Mga Hantungan at mga Kalalabasan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 580
Sa gitna ng pagkidlat, nabubunyag ang tunay na mga anyo ng lahat ng uri ng hayop. Gayundin, natatanglawan ng Aking liwanag, nabawi na ng tao ang kabanalang minsan niyang tinaglay. Ah, tiwaling mundo noong araw! Sa wakas, nabuwal na ito tungo sa maruming tubig at, habang lumulubog pailalim, natunaw at naging putik! Ah, buong sangkatauhan, na sarili Kong likha! Sa wakas ay muli silang nabuhay sa liwanag, natamo nila ang pundasyon para sa pag-iral, at tumigil sa pakikibaka sa putikan! Ah, ang di-mabilang na mga bagay na hawak Ko sa Aking mga kamay! Paanong hindi sila mapaninibago sa pamamagitan ng Aking mga salita? Paanong hindi nila magagampanan, sa liwanag, ang kanilang mga papel? Hindi na nakakabingi ang katahimikan at walang ingay ang mundo, hindi na mapanglaw at malungkot ang langit. Ang langit at lupa, na wala nang puwang sa pagitan, ay nagkaisa na, at hindi na kailanman muling paghihiwalayin pa. Sa masayang okasyong ito, sa sandaling ito ng malaking kagalakan, ang Aking pagkamatuwid at ang Aking kabanalan ay umabot na sa ibabaw ng sansinukob at sa buong sansinukob, at walang humpay na ipinagbubunyi sa gitna ng lahat ng tao. Nagtatawanan sa galak ang mga lungsod ng langit, at nagsasayawan sa galak ang mga kaharian ng lupa. Sa pagkakataong ito, sino ang hindi nagagalak, at sino ang hindi naluluha? Ang mundo sa una nitong kalagayan ay pag-aari ng langit, at ang langit ay kaugnay ng lupa. Ang tao ang tali na nag-uugnay sa langit at lupa, at dahil sa kabanalan ng tao, dahil sa pagpapanibago ng tao, hindi na nakatago ang langit mula sa lupa, at hindi na tahimik ang lupa ukol sa langit. Ang mga mukha ng lahat ng tao ay puno ng mga ngiti ng kasiyahan, at may nakatago sa lahat ng puso nila na isang tamis na walang hangganan. Hindi nakikipag-away ang tao sa tao, ni hindi pisikal na inaaway ng mga tao ang isa’t isa. Mayroon bang sinuman, sa Aking liwanag, na hindi namumuhay nang matiwasay sa piling ng iba? Mayroon bang sinuman, sa Aking panahon, na sinisiraang-puri ang Aking pangalan? Ang lahat ng tao ay nakatitig sa Akin nang may takot, at sa puso nila, lihim silang nananawagan sa Akin. Nasiyasat Ko na ang bawat kilos nila: Sa mga taong nalinis na, walang mapaghimagsik laban sa Akin, walang humuhusga sa Akin. Ang Aking disposisyon ay tumatagos sa lahat ng tao. Lahat ng tao ay nakikilala na Ako, mas lumalapit sa Akin at hinahangaan Ako. Naninindigan Ako sa espiritu ng tao, dinadakila Ako sa pinakamataas na tugatog sa mga mata ng tao, at dumadaloy sa dugo sa mga ugat ng tao. Ang kagalakan sa puso ng tao ay pinupuno ang bawat lugar sa ibabaw ng lupa, malinis at sariwa ang hangin, hindi na tinatakluban ng makakapal na hamog ang lupa, at maningning ang sikat ng araw.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 18
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 581
Lumalawak ang kaharian sa gitna ng sangkatauhan, nabubuo ito sa gitna ng sangkatauhan, at nakatayo ito sa gitna ng sangkatauhan; walang puwersang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Mga tao Ko, na nasa kaharian ng ngayon, sino sa inyo ang hindi kasapi sa lahi ng tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag isinasapubliko ang Aking bagong panimula, ano ang magiging reaksiyon ng mga tao? Nakita na ng sarili ninyong mga mata ang kalagayan ng mundo ng tao; hindi pa ba ninyo naiwaksi ang mga kaisipan ng pamumuhay sa mundong ito magpakailanman? Naglalakad Ako ngayon sa gitna ng Aking mga tao at naninirahan Ako sa gitna nila. Ngayon, yaong may tunay na pagmamahal sa Akin—mapalad ang gayong mga tao. Mapalad ang mga nagpapasakop sa Akin, mananatili sila sa Aking kaharian. Mapalad ang mga nakakakilala sa Akin, gagamit sila ng kapangyarihan sa Aking kaharian. Mapalad ang mga naghahangad sa Akin, makakalaya sila mula sa mga gapos ni Satanas at magtatamasa ng Aking mga pagpapala. Mapalad ang mga nagagawang maghimagsik laban sa kanilang sarili, sila’y magiging Akin at magmamana sila ng kasaganaan ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga nagsusumikap para sa Akin, tatanggapin Ko ang mga gumugugol ng kanilang sarili para sa Akin, at pagkakalooban ko ng mga bagay na tatamasahin nila yaong mga nag-aalay sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga nagtatamasa sa Aking mga salita; magiging mga haligi sila na magtataas ng tukod sa Aking kaharian, magtatamasa sila ng walang-kapantay na kasaganaan sa Aking sambahayan, at walang maikukumpara sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang inihanda para sa inyo? Sinikap na ba ninyong kamtin ang mga pangakong binitiwan para sa inyo? Kayo ay, sa ilalim ng patnubay ng Aking liwanag, makakawala mula sa pagsakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, hindi mawawala sa inyo ang paggabay ng liwanag. Kayo ang magiging mga panginoon ng lahat ng bagay. Kayo ay magiging mga mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng bansa ng malaking pulang dragon, kayo ay tatayo sa gitna ng di-mabilang na tao bilang patunay ng Aking tagumpay. Kayo ay magiging matatag at di-natitinag sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang Aking mga pagpapala, at itatanghal ninyo ang Aking liwanag ng kaluwalhatian sa buong sansinukob.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 19
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 582
Habang nagiging kumpleto ang Aking mga salita, unti-unting nabubuo ang kaharian sa mundo at unti-unting bumabalik sa normalidad ang tao, at sa gayon ay naitatatag sa lupa ang kahariang nasa Aking puso. Sa kaharian, nababawi ng lahat ng tao ng Diyos ang buhay ng normal na tao. Wala na ang nagyeyelong taglamig, napalitan ng isang mundo ng mga lungsod ng tagsibol, kung saan tumatagal nang buong taon ang tagsibol. Hindi na nalalantad ang mga tao sa kapanglawan ng mundo ng tao, at hindi na nila tinitiis ang nakangangatog na lamig ng mundo ng tao. Hindi nag-aaway-away ang mga tao, hindi nagdidigmaan ang mga bansa, wala nang patayan at dugong dumadaloy mula sa patayan; lahat ng lupain ay puspos ng kagalakan, at lahat ng dako ay punung-puno ng pagmamalasakit ng mga tao sa isa’t isa. Ako ay gumagalaw sa buong mundo, nasisiyahan Ako mula sa kaitaasan ng Aking luklukan, at naninirahan Ako sa piling ng mga bituin. Inaalayan Ako ng mga anghel ng mga bagong awit at mga bagong sayaw. Wala nang luhang umaagos sa kanilang mukha nang dahil sa sarili nilang karupukan. Hindi Ko na naririnig, sa Aking harapan, ang tinig ng mga anghel na umiiyak, at hindi na rin nagbubukas ng paghihirap ang sinuman sa Akin. Ngayon, lahat kayo ay nabubuhay sa Aking harapan; bukas, iiral kayong lahat sa Aking kaharian. Hindi ba ito ang pinakadakilang pagpapalang ipinagkakaloob Ko sa tao? Dahil sa isinakripisyo ninyo ngayon, mamanahin ninyo ang mga pagpapala ng hinaharap at maninirahan sa gitna ng Aking kaluwalhatian. Ayaw pa rin ba ninyong makipag-ugnayan sa diwa ng Aking Espiritu? Nais pa rin ba ninyong paslangin ang inyong sarili? Handa ang mga tao na pagsikapang matamo ang mga pangakong nakikita nila, kahit panandalian lamang ang mga iyon, subalit walang sinumang handang tumanggap sa mga pangako ng kinabukasan, kahit tatagal ang mga ito nang walang hanggan. Ang mga bagay na nakikita ng tao ay ang mga bagay na pupuksain Ko, at ang mga bagay na hindi nakikita ng tao ay ang mga bagay na tutuparin Ko. Ito ang pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 20
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 583
Sa Aking liwanag, muling nakikita ng mga tao ang liwanag. Sa Aking salita, natatagpuan ng mga tao ang mga bagay na tinatamasa nila. Nagmula Ako sa Silangan, nanggaling sa Silangan. Kapag nagliliwanag ang Aking kaluwalhatian, lahat ng bansa ay naliliwanagan, lahat ay nadadala sa liwanag, wala ni isa mang bagay ang nananatili sa kadiliman. Sa kaharian, ang buhay na ipinamumuhay ng mga tao ng Diyos sa Kanyang piling ay walang kapantay ang saya. Sumasayaw sa tuwa ang mga tubig sa pinagpalang buhay ng mga tao, nagagalak ang mga kabundukan sa Aking kasaganaan kasama ng mga tao. Lahat ng tao ay nagpupunyagi, nagtatrabaho nang husto, nagpapakita ng kanilang katapatan sa Aking kaharian. Sa kaharian, wala nang pagiging suwail, wala nang paglaban; umaasa ang kalangitan at ang lupa sa isa’t isa, nagkakalapit Ako at ang sangkatauhan na may malalim na damdamin, sa pamamagitan ng matatamis na kagalakan ng buhay, na nakasandig sa isa’t isa…. Sa panahong ito, pormal Kong sinisimulan ang Aking buhay sa langit. Wala na ang panggugulo ni Satanas, at nagsisimula nang magpahinga ang mga tao. Sa buong sansinukob, ang Aking hinirang na mga tao ay nabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian, pinagpapala nang walang katulad, hindi bilang mga taong nabubuhay sa piling ng mga tao, kundi bilang mga taong nabubuhay sa piling ng Diyos. Napagdaanan na ng buong sangkatauhan ang katiwalian ni Satanas, at natikman na ang pait at tamis ng buhay hanggang sa latak. Ngayon, habang nabubuhay sa Aking liwanag, paanong hindi magagalak ang isang tao? Paanong basta na lamang babalewalain ng isang tao ang magandang sandaling ito at palalagpasin ito? Kayong mga Tao! Kantahin ang awit sa inyong puso at sumayaw nang buong kagalakan para sa Akin! Itaas ang inyong pusong tapat at ialay ang mga ito sa Akin! Paluin ang inyong mga tambol at masayang tumugtog para sa Akin! Namamahagi Ako ng Aking kasiyahan sa buong sansinukob! Inihahayag Ko sa mga tao ang Aking maluwalhating mukha! Mananawagan Ako sa malakas na tinig! Lalagpasan Ko ang sansinukob! Naghahari na Ako sa gitna ng mga tao! Dinadakila Ako ng mga tao! Nagpapatangay Ako sa bughaw na kalangitan sa itaas at lumalakad ang mga tao na kasama Ko. Naglalakad Ako sa gitna ng mga tao at nakapaligid sa Akin ang Aking mga tao! Masayang-masaya ang puso ng mga tao, niyayanig ng kanilang mga awit ang sansinukob, at binabasag ang kaitaasan! Hindi na nasusukluban ng ulap ang sansinukob; wala nang naiipong putik at dumi sa imburnal. Mga banal na tao ng sansinukob! Sa ilalim ng Aking pagsusuri ipinapakita ninyo ang inyong tunay na mukha. Hindi kayo mga taong natatakpan ng dumi, kundi mga santo na kasing-puro ng jade, kayong lahat ay Aking pinakamamahal, kayong lahat ay Aking kasiyahan! Lahat ng bagay ay muling nabubuhay! Lahat ng santo ay bumalik upang paglingkuran Ako sa langit, tumatanggap sa Aking mainit na yakap, hindi na luhaan, hindi na balisa, inaalay ang kanilang sarili sa Akin, bumabalik sa Aking tahanan, at sa kanilang bayang-tinubuan mamahalin nila Ako nang walang humpay! Hindi nagbabago sa buong kawalang-hanggan! Nasaan ang kalungkutan! Nasaan ang mga luha! Nasaan ang laman! Lumilipas ang mundo, ngunit ang mga kalangitan ay magpakailanman. Nagpapakita Ako sa lahat ng tao, at lahat ng tao ay pinupuri Ako. Ang buhay na ito, ang kagandahang ito, noon pa mang unang panahon hanggang sa katapusan ng panahon ay hindi magbabago. Ito ang buhay ng kaharian.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Magalak Kayong Lahat na mga Tao!
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 584
Nakagawa na Ako ng maraming gawain na kasama ninyo, at siyempre, nakapagbigay na rin ng ilang pahayag. Ngunit hindi Ko mapigilang maramdaman na hindi pa lubusang natutupad ng mga salita Ko at ng mga gawain Ko ang layunin ng gawain Ko sa mga huling araw. Dahil sa mga huling araw, ang gawain Ko ay hindi alang-alang sa isang tiyak na tao o tiyak na mga tao, kundi upang ibunyag ang likas Kong disposisyon. Gayunman, dahil sa napakaraming kadahilanan—marahil kakulangan ng panahon o sobrang pagiging abala sa gawain—hindi pa nagtamo ang tao ng anumang kaalaman tungkol sa Akin mula sa disposisyon Ko. Kaya’t sinisimulan Ko ang bago Kong plano, ang pangwakas Kong gawain, at nagbubukas ng isang bagong pahina sa gawain Ko upang ang lahat ng nakakakita sa Akin ay malakas na hahampasin ang kanilang dibdib at tatangis at mananaghoy nang walang patid dahil sa pag-iral Ko. Ito ay dahil inihahatid Ko sa mundo ang katapusan ng sangkatauhan, at mula ngayon, inilalantad Ko ang buo Kong disposisyon sa harap ng sangkatauhan, upang ang lahat ng nakakakilala sa Akin at ang lahat ng hindi ay lubos na masiyahan sa kanilang nakikita at makikita na tunay ngang dumating na Ako sa daigdig ng tao, dumating na sa lupa kung saan nagpaparami ang lahat ng bagay. Ito ang plano Ko, at ang tangi Kong “pangungumpisal” mula nang likhain Ko ang sangkatauhan. Maipagkaloob nawa ninyo ang buong pansin sa bawat galaw Ko, dahil minsan pang lumalapit ang tungkod Ko sa sangkatauhan, sa lahat ng sumasalungat sa Akin.
Kasama ang mga kalangitan, sinisimulan Ko ang gawaing dapat Kong gawin. Kaya’t naglalakad Ako sa gitna ng daloy ng mga tao at kumikilos sa pagitan ng langit at lupa, nang walang sinumang nakahihiwatig kahit kailan sa mga galaw Ko o nakapapansin sa mga salita Ko. Samakatuwid, maayos pa ring sumusulong ang plano Ko. Dahil lamang naging lubhang manhid ang lahat ng inyong pakultad kung kaya’t hindi ninyo alintana ang mga hakbang ng gawain Ko. Ngunit tiyak na darating ang araw na matatanto ninyo ang mga layunin Ko. Ngayon, namumuhay Akong kasama ninyo at nagdurusang kasama ninyo, at malaon Ko nang natutuhang unawain ang saloobin ng sangkatauhan sa Akin. Hindi Ko nais na magsalita pa tungkol dito, lalong hindi Ko nais na dulutan kayo ng kahihiyan sa pagtukoy ng higit pang mga pangyayari ng masakit na paksang ito. Umaasa lamang Ako na matatandaan ninyo sa inyong mga puso ang lahat ng nagawa ninyo, upang mapagtama natin ang ating mga ulat sa araw ng muli nating pagkikita. Hindi Ko nais paratangan nang mali ang sinuman sa inyo, dahil lagi Akong kumilos nang makatarungan, patas, at may dangal. Siyempre, umaasa rin Ako na kayo ay magiging marangal at hindi gagawa ng anumang laban sa langit at lupa o sa inyong budhi. Ito lamang ang bagay na hinihingi Ko sa inyo. Maraming tao ang hindi mapalagay at naiilang dahil nakagawa sila ng mga karumal-dumal na pagkakamali, at marami ang ikinahihiya ang mga sarili nila dahil hindi sila kailanman nakagawa ng isang mabuting bagay. Nguni’t marami rin sila, na sa halip makadama ng kahihiyan dahil sa kanilang mga kasalanan, ay nagiging palala nang palala, ganap na nagpipilas ng maskarang nagkukubli sa kanilang kasuklam-suklam na mga katangian—na hindi pa lubusang nalalantad—upang subukin ang disposisyon Ko. Hindi Ko pinahahalagahan, o pinapansin, ang mga kilos ng sinumang tao. Sa halip, ginagawa Ko ang gawaing dapat Kong gawin, maging ito man ay paglikom ng impormasyon, o paglalakbay sa lupain, o paggawa ng isang bagay na umaayon sa mga interes Ko. Sa mahahalagang pagkakataon, ipinagpapatuloy Ko ang gawain Ko sa piling ng mga tao tulad ng orihinal na pagkakaplano, hindi nahuhuli o napaaaga ng isa mang saglit, at nang may kapwa alwan at bilis. Gayunman, sa bawat hakbang ng gawain Ko, ang ilan ay isinasantabi, dahil kinapopootan Ko ang kanilang mga pambobola at pakunwaring pagsunod. Silang mga kasuklam-suklam para sa Akin ay tiyak na maaabandona, sadya man o hindi. Sa madaling salita, nais Kong manatiling malayo sa Akin ang lahat ng kinapopootan Ko. Hindi na kailangang sabihin pa, hindi Ko ititira ang masamang nananatili sa tahanan Ko. Dahil nalalapit na ang araw ng kaparusahan ng tao, hindi Ako nagmamadaling palayasin mula sa sambahayan Ko ang lahat ng mga kapoot-poot na kaluluwang iyon, sapagkat may sarili Akong plano.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 585
Ngayon ang panahon na tinutukoy Ko ang kalalabasan ng bawat tao, hindi ang yugto na sinimulan Kong gawaan ang tao. Isinusulat Ko sa Aking talaang aklat, isa-isa, ang mga salita at kilos ng bawat tao, ang kanyang landas sa pagsunod sa Akin, ang kanyang likas na klasipikasyon, at ang kanilang mga pagpapamalas sa huli. Sa ganitong paraan, anumang uri ng tao sila, walang sinumang makatatakas sa kamay Ko, at ang lahat ay mabubukod ayon sa kanilang uri batay sa Aking pagtatalaga. Tinutukoy Ko ang hantungan ng bawat tao hindi batay sa gulang, senyoridad, o dami ng pagdurusa, lalong hindi batay sa kung gaano siya kaawa-awa, kundi batay sa kung taglay niya ang katotohanan. Wala nang ibang pagpipilian kundi ito. Dapat ninyong maunawaan na parurusahan ang lahat ng hindi sumusunod sa kalooban ng Diyos nang walang eksepsiyon. Isa itong bagay na hindi mababago ng sinumang tao. Samakatwid, lahat ng pinarurusahan ay pinarurusahan dahil sa katuwiran ng Diyos at bilang ganting-parusa sa kanilang maraming masasamang gawa. Wala pa Akong ginawang isa mang pagbabago sa plano Ko mula nang simulan ito. Gayon na nga lamang na, sa pananaw ng tao, tila nababawasan ang bilang ng mga pinatutungkulan Ko ng mga salita Ko, tulad din ng mga tunay Kong sinasang-ayunan. Gayunman, pinaninindigan Ko na hindi pa kailanman nagbago ang plano Ko; sa halip, ang pananalig at pag-ibig ng tao ang nagbabago sa tuwina, humihina sa tuwina, hanggang sa punto na posible para sa bawat tao na magbago mula sa pambobola sa Akin tungo sa pagiging malamig sa Akin o maging sa pagpapalayas sa Akin. Ang saloobin Ko sa inyo ay hindi magiging mainit o malamig, hanggang maramdaman Ko ang pagkasuklam at pagkapoot, at sa wakas ay magpataw ng kaparusahan. Gayunman, sa araw ng inyong kaparusahan, makikita Ko pa rin kayo, ngunit hindi na ninyo magagawang makita Ako. Dahil ang pakikipamuhay sa inyo ay naging nakakapagod at nakakabagot na sa Akin, kaya, hindi na kailangang sabihin pa, nakapili na Ako ng ibang mga kapaligiran na paninirahan, upang lalong maiwasan ang sakit na dulot ng inyong mga mapaminsalang salita at layuan ang inyong di-mababatang nakaririmarim na kilos, upang hindi na ninyo Ako malinlang o ituring Ako nang pabasta-basta na lamang. Bago Ko kayo iwan, dapat Ko pa rin kayong hikayating tumigil sa paggawa ng mga hindi naaayon sa katotohanan. Sa halip, dapat ninyong gawin yaong nakakalugod sa lahat, na nagdadala ng pakinabang sa lahat at yaong may pakinabang sa sarili ninyong hantungan, kung hindi, wala nang ibang magdurusa sa gitna ng sakuna kundi kayo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 586
Ang awa Ko ay ipinapahayag sa mga nagmamahal sa Akin at bumibitiw sa kanilang mga sarili. Samantala, ang kaparusahang sumasapit sa masama ay mismong patunay ng matuwid na disposisyon Ko at, higit pa, patotoo sa poot Ko. Kapag sumapit ang sakuna, lahat ng sumasalungat sa Akin ay mananangis habang sila’y binibiktima ng taggutom at salot. Silang nakagawa na ng lahat ng uri ng masamang gawa, ngunit sumunod na sa Akin nang maraming taon, ay hindi makatatakas sa pagbabayad para sa kanilang mga kasalanan; sila rin ay mahuhulog sa sakuna, na ang katulad ay bihirang nakita sa loob ng milyon-milyong taon, at mamumuhay sila na palaging may sindak at takot. At yaong mga tagasunod Ko na nakapagpakita na ng lubos na katapatan sa Akin ay magagalak at pupurihin ang kapangyarihan Ko. Mararanasan nila ang di-mailarawang kasiyahan at mabubuhay sa gitna ng kagalakang kailanman ay hindi Ko pa naipagkaloob sa sangkatauhan. Dahil itinuturing Kong yaman ang mabubuting gawa ng tao at kinapopootan ang kanyang masasamang gawa. Mula nang una Kong simulang pangunahan ang sangkatauhan, masugid na Akong umaasa na makamit ang isang pangkat ng mga taong kaisa Ko ng isipan. Samantala, hindi Ko kailanman nalilimutan yaong mga hindi Ko kaisa ng isipan; palagi Ko silang kinamumuhian sa puso Ko, hinihintay ang pagkakataong mapanagot sila sa kanilang masasamang gawa, na ikalulugod Kong makita. Ngayon ay dumating na sa wakas ang araw Ko, at hindi Ko na kailangan pang maghintay!
Ang huling gawain Ko ay hindi lamang alang-alang sa pagpaparusa sa tao, kundi alang-alang din sa pag-aayos ng destinasyon ng tao. Higit pa rito, ito ay alang-alang sa pagdulot sa lahat ng tao na kilalanin ang mga gawa at mga kilos Ko. Ipapakita Ko sa bawat tao na ang lahat ng nagawa Ko ay tama at isang pagpapahayag ng disposisyon Ko, na hindi ito kagagawan ng tao, at lalong hindi ito kalikasan na nagluwal sa sangkatauhan, at na sa halip ay Ako ang nagbibigay-sustansya sa lahat ng nabubuhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay. Kung wala ang pag-iral Ko, mamamatay lamang ang sangkatauhan at pagdurusahan ang hagupit ng kapahamakan. Walang tao ang kailanman ay makikitang muli ang napakarikit na araw at buwan, o ang luntiang mundo; tanging madilim at malamig na gabi lamang ang sasapitin ng sangkatauhan at ang di-matatakasang lambak ng anino ng kamatayan. Ako lamang ang katubusan ng sangkatauhan. Ako lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan, kung wala Ako, magdurusa lang ng masaklap na kalamidad at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. Nakagawa na Ako ng gawaing walang ibang sinumang makagagawa, at umaasa lamang na mababayaran Ako ng tao ng ilang mabubuting gawa. Bagaman iilan lamang ang nagagawang makabayad sa Akin, tatapusin Ko pa rin ang paglalakbay Ko sa mundo ng tao at sisimulan ang susunod na hakbang ng gawain na malapit nang maganap, sapagkat ang lahat ng nagmamadaling paroo’t parito Ko sa gitna ng tao nitong maraming taon ay naging mabunga, at napakanasisiyahan Ako. Ang pinahahalagahan Ko ay hindi ang bilang ng mga tao, kundi ang mabubuti nilang gawa. Gayunman, umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa daluyong ng sakuna. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay pinapamatnugutan Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna. Sa gitna ng kapighatian, ang mga kilos at mga gawa ninyo ay hindi itinuring na lubos na naaangkop, dahil hungkag ang pananampalataya at pagmamahal ninyo, at ipinakita lamang ninyo ang mga sarili ninyo na mahiyain o matigas. Tungkol dito, gagawa lamang Ako ng paghatol ng mabuti o masama. Patuloy Kong pinagtutuunan ng pansin ang mga kilos at pagpapamalas ng bawat isa sa inyo, na siyang batayan kung saan tutukuyin Ko ang kinalabasan ninyo. Gayunman, dapat Ko itong gawing malinaw: Tungo sa yaong mga hindi nagpakita sa Akin ni katiting na katapatan sa mga panahon ng kapighatian, hindi na Ako magiging maaawain, sapagkat natatakdaan ang abot ng habag Ko. Higit pa rito, wala Akong gugustuhin sa sinumang minsan na Akong ipinagkanulo, mas lalong hindi Ko gustong nakikipag-ugnayan sa yaong mga nagkakanulo sa mga kapakanan ng mga kaibigan nila. Ito ang disposisyon Ko, hindi alintana kung sino man ang taong iyan. Dapat Ko itong sabihin sa inyo: Sinumang babasag sa puso Ko ay hindi makatatanggap ng habag mula sa Akin sa ikalawang pagkakataon, at ang sinumang naging tapat sa Akin ay magpakailanmang mananatili sa puso Ko.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maghanda ng Sapat na Mabubuting Gawa para sa Iyong Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 587
Sa kalawakan ng mundo, ang mga karagatan ay nagiging mga kaparangan, at ang mga kaparangan ay nagiging mga karagatan, nang napakaraming beses. Maliban sa Kanya na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay sa gitna ng lahat ng bagay, walang sinuman ang may kakayahang umakay at gumabay sa sangkatauhang ito. Walang sinumang “makapangyarihang tao” ang magpapakapagod o maghahanda para sa sangkatauhang ito, lalo nang walang sinumang makakaakay sa sangkatauhang ito tungo sa hantungan ng liwanag at magpapalaya rito mula sa mga kawalan ng katarungan ng mundo ng tao. Naghihinagpis ang Diyos sa kinabukasan ng sangkatauhan, nagdadalamhati Siya sa pagbagsak ng sangkatauhan, at nasasaktan Siya na unti-unting naglalakad ang sangkatauhan patungo sa pagkabulok at sa landas na wala nang balikan. Wala pang sinumang nag-iisip tungkol dito: Saan maaaring tumungo ang gayong sangkatauhan, na yaong lubusang dumurog sa puso ng Diyos at tumalikod sa Kanya para hanapin ang masama? Ito mismo ang dahilan kung bakit walang sumusubok na damhin ang poot ng Diyos, kung bakit walang naghahanap sa daang nakakalugod sa Diyos o sumusubok na mapalapit sa Diyos, at lalong higit na walang sinuman ang nagtatangkang pahalagahan ang pagdadalamhati at pasakit ng Diyos. Kahit matapos marinig ang tinig ng Diyos, ang tao ay nagpapatuloy sa kanyang sariling landas, patuloy na tinatalikuran ang Diyos, umiiwas sa biyaya at kalinga ng Diyos, at lumalayo sa Kanyang katotohanan, mas ginugustong ibenta ang kanyang sarili kay Satanas, ang kaaway ng Diyos. At sino na ang nakapag-isip sa, kapag ipinilit ng tao ang katigasan ng kanyang ulo, paano tatratuhin ng Diyos ang sangkatauhang ito na labis na nagbabalewala sa Kanya? Walang nakakaalam na ang dahilan ng paulit-ulit na mga paalaala at panghihikayat ng Diyos sa tao ay dahil inihanda na Niya sa Kanyang mga kamay ang mga kalamidad na wala pang katulad, mga kalamidad na hindi kakayanin ng katawan at kaluluwa ng tao, hindi lamang isang kaparusahan sa katawan, kundi mga kaparusahan na pumupuntirya sa kaluluwa ng tao. Kailangan mong malaman ito: Anong klase ng galit ang pakakawalan ng Diyos kapag hindi natupad ang plano Niya, at kapag hindi nasuklian ang Kanyang mga paalaala at panghihikayat? Isang bagay ito na hindi pa nararanasan o nalalaman ng sinumang nilikha. Kaya sinasabi Ko, ang mga kalamidad na ito ay wala pang katulad, at hindi na mauulit kailanman. Sapagkat ang plano ng Diyos ay minsan lamang likhain ang sangkatauhan, at minsan lamang iligtas ang sangkatauhan. Ito ang unang pagkakataon, at ito rin ang huli. Samakatwid, walang makakaunawa sa mga masusing layunin at taimtim na pag-aasam ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan sa pagkakataong ito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Diyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 588
Bahagyang nauunawaan ng tao ang gawain sa kasalukuyan at gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan papasok ang sangkatauhan. Bilang isang nilikha, kailangang gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilikha: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa; dapat kayong magpatuloy sa anumang paraang sabihin Ko sa inyo. Wala kang paraan upang mamahala ng mga bagay para sa iyong sarili, at wala kang kadalubhasaan sa iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa pagsasaayos ng Diyos, at lahat ay nasa Kanyang mga kamay. Kung sa Kanyang gawain, binigyan ng Diyos ang tao ng isang kinalabasan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—hindi ito magiging paglupig, ni magiging para gawaan ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang kinalabasan ng tao upang kontrolin siya at matamo ang kanyang puso, sa ganito ay hindi Niya gagawing perpekto ang tao, ni magagawa Niyang matamo ang tao, bagkus ay gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa kinalabasan sa hinaharap, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang mabuting bagay na aasahan. Kung binigyan ang tao ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, nabigyan siya ng isang wastong hantungan na hahangaring matamo, hindi lamang sa hindi matatamo ng gawain ng panlulupig sa tao ang epekto nito, kundi maiimpluwensiyahan din ang epekto ng gawain ng panlulupig. Ibig sabihin, nakakamit ng gawain ng panlulupig ang epekto nito sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at kinabukasan ng tao at paghatol at pagkastigo sa mapanghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito nakakamit sa pamamagitan ng paggawa ng isang kasunduan sa tao, ibig sabihin, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga pagpapala at biyaya, kundi sa pamamagitan ng paghahayag ng katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kanyang “kalayaan” at pagsira sa kanyang kinabukasan. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung binigyan ang tao ng magandang pag-asa sa pinakasimula, at ang gawain ng pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, tatanggapin ng tao ang pagkastigo at paghatol na ito sa batayang nagkaroon siya ng kinabukasan, at sa katapusan, ang walang-kondisyong pagpapasakop at pagsamba sa Lumikha ng lahat ng nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lamang ng bulag at walang-muwang na pagpapasakop, o kung hindi ang tao ay gagawa ng bulag na mga paghingi sa Diyos, at magiging imposible na ganap na malupig ang puso ng tao. Dahil dito, magiging imposible para sa gayong gawain ng panlulupig na makamit ang tao, o, higit pa rito, magpatotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilikha ay hindi makakaganap ng kanilang tungkulin at makikipagtawaran lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, kundi habag at pagpapala. Ang pinakamalaking suliranin sa tao ay na wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at kinabukasan, na iniidolo niya ang mga iyon. Pinagsisikapang matamo ng tao ang Diyos alang-alang sa kanyang kapalaran at kinabukasan; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagkamakasarili, kasakiman at mga bagay na pinakahadlang sa pagsamba ng tao sa Diyos ay dapat mapungusan at sa gayo’y maalis na lahat. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay makakamit. Bilang resulta, sa mga unang yugto ng paglupig sa tao, kailangan na alisin ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakanakamamatay na mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, ibunyag ang mapagmahal-sa-Diyos na puso ng tao at baguhin ang kanyang kaalaman tungkol sa buhay ng tao, ang kanyang pananaw sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, nalilinis ang mapagmahal-sa-Diyos na puso ng tao, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalulupig. Ngunit sa saloobin ng Diyos tungo sa lahat ng nilikha, hindi nanlulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay nanlulupig upang makamit ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay manlulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ibig sabihin niyan ay kung, pagkatapos lupigin ang tao, pinabayaan na ng Diyos ang tao, at hindi na nakialam sa kanyang buhay o kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng paglupig sa kanya at ang kanyang pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan sa kahuli-hulihan ang nasa sentro ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang magkakamit ng mithiin na kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa kapahingahan ang mga pag-asam na dapat taglayin ng lahat ng nilikha, at ang gawain na dapat gawin ng Lumikha. Kung tao ang gagawa ng gawaing ito, masyado itong magiging limitado: Maaari nitong madala ang tao hanggang sa isang punto, ngunit hindi nito madadala ang tao sa walang-hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, kaya niyang tiyakin ang mga pagkakataon ng tao at hantungan sa hinaharap. Subalit, ang gawaing ginagawa ng Diyos ay naiiba. Yamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya ito nang lubusan, at ganap na kakamtin; yamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya ito sa wastong hantungan; at yamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangan Niyang akuin ang pananagutan sa kapalaran at mga pagkakataon ng tao. Ito ang gawaing ginagawa ng Lumikha. Bagama’t ang gawain ng panlulupig ay nakakamit sa pamamagitan ng pag-aalis sa tao ng kanyang mga pagkakataon, ang tao sa kahuli-hulihan ay dapat na madala sa wastong hantungan na inihanda para sa kanya ng Diyos. Mismong dahil gumagawa ang Diyos sa tao na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay natitiyak na. Dito, ang akmang hantungan na tinutukoy ay hindi ang mga pag-asa at mga pagkakataon ng tao na inalis noong mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasahan ng tao at hinahangad na matamo ay ang mga paghahangad na umuusbong mula sa kanyang paghahangad na matamo ang maluluhong pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Samantala, ang inihanda ng Diyos para sa tao ay ang mga pagpapala at mga pangako na nararapat sa tao sa sandaling siya ay madalisay, na inihanda ng Diyos para sa tao matapos likhain ang mundo, at na hindi nababahiran ng mga pagpili, mga kuru-kuro, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungang ito ay hindi inihahanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingahan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ang pinakaangkop na hantungan para sa sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 589
Nilalayon ng Lumikha na pamatnugutan ang lahat ng nilikha. Hindi mo dapat iwaksi o suwayin ang anumang Kanyang ginagawa, ni dapat kang maging mapanghimagsik sa Kanya. Kapag sa huli ay nakamit ng gawain na Kanyang ginagawa ang Kanyang mga mithiin, dito Siya magtatamo ng kaluwalhatian. Ngayon, bakit hindi sinasabi na ikaw ang inapo ni Moab, o ang anak ng malaking pulang dragon? Bakit walang sinasabi tungkol sa mga taong hinirang, at may sinasabi lamang tungkol sa mga nilikha? Ang nilikha—ito ang orihinal na tawag sa tao, at ito ang likas niyang pagkakakilanlan. Nagkakaiba-iba lamang ang mga pangalan sapagkat magkakaiba ang mga kapanahunan at mga panahon ng paggawa; sa katunayan, ang tao ay isang ordinaryong nilikha. Ang lahat ng nilikha, maging sila man ang pinakatiwali o ang pinakabanal, ay dapat gampanan ang tungkulin ng isang nilikha. Kapag isinasakatuparan ng Diyos ang gawain ng panlulupig, hindi ka Niya kinokontrol gamit ang iyong mga pagkakataon, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang minimithi ng gawain ng panlulupig ay ang gawin ang taong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang, ang pasambahin siya sa Lumikha; pagkatapos lamang nito saka siya makakapasok sa kamangha-manghang hantungan. Ang kapalaran ng tao ay nasa kontrol ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Kahit na parating na nagkukumahog at nagpapakaabala ang tao para sa kanyang sarili, nananatili siyang walang kakayahan na kontrolin ang kanyang sarili. Kung kaya mong malaman ang iyong sariling kinabukasan, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, matatawag ka pa rin bang isang nilikha? Sa madaling sabi, paano man gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay alang-alang sa tao. Katulad lang ito ng kung paanong ang mga langit at lupa at ang lahat ng bagay ay nilikha ng Diyos para magserbisyo sa tao: Nilikha ng Diyos ang buwan, ang araw, at ang mga bituin para sa tao, nilikha Niya ang mga hayop at mga halaman para sa tao, nilikha Niya ang tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig para sa tao, at iba pa—ang lahat ng ito ay ginawa alang-alang sa pag-iral ng tao. At kaya, paano man kinakastigo at hinahatulan ng Diyos ang tao, ang lahat ng ito ay alang-alang sa kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang makalamang mga inaasahan nito, ito ay alang-alang sa pagdadalisay sa tao, at ang pagdadalisay sa tao ay ginagawa alang-alang sa pag-iral ng tao. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya paano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 590
Sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay nakumpleto na, dadalhin ang tao sa isang magandang mundo. Siyempre, ang buhay na ito ay magiging nasa lupa pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na tataglayin ng sangkatauhan matapos na ang buong sangkatauhan ay nalupig na, magiging bagong simula ito para sa tao sa lupa, at ang pagkakaroon ng sangkatauhan ng gayong buhay ay magiging patunay na ang sangkatauhan ay nakapasok sa bago at magandang mundo. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay dapat na, matapos na ang tao ay nadalisay at nalupig, siya ay nagpapasakop sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang sangkatauhan sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang buhay ng tao sa lupa sa hinaharap, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na kinasasabikan ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain ng pamamahala; ito ang lubos na kinasasabikan ng sangkatauhan, at ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad mangyayari: Papasok lamang ang tao sa hantungan sa hinaharap sa sandaling natapos na ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa sandaling ganap nang natalo si Satanas. Matapos mapino ang tao, mawawalan na siya ng makasalanang kalikasan, dahil nagapi na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga mapanlabang puwersa, at wala nang mga mapanlabang puwersa na makakasalakay sa laman ng tao. At kaya magiging malaya at pinabanal ang tao—siya ay makakapasok sa kawalang-hanggan. Kapag ang mga mapanlabang puwersa ng kadiliman ay naigapos na, saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at wala na siyang magiging paghihimagsik o pagsalungat. Kailangan lamang maigapos si Satanas para maging maayos ang tao; ganito ang kasalukuyang sitwasyon dahil naghahasik pa rin si Satanas ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat hindi pa umaabot sa katapusan ang buong gawain ng pamamahala ng Diyos. Sa sandaling natalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo na ng tao ang Diyos at nakalabas na mula sa kapangyarihan ni Satanas, kanyang mapagmamasdan ang Araw ng katuwiran. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat mataglay ng isang normal na tao—kagaya ng kakayahan na talusin ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung paano kumain at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal—ang lahat ng ito ay mababawi. Kung si Eba ay hindi natukso ng ahas, ang tao ay nagkaroon dapat ng ganoong normal na buhay pagkatapos siyang likhain noong pasimula. Siya dapat ay nakakain, nadamitan, at namuhay ng normal na buhay ng tao sa lupa. Ngunit pagkatapos na ang tao ay naging ubod ng sama, ang buhay na ito ay naging pangarap na lamang, at kahit ngayon hindi nagtatangka ang tao na guni-gunihin ang gayong mga bagay. Sa katunayan, itong magandang buhay na kinasasabikan ng tao ay isang pangangailangan: Kung ang tao ay walang gayong hantungan, ang kanyang buhay sa lupa na ubod ng sama ay hindi kailanman titigil, at kung walang gayong kagandang buhay, hindi na magkakaroon ng konklusyon sa kapalaran ni Satanas o sa kapanahunan kung saan nasa kapamahalaan pa ni Satanas ang buong lupa. Kailangang makarating ang tao sa isang kinasasaklawan na hindi naaabot ng mga puwersa ng kadiliman, at kapag nagawa na niya iyon, patutunayan nito na natalo na si Satanas. Sa ganitong paraan, sa sandaling wala na ang panggugulo ni Satanas, ang Diyos Mismo ang kokontrol sa sangkatauhan, at Kanyang uutusan at kokontrolin ang buong buhay ng tao; saka lamang tunay nang natalo si Satanas. Ang buhay ng tao ngayon ay kalimitang buhay ng karumihan; isa pa rin itong buhay ng pagdurusa at kapighatian. Hindi ito matatawag na pagkatalo ni Satanas; ang tao ay hindi pa nakakatakas mula sa dagat ng pagdurusa, hindi pa nakakatakas mula sa hirap ng buhay ng tao, o sa impluwensiya ni Satanas, at siya ay may kakatiting pa rin lamang na pagkakilala sa Diyos. Ang lahat ng paghihirap ng tao ay gawa ni Satanas; si Satanas ang nagdala ng pagdurusa sa buhay ng tao, at pagkatapos lamang na maigapos si Satanas saka makakatakas nang lubos ang tao mula sa dagat ng pagdurusa. Ngunit ang pagkagapos ni Satanas ay nakakamit sa pamamagitan ng paglupig at pagkamit sa puso ng tao, sa pamamagitan ng pagturing sa tao bilang samsam sa digmaan laban kay Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 591
Ngayon, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto ay ang mga bagay na hinahangad niya bago siya magkaroon ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, at ang mga ito ay ang mga layunin na hinahangad ng tao bago ang pagkagapos ni Satanas. Sa diwa, ang pagsisikap ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto, o magawang lubhang kapaki-pakinabang, ay upang makatakas sa impluwensiya ni Satanas: Ang pagsisikap ng tao ay upang maging mananagumpay, ngunit ang huling kalalabasan ay ang kanyang pagtakas mula sa impluwensiya ni Satanas. Sa pagtakas lamang mula sa impluwensiya ni Satanas maaaring maisabuhay ng tao ang normal na buhay ng tao sa lupa, ang buhay ng pagsamba sa Diyos. Ngayon, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto ang mga bagay na hinahangad bago ang pagkakaroon ng normal na buhay ng tao sa lupa. Pangunahing hinahangad ang mga ito para sa kapakanan ng pagiging nalinis at pagsasagawa ng katotohanan, at upang sambahin ang Lumikha. Kung tinataglay ng tao ang isang normal na buhay ng tao sa lupa, isang buhay na walang paghihirap o kapighatian, ang tao ay hindi makikisali sa paghahangad na maging mananagumpay. Ang “maging mananagumpay” at “magawang perpekto” ang mga layunin na ibinibigay ng Diyos sa tao upang hangaring matamo, at sa pamamagitan ng paghahangad na matamo ang mga layuning ito na binibigyang-daan Niya ang tao na isagawa ang katotohanan at isabuhay ang isang makabuluhang buhay. Ang layunin ay ang gawing ganap ang tao at makamit siya, at ang paghahangad na maging mananagumpay at magawang perpekto ay isa lamang kaparaanan. Kung sa hinaharap ay pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan, wala nang magiging pagbanggit sa pagiging mananagumpay at sa pagiging nagawang perpekto; magkakaroon na lamang ng pagganap sa kanyang tungkulin ang bawat nilalang. Ngayon, ginagawa ang tao na hangaring matamo ang mga bagay na ito upang magtalaga lamang ng isang saklaw sa tao, nang sa gayon ang paghahangad ng tao ay maging mas tutok at praktikal. Kung hindi, mabubuhay ang tao sa malabong teorya lamang, at magsisikap na makapasok sa buhay na walang hanggan, at kung nagkaganoon nga, hindi ba magiging mas kaawa-awa pa ang tao? Ang magsumikap sa ganitong paraan, na walang mga mithiin o mga prinsipyo—hindi ba ito pandaraya sa sarili? Sa kahuli-hulihan, ang paghahangad na ito ay likas na magiging walang-bunga; sa katapusan, ang tao ay mamumuhay pa rin sa kapangyarihan ni Satanas at hindi makakayang alisin ang kanyang sarili mula rito. Bakit niya isasailalim ang kanyang sarili sa gayong walang-layon na paghahangad? Kapag pumasok na ang tao sa walang-hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, kailangan niyang mag-alala na siya ay lulusubin ni Satanas. Sa panahong ito, mananatili ang bawat tao sa kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila kinakastigo o hinahatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa panahong iyon, ang tao ay magiging isang nilikha kapwa sa pagkakakilanlan at sa katayuan. Wala nang magiging pagkakaiba ng mataas at mababa; ang bawat tao ay gaganap na lamang ng iba-ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mamumuhay pa rin sa isang maayos at angkop na hantungan ng sangkatauhan; gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang sangkatauhang ito ang magiging sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa panahong iyon, magtatamo na ang tao ng isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa pangangalaga at proteksyon ng Diyos, isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng isang normal na buhay sa lupa, at ang lahat ng tao ay papasok sa tamang landas. Lubos nang nagapi ng 6,000-taong plano ng pamamahala si Satanas, ibig sabihin nito’y nabawi na ng Diyos ang orihinal na larawan ng tao matapos siyang likhain sa lupa, at sa gayon, ang orihinal na mga layunin ng Diyos ay natugunan na. Sa simula, bago pa ginawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, namuhay ang sangkatauhan ng isang normal na buhay sa lupa. Kinalaunan, nang siya ay ginawang tiwali ni Satanas, naiwala ng tao ang normal na buhay na ito, at doon nag-umpisa ang gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang pakikipagdigma kay Satanas upang bawiin ang normal na buhay ng tao. Sa pagtatapos lamang ng 6,000-taon na gawain ng pamamahala ng Diyos saka opisyal na magsisimula ang buhay ng buong sangkatauhan sa lupa; saka lamang magkakaroon ang tao ng kamangha-manghang buhay, at mababawi ng Diyos ang layunin sa paglikha sa tao noong pasimula, pati na ang orihinal na wangis ng tao. At kaya, sa sandaling magkaroon na ang tao ng normal na buhay ng sangkatauhan sa lupa, hindi na hahangarin ng tao na maging mananagumpay o magawang perpekto, sapagkat ang tao ay gagawing banal. Ang “mga mananagumpay” at ang “magawang perpekto” na binabanggit ng mga tao ang mga layuning ibinigay sa tao upang pagsikapan sa panahon ng labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at umiiral lamang ang mga iyon sapagkat nagawang tiwali ang tao. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng layunin, at pagsasanhi sa iyo na hangarin ang layunin na ito, na si Satanas ay matatalo. Ang paghingi sa iyo na maging isang mananagumpay o magawang perpekto o magamit ay nangangailangan sa iyo na magpatotoo upang hiyain si Satanas. Sa katapusan, maipamumuhay ng tao ang normal na buhay ng tao sa lupa, at ang tao ay gagawing banal; kapag nangyari ito, hahangarin pa rin ba ng mga tao na maging mga mananagumpay? Hindi ba’t silang lahat ay mga nilikha? Ang pagiging isang mananagumpay at isang nagawang perpekto ay parehong nakadirekta kay Satanas, at sa karumihan ng tao. Ito bang salitang “mananagumpay” ay hindi tumutukoy sa tagumpay laban kay Satanas at sa mga puwersa ng kalaban? Kapag sinasabi mo na ikaw ay nagawa nang perpekto, ano ang nagawa nang perpekto sa loob mo? Hindi ba’t naiwaksi mo na ang iyong mga tiwaling satanikong disposisyon, upang makamit mo ang pinakadakilang pagmamahal sa Diyos? Ang mga gayong bagay ay sinasabi kaugnay ng maruruming bagay sa loob ng tao, at kaugnay kay Satanas; hindi sinasalita ang mga iyon kaugnay sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 592
Kapag nakakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa at ang buong mga puwersa ni Satanas ay naigapos, ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay-bagay ay hindi na magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga tao, mga ugnayang panlipunan, masalimuot na ugnayang pampamilya—nagdadala ang mga iyon ng napakaraming gulo, napakalubhang sakit! Sobrang nakakainis na mamuhay sa gitna ng lahat ng ito! Sa sandaling nalupig ang tao, ang kanyang puso at isipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng may-takot-sa-Diyos na puso at mapagmahal-sa-Diyos na puso. Sa sandaling ang lahat niyaong nasa loob ng sansinukob na naghahanap na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa sandaling natalo na si Satanas, at sa sandaling si Satanas—lahat ng puwersa ng kadiliman—ay naigapos na, kung gayon ang buhay ng tao sa lupa ay hindi magugulo, at makakapamuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at mga masalimuot na usapin ng laman, sa gayon ito ay magiging lalong napakadali. Ang mga kaugnayan ng laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napapalaya ang kanyang sarili sa impluwensiya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat isa sa iyong mga kapatid na lalaki at babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa bawat miyembro ng iyong pamilya, kung gayon ay wala nang manggugulo sa iyo, at hindi mo na kailangan pang mag-alala tungkol sa kaninuman. Wala nang magiging mas mabuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang pagdurusa ng tao. Namumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng mga anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay magiging tulad na tulad ng isang anghel. Ito ang panghuling pangako, ang huling pangakong ipinagkakaloob sa tao. Sa kasalukuyan ang tao ay sumasailalim sa pagkastigo at paghatol; iniisip mo ba na ang karanasan ng tao sa gayong mga bagay ay walang kabuluhan? Ang gawain ba ng pagkastigo at paghatol ay magagawa nang walang dahilan? Nasasabi na noong nakaraan na upang kastiguhin at hatulan ang tao ay ang ilalagay siya tungo sa walang-hanggang kalaliman, na ibig sabihin ay pag-aalis ng kanyang kapalaran at kinabukasan. Ito ay para sa kapakanan ng isang bagay: ang paglilinis sa tao. Ang tao ay hindi inilalagay sa walang-hanggang kalaliman nang sinasadya, at pagkatapos ay tinatalikuran siya ng Diyos. Sa halip, ito ay upang pungusan ang pagiging mapanghimagsik sa loob ng tao, upang sa katapusan ang mga bagay na nasa loob ng tao ay maaaring malinis, upang maaaring magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos at maging gaya ng isang banal na tao. Kung ito ay nagagawa, kung gayon ang lahat ay matutupad. Sa katunayan, kapag yaong mga bagay sa loob ng tao na kailangang mapungusan ay napungusan, at ang tao ay matunog na nagpapatotoo, si Satanas ay matatalo rin, at kahit na mayroon pang kaunti sa mga bagay na iyon na dati nang nasa loob ng tao na hindi pa lubos na nalilinis, sa sandaling natalo si Satanas, hindi na ito magsasanhi ng panggugulo, at sa panahong iyon ang tao ay malilinis na nang lubos. Ang tao ay hindi pa kailanman nakakaranas ng gayong buhay, ngunit kapag natalo si Satanas, ang lahat ay maisasaayos at yaong mga walang kwentang bagay sa loob ng tao ay malulutas lahat; at sa sandaling yaong pangunahing suliranin ay nalutas, lahat ng iba pang gulo ay magwawakas. Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, kapag Kanyang personal na ginagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, ang lahat ng gawain na Kanyang ginagawa ay upang talunin si Satanas, at tatalunin Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at ginagawa kayong ganap. Kapag kayo ay matunog na nagpapatotoo, ito, rin, ay magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nilulupig at sa kahuli-hulihan ay lubos na ginagawang perpekto upang talunin si Satanas. Sa diwa, gayunpaman, kasabay ng pagkatalo ni Satanas, ito rin ang pagliligtas ng buong sangkatauhan mula rito sa salat-sa-tubig na dagat ng dalamhati. Isinasakatuparan man ang gawaing ito sa buong sansinukob o sa Tsina, itong lahat ay upang talunin si Satanas at dalhin ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay maaaring pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Ang nagkatawang-taong Diyos, itong normal na katawang-tao, ay talagang para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa lahat niyaong nasa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa buong sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang ubod ng buong gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang dalhin ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan. Bakit, sa dinami-dami nitong gawain, ay lagi na lamang may sinasabi sa kayo ay magpatotoo? At kanino patungkol ang patotoo na ito? Hindi ba ito nakadirekta kay Satanas? Ang patotoo na ito ay ginagawa sa Diyos, at ito ay ginagawa upang patotohanan na nakamit na ang resulta ng gawain ng Diyos. Ang pagpapatotoo ay may kinalaman sa gawain ng pagtalo kay Satanas; kung wala ang pakikipagdigma kay Satanas, kung gayon ay hindi na kakailanganin sa tao na magpatotoo. Ito ay dahil kailangang matalo si Satanas kaya, kasabay ng pagliligtas sa tao, kinakailangan ng Diyos na magpatotoo sa Kanya ang tao sa harapan ni Satanas, na siyang ginagamit Niya upang iligtas ang tao at makipaglaban kay Satanas. Bilang resulta, ang tao ay parehong ang layon ng pagliligtas at isang kasangkapan sa pagkatalo ni Satanas, at kaya ang tao ay nasa sentro ng gawain ng kabuuang pamamahala ng Diyos, samantalang si Satanas ay ang layon lamang ng pagwasak, ang kalaban. Maaaring nararamdaman mo na wala kang nagagawa, ngunit dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon, ang patotoo ay natataglay na, at ang patotoong ito ay nakatutok kay Satanas at hindi ginagawa para sa tao. Ang tao ay hindi angkop na magtamasa ng gayong patotoo. Papaano niya mauunawaan ang gawain na ginagawa ng Diyos? Ang layon ng laban ng Diyos ay si Satanas; ang tao, samantala, ay ang tanging layon ng pagliligtas. Ang tao ay may mga tiwaling mala-satanas na disposisyon, at walang kakayahan na maunawaan ang gawaing ito. Ito ay dahil sa pagtitiwali ni Satanas at hindi likas sa tao, kundi pinapatnubayan ni Satanas. Ngayon, ang pangunahing gawain ng Diyos ay upang talunin si Satanas, iyon ay, upang ganap na lupigin ang tao, nang sa gayon ang tao ay maaaring magtaglay ng huling patotoo sa Diyos sa harap ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang lahat ng bagay ay matutupad. Sa maraming kaso, sa iyong mata lamang ay mukhang walang nagagawang anuman, ngunit sa katunayan, ang gawain ay natapos na. Kinakailangan ng tao na ang lahat ng gawain ng pagtatapos ay nakikita, ngunit nang hindi ito ipinakikita sa iyo, natatapos Ko na ang Aking gawain, dahil si Satanas ay sumuko, na ang ibig sabihin ito ay lubos na natalo, na nadaig si Satanas ng lahat ng karunungan, kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ito ang eksaktong patotoo na dapat mataglay, at bagaman wala itong malinaw na pagpapahayag sa tao, bagaman hindi ito nakikita ng mata lamang, si Satanas ay natalo na. Ang kabuuan ng gawaing ito ay nakatutok laban kay Satanas at isinasakatuparan dahil sa digmaan laban kay Satanas. At kaya, maraming bagay na hindi nakikita ng tao bilang nagtatagumpay, ngunit ito, sa mga mata ng Diyos, ay matagal nang matagumpay na natapos. Isa ito sa mga nakatagong katunayan tungkol sa lahat ng gawain ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 593
Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto ay mayroong pagkakataon na magawang perpekto, kaya ang lahat ay kailangang huminahon: Sa hinaharap papasok kayong lahat sa hantungan. Ngunit kung ayaw mong magawang perpekto, at ayaw mong pumasok sa kamangha-manghang kinasasaklawan, kung gayon sarili mo nang suliranin iyon. Lahat niyaong nagnanais na magawang perpekto at tapat sa Diyos, lahat ng mga nagpapasakop, at lahat niyaong matapat na gumagampan sa kanilang tungkulin—lahat ng gayong mga tao ay magagawang perpekto. Ngayon, lahat niyaong hindi debotong gumagampan sa kanilang tungkulin, lahat niyaong hindi tapat sa Diyos, lahat niyaong hindi nagpapasakop sa Diyos, lalo na yaong mga nakakatanggap ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ngunit hindi naman isinasagawa ito—ang lahat ng gayong mga tao ay hindi nakakayang magawang perpekto. Lahat niyaong nagnanais na maging tapat at magpasakop sa Diyos ay magagawang perpekto, kahit sila ay ignorante nang bahagya; lahat niyaong nagnanais na maghabol ay magagawang sakdal. Hindi na kailangang mag-alala tungkol dito. Hangga’t nagnanais kang magpatuloy sa direksiyon na ito, magagawa kang perpekto. Ayaw Kong abandonahin o itiwalag ang sinuman sa inyo, ngunit kung hindi nagsusumikap ang tao nang mabuti, kung gayon ay sinisira mo lamang ang iyong sarili; hindi Ako ang nagtitiwalag sa iyo, kundi ikaw mismo. Kung ikaw mismo ay hindi nagsusumikap nang mabuti—kung ikaw ay tamad, o hindi gumaganap ng iyong tungkulin, o hindi ka tapat, o hindi mo hinahangad ang katotohanan at palaging ginagawa ang anumang iyong maibigan, kung kumikilos ka nang walang-ingat, ipinaglalaban ang sarili mong kasikatan at pakinabang, at walang prinsipyo sa iyong pakikitungo sa ibang kasarian, kung gayon dadalhin mo ang pasanin ng sarili mong mga kasalanan; hindi ka karapat-dapat kahabagan ninuman. Ang Aking layunin ay para lahat kayo ay magawang perpekto, at kahit malupig man lamang, nang upang ang yugtong ito ng gawain ay maaaring matagumpay na makumpleto. Ang nais ng Diyos ay magawang perpekto ang bawat tao, sa kahuli-hulihan ay makamit Niya, ganap na malinis Niya, at maging mga tao na Kanyang minamahal. Sinasabi Ko man na kayo ay paurong o may mahinang kakayahan, pawang totoo ang mga ito. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na binabalak Kong abandonahin kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang gawin ang gawain ng pagliligtas sa inyo, na ang ibig sabihin ay ang gawain na Aking ginagawa ay isang pagpapatuloy ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pagkakataon upang magawang perpekto: Basta’t ikaw ay handa, basta’t patuloy kang naghahangad, sa huli ay magagawa mong makamit ang resultang ito, at walang sinuman sa inyo ang maaabandona. Kung mahina ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong mahinang kakayahan; kung magaling ang iyong kakayahan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong magaling na kakayahan; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa katunayan na ikaw ay may pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga hihingin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang gawin ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, ang Aking mga hihingin sa iyo ay magiging alinsunod dito; kung sinasabi mong hindi mo magagawa ang tungkulin ng pagpapatuloy sa bahay, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, ito man ay pangangaral ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pag-aasikaso sa iba’t ibang mga pangkalahatang usapin, ang Aking pagpeperpekto sa iyo ay magiging alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagpapasakop hanggang sa pinakahuli, at ang paghahangad na magkaroon ng pinakadakilang pagmamahal sa Diyos—ito ang kailangan mong tuparin, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa kahuli-hulihan, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung makakamit niya ang mga iyon, sa gayon ay gagawin siyang perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghabol, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang-kibo sa bagay na iyan. Nasabi Ko na ang bawat tao ay may pagkakataong magawang perpekto at may kakayahang magawang perpekto, at ito ay totoo, ngunit hindi mo sinusubukang maging mas mahusay sa iyong paghahangad. Kung hindi mo nakakamit ang tatlong batayang ito, kung gayon sa katapusan, dapat kang itiwalag. Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais Ko na ang lahat ay magkaroon ng gawain at ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at magawang magpasakop hanggang sa pinakahuli, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magiging perpekto na, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat niyaong mayroong patotoo ay yaong mga nagiging matagumpay laban kay Satanas at natatamo ang pangako ng Diyos, at sila ang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 594
Sa simula, nasa pahinga ang Diyos. Walang mga tao o anumang iba pa sa lupa noong panahong iyon, at hindi pa gumawa ang Diyos ng kahit anupamang gawain. Sinimulan lamang Niya ang Kanyang gawaing pamamahala sa sandaling umiral na ang sangkatauhan at pagkatapos maging tiwali ng sangkatauhan. Mula noong puntong iyon, hindi na Siya nagpahinga, at sa halip ay nagsimulang magpakaabala sa gitna ng sangkatauhan. Ang katiwalian ng sangkatauhan ang dahilan kung bakit nawalan ng pahinga ang Diyos, at dahil na din sa pagkakanulo ng arkanghel. Kung hindi tatalunin ng Diyos si Satanas at ililigtas ang naging tiwaling sangkatauhan, hindi Siya kailanman muling makakapasok sa pahinga. Habang nagkukulang sa pahinga ang tao, ganoon din ang Diyos, at kapag namahinga na Siyang muli, ganoon din ang gagawin ng mga tao. Ang pamumuhay sa pahinga ay nangangahulugan ng isang buhay na walang digmaan, walang dumi, at nang walang namamalaging kawalan ng katuwiran. Ibig sabihin, isa itong buhay na walang mga panggugulo ni Satanas (ang salitang “Satanas” dito ay tumutukoy sa mga kaaway na puwersa) at katiwalian ni Satanas, at ni hindi rin ito nagugulo ng anumang puwersang sumasalungat sa Diyos; isa itong buhay kung saan ang lahat ay ibinukod-bukodayon sa uri nito at maaaring sumamba sa Lumikha, at kung saan ang langit at lupa ay ganap na payapa—ito ang ibig sabihin ng mga salitang “buhay na puno ng pahinga ng mga tao.” Kapag namahinga ang Diyos, hindi na magpapatuloy ang kawalan ng katuwiran sa mundo, ni hindi magkakaroon ng anumang karagdagang pagsalakay mula sa mga kaaway na puwersa, at papasok ang sangkatauhan sa isang bagong kinasasaklawan—hindi na isang sangkatauhang ginawang tiwali ni Satanas kundi isang sangkatauhang nailigtas matapos gawing tiwali ni Satanas. Ang araw ng pahinga ng sangkatauhan ay magiging araw din ng pahinga ng Diyos. Nawala ng Diyos ang Kanyang pahinga dahil sa kawalan ng kakayahan ng sangkatauhan na pumasok sa pahinga, hindi dahil sa hindi Niya nagawang magpahinga sa simula. Ang pagpasok sa pahinga ay hindi nangangahulugang ang lahat ay humihinto sa paggalaw o tumitigil sa pag-unlad, at hindi rin ito nangangahulugang humihinto sa paggawa ang Diyos o na humihintong mabuhay ang mga tao. Ang tanda ng pagpasok sa pahinga ay kapag nawasak na si Satanas, kapag naparusahan at napawi na ang masasamang taong nakiisa sa masasamang gawain nito, at kapag tumigil sa pag-iral ang lahat ng puwersang laban sa Diyos. Ang pagpasok ng Diyos sa pahinga ay nangangahulugang hindi na Niya isasakatuparan ang Kanyang ginagawang pagliligtas sa sangkatauhan. Ang pagpasok ng sangkatauhan sa pahinga ay nangangahulugan na ang buong sangkatauhan ay mabubuhay sa loob ng liwanag ng Diyos at sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala, walang katiwalian ni Satanas, at walang magaganap na kawalan ng katuwiran. Sa ilalim ng pag-aaruga ng Diyos, mamumuhay nang normal ang sangkatauhan sa lupa. Kapag pumasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan nang magkasama, nangangahulugan itong nailigtas na ang sangkatauhan at nawasak na si Satanas, at ganap nang natapos ang gawain ng Diyos sa tao. Hindi na magpapatuloy ang Diyos sa Kanyang gawain sa mga tao, at sila ay hindi na mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Samakatwid, hindi na magiging abala ang Diyos, at ang mga tao ay hindi na palaging aligaga. Ang Diyos at ang sangkatauhan ay magkasabay na papasok sa pahinga. Babalik ang Diyos sa Kanyang orihinal na lugar, at babalik ang bawat tao sa kani-kanilang mga lugar. Ito ang mga hantungan kung saan maninirahan ang Diyos at ang mga tao sa sandaling matapos ang buong pamamahala ng Diyos. Ang Diyos ay may hantungang para sa Diyos, at ang sangkatauhan ay may hantungang para sa sangkatauhan. Habang nagpapahinga, magpapatuloy ang Diyos sa paggabay sa lahat ng mga tao sa kanilang mga buhay sa lupa, at habang nasa Kanyang liwanag, sasambahin nila ang nag-iisang tunay na Diyos sa langit. Hindi na mamumuhay ang Diyos kasama ng sangkatauhan, at hindi rin magagawang mamuhay ng mga tao kasama ng Diyos sa Kanyang hantungan. Hindi maaaring mamuhay sa loob ng parehong lugar ang Diyos at ang mga tao. Sa halip, kapwa sila may kanya-kanyang mga paraan ng pamumuhay. Ang Diyos ang Siyang gumagabay sa lahat ng sangkatauhan, at ang lahat ng sangkatauhan ay ang kristalisasyon ng gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang inaakay ay ang mga tao, at ang kanilang diwa ay hindi natutulad sa diwa ng Diyos. Ang “magpahinga” ay nangangahulugan ng pagbalik sa orihinal na lugar. Samakatuwid, kapag pumasok sa pahinga ang Diyos, nangangahulugan itong bumalik na Siya sa Kanyang orihinal na lugar. Hindi na Siya mamumuhay sa mundo o makakasama ng sangkatauhan upang makibahagi sa kanilang kagalakan at pagdurusa. Kapag pumasok sa pahinga ang mga tao, nangangahulugan itong sila ay naging tunay na mga nilikha. Sasambahin nila ang Diyos mula sa lupa, at mamumuhay ng normal. Ang mga tao ay hindi na maghihimagsik laban sa Diyos o lalaban sa Kanya, at magbabalik sa orihinal na buhay nina Adan at Eba. Ito ang magiging kani-kanilang buhay at hantungan ng Diyos at ng mga tao pagkatapos nilang pumasok sa pahinga. Ang pagkatalo ni Satanas ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan ng digmaan sa pagitan nito at ng Diyos. Tulad nito, ang pagpasok ng Diyos sa pahinga pagkatapos ng Kanyang gawaing pamamahala at ang ganap na kaligtasan at pagpasok sa pahinga ng sangkatauhan ay mga hindi na rin maiiwasang kahihinatnan. Nasa lupa ang lugar ng pahingahan ng sangkatauhan, at nasa langit ang pahingahan ng Diyos. Habang sinasamba ng mga tao ang Diyos sa pamamahinga, mamumuhay sila sa lupa, at habang inaakay ng Diyos ang natitirang sangkatauhang sa pamamahinga, pamumunuan Niya sila mula sa langit, hindi mula sa lupa. Ang Diyos ay mananatiling Espiritu, habang mananatiling laman ang mga tao. Namamahinga ang Diyos at ang mga tao sa magkaibang paraan. Habang nagpapahinga ang Diyos, darating Siya at magpapakita sa gitna ng mga tao. Habang nagpapahinga ang mga tao, aakayin sila ng Diyos upang dumalaw sa langit, pati na rin upang ikasiya ang buhay doon. Matapos pumasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan, hindi na iiral pa si Satanas. Gayundin, titigil na rin sa pag-iral ang masasamang taong iyon. Bago magpahinga ang Diyos at ang sangkatauhan, ang masasamang tao na minsang umusig sa Diyos sa lupa, pati na rin ang mga kaaway na naghimagsik laban sa Kanya doon, ay nawasak na; napuksa na sila ng malalaking kalamidad ng mga huling araw. Sa sandaling lubusang mapuksa ang masasamang taong iyon, hindi na kailanman muling mababatid ng lupa ang panggugulo ni Satanas. Doon lamang makakukuha ang sangkatauhan ng ganap na kaligtasan, at lubusang matatapos ang gawain ng Diyos. Ito ang mga paunang kinakailangan upang makapasok sa pahinga ang Diyos at ang sangkatauhan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 595
Ang paglapit ng mga kinalabasan ng lahat ng bagay ay nagpapahiwatig ng pagkompleto ng gawain ng Diyos, pati na rin ng pagtatapos ng pag-unlad ng sangkatauhan. Nangangahulugan ito na ang mga tao, bilang ginawang tiwali ni Satanas, ay darating na sa huling yugto ng kanilang pag-unlad, at ang pagpapalaganap ng lahi ng mga inapo nina Adan at Eba ay natapos na. Nangangahulugan din na ang ganitong sangkatauhan, na naging tiwali dahil kay Satanas, ay hindi posibleng patuloy na umunlad. Sina Adan at Eba na makikita sa simula ay hindi naging tiwali, subalit sina Adan at Eba na itinaboy mula sa Hardin ng Eden ay ginawang tiwali ni Satanas. Kapag pumasok sa pahinga ang Diyos at ang mga tao nang magkasama, sina Adan at Eba—na itinaboy mula sa Hardin ng Eden—at ang mga inapo nila ay darating na sa wakas sa isang pagtatapos. Ang sangkatauhan ng hinaharap ay binubuo pa rin ng mga inapo nina Adan at Eba, ngunit sila ay hindi mamumuhay sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas. Sa halip, sila ay magiging ang mga taong iniligtas at ginawang dalisay. Ito ay magiging isang sangkatauhan na hinatulan at kinastigo na, at isang ginawang banal. Ang mga taong ito ay hindi magiging katulad ng orihinal na lahi ng tao. Halos maaaring sabihin na magiging ganap na iba ang kanilang uri mula kina Adan at Eba sa simula. Napili ang mga taong ito mula sa lahat ng mga ginawang tiwali ni Satanas, at sila ang sa huli na siyang mga tumayo nang matatag sa panahon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos; sila ang huling natitirang pangkat ng mga tao sa gitna ng tiwaling sangkatauhan. Tanging ang mga taong ito ang magagawang makapasok sa huling pahinga kasama ng Diyos. Ang mga nakakapanindigan nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng pagdadalisay—ang siyang makakapasok sa huling kapahingahan kasama ang Diyos. Samakatwid, nakatakas na sa impluwensiya ni Satanas ang lahat ng mga pumasok sa kapahingahan at nakamit na sila ng Diyos pagkatapos lang na sumailalim sa Kanyang huling gawain ng pagdadalisay. Ang mga taong ito, na sa wakas ay makakamit na ng Diyos, ay papasok sa huling kapahingahan. Ang layunin ng gawain ng pagkastigo at paghatol ng Diyos ay sa diwa’y upang dalisayin ang sangkatauhan, alang-alang sa huling araw ng pahinga; kung hindi, walang mga miyembro ng sangkatauhan ang maaaring mabukod-bukod ayon sa kanilang uri, o makapasok sa kapahingahan. Ang gawaing ito ay ang tanging landas ng sangkatauhan upang pumasok sa kapahingahan. Tanging ang gawain ng pagdadalisay ng Diyos ang maglilinis sa kawalan ng katuwiran ng mga tao, at tanging ang gawain Niya ng pagkastigo at paghatol ang maglalantad sa mga mapaghimagsik na bahagi ng sangkatauhan, sa gayon ay natutukoy kung sino ang mga puwede at di-puwedeng maligtas, at ang mga mananatili at ‘di mananatili. Kapag natapos ang gawaing ito, ang lahat ng mga taong pinayagang manatili ay lilinisin at papasok sa isang mas mataas na mundo ng sangkatauhan kung saan magtatamasa sila ng isang mas kamangha-manghang ikalawang buhay sa lupa; sa madaling salita, papasok sila sa kanilang araw ng pahinga, at mabubuhay kasama ang Diyos. Matapos makastigo at mahatulan ang mga hindi pinapayagang manatili, ang kanilang tunay na mga kulay ay ganap na maihahayag, pagkatapos nito ay wawasakin silang lahat at, kagaya ni Satanas, hindi na pahihintulutang mabuhay sa lupa. Ang sangkatauhan sa hinaharap ay hindi na magsasama ng alinman sa ganitong uri ng mga tao. Hindi angkop na pumasok sa lupain ng huling pahinga ang ganitong mga tao, at hindi sila angkop na sumali sa araw ng pahingang pagsasaluhan ng Diyos at ng sangkatauhan, dahil sila ang puntirya ng kaparusahan at mga masama, hindi matuwid na mga tao. Tinubos sila nang minsan, at hinatulan at kinastigo na rin sila. Minsan din silang nagtrabaho para sa Diyos. Subalit, pagdating ng huling araw, ititiwalag at wawasakin pa rin sila dahil sa kasamaan nila at bilang bunga ng kanilang paghihimagsik at kawalang kakayahang matubos. Hindi sila kailanman muling iiral sa mundo ng hinaharap, at hindi na mamumuhay kasama ang lahi ng tao sa hinaharap. Maging mga espiritu man sila ng mga patay o mga taong nabubuhay pa rin sa laman, wawasakin ang lahat ng taong gumagawa ng masama at ang lahat ng hindi pa naililigtas sa sandaling ang ginawang banal sa gitna ng sangkatauhan ay pumasok na sa pahinga. Para naman sa mga masasamang espiritu at tao na ito, o ang mga espiritu ng matuwid na mga tao at mga gumagawa ng katuwiran, anuman ang kinabibilangan nilang kapanahunan, sa huli, ang lahat ng masama ay mawawasak, at ang lahat ng mga matuwid ay makaliligtas. Kung makatatanggap ng kaligtasan ang isang tao o espiritu ay hindi ganap na pinagpapasyahan sa batayan ng gawain ng huling kapanahunan. Sa halip, tinutukoy ito sa pamamagitan ng kung sila man ay lumaban o hindi o kaya ay naghimagsik laban sa Diyos. Ang mga tao sa nakaraang panahon na gumawa ng masama at hindi nakapagtamo ng kaligtasan, walang alinlangan, ay mapagtutuunan ng kaparusahan, at ang mga nasa kasalukuyang panahon na gumagawa ng masama at hindi maaaring mailigtas ay tiyak na mapagtutuunan din ng kaparusahan. Ang mga tao ay nauuri ayon sa kabutihan o kasamaan, at hindi sa pamamagitan ng kung anong kapanahunan sila nabubuhay. Kapag naayos na batay sa uri, hindi sila agarang parurusahan o gagantimpalaan. Sa halip, isasakatuparan lamang ng Diyos ang gawain Niya na pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti makaraan Niyang matapos ang pagsasakatuparan ng gawain Niya ng panlulupig sa mga huling araw. Sa katunayan, pinaghihiwalay na Niya ang mga mabubuti at masasamang tao mula pa nang simulan Niyang gawin ang gawain Niya ng pagliligtas ng sangkatauhan. Iyon nga lamang, gagantimpalaan Niya ang matuwid at parurusahan ang masasama sa oras lamang na matapos Niya ang Kanyang gawain. Hindi sa paghihiwalayin Niya sila ayon sa uri pagkatapos ng Kanyang gawain at pagkatapos ay agarang mag-uumpisa na atupagin ang pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti. Sa halip, ang gampaning ito ay gagawin lamang kapag ganap nang tapos ang Kanyang gawain. Ang tanging layunin sa likod ng huling gawain ng Diyos na pagpaparusa sa masama at pagbibigay ng gantimpala sa mabuti ay upang lubusang maging dalisay ang lahat ng mga tao upang maaari Siyang magdala ng isang ganap na pinabanal na sangkatauhan sa walang hanggang pahinga. Ang yugtong ito ng Kanyang gawain ang pinakamahalaga; ito ang huling yugto ng kabuuan ng Kanyang gawain ng pamamahala. Kung hindi winasak ng Diyos ang kasamaan, at sa halip ay pinayagan silang manatili, hindi pa rin makakapasok sa kapahingahan ang buong sangkatauhan, at hindi sila madadala ng Diyos sa isang mas mabuting lugar. Hindi ganap na matatapos ang ganitong uri ng gawain. Kapag natapos na ang gawain Niya, magiging ganap na pinabanal ang kabuuan ng sangkatauhan. Sa ganitong paraan lamang mapayapang makakapamuhay ang Diyos sa kapahingahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 596
Sa panahong ito, hindi pa rin nagagawang bitiwan ng mga tao ang mga bagay ng laman; hindi nila maisuko ang pagtatamasa ng laman, ng mundo, salapi, o ng kanilang mga tiwaling disposisyon. Matamlay na nagpapatuloy ang karamihan ng mga tao sa kanilang mga hangarin. Ang totoo, hindi talaga kinukupkop ang Diyos sa puso ng mga taong ito; higit pang masahol, wala silang pangamba sa Diyos. Wala silang Diyos sa kanilang mga puso, at kaya hindi nila mahiwatigan ang lahat ng ginagawa ng Diyos, at higit na mababa ang kakayahan nilang maniwala sa mga salitang binibigkas Niya. Labis sa laman ang gayong mga tao; sa anupaman, napakalalim na ng kanilang pagkatiwali at salat sila sa anumang katotohanan. Higit pa rito, hindi sila naniniwalang makakaya ng Diyos na magkatawang-tao. Sinumang hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—ibig sabihin, sinumang hindi naniniwala sa nakikitang Diyos o sa gawain at mga salita Niya, bagkus ay sumasamba sa di-nakikitang Diyos sa langit—ay isang taong walang Diyos sa kanyang puso. Mapanghimagsik at lumalaban sa Diyos ang gayong mga tao. Wala silang pagkatao o katwiran, lalo na ng katotohanan. Para sa mga taong ito, lalong hindi mapaniniwalaan ang nakikita at nahahawakang Diyos, ngunit itinuturing nila na kapani-paniwala at nakapagpapasaya nang higit sa lahat ang di-nakikita at di-nahahawakang Diyos. Hindi ang aktwal na katotohanan o ang tunay na kabuluhan ng buhay ang hinahangad nila; lalong hindi ang mga layunin ng Diyos. Sa halip, hinahangad nila ang kasabikan. Alinmang mga bagay na makakayang magbigay ng kakayahang tuparin ang mga sarili nilang mga pagnanasa ay walang alinlangang ang pinaniniwalaan at itinataguyod nila. Naniniwala lamang sila sa Diyos upang matugunan ang sarili nilang mga pagnanasa, hindi upang hangarin ang katotohanan. Hindi ba mga tagagawa ng masama ang gayong mga tao? Labis ang kanilang tiwala sa sarili, at hinding-hindi sila naniniwala na wawasakin ng Diyos sa langit ang gayong “mabubuting tao” na tulad nila. Sa halip, naniniwala sila na tutulutan sila ng Diyos na manatili at, bukod dito, malakihan silang gagantimpalaan dahil sa nagawang maraming bagay para sa Diyos at naipakitang malaking “debosyon” sa Kanya. Kung hahangarin din nila ang nakikitang Diyos, sa sandaling hindi matugunan ang kanilang mga pagnanasa, agad silang gaganti sa Diyos o magwawala. Ipinakikita nila ang mga sarili bilang kasuklam-suklam na mga tuta na naghahangad lamang matugunan ang mga sarili nilang pagnanasa; hindi sila mga taong may dangal na naghahangad sa katotohanan. Ang gayong mga tao ay ang tinatawag na masasama na sumusunod kay Cristo. Yaong mga taong hindi naghahangad ng katotohanan ay hindi makakayang maniwala kahit pa sa katotohanan, at lalong hindi magagawang mahiwatigan ang kalalabasan sa hinaharap ng sangkatauhan, dahil hindi sila naniniwala sa anumang gawain o mga salita ng nakikitang Diyos—at kabilang dito ang hindi magawang maniwala sa hantungan ng sangkatauhan sa hinaharap. Samakatuwid, kahit sinusundan pa nila ang nakikitang Diyos, gumagawa pa rin sila ng masama at hinding-hindi hinahangad ang katotohanan, o isinasagawa ang katotohanang hinihingi Ko. Sa kataliwasan, ang mga taong wawasakin ay yaong hindi naniniwala na sila ay wawasakin. Lahat sila ay naniniwala na napakatalino nila, at kanilang iniisip na sila mismo ang mga taong nagsasagawa sa katotohanan. Itinuturing nila bilang katotohanan ang kanilang masasamang gawa at sa gayon ay pinahahalagahan ang mga ito. Labis ang tiwala sa sarili ng gayong masasamang tao; itinuturing nilang doktrina ang katotohanan at itinuturing ang masasamang gawa nila bilang katotohanan, ngunit sa katapusan, makakaya lamang nilang anihin kung ano ang kanilang naihasik. Mas may tiwala sa sarili at di-masupil na kayabangan ang mga tao, mas hindi nila magagawang matamo ang katotohanan; mas naniniwala ang mga tao sa Diyos sa langit, mas nilalabanan nila ang Diyos. Ang mga taong ito ang siyang parurusahan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 597
Bago pumasok sa pamamahinga ang sangkatauhan, matutukoy kung parurusahan ba o gagantimpalaan ang bawat uri ng tao ayon sa kung hinangad ba nila ang katotohanan, kung kilala ba nila ang Diyos, at kung maaari ba silang magpasakop sa nakikitang Diyos. Hindi nagtataglay ng katotohanan yaong mga nagtatrabaho para sa nakikitang Diyos, subalit hindi Siya nakikilala o nagpapasakop sa Kanya. Mga taong gumagawa ng masama ang gayong mga tao, at walang alinlangang magiging mga pakay ng kaparusahan ang mga taong gumagawa ng masama; higit pa rito, parurusahan sila ayon sa kanilang masasamang gawa. Ang Diyos ay para sa mga tao na paniwalaan, at karapat-dapat din Siya sa kanilang pagpapasakop. Ang mga may pananalig lang sa malabo at di-nakikitang Diyos ay mga taong hindi nananampalataya sa Diyos at hindi magawang magpasakop sa Diyos. Kung hindi pa rin magagawang maniwala ng mga taong ito sa nakikitang Diyos sa oras na natapos ang gawain Niya ng panlulupig, at magpapatuloy sa paghihimagsik at paglaban sa nakikitang Diyos na nasa katawang-tao, walang alinlangan na itong “mga tagasunod ng malabong Diyos” na ito, sa huli, ay magiging mga pakay ng pagwasak. Katulad din ito ng ilan sa inyo—ang lahat ng kumikilala sa salita sa Diyos na nagkatawang-tao, ngunit hindi maisagawa ang katotohanan ng pagpapasakop sa Diyos na nagkatawang-tao, ay ititiwalag at wawasakin sa huli. Bukod dito, lahat ng pasalitang kumikilala sa nakikitang Diyos at kumakain at umiinom ng katotohanang ipinapahayag Niya, pero naghahangad sa malabo at di-nakikitang Diyos, ay lalong magiging mga puntirya ng pagkawasak. Wala sa mga taong ito ang magagawang manatili hanggang sa oras ng pamamahinga na darating makaraang natapos na ang gawain ng Diyos, o makakaya ng isang tao na katulad ng gayong mga tao na manatili hanggang sa oras na iyon ng pamamahinga. Ang mga tao na sa mga demonyo ay hindi isinasagawa ang katotohanan; paglaban at paghihimagsik sa Diyos ang diwa nila, at wala silang bahagya mang layon na magpasakop sa Kanya. Wawasakin ang lahat ng gayong tao. Nakasalalay sa iyong diwa, hindi sa iyong hitsura o kung paano ka magsalita o kumilos paminsan-minsan, kung taglay mo ang katotohanan o kung lumalaban ka sa Diyos. Natutukoy sa diwa ng tao kung siya ba ay wawasakin o hindi; pinagpapasyahan ito ayon sa diwang ibinubunyag ng asal niya at ng paghahangad niya sa katotohanan. Sa mga taong pawang gumagampan ng gawain at gumagawa ng parehas na dami ng gawain, ang mga may mabubuting diwa ng pagkatao na nagtataglay ng katotohanan ang siyang mga papayagan na manatili, samantalang yaong mga may masasamang diwa ng pagkatao na naghihimagsik laban sa nakikitang Diyos ang siyang mga magiging pakay ng pagkawasak. Ang lahat ng gawain o mga salita ng Diyos na kaugnay sa hantungan ng sangkatauhan ay angkop na pakikitunguhan ang mga tao batay sa diwa ng bawat isa; walang magaganap na bahagya mang kamalian, at higit pa rito, walang magagawang isa mang pagkakamali. Tuwing gumagawa lamang ng gawain ang mga tao na nahahaluan ito ng mga damdamin at kahulugan. Pinakaangkop ang gawaing ginagawa ng Diyos; lubusan Siyang hindi naglalabas ng mga maling paratang laban sa sinumang nilikha. Maraming tao sa kasalukuyan ang hindi malinaw na nakakakita sa hantungan ng sangkatauhan sa hinaharap at hindi naniniwala sa mga salitang binibigkas Ko. Lahat ng yaong hindi naniniwala, gayundin ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ay mga demonyo!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 598
Sa panahong ito, yaong mga naghahangad at yaong mga hindi naghahangad ay dalawang uri ng mga tao, na may magkakaibang hantungan. Yaong mga naghahangad sa kaalaman ng katotohanan at nagsasagawa ng katotohanan ang mga pagdadalhan ng Diyos ng kaligtasan. Yaong mga hindi nababatid ang tunay na daan ay mga demonyo at kaaway; mga inapo sila ng arkanghel at magiging mga pakay ng pagwasak. Kahit yaong mga maka-Diyos na mananampalataya ng isang malabong Diyos—hindi ba’t mga demonyo rin sila? Ang mga taong nagtataglay ng mabubuting konsensiya ngunit hindi tinatanggap ang tunay na daan ay mga demonyo; paglaban sa Diyos ang kanilang diwa. Yaong mga hindi tinatanggap ang tunay na daan ay yaong mga lumalaban sa Diyos, at kahit nagtitiis ng maraming hirap ang gayong mga tao, wawasakin pa rin sila. Yaong lahat ng atubiling tumalikod sa mundo, na hindi matiis na mawalay sa kanilang mga magulang, at hindi makatiis na alisin sa kanilang mga sarili ang mga pagtatamasa sa laman ay mapaghimagsik sa Diyos, at magiging mga pakay ng pagkawasak. Sinumang hindi nananampalataya sa Diyos na nagkatawang-tao ay isang demonyo at, higit pa rito, sila ay wawasakin. Yaong mga may pananalig ngunit hindi isinasagawa ang katotohanan, yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao, at yaong mga hinding-hindi naniniwala sa pag-iral ng Diyos ay magiging mga pakay din ng pagwasak. Lahat yaong mga pahihintulutang manatili ay mga taong nagdaan na sa pagdurusa ng pagpipino at matatag na nanindigan; mga tao itong tunay na tiniis ang mga pagsubok. Sinumang hindi kumikilala sa Diyos ay isang kaaway; ibig sabihin, sinumang hindi kumikilala sa Diyos na nagkatawang-tao—nasa loob man sila o nasa labas ng daloy na ito—ay isang anticristo! Sino si Satanas, sino ang mga demonyo, at sino ang mga kaaway ng Diyos kundi ang mga mapanlaban na hindi naniniwala sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga taong mapaghimagsik laban sa Diyos? Hindi ba sila yaong mga umaangkin na may pananalig, subalit salat sa katotohanan? Hindi ba sila yaong mga naghahangad na matamo lamang ang mga pagpapala samantalang hindi magawang magpatotoo sa Diyos? Nakikihalubilo ka pa rin ngayon sa mga demonyong iyon at tinatrato sila nang may konsensiya at pagmamahal, ngunit sa pangyayaring ito, hindi ka ba nag-aabot ng mabubuting layon kay Satanas? Hindi ka ba kakampi ng mga demonyo? Kung umabot na ang mga tao sa puntong ito at hindi pa rin nila mapag-iba ang mabuti sa masama, at patuloy na bulag na maging mapagmahal at maawain nang walang anumang pagnanais na hangarin ang mga layunin ng Diyos o magawang ituring bilang kanila sa anumang paraan ang mga layunin ng Diyos, magiging higit na kahabag-habag ang kanilang mga kinalabasan. Kaaway ng Diyos ang sinumang hindi naniniwala sa Diyos sa katawang-tao. Kung nakapag-uukol ka ng konsensiya at pagmamahal sa isang kaaway, hindi ka ba salat sa pagpapahalaga sa katarungan? Kung kaayon ka ng mga yaong kinamumuhian Ko at hindi Ko sinasang-ayunan, at nag-uukol pa rin ng pagmamahal o pansariling damdamin sa kanila, hindi ka ba mapaghimagsik kung gayon? Hindi mo ba sinasadyang labanan ang Diyos? Aktuwal bang nagtataglay ng katotohanan ang gayong tao? Kung nag-uukol ng pagkakonsensiya ang mga tao patungkol sa mga kaaway, pagmamahal sa mga demonyo, at habag kay Satanas, hindi ba nila sinasadyang gambalain ang gawain ng Diyos sa gayon? Yaong mga tao na naniniwala lamang kay Jesus at hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao sa mga huling araw, gayundin yaong mga pasalitang inaangkin na naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ngunit gumagawa ng masama, ay pawang anticristo, kahit hindi pa banggitin yaong mga hindi man lamang naniniwala sa Diyos. Magiging mga pakay ng pagwasak ang lahat ng taong ito. Nakabatay sa kanilang pag-uugali ang pamantayang ginagamit ng mga tao upang husgahan ang ibang mga tao; matuwid yaong ang pag-uugali ay mabuti, samantalang masama yaong ang pag-uugali ay karumal-dumal. Ang pamantayan ng Diyos sa paghatol sa mga tao ay batay sa kung nagpapasakop ba o hindi sa Kanya ang kanilang diwa; matuwid na tao ang nagpapasakop sa Diyos, samantalang ang hindi nagpapasakop ay kaaway at isang masamang tao, mabuti man o masama ang pag-uugali ng taong ito at kung tama man o mali ang kanyang pananalita. Nais ng ilang tao na gumamit ng mabubuting gawa upang magtamo ng magandang hantungan sa hinaharap, at nais ng ilang mga tao na gumamit ng maiinam na salita upang magkamit ng mabuting hantungan. Maling naniniwala ang lahat na natutukoy ng Diyos ang kalalabasan ng mga tao pagkaraang mamasdan ang kanilang pag-uugali o pagkaraang makinig sa kanilang pananalita; kaya maraming tao ang nagnanais samantalahin ito upang linlangin ang Diyos na gawaran sila ng isang panandaliang biyaya. Sa hinaharap, ang lahat ng taong makaliligtas sa isang kalagayan ng pamamahinga ay napagtiisan na ang araw ng pagdurusa at nakapagpatotoo na rin sa Diyos; lahat sila ay magiging mga tao na tinupad na ang kanilang mga tungkulin at kusa nang nagpasakop sa Diyos. Yaong mga nais lamang gamitin ang pagkakataon na gawin ang paglilingkod na kasama ang balak na iwasan ang pagsasagawa ng katotohanan ay hindi pahihintulutang manatili. May mga naaangkop na pamantayan ang Diyos para sa pag-aayos ng mga kalalabasan ng bawat tao; hindi Siya basta gumagawa ng mga kapasiyahang ito ayon sa mga salita at asal ng isang tao, ni gumagawa Siya ng mga ito batay sa kung paano kumikilos ang isang tao sa isang tagal ng panahon. Tiyak na hindi Siya magiging maluwag hinggil sa masasamang gawa ng isang tao dahil sa nakaraang paglilingkod nito sa Kanya, o hindi rin Niya ililigtas ang isang tao mula sa kamatayan dahil sa ilang haba ng panahong ginamit na ginugugol para sa Kanya. Walang sinuman ang makaiiwas sa paghihiganti para sa kanilang kasamaan, at walang sinuman ang mapagtatakpan ang kanilang masamang pag-uugali at sa gayon ay makaiiwas sa mga paghihirap ng pagkawasak. Kung totoong matutupad ng mga tao ang sarili nilang tungkulin, nangangahulugan ito na walang hanggang tapat sila sa Diyos at hindi hinahangad ang mga pabuya, tumatanggap man sila ng mga biyaya o nagdurusa sa kasawian. Kung tapat sa Diyos ang mga tao kapag nakikita nila ang mga biyaya, ngunit nawawala ang kanilang katapatan kapag hindi nila nakikita ang anumang mga biyaya, at kung ang mga taong ito—na minsang nagtrabaho nang tapat—ay hindi pa rin magawang magpatotoo sa Diyos o tuparin ang mga tungkuling kailangan nila sa huli, magiging mga pakay pa rin ng pagkawasak ang gayong mga tao. Sa madaling salita, hindi maaaring makaligtas hanggang sa kawalang-hanggan ang masasamang tao, o makapapasok sa pamamahinga; tanging ang mga matuwid ang mga panginoon ng pamamahinga. Sa sandaling nasa tamang landas ang sangkatauhan, ang mga tao ay magkakaroon ng normal na buhay ng tao. Gagawin nilang lahat ang kani-kaniyang mga tungkulin at magiging ganap na tapat sa Diyos. Lubusan nilang iwawaksi ang kanilang paghihimagsik at ang kanilang mga tiwaling disposisyon, at mabubuhay sila para sa Diyos at dahil sa Diyos, nang walang paghihimagsik at paglaban. Magagawa nilang lahat na ganap na magpasakop sa Diyos. Ito ang magiging buhay ng Diyos at ng sangkatauhan; ito ang magiging buhay ng kaharian, at magiging isang buhay ito ng pamamahinga.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 599
Labis na makasarili yaong mga nagkakaladkad tungong iglesia sa kanilang mga lubusang di-nananampalatayang anak at kamag-anak, at nagpapakita lamang sila ng kabaitan. Nakatuon lamang ang mga taong ito sa pagiging mapagmahal, naniniwala man sila o hindi o kung layunin man ito ng Diyos. Dinadala ng ilan ang kanilang esposa sa harap ng Diyos, o kinakaladkad ang kanilang mga magulang sa harap ng Diyos, at sumasang-ayon man sa kanila o hindi ang Banal na Espiritu o gumagawa sa kanila, walang taros silang nagpapatuloy sa “pag-ampon ng matatalinong tao” para sa Diyos. Anong pakinabang ang maaaring makamit mula sa pagpapaabot ng kabaitan sa mga walang pananampalatayang ito? Kahit na ang mga hindi mananampalatayang ito, na walang presensiya ng Banal na Espiritu, ay atubiling sumusunod sa Diyos, hindi pa rin sila maililigtas tulad ng maaaring paniwala ng tao. Yaong mga makakatanggap ng kaligtasan ay hindi talaga ganoon kadaling makamit. Lubos na walang kakayahan na magawang ganap ang mga tao na hindi sumailalim sa gawain at mga pagsubok ng Banal na Espiritu, at hindi nagawang perpekto ng Diyos na nagkatawang-tao. Samakatwid, mula sa sandaling simulan nilang sundan sa turing ang Diyos, salat sa presensya ng Banal na Espiritu ang mga taong iyon. Dala ng kanilang mga kondisyon at tunay na kalagayan, sadyang hindi sila magagawang ganap. Sa gayon, nagpapasya ang Banal na Espiritu na huwag gumugol ng gaanong sigla sa kanila, ni nagkakaloob Siya ng anumang kaliwanagan o ginagabayan sila sa anumang paraan; pinahihintulutan lamang Niya silang makisunod, at ibubunyag sa huli ang mga kalalabasan nila—sapat na ito. Ang sigasig at mga layunin ng sangkatauhan ay mula kay Satanas, at hindi makakaya ng mga bagay na ito sa anumang paraan na gawing ganap ang gawain ng Banal na Espiritu. Anupaman ang mga tao, dapat silang magtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Maaari bang gawing ganap ng mga tao ang mga tao? Bakit minamahal ng isang lalaki ang kanyang asawa? Bakit minamahal ng isang babae ang kanyang asawa? Bakit masunurin ang mga anak sa kanilang mga magulang? Bakit mahal na mahal ng mga magulang ang kanilang mga anak? Anong uring mga intensyon ang tunay na kinikimkim ng mga tao? Ang intensyon ba nila ay hindi upang matugunan ang sarili nilang mga plano at mga makasariling pagnanais? Tunay bang ibig nilang kumilos alang-alang sa plano ng pamamahala ng Diyos? Tunay nga bang kumikilos sila alang-alang sa gawain ng Diyos? Ang layon ba nila ay tuparin ang tungkulin ng isang nilikha? Yaong mga hindi nagagawang matamo ang presensya ng Banal na Espiritu mula noong sandaling nagsimula silang maniwala sa Diyos ay hindi kailanman makakayang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu; ang mga taong ito ay tiyak na mga pakay na wawasakin. Gaano man kalaki ang pagmamahal na mayroon ang isang tao para sa kanila, hindi nito makakayang halinhan ang gawain ng Banal na Espiritu. Kumakatawan ang sigasig at pagmamahal ng mga tao sa mga layunin ng tao, ngunit hindi maaaring kumatawan ang mga ito sa mga layunin ng Diyos, ni hindi maaaring ipanghalili sa gawain ng Diyos. Kahit na ipinaabot ng isang tao ang pinakamalaking posibleng dami ng pagmamahal o awa sa mga tao na naniniwala sa turing sa Diyos at nagpapanggap na sumusunod sa Kanya nang hindi nalalaman kung ano ang tunay na kahulugan ng maniwala sa Diyos, hindi pa rin nila matatamo ang simpatya ng Diyos, ni makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kahit na mahina ang kakayahan ng mga tao na taos-pusong sinusundan ang Diyos at hindi magawang maunawaan ang maraming katotohanan, makakaya pa rin nila na paminsan-minsang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu; gayunman, yaong mga may masyadong mahusay na kakayahan, ngunit hindi taos-pusong naniniwala, ay sadyang hindi makakamit ang presensya ng Banal na Espiritu. Walang lubos na posibilidad para sa kaligtasan ng gayong mga tao. Kahit binabasa nila ang mga salita ng Diyos o paminsan-minsang pinakikinggan ang mga pangaral, o kahit inaawit ang mga papuri sa Diyos, sa huli ay hindi nila magagawang makaligtas hanggang sa oras ng pamamahinga. Taos-puso mang naghahangad ang mga tao ay hindi natutukoy sa pamamagitan ng kung paano sila hinuhusgahan ng iba o kung paano sila tinitingnan ng mga tao sa kanilang paligid, ngunit sa pamamagitan ng kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa kanila at kung natamo na nila ang presensya ng Banal na Espiritu. Bukod dito, nakabatay ito sa kung magbabago ba ang kanilang mga disposisyon at sa nakamit na ba nila ang anumang kaalaman sa Diyos matapos sumailalim sa gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng isang tiyak na panahon. Kung gumagawa ang Banal na Espiritu sa isang tao, unti-unting magbabago ang disposisyon ng taong ito, at unti-unting lalagong higit na dalisay ang pananaw niya sa paniniwala sa Diyos. Gaano man katagal sinusundan ng mga tao ang Diyos, hangga’t nagbago sila, nangangahulugan itong gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu. Kung hindi pa sila nagbago, nangangahulugan itong hindi gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu. Magserbisyo man ang mga taong ito, ang nagtutulak sa kanilang gawin ito ay ang pagnanais na makatanggap ng mga pagpapala. Hindi makakayang pumalit ng paminsan-minsang paggawa ng paglilingkod sa pagdanas sa pagbabago sa kanilang mga disposisyon. Sa huli, wawasakin pa rin sila, dahil hindi na kakailanganin sa kaharian ang mga tagapagsilbi, o hindi na rin kakailanganin para sa sinumang hindi nagbago ang disposisyon upang magbigay ng serbisyo sa mga taong nagawang perpekto na at tapat sa Diyos. Yaong mga salitang sinabi sa nakaraan, “Kapag naniniwala ang isang tao sa Panginoon, ngumingiti ang kapalaran sa buong pamilya ng isang tao,” ay angkop para sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit walang kaugnayan sa hantungan ng sangkatauhan. Naaangkop lamang ang mga ito para sa isang yugto noong Kapanahunan ng Biyaya. Nakatuon ang pahiwatig ng mga salitang iyon sa biyayang pangkapayapaan at panlupa na tinamasa ng mga tao; hindi nangangahulugan ang mga ito na ang buong pamilya ng isang tao na naniniwala sa Panginoon ay maililigtas, ni hindi nangangahulugan ang mga ito na kapag nakakatanggap ang isang tao ng mga pagpapala, makakaya ring madala sa pamamahinga ang buong pamilya niya. Tumatanggap man ng mga pagpapala ang isang tao o nagdurusa sa kasawian ay natutukoy ayon sa diwa ng isang tao, at hindi ayon sa anumang karaniwang diwang maaaring ibahagi ng isang tao sa iba. Wala na nga lamang puwang sa kaharian ang ganoong uring kasabihan o panuntunan. Kung sa huli ay magagawang makaligtas ng isang tao, ito ay dahil natugunan nila ang mga hinihingi ng Diyos, at kung sa huli ay hindi nila magagawang manatili hanggang sa oras ng pamamahinga, ito ay dahil naging mapaghimagsik sila sa Diyos at hindi natugunan ang mga hinihingi ng Diyos. May angkop na hantungan ang lahat, na natutukoy ayon sa diwa ng bawat tao, at ganap na walang kinalaman sa ibang mga tao. Ang masamang pag-uugali ng isang bata ay hindi maililipat sa kanyang mga magulang, ni hindi maibabahagi sa mga magulang ang pagiging matuwid ng isang bata. Hindi maililipat sa kanyang mga anak ang masamang pag-uugali ng isang magulang, hindi rin maibabahagi sa kanyang mga anak ang pagiging matuwid ng isang magulang. Pinapasan ng lahat ang kani-kaniyang mga kasalanan, at tinatamasa ng lahat ang kani-kaniyang mga pagpapala. Walang sinuman ang maaaring maging panghalili sa isa pang tao; ito ang pagiging matuwid. Sa pananaw ng tao, kung tumatanggap ng mga pagpapala ang mga magulang, kung gayon ay dapat tumanggap din ang kanilang mga anak, at kung gumagawa ng masama ang mga anak, dapat magbayad ang kanilang mga magulang para sa mga kasalanang iyon. Isa itong pananaw ng tao at isang paraan ng tao sa paggawa ng mga bagay; hindi ito pananaw ng Diyos. Natutukoy ang kinalabasan ng lahat ayon sa diwa ng kanilang mga gawa, at palagi itong angkop na natutukoy. Walang sinumang makapapasan sa mga kasalanan ng iba; higit pa, walang sinumang makatatanggap ng kaparusahan na nauukol sa iba. Ito ay lubos. Ang mapagmahal na pag-aaruga ng isang magulang sa kanyang mga anak ay hindi nagpapahiwatig na makakaya niyang gampanan ang mga gawang matuwid sa halip ng kanyang mga anak, ni ang masunuring pagkamagiliw ng isang anak sa kanyang mga magulang ay nangangahulugang makakaya niyang gampanan ang mga gawang matuwid sa halip ng kanyang mga magulang. Ito ang tunay na pakahulugan ng mga salitang, “Kung gayon ay magkakaroon ng dalawa sa batawan; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan. Maggigiling sa kiskisan ang dalawang babae; ang isa ay kukunin, at ang isa ay iiwan.” Hindi madadala ng mga tao sa pamamahinga ang mga anak nilang gumagawa ng masama batay sa malalim nilang pagmamahal sa mga ito, ni hindi madadala ng sinuman sa pamamahinga ang kanyang asawa batay sa matutuwid nitong gawa. Isa itong administratibong panuntunan; hindi maaaring magkaroon ng mga pagtatangi para sa sinuman. Sa huli, ang mga gumagawa ng pagiging matuwid ay mga gumagawa ng pagiging matuwid, at ang mga taong gumagawa ng masama ay mga taong gumagawa ng masama. Tutulutang makaligtas sa kalaunan ang mga gumagawa ng katuwiran, samantalang wawasakin ang mga taong gumagawa ng masama. Ang mga banal ay mga banal; hindi sila madumi. Ang madudumi ay madudumi, at walang isa mang bahagi nila ang banal. Ang mga taong wawasakin ay ang lahat ng masasama, at ang mga makaliligtas ay ang lahat ng mga matuwid—kahit pa gumaganap ng mga matuwid na gawa ang mga anak ng masasama, at kahit pa gumagawa ng masasamang gawa ang mga magulang ng mga matuwid. Walang ugnayan sa pagitan ng isang nananampalatayang esposo at ng isang di-nananampalatayang esposa, at walang ugnayan sa pagitan ng mga nananampalatayang anak at mga di-nananampalatayang magulang; ganap na hindi magkaayon ang dalawang uring ito ng mga tao. Bago pumasok sa pamamahinga, ang mga tao ay may pagmamahal sa laman, sa pamilya, ngunit sa sandaling pumasok sila sa pamamahinga, wala nang magiging anumang mga pagmamahal sa laman, sa pamilya. Yaong mga gumagawa ng kanilang tungkulin ay mga kaaway ng mga yaong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin; yaong mga nagmamahal sa Diyos at yaong mga napopoot sa Kanya ay magkasalungat sa isa’t isa. Yaong mga papasok sa pamamahinga at yaong mga mawawasak na ay dalawang di-magkaayong uri ng mga nilikha. Ang mga nilikha na tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magagawang makaligtas, habang yaong mga hindi tumutupad sa kanilang mga tungkulin ay magiging mga pakay ng pagkawasak; higit pa rito, magtatagal ito hanggang sa kawalang-hanggan. Minamahal mo ba ang iyong esposo upang matupad ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Minamahal mo ba ang iyong esposa upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Masunurin ka ba sa mga di-nananampalatayang magulang upang tuparin ang tungkulin mo bilang isang nilikha? Tama ba o mali ang pananaw ng tao hinggil sa paniniwala sa Diyos? Bakit ka naniniwala sa Diyos? Ano ang nais mong makamit? Paano mo minamahal ang Diyos? Yaong mga hindi makatupad sa kanilang mga tungkulin bilang mga nilikha, at hindi makagawa ng sagarang pagsisikap, ay magiging mga pakay ng pagkawasak. May mga pisikal na ugnayang umiiral sa pagitan ng mga tao ng ngayon, gayundin ang mga pagkakaugnay sa dugo, ngunit sa hinaharap, babasagin ang lahat ng ito. Hindi magkaayon ang mga mananampalataya at ang mga walang pananampalataya; bagkus ay magkasalungat sila sa isa’t isa. Yaong mga nasa pamamahinga ay maniniwala na may Diyos at magpapasakop sa Diyos, samantalang yaong mga mapaghimagsik laban sa Diyos ay pawang mawawasak. Hindi na iiral sa lupa ang mga pamilya; paano pa magkakaroon ng mga magulang o mga anak o mga ugnayan ng mag-asawa? Ang mismong hindi pagiging magkaayon ng paniniwala at di-paniniwala ay lubos na papatid sa gayong mga pisikal na ugnayan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 600
Sa una ay walang mga pamilya sa sangkatauhan; isang lalaki at isang babae lamang ang umiiral—dalawang magkaibang uri ng mga tao. Walang mga bansa, lalong walang mga pamilya, ngunit bunga ng pagkatiwali ng sangkatauhan, binuo ng lahat ng uri ng mga tao ang kanilang mga sarili sa isahang mga angkan, na di naglaon ay umunlad sa mga bansa at mga lahi. Kabilang sa mga bansa at lahing ito ang maliliit na isahang pamilya, at sa ganitong paraan, naikalat ang lahat ng uri ng mga tao sa iba’t ibang lahi batay sa mga pagkakaiba sa wika at mga hangganan. Ang totoo, gaano karaming lahi man mayroon sa daigdig, may iisang ninuno lamang ang sangkatauhan. Sa simula, may dalawang uri lamang ng mga tao, at ang dalawang uring ito ay mga lalaki at mga babae. Gayunman, dahil sa pagsulong ng gawain ng Diyos, sa kilos ng kasaysayan, at sa mga pagbabagong pang-heograpiya, bumuo sa iba’t ibang antas ang dalawang uri ng mga taong ito ng higit pang iba’t ibang uri ng mga tao. Sa batayan, gaano man karaming mga lahi ang maaaring bumuo sa sangkatauhan, likha pa rin ng Diyos ang lahat ng sangkatauhan. Sa anupamang mga lahi nabibilang ang mga tao, silang lahat ay mga nilikha Niya; mga inapo silang lahat nina Adan at Eba. Bagama’t hindi sila ginawa ng mga kamay ng Diyos, mga inapo sila nina Adan at Eba, na nilikha mismo ng Diyos. Sa aling uri man ng pagkatao nabibilang ang mga tao, silang lahat ay mga nilikha Niya; yamang nabibilang sila sa sangkatauhan, na nilikha ng Diyos, ang kanilang hantungan ay yaong dapat taglayin ng sangkatauhan, at hinati-hati sila ayon sa mga panuntunang nag-oorganisa sa mga tao. Ibig sabihin, ang lahat ng gumagawa ng masama at ang lahat ng gumagampan ng matutuwid na gawa ay, kung tutuusin, mga nilikha. Wawasakin sa huli ang mga nilikha na gumagawa ng masama, at ang mga nilikha na gumagawa ng mga matuwid na gawa ay makakaligtas. Ito ang pinakaangkop na pagsasaayos para sa dalawang uri ng mga nilikha na ito. Dahil sa kanilang paghihimagsik, hindi maitatatwa ng mga taong gumagawa ng masama na sila ay mga nilikha ng Diyos subalit inagaw na sila ni Satanas, at kaya, hindi sila maililigtas. Batay sa katunayang patuloy silang mabubuhay, ang mga nilikhang gumagawa ng matutuwid na gawa, ay hindi makapagtatatwang nilikha sila ng Diyos subalit tumanggap na ng kaligtasan matapos magawang tiwali ni Satanas. Ang mga gumagawa ng masama ay mga nilikha na mapaghimagsik laban sa Diyos; mga nilikha sila na hindi maililigtas at lubusan nang binihag ni Satanas. Mga tao rin ang mga taong gumagawa ng masama; mga tao silang nagawa nang tiwali sa kasukdulan, at hindi maililigtas. Tulad ng sila ay mga nilikha rin, nagawa na ring tiwali ang mga taong gumagawa ng matutuwid na gawa, ngunit sila ay mga taong handang iwaksi ang kanilang mga tiwaling disposisyon at nagkaroon na ng kakayahang magpasakop sa Diyos. Hindi umaapaw sa pagiging matuwid ang mga taong gumagawa ng matutuwid na gawa; sa halip, nakatanggap na sila ng kaligtasan at naiwaksi na nila ang kanilang mga tiwaling disposisyon; makapagpapasakop sila sa Diyos. Magiging matatag sila sa katapusan, bagama’t hindi iyan pagsasabi na hindi sila kailanman nagawang tiwali ni Satanas. Pagkaraang matapos ang gawain ng Diyos, sa lahat ng mga nilikha may mga mawawasak at may mga makakaligtas. Isa itong hindi maiiwasang kalakaran sa gawain ng pamamahala Niya; walang sinumang makapagtatatwa nito. Ang mga taong gumagawa ng masama ay hindi pahihintulutang makaligtas, tiyak na makaliligtas yaong mga nagpapasakop at sumusunod sa Diyos hanggang sa katapusan. Dahil ito ay isang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan, magkakaroon ng mga mananatili at mga ititiwalag. Ito ang iba’t ibang kalalabasan para sa iba’t ibang uri ng mga tao, at ang mga ito ang pinakaangkop na mga pagsasaayos para sa mga nilikha. Ang panghuling pagsasaayos ng Diyos para sa sangkatauhan ay ang paghiwa-hiwalayin sila sa pamamagitan ng pagwasak sa mga pamilya, pagsira sa mga etnisidad, at pagbasag sa mga pambansang hangganan sa isang pagsasaayos na walang mga pamilya o mga pambansang hangganan, sapagkat ang mga tao, kung tutuusin, ay nagmula sa iisang ninuno at sila ay mga nilikha. Sa madaling salita, ang mga nilikhang gumagawa ng kasamaan ay wawasakin, at ang mga nilikha na nagpapasakop sa Diyos ay maliligtas. Sa ganitong paraan, wala nang magiging mga pamilya, walang mga bansa, at lalong walang mga lahi sa paparating na oras ng pamamahinga; magiging pinakabanal na uri ng sangkatauhan ang ganitong uri ng sangkatauhan. Nilikha sa simula sina Adan at Eba upang mapamahalaan ng sangkatauhan ang lahat ng bagay sa lupa; ang mga tao ang unang mga dalubhasa ng lahat ng mga bagay. Ang layunin ni Jehova sa paglalang sa mga tao ay upang matulutan silang umiral sa lupa at upang mamahala sa lahat ng bagay rito, dahil hindi nagawang tiwali sa simula ang sangkatauhan at walang kakayahang gumawa ng masama. Gayunman, pagkaraang maging tiwali ang mga tao, hindi na sila ang mga tagapamahala ng lahat ng bagay. Ang layunin ng pagliligtas ng Diyos ay upang maipanumbalik ang tungkuling ito ng sangkatauhan, upang maipanumbalik ang unang katwiran at ang orihinal na pagpapasakop ng sangkatauhan; ang sangkatauhan sa pamamahinga ang magiging mismong pagkakatawan ng bungang inaasahan ng Diyos na matatamo sa gawain Niya ng pagliligtas. Bagama’t hindi na ito magiging isang buhay na tulad ng sa Hardin ng Eden, magiging ganoon din ang diwa ng mga ito; ang sangkatauhan ay hindi na lamang magiging ang nauna nilang di-natiwaling sarili, bagkus ay isang sangkatauhang naging tiwali at pagkaraan ay tumanggap ng kaligtasan. Sa huli, ang mga taong ito na tumanggap na ng kaligtasan (iyan ay, pagkaraang tapos na ang gawain ng Diyos) ay papasok sa pamamahinga. Gayundin, ang mga kahihinatnan ng mga yaong parurusahan ay ganap ding mahahayag sa katapusan, at wawasakin lamang sila pagkaraang natapos na ang gawain ng Diyos. Sa madaling salita, pagkaraang natapos na ang gawain Niya, mabubunyag lahat yaong mga taong gumagawa ng masama at yaong mga nailigtas na, dahil ang gawain ng pagbubunyag ng lahat ng uri ng mga tao (sila man ay mga taong gumagawa ng masama o kabilang sa yaong mga iniligtas) ay isasakatuparan sa lahat nang sabay-sabay. Ititiwalag ang mga tagagawa ng masama, at ihahayag nang sabay-sabay yaong mga pinahihintulutang manatili. Samakatuwid, ihahayag nang sabay-sabay ang kahihinatnan ng lahat ng mga uri ng mga tao. Hindi pahihintulutan ng Diyos ang isang pangkat ng mga tao na nadalhan na ng kaligtasan na pumasok sa pamamahinga bago isaisantabi ang mga tagagawa ng masama at hatulan o parusahan sila nang paunti-unti; hindi iyan magiging kaayon sa mga katunayan. Kapag winasak ang mga taong gumagawa ng masama at pumasok sa pamamahinga yaong mga maaaring makaligtas, makokompleto ang gawain ng Diyos sa sansinukob. Hindi magkakaroon ng ayos ng pagkauna sa yaong mga tumatanggap ng mga pagpapala at yaong mga nagdurusa sa kasawian; mabubuhay kailanman yaong mga tumatanggap ng mga pagpapala, samantalang mamamatay sa kawalang-hanggan yaong mga nagdurusa sa kasawian. Tatapusin nang sabay-sabay ang dalawang hakbang na ito ng gawain. Mismong dahil sa pag-iral ng mga mapaghimagsik na tao kaya mahahayag ang pagkamatuwid ng mga nagpapasakop, at ito ay mismong dahil may mga tumanggap na ng mga pagpapala na mabubunyag ang kasawiang dinanas ng mga taong gumagawa ng masama dahil sa masama nilang pag-uugali. Kung hindi ibinunyag ng Diyos ang mga taong gumagawa ng masama, ang mga taong taimtim na nagpapasakop sa Diyos ay hindi kailanman makikita ang araw; kung hindi dinala ng Diyos sa isang angkop na hantungan yaong mga nagpapasakop sa Kanya, hindi magagawang tanggapin ng mga mapaghimagsik sa Diyos ang nararapat nilang ganti. Ito ang pamamaraan ng gawain ng Diyos. Kung hindi Niya isinakatuparan ang gawaing ito ng pagpaparusa sa masama at pagbibigay-pala sa mabuti, hindi kailanman magagawa ng mga nilikha na makapasok sa kani-kanilang mga hantungan. Sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang sangkatauhan, nawasak na ang mga taong gumagawa ng masama at mapupunta sa tamang landas ang lahat ng sangkatauhan; ang lahat ng klase ng mga tao ay mabubukod-bukod ayon sa kanilang uri batay sa mga papel na dapat nilang isakatuparan. Tanging ito ang magiging araw ng pamamahinga ng sangkatauhan, ito ang walang pagsalang magiging tunguhin para sa pagpapaunlad ng sangkatauhan, at tanging kapag nakapasok sa pamamahinga ang sangkatauhan maaabot ang pagtatapos ng dakila at huling mga tagumpay ng Diyos; ito ang magiging pangwakas na bahagi ng gawain Niya. Ang gawaing ito ang tatapos sa lahat ng bulok na buhay ng laman ng sangkatauhan, gayundin ang buhay ng tiwaling sangkatauhan. Simula roon, papasok ang mga tao sa isang bagong kinasasaklawan. Bagama’t mamumuhay sa laman ang lahat ng tao, magkakaroon ng mga makabuluhang kaibhan sa pagitan ng diwa ng buhay na ito at sa buhay ng tiwaling sangkatauhan. Nagkakaiba rin ang kabuluhan ng pag-iral na ito at ng pag-iral ng tiwaling sangkatauhan. Bagama’t hindi ito ang magiging buhay ng isang bagong uri ng tao, masasabi na buhay ito ng isang sangkatauhang tumanggap ng kaligtasan, at isang buhay na rin na kung saan nabawi na ang pagkatao at katwiran. Mga tao itong minsan nang naging mapaghimagsik laban sa Diyos, na nalupig na ng Diyos at pagkaraan ay iniligtas Niya; mga tao itong nagbigay-kahihiyan sa Diyos at pagkaraan ay nagpatotoo sa Kanya. Matapos silang sumailalim at makaligtas sa Kanyang pagsusulit, ang kanilang pag-iral ay magiging ang pinakamakahulugang pag-iral; mga tao silang nagpatotoo sa Diyos sa harap ni Satanas, at mga tao na akmang mabuhay. Yaong mga malilipol ay ang mga hindi makapanindigan sa kanilang patotoo sa Diyos at hindi akmang patuloy na mabuhay. Magiging bunga ng masama nilang pag-uugali ang kanilang pagkawasak, at ang gayong pagpuksa ang pinakamainam na hantungan para sa kanila. Sa hinaharap, kapag pumasok ang sangkatauhan sa marikit na dako, mawawala na ang mga ugnayan sa pagitan ng mag-asawa, sa pagitan ng ama at anak na babae, o sa pagitan ng ina at anak na lalaki na inaakala ng mga tao na kanilang matatagpuan. Sa oras na iyon, ang bawat tao ay mabubukod-bukod ayon sa kanilang uri, at ang mga pamilya ay mawawasak na. Dahil sa ganap na pagkabigo, hindi na muling gagambalain ni Satanas ang sangkatauhan, at hindi na magkakaroon ng mga tiwaling satanikong disposisyon ang mga tao. Nawasak na yaong mga mapaghimagsik na tao, at tanging ang mga tao na nagpapasakop ang mananatili. Sa gayon, kakaunting pamilya ang buong makaliligtas; paano makapagpapatuloy sa pag-iral ang mga pisikal na ugnayan? Lubos na ipagbabawal ang dating buhay sa laman ng sangkatauhan; paano makaiiral, kung gayon, ang mga pisikal na ugnayan sa pagitan ng mga tao? Kung walang mga tiwaling satanikong disposisyon, ang buhay ng tao ay hindi na magiging ang lumang buhay ng nakaraan, bagkus ay isang bagong buhay. Mawawalan ng mga anak ang mga magulang, at mawawalan ng mga magulang ang mga anak. Mawawalan ng esposa ang mga esposo, at mawawalan ng esposo ang mga esposa. Kasalukuyang umiiral ang mga pisikal na ugnayan sa pagitan ng mga tao, ngunit hindi na iiral ang mga ito sa sandaling pumasok sa pamamahinga ang lahat. Tanging ang ganitong uri ng sangkatauhan ang magtataglay ng pagiging matuwid at kabanalan; tanging ang ganitong uri ng sangkatauhan ang makasasamba sa Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 601
Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan, inilagay Niya sila sa lupa at inakay sila magmula noon, kalaunan, sila ay iniligtas Niya at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan para sa sangkatauhan, sa katapusan, dapat pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, ganap na iligtas ang mga tao, at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawaing isinasagawa Niya mula sa simula hanggang sa huli—ang pagpapanumbalik sa sangkatauhan sa orihinal nitong imahe at wangis. Itatatag ng Diyos ang kaharian Niya at ipapanumbalik ang orihinal na wangis ng mga tao, na nangangahulugang ipapanumbalik ng Diyos ang awtoridad Niya sa lupa at sa gitna ng lahat ng nilikha. Nawala sa sangkatauhan ang may-takot-sa-Diyos nilang puso gayundin ang papel na nararapat na mayroon ang mga nilikha matapos gawing tiwali ni Satanas, kaya’t naging isang kaaway na mapaghimagsik laban sa Diyos. Namuhay pagkaraan ang sangkatauhan sa ilalim ng kapangyarihan ni Satanas at sumailalim sa pagmamanipula ni Satanas; sa gayon, walang paraan ang Diyos upang gumawa sa gitna ng mga nilikha Niya, at lalong hindi Niya makamit ang takot ng mga ito. Ang mga tao ay nilikha ng Diyos, at dapat sumamba sa Diyos, ngunit totoong tinalikuran nila Siya at sa halip ay sumamba kay Satanas. Naging diyos-diyosan si Satanas sa kanilang mga puso. Sa gayon, nawalan ang Diyos ng katayuan sa kanilang puso, na ang ibig sabihin ay nawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan. Samakatwid, upang mapanumbalik ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan, dapat Niyang maipanumbalik ang orihinal nilang wangis at tanggalin sa sangkatauhan ang kanilang tiwaling disposisyon. Upang mabawi ang mga tao mula kay Satanas, dapat Niya silang iligtas mula sa kasalanan. Tanging sa ganitong paraan Niya unti-unting maipapanumbalik ang orhinal nilang wangis at tungkulin, at sa wakas, ay mapapanumbalik ang kaharian Niya. Ang ganap na pagkawasak ng yaong mga anak ng paghihimagsik sa huli ay para din sa kapakanan ng pagtutulot sa mga tao na sambahin nang mas mabuti ang Diyos at mamuhay sa lupa nang higit na maayos. Sapagkat nilikha ng Diyos ang mga tao, gagawin Niyang sambahin Siya nila; sapagkat ninanais Niyang maipanumbalik ang unang tungkulin ng sangkatauhan, ganap Niya itong ipapanumbalik, at nang walang anumang halo. Ang pagpapanumbalik ng awtoridad Niya ay nangangahulugan ng pagpapasamba at pagpapasakop sa Kanya ng mga tao; nangangahulugan ito na gagawin ng Diyos na mabuhay ang mga tao nang dahil sa Kanya at magdulot na mapahamak ang mga kaaway Niya bilang bunga ng Kanyang awtoridad. Nangangahulugan ito na sasanhiin ng Diyos na maipamalagi sa mga tao ang lahat-lahat ng tungkol sa Kanya nang walang paglaban mula kahit kanino. Ang kahariang ninanais itatag ng Diyos ay ang sarili Niyang kaharian. Ang sangkatauhang ninanais Niya ay yaong sumasamba sa Kanya, yaong ganap na nagpapasakop sa Kanya na nagtataglay ng kaluwalhatian Niya. Kung hindi ililigtas ng Diyos ang tiwaling sangkatauhan, mawawala ang kahulugan sa likod ng paglikha Niya sa sangkatauhan; mawawalan na Siya ng awtoridad sa mga tao, at hindi na magagawang umiral sa lupa ng kaharian Niya. Kung hindi wawasakin ng Diyos yaong mga kaaway na mapaghimagsik laban sa Kanya, hindi Niya magagawang matamo ang ganap Niyang luwalhati, o hindi rin Niya magagawang itatag ang kaharian Niya sa lupa. Ang mga ito ang magiging mga pananda ng pagtatapos ng gawain Niya at ng mga dakilang katuparan Niya: upang lubos na wasakin yaong mga kabilang sa sangkatauhan na mapaghimagsik laban sa Kanya, at upang dalhin sa pamamahinga yaong mga nagawa nang ganap. Kapag naipanumbalik na ang mga tao sa una nilang wangis, at kapag natutupad na nila ang kani-kanilang mga tungkulin, nananatili sa sarili nilang wastong kinalalagyan at nagpapasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos, nakamit na ng Diyos ang isang grupo ng mga tao na nasa lupa na sumasamba sa Kanya, at naitatag na rin Niya ang isang kaharian sa lupa na sumasamba sa Kanya. Magkakaroon Siya ng walang-hanggang tagumpay sa lupa, at ang lahat ng yaong mga sumasalungat sa Kanya ay mapapahamak sa lahat ng kawalang-hanggan. Ipanunumbalik nito ang una Niyang layunin sa paglikha sa sangkatauhan; ipanunumbalik nito ang layunin Niya sa paglikha ng lahat ng mga bagay, at ipanunumbalik din nito ang awtoridad Niya sa lupa, sa gitna ng lahat ng mga bagay, at sa gitna ng mga kaaway Niya. Ang mga ito ang magiging mga sagisag ng ganap Niyang tagumpay. Mula roon, papasok ang sangkatauhan sa pamamahinga at sisimulan ang buhay na nasa tamang landas. Papasok din sa walang-hanggang pamamahinga ang Diyos kasama ang sangkatauhan, at magsisimula ng isang walang-hanggang buhay na kapwa pagsasaluhan Niya at ng mga tao. Naglaho na ang dungis at paghihimagsik sa lupa, at humupa na ang lahat ng pagtangis, at tumigil na sa pag-iral ang lahat-lahat ng nasa daigdig na sumasalungat sa Diyos. Tanging ang Diyos at yaong mga taong dinalhan Niya ng kaligtasan ang mananatili; tanging ang nilikha Niya ang mananatili.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Papasok sa Pahinga ang Diyos at ang Tao Nang Magkasama
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 602
Ang tao ay lubusang gagawing ganap sa Kapanahunan ng Kaharian. Pagkatapos ng gawain ng panlulupig, ang tao ay isasailalim sa pagpipino at kapighatian. Yaong mga makakapagtagumpay at makakapanindigan sa kanilang patotoo sa panahon nitong kapighatian ay yaong mga gagawing ganap sa kahuli-hulihan; sila ang mga mananagumpay. Sa panahon nitong kapighatian, hinihingi sa tao na tanggapin ang pagpipinong ito, at ang pagpipinong ito ang huling bahagi ng gawain ng Diyos. Ito ang huling panahon na pipinuhin ang tao bago ang pagtatapos ng lahat ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ng sumusunod sa Diyos ay kailangang tanggapin itong huling pagsubok, at kailangan nilang tanggapin itong huling pagpipino. Yaong mga nasa gitna ng kapighatian ay walang gawain ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos, ngunit yaong mga tunay na nalupig na at tunay na naghahangad sa Diyos ay makakatayong matatag sa kahuli-hulihan; sila yaong mga nagtataglay ng pagkatao, at siyang mga tunay na nagmamahal sa Diyos. Kahit na ano ang ginagawa ng Diyos, ang mga matagumpay na ito ay hindi mawawalan ng mga pangitain at patuloy pa ring magsasagawa ng katotohanan nang hindi nabibigo sa kanilang patotoo. Sila yaong mga makalalampas sa matinding kapighatian sa wakas. Bagaman yaong mga oportunista ay maaari pa ring maging palamunin ngayon, walang makatatakas sa pangwakas na kapighatian, at walang makatatakas mula sa pangwakas na pagsubok. Para sa mga nagtatagumpay, ang ganoong kapighatian ay isang matinding pagpipino; ngunit para sa mga oportunista, ito ang gawain ng lubos na pagtitiwalag. Kahit paano man sila sinusubukan, ang katapatan ng mga taong nasa mga puso nila ang Diyos ay nananatiling hindi nagbabago; ngunit para sa mga taong walang Diyos sa kanilang mga puso, sa sandaling ang gawain ng Diyos ay hindi kapaki-pakinabang sa kanilang laman, binabago nila ang kanilang pananaw tungkol sa Diyos, at nililisan pa ang Diyos. Ganoon ang mga hindi maninindigan sa katapusan, na naghahanap lamang ng mga pagpapala ng Diyos at walang anumang pagnanais na gumugol ng kanilang mga sarili para sa Diyos at ialay ang kanilang mga sarili sa Kanya. Ang gayong mga mababang-uri na tao ay patatalsikin lahat kapag natapos na ang gawain ng Diyos, at hindi sila papakitaan ng awa kahit kaunti. Yaong mga walang pagkatao ay lubos na walang kakayahang mahalin ang Diyos nang tunay. Kapag ang paligid ay komportable, o may pakinabang na matatamo, sila ay lubusang masunurin sa Diyos, ngunit sa sandaling ang kanilang mga pagnananais ay nakompromiso o nawasak sa huli, agad silang tumitindig para maghimagsik. Kahit na pagkatapos lamang ng isang gabi, mula sa isang nakangiti at “mabait” na tao, sila ay nagiging mamamatay-tao na malupit ang hitsura, di-inaasahan na itinuturing na mortal na kaaway ang kanilang tagapagbigay ng tulong kahapon, nang walang katwiran o kadahilanan. Kung ang masasamang demonyong ito na pumapatay nang hindi kumukurap ay hindi pinapalayas, hindi ba’t sila ay magiging tagong panganib? Hindi ito ang kaso na sa sandaling ang gawain ng panlulupig ay matapos na, ang gawain ng pagliligtas sa tao ay nagiging ganap na kompleto. Kahit natapos na ang gawain ng panlulupig, ang gawain ng pagdadalisay sa tao ay hindi pa natapos; tanging kapag ang tao ay lubusan nang dalisay, sa sandaling yaong mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagawa nang ganap, at sa sandaling yaong mga mapagpanggap na walang Diyos sa kanilang mga puso ay napaalis na, saka matatapos ang gawain. Yaong mga hindi nakalulugod sa Diyos sa huling yugto ng Kanyang gawain ay lubusang ititiwalag, at yaong mga itinitiwalag ay sa mga diyablo. Dahil hindi nila kayang paluguran ang Diyos, sila ay mapaghimagsik laban sa Diyos, at kahit na sumusunod ang mga taong ito sa Diyos ngayon, ito ay hindi nagpapatunay na sila ang mga mananatili sa wakas. Sa mga salitang “yaong mga sumusunod sa Diyos hanggang sa katapusan ay tatanggap ng kaligtasan,” ang kahulugan ng “sumunod” ay tumayo nang matatag sa kabila ng kapighatian. Ngayon, marami ang naniniwala na madali ang sumunod sa Diyos, ngunit kapag ang gawain ng Diyos ay malapit nang matapos, malalaman mo ang tunay na kahulugan ng “sumunod.” Hindi dahil kaya mo pang sumunod sa Diyos ngayon matapos lupigin, ito ay hindi nagpapatunay na isa ka sa mga gagawing perpekto. Yaong mga hindi kinakayang pagtiisan ang mga pagsubok, silang mga hindi kayang maging matagumpay sa gitna ng kapighatian ay hindi makakayang tumayo nang matatag sa kahuli-hulihan, kaya’t hindi makakayang sumunod sa Diyos hanggang sa katapus-katapusan. Ang mga tunay na sumusunod sa Diyos ay kayang matagalan na nasusubok ang kanilang gawain, samantalang yaong mga hindi talaga sumusunod sa Diyos ay hindi kayang matagalan ang anumang mga pagsubok ng Diyos. Sa malao’t madali, sila ay mapatatalsik, habang ang mga mananagumpay ay mananatili sa kaharian. Kung ang tao ay tunay na naghahanap sa Diyos o hindi ay maaari lang matukoy sa pamamagitan ng pagsubok sa kanyang gawain, ibig sabihin, sa pamamagitan ng mga pagsubok ng Diyos, at walang kaugnayan sa mismong tinutukoy ng tao. Hindi tinatanggihan ng Diyos ang sinumang tao nang basta-basta; lahat ng ginagawa Niya ay lubusang makakakumbinsi sa tao. Hindi Siya gumagawa ng anumang bagay na hindi nakikita ng tao, o anumang gawain na hindi makakakumbinsi sa tao. Kung ang pananampalataya ng tao ay tunay o hindi, ay napapatunayan ng mga katunayan at hindi matutukoy ng tao. Walang duda na ang “trigo ay hindi magagawang mapanirang damo, at ang mapanirang damo ay hindi magagawang trigo.” Ang lahat ng tunay na nagmamahal sa Diyos ay mananatili sa kaharian sa kahuli-hulihan, at hindi tatratuhin nang hindi maganda ng Diyos ang sinumang tunay na nagmamahal sa Kanya. Batay sa iba’t iba nilang mga tungkulin at mga patotoo, ang mga mananagumpay sa kaharian ay magsisilbing mga pari o tagasunod, at lahat ng matagumpay sa gitna ng kapighatian ay magiging kalipunan ng mga pari sa loob ng kaharian. Ang kalipunan ng mga pari ay mabubuo kapag ang gawain ng ebanghelyo sa buong sansinukob ay natapos na. Kapag dumating ang panahong iyon, ang kailangang gawin ng tao ay ang paggampan sa kanyang tungkulin sa kaharian ng Diyos, at ang paninirahan niyang kasama ang Diyos sa loob ng kaharian. Sa kalipunan ng mga pari mayroong magiging mga punong pari at mga pari, at ang natitira ay magiging mga anak at bayan ng Diyos. Ito ay pawang natutukoy sa pamamagitan ng kanilang mga patotoo sa Diyos sa panahon ng kapighatian; ang mga ito ay hindi mga titulo na ibinibigay lamang batay sa kagustuhan. Sa sandaling ang katayuan ng tao ay naitatag na, ang gawain ng Diyos ay matatapos, dahil ang lahat ay ibinubukod-bukod ayon sa kanilang uri at ibinabalik sa kanilang orihinal na posisyon, at ito ang tanda ng katuparan ng gawain ng Diyos, ito ang pangwakas na kinalabasan ng gawain ng Diyos at ng pagsasagawa ng tao, at ito ang pagkakabuo-buo ng mga pangitain ng gawain ng Diyos at ng pakikipagtulungan ng tao. Sa katapusan, ang tao ay makakasumpong ng kapahingahan sa kaharian ng Diyos, at ang Diyos din ay babalik sa Kanyang tahanan upang mamahinga. Ito ang magiging pangwakas na kinalabasan ng 6,000 taong pakikipagtulungan sa pagitan ng Diyos at ng tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 603
Iyong mga kapatid na palaging nagbubulalas ng kanilang pagkanegatibo ay mga alipin ni Satanas, at ginugulo nila ang iglesia. Ang mga taong ito balang araw ay kailangang patalsikin at itiwalag. Sa kanilang pananampalataya sa Diyos, kung ang mga tao ay walang may-takot-sa-Diyos na puso, kung wala silang pusong nagpapasakop sa Diyos, hindi lamang sila hindi makakagawa ng anumang gawain para sa Kanya, kundi bagkus ay magiging mga taong gumugulo sa Kanyang gawain at lumalaban sa Kanya. Ang pananampalataya sa Diyos ngunit hindi nagpapasakop o natatakot sa Kanya, at sa halip ay nilalabanan Siya, ang pinakamalaking kahihiyan para sa isang mananampalataya. Kung kaswal lang at walang pagpipigil ang pananalita at asal ng mga mananampalataya na tulad ng mga walang pananampalataya, mas buktot pa sila kaysa mga walang pananampalataya; sila ay tipikal na masasamang demonyo. Iyong mga nagbubulalas ng kanilang makamandag at mapaminsalang pananalita sa loob ng iglesia, na nagkakalat ng walang batayang mga tsismis, nagpupukaw ng kawalan ng pagkakaisa, at bumubuo ng mga pangkat-pangkat sa gitna ng mga kapatid—dapat ay patalsikin na sila sa iglesia. Subalit dahil ibang panahon na ngayon ng gawain ng Diyos, nililimitahan ang mga taong ito, sapagkat walang dudang ititiwalag sila. Lahat ng nagawang tiwali ni Satanas ay may mga tiwaling disposisyon. May ilang tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon lamang, samantalang ang iba ay hindi ganito: Hindi lamang sila mayroong mga tiwali at satanikong disposisyon, kundi lubos na mapaminsala rin ang kanilang kalikasan. Hindi lamang inihahayag ng kanilang mga salita at kilos ang kanilang mga tiwali at satanikong disposisyon; ang mga taong ito, bukod pa rito, ang totoong mga diyablo at mga Satanas. Ang pag-uugali nila ay nakakagambala at nakakagulo sa gawain ng Diyos, nakakagulo ito sa buhay pagpasok ng mga kapatid, at nakakasira sa normal na buhay ng iglesia. Sa malao’t madali, ang mga lobong ito na nakadamit-tupa ay kailangang alisin; isang walang-awang saloobin, saloobin ng pagtanggi, ang dapat gamitin sa mga alipin na ito ni Satanas. Ito lamang ang pumapanig sa Diyos, at iyong mga hindi nakakagawa nito ay nagtatampisaw sa putikan na kasama ni Satanas. Ang Diyos ay palaging nasa puso ng mga taong tunay na nananampalataya sa Kanya, at palagi silang may-takot-sa-Diyos na puso, isang mapagmahal-sa-Diyos na puso. Dapat gawin ng mga nananampalataya sa Diyos ang mga bagay-bagay nang maingat at masinop, at lahat ng ginagawa nila ay dapat maging alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos at makalugod sa Kanyang puso. Hindi dapat maging matigas ang kanilang ulo, na ginagawa ang anumang gusto nila; hindi iyan nababagay sa banal na kaangkupan. Hindi dapat magwala ang mga tao, na iwinawagayway ang bandila ng Diyos kung saan-saan habang nagyayabang at nanggagantso kahit saan; ito ang pinakamapaghimagsik na uri ng asal. May mga panuntunan ang mga pamilya, at may mga batas ang mga bansa—hindi ba lalo na sa sambahayan ng Diyos? Hindi ba higit na mas mahigpit pa ang mga pamantayan nito? Hindi ba higit na mas marami pa itong atas administratibo? Ang mga tao ay malayang gawin ang gusto nila, ngunit ang mga atas administratibo ng Diyos ay hindi maaaring baguhin kung kailan gustuhin. Ang Diyos ay isang Diyos na hindi nagpapalampas ng pagkakasala mula sa mga tao; Siya ay isang Diyos na humahampas sa mga tao. Hindi pa ba ito alam talaga ng mga tao?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 604
Bawat iglesia ay may mga taong nagsasanhi ng kaguluhan para sa iglesia o nakakagambala sa gawain ng Diyos. Lahat sila ay mga Satanas na nakapasok sa sambahayan ng Diyos nang nakabalatkayo. Ang gayong mga tao ay mahusay umakto: Humaharap sila sa Akin nang may malaking pagpipitagan, labis-labis na nagbibigay-galang, umaasal na parang mga asong galisin, at inilalaan ang kanilang “lahat-lahat” para makamtan ang sarili nilang mga intensyon—ngunit sa harap ng mga kapatid, ipinapakita nila ang kanilang pangit na panig. Kapag nakakakita sila ng mga taong nagsasagawa ng katotohanan, pinipintasan nila ang mga ito at itinutulak sa isang tabi; kapag nakakakita sila ng mga taong mas malakas kaysa sa kanila, pinupuri at binobola nila ang mga ito. Nagwawala sila sa loob ng iglesia. Masasabi na ang gayong “lokal na mga maton,” ang gayong “mga sipsip,” ay umiiral sa karamihan ng mga iglesia. Sama-sama silang kumikilos nang malademonyo, nagpapahatid ng mga kindat at lihim na senyas sa isa’t isa, at walang isa man sa kanila ang nagsasagawa ng katotohanan. Sino man ang may pinakamakamandag na lason ay siyang “punong demonyo,” at sino man ang may pinakamataas na prestihiyo ay namumuno sa kanila, at iwinawagayway ang kanilang bandila. Naghuhuramentado ang mga taong ito sa loob ng iglesia, nagkakalat ng kanilang pagkanegatibo, bumubulalas ng kamatayan, ginagawa ang gusto nila, sinasabi ang gusto nila, at walang sinumang nangangahas na pigilan sila. Puno sila ng disposisyon ni Satanas. Katatapos pa lamang nilang manggulo ay pumapasok na ang simoy ng kamatayan sa iglesia. Iyong mga nasa iglesia na nagsasagawa ng katotohanan ay tinatanggihan, hindi magawang maibigay ang kanilang lahat-lahat, samantalang iyong mga nanggugulo sa iglesia at nagkakalat ng kamatayan ay nagwawala sa loob—at, bukod pa riyan, karamihan sa mga tao ay sumusunod sa kanila. Ang gayong mga iglesia ay pinamumunuan ni Satanas, walang duda; ang diyablo ang kanilang hari. Kung ang mga tao sa gayong mga iglesia ay hindi tumatayo at tumatanggi sa mga punong demonyo, sila rin sa malao’t madali ay mawawasak. Mula ngayon, kailangang gumawa ng mga hakbang laban sa gayong mga iglesia. Kung hindi maghahangad ang mga may kakayahang magsagawa ng kaunting katotohanan, bubuwagin ang iglesiang iyon. Kung walang sinuman sa isang iglesia ang handang magsagawa ng katotohanan at walang sinumang makapanindigan sa kanilang patotoo sa Diyos, dapat ay ihiwalay nang lubusan ang iglesiang iyon, at kailangang putulin ang mga koneksyon nito sa ibang mga iglesia. Tinatawag itong “paglilibing sa kamatayan”; ito ang ibig sabihin ng pagtanggi kay Satanas. Kung may ilang lokal na maton sa isang iglesia, at sinusundan sila ng “maliliit na langaw” na lubos na hindi makakilatis, at kung ang mga tao sa gayong iglesia, kahit nakita na nila ang katotohanan, ay wala pa ring kakayahang tanggihan ang mga gapos at manipulasyon ng mga maton na ito, lahat ng hangal na iyon ay ititiwalag sa huli. Maaaring walang nagawang kakila-kilabot ang maliliit na langaw na ito, ngunit mas mapanlinlang pa sila, mas tuso, at lahat ng kagaya nito ay ititiwalag. Wala ni isang matitira! Iyong mga kay Satanas ay ibabalik kay Satanas, samantalang iyong mga hinirang ng Diyos ay tiyak na hahanapin ang katotohanan; natutukoy ito ng kanilang mga kalikasan. Hayaang mapahamak ang lahat ng sumusunod kay Satanas! Walang habag na ipapakita sa gayong mga tao. Hayaan iyong mga naghahanap sa katotohanan na matustusan, at nawa ay masiyahan sila sa salita ng Diyos hangga’t nais nila. Ang Diyos ay matuwid; hindi Siya magpapakita ng paboritismo kaninuman. Kung ikaw ay isang diyablo, wala kang kakayahang magsagawa ng katotohanan; kung ikaw ay isang tao na naghahanap sa katotohanan, tiyak na hindi ka mabibihag ni Satanas. Walang kaduda-duda iyan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 605
Ang mga taong hindi nagpupunyaging sumulong ay palaging inaasam na maging negatibo at batugan din ang iba na kagaya nila. Iyong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan ay naiinggit sa mga nagsasagawa niyon, at palaging sinusubukang iligaw iyong mga tao na magulo ang isip at walang pagkilatis. Ang mga bagay na ibinubulalas ng mga taong ito ay maaaring maging dahilan para ikaw ay mabulok, dumausdos pababa, magkaroon ng abnormal na kalagayan, at mapuspos ng kadiliman. Nagiging dahilan ito upang mapalayo ka sa Diyos, at itangi mo ang laman at magpakasasa ka sa iyong sarili. Ang mga taong hindi nagmamahal sa katotohanan at laging pabasta-basta ang pakikitungo sa Diyos ay walang kaalaman sa sarili, at ang disposisyon ng gayong mga tao ay umaakit sa iba na magkasala at lumaban sa Diyos. Hindi nila isinasagawa ang katotohanan, ni hindi nila tinutulutan ang iba na isagawa ito. Itinatangi nila ang kasalanan at hindi nila kinamumuhian ang kanilang sarili. Hindi nila kilala ang kanilang sarili, at pinipigilan nila ang iba na kilalanin ang kanilang mga sarili; pinipigilan nila ang iba na hangarin ang katotohanan. Iyong mga inililigaw nila ay hindi nakikita ang liwanag. Nahuhulog sila sa kadiliman, hindi nila kilala ang kanilang sarili, malabo sa kanila ang katotohanan, at napapalayo sila nang napapalayo mula sa Diyos. Hindi nila isinasagawa ang katotohanan at pinipigilan nila ang iba sa pagsasagawa ng katotohanan, at dinadala ang lahat ng hangal na iyon sa kanilang harapan. Sa halip na sabihing nananampalataya sila sa Diyos, mas mabuti pang sabihing nananampalataya sila sa kanilang mga ninuno, o na ang kanilang sinasampalatayanan ay ang mga diyos-diyosan sa kanilang puso. Ang pinakamabuting gawin ng mga taong nagsasabi na sumusunod sila sa Diyos ay imulat ang kanilang mga mata at tumingin nang husto upang makita kung sino talaga ang pinaniniwalaan nila: Ang Diyos ba talaga ang pinaniniwalaan mo, o si Satanas? Kung alam mo na hindi ang Diyos ang pinaniniwalaan mo, kundi ang sarili mong mga idolo, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Kung talagang hindi mo alam kung sino ang iyong pinaniniwalaan, muli, ang pinakamabuting gawin ay huwag mong sabihin na isa kang mananampalataya. Ang pagsasabi niyon ay kalapastanganan! Walang sinumang pumipilit sa iyo na manampalataya sa Diyos. Huwag ninyong sabihing nananampalataya kayo sa Akin; sawa na Ako sa ganyang pananalita, at ayaw Ko nang marinig iyong muli, dahil ang sinasampalatayanan ninyo ay ang mga idolo sa inyong puso at ang lokal na mga maton sa inyo. Lahat ng umiiling kapag naririnig nila ang katotohanan, na ngumingisi kapag nakakarinig sila ng tungkol sa kamatayan, ay mga supling ni Satanas, at sila iyong ititiwalag. Marami sa iglesia ang hindi makakilatis. Kapag nangyayari ang mga insidente kung saan nalilihis ang mga tao, mapagpumilit na pumapanig sila kay Satanas; pakiramdam pa nga nila ay labis silang naaagrabyado na tinatawag silang mga alipin ni Satanas. Bagama’t maaaring sabihin ng mga tao na hindi sila makakilatis, lagi silang nasa panig na walang katotohanan, hindi sila pumapanig sa katotohanan kailanman sa kritikal na panahon, hindi sila tumatayo at nakikipagtunggali kailanman para sa katotohanan. Wala ba talaga silang pagkilatis? Bakit mapagpumilit silang pumapanig kay Satanas? Bakit hindi sila nagsasabi kailanman ng isang salitang makatarungan o makatwiran para suportahan ang katotohanan? Talaga bang nangyari ang sitwasyong ito dahil sa panandalian nilang kalituhan? Kapag mas kaunting pagkilatis ang mayroon ang mga tao, mas hindi nila nagagawang pumanig sa katotohanan. Ano ang ipinapakita nito? Hindi ba nito ipinapakita na gustong-gusto ng mga taong walang pagkilatis ang kasalanan? Hindi ba nito ipinapakita na sila ay ang mga tapat na supling ni Satanas? Bakit ba palagi nilang nagagawang pumanig kay Satanas at umayon sa salita nito? Bawat salita at gawa nila, ang mga ekspresyon sa kanilang mga mukha, ay sapat na lahat upang patunayan na hindi sila mga taong nagmamahal sa katotohanan; sa halip, sila ay mga taong namumuhi sa katotohanan. Sapat nang kaya nilang pumanig kay Satanas upang patunayan na talagang mahal ni Satanas ang walang-kuwentang mga diyablong ito na ginugugol ang kanilang buhay sa pakikipaglaban para sa kapakanan ni Satanas. Hindi ba napakalinaw ng lahat ng katotohanang ito? Kung talagang isa kang taong nagmamahal sa katotohanan, bakit wala kang pagpapahalaga sa mga nagsasagawa ng katotohanan, at bakit ka sumusunod kaagad sa mga hindi nagsasagawa ng katotohanan kapag tiningnan ka nila nang bahagya? Anong klaseng problema ito? Wala Akong pakialam kung may pagkilatis ka o wala. Wala Akong pakialam kung malaki ang halagang ibinayad mo. Wala Akong pakialam kung malakas ang mga puwersa mo, at wala Akong pakialam kung isa kang lokal na maton o isang lider na tagadala ng bandila. Kung malakas ang mga puwersa mo, dahil lamang iyon sa tulong ng lakas ni Satanas. Kung mataas ang iyong prestihiyo, dahil lamang iyon sa napakarami sa paligid mo ang hindi nagsasagawa ng katotohanan. Kung hindi ka pa napapatalsik, dahil iyon sa hindi pa panahon para sa gawain ng pagpapatalsik; sa halip, ito ang panahon para sa gawain ng pagtitiwalag. Hindi kailangang magmadaling patalsikin ka ngayon. Naghihintay lamang Ako sa pagdating ng araw na iyon na maparusahan kita kapag naitiwalag ka na. Sinumang hindi nagsasagawa ng katotohanan ay ititiwalag!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 606
Ang mga taong tunay na nananampalataya sa Diyos ay iyong mga handang isagawa ang salita ng Diyos at handang isagawa ang katotohanan. Ang mga taong tunay na nagagawang manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos ay iyon ding mga handang isagawa ang Kanyang salita at talagang kayang pumanig sa katotohanan. Ang mga taong nakikibahagi sa mga baliko at di-makatarungang pagsasagawa ay pawang walang katotohanan, at nagdadala silang lahat ng kahihiyan sa Diyos. Iyong mga nagsasanhi ng mga alitan sa iglesia ay mga alipin ni Satanas, sila ang sagisag ni Satanas. Ang gayong mga tao ay napakamapaminsala. Lahat ng walang pagkakilala at walang kakayahang pumanig sa katotohanan ay pawang mga taong nagkikimkim ng masasamang intensyon at dinudungisan ang katotohanan. Sila ay mas tipikal na mga kinatawan ni Satanas. Hindi na sila matutubos, at natural lamang na itiwalag. Hindi tinutulutan ng pamilya ng Diyos na manatili ang mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, ni hindi nito tinutulutang manatili iyong mga sadyang gumigiba sa iglesia. Gayunman, hindi ito ang panahon para gawin ang gawain ng pagpapatalsik; ibubunyag at ititiwalag lamang ang gayong mga tao sa huli. Wala nang walang-silbing gawaing iuukol sa mga taong ito; iyong mga Satanas ay hindi kayang pumanig sa katotohanan, samantalang iyong mga naghahanap sa katotohanan ay kayang gawin ito. Ang mga tao na hindi nagsasagawa ng katotohanan ay hindi karapat-dapat na marinig ang Salita ng katotohanan at hindi karapat-dapat na magpatotoo tungkol sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi talaga para sa kanilang mga pandinig; sa halip, ito ay para sa mga nagsasagawa nito. Bago ibunyag ang kalalabasan ng bawat tao, iyong mga nanggugulo sa iglesia at nakakagambala sa gawain ng Diyos ay isasantabi muna sa ngayon, upang pakitunguhan kalaunan. Kapag natapos na ang gawain, ibubunyag ang bawat isa sa mga taong ito, at pagkatapos ay ititiwalag sila. Samantala, habang ipinagkakaloob ang katotohanan, hindi sila papansinin. Kapag ibinunyag sa sangkatauhan ang buong katotohanan, dapat itiwalag ang mga taong iyon; iyon ang panahon kung kailan pagbubukud-bukurin ang lahat ng tao ayon sa kanilang uri. Ang maliliit na panlalansi ng mga walang pagkilatis ay hahantong sa kanilang pagkawasak sa mga kamay ng masasamang tao, ililigaw sila ng mga ito, at hindi na makakabalik. At gayong pagtrato ang nararapat sa kanila, dahil hindi nila mahal ang katotohanan, dahil hindi nila kayang pumanig sa katotohanan, dahil sumusunod sila sa masasamang tao at pumapanig sa masasamang tao, at dahil nakikipagsabwatan sila sa masasamang tao at lumalaban sa Diyos. Alam na alam nila na ang ibinubunyag ng masasamang taong iyon ay kasamaan, subalit pinatitigas nila ang kanilang puso at tinatalikuran ang katotohanan upang sumunod sa mga ito. Hindi ba gumagawa ng kasamaan ang lahat ng taong ito na hindi nagsasagawa ng katotohanan kundi gumagawa ng nakakasira at karumal-dumal na mga bagay? Bagama’t mayroon sa kanila na naghahari-harian at sumusunod naman sa kanila ang iba, hindi ba’t pareho ang kalikasan nila ng paglaban sa Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi sila inililigtas ng Diyos? Ano ang ikakatwiran nila para sabihin na hindi matuwid ang Diyos? Hindi ba ang sarili nilang kasamaan ang sumisira sa kanila? Hindi ba ang sarili nilang paghihimagsik ang humahatak sa kanila pababa sa impiyerno? Ang mga taong nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maliligtas at gagawing perpekto dahil sa katotohanan. Iyong mga hindi nagsasagawa ng katotohanan, sa bandang huli, ay maghahatid ng pagkawasak sa kanilang sarili dahil sa katotohanan. Ang mga ito ang mga kalalabasan na naghihintay sa mga nagsasagawa at hindi nagsasagawa ng katotohanan. Pinapayuhan Ko ang mga hindi nagpaplanong isagawa ang katotohanan na lisanin ang iglesia sa lalong madaling panahon upang hindi na makagawa ng mas marami pang kasalanan. Pagdating ng panahon, magiging huli na ang lahat para magsisi. Lalo na, iyong mga nagpapangkat-pangkat at lumilikha ng pagkakawatak-watak, at iyong mga lokal na maton sa loob ng iglesia, ay kailangang lumisan nang mas maaga. Ang mga taong iyon, na may kalikasan ng masasamang lobo, ay walang kakayahang magbago. Mas mabuti pang lisanin nila ang iglesia sa pinakamaagang pagkakataon, at huwag nang gambalaing muli ang normal na buhay ng mga kapatid kailanman, at sa gayon ay maiwasan nila ang parusa ng Diyos. Makakabuting gamitin ninyong mga sumama na sa kanila ang pagkakataong ito upang magnilay-nilay sa inyong sarili. Lilisanin ba ninyo ang iglesia na kasama ng masasama, o mananatili kayo at susunod nang masunurin? Kailangan ninyong pag-isipang mabuti ang bagay na ito. Binibigyan Ko kayo ng isa pang pagkakataon upang pumili, at hinihintay Ko ang inyong kasagutan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Isang Babala sa mga Hindi Nagsasagawa ng Katotohanan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 607
Bilang isang mananampalataya sa Diyos, dapat sa Kanya ka lamang maging tapat sa lahat ng bagay, at magawa mong umayon sa mga layunin Niya sa lahat ng bagay. Gayunman, kahit na naiintindihan ng lahat ang mensaheng ito, dahil sa sari-saring suliranin ng tao—halimbawa, dahil sa kanyang kamangmangan, pagiging kakatwa, at katiwalian—ang mga katotohanang ito, na pinakamalinaw at pinakabatayan sa lahat, ay hindi ganap na nakikita sa kanya, kaya naman, bago matukoy ang kinalabasan ninyo, nararapat Kong sabihin muna sa inyo ang ilang bagay na pinakamahalaga sa inyo. Bago Ako magpatuloy, dapat muna ninyong maintindihan ito: Ang mga salitang sinasabi Ko ay mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan; ang mga ito ay hindi lamang para sa isang partikular na tao o uri ng tao. Samakatuwid, dapat ninyong tutukan ang pag-arok sa mga salita Ko mula sa pananaw ng katotohanan, at dapat kayong magkaroon ng saloobin na nakatutok ang inyong atensiyon at mayroon kayong sinseridad; huwag ninyong balewalain ang isa mang salita o katotohanang sinasabi Ko, at huwag tratuhin nang basta-basta ang lahat ng salitang sinasabi Ko. Sa mga buhay ninyo, nakikita Kong marami kayong ginawang walang kinalaman sa katotohanan, kaya naman partikular Kong hinihiling na maging mga tagapaglingkod kayo ng katotohanan, na huwag kayong magpaalipin sa kabuktutan at kapangitan, at huwag ninyong yurakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng sambahayan ng Diyos. Ito ang paalala Ko sa inyo. Ngayon nama’y magsasalita Ako tungkol sa ating kasalukuyang paksa.
Una, para sa kapakanan ng kapalaran ninyo, dapat kayong magkamit ng pagkilala ng Diyos. Ibig sabihin, yamang kinikilala ninyong kasapi kayo ng sambahayan ng Diyos, dapat kayong magdala ng kapayapaan ng isip sa Diyos at magbigay-lugod sa Kanya sa lahat ng bagay. Sa madaling salita, dapat kayong maging maprinsipyo sa mga kilos ninyo at sumunod sa katotohanang nasa mga iyon. Kung hindi mo ito magagawa, itataboy ka ng Diyos at itatakwil ka ng lahat. Kapag nalagay ka sa gayong mahirap na sitwasyon, hindi ka na mabibilang na kasama sa sambahayan ng Diyos, na siyang mismong kahulugan ng pagiging hindi kikilalanin ng Diyos.
Pangalawa, dapat ninyong malamang gusto ng Diyos ang mga matapat. Ang Diyos ay may diwa ng katapatan, kaya naman palaging mapagkakatiwalaan ang mga salita Niya; higit pa rito, walang mali at hindi mapag-aalinlanganan ang mga kilos Niya, kung kaya gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang pagkamatapat ay nangangahulugang pagbibigay ng puso ninyo sa Diyos, hindi pagiging huwad sa Diyos sa anumang bagay, pagiging bukas sa Kanya sa lahat ng bagay, hindi pagtatago kailanman ng mga katunayan, hindi pagtatangkang manlinlang ng mga nasa itaas at nasa ibaba ninyo, at hindi paggawa ng mga bagay na mga pagtatangka lang upang makuha ang pabor ng Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay pagiging dalisay sa inyong mga kilos at salita, at hindi panlilinlang sa Diyos o sa tao. Napakapayak ng sinasabi Ko, ngunit doble para sa inyo ang hirap nito. Maraming tao ang mas nanaisin pang maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang matapat. Hindi kataka-takang iba ang magiging pagtrato Ko sa mga hindi matapat. Siyempre pa, alam na alam Ko kung gaano kahirap sa inyo ang maging matatapat na tao. Sapagkat “napakamatalino” ninyong lahat, napakahusay sa pagsukat sa puso ng mga marangal na tao batay sa sarili ninyong masamang pag-iisip, ginagawa nitong mas payak ang gawain Ko. At yamang ang bawat isa sa inyo ay niyayakap sa dibdib ang mga lihim ninyo, isa-isa Ko kayong ilalagay sa kapahamakan upang “turuan” sa pamamagitan ng apoy, nang sa gayon pagkatapos nito ay maaaring wala na kayong magawa kundi maniwala sa mga salita Ko. Sa huli, hihilahin Ko mula sa mga bibig ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ay matapat na Diyos,” pagkatapos ay hahampasin ninyo ang mga dibdib ninyo at mananaghoy na, “Masyadong mapanlinlang ang puso ng tao!” Ano ang magiging kalagayan ng isip ninyo sa oras na ito? Tiyak na hindi na magiging malaki ang ulo ninyo hindi tulad ngayon! At lalong hindi kayo magiging kasing “lalim at mahirap unawain” na tulad ninyo ngayon. Sa presensiya ng Diyos, maaayos at wastong kumilos ang ilang tao, at labis na “maayos ang asal,” subalit inilalantad nila ang mga pangil nila at iwinawasiwas ang mga kuko nila sa presensiya ng Espiritu. Ibibilang ba ninyo ang ganitong mga tao sa hanay ng mga tapat? Kung isa kang ipokrito, isang taong bihasa sa “pakikipagkapwa,” sinasabi Kong tiyak na isa kang taong tinatratong basta-basta ang Diyos. Kung puno ng mga palusot at mga walang halagang pangangatwiran ang mga salita mo, sinasabi Kong isa kang taong ayaw isagawa ang katotohanan. Kung marami kang pribadong usapin na mahirap talakayin, kung ayaw na ayaw mong ilantad ang mga lihim mo—ang mga paghihirap mo—sa harap ng iba upang hanapin ang daan ng liwanag, sinasabi Kong isa kang taong labis na mahihirapan na matamo ang kaligtasan, at mahihirapan na makaahon mula sa kadiliman. Kung talagang kinalulugdan mo ang paghahanap sa daan ng katotohanan, isa kang taong palaging nananahan sa liwanag. Kung lubha kang nagagalak na maging isang tagapagserbisyo sa sambahayan ng Diyos, gumagawa nang masigasig kahit hindi napapansin, palaging nagbibigay at hindi kailanman kumukuha, sinasabi Kong isa kang tapat na banal, sapagkat hindi ka naghahanap ng gantimpala at isa ka lamang matapat na tao. Kung handa kang maging prangka, kung handa kang gugulin ang lahat-lahat mo, kung magagawa mong isakripisyo ang buhay mo para sa Diyos at manindigan sa patotoo mo, kung ikaw ay matapat hanggang sa puntong ang alam mo lamang ay bigyang-kasiyahan ang Diyos at hindi isaalang-alang ang iyong sarili o kumuha para sa sarili, sinasabi Ko na ang gayong mga tao ay ang mga inaaruga sa liwanag at siyang mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananalig at totoong katapatan sa loob mo, kung may tala ka ng pagdurusa para sa Diyos, at kung mayroon kang ganap na pagpapasakop sa Diyos. Kung hindi mo taglay ang mga ito, nananatili sa loob mo ang paghihimagsik, panlilinlang, pagkasakim, at pagrereklamo. Dahil hindi matapat ang puso mo, hindi ka kailanman ikinalugod ng Diyos at hindi ka kailanman namuhay sa liwanag. Kung ano ang mangyayari sa kapalaran ng isang tao sa huli ay nakasalalay sa kung mayroon siyang pusong tapat at kasimpula ng dugo, at kung may dalisay siyang kaluluwa. Kung isa kang taong lubhang hindi matapat, isang taong may labis na mapaminsalang puso, isang taong marumi ang kaluluwa, tiyak na hahantong ka sa lugar kung saan pinarurusahan ang tao, tulad ng nakasulat sa talaan ng tadhana mo. Kung inihahayag mong lubha kang tapat, ngunit hindi mo kailanman nagawang kumilos alinsunod sa katotohanan o magsabi ni isang totoong salita, naghihintay ka pa rin bang gantimpalaan ka ng Diyos? Umaasa ka pa rin bang ituturing ka ng Diyos na lubos Niyang minamahal? Hindi ba kahibangan ang ganitong pag-iisip? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay; paanong tatanggapin sa sambahayan ng Diyos ang isang tulad mo, na marumi ang mga kamay?
Ito ang pangatlong bagay na nais Kong sabihin sa inyo: Ang bawat tao, habang ipinamumuhay ang kanyang buhay ng pananalig sa Diyos, ay nakagawa ng mga bagay na lumalaban at nanlilinlang sa Diyos. Hindi kailangang itala bilang pagkakasala ang ilang bagay, ngunit walang kapatawaran ang ilan, sapagkat maraming gawa na lumalabag sa mga atas administratibo—mga gawang sumasalungat sa disposisyon ng Diyos. Marami sa mga nababahala sa kanilang sariling mga kapalaran ay maaaring magtanong kung ano-ano ang mga gawang ito. Dapat ninyong malamang likas kayong mapagmataas at palalo, at ayaw magpasakop sa mga katunayan. Sa dahilang ito, sasabihin Ko sa inyo nang paunti-unti pagkatapos ninyong pagnilayan ang mga sarili ninyo. Hinihimok Ko kayong magkaroon ng mas mahusay na pag-unawa sa nilalaman ng mga atas administratibo, at magsikap alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang mga labi ninyo, masyado kayong malayang dadaldal nang may magarbong pananalita, at hindi sinasadyang masasalungat ninyo ang disposisyon ng Diyos at masasadlak sa kadiliman, na mawawalan ng presensiya ng Banal na Espiritu at ng liwanag. Sapagkat wala kayong prinsipyo sa mga kilos ninyo, ginagawa at sinasabi ang hindi dapat, matatanggap mo ang retribusyong nararapat sa iyo. Dapat mong malamang kahit wala kang prinsipyo sa salita at gawa, lubhang maprinsipyo ang Diyos sa dalawang ito. Pagsalungat sa Diyos, hindi sa isang tao, ang dahilan ng pagkakatanggap mo ng ganti. Kung sa buhay mo ay marami kang nagawang pagsalungat sa disposisyon ng Diyos, nakatakda kang maging anak ng impiyerno. Para sa tao, maaaring mukhang gumawa ka lamang ng iilang gawang salungat sa katotohanan, at wala nang iba. Gayumpaman, alam mo ba na sa mga mata ng Diyos ay isa ka nang taong wala nang nauukol na handog para sa kasalanan? Sapagkat nilabag mo ang mga atas administratibo ng Diyos nang higit sa isang beses at, bukod dito, ay walang ipinakitang tanda ng pagsisisi o pagbabalik-loob, wala nang ibang pagpipilian kundi ang masadlak ka sa impiyerno, kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. May maliit na bilang ng mga tao ang gumawa ng ilang gawang lumabag sa mga prinsipyo habang sumusunod sa Diyos, ngunit matapos silang mapungusan at mabigyan ng gabay, unti-unti nilang natuklasan ang sarili nilang katiwalian, at matapos nito ay pumasok sa tamang landas ng realidad, at nananatili silang may matatag na saligan hanggang ngayon. Ang ganitong mga tao ang mga mananatili hanggang sa huli. Gayumpaman, ang mga matapat ang gusto Ko; kung isa kang tapat na tao at isang taong kumikilos ayon sa prinsipyo, maaari kang maging katapatang-loob ng Diyos. Kung sa mga ikinikilos mo ay hindi mo nasasalungat ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap mo ang mga layunin ng Diyos, at mayroon kang may-takot-sa-Diyos na puso, kung gayo’y pasok sa pamantayan ang pananalig mo. Sinumang hindi natatakot sa Diyos at walang pusong nanginginig sa kilabot ay malamang na lalabag sa mga atas administratibo ng Diyos. Maraming naglilingkod sa Diyos sa lakas ng silakbo ng damdamin nila ngunit walang pagkaunawa sa mga atas administratibo ng Diyos, at lalong walang anumang ideya tungkol sa mga ipinapahiwatig ng mga salita Niya. Kaya naman, sa kanilang mabubuting layunin, madalas silang nakagagawa ng mga bagay na gumugulo sa pamamahala ng Diyos. Sa mga malalang kaso, pinapatalsik sila mula sa sambahayan ng Diyos, pinagkakaitan ng anumang karagdagang pagkakataong sumunod sa Kanya, at itinatapon sa impiyerno, at ang lahat ng ugnayan sa sambahayan ng Diyos ay tapos na. Ginagawa ng mga taong ito ang gawain ng sambahayan ng Diyos sa lakas ng kanilang mangmang na mabubuting layunin, at nagtatapos sa pagpapagalit sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao sa sambahayan ng Diyos ang mga paraan nila ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon at sinusubukang gamitin ang mga ito, walang saysay na iniisip na magagamit ang mga ito rito nang napakadali. Hindi nila kailanman naipagpalagay na walang disposisyon ng tupa ang Diyos, kundi ng isang leon. Samakatuwid, ang mga nakikipag-ugnayan sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat hindi tulad ng sa tao ang puso ng Diyos. Pagkatapos mo lamang maunawaan ang maraming katotohanan saka mo patuloy na makikilala ang Diyos. Hindi binubuo ng mga salita at doktrina ang kaalamang ito ngunit magagamit bilang kayamanan na sa pamamagitan nito ay makapapasok ka sa pagiging katapatang-loob ng Diyos, at bilang katibayang nalulugod Siya sa iyo. Kung kulang ka sa realidad ng kaalaman at hindi nasasangkapan ng katotohanan, ang maalab mong paglilingkod ay magdadala lamang sa iyo ng pagkasuklam at pagkapoot ng Diyos. Sa ngayon ay dapat nabatid mo nang hindi tulad ng pag-aaral ng teolohiya ang pananampalataya sa Diyos!
Bagama’t maikli ang mga salitang ginagamit Ko upang paalalahanan kayo, ang lahat ng inilarawan Ko ang siyang pinakakulang sa inyo. Dapat ninyong malaman na para sa kapakanan ng huling gawain Ko sa piling ng tao ang sinasabi Ko ngayon, alang-alang sa pagtukoy sa kinalabasan ng tao. Hindi Ko ninanais na gumawa pa ng mas maraming gawaing wala namang layunin, ni hindi Ko ninanais na ipagpatuloy ang paggabay sa mga taong walang pag-asa na gaya ng bulok na kahoy, lalong hindi na ipagpatuloy ang pag-akay sa mga palihim na nagkikimkim ng masasamang layunin. Marahil mauunawaan ninyo balang araw ang masisidhing layunin sa likod ng mga salita Ko at ang mga naiambag Ko para sa sangkatauhan. Marahil maaarok ninyo balang araw ang mensaheng magbibigay-daan sa inyo na mahinuha ang sarili ninyong kinalabasan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tatlong Paalaala
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 608
Nabigyan Ko na kayo ng maraming babala at nagkaloob na sa inyo ng maraming katotohanan na ang layunin ay lupigin kayo. Sa ngayon, nararamdaman na ninyong lahat na higit kayong pinagyaman kaysa noong nakaraan, naiintindihan na ninyo ang maraming prinsipyo ng sariling asal, at nagtataglay na kayo ng malaking bahagi ng sentido kumon na dapat taglayin ng matatapat na tao. Inyong inani ang lahat ng ito sa loob ng maraming taon ng paggapas. Hindi Ko ikinakaila ang inyong mga nagawa, ngunit dapat Ko ring sabihin nang may katapatan na hindi Ko rin ikinakaila ang napakaraming paghihimagsik at pagkakanulo na inyong nagawa laban sa Akin sa loob ng maraming taon na ito, sapagkat wala ni isa mang banal na tao sa inyo. Lahat kayo, nang walang pagtatangi, ay mga taong ginawa nang tiwali ni Satanas; mga kaaway kayo ni Cristo. Hanggang sa kasalukuyan, hindi na mabilang sa dami ang inyong mga pagsalangsang at paghihimagsik, kaya hindi na talaga kakatwang maituturing na lagi Ko kayong kinukulit. Hindi Ko nais na kasama ninyong umiral sa ganitong paraan—ngunit alang-alang sa inyong mga kinabukasan, alang-alang sa inyong mga hantungan, dito at ngayon, sasabihan Ko kayong muli. Umaasa Ako na makapagpapakita kayo ng higit na pag-unawa, at higit pa, na magagawa ninyong maniwala sa bawat pahayag Ko, at pahalagahan ang malalim na kahulugan ng Aking mga salita. Huwag ninyong pagdudahan ang Aking mga sinasabi, at lalong huwag kaswal na pulutin ang Aking mga salita at pagkatapos ay itapon ang mga ito sa isang tabi nang walang pakundangan; hindi Ko ito mapagtitiisan. Huwag ninyong hatulan ang Aking mga salita, at lalong huwag maliitin ang mga ito o sabihin na lagi Ko kayong tinutukso o, higit pang malala, sabihin na ang mga sinabi Ko sa inyo ay hindi tumpak. Hindi Ko rin mapagtitiisan ang mga bagay na ito. Sapagkat palagi kayong puno ng paghihinala tungkol sa Akin at sa sinasabi Ko, palagi Akong hindi pinapansin at binabalewala ang mga salita Ko, may lubos na kaseryosohan Kong sinasabi sa bawat isa sa inyo: Huwag ninyong ikawing sa pilosopiya ang Aking sinasabi; huwag ninyong ikawing ang Aking mga salita sa mga kasinungalingan ng mga nanlalansi. Lalong hindi kayo dapat maging pabasta-basta sa Aking mga salita nang may pag-aalipusta. Marahil ay walang sinuman sa hinaharap ang makapagsasabi sa inyo ng kung ano ang sinasabi Ko sa inyo, o makapagsasalita sa inyo nang may ganitong kabutihan, o, lalo na kahit paano’y maakay kayo nang may tiyaga sa mga bahaging ito. Gugugulin ninyo ang mga araw na darating sa pag-alala sa masasayang panahon, o sa malakas na paghikbi, o pagdaing dahil sa sakit, o mabubuhay kayo sa madidilim na gabi nang walang kaloob na kahit pilas ng katotohanan o buhay, o maghihintay na lamang nang walang pag-asa, o mananahan sa ganoon kapait na panghihinayang na mawawala ang inyong katinuan …. Halos wala ni isa man sa inyo ang makatatakas sa mga posibilidad na ito. Sapagkat wala ni isa man sa inyo ang nasa luklukan kung saan tunay ninyong sinasamba ang Diyos, bagkus ay inilulubog ninyo ang mga sarili ninyo sa mundo ng kahalayan at kasamaan, inihahalo sa inyong mga paniniwala, sa inyong mga espiritu, mga kaluluwa, at mga katawan ang napakaraming bagay na walang kinalaman sa buhay at katotohanan at sa totoo pa nga ay kasalungat ng mga ito. Samakatwid, ang inaasam ko para sa inyo ay isang landas para matamo ninyo ang liwanag. Ang tanging inaasam Ko ay ang magkaroon kayo ng kakayahang kalingain ang inyong mga sarili, mapangalagaan ang inyong mga sarili, at hindi kayo labis na magbigay-diin sa inyong hantungan habang tinitingnan nang may pagwawalang-bahala ang inyong asal at mga pagsalangsang.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pagsalangsang ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 609
Sa loob ng mahabang panahon, ang mga tao na naniniwala sa Diyos ay masugid nang nag-aasam ng isang magandang hantungan, at ang lahat ng mga naniniwala sa Diyos ay umaasa na biglang darating sa kanila ang mabuting kapalaran. Umaasa silang lahat na bago pa nila mamalayan ay masusumpungan nila ang mga sarili na payapang nakaluklok sa isang lugar o sa iba pang dako sa langit. Ngunit sinasabi Ko na ang mga taong ito, taglay ang magaganda nilang mga saloobin, ay hindi kailanman nakabatid kung sila ba ay naaangkop tumanggap ng ganoon kabuting kapalaran na nagmumula sa langit, o kaya ay maupo man lamang sa isang luklukan doon. Kayo, sa kasalukuyan, ay may mabuting kaalaman sa inyong mga sarili, ngunit umaasa pa rin kayo na matatakasan ninyo ang mga sakuna sa mga huling araw at ang kamay ng Makapangyarihan sa lahat kapag pinarusahan na Niya ang masasama. Tila ba ang pagkakaroon ng matatamis na pangarap at paghahangad sa mga bagay ayon sa kanilang kagustuhan ay isang karaniwang katangian ng lahat ng taong ginawang tiwali ni Satanas, at hindi bunga ng katalinuhan ng sinumang nag-iisang indibiduwal. Magkagayon pa man, hangad Ko pa ring wakasan ang inyong mga labis-labis na pagnanasa, gayundin ang inyong kasabikang magkamit ng mga pagpapala. Dahil napakarami ng inyong paglabag, at ang katunayan na patuloy na tumitindi ang inyong paghihimagsik, paano aakma ang mga bagay na ito sa inyong magagandang plano para sa hinaharap? Kung nais mong gumawa ng pagkakamali ayon sa iyong nais, nang walang pumipigil sa iyo, ngunit kasabay nito’y nais mo pa ring matupad ang mga pangarap mo, hinihimok kita, kung gayon, na magpatuloy sa iyong kawalang-ulirat at huwag nang gumising kailanman—sapagkat ang sa iyo ay isang hungkag na pangarap at sa harap ng matuwid na Diyos, hindi ka Niya gagawan ng pagtatangi. Kung nais mo lamang na matupad ang iyong mga pangarap, huwag kang mangarap kailanman; bagkus, ay harapin mo magpakailanman ang katotohanan at ang mga katunayan. Ito ang tanging paraan upang mailigtas ka. Ano, sa tiyak na pananalita, ang mga hakbang ng pamamaraang ito?
Una, suriin ang lahat ng paglabag mo, at suriin ang anumang asal at mga saloobin mo na hindi umaayon sa katotohanan.
Ito ay isang bagay na madali mong magagawa, at naniniwala Ako na kaya itong gawin ng lahat ng matatalinong tao. Gayunman, yaong mga hindi kailanman nakaaalam kung ano ang kahulugan ng pagsalangsang at katotohanan ay mga di-kabilang, sapagkat sa pangunahing antas ay hindi sila matatalinong tao. Nakikipag-usap Ako sa mga taong kinilala ng Diyos, matatapat, hindi lubhang lumabag sa anumang mga atas administratibo, at madaling makabatid ng kanilang mga pagsalangsang. Bagama’t itong isang bagay na hinihingi Ko sa inyo ay madaling gawin, hindi lamang ito ang bagay na hinihingi Ko sa inyo. Ano’t anuman, umaasa Ako na hindi ninyo lihim na pagtatawanan ang hinihingi Kong ito, at lalong hindi ninyo ito mamaliitin o hahamakin. Seryosohin ninyo ito, at huwag itong ipagwalang-bahala.
Ikalawa, para sa bawat pagsalangsang at paghihimagsik mo, dapat kang humanap ng isang katumbas na katotohanan, at pagkaraan ay gamitin ang mga katotohanang ito upang lutasin ang mga usaping iyon. Kasunod niyan, palitan mo ang iyong mapanlabag na mga kilos at mapaghimagsik na mga saloobin at mga kilos ng pagsasagawa ng katotohanan.
Ikatlo, dapat kang maging isang taong taos-puso; huwag mong subukang mambola, at huwag maging mapanlinlang na tao. (Dito ay muli Kong hinihingi sa inyo na maging isang matapat na tao.)
Kung matutupad mong lahat ang tatlong bagay na ito, isa ka sa mapapalad—isang tao na natutupad ang mga pangarap at tumatanggap ng mabuting kapalaran. Marahil ay ituturing ninyong seryoso ang tatlong hindi kahali-halinang kahilingang ito, o marahil ay ituturing ninyo nang walang pananagutan ang mga ito. Ano’t anuman, ang Aking layunin ay ang tuparin ang inyong mga pangarap at maisakatuparan ang inyong mga adhikain, hindi ang pagtawanan kayo o paglaruan kayo.
Maaaring payak ang Aking mga hinihingi, ngunit ang sinasabi Ko sa inyo ay hindi kasimpayak ng isa dagdagan ng isa ay dalawa. Kung ang ginagawa lamang ninyo ay basta pag-usapan ito, o magsalita nang magsalita tungkol sa mga hungkag at tila mahalagang mga pahayag, ang inyong mga plano at ang inyong mga hangarin ay magiging isang pahinang walang laman na lamang magpakailanman. Hindi Ako makararamdam ng habag sa inyo na nagdurusa sa loob ng maraming taon at nagpapakasipag nang husto sa paggawa ngunit wala namang napapala. Taliwas dito, papatawan Ko ng kaparusahan, hindi ng pabuya at lalong hindi ng simpatya, yaong mga hindi nakatugon sa Aking mga hinihingi. Maaaring iniisip ninyo na, bilang tagasunod sa loob ng maraming taon, na nakapagsikap na kayong gumawa anuman ang mangyari, at na anuman ang kaso ay puwede kayong maging isang trabahador at makakakain sa sambahayan ng Diyos. Sinasabi Ko na ang karamihan sa inyo ay nag-iisip sa ganitong paraan, dahil palagi ninyong sinusunod ang prinsipyo ng kung paano sasamantalahin ang mga bagay at hindi mapagsasamantalahan. Kaya’t sinasabi Ko sa inyo ngayon nang may buong kaseryosohan: Wala Akong pakialam kung gaano man kapuri-puri ang iyong pagsisikap, kung gaano man kahanga-hanga ang iyong mga kalipikasyon, kung gaano mo man kahigpit Akong sinusunod, kung gaano ka man kabantog, o kung gaano mo man pinabuti ang iyong asal; hangga’t hindi mo natutugunan ang Aking mga hinihingi, hindi mo kailanman makakamit ang Aking pagsang-ayon. Iwaksi mo na sa lalong madaling panahon ang lahat ng iyong ideya at kalkulasyon, at simulang seryosohin ang Aking mga hinihingi; kung hindi, gagawin Kong abo ang lahat ng tao nang sa gayon ay tuluyang wakasan ang Aking gawain at, sa pinakamalala ay mauuwi sa wala ang Aking mga taon ng paggawa at pagdurusa, sapagkat hindi Ko maaaring dalhin sa Aking kaharian o isama sa susunod na kapanahunan ang Aking mga kaaway at yaong mga tao na umaalingasaw sa kasamaan at nagtataglay pa rin ng dating wangis ni Satanas.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pagsalangsang ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 610
Napakarami Kong inaasahan. Umaasa Akong makakikilos kayo sa isang wasto at maayos na paraan, debotong gagampanan ang inyong tungkulin, magtataglay ng katotohanan at pagkatao, magiging mga tao na matatalikdan ang lahat ng bagay, kabilang na ang buhay nila, para sa Diyos, at iba pa. Nagmumula ang lahat ng pag-asang ito sa inyong mga kakulangan at sa inyong katiwalian at paghihimagsik. Kung wala ni isa man sa mga pakikipag-usap Ko sa inyo ang naging sapat upang matawag ang inyong pansin, malamang na ang tangi Kong magagawa ngayon ay ang huwag nang magsalita pa. Gayunman, nauunawaan ninyo kung ano ang mga ibubunga niyan. Hindi Ako madalas magpahinga, kaya’t kung hindi Ako magsasalita, gagawa Ako ng isang bagay na matutunghayan ng mga tao. Magagawa Kong paagnasin ang dila ng isang tao, o magsanhing mamatay ang isang tao nang putol-putol ang katawan, o bigyan ang mga tao ng mga abnormalidad sa paggalaw ng litid at pagmukhain silang nakapangingilabot sa napakaraming paraan. Pero, magagawa Kong ipatiis sa mga tao ang mga pagpapahirap na Aking isinalang para lang sa kanila. Magagalak Ako sa ganitong paraan, labis na magiging masaya at lubos na malulugod. Lagi nang sinasabi na “Ang kabutihan ay sinusuklian ng kabutihan, at ang kasamaan ng kasamaan,” kaya’t bakit hindi ngayon? Kung nais mo Akong salungatin at gumawa ng ilang paghatol tungkol sa Akin, paaagnasin Ko ang iyong bibig, at iyan ay ikagagalak Ko nang walang patid. Ito ay dahil, sa huli, ang ginawa mo ay hindi ang katotohanan, at lalong walang kinalaman sa buhay, samantalang ang lahat ng Aking ginagawa ay katotohanan, ang lahat ng pagkilos Ko ay nauugnay sa mga prinsipyo ng Aking gawain at sa mga atas administratibo na Aking itinakda. Samakatuwid, hinihimok Ko ang bawat isa sa inyo na mag-ipon ng ilang kabutihan, tumigil sa paggawa ng napakaraming kasamaan, at pakinggang mabuti ang Aking mga hinihingi sa inyong mga libreng oras. Makadarama Ako sa gayon ng galak. Kung mag-aambag (o sa halip ay “mag-aabuloy”) kayo sa katotohanan ng kahit ikasanlibo ng pagsisikap na inyong ibinubuhos sa laman, sinasabi Ko, kung gayon, na hindi ka madalas makagagawa ng mga pagsalangsang at magkakaroon ng naaagnas na bibig. Hindi ba ito malinaw?
Habang mas marami ang nagagawa mong pagsalangsang, mas kumakaunti ang iyong mga pagkakataong magtamo ng isang mabuting hantungan. Taliwas dito, habang mas kumakaunti ang nagagawa mong mga pagsalangsang, mas lumalaki ang iyong pagkakataon na masang-ayunan ng Diyos. Kung madaragdagan ang iyong mga pagsalangsang hanggang sa puntong imposible na para sa Akin na mapatawad ka, lubusan mo nang sinayang ang iyong mga pagkakataong mapatawad. Kung magkagayon, ang iyong hantungan ay hindi magiging sa itaas kundi sa ibaba. Kung hindi mo Ako pinaniniwalaan, maging tahas ka kung gayon at gumawa ng mali, at tingnan mo kung ano ang iyong mapapala. Kung ikaw ay isang tao na ang pagsasagawa ng katotohanan ay napakasigasig, tiyak na magkakaroon ka ng pagkakataon na mapatawad sa iyong mga pagsalangsang, at dadalang nang dadalang ang iyong mga paghihimagsik. Kung ikaw ay isang tao na mabigat sa loob ang pagsasagawa ng katotohanan, ang iyong mga pagsalangsang sa harap ng Diyos ay tiyak na madaragdagan at dadalas nang dadalas ang iyong paghihimagsik, hanggang marating mo ang hangganan, na siyang magiging oras ng iyong lubos na pagkawasak. Dito na mawawasak ang iyong kaaya-ayang pangarap na tumanggap ng mga pagpapala. Huwag mong ituring ang iyong mga pagsalangsang bilang mga pagkakamali lamang ng isang taong walang hustong pag-iisip o ng isang taong hangal; huwag mong gamiting dahilan na hindi ka nakapagsagawa ng katotohanan dahil ginawa itong imposible ng iyong mahinang kakayahan. Higit pa rito, huwag mong ituring ang mga nagawa mong pagsalangsang na mga pagkilos lamang ng isang tao na kulang sa kaalaman. Kung mahusay ka sa pagpapatawad sa sarili mo at pagiging mapagbigay sa iyong sarili, sinasabi Ko, kung gayon, na ikaw ay isang duwag na hindi kailanman magkakamit ng katotohanan, at hindi ka rin titigilang multuhin ng iyong mga pagsalangsang; hahadlangan ka ng mga ito na matugunan kailanman ang mga hinihingi ng katotohanan, at magiging sanhi upang manatili kang isang tapat na kasamahan ni Satanas magpakailanman. Ito pa rin ang payo Ko sa iyo: Huwag kang magbigay-pansin lamang sa iyong hantungan habang nabibigong pansinin ang iyong mga nakatagong pagsalangsang; seryosohin mo ang mga pagsalangsang, at huwag kaligtaan ang alinman sa mga ito dahil sa pagmamalasakit sa iyong hantungan.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang mga Pagsalangsang ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 611
Ngayon, pinagsasabihan Ko kayo para sa kapakanan ng inyong sariling kaligtasan, upang ang Aking gawain ay sumulong nang maayos, at upang ang Aking kauna-unahang gawain sa buong sansinukob ay maaaring maisakatuparan nang higit na angkop at ganap, ibinubunyag ang Aking mga salita, awtoridad, kamahalan, at paghatol sa mga tao ng lahat ng bayan at bansa. Ang Aking gawain na ginagawa kasama ninyo ay ang umpisa ng Aking gawain sa buong sansinukob. Bagama’t ngayon na ang panahon ng mga huling araw, alamin ninyo na ang “mga huling araw” ay isa lamang pangalan ng isang kapanahunan; gaya lamang ng Kapanahunan ng Kautusan at ng Kapanahunan ng Biyaya, ito ay tumutukoy sa isang kapanahunan, at nangangahulugan ng kabuuan ng isang kapanahunan, sa halip na sa huling ilang taon o buwan. Nguni’t ang mga huling araw ay hindi gaya ng Kapanahunan ng Biyaya at ng Kapanahunan ng Kautusan. Ang gawain ng mga huling araw ay hindi isinasakatuparan sa Israel, kundi sa gitna ng mga Hentil; ito ay ang paglupig ng mga tao mula sa lahat ng bansa at tribo sa labas ng Israel sa harap ng Aking trono, upang ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob ay makapupuno sa kosmos at sa papawirin. Ito ay upang maaaring makamtan Ko ang mas dakilang kaluwalhatian, upang ang lahat ng nilikha sa lupa ay maaaring maipasa ang Aking kaluwalhatian sa bawat bansa, pababa sa lahat ng salinlahi magpakailanman, at nang ang lahat ng nilikha sa langit at lupa ay makakakita sa lahat ng kaluwalhatian na Aking natatamo sa lupa. Ang gawaing isinasakatuparan sa panahon ng mga huling araw ay ang gawain ng panlulupig. Hindi ito ang paggabay sa mga buhay ng lahat ng tao sa lupa, kundi ang konklusyon ng hindi-nasisira at libong-taong buhay ng pagdurusa ng sangkatauhan sa lupa. Dahil dito, ang gawain ng mga huling araw ay hindi makakatulad sa ilang libong taon ng gawain sa Israel, ni hindi rin ito magiging katulad lamang sa ilang taon ng gawain sa Judea na nagpatuloy ng dalawang libong taon hanggang sa pangalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Dinaranas lamang ng mga tao sa mga huling araw ang muling pagpapakita ng Manunubos sa katawang-tao, at tinatanggap nila ang personal na gawain at mga salita ng Diyos. Hindi ito aabot ng dalawang libong taon bago dumating ang katapusan ng mga huling araw; ang mga iyon ay maikli, kagaya noong isinakatuparan ni Jesus ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya sa Judea. Ito ay dahil sa ang mga huling araw ay ang konklusyon ng buong kapanahunan. Ang mga iyon ay ang kaganapan at ang katapusan ng anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos, at tinatapos ng mga iyon ang paglalakbay ng sangkatauhan sa buhay ng pagdurusa. Hindi dinadala ng mga iyon ang buong sangkatauhan tungo sa isang bagong kapanahunan o pinahihintulutan ang buhay ng sangkatauhan na magpatuloy; wala iyang kabuluhan para sa Aking plano ng pamamahala o para sa pag-iral ng tao. Kung ang sangkatauhan ay magpatuloy nang ganito, kung gayon sa malao’t madali sila ay lalamunin nang buo ng diyablo, at yaong mga kaluluwa na nabibilang sa Akin sa kahuli-hulihan ay mawawasak sa mga kamay nito. Ang Aking gawain ay tatagal lamang ng anim-na-libong taon, at Ako ay nangako na ang pagkontrol niyaong masama sa buong sangkatauhan ay tatagal lang din sa loob ng anim-na-libong taon. Kaya, oras na. Hindi Ko na ipagpapatuloy o ipagpapaliban pa: Sa panahon ng mga huling araw Aking gagapiin si Satanas, babawiin Ko ang lahat ng Aking kaluwalhatian, at babawiin Ko ang lahat ng kaluluwa sa lupa na kabilang sa Akin upang itong mga kaluluwang naghihinagpis ay maaaring makawala sa dagat ng pagdurusa, at sa gayon matatapos na ang Aking buong gawain sa lupa. Simula sa araw na ito, hindi na Ako kailanman magkakatawang-tao sa lupa, at hindi na muling gagawa pa sa lupa ang Aking Espiritu, na may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat. Lilikhain ko na lang muli ang sangkatauhan sa lupa, isang sangkatauhan na ginawang banal at siyang Aking tapat na lungsod sa lupa. Nguni’t alamin ninyo na hindi Ko wawasakin ang buong mundo, hindi Ko rin lilipulin ang buong sangkatauhan. Iingatan Ko yaong natitirang ikatlong bahagi—ang ikatlong bahaging nagmamahal sa Akin at lubusan Kong nalupig, at sila ay Aking gagawing mabunga at pararamihin sa lupa kagaya ng ginawa ng mga Israelita sa ilalim ng kautusan; matatanggap nila ang masaganang tupa at baka na Aking tinutustos sa kanila, pati na ang lahat ng kasaganaan sa lupa. Ang sangkatauhang ito ay mananatili sa Akin magpakailanman, nguni’t hindi ito ang magiging di-mabatang maruming sangkatauhan sa ngayon, kundi isang sangkatauhan na katipunan ng lahat ng Aking nakamit. Ang sangkatauhang iyon ay hindi mapipinsala, magugulo, o makukubkob ni Satanas, at magiging ang tanging sangkatauhan na umiiral sa mundo pagkatapos Kong magtagumpay laban kay Satanas. Ito ang sangkatauhan na nalupig Ko na ngayon at nagtamo ng Aking pangako. At sa gayon, ang sangkatauhan na nalupig sa panahon ng mga huling araw ay siya ring sangkatauhan na matitira at magtatamo ng Aking walang-hanggang mga pagpapala. Ito ang tanging magiging patunay ng Aking tagumpay laban kay Satanas, at ang tanging mga nasamsam sa Aking pakikipaglaban kay Satanas. Itong mga nasamsam sa digmaan ay Aking nailigtas mula sa kapangyarihan ni Satanas, at ang tanging kristalisasyon at bunga ng Aking anim-na-libong-taong plano ng pamamahala. Sila ay nagmula sa bawat nasyon at denominasyon, mula sa bawat lugar at bansa sa buong sansinukob. Sila ay galing sa iba’t ibang lahi, may iba’t ibang wika, kaugalian at mga kulay ng balat, at sila ay nakakalat sa lahat ng bansa at denominasyon sa buong mundo, at maging sa bawat sulok ng mundo. Sa huli, sila ay magsasama-sama upang buuin ang isang ganap na sangkatauhan, isang pagtitipon ng tao na hindi kayang abutin ng mga puwersa ni Satanas. Yaong mga nasa gitna ng sangkatauhan na hindi Ko nailigtas at nalupig ay tahimik na lulubog sa kailaliman ng dagat, at masusunog ng Aking tumutupok na apoy nang walang-hanggan. Lilipulin Ko itong luma at sukdulan ang karumihang sangkatauhan, kagaya ng paglipol Ko sa mga panganay na anak at mga baka sa Ehipto, itinira lamang ang mga Israelita, na kumain ng karne ng tupa, uminom ng dugo ng tupa, at nagtatak ng dugo ng tupa sa hamba ng kanilang mga pinto. Hindi ba’t ang mga taong Aking nalupig at mula sa Aking pamilya ay siya ring mga taong kumakain ng laman ng Cordero na Ako at umiinom ng dugo ng Cordero na Ako, at Aking natubos at sumasamba sa Akin? Hindi ba sila ang mga uri ng tao na laging sinasamahan ng Aking kaluwalhatian? Hindi ba yaong mga wala ng laman ng Cordero na Ako, ay tahimik nang nakalubog sa kailaliman ng dagat? Ngayon nilalabanan ninyo Ako, at ngayon ang Aking mga salita ay tulad lamang niyaong mga sinabi ni Jehova sa mga lalaking-anak at mga lalaking-apo ng Israel. Ngunit may katigasan ng kalooban sa kaibuturan ng inyong puso, at iniipon ninyo ang Aking poot, nagdudulot ng higit pang pagdurusa sa inyong laman, higit pang paghatol sa inyong mga kasalanan, at higit pang poot sa inyong di-pagkamakatuwiran. Sino ang maliligtas sa Aking araw ng poot, kung ganito ang turing ninyo sa Akin sa ngayon? Kaninong di-pagkamakatuwiran ang kayang makatakas sa Aking mga mata ng pagkastigo? Kaninong mga katampalasanan ang makakaiwas sa mga kamay Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Kaninong paglaban ang makakatakas sa paghatol Ko, ang Makapangyarihan sa lahat? Ako, si Jehova, ay nagsasalita sa inyo, mga inapo ng pamilyang Hentil, at ang mga salitang binibigkas Ko sa inyo ay lampas sa lahat ng pagbigkas sa Kapanahunan ng Kautusan at sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit mas matigas pa ang kalooban ninyo kaysa sa lahat ng tao sa Ehipto. Hindi ba ninyo iniipon ang Aking poot habang Ako ay mapayapang gumagawa ng Aking gawain? Paano kayo makakatakas nang walang-pinsala mula sa araw Ko, ang Makapangyarihan sa lahat?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Walang Sinumang May Katawan ang Makakatakas sa Araw ng Poot
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 612
Nauunawaan mo na ba ngayon kung ano ang paghatol at ano ang katotohanan? Kung nauunawaan mo na, ipinapayo Ko na masunuring magpasakop sa paghatol, kung hindi ay hindi ka magkakaroon ng pagkakataon kailanman na sang-ayunan ng Diyos o madala Niya sa Kanyang kaharian. Iyong mga tumatanggap lamang ng paghatol ngunit hindi kailanman maaaring madalisay, ibig sabihin, iyong mga nagsisitakas sa gitna ng gawain ng paghatol, ay itataboy ng Diyos magpakailanman. Ang kanilang mga kasalanan ay mas malubha, at mas marami kaysa sa mga Pariseo, sapagkat ipinagkanulo nila ang Diyos at sila ay mga rebelde laban sa Diyos. Ang mga taong ito na ni hindi karapat-dapat na magtrabaho ay tatanggap ng mas mabigat na kaparusahan, lalo pa, ng isang kaparusahang pangwalang-hanggan. Hindi patatawarin ng Diyos ang sinumang taksil na minsan ay nagpakita ng katapatan sa mga salita subalit ipinagkanulo Siya pagkatapos. Ang mga gayong tao ay gagantihan sa pamamagitan ng kaparusahan ng espiritu, kaluluwa, at katawan. Hindi ba’t ito mismo ay isang pagbubunyag ng matuwid na disposisyon ng Diyos? Hindi ba’t ito mismo ang layunin ng Diyos sa paghatol at pagbubunyag sa tao? Ipinapadala ng Diyos ang lahat ng gumagawa ng lahat ng uri ng masamang gawa sa panahon ng paghatol sa isang lugar na pinamumugaran ng masasamang espiritu, at hahayaan Niya ang masasamang espiritung iyon na wasakin ang kanilang katawan ayon sa gusto ng mga ito, at ang katawan ng mga taong ito ay mangangamoy bangkay. Iyon ang nararapat na ganti sa kanila. Isinusulat ng Diyos ang bawat isa sa mga kasalanan ng mga yaong hindi tapat na huwad na mananampalataya, huwad na apostol, at huwad na manggagawa sa kanilang talaan, at sa tamang panahon, itinatapon Niya sila sa gitna ng maruruming espiritu, at hinahayaan ang maruruming espiritung iyon na dungisan ang kanilang buong katawan ayon sa gusto ng mga ito, at idinudulot na hindi na sila makapagkatawang-taong muli kailanman at hindi na nila makitang muli ang liwanag kailanman. Ibinibilang ng Diyos sa masasama iyong mga mapagpaimbabaw na nagseserbisyo nang ilang panahon pero hindi nananatiling tapat hanggang sa huli, hinahayaan ang mga ito na malugmok kasama ang masasamang tao at bumuo ng barkadahan ng mga samu’t saring imoral, at sa huli, pupuksain sila ng Diyos. Isinasantabi at hindi pinapansin ng Diyos ang mga hindi kailanman naging tapat kay Cristo o hindi kailanman nag-ambag ng kanilang lakas, at pupuksain Niya silang lahat sa pagbabago ng kapanahunan. Hindi na sila iiral sa lupa, at lalong hindi makapapasok sa kaharian ng Diyos. Ibinibilang ng Diyos sa mga nagseserbisyo para sa mga tao Niya ang sinumang hindi kailanman naging sinsero sa Diyos, ngunit wala nang ibang mapagpipilian kundi ang humarap sa Kanya nang pabasta-basta. Iilan lamang sa mga taong iyon ang mananatiling buhay, samantalang ang karamihan ay wawasakin, kasama na iyong mga ang pagtatrabaho ay hindi man lang pasok sa pamantayan. Sa huli, dadalhin ng Diyos sa Kanyang kaharian ang lahat ng tao na kaisa ng puso at isip ng Diyos, ang mga tao at ang mga anak ng Diyos, at pati na iyong mga pauna nang itinakda ng Diyos na maging mga saserdote. Sila ang bunga ng gawain ng Diyos. Patungkol sa iyong mga hindi maaaring iklasipika sa anumang kategoryang itinakda ng Diyos, ibibilang sila sa hanay ng mga walang pananampalataya, at tiyak na maiisip ninyo kung ano ang kanilang kalalabasan. Nasabi Ko na sa inyo ang lahat ng dapat Kong sabihin; ang landas na inyong pipiliin ay inyong sariling desisyon lamang. Ang dapat ninyong maunawaan ay ito: Ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman naghihintay sa sinumang taong hindi nakakasabay sa Kanya, at ang matuwid na disposisyon ng Diyos ay hindi nagpapakita ng awa sa sinumang tao.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan