng ito ay nagpapahintulot sa sangkatauhan na mabuhay at umunlad at magparami nang normal; sa ganitong paraan nagtutustos ang Diyos sa lahat ng nilikha at sa sangkatauhan. Hindi ba’t totoo na kailangang makilala at maintindihan ng mga tao ang mga bagay na ito? Marahil maaaring sabihin ng ilan, “Ang paksang ito ay masyadong malayo sa aming pagkakilala sa tunay na Diyos Mismo, at ayaw naming malaman ito sapagka’t hindi kami nabubuhay sa tinapay lamang, kundi sa halip ay nabubuhay sa salita ng Diyos.” Tama ba ang pagkaunawang ito? (Hindi.) Bakit ito hindi tama? Magkakaroon ba kayo ng lubos na pagkaunawa sa Diyos kung ang alam lang ninyo ay ang mga bagay na sinabi ng Diyos? Kung ang tinatanggap lamang ninyo ay ang gawain ng Diyos at ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, magkakaroon ba kayo ng ganap na pagkaunawa sa Diyos? Kung ang alam lang ninyo ay maliit na bahagi ng disposisyon ng Diyos, maliit na bahagi ng awtoridad ng Diyos, maituturing ba ninyo iyong sapat na upang matamo ang pagkaunawa sa Diyos? (Hindi.) Ang mga pagkilos ng Diyos ay nagsimula sa Kanyang paglikha sa lahat ng bagay, at nagpapatuloy ang mga ito ngayon—ang Kanyang mga pagkilos ay malinaw sa lahat ng oras, sa bawa’t saglit. Kung ang isang tao ay naniniwala na ang Diyos ay umiiral lamang dahil sa pumili Siya ng isang grupo ng mga tao upang gawaan Niya at upang iligtas, at na wala nang iba pa ang may kinalaman sa Diyos, ni Kanyang awtoridad, Kanyang katayuan, ni Kanyang mga pagkilos, maituturing ba siya na may tunay na pagkakilala sa Diyos? Ang mga tao na may ganitong tinatawag na “pagkakilala sa Diyos” ay may di-balanseng pagkaunawa lamang, kung saan ay kanilang nililimitahan ang mga gawa ng Diyos sa isang grupo ng mga tao lamang. Ito ba ay tunay na pagkakilala sa Diyos? Hindi ba’t itinatatwa ng mga taong may ganitong pagkakilala ang paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay at ang Kanyang kataas-taasang kapangyarihan sa mga ito? Hindi ito nais pagtuunan ng pansin ng ilang tao, sa halip ay iniisip nila sa kanilang sarili: “Hindi ko pa nakikita ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang ideyang ito ay masyadong kakaiba, at wala akong pakialam na unawain ito. Ginagawa ng Diyos ang maibigan Niya, at wala itong kinalaman sa akin. Tinatanggap ko lamang ang pamumuno ng Diyos at ang Kanyang salita upang ako ay maligtas at magawang perpekto ng Diyos. Wala nang iba pang mahalaga sa akin. Ang mga patakaran na ginawa ng Diyos nang Kanyang likhain ang lahat ng bagay at ang Kanyang ginagawa upang tustusan ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan ay walang kinalaman sa akin.” Anong klaseng pananalita ito? Hindi ba ito isang paghihimagsik? Mayroon bang sinuman sa inyo na mayroong ganitong pagkaunawa? Alam Ko, kahit na hindi ninyo sabihin, na napakarami sa inyo ang may ganitong pagkaunawa. Ang mga ganitong tao na mahigpit na sumusunod sa mga patakaran ay tinitingnan ang lahat ng bagay mula sa sarili nilang “espirituwal” na pananaw. Gusto nilang limitahan lamang ang Diyos sa Bibliya, limitahan ang Diyos sa mga salitang Kanyang nasabi na, sa katuturang mula sa literal na nakasulat na salita. Ayaw nilang mas makilala ang Diyos at ayaw nilang hatiin ng Diyos ang Kanyang atensyon sa paggawa ng ibang bagay. Ang ganitong uri ng pag-iisip ay parang sa bata, at masyado rin itong relihiyoso. Makikilala ba ng mga taong may ganitong mga pananaw ang Diyos? Magiging napakahirap para sa kanila na makilala ang Diyos. Sa araw na ito ay naglahad Ako ng dalawang kuwento, ang bawa’t isa ay tumatalakay sa magkaibang aspeto. Maaaring madama ninyo, na ngayon lamang nakatagpo ang mga ito, na ang mga ito ay malalim o medyo malabo, mahirap maintindihan at maunawaan. Maaaring mahirap iugnay ang mga ito sa mga pagkilos ng Diyos at sa Diyos Mismo. Gayunpaman, ang lahat ng pagkilos ng Diyos at lahat ng Kanyang nagawa na sa loob ng paglikha at sa sangkatauhan ay dapat na malaman, nang malinaw at tumpak, ng bawa’t tao, ng bawa’t isa na naghahangad na makilala ang Diyos. Ang kaalamang ito ay magbibigay sa iyo ng katiyakan sa iyong paniniwala sa tunay na pag-iral ng Diyos. Bibigyan ka rin nito ng tumpak na kaalaman sa karunungan ng Diyos, sa Kanyang kapangyarihan, at sa kung paano Siya nagtutustos sa lahat ng bagay. Magbibigay-daan ito sa iyo upang malinaw na maintindihan ang tunay na pag-iral ng Diyos at makita na ang Kanyang pag-iral ay hindi kathang-isip, hindi isang alamat, hindi malabo, hindi isang teorya, at tiyak na hindi isang uri ng espirituwal na pampalubag-loob, kundi isang tunay na pag-iral. Bukod dito, tutulutan nito ang mga tao na malaman na palagi nang nagtutustos ang Diyos sa lahat ng nilikha at sa sangkatauhan; ginagawa ito ng Diyos sa sarili Niyang pamamaraan at alinsunod sa sarili Niyang kumpas. Kaya, dahil sa nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at binigyan ang mga ito ng mga patakaran, kung kaya’t nagagawa ng bawa’t isa sa mga ito, sa ilalim ng Kanyang pagtatalaga, na magampanan ang mga gawaing itinakda sa kanila, matupad ang kanilang mga responsibilidad, at magampanan ang kanilang mga papel; sa ilalim ng Kanyang pagtatalaga, bawa’t isang bagay ay may sariling pakinabang sa sangkatauhan at sa lugar at kapaligirang pinaninirahan ng sangkatauhan. Kung hindi iyon ginawa ng Diyos at ang sangkatauhan ay walang ganoong kapaligiran upang panirahan, ang paniniwala sa Diyos o ang pagsunod sa Kanya ay magiging imposible para sa sangkatauhan; ito ay magiging pananalitang walang saysay lamang. Hindi ba?
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 170
Ang Saligang Kapaligiran Para sa Buhay na Nililikha ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Natalakay na natin ang maraming paksa at maraming nilalaman kaugnay ng mga salitang “Ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay,” nguni’t alam ba ninyo sa inyong mga puso kung ano ang mga bagay na ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan, maliban sa pagbibigay sa inyo ng Kanyang salita at pagganap sa inyo ng Kanyang gawain ng pagkastigo at paghatol? Maaaring sabihin ng ilang tao na, “Pinagkakalooban ako ng Diyos ng biyaya at mga pagpapala; binibigyan Niya ako ng disiplina at kaginhawahan, at binibigyan Niya ako ng malasakit at pag-iingat sa lahat ng posibleng paraan.” Sasabihin ng iba, “Pinagkakalooban ako ng Diyos ng pang-araw-araw na pagkain at inumin,” samantalang sasabihin pa ng ilan, “Ipinagkaloob na sa akin ng Diyos ang lahat.” Maaaring tumugon kayo sa mga usaping kinahaharap ng mga tao sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay sa paraang nauugnay sa saklaw ng sariling, makalamang karanasan sa buhay. Nagkakaloob ang Diyos ng maraming bagay sa bawa’t tao, bagama’t ang ating tinatalakay dito ay hindi lamang limitado sa saklaw ng mga pang-araw-araw na pangangailangan ng tao, nguni’t nilayong palawakin ang abot-tanaw ng bawa’t tao at hayaang makita ang mga bagay mula sa isang malawak na pananaw. Yamang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay, paano Niya napananatili ang buhay ng lahat ng bagay? Sa madaling salita, ano ang ibinibigay ng Diyos sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha upang mapanatili ang pag-iral ng mga ito at ng mga batas na nagpapatibay rito, upang makapagpatuloy na umiral ang mga ito? Iyan ang pangunahing punto ng ating talakayan ngayon. … Umaasa Akong kaya ninyong iugnay ang paksang ito at kung ano ang Aking sasabihin tungkol sa mga gawa ng Diyos, sa halip na sa anumang kaalaman, kultura ng tao at pananaliksik. Tungkol lamang sa Diyos ang Aking sinasabi, tungkol sa Diyos Mismo. Ito ang Aking mungkahi sa inyo. Tiyak Akong nauunawaan ninyo, hindi ba?
Nagkaloob na ang Diyos ng maraming bagay sa sangkatauhan. Magsisimula Ako sa pamamagitan ng pagsasalita tungkol sa kung ano ang nakikita ng mga tao, ibig sabihin, ay kung ano ang kanilang nararamdaman. Ito ang mga bagay na kayang tanggapin at maunawaan ng mga tao sa kanilang mga puso. Kaya una, magsimula tayo sa isang talakayan tungkol sa materyal na mundo sa pamamagitan ng pag-uusap tungkol sa kung ano ang ibinigay na ng Diyos sa sangkatauhan.
a. Hangin
Una, nilikha ng Diyos ang hangin upang makahinga ang tao. Ang hangin ay isang bagay substansiya na maaaring madama ng mga tao araw-araw at isang bagay ito kung saan ang mga tao ay umaasa sa bawa’t sandali, kahit na sila ay natutulog. Lubhang mahalaga para sa sangkatauhan ang hangin na nilikha ng Diyos: Kinakailangan ito sa bawa’t paghinga nila at sa buhay mismo. Ang substansiyang ito, na mararamdaman lamang nguni’t hindi makikita, ang unang kaloob ng Diyos sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha. Subali’t matapos likhain ang hangin, tumigil ba ang Diyos, itinuring na tapos na ang Kanyang gawain? O isinaalang-alang ba Niya kung gaano ang magiging densidad ng hangin? Isinaalang-alang ba Niya kung ano ang magiging nilalaman ng hangin? Ano ang iniisip ng Diyos noong nilikha Niya ang hangin? Bakit nilikha ng Diyos ang hangin, at ano ang Kanyang pangangatwiran? Kailangan ng mga tao ang hangin—kailangan nilang huminga. Una sa lahat, dapat naaangkop ang densidad ng hangin sa mga baga ng tao. May nakakaalam ba ng densidad ng hangin? Ang totoo, walang partikular na pangangailangan ang mga tao na malaman ang sagot sa tanong na ito batay sa mga numero o mga datos, at tunay nga, hindi gaanong kinakailangan na malaman ang kasagutan—ganap nang sapat ang magkaroon lamang ng pangkalahatang ideya. Nilikha ng Diyos ang hangin nang may densidad na magiging pinakaangkop upang makahinga ang mga baga ng tao. Ibig sabihin, nilikha ng Diyos ang hangin upang madali itong makapasok sa mga katawan ng tao sa pamamagitan ng kanilang paghinga, at upang hindi nito mapipinsala ang katawan habang ito’y humihinga. Ito ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos nang nilikha Niya ang hangin. Sunod, pag-uusapan natin kung ano ang mga nilalaman ng hangin. Ang mga nilalaman nito ay hindi nakalalason sa mga tao at sa gayon ay hindi makapipinsala sa mga baga o anumang bahagi ng katawan. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang lahat ng ito. Kinailangang isaalang-alang ng Diyos na dapat maayos na pumasok at lumabas ng katawan ang hanging nilalanghap ng mga tao, at matapos malanghap, ang katangian at dami ng mga substansiyang nakapaloob sa hangin ay dapat maging gayon upang ang dugo, pati na rin ang maduming hangin sa mga baga at sa katawan sa kabuuan, ay mapoproseso nang wasto. Higit pa rito, kinailangan Niyang isaalang-alang na hindi dapat magtaglay ang hangin ng anumang nakalalasong mga substansiya. Ang Aking layunin sa pagsasabi sa inyo tungkol sa dalawang pamantayang ito para sa hangin ay hindi upang bigyan kayo ng anumang partikular na kaalaman, kundi upang ipakita sa inyo na nilikha ng Diyos ang bawa’t isang bagay sa loob ng Kanyang paglikha ayon sa sarili Niyang mga pagsasaalang-alang, at ang lahat ng Kanyang nilikha ay ang pinakamahusay na maaari itong maging. Bukod dito, tungkol sa dami ng alikabok sa hangin; at ang dami ng alikabok, buhangin at dumi sa ibabaw ng lupa; gayundin ang dami ng alikabok na bumababa sa lupa mula sa langit—may sariling mga pamamaraan ang Diyos upang pamahalaan ang mga bagay na ito, gayundin, mga pamamaraan upang linisin ang mga ito o pagdurog-durugin ang mga ito. Bagaman may tiyak na dami ng alikabok, ginawa ito ng Diyos upang hindi mapinsala ng alikabok ang katawan ng tao o mailagay sa panganib ang paghinga ng tao, at ginawa Niya ang mga butil ng alikabok nang may sukat na hindi makapipinsala sa katawan. Hindi ba isang hiwaga ang paglikha ng Diyos sa hangin? Isang simpleng bagay ba ito, gaya ng pag-ihip ng hangin mula sa Kanyang bibig? (Hindi.) Maging sa Kanyang paglikha ng mga pinakasimpleng bagay, ang hiwaga ng Diyos, ang mga paggawa ng Kanyang isip, ang Kanyang paraan ng pag-iisip, at ang Kanyang karunungan ay pawang maliwanag. Hindi ba praktikal ang Diyos? (Oo, praktikal Siya.) Ang ibig sabihin nito ay maging sa paglikha ng simpleng mga bagay, iniisip ng Diyos ang sangkatauhan. Unang-una, malinis ang hanging nilalanghap ng mga tao, at naaangkop sa paghinga ng tao ang mga nilalaman nito, hindi nakalalason at hindi nagdudulot ng pinsala sa mga tao; gayundin, akma para sa paghinga ng tao ang densidad ng hangin. Ang hanging ito, na patuloy na nilalanghap at hinihingang palabas ng tao, ay kinakailangan ng katawan ng tao, ang katawang-tao. Ito ang dahilan kung bakit maaaring makahinga nang malaya ang mga tao, nang walang pagpigil o pag-aalala. Samakatuwid ay makahihinga sila nang normal. Ang hangin ang siyang nilikha ng Diyos noong pasimula, at siyang kailangang-kailangan para sa paghinga ng tao.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 171
Ang Saligang Kapaligiran Para sa Buhay na Nililikha ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
b. Temperatura
Temperatura ang ikalawang bagay na ating tatalakayin. Alam ng lahat kung ano ang temperatura. Ang temperatura ay isang bagay na kinakailangan sa isang kapaligirang angkop para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Kung masyadong mataas ang temperatura—halimbawa, ipagpalagay nang mas mataas kaysa 40 digri Celsius ang temperatura—hindi ba masyadong nakasasaid ito para sa mga tao? Hindi ba magiging nakapapagod para sa mga tao na manirahan sa gayong mga kalagayan? At paano naman kung masyadong mababa ang temperatura? Ipagpalagay nang aabot sa negatibong 40 digri Celcius ang temperatura—hindi rin ito matatagalan ng mga tao. Samakatuwid, naging napakapartikular ng Diyos sa pagtatakda ng saklaw ng mga temperatura, yamang iyon ang saklaw ng temperatura kung saan kayang umangkop ng katawan ng tao, na pumapatak, nang humigit-kumulang, sa pagitan ng negatibong 30 digri Celsius at 40 digri Celsius. Sadyang pumapatak sa loob ng saklaw na ito ang mga temperatura sa mga kalupaan mula sa hilaga hanggang sa timog. Sa malalamig na rehiyon, maaaring bumagsak ang mga temperatura sa marahil ay negatibong 50 o 60 digri Celsius. Hindi patitirahan ng Diyos sa mga tao ang gayong mga rehiyon. Kung gayon, bakit umiiral ang ganitong nagyeyelong mga rehiyon? May sariling karunungan ang Diyos, at may sarili Siyang mga intensyon para rito. Hindi ka Niya palalapitin sa mga lugar na iyon. Iniingatan ng Diyos ang mga lugar na masyadong mainit at masyadong malamig, nangangahulugang hindi Niya pinanukala na manirahan ang tao roon. Hindi para sa sangkatauhan ang mga lugar na ito. Subali’t bakit paiiralin ng Diyos ang mga lugar na iyon sa mundo? Kung hindi pahihintulutan ng Diyos ang tao na manirahan o makaligtas man lang sa mga lugar na ito, bakit pa lilikhain ng Diyos ang mga ito? Diyan nakapaloob ang karunungan ng Diyos. Ibig sabihin, makatuwirang isinaayos na ng Diyos ang temperatura ng kapaligiran kung saan nabubuhay ang mga tao. Mayroon ding isang natural na batas na gumagawa rito. Lumikha ang Diyos ng ilang bagay upang mapanatili at makontrol ang temperatura. Ano ang mga ito? Una, nakapagdadala ng init ang araw sa mga tao, nguni’t matitiis kaya ng mga tao ang init na ito kapag masyado itong matindi? Mayroon bang sinumang nangangahas na lumapit sa araw? Mayroon bang anumang siyentipikong instrumento sa mundo na kayang lumapit sa araw? (Wala.) Bakit wala? Masyadong mainit ang araw. Matutunaw ang anumang bagay na masyadong lumalapit. Samakatuwid, partikular na gumawa ang Diyos upang itakda ang taas at ang distansiya ng araw mula sa sangkatauhan alinsunod sa Kanyang metikulosong mga kalkulasyon at sa Kanyang mga pamantayan. Pagkatapos, nariyan ang dalawang polo ng mundo, timog at hilaga. Lubos na nagyeyelo at pang-gleysyer ang mga rehiyong ito. Kaya bang manirahan ng tao sa mga pang-gleysyer na mga rehiyon? Angkop ba para sa kaligtasan ng buhay ng tao ang mga lugar na iyon? Hindi, kaya hindi pumupunta ang mga tao sa mga lugar na ito. Yamang hindi pumupunta ang mga tao sa Polong Timog at Hilaga, napangangalagaan ang mga gleysyer nito at patuloy na nagagampanan ang kanilang layunin, na kontrolin ang temperatura. Nauunawaan ba, oo? Kung wala ang Polong Timog at wala rin ang Polong Hilaga, mamamatay ang mga tao sa lupa nang dahil sa patuloy na init ng araw. Sa pamamagitan lamang ba ng dalawang bagay na ito napananatili ng Diyos ang temperatura sa loob ng saklaw na angkop para sa kaligtasan ng buhay ng tao? Hindi. Mayroon ding lahat ng klase ng mga bagay na may buhay, gaya ng damo sa mga parang, iba’t ibang uri ng mga puno, at lahat ng klase ng mga halaman sa mga kagubatan na sumisipsip sa init ng araw at, sa paggawa nito, iniibsan ang mainit na enerhiya ng araw sa paraang isinasaayos ang temperatura ng kapaligirang pinaninirahan ng mga tao. Mayroon ding mga pinagmumulan ng tubig, gaya ng mga ilog at mga lawa. Walang makapagpapasya sa sakop na lugar ng mga ilog at mga lawa. Walang sinuman ang kayang kontrolin kung gaano karaming tubig ang mayroon sa mundo, ni kung saan dumadaloy ang tubig na iyon, ang direksyon ng agos nito, ang dami nito, o ang bilis nito. Ang Diyos lang ang nakaaalam. Itong iba’t ibang pinagmumulan ng tubig, mula sa tubig sa ilalim ng lupa hanggang sa mga nakikitang ilog at mga lawa sa ibabaw ng lupa, ay kaya ring isaayos ang temperatura ng kapaligiran na pinaninirahan ng mga tao. Bukod sa mga pinagmumulan ng tubig, mayroon ding lahat ng klase ng mga pormasyong heograpikal, gaya ng mga bundok, mga kapatagan, mga libis, at mga latian, na lahat ay nagsasaayos ng mga temperatura hanggang sa punto na kasukat ng kanilang heograpikal na saklaw at lugar. Halimbawa, kung ang isang bundok ay may sirkumperensiya na isang daang kilometro, mag-aambag ng isang daang kilometrong halaga ng kapakinabangan ang isang daang kilometrong iyon. Tungkol naman sa kung gaano karami lang ang gayong mga bulubundukin at mga libis na nilikha na ng Diyos sa mundo, ito ay isang numero na isinaalang-alang na ng Diyos. Sa madaling salita, sa likod ng pag-iral ng bawa’t isang bagay na nilikha ng Diyos, mayroong kuwento, at naglalaman ang bawa’t bagay ng karunungan at mga plano ng Diyos. Isaalang-alang, halimbawa, ang mga kagubatan at ang lahat ng iba’t ibang uri ng mga pananim—hindi kayang kontrolin ng kahit na sinong tao ang saklaw at ang lawak ng lugar kung saan umiiral at lumalago ang mga ito, at walang may karapatan sa mga bagay na ito. Gayundin, walang taong kayang kontrolin kung gaano karaming tubig ang nasisipsip ng mga ito, ni gaano karaming mainit na enerhiya mula sa araw ang nasisipsip ng mga ito. Lahat ng mga bagay na ito ay napapaloob sa saklaw ng plano na ginawa ng Diyos nang nilikha Niya ang lahat ng bagay.
Tanging dahil sa maingat na pagpaplano, pagsasaalang-alang, at pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng aspeto kaya nakapaninirahan ang tao sa isang kapaligiran na may gayong angkop na temperatura. Samakatuwid, bawa’t isang bagay na nakikita ng tao gamit ang kanyang mga mata, gaya ng araw, ang Polong Timog at Hilaga na madalas na naririnig ng mga tao, pati na rin ang iba’t ibang bagay na may buhay sa ibabaw at sa ilalim ng lupa at sa tubig, at ang lawak ng lugar na nasasakupan ng mga kagubatan at iba pang uri ng mga pananim, at mga pinagmumulan ng tubig, ang iba’t ibang uri ng anyong tubig, napakaraming tubig-alat at tubig-tabang, at iba’t ibang mga kapaligirang heograpikal—ginagamit ng Diyos ang lahat ng bagay na ito upang mapanatili ang normal na mga temperatura para sa kaligtasan ng buhay ng tao. Ito ay tiyak. Tanging dahil sa napag-isipan na nang mabuti ng Diyos ang tungkol sa lahat ng ito kaya nakapaninirahan ang tao sa isang kapaligirang may gayong angkop na mga temperatura. Hindi ito dapat maging masyadong malamig o masyadong mainit: Ang mga lugar na masyadong mainit, kung saan lumalampas ang mga temperatura sa kung ano lamang ang kayang pakibagayan ng katawan ng tao ay tiyak na hindi itinabi para sa iyo ng Diyos. Ang mga lugar na masyadong malamig, kung saan ang mga temperatura ay masyadong mababa, kung saan, pagkatapos makarating doon, lubusang maninigas ang mga tao sa loob lamang ng ilang minuto, na anupa’t hindi sila nakapagsasalita, nagyeyelo ang kanilang mga utak, hindi sila nakapag-iisip, at hindi magtatagal ay mahihirapang huminga—hindi rin itinabi ng Diyos ang gayong mga lugar para sa sangkatauhan. Anumang uri ng pananaliksik ang gustuhing isagawa ng mga tao, kahit gusto nilang magpabago o magpumilit na pasukin ang gayong mga limitasyon—anuman ang mga kaisipang mayroon ang mga tao, hindi nila kailanman malalampasan ang mga hangganan ng kung ano ang kayang pakibagayan ng katawan ng tao. Hindi nila kailanman maiwawaksi ang mga limitasyong ito na nilikha ng Diyos para sa tao. Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang mga tao, at ang Diyos ang pinaka-nakaaalam kung ano ang mga temperatura na kayang pakibagayan ng katawan ng tao. Subali’t hindi alam ng mga tao mismo. Bakit Ko sinasabing hindi alam ng mga tao? Anong mga kahangalan ang nagawa na ng mga tao? Hindi ba maraming tao na ang patuloy na nagtatangkang hamunin ang Polong Hilaga at Timog? Palaging nais ng gayong mga tao na pumunta sa mga lugar na iyon upang sakupin ang lupain, nang makapanirahan sila roon. Magiging isang pagkilos ng kahangalan ito. Kahit pa lubusan mong nasaliksik na ang mga polo, pagkatapos ay ano na? Kahit na kaya mong makibagay sa mga temperatura at kayang mamuhay roon, magiging kapaki-pakinabang kaya sa sangkatauhan sa anumang paraan kung iyong “pahuhusayin” ang kasalukuyang kapaligiran para sa buhay ng mga Polong Timog at Hilaga? Mayroong kapaligiran ang sangkatauhan kung saan sila ay maaaring mabuhay, subali’t hindi nananatili roon ang mga tao nang tahimik at malugod, bagkus ay nagpupumilit na makipagsapalaran sa mga lugar kung saan hindi sila mabubuhay. Ano ang ibig sabihin nito? Nainip na sila at nawalan na ng pasensya sa buhay na ito na may angkop na temperatura, at nagtamasa na ng masyadong maraming pagpapala. Isa pa, halos ganap nang nasira ng sangkatauhan itong karaniwang kapaligiran ng buhay, kaya ngayon ay iniisip nila na kung ganoon din lamang ay mas mabuti pang pumunta sila sa mga Polong Timog at Hilaga upang gumawa ng higit pang pinsala o magtaguyod ng kung anong “layunin,” nang makapaghanap sila ng isang paraan ng “pagbubukas ng isang bagong daan.” Hindi ba ito kahangalan? Ibig sabihin, sa ilalim ng pamumuno ng kanilang ninunong si Satanas, patuloy na gumagawa ang sangkatauhang ito ng isang kakatwang bagay matapos ang isa pa, walang ingat at walang habas na winawasak ang magandang tahanang nilikha ng Diyos para sa kanila. Ito ang paggawa ni Satanas. Bukod dito, yamang nakikita na ang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan sa mundo ay tila nanganganib, maraming tao ang naghahanap ng mga paraan upang makabisita sa buwan, ninanais na magtatag ng paraan upang mabuhay roon. Subali’t sa katapusan, walang oxygen sa buwan. Kaya bang mabuhay ng mga tao nang walang oxygen? Sapagka’t walang oxygen ang buwan, hindi ito isang lugar na makapamamalagi ang tao, gayunman ay nagpupumilit ang tao sa kanyang kagustuhan na pumunta roon. Ano ang dapat itawag sa pag-uugaling ito? Pagpapatiwakal din ito. Isang lugar na walang hangin ang buwan, at hindi angkop ang temperatura nito sa kaligtasan ng buhay ng tao—samakatuwid, hindi ito isang lugar na itinabi ng Diyos para sa tao.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 172
Ang Saligang Kapaligiran Para sa Buhay na Nililikha ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
c. Tunog
Ano ang ikatlong bagay? Isang bagay ito na mahalagang bahagi rin ng normal na kapaligiran ng pag-iral ng tao. Isang bagay kung saan kinailangang gumawa ng Diyos ng mga pagsasaayos nang nilikha Niya ang lahat ng bagay. Napakahalaga nito sa Diyos at sa bawa’t isang tao. Kung hindi inasikaso ng Diyos ang bagay na ito, lubhang nakagambala na sana ito sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan, nangangahulugan na malaki sana ang naging epekto nito sa buhay ng tao at sa kanyang makalamang katawan na hindi sana makakayang mabuhay ng sangkatauhan sa gayong kapaligiran. Masasabi na wala sanang bagay na may buhay ang makaliligtas sa gayong kapaligiran. Kung gayon, ano ang bagay na ito na sinasabi Ko? Tungkol sa tunog ang sinasabi Ko. Nilikha ng Diyos ang lahat, at nabubuhay ang lahat sa loob ng mga kamay ng Diyos. Lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay nabubuhay at umiikot nang patuloy na paggalaw sa loob ng Kanyang paningin. Ang ibig Kong sabihin dito ay ang bawa’t isang bagay na nilikha ng Diyos ay may halaga at kabuluhan sa pag-iral nito; ibig sabihin, may kung anong mahalaga tungkol sa pag-iral ng bawa’t isang bagay. Sa mga mata ng Diyos, buhay ang bawa’t bagay, at, yamang buhay ang lahat ng bagay, lumilikha ng tunog ang bawa’t isa sa mga ito. Halimbawa, ang mundo ay patuloy na umiikot, ang araw ay patuloy na umiikot, at ang buwan, gayundin, ay patuloy na umiikot. Habang nagpaparami, umuunlad, at gumagalaw ang lahat ng bagay, patuloy na naglalabas ng tunog ang mga ito. Patuloy sa pagpaparami, pag-unlad, at paggalaw ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos na umiiral sa mundo. Halimbawa, ang mga base ng mga bundok ay gumagalaw at nagbabago, at ang lahat ng bagay na may buhay sa kailaliman ng mga dagat ay lumalangoy at gumagalaw paroo’t parito. Ibig sabihin nito ay ang mga bagay na may buhay na ito, ang lahat ng bagay sa paningin ng Diyos, ay patuloy, regular na gumagalaw, alinsunod sa itinatag na mga tularan. Kung gayon, ano ang idinudulot na umiral ng lahat ng mga bagay na ito na nagpaparami at umuunlad sa karimlan at gumagalaw nang palihim? Mga tunog—malakas, makapangyarihang mga tunog. Sa ibayo ng planetang Lupa, patuloy ring kumikilos ang lahat ng klase ng mga planeta, at patuloy ring nagpaparami, umuunlad at gumagalaw ang mga bagay na may buhay at mga organismo sa mga planetang ito. Ibig sabihin, lahat ng bagay na may buhay at walang buhay ay patuloy na sumusulong sa paningin ng Diyos, at, habang sumusulong, naglalabas din ng tunog ang bawa’t isa sa mga ito. Gumawa na rin ng mga pagsasaayos ang Diyos para sa mga tunog na ito, at naniniwala Ako na alam na ninyo ang Kanyang dahilan para rito, hind ba? Kapag lumapit ka sa isang eroplano, ano ang epekto sa iyo ng dagundong ng makina nito? Kung mananatili ka malapit dito nang masyadong matagal, mabibingi ang iyong mga tainga. Paano naman ang iyong puso—matatagalan ba nito ang gayong paghihirap? Hindi ito makakaya ng ilang taong may mahihinang puso. Siyempre, kahit na ang may malalakas na puso ay hindi ito makakayanan nang napakatagal. Ibig sabihin noon, ang epekto ng tunog sa katawan ng tao, maging ito ay sa mga tainga o sa puso, ay lubhang mahalaga para sa bawa’t tao, at makasasama sa mga tao ang mga tunog na masyadong malakas. Samakatuwid, nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at matapos magsimulang gumana nang normal ng mga ito, gumawa ang Diyos ng angkop na mga pagsasaayos para sa mga tunog na ito, ang mga tunog ng lahat ng bagay na gumagalaw. Ito, gayundin, ay isa sa mga bagay na kinailangang isaalang-alang ng Diyos nang lumilikha ng kapaligiran para sa sangkatauhan.
Una, ang taas ng atmospera mula sa ibabaw ng mundo ay may epekto sa tunog. Bukod pa rito, mamanipulahin at makaaapekto rin sa tunog ang laki ng mga puwang sa lupa. Pagkatapos ay nariyan pa ang iba’t ibang heograpikal na mga kapaligiran na ang pinagsasalubungan ay nakaaapekto rin sa tunog. Ibig sabihin, gumagamit ang Diyos ng partikular na mga pamamaraan upang alisin ang ilang tunog, nang ang mga tao ay maaaring mabuhay sa isang kapaligirang matatagalan ng kanilang mga tainga at mga puso. Kung hindi, magdudulot ang tunog ng napakalaking balakid sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan, nagiging isang malaking abala sa kanilang mga buhay at nagsisilbing isang matinding problema para sa kanila. Nangangahulugan ito na naging napakapartikular ng Diyos sa paglikha Niya ng lupa, ng atmospera, at ng iba’t ibang uri ng heograpikal na mga kapaligiran, at nakapaloob sa bawa’t isa sa mga ito ang karunungan ng Diyos. Hindi kinakailangang maging masyadong detalyado ang pagkaunawa rito ng sangkatauhan—sapat nang malaman ng mga tao na nakapaloob sa mga iyon ang mga pagkilos ng Diyos. Ngayon, sabihin ninyo sa Akin, itong gawain na ginawa ng Diyos—ang pagsasaayos nang husto sa tunog upang mapanatili ang kapaligirang pinaninirahan ng sangkatauhan at ang kanilang normal na mga buhay—kailangan ba ito? (Oo.) Kung ang gawaing ito ay kailangan, mula sa pananaw na ito, masasabi ba na ginamit ng Diyos ang gawaing ito bilang isang paraan upang tustusan ang lahat ng bagay? Nilikha ng Diyos ang gayong tahimik na kapaligiran para sa pagtustos sa sangkatauhan, upang magawang mabuhay nang normal sa loob nito ang katawan ng tao, nang hindi nakararanas ng anumang pagkagambala, at upang magawa ng sangkatauhan na umiral at mamuhay nang normal. Ito ba, kung gayon, ay hindi isa sa mga paraan kung paano tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan? Hindi ba napakahalagang bagay ng ginawang ito ng Diyos? (Oo.) Kinailangan ito nang malaki. Kaya paano ninyo pinahahalagahan ito? Kahit na hindi ninyo nararamdaman na ito ay pagkilos ng Diyos, ni alam kung paano ito isinagawa ng Diyos noong panahong iyon, nararamdaman pa rin ba ninyo ang pangangailangan ng paggawa ng Diyos sa bagay na ito? Nararamdaman ba ninyo ang karunungan at malasakit at kaisipang iginugol Niya rito? (Oo, nararamdaman namin.) Kung nararamdaman ninyo ito, sapat na iyon. Maraming pagkilos ang isinagawa na ng Diyos sa gitna ng mga bagay na Kanyang nilikha na hindi nararamdaman o nakikita man ng mga tao. Binabanggit Ko lamang ito upang ipaalam sa inyo ang tungkol sa mga pagkilos ng Diyos, nang maaaring makilala ninyo ang Diyos. Mga palatandaan ito na mas makatutulong sa inyo na makilala at maunawaan ang Diyos.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 173
Ang Saligang Kapaligiran Para sa Buhay na Nililikha ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
d. Liwanag
May kaugnayan sa mga mata ng mga tao ang ikaapat na bagay: ang liwanag. Napakahalaga rin nito. Kapag nakakita ka ng maliwanag na ilaw, at ang liwanag nito ay umaabot sa isang partikular na lakas, kaya nitong mabulag ang mga mata ng tao. Matapos ang lahat, ang mga mata ng tao ay mga mata ng laman. Hindi matitiis ng mga ito ang iritasyon. Mayroon bang nangangahas na tumingin nang direkta sa araw? Nasubukan na ito ng ilang tao, at kung may suot silang salaming pang-araw, nagagawa naman ito nang maayos—nguni’t nangangailangan iyon ng paggamit ng kasangkapan. Kung walang mga kasangkapan, walang kakayahan ang mismong mga mata ng tao na humarap sa araw at tumitig nang direkta dito. Gayunpaman, nilikha ng Diyos ang araw upang magdala ng liwanag sa sangkatauhan, gayundin, ay isang bagay na inasikaso ng Diyos. Hindi lamang basta tinapos ng Diyos na likhain ang araw, inilagak ito sa kung saan, at pagkatapos ay binalewala na ito; hindi ganoon ang paggawa ng Diyos sa mga bagay-bagay. Napakaingat Niya sa Kanyang mga pagkilos, at pinag-iisipan Niya nang husto ang mga ito. Nilikha ng Diyos ang mga mata para sa sangkatauhan upang makakita sila, at nauna na rin Niyang itinakda ang mga parametro ng liwanag kung saan nakikita ng mga tao ang mga bagay. Hindi magiging mabuti kung ang liwanang ay masyadong malamlam. Kapag masyadong madilim na hindi na kayang makita ng mga tao ang kanilang mga daliri sa kanilang harapan, nawalan na ng kanilang gamit ang kanilang mga mata at wala nang silbi. Subali’t ang ilaw na masyadong maliwanag ay kaparehong nagdudulot sa mga mata ng tao na hindi makakita ng mga bagay, dahil hindi-matatagalan ang liwanag. Samakatuwid, nagkaloob na ang Diyos sa kapaligiran kung saan umiiral ang sangkatauhan ng angkop na dami ng liwanag para sa mga mata ng tao—dami na hindi makasasakit o makapipinsala sa mga mata ng mga tao, lalo nang hindi magiging sanhi na mawala ang gamit ng mga ito. Ito ang dahilan kung bakit nagdagdag ang Diyos ng mga suson ng mga ulap sa palibot ng araw at ng mundo, at kung bakit ang densidad ng hangin ay nagagawang salain nang wasto ang mga uri ng liwanag na makasasakit sa mga mata o balat ng mga tao—magkatumbas ang mga ito. Dagdag pa rito, ang mga kulay ng daigdig na nilikha ng Diyos ay nagpapaaninag sa sikat ng araw at lahat ng uri ng liwanag, at nagagawang alisin ang mga uri ng liwanag na masyadong matindi para pakibagayan ng mga mata ng tao. Kaya, nakapaglalakad ang mga tao sa labas at nakapamumuhay nang malaya nang hindi palaging kailangan na magsuot ng napakadilim na salaming pang-araw. Sa normal na mga pagkakataon, nakikita ng mga mata ng tao ang mga bagay sa loob ng saklaw ng kanilang paningin nang hindi naaabala ng liwanag. Ibig sabihin noon, hindi makabubuti kung ang liwanag ay masyadong nakasisilaw, ni kung masyadong malamlam man ito. Kung ito ay masyadong malamlam, mapipinsala ang mga mata ng mga tao, at, matapos ang maikling paggamit, sira na; kung masyadong maliwanag ito, hindi ito matatagalan ng mga mata ng mga tao. Ang mismong liwanag na ito na mayroon ang mga tao ay dapat maging angkop upang makakita ang mga mata ng tao, at nagawa na ng Diyos, sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan, na mabawasan ang pinsalang dulot ng liwanag sa mga mata ng tao; at kahit na maaaring makabuti o makapagpasakit ang liwanag na ito sa mga mata ng tao, sapat na ito upang hayaan ang mga tao na marating ang hangganan ng kanilang mga buhay nang napananatili ang gamit ng kanilang mga mata. Hindi ba naging masinsinan ang pagsasaalang-alang ng Diyos dito? Subali’t ang diyablo, si Satanas, ay kumikilos nang walang gayong mga pagsasaalang-alang na pumasok sa isipan nito kailanman. Kay Satanas, ang liwanag ay palaging masyadong maliwanag o di kaya naman ay masyadong malamlam. Ganito kumilos si Satanas.
Ginawa ng Diyos ang mga bagay na ito sa lahat ng aspeto ng katawan ng tao—sa paningin nito, pandinig, panlasa, paghinga, mga pakiramdam, at iba pa—upang magamit nang husto ang kakayahan ng sangkatauhan na makibagay para sa kaligtasan ng buhay, upang makapamuhay sila nang normal at makapagpatuloy na magawa iyon. Sa madaling sabi, ang kasalukuyang kapaligiran para sa buhay, na nilikha ng Diyos, ay ang kapaligirang pinaka-angkop at kapaki-pakinabang para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Maaaring isipin ng ilang tao na hindi ito gaanong mahalaga, at na ang lahat ng ito ay napaka-ordinaryo lamang na bagay. Ang tunog, liwanag, at hangin ay mga bagay na pakiramdam ng mga tao ay kasama na sa kanilang karapatan ng pagkapanganak, na tinamasa na nila mula sa sandali ng kanilang kapanganakan. Nguni’t sa likod ng mga bagay na ito na iyong tinatamasa, dati nang gumagawa ang Diyos; isang bagay ito na kailangang maunawaan ng mga tao, isang bagay na kailangan nilang malaman. Hindi mahalaga kung pakiramdam mo man ay hindi na kailangan pang maunawaan ang mga bagay na ito o malaman ang mga ito, sa madaling salita, nang nilikha ng Diyos ang mga ito, pinag-isipan Niyang mabuti ang mga ito, mayroon Siyang plano, mayroon Siyang tiyak na mga ideya. Hindi Niya inilagay nang walang kapararakan o basta-basta ang sangkatauhan sa gayong kapaligiran para sa buhay, nang hindi man lang ito pinag-iisipan. Maaaring iniisip ninyo na nagsalita na Ako nang pagkadaki-dakila tungkol sa bawa’t isa sa maliliit na bagay na ito, nguni’t sa Aking pananaw, kinakailangan para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan ang bawa’t bagay na ibinigay ng Diyos sa sangkatauhan. Mayroong pagkilos ng Diyos dito.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 174
Ang Saligang Kapaligiran Para sa Buhay na Nililikha ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
e. Daloy ng Hangin
Ano ang ikalimang bagay? May malapit na kaugnayan ang bagay na ito sa bawa’t araw ng buhay ng bawa’t tao. Napakalapit ng kaugnayan nito sa buhay ng tao na kung wala ito ay hindi kayang mabuhay ng katawan ng tao sa materyal na mundong ito. Ang bagay na ito ay ang daloy ng hangin. Marahil ay nauunawaan ng sinuman ang pangngalang “daloy na hangin” pagkarinig pa lang dito. Kung gayon, ano ang daloy ng hangin? Masasabi na ang “daloy ng hangin” ay ang dumadaloy na paggalaw lamang ng hangin. Ang daloy ng hangin ay ang hangin na hindi nakikita ng mata ng tao. Isang daan rin ito kung saan gumagalaw ang mga gas. Subali’t sa usapang ito, ano ang pangunahing tinutukoy ng “daloy ng hangin”? Sa sandaling sabihin Ko ito, mauunawaan ninyo kaagad. Pasan ng mundo ang mga bundok, ang mga dagat, at ang lahat ng bagay na nilikha habang ito ay umiikot, at kapag ito ay umiikot, umiikot ito nang may bilis. Kahit na hindi mo nararamdaman ang anuman sa pag-ikot na ito, umiiral pa rin ang pag-ikot ng mundo. Ano ang ibinubunga ng pag-ikot nito? Kapag tumatakbo ka, hindi ba nagkakaroon ng hangin at mabilis na lumalampas sa iyong mga tainga? Kung nalilikha ang hangin kapag tumatakbo ka, paanong hindi nagkakaroon ng hangin kapag umiikot ang mundo? Kapag umiikot ang mundo, gumagalaw ang lahat ng bagay. Ang mundo mismo ay gumagalaw at umiikot sa isang partikular na bilis, habang ang lahat ng bagay dito ay patuloy ring nagpaparami at umuunlad. Samakatuwid, natural na magdudulot ng daloy ng hangin ang paggalaw sa isang partikular na bilis. Ito ang ibig Kong sabihin sa “daloy ng hangin.” Hindi ba nakaaapekto ang daloy ng hangin na ito sa katawan ng tao sa isang partikular na punto? Isaalang-alang ang mga bagyo: Hindi ganoon kalakas ang regular na mga bagyo, nguni’t kapag nananalasa ang mga ito, hindi man lang makatayo nang maayos ng mga tao, at mahirap para sa kanila na maglakad sa hangin. Mahirap ang kahit na isang hakbang, at maaari pa ngang maitulak ng hangin ang ilang tao sa kung anong bagay, at hindi makagalaw. Isa ito sa mga paraan kung paano nakaaapekto ang daloy ng hangin sa sangkatauhan. Kung ang buong mundo ay binalot ng mga kapatagan, kapag umikot ang mundo at lahat ng bagay, lubos na hindi makatatagal ang katawan ng tao sa daloy ng hanging likha noon. Magiging masyadong mahirap na tumugon sa gayong sitwasyon. Kung naging ganito talaga, hindi lamang pinsala ang maidudulot sa sangkatauhan ng gayong daloy ng hangin, kundi ganap na pagkawasak. Hindi magagawang mabuhay ng mga tao sa gayong kapaligiran. Ito ang dahilan kung bakit lumikha ang Diyos ng iba’t ibang kapaligirang heograpikal upang lutasin ang gayong mga daloy ng hangin—sa magkakaibang kapaligiran, ang mga daloy ng hangin ay humihina, nagbabago ng direksyon, nagbabago ng kanilang bilis, at nagbabago ng kanilang lakas. Ito ang dahilan kung bakit nakakikita ang mga tao ng iba’t ibang katangiang heograpikal, gaya ng mga bundok, naglalakihang bulubundukin, mga kapatagan, mga burol, mga lunas, mga lambak, mga talampas, at malalaking ilog. Sa pamamagitan ng iba’t ibang katangiang heograpikal na ito, binabago ng Diyos ang bilis, direksyon, at lakas ng daloy ng hangin. Ito ang pamamaraan na Kanyang ginagamit upang bawasan o manipulahin ang daloy ng hangin tungo sa isang hangin na may bilis, direksyon, at lakas na angkop, upang maaaring magkaroon ang mga tao ng isang normal na kapaligirang mapaninirahan. Kailangan ba ito? (Oo.) Tila mahirap para sa mga tao ang paggawa ng bagay na gaya nito, nguni’t madali ito para sa Diyos, dahil pinagmamasdan Niya ang lahat ng bagay. Para sa Kanya, wala nang mas isisimple o mas idadali ang paglikha ng isang kapaligiran na may angkop na daloy ng hangin para sa sangkatauhan. Samakatuwid, sa gayong kapaligirang nilikha ng Diyos, kailangang-kailangan ang bawa’t isang bagay sa loob ng lahat ng Kanyang nilikha. Mayroong halaga at pangangailangan sa pag-iral ng bawa’t isang bagay. Gayunpaman, ang prinsipyong ito ay hindi nauunawaan ni Satanas o ng sangkatauhan na nagawa nang tiwali. Patuloy silang naninira at nagpapalago at nagsasamantala, nang may walang saysay na mga pangarap na gawing patag na lupa ang mga bundok, tambakan ang malalalim na libis, at magtayo ng mga gusaling tukudlangit sa patag na lupa upang lumikha ng kongkretong mga kagubatan. Umaasa ang Diyos na makapamumuhay nang masaya ang sangkatauhan, lumago nang masaya, at gugulin ang bawa’t araw nang masaya sa pinaka-angkop na kapaligiran, na Kanyang inihanda na para sa kanila. Kaya naman hindi kailanman naging pabaya ang Diyos pagdating sa pakikitungo Niya sa kapaligirang pinaninirahan ng sangkatauhan. Mula sa temperatura hanggang sa hangin, mula sa tunog hanggang sa liwanag, gumawa na ang Diyos ng mabusising mga plano at pagsasaayos, upang hindi makaranas ng anumang pagkagambala mula sa natural na mga kalagayan ang mga katawan ng mga tao at ang kapaligirang kanilang pinaninirahan, at na sa halip, magagawa ng sangkatauhan na mabuhay at magpakarami nang normal, at manirahan nang normal kasama ang lahat ng bagay nang magkakasundong umiiral. Lahat ng ito ay ibinibigay ng Diyos sa lahat ng bagay at sa sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 175
Nababatid na ba ninyo ngayon ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan? Sa huli, sino ba ang panginoon ng lahat ng bagay? Tao ba? (Hindi.) Kung gayon ay ano ang pagkakaiba sa pagitan ng kung paano pinakikitunguhan ng Diyos at ng mga tao ang lahat ng nilikha? (Pinamamahalaan at isinasaayos ng Diyos ang lahat ng bagay, habang tinatamasa ng tao ang mga ito.) Sumasang-ayon ba kayo dito? Ang pinakamalaking pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng sangkatauhan ay ang Diyos ang namamahala at nagtutustos sa lahat ng nilikha. Siya ang pinagmumulan ng lahat, at habang nagtutustos ang Diyos sa lahat ng nilikha, tinatamasa ito ng sangkatauhan. Ibig sabihin, tinatamasa ng tao ang lahat ng bagay na nilikha kapag tinatanggap niya ang buhay na ipinagkakaloob ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang Diyos ang Panginoon, at tinatamasa ng sangkatauhan ang mga bunga ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay. Ano, kung gayon, mula sa pananaw ng lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, ang pinagkaiba ng Diyos at ng sangkatauhan? Malinaw na nakikita ng Diyos ang mga batas kung paano lumalago ang lahat ng bagay, at kinokontrol at pinangingibabawan Niya ang mga batas na ito. Ibig sabihin, ang lahat ng bagay ay nasa paningin ng Diyos at nasa loob ng saklaw ng Kanyang pagsusuri. Nakikita ba ng sangkatauhan ang lahat ng bagay? Limitado ang nakikita ng sangkatauhan sa kung ano ang direktang nasa harapan nila. Kung umakyat ka ng bundok, ang bundok lamang na iyon ang iyong nakikita. Hindi mo nakikita ang nasa kabilang panig ng bundok. Kung pumunta ka sa dalampasigan, isang panig lamang ng karagatan ang nakikita mo, at hindi mo nalalaman kung ano ang hitsura ng kabilang panig ng karagatan. Kung pumunta ka sa isang gubat, nakikita mo ang mga pananim sa harapan mo at sa paligid mo, nguni’t hindi mo nakikita kung ano ang nasa banda pa roon. Hindi kayang makita ng mga tao ang mga lugar na mas mataas, mas malayo, mas malalim. Ang lahat ng kanilang nakikita ay kung ano lang ang direktang nasa harapan nila, sa loob ng kanilang abot-tanaw. Kahit na alam ng mga tao ang batas na umaatas sa apat na panahon ng taon, o ang mga batas kung paano lumalago ang lahat ng bagay, hindi pa rin nila kayang pamahalaan o atasan ang lahat ng bagay. Subali’t ang paraan kung paano nakikita ng Diyos ang lahat ng bagay ay gaya ng kapag nakikita Niya ang isang makina na Siya Mismo ang gumawa. Lubos na pamilyar Siya sa bawa’t bahagi at bawa’t koneksyon, kung ano ang mga prinsipyo ng mga ito, kung ano ang mga tularan ng mga ito, at kung ano ang mga layon ng mga ito—alam ng Diyos ang lahat ng ito nang may pinakamataas na antas ng kalinawan. Kaya naman ang Diyos ay Diyos, at ang tao ay tao! Bagaman maaaring malalim na magsaliksik ang tao sa agham at sa mga batas na namamahala sa lahat ng bagay, limitado ang saklaw ng pagsasaliksik na iyon, samantalang kinokontrol ng Diyos ang lahat, na para sa tao, ay isang walang hanggang kontrol. Maaaring gugulin ng tao ang buong buhay niya sa pagsasaliksik sa pinakamaliit na gawa ng Diyos nang walang nakakamtang anumang totoong mga resulta. Ito ang dahilan, kung gamit mo lang ay kaalaman at kung ano ang iyong natutuhan upang pag-aralan ang Diyos, hindi mo kailanman makikilala ang Diyos o mauunawaan Siya. Subali’t kung piliin mo ang daan ng paghahanap sa katotohanan at paghahanap sa Diyos, at tingnan ang Diyos mula sa pananaw ng pagkilala sa Kanya, isang araw, makikilala mo na ang mga gawa at karunungan ng Diyos ay nasa lahat ng dako, at malalaman mo kung bakit tinatawag ang Diyos na Panginoon ng lahat ng bagay at ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Habang mas nagkakamit ka ng gayong pagkaunawa, mas mauunawaan mo rin kung bakit tinatawag ang Diyos na Panginoon ng lahat ng bagay. Ang lahat ng bagay at ang lahat-lahat, kabilang ka, ay patuloy na tumatanggap ng walang-humpay na pagtustos ng Diyos. Magagawa mo ring maramdaman nang malinaw na sa mundong ito, at sa sangkatauhang ito, walang sinuman maliban sa Diyos ang maaaring magkaroon ng kakayahan at ng diwa Niya na mamuno, mamahala, at magpanatili ng pag-iral ng lahat ng bagay. Kapag dumating ka sa pagkaunawang ito, tunay mong kikilalanin na ang Diyos ay ang iyong Diyos. Kapag narating mo ang puntong ito, tunay mong tatanggapin ang Diyos at hahayaan Siyang maging iyong Diyos at iyong Panginoon. Kapag natamo mo na ang gayong pagkaunawa at sumapit na ang iyong buhay sa gayong punto, hindi ka na susubukin at hahatulan pa ng Diyos, ni hihingi Siya ng anuman mula sa iyo, dahil mauunawaan mo ang Diyos, makikilala ang Kanyang puso, at tunay na tatanggapin ang Diyos sa iyong puso. Isang mahalagang dahilan ito upang magbahagi sa mga paksang ito ng pangingibabaw at pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay. Ang paggawa nito ay upang magbigay sa mga tao ng mas marami pang kaalaman at pagkaunawa—hindi lamang upang kilalanin mo, bagkus ay upang makilala at maunawaan mo ang mga pagkilos ng Diyos sa mas praktikal na paraan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 176
Ang Pang-araw-araw na Pagkain at Inuming Inihahanda ng Diyos Para sa Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Ang mga butil, mga prutas at mga gulay, at ang lahat ng uri ng mga nuwes—lahat ng ito ay mga pagkaing walang karne. Nagtataglay ang mga ito ng sapat na mga sustansiya upang masapatan ang mga pangangailangan ng katawan ng tao, bagaman mga pagkaing walang karne ang mga ito. Gayunpaman, hindi sinabi ng Diyos na: “Ito lang ang mga pagkaing ibibigay Ko sa sangkatauhan. Hayaan silang kainin ang mga bagay na ito lamang!” Hindi tumigil ang Diyos doon, bagkus ay nagpatuloy upang maghanda para sa sangkatauhan ng marami pang pagkain na lalo pang mas masasarap. Ano ang mga pagkaing ito? Ito ang iba’t ibang uri ng karne at isda na nakikita at nakakain ng karamihan sa inyo. Naghanda Siya para sa tao ng maraming-maraming uri ng karne at isda. Nabubuhay sa tubig ang mga isda, at ang karne ng isda ng tubig ay iba sa substansiya ng karne ng mga hayop na naninirahan sa lupa, at makapagbibigay ang mga ito ng iba’t ibang sustansiya sa tao. May mga katangian din ang isda na makapagsasaayos ng lamig at init sa katawan ng tao, na lubos na kapaki-pakinabang sa tao. Nguni’t hindi dapat kainin nang sobra-sobra ang masasarap na pagkain. Tulad ng nasabi Ko na, ipinagkakaloob ng Diyos sa sangkatauhan ang tamang dami sa tamang oras, upang maayos na matamasa ng mga tao ang Kanyang pagkakaloob sa normal na paraan at alinsunod sa panahon at oras. Ngayon, anong uri ng mga pagkain ang kabilang sa kategorya ng manukan? Manok, pugo, kalapati, at marami pang iba. Maraming tao ang kumakain rin ng itik at gansa. Bagaman ibinigay na ng Diyos ang lahat ng uring ito ng karne, gumawa Siya ng ilang kahilingan sa Kanyang hinirang na mga tao at naglagay ng tiyak na mga limitasyon sa kanilang diyeta noong Kapanahunan ng Kautusan. Sa kasalukuyan, ayon sa indibiduwal na panlasa at personal na pagpapakahulugan ang mga limitasyong ito. Nagbibigay ang iba’t ibang karneng ito ng magkakaibang sustansiya sa katawan ng tao, pinapalitang muli ang protina at iron, pinagyayaman ang dugo, pinatitibay ang mga kalamnan at ang mga buto, at pinalalakas ang katawan. Paano man lutuin at kainin ng mga tao ang mga ito, makatutulong ang mga karneng ito na mapabuti ang lasa ng kanilang pagkain at mapalakas ang kanilang gana, habang pinasisiyahan din ang kanilang mga sikmura. Ang pinakamahalaga, kayang tustusan ng mga pagkaing ito ang pang-araw-araw na pangangailangan sa nutrisyon ng katawang ng tao. Ito ang pagsasaalang-alang ng Diyos nang inihanda Niya ang pagkain para sa sangkatauhan. May mga gulay, may karne—hindi ba ito kasaganaan? Subali’t dapat maunawaan ng mga tao kung ano ang intensyon ng Diyos nang inihanda Niya ang lahat ng pagkain para sa sangkatauhan. Ito ba ay upang magpakalabis ang sangkatauhan sa mga pagkaing ito? Ano ang nangyayari kapag nasadlak ang tao sa pagtatangkang mapasiyahan ang materyal na mga pagnanasang ito? Hindi ba siya nagiging sobra sa kain? Hindi ba nagpapahirap sa katawan ng tao sa maraming paraan ang labis na pagkain? (Oo.) Iyon ang dahilan kung bakit binabaha-bahagi ng Diyos ang tamang dami sa tamang oras at pinatatamasa sa mga tao ang iba’t ibang pagkain alinsunod sa iba’t ibang takdang oras at panahon. Halimbawa, matapos ang napakainit na tag-init, naiipon ng mga tao ang sobrang init sa kanilang mga katawan, pati na rin ang patohenikong pagkatuyo at pamamasa. Kapag dumating ang taglagas, maraming uri ng prutas ang nahihinog, at kapag kumain ang mga tao ng mga prutas na ito, napaaalis ang pamamasa sa kanilang mga katawan. Sa panahong ito, lumaki na ring malalakas ang mga baka at tupa, kaya ito ay kung kailan dapat kumain ang mga tao ng mas maraming karne bilang pagkain. Sa pagkain ng iba’t ibang uri ng karne, nagkakamit ng enerhiya at init ang mga katawan ng mga tao upang tulungan silang makayanan ang lamig ng taglamig, at bilang resulta ay nakakayanan nilang malampasan ang taglamig nang ligtas at malusog. Nang may buong ingat at katiyakan, kinokontrol at isinasaayos ng Diyos kung ano ang ibibigay sa sangkatauhan, at kung kailan; at kung kailan Niya palalaguin, pabubungahin, at pahihinugin ang iba’t ibang bagay. Nauugnay ito sa “Paano inihahanda ng Diyos ang pagkaing kailangan ng tao sa pang-araw-araw niyang pamumuhay.” Bukod sa maraming uri ng pagkain, nagbibigay rin ang Diyos sa sangkatauhan ng mga pinagmumulan ng tubig. Matapos kumain, kailangan pa rin ng mga tao na uminom ng tubig. Sapat na ba ang prutas lang? Hindi mabubuhay ang mga tao sa prutas lang, at bukod pa rito, walang prutas sa ilang panahon. Kung gayon, paano malulutas ang problema ng sangkatauhan sa tubig? Nalutas na ito ng Diyos sa pamamagitan ng paghahanda ng maraming pinagmumulan ng tubig sa ibabaw at sa ilalim ng lupa, kabilang ang mga lawa, mga ilog, at mga bukal. Maiinuman ang mga pinagmumulan ng tubig na ito hangga’t walang kontaminasyon, at hangga’t hindi pa ito namanipula o napinsala ng mga tao. Sa madaling salita, pagdating sa mga pinagmumulan ng pagkain na nagpapanatili sa buhay ng pisikal na mga katawan ng sangkatauhan, nagsagawa na ang Diyos ng napakatiyak, napakatumpak, at napaka-angkop na mga paghahanda, upang maging mayaman at masagana ang buhay ng mga tao at hindi nagkukulang ng kahit ano. Isang bagay ito na nararamdaman at nakikita ng mga tao.
Dagdag pa rito, nilikha ng Diyos kasama ng lahat ng bagay ang ilang halaman, mga hayop, at iba’t ibang halamang-gamot na partikular na iniukol upang magpagaling ng mga pinsala o gamutin ang mga karamdaman sa katawan ng tao. Ano ang dapat gawin ng isang tao, halimbawa, kung mapaso sila, o aksidenteng mabanlian ng mainit na likido ang kanilang mga sarili? Maaari bang banlawan na lamang ng tubig ang paso? Maaari mo bang balutin na lamang ito ng kahit anong piraso ng tela? Kung gawin iyon, maaaring mapuno ng nana o maimpeksiyon ang sugat. Kung magkalagnat ang isang tao, halimbawa, o magkasipon; masaktan habang nagtatrabaho; magkaroon ng sakit sa tiyan mula sa pagkain ng maling bagay; o magkaroon ng mga karamdamang dulot ng uri ng pamumuhay o emosyonal na mga isyu, kabilang ang mga karamdaman sa ugat, sikolohikal na mga kundisyon, o mga sakit sa mga lamang-loob, mayroong kaukulang mga halaman na nagpapagaling sa kanilang mga kundisyon. May mga halaman na nagpapabuti ng daloy ng dugo at nag-aalis ng mga pagbara, nagpapaginhawa sa kirot, pumipigil sa pagdurugo, nagbibigay ng pampamanhid, tumutulong sa paghilom ng balat at ibinabalik ito sa normal na kundisyon, at nagpapangalat sa di-dumadaloy na dugo at nag-aalis ng mga lason mula sa katawan—sa madaling sabi, may mga gamit ang mga halamang ito sa pang-araw-araw na buhay. Magagamit ng mga tao ang mga ito, at inihanda na ng Diyos ang mga ito para sa katawan ng tao sakaling kailanganin. Pinahintulutan ng Diyos na matuklasan ng tao ang ilan sa mga ito nang di-sinasadya, habang natuklasan ang iba ng mga taong hinirang ng Diyos na gawin iyon, o bilang resulta ng espesyal na mga kababalaghang isinaayos Niya. Kasunod ng pagkakatuklas sa mga halamang ito, ipapasa ng sangkatauhan ang mga ito, at maraming tao ang makaaalam tungkol sa mga ito. Samakatuwid ay may halaga at kahulugan ang paglikha ng Diyos sa mga halamang ito. Bilang buod, mula sa Diyos ang lahat ng bagay na ito, Kanyang inihanda at itinanim nang likhain Niya ang kapaligirang pinaninirahan ng sangkatauhan. Kinakailangan ang mga ito. Mas masinsinan ba ang pag-iisip ng Diyos kaysa sa sangkatauhan? Kapag nakikita mo ang lahat ng nagawa na ng Diyos, nararamdaman mo ba ang praktikal na panig ng Diyos? Gumagawa nang palihim ang Diyos. Nilikha na ng Diyos ang lahat ng ito noong hindi pa dumarating ang tao sa mundong ito, noong wala pa Siyang pakikipag-ugnayan sa sangkatauhan. Ginawa ang lahat nang isinasaisip ang sangkatauhan, para sa kapakanan ng pag-iral ng sangkatauhan at nang may pag-iisip para sa kaligtasan ng kanilang buhay, upang maaaring mamuhay ang sangkatauhan nang masaya sa mayaman at masaganang materyal na mundong ito na inihanda ng Diyos para sa kanila, malaya mula sa pag-aalala tungkol sa pagkain o sa mga damit, hindi nagkukulang ng kahit na ano. Sa gayong kapaligiran, nakapagpapatuloy ang sangkatauhan na magparami at manatiling buhay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 177
Nagsimula tayo sa pag-uusap ng tungkol sa kapaligirang pinaninirahan ng sangkatauhan at kung ano ang ginawa ng Diyos para sa kapaligirang iyon at ang mga paghahandang isinagawa Niya. Tinalakay natin kung ano ang isinaayos Niya; ang mga kaugnayan sa pagitan ng mga bagay na nilikha, na inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan; at kung paano isinaayos ng Diyos ang mga kaugnayang ito upang maiwasang mapinsala ng mga bagay na nilikha Niya ang sangkatauhan. Pinagaan din ng Diyos ang pinsala sa kapaligiran ng sakangkatauhan na maaaring idulot ng maraming iba’t ibang salik ng Kanyang mga nilikha, pinahihintulutan ang lahat ng bagay na magampanan ang pinakamataas na layunin ng mga ito, at magdala sa sangkatauhan ng isang kapaki-pakinabang na kapaligiran na may kapaki-pakinabang na mga elemento, sa gayon ay tinutulungan ang sangkatauhan na makiangkop sa gayong kapaligiran at pirming ipagpatuloy ang ikot ng buhay at pagpaparami. Sunod, pinag-usapan natin ang pagkain na kailangan ng katawan ng tao—ang pang-araw-araw na pagkain at inumin ng sangkatauhan. Mahalaga rin itong kundisyon para sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ibig sabihin, hindi mabubuhay ang katawan ng tao sa pamamagitan lang ng paghinga, nang may sinag ng araw lang para panustos, o hangin, o angkop na mga temperatura. Kailangan din ng mga taong punan ang kanilang mga sikmura, at inihanda ng Diyos para sa sangkatauhan, nang walang nakaliligtaang anuman, ang mga pinagmumulan ng mga bagay kung saan magagawa nila iyon, yamang ang mga iyon ang pinagmumulan ng pagkain ng sangkatauhan. Kapag nakita na ang gayong kayaman at kasaganang ani—ang mga pinagmumulan ng pagkain at inumin ng sangkatauhan—masasabi ba na ang Diyos ang pinagmumulan ng panustos para sa sangkatauhan at sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha? Kung, sa panahon ng paglikha, nilikha lamang ng Diyos ang mga puno at damo o anumang bilang ng iba pang bagay na may buhay, at kung ang iba’t ibang bagay na may buhay na ito at mga halaman ay para lamang kainin ng mga baka at mga tupa, o para sa mga sebra, mga usa, at iba’t iba pang uri ng mga hayop, halimbawa, kinakain ng mga leon ang mga bagay gaya ng mga sebra at mga usa, at kinakain ng mga tigre ang mga bagay gaya ng mga tupa at mga baboy—nguni’t wala kahit isang bagay na angkop upang kainin ng tao, uubra kaya iyon? Hindi ito uubra. Hindi sana mabubuhay nang matagal ang sangkatauhan. Ano kaya kung kumain lamang ng mga dahon ang mga tao? Uubra kaya iyon? Makakain ba ng mga tao ang damo na para sa mga tupa? Maaaring hindi ito makasakit kung subukan nilang kumain nang kaunti, subali’t kung kumain sila ng gayong mga bagay sa loob ng mahabang panahon, hindi ito matitiis ng kanilang mga tiyan, at hindi mabubuhay nang matagal ang mga tao. May mga bagay pa nga na maaaring kainin ng mga hayop nguni’t nakalalason sa mga tao—kinakain ng mga hayop ang mga ito nang walang kapinsalaan, nguni’t hindi ito ganoon para sa mga tao. Ibig sabihin nito ay nilikha ng Diyos ang mga tao, kaya alam ng Diyos ang pinakamabuting mga prinsipyo at istraktura ng katawan ng tao at kung ano ang kailangan ng mga tao. Alam ng Diyos nang may sakdal na kalinawan ang komposisyon at nilalaman ng katawan, ang mga pangangailangan nito, at ang paggana ng mga lamang-loob nito, at kung paano sinisipsip, inaalis, at pinoproseso ng mga ito ang iba’t ibang substansiya. Hindi ito alam ng mga tao; minsan, kumakain sila nang walang pag-iingat, o nakikibahagi sa pagpapabaya sa sarili, nagdudulot ng kawalang-balanse ang labis na mga ito. Kung kainin mo at tamasahin ang mga bagay na inihanda ng Diyos para sa iyo sa normal na paraan, hindi ka magkakaroon ng mga problema sa kalusugan. Kahit na makaranas ka paminsan-minsan ng masasamang pakiramdam at may di-pagdaloy ng dugo, hindi ito nagiging problema talaga. Kailangan mo lang kumain ng isang partikular na uri ng halaman, at ang di-pagdaloy ay mawawala. Nagsagawa na ang Diyos ng mga paghahanda para sa lahat ng bagay na ito. Kaya, sa mga mata ng Diyos, lubhang napakataas ng sangkatauhan sa anumang ibang bagay na may buhay. Naghanda ang Diyos ng kapaligiran para sa bawa’t uri ng halaman, at naghanda Siya ng pagkain at kapaligiran para sa bawa’t uri ng hayop, nguni’t ang sangkatauhan ang may pinakamahigpit na mga pangangailangan sa kapaligiran nito, at hindi maaaring makaligtaan kahit na bahagya ang mga pangangailangang iyon; kung hindi, hindi makapagpapatuloy ang sangkatauhan na umunlad at mamuhay at magparami nang normal. Ang Diyos ang pinaka-nakaaalam nito, sa Kanyang puso. Nang ginawa ito ng Diyos, mas pinahalagahan Niya ang mga ito kaysa sa anumang bagay. Marahil ay hindi mo nararamdaman ang kahalagahan ng ilang pangkaraniwang bagay na nakikita at tinatamasa mo sa iyong buhay, o isang bagay na nakikita at tinatamasa mo na taglay mo na mula pa nang isilang, nguni’t matagal na o lihim nang nagsagawa ng mga paghahanda ang Diyos para sa iyo. Sa pinakamalawak na posibleng saklaw, inalis at pinagaan na ng Diyos ang lahat ng negatibong elemento na hindi kanais-nais sa sangkatauhan at maaaring makapinsala sa katawan ng tao. Ano ang ipinapakita nito? Ipinapakita ba nito ang saloobin ng Diyos tungo sa sangkatauhan nang nilikha Niya ang mga ito sa panahong ito? Ano ang saloobing iyon? Maingat at taimtim ang saloobin ng Diyos, at wala itong pinalampas na panghihimasok ng anumang puwersa ng kaaway o panlabas na mga salik o mga kundisyong hindi ayon sa Kanya. Makikita rito ang saloobin ng Diyos sa paglikha at pamamahala sa sangkatauhan sa panahong ito. At ano ang saloobin ng Diyos? Sa pamamagitan ng kapaligiran para sa kaligtasan ng buhay at ng buhay na tinatamasa ng sangkatauhan, pati na rin sa kanilang pang-araw-araw na pagkain at inumin at pang-araw-araw na mga pangangailangan, makikita natin ang saloobin ng pananagutan ng Diyos tungo sa sangkatauhan, na Kanyang pinanghawakan na mula noong nilikha Niya ang tao, pati na rin ang Kanyang determinasyon na iligtas ang sangkatauhan sa panahong ito. Nakikita ba ang pagiging-totoo ng Diyos sa mga bagay na ito? Ang pagiging-kamangha-mangha Niya? Ang pagiging-di-maarok Niya? Ang walang hanggang kapangyarihan Niya? Ginagamit ng Diyos ang Kanyang marunong at makapangyarihang mga paraan upang tustusan ang buong sangkatauhan, pati na rin ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha. Ngayong napakarami Ko nang nasabi, masasabi ba ninyo na ang Diyos ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay? (Oo.) Siguradong ganoon nga. Mayroon bang anumang pagdududa? (Wala.) Sapat na ang pagtustos ng Diyos sa lahat ng bagay upang ipakita na Siya ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay, sapagka’t Siya ang pinagmumulan ng pagtustos na nagbigay ng kakayahan sa lahat ng bagay na umiral, mamuhay, magpakarami, at magpatuloy, at walang ibang pinagmumulan maliban sa Diyos Mismo. Tinutustusan ng Diyos ang lahat ng pangangailangan ng lahat ng bagay at lahat ng pangangailangan ng sangkatauhan, kahit pa ang pinakasaligang mga pangangailangang ukol sa kapaligiran ng mga taong iyon, ang mga pangangailangan ng kanilang pang-araw-araw na mga buhay, o ang pangangailangan para sa katotohanang ibinibigay Niya sa mga espiritu ng mga tao. Sa lahat ng paraan, ang pagkakakilanlan ng Diyos at ang Kanyang katayuan ay napakahalaga sa sangkatauhan; tanging Diyos Mismo ang pinagmumulan ng buhay para sa lahat ng bagay. Ibig sabihin, ang Diyos ang Pinuno, ang Panginoon, at ang Tagapagtustos ng mundong ito, ang mundong ito na nakikita at nararamdaman ng mga tao. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito ang pagkakakilanlan ng Diyos? Walang anumang kasinungalingan dito. Kaya kapag nakakita ka ng mga ibong lumilipad sa langit, dapat mong malaman na nilikha ng Diyos ang lahat ng kayang lumipad. May mga bagay na may buhay na lumalangoy sa tubig, at may sariling paraan upang mabuhay ang mga ito. Ang mga puno at halaman na nanirahan sa lupa ay umuusbong at sumisibol sa tagsibol at namumunga at nalalagasan ng mga dahon sa taglagas, at pagsapit ng taglamig ay nalaglag na ang lahat ng mga dahon habang naghahanda ang mga halamang iyon na mapagtagumpayan ang taglamig. Iyon ang paraan ng mga ito upang mabuhay. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at namumuhay ang bawa’t isa sa magkakaibang anyo at magkakaibang paraan at gumagamit ng magkakaibang pamamaraan upang ipakita ang puwersa ng buhay nito at ang anyo kung saan ito naninirahan. Paano man namumuhay ang mga bagay-bagay, nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos ang lahat ng ito. Ano ang layon ng pamumuno ng Diyos sa lahat ng magkakaibang anyo ng buhay at nabubuhay na mga nilalang? Alang-alang ba ito sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan? Kinokontrol Niya ang lahat ng batas ng buhay, lahat ay alang-alang sa kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan. Ipinapakita lamang nito kung gaano kahalaga para sa Diyos ang kaligtasan ng buhay ng sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 178
Ang Diyos ay hindi lamang ang Diyos ng Kanyang hinirang na mga tao. Kasalukuyan mong sinusunod ang Diyos, at Siya ang iyong Diyos, nguni’t Siya rin ba ang Diyos ng mga taong hindi sumusunod sa Kanya? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng taong hindi sumusunod sa Kanya? Ang Diyos ba ang Diyos ng lahat ng bagay? (Oo.) Kung gayon ba’y limitado ang saklaw ng gawain at mga pagkilos ng Diyos sa mga sumusunod lang sa Kanya? (Hindi.) Ano ang saklaw ng Kanyang gawain at mga pagkilos? Sa pinakamaliit na antas, napapaloob sa saklaw ng Kanyang gawain at mga pagkilos ang buong sangkatauhan at lahat ng bagay na nilikha. Sa pinakamataas na antas, napapaloob dito ang buong sansinukob, na hindi kayang makita ng mga tao. Kaya, maaari nating sabihin na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at ipinamamalas ang Kanyang mga pagkilos sa buong sangkatauhan, at sapat na ito upang tulutang makilala ng mga tao ang Diyos Mismo sa Kanyang kabuuan. Kung gusto mong makilala ang Diyos, upang tunay na makilala Siya, upang tunay na maunawaan Siya, huwag limitahan ang sarili sa tatlong yugto ng gawain ng Diyos, o sa mga kuwento ng gawaing ipinamalas Niya sa nakalipas. Kung iyong subukang makilala Siya sa ganoong paraan, naglalagak ka ng mga limitasyon sa Diyos, at ikinukulong Siya. Nakikita mo ang Diyos bilang isang bagay na napakaliit. Paano nakaaapekto sa mga tao ang paggawa nito? Hindi mo kailanman makikilala ang pagiging-kahanga-hanga at pagiging-kataas-taasan ng Diyos, ni ang Kanyang lakas at walang hanggang kapangyarihan at ang saklaw ng Kanyang awtoridad. Makaaapekto ang gayong pagkaunawa sa iyong kakayahang tanggapin ang katotohanan na ang Diyos ang Pinuno ng lahat ng bagay, pati na rin ang iyong kaalaman ng tunay na pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa madaling salita, kung limitado ang saklaw ng iyong pagkaunawa sa Diyos, limitado rin ang iyong matatanggap. Ito ang dahilan kung bakit dapat mong palawakin ang iyong saklaw at palawakin ang iyong abot-tanaw. Dapat mong sikaping maunawaan ang lahat ng ito—ang saklaw ng gawain ng Diyos, ang Kanyang pamamahala, ang Kanyang pamumuno, at lahat ng bagay na pinamamahalaan at pinamumunuan Niya. Mauunawaan mo ang mga pagkilos ng Diyos sa pamamagitan ng mga bagay na ito. Sa gayong pagkaunawa, mararamdaman mo, nang di-namamalayan, na namumuno, namamahala, at nagtutustos ang Diyos sa lahat ng bagay na kabilang sa mga ito, at tunay mo ring mararamdaman na ikaw ay isang bahagi at isang miyembro ng lahat ng bagay. Habang nagtutustos ang Diyos sa lahat ng bagay, tinatanggap mo rin ang pamumuno at pagtutustos ng Diyos. Ito ay isang katotohanan na walang sinuman ang makapagkakaila. Lahat ng bagay ay sumasailalim sa sarili nitong mga batas na nasa ilalim ng pamumuno ng Diyos, at sa ilalim ng pamumuno ng Diyos, ang lahat ng bagay ay may sariling tuntunin upang mabuhay. Nabubuklod din ng pamumuno at pagtutustos ng Diyos ang kapalaran at mga pangangailangan ng sangkatauhan. Kaya naman, sa ilalim ng kapamahalaan at pamumuno ng Diyos, ang sangkatauhan at ang lahat ng bagay ay magkakaugnay, umaasa sa isa’t isa, at magkakabahagi. Ito ang layon at kahalagahan ng paglikha ng Diyos sa lahat ng bagay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VIII
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 179
Simula noong likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, ang mga ito ay kumikilos at nagpapatuloy na sumulong nang maayos alinsunod sa mga batas na itinakda ng Diyos. Sa ilalim ng Kanyang pagmamatyag, sa ilalim ng Kanyang pamamahala, nanatiling buhay ang sangkatauhan kasabay ng pag-unlad ng lahat ng bagay sa isang maayos na pamamaraan. Walang anumang bagay ang makababago o makasisira ng mga batas na ito. Ang pamamahala ng Diyos ang dahilan kung bakit maaaring magparami ang lahat ng nilalang, at dahil sa Kanyang pangangasiwa at pamamahala, ang lahat ng nilalang ay maaaring mabuhay. Ito ay upang sabihin na sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang lahat ng nilalang ay nagsisiiral, umuunlad, naglalaho, at muling isinisilang sa maayos na paraan. Kapag dumarating ang tagsibol, dinadala ng pag-ambon ng ulan ang pakiramdam ng sariwang panahon at binabasa ang lupa. Ang lupa ay nagsisimulang lumambot, at ang damo ay unti-unting tumutubo sa lupa at nagsisimulang umusbong, habang ang mga puno ay unti-unting nagiging luntian. Ang lahat ng nabubuhay na bagay na ito ay nagdadala ng sariwang sigla sa lupa. Ito ang nakikita kapag lahat ng nilalang ay nagsisiiral at nagsisiunlad. Ang lahat ng uri ng hayop ay lumalabas mula sa kanilang mga lungga upang damhin ang init ng tagsibol at simulan ang isang bagong taon. Ang lahat ng nilalang ay nagbibilad sa init sa panahon ng tag-araw at ikinagagalak ang init na dulot ng panahon. Mabilis silang lumalaki. Ang mga puno, damo, at lahat ng uri ng halaman ay napakabilis na lumalago, hanggang sa ang mga ito ay mamukadkad at mamunga. Ang lahat ng nilalang ay abala sa panahon ng tag-araw, pati na ang mga tao. Sa taglagas, dinadala ng mga ulan ang lamig ng taglagas, at lahat ng uri ng nabubuhay na nilalang ay unti-unting nakakaramdam sa pagdating ng panahon ng anihan. Ang lahat ng nilalang ay namumunga, at nagsisimulang umani ang mga tao ng iba’t ibang uri ng mga prutas upang magkaroon ng pagkain bilang paghahanda sa taglamig. Sa taglamig, ang lahat ng nilalang ay unti-unting nagsisimulang tumahimik dahil sa katiwasayan at kapahingahan habang paparating ang malamig na panahon, at ang mga tao ay nagpapahinga rin sa panahong ito. Sa mga pagbabago ng panahon, mula sa tagsibol papuntang tag-araw hanggang sa taglagas at hanggang sa taglamig—ang mga pagbabagong ito ay nagaganap lahat alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos. Pinangungunahan Niya ang lahat ng bagay at ang sangkatauhan gamit ang mga batas na ito at nakapagtakda Siya para sa sangkatauhan ng isang masagana at makulay na paraan ng pamumuhay, naghahanda ng isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na mayroong iba’t ibang temperatura at iba’t ibang panahon. Kaya, sa ilalim ng maayos na mga kapaligirang ito para sa patuloy na pamumuhay, ang mga tao ay maaaring mamuhay at makapagparami sa maayos na paraan. Hindi kayang baguhin ng mga tao ang mga batas na ito at walang sinuman at anuman ang makasisira sa mga ito. Bagama’t napakaraming pagbabagong nangyari—naging dagat ang mga parang, habang ang mga parang ay naging mga dagat—ang mga batas na ito ay patuloy sa pag-iral. Umiiral ang mga ito dahil ang Diyos ay umiiral, at dahil sa Kanyang pamumuno at pamamahala. Sa ganitong uri ng maayos, mas malawak na kapaligiran, ang buhay ng mga tao ay makapagpapatuloy sa loob ng mga batas at mga patakarang ito. Ang magkakasunod na mga salinlahi ng mga tao ay nalinang sa ilalim ng mga batas na ito, at ang magkakasunod na salinlahi ng mga tao ay nabuhay sa loob din ng mga batas na ito. Tinatamasa ng mga tao ang maayos na kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na ito pati na ang lahat ng maraming bagay na nilikha ng Diyos sa magkakasunod na salinlahi. Kahit na nararamdaman ng mga tao na ang ganitong uri ng mga batas ay likas, at buong paghamak silang hindi pinahahalagahan, at kahit na hindi nila nararamdaman na ang Diyos ang nagsasaayos sa mga batas na ito, na pinamamahalaan ng Diyos ang mga batas na ito, kahit ano pa man, ang Diyos ay palaging sangkot sa hindi nagbabagong gawain na ito. Ang Kanyang layunin sa hindi nagbabagong gawain na ito ay ang panatilihing buhay ang sangkatauhan, upang makapagpatuloy ang sangkatauhan sa pamumuhay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 180
Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan Para sa Lahat ng Bagay Upang Alagaan ang Lahat ng Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Tatalakayin Ko sa araw na ito ang paksa kung papaanong ang ganitong uri ng mga batas na dinala ng Diyos sa lahat ng bagay ay nangangalaga sa buong sangkatauhan. Ito ay medyo isang malaking paksa, kaya maaari natin itong hatiin sa ilang bahagi at isa-isa nating talakayin upang malinaw na mailarawan ang mga ito sa inyo. Sa ganitong paraan ito ay mas madali ninyong makukuha at unti-unti ninyo itong maiintindihan.
Ang Unang Bahagi: Nagtatakda ang Diyos ng mga Hangganan Para sa Bawat Uri ng Kalupaan
Simulan natin sa unang bahagi. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, nagtakda Siya ng mga hangganan para sa mga bundok, kapatagan, disyerto, burol, ilog, at lawa. Sa lupa ay may mga bundok, kapatagan, disyerto, at burol, gayundin ang iba’t ibang anyo ng tubig. Hindi ba iba’t ibang kalupaan ang mga ito? Ang Diyos ay nagtakda ng mga hangganan sa pagitan ng mga ito. Kapag binabanggit natin ang pagtatakda ng mga hangganan, nangangahulugan ito na ang mga bundok ay may mga balangkas, ang mga kapatagan ay may kani-kanilang mga balangkas, ang mga disyerto ay may ilang mga limitasyon, at ang mga burol ay may isang tiyak na lugar. Mayroon ding tiyak na dami ang mga anyong tubig gaya ng mga ilog at mga lawa. Iyon ay, nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, hinati-hati Niya ang lahat nang buong linaw. Itinakda na ng Diyos kung ilang kilometro ang dapat na radyos ng anumang bundok at kung ano ang saklaw nito. Itinakda na rin Niya kung ilang kilometro ang dapat na radyos ng isang kapatagan at kung ano ang saklaw nito. Sa paglikha ng lahat ng bagay, itinakda rin Niya ang saklaw ng mga disyerto gayundin ang saklaw ng mga burol at ang mga bahagi nito, at kung ano ang magiging batayang hangganan nito—Siya rin ang nagtakda ng lahat ng ito. Itinakda Niya ang saklaw ng mga ilog at mga lawa noong nililikha Niya ang mga ito—lahat ng ito ay may mga hangganan. Kaya ano ang ibig sabihin kapag sinabi natin ang “mga hangganan”? Napag-usapan pa lang natin kung paano namamahala ang Diyos sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga batas para sa lahat ng bagay. Halimbawa, ang saklaw at hangganan ng mga bundok ay hindi lalawig o mababawasan dahil sa pag-ikot ng mundo o sa paglipas ng panahon. Ang mga ito ay nakapirmi, hindi magbabago, at ang Diyos ang nagtakda ng pagiging hindi nababago ng mga ito. Tungkol naman sa lugar ng mga kapatagan, kung ano ang saklaw nito, kung ano ang batayang hangganan nito—ito ay itinakda na ng Diyos. Mayroong mga hangganan ang mga ito, at dahil dito, ang isang umbok ng lupa ay hindi basta-basta na lamang lilitaw sa gitna ng isang kapatagan. Ang isang kapatagan ay hindi magiging bundok nang isang iglap—ito ay hindi magiging posible. Ang mga batas at mga hangganan na katatalakay pa lamang natin ay tumutukoy dito. Tungkol naman sa disyerto, hindi natin babanggitin dito ang mga partikular na tungkuling ginagampanan ng disyerto o alinmang kalupaan o heograpikal na lokasyon, kundi ang mga hangganan lamang ng mga ito. Sa ilalim ng pamamahala ng Diyos, ang saklaw ng disyerto ay hindi rin lalawig. Ito ay dahil sa binigyan na ito ng Diyos ng kanya-kanyang batas, ng kanya-kanyang mga hangganan. Kung gaano kalaki ang sukat nito at kung ano ang papel nito, kung ano ang batayang hangganan nito, at kung saan ito matatagpuan—ito ay itinakda na ng Diyos. Hindi ito lalampas sa saklaw nito o kaya ay lilipat ng posisyon, at hindi basta lalawak ang sukat nito. Bagaman ang mga pagdaloy ng mga tubig gaya ng mga ilog at mga lawa ay nasa ayos nang lahat at nagpapatuloy, hindi lumabas ang mga ito kailanman sa saklaw nito o lumabas sa mga hangganan nito. Lahat ng ito ay dumadaloy sa isang direksyon, sa direksyon na dapat nitong daluyan nang maayos. Kaya sa ilalim ng mga batas ng pamamahala ng Diyos, walang ilog o lawa ang basta na lang matutuyo, o basta na lang magbabago ng direksyon o dami ng pagdaloy nito sanhi ng pag-ikot ng mundo o paglipas ng panahon. Ang lahat ng ito ay nakapaloob sa pamamahala ng Diyos. Ibig sabihin, lahat ng bagay na nilikha ng Diyos sa gitna ng sangkatauhan ay may itinakdang mga lugar, mga sukat, at mga saklaw. Ibig sabihin, nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, ang mga hangganan nito ay naitakda na, at ang mga ito ay hindi basta na lang maiiba, magpapanibago, o mapapalitan. Ano ang ibig sabihin ng “basta na lang”? Nangangahulugan ito na hindi biglaang lilipat ang mga ito, lalawig, o magbabago ng likas na anyo nito dahil sa panahon, temperatura, o sa bilis ng pag-ikot ng mundo. Halimbawa, ang isang bundok ay may tiyak na taas, ang pundasyon nito ay may tiyak na sukat, mayroon itong tiyak na kataasan, at mayroon itong tiyak na dami ng mga halaman. Ang lahat ng ito ay pinlano at kinalkula ng Diyos at hindi ito basta na lang babaguhin. Tungkol naman sa mga kapatagan, ang karamihan ng mga tao ay naninirahan sa mga kapatagan, at walang mga pagpapalit sa klima ang makaaapekto sa mga sukat ng mga ito o sa kahalagahan ng pag-iral ng mga ito. Kahit pa ang nakapaloob sa iba’t ibang kalupaan na ito o ang mga heograpikal na kapaligiran na nilikha ng Diyos ay hindi basta na lang mababago. Halimbawa, kung ano ang mga bahagi ng disyerto, kung ano ang nakadepositong mga mineral sa ilalim ng lupa, kung gaano karaming buhangin ang mayroon ito at ang kulay ng buhangin, ang kapal ng disyerto—ang mga ito ay hindi basta na lang magbabago. Bakit ba hindi sila basta na lang magbabago? Ito ay dahil sa pamumuno ng Diyos at sa Kanyang pamamahala. Sa loob ng iba’t ibang kalupaang ito at heograpikal na mga kapaligiran na nilikha ng Diyos, pinamamahalaan Niya ang lahat ng bagay sa planado at maayos na paraan. Kaya lahat ng heograpikal na mga kapaligirang ito ay umiiral pa rin at ginagampanan ang kanilang itinakdang layunin matapos ang ilang libong taon, maging sampu-sampung libong taon simula nang likhain sila ng Diyos. Bagama’t may ilang pagkakataon na pumuputok ang mga bulkan, at ilang pagkakataon na nangyayari ang paglindol, at mayroong mga malakihang paggalaw ng lupa, tiyak na hindi hahayaan ng Diyos ang anumang uri ng kalupaan na mawala ang kaukulang layunin nito. Ito ay dahil lamang sa pamamahalang ito ng Diyos, sa Kanyang pamamahala at kontrol sa mga batas na ito, na ang lahat ng ito—lahat ng ito na nakikita at tinatamasa ng sangkatauhan—ay mabubuhay sa lupa sa maayos na paraan. Kaya bakit pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng iba’t ibang kalupaan na ito na umiiral sa lupa sa ganitong paraan? Ang Kanyang layunin ay upang ang mga bagay na nabubuhay sa iba’t ibang heograpikal na kapaligiran ay magkakaroon lahat ng matatag na kapaligiran, at upang patuloy silang mabuhay at makapagparami sa gayong matatag na kapaligiran. Ang lahat ng bagay na ito—ang mga nagsisikilos at ang mga hindi nagsisikilos, ang mga humihinga sa pamamagitan ng mga butas ng kanilang ilong at ang mga hindi—ay nakabubuo ng isang natatanging kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan. Ang ganitong uri ng kapaligiran lamang ang makapag-aalaga ng magkakasunod na salinlahi ng mga tao, at ang ganitong uri lamang ng kapaligiran ang makapagpapahintulot sa mga tao na patuloy na payapang mamuhay, mula sa isang salinlahi hanggang sa susunod na salinlahi.
Ang katatalakay Ko lamang ay masasabing isang medyo malawak na paksa, kaya marahil ay mukhang hindi ito nangyayari sa buhay ninyo, ngunit nagtitiwala Ako na maunawaan ninyo itong lahat. Iyon ay, ang mga batas ng Diyos sa Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay ay totoong mahalaga—napakahalaga talaga! Ano ang paunang kinakailangan sa paglago ng lahat ng nilalang na nasa ilalim ng mga batas na ito? Ito ay dahil sa pamamahala ng Diyos. Dahil sa Kanyang pamamahala kaya natutupad ng lahat ng bagay ang kanilang sariling mga tungkulin sa loob ng Kanyang pamamahala. Halimbawa, pinangangalagaan ng mga bundok ang mga kagubatan at bilang ganti ay pinapakain at pinoprotektahan naman ng mga kagubatan ang iba’t ibang ibon at hayop na naninirahan sa mga ito. Ang mga kapatagan ay isang lugar na inihanda para sa mga tao upang taniman ng mga halamang nakakain gayundin para sa iba’t ibang ibon at hayop. Pinahihintulutan ng mga ito ang karamihan sa sangkatauhan na manirahan sa patag na lupa at magkaloob ng kaginhawahan sa buhay ng mga tao. At nabibilang din ang mga damuhan sa mga kapatagan—malalaking sukat ng damuhan. Ang mga damuhan ay nagiging mga halamang pantakip sa kalupaan ng mundo. Pinoprotektahan ng mga ito ang lupa at inaalagaan ang mga baka, mga tupa at mga kabayo na naninirahan sa mga damuhan. Tinutupad din ng disyerto ang tungkulin nito. Ito ay hindi lugar para tirhan ng mga tao; ang papel nito ay gawing mas tuyo ang mahalumigmig na mga klima. Ang mga pag-agos ng mga ilog at lawa ay nagdadala ng maiinom na tubig sa mga tao sa maginhawang paraan. Saan man dumaloy ang mga ito, ang mga tao ay may tubig na maiinom, at maginhawang natutugunan ang mga pangangailangan sa tubig ng lahat ng bagay. Ito ang mga hangganan na iginuhit ng Diyos para sa iba’t ibang kalupaan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 181
Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan Para sa Lahat ng Bagay Upang Alagaan ang Lahat ng Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Ang Ikalawang Bahagi: Nagtatakda ang Diyos ng mga Hangganan Para sa Bawat Nilalang na May-Buhay
Dahil sa mga hangganang ito na iginuhit ng Diyos, ang iba’t ibang kalupaan ay nakagawa ng sari-saring kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay, at ang mga kapaligirang ito para sa patuloy na pamumuhay ay naging maginhawa para sa iba’t ibang uri ng ibon at hayop at nakapagbigay rin sa mga ito ng espasyo para sa patuloy na pamumuhay. Mula rito, ang mga hangganan sa mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng iba’t ibang nabubuhay na bagay ay umunlad. Ito ang pangalawang bahagi na ating susunod na pag-uusapan. Una, saan nakatira ang mga ibon at mga hayop at mga insekto? Nakatira ba ang mga ito sa mga gubat at kakahuyan? Ang mga ito ang kanilang tahanan. Kaya, maliban sa pagtatatag ng mga hangganan para sa iba’t ibang heograpikal na kapaligiran, gumawa rin ang Diyos ng mga hangganan at nagtatag ng mga batas para sa iba’t ibang mga ibon at hayop, isda, insekto, at lahat ng halaman. Dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng iba’t bang heograpikal na kapaligiran at dahil sa pag-iral ng iba’t ibang heograpikal na kapaligiran, ang iba’t ibang uri ng mga ibon at hayop, isda, insekto, at halaman ay may iba’t ibang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay. Ang mga ibon at ang mga hayop at ang mga insekto ay namumuhay kasama ng iba’t ibang halaman, ang isda ay naninirahan sa tubig, at ang mga halaman ay tumutubo sa lupa. Kabilang sa lupa ang iba’t ibang lugar kagaya ng mga bundok, mga kapatagan, at mga burol. Kapag ang mga ibon at hayop ay mayroon nang tiyak na mga tahanan, hindi na sila magsisigala kung saan-saan. Ang mga tahanan ng mga ito ay ang mga kagubatan at ang mga bundok. Kung ang mga tahanan ng mga ito ay masira balang araw, ang kaayusang ito ay mauuwi sa malaking kaguluhan. Kapag ang kaayusang iyon ay nauwi sa malaking kaguluhan, ano ang magiging mga kahihinatnan? Sino ang mga unang-unang masasaktan? Ang sangkatauhan. Sa loob ng mga batas na ito at mga hangganan na itinatag ng Diyos, nakakita na ba kayo ng anumang kakaibang mga pangyayari? Halimbawa, ang mga elepanteng naglalakad sa disyerto. Nakakita na ba kayo ng ganoon? Kung talagang nangyari ito, ito ay magiging isang sobrang kakatwang pangyayari, dahil naninirahan ang mga elepante sa kagubatan, at iyon ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na inihanda sa mga ito ng Diyos. Ang mga ito ay may sariling kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay at sariling permanenteng tahanan, kaya bakit magpupunta ang mga ito kung saan-saan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga leon o mga tigre na naglalakad sa baybay-dagat? Wala pang nakakakita nito. Ang tahanan ng mga leon at mga tigre ay ang kagubatan at ang mga kabundukan. Nakakita na ba ang sinuman ng mga balyena at mga pating mula sa karagatan na lumalangoy sa disyerto? Wala pang nakakakita nito. Ang mga balyena at mga pating ay naninirahan sa karagatan. Sa kapaligiran na tinitirahan ng mga tao, may mga tao ba na namumuhay kasama ng mga kayumangging oso? May mga tao ba na palaging pinalilibutan ng mga paboreal at iba pang mga ibon, sa loob at labas ng kanilang mga tahanan? Nakakita na ba ang sinuman ng mga agila o mga ligaw na gansa na nakikipaglaro sa mga unggoy? (Hindi.) Ang mga ito ay magiging mga kakaibang pangyayari. Ang dahilan kung bakit Ko sinasabi ang mga bagay na ito na kakaiba sa inyong pandinig ay para ipaunawa sa inyo na lahat ng bagay na nilikha ng Diyos—nakapirmi man ang mga ito sa isang lugar o nakakahinga man sa mga butas ng ilong nito—ay may mga sariling batas para patuloy na mabuhay. Bago pa man nilikha ng Diyos ang buhay na mga nilalang na ito, nakapaghanda na Siya para sa mga ito ng sarili nilang tahanan at sariling kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng mga ito. Ang buhay na mga nilalang na ito ay may sariling nakapirming mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay, sarili nilang pagkain, sarili nilang permanenteng mga tahanan, at ang mga ito ay may sariling permanenteng mga lugar na angkop para sa patuloy na pamumuhay ng mga ito, mga lugar na may mga temperatura na angkop para sa patuloy na pamumuhay ng mga ito. Samakatuwid, hindi na makakagala ang mga ito kung saan-saan o mailalagay sa alanganin ang patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan o makakaapekto sa buhay ng mga tao. Sa ganitong paraan pinamamahalaan ng Diyos ang lahat ng bagay, nagbibigay sa sangkatauhan ng pinakamainam na kapaligiran para patuloy na mabuhay. Bawat isa sa buhay na mga nilalang sa gitna ng lahat ng bagay ay mayroong pagkaing panustos-buhay sa loob ng sarili nitong mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay. Sa pamamagitan ng pagkaing iyon, ang mga ito ay napipirmi sa katutubong kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng mga ito. Sa gayong uri ng kapaligiran, ang mga ito ay patuloy na nabubuhay, nagpaparami, at sumusulong alinsunod sa mga batas na itinatag ng Diyos para sa mga ito. Dahil sa ganitong uri ng mga batas, dahil sa pagtatalaga ng Diyos, lahat ng bagay ay namumuhay nang mapayapa kasama ang sangkatauhan, at ang sangkatauhan ay nabubuhay nang magkakasama na umaasa sa isa’t isa sa lahat ng bagay.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 182
Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan Para sa Lahat ng Bagay Upang Alagaan ang Lahat ng Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Ang Ikatlong Bahagi: Tinutustusan ng Diyos ang Kapaligiran at Ekolohiya Para Pangalagaan ang Sangkatauhan
Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay at nagtatag ng mga hangganan para sa mga ito; sa gitna ng mga ito ay inalagaan Niya ang lahat ng buhay na bagay. Samantala, Siya ay naghanda rin ng iba’t ibang pamamaraan para sa patuloy na pamumuhay ng mga tao, kaya makikita mo na hindi lamang iisa ang paraan ng mga tao para mabuhay, ni hindi lamang iisang uri ng kapaligiran ang mayroon sila para sa patuloy na pamumuhay. Napag-usapan natin noong una ang tungkol sa paghahanda ng Diyos ng iba’t ibang uri ng pinagkukunan ng pagkain at tubig para sa mga tao, na napakahalaga para tulutan na makapagpatuloy ang buhay sa laman ng sangkatauhan. Gayunman, sa gitna ng sangkatauhang ito, hindi lahat ng tao ay nabubuhay sa mga butil. Ang mga tao ay may iba’t ibang pamamaraan para patuloy na mabuhay dala ng mga pagkakaiba sa mga heograpikal na kapaligiran at mga kalupaan. Ang mga pamamaraang ito para sa patuloy na pamumuhay ay inihandang lahat ng Diyos. Kaya hindi lahat ng tao ay pangunahing nakatuon sa pagsasaka. Iyon ay, hindi lahat ng mga tao ay nakukuha ang kanilang pagkain sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga halamang nakakain. Ito ang ikatlong bahagi na ating pag-uusapan: Nagkaroon ng mga hangganan dahil sa iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng sangkatauhan. Kaya ano ang iba pang mga uri ng paraan ng pamumuhay mayroon ang mga tao? Pagdating sa iba’t ibang pinagkukunan ng pagkain, ano ang iba pang uri ng mga tao? May ilang pangunahing uri.
Ang una ay ang paraan ng pamumuhay sa pamamagitan ng pangangaso. Alam ng lahat kung ano ito. Ano ang kinakain ng mga taong nabubuhay sa pangangaso? (Hinuhuling hayop.) Kinakain nila ang mga ibon at mga hayop mula sa kagubatan. Ang “Hinuhuling Hayop” ay isang makabagong salita. Hindi ito itinuturing na hinuhuling hayop ng mga mangangaso; itinuturing nila itong pagkain, bilang kanilang pang-araw-araw na panustos. Halimbawa, nakahuli sila ng usa. Nang mahuli nila ang usang ito, para lamang itong isang magsasaka na kumukuha ng mga pagkain mula sa lupa. Ang isang magsasaka ay kumukuha ng pagkain mula sa lupa, at kapag nakikita niya ang pagkaing ito, siya ay masaya at panatag ang loob. Ang pamilya ay hindi magugutom dahil may mga pananim na makakain. Ang puso ng magsasaka ay panatag at siya ay nakakaramdam ng kasiyahan. Ang isang mangangaso ay nakararamdam din ng kapayapaan at nasisiyahan kapag tumitingin siya sa kanyang nahuli sapagkat hindi na niya kailangan pang mangamba tungkol sa pagkain. Mayroong makakain para sa susunod na kainan at hindi na kailangang magutom. Ito ay yaong nangangaso para mabuhay. Ang karamihan sa mga nangangaso para mabuhay ay naninirahan sa mga kagubatan sa bundok. Hindi sila nagsasaka. Hindi madaling makahanap ng masasakang lupa roon, kaya sila ay nabubuhay sa pamamagitan ng iba’t ibang buhay na mga bagay, ng iba’t ibang uri ng masisila. Ito ang unang uri ng pamumuhay na naiiba sa mga karaniwang tao.
Ang ikalawang uri ay ang paraan ng pamumuhay ng isang tagapastol. Ang mga tao ba na nagpapastol ng mga hayop para mabuhay ay nagsasaka rin ng lupa? (Hindi.) Kaya ano ang kanilang ginagawa? Paano sila nabubuhay? (Kadalasan, nagpapastol sila ng mga baka at tupa para mabuhay, at sa taglamig kinakatay nila at kinakain ang kanilang mga hayop. Ang kanilang pangunahing pagkain ay karne ng baka at karne ng tupa, at umiinom sila ng gatas na may tsaa. Bagamat ang mga tagapastol ay abala sa lahat ng apat na panahon, kumakain sila nang maayos. Marami silang gatas, mga produktong gawa sa gatas, at karne.) Ang mga taong nabubuhay sa pagpapastol ay pangunahing kumakain ng karne ng baka at karne ng tupa, umiinom ng gatas ng tupa at gatas ng baka, at sumasakay sa mga baka at mga kabayo sa pagpapastol ng kanilang mga hayop sa bukid nang nililipad ng hangin ang buhok at naaarawan ang mukha. Wala silang problema ng mga makabagong pamumuhay. Buong araw silang nakatitig sa kalawakan ng bughaw na kalangitan at madamong mga kapatagan. Ang karamihan sa mga taong nagpapastol para mabuhay ay tumitira sa mga damuhan, at nakapagpapatuloy sila sa kanilang paraan ng pamumuhay bilang mga lagalag sa loob ng maraming salinlahi. Bagamat ang buhay sa mga damuhan ay bahagyang malungkot, ito ay isang napakasaya ring buhay. Ito ay hindi masamang uri ng pamumuhay!
Ang ikatlong uri ay ang pamumuhay sa pamamagitan ng pangingisda. Ang maliit na bahagi ng sangkatauhan ay naninirahan malapit sa karagatan o sa maliliit na mga isla. Sila ay pinaliligiran ng tubig, nakaharap sa karagatan. Ang ganitong uri ng mga tao ay nangingisda para mabuhay. Ano ang pinanggagalingan ng pagkain ng mga nangingisda para mabuhay? Kasama sa mga pinanggagalingan ng kanilang pagkain ang lahat ng uri ng isda, pagkaing-dagat at iba pang bagay mula sa dagat. Ang mga taong nangingisda para mabuhay ay hindi nagsasaka ng lupa, sa halip ay nangingisda araw-araw. Ang kanilang pangunahing pagkain ay binubuo ng iba’t ibang uri ng isda at mga bagay na galing sa dagat. Ipinagpapalit nila paminsan-minsan ang mga bagay na ito para sa bigas, harina, at pang-araw-araw na pangangailangan. Ito ay naiibang pamumuhay ng mga tao na naninirahan malapit sa tubig. Dahil nakatira sila malapit sa tubig, umaasa sila rito para sa kanilang pagkain at ang pangingisda ang kanilang hanapbuhay. Hindi lamang mapagkukunan ng pagkain ang naibibigay sa kanila ng pangingisda, ngunit ito ay isang paraan ng paghahanap ng ikakabuhay.
Maliban sa pagsasaka ng lupa, ang karamihan sa sangkatauhan ay nabubuhay ayon sa tatlong paraan ng pamumuhay na binanggit sa itaas. Gayunman, karamihan sa mga tao ay nagsasaka para mabuhay at iilang grupo lamang ng mga tao ang nabubuhay sa pamamagitan ng pagpapastol, pangingisda, at pangangaso. At ano ang kailangan ng mga taong nagsasaka para mabuhay? Ang kailangan nila ay lupa. Sa paglipas ng mga salinlahi, sila ay nabubuhay sa pagtatanim sa lupa ng mga halamang kinakain, nagtatanim man sila ng mga gulay, prutas o mga butil, nakakakuha sila ng kanilang pagkain at ng kanilang mga pang-araw-araw na pangangailangan mula sa lupa.
Ano ang mga pangunahing kondisyon kung saan nakasalig ang iba’t ibang paraan ng pamumuhay ng tao na ito? Hindi ba lubos na kailangan na maging pangunahin na mapangalagaan ang mga kapaligiran kung saan sila patuloy na nakakapamuhay? Ibig sabihin, kung mawala sa mga nabubuhay sa pangangaso ang mga kagubatan sa bundok o mga ibon at hayop, mawawala ang pinagkukunan nila ng kanilang ikabubuhay. Ang direksyong dapat puntahan ng lahi at uri ng mga taong ito ay mawawalan ng katiyakan, at maaari pa silang maglaho. At ano ang mangyayari sa mga nagpapastol ng mga hayop para sa kanilang ikakabuhay? Saan sila aasa? Ang tunay na sinasandigan nila ay hindi ang kanilang mga alagang hayop, kundi ang kapaligiran kung saan nabubuhay ang kanilang mga alagang hayop—ang mga damuhan. Kung wala ang mga damuhan, saan sila magpapastol ng kanilang mga alagang hayop? Ano ang kakainin ng mga baka at tupa? Kung wala ang mga hayop, ang mga lagalag na taong ito ay hindi magkakaroon ng kabuhayan. Kung walang mapagkukunan ng ikabubuhay, saan patutungo ang mga taong ito? Ang patuloy na mabuhay ay magiging napakahirap para sa kanila; wala silang magiging kinabukasan. Kung walang mga pinagmumulan ng tubig, at ang mga ilog at mga lawa ay matutuyo, magkakaroon pa rin ba ng lahat ng isda na umaasa sa tubig para mabuhay? Mawawala na ang mga ito. Ang mga tao ba na umaasa sa tubig at isda para sa kanilang ikabubuhay ay patuloy pang mabubuhay? Kung wala na silang pagkain, kung wala na silang pinagkukunan ng kanilang mga ikabubuhay, ang mga taong ito ay hindi na makapagpapatuloy na mabuhay. Ibig sabihin, sa sandaling magkaroon ng suliranin sa kanilang mga kabuhayan o kakayahan para mabuhay ang anumang lahi, ang lahing iyon ay hindi na makapagpapatuloy pa, at maaari silang maglaho sa balat ng lupa at tuluyang mawala. At kung ang mga nagsasaka para sa kanilang ikabubuhay ay mawawalan ng kanilang lupa, kung hindi na sila makapagtatanim ng lahat ng uri ng halaman at makakakuha ng kanilang pagkain mula sa mga halamang iyon, ano ang kahihinatnan nito kung gayon? Kung walang pagkain, hindi ba mamamatay sa gutom ang mga tao? Kapag ang mga tao ay namamatay sa gutom, hindi ba malilipol ang lahi ng mga taong iyon? Kaya ito ang layunin ng Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang uri ng kapaligiran. May isang layunin lamang ang Diyos sa pagpapanatili ng iba’t ibang kapaligiran at ekosistema at ng lahat ng iba’t ibang nabubuhay na nilalang sa mga ito—at ito ay upang pangalagaan ang lahat ng uri ng mga tao, upang pangalagaan ang mga tao na nabubuhay sa iba’t ibang heograpikal na kapaligiran.
Kung lahat ng bagay na nilikha ay nawalan ng sarili nitong mga batas, hindi na iiral pa ang mga ito; kung nawalan ng mga batas ang lahat ng bagay, ang mga nabubuhay na nilalang sa lahat ng bagay ay hindi magagawang magpatuloy. Mawawala rin sa sangkatauhan ang kanilang mga kapaligiran kung saan sila umaasa para patuloy na mabuhay. Kung mawala sa mga tao ang lahat ng iyon, hindi na sila makapagpapatuloy na mabuhay at magparami sa bawat henerasyon gaya ng ginagawa nila. Kaya nabubuhay ang mga tao hanggang ngayon ay dahil natutustusan sila ng Diyos ng lahat ng bagay na nilikha upang pangalagaan sila, upang pangalagaan ang sangkatauhan sa iba’t ibang kaparaanan. Dahil lamang sa pangangalaga ng Diyos sa sangkatauhan sa iba’t ibang paraan kaya sila ay patuloy na nabubuhay hanggang sa ngayon sa kasalukuyang panahon. Sa pamamagitan ng nakapirming kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na kanais-nais at may kaayusan, lahat ng iba’t ibang uri ng tao sa lupa, lahat ng iba’t ibang uri ng lahi, ay patuloy na mabubuhay sa loob ng kanilang sariling iminungkahing mga saklaw. Walang sinuman ang maaaring lumampas sa mga saklaw o mga hangganang ito sapagkat ang Diyos ang nagtakda ng mga ito. Bakit itinakda ng Diyos ang mga hangganan sa ganitong paraan? Ito ay isang bagay na tunay na napakahalaga para sa buong sangkatauhan—napakahalagang tunay!
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 183
Ang Diyos ay Nagtatakda ng mga Hangganan Para sa Lahat ng Bagay Upang Alagaan ang Lahat ng Sangkatauhan (Mga piling sipi)
Ang Ikaapat na Bahagi: Nagtatakda ang Diyos ng mga Limitasyon sa Pagitan ng Iba’t Ibang Lahi
Ikaapat, ang Diyos ay gumuhit ng mga hangganan sa pagitan ng iba’t ibang lahi. Sa mundo ay mayroong taong puti, taong itim, taong kayumanggi, at taong dilaw. Ang mga ito ay iba’t ibang uri ng mga tao. Isinaayos din ng Diyos ang isang saklaw para sa buhay ng iba’t ibang uri ng taong ito, at dahil wala silang alam dito, ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng kanilang angkop na kapaligiran para patuloy na mabuhay sa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Walang sinuman ang maaaring humakbang palabas dito. Halimbawa, isaalang-alang natin ang mga taong puti, anong mga lugar ang karaniwan nilang tinitirhan? Sila ay karaniwang nakatira sa Europa at Amerika. Ang pangunahing tirahan ng mga itim na tao ay sa Africa. Ang mga taong kayumanggi ay pinakakaraniwang nakatira sa Timog Silangang Asya at Timog Asya, sa mga bansang gaya ng Thailand, India, Myanmar, Vietnam, at Laos. Ang mga taong dilaw ay pangunahing nakatira sa Asya, iyon ay sa mga bansang tulad ng China, Japan, at South Korea. Ipinamahagi ng Diyos nang wasto ang lahat ng iba’t ibang uri ng lahi upang ang iba’t ibang lahi na ito ay maipamahagi sa iba’t ibang panig ng mundo. Sa iba’t ibang mga panig na ito ng mundo, matagal nang inihanda ng Diyos ang isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na angkop sa bawat magkakaibang lahi ng tao. Sa loob ng ganitong mga uri ng kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay, inihanda ng Diyos para sa kanila ang mga lupa na may iba’t ibang kulay at mga sangkap. Sa ibang salita, ang mga sangkap sa mga katawan ng mga taong puti ay hindi katulad sa mga katawan ng mga taong itim, at iba rin ang mga ito sa sangkap ng mga katawan ng mga tao na may ibang mga lahi. Nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, nakapaghanda na Siya ng gayong kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng lahing iyon. Ang Kanyang layunin doon ay upang kapag ang gayong uri ng mga tao ay nagsimulang magparami, at dumami ang bilang, maaari na silang manatili sa loob ng saklaw na iyon. Bago nilikha ng Diyos ang mga tao ay naisip na Niya ang lahat ng ito—ilalaan Niya ang Europa at Amerika para sa mga taong puti upang tulutan silang umunlad at patuloy na mabuhay. Kaya nang nililikha ng Diyos ang mundo mayroon na Siyang plano, mayroon Siyang mithiin at layunin sa paglalagay ng mga inilagay Niya sa naturang piraso ng lupa, at sa pangangalaga ng mga pinangalagaan Niya sa piraso ng lupa na iyon. Halimbawa, matagal nang panahon na inihanda ng Diyos kung anong mga bundok, ilang kapatagan, ilang pinagmumulan ng tubig, anong mga uri ng mga ibon at mga hayop, anong isda, at anong mga halaman ang mapupunta sa lupang iyon. Sa paghahanda ng kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng isang uri ng tao, ng isang lahi, kinailangang isaalang-alang ng Diyos ang maraming isyu mula sa iba’t ibang anggulo: ang heograpikal na kapaligiran, ang mga sangkap ng lupa, ang iba’t ibang uri ng mga ibon at mga hayop, ang laki ng iba’t ibang uri ng isda, ang mga bahaging bumubuo sa katawan ng isda, mga pagkakaiba-iba ng kalidad ng tubig, gayundin ang iba’t-ibang uri ng mga halaman…. Matagal na panahon nang inihanda ng Diyos ang lahat ng iyon. Ang uring iyon ng kapaligiran ay isang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na nilikha ng Diyos at inihanda para sa mga taong puti at na likas nilang pag-aari. Nakita ba ninyo na nang likhain ng Diyos ang lahat ng bagay, pinag-isipan Niya ito nang mabuti at ginawa ang mga bagay na may plano? (Oo, nakita namin na ang mga pagsasaalang-alang ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga tao ay labis na pinag-isipan. Sa kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng iba’t ibang uri ng mga tao, kung anong iba’t ibang uri ng ibon at hayop at isda, ilang kabundukan at ilang kapatagan ang ihahanda Niya, isinaalang-alang Niya ang mga ito nang buong ingat at ng buong katiyakan.) Gawing halimbawa ang mga taong puti. Anong pagkain ang pangunahing kinakain ng mga taong puti? Ang mga pagkain na kinakain ng mga taong puti ay ibang-iba kaysa roon sa mga pagkain na kinakain ng mga taong Asyano. Ang pangunahing kinakain ng mga taong puti ay karne, mga itlog, gatas, at mga manok. Ang mga butil kagaya ng tinapay at kanin ay kalimitang hindi pangunahing mga pagkain na inilalagay sa gilid ng plato. Kahit na kapag kumakain ng salad na gulay, naglalagay sila ng kaunting inihaw na karne ng baka o manok, at maging kapag kumakain sila ng mga pagkaing gawa sa trigo, nagdadagdag sila ng keso, mga itlog, o karne rito. Ibig sabihin, ang kanilang pangunahing pagkain ay hindi lamang binubuo ng mga pagkaing gawa sa trigo o bigas; kumakain sila ng napakaraming karne at keso. Madalas silang uminom ng nagyeyelong tubig sapagkat kumakain sila ng mga pagkain na may napakataas na kalori. Kaya, ang mga taong puti ay pambihira ang pagkamatipuno. Ito ang mga pinagkukunan ng kanilang mga ikinakabuhay at ang kanilang mga pinamumuhayang kapaligiran ay inihanda para sa kanila ng Diyos, na nagtutulot sa kanila na magkaroon ng ganitong uri ng paraan ng pamumuhay na iba sa mga paraan ng pamumuhay ng mga tao na iba ang lahi. Walang tama o mali sa ganitong paraan ng pamumuhay—ito ay likas at itinalaga ng Diyos, at dahil ito sa mga dikta ng Diyos at sa Kanyang mga pagsasaayos. Kaya ang lahing ito ay may ganitong paraan ng pamumuhay at ganitong mga pinagkukunan para sa kanilang ikabubuhay ay dahil sa kanilang lahi, at dahil din sa kapaligiran para sa kanilang patuloy na pamumuhay na inihanda para sa kanila ng Diyos. Maaari ninyong sabihin na ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na inihanda ng Diyos para sa mga taong puti, at ang pang-araw-araw na panustos na nakukuha nila mula sa kapaligirang iyon, ay mayaman at sagana.
Inihanda rin ng Diyos ang kinakailangang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng iba pang mga lahi. Mayroon ding mga taong itim—saan matatagpuan ang mga taong itim? Sila ay pangunahing matatagpuan sa gitna at timog ng Africa. Ano ang inihanda ng Diyos para sa kanila sa gayong uri ng pinamumuhayang kapaligiran? Ang mga tropikal na kagubatan, lahat ng uri ng ibon at hayop, gayundin ng mga disyerto, at lahat ng uri ng halaman na namumuhay sa paligid ng mga tao. Mayroon silang mga pinagkukunan ng tubig, ang kanilang mga kabuhayan, at pagkain. Ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kanila. Anuman ang kanilang nagawa kailanman, ang kanilang paraan para mabuhay ay hindi naging isyu kailanman. Sinasakop din nila ang isang partikular na lugar at isang partikular na sukat sa isang panig ng mundo.
Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa mga taong dilaw. Ang mga taong dilaw ay pangunahing matatagpuan sa Silangan ng mundo. Ano ang mga pagkakaiba sa pagitan ng mga kapaligiran at heograpikal na kalagayan ng Silangan at ng Kanluran? Sa Silangan, ang karamihan ng lupa ay mataba, at mayaman sa mga deposito ng materyales at mineral. Iyon ay, ang lahat ng uri ng yaman sa ibabaw ng lupa at sa ilalim ng lupa ay sagana. At para sa grupo ng mga taong ito, para sa lahing ito, inihanda rin ng Diyos ang kaukulang lupa, klima, at ang iba’t ibang heograpikal na kapaligiran na angkop para sa kanila. Bagamat may malaking mga pagkakaiba sa pagitan ng gayong heograpikal na kapaligiran at ang kapaligiran sa Kanluran, ang kinakailangang pagkain ng mga tao, ang mga kabuhayan, at ang mga pinagkukunan para sa patuloy na pamumuhay ay inihanda rin ng Diyos. Ito lamang ay isang naiibang pinamumuhayang kapaligiran kaysa sa kung ano ang mayroon ang mga puti sa Kanluran. Ngunit anong isang bagay ang kailangan Kong sabihin sa inyo? Ang bilang ng mga tao sa lahing Silangan ay masyadong malaki, kaya nagdagdag ang Diyos ng maraming elemento sa bahaging iyon ng mundo na naiiba sa Kanluran. Nagdagdag Siya roon ng maraming iba’t ibang anyo ng lupa at ng lahat ng uri ng saganang mga materyales. Ang likas na yaman doon ay masyadong masagana; ang mga kalupaan ay iba’t iba rin at sari-sari, sapat para sa pag-aalaga ng napakakapal na bilang ng lahing Silangan. Ang kaibahan ng Silangan sa Kanluran ay—mula sa timog hanggang sa hilaga, mula sa silangan hanggang sa kanluran—sa Silangan, ang klima ay mas mainam kaysa sa Kanluran. Ang apat na panahon ay malinaw ang pagkakaiba, ang mga temperatura ay angkop, ang mga likas na yaman ay masagana, at ang likas na tanawin at ang mga uri ng kalupaan ay higit na mainam kaysa sa Kanluran. Bakit ginawa ito ng Diyos? Ang Diyos ay lumikha ng totoong makatwirang balanse sa pagitan ng mga taong puti at mga taong dilaw. Ano ang ibig sabihin nito? Nangangahulugan ito na sa lahat ng aspeto ng pagkain ng mga taong puti, ang mga bagay na kanilang ginagamit, ang mga bagay na inilaan para sa kanilang katuwaan ay higit na mas mainam kaysa sa tinatamasa ng taong dilaw. Gayunman, ang Diyos ay hindi kumikiling laban sa kaninumang lahi. Ibinigay ng Diyos sa mga taong dilaw ang isang mas maganda at mas mainam na kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay. Ito ang balanse.
Itinalaga na ng Diyos kung anong uri ng mga tao ang dapat tumira sa kung aling bahagi ng mundo; maaari bang lumampas ang mga tao sa mga hangganang ito? (Hindi, hindi maaari.) Ito ay isang kahanga-hangang bagay! Kahit na may mga digmaan o mga paglusob sa iba’t ibang kapanahunan o sa di-pangkaraniwang mga pagkakataon, walang pasubaling hindi kayang wasakin ng mga digmaan at paglusob na ito ang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na itinalaga ng Diyos para sa bawat lahi. Ibig sabihin, ipinirmi ng Diyos ang isang partikular na uri ng mga tao sa isang partikular na bahagi ng mundo at hindi sila makalalabas sa mga hangganang iyon. Kahit na ang mga tao ay may ilang uri ng ambisyon na baguhin o palawakin ang kanilang teritoryo, kung walang pahintulot ng Diyos, napakahirap itong makamtan. Magiging napakahirap para sa kanila na magtagumpay. Halimbawa, gusto ng mga taong puti na palawigin ang kanilang teritoryo at sinakop nila ang ilan pang ibang mga bansa. Sinalakay ng mga Aleman ang ilang bansa, at minsang sinakop ng Inglatera ang India. Ano ang kinalabasan? Sa huli, sila ay nabigo. Ano ang ating nakikita mula sa kanilang kabiguan? Kung ano ang itinalaga ng Diyos ay hindi pinahihintulutang masira. Kaya, gaano man katindi ang bilis na maaaring nakita mo sa pagpapalawak ng Inglatera, sa huli, kinailangan pa rin nilang umatras at lisanin ang lupang iyon na pagmamay-ari pa rin ng India. Ang mga nakatira sa lupang iyon ay mga Indiyano pa rin, hindi mga Briton, dahil hindi ito pahihintulutan ng Diyos. Ang ilan sa mga nagsasaliksik ng kasaysayan o pulitika ay naglaan ng mga sanaysay ukol rito. Nagbigay sila ng mga kadahilanan kung bakit nabigo ang Inglatera, sinasabi na marahil ang isang tiyak na lahi ay hindi maaaring malupig, o maaaring dahil sa ilang pantaong kadahilanan…. Ang mga ito ay hindi ang tunay na mga kadahilanan. Ang tunay na dahilan ay ang Diyos—hindi Niya ito pahihintulutan! Hinahayaan ng Diyos na manirahan ang isang lahi sa isang partikular na lugar at pinamamalagi sila roon, at kapag hindi sila pinahintulutan ng Diyos na lumipat mula sa lupaing iyon, hindi sila kailanman makalilipat. Kapag ang Diyos ay nagtatakda ng isang tiyak na sukat ng lupa para sa kanila, sila ay maninirahan sa loob ng sukat ng lupang iyon. Ang sangkatauhan ay hindi makahuhulagpos o makatatakas sa mga tiyak na sukat ng lupang ito. Ito ay sigurado. Gaano man kalakas ang mga puwersa na lumulusob, o gaano man kahina ang mga nilulusob, sa katapusan, ang tagumpay ng lumulusob ay nasa Diyos. Itinalaga na Niya ito at walang sinumang makakapagbago rito.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 184
Ang Diyos ang Naghahari sa Lahat at Nagtutustos sa Lahat, Siya ang Diyos ng Lahat ng Bagay (Mga piling sipi)
Sa pagtingin mula sa pananaw ng mga batas na pinagpasyahan ng Diyos para sa paglago ng lahat ng bagay, hindi ba ang buong sangkatauhan, anuman ang maging uri nito, ay tinutustusan at pinangangalagaan ng Diyos? Kung ang mga batas na ito ay pinawalang-bisa o kung hindi itinatag ng Diyos ang ganitong mga batas para sa sangkatauhan, ano kaya ang kahihinatnan ng sangkatauhan? Pagkatapos mawala ng mga tao ang kanilang mga pangunahing kapaligiran para patuloy na mabuhay, magkakaroon ba sila ng anumang pagkukunan ng pagkain? Posible na ang mga pinagkukunan ng pagkain ay magiging isang suliranin. Kung mawala ng mga tao ang mga pinagkukunan ng kanilang pagkain, iyon ay, kung hindi sila makakakuha ng anumang makakain, ilang araw kaya sila makakatagal? Posibleng hindi sila makatatagal nang kahit isang buwan lamang, at ang kakayahan nila na patuloy na mabuhay ay magiging problema. Kaya ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos para patuloy na mabuhay ang mga tao, para sa pagpapatuloy ng kanilang pag-iral, pagpaparami, at ang ikinabubuhay ay napakahalaga. Ang bawat isang bagay na ginagawa ng Diyos sa mga bagay na Kanyang nilikha ay malapit na nauugnay at hindi maihihiwalay sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan. Kung maging suliranin ang patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan, makakapagpatuloy pa ba ang pamamahala ng Diyos? Iiral pa rin ba ang pamamahala ng Diyos? Magkasamang umiiral ang pamamahala ng Diyos at ang patuloy na pamumuhay ng buong sangkatauhan na Kanyang inaalagaan, kaya anuman ang mga paghahanda ng Diyos para sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha at mga ginagawa para sa mga tao, lahat ng ito ay kinakailangan Niya, at ito ay napakahalaga sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan. Kapag ang mga batas na ito na napagpasyahan ng Diyos para sa lahat ng bagay ay nilayuan, kapag ang mga batas na ito ay nilabag o ginambala, ang lahat ng bagay ay hindi na iiral pa, ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay hindi na makapagpapatuloy na umiral, at maging ang kanilang pang-araw-araw na ikinabubuhay, at maging ang sangkatauhan mismo. Sa kadahilanang ito, ang pamamahala ng Diyos sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi na rin iiral pa.
Ang lahat ng ating tinalakay, ang bawat isang bagay, ang bawat piraso ay matalik na nakaugnay sa kakayahang mabuhay ng bawat isang tao. Maaari ninyong sabihing, “Ang Iyong sinasabi ay masyadong malaki, ito ay isang bagay na hindi namin makita,” at marahil ay may mga tao na makapagsasabi, “Ang Iyong sinasabi ay walang kinalaman sa akin.” Gayunman, huwag kalilimutan na ikaw ay nabubuhay bilang bahagi lamang ng lahat ng bagay; ikaw ay kabilang sa lahat ng bagay na nilikha na nasa ilalim ng pamamahala ng Diyos. Ang lahat ng bagay na nilikha ng Diyos ay hindi maaaring maihiwalay sa pamamahala ng Diyos, at wala ni isang katao ang maaaring maghiwalay ng kanilang mga sarili mula sa Kanyang pamamahala. Ang pagkawala ng Kanyang pamamahala at pagkawala ng Kanyang pagtustos ay mangangahulugan na ang buhay ng mga tao, ang buhay ng mga tao sa laman, ay maglalaho. Ito ang kahalagahan ng pagtatatag ng Diyos ng mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan. Hindi mahalaga kung anong lahi ka o kung saang piraso ng lupa ka nakatira, maging ito ay sa Kanluran o sa Silangan—hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan, at hindi mo maihihiwalay ang iyong sarili mula sa pangangalaga at mga pagtutustos ng kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na Kanyang itinatag para sa mga tao. Maging anuman ang iyong kabuhayan, anuman ang iyong inaasahan para mabuhay, at anuman ang iyong inaasahan upang tustusan ang iyong buhay sa laman, hindi mo maaaring ihiwalay ang iyong sarili mula sa pamumuno ng Diyos at ng Kanyang pamamahala. Sinasabi ng ilan: “Hindi ako magsasaka; hindi ako nagtatanim ng mga halaman para mabuhay. Hindi ako umaasa sa kalangitan para sa aking pagkain, kaya ang patuloy na pamumuhay ko ay hindi nagaganap sa kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na itinatag ng Diyos. Ang gayong uri ng kapaligiran ay hindi nakapagbigay sa akin ng anuman.” Tama ba ito? Sinasabi mo na hindi ka nagtatanim ng mga halaman para sa iyong ikinabubuhay, ngunit hindi ka ba kumakain ng mga butil? Hindi ka ba kumakain ng karne at mga itlog? Hindi ka ba kumakain ng mga gulay at prutas? Ang lahat ng iyong kinakain, lahat ng bagay na iyong kailangan, ay hindi maihihiwalay mula sa kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na itinatag ng Diyos para sa sangkatauhan. At ang pinanggagalingan ng lahat ng kinakailangan ng sangkatauhan ay hindi maaaring maihiwalay mula sa lahat ng bagay na nilikha ng Diyos, na kung susumahin ay ang iyong mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay. Ang tubig na iyong iniinom, ang pananamit na iyong isinusuot, at ang lahat ng bagay na iyong ginagamit—alin sa mga ito ang hindi nakukuha mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos? Sinasabi ng ilang tao: “May ilang bagay na hindi nakukuha mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Tingnan mo, ang plastik ay isa sa mga bagay na iyon. Ito ay mula sa kemikal, isang bagay na gawa ng tao.” Tama ba ito? Totoong ang plastik ay gawa ng tao, at ito ay mula sa kemikal, ngunit saan nanggaling ang likas na sangkap ng plastik? Ang likas na mga sangkap ay nakuha sa mga materyales na nilikha ng Diyos. Ang mga bagay na iyong nakikita at tinatamasa, ang bawat isang bagay na iyong ginagamit, ang lahat ng ito ay mula sa mga bagay na nilikha ng Diyos. Ibig sabihin, anuman ang lahi ng isang tao, anuman ang kanyang ikinabubuhay, o anumang uri ng kapaligiran siya nakatira para sa patuloy na pamumuhay, hindi niya maihihiwalay ang kanyang sarili mula sa kung ano ang inilaan ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 185
Ang Diyos ang Naghahari sa Lahat at Nagtutustos sa Lahat, Siya ang Diyos ng Lahat ng Bagay (Mga piling sipi)
Kung gaano karaming pagkaunawa ukol sa Diyos ang mayroon sa puso ng mga tao, iyon rin ang lawak na Kanyang hinahawakan sa kanilang mga puso. Kung gaano kalaki ang antas ng kaalaman ukol sa Diyos na nasa kanilang mga puso ay ganoon kadakila ang Diyos sa kanilang mga puso. Kung ang Diyos na kilala mo ay walang laman at malabo, kung gayon ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay wala ring laman at malabo. Ang Diyos na kilala mo ay limitado lang sa saklaw ng iyong sariling personal na buhay, at walang kinalaman sa tunay na Diyos Mismo. Kaya, ang pagkilala sa praktikal na mga pagkilos ng Diyos, ang pagkilala sa realidad ng Diyos at Kanyang kapangyarihang walang hanggan, ang pagkilala sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, ang pagkilala sa kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya, ang pagkilala sa mga pagkilos na ipinamalas Niya sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha—ang mga bagay na ito ay napakahalaga sa bawat isang tao na naghahangad ng kaalaman ukol sa Diyos. Ang mga ito ay may direktang kaugnayan kung makapapasok o hindi ang mga tao sa realidad ng katotohanan. Kung iyong lilimitahan ang iyong pagkaunawa sa Diyos sa mga salita lamang, kung lilimitahan mo ito sa kakaunti mong karanasan, sa pagkaunawa mo sa biyaya ng Diyos, o sa kakaunti mong patotoo sa Diyos, kung gayon sasabihin Ko na ang Diyos na iyong pinaniniwalaan ay tiyak na hindi ang tunay na Diyos Mismo. Hindi lamang iyon, ngunit maaari ring sabihin na ang Diyos na pinaniniwalaan mo ay isang likhang-isip na Diyos, hindi ang tunay na Diyos. Ito ay dahil sa ang tunay na Diyos ay ang Siyang namumuno sa lahat, na lumalakad sa gitna ng lahat, na namamahala sa lahat. Siya ang humahawak sa kapalaran ng buong sangkatauhan at ng lahat ng bagay na nasa Kanyang mga kamay. Ang mga gawain at mga pagkilos ng Diyos na Aking sinasabi ay hindi limitado lamang sa maliit na bahagi ng mga tao. Ibig sabihin, hindi ito limitado lamang sa mga tao na sumusunod sa Kanya sa kasalukuyan. Ang Kanyang mga gawa ay ipinamamalas sa lahat ng bagay, sa pagiging buhay ng lahat ng bagay, at sa mga batas ng pagbabago sa lahat ng bagay. Kung hindi mo makikita o makikilala ang alinman sa mga gawa ng Diyos sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kung gayon ay hindi ka maaaring sumaksi sa alinman sa Kanyang mga gawa. Kung hindi ka maaaring sumaksi para sa Diyos, kung patuloy kang nagsasalita tungkol sa maliit na kung tawagin ay “Diyos” na kilala mo, ang Diyos na iyon na limitado sa iyong sariling mga palagay at umiiral lamang sa loob ng iyong makitid na pag-iisip, kung nagpapatuloy kang magsalita tungkol sa gayong uri ng Diyos, kung gayon hindi kailanman pupurihin ng Diyos ang iyong pananampalataya. Kapag sumaksi ka para sa Diyos, kung ginagawa mo lamang ito ayon sa kung paano mo tinatamasa ang biyaya ng Diyos, kung paano mo tinatanggap ang disiplina ng Diyos at ang Kanyang pagkastigo, at kung paano mo tinatamasa ang Kanyang mga biyaya sa iyong pagsaksi para sa Kanya, kung gayon ay lubhang hindi sapat iyon at malayo pa nga sa pagbibigay ng kasiyahan sa Kanya. Kung gusto mong sumaksi sa Diyos sa paraan na nakaayon sa Kanyang kalooban, na sumaksi para sa tunay na Diyos Mismo, kung gayon kailangan mong makita kung ano ang mayroon Siya at kung ano ang Diyos sa Kanyang mga pagkilos. Kailangan mong makita ang awtoridad ng Diyos sa Kanyang pamamahala sa lahat, at makita ang katotohanan kung paano Siya naglalaan para sa buong sangkatauhan. Kung kinikilala mo lamang na ang iyong pang-araw-araw na ikinabubuhay at ang iyong mga pangangailangan sa buhay ay nagmumula sa Diyos, ngunit hindi mo nakikita ang katotohanang kinukuha ng Diyos ang lahat ng bagay na Kanyang nilikha para tustusan ang buong sangkatauhan, at na sa pamumuno sa lahat ng bagay ay pinangungunahan Niya ang buong sangkatauhan, kung gayon hindi mo kailanman magagawang sumaksi para sa Diyos. Ano ang Aking layunin sa pagsasabi ng lahat ng ito? Ito ay upang huwag ninyo itong balewalain, upang hindi kayo magkamali na maniwala na ang mga paksang ito na Aking tinalakay ay walang kinalaman sa inyong personal na pagpasok sa buhay, at upang huwag ninyong ituring ang mga paksang ito bilang isang uri lamang ng kaalaman o doktrina. Kung pinakikinggan ninyo ang sinasabi Ko nang may ganyang uri ng saloobin, kung gayon ay hindi kayo magtatamo ng anumang bagay. Mawawala ninyo ang malaking oportunidad na ito na makilala ang Diyos.
Ano ang Aking layunin sa pagsasalita sa lahat ng bagay na ito? Ang Aking layunin ay para maipakilala sa mga tao ang Diyos, upang maipaunawa sa mga tao ang praktikal na mga pagkilos ng Diyos. Sa sandaling maunawaan mo ang Diyos at malaman mo ang Kanyang mga pagkilos, sa gayon ka pa lang magkakaroon ng pagkakataon o posibilidad na makilala Siya. Kung, halimbawa, gusto mong maunawaan ang isang tao, paano mo sila uunawain? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kanilang panlabas na kaanyuan? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kung ano ang kanilang suot at kung paano sila manamit? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin kung paano sila maglakad? Ito ba ay sa pamamagitan ng pagtingin sa saklaw ng kanilang kaalaman? (Hindi.) Kaya paano mo inuunawa ang isang tao? Gumagawa ka ng paghatol ayon sa pananalita at pag-uugali ng isang tao, sa kanilang iniisip at mga bagay na kanilang ipinahahayag at ibinubunyag tungkol sa kanilang sarili. Ito ang paraan ng pagkilala sa isang tao, kung paano unawain ang isang tao. Gayundin, kung gusto ninyong makilala ang Diyos, kung gusto ninyong maintindihan ang praktikal Niyang panig, ang Kanyang totoong panig, kailangang makilala ninyo Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga gawa at sa pamamagitan ng bawat isang praktikal na bagay na Kanyang isinasakatuparan. Ito ang pinakamahusay na paraan, at ito ang tanging paraan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 186
Binabalanse ng Diyos ang mga Kaugnayan sa Pagitan ng Lahat ng Bagay Upang Ipagkaloob sa Sangkatauhan ang Isang Matatag na Kapaligiran Para sa Patuloy na Pamumuhay (Piling sipi)
Nang nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, ginamit Niya ang lahat ng uri ng sistema at pamamaraan para mabalanse ang mga ito, upang mabalanse ang mga kalagayan sa pamumuhay ng mga kabundukan at mga lawa, ng mga halaman at ng lahat ng uri ng mga hayop, ibon, at insekto. Ang Kanyang layunin ay upang tulutan ang lahat ng uri ng mga nilalang na mabuhay at magparami sa ilalim ng mga batas na Kanyang itinatag. Walang isa mang bagay na nilikha ang makakalabag sa mga batas na ito, at hindi maaaring labagin ang mga batas. Sa loob lamang ng ganitong uri ng pangunahing kapaligiran na maaaring ligtas na makapanatiling buhay at makapagparami ang mga tao, sa maraming salinlahi. Kung ang isang nabubuhay na nilikha ay lumampas sa dami o saklaw na itinatag ng Diyos, o kapag nilampasan nito ang bilis ng paglago, dalas ng pagpaparami, o bilang na Kanyang idinikta, ang kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay magdaranas ng magkakaibang mga antas ng pagkawasak. At sa kaparehong panahon, ang kakayahang mabuhay ng sangkatauhan ay manganganib. Kapag ang isang uri ng nabubuhay na nilalang ay masyadong marami sa bilang, nanakawin nito sa tao ang kanilang pagkain, sisirain ang mga pinagkukunan ng tubig ng mga tao, at sisirain ang kanilang mga bayan. Sa gayong paraan, ang pagpaparami ng sangkatauhan o ang kalagayan ng kanilang kakayahan para mabuhay ay dali-daling maaapektuhan. Halimbawa, ang tubig ay napakahalaga para sa lahat ng bagay. Kung masyadong marami ang mga daga, langgam, balang, at palaka, o ang anumang uri ng iba pang mga hayop, iinom ang mga ito ng mas maraming tubig. Habang ang dami ng tubig na iniinom ng mga ito ay tumataas, ang tubig na inumin ng mga tao at ang tubig sa loob ng nakapirming saklaw ng mga pinagkukunan ng tubig na maiinom at ang mga lugar na may tubig ay mababawasan at daranas sila ng kakulangan ng tubig. Kapag ang tubig na iniinom ng mga tao ay nasira, nakontamina, o nawala dahil ang lahat ng uri ng hayop ay dumami sa bilang, sa ilalim ng gayong uri ng malupit na kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay, ang patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay lubhang manganganib. Kung mayroon lamang isang uri o iba’t ibang uri ng nilalang na may buhay ang lumampas sa angkop na bilang nito, kung gayon ang hangin, temperatura, kahalumigmigan, at maging ang nilalaman ng hangin sa loob ng espasyo ng sangkatauhan para sa patuloy na pamumuhay ay malalason at masisira sa magkakaibang antas. Sa ilalim ng ganitong mga kalagayan, ang patuloy na pamumuhay at kapalaran ng mga tao ay mapapasailalim din sa mga bantang dulot ng gayong uri ng mga salik sa ekolohiya. Kaya, kapag nawala ang mga balanseng iyon, ang hangin na hinihinga ng mga tao ay masisira, ang tubig na kanilang iniinom ay magiging kontaminado, at ang mga temperatura na kanilang kinakailangan ay magbabago rin at maaapektuhan sa iba’t ibang mga antas. Kung mangyayari iyon, ang mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay na likas na pag-aari ng sangkatauhan ay mapapasailalim sa mga katakut-takot na mga dagok at mga hamon. Sa ganitong uri ng kalagayan kung saan ang pangunahing mga kapaligiran para sa patuloy na pamumuhay ng sangkatauhan ay nasira, ano ang magiging kapalaran at mga inaasahan ng sangkatauhan? Ito ay isang napakaseryosong suliranin! Sapagkat nalalaman ng Diyos kung bakit umiiral ang bawat isa sa mga bagay na nilikha alang-alang sa sangkatauhan, ano ang papel ng bawat uri ng bagay na Kanyang nilikha, anong uri ng epekto ang mayroon ito sa sangkatauhan, at gaano kalaki ang pakinabang ng sangkatauhan dito, dahil sa puso ng Diyos ay may plano para sa lahat ng ito at pinamamahalaan Niya ang bawat isang aspeto sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, kaya ang bawat isang bagay na Kanyang ginagawa ay napakahalaga at kinakailangan ng sangkatauhan. Kaya mula ngayon, sa tuwing makamamasid ka ng ilang kakaibang pangyayaring ekolohikal sa mga bagay na nilikha ng Diyos, o ilang likas na mga batas na ipinatutupad sa mga bagay na nilikha ng Diyos, hindi ka na magdududa pa sa pangangailangan ng bawat isang bagay na nilikha ng Diyos. Hindi ka na uli gagamit pa ng mga ignoranteng pananalita upang gumawa ng mga hindi makatwirang paghatol sa pagsasaayos ng Diyos sa lahat ng bagay at sa Kanyang iba’t ibang pamamaraan ng pagkakaloob sa sangkatauhan. Ni hindi ka rin gagawa ng mga hindi makatwirang konklusyon tungkol sa mga batas ng Diyos para sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IX
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 187
Paano Pinamamahalaan at Pinangangasiwaan ng Diyos ang Espirituwal na Mundo
Para sa materyal na mundo, tuwing hindi nauunawaan ng mga tao ang ilang bagay o kakaibang pangyayari, maaari silang magsaliksik para sa kaugnay na impormasyon o gumamit ng iba-ibang pamamaraan para malaman ang mga pinagsimulan at pinagmulan ng mga bagay na iyon. Ngunit pagdating sa ibang mundo na ating binabanggit ngayon—ang espirituwal na mundo, na umiiral sa labas ng materyal na mundo—ang mga tao ay talagang walang mga paraan o pamamaraan kung saan may natututuhan sila tungkol dito. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil sa mundo ng sangkatauhan, lahat ng bagay sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay mula sa pisikal na pag-iral ng tao, at dahil nadarama ng mga tao na lahat ng bagay tungkol sa materyal na mundo ay hindi maihihiwalay sa kanilang pisikal na pamumuhay at pisikal na buhay, karamihan sa mga tao ay nalalaman, o nakikita lamang ang mga materyal na bagay na nasa harap ng kanilang mga mata na nakikita nila. Gayunman, pagdating sa espirituwal na mundo—ibig sabihin, lahat ng bagay na nasa ibang mundong iyon—makatarungang sabihin na karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala. Dahil hindi ito nakikita ng mga tao, at naniniwala sila na hindi na kailangang maunawaan o malaman ang anuman tungkol dito, bukod pa sa kung paano ganap na naiiba ang espirituwal na mundo sa materyal na mundo at, mula sa pananaw ng Diyos, ay lantad—bagama’t, para sa mga tao, ito ay lihim at tago—samakatuwid ay hirap na hirap ang mga tao na makahanap ng isang landas tungo sa pag-unawa sa iba-ibang aspeto ng mundong ito. Ang iba’t ibang aspeto ng espirituwal na mundo na Aking babanggitin ay may kinalaman lamang sa pangangasiwa at dakilang kapangyarihan ng Diyos; hindi Ako nagbubunyag ng anumang mga hiwaga, ni hindi Ko sinasabi sa inyo ang anuman sa mga lihim na nais ninyong malaman. Dahil may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, pangangasiwa ng Diyos, at panustos ng Diyos, magsasalita lamang Ako tungkol sa bahaging kailangan ninyong malaman.
Una, hayaan ninyong tanungin Ko kayo: Sa inyong isipan, ano ang espirituwal na mundo? Sa pangkalahatan, ito ay isang mundo sa labas ng materyal na mundo, isang kapwa hindi nakikita at nahahawakan ng mga tao. Magkagayunman, sa inyong imahinasyon, anong klaseng mundo dapat ang espirituwal na mundo? Marahil, dahil hindi ninyo ito nakikita, hindi ninyo kayang isipin ito. Gayunman, kapag nakakarinig kayo ng mga alamat, iniisip pa rin ninyo ito, at hindi ninyo mapigilang isipin ito. Bakit Ko sinasabi ito? May isang bagay na nangyayari sa napakaraming tao kapag bata pa sila: Kapag kinukuwentuhan sila ng isang tao ng nakakatakot na kuwento—tungkol sa mga multo, o mga kaluluwa—takot na takot sila. Bakit ba sila talaga natatakot? Dahil inilalarawan nila sa kanilang isipan ang mga bagay na iyon; kahit hindi nila nakikita ang mga ito, nararamdaman nila na nasa paligid ng silid nila ang lahat ng iyon, sa isang tao o madilim na sulok, at takot na takot sila kaya hindi sila nangangahas na matulog. Lalo na sa gabi, takot na takot sila na mapag-isa sa silid nila o magsapalarang mapag-isa sa kanilang bakuran. Iyan ang espirituwal na mundo ng inyong imahinasyon, at ito ay isang mundo na iniisip ng mga tao na nakakatakot. Ang totoo ay iniisip ito ng lahat kahit paano, at medyo nararamdaman ito ng lahat.
Magsimula tayo sa pag-uusap tungkol sa espirituwal na mundo. Ano ito? Bibigyan Ko kayo ng isang maikli at simpleng paliwanag: Ang espirituwal na mundo ay isang mahalagang lugar, na naiiba sa materyal na mundo. Bakit Ko sinasabing mahalaga ito? Pag-uusapan natin ito nang detalyado. Ang pag-iral ng espirituwal na mundo ay hindi maihihiwalay ang kaugnayan sa materyal na mundo ng sangkatauhan. May malaking papel itong ginagampanan sa pag-inog ng buhay at kamatayan ng tao sa kapamahalaan ng Diyos sa lahat ng bagay; ito ang papel nito, at isa ito sa mga dahilan kaya mahalaga ang pag-iral nito. Dahil ito ay isang lugar na hindi mawari ng limang pandama, walang sinumang makakahatol nang tumpak kung umiiral nga ang espirituwal na mundo o hindi. Ang iba-ibang galaw nito ay lubhang konektado sa pag-iral ng tao, kaya naman ang kaayusan ng buhay ng sangkatauhan ay lubha ring naiimpluwensyahan ng espirituwal na mundo. Kasama ba rito ang dakilang kapangyarihan ng Diyos o hindi? Kasama. Kapag sinasabi Ko ito, nauunawaan ninyo kung bakit Ko tinatalakay ang paksang ito: Ito ay dahil may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan ng Diyos, gayon din sa Kanyang pangangasiwa. Sa isang mundong tulad nito—na hindi nakikita ng mga tao—bawat makalangit na utos, atas, at sistema ng pangangasiwa nito ay lubhang nangingibabaw sa mga batas at sistema ng alinmang bansa sa materyal na mundo, at walang nabubuhay na nilalang sa mundong ito ang mangangahas na salungatin o labagin ang mga ito. Nauugnay ba ito sa dakilang kapangyarihan at pangangasiwa ng Diyos? Sa espirituwal na mundo, may malilinaw na atas administratibo, malilinaw na makalangit na utos, at malilinaw na batas. Sa iba’t ibang antas at sa iba-ibang lugar, ang mga tagapaglingkod ay mahigpit na tumutupad sa kanilang mga tungkulin at sumusunod sa mga panuntunan at regulasyon, sapagkat alam nila kung ano ang ibubunga ng paglabag sa isang makalangit na utos; alam na alam nila kung paano pinarurusahan ng Diyos ang masama at ginagantimpalaan ang mabuti, at kung paano Niya pinangangasiwaan at pinamumunuan ang lahat ng bagay. Bukod pa riyan, malinaw nilang nakikita kung paano Niya isinasagawa ang Kanyang makalangit na mga utos at batas. Naiiba ba ang mga ito mula sa materyal na mundong tinitirhan ng sangkatauhan? Tunay ngang malaki ang kanilang pagkakaiba. Ang espirituwal na mundo ay isang mundo na ganap na naiiba sa materyal na mundo. Yamang may mga makalangit na utos at batas, may kinalaman ito sa dakilang kapangyarihan at pangangasiwa ng Diyos at, bukod pa riyan, sa Kanyang disposisyon, gayon din sa kung anong mayroon Siya at kung ano Siya. Nang marinig ninyo ito, hindi ba ninyo nadarama na kailangang-kailangang talakayin Ko ang paksang ito? Ayaw ba ninyong malaman ang mga lihim na likas dito? (Oo, gusto namin.) Gayon ang konsepto ng espirituwal na mundo. Bagama’t umiiral ito na kasabay ng materyal na mundo, at sabay na sumasailalim sa pangangasiwa at dakilang kapangyarihan ng Diyos, ang pangangasiwa at dakilang kapangyarihan ng Diyos sa mundong ito ay mas lalong mahigpit kaysa roon sa materyal na mundo.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 188
Sa sangkatauhan, kinakategorya Ko ang lahat ng tao sa tatlong uri. Ang una ay ang mga hindi mananampalataya, yaong mga walang paniniwala sa relihiyon. Sila ang tinatawag na mga hindi mananampalataya. Ang lubhang karamihan sa mga hindi mananampalataya ay nananampalataya lamang sa pera; nagmamalasakit lamang sila sa sarili nilang mga interes, materyalistiko, at naniniwala lamang sa materyal na mundo—hindi sila naniniwala sa pag-inog ng buhay at kamatayan, o sa anumang sinabi tungkol sa mga diwata at multo. Kinakategorya Ko ang mga taong ito bilang mga hindi mananampalataya, at sila ang unang uri. Ang pangalawang uri ay kinabibilangan ng iba-ibang taong may pananampalataya na hiwalay sa mga hindi mananampalataya. Sa sangkatauhan, hinahati Ko ang mga taong ito na may pananampalataya sa ilang pangunahing grupo: Ang una ay Hudyo, ang pangalawa ay Katoliko, ang pangatlo ay Kristiyano, ang pang-apat ay Muslim, at ang panlima ay Buddhist; may limang klase. Ito ang iba-ibang klase ng mga taong may pananampalataya. Ang pangatlong uri ay kinabibilangan ng mga naniniwala sa Diyos, at kasama kayo rito. Ang mga mananampalatayang iyon ay yaong mga sumusunod sa Diyos ngayon. Ang mga taong ito ay nahahati sa dalawang klase: Ang mga taong hinirang ng Diyos, at ang mga tagasilbi. Malinaw nang nakita ang pagkakaiba ng mga pangunahing uring ito. Sa gayon, malinaw na ninyong nalalaman ang pagkakaiba sa inyong isipan sa pagitan ng mga uri at ranggo ng mga tao, hindi ba? Ang unang uri ay binubuo ng mga hindi mananampalataya, at sinabi Ko na kung ano sila. Nabibilang ba sa mga hindi mananampalataya yaong mga nananampalataya sa Matandang Lalaki sa Langit? Maraming hindi mananampalataya ang naniniwala lamang sa Matandang Lalaki sa Langit; naniniwala sila na ang hangin, ulan, kulog, at iba pa ay pawang kontrolado nito kung kanino sila umaasa sa pagtatanim ng mga pananim at sa pag-aani—subalit kapag nababanggit ang paniniwala sa Diyos, ayaw nilang maniwala sa Kanya. Matatawag ba itong pagkakaroon ng pananampalataya? Kabilang ang gayong mga tao sa mga hindi mananampalataya. Nauunawaan ninyo ito, tama ba? Huwag kayong magkakamali sa mga kategoryang ito. Ang pangalawang uri ay kinabibilangan ng mga taong may pananampalataya, at ang pangatlong uri ay yaong mga kasalukuyang sumusunod sa Diyos. Kung gayon, bakit Ko hinati ang lahat ng tao sa mga uring ito? (Dahil ang iba-ibang uri ng mga tao ay may magkakaibang katapusan at patutunguhan.) Iyan ang isang aspeto nito. Kapag nagbalik ang iba-ibang lahi at uri ng mga taong ito sa espirituwal na mundo, bawat isa sa kanila ay magkakaroon ng ibang lugar na pupuntahan at isasailalim sa iba-ibang batas ng pag-inog ng buhay at kamatayan, kaya nga kinategorya Ko ang mga tao sa mga pangunahing uring ito.
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Hindi Mananampalataya (Mga piling sipi)
Magsimula tayo sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga hindi mananampalataya. Pagkatapos mamatay, ang isang tao ay kinukuha ng isang tagapapag-alaga mula sa espirituwal na mundo. Ano ba talaga ang kinukuha sa isang tao? Hindi ang kanyang laman, kundi ang kanyang kaluluwa. Kapag kinukuha ang kanyang kaluluwa, dumarating siya sa isang lugar na isang sangay ng espirituwal na mundo na tumatanggap lalo na sa kaluluwa ng mga taong kamamatay pa lamang. Iyon ang unang lugar na pinupuntahan ng sinuman pagkatapos mamatay, na kakatwa sa kaluluwa. Kapag dinala sila sa lugar na ito, isang opisyal ang nagsasagawa ng unang mga pagsisiyasat, tinitiyak ang kanilang pangalan, tirahan, edad, at lahat ng kanilang karanasan. Lahat ng ginawa nila noong nabubuhay pa sila ay nakatala sa isang aklat at tinitiyak kung tumpak. Matapos siyasatin ang lahat ng ito, ang pag-uugali at mga kilos ng tao sa buong buhay nila ay ginagamit upang pagpasiyahan kung sila ay parurusahan o patuloy na magkakaroong muli ng katawan bilang isang tao, na siyang unang yugto. Nakakatakot ba ang unang yugtong ito? Hindi ito gaanong nakakatakot, dahil ang nangyari lamang naman ay dumating na ang tao sa isang madilim at di-pamilyar na lugar.
Sa ikalawang yugto, kung maraming nagawang masama ang taong ito sa buong buhay nila at nakagawa ng maraming masasamang gawa, dadalhin sila sa isang lugar ng kaparusahan para pakitunguhan. Iyon ang magiging lugar na talagang ginagamit para sa kaparusahan ng mga tao. Ang mga detalye kung paano sila parurusahan ay nakasalalay sa mga kasalanang kanilang nagawa, gayon din kung ilang masasamang bagay ang kanilang ginawa bago sila namatay—ito ang unang sitwasyong nangyayari sa ikalawang yugtong ito. Dahil sa masasamang bagay na kanilang ginawa at sa kasamaang kanilang ginawa bago sila namatay, kapag sila ay nagkaroong muli ng katawan matapos silang parusahan—kapag sila ay muling isinilang sa materyal na mundo—patuloy na magiging tao ang ilang tao, samantalang ang iba ay magiging mga hayop. Ibig sabihin, matapos bumalik ang tao mula sa espirituwal na mundo, pinarurusahan sila dahil sa kasamaang kanilang nagawa; bukod pa riyan, dahil sa masasamang bagay na kanilang nagawa, sa susunod nilang pagkakaroong muli ng katawan ay malamang na hindi sila babalik bilang tao, kundi bilang hayop. Ang iba’t ibang hayop na maaari nilang kahinatnan ay mga baka, kabayo, baboy, at aso. Ang ilang tao ay maaaring ipanganak na muli bilang mga ibon, o pato o gansa…. Matapos silang magkaroong muli ng katawan bilang mga hayop, kapag namatay silang muli, babalik sila sa espirituwal na mundo. Doon, tulad ng dati, batay sa kanilang pag-uugali bago sila namatay, ang espirituwal na mundo ang magpapasiya kung maaari silang magkaroong muli ng katawan bilang mga tao o hindi. Karamihan sa mga tao ay nakakagawa ng napakaraming kasamaan, at napakabigat ng kanilang mga kasalanan, kaya kailangan silang magkaroon ng katawan bilang mga hayop nang pito hanggang labindalawang beses. Pito hanggang labindalawang beses—hindi ba nakakatakot iyon? (Nakakatakot nga.) Ano ang kinatatakutan ninyo? Ang isang tao na nagiging isang hayop—iyon ang nakatatakot. At para sa isang tao, ano ang pinakamasasakit na bagay tungkol sa pagiging isang hayop? Hindi ka makapagsalita, simple lamang ang mga iniisip mo, ang nagagawa mo lamang ay mga bagay na ginagawa ng mga hayop at ang nakakain mo lamang ay mga bagay na kinakain ng mga hayop, simple ang pag-iisip at pagpapahayag ng sarili sa mga kilos ng iyong katawan ng isang hayop, hindi ka makalakad nang tuwid, hindi mo magawang makipag-usap sa mga tao, at ang katotohanan na walang pag-uugali o mga aktibidad ng mga tao ang may anumang kaugnayan sa mga hayop. Ibig sabihin, sa lahat ng bagay, ang pagiging hayop ay ginagawa kayong pinakamababa sa lahat ng nilalang na may buhay at kinasasangkutan ng mas marami pang pagdurusa kaysa pagiging tao. Ito ay isang aspeto ng kaparusahan ng espirituwal na mundo sa mga nakagawa ng napakaraming kasamaan at nakagawa ng mabibigat na kasalanan. Pagdating sa tindi ng kanilang kaparusahan, pinagpapasiyahan ito ayon sa anumang klaseng hayop ang kinahinatnan nila. Halimbawa, mas mainam bang maging baboy kaysa maging aso? Mas mainam ba ang buhay ng baboy kaysa sa aso? Mas malala, hindi ba? Kung naging mga baka o kabayo ang mga tao, mas mainam kaya ang magiging buhay nila kaysa sa mga baboy o mas malala? (Mas mainam.) Magiging mas komportable ba kung ipanganak na pusa ang isang tao? Magiging hayop pa rin siya, at magiging mas madali ang maging pusa kaysa maging baka o kabayo, dahil nagagawa ng mga pusa na magpakatamad. Mas matrabaho ang maging baka o kabayo. Samakatuwid, kung magkaroong muli ng katawan ang tao bilang baka o kabayo, kailangan nilang magpakasipag—na katulad ng malupit na kaparusahan. Ang maging aso ay medyo mas mainam kaysa maging baka o kabayo, dahil mas malapit ang relasyon ng aso sa amo nito. Ang ilang aso, matapos maging alaga nang ilang taon, ay nauunawaan ang marami sa sinasabi ng kanilang amo. Kung minsan, kayang umakma ng isang aso sa nararamdaman at mga kinakailangan ng amo nito at tinatrato ng amo ang aso nang mas mainam, at kumakain at umiinom nang mas mainam ang aso, at kapag nasasaktan ito, mas inaalagaan ito. Kung gayon ay hindi ba mas masaya ang buhay ng aso? Sa gayon, mas mainam ang maging aso kaysa maging baka o kabayo. Dito, ang katindihan ng parusa sa tao ang nagpapasiya kung ilang beses magkakaroong muli ng katawan ang isang tao bilang hayop, at maging kung anong uri.
Dahil nakagawa sila ng napakaraming kasalanan habang sila ay nabubuhay, pinaparusahan ang ilang tao sa pamamagitan ng pagkakaroong muli ng katawan bilang mga hayop nang pito hanggang labindalawang beses. Matapos maparusahan nang sapat nang ilang beses, pagbalik nila sa espirituwal na mundo, dinadala sila sa ibang lugar—isang lugar kung saan naparusahan na ang iba-ibang kaluluwa at kauri niyaong naghahandang magkaroong muli ng katawan bilang mga tao. Sa lokasyong ito, kinakategorya ang bawat kaluluwa ayon sa uri alinsunod sa klase kung saan sila isisilang, anong uri ng tungkulin ang kanilang gagampanan kapag muli na silang nagkaroon ng katawan, at iba pa. Halimbawa, ang ilang tao ay magiging mga mang-aawit pagdating nila sa mundong ito, kaya isinasama sila sa mga mang-aawit; ang ilan ay magiging mga negosyante pagdating nila sa mundong ito, kaya nga isinasama sila sa mga negosyante; at kung magiging mananaliksik sa siyensya ang isang tao matapos maging tao, isinasama sila sa mga mananaliksik sa siyensya. Matapos silang uriin, ipinadadala ang bawat isa ayon sa ibang panahon at takdang petsa, tulad lamang ng pagpapadala ng mga tao ng mga e-mail ngayon. Dito ay makukumpleto ang isang siklo ng buhay at kamatayan. Mula sa araw na dumating ang tao sa espirituwal na mundo hanggang sa katapusan ng kanilang kaparusahan, o hanggang sa muli silang magkaroon ng katawan nang maraming beses bilang hayop at naghahandang magkaroong muli ng katawan bilang tao, kumpleto na ang prosesong ito.
At para doon sa mga tapos nang parusahan at hindi na nagkaroong muli ng katawan bilang mga hayop, agad ba silang ipadadala sa materyal na mundo para magkaroon ng katawan bilang mga tao? O, gaano katagal bago sila makarating sa piling ng mga tao? Gaano kadalas ito maaaring mangyari? May mga pansamantalang paghihigpit doon. Lahat ng nangyayari sa espirituwal na mundo ay napapailalim sa tamang pansamantalang mga paghihigpit at panuntunan—na kung ipaliliwanag Ko gamit ang mga numero ay mauunawaan ninyo. Para sa mga nagkakaroong muli ng katawan sa loob ng maikling panahon, kapag namatay sila, nagawa na ang mga paghahanda para magkaroon silang muli ng katawan bilang tao. Ang pinakamaikling panahon na maaaring mangyari ito ay tatlong araw. Para sa ilang tao, inaabot ito ng tatlong buwan, para sa ilan ay inaabot ito ng tatlong taon, para sa ilan ay inaabot ito ng tatlumpung taon, para sa ilan ito ay inaabot ng tatlong daang taon, at iba pa. Kaya, ano ang masasabi tungkol sa pansamantalang mga panuntunang ito, at ano ang mga detalye ng mga ito? Ang mga ito ay batay sa kung ano ang kailangan ng materyal na mundo—ng mundo ng tao—mula sa isang kaluluwa, at sa papel na dapat gampanan ng kaluluwang ito dito sa mundo. Kapag nagkaroong muli ng katawan ang mga tao bilang ordinaryong mga tao, karamihan sa kanila ay nagkakaroong muli ng katawan nang napakabilis, dahil malaki ang pangangailangan ng mundo ng tao sa gayong ordinaryong mga tao—kaya nga, pagkaraan ng tatlong araw, muli silang ipinadadala sa isang pamilyang lubos na naiiba sa kinabilangan nila bago sila namatay. Gayunman, may ilang gumaganap sa isang espesyal na papel dito sa mundo. Ang ibig sabihin ng “espesyal” ay na walang malaking pangangailangan para sa mga taong ito sa mundo ng tao; hindi kailangan ang maraming tao para gumanap sa gayong papel, kaya maaari itong abutin ng tatlong daang taon. Sa madaling salita, minsan lamang darating ang kaluluwang ito kada tatlong daang taon, o maaari pang minsan kada tatlong libong taon. Bakit ganito? Dahil iyan sa katotohanan na tatlong daang taon man o tatlong libong taon, hindi kailangan ang gayong papel sa mundo ng tao, kaya nga nananatili sila sa isang lugar sa espirituwal na mundo. Ipaghalimbawa na si Confucius: Nagkaroon siya ng malaking impluwensya sa tradisyonal na kulturang Tsino, at ang kanyang pagdating ay nakaapekto nang malaki sa kultura, kaalaman, tradisyon, at ideolohiya ng mga tao sa panahong iyon. Gayunman, ang isang taong katulad nito ay hindi kailangan sa bawat panahon, kaya kinailangan niyang manatili sa espirituwal na mundo, naghihintay roon nang tatlong daan o tatlong libong taon bago magkaroong muli ng katawan. Dahil hindi kailangan sa mundo ng tao ang isang taong kagaya nito, kinailangan niyang maghintay nang walang ginagawa, sapagkat lubhang kakaunti ang mga papel na katulad ng sa kanya, at lubhang kakaunti ang gagawin niya. Dahil diyan, halos sa buong panahong iyon ay kinailangan niyang manatili sa isang lugar sa espirituwal na mundo, na walang ginagawa, para ipadala kapag kinailangan siya sa mundo ng mga tao. Gayon ang mga pansamantalang panuntunan sa espirituwal na dako para sa dalas ng pagkakaroon ng katawan ng karamihan sa mga tao. Ordinaryo man o espesyal ang mga tao, may angkop na mga panuntunan at tamang mga gawi ang espirituwal na mundo para sa pagpoproseso ng kanilang pagkakaroong muli ng katawan, at ang mga panuntunan at gawing ito ay ipinadadala mula sa Diyos, hindi pinagpapasiyahan o kontrolado ng sinumang tagapamahala o nilalang sa espirituwal na mundo.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 189
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Hindi Mananampalataya (Mga piling sipi)
Para sa anumang kaluluwa, ang pagkakaroon nitong muli ng katawan, ang papel nito sa buhay na ito, saang pamilya sila isisilang, at ano ang magiging buhay nila ay malaki ang kaugnayan sa nakaraang buhay ng kaluluwa. Lahat ng klase ng mga tao ay nagpupunta sa mundo ng tao, at ang mga papel na kanilang ginagampanan ay magkakaiba, tulad ng mga gawaing kanilang isinasagawa. At ano ang mga gawaing ito? Dumarating ang ilang tao para magbayad ng mga utang: Kung napakalaki ng inutang nilang pera sa iba sa nakaraan nilang buhay, dumarating sila upang bayaran ang mga utang na iyon sa buhay na ito. Ang ilang tao, samantala, ay naparito para maningil ng mga pautang: Niloko sila sa napakaraming bagay at napakaraming pera sa mga nakaraan nilang buhay; dahil dito, pagdating nila sa espirituwal na mundo, binibigyan sila nito ng katarungan at tinutulutan silang maningil ng kanilang mga pautang sa buhay na ito. Ang ilang tao ay naparito para magbayad ng utang na loob: Sa nakaraang buhay—ibig sabihin, sa kanilang nakaraang pagkakaroong muli ng katawan—naging mabait sa kanila ang isang tao, at dahil nabigyan ng pagkakataong magkaroong muli ng katawan sa buhay na ito, muli silang isinilang para bayaran ang mga utang na loob na iyon. Ang iba naman, samantala, ay muling naisilang sa buhay na ito para kumitil ng mga buhay. At kaninong buhay ang kanilang kikitilin? Kinikitil nila ang buhay ng mga taong pumatay sa kanila sa mga nakaraan nilang buhay. Sa kabuuan, ang kasalukuyang buhay ng bawat tao ay may malaking koneksyon sa kanilang mga nakaraang buhay; ang koneksyong ito ay imposibleng paghiwalayin. Ibig sabihin, ang kasalukuyang buhay ng bawat tao ay lubhang apektado ng kanilang nakaraang buhay. Halimbawa, sabihin natin na bago siya namatay, dinaya ni Zhang si Li ng napakalaking pera. Kung gayon ay may utang ba si Zhang kay Li? Oo, kaya natural ba na dapat singilin ni Li ang utang ni Zhang sa kanya? Dahil dito, nang mamatay sila, may isang pagkakautang sa pagitan nila na kailangang mabayaran. Kapag nagkaroon silang muli ng katawan at naging tao si Zhang, paano siya sisingilin ni Li sa kanyang pagkakautang? Ang isang pamamaraan ay ang muling maisilang bilang anak ni Zhang; kikita ng malaking pera si Zhang, na lulustayin naman ni Li. Gaano man kalaking pera ang kitain ni Zhang, hindi iyon magiging sapat kailanman; at samantala, ang kanyang anak, sa kung anong dahilan, ay laging lulustayin ang pera ng kanyang ama sa iba-ibang kaparaanan. Magtataka si Zhang at mag-iisip, “Bakit laging naghahatid ng kamalasan ang anak kong ito? Bakit napakaganda ng ugali ng mga anak ng ibang mga tao? Bakit walang ambisyon ang sarili kong anak, bakit napakawala niyang silbi at wala siyang kakayahang kumita ng anumang pera, at bakit lagi ko siyang kailangang suportahan? Dahil kailangan ko siyang suportahan, gagawin ko—ngunit bakit magkano man ang ibigay ko sa kanya, lagi niyang kailangan ng mas marami? Bakit hindi niya magawang maging tapat sa trabaho sa loob ng isang araw, at sa halip ay ginagawa niya ang lahat ng klaseng bagay tulad ng paglalakwatsa, pagkain, pag-inom ng alak, pambababae at pagsusugal? Ano ba ang nangyayari?” Sa gayon mag-isip sandali si Zhang, “Maaaring dahil may utang ako sa kanya mula sa isang nakaraang buhay. Kung gayon, babayaran ko iyon! Hindi ito matatapos hangga’t hindi ko iyon nababayaran nang buo!” Maaaring dumating ang araw na mabawi na talaga ni Li ang kanyang pautang, at pagsapit niya sa kanyang apatnapu o limampung taong gulang, baka-sakaling bigla siyang matauhan, at matanto niyang, “Wala akong nagawa ni isang mabuting bagay sa unang buong kalahati ng buhay ko! Nalustay ko ang lahat ng perang kinita ng aking ama, kaya dapat akong magsimulang maging mabuting tao! Patitibayin ko ang sarili ko; magiging isa akong taong tapat at mamumuhay nang wasto, at hindi na ako muling maghahatid ng dalamhati sa aking ama!” Bakit niya iniisip ito? Bakit siya biglang nagbago at nagpakabuti? May dahilan ba ito? Ano ang dahilan? (Dahil nasingil na ni Li ang kanyang pautang; nabayaran na ni Zhang ang kanyang utang.) Dito, mayroong sanhi at epekto. Nagsimula ang kuwento noong napakatagal na panahon, bago pa ang kasalukuyan nilang buhay; ang kuwento ng nakaraan nilang buhay ay nadala sa kasalukuyan, at hindi masisisi ang isa’t isa. Anuman ang itinuro ni Zhang sa kanyang anak, hindi nakinig ang kanyang anak kailanman ni hindi nagtrabaho nang tapat sa loob ng isang araw. Subalit sa araw na nabayaran ang utang, hindi na kinailangang turuan ang kanyang anak—natural siyang nakaunawa. Ito ay isang simpleng halimbawa. Marami bang ganitong halimbawa? (Oo, marami.) Ano ang sinasabi nito sa mga tao? (Na dapat silang maging mabuti at huwag silang gumawa ng masama.) Na dapat ay huwag silang gumawa ng masama, at magkakaroon ng paghihiganti sa kanilang masasamang gawa! Karamihan sa mga taong hindi mananampalataya ay gumagawa ng maraming kasamaan, at nagkaroon ng ganti ang kanilang masasamang gawa, tama ba? Gayunman, hindi ba makatwiran ang paghihiganting ito? Sa bawat kilos, may nangyari at may isang dahilan sa likod ng ganti rito. Palagay mo ba walang mangyayari sa iyo matapos mong dayain sa pera ang isang tao? Palagay mo ba, matapos mong kunin ang perang iyon, wala kang haharaping anumang mga bunga? Imposible iyan; may mga ibubunga talaga iyan! Sino man sila o maniwala man sila o hindi na mayroong Diyos, kailangang managot ang bawat tao para sa sarili nilang pag-uugali at tiisin ang mga ibubunga ng kanilang mga kilos. Tungkol sa simpleng halimbawang ito—ang pagpaparusa kay Zhang, at pagbabayad kay Li—hindi ba ito makatarungan? Kapag gumagawa ang mga tao ng gayong mga bagay, ito ang nagiging resulta. Hindi ito maihihiwalay sa pangangasiwa ng espirituwal na mundo. Sa kabila ng kanilang pagiging mga hindi mananampalataya, ang pag-iral ng mga hindi naniniwala sa Diyos ay napapailalim sa ganitong mga uri ng makalangit na mga utos at atas. Walang sinumang makatatakas sa mga ito, at walang sinumang makakaiwas sa realidad na ito.
Yaong mga walang pananampalataya ay kadalasang naniniwala na lahat ng nakikita ng mga tao ay umiiral, samantalang lahat ng hindi nakikita, o napakalayo sa mga tao, ay hindi. Mas gusto nilang maniwala na walang “siklo ng buhay at kamatayan,” at na walang “kaparusahan”; sa gayon, wala silang pakialam kung magkasala man sila at makagawa ng masama. Pagkatapos nito, pinarurusahan sila, o muli silang nagkakaroon ng katawan bilang mga hayop. Karamihan sa iba-ibang uri ng mga tao sa mga hindi mananampalataya ay nahuhulog sa paulit-ulit na pagkakamaling ito. Ito ay dahil hindi nila alam na ang espirituwal na mundo ay mahigpit sa pangangasiwa nito ng lahat ng nilalang na may buhay. Naniniwala ka man o hindi, ang katotohanang ito ay umiiral, sapagkat wala ni isang tao o bagay ang makakatakas sa saklaw ng namamasdan ng mga mata ng Diyos, at wala ni isang tao o bagay ang makakatakas sa mga panuntunan at limitasyon ng Kanyang makalangit na mga utos at atas. Sa gayon, sinasabi ng simpleng halimbawang ito sa lahat na naniniwala ka man sa Diyos o hindi, hindi katanggap-tanggap ang magkasala at gumawa ng masama, at na lahat ng kilos ay may mga ibinubunga. Kapag pinarusahan ang isang taong nandaya ng iba sa pera, makatarungan ang gayong kaparusahan. Ang pag-uugaling katulad nito na karaniwang nakikita ay pinarurusahan sa espirituwal na mundo, at ang gayong kaparusahan ay inihahatid ng mga atas at makalangit na utos ng Diyos. Samakatuwid, ang talamak na kriminal at masamang asal—panggagahasa at pandarambong, panloloko at panlilinlang, pagnanakaw at panloloob, pagpatay at panununog, at iba pa—ay mas ipinaiilalim sa iba’t ibang kaparusahan na may iba-ibang katindihan. Ano ang kabilang sa mga kaparusahang ito na may iba-ibang katindihan? Ang ilan sa mga ito ay nagtatatag ng antas ng katindihan gamit ang oras, samantalang ang ilan ay ginagawa iyon sa pamamagitan ng magkakaibang pamamaraan; ang iba naman ay ginagawa iyon sa pamamagitan ng pagtukoy kung saan nagpupunta ang mga tao kapag nagkakaroon silang muli ng katawan. Halimbawa, mahalay ang bibig ng ilang tao. Ano ang tinutukoy ng pagiging “mahalay ang bibig”? Ang ibig sabihin nito ay madalas na pagmumura sa iba at paggamit ng masamang pananalita na nagmumura sa iba. Ano ang ipinahihiwatig ng masamang pananalita? Ipinahihiwatig nito na ang isang tao ay may masamang puso. Ang masamang pananalita na minumura ang iba ay kadalasang nagmumula sa mga bibig ng gayong mga tao, at ang gayong masamang pananalita ay matindi ang hatid na mga bunga. Kapag namatay na ang mga taong ito at natanggap na nila ang angkop na parusa, maaari silang muling isilang bilang mga pipi. Nakapatuso ng ilang tao habang nabubuhay pa sila; madalas silang nagsasamantala sa iba, ang maliliit na pakana nila ay partikular na planadung-planado, at labis nilang ipinapahamak ang mga tao. Kapag sila ay muling isinilang, maaaring bilang mga sintu-sinto o mga taong may kapansanan sa pag-iisip. Ang ilang tao ay madalas sumilip sa pribadong gawain ng iba; maraming nakikita ang kanilang mga mata na dapat maging lihim sa kanila, at marami silang natututuhan na hindi nila dapat malaman. Dahil dito, kapag sila ay muling isinilang, maaaring sila ay bulag. Ang ilang tao ay masyadong listo habang sila ay nabubuhay; madalas silang nakikipag-away at gumagawa ng maraming kasamaan. Dahil dito, maaari silang muling isilang na may kapansanan, lumpo, o walang isang kamay; kung hindi ay maaari silang magkaroong muli ng katawan bilang mga kuba o tabingi ang leeg, maglakad nang paika-ika, o mas maikli ang isang paa kaysa sa kabila, at iba pa. Dito, napailalim sila sa iba-ibang kaparusahan batay sa mga antas ng kasamaang ginawa nila habang sila ay nabubuhay. Sa palagay ninyo, bakit duling ang ilang tao? Maraming tao bang ganoon? Sa mga panahong ito hindi lamang sila kakaunti. Ang ilang tao ay duling dahil sa nakaraan nilang buhay, masyado nilang ginamit ang kanilang mga mata at napakarami nilang ginawang masama, kaya isilang sila sa buhay na ito na duling, at sa malulubhang kaso, bulag pa sila nang isilang. Ito ay paghihiganti! Maganda silang makisama sa iba bago sila mamatay; marami silang ginagawang mabuti para sa kanilang mga kamag-anak, kaibigan, kasamahan, o mga taong konektado sa kanila. Nagbibigay sila sa kawanggawa at nagmamalasakit sa iba, o tinutulungan sila sa pagbibigay ng pera, at mataas ang tingin ng mga tao sa kanila. Kapag nagbalik ang gayong mga tao sa espirituwal na mundo, hindi sila pinarurusahan. Ang hindi maparusahan ang isang hindi mananampalataya sa anumang paraan ay nangangahulugan na sila ay naging napakabuting tao. Sa halip na maniwala sa pag-iral ng Diyos, naniniwala lamang sila sa Matandang Lalaki sa Langit. Ang gayong tao ay naniniwala lamang na may espiritu sa itaas nila, na pinanonood ang lahat ng ginagawa nila—iyon lamang ang pinaniniwalaan ng taong ito. Ang resulta ay na mas maganda ang ugali ng taong ito. Ang gayong mga tao ay mabait at mapagkawanggawa, at kapag sa huli ay bumalik sila sa espirituwal na mundo, napakaganda ng magiging pagtrato noon sa kanila, at agad silang magkakaroong muli ng katawan. Kapag sila ay muling isinilang, sa anong uri ng pamilya sila darating? Bagama’t ang gayong mga pamilya ay hindi magiging mayaman, magiging malaya ito sa anumang kapinsalaan, at magkakasundo ang kanilang mga miyembro; doon, ang mga taong ito na nagkaroong muli ng katawan ay magkakaroon ng ligtas at masasayang araw, at lahat ay magagalak at magiging maganda ang buhay. Kapag ang mga taong ito ay nasa hustong gulang na, magkakaroon sila ng malalaki at malalawak na angkan, magkakaroon ng maraming talento at magtatagumpay ang kanilang mga anak, at magtatamasa ng magandang kapalaran ang kanilang pamilya—at ang gayong kalalabasan ay lubhang konektado sa nakaraang buhay ng mga tao. Ibig sabihin, saan pupunta ang mga tao kapag namatay sila at nagkaroong muli ng katawan, lalaki ba sila o babae, ano ang kanilang misyon, ano ang pagdaraanan nila sa buhay, anong mga problema ang titiisin nila, anong mga pagpapala ang tatamasahin nila, sino ang makikilala nila, at ano ang mangyayari sa kanila—walang makakahula ng mga bagay na ito, makakaiwas sa mga ito, o makakapagtago mula sa mga ito. Ibig sabihin, kapag naitakda na ang buhay mo, anuman ang mangyari sa iyo—paano mo man subukang iwasan ito, at sa anumang kaparaanan—walang paraan para labagin mo ang pag-inog ng buhay na itinakda ng Diyos para sa iyo sa espirituwal na mundo. Sapagkat kapag nagkaroon kang muli ng katawan, naitakda na ang kapalaran ng buhay mo. Mabuti man iyon o masama, dapat itong harapin ng lahat at magpatuloy sila sa pagsulong. Ito ay isang isyung hindi maiiwasan ng sinumang nabubuhay sa mundong ito, at walang isyu na mas totoo. Naunawaan na ninyong lahat ang lahat ng sinasabi Ko, hindi ba?
Yamang naunawaan na ninyo ang mga bagay na ito, nakita na ba ninyo ngayon na may napakahirap at napakahigpit na mga pagsisiyasat at pangangasiwa ang Diyos para sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga hindi mananampalataya? Una, nagtatag na Siya ng iba-ibang makalangit na mga utos, atas, at sistema sa espirituwal na dako, at kapag naipahayag na ang mga ito, ipinatutupad ang mga ito nang napakahigpit, ayon sa itinakda ng Diyos, ng mga nilalang sa iba-ibang opisyal na katungkulan sa espirituwal na mundo, at walang sinumang mangangahas na labagin ang mga ito. Samakatuwid, sa siklo ng buhay at kamatayan ng sangkatauhan sa mundo ng tao, nagkaroon mang muli ng katawan ang isang tao bilang hayop o bilang tao, may mga batas para sa dalawang ito. Dahil ang mga batas na ito ay nagmumula sa Diyos, walang sinumang nangangahas na suwayin ang mga ito, ni walang sinumang nakakasuway sa mga ito. Dahil lamang sa dakilang kapangyarihang ito ng Diyos, at dahil umiiral ang gayong mga batas, kaya regular at maayos ang materyal na mundong nakikita ng mga tao; dahil lamang sa dakilang kapangyarihang ito ng Diyos kaya nagagawa ng sangkatauhan na sumabay sa pag-iral nang payapa sa ibang mundong lubos nilang hindi nakikita, at nagagawang mabuhay na kasundo nito—na lahat ay hindi maihihiwalay sa dakilang kapangyarihan ng Diyos. Pagkamatay ng buhay sa laman ng isang tao, may buhay pa rin ang kaluluwa, kaya nga ano ang mangyayari kung wala ito sa ilalim ng pangangasiwa ng Diyos? Gagala ang kaluluwa sa buong lugar, manghihimasok kahit saan, at pipinsalain pa ang mga bagay na may buhay sa mundo ng tao. Ang gayong pinsala ay hindi lamang gagawin sa sangkatauhan kundi maaari ding gawin sa mga halaman at hayop—gayunman, ang unang mapipinsala ay ang mga tao. Kung mangyayari ito—kung ang kaluluwang ito ay hindi napangasiwaan, tunay na puminsala sa mga tao, at talagang gumawa ng masasamang bagay—maayos ding pakikitunguhan ang kaluluwang ito sa espirituwal na mundo: Kung malubha ang mga bagay-bagay, hindi magtatagal at titigil sa pag-iral ang kaluluwa, at wawasakin. Kung maaari, ilalagay ito sa isang lugar at pagkatapos ay magkakaroong muli ng katawan. Ibig sabihin, itinakda na ang pangangasiwa ng espirituwal na mundo sa iba-ibang kaluluwa, at ipinatutupad alinsunod sa mga hakbang at panuntunan. Dahil lamang sa gayong pangangasiwa kaya hindi pa nagkakagulo sa materyal na mundo ng tao, kaya ang mga tao sa materyal na mundo ay nagtataglay ng normal na mentalidad, normal na pagkamakatwiran, at isang isinaayos na buhay sa laman. Pagkatapos magkaroon ng gayong normal na buhay ang sangkatauhan, saka lamang magagawa ng mga nabubuhay sa laman na patuloy na mabuhay at magparami sa lahat ng henerasyon.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 190
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Hindi Mananampalataya (Mga piling sipi)
Pagdating sa mga hindi mananampalataya, paggantimpala ba sa mabubuti at pagpaparusa sa masasama ang prinsipyo sa likod ng mga kilos ng Diyos? Mayroon bang anumang mga eksepsyon? (Wala.) Nakikita ba ninyo na may isang prinsipyo sa likod ng mga kilos ng Diyos? Hindi talaga naniniwala sa Diyos ang mga hindi mananampalataya, ni hindi sila nagpapasakop sa Kanyang mga pagsasaayos. Dagdag pa rito, wala silang kamalayan sa Kanyang dakilang kapangyarihan, lalong hindi nila Siya kinikilala. Ang mas malala pa, nilalapastangan nila ang Diyos, at isinusumpa Siya, at galit sila sa mga naniniwala sa Diyos. Sa kabila ng saloobin nilang ito sa Diyos, hindi pa rin lumilihis sa Kanyang mga prinsipyo ang pangangasiwa Niya sa kanila; pinangangasiwaan Niya sila sa isang maayos na paraan, alinsunod sa Kanyang mga prinsipyo at Kanyang disposisyon. Ano ang tingin Niya sa kanilang pagkagalit? Kamangmangan! Dahil dito, pinangyari na Niyang magkaroong muli ng katawan ang mga taong ito—ibig sabihin, ang karamihan sa mga hindi mananampalataya—bilang mga hayop noong araw. Kaya, sa mga mata ng Diyos, ano ba talaga ang mga hindi mananampalataya? Silang lahat ay mga hayop. Pinangangasiwaan ng Diyos ang mga hayop at maging ang sangkatauhan, at pareho rin ang Kanyang mga prinsipyo para sa gayong mga tao. Kahit sa Kanyang pangangasiwa sa mga taong ito, makikita pa rin ang Kanyang disposisyon, gayundin ang Kanyang mga batas sa likod ng Kanyang kapamahalaan sa lahat ng bagay. Kaya nga, nakikita ba ninyo ang dakilang kapangyarihan ng Diyos sa mga prinsipyong pinagbabatayan ng Kanyang pangangasiwa sa mga hindi mananampalataya na kababanggit Ko pa lamang? Nakikita ba ninyo ang matuwid na disposisyon ng Diyos? (Oo.) Sa madaling salita, alinman sa lahat ng bagay ang pinakikitunguhan Niya, kumikilos ang Diyos ayon sa Kanyang sariling mga prinsipyo at disposisyon. Ito ang diwa ng Diyos; hindi Siya kailanman basta na lamang hihiwalay sa mga atas o makalangit na mga utos na Kanyang itinakda dahil lamang sa itinuturing Niya ang gayong mga tao bilang mga hayop. Kumikilos ang Diyos ayon sa prinsipyo, ni katiting ay hindi walang habas, at ang Kanyang mga kilos ay lubos na hindi apektado ng anumang bagay. Lahat ng Kanyang ginagawa ay sumusunod sa Kanyang sariling mga prinsipyo. Ito ay dahil ang Diyos ay nagtataglay ng diwa ng Diyos Mismo; ito ay isang aspeto ng Kanyang diwa na hindi taglay ng anumang nilikha. Maingat at responsable ang Diyos sa Kanyang paghawak, pagharap, pamamahala, pangangasiwa, at pamumuno sa bawat bagay, tao, at bagay na may buhay sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha, at dito, hindi Siya naging pabaya kailanman. Sa mabubuti, Siya ay mapagbigay at mabait; sa masasama, nagpapataw Siya ng malupit na parusa; at para sa iba-ibang nilalang na may buhay, gumagawa Siya ng angkop na mga plano sa napapanahon at regular na paraan ayon sa iba-ibang mga kinakailangan ng mundo ng sangkatauhan sa iba’t ibang panahon, kaya ang iba-ibang nilalang na ito na may buhay ay nagkakaroong muli ng katawan ayon sa papel na kanilang ginagampanan sa maayos na paraan at lumilipat sa pagitan ng materyal na mundo at ng espirituwal na mundo sa maayos na paraan.
Ang pagkamatay ng isang nilalang na may buhay—ang pagwawakas ng isang pisikal na buhay—ay nagpapahiwatig na ang nilalang na may buhay ay pumanaw na sa materyal na mundo at nagtungo sa espirituwal na mundo, samantalang ang pagsilang ng isang bagong pisikal na buhay ay nagpapahiwatig na ang isang nilalang na may buhay ay naparito na mula sa espirituwal na mundo patungo sa materyal na mundo at nagsimula nang gawin at gampanan ang papel nito. Paglisan man o pagdating ng isang nilalang, parehong hindi maihihiwalay ang mga ito mula sa gawain ng espirituwal na mundo. Pagdating ng panahon na dumating ang isang tao sa materyal na mundo, nakabuo na ang Diyos ng angkop na mga plano at pakahulugan sa espirituwal na mundo kung saang pamilya mapupunta ang taong iyon, ang panahon kung kailan sila darating, ang oras ng kanilang pagdating, at ang papel na kanilang gagampanan. Sa gayon, ang buong buhay ng taong ito—ang mga bagay na kanilang ginagawa, at ang mga landas na kanilang tinatahak—ay magpapatuloy ayon sa mga planong ginawa sa espirituwal na mundo, nang wala ni katiting na paglihis. Bukod pa riyan, ang panahon kung kailan magwawakas ang isang pisikal na buhay at ang paraan at lugar kung saan ito magwawakas ay malinaw at nahihiwatigan sa espirituwal na mundo. Pinamumunuan ng Diyos ang materyal na mundo, at pinamumunuan din Niya ang espirituwal na mundo, at hindi Niya aantalahin ang normal na siklo ng buhay at kamatayan ng isang kaluluwa, ni hindi Siya maaaring gumawa ng anumang mga pagkakamali sa mga plano ng siklong iyon. Bawat isa sa mga tagapamahala sa mga opisyal na puwesto sa espirituwal na mundo ay isinasagawa ang kanilang indibiduwal na mga gawain, at ginagawa yaong kinakailangan nilang gawin, alinsunod sa mga tagubilin at mga panuntunan ng Diyos. Sa gayon, sa mundo ng sangkatauhan, bawat materyal na kakaibang pangyayari na namasdan ng tao ay nasa ayos, at hindi magulo. Lahat ng ito ay dahil sa maayos na pamumuno ng Diyos sa lahat ng bagay, gayundin sa katotohanan na ang Kanyang awtoridad ang namumuno sa lahat ng bagay. Kabilang sa Kanyang kapamahalaan ang materyal na mundong tinitirhan ng tao at, bukod pa riyan, ang di-nakikitang espirituwal na mundo sa likod ng sangkatauhan. Samakatuwid, kung nais ng mga tao na magkaroon ng mabuting buhay, at inaasam na manirahan sa magandang kapaligiran, bukod pa sa mabigyan ng buong materyal na mundong nakikita, kailangan din silang mabigyan ng espirituwal na mundo, na hindi nakikita ninuman, na namamahala sa bawat nilalang na may buhay para sa kapakanan ng sangkatauhan, at maayos.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 191
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng Iba-ibang Taong May Pananampalataya
Katatalakay pa lamang natin sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga tao sa unang kategorya, ang mga hindi mananampalataya. Ngayon, talakayin natin yaong nasa pangalawang kategorya, ang iba-ibang taong may pananampalataya. “Ang siklo ng buhay at kamatayan ng iba-ibang taong may pananampalataya” ay isa pang napakahalagang paksa, at kailangang-kailangan ninyong magkaroon ng ilang pagkaunawa tungkol dito. Una, pag-usapan natin kung aling mga pananampalataya ang tinutukoy ng “pananampalataya” sa “mga taong may pananampalataya”: ang limang pangunahing relihiyon na Hudaismo, Kristiyanismo, Katoliko, Islam, at Budismo. Dagdag pa sa mga hindi mananampalataya, ang mga taong naniniwala sa limang relihiyong ito ang sumasakop sa malaking bahagi ng populasyon ng mundo. Sa limang relihiyong ito, kakaunti yaong mga nagawa nang propesyon ang kanilang pananampalataya, subalit maraming kapanalig ang mga relihiyong ito. Pupunta sila sa ibang lugar pagkamatay nila. “Iba” kaysa kanino? Kaysa sa mga hindi mananampalataya—sa mga taong walang pananampalataya—na pinag-uusapan pa lamang natin. Pagkamatay nila, napupunta sa ibang lugar ang mga naniniwala sa limang relihiyong ito, isang lugar na iba kaysa sa mga hindi mananampalataya. Gayunman, pareho pa rin ang proseso; hahatulan din sila ng espirituwal na mundo batay sa lahat ng kanilang ginawa bago sila namatay, pagkatapos ay ipoproseso sila ayon dito. Gayunman, bakit ipinadadala ang mga taong ito sa ibang lokasyon para iproseso? May isang mahalagang dahilan para dito. Ano iyon? Ipaliliwanag Ko iyon sa inyo sa isang halimbawa. Gayunman, bago Ko gawin iyon, iniisip ninyo siguro sa inyong sarili: “Siguro dahil kakatiting ang paniniwala nila sa Diyos! Hindi sila ganap na mga hindi mananampalataya.” Gayunman, hindi ito ang dahilan. May napakahalagang dahilan kaya sila hinihiwalay sa iba.
Ipaghalimbawa natin ang Budismo. Sasabihin Ko sa inyo ang isang katotohanan. Ang isang Budista, una, ay isang taong umanib sa Budismo, at ito ay isang taong nakakaalam kung ano ang kanilang paniniwala. Kapag ginupit ng mga Budista ang kanilang buhok at naging mga monghe o madre, nangangahulugan ito na naihiwalay nila ang kanilang sarili mula sa sekular na mundo, at nilisan ang ingay ng mundo ng tao. Araw-araw, binibigkas nila ang mga sutra at inaawit ang mga pangalan ni Buddha, hindi sila kumakain ng karne, matipid silang mamuhay, at pinalilipas nila ang kanilang mga araw na ang kasama lamang ay ang malamig at banayad na ilaw ng gasera. Ginugugol nila ang kanilang buong buhay nang ganito. Kapag nagwakas ang pisikal na buhay ng isang Budista, gagawa sila ng isang buod ng kanilang buhay, ngunit sa kanilang puso ay hindi nila malalaman kung saan sila pupunta pagkatapos nilang mamatay, sino ang kanilang makikilala, o ano ang kahihinatnan nila: Sa kanilang kaibuturan, hindi sila magkakaroon ng malinaw na ideya tungkol sa gayong mga bagay. Wala na silang ibang magagawa kundi pikit-matang dalhin ang isang uri ng pananampalataya sa buong buhay nila, pagkatapos ay lilisan sila mula sa mundo ng tao kasama ang kanilang bulag na mga pag-asam at pangarap. Gayon ang pagtatapos ng pisikal na buhay ng isang Budista, kung kailan nililisan nila ang mundo ng mga buhay; pagkatapos noon, bumabalik sila sa orihinal nilang lugar sa espirituwal na mundo. Magkaroon mang muli ng katawan ang taong ito para bumalik sa lupa at magpatuloy sa kanilang sariling paglilinang ay nakasalalay sa kanilang pag-uugali at gawi bago pa sila namatay. Kung wala silang ginawang mali noong nabubuhay sila, agad silang magkakaroong muli ng katawan at ibabalik na muli sa lupa, kung saan ang taong ito ay minsan pang magiging monghe o madre. Ibig sabihin, nagsasagawa sila ng paglilinang sa sarili sa panahon ng kanilang pisikal na buhay ayon sa kung paano nila isinagawa ang paglilinang sa sarili sa unang pagkakataon, at pagkatapos ay babalik sa espirituwal na dako kapag natapos na ang kanilang pisikal na buhay, kung saan sila ay susuriin. Pagkatapos noon, kung walang natagpuang mga problema, maaari silang minsan pang bumalik sa mundo ng tao at muling umanib sa Budismo, sa gayon ay maipagpatuloy nila ang kanilang pagsasagawa. Pagkatapos nilang magkaroong muli ng katawan nang tatlo hanggang pitong beses, minsan pa silang babalik sa espirituwal na mundo, kung saan sila pupunta kapag natapos na ang bawat pisikal na buhay nila. Kung ang kanilang iba-ibang katangian at ugali sa mundo ng tao ay naging kaayon ng makalangit na mga utos ng espirituwal na mundo, mula sa puntong ito, mananatili sila roon; hindi na sila magkakaroong muli ng katawan bilang tao, ni hindi sila manganganib na maparusahan dahil sa paggawa ng masama sa lupa. Hindi na nila kailangang pagdaanang muli ang prosesong ito kailanman. Sa halip, batay sa kanilang sitwasyon, gaganap sila sa isang katungkulan sa espirituwal na dako. Ito ang tinatawag ng mga Budista na “pagtatamo ng kaliwanagan bilang isang Buddha.” Ang pagtatamo ng kaliwanagan bilang isang Buddha ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng kaganapan bilang isang opisyal ng espirituwal na mundo at, pagkatapos noon, hindi na siya magkakaroong muli ng katawan o manganganib na maparusahan. Bukod pa riyan, nangangahulugan ito na hindi na siya daranas ng mga pagdurusa ng pagiging tao pagkatapos na magkaroong muli ng katawan. Kaya, posible pa bang magkaroon silang muli ng katawan bilang hayop? (Hindi.) Nangangahulugan ito na mananatili sila upang gumanap sa isang papel sa espirituwal na mundo at hindi na sila magkakaroong muli ng katawan. Isang halimbawa ito ng pagtatamo ng kaganapan ng kaliwanagan bilang isang Buddha sa Budismo. Para naman sa mga hindi nagtatamo ng kaganapan, pagbalik nila sa espirituwal na mundo, napapailalim sila sa pagsusuri at pagpapatunay ng kaukulang opisyal, na matutuklasan na noong nabubuhay pa, hindi nila masigasig na nilinang ang kanilang sarili o naging matapat sa pagbigkas ng mga sutra at pag-awit ng mga pangalan ni Buddha ayon sa iniuutos ng Budismo, at sa halip ay nakagawa sila ng maraming kasamaan at maraming ginawang masama. Pagkatapos, sa espirituwal na mundo, isang paghatol ang ginagawa tungkol sa kanilang masasamang gawain, at kasunod noon, tiyak na parurusahan sila. Dito, walang mga eksepsyon. Sa gayon, kailan magtatamo ng kaganapan ang gayong tao? Sa isang panahon ng buhay na hindi sila gumagawa ng masama—kung kailan, matapos bumalik sa espirituwal na mundo, nakita na wala silang ginawang mali bago sila namatay. Pagkatapos ay patuloy silang magkakaroong muli ng katawan, patuloy nilang bibigkasin ang mga sutra at aawitin ang mga pangalan ni Buddha, palilipasin ang kanilang mga araw sa malamig at banayad na liwanag ng gasera, iiwasang pumatay ng anumang bagay na may buhay o kumain ng anumang karne. Hindi sila nakikibahagi sa mundo ng tao, na tinatalikuran nang husto ang mga kaguluhan dito at hindi nakikipagtalo sa iba. Sa prosesong ito, kung wala silang nagawang masama, matapos silang bumalik sa espirituwal na mundo at nasuri na ang lahat ng kanilang kilos at ugali, minsan pa silang ipadadala sa dako ng tao, sa isang siklong nagpapatuloy nang tatlo hanggang pitong beses. Kung walang ginawang masamang asal sa panahong ito, mananatiling hindi apektado ang pagtatamo nila ng kaliwanagan bilang isang Buddha, at hindi maaantala. Ito ay isang katangian ng siklo ng buhay at kamatayan ng lahat ng taong may pananampalataya: Nagagawa nilang “magtamo ng kaganapan,” at gumanap sa isang katungkulan sa espirituwal na mundo; ito ang dahilan kaya sila naiiba sa mga hindi mananampalataya. Una, habang nabubuhay pa sila sa mundo, paano kumikilos yaong mga nagkakaroon ng katungkulan sa espirituwal na mundo? Kailangan nilang tiyakin na hindi man lamang sila makagawa ng anumang kasamaan: Hindi sila dapat pumatay, manunog, manggahasa, o magnakaw; kung sila ay gumagawa ng panloloko, panlilinlang, pagnanakaw, o panloloob, hindi sila magtatamo ng kaganapan. Sa madaling salita, kung mayroon silang anumang koneksyon o kaugnayan sa anumang masamang gawain, hindi nila matatakasan ang kaparusahang ipapataw sa kanila ng espirituwal na mundo. Ang espirituwal na mundo ay gumagawa ng angkop na mga plano para sa mga Budista na nagtatamo ng kaliwanagan bilang isang Buddha: Maaari silang italagang mangasiwa sa mga yaon na mukhang naniniwala sa Budismo, at sa Matandang Lalaki sa Langit—maaari silang bigyan ng awtoridad. Maaari din silang pamahalain sa mga hindi mananampalataya o magkaroon ng katungkulan sa napakaliliit na tungkulin. Ang gayong pagbibigay ng awtoridad ay nangyayari ayon sa iba-ibang likas na katangian ng kanilang kaluluwa. Ito ay isang halimbawa ng Budismo.
Sa limang relihiyon na ating napag-usapan, ang Kristiyanismo ang medyo espesyal. Ano ang espesyal sa mga Kristiyano? Sila ang mga taong naniniwala sa tunay na Diyos. Paano maililista rito ang mga naniniwala sa tunay na Diyos? Sa pagsasabi na ang Kristiyanismo ay isang klase ng pananampalataya, walang dudang may kinalaman lamang ito sa pananampalataya; magiging isang uri lamang ito ng seremonya, isang uri ng relihiyon, at isang bagay na lubos na naiiba sa pananampalataya ng mga tunay na sumusunod sa Diyos. Kaya Ko nailista ang Kristiyanismo sa limang pangunahing relihiyon ay dahil ibinaba na ito sa antas na kapareho ng Hudaismo, Budismo, at Islam. Karamihan sa mga tao rito ay hindi naniniwala na may isang Diyos, o na Siya ang namumuno sa lahat ng bagay; lalong hindi sila naniniwala sa Kanyang pag-iral. Sa halip, ginagamit lamang nila ang mga Kasulatan upang talakayin ang teolohiya at gamitin ang teolohiya upang ituro sa mga tao na maging mabait, magtiis ng pagdurusa, at gumawa ng mabubuting bagay. Ganyan ang klaseng nakahinatnan ng relihiyong Kristiyanismo: Nakatuon lamang ito sa mga teolohikal na teorya, na walang anumang kaugnayan sa gawain ng Diyos sa pamamahala at pagliligtas sa tao. Ito na ang naging relihiyon ng mga taong sumusunod sa Diyos ngunit hindi talaga kinikilala ng Diyos. Gayunman, may prinsipyo rin ang Diyos sa Kanyang pakikitungo sa gayong mga tao. Hindi Niya sila basta-basta hinaharap o pinakikitunguhan kung kailan Niya gusto tulad ng Kanyang ginagawa sa mga hindi mananampalataya. Tinatrato Niya sila sa parehong paraan ng pagtrato Niya sa mga Budista: Kung, habang nabubuhay, makakayang disiplinahin ng isang Kristiyano ang kanyang sarili, mahigpit na susundin ang Sampung Utos at hihigpitan ang sarili nilang pag-uugali alinsunod sa mga batas at kautusan, at maninindigan sa mga ito sa buong buhay nila, kailangan din nilang gumugol ng parehong haba ng panahon sa pagdaan sa mga siklo ng buhay at kamatayan bago sila tunay na magtamo ng tinatawag na “pagdadala.” Pagkatapos makamit ang pagdadalang ito, mananatili sila sa espirituwal na mundo, kung saan gaganap sila sa isang katungkulan at magiging isa sa mga opisyal doon. Gayundin, kung nakagawa sila ng kasamaan sa lupa—kung napakamakasalanan nila at nakakagawa sila ng napakaraming kasalanan—hindi nila maiiwasang maparusahan at madisiplina sa iba-ibang kasidhian. Sa Budismo, ang pagtatamo ng kaganapan ay nangangahulugan ng pagpasok sa Dalisay na Lupain ng Sukdulang Kaligayahan, ngunit ano ang tawag nila roon sa Kristiyanismo? Tinatawag itong “pagpasok sa langit” at pagiging “nadala.” Yaong mga tunay na nadala ay nagdaraan din sa siklo ng buhay at kamatayan nang tatlo hanggang pitong beses, pagkatapos noon, pagkamatay nila, dumarating sila sa espirituwal na mundo, na para bang nakatulog sila. Kung papasa sila sa pamantayan, maaari silang manatili roon upang gumanap sa isang katungkulan at, hindi kagaya ng mga tao sa lupa, hindi sila magkakaroong muli ng katawan sa isang simpleng paraan o ayon sa nakagawian.
Sa lahat ng relihiyong ito, ang katapusang sinasabi at pinagsusumikapan nila ay kapareho ng pagtatamo ng kaganapan sa Budismo; kaya lamang ay nakakamit itong “kaganapan” sa iba’t ibang kaparaanan. Pare-pareho lamang silang lahat. Para sa bahaging ito ng mga kapanalig ng mga relihiyong ito, na mahigpit na nakakasunod sa mga relihiyosong tuntunin sa kanilang pag-uugali, nagbibigay ang Diyos ng isang angkop na patutunguhan, isang angkop na lugar na pupuntahan, at pinangangasiwaan sila nang angkop. Lahat ng ito ay makatwiran, ngunit hindi ito katulad ng iniisip ng mga tao. Ngayon, nang marinig ninyo kung ano ang nangyayari sa mga tao sa Kristiyanismo, ano ang pakiramdam ninyo? Pakiramdam ba ninyo hindi makatarungan ang nangyayari sa kanila? Nakikisimpatiya ba kayo sa kanila? (Kaunti.) Wala nang magagawa pa; sarili lamang nila ang kanilang masisisi. Bakit Ko sinasabi ito? Ang gawain ng Diyos ay totoo; Siya ay buhay at totoo, at ang Kanyang gawain ay nakatuon sa buong sangkatauhan at sa bawat indibiduwal. Kung gayon, bakit hindi nila ito tinatanggap? Bakit nila parang hibang na nilalabanan at inuusig ang Diyos? Dapat nilang isipin na masuwerte sila dahil ganito ang kanilang kinalabasan, kaya bakit kayo naaawa sa kanila? Ang matrato sila sa ganitong paraan ay nagpapakita ng malaking pagpaparaya. Batay sa lawak ng kanilang paglaban sa Diyos, dapat silang lipulin, subalit hindi ito ginagawa ng Diyos; sa halip ay tinatanggap lamang Niya ang Kristiyanismo tulad ng anumang ordinaryong relihiyon. Sa gayon, kailangan pa bang magdetalye tungkol sa iba pang mga relihiyon? Ang kakaibang paniniwala ng lahat ng relihiyong ito ay para magdanas ang mga tao ng mas maraming hirap, huwag gumawa ng masama, gumawa ng mabuti, huwag murahin ang iba, huwag husgahan kaagad ang iba, ilayo ang kanilang sarili sa mga pagtatalo, maging mabubuting tao—ganito ang karamihan sa mga relihiyosong turo. Samakatuwid, kung nagagawa ng mga taong ito na may pananampalataya—ng mga kapanalig na ito ng iba-ibang relihiyon at denominasyon—na mahigpit na sumunod sa kanilang mga relihiyosong tuntunin, hindi sila makakagawa ng malalaking pagkakamali o kasalanan sa panahong sila ay nasa lupa; at, matapos magkaroong muli ng katawan nang tatlo hanggang pitong beses, ang mga taong ito—yaong mga nagagawang sumunod sa mga relihiyosong tuntunin—kung tutuusin, ay mananatiling gumaganap sa isang katungkulan sa espirituwal na mundo. Marami bang gayong mga tao? (Wala, kakaunti lamang.) Saan mo ibinabatay ang sagot mo? Hindi madaling gumawa ng mabuti at sumunod sa relihiyosong mga panuntunan at batas. Hindi pinapayagan ng Budismo ang mga tao na kumain ng karne—kaya mo bang gawin iyon? Kung kailanganin mong isuot ang mga abuhing kasuotan at bigkasin ang mga sutra at awitin ang mga pangalan ni Buddha sa isang templo ng mga Budista sa buong maghapon, kaya mo bang gawin iyon? Hindi ito magiging madali. Ang Kristiyanismo ay may Sampung Utos, ang mga kautusan at batas; madali bang sundin ang mga ito? Hindi madali, hindi ba? Ipaghalimbawa natin ang huwag murahin ang iba: Wala talagang kakayahan ang mga tao na sumunod sa panuntunang ito. Hindi mapigilan ang kanilang sarili, nagmumura sila—at pagkatapos magmura, hindi na nila mabawi ang mga salitang iyon, kaya ano ang ginagawa nila? Sa gabi, ikinukumpisal nila ang kanilang mga kasalanan. Kung minsan pagkatapos nilang murahin ang iba, may pagkamuhi pa rin sa puso nila, at nagpaplano pa sila kung kailan pa nila masasaktang muli ang mga taong iyon. Sa madaling salita, para sa mga nabubuhay sa gitna ng patay na doktrinang ito, hindi madaling umiwas na magkasala o gumawa ng masama. Samakatuwid, sa bawat relihiyon, iilang tao lamang ang nagagawa talagang magtamo ng kaganapan. Ipinapalagay mo ba na dahil napakaraming taong sumusunod sa mga relihiyong ito, marami ang magagawang manatili sa pagganap sa isang tungkulin sa espirituwal na dako? Hindi sila ganoon karami; iilan lamang ang talagang nagagawang magtamo nito. Iyan na ang lahat para sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga taong may pananampalataya. Ang ipinagkaiba nila ay na maaari silang magtamo ng kaganapan, at ito ang ipinagkaiba nila sa mga hindi mananampalataya.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 192
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Alagad ng Diyos (Mga piling sipi)
Sumunod, pag-usapan natin ang siklo ng buhay at kamatayan ng mga sumusunod sa Diyos. May kaugnayan ito sa inyo, kaya makinig kayo: Una, pag-isipan kung paano makakategorya ang mga alagad ng Diyos. (Ang mga hinirang ng Diyos, at ang mga tagasilbi.) Mayroon nga palang dalawa: Ang mga hinirang ng Diyos, at ang mga tagasilbi. Una, pag-usapan natin ang mga hinirang ng Diyos, na iilan lamang. Sino ang tinutukoy na “mga hinirang ng Diyos”? Matapos likhain ng Diyos ang lahat ng bagay at umiral ang sangkatauhan, pumili ang Diyos ng isang grupo ng mga tao na susunod sa Kanya; tinatawag lamang silang “hinirang ng Diyos.” May espesyal na saklaw at kabuluhan sa pagpili ng Diyos sa mga taong ito. Ang saklaw ay espesyal dahil limitado ito sa iilang pinili, na kailangang pumarito kapag gumagawa Siya ng mahalagang gawain. At ano ang kabuluhan nito? Dahil sila ay isang grupong pinili ng Diyos, malaki ang kabuluhan. Ibig sabihin, nais ng Diyos na gawing ganap ang mga taong ito, at gawin silang perpekto, at kapag natapos na ang Kanyang gawain ng pamamahala, matatamo Niya ang mga taong ito. Hindi ba malaki ang kabuluhang ito? Sa gayon, ang mga hinirang na ito ay malaki ang kahalagahan sa Diyos, sapagkat sila yaong mga layon ng Diyos na matamo. Tungkol naman sa mga tagasilbi, magpahinga muna tayo sandali mula sa paksang pagtatalaga ng Diyos, at pag-usapan muna natin ang mga pinagmulan nila. Ang literal na kahulugan ng “tagasilbi” ay isang taong nagsisilbi. Yaong mga nagsisilbi ay pansamantala; hindi sila pangmatagalan o pangwalang-hanggan, kundi inupahan o kinalap nang pansamantala. Ang pinagmulan ng karamihan sa kanila ay na sila ay pinili mula sa mga hindi mananampalataya. Pumarito sila sa lupa noong iutos na gaganap sila sa papel ng mga tagasilbi sa gawain ng Diyos. Maaaring naging mga hayop sila sa nakaraan nilang buhay, ngunit maaari din silang naging mga hindi mananampalataya. Gayon ang mga pinagmulan ng mga tagasilbi.
Magbalik tayo sa mga taong hinirang ng Diyos. Kapag sila ay namatay, nagpupunta sila sa isang lugar na ganap na iba ang lokasyon kaysa kinaroroonan ng mga hindi mananampalataya at ng iba-ibang taong may pananampalataya. Ito ay isang lugar kung saan ay sinasamahan sila ng mga anghel at ng mga sugo ng Diyos; ito ay isang lugar na personal na pinangangasiwaan ng Diyos. Kahit hindi namamasdan ng mga taong hinirang ng Diyos sa kanilang sariling mga mata ang Diyos sa lugar na ito, hindi ito kagaya ng anumang iba pang lugar sa espirituwal na dako; ibang lokasyon ito, kung saan pupunta ang bahaging ito ng mga tao pagkamatay nila. Kapag namatay sila, ipapailalim din sila sa isang mahigpit na pagsisiyasat ng mga sugo ng Diyos. At ano ang sinisiyasat? Sinisiyasat ng mga sugo ng Diyos ang mga landas na natahak ng mga taong ito sa buong buhay nila sa kanilang paniniwala sa Diyos, nilabanan man nila ang Diyos o hindi o isinumpa Siya noon, at nakagawa man sila o hindi ng mabibigat na kasalanan o kasamaan. Sasagutin ng pagsisiyasat na ito ang tanong kung papayagang manatili ang isang partikular na tao o kailangang paalisin. Ano ang kahulugan ng “paalisin”? At ano ang kahulugan ng “manatili”? Ang ibig sabihin ng “paalisin” ay kung, batay sa kanilang pag-uugali, sila ay mananatili sa mga ranggo ng mga hinirang ng Diyos; ang ibig sabihin ng mapayagang “manatili” ay na maaari silang manatiling kasama ng mga taong gagawing ganap ng Diyos sa mga huling araw. Para sa mga mananatili, may espesyal na mga plano ang Diyos. Sa bawat panahon ng Kanyang gawain, isusugo ng Diyos ang gayong mga tao upang gumanap bilang mga apostol o isagawa ang gawaing muling buhayin o pangalagaan ang mga iglesia. Gayunman, ang mga taong may kakayahang gawin iyon ay hindi nagkakaroong muli ng katawan na kasindalas ng mga hindi mananampalataya, na isinisilang na muli sa paglipas ng mga henerasyon; sa halip, ibinabalik sila sa lupa alinsunod sa mga kinakailangan at hakbang ng gawain ng Diyos, at hindi sila madalas na nagkakaroong muli ng katawan. Kaya mayroon bang anumang mga panuntunan kapag sila ay nagkakaroong muli ng katawan? Dumarating ba sila nang minsan kada ilang taon? Dumarating ba sila nang gayon kadalas? Hindi. Batay itong lahat sa gawain ng Diyos, sa mga hakbang nito at sa Kanyang mga pangangailangan, at walang nakatakdang mga panuntunan. Ang tanging panuntunan ay na kapag ginagawa ng Diyos ang huling yugto ng Kanyang gawain sa mga huling araw, ang mga taong hinirang na ito ay magdaratingang lahat, at ang pagdating na ito ang kanilang magiging huling pagkakaroong muli ng katawan. At bakit ganoon? Batay ito sa kailangang makamit na kahihinatnan sa panahon ng huling yugto ng gawain ng Diyos—sapagkat sa panahong ito ng huling yugto ng gawain, gagawing ganap ng Diyos ang lahat ng taong hinirang na ito. Ano ang ibig sabihin nito? Kung, sa huling bahaging ito, ginagawang ganap at perpekto ang mga taong ito, hindi sila magkakaroong muli ng katawan na tulad ng dati; ang proseso ng pagiging tao ay lubos nang matatapos, gayundin ang proseso ng pagkakaroon nilang muli ng katawan. May kaugnayan ito roon sa mga mananatili. Kaya saan mapupunta yaong mga hindi maaaring manatili? Yaong mga hindi pinapayagang manatili ay mayroong sarili nilang angkop na patutunguhan. Una sa lahat, dahil sa kanilang masasamang gawain, mga pagkakamaling nagawa nila, at mga kasalanang nagawa nila, sila man ay parurusahan. Kapag naparusahan na sila, gagawa ng mga plano ang Diyos para ipadala sila sa mga hindi mananampalataya kung nababagay sa sitwasyon, o kaya naman ay nagpaplanong mapunta sila sa iba-ibang taong may pananampalataya. Ibig sabihin, mayroong dalawang posibleng kahihinatnan para sa kanila: Ang isa ay ang maparusahan at marahil ay mamuhay sa piling ng mga tao ng isang relihiyon matapos silang magkaroong muli ng katawan, at ang isa pa ay ang maging mga hindi mananampalataya. Kung sila ay maging mga hindi mananampalataya, mawawala sa kanila ang lahat ng pagkakataon; gayunman, kung sila ay magiging mga taong may pananampalataya—kung sila, halimbawa, ay naging mga Kristiyano—magkakaroon pa rin sila ng pagkakataong magbalik sa mga ranggo ng mga taong hinirang ng Diyos; may napakakumplikadong mga relasyon dito. Sa madaling salita, kung may nagawang isang bagay ang isa sa mga taong hinirang ng Diyos na nakasakit sa Diyos, parurusahan sila na kagaya ng lahat ng iba pa. Ipaghalimbawa natin si Pablo, na nauna nating pinag-usapan. Si Pablo ay isang halimbawa ng isang taong pinarusahan. May nakukuha ba kayong ideya tungkol sa Aking sinasabi? Permanente ba ang saklaw ng mga hinirang ng Diyos? (Oo, karamihan.) Karamihan dito ay permanente, ngunit may kaunting bahagi rito na hindi permanente. Bakit ganoon? Dito ay tinukoy Ko na ang pinakamalinaw na dahilan: paggawa ng masama. Kapag ang mga tao ay nakagawa ng kasamaan, ayaw sa kanila ng Diyos, at kapag ayaw sa kanila ng Diyos, itinatapon Niya sila sa iba-ibang lahi at uri ng mga tao. Iniiwan sila nito na walang pag-asa at nagiging mahirap para sa kanila ang makabalik. Lahat ng ito ay may kaugnayan sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga hinirang ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 193
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Alagad ng Diyos (Mga piling sipi)
Ang sumunod na paksang ito ay nauugnay sa siklo ng buhay at kamatayan ng mga tagasilbi. Katatalakay pa lamang natin sa mga pinagmulan ng mga tagasilbi; ibig sabihin, ang katotohanan na nagkaroon silang muli ng katawan pagkatapos maging mga hindi mananampalataya at mga hayop sa nauna nilang buhay. Sa pagdating ng huling yugto ng gawain, pumili na ang Diyos ng isang grupo ng gayong mga tao mula sa mga hindi mananampalataya, at ang grupong ito ay espesyal. Ang layunin ng Diyos sa pagpili sa mga taong ito ay para magsilbi sila sa Kanyang gawain. Ang “pagsisilbi” ay isang salitang di-gaanong magandang pakinggan, ni hindi ito naaayon sa mga naisin ng lahat, ngunit dapat nating tingnan kung kanino ito nakatuon. Ang pag-iral ng mga tagasilbi ng Diyos ay may espesyal na kabuluhan. Wala nang iba pang maaaring gumanap sa kanilang papel, sapagkat pinili sila ng Diyos. At ano ang papel ng mga tagasilbing ito? Iyon ay para magsilbi sa mga hinirang ng Diyos. Kadalasan, ang papel nila ay magsilbi sa gawain ng Diyos, makipagtulungan dito, at tumulong sa Diyos sa paggawang ganap ng Kanyang mga hinirang. Nagtratrabaho man sila, nagsasagawa ng isang aspeto ng gawain, o gumaganap sa ilang tungkulin, ano ang kinakailangan ng Diyos sa mga tagasilbing ito? Mapaghanap ba Siyang masyado sa mga kinakailangan Niya sa kanila? (Hindi, hinihiling lamang Niya na maging tapat sila.) Ang mga tagasilbi ay kailangan ding maging tapat. Ano man ang iyong mga pinagmulan o bakit pinili ka ng Diyos, kailangan mong maging tapat sa Diyos, sa anumang mga tagubiling ipinagkakatiwala sa iyo ng Diyos, at sa gawaing responsibilidad mo at sa mga tungkuling ginagampanan mo. Para sa mga tagasilbing may kakayahang maging tapat at magpalugod sa Diyos, ano ang kanilang kahihinatnan? Magagawa nilang manatili. Isang pagpapala ba ang maging isang tagasilbi na nananatili? Ano ang kahulugan ng manatili? Ano ang kabuluhan ng pagpapalang ito? Sa katayuan, parang hindi sila kagaya ng mga hinirang ng Diyos; parang iba sila. Ngunit sa katunayan, hindi ba kagaya ng sa mga hinirang ng Diyos ang tinatamasa nila sa buhay na ito? Kahit paano, magkapareho iyon sa buhay na ito. Hindi ninyo ito ikinakaila, hindi ba? Mga pagbigkas ng Diyos, biyaya ng Diyos, panustos ng Diyos, mga pagpapala ng Diyos—sino ang hindi nagtatamasa ng mga bagay na ito? Lahat ay nagtatamasa ng gayong kasaganaan. Ang identidad ng isang tagasilbi ay isang taong nagsisilbi, ngunit para sa Diyos, isa lamang sila sa lahat ng bagay na Kanyang nilikha; kaya lamang ang papel nila ay tagasilbi. Dahil kapwa sila mga nilalang ng Diyos, may pagkakaiba ba sa pagitan ng isang tagasilbi at ng isa sa mga hinirang ng Diyos? Sa totoo lang, wala. Kung tutuusin, may pagkakaiba; sa diwa at sa papel na ginagampanan nila, may pagkakaiba—ngunit patas ang pagtrato ng Diyos sa grupo ng mga taong ito. Kaya bakit inilalarawan ang mga taong ito bilang mga tagasilbi? Kailangan ninyong magkaroon ng kaunting pagkaunawa rito! Ang mga tagasilbi ay nagmumula sa mga hindi mananampalataya. Kapag binanggit natin na sila ay nagmumula sa mga hindi mananampalataya, malinaw na iisa ang masamang pinagmulan nila: Mga ateista silang lahat, at ganoon din sila noong araw; hindi sila naniwala sa Diyos, at galit sila sa Kanya, sa katotohanan, at sa lahat ng positibong bagay. Hindi sila naniwala sa Diyos o sa Kanyang pag-iral. Sa gayon, kaya ba nilang unawain ang mga salita ng Diyos? Makatarungang sabihin na kahit paano, hindi. Tulad lamang ng mga hayop na hindi kayang unawain ang mga salita ng tao, hindi nauunawaan ng mga tagasilbi ang sinasabi ng Diyos, ang Kanyang kinakailangan, o bakit Niya hinihingi ang gayong mga bagay. Hindi nila nauunawaan; hindi nila maintindihan ang mga bagay na ito, at nananatili silang nalalabuan. Dahil dito, hindi taglay ng mga taong ito ang buhay na ating napag-usapan. Kung walang buhay, mauunawaan ba ng mga tao ang katotohanan? Nasasangkapan ba sila ng katotohanan? May karanasan at kaalaman ba sila tungkol sa mga salita ng Diyos? (Wala.) Gayon ang mga pinagmulan ng mga tagasilbi. Gayunman, yamang ginagawa ng Diyos na mga tagasilbi ang mga taong ito, may mga pamantayan pa rin sa Kanyang mga ipinagagawa sa kanila; hindi Niya sila hinahamak, ni hindi Siya padalus-dalos sa kanila. Bagama’t hindi nila naiintindihan ang Kanyang mga salita at wala silang buhay, mabait pa rin ang Diyos sa kanila, at mayroon pa ring mga pamantayan pagdating sa Kanyang mga kinakailangan sa kanila. Kababanggit pa lamang ninyo sa mga pamantayang ito: Maging tapat sa Diyos at gawin ang Kanyang sinasabi. Sa iyong pagsisilbi, kailangan mong magsilbi kung saan kailangan, at kailangan mong magsilbi hanggang sa pinakahuli. Kung kaya mong maging tapat na tagasilbi, kung kaya mong magsilbi hanggang sa pinakahuli at kaya mong tuparin ang tagubiling ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos, magiging makatuturan ang buhay mo. Kung kaya mong gawin ito, magagawa mong manatili. Kung magsisikap ka pa nang kaunti, kung higit kang magsusumikap, kung madodoble mo ang iyong mga pagpupunyaging makilala ang Diyos, kung makapagsasalita ka nang kaunti tungkol sa pagkilala sa Diyos, kung makapagpapatotoo ka sa Kanya, at, bukod pa riyan, kung mauunawaan mo nang kaunti ang Kanyang kalooban, kung kaya mong makipagtulungan sa gawain ng Diyos, at kaya mong isaisip nang kaunti ang mga layon ng Diyos, bilang isang tagasilbi, magbabago ang iyong kapalaran. At ano ang magiging pagbabagong ito sa kapalaran? Hindi ka na basta mananatili lamang. Depende sa iyong kilos at iyong personal na mga mithiin at hangarin, gagawin ka ng Diyos na isa sa mga hinirang. Ito ang magiging pagbabago sa iyong kapalaran. Para sa mga tagasilbi, ano ang pinakamabuting bagay tungkol dito? Iyon ay na maaari silang maging hinirang ng Diyos. Kung maging gayon sila, ibig sabihin ay hindi na sila magkakaroong muli ng katawan bilang mga hayop na tulad ng mga hindi mananampalataya. Mabuti ba iyon? Oo, at magandang balita rin iyon: Ibig sabihin, maaaring hubugin ang mga tagasilbi. Hindi totoo na para sa isang tagasilbi, kapag naitalaga na ng Diyos na magsilbi sila, gagawin nila iyon magpakailanman; hindi naman kailangang magkaganoon. Pamamahalaan at tutugunan sila ng Diyos sa isang paraan na akma sa indibiduwal na kilos ng taong ito.
Gayunman, may mga tagasilbi na hindi nagagawang magsilbi hanggang sa pinakahuli; mayroong mga sumusuko, sa kanilang pagsisilbi, sa kalagitnaan at tumatalikod sa Diyos, at may mga tao ring nakakagawa ng maraming pagkakamali. Mayroon pa ngang mga nagsasanhi ng matinding pinsala at nagdudulot ng malalaking kawalan sa gawain ng Diyos, at may mga tagasilbi pa nga na isinusumpa ang Diyos at iba pa. Ano ang ipinahihiwatig ng mga bungang ito na wala nang remedyo? Anumang gayong masasamang kilos ay magpapahiwatig ng pagtatapos ng kanilang pagsisilbi. Dahil ang iyong kilos sa iyong pagsisilbi ay lubhang hindi naging maganda at dahil nagmalabis ka na, kapag nakita ng Diyos na hindi tumutugon sa pamantayan ang iyong pagsisilbi, tatanggalan ka Niya ng iyong karapatang magsilbi. Hindi ka na Niya tutulutang magsilbi; paaalisin ka Niya mula sa Kanyang harapan mismo at mula sa tahanan ng Diyos. Ayaw mo ba talagang magsilbi? Hindi mo ba palaging gustong gumawa ng masama? Hindi ka ba palaging hindi tapat? Kung gayon, may isang madaling solusyon: Tatanggalan ka ng iyong karapatang magsilbi. Para sa Diyos, ang tanggalan ng karapatang magsilbi ang isang tagasilbi ay nangangahulugan na naipahayag na ang katapusan ng tagasilbing ito, at hindi na sila magiging karapat-dapat na magsilbi sa Diyos. Hindi na kakailanganin pa ng Diyos ang pagsisilbi ng taong ito, at anumang magagandang bagay ang sabihin nila, mawawalan ng kabuluhan ang mga salitang iyon. Kapag nakarating sa puntong ito ang mga bagay-bagay, nawalan na ng remedyo ang sitwasyon; wala nang paraan ang mga tagasilbing kagaya nito para makabalik. At paano pinakikitunguhan ng Diyos ang mga tagasilbing katulad nito? Basta na lamang ba Niya sila pinatitigil sa pagsisilbi? Hindi. Basta na lamang ba Niya sila pinipigilang manatili? O, isinasantabi ba Niya sila sa isang sulok at hinihintay na pumihit sila? Hindi. Hindi talaga gaanong mapagmahal ang Diyos pagdating sa mga tagasilbi. Kung ganito ang pag-uugali ng isang tao sa kanilang pagsisilbi sa Diyos, ang Diyos, dahil sa pag-uugaling ito, ay tatanggalan sila ng kanilang karapatang magsilbi, at minsan pa silang itatapon pabalik sa mga hindi mananampalataya. At ano ang kapalaran ng isang tagasilbi na itinapon na pabalik sa mga hindi mananampalataya? Kapareho ng sa mga hindi mananampalataya: Magkakaroon silang muli ng katawan bilang hayop at tatanggap ng kaparehong parusa bilang isang hindi mananampalataya sa espirituwal na mundo. Bukod pa riyan, hindi magkakaroon ng personal na interes ang Diyos sa kaparusahan ng taong ito, sapagkat wala nang anumang kaugnayan ang gayong tao sa gawain ng Diyos. Hindi lamang ito ang katapusan ng kanilang buhay sa pananampalataya sa Diyos, kundi katapusan din ng sarili nilang kapalaran, at pagpapahayag din ng kanilang kapalaran. Kaya, kung hindi maganda ang pagsisilbi ng mga tagasilbi, kakailanganin nilang tiisin ang mga bunga nang mag-isa. Kung ang isang tagasilbi ay hindi kayang magsilbi hanggang sa pinakahuli, o tinanggalan ng karapatan nilang magsilbi sa kalagitnaan, itatapon sila sa mga hindi mananampalataya—at kapag nangyari ito, pakikitunguhan ang taong ito na kapareho ng ginagawa sa mga alagaing hayop, kapareho ng mga taong walang isip o pagkamakatwiran. Kapag sinasabi Ko ito sa ganyang paraan, nauunawaan ninyo, hindi ba?
Ang nabanggit sa itaas ay kung paano pinamamahalaan ng Diyos ang siklo ng buhay at kamatayan ng Kanyang mga hinirang at ng mga tagasilbi. Matapos marinig ito, ano ang pakiramdam ninyo? Nabanggit Ko na ba ang paksang ito noon? Nabanggit Ko na ba ang paksa tungkol sa mga hinirang ng Diyos at mga tagasilbi? Nagawa Ko na talaga, ngunit hindi ninyo maalala. Ang Diyos ay matuwid sa mga taong Kanyang hinirang at sa mga tagasilbi. Sa lahat ng aspeto, Siya ay matuwid. May nakikita ba kayong anumang mali kahit saan dito? Wala bang mga taong magsasabing, “Bakit lubhang mapagparaya ang Diyos sa mga hinirang? At katiting lamang ang pagpipigil Niya sa mga tagasilbi?” Mayroon bang sinumang nais magtanggol sa mga tagasilbi? “Maaari kayang bigyan ng Diyos ng mas mahabang panahon ang mga tagasilbi, at mas magpigil at magparaya sa kanila?” Tama bang itanong iyon? (Hindi.) At bakit hindi? (Dahil napakitaan na talaga tayo ng pabor nang gawin tayong mga tagasilbi.) Napakitaan na ng pabor ang mga tagasilbi sa pagpapahintulot pa lamang sa kanila na magsilbi! Kung wala ang titulong “mga tagasilbi,” at kung wala ang gawaing ginagawa nila, saan mapupunta ang mga taong ito? Isasama sila sa mga hindi mananampalataya, na nabubuhay at namamatay na kasama ng mga alagaing hayop. Malalaking biyaya ang tinatamasa nila ngayon, nang pahintulutan silang humarap sa Diyos at pumunta sa tahanan ng Diyos! Napakalaking biyaya nito! Kung hindi ka binigyan ng Diyos ng pagkakataong magsilbi, hindi ka kailanman magkakaroon ng pagkakataong humarap sa Kanya. Kung tutuusin, kahit isa kang Budista at nagtamo ka na ng kaganapan, kadalasan, isa ka lamang utusan sa espirituwal na mundo; hindi mo makakaharap ang Diyos, maririnig ang Kanyang tinig o Kanyang mga salita, o madarama ang Kanyang pagmamahal at mga pagpapala kailanman, ni hindi mo Siya posibleng makaharap kailanman. Ang tanging mga bagay na kinakaharap ng mga Budista ay mga simpleng gawain. Hindi nila posibleng makilala ang Diyos, at sumusunod at tumatalima lamang sila, samantalang ang mga tagasilbi ay nagtatamo ng napakarami sa yugtong ito ng gawain! Una, nakakaharap nila ang Diyos, naririnig ang Kanyang tinig, naririnig ang Kanyang mga salita, at nararanasan ang mga biyaya at pagpapalang ipinagkakaloob Niya sa mga tao. Bukod pa riyan, nagagawa nilang tamasahin ang mga salita at katotohanang ipinagkaloob ng Diyos. Marami talagang natatamo ang mga tagasilbi! Kaya, kung, bilang isang tagasilbi, ni hindi ka man lamang makapagbigay ng tamang pagsisikap, mapapanatili ka pa rin ba ng Diyos? Hindi ka Niya mapapanatili. Wala Siyang gaanong hinihiling sa iyo, subalit wala kang ginagawang anuman na maayos Niyang hinihiling; hindi ka nakatupad sa iyong tungkulin. Sa gayon, walang duda, hindi ka mapapanatili ng Diyos. Ganyan ang matuwid na disposisyon ng Diyos. Hindi ka pinalalayaw ng Diyos, ngunit hindi rin Siya nagtatangi laban sa iyo. Iyan ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng pagkilos ng Diyos. Tinatrato ng Diyos ang lahat ng tao at nilalang sa ganitong paraan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 194
Ang Siklo ng Buhay at Kamatayan ng mga Alagad ng Diyos (Piling sipi)
Kung ang iba-ibang nilalang sa espirituwal na mundo ay may ginagawang mali o hindi nila ginagawa nang tama ang kanilang trabaho, mayroon ding nauukol na mga makalangit na utos at atas ang Diyos sa pakikitungo sa kanila; tiyak ito. Samakatuwid, sa loob ng ilang libong taon ng gawain ng pamamahala ng Diyos, ang ilang gumagawa ng tungkulin na nakagawa ng masama ay nalipol na, samantalang ang ilan—sa araw na ito mismo—ay nakakulong pa rin at pinarurusahan. Ito ang kailangang harapin ng bawat nilalang sa espirituwal na mundo. Kung gumawa sila ng mali o nakagawa ng kasamaan, pinarurusahan sila—at ganito rin ang pakikitungo ng Diyos sa Kanyang mga hinirang at sa mga tagasilbi. Sa gayon, kapwa sa espirituwal na mundo at sa materyal na mundo, hindi nagbabago ang mga prinsipyong pinagbabatayan ng pagkilos ng Diyos. Nakikita mo man o hindi ang mga kilos ng Diyos, hindi nagbabago ang mga prinsipyo ng mga ito. Sa kabuuan, pareho ang mga prinsipyo ng Diyos sa Kanyang pakikitungo sa lahat ng bagay at sa Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay. Hindi ito nababago. Magiging mabait ang Diyos sa mga hindi mananampalataya na namumuhay sa medyo tamang paraan, at maglalaan ng mga pagkakataon para sa mga nasa bawat relihiyon na maganda ang pag-uugali at hindi gumagawa ng masama, na tinutulutan silang gampanan ang kanilang tungkulin sa lahat ng bagay na pinamamahalaan ng Diyos at gawin yaong dapat nilang gawin. Gayundin, sa mga sumusunod sa Diyos, sa mga taong Kanyang hinirang, hindi nagtatangi ang Diyos laban sa sinumang tao ayon sa mga prinsipyo Niyang ito. Mabait Siya sa lahat ng tapat na sumusunod sa Kanya, at mahal Niya ang lahat ng tapat na sumusunod sa Kanya. Kaya lamang, para sa ilang uri ng mga taong ito—ang mga hindi mananampalataya, ang iba-ibang taong may pananampalataya, at ang mga hinirang ng Diyos—magkakaiba ang ipinagkakaloob Niya sa kanila. Ipaghalimbawa na ang mga hindi mananampalataya: Bagama’t hindi sila naniniwala sa Diyos, at ang tingin sa kanila ng Diyos ay mga hayop, bukod sa iba pa bawat isa sa kanila ay may pagkaing makakain, isang lugar na sarili nila, at isang normal na siklo ng buhay at kamatayan. Yaong mga gumagawa ng masama ay pinarurusahan, at yaong mga gumagawa ng mabuti ay pinagpapala at pinakikitaan ng kabaitan ng Diyos. Hindi ba ganyan ang nangyayari? Para sa mga taong may pananampalataya, kung magagawa nilang mahigpit na sundin ang kanilang relihiyosong mga tuntunin sa pamamagitan ng paulit-ulit na muling pagsilang, pagkatapos ng lahat niyaong pagkakaroong muli ng katawan, sa huli ay gagawin ng Diyos ang Kanyang pagpapahayag sa kanila. Gayundin, para sa inyo ngayon, isa ka man sa mga hinirang ng Diyos o sa mga tagasilbi, itutuwid din kayo ng Diyos at ipapasiya ang inyong kahihinatnan alinsunod sa mga regulasyon at atas administratibo na Kanyang naitakda. Sa mga uri ng mga taong ito, ang iba’t ibang uri ng mga taong may pananampalataya—ibig sabihin, ang mga kabilang sa iba-ibang relihiyon—nabigyan na ba sila ng Diyos ng lugar na matitirhan? Nasaan ang mga Hudyo? Nanghimasok ba ang Diyos sa kanilang pananampalataya? Hindi naman. At paano naman ang mga Kristiyano? Hindi rin Siya nanghimasok sa kanila. Hinahayaan Niya silang sumunod sa sarili nilang mga pamamaraan, hindi Niya sila kinakausap o binibigyan ng anumang kaliwanagan at, bukod pa riyan, hindi Siya naghahayag ng anuman sa kanila. Kung sa palagay mo ay tama ito, maniwala ka sa ganitong paraan. Ang mga Katoliko ay naniniwala kay Maria, at sa pamamagitan niya ipinasa ang balita tungkol kay Jesus; gayon ang paraan ng kanilang paniniwala. Itinama ba ng Diyos ang kanilang pananampalataya kailanman? Binibigyan Niya sila ng kalayaan; hindi Niya sila pinapansin at binibigyan Niya sila ng isang lugar na titirhan. Tungkol naman sa mga Muslim at Budista, hindi ba ganoon din Siya? Nagtakda na rin Siya ng mga hangganan para sa kanila, at tinutulutan silang magkaroon ng sarili nilang tirahan, nang hindi nanghihimasok sa kani-kanilang mga paniniwala. Lahat ay maayos. At ano ang nakikita ninyo sa lahat ng ito? Na may taglay na awtoridad ang Diyos, ngunit hindi Niya ito inaabuso. Ipinaplano ng Diyos ang lahat ng bagay sa perpektong kaayusan at ginagawa iyon sa maayos na paraan, at dito nakikita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 195
Ang Pagkakakilanlan at Katayuan ng Diyos Mismo
Ang Diyos ang Siyang namumuno sa lahat ng bagay at nangangasiwa sa lahat ng bagay. Nilikha Niya ang lahat ng narito, pinangangasiwaan Niya ang lahat ng narito, pinamumunuan Niya ang lahat ng narito, at tinutustusan Niya ang lahat ng narito. Ito ang katayuan ng Diyos, at ang Kanyang pagkakakilanlan. Para sa lahat ng bagay at sa lahat ng narito, ang tunay na pagkakakilanlan ng Diyos ay ang Lumikha at ang Pinuno ng lahat ng nilikha. Iyan ang pagkakakilanlan na taglay ng Diyos, at Siya ay natatangi sa lahat ng bagay. Wala ni isa sa mga nilikha ng Diyos—sa sangkatauhan man o sa espirituwal na mundo—ang maaaring gumamit ng anumang kaparaanan o katwiran para magkunwaring Diyos o pumalit sa pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos, sapagkat Siya lamang, sa lahat ng bagay, ang nagtataglay ng pagkakakilanlan, kapangyarihan, awtoridad, at kakayahang ito na mamuno sa lahat ng nilikha: ang ating natatanging Diyos Mismo. Siya ay nabubuhay at gumagalaw sa lahat ng bagay; maaari Siyang umangat sa pinakamataas na lugar, sa ibabaw ng lahat ng bagay. Maaaring magpakumbaba Siya Mismo sa pamamagitan ng pagiging tao, pagiging isa sa mga may laman at dugo, at makaharap sa mga tao at makibahagi sa kanilang kaligayahan at kalungkutan, samantalang kasabay nito, inuutusan Niya ang lahat ng narito, at pinagpapasiyahan ang kapalaran ng lahat ng narito at kung saang direksyon patungo ang lahat ng ito. Bukod pa riyan, ginagabayan Niya ang kapalaran ng buong sangkatauhan, at pinapatnubayan ang direksyon ng sangkatauhan. Ang isang Diyos na tulad nito ay dapat sambahin, sundin, at kilalanin ng lahat ng nilalang na may buhay. Sa gayon, saanmang grupo o uri ng sangkatauhan ka nabibilang, ang paniniwala sa Diyos, pagsunod sa Diyos, pagpipitagan sa Diyos, pagtanggap sa Kanyang panuntunan, at pagtanggap sa Kanyang mga plano para sa iyong kapalaran ang tanging pagpipilian—ang kinakailangang pagpili—para sa sinumang tao at para sa anumang nilalang na may buhay. Sa pagiging natatangi ng Diyos, nakikita ng mga tao na ang Kanyang awtoridad, Kanyang matuwid na disposisyon, Kanyang diwa, at mga kaparaanan kung paano Niya tinutustusan ang lahat ng bagay ay ganap na natatanging lahat; ang pagiging natatanging ito ang tumutukoy sa tunay na pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at ito ang tumutukoy sa Kanyang katayuan. Samakatuwid, sa lahat ng nilikha, kung nais pumalit ng anumang nilalang na may buhay sa espirituwal na mundo o sa sangkatauhan ang magnais sa lugar ng Diyos, imposibleng magtagumpay ito, tulad ng anumang pagtatangkang magkunwaring Diyos. Totoo ito. Ano ang mga kinakailangan ng sangkatauhan sa isang Lumikha at Pinunong tulad nito, na nagtataglay ng pagkakakilanlan, kapangyarihan, at katayuan ng Diyos Mismo? Dapat itong maging malinaw sa lahat, at dapat matandaan ng lahat; napakahalaga nito kapwa sa Diyos at sa tao!
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 196
Ang Iba-ibang Saloobin ng Sangkatauhan sa Diyos
Ang pagkilos ng mga tao tungo sa Diyos ang nagpapasiya sa kanilang kapalaran, gayundin ang pagkilos at pakikitungo ng Diyos sa kanila. Sa puntong ito, magbibigay Ako ng ilang halimbawa kung paano kumikilos ang mga tao tungo sa Diyos. Pakinggan natin at tingnan kung tama o mali ang kanilang mga pag-uugali at saloobin na kanilang ikinikilos tungo sa Diyos. Isipin natin ang pag-uugali ng sumusunod na pitong uri ng mga tao:
1) Mayroong isang uri ng tao na talagang kakatwa ang saloobin sa Diyos. Iniisip ng mga taong ito na ang Diyos ay parang isang Bodhisattva o isang banal na nilalang na may tradisyonal na kaalaman ng tao, at kailangang yumukod ang mga tao nang tatlong beses tuwing magkikita sila at magsisindi ng insenso pagkatapos nilang kumain. Dahil dito, tuwing nakadarama sila ng malaking pasasalamat para sa Kanyang biyaya at ng utang na loob sa Kanya, madalas silang magkaroon ng ganitong simbuyo. Malaki ang pagnanais nila na makaya ng Diyos na pinaniniwalaan nila ngayon, gaya ng banal na nilalang na pinananabikan nila sa kanilang puso, na tanggapin ang paraan ng pagyukod nila nang tatlong beses kapag nagkikita sila at nagsisindi ng insenso tuwing pagkatapos kumain.
2) Ang tingin ng ilang tao sa Diyos ay isang buhay na Buddha na kayang palayain ang lahat ng nabubuhay mula sa pagdurusa at iligtas sila; ang tingin nila sa Kanya ay isang buhay na Buddha na kaya silang ilayo mula sa dagat-dagatan ng pagdurusa. Ang paniniwala ng mga taong ito sa Diyos ay nangangailangan ng pagsamba sa Kanya bilang isang Buddha. Bagama’t hindi sila nagsisindi ng insenso, nagpapatirapa, o nagbibigay ng mga handog, sa kaibuturan ng kanilang puso, nadarama nila na ang Diyos ay katulad lamang ng isang Buddha na ang hinihiling lamang ay magpakabait sila at magkawanggawa, na huwag silang pumatay ng anumang bagay na may buhay, iwasan nilang murahin ang iba, mamuhay sila nang may katapatan, at huwag silang gumawa ng masama. Naniniwala sila na ang mga bagay na ito lamang ang Kanyang hinihiling sa kanila; ito ang Diyos na nasa kanilang puso.
3) Sinasamba ng ilang tao ang Diyos na para bang Siya ay isang taong dakila o bantog. Halimbawa, sa anumang kaparaanan gustuhing magsalita ng dakilang taong ito, sa anumang tono siya nagsasalita, ano mang mga salita at bokabularyo ang kanyang ginagamit, ang kanyang tono, mga kumpas ng kanyang kamay, kanyang mga opinyon at kilos, kanyang tinding—ginagaya nila ang lahat ng iyon, at ito ang mga bagay na kailangang lubos ibunga ng mga ito sa takbo ng kanilang paniniwala sa Diyos.
4) Ang tingin ng ilang tao sa Diyos ay isang hari, nadarama na Siya ay nangingibabaw sa lahat at na walang sinumang nangangahas na magkasala sa Kanya—at na kung gagawin iyon ng sinuman, parurusahan ang taong iyon. Sinasamba nila ang gayong hari dahil ang mga hari ay may puwang sa kanilang puso. Ang kanilang isipan, ugali, awtoridad, at likas na pagkatao—maging ang kanilang mga interes at personal na buhay—lahat ay nagiging isang bagay na pakiramdam ng mga taong ito ay kailangan nilang maunawaan; nagiging mga isyu at bagay ang mga ito na ipinag-aalala nila. Dahil dito, sinasamba nila ang Diyos bilang isang hari. Katawa-tawa ang gayong anyo ng paniniwala.
5) Ang ilang tao ay may partikular na pananampalataya sa pag-iral ng Diyos, at ang pananampalatayang ito ay malalim at hindi natitinag. Gayunman, dahil napakababaw ng kaalaman nila tungkol sa Diyos, at wala silang gaanong karanasan sa Kanyang mga salita, sinasamba nila Siya bilang isang idolo. Ang idolong ito ay ang Diyos na nasa kanilang puso; ito ay isang bagay na pakiramdam nila ay kailangan nilang at yukuran, at na kailangan nilang sundin at tularan. Ang tingin nila sa Diyos ay isang idolo na kailangan nilang sundin sa buong buhay nila. Ginagaya nila ang tono ng pagsasalita ng Diyos at, sa tingin, ginagaya nila yaong gusto ng Diyos. Madalas silang gumawa ng mga bagay na mukhang walang muwang, dalisay, at matapat, at sinusunod pa nila ang idolong ito na para bang isa itong kasosyo o kasamahan na hindi nila maaaring hiwalayan kailanman. Ganyan ang anyo ng kanilang paniniwala.
6) May isang uri ng mga tao na, kahit marami nang salita ng Diyos ang kanilang nabasa at maraming pangaral na ang kanilang narinig, nadarama nila sa kaibuturan ng kanilang puso na ang tanging prinsipyo sa likod ng kanilang pag-uugali sa Diyos ay na dapat nila palaging manuyo at magpaalipin, o na dapat nilang purihin ang Diyos at parangalan Siya sa isang paraang hindi makatotohanan. Naniniwala sila na ang Diyos ay isang Diyos na humihiling sa kanila na kumilos sa gayong paraan. Bukod pa riyan, naniniwala sila na kung hindi nila iyon gagawin, anumang oras ay maaaring mapukaw nila ang Kanyang galit o magkasala sila laban sa Kanya, at na dahil nagkasala sila, parurusahan sila ng Diyos. Ganyan ang Diyos na nasa kanilang puso.
7) At nariyan pa ang karamihan sa mga tao, na nakasusumpong ng espirituwal na pagkain sa Diyos. Ito ay dahil nabubuhay sila sa mundong ito, wala silang kapayapaan o kaligayahan, at hindi sila makasumpong ng kapanatagan saanman. Kapag natagpuan na nila ang Diyos, matapos nilang makita at marinig ang Kanyang mga salita, nagsisimula silang lihim na magalak at matuwa sa kanilang puso. Ito ay dahil naniniwala sila na sa wakas ay nakasumpong din sila ng isang lugar na magpapasaya sa kanilang espiritu, at na sa wakas ay nakahanap na sila ng isang Diyos na magbibigay sa kanila ng espirituwal na pagkain. Kapag natanggap na nila ang Diyos at nagsimula silang sumunod sa Kanya, nagiging masaya sila, at nagkakaroon ng kasiyahan ang kanilang buhay. Hindi na sila kumikilos na tulad ng mga hindi mananampalataya, na naglalakad nang tulog sa buhay gaya ng mga hayop, at nadarama nila na mayroon silang maaasahan sa buhay. Sa gayon, iniisip nila na ang Diyos na ito ay lubos na mabibigyang-kasiyahan ang kanilang espirituwal na mga pangangailangan at maghahatid sa kanila ng malaking kaligayahan kapwa sa isipan at espiritu. Hindi nila natatanto, hindi nila nagagawang talikuran ang Diyos na ito na nagbibigay sa kanila ng espirituwal na pagkain, at na naghahatid ng kaligayahan sa kanilang espiritu at sa lahat ng miyembro ng kanilang pamilya. Naniniwala sila na ang paniniwala sa Diyos ay walang ibang kailangang ibigay sa kanila kundi espirituwal na pagkain.
Mayroon bang sinuman sa inyo na nagtataglay ng iba-ibang nabanggit na mga saloobin sa Diyos? (Oo.) Kung, sa kanilang paniniwala sa Diyos, nakatanim ang gayong mga saloobin sa puso ng isang tao, nagagawa ba nilang tunay na humarap sa Diyos? Kung mayroon ang isang tao ng alinman sa mga saloobing ito sa kanilang puso, naniniwala ba sila sa Diyos? Naniniwala ba ang gayong tao sa natatanging Diyos Mismo? (Hindi.) Yamang hindi ka naniniwala sa natatanging Diyos Mismo, sino ang pinaniniwalaan mo? Kung ang pinaniniwalaan mo ay hindi ang natatanging Diyos Mismo, posibleng naniniwala ka sa isang idolo, o isang dakilang tao, o isang Bodhisattva, o sumasamba ka sa Buddha na nasa puso mo. Bukod pa riyan, posibleng naniniwala ka sa isang ordinaryong tao. Sa madaling salita, dahil sa iba-ibang anyo ng paniniwala at saloobin ng mga tao sa Diyos, inilalagay nila sa kanilang puso ang Diyos ng sarili nilang pagkaunawa, iginigiit ang kanilang imahinasyon sa Diyos, itinatabi nila sa natatanging Diyos Mismo ang kanilang mga saloobin at imahinasyon tungkol sa Diyos, at, pagkatapos, itinataas ang mga ito upang ialay sa Diyos. Ano ang ibig sabihin kapag may gayong di-angkop na mga saloobin ang mga tao sa Diyos? Ibig sabihin, itinakwil na nila ang tunay na Diyos Mismo at sinasamba ang isang huwad na diyos; ipinahihiwatig nito na samantalang naniniwala sa Diyos, itinatakwil at nilalabanan nila Siya, at na ikinakaila nila ang pag-iral ng tunay na Diyos. Kung palaging nanghahawakan ang mga tao sa gayong mga anyo ng paniniwala, anong mga kahihinatnan ang kakaharapin nila? Sa gayong mga anyo ng paniniwala, mas mapapalapit ba sila kailanman sa pagtupad sa mga kinakailangan ng Diyos? (Hindi, hindi nila magagawa.) Sa kabilang dako, dahil sa kanilang mga kuru-kuro at imahinasyon, lalo pang mapapalayo ang mga tao mula sa daan ng Diyos, sapagkat ang direksyong hinahangad nila ay salungat sa direksyong pinatatahak sa kanila ng Diyos. Narinig na ba ninyo ang kuwentong “patungong timog sa pagmamaniobra sa karuwahe patungong hilaga”? Maaaring kapareho ito ng patungong timog sa pagmamaniobra sa karuwahe patungong hilaga. Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos sa kakatwang paraang iyon, habang lalo kang nagsusumikap, lalo kang mapapalayo sa Diyos. Sa gayon, ipinapayo ko ito sa inyo: Bago kayo magsimula, kailangan mo munang mahiwatigan kung tama ang direksyong tinatahak mo. Magtuon sa inyong mga pagsisikap, at tiyaking itanong sa inyong sarili “Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ang Pinuno ng lahat ng bagay? Ang Diyos ba na aking pinaniniwalaan ay isang tao lamang na nagbibigay sa akin ng espirituwal na pagkain? Siya ba ay idolo ko lamang? Ano ang hinihiling sa akin ng Diyos na ito na aking pinaniniwalaan? Sang-ayon ba ang Diyos sa lahat ng aking ginagawa? Nakaayon ba ang lahat ng aking kilos at hangarin sa pagsisikap na makilala ang Diyos? Naaayon ba ang mga ito sa Kanyang mga ipinagagawa sa akin? Kinikilala at sinasang-ayunan ba ng Diyos ang landas na aking tinatahak? Nalulugod ba Siya sa aking pananampalataya?” Dapat mong madalas at paulit-ulit na itanong sa iyong sarili ang mga ito. Kung nais mong maghangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, kailangan kang magkaroon ng malinaw na kamalayan at malinaw na mga layunin bago ka magtagumpay sa pagpapalugod sa Kanya.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 197
Ang Saloobing Hinihingi ng Diyos na Taglayin ng Sangkatauhan sa Kanya
Ang totoo, hindi gaanong mapaghanap ang Diyos sa sangkatauhan—o, kahit paano, hindi Siya mapaghanap na tulad ng iniisip ng mga tao. Kung walang nabigkas ang Diyos na anumang mga salita, at kung hindi pa Siya nagpahayag ng Kanyang disposisyon o anumang mga gawa, magiging napakahirap para sa inyo ang makilala ang Diyos, sapagkat kakailanganin ng mga tao na mahiwatigan ang Kanyang layon at kalooban; napakahirap gawin nito. Gayunman, sa huling yugto ng Kanyang gawain, marami nang sinambit na mga salita ang Diyos, napakarami nang gawaing nagawa, at marami nang kinakailangan sa tao. Sa Kanyang mga salita, at sa napakarami Niyang gawain, naipaalam Niya sa mga tao kung ano ang gusto Niya, kung ano ang kinasusuklaman Niya, at kung anong klaseng mga tao sila dapat maging. Matapos maunawaan ang mga bagay na ito, dapat magkaroon ang mga tao ng tumpak na pakahulugan sa kanilang puso tungkol sa mga ipinagagawa ng Diyos, sapagkat hindi malabo ang kanilang paniniwala sa Diyos at hindi na sila naniniwala sa isang malabong Diyos, ni wala silang pananampalataya sa Diyos sa gitna ng kalabuan o kawalan. Sa halip, naririnig nila ang Kanyang mga pagbigkas, nauunawaan ang mga pamantayan ng Kanyang mga kinakailangan, at natatamo ang mga ito, at ginagamit ng Diyos ang pananalita ng sangkatauhan upang sabihin sa kanila ang lahat ng dapat nilang malaman at maunawaan. Ngayon, kung hindi pa rin alam ng mga tao kung ano ang Diyos at kung ano ang Kanyang mga kinakailangan sa kanila; kung hindi nila alam kung bakit dapat maniwala ang isang tao sa Diyos, ni kung paano maniwala sa Kanya o paano Siya tratuhin—may problema rito. … Ang tamang mga kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan at sa mga sumusunod sa Diyos ay ang mga sumusunod. Nangangailangan ang Diyos ng limang bagay sa mga sumusunod sa Kanya: tunay na pananampalataya, tapat na pagsunod, lubos na pagpapasakop, tunay na kaalaman, at taos-pusong pagpipitagan.
Sa limang bagay na ito, kinakailangan ng Diyos na huwag nang magduda ang mga tao sa Kanya o sumunod sa Kanya gamit ang kanilang mga imahinasyon o malabo at mahirap unawaing mga pananaw; kailangan hindi nila dapat sundin ang Diyos batay sa anumang mga imahinasyon o kuru-kuro. Kinakailangan Niya na bawat isa sa mga sumusunod sa Kanya ay gawin iyon nang may katapatan, nang hindi nag-aalinlangan o umiiwas. Kapag may anumang mga kinakailangan ang Diyos sa iyo, sinusubok ka, hinahatulan ka, pinakikitunguhan at tinatabas ka, o dinidisiplina at sinasaktan ka, dapat kang lubos na magpasakop sa Kanya. Hindi mo dapat itanong ang dahilan o hindi ka dapat gumawa ng mga kundisyon, lalong hindi mo dapat banggitin ang mga dahilan. Kailangang maging lubos ang iyong pagsunod. Ang kaalaman tungkol sa Diyos ang bahaging kulang na kulang sa mga tao. Madalas nilang igiit ang mga kasabihan, pagbigkas, at mga salita ng Diyos na walang kaugnayan sa Kanya, na naniniwala na ang gayong mga salita ang pinakatumpak na pakahulugan ng kaalaman tungkol sa Diyos. Hindi nila alam na ang mga kasabihang ito, na nagmumula sa mga imahinasyon ng tao, sa kanilang sariling pangangatwiran, at sa sarili nilang kaalaman, ay wala ni katiting na kaugnayan sa diwa ng Diyos. Sa gayon, nais Kong sabihin sa inyo na, pagdating sa kaalaman na hangad ng Diyos na taglayin ng mga tao, hindi lamang Niya hinihingi na makilala mo Siya at ang Kanyang mga salita, kundi na tama ang iyong kaalaman tungkol sa Kanya. Kahit isang pangungusap lamang ang masabi mo, o kakaunti lamang ang nababatid mo, ang kaunting kabatirang ito ay tama at totoo, at nakaayon sa diwa ng Diyos Mismo. Ito ay dahil kinasusuklaman ng Diyos ang anumang papuri o parangal sa Kanya na hindi makatotohanan o hindi pinag-isipan. Higit pa riyan, nagagalit Siya kapag tinatrato Siya ng mga tao na parang hangin. Nagagalit Siya kapag, sa oras ng pagtalakay sa mga paksa tungkol sa Diyos, nagsasalita ang mga tao nang walang paggalang sa mga katotohanan, nagsasalita kung kailan nila gusto at nang walang pag-aatubili, nagsasalita kung paano nila nakikitang akma; bukod pa riyan, nagagalit Siya sa mga naniniwala na kilala nila ang Diyos at ipinagyayabang ang kanilang kaalaman tungkol sa Kanya, tinatalakay ang mga paksang nauugnay sa Kanya nang walang pagtitimpi ni pangingimi. Ang huli sa nabanggit na limang kinakailangang iyon ay taos-pusong pagpipitagan: Ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa lahat ng sumusunod sa Kanya. Kapag taglay ng isang tao ang tama at tunay na kaalaman tungkol sa Diyos, nagagawa nilang tunay na magpitagan sa Diyos at lumayo sa kasamaan. Ang pagpipitagang ito ay nagmumula sa kaibuturan ng kanilang puso; ang pagpipitagang ito ay kusang ibinibigay, at hindi dahil sa pinilit sila ng Diyos. Hindi hinihingi ng Diyos na maghandog ka ng anumang mabuting saloobin, kilos, o panlabas na pag-uugali sa Kanya; sa halip, hinihingi Niya na magpitagan ka sa Kanya at magkaroon ng takot sa Kanya mula sa kaibuturan ng iyong puso. Ang gayong pagpipitagan ay natatamo dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon sa buhay, sa pagtatamo ng kaalaman tungkol sa Diyos at pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos, sa pag-unawa sa diwa ng Diyos, at sa pagkilala mo sa katotohanan na isa ka sa mga nilalang ng Diyos. Samakatuwid, ang Aking layunin sa paggamit ng salitang “taos-puso” upang ipakahulugan dito ang pagpipitagan ay para maunawaan ng mga tao na ang kanilang pagpipitagan sa Diyos ay dapat magmula sa kaibuturan ng kanilang puso.
Ngayon ay isaalang-alang ang limang kinakailangang iyon: Mayroon bang sinuman sa inyo na may kakayahang makamit ang unang tatlo? Dito, tinutukoy Ko ang tunay na paniniwala, tapat na pagsunod, at lubos na pagpapasakop. Mayroon bang sinuman sa inyo na may kakayahang gawin ang mga bagay na ito? Alam Ko na kung sinabi Kong lahat ng lima, walang kaduda-duda na walang isa man sa inyo ang mayroon, ngunit ibinaba Ko na ang bilang sa tatlo. Pag-isipan ninyo kung nakamtan na ninyo ang mga bagay na ito o hindi. Madali bang magtamo ng “tunay na pananampalataya?” (Hindi.) Hindi ito madali, para sa mga taong madalas magduda sa Diyos. At paano naman ang “tapat na pagsunod”? Ano ang tinutukoy ng “tapat”? (Hindi pag-aalinlangan, kundi sa halip ay buong puso.) Napuruhan ninyo! Kaya, kaya ba ninyong makamtan ang kinakailangang ito? Kailangan ninyong magsikap pang mabuti, hindi ba? Sa ngayon, kailangan pa ninyong magtagumpay sa kinakailangang ito! Ano naman ang “ganap na pagpapasakop”—nakamtan na ba ninyo iyon? (Hindi.) Hindi pa rin ninyo nakakamtan iyon. Madalas kayong masuwayin at suwail; madalas kayong hindi nakikinig, ayaw ninyong sumunod, o ayaw ninyong makarinig. Ito ang tatlo sa pinakamahahalagang kinakailangang tugunan ng mga tao para makapasok sa buhay, ngunit kailangan pa ninyong makamtan ang mga ito. Sa gayon, sa ngayon, mayroon ba kayong malaking potensyal? Ngayon, nang marinig ninyo Akong sabihin ang mga salitang ito, nag-aalala ba kayo? (Oo.) Tama lamang na dapat kayong mag-alala. Huwag ninyong subukang iwasan na mag-alala. Nag-aalala Ako para sa inyo. Hindi Ko na babanggitin ang dalawa pang kinakailangan; walang duda, walang sinuman dito ang may kakayahang makamtan ang mga ito. Nag-aalala kayo. Kaya, napagpasiyahan na ba ninyo ang inyong mga layunin? Anong mga layunin, at sa anong direksyon, ang dapat ninyong hangarin at paglaanan ng inyong mga pagsisikap? Mayroon ba kayong layunin? Hayaan ninyo Akong magsalita nang malinaw: Kapag nakamit na ninyo ang limang kinakailangang ito, mapapalugod ninyo ang Diyos. Bawat isa sa mga ito ay isang tagapagpahiwatig, at isa ring huling layunin, na panahon na para pumasok ang isang tao sa buhay. Kahit isa lamang sa mga kinakailangang ito ang pinili Kong banggitin nang detalyado, at inuutusan Ko kayong tugunan ito, hindi ito magiging madaling makamit; kailangan ninyong magtiis ng partikular na antas ng paghihirap at maglaan ng partikular na pagsisikap. Anong uri ng mentalidad ang dapat ninyong taglayin? Dapat ay katulad ito ng sa isang pasyenteng may kanser na naghihintay na maoperahan. Bakit Ko sinasabi ito? Kung nais mong maniwala sa Diyos, at kung nais mong matamo ang Diyos at ang Kanyang kasiyahan, maliban kung magtiis ka ng partikular na antas ng sakit at maglaan ng partikular na pagsisikap, hindi mo makakamtan ang mga bagay na ito. Marami na kayong narinig na pangaral, ngunit ang marinig lamang ito ay hindi nangangahulugan na inyo ang sermon na ito; kailangan mong namnamin ito at gawin itong isang bagay na pag-aari mo. Kailangan mong ilangkap ito sa iyong buhay at isama ito sa iyong pag-iral, na tinutulutan ang mga salita at pangaral na ito na gabayan ang paraan ng iyong pamumuhay at maghatid ng kabuluhan at kahulugan sa iyong buhay. Kapag nangyari iyon, magiging sulit ang pakikinig mo sa mga salitang ito. Kung ang mga salitang Aking sinasambit ay hindi naghahatid ng anumang pagbabago sa iyong buhay o nagdaragdag ng anumang halaga sa iyong pag-iral, walang dahilan para pakinggan mo ang mga ito. Nauunawaan ninyo ito, hindi ba? Dahil naunawaan ninyo ito, nakasalalay na sa inyo ang susunod na mangyayari. Kailangan ninyong kumilos! Kailangan kayong magsumigasig sa lahat ng bagay! Huwag magpatumpik-tumpik; lumilipas ang oras! Karamihan sa inyo ay naniwala na sa Diyos sa loob ng mahigit sampung taon. Lingunin ang sampung taong ito: Gaano karami na ang inyong natamo? At ilang dekada pa ang natitira sa inyo sa buhay na ito? Hindi na mahaba. Kalimutan kung naghihintay man sa iyo ang gawain ng Diyos, kung nag-iwan Siya ng pagkakataon sa iyo, o kung gagawin Niyang muli ang kaparehong gawain—huwag banggitin ang mga bagay na ito. Maibabalik mo ba ang takbo ng nakaraang sampung taon ng iyong buhay? Sa bawat araw na lumilipas, at sa bawat hakbang na ginagawa mo, isang araw ang nababawas sa iyo. Hindi naghihintay ang oras kaninuman! Mayroon ka lamang matatamo mula sa iyong pananampalataya sa Diyos kung ituturing mo itong pinakadakilang bagay sa iyong buhay, mas mahalaga pa kaysa pagkain, damit, o anupaman. Kung naniniwala ka lamang kapag may panahon ka, at hindi mo kayang ilaan ang buong pansin mo sa iyong pananampalataya, at kung palagi kang nakalublob sa kalituhan, wala kang mapapala.
—Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi X