Pagpasok sa Buhay 4

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 483

Bakit ka naniniwala sa Diyos? Karamihan ng mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Palagi silang mayroong dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, na nagpapakitang naniniwala sila sa Diyos hindi para sumunod sa Kanya, kundi para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa pagdurusa na dala ng sakuna; saka lamang sila medyo masunurin. May pasubali ang pagsunod nila; ito ay alang-alang sa mga pansarili nilang pag-asam, at ipinilit sa kanila. Kaya, bakit ka nga ba naniniwala sa Diyos? Kung dahil lamang ito sa kapakanan ng mga pag-asam mo at tadhana mo, mas makabubuti pang huwag ka na lamang maniwala. Ang ganitong paniniwala ay panlilinlang sa sarili, pagpapanatag sa sarili, at paghanga sa sarili. Kung hindi itinayo ang pananampalataya mo sa pundasyon ng pagsunod sa Diyos, parurusahan ka sa huli sa pagsalungat sa Kanya. Lahat yaong mga hindi naghahangad ng pagsunod sa Diyos sa pananampalataya nila ay sumasalungat sa Kanya. Hinihiling ng Diyos na hanapin ng mga tao ang katotohanan, na mauhaw sila sa mga salita Niya, kainin at inumin ang mga salita Niya, at isagawa ang mga ito, upang makamit nila ang pagsunod sa Diyos. Kung ang mga ito ang tunay mong mga layon, tiyak na itataas ka ng Diyos, at tiyak na magiging mapagbiyaya sa iyo. Ito ay hindi mapagdududahan at hindi mababago. Kung ang layon mo ay hindi sumunod sa Diyos, at mayroon kang ibang mga pakay, lahat ng sinasabi at ginagawa mo—ang panalangin mo sa harap ng Diyos, at maging ang bawat kilos mo—ay magiging pagsalungat sa Kanya. Maaaring ikaw ay malumanay magsalita at may banayad na asal, maaaring mukhang wasto ang bawat kilos at pagpapahayag mo, at maaaring mukha kang isang taong sumusunod, ngunit pagdating sa mga layon mo at sa mga pananaw mo tungkol sa pananampalataya sa Diyos, pagsalungat sa Diyos ang lahat ng ginagawa mo; kasamaan ang lahat ng ginagawa mo. Ang mga taong lumilitaw bilang masusunurin tulad ng mga tupa, ngunit nagkikimkim ang mga puso ng masasamang pakay, ay mga lobong nakadamit ng pang-tupa. Tuwiran silang nagkakasala sa Diyos, at hindi ititira ng Diyos ang kahit isa sa kanila. Ibubunyag ng Banal na Espiritu ang bawat isa sa kanila at ipapakita sa lahat na yaong mga mapagkunwari ay tiyak na kamumuhian at tatanggihan ng Banal na Espiritu. Huwag mag-alala: Pakikitunguhan at itatapon ng Diyos ang bawat isa sa kanila nang sunud-sunod.

Hinango mula sa “Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 484

Kung hindi mo nagagawang tanggapin ang bagong liwanag mula sa Diyos, at hindi nauunawaan ang lahat ng ginagawa ng Diyos ngayon at hindi mo ito hinahangad, o bagkus pinagdududahan mo ito, hinahatulan ito, o masusing sinisiyasat at sinusuri ito, wala kang isip na sumunod sa Diyos. Kung kapag nagpapakita ang liwanag ng dito at ngayon, ay pinahahalagahan mo pa rin ang liwanag ng kahapon at sumasalungat sa bagong gawain ng Diyos, ikaw ay walang iba kundi isang kakatuwa—isa ka sa yaong mga sinasadyang sumalungat sa Diyos. Ang susi sa pagsunod sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at ang magawang tanggapin ito at isagawa ito. Ito ang nag-iisang tunay na pagsunod. Yaong mga salat sa kaloobang maghangad sa Diyos ay walang kakayahang sadyang magpasakop sa Kanya, at maaari lamang sumalungat sa Diyos bilang kinalabasan ng kasiyahan nila sa nakasanayan na. Hindi kayang sumunod ng tao sa Diyos dahil sinapian siya ng dumating na dati. Ang mga bagay na dumating na dati ay nagbigay sa mga tao ng lahat ng uri ng mga kuro-kuro at mga guni-guni tungkol sa Diyos, at ang mga ito ang naging larawan ng Diyos sa mga isip nila. Sa gayon, ang pinaniniwalaan nila ay ang sarili nilang mga kuro-kuro, at ang mga pamantayan ng sarili nilang guni-guni. Kung ikukumpara mo ang Diyos na gumagawa ng aktwal na gawain ngayon sa Diyos ng sarili mong guni-guni, nagmumula kay Satanas ang pananampalataya mo, at nadungisan ng mga sarili mong kagustuhan—hindi nais ng Diyos ang ganitong uri ng pananampalataya. Gaano man katayog ang mga kredensyal nila, at gaano man sila kasigasig—kahit na naglaan na sila ng habambuhay na pagsisikap sa gawain Niya, at ginawang martir ang mga sarili nila—hindi sinasang-ayunan ng Diyos ang sinumang may ganitong pananampalataya. Pinagkakaloob lamang Niya sa kanila ang maliit na biyaya at hinahayaan silang tamasahin ito nang maikling panahon. Ang ganitong mga tao ay walang kakayahang isagawa ang katotohanan. Hindi gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob nila, at isa-isang aalisin ng Diyos ang bawat isa sa kanila. Bata man o matanda, yaong mga hindi sumusunod sa Diyos sa pananampalataya nila at mayroong mga maling layon ay yaong mga sumasalungat at umaabala, at walang alinlangang aalisin ng Diyos ang ganitong mga tao. Yaong mga taong wala ni katiting na pagsunod sa Diyos, na kinikilala lamang ang pangalan Niya, at mayroong kaunting muwang sa kabutihan at pagiging kaibig-ibig ng Diyos, subalit hindi sumasabay sa mga hakbang ng Banal na Espiritu, at hindi sumusunod sa kasalukuyang gawain at mga salita ng Banal na Espiritu—namumuhay ang ganitong mga tao sa gitna ng biyaya ng Diyos, at hindi Niya kakamtin o gagawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao sa pamamagitan ng pagsunod nila, sa pamamagitan ng pagkain, pag-inom, at pagtamasa nila sa mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan ng pagdurusa at pagpipino sa mga buhay nila. Tanging sa pamamagitan ng ganitong pananampalataya maaaring magbago ang mga disposisyon ng mga tao, at saka lamang nila maaaring taglayin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Ang pagiging hindi nalulugod sa pamumuhay sa gitna ng biyaya ng Diyos, ang aktibong pananabik at paghahanap sa katotohanan, at paghahangad na makamit ng Diyos—ito ang kahulugan ng sadyang pagsunod sa Diyos at ito ang mismong uri ng pananampalatayang nais Niya. Ang mga taong walang ibang ginagawa kundi tamasahin ang biyaya ng Diyos ay hindi maaaring gawing perpekto o mabago, at paimbabaw lahat ang pagsunod, pagkamaka-Diyos, pagmamahal, at pagtitiis nila. Hindi magagawang tunay na makilala ang Diyos ng yaong mga nagtatamasa lamang ng biyaya ng Diyos, at kahit makilala nila ang Diyos, paimbabaw lamang ang kaalaman nila, at sinasabi nila ang mga bagay na tulad ng “mahal ng Diyos ang tao,” o “mahabagin ang Diyos sa tao.” Hindi nito kinakatawan ang buhay ng tao, at hindi ipinapakitang tunay na nakikilala ng mga tao ang Diyos. Kung kapag pinipino sila ng mga salita ng Diyos, o dumarating sa kanila ang mga pagsubok Niya, ay hindi nagagawang sumunod ng mga tao sa Diyos—kung, sa halip, ay nagiging mapagduda sila, at bumabagsak—hindi sila masunurin ni katiting. Sa loob nila, maraming patakaran at paghihigpit tungkol sa pananampalataya sa Diyos, mga lumang karanasang bunga ng maraming taon ng pananampalataya, o ng iba’t ibang patakarang nakabatay sa Biblia. Kaya bang sumunod sa Diyos ang ganitong mga tao? Puspos ang mga taong ito ng mga pantaong bagay—paano sila makasusunod sa Diyos? Ang “pagsunod” nila ay ayon sa pansarili nilang kagustuhan—nanaisin ba ng Diyos ang pagsunod na tulad nito? Hindi ito pagsunod sa Diyos, kundi pagkapit sa mga patakaran; ito ay pagpapalugod at pagpapahinahon sa kanilang mga sarili. Kung sinasabi mong pagsunod ito sa Diyos, hindi ka ba lumalapastangan laban sa Kanya? Isa kang Ehiptong Faraon. Gumagawa ka ng kasamaan, at malinaw na nakikibahagi ka sa gawain ng pagsalungat sa Diyos—ganito ka ba nais maglingkod ng Diyos? Mas makabubuting magmadali ka sa pagsisisi, at subukang magkamit ng kaunting kamalayan sa sarili. Kung mabibigo ka rito, mas mainam na umuwi ka na lamang; mas makabubuti iyon sa iyo kaysa sa ipinahahayag mong paglilingkod sa Diyos. Hindi ka mang-aabala at manggugulo; mababatid mo ang lugar mo, at mamumuhay nang maayos—hindi ba mas mainam iyon? At hindi ka maparurusahan sa pagsalungat sa Diyos!

Hinango mula sa “Sa Pananampalataya Mo sa Diyos, Dapat Kang Sumunod sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 485

Nagbabago ang gawain ng Banal na Espiritu araw-araw. Mas tumataas ito sa bawat hakbang, ang pahayag ng bukas ay mas mataas kaysa sa ngayon, umaakyat nang mas mataas sa bawat hakbang. Ganito ang gawain ng pagperpekto ng Diyos sa tao. Kung hindi makasasabay ang mga tao, maaari silang itaboy anumang oras. Kung wala silang puso ng pagkamasunurin, hindi sila makasusunod hanggang sa pinakahuli. Nakalipas na ang dating kapanahunan; ito ay isang bagong kapanahunan. At sa isang bagong kapanahunan, isang bagong gawain ang dapat isakatuparan. Lalung-lalo na sa huling kapanahunan kung saan ay gagawing perpekto ang tao, magsasagawa ang Diyos ng mas bagong gawain, nang mas mabilis, kaya kung walang pagsunod sa mga puso nila, mahihirapan ang mga tao na sumunod sa mga yapak ng Diyos. Hindi sumusunod ang Diyos sa anumang mga patakaran, at hindi rin Niya itinuturing na hindi nagbabago ang anumang yugto ng gawain Niya. Sa halip, ang gawaing ginagawa Niya ay mas bago pa at mas mataas pa. Sa bawat yugto, nagiging higit na praktikal ang gawain Niya, at lalong umaayon sa aktwal na mga pangangailangan ng tao. Pagkatapos maranasan ng mga tao ang ganitong gawain ay saka lamang nila matatamo ang huling pagpapabago ng disposisyon nila. Ang kaalaman ng tao sa buhay ay umaabot sa mas mataas pang mga antas, at kaya, gayundin, ang gawain ng Diyos ay umaabot sa mas mataas pang mga antas. Sa gayon lamang magagawang perpekto ang tao at magiging marapat na magamit ng Diyos. Gumagawa ang Diyos sa ganitong paraan sa isang banda upang salungatin at baligtarin ang mga kuro-kuro ng tao, at sa kabila banda naman ay upang akayin ang tao tungo sa isang mas mataas at mas makatotohanang kalagayan, tungo sa pinakamataas na dako ng paniniwala sa Diyos, upang sa huli, magagawa ang kalooban ng Diyos. Lahat ng mga may masuwaying kalikasan na sinasadyang sumalungat ay itataboy ng yugtong ito ng matulin at malakas na pagsulong na gawain ng Diyos; tanging ang mga handang sumunod at nagagalak na magpakumbaba ng sarili lamang ang makasusulong hanggang sa katapusan ng daan. Sa ganitong uri ng gawain, dapat matuto kayong lahat kung paano magpasakop at kung paano isantabi ang mga kuro-kuro ninyo. Dapat kayong maging maingat sa bawat hakbang na gagawin mo. Kung pabaya kayo, tiyak na tatanggihan kayo nang may paghamak ng Banal na Espiritu, magiging nakagagambala sa gawain ng Diyos. Bago sumailalim sa yugtong ito ng gawain, ang mga patakaran at mga batas ng tao noon ay sobrang napakarami hanggang sa nadala siya, at bilang resulta, naging palalo siya at nakalimutan ang sarili niya. Mga balakid ang lahat ng ito na pumipigil sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos; sila ang mga kaaway ng kaalaman ng tao sa Diyos. Mapanganib para sa mga tao ang hindi magkaroon ng pagsunod sa mga puso nila o ng pananabik para sa katotohanan. Kung nagpapasakop ka lamang sa gawain at sa mga salitang payak, at walang kakayahang tumanggap ng anumang mas malalim, kung gayon ikaw ay kumakapit sa mga lumang pamamaraan at hindi makasasabay sa gawain ng Banal na Espiritu.

Hinango mula sa “Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 486

Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay nag-iiba sa bawat panahon. Kung may malaki kang pagsunod sa isang yugto ng gawain ng Diyos, ngunit sa susunod na yugto ang pagsunod mo sa gawain Niya ay salat, o wala kang kakayan na sumunod, kung gayon ay lilisanin ka ng Diyos. Kung nakikisabay ka sa Diyos habang ginagawa Niya ang hakbang na ito, kung gayon ay dapat kang magpatuloy na sumabay kapag umakyat Siya sa susunod; doon ka lamang magiging isang taong masunurin sa Banal na Espiritu. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat na manatili kang hindi nagbabago sa pagsunod mo. Hindi maaaring susunod ka lamang kapag gusto mo at susuway kapag ayaw mo. Ang ganitong uri ng pagkamasunurin ay hindi pinupuri ng Diyos. Kung hindi ka makasasabay sa bagong gawaing ibinabahagi Ko, at patuloy na nakahawak sa mga dating kasabihan, paano magkakaroon ng pag-unlad sa buhay mo? Ang gawain ng Diyos ay ang tustusan ka sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Kapag sinusunod at tinatanggap mo ang mga salita Niya, tiyak na gagawa sa iyo ang Banal na Espiritu. Gumagawa ang Banal na Espiritu nang eksakto sa sinasabi Ko; gawin ang sinabi Ko, at ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Naglalabas Ako ng bagong ilaw upang mapagmasdan ninyo, na dadalhin kayo sa liwanag ng kasalukuyan, at kapag lumakad ka sa loob ng ilaw na ito, ang Banal na Espiritu ay kaagad na gagawa sa iyo. Mayroong ilang maaaring matigas ang ulo, sinasabing, “Basta hindi ko isasakatuparan ang sinasabi Mo.” Kung gayon, sinasabi Ko sa iyo na nakarating ka na ngayon sa katapusan; ikaw ay natuyo at wala nang buhay. Samakatuwid, sa pagdanas ng pagbabago ng disposisyon mo, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa ang pagsabay sa kasalukuyang ilaw. Ang Banal na Espiritu ay hindi lamang gumagawa sa ilang taong ginagamit ng Diyos, kundi, higit pa rito, sa iglesia. Maaaring gumagawa Siya sa sinuman. Maaaring gumawa Siya sa iyo sa kasalukuyang oras, at mararanasan mo ang gawaing ito. Sa susunod na yugto, maaari Siyang gumawa sa ibang tao, kung gayon dapat kang magmadaling makasunod; kapag mas malapit mong sinusundan ang kasalukuyang ilaw, higit na lalago ang buhay mo. Kahit na ano pang uri ang isang tao, kung gumagawa sa kanya ang Banal na Espiritu, dapat kang sumunod. Gamitin mo ang mga karanasan niya sa sarili mo, at tatanggap ka ng mas higit pang mga bagay. Sa paggawa nito mas mabilis kang uunlad. Ito ang landas ng pagkaperpekto para sa tao at ang paraan kung saan lalago ang buhay. Ang landas ng pagiging perpekto ay naaabot sa pamamagitan ng pagsunod mo sa gawain ng Banal na Espiritu. Hindi mo alam kung sa pamamagitan ng anong uri ng tao gagawa ang Diyos upang gawin kang perpekto, o sa pamamagitan ng anong tao, pangyayari, o bagay ka Niya hahayaang makamit o makita ang mga bagay. Kung makatatapak ka sa tamang landas na ito, ipinakikita nito na mayroong malaking pag-asang magawa kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo magagawa, ipinakikita nitong malungkot at walang liwanag ang kinabukasan mo. Kapag nagsimula ka sa tamang landas, makakamit mo ang pahayag sa lahat ng bagay. Kahit na ano pa man ang ibinubunyag ng Banal na Espiritu sa iba, kung magpapatuloy ka batay sa kaalaman nila para maranasan ang mga bagay sa sarili mo, kung gayon ay magiging bahagi ng buhay mo ang karanasang ito, at magagawa mong tustusan ang iba mula sa karanasang ito. Ang mga nagtutustos sa iba sa pamamagitan ng paggaya sa mga salita ay mga taong hindi pa nagkakaroon ng anumang mga karanasan; dapat mong matutunang humanap, sa pamamagitan ng kaliwanagan at pagtanglaw ng iba, isang paraan ng pagsasagawa bago ka magsimulang magsalita tungkol sa sarili mong aktwal na karanasan at kaalaman. Ito ay may higit na pakinabang sa sarili mong buhay. Dapat mong maranasan ang ganito, na sumusunod sa lahat ng nagmumula sa Diyos. Dapat mong hangarin ang kalooban ng Diyos sa lahat ng mga bagay at matutunan ang mga aral sa lahat ng bagay, nang lumago ang buhay mo. Ang ganitong pagsasagawa ay nagbibigay ng pinakamabilis na pag-unlad.

Nililiwanagan ka ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng praktikal mong mga karanasan, at ginagawa kang perpekto sa pamamagitan ng pananampalataya mo. Tunay bang handa kang gawing perpekto? Kung talagang handa kang gawing perpekto ng Diyos, magkakaroon ka ng tapang na isantabi ang laman mo, at magagawa mong isakatuparan ang mga salita ng Diyos, at hindi ka magiging balintiyak o mahina. Magagawa mong sundin ang lahat ng nagmumula sa Diyos, at ang lahat ng mga kilos mo, ginagawa man ang mga ito sa publiko o nang pribado, ay maihaharap sa Diyos. Kung isa kang tapat na tao, at isinasagawa ang katotohanan sa lahat ng bagay, kung gayon ay magiging perpekto ka. Ang mga mapanlinlang na mga taong kumikilos sa isang paraan sa harap ng iba at sa ibang paraan sa likuran nila ay hindi handang gawing perpekto. Lahat sila ay mga anak ng kapahamakan at pagkawasak; hindi sila pag-aari ng Diyos kundi ni Satanas. Hindi sila ang uri ng mga taong pinili ng Diyos! Kung ang mga kilos at pag-uugali mo ay hindi maihaharap sa Diyos o matitingnan ng Espiritu ng Diyos, patunay itong mayroong mali sa iyo. Magagawa mo lamang na tumapak sa landas ng pagiging perpekto kung tinatanggap mo ang paghatol at pagkastigo ng Diyos, at pinapahalagahan ang pagbabago ng disposisyon mo. Kung tunay na handa kang maperpekto ng Diyos at gawin ang kalooban ng Diyos, kung gayon ay dapat mong sundin ang lahat ng gawain ng Diyos, nang walang kahit isang salita ng pagdaing, nang hindi nangangahas na suriin o hatulan ang gawain ng Diyos. Ito ang pinakamabababang hinihingi para maperpekto ng Diyos. Ang mahalagang hinihingi sa mga naghahangad na maperpekto ng Diyos ay ito: Kumilos nang may pusong nagmamahal sa Diyos sa lahat ng mga bagay. Ano ang kahulugan ng kumilos nang may pusong nagmamahal sa Diyos? Ibig sabihin nito ay ang lahat ng mga kilos at pag-uugali mo ay maihaharap sa Diyos. At sapagkat mayroon kang mga tamang layunin, tama man o mali ang mga kilos mo, hindi ka natatakot na ipakita ang mga ito sa Diyos o sa mga lalaki at mga babaeng kapatid mo, at nangangahas kang sumumpa sa harap ng Diyos. Dapat mong ilahad ang bawat layunin, iniisip, at ideya mo sa harap ng Diyos para sa masusing pagsisiyasat Niya; kung nagsasagawa at pumapasok ka sa ganitong paraan, magiging mabilis ang pag-unlad sa buhay mo.

Hinango mula sa “Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 487

Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang manampalataya sa lahat ng mga salita ng Diyos at sa lahat ng gawain Niya. Ibig sabihin, yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat kang sumunod sa Kanya. Kung hindi mo kayang gawin ito, kung gayon ay hindi mahalaga kung naniniwala ka sa Diyos o hindi. Kung naniniwala ka sa Diyos sa loob ng maraming taon, subalit hindi mo Siya kailanman sinunod, at hindi mo tinatanggap ang kabuuan ng mga salita Niya, at sa halip ay hinihingi mo sa Diyos na magpasakop Siya sa iyo at kumilos Siya ayon sa mga kuro-kuro mo, kung gayon ay ikaw ang pinakamapanghimagsik sa lahat, isa kang hindi mananampalataya. Paano makasusunod ang ganitong mga tao sa gawain at mga salita ng Diyos na hindi umaayon sa mga kuro-kuro ng tao? Ang pinakamapanghimagsik sa lahat ay ang mga sadyang lumalabag at lumalaban sa Diyos. Sila ang mga kaaway ng Diyos, ang mga anticristo. Palaging may poot ang saloobin nila sa bagong gawain ng Diyos; hindi sila kailanman nagkaroon ng ni katiting na kagustuhang magpasakop, ni hindi sila kailanman nagalak na magpasakop o magpakumbaba ng sarili nila. Dinadakila nila ang mga sarili nila bago ang iba at hindi kailanman nagpapasakop sa sinuman. Sa harap ng Diyos, itinuturing nila ang mga sarili nilang pinakamahusay sa pangangaral ng salita, at ang pinakabihasa sa paggawa sa iba. Hindi nila kailanman itinatapon ang mga “kayamanang” nasa pag-aari nila, kundi itinuturing ang mga ito bilang mga pamana ng pamilya para sambahin, para ipangaral sa iba ang tungkol dito, at ginagamit nila ang mga ito para magsermon sa mga hangal na umiidolo sa kanila. Tunay ngang may ilang taong tulad nito sa loob ng iglesia. Masasabing sila ay mga “hindi palulupig na mga bayani,” na bawat salinlahi ay pansamantalang nananahan sa tahanan ng Diyos. Ipinapalagay nila ang pangangaral ng salita (doktrina) bilang pinakamataas nilang tungkulin. Bawat taon, bawat salinlahi, masigasig nilang ipinatutupad ang “sagrado at hindi malalabag” na tungkulin nila. Walang nangangahas na salingin sila; wala kahit isang tao ang nangangahas na lantarang sawayin sila. Nagiging “mga hari” sila sa tahanan ng Diyos, nagwawala habang sinisiil nila ang iba sa bawat kapanahunan. Naghahangad ang pangkat ng mga demonyong ito na makipagsanib at gibain ang gawain Ko; paano Ko mapahihintulutang umiral ang mga buhay na diyablong ito sa harap ng mga mata Ko? Kahit ang mga medyo masunurin lamang ay hindi makapagpapatuloy hanggang sa katapusan, lalong hindi itong mga maniniil na wala ni katiting na pagsunod sa mga puso nila! Hindi madaling makakamit ng tao ang gawain ng Diyos. Kahit na ginagamit ang lahat ng lakas na mayroon sila, kaunting bahagi lamang nito ang makakamit ng mga tao, na sa huli ay magpapahintulot sa kanila na maperpekto. Ano, kung gayon, ang para sa mga anak ng arkanghel, na naghahangad na wasakin ang gawain ng Diyos? Wala ba silang mas maliit na pag-asang makamit ng Diyos? Ang layunin Ko sa paggawa ng gawain ng paglupig ay hindi lamang ang manlupig alang-alang sa paglupig, kundi manlupig upang ibunyag ang pagiging matuwid at kalikuan, upang kumuha ng patunay para sa kaparusahan ng tao, upang parusahan ang buktot, at, higit pa rito, upang manlupig para sa kapakanan ng pagpeperpekto ng mga handang sumunod. Sa huli, paghihiwa-hiwalayin ang lahat ayon sa uri, at ang mga naging perpekto ay ang mga may mga saloobin at mga ideya na puno ng pagsunod. Ito ang gawaing magagawa sa huli. Samantala, ang mga mapanghimagsik ang bawat kilos ay parurusahan at ipadadala upang sunugin sa mga apoy, mga layon ng walang-hanggang sumpa. Kapag dumating ang oras na iyon, ang mga “dakila at hindi malulupig na mga bayani” ng mga kapanahunang nakalipas ay magiging pinakamababa at pinakanilalayuang “mahina at inutil na mga duwag.” Tanging ito lamang ang makapaglalarawan sa bawat aspeto ng pagiging matuwid ng Diyos, at ng disposisyon Niya na hindi malalabag ng tao, at tanging ito lamang ang makapagpapalubag ng poot sa puso Ko. Hindi ba kayo sumasang-ayon na lubusang makatuwiran ito?

Hindi lahat ng mga nakararanas ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi rin lahat ng nasa daloy na ito, ay magkakamit ng buhay. Ang buhay ay hindi isang ari-ariang pinagsasaluhan ng lahat ng sangkatauhan, at ang mga pagbabago sa disposisyon ay hindi madaling natatamo ng lahat ng mga tao. Dapat na tunay at aktwal ang pagpapasakop sa gawain ng Diyos, at dapat itong isabuhay. Ang paimbabaw na pagpapasakop lamang ay hindi makatatanggap ng papuri ng Diyos, at ang pagsunod lamang sa paimbabaw na mga aspeto ng salita ng Diyos, nang hindi hinahangad ang pagbabago ng disposisyon ng isang tao, ay hindi umaayon sa puso ng Diyos. Iisa at pareho ang pagsunod sa Diyos at pagpapasakop sa gawain ng Diyos. Ang mga nagpapasakop lamang sa Diyos ngunit hindi sa gawain Niya ay hindi maituturing na masunurin, lalong hindi ang mga hindi tunay na nagpapasakop kundi ay mga mambobola sa panlabas. Ang lahat ng mga tunay na nagpapasakop sa Diyos ay nagkakamit mula sa gawain at nagtatamo ng pagkaunawa sa disposisyon at gawain ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang tunay na nagpapasakop sa Diyos. Nagkakamit ng bagong kaalaman ang ganitong mga tao, at sumasailalim sa mga bagong pagbabago mula sa bagong gawain. Tanging ang mga taong ito lamang ang pinupuri ng Diyos; tanging ang mga taong ito lamang ang naging perpekto, at tanging ang mga ito lamang ang nagbago ang disposisyon. Ang mga pinupuri ng Diyos ay ang mga nagagalak na magpasakop sa Diyos, at sa salita at gawain Niya. Ang ganitong mga tao lamang ang nasa tama, ang ganitong mga tao lamang ang taos-pusong nagnanais sa Diyos, at taos-pusong naghahangad sa Diyos. Para naman sa mga nagsasalita lamang tungkol sa pananampalataya nila sa Diyos gamit ang mga bibig nila, ngunit sa katunayan ay isinusumpa Siya, sila ang mga taong tinatakpan ang mga sarili nila, na nagtataglay ng kamandag ng ahas; sila ang pinakataksil sa lahat. Sa malao’t madali, pupunitin ang buktot na mga maskara ng mga damuhong ito. Hindi ba ito ang gawaing ginagawa ngayon? Palaging magiging buktot ang mga taong buktot, at hindi kailanman makatatakas sa araw ng kaparusahan. Palaging magiging mabuti ang mga mabubuting tao, at ibubunyag kapag natapos na ang gawain ng Diyos. Walang kahit isang buktot ang ipapalagay na matuwid, at ang sinumang matuwid ay hindi rin ipapalagay na buktot. Hahayaan Ko ba ang sinumang tao na maakusahan nang mali?

Hinango mula sa “Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 488

Habang umuusad ang buhay mo, dapat ay palagi kang may bagong pagpasok, at bago at mas mataas na kabatiran, na lumalalim sa bawat hakbang. Ito ang dapat na pasukin ng lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng pakikipagniig, pakikinig sa mga sermon, pagbabasa ng salita ng Diyos, o paglutas sa ilang usapin, magkakamit ka ng bagong kabatiran at bagong kaliwanagan, at hindi namumuhay sa loob ng mga lumang patakaraan at lumang panahon; palagi kang mamumuhay sa bagong liwanag, at hindi lalayo mula sa salita ng Diyos. Ito ang ibig sabihin ng pagsisimula sa tamang landas. Ang paimbabaw lamang na pagbabayad ng halaga ay hindi maaari; bawat araw, pumapasok ang salita ng Diyos sa mas mataas na dako, at lumilitaw ang mga bagong bagay araw-araw, at dapat ring gumawa ang tao ng bagong pagpasok araw-araw. Habang nagsasalita ang Diyos, isinasakatuparan Niya ang lahat ng sinasabi Niya, at kung hindi ka makasasabay, mahuhuli ka. Dapat mong laliman ang mga panalangin mo; hindi maaaring pahintu-hinto ang pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos. Laliman ang kaliwanagan at pagtanglaw na tinatanggap mo, at dapat na unti-unting mawala ang mga kuro-kuro at mga guni-guni mo. Dapat mo ring palakasin ang paghatol mo, at anumang makatatagpo mo, dapat kang magkaroon ng sarili mong mga saloobin tungkol dito at magkaroon ng sarili mong mga pananaw. Sa pamamagitan ng pag-unawa ng ilang mga bagay sa espiritu, dapat mong makamit ang kabatiran sa panlabas na mga bagay at maunawaan ang kaibuturan ng anumang usapin. Kung wala ka ng mga bagay na ito, paano mo maaakay ang iglesia? Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa mga titik at mga doktrina nang walang anumang realidad at nang walang paraan ng pagsasagawa, makararaos ka lamang sa loob ng maikling panahon. Maaaring bahagya itong katanggap-tanggap kapag nakikipag-usap sa mga bagong mananampalataya, ngunit sa paglipas ng panahon, kapag nagkaroon na ng ilang aktwal na karanasan ang mga bagong mananampalataya, hindi mo na sila matustusan. Kung gayon ay paano ka nagiging marapat na gamitin ng Diyos? Kung walang bagong kaliwanagan, hindi ka makagagawa. Ang mga walang bagong kaliwanagan ay ang mga hindi nakaaalam kung paano makaranas, at hindi kailanman magkakamit ng bagong kaalaman o bagong karanasan ang ganitong mga tao. At sa usapin ng pagtutustos ng buhay, hindi nila kailanman magagampanan ang tungkulin nila, ni hindi sila magiging angkop na gamitin ng Diyos. Walang silbi ang ganitong uri ng tao, isang palaboy lamang. Sa katotohanan, ang ganitong mga tao ay lubos na walang kakayahang gampanan ang tungkulin nila sa gawain, walang silbi silang lahat. Hindi lamang sila nabibigong gampanan ang tungkulin nila, kundi talagang naglalagay pa sila ng higit na di-kinakailangang pahirap sa iglesia. Hinihimok Ko itong “kagalang-galang na matatandang lalaki” na magmadali at iwanan ang iglesia, upang hindi ka na kailangang tingnan ng iba. Ang ganitong mga tao ay walang pagkaunawa sa bagong gawain at puno ng walang-katapusang mga kuro-kuro. Wala silang ginagampanang kahit na ano pa mang tungkulin sa iglesia; sa halip, gumagawa sila ng kalokohan at nagkakalat ng pag-aalinlangan kahit saan, kahit hanggang sa punto ng paglahok sa lahat ng uri ng masamang asal at panggugulo sa iglesia, dahil dito ay itinatapon nila ang mga walang kakayahang humatol tungo sa kalituhan at kaguluhan. Ang mga buhay na diyablong ito, Ang masasamang espiritung ito ay dapat umalis sa iglesia sa lalong madaling panahon, at baka mapinsala pa ang iglesia nang dahil sa iyo. Maaaring hindi mo kinatatakutan ang gawain sa ngayon, ngunit hindi mo ba kinatatakutan ang matuwid na kaparusahan sa hinaharap? Mayroong malalaking bilang ng mga tao sa iglesia na mga sampid, at may malaking bilang ng mga lobong naghahangad gambalain ang normal na gawain ng Diyos. Ang lahat ng mga bagay na ito ay mga demonyong ipinadala ng hari ng mga demonyo, masasamang lobong naghahangad na lamunin ang walang muwang na mga cordero. Kung hindi patatalsikin ang itong tinaguriang mga taong, magiging mga parasitiko sila sa iglesia, mga gamugamong lumalamon ng mga handog. Sa malao’t madali, darating ang araw na itong mga kasuklam-suklam, mangmang, hamak, at karima-rimarim na mga uod na ito ay parurusahan!

Hinango mula sa “Ang mga Sumusunod sa Diyos Nang may Tapat na Puso ay Tiyak na Makakamit ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 489

Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa pagiging praktikal at lubos na pagkaunawa sa gawain ng Diyos—parehong nakikita ang mga ito sa Kanyang mga salita, at magkakamit ka lamang ng kaliwanagan sa pamamagitan ng mga pahayag na ito. Kaya dapat mong lalong sangkapan ang iyong sarili ng mga salita ng Diyos. Ibahagi mo ang iyong pagkaunawa tungkol sa mga salita ng Diyos kapag nagbabahaginan kayo, at sa ganitong paraan, maliliwanagan mo ang iba at mabibigyan mo sila ng paraan para magsagawa—ito ay isang praktikal na landas. Bago magsaayos ang Diyos ng isang sitwasyon para sa iyo, bawat isa sa inyo ay kailangan munang sangkapan ang inyong sarili ng Kanyang mga salita. Ito ay isang bagay na dapat gawin ng lahat; isa itong agarang prayoridad. Una, umabot sa punto na marunong ka nang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Para sa anumang bagay na hindi mo magawa, saliksikin ang Kanyang mga salita para sa isang landas ng pagsasagawa, at suriing mabuti ang mga pahayag na ito para sa anumang mga isyung hindi mo nauunawaan o anumang mga paghihirap na maaaring mayroon ka. Gawing panustos mo ang mga salita ng Diyos, at tulutang alalayan ka ng mga iyon na malutas ang iyong mga praktikal na paghihirap at problema; at tulutang maging tulong mo sa buhay ang Kanyang mga salita. Kakailanganin ng mga bagay na ito ang iyong pagsisikap. Sa pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, kailangan mong magkamit ng mga resulta, kailangan mong mapatahimik ang iyong puso sa Kanyang harapan, at kailangan mong magsagawa alinsunod sa Kanyang mga pahayag tuwing may kinakaharap kang anumang mga isyu. Kapag wala ka pang nakakaharap na anumang mga isyu, dapat mong itutok ang iyong sarili sa pagkain at pag-inom lamang ng Kanyang salita. Kung minsan ay maaari kang manalangin at pagnilayan mo ang pagmamahal ng Diyos, sabihin sa pakikibahagi ang iyong pagkaunawa sa Kanyang mga salita, at ipabatid ang kaliwanagan at pagpapalinaw na nararanasan mo sa iyong kalooban at ang iyong naging mga reaksyon habang binabasa mo ang mga pahayag na ito. Bukod pa riyan, mabibigyan mo ng paraan ang mga tao para magsagawa. Ito lamang ang praktikal. Ang layunin sa paggawa nito ay para maging praktikal na panustos mo ang mga salita ng Diyos.

Sa loob ng isang araw, ilang oras ang ginugugol mo kung saan tunay kang nasa harap ng Diyos? Ilang oras ng isang araw ang talagang ibinibigay mo sa Diyos? Ilang oras ang ibinibigay mo sa laman? Ang laging pagtutok ng iyong puso sa Diyos ang unang hakbang sa pagtahak sa tamang landas tungo sa Kanyang pagpeperpekto. Kung kaya mong ilaan ang iyong puso, katawan, at lahat ng iyong tunay na pagmamahal sa Diyos, iharap ang mga iyon sa Kanya, maging ganap na masunurin sa Kanya, at maging lubos na mapagbigay sa Kanyang kalooban—hindi para sa laman, hindi para sa pamilya, at hindi para sa iyong sariling personal na mga hangarin, kundi para sa mga interes ng sambahayan ng Diyos, na itinuturing ang salita ng Diyos bilang prinsipyo at pundasyon sa lahat—sa paggawa niyon, ang iyong mga layunin at iyong mga pananaw ay malalagay na lahat sa tamang lugar, at magiging isa kang tao sa harap ng Diyos na tumatanggap ng Kanyang papuri. Ang mga taong gusto ng Diyos ay yaong mga tiyak na Kanya; sila yaong sa Kanya lamang magiging matapat. Ang mga kinasusuklaman ng Diyos ay yaong mga malamig sa Kanya at sumusuway sa Kanya. Kinasusuklaman Niya yaong mga naniniwala sa Kanya at laging gustong masiyahan sa Kanya habang hindi pa nagagawang lubos na gugulin ang kanilang sarili para sa Kanyang kapakanan. Kinasusuklaman Niya yaong mga nagsasabi na Siya ay mahal nila ngunit sumusuway sa Kanya sa kanilang puso; kinasusuklaman Niya yaong mga gumagamit ng magagaling at mabulaklak na salita upang manlinlang. Yaong mga hindi tunay na nakalaan sa Diyos o hindi pa tunay na nagpapasakop sa Kanya ay mga taksil at masyadong likas na mayabang. Yaong mga hindi tunay na makapagpasakop sa harap ng normal at praktikal na Diyos ay mas mayabang pa, at sila ay talagang ang masunuring mga inapo ng arkanghel. Ang mga taong tunay na ginugugol ang kanilang sarili para sa Diyos ay inilalagak ang buo nilang pagkatao sa Kanyang harapan; tunay silang nagpapasakop sa lahat ng Kanyang mga pahayag, at naisasagawa nila ang Kanyang mga salita. Ginagawa nilang pundasyon ng kanilang pag-iral ang mga salita ng Diyos, at nagagawa nilang taimtim na saliksikin ang nilalaman ng mga salita ng Diyos upang alamin kung aling mga bahagi ang isasagawa. Sila yaong mga tao na tunay na namumuhay sa harap ng Diyos. Kung ang iyong ginagawa ay kapaki-pakinabang sa iyong buhay, at sa pamamagitan ng pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita ay matutugunan mo ang mga panloob na pangangailangan at kakulangan upang magbago ang iyong disposisyon sa buhay, mapapalugod nito ang kalooban ng Diyos. Kung kikilos ka alinsunod sa mga kinakailangan ng Diyos, at kung hindi mo binibigyan ng kasiyahan ang laman kundi sa halip ay pinalulugod mo ang Kanyang kalooban, dito ay nakapasok ka na sa realidad ng Kanyang mga salita. Kapag pinag-uusapan ang tungkol sa mas makatotohanang pagpasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, ibig sabihin nito ay kaya mong gampanan ang iyong tungkulin at tugunan ang mga kinakailangan ng Diyos. Ang ganitong mga uri lamang ng praktikal na mga kilos ang matatawag na pagpasok sa realidad ng Kanyang mga salita. Kung nagagawa mong pumasok sa realidad na ito, tataglayin mo ang katotohanan. Ito ang simula ng pagpasok sa realidad; kailangan mo munang magdaan sa pagsasanay na ito, at saka ka lamang makakapasok sa mas malalalim na realidad. Pag-isipan kung paano susundin ang mga kautusan at kung paano maging tapat sa harap ng Diyos; huwag mo palaging isipin kung paano ka makakapasok sa kaharian. Kung hindi magbago ang iyong disposisyon, mawawalan ng silbi ang anumang iniisip mo! Para makapasok sa realidad ng mga salita ng Diyos, kailangan munang maging para sa Diyos ang lahat ng iyong ideya at saloobin—ito ang pinakamalinaw na pangangailangan.

Hinango mula sa “Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 490

Sa kasalukuyan, maraming taong nasa gitna ng mga pagsubok at hindi nauunawaan ang gawain ng Diyos, ngunit sinasabi Ko sa iyo: Kung hindi mo ito nauunawaan, mas mabuti pang huwag mo itong husgahan. Marahil ay darating ang araw na lalabas ang buong katotohanan, at saka mo ito mauunawaan. Makakabuti sa iyo ang hindi manghusga, subalit hindi maaaring maghintay ka lamang nang walang kibo. Kailangan mong hangarin na aktibong makapasok; saka ka lamang tunay na makakapasok. Dahil sa kanilang pagkasuwail, laging nakakabuo ang mga tao ng mga kuru-kuro tungkol sa praktikal na Diyos. Dahil dito ay kailangang matutuhan ng lahat ng tao kung paano maging masunurin, sapagkat ang praktikal na Diyos ay isang napakalaking pagsubok para sa sangkatauhan. Kung hindi mo kayang manindigan, tapos na ang lahat; kung wala kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos. Ang isang napakahalagang hakbang kung magagawang perpekto ang mga tao o hindi ay ang kanilang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos. Ang pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao na pumarito sa lupa ay isang pagsubok sa bawat tao; kung makakapanindigan ka tungkol dito, magiging isa kang tao na kilala ang Diyos, at magiging isa kang tao na tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung hindi ka makapanindigan tungkol dito, at sa Espiritu ka lamang naniniwala at hindi mo kayang maniwala sa pagiging praktikal ng Diyos, gaano man kalaki ang iyong pananampalataya sa Diyos, mawawalan iyan ng silbi. Kung hindi mo kayang maniwala sa Diyos na nakikita, kaya mo bang maniwala sa Espiritu ng Diyos? Hindi ba tinatangka mo lamang na lokohin ang Diyos? Hindi ka masunurin sa harap ng nakikita at nahihipong Diyos, kaya may kakayahan ka bang magpasakop sa harap ng Espiritu? Ang Espiritu ay hindi nakikita at hindi nahihipo, kaya kapag sinabi mong nagpapasakop ka sa Espiritu ng Diyos, hindi ba kalokohan lamang ang sinasabi mo? Ang susi sa pagsunod sa mga kautusan ay ang pagkakaroon ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos. Kapag nagkaroon ka na ng pagkaunawa sa praktikal na Diyos, magagawa mo nang sundin ang mga kautusan. May dalawang bahagi ang pagsunod sa mga ito: Ang isa ay pagkapit sa diwa ng Kanyang Espiritu, at sa harap ng Espiritu, pagtanggap sa pagsusuri ng Espiritu; ang isa pa ay pagkakaroon ng tunay na pagkaunawa sa nagkatawang-taong laman, at tunay na pagpapasakop. Sa harap man ng katawang-tao o sa harap ng Espiritu, kailangang palaging magpasakop at magpitagan ang isang tao sa Diyos. Ganitong tao lamang ang karapat-dapat na gawing perpekto. Kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal ng praktikal na Diyos—ibig sabihin, kung nakapanindigan ka na sa pagsubok na ito—walang anumang magiging mahirap para sa iyo.

Sabi ng ilang tao, “Madaling sundin ang mga kautusan; kailangan mo lamang magsalita nang deretsahan at tapat sa harap ng Diyos, at huwag kang magkukumpas; ito ang ibig sabihin ng sundin ang mga kautusan.” Tama ba iyon? Kaya, kung gagawa ka ng ilang bagay habang nakatalikod ang Diyos na laban sa Kanya, maituturing bang pagsunod iyon sa mga kautusan? Kailangan mong maunawaan nang lubusan kung ano ang kailangan sa pagsunod sa mga kautusan. May kaugnayan ito sa kung mayroon o wala kang tunay na pagkaunawa sa pagiging praktikal ng Diyos; kung mayroon kang pagkaunawa sa pagiging praktikal at hindi ka nadarapa at nahuhulog habang nagdaraan sa pagsubok na ito, maituturing kang nagtataglay ng matatag na patotoo. Ang pagbabahagi ng isang matunog na patotoo para sa Diyos una sa lahat ay may kaugnayan sa kung mayroon o wala kang pagkaunawa sa praktikal na Diyos, at kung nagagawa mong magpasakop o hindi sa harap ng taong ito na hindi lamang karaniwan, kundi normal, at magpasakop kahit hanggang kamatayan. Kung ikaw, sa pamamagitan ng pagpapasakop na ito, ay tunay na nagpapatotoo para sa Diyos, ibig sabihin niyan ay naangkin ka ng Diyos. Kung makakapagpasakop ka hanggang kamatayan, at sa Kanyang harapan, wala ka nang mga reklamo, hindi ka nanghuhusga, hindi ka naninirang-puri, wala kang anumang mga kuru-kuro, at wala kang anumang mga lihim na motibo, sa ganitong paraan ay magtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos. Ang pagpapasakop sa harap ng isang karaniwang tao na hinahamak ng tao, at nagagawang magpasakop hanggang kamatayan nang walang anumang mga kuru-kuro—ito ay tunay na patotoo. Ang realidad na kinakailangan ng Diyos na pasukin ng mga tao ay na nagagawa mong sundin ang Kanyang mga salita, isagawa ang mga ito, yumuko sa harap ng praktikal na Diyos at alamin ang sarili mong katiwalian, buksan ang iyong puso sa Kanyang harapan, at, sa bandang huli, maangkin Niya sa pamamagitan ng mga salita Niyang ito. Nagtatamo ng kaluwalhatian ang Diyos kapag nilulupig ka ng mga pahayag na ito at nahihikayat kang lubos na sumunod sa Kanya; sa pamamagitan nito, hinihiya Niya si Satanas at kinukumpleto ang Kanyang gawain. Kapag wala kang anumang mga kuru-kuro tungkol sa pagiging praktikal ng Diyos na nagkatawang-tao—ibig sabihin, kapag nakapanindigan ka sa pagsubok na ito—mahusay mong naibahagi ang patotoong ito. Kung dumating ang araw na magkaroon ka ng lubos na pagkaunawa sa praktikal na Diyos at kaya mong magpasakop hanggang kamatayan kagaya ni Pedro, maaangkin ka ng Diyos at magagawa ka Niyang perpekto. Aumang ginagawa ng Diyos na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro ay isang pagsubok para sa iyo. Kung ang gawain ng Diyos ay nakaayon sa iyong mga kuru-kuro, hindi ka na kailangang magdusa o mapino. Ito ay dahil sa ang Kanyang gawain ay napaka-praktikal at hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro kaya kailangan mong pakawalan ang mga kuru-kurong iyon. Kaya nga ito ay isang pagsubok para sa iyo. Dahil sa pagiging praktikal ng Diyos kaya lahat ng tao ay nasa gitna ng mga pagsubok; ang Kanyang gawain ay praktikal, hindi higit sa karaniwan. Sa pamamagitan ng lubos na pag-unawa sa Kanyang praktikal na mga salita at Kanyang praktikal na mga pahayag nang walang anumang mga kuru-kuro, at sa tunay na pagmamahal sa Kanya lalo pang lumalago ang Kanyang gawain, maaangkin ka Niya. Ang grupo ng mga tao na maaangkin ng Diyos ay yaong mga nakakikilala sa Diyos; ibig sabihin, yaong mga nakakaalam sa Kanyang pagiging praktikal. Bukod pa riyan, sila yaong mga nagagawang magpasakop sa praktikal na gawain ng Diyos.

Hinango mula sa “Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 491

Noong panahon na nasa katawang-tao ang Diyos, hindi kasama sa pagpapasakop na hinihiling Niya sa mga tao ang pagpipigil na manghusga o lumaban, na tulad ng iniisip nila; sa halip, hinihiling Niya sa mga tao na gamitin ang Kanyang mga salita bilang kanilang prinsipyong susundin sa buhay at bilang pundasyon ng kanilang pananatiling buhay, na talagang walang pasubaling isagawa nila ang diwa ng Kanyang mga salita, at lubos nilang palugurin ang Kanyang kalooban. Ang isang aspeto ng paghiling sa mga tao na magpasakop sa Diyos na nagkatawang-tao ay tumutukoy sa pagsasagawa ng Kanyang mga salita, samantalang ang isa pang aspeto ay tumutukoy sa kakayahang magpasakop sa Kanyang pagiging normal at praktikal. Ang mga ito ay kailangang kapwa tiyak. Yaong mga makakatamo ng dalawang aspetong ito ay lahat ng yaong nagkikimkim ng tunay na pagmamahal sa kanilang puso para sa Diyos. Silang lahat ay mga taong naangkin na ng Diyos, at mahal nilang lahat ang Diyos tulad ng pagmamahal nila sa kanilang sariling buhay. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay may normal at praktikal na pagkatao sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, ang Kanyang panlabas na anyo na kapwa normal at praktikal na pagkatao ay nagiging isang napakalaking pagsubok para sa mga tao; ito ang nagiging pinakamalaki nilang paghihirap. Gayunman, hindi maiiwasan ang pagiging normal at praktikal ng Diyos. Sinubukan Niya ang lahat para makahanap ng solusyon ngunit sa huli ay hindi Niya maalis sa Kanyang Sarili ang panlabas na anyo ng Kanyang normal na pagkatao. Ito ay dahil Siya, kunsabagay, ang Diyos na nagkatawang-tao, hindi ang Diyos ng Espiritu sa langit. Hindi Siya ang Diyos na hindi nakikita ng mga tao, kundi ang Diyos na nasa anyo ng isang miyembro ng paglikha. Sa gayon, ang pag-aalis sa Kanyang Sarili ng anyo ng Kanyang normal na pagkatao ay hindi magiging madali sa anumang paraan. Samakatuwid, anuman ang mangyari, ginagawa pa rin Niya ang gawaing nais Niyang gawin mula sa pananaw ng katawang-tao. Ang gawaing ito ang pagpapahayag ng normal at praktikal na Diyos, kaya paano magiging ayos lang sa mga tao na hindi magpasakop? Ano ba ang magagawa ng mga tao tungkol sa mga kilos ng Diyos? Ginagawa Niya ang anumang nais Niyang gawin; anuman ang nagpapasaya sa Kanya ay iyon ang masusunod. Kung hindi magpapasakop ang mga tao, ano ang iba pang magagandang planong mayroon sila? Hanggang ngayon, pagpapasakop lamang ang nakapagligtas sa mga tao; wala nang may iba pang matatalinong ideya. Kung nais ng Diyos na subukan ang mga tao, ano ang magagawa nila tungkol dito? Gayunman, hindi ang Diyos sa langit ang nakaisip ng lahat ng ito; ang Diyos na nagkatawang-tao ang nakaisip nito. Nais Niyang gawin ito, kaya walang taong makakapagbago nito. Hindi nanghihimasok ang Diyos sa langit sa ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao, kaya hindi ba mas malaking dahilan ito kaya dapat magpasakop sa Kanya ang mga tao? Bagama’t Siya ay kapwa praktikal at normal, Siya ang lubos na Diyos na naging tao. Batay sa Kanyang sariling mga ideya, ginagawa Niya ang anumang nais Niya. Ipinasa na ng Diyos sa langit ang lahat ng gawain sa Kanya; kailangan kang magpasakop sa anumang Kanyang ginagawa. Bagama’t mayroon Siyang pagkatao at napakanormal, sadya na Niyang isinaayos ang lahat ng ito, kaya paano Siya napandidilatan ng mga mata ng mga tao nang may pagtutol? Nais Niyang maging normal, kaya Siya normal. Nais Niyang mamuhay sa gitna ng sangkatauhan, kaya Siya namumuhay sa gitna ng sangkatauhan. Nais Niyang mamuhay sa loob ng pagka-Diyos, kaya Siya namumuhay sa loob ng pagka-Diyos. Maaari itong tingnan ng mga tao paano man nila naisin, ngunit ang Diyos ay palaging magiging Diyos at ang mga tao ay palaging magiging mga tao. Ang Kanyang diwa ay hindi maitatanggi dahil sa ilang maliit na detalye, ni hindi Siya maitutulak palabas ng “persona” ng Diyos dahil sa isang maliit na bagay. Ang mga tao ay may kalayaan ng mga tao, at ang Diyos ay may dignidad ng Diyos; hindi nanghihimasok ang mga ito sa isa’t isa. Maaari bang hindi bigyan ng mga tao ng kaunting kalayaan ang Diyos? Hindi ba nila mapagbibigyan ang pagiging medyo kaswal ng Diyos? Huwag kayong masyadong mahigpit sa Diyos! Bawat isa ay dapat magparaya sa isa’t isa; kung gayo’y hindi ba maaaring ayusin ang lahat? Magkakaroon pa ba ng anumang pagkakahiwalay? Kung hindi makapagpaubaya ang isang tao sa gayon kaliit na bagay, paano pa niya masasabi ang anumang gaya ng “Ang puso ng isang punong ministro ay sapat na malaki upang maglayag ang isang bangka rito”? Paano sila magiging isang tunay na tao? Hindi ang Diyos ang nagpapahirap sa sangkatauhan, kundi ang sangkatauhan ang nagpapahirap sa Diyos. Pinangangasiwaan nila palagi ang mga bagay-bagay sa pamamagitan ng pagpapalaki sa maliliit na bagay. Talagang pinalalaki nila ang maliit na bagay, at talagang hindi ito kailangan! Kapag gumagawa ang Diyos sa loob ng normal at praktikal na pagkatao, ang Kanyang ginagawa ay hindi ang gawain ng sangkatauhan, kundi ang gawain ng Diyos. Gayunman, hindi nakikita ng mga tao ang diwa ng Kanyang gawain; ang palagi lamang nilang nakikita ay ang panlabas na anyo ng Kanyang pagkatao. Hindi pa sila nakakita ng gayon kadakilang gawain, subalit nagpipilit silang makita ang Kanyang karaniwan at normal na pagkatao, at hindi sila titigil. Paano ito matatawag na pagpapasakop sa harap ng Diyos? Ang Diyos sa langit ay “naging” Diyos na sa lupa ngayon, at ang Diyos sa lupa ay Diyos na sa langit. Hindi mahalaga kung magkapareho ang Kanilang panlabas na anyo, ni hindi mahalaga kung gaano magkatulad ang Kanilang paggawa. Sa huli, Siya na gumagawa ng sariling gawain ng Diyos ay ang Diyos Mismo. Kailangan kang magpasakop naisin mo man o hindi—hindi ito isang bagay na may mapagpipilian ka! Ang Diyos ay kailangang sundin ng mga tao, at kailangan talagang magpasakop ang mga tao sa Diyos nang wala ni katiting na pagkukunwari.

Ang grupo ng mga taong nais maangkin ng Diyos na nagkatawang-tao ngayon ay yaong mga umaayon sa Kanyang kalooban. Kailangan lamang nilang magpasakop sa Kanyang gawain, at tumigil sa patuloy na pag-aalala sa mga ideya tungkol sa Diyos sa langit, pamumuhay sa kalabuan, o pagpapahirap ng mga bagay-bagay para sa Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagagawang sumunod sa Kanya ay yaong mga talagang nakikinig sa Kanyang mga salita at nagpapasakop sa Kanyang mga plano. Ni hindi man lamang pinapansin ng gayong mga tao kung ano talaga ang maaaring hitsura ng Diyos sa langit o kung anong klaseng gawain ang maaaring kasalukuyang ginagawa ng Diyos sa langit sa sangkatauhan; ibinibigay nila nang lubusan ang kanilang puso sa Diyos sa lupa at inilalagak ang kanilang buong pagkatao sa Kanyang harapan. Hindi nila isinasaalang-alang kailanman ang kanilang sariling kaligtasan, ni hindi sila nag-aalala kailanman sa pagiging normal at praktikal ng Diyos na nasa katawang-tao. Yaong mga nagpapasakop sa Diyos na nasa katawang-tao ay maaari Niyang gawing perpekto. Yaong mga naniniwala sa Diyos sa langit ay walang mapapala. Ito ay dahil hindi ang Diyos sa langit, kundi ang Diyos sa lupa, ang nagkakaloob ng mga pangako at pagpapala sa mga tao. Hindi dapat palaging palakihin ng mga tao ang Diyos sa langit samantalang itinuturing na karaniwang tao lamang ang Diyos sa lupa; hindi ito makatarungan. Ang Diyos sa langit ay dakila at kamangha-mangha na may kagila-gilalas na karunungan, subalit ni hindi man lamang ito umiiral; ang Diyos sa lupa ay masyadong karaniwan at walang kabuluhan, at napaka-normal din. Wala Siyang di-pangkaraniwang isipan o hindi Siya nagsasagawa ng mga kilos na nakakagulat; gumagawa lamang Siya at nagsasalita sa isang napaka-normal at praktikal na paraan. Kahit hindi Siya nagsasalita sa pamamagitan ng kulog o nagpapatawag ng hangin at ulan, Siya talaga ang pagkakatawang-tao ng Diyos sa langit, at Siya talaga ang Diyos na namumuhay sa piling ng mga tao. Hindi dapat palakihin ng mga tao ang isang taong nagagawa nilang unawain at tumutugma sa kanilang sariling mga imahinasyon bilang Diyos, samantalang nakikita ang isang taong hindi nila matanggap at tiyak na hindi nila maisip na aba. Lahat ng ito ay nagmumula sa pagkasuwail ng mga tao; ito ang lahat ng pinagmumulan ng paglaban ng sangkatauhan sa Diyos.

Hinango mula sa “Yaong mga Tunay na Nagmamahal sa Diyos ay Yaong mga Talagang Nagpapasakop sa Kanyang Pagiging Praktikal” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 492

Hindi madarama ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos kung makikinig lamang sila sa mga damdamin ng kanilang konsensya. Kung aasa lamang sila sa kanilang konsensya, ang pag-ibig nila sa Diyos ay magiging mahina. Kung magsasalita ka lamang tungkol sa pagsusukli sa biyaya at pag-ibig ng Diyos, hindi ka magkakaroon ng anumang pagpupursigi sa iyong pag-ibig sa Kanya; ang pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng iyong konsensya ay isang balintiyak na pamamaraan. Bakit Ko sinasabi na isa iyong balintiyak na pamamaraan? Ito ay isang praktikal na usapin. Anong uri ng pag-ibig ang inyong pag-ibig sa Diyos? Hindi ba ito panlilinlang lamang sa Diyos at wala sa loob na paggawa para sa Kanya? Karamihan sa mga tao ay naniniwala na yamang walang gantimpala sa pag-ibig sa Diyos at ang isang tao ay kakastiguhin din naman sa hindi pag-ibig sa Kanya, kaya sa pangkalahatan, ang hindi pagkakasala lamang ay sapat na. Kaya ang pag-ibig sa Diyos at ang pagsukli sa Kanyang pag-ibig batay sa mga damdamin ng konsensya ng isang tao ay isang balintiyak na pamamaraan, at hindi ito pag-ibig sa Diyos na kusang nanggagaling mula sa puso ng isang tao. Ang pag-ibig sa Diyos ay dapat na isang tunay na damdamin mula sa kaibuturan ng puso ng isang tao. Sinasabi ng ilang tao: “Ako mismo ay nakahandang hanapin ang Diyos at sundin Siya. Ngayon, kahit gusto akong iwanan ng Diyos, susundin ko pa rin Siya. Gusto man Niya ako o hindi, iibigin ko pa rin Siya, at sa huli, kailangan ko Siyang makamit. Iniaalay ko ang aking puso sa Diyos, at anuman ang Kanyang gawin, susundin ko Siya sa aking buong buhay. Anuman ang mangyari, kailangan kong ibigin ang Diyos at kailangan ko Siyang makamit; hindi ako titigil hangga’t hindi ko Siya nakakamit.” Taglay mo ba ang ganitong uri ng paninindigan?

Ang landas ng paniniwala sa Diyos ay walang pinag-iba sa landas ng pag-ibig sa Kanya. Kung naniniwala ka sa Kanya kailangan mo Siyang ibigin; subalit, ang pag-ibig sa Kanya ay hindi lamang tumutukoy sa pagsukli sa Kanyang pag-ibig o pag-ibig sa Kanya batay sa mga damdamin ng iyong konsensya—ito ay isang dalisay na pag-ibig para sa Diyos. Minsan, hindi nararamdaman ng mga tao ang pagmamahal ng Diyos batay sa kanilang konsensya lamang. Bakit ba palagi Kong sinabing: “Nawa’y antigin ng Espiritu ng Diyos ang ating mga espiritu”? Bakit hindi Ko binanggit ang pag-antig ng konsensya ng mga tao upang ibigin ang Diyos? Ito ay dahil hindi nadarama ng konsensya ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Kung ikaw ay hindi nakumbinsi ng mga salitang ito, subukan mong gamitin ang iyong konsensya upang damhin ang Kanyang pag-ibig. Maaaring bahagyang pursigido ka sa ngayon, ngunit maglalaho rin iyan agad. Kung nadarama mo lang ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa iyong konsensiya, magiging pursigido ka habang ikaw ay nananalangin, ngunit pagkatapos noon ay agad itong lilipas at maglalaho. Bakit ganoon? Kung ang ginagamit mo lamang ay ang iyong konsensya, hindi mo mapupukaw ang iyong pag-ibig para sa Diyos; kapag talagang nadarama mo ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos sa iyong puso, ang iyong espiritu ay aantigin Niya, at sa gayong pagkakataon lamang magagampanan ng iyong konsensya ang orihinal nitong papel. Na ang ibig sabihin, kapag inaantig ng Diyos ang espiritu ng tao at kapag may kaalaman ang tao at nahimok sa kanyang puso, iyon ay, kapag nagkamit na siya ng karanasan, saka lamang niya magagawang mabisang ibigin ang Diyos gamit ang kanyang konsensya. Ang pag-ibig sa Diyos gamit ang iyong konsensya ay hindi mali—ito ang pinakamababang antas ng pag-ibig sa Diyos. Ang pag-ibig sa pamamagitan ng “bahagyang pagbibigay lang ng hustisya sa biyaya ng Diyos” ay hindi talaga magtutulak sa taong masigasig na pumasok. Kapag natatamo ng mga tao ang kaunting gawain ng Banal na Espiritu, iyon ay, kapag nakikita at nararamdaman nila ang pag-ibig ng Diyos sa kanilang praktikal na karanasan, kapag mayroon silang kaunting kaalaman tungkol sa Diyos at tunay na nakikita na ang Diyos ay napakakarapat-dapat sa pag-ibig ng sangkatauhan at kung gaano Siya kaibig-ibig, saka lamang nila nagagawang ibigin nang tunay ang Diyos.

Hinango mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 493

Kapag kinakausap ng mga tao ang Diyos gamit ang kanilang mga puso, kapag nagagawa ng kanilang mga puso na ganap na bumaling sa Kanya, ito ang unang hakbang sa pag-ibig ng tao para sa Diyos. Kung nais mong ibigin ang Diyos, kailangan mo munang magawang ibaling ang iyong puso sa Kanya. Ano ang pagbaling ng iyong puso sa Diyos? Ito ay kapag ang lahat ng iyong hinahangad sa iyong puso ay para sa kapakanan ng pag-ibig at pagkakamit sa Diyos. Ipinakikita nito na ganap mo nang naibaling ang iyong puso sa Diyos. Maliban sa Diyos at sa Kanyang mga salita, halos wala nang ibang nasa iyong puso (pamilya, kayamanan, asawang lalaki, asawang babae, mga anak, atbp.). Kung mayroon man, hindi makakapanahan ang gayong mga bagay sa iyong puso, at hindi mo iniisip ang mga inaasahan mo sa iyong hinaharap kundi hinahangad lamang ang pag-ibig sa Diyos. Sa gayong pagkakataon ay naibaling mo na nang ganap ang iyong puso sa Diyos. Ipagpalagay mong gumagawa ka pa rin ng mga plano para sa iyong sarili sa iyong puso at palaging hinahangad ang pansariling pakinabang, palaging iniisip: “Kailan kaya ako makagagawa ng munting kahilingan sa Diyos? Kailan kaya yayaman ang aking pamilya? Paano kaya ako makakakuha ng ilang magagandang damit? …” Kung ikaw ay nabubuhay sa gayong kalagayan, ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pa ganap na nakabaling sa Diyos. Kung taglay mo lamang ang mga salita ng Diyos sa iyong puso at nagagawa mong manalangin sa Diyos at maging malapit sa Kanya sa lahat ng pagkakataon—na parang napakalapit Niya sa iyo, na parang ang Diyos ay nasa loob mo at ikaw ay nasa loob Niya—kung ikaw ay nasa gayong uri kalagayan, nangangahulugan ito na ang iyong puso ay nasa presensya na ng Diyos. Kung ikaw ay nananalangin sa Diyos at kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita araw-araw, palaging iniisip ang gawain ng iglesia, at kung nagpapakita ka ng pagsasaalang-alang sa kalooban ng Diyos, ginagamit ang iyong puso upang ibigin Siya nang tunay at bigyang-kaluguran ang Kanyang puso, ang iyong puso ay magiging pag-aari ng Diyos. Kung ang iyong puso ay pinananahanan ng maraming ibang bagay, ito ay pinananahanan pa rin ni Satanas at ito ay hindi pa tunay na nakabaling sa Diyos. Kapag ang puso ng isang tao ay tunay na nakabaling na sa Diyos, magkakaroon sila ng tunay at kusang pag-ibig sa Kanya at magagawang isaalang-alang ang gawain ng Diyos. Bagama’t maaari pa rin silang magkaroon ng mga sandali ng kahangalan at kawalan ng katwiran, nagpapakita sila ng pagsasaalang-alang sa kapakanan ng bahay ng Diyos, sa Kanyang gawain, at sa sarili nilang pagbabago ng disposisyon, at malinis ang intensyon nila. May mga taong palaging sinasabi na lahat ng ginagawa nila ay para sa iglesia gayong, ang totoo, gumagawa sila para sa sariling pakinabang. Ang mga taong tulad nito ay nagtataglay ng maling uri ng layunin. Sila ay buktot at mapanlinlang at karamihan sa mga bagay na kanilang ginagawa ay para sa kanilang sariling pakinabang. Hindi hinahangad ng ganitong uri ng tao ang pag-ibig sa Diyos; ang kanilang puso ay pag-aari pa rin ni Satanas at hindi makakabaling sa Diyos. Sa gayon, walang paraan ang Diyos upang matamo ang ganitong uri ng tao.

Kung nais mong ibigin nang tunay ang Diyos at makamit Niya, ang unang hakbang ay ang ganap na ibaling ang iyong puso sa Diyos. Sa bawat bagay na iyong ginagawa, siyasatin mo ang iyong sarili at itanong: “Ginagawa ko ba ito batay sa isang pusong may pag-ibig sa Diyos? Mayroon bang anumang pansariling hangarin sa likod nito? Ano ba ang aking tunay na layunin sa paggawa nito?” Kung nais mong ibigay ang iyong puso sa Diyos, kailangan mo munang supilin ang iyong sariling puso, bitiwan ang lahat ng iyong sariling hangarin, at tamuhin ang kalagayan ng pagiging ganap na para sa Diyos. Ito ang landas ng pagsasagawa ng pagbibigay ng iyong puso sa Diyos. Ano ang tinutukoy ng pagsupil sa sariling puso ng isang tao? Ito ay ang pagbitiw sa maluluhong pagnanasa ng laman ng tao, ang hindi pag-iimbot ng kaginhawahan o ng mga biyaya ng katayuan. Ito ay ang paggawa ng lahat upang bigyang-kaluguran ang Diyos, at ang paggawa sa puso ng isang tao na maging ganap na para sa Kanya, hindi para sa kanyang sarili. Sapat na ito.

Hinango mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 494

Ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay nanggagaling sa kaibuturan ng puso; ito ay isang pag-ibig na umiiral lamang batay sa kaalaman ng tao tungkol sa Diyos. Kapag ang puso ng isang tao ay ganap na bumabaling sa Diyos, taglay nila ang pag-ibig sa Diyos, ngunit ang pag-ibig na iyon ay maaaring hindi dalisay at hindi lubos. Ito ay dahil mayroon pa ring kaunting agwat sa pagitan ng puso ng isang tao na lubusang bumabaling sa Diyos at ng pagkakaroon ng taong iyon ng tunay na pagkaunawa sa Diyos at tunay na pagsamba sa Kanya. Ang paraan para matamo ng tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos at malaman ang disposisyon ng Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Diyos. Kapag ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos, nagsisimula siyang pumasok sa karanasan ng buhay. Sa ganitong paraan, ang kanyang disposisyon ay nagsisimulang magbago, ang kanyang pag-ibig sa Diyos ay unti-unting lumalago, at ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos ay unti-unti ring nadaragdagan. Kaya, ang pagbaling ng puso ng tao sa Diyos ay paunang kondisyon lamang para makapasok sa tamang landas ng karanasan sa buhay. Kapag inilalagay ng mga tao ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos, mayroon lamang silang puso na nasasabik sa Kanya ngunit hindi ang pag-ibig para sa Kanya, sapagkat wala silang taglay na pagkaunawa sa Kanya. Bagama’t sa pagkakataong ito ay mayroon silang kaunting pag-ibig para sa Kanya, ito ay hindi kusa at ito ay hindi tunay. Ito ay dahil anumang nanggagaling sa laman ng tao ay isang produkto ng damdamin at hindi nagmumula sa tunay na pagkaunawa. Ito ay isa lamang bugso ng damdamin at hindi ito maaaring magdulot ng pangmatagalang pagsamba. Kapag ang mga tao ay walang pagkaunawa sa Diyos, maaari lamang nila Siyang ibigin batay sa kanilang sariling mga kagustuhan at sa kanilang indibiduwal na mga kuru-kuro a; ang ganitong uri ng pag-ibig ay hindi matatawag na kusang pag-ibig, ni matatawag na tunay na pag-ibig. Ang puso ng tao ay maaaring tunay na bumaling sa Diyos, at magkaroon ng kakayahang isipin ang kapakanan ng Diyos sa lahat ng bagay, ngunit kung wala siyang pagkaunawa sa Diyos, hindi siya magkakaroon ng kakayahang magtaglay ng tunay na kusang pag-ibig. Ang tanging magagawa niya ay tuparin ang ilang gampanin para sa iglesia o gawin nang kaunti ang kanyang tungkulin, ngunit gagawin niya ito nang walang batayan. Ang disposisyon ng ganitong uri ng tao ay mahirap baguhin; ang gayong mga tao ay hindi naghahanap ng katotohanan, o hindi ito nauunawaan. Kahit na ganap na ibinabaling ng isang tao ang kanyang puso sa Diyos, hindi ito nangangahulugan na ang kanyang pusong umiibig sa Diyos ay ganap na dalisay, sapagkat yaong mga taglay ang Diyos sa kanilang puso ay hindi tiyak na nagtataglay ng pag-ibig sa Diyos sa kanilang mga puso. Ito ay tungkol sa pagkakaiba sa pagitan ng isang tao na naghahangad o hindi ng pagkaunawa sa Diyos. Sa sandaling ang isang tao ay magkaroon ng pagkaunawa sa Kanya, ipinakikita nito na ang kanyang puso ay ganap nang bumaling sa Diyos, ipinakikita nito na ang kanyang tunay na pag-ibig sa Diyos sa kanyang puso ay kusa. Tanging ang ganitong uri ng tao ang taglay ang Diyos sa kanilang puso. Ang pagbaling ng puso ng isang tao sa Diyos ay isang paunang kondisyon para makapunta siya sa tamang landas, para maunawaan ang Diyos, at para matamo ang pag-ibig sa Diyos. Hindi ito isang pananda ng pagkumpleto ng tungkulin ng isang tao na ibigin ang Diyos, ni isang pananda ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig sa Kanya. Ang tanging paraan para makamit ng isang tao ang tunay na pag-ibig sa Diyos ay ang ibaling ang kanyang puso sa Kanya, na siya ring unang bagay na dapat gawin ng isang tao bilang isa sa Kanyang mga nilikha. Yaong mga umiibig sa Diyos ay pawang mga tao na naghahangad ng buhay, iyon ay, mga taong naghahanap sa katotohanan at tunay na ninanais ang Diyos; taglay nilang lahat ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu at naantig na Niya. Nakakamit nilang lahat ang paggabay ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang Tunay na Pag-ibig sa Diyos ay Kusa” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 495

Ngayon, yamang hinahangad ninyong mahalin at makilala ang Diyos, sa isang banda dapat ninyong tiisin ang hirap at pagpipino, at sa kabilang banda, kailangan ninyong magbayad ng halaga. Walang aral ang mas malalim pa kaysa sa aral na ibigin ang Diyos, at masasabing ang aral na natututuhan ng mga tao sa habambuhay na paniniwala ay kung paano mahalin ang Diyos. Na ang ibig sabihin, kung naniniwala ka sa Diyos, dapat mong mahalin ang Diyos. Kung naniniwala ka lamang sa Diyos ngunit hindi mo Siya minamahal at hindi mo pa nakamtan ang pagkilala sa Diyos, at hindi mo pa kailanman minahal ang Diyos nang tunay na pagmamahal na mula sa puso mo, ang paniniwala mo sa Diyos ay walang saysay; kung, sa iyong paniniwala sa Diyos, ay hindi mo mahal ang Diyos, nabubuhay ka nang walang kabuluhan, at ang buong buhay mo ang pinakamababa sa lahat ng buhay. Kung, sa buong buhay mo, hindi mo pa kailanman inibig o binigyang-kasiyahan ang Diyos, ano ang saysay ng iyong pamumuhay? At ano ang saysay ng iyong paniniwala sa Diyos? Hindi ba iyon pag-aaksaya lang ng pagsisikap? Na ang ibig sabihin, kung maniniwala at iibigin ng mga tao ang Diyos, dapat silang magbayad ng halaga. Sa halip na subukang kumilos sa isang paraan sa panlabas, dapat silang maghanap ng tunay na kabatiran sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Kung masigasig ka sa pag-awit at pagsayaw, ngunit hindi kayang isagawa ang katotohanan, masasabi bang iniibig mo ang Diyos? Ang pag-ibig sa Diyos ay nangangailangan ng paghahanap sa kalooban ng Diyos sa lahat ng bagay, at na malalim kang magsiyasat kapag may anumang nangyayari sa iyo, sinusubukang maunawaan ang kalooban ng Diyos, at sinusubukang makita kung ano ang kalooban ng Diyos sa bagay na ito, kung ano ang nais Niyang makamit mo, at kung paano mo dapat isaisip ang Kanyang kalooban. Halimbawa: May nangyari na kinakailangan kang magtiis ng hirap, kung kailan dapat mong maunawaan kung ano ang kalooban ng Diyos at kung paano mo dapat isaisip ang Kanyang kalooban. Hindi mo dapat bigyang-kasiyahan ang iyong sarili: Isantabi mo muna ang iyong sarili. Wala nang mas kasuklam-suklam pa kaysa sa laman. Kailangan mong sikapin na mabigyan-kasiyahan ang Diyos, at dapat mong tuparin ang iyong tungkulin. Dahil sa gayong mga kaisipan, dadalhan ka ng Diyos ng natatanging kaliwanagan sa bagay na ito, at makakahanap din ng kaginhawahan ang puso mo. Maliit man o malaki, kapag may nangyayari sa iyo, dapat mo munang isantabi ang iyong sarili at ituring ang laman bilang ang pinakamababa sa lahat ng bagay. Habang mas binibigyang-kasiyahan mo ang laman, mas kumikilos ito nang walang permiso; kung bibigyang-kasiyahan mo ito ngayon, higit pa ang hihingin nito sa susunod. Habang nagpapatuloy ito, lalo pang napapamahal sa mga tao ang laman. Ang laman ay laging mayroong maluluhong pagnanasa, palagi nitong hinihingi sa iyo na bigyan ito ng kasiyahan at palugurin ito sa kalooban mo, maging ito man ay sa mga bagay na iyong kinakain, iyong sinusuot, o sa pag-init ng ulo mo, o pagpapabuyo sa mga sarili mong kahinaan at katamaran…. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga pagnanasa nito, at mas nagiging mapagpasasa ang laman, hanggang umabot sa puntong ang laman ng mga tao ay nagkikimkim na ng mas malalalim pang mga kuru-kuro, at sumusuway sa Diyos, at dinadakila ang sarili nito, at nagiging mapagduda sa gawain ng Diyos. Habang lalo mong binibigyang-kasiyahan ang laman, mas tumitindi ang mga kahinaan ng laman; palagi mong mararamdaman na walang sinumang nakikisimpatiya sa iyong mga kahinaan, lagi kang maniniwalang sumusobra na ang Diyos, at sasabihin mong: “Paano ba naging sobrang malupit ang Diyos? Bakit hindi Niya lubayan ang mga tao?” Kapag binibigyang-kasiyahan ng mga tao ang laman at labis itong minamahal, sinisira nila ang kanilang sarili. Kung tunay mong iniibig ang Diyos at hindi mo binibigyang-kasiyahan ang laman, makikita mo na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay napakawasto at napakabuti, at na ang Kanyang sumpa sa iyong paghihimagsik at hatol sa iyong di-pagkamatuwid ay naaangkop. Magkakaroon ng mga panahon na ikaw ay itinutuwid at dinidisiplina ng Diyos, at bumubuo ng kapaligiran para magtimpi ka, pipilit sa iyo na lumapit sa harap Niya—at lagi mong mararamdamang ang ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga. Kaya mararamdaman mong parang hindi masyadong masakit, at na ang Diyos ay talagang kaibig-ibig. Kung magpapabuyo ka sa mga kahinaan ng laman at sasabihing sumusobra na ang Diyos, lagi kang makararamdam na nasasaktan ka, at palagi kang malulumbay, at magiging malabo sa iyo ang lahat ng gawain ng Diyos, at magmumukhang hindi man lang nakikiramay ang Diyos sa mga kahinaan ng tao at hindi batid ang mga paghihirap ng tao. At sa gayon, palagi kang makakaramdam ng kalungkutan at pag-iisa, na para bang nagdusa ka ng malaking kawalan ng katarungan, at sa oras na ito ay magsisimula kang magreklamo. Habang lalo kang nagpapabuyo sa mga kahinaan ng laman sa ganitong paraan, lalo mong mararamdaman na sumusobra na ang Diyos, hanggang sa lumala ito at iyo nang itanggi ang gawain ng Diyos, at magsimulang sumalungat sa Diyos, at maging puno ng pagsuway. Kaya, dapat kang maghimagsik laban sa laman, at hindi magpabuyo rito: “Ang aking asawang lalaki (asawang babae), mga anak, mga inaasam, pag-aasawa, pamilya—walang mahalaga sa kanila! Ang Diyos lamang ang nasa puso ko, at dapat kong subukan sa abot ng aking makakaya na pasiyahin ang Diyos at hindi ang laman.” Dapat kang magkaroon ng ganitong kapasyahan. Kung palagi mong taglay ang ganitong kapasyahan, kapag isinagawa mo ang katotohanan, at isinantabi ang iyong sarili, magagawa mo ito nang walang gaanong hirap. Sinasabi na may isang magsasaka noon na nakakita ng ahas na naninigas sa lamig sa kalsada. Pinulot ito ng magsasaka at inilagay ito sa kanyang dibdib, at matapos na makabawi ng lakas ang ahas ay tinuklaw nito ang magsasaka hanggang sa mamatay ito. Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang mapinsala ang kanilang buhay—at kapag ganap itong nasunod, mawawala ang iyong buhay. Ang laman ay pagmamay-ari ni Satanas. Sa loob nito ay mayroong maluluhong pagnanasa, iniisip lamang nito ang sarili nito, nais nitong magtamasa ng kaginhawahan at magsaya sa paglilibang, magumon sa kakuparan at katamaran, at matapos itong bigyang-kasiyahan nang bahagya ay kakainin kayo nito sa bandang huli. Na ang ibig sabihin, kung bibigyang-kasiyahan ninyo ito ngayon, mas marami itong hihingin sa susunod. Lagi itong may maluluhong pagnanasa at mga bagong kahilingan, at sinasamantala ang iyong pagkabuyo sa laman upang gawin kang mas pahalagahan ito at mamuhay kasama ng mga ginhawa nito—at kung hindi mo ito madaraig, sisirain mo ang iyong sarili sa huli. Kung makakapagkamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong magiging katapusan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang iyong paghihimagsik laban sa laman. Iniligtas ka ng Diyos, at ikaw ay pinili at itinalaga, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang bigyang-kasiyahan, ayaw mong isagawa ang katotohanan, ayaw mong maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, sa bandang huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ng matinding sakit. Kung lagi kang nagpapabuyo sa laman, dahan-dahan kang lulunukin ni Satanas, at iiwan kang walang buhay, o haplos ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag nabubuhay ka sa kadiliman, nabihag ka na ni Satanas, hindi mo na taglay ang Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay pabubulaanan mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais ng mga taong ibigin ang Diyos, dapat silang magbayad ng sakit at magtiis ng paghihirap. Hindi na kailangan ang panlabas na pagkataimtim at paghihirap, higit na pagbabasa at dagdag na pagiging abala; sa halip, dapat nilang isantabi ang mga bagay na nasa kanilang kalooban: ang maluluhong kaisipan, mga personal na interes, at ang sarili nilang mga konsiderasyon, mga kuru-kuro at mga layunin. Iyon ang kalooban ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 496

Ang pakikitungo ng Diyos sa panlabas na disposisyon ng mga tao ay isa ring bahagi ng Kanyang gawain; ang pakikitungo sa panlabas at di-normal na pagkatao ng mga tao, halimbawa, o sa kanilang uri ng pamumuhay at mga gawi, kanilang mga paraan at kaugalian, pati na rin kanilang mga panlabas na pagsasagawa, at kanilang sigasig. Ngunit kapag Kanyang hinihiling sa mga tao na isagawa ang katotohanan at baguhin ang kanilang mga disposisyon, ang pangunahing pinakikitunguhan ay ang mga intensyon at kuru-kuro sa kalooban nila. Hindi mahirap na pakitunguhan lamang ang iyong panlabas na disposisyon; ito ay tulad ng paghingi sa iyo na huwag kainin ang mga bagay na gusto mo, na madali lang. Subalit, ang may kinalaman sa mga kuru-kuro na nasa iyong kalooban ay hindi madaling pakawalanan: Kailangan nito para sa tao na labanan ang laman, at mabayad ng halaga, at magdusa sa harap ng Diyos. Lalo nang ganito pagdating sa mga intensyon ng mga tao. Magmula nang maniwala ang mga tao sa Diyos, nagkimkim na sila ng maraming maling intensyon. Kapag hindi mo isinasagawa ang katotohanan, nararamdaman mong lahat ng iyong layunin ay tama, ngunit kapag may nangyari sa iyo, makikita mong maraming maling intensyon sa kalooban mo. Kaya, kapag ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao, sinasanhi Niya na matanto nila na maraming kuru-kuro sa kanilang kalooban na humahadlang sa kanilang pagkakilala sa Diyos. Kapag natatanto mong mali ang iyong mga intensyon, kung nagagawa mong itigil ang pagsasagawa ayon sa iyong mga kuru-kuro at intensyon, at nagagawa mong magpatotoo sa Diyos at panindigan ang iyong posisyon sa lahat ng nangyayari sa iyo, nagpapatunay ito na nalabanan mo na ang laman. Kapag nilalabanan mo ang laman, tiyak na magkakaroon ng isang labanan sa iyong kalooban. Susubukang himukin ni Satanas ang mga tao na sundin ito, susubukan sila nitong utusan na sundin ang mga kuru-kuro ng laman at panindigan ang mga interes ng laman—ngunit liliwanagan at paliliwanagin ng mga salita ng Diyos ang kalooban ng mga tao, at sa oras na ito ay nasa iyo na kung susundin mo ang Diyos o susundin si Satanas. Pangunahing hinihingi ng Diyos sa mga tao na isagawa ang katotohanan upang pakitunguhan ang mga bagay na nasa kalooban nila, upang pakitunguhan ang kanilang mga kaisipan at mga kuru-kuro na hindi kaayon ng puso ng Diyos. Pinupukaw ng Banal na Espiritu ang mga tao sa kanilang puso, at nililiwanagan at pinaliliwanag sila. Kaya sa likod ng lahat ng bagay na nangyayari ay isang labanan: Tuwing isinasagawa ng mga tao ang katotohanan, o isinasagawa ang pag-ibig sa Diyos, mayroong isang malaking labanan, at bagama’t maaaring mukhang maayos ang lahat sa kanilang laman, sa kaibuturan ng kanilang mga puso, sa katunayan ay nagpapatuloy ang isang labanan sa pagitan ng buhay at kamatayan—at matapos lamang ng matinding labanang ito, matapos ang napakaraming pagmumuni-muni, saka mapagpapasyahan ang tagumpay o pagkatalo. Hindi alam ng isang tao kung tatawa o hihikbi. Dahil marami sa mga intensyon na nasa kalooban ng mga tao ang mali, o kaya’y dahil marami sa gawain ng Diyos ang taliwas sa kanilang mga kuru-kuro, kapag isinagawa ng mga tao ang katotohanan, isang malaking labanan ang nagaganap sa likod ng mga eksena. Matapos maisagawa ang katotohanang ito, sa likod ng mga eksena, hindi na mabilang ang mga patak ng luhang ibinuhos ng mga tao dahil sa kalungkutan bago nila tuluyang napagpasyahan na bigyang-kasiyahan ang Diyos. Dahil sa labanang ito kung kaya’t dumaranas ang mga tao ng paghihirap at pagdadalisay; ito ay totoong pagdurusa. Kapag nangyari sa iyo ang labanan, kung magagawa mong tunay na pumanig sa Diyos, magagawa mong bigyan ng kasiyahan ang Diyos. Habang isinasagawa ang katotohanan, tiyak na magdurusa ang kalooban ng isang tao; kung, kapag isinagawa nila ang katotohanan, ang lahat ng nasa kalooban ng mga tao ay tama, hindi na sila kailangan pang gawing perpekto ng Diyos, at hindi magkakaroon ng labanan, at hindi sila magdurusa. Dahil maraming bagay sa kalooban ng tao ang hindi akmang gamitin ng Diyos, at dahil maraming mapanghimagsik na disposisyon ng laman, kung kaya’t kailangang mas malalim na matutuhan ng tao ang aral ng paglaban sa laman. Ito ang tinatawag ng Diyos na paghihirap na Kanyang hiningi sa tao na pagdaanan kasama Niya. Kapag nakakaranas ka ng mga paghihirap, magmadali kang manalangin sa Diyos: “O Diyos! Nais kong magbigay-kasiyahan sa Iyo, nais kong tiisin ang sukdulang paghihirap upang makapagbigay-kasiyahan sa Iyong puso, at gaano man kalaki ang mga dagok na aking makatagpo, kailangan ko pa ring magbigay-kasiyahan sa Iyo. Kahit na kailanganin ko pang ibigay ang aking buong buhay, kailangan ko pa ring magbigay-kasiyahan sa Iyo!” Kapag may ganito kang kapasyahan, kapag nananalangin ka nang ganito, magagawa mong panindigan ang iyong patotoo. Tuwing isinasagawa nila ang katotohanan, tuwing sumasailalim sila sa pagpipino, tuwing sinusubok sila, at tuwing dumarating sa kanila ang gawain ng Diyos, kailangang magtiis ang mga tao ng matinding sakit. Ang lahat ng ito ay isang pagsubok para sa mga tao, at kaya sa loob nilang lahat ay may isang digmaan. Ito ang aktwal na halagang kanilang binabayaran. Ang higit pang pagbabasa ng mga salita ng Diyos at higit pang pag-aabala ay bahagi ng kabayarang iyon. Ito ang nararapat gawin ng mga tao, tungkulin nila ito, at ang pananagutan na dapat nilang tuparin, ngunit dapat na isantabi ng mga tao yaong nasa loob nila na kailangang maisantabi. Kung hindi, gaano man katindi ang iyong panlabas na pagdurusa, gaano ka man magpakaabala, ang lahat ay mawawalan ng kabuluhan! Na ang ibig sabihin, tanging ang mga pagbabago sa iyong kalooban ang makapagsasabi kung may halaga ang iyong panlabas na paghihirap. Kapag nagbago na ang iyong panloob na disposisyon at naisagawa mo na ang katotohanan, magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos ang lahat ng iyong panlabas na paghihirap; kung walang naging pagbabago sa iyong panloob na disposisyon, kahit gaano karaming paghihirap ang iyong tiisin o gaano ka man magpakaabala sa panlabas, walang magiging pagsang-ayon mula sa Diyos—at ang paghihirap na hindi pinagtibay ng Diyos ay walang kabuluhan. Kaya, kung sinasang-ayunan ng Diyos ang halaga na iyong ibinayad ay malalaman sa pamamagitan ng kung nagkaroon na ba ng pagbabago sa iyo o hindi, at kung isinasagawa mo ba ang katotohanan o hindi at kung lumalaban ka ba sa sarili mong mga intensyon at mga kuru-kuro upang makamit ang pagsasakatuparan kalooban ng Diyos, ang pagkakilala sa Diyos, at ang katapatan sa Diyos. Gaano man ang iyong pag-aabala, kung hindi mo pa kailanman nagawang labanan ang sarili mong mga intensyon, kundi naghahanap ka lamang ng panlabas na mga aksyon at sigasig, at hindi kailanman nagbibigay-pansin sa iyong buhay, ang iyong paghihirap ay walang kabuluhan. Kung, sa isang tiyak na kapaligiran, mayroon kang nais sabihin, ngunit sa iyong kalooban ay nararamdaman mong hindi tamang sabihin ito, na ang pagsasabi nito ay hindi makabubuti sa iyong mga kapatid, at maaaring makasakit sa kanila, hindi mo ito sasabihin, at pipiliin mong tahimik na masaktan ang kalooban mo, sapagka’t hindi matutugunan ng mga salitang ito ang kalooban ng Diyos. Sa oras na ito, magkakaroon ng paglalaban sa iyong kalooban, ngunit ikaw ay magiging handang magdusa ng sakit at isuko ang iyong iniibig. Magiging handa kang tiisin ang pagdurusang ito upang bigyang-kasiyahan ang Diyos, at bagama’t magdurusa ng sakit ang kalooban mo, hindi ka magpapadala sa laman, at ang puso ng Diyos ay masisiyahan, at kaya mapagiginhawa rin ang kalooban mo. Ito ang tunay na pagbabayad ng halaga, at ang halagang ninanais ng Diyos. Kung nagsasagawa ka sa ganitong paraan, siguradong pagpapalain ka ng Diyos; kung hindi mo makakamit ito, gaano karami man ang nauunawaan mo, o gaano ka man kahusay sa pananalita, itong lahat ay para sa wala! Kung, sa landas tungo sa pagmamahal sa Diyos, nagagawa mong tumayo sa panig ng Diyos kapag nakikipaglaban Siya kay Satanas, at hindi ka bumabalik kay Satanas, nakamit mo na ang pag-ibig sa Diyos, at nakapanindigan ka na sa iyong patotoo.

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 497

Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at nangangailangan sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. Halimbawa, kung ikaw ay may pagkiling tungo sa iyong mga kapatid, magkakaroon ka ng mga salita na nais mong sabihin—mga salita na sa pakiramdam mo ay maaaring hindi ikatuwa ng Diyos—ngunit kung hindi mo sasabihin ang mga ito, makararamdam ka ng paghihirap sa kalooban mo, at sa sandaling ito, magsisimula ang isang paglalaban sa kalooban mo: “Magsasalita ba ako o hindi?” Ito ang paglalaban. Kaya, sa lahat ng bagay na makatagpo mo ay may labanan, at kapag may labanan sa iyong kalooban, dahil sa iyong aktwal na kooperasyon at aktwal na pagdurusa, gumagawa ang Diyos sa iyong kalooban. Sa huli, nagagawa mong isantabi sa kalooban mo ang pangyayari at ang galit ay likas na nawawala. Ganito ang epekto ng iyong pakikipagtulungan sa Diyos. Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at nagbubuga lamang sila ng mga hungkag na kasabihan! Mabibigyang-kasiyahan ba ng mga hungkag na kasabihang ito ang Diyos? Kapag naglalaban sa espirituwal na dako ang Diyos at si Satanas, paano mo dapat bigyang-kasiyahan ang Diyos, at paano ka dapat manindigan sa iyong patotoo sa Kanya? Dapat mong malaman na ang lahat ng nangyayari sa iyo ay isang malaking pagsubok at ang oras na kailangan ka ng Diyos na magpatotoo. Bagama’t maaaring hindi mukhang mahalaga ang mga ito sa panlabas, kapag nangyayari ang mga bagay na ito, ipinakikita ng mga ito kung mahal mo ba o hindi ang Diyos. Kung mahal mo, makakapanindigan ka sa iyong patotoo sa Kanya, at kung hindi mo naisagawa ang pag-ibig sa Kanya, ipinapakita nito na ikaw ay hindi isang taong nagsasagawa ng katotohanan, na ikaw ay walang katotohanan, at walang buhay, na ikaw ay ipa! Ang lahat ng bagay na nangyayari sa mga tao ay nangyayari kapag kailangan sila ng Diyos na manindigan sa kanilang pagpapatotoo sa Kanya. Bagama’t walang malaking nangyayari sa iyo sa sandaling ito at hindi ka lubos na nagpapatotoo, ang bawat detalye ng iyong pang-araw-araw na buhay ay isang patotoo sa Diyos. Kung makakamit mo ang paghanga ng iyong mga kapatid, mga miyembro ng iyong pamilya, at lahat ng tao sa iyong paligid; kung, isang araw, dumating ang mga hindi mananampalataya, at humanga sa lahat ng iyong ginagawa, at makitang ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kahanga-hanga, nakapagpatotoo ka na. Kahit wala kang kabatiran at mababa ang iyong kakayahan, sa pamamagitan ng pagperpekto sa iyo ng Diyos, nagagawa mong bigyan Siya ng kasiyahan at isaisip ang Kanyang kalooban, na ipinapakita sa iba ang dakilang gawaing nagawa Niya sa mga tao na may pinakamababang kakayahan. Kapag nakikilala ng mga tao ang Diyos at nagiging mga mananagumpay sila sa harap ni Satanas, na lubhang matapat sa Diyos, wala nang iba pang mas may lakas kaysa sa grupong ito ng mga tao, at ito ang pinakadakilang patotoo. Bagama’t hindi mo kayang gumawa ng dakilang gawain, kaya mong bigyang-kasiyahan ang Diyos. Hindi maisantabi ng iba ang kanilang mga kuru-kuro, ngunit kaya mo; hindi kaya ng iba na magpatotoo sa Diyos sa panahon ng kanilang aktwal na mga karanasan, ngunit nagagamit mo ang iyong aktwal na katayuan at mga pagkilos upang suklian ang pagmamahal ng Diyos at magbigay ng maugong na patotoo sa Kanya. Ito lamang ang mabibilang na aktwal na pagmamahal sa Diyos. Kung hindi mo ito kayang gawin, hindi ka nagpapatotoo sa mga miyembro ng iyong pamilya, sa iyong mga kapatid, o sa harap ng mga tao sa mundo. Kung hindi mo kayang magpatotoo sa harap ni Satanas, tatawanan ka ni Satanas, ituturing ka nito bilang isang katatawanan, bilang isang laruan, madalas ka nitong lilinlangin, at gagawin kang baliw. Sa hinaharap, maaaring dumating sa iyo ang malalaking pagsubok—pero ngayon, kung mahal mo ang Diyos nang may tapat na puso, at gaano man kalaki ang mga pagsubok na darating, anuman ang mangyari sa iyo, nagagawa mong panindigan ang iyong pagpapatotoo, at nagagawa mong bigyang-kasiyahan ang Diyos, pagiginhawahin ang iyong puso, at hindi ka matatakot gaano man kalaki ang mga pagsubok na iyong makakatagpo sa hinaharap. Hindi ninyo makikita kung ano ang mangyayari sa hinaharap; maaari lamang ninyong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa mga kalagayan sa ngayon. Wala kayong kakayahang gumawa ng anumang dakilang gawain at dapat kayong tumuon sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos sa pamamagitan ng pagdanas ng Kanyang mga salita sa tunay na buhay, at magpahayag ng matibay at maugong na pagpapatotoo na nagdadala ng kahihiyan kay Satanas. Bagama’t mananatili ang iyong laman na hindi ganap na nasisiyahan at nagdusa, naghatid ka ng kasiyahan sa Diyos at nagdala ng kahihiyan kay Satanas. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magbubukas ang Diyos ng isang landas sa harap mo. Kapag, isang araw, dumating ang isang malaking pagsubok, babagsak ang iba, ngunit makatatayo ka nang matatag: Dahil sa halaga na iyong binayaran, iingatan ka ng Diyos upang matatag kang makatayo at hindi bumagsak. Kung sa karaniwan ay naisasagawa mo ang katotohanan at nabibigyang-kasiyahan ang Diyos nang may pusong tunay na nagmamahal sa Kanya, tiyak na iingatan ka ng Diyos sa mga pagsubok sa hinaharap. Bagama’t hangal ka at mababa ang katayuan at mahina ang kakayahan, hindi kikiling ang Diyos laban sa iyo. Batay ito sa kung ang iyong mga layunin ay tama. Ngayon, nabibigyang-kasiyahan mo ang Diyos, kung saan maasikaso ka sa pinakamaliliit na detalye, pinalulugod mo ang Diyos sa lahat ng bagay, mayroon kang pusong tunay na nagmamahal sa Diyos, ibinibigay mo ang tunay mong puso sa Diyos, at bagama’t may ilang bagay na hindi mo maunawaan, kaya mong humarap sa Diyos upang maitama ang iyong mga intensyon, at hanapin ang kalooban ng Diyos, at ginagawa mo ang lahat na kailangan upang bigyang-kasiyahan ang Diyos. Marahil ay iiwan ka ng lahat ng iyong kapatid, ngunit palulugurin ng puso mo ang Diyos, at hindi mo pagnanasaan ang mga kasiyahan ng laman. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, iingatan ka pagdating sa iyo ng malalaking pagsubok.

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 498

Sa anong panloob na kalagayan ng mga tao nakatutok ang mga pagsubok? Nakatutok ang mga ito sa mapanghimagsik na disposisyon ng mga tao na walang kakayahang magbigay-kasiyahan sa Diyos. Maraming hindi malinis sa kalooban ng mga tao, at maraming mapag-imbabaw, kaya isinasailalim ng Diyos ang mga tao sa mga pagsubok upang linisin sila. Ngunit kung ngayon ay nagagawa mong bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang mga pagsubok sa hinaharap ay magiging pagpeperpekto sa iyo. Kung ngayon ay hindi mo nagagawang bigyang-kasiyahan ang Diyos, ang mga pagsubok sa hinaharap ay tutukso sa iyo, at matutumba ka nang hindi mo namamalayan, at sa oras na iyon hindi mo matutulungan ang iyong sarili, sapagka’t hindi mo kayang sumabay sa gawain ng Diyos, at wala kang tunay na katayuan. At kaya, kung nais mong makapanindigan sa hinaharap, mas bigyang-kasiyahan ang Diyos, at sumunod sa Kanya hanggang sa pinakawakas, kailangan mong bumuo ngayon ng isang matatag na pundasyon. Dapat mong bigyang-kasiyahan ang Diyos sa pamamagitan ng pagsasagawa ng katotohanan sa lahat ng bagay, at isaisip ang Kanyang kalooban. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, magkakaroon ng pundasyon sa kalooban mo, at pupukawin sa iyo ng Diyos ang isang pusong nagmamahal sa Kanya, at bibigyan ka Niya ng pananampalataya. Isang araw, kapag tunay na dumating sa iyo ang isang pagsubok, maaari kang magdusa ng kaunting sakit at medyo malungkot, at magdusa ng matinding dalamhati, na para bang ikaw ay namatay—ngunit ang iyong pag-ibig sa Diyos ay hindi magbabago, at magiging mas malalim pa nga. Ganyan ang mga pagpapala ng Diyos. Kung nagagawa mong tanggapin ang lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ngayon nang may isang pusong masunurin, tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, at sa gayon magiging isa kang taong pinagpala ng Diyos at tumatanggap ng Kanyang pangako. Kung ngayon ay hindi ka nagsasagawa, kapag dumating sa iyo ang mga pagsubok balang araw, mawawalan ka ng pananampalataya o mapagmahal na puso, at sa oras na iyon ang pagsubok ay magiging tukso; malulublob ka sa gitna ng panunukso ni Satanas at hindi magkakaroon ng paraan upang makatakas. Ngayon, maaaring kaya mong manindigan kapag dumarating sa iyo ang isang maliit na pagsubok, ngunit hindi nangangahulugang magagawa mong manindigan kapag dumating sa iyo ang isang malaking pagsubok balang araw. Ang ilang tao ay palalo at iniisip na malapit na silang maging perpekto. Kung hindi ka sisisid nang mas malalim sa nasabing mga pagkakataon, at mananatiling kampante, malalagay ka sa panganib. Ngayon, hindi ginagawa ng Diyos ang gawain ng mas matitinding pagsubok at tila maayos ang lahat, ngunit kapag sinubukan ka ng Diyos, matutuklasan mong masyado kang kulang, dahil masyadong mababa ang katayuan mo at wala kang kakayahang magtiis ng matitinding pagsubok. Kung mananatili ka kung paano ka ngayon at hindi ka kumikilos, babagsak ka pagdating ng mga pagsubok. Dapat ninyong tingnan nang madalas kung gaano kababa ang inyong katayuan; sa ganitong paraan lamang kayo uunlad. Kung sa mga panahon lamang ng pagsubok mo makikita na napakababa ng iyong katayuan, na ang iyong tibay ng loob ay napakahina, na napakakaunti lamang sa loob mo ang tunay, at hindi ka sapat para sa kalooban ng Diyos—kung saka mo lamang mapagtatanto ang mga bagay na ito, magiging huli na ang lahat.

Kung hindi mo alam ang disposisyon ng Diyos, tiyak na mahuhulog ka kapag may mga pagsubok, dahil hindi mo alam kung paano ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; at sa anong paraan Niya ginagawa silang perpekto, at kapag dumating ang mga pagsubok ng Diyos sa iyo at hindi sila tumutugma sa iyong mga kuru-kuro, hindi mo magagawang manindigan. Ang totoong pagmamahal ng Diyos ay ang Kanyang buong disposisyon, at kapag ipinapakita sa mga tao ang buong disposisyon ng Diyos, ano ang dala nito sa iyong laman? Kapag ipinapakita sa mga tao ang matuwid na disposisyon ng Diyos, tiyak na daranas ng matinding sakit ang kanilang laman. Kung hindi mo pagdurusahan ang sakit na ito, hindi ka magagawang perpekto ng Diyos, at hindi ka rin makapag-uukol ng totoong pagmamahal sa Diyos. Kung ginagawa kang perpekto ng Diyos, tiyak na ipakikita Niya sa iyo ang Kanyang buong disposisyon. Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, hindi pa kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang buong disposisyon sa tao—ngunit sa mga huling araw, Kanyang ibinubunyag ito sa grupong ito ng mga tao na Kanya nang itinalaga at pinili, at sa pagpeperpekto sa mga tao, Kanyang inilalantad ang Kanyang mga disposisyon, kung saan sa pamamagitan nito ay Kanyang ginagawang ganap ang isang grupo ng mga tao. Ganyan ang tunay na pag-ibig ng Diyos sa mga tao. Ang pagdanas ng tunay na pag-ibig ng Diyos ay nangangailangan sa mga tao na magtiis ng matinding sakit, at magbayad ng isang malaking halaga. Pagkatapos lamang nito na sila ay makakamit ng Diyos at magagawang magsukli ng kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, at saka lamang masisiyahan ang puso ng Diyos. Kung nais ng mga tao na gawin silang perpekto ng Diyos, at kung nais nilang gawin ang Kanyang kalooban, at ganap na ipagkaloob ang kanilang tunay na pag-ibig sa Diyos, dapat nilang maranasan ang matinding pagdurusa at maraming pasakit mula sa mga pagkakataon, at magdusa ng sakit na mas masahol pa kaysa kamatayan. Sa huli, mapipilitan silang ibigay ang kanilang totoong puso pabalik sa Diyos. Kung tunay na mahal o hindi ng isang tao ang Diyos ay nabubunyag sa panahon ng paghihirap at pagdadalisay. Nililinis ng Diyos ang pag-ibig ng mga tao, at ito rin ay nakakamit lamang sa gitna ng paghihirap at pagdadalisay.

Hinango mula sa “Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 499

Pananalig sa relihiyon ang diwa ng paniniwala sa Diyos ng karamihan ng tao: Hindi nila kayang magmahal sa Diyos, at maaari lamang sumunod sa Diyos tulad ng isang robot, hindi magawang tunay na maghangad para sa Diyos o sambahin Siya. Tahimik lamang silang sumusunod sa Kanya. Maraming tao ang naniniwala sa Diyos, ngunit may mangilan-ngilang nagmamahal sa Diyos; “pinagpipitaganan” lamang nila ang Diyos sapagkat takot sila sa sakuna, o kaya ay “hinahangaan” nila ang Diyos dahil Siya ay mataas at makapangyarihan—ngunit walang pag-ibig o tunay na matinding paghahangad sa kanilang pagpipitagan at paghanga. Sa kanilang mga karanasan, hinahanap nila ang mga detalye ng katotohanan, o kaya ay ang ilang di-makabuluhang hiwaga. Sumusunod lamang ang karamihan ng tao, nanghuhuli ng mga biyaya sa mga maalimpuyong tubig; hindi nila hinahanap ang katotohanan, at hindi rin sila tunay na sumusunod sa Diyos upang makatanggap ng mga biyaya ng Diyos. Ang buhay ng lahat ng paniniwala ng tao sa Diyos ay walang kahulugan, ito ay walang halaga, at naglalaman ng kanilang mga pansariling konsiderasyon at paghahangad; hindi sila naniniwala sa Diyos upang mahalin ang Diyos, ngunit upang maging pinagpala. Maraming tao ang kumikilos paano man nila nais; ginagawa nila ang anumang kanilang naisin at hindi kailanman isinasaalang-alang ang mga kapakanan ng Diyos, o kung ang ginagawa ba nila ay alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga ganitong tao ay hindi man lamang makayang magkamit ng tunay na paniniwala, lalo na ng pag-ibig sa Diyos. Ang diwa ng Diyos ay hindi lamang upang paniwalaan ito ng tao; higit pa rito, para mahalin ito ng tao. Subalit marami sa mga yaon na naniniwala sa Diyos ang hindi kayang tuklasin ang “lihim” na ito. Hindi nangangahas ang mga tao na mahalin ang Diyos, 0 sumusubok na mahalin Siya. Hindi nila kailanman natuklasan na marami ang kaibig-ibig sa Diyos; hindi nila kailanman natuklasan na ang Diyos ay ang Diyos na nagmamahal sa tao, at Siya ang Diyos na dapat mahalin ng tao. Ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos ay ipinahahayag sa Kanyang gawain: Sa pagdanas lamang sa Kanyang gawain maaaring matuklasan ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, sa kanilang mga tunay na karanasan lamang maaari nilang pahalagahan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at kung hindi ito mapagmamasdan sa tunay na buhay, walang sinuman ang makatutuklas sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Napakaraming kaibig-ibig sa Diyos, ngunit kung walang tunay na pakikipag-ugnayan sa Kanya, walang kakayahan ang mga tao na tuklasin ito. Na ang ibig sabihin, kung hindi nagkatawang-tao ang Diyos, hindi makakaya ng mga tao ang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, at kung hindi nila magawang aktuwal na makipag-ugnayan sa Kanya, hindi rin nila magagawang maranasan ang Kanyang gawain—at kaya’t ang kanilang pagmamahal sa Diyos ay mababahiran ng maraming kasinungalingan at likhang-isip. Ang pagmamahal sa Diyos sa langit ay hindi kasingtunay ng pagmamahal sa Diyos sa lupa, dahil ang kaalaman ng mga tao sa Diyos sa langit ay nabuo sa kanilang mga imahinasyon, sa halip na sa kung ano ang nakita ng sarili nilang mga mata, at kung ano ang kanilang naging personal na naranasan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, nagagawang pagmasdan ng mga tao ang Kanyang aktuwal na mga gawa at ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at nakikita nila ang lahat ng Kanyang praktikal at karaniwang disposisyon, ang lahat ng ito ay ilang libong ulit na higit na totoo kaysa sa kabatiran sa Diyos sa langit. Gaano man kamahal ng mga tao ang Diyos sa langit, walang anumang tunay sa pag-ibig na ito, at puno ito ng mga kaisipan ng tao. Gaano man kaliit ang kanilang pagmamahal para sa Diyos sa lupa, ang pagmamahal na ito ay tunay; kahit ito ay kakaunti lamang, ito ay tunay pa rin. Iniaatas ng Diyos sa tao na kilalanin Siya sa pamamagitan ng tunay na gawain, at sa pamamagitan ng kaalamang ito, nakakamit Niya ang kanilang pagmamahal. Katulad ito ni Pedro: Kung hindi siya namuhay kasama si Jesus, magiging imposible para sa kanya na sambahin si Jesus. Kaya, gayundin, ang kanyang katapatan kay Jesus ay nabuo sa kanyang pakikipag-ugnayan kay Jesus. Upang magawa Niya ang tao na mahalin Siya, ang Diyos ay dumating sa mga tao at namumuhay kasama ng tao, at ang lahat ng Kanyang ginagawa na makita at maranasan ng tao ay ang realidad ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 500

Ginagamit ng Diyos ang realidad at ang pagdating ng mga katunayan upang gawing perpekto ang mga tao; tinutupad ng mga salita ng Diyos ang bahagi ng Kanyang pagperpekto sa mga tao, at ito ay ang gawain ng paggabay at pagbubukas ng daan. Na ang ibig sabihin, dapat mong matagpuan sa mga salita ng Diyos ang daan ng pagsasagawa at ang kaalaman sa mga pananaw. Sa pag-unawa sa mga bagay na ito, magkakaroon ang tao ng isang landas at mga pananaw sa kanyang aktuwal na paggawa, at magagawa niyang magkamit ng kaliwanagan sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos; magagawa rin niyang maunawaan na ang mga bagay na ito ay galing sa Diyos, at magagawang makabatid nang marami. Matapos ang pag-unawa, dapat na pumasok kaagad ang tao sa realidad na ito, at dapat gamitin ang mga salita ng Diyos upang bigyang-lugod ang Diyos sa kanyang tunay na buhay. Papatnubayan ka ng Diyos sa lahat ng bagay, at bibigyan ka ng landas ng pagsasagawa, at ipadadama sa iyo na Siya ay lalong kaibig-ibig, at hahayaan kang makita na ang bawat hakbang ng gawain ng Diyos sa iyo ay may layon na gawin kang perpekto. Kung nais mong makita ang pagmamahal ng Diyos, kung nais mong totoong maranasan ang pagmamahal ng Diyos, dapat kang magtungo, sa gayon, sa kailaliman ng realidad, dapat kang magtungo sa kailaliman ng tunay na buhay at makita na ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay pag-ibig at kaligtasan, na ang lahat ng ginagawa Niya ay upang magawa ng mga tao na iwan ang hindi malinis, at pinuhin ang mga bagay sa loob ng tao na hindi magawang bigyang-lugod ang kalooban ng Diyos. Gumagamit ang Diyos ng mga salita upang makapaglaan sa tao; isinasaayos Niya ang mga pangyayari sa tunay na buhay upang maranasan ng mga tao, at kung kumakain at umiinom ang mga tao ng maraming salita ng Diyos, sa gayon, kapag tunay nilang isinasagawa ang mga ito, malulutas nila ang lahat ng hirap sa kanilang buhay gamit ang maraming salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kailangan mayroon kang mga salita ng Diyos upang makarating nang malalim sa realidad; kung hindi mo kinakain at iniinom ang mga salita ng Diyos, at wala sa iyo ang gawain ng Diyos, sa gayon ay hindi ka magkakaroon ng landas sa tunay na buhay. Kung hindi ka kailanman nakakakain o nakaiinom ng mga salita ng Diyos, malilito ka, sa gayon, kapag may isang bagay na nangyari sa iyo. Alam mo lamang na dapat mong mahalin ang Diyos, ngunit wala kang kakayahan ng anumang pag-iiba-iba at walang landas ng pagsasagawa; naguguluhan at nalilito ka, at kung minsan ay naniniwala ka pa na sa pamamagitan ng pagbibigay kasiyahan sa katawan, ikaw ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos—na ang lahat ng ito ay bunga ng hindi pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kung ikaw ay walang tulong ng mga salita ng Diyos, at nangangapa lamang sa loob ng realidad, sa gayon, ikaw ay walang kakayahan sa simula pa lamang na mahanap ang landas ng pagsasagawa. Ang mga tao na tulad nito ay hindi na lamang nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos, lalong hindi nila nauunawaan kung ano ang ibig sabihin ng mahalin ang Diyos. Kung madalas kang manalangin, at magsiyasat, at maghanap, gamit ang kaliwanagan at gabay ng mga salita ng Diyos, at sa pamamagitan nito ay natutuklasan mo ang nararapat mong isagawa, nahahanap ang mga oportunidad para sa gawain ng Banal na Espiritu, tunay na nakikipagtulungan sa Diyos, at hindi naguguluhan at nalilito, magkakaroon ka, sa gayon, ng landas sa tunay na buhay, at totoong magbibigay-lugod sa Diyos. Kapag nabigyang-lugod mo na ang Diyos, magkakaroon sa loob mo ng gabay ng Diyos, at natatangi kang pagpapalain ng Diyos, na magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng kasiyahan: Mararamdaman mo na tangi mong ikinararangal na nabigyang-lugod mo ang Diyos, mararamdaman mo na natatangi kang masigla sa kalooban, at magiging maaliwalas at mapayapa ka sa iyong puso. Pagiginhawain ang iyong budhi at malaya sa mga paratang, at makararamdam ka ng kaaya-ayang kalooban kapag nakita mo ang iyong mga kapatid. Ito ang ibig sabihin ng pagtamasa sa pag-ibig ng Diyos, at ito lamang ang totoong pagtamasa sa Diyos. Ang pagtamasa ng mga tao sa pag-ibig ng Diyos ay nakakamit sa pamamagitan ng karanasan: Sa pagdanas ng hirap, at pagdanas ng pagsasagawa ng katotohanan, nakakamit nila ang mga pagpapala ng Diyos. Kung sinasabi mo lamang na mahal ka talaga ng Diyos, na ang Diyos ay nagbayad ng malaking halaga alang-alang sa mga tao, na Siya ay matiyaga at masuyong nangungusap ng maraming salita, at laging inililigtas ang mga tao, ang iyong pagbigkas ng mga salitang ito ay isang bahagi lamang ng pagkalugod ng Diyos. Ngunit ang higit na kaluguran—ang tunay na kaluguran—ay kapag isinasagawa ng mga tao ang katotohanan sa kanilang tunay na buhay, pagkaraan ay mapayapa sila at maaliwalas sa kanilang mga puso. Nadarama nila ang lubhang pagkaantig ng kalooban at nadarama na ang Diyos ay lubos na kaibig-ibig. Madarama mo na ang halagang iyong naibayad ay higit pa sa patas. Sapagkat nakapagbayad nang malaking halaga sa iyong mga pagsusumikap, mamumukod kang masigla sa kalooban: Mararamdaman mo na tunay kang nasisiyahan sa pagmamahal ng Diyos, at nauunawaan mo na nagawa na ng Diyos ang gawain ng kaligtasan sa mga tao, na ang Kanyang pagpipino sa mga tao ay upang dalisayin sila, at sinusubok ng Diyos ang mga tao upang masuri kung tunay nga Siyang minamahal ng mga ito. Kung lagi mong isinasagawa ang katotohanan sa ganitong paraan, unti-unti kang makabubuo, sa gayon, ng isang malinaw na kabatiran ng lawak ng gawain ng Diyos, at sa pagkakataong iyon ay mararamdaman mo na ang mga salita ng Diyos na kinakaharap mo ay kasing linaw ng kristal. Kung kaya mong malinaw na maunawaan ang maraming katotohanan, mararamdaman mo na ang lahat ng bagay ay madaling maisagawa, na makakaya mong pangibabawan ang anumang usapin at pangibabawan ang anumang tukso, at makikita mo na walang anumang suliranin para sa iyo, na higit na magliligtas at magpapalaya sa iyo. Sa sandaling ito, matatamasa mo ang pagmamahal ng Diyos, at ang tunay na pagmamahal ng Diyos ay darating sa iyo. Pinagpapala ng Diyos ang mga taong may mga pananaw, may katotohanan, may kaalaman, at tunay na nagmamahal sa Kanya. Kung nais ng mga tao na mamasdan ang pag-ibig ng Diyos, dapat nilang isagawa ang katotohanan sa tunay na buhay, dapat handa sila na tiisin ang sakit at talikuran ang kanilang minamahal upang malugod ang Diyos, at sa kabila ng mga luha sa kanilang mga mata, dapat pa rin nilang magawa na magbigay-lugod sa puso ng Diyos. Sa ganitong paraan, tiyak na pagpapalain ka ng Diyos, at kung matitiis mo ang paghihirap tulad nito, susundan ito ng gawain ng Banal na Espiritu. Sa pamamagitan ng tunay na buhay, at sa pamamagitan ng pagdanas sa mga salita ng Diyos, magagawang makita ng mga tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at kapag nalasap lamang nila ang pagmamahal ng Diyos ay saka nila tunay Siyang mamahalin.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 501

Higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang mag-aangkin ng katotohanan; higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang magtataglay ng pag-ibig ng Diyos; at higit mong isinasagawa ang katotohanan, higit kang pagpapalain ng Diyos. Kung lagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, unti-unting magagawa ng pag-ibig ng Diyos na makakita ka, tulad nang makilala ni Pedro ang Diyos: Sinabi ni Pedro na ang Diyos ay hindi lamang nagtataglay ng karunungang lumikha ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, may karunungan din Siya na gawin ang tunay na gawain sa mga tao. Sinabi ni Pedro na hindi lamang Siya karapat-dapat sa pag-ibig ng mga tao dahil sa Kanyang paglikha ng mga kalangitan at kalupaan at ng lahat ng bagay, ngunit, higit pa rito, dahil sa Kanyang kakayahang lumikha ng tao, iligtas ang tao, gawing perpekto ang tao, at ibigay ang Kanyang pag-ibig sa tao. Kaya sinabi rin ni Pedro na maraming taglay Niya ang karapat-dapat sa pag-ibig ng tao. Sinabi ni Pedro kay Jesus: “Ang paglikha ba ng mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay ang tanging dahilan upang maging karapat-dapat Ka sa pag-ibig ng mga tao? Marami pang tinataglay Mo ang kaibig-ibig. Gumaganap at kumikilos Ka sa tunay na buhay, inaantig ng Iyong Espiritu ang kalooban ko, dinidisiplina Mo ako, sinasaway Mo ako—higit pang karapat-dapat ang mga bagay na ito sa pag-ibig ng mga tao.” Kung nais mong makita at maranasan ang pag-ibig ng Diyos, kung gayon ay dapat mong tuklasin at hanapin ang tunay na buhay at dapat maging handang isaisantabi ang iyong sariling laman. Dapat mong gawin ang kapasyahang ito. Dapat kang maging isang taong may paninindigan na magagawang magbigay-lugod sa Diyos sa lahat ng bagay, nang hindi nagiging tamad o nagnanasa sa mga kasiyahan ng laman, nang hindi nabubuhay para sa laman bagkus ay nabubuhay para sa Diyos. Maaaring may mga pagkakataon na hindi mo nabibigyang-lugod ang Diyos. Iyon ay dahil sa hindi mo nauunawaan ang kalooban ng Diyos; sa susunod, mangailangan man ito ng higit pang pagsisikap, dapat mo Siyang bigyang-lugod at hindi dapat bigyang kasiyahan ang laman. Kapag naranasan mo ito sa ganitong paraan, makikilala mo na ang Diyos. Makikita mo na kayang likhain ng Diyos ang mga kalangitan at kalupaan at lahat ng mga bagay, na Siya ay nagkatawang-tao upang tunay Siyang makita ng mga tao at tunay na makisalamuha sa Kanya; makikita mo na magagawa Niyang lumakad kasabay ng mga tao, na makakaya ng Kanyang Espiritu na gawing perpekto ang mga tao sa tunay na buhay, tinutulutan silang makita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig at danasin ang Kanyang pagdidisiplina, ang Kanyang pagpaparusa, at ang Kanyang mga biyaya. Kung lagi kang nakadaranas sa ganitong paraan, hindi ka mawawalay sa Diyos sa tunay na buhay, at kung isang araw ang ugnayan mo sa Diyos ay tumigil nang maging normal, magagawa mong tiisin ang paninisi at makaramdam ng pagsisisi. Kung may normal kang relasyon sa Diyos, hindi mo na nanaisin kailanman na iwan ang Diyos, at kung dumating ang araw na sabihin ng Diyos na iiwan ka Niya, matatakot ka, at sasabihin na nanaisin mo pang mamatay kaysa iwan ng Diyos. Sa sandaling may ganito kang mga damdamin, mararamdaman mo na wala kang kakayahang lisanin ang Diyos, at sa ganitong paraan, magkakaroon ka ng isang pundasyon, at tunay na matatamasa ang pag-ibig ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 502

Madalas magsabi ang mga tao na hinahayaan nila na ang Diyos ang kanilang maging buhay, ngunit hindi pa umaabot sa puntong iyon ang kanilang karanasan. Sinasabi mo lamang na ang Diyos ang iyong buhay, na ginagabayan ka Niya araw-araw, na kinakain at iniinom mo ang Kanyang mga salita sa bawat araw, at nananalangin ka sa Kanya bawat araw, kaya’t Siya na ang naging buhay mo. May kababawan ang kabatiran ng mga nagsasabi nito. Walang pundasyon ang marami sa mga tao; naitanim na sa kanilang kalooban ang mga salita ng Diyos, ngunit hindi pa sumisibol ang mga ito, lalong hindi pa namumunga. Ngayon, hanggang saan na ang iyong naranasan? Ngayon lang, matapos kang pilitin ng Diyos na makarating hanggang dito, nararamdaman mo bang hindi mo kayang iwan ang Diyos. Isang araw, kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang iyong karanasan, kung paaalisin ka ng Diyos, hindi mo ito magagawa. Lagi mong mararamdaman na hindi mo kaya na wala ang Diyos sa iyong kalooban; makakaya mong walang asawa, o mga anak, walang pamilya, walang ina o ama, walang mga kasiyahan ng laman, ngunit hindi mo makakaya na wala ang Diyos. Ang pagiging walang Diyos ay magiging katulad ng pagkawala ng iyong buhay; hindi mo magagawang mabuhay nang walang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa puntong ito, nakamit mo na ang inaasahang bisa ng iyong pananampalataya sa Diyos, at sa ganitong paraan, ang Diyos na ang magiging buhay mo, Siya na ang magiging pundasyon ng iyong pag-iral. Hindi mo na kailanman magagawa pang muling iwan ang Diyos. Kapag nakaranas ka na hanggang sa saklaw na ito, tunay na nasiyahan ka na sa pag-ibig ng Diyos, at kapag may sapat nang lapit ang iyong relasyon sa Diyos, Siya na ang iyong magiging buhay, ang iyong pag-ibig, at pagsapit ng panahong iyan, mananalangin ka sa Diyos at magsasabi: “O Diyos! Hindi Kita makakayang iwan. Ikaw ang aking buhay. Makakaya kong magpatuloy nang wala ang kahit ano pa man—ngunit kung wala Ka, hindi ko makakayang patuloy na mabuhay.” Ito ang tunay na tayog ng mga tao; ito ang tunay na buhay. Napilitan ang ilang tao na makarating hanggang sa layo ng narating nila ngayon: Kailangan nilang magpatuloy naisin man nila o hindi, at lagi nilang nararamdaman na naiipit sila sa pagitan ng mga napakahirap na kalagayan. Dapat mong maranasan na ang Diyos ay ang iyong buhay, na kung ilalayo ang Diyos sa iyong puso, matutulad ito sa pagkawala ng iyong buhay; dapat maging buhay mo ang Diyos, at wala ka dapat kakayahang iwan Siya. Sa ganitong paraan, totohanan mo nang mararanasan ang Diyos, at sa oras na ito, kapag minahal mo ang Diyos, tunay mong mamahalin ang Diyos, at ito ay magiging isang natatangi, dalisay na pagmamahal. Isang araw, kapag sa mga ganoong karanasan na nakaabot ang iyong buhay sa isang tiyak na punto, kapag nananalangin ka sa Diyos, at kumakain at umiinom ng mga salita ng Diyos, hindi mo magagawang alisin ang Diyos sa iyong kalooban, ni hindi mo magagawang kalimutan Siya kahit ibig mo. Naging buhay mo na ang Diyos; maaari mong kalimutan ang mundo, maaari mong kalimutan ang iyong asawa, o mga anak, ngunit magkakaroon ka ng suliranin sa paglimot sa Diyos—ang gawin iyon ay imposible, ito ay ang iyong tunay na buhay, at ang iyong tunay na pag-ibig sa Diyos. Kapag umabot na sa isang tiyak na punto ang pag-ibig ng mga tao sa Diyos, wala nang ibang makapapantay sa pagmamahal nila sa Diyos; nangunguna ang pagmamahal nila sa Diyos. Sa ganitong paraan, nagagawa mong isuko ang lahat ng iba pang bagay, at kusang tatanggapin ang lahat ng pakikitungo at pagtatabas mula sa Diyos. Kapag nakamit mo na ang pag-ibig sa Diyos na humihigit sa lahat, mamumuhay ka sa realidad at sa pag-ibig ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 503

Sa sandaling ang Diyos ay maging buhay ng mga tao, hindi na nila magagawang talikuran ang Diyos. Hindi ba ito ang gawa ng Diyos? Wala nang hihigit pang patotoo! Gumawa ang Diyos hanggang sa isang tiyak na punto; nagsalita na Siya upang maglingkod ang mga tao, ang makastigo o mamatay, at hindi umurong ang mga tao, na nagpapakita na nalupig na sila ng Diyos. Sa kanilang tunay na mga karanasan, ang mga taong may katotohanan ay yaong mga makakayang manindigan sa kanilang patotoo, manindigan sa kanilang kalagayan, tumayo sa panig ng Diyos, nang hinding-hindi umaatras, at magkaroon ng normal na ugnayan sa mga taong nagmamahal sa Diyos, na sakali mang mangyari ang mga bagay sa kanila ay magagawang ganap na sumunod sa Diyos, at makakayang sumunod sa Diyos hanggang kamatayan. Ang iyong pagsasagawa at mga pahayag sa tunay na buhay ay ang patotoo ng Diyos, ang mga ito ang pagsasabuhay ng tao at ang patotoo ng Diyos, at ito ang tunay na pagtatamasa sa pagmamahal ng Diyos; kapag nakaranas ka hanggang sa puntong ito, ang nararapat na bisa ay makakamit na. Nagtataglay ka ng aktwal na pagsasabuhay, at ang bawat kilos mo ay tinitingala ng iba nang may paghanga. Pangkaraniwan ang iyong pananamit at panlabas na anyo, ngunit isinasabuhay mo ang isang buhay na may sukdulang kabanalan, at kapag ipinababatid mo ang mga salita ng Diyos, ginagabayan at nililiwanagan ka Niya. Nagagawa mong sabihin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng iyong mga salita, naipagbibigay-alam ang realidad, at marami kang nauunawaan tungkol sa paglilingkod sa diwa. Tapat ka sa iyong pananalita, disente at matuwid, ayaw sa hidwaan at mapagpakundangan, nagagawang sundin ang mga pagsasaayos ng Diyos at naninindigan sa iyong patotoo kapag may nangyayari sa iyo, at ikaw ay payapa at mahinahon anuman ang kinakaharap mo. Ang ganitong uri ng tao ay tunay na nakita na ang pag-ibig ng Diyos. May ilang tao na bata pa, ngunit kumikilos sila na tila may-edad na; may isip na sila, nagtataglay ng katotohanan, at hinahangaan ng iba—at ito ang mga taong may patotoo, at mga manipestasyon ng Diyos. Sa madaling salita, kapag naranasan na nila hanggang sa isang tiyak na punto, magkakaroon sa kanilang kalooban ng isang kaunawaan tungo sa Diyos, at ang kanilang panlabas na disposisyon ay magiging matatag rin. Maraming tao ang hindi nagsasagawa ng katotohanan, at hindi naninindigan sa kanilang patotoo. Walang pag-ibig sa Diyos o patotoo sa Diyos ang mga ganoong tao, at ito ang mga tao na lubos na kinamumuhian ng Diyos. Binabasa nila ang mga salita ng Diyos sa mga pagtitipon, ngunit ang kanilang isinasabuhay ay si Satanas, at ito ay pagbibigay-kahihiyan sa Diyos, paninirang-puri sa Diyos, at paglapastangan sa Diyos. Sa ganoong mga tao, walang tanda ng pagmamahal ng Diyos, at walang-wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu. Kaya’t ang mga salita at kilos ng mga tao ay kumakatawan kay Satanas. Kung laging payapa ang iyong puso sa harap ng Diyos, at lagi kang nagbibigay-pansin sa mga tao at sa mga bagay sa paligid mo, at sa mga nangyayari sa paligid mo, at kung nagsasaalang-alang ka sa pasanin ng Diyos, at laging may pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ay malimit bibigyang liwanag ng Diyos ang iyong kalooban. May mga tao sa iglesia na mga “tagapangasiwa”: sinisimulan nila ang masugid na pagmamatyag sa mga kamalian ng iba, at saka ginagaya at tinutularan ang mga ito. Hindi nila kayang makita ang pagkakaiba, hindi sila nasusuklam sa kasalanan, at hindi namumuhi o nakararamdam ng pagkainis sa mga gawa ni Satanas. Ang ganoong mga tao ay puno ng mga gawa ni Satanas, at sa huli sila ay lubusang tatalikuran ng Diyos. Dapat laging gumagalang ang iyong puso sa harap ng Diyos, dapat kang mahinahon sa iyong mga salita at mga kilos, at hindi kailanman nagnanais na labanan o biguin ang Diyos. Hindi kailanman dapat pumayag na mauwi sa wala ang gawain ng Diyos sa iyo, o tulutan ang lahat ng paghihirap na tiniis mo at lahat ng isinagawa mo na mauwi sa wala. Handa ka dapat na maglaan ng higit na pagsisikap at higit na pag-ibig sa Diyos sa landas na tatahakin. Ito ang mga taong may pangitain bilang kanilang pundasyon. Sila ang mga taong naghahanap ng pagsulong.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 504

Kung naniniwala ang mga tao sa Diyos, at nararanasan ang mga salita ng Diyos sa pamamagitan ng pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ay makikita sa ganoong mga tao ang pagliligtas ng Diyos at pag-ibig ng Diyos. Nagagawa rin ng mga taong ito na magpatotoo sa Diyos; isinasabuhay nila ang katotohanan, at ang kanilang pinatototohanan ay ang katotohanan rin, kung ano ang Diyos at disposisyon ng Diyos. Namumuhay sila sa gitna ng pagmamahal ng Diyos at nakita na ang pagmamahal ng Diyos. Kung nais ng mga tao na mahalin ang Diyos, dapat nilang matikman ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at makita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos; sa gayon lamang makakayang gisingin sa kanila ang isang pusong nagmamahal sa Diyos, isang pusong nagbibigay-sigla sa mga tao na matapat na ibigay ang mga sarili para sa Diyos. Hindi ginagawa ng Diyos na ibigin Siya ng mga tao sa pamamagitan ng mga salita at pahayag o sa pamamagitan ng kanilang imahinasyon, at hindi Niya pinipilit ang mga tao na mahalin Siya. Sa halip, hinahayaan Niyang kusang-loob na ibigin nila Siya, at hinahayaan Niya na makita nila sa Kanyang gawain at mga pagsasalita ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, at matapos nito ay nailuluwal sa kanila ang pag-ibig sa Diyos. Tanging sa ganitong paraan maaaring tunay na magpatotoo ang mga tao sa Diyos. Hindi minamahal ng mga tao ang Diyos dahil nahimok sila ng iba na gawin ito, at hindi rin ito panandaliang bugso ng damdamin. Minamahal nila ang Diyos sapagkat nakita na nila ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, nakita nila na marami sa Kanya ang karapat-dapat ibigin ng mga tao, sapagkat nakita na nila ang pagliligtas, karunungan, at mga kamangha-kamanghang gawa ng Diyos—at bilang resulta, tunay silang nagpupuri sa Diyos at tunay na hinahangad Siya, at may ganoong simbuyo ng damdamin na nagigising sa kanila na hindi sila maaaring mabuhay nang hindi nakakamit ang Diyos. Ang dahilan kung bakit nagagawang magbigay ng umaalingawngaw na patotoo sa Kanya yaong mga taong tunay na nagpapatotoo sa Diyos ay dahil ang kanilang patotoo ay nakasandig sa pundasyon ng tunay na kabatiran at tunay na paghahangad para sa Diyos. Ang ganoong patotoo ay hindi inihahandog sa isang bugso ng damdamin, ngunit ayon sa kanilang kabatiran sa Diyos at sa Kanyang disposisyon. Sapagkat nakilala na nila ang Diyos, sa pakiramdam nila ay tiyak na dapat silang magpatotoo sa Diyos, at magsilbi sa lahat ng naghahangad sa Diyos na makilala ang Diyos, at magkaroon ng kamalayan sa pagiging kaibig-ibig ng Diyos at sa Kanyang pagiging totoo. Tulad ng pag-ibig ng mga tao sa Diyos, ang kanilang patotoo ay kusang-loob, ito ay tunay, at may tunay na kabuluhan at halaga. Hindi ito pasibo o hungkag at walang-kabuluhan. Ang dahilan kung bakit ang mga umiibig lamang sa Diyos ang may lalong higit na halaga at kahulugan sa kanilang mga buhay, at sila lamang ang tunay na naniniwala sa Diyos, ay dahil nagagawa ng mga taong ito na mamuhay sa liwanag ng Diyos at nagagawang mamuhay para sa gawain at pamamahala ng Diyos. Ito ay dahil hindi sila namumuhay sa kadiliman, kundi namumuhay sa liwanag; hindi sila namumuhay nang walang-kahulugang mga buhay, bagkus ay mga buhay na pinagpala ng Diyos. Tanging ang mga taong nagmamahal sa Diyos ang nagagawang magpatotoo sa Diyos, sila lamang ang mga saksi ng Diyos, sila lamang ang pinagpala ng Diyos, at tanging sila ang nagagawang tumanggap ng mga pangako ng Diyos. Yaong mga nagmamahal sa Diyos ay mga kapalagayang-loob ng Diyos, sila ang mga tao na minamahal ng Diyos, at matatamasa nila ang mga pagpapala kasama ang Diyos. Tanging ang mga taong tulad nito ang mabubuhay hanggang sa kawalang-hanggan, at sila lamang ang mabubuhay magpakailanman sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos. Ang Diyos ay para mahalin ng tao, at karapat-dapat Siya sa pagmamahal ng lahat ng tao, ngunit hindi lahat ng tao ay may kakayahang mahalin ang Diyos, at hindi lahat ng tao ay makakayang magpatotoo sa Diyos at humawak ng kapangyarihan kasama ang Diyos. Dahil nagagawa nilang magpatotoo sa Diyos, at maglaan ng lahat ng kanilang mga pagsisikap sa gawain ng Diyos, ang mga taong tunay na umiibig sa Diyos ay maaaring maglakad saanman sa ilalim ng mga kalangitan nang walang sinumang mangangahas na labanan sila, at makakaya nilang gamitin ang kapangyarihan sa lupa at pamunuan ang lahat ng tao ng Diyos. Nagsasama-sama ang mga taong ito mula sa iba’t ibang dako ng mundo. Nagsasalita sila ng iba’t ibang wika at may iba’t ibang kulay ng balat, ngunit ang kanilang pag-iral ay may magkatulad na kahulugan; lahat sila ay may pusong nagmamahal sa Diyos, lahat sila ay nagtataglay ng magkatulad na patotoo, at may magkakatulad na kapasyahan, at magkatulad na mithiin. Makapaglalakad nang malaya sa buong mundo ang mga umiibig sa Diyos, at makapaglalakbay sa buong sansinukob ang mga taong nagpapatotoo sa Diyos. Minamahal ng Diyos ang mga taong ito, pinagpapala sila ng Diyos, at mabubuhay sila magpakailanman sa Kanyang liwanag.

Hinango mula sa “Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Mabubuhay Magpakailanman sa Kanyang Liwanag” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 505

Gaano mo kamahal ang Diyos sa ngayon? At gaano ang iyong nalalaman tungkol sa lahat ng nagawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay na dapat mong matutuhan. Kapag dumarating ang Diyos sa lupa, lahat ng Kanyang nagawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang mahalin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating nang ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit pa rito, dahil din ito sa paghatol at gawain ng pagkastigo na naisagawa ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi pa kayo pinagdusa ng Diyos, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na minamahal ang Diyos. Habang mas lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang mas tumitindi ang pagdurusa ng tao, mas maliwanag kung gaano kamakabuluhan ang gawain ng Diyos, at na mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na mahalin ang Diyos. Paano mo natututuhan kung paano mahalin ang Diyos? Kung walang paghihirap at pagpipino, kung walang masasakit na pagsubok—at kung, bukod pa roon, ang tanging ibinigay ng Diyos sa tao ay biyaya, pag-ibig, at awa—magagawa mo ba talagang tunay na mahalin ang Diyos? Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos nalalaman ng tao ang kanyang mga kakulangan at nakikita na siya ay walang kabuluhan, kasuklam-suklam, at mababa, na siya ay walang anuman, at walang halaga; sa kabilang dako, sa panahon ng Kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng iba’t ibang sitwasyon para sa tao kaya mas nararanasan ng tao ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos. Bagama’t ang pagdurusa ay matindi, at kung minsan ay hindi makayanan—hanggang sa antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa pundasyong ito lamang nagkakaroon ang tao ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Nakikita ngayon ng tao na kung may biyaya, pag-ibig, at awa lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, at lalong hindi niya kayang malaman ang diwa ng tao. Sa pamamagitan lamang kapwa ng pagpipino at paghatol ng Diyos, at sa proseso ng pagpipino mismo, maaaring malaman ng tao ang kanyang mga kakulangan, at malaman na wala siyang anuman. Kaya, ang pagmamahal ng tao sa Diyos ay itinayo sa pundasyon ng pagpipino at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, ang pagkakaroon ng isang mapayapang buhay-pamilya o mga materyal na pagpapala, hindi mo pa natatamo ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay hindi maituturing na matagumpay. Isinagawa na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao, ngunit ang tao ay hindi magagawang perpekto gamit lamang ang biyaya, pag-ibig, at awa. Sa mga karanasan ng tao nararanasan niya ang kaunting pag-ibig ng Diyos at nakikita ang pag-ibig at awa ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng kaunting panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at awa ay walang kakayahang gawing perpekto ang tao, walang kakayahang ihayag yaong tiwali sa kalooban ng tao, ni hindi nito nagagawang alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pagmamahal at pananampalataya. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang panahon, at hindi makakaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.

Hinango mula sa “Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 506

Sa ngayon, karamihan sa mga tao ay walang gayong kaalaman. Naniniwala sila na ang pagdurusa ay walang halaga, tinatalikuran sila ng mundo, puro problema ang buhay nila sa tahanan, hindi sila minamahal ng Diyos, at wala silang masyadong maaasahan. Ang pagdurusa ng ilang tao ay umaabot sa isang sukdulan, at ang kanilang mga iniisip ay nagiging tungkol sa kamatayan. Hindi ito tunay na pagmamahal sa Diyos; ang gayong mga tao ay mga duwag, wala silang pagtitiyaga, sila ay mahihina at walang lakas! Nasasabik ang Diyos na mahalin Siya ng tao, ngunit kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang pagdurusa ng tao, at kapag lalo Siyang minamahal ng tao, lalong tumitindi ang mga pagsubok ng tao. Kung minamahal mo Siya, lahat ng uri ng pagdurusa ay sasapit sa iyo—at kung hindi naman, marahil ay magiging maayos ang lahat para sa iyo at lahat ay magiging payapa sa paligid mo. Kapag minamahal mo ang Diyos, madarama mo na marami sa paligid mo ang hindi mo makakayanan, at dahil ang iyong tayog ay napakaliit ikaw ay pipinuhin; bukod dito, wala kang kakayahang mapalugod ang Diyos, at lagi mong madarama na napakatayog ng kalooban ng Diyos, na hindi ito kayang abutin ng tao. Dahil sa lahat ng ito ikaw ay pipinuhin—dahil maraming kahinaan sa iyong kalooban, at marami ang walang kakayahang mapalugod ang kalooban ng Diyos, pipinuhin ang iyong kalooban. Ngunit kailangan ninyong makita nang malinaw na ang pagdadalisay ay natatamo lamang sa pamamagitan ng pagpipino. Kaya, sa mga huling araw na ito ay kailangan ninyong magpatotoo sa Diyos. Gaano man kalaki ang inyong pagdurusa, dapat kayong magpatuloy hanggang sa kahuli-hulihan, at maging sa inyong huling hininga, kailangan pa rin kayong maging tapat sa Diyos at magpasakop sa pagsasaayos ng Diyos; ito lamang ang tunay na pagmamahal sa Diyos, at ito lamang ang malakas at matunog na patotoo. Kapag ikaw ay tinutukso ni Satanas, dapat mong sabihin: “Ang aking puso ay pag-aari ng Diyos, at nakamit na ako ng Diyos. Hindi kita mapapalugod—kailangan kong ilaan ang lahat ng kaya ko sa pagpapalugod sa Diyos.” Kapag lalo mong pinalulugod ang Diyos, lalo kang pagpapalain ng Diyos, at lalong lalaki ang pagmamahal mo sa Diyos; kaya, gayundin, magkakaroon ka ng pananampalataya at paninindigan, at madarama mo na walang mas mahalaga o makabuluhan kaysa sa isang buhay na ginugol sa pagmamahal sa Diyos. Masasabi na kung mahal ng tao ang Diyos, hindi siya malulungkot. Bagama’t may mga pagkakataon na nanghihina ang iyong laman at naliligiran ka ng maraming totoong kaguluhan, sa mga panahong ito tunay kang aasa sa Diyos, at sa kalooban ng iyong espiritu ikaw ay aaliwin, at madarama mo ang katiyakan, at na mayroon kang isang bagay na maaasahan. Sa ganitong paraan, madaraig mo ang maraming sitwasyon, kaya nga hindi ka na magrereklamo tungkol sa Diyos dahil sa dalamhating dinaranas mo; nanaisin mong umawit, sumayaw, at manalangin, makipagtipon at makipagniig, isipin ang Diyos, at madarama mo na lahat ng tao, usapin, at bagay sa paligid mo na isinaayos ng Diyos ay angkop. Kung hindi mo mahal ang Diyos, lahat ng makikita mo ay makakayamot sa iyo, walang magiging kaaya-aya sa iyong mga mata; hindi ka magiging malaya sa iyong espiritu kundi magiging api-apihan ka, laging magrereklamo ang puso mo tungkol sa Diyos, at lagi mong madarama na napakarami mong pinagdurusahan, at na hindi iyon makatarungan. Kung hindi ka maghahangad na lumigaya, kundi mapalugod ang Diyos at hindi maakusahan ni Satanas, ang gayong paghahangad ay magbibigay sa iyo ng matinding lakas na mahalin ang Diyos. Naisasagawa ng tao ang lahat ng sinasabi ng Diyos, at lahat ng ginagawa niya ay nagpapalugod sa Diyos—ito ang ibig sabihin ng magtaglay ng realidad. Ang paghahangad na mapalugod ang Diyos ay ginagamit ang pagmamahal sa Diyos upang maisagawa ang Kanyang mga salita; anumang oras—kahit walang lakas ang iba—sa iyong kalooban ay may puso pa ring nagmamahal sa Diyos, na lubhang nasasabik at nangungulila sa Diyos. Ito ay tunay na tayog. Ang laki ng iyong tayog ay nakasalalay sa laki ng iyong pagmamahal sa Diyos, kung nagagawa mong maging matatag sa oras ng pagsubok, kung nanghihina ka kapag sumasapit ka sa isang partikular na sitwasyon, at kung kaya mong manindigan kapag inayawan ka ng iyong mga kapatid; ang pagdating ng mga katotohanan ay magpapakita kung gaano mo talaga kamahal ang Diyos. Makikita sa marami sa gawain ng Diyos na talagang mahal ng Diyos ang tao, bagama’t hindi pa ganap na mulat ang mga mata ng espiritu ng tao at hindi niya malinaw na nakikita ang marami sa gawain ng Diyos at ang Kanyang kalooban, ni ang maraming bagay na kaibig-ibig tungkol sa Diyos; napakaliit ng tunay na pagmamahal ng tao sa Diyos. Naniwala ka na sa Diyos sa buong panahong ito, at sa ngayon ay pinutol na ng Diyos ang lahat ng paraan ng pagtakas. Sa totoo lang, wala kang magagawa kundi tahakin ang tamang landas, ang tamang landas na naakay kang tahakin ng mabagsik na paghatol at sukdulang pagliligtas ng Diyos. Pagkatapos lamang makaranas ng paghihirap at pagpipino nalalaman ng tao na ang Diyos ay kaibig-ibig. Sa pagdanas nito hanggang sa ngayon, masasabi na nalaman na ng tao ang isang bahagi ng pagiging kaibig-ibig ng Diyos, ngunit hindi pa rin ito sapat, dahil malaki ang pagkukulang ng tao. Kailangang maranasan ng tao ang iba pa sa kamangha-manghang gawain ng Diyos, at ang iba pa sa buong pagpipino ng pagdurusang itinakda ng Diyos. Saka lamang magbabago ang disposisyon ng tao sa buhay.

Hinango mula sa “Sa Pagdanas Lamang ng Masasakit na Pagsubok Mo Malalaman ang Pagiging Kaibig-ibig ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 507

Lahat kayo ay nasa gitna ng pagsubok at pagpipino. Paano ninyo dapat ibigin ang Diyos sa panahon ng pagpipino? Sa pagdanas ng pagpipino, nagagawa ng mga tao na mag-alay ng tunay na papuri sa Diyos, at sa gitna ng pagpipino, nakikita nila na napakalaki ng kanilang pagkukulang. Habang lalong tumitindi ang iyong pagpipino, lalong mas nagagawa mong talikuran ang laman; habang lalong tumitindi ang pagpipino ng mga tao, lalong mas nadaragdagan ang pag-ibig nila para sa Diyos. Ito ang dapat ninyong maunawaan. Bakit dapat mapino ang mga tao? Anong epekto ang nilalayon nitong matamo? Ano ang kabuluhan ng gawain ng pagpipino ng Diyos sa tao? Kung tunay mong hinahanap ang Diyos, sa pagdanas sa Kanyang pagpipino hanggang sa isang partikular na punto madadama mo na ito ay napakainam, at na ito ay sukdulang kinakailangan. Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng pagpipino? Sa pamamagitan ng kapasiyahan na ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang pagpipino: Sa panahon ng pagpipino ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa iyong puso, nguni’t nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at ayaw mong intindihin ang laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Nasasaktan ka sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating na sa isang partikular na punto, nguni’t nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: “O Diyos! Hindi kita maaaring iwan. Bagama’t mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na mamuhunan Ka ng mas marami Mong pag-ibig sa loob ko.” Ito ang pagsasagawa sa panahon ng pagpipino. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, maaari kang mas mailapit ng pagpipino sa Diyos at gagawin kang mas matalik sa Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung ihahandog at ilalatag mo ang iyong puso sa harap ng Diyos, sa panahon ng pagpipino ay magiging imposible para sa iyo na ikaila ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong relasyon sa Diyos ay magiging lalong mas malapit, at lalong mas normal, at ang iyong pakikipagniig sa Diyos ay magiging lalong mas madalas. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng patnubay ng Kanyang mga salita. Magkakaroon din ng higit pang mas maraming pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madaragdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw na ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, nguni’t magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at iaalay nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at magiging pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nakaranas na ng pagpipino ay matatag, hindi mahina. Kailan man o paano ka man isinasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong ilatag ang iyong mga pag-aalala tungkol sa kung mabubuhay o mamamatay ka, isantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang tiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at ang iyong pananampalataya ay magiging totoo. Sa gayon ka lamang magiging isang tunay na iniibig ng Diyos, at isang tunay na nagawang perpekto na ng Diyos.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 508

Kung ang mga tao ay nahuhulog sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, wala silang pag-ibig para sa Diyos sa loob nila, at ang kanilang dating mga pangitain, pag-ibig, at pasiya ay naglaho na. Dating nadarama ng mga tao na dapat silang magdusa para sa Diyos, nguni’t sa kasalukuyan iniisip nila na kahiya-hiya ang gawin iyon, at hindi sila nauubusan ng mga reklamo. Ito ang gawain ni Satanas, isang tanda na ang tao ay nahulog na sa ilalim ng sakop ni Satanas. Kung makatatagpo mo ang kalagayang ito dapat kang manalangin, at baligtarin mo ito sa lalong madaling panahon—iingatan ka nito laban sa mga pag-atake ni Satanas. Sa panahon ng mapait na pagpipino madaling nahuhulog ang tao sa ilalim ng impluwensiya ni Satanas, kaya paano mo dapat ibigin ang Diyos sa panahon ng gayong pagpipino? Dapat mong tipunin ang iyong kalooban, ialay ang iyong puso sa harap ng Diyos at ilaan ang iyong huling sandali sa Kanya. Paano ka man pinipino ng Diyos, dapat mong maisagawa ang katotohanan upang palugurin ang kalooban ng Diyos, at dapat kang magkusa sa sarili mo na hanapin ang Diyos at hangaring makipagniig. Sa mga panahong kagaya nito, habang lalo kang walang kibo, lalo kang magiging mas negatibo at magiging mas madali para sa iyo na umurong. Kapag kinakailangan mo na gawin ang iyong tungkulin, bagama’t hindi mo ito nagagawa nang maayos, gawin mo ang lahat ng iyong makakaya, at gawin ito gamit lamang ang walang iba kundi ang iyong pag-ibig sa Diyos; anuman ang sinasabi ng iba—sinasabi man nilang mahusay ang nagawa mo, o na hindi maganda ang nagawa mo—ang iyong mga intensyon ay tama, at hindi ka mapagmagaling, sapagka’t ikaw ay kumikilos sa ngalan ng Diyos. Kapag mali ang pakahulugan sa iyo ng iba, nagagawa mong manalangin sa Diyos at sinasabi: “O Diyos! Hindi ko hinihiling na pagtiisan ako ng iba o tratuhin ako nang maayos, ni maintindihan o sang-ayunan nila ako. Hinihiling ko lamang na magawa kong ibigin Ka sa puso ko, na mapalagay ako sa aking puso, at na maging malinis ang aking konsiyensya. Hindi ko hinihiling na purihin ako ng iba, o tingalain ako; hinahangad ko lamang na mapalugod Ka mula sa aking puso; ginagawa ko ang aking tungkulin sa abot ng aking makakaya, at bagaman ako ay hangal, mangmang, may mahinang kakayahan at bulag, nalalaman ko na Ikaw ay kaibig-ibig, at nakahanda akong ilaan ang lahat ng mayroon ako sa Iyo.” Sa sandaling manalangin ka sa ganitong paraan, ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay lilitaw, at mas lalong giginhawa ang iyong pakiramdam sa puso mo. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Habang dumaranas ka, dalawang beses kang mabibigo at isang beses na magtatagumpay, o kung hindi naman ay mabibigo nang limang beses at dalawang beses na magtatagumpay, at habang nakararanas ka sa ganitong paraan, tanging sa gitna ng kabiguan magagawa mong makita ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos at matutuklasan kung ano ang kulang sa loob mo. Sa susunod na makatagpo mo ang gayong mga sitwasyon, dapat mong ingatan ang sarili mo, gawing mahinahon ang iyong mga hakbang, at manalangin nang mas madalas. Unti-unti mong mapapaunlad ang iyong kakayahan na magtagumpay sa gayong mga sitwasyon. Kapag nangyari iyon, naging mabisa ang iyong mga panalangin. Kapag nakita mong naging matagumpay ka sa pagkakataong ito, malulugod ka sa loob, at kapag nananalangin ka magagawa mong madama ang Diyos, at na ang presensiya ng Banal na Espiritu ay hindi ka pa nilisan—sa gayon mo lamang malalaman kung paano gumagawa sa loob mo ang Diyos. Ang pagsasagawa sa ganitong paraan ay magbibigay sa iyo ng landas sa pagdanas. Kung hindi mo isasagawa ang katotohanan, mawawala ang presensiya ng Banal na Espiritu sa loob mo. Nguni't kung isasagawa mo ang katotohanan kapag nakaharap mo ang mga bagay-bagay kung ano sila, bagama’t nasasaktan ang iyong kalooban, mapapasaiyo ang Banal na Espiritu pagkaraan, magagawa mong madama ang presensiya ng Diyos kapag ikaw ay nananalangin, magkakaroon ka ng lakas upang isagawa ang mga salita ng Diyos, at sa panahon ng pakikipagniig sa iyong mga kapatid wala nang magiging mabigat sa iyong konsensiya at ikaw ay mapapanatag, at sa ganitong paraan, magagawa mong mailantad and iyong nagawa. Anuman ang sabihin ng iba, magagawa mong magkaroon ng isang normal na relasyon sa Diyos, hindi ka mapipigilan ng iba, ikaw ay aangat sa lahat—at sa ganito, maipakikita mo na ang iyong pagsasagawa sa mga salita ng Diyos ay naging mabisa.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 509

Habang lalong tumitindi ang pagpipino ng Diyos, lalong mas nagagawa ng mga puso ng mga tao na ibigin ang Diyos. Ang pagdurusa sa kanilang mga puso ay kapaki-pakinabang sa kanilang mga buhay, lalo nilang nagagawang maging panatag sa harap ng Diyos, ang kanilang relasyon sa Diyos ay mas malapit, at mas mahusay nilang nagagawang makita ang kataas-taasang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kataas-taasang pagliligtas. Si Pedro ay dumanas ng pagpipino nang daan-daang beses, at si Job ay sumailalim sa maraming pagsubok. Kung nais ninyong magawang perpekto ng Diyos, dapat din kayong sumailalim sa pagpipino nang daan-daang beses; magagawa lamang ninyo na mapalugod ang kalooban ng Diyos at magawang perpekto ng Diyos kung pagdadaanan ninyo ang prosesong ito at umasa sa hakbang na ito. Ang pagpipino ang pinakamahusay na paraan kung saan ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao; ang pagpipino at mapapait na pagsubok lamang ang makapagpapalabas ng tunay na pag-ibig para sa Diyos sa mga puso ng mga tao. Kung walang paghihirap, walang tunay na pag-ibig ang mga tao sa Diyos; kung hindi sila susubukin sa loob, kung hindi sila tunay na isasailalim sa pagpipino, ang kanilang mga puso ay palaging lumulutang-lutang sa labas. Sa pagkapino hanggang sa isang partikular na punto, makikita mo ang iyong sariling mga kahinaan at mga paghihirap, makikita mo kung gaano karami ang kulang sa iyo at na hindi mo kayang mapagtagumpayan ang maraming mga suliranin na iyong kinakaharap, at makikita mo kung gaano katindi ang iyong pagkamasuwayin. Sa panahon lamang ng mga pagsubok nagagawa ng mga tao na tunay na makilala ang kanilang totoong mga kalagayan; ginagawa ng mga pagsubok na mas magagawang perpekto ang mga tao.

Noong siya ay nabubuhay pa, si Pedro ay dumanas ng pagpipino nang daan-daang beses at sumailalim sa maraming masasakit na pagsubok. Ang pagpipinong ito ang naging saligan ng kanyang kataas-taasang pag-ibig sa Diyos, at ang naging pinakamakabuluhang karanasan sa kanyang buong buhay. Na nagawa niyang taglayin ang isang kataas-taasang pag-ibig sa Diyos ay, sa isang banda, dahil sa kanyang kapasiyahan na ibigin ang Diyos; higit na mas mahalaga, gayunpaman, ito ay dahil sa pagpipino at pagdurusa na kanyang pinagdaanan. Ang pagdurusang ito ay ang kanyang naging gabay sa landas ng pag-ibig sa Diyos, at ang naging pinaka-di-malilimutang bagay sa kanya. Kung hindi pagdadaanan ng mga tao ang kirot ng pagpipino sa pag-ibig sa Diyos, ang kanilang pag-ibig ay puno ng karumihan at ng kanilang sariling mga kagustuhan; ang pag-ibig na kagaya nito ay puno ng mga ideya ni Satanas, at talagang walang kakayahan sa pagpapalugod sa kalooban ng Diyos. Ang pagkakaroon ng kapasiyahan na ibigin ang Diyos ay hindi kagaya ng tunay na pag-ibig sa Diyos. Bagama’t lahat ng kanilang iniisip sa kanilang mga puso ay alang-alang sa pag-ibig at pagpapalugod sa Diyos, at kahit na para bang ang kanilang mga saloobin ay nakalaan lahat sa Diyos at wala ni anumang mga ideya ng tao, kapag ang kanilang mga saloobin ay dinala sa harap ng Diyos, hindi Niya pinupuri o binabasbasan ang gayong mga saloobin. Kahit ganap nang naunawaan ng mga tao ang lahat ng mga katotohanan—kapag nakikilala na nila ang lahat ng mga ito—hindi masasabi na ito ay isang tanda ng pag-ibig sa Diyos, hindi masasabi na tunay na iniibig ng mga taong ito ang Diyos. Sa kabila ng pagkaunawa sa maraming katotohanan nang hindi sumasailalim sa pagpipino, walang kakayahan ang mga tao na isagawa ang mga katotohanang ito; tanging sa panahon ng pagpipino mauunawaan ng mga tao ang tunay na kahulugan ng mga katotohanang ito, sa gayon lamang tunay na mapahahalagahan ng mga tao ang kanilang lihim na kahulugan. Sa panahong iyon, kapag muli nilang sinubukan, maisasagawa nila nang maayos ang mga katotohanan, at alinsunod sa kalooban ng Diyos; sa panahong iyon, ang kanilang mga ideyang pantao ay nababawasan, ang kanilang katiwaliang pantao ay lumiliit, at ang kanilang mga damdaming pantao ay umuunti; sa panahon lamang na iyon magiging isang tunay na pagpapahayag ng pag-ibig sa Diyos ang kanilang pagsasagawa. Ang epekto ng katotohanan ng pag-ibig sa Diyos ay hindi natatamo sa pamamagitan ng binigkas na kaalaman o kaisipang nagkukusa, at ni hindi ito maaaring matamo sa pamamagitan ng pag-unawa lamang sa katotohanang iyon. Hinihingi nitong magbayad ang mga tao, na sila ay sumailalim sa maraming kapaitan sa panahon ng pagpipino, at sa gayon lamang magiging dalisay ang kanilang pag-ibig at nakaayon sa puso ng Diyos.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 510

Nahaharap sa kalagayan ng tao at saloobin ng tao sa Diyos, gumawa ang Diyos ng bagong gawain, na pinahihintulutan ang tao na taglayin pareho ang kaalaman ukol sa Kanya at pagkamasunurin sa Kanya, at kapwa pag-ibig at patotoo. Kaya, kailangang maranasan ng tao ang pagpipino ng Diyos sa kanya, gayundin ang Kanyang paghatol, pakikitungo at pagtatabas sa kanya, kung wala ito hindi kailanman makikilala ng tao ang Diyos, at hindi kailanman makakaya na tunay na umibig at magpatotoo sa Kanya. Ang pagpipino ng Diyos sa tao ay hindi lamang para sa kapakanan ng isang may-kinikilingang epekto, nguni’t para sa kapakanan ng isang maraming-mukhang epekto. Sa ganitong paraan lamang ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpipino sa kanila na nakahandang hanapin ang katotohanan, upang ang kapasiyahan at pag-ibig nila ay magawang perpekto ng Diyos. Sa kanilang mga nakahandang hanapin ang katotohanan at nananabik para sa Diyos, walang anuman ang mas makahulugan, o lubhang makatutulong, kaysa sa pagpipino na kagaya nito. Ang disposisyon ng Diyos ay hindi kaagad nakikilala o nauunawaan ng tao, sapagka’t ang Diyos, sa bandang huli, ay Diyos. Sa huli, imposible para sa Diyos na magkaroon ng kaparehong disposisyon kagaya ng sa tao, at kaya hindi madali para sa tao na malaman ang Kanyang disposisyon. Ang katotohanan ay hindi likas na taglay ng tao, at hindi madaling nauunawaan ng mga ginawang tiwali ni Satanas; ang tao ay walang katotohanan, at walang kapasiyahan na isagawa ang katotohanan, at kung hindi siya nagdurusa at hindi pinipino o hinahatulan, ang kanyang kapasiyahan ay hindi magagawang perpekto kailanman. Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin.

Hinango mula sa “Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 511

Kung naniniwala ka sa Diyos, kailangang sundin mo ang Diyos, isagawa ang katotohanan, at tuparin ang lahat ng iyong tungkulin. Bukod diyan, kailangan mong maunawaan ang mga bagay na dapat mong maranasan. Kung ang nararanasan mo lamang ay mapakitunguhan, madisiplina, at mahatulan, kung ang kaya mo lamang ay magpakasaya sa Diyos ngunit hindi mo nararamdaman ang pagdidisiplina o pakikitungo sa iyo ng Diyos—hindi ito katanggap-tanggap. Marahil sa pagkakataong ito ng pagpipino, nagagawa mong manindigan, ngunit hindi pa rin ito sapat; kailangan mo pa ring patuloy na sumulong. Ang aral tungkol sa pagmamahal sa Diyos ay hindi tumitigil kailanman at walang katapusan. Ang tingin ng mga tao sa paniniwala sa Diyos ay isang bagay na napakasimple, ngunit sa sandaling makatamo sila ng ilang praktikal na karanasan, napagtatanto nila na ang paniniwala sa Diyos ay hindi kasingsimple ng iniisip ng mga tao. Kapag ang Diyos ay gumagawa upang pinuhin ang tao, nagdurusa ang tao. Kapag mas matindi ang pagpipino sa tao, mas titindi ang kanilang pagmamahal sa Diyos, at nabubunyag ang higit pang kapangyarihan ng Diyos sa kanilang kalooban. Sa kabaligtaran, kapag mas katiting ang tinatanggap na pagpipino ng tao, mas katiting ang paglago ng kanilang pagmamahal sa Diyos, at mas katiting na kapangyarihan ng Diyos ang mabubunyag sa kanilang kalooban. Kapag mas matindi ang pagpipino at pasakit sa taong iyon at dumaranas siya ng mas malaking pahirap, mas lalago ang kanyang pagmamahal sa Diyos, magiging mas tunay ang kanyang pananampalataya sa Diyos, at mas lalalim ang kanyang kaalaman tungkol sa Diyos. Sa iyong mga karanasan, may makikita kang mga tao na nagdurusa nang malaki kapag sila ay pinipino, na pinakikitunguhan at dinidisiplina nang husto, at makikita mo na ang mga taong iyon ang may matinding pagmamahal sa Diyos at mas malalim at matalas na kaalaman tungkol sa Diyos. Yaong mga hindi pa nakaranas na mapakitunguhan ay mababaw lamang ang kaalaman, at ang masasabi lamang ay: “Napakabuti ng Diyos, ipinagkakaloob Niya ang biyaya sa mga tao upang magpakasaya sila sa Kanya.” Kung naranasan ng mga tao na mapakitunguhan at madisiplina, nagagawa nilang talakayin ang tunay na kaalaman tungkol sa Diyos. Kaya kapag mas kamangha-mangha ang gawain ng Diyos sa tao, mas mahalaga at makabuluhan ito. Kapag mas hindi ito tumatagos sa iyo at mas hindi ito kaayon ng iyong mga kuru-kuro, mas nagagawa kang lupigin, kamtin, at gawing perpekto ng gawain ng Diyos. Napakalaki ng kabuluhan ng gawain ng Diyos! Kung hindi pinino ng Diyos ang tao sa ganitong paraan, kung hindi Siya gumawa ayon sa pamamaraang ito, hindi magiging epektibo at mawawalan ng kabuluhan ang gawain ng Diyos. Sinabi noong araw na pipiliin at kakamtin ng Diyos ang grupong ito, at gagawin silang ganap sa mga huling araw; dito, mayroong pambihirang kabuluhan. Kapag mas matindi ang gawaing isinasagawa Niya sa inyong kalooban, mas malalim at mas dalisay ang inyong pagmamahal sa Diyos. Kapag mas matindi ang gawain ng Diyos, mas nagagawa ng tao na maunawaan nang bahagya ang Kanyang karunungan at mas malalim ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya. Sa mga huling araw, ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos ay magwawakas. Talaga bang madali iyong magwawakas? Kapag nalupig na Niya ang sangkatauhan, tapos na ba ang Kanyang gawain? Ganoon ba iyon kasimple? Iniisip ng mga tao na ganoon nga iyon kasimple, ngunit ang ginagawa ng Diyos ay hindi napakasimple. Anumang bahagi ng gawain ng Diyos ang gusto mong banggitin, lahat ay hindi maarok ng tao. Kung nagawa mong arukin ito, mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ng Diyos. Ang gawaing ginagawa ng Diyos ay di-maarok; lubos itong salungat sa iyong mga kuru-kuro, at kapag mas hindi ito kaayon ng iyong mga kuru-kuro, mas ipinakikita nito na makabuluhan ang gawain ng Diyos; kung kaayon ito ng iyong mga kuru-kuro, mawawalan ito ng kabuluhan. Ngayon, nadarama mo na ang gawain ng Diyos ay lubhang kamangha-mangha, at kapag mas kamangha-mangha ito sa pakiramdam mo, mas nadarama mo na ang Diyos ay di-maarok, at nakikita mo kung gaano kadakila ang mga gawa ng Diyos. Kung ang tanging ginawa Niya ay mababaw at padalus-dalos na gawain upang lupigin ang tao at wala na Siyang ibang ginawa pagkatapos, mawawalan ng kakayahan ang tao na mamasdan ang kabuluhan ng gawain ng Diyos. Bagama’t tumatanggap ka ngayon ng kaunting pagpipino, malaki ang pakinabang nito sa iyong paglago sa buhay; kaya’t napakahalagang dumanas ka ng gayong paghihirap. Ngayon, tumatanggap ka ng kaunting pagpipino, ngunit pagkatapos ay tunay mong mamamalas ang mga gawa ng Diyos, at sasabihin mo sa huli: “Lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos!” Ito ang sasambitin ng puso mo. Dahil naranasan nila sandali ang pagpipino ng Diyos (ang pagsubok sa mga tagasilbi at ang panahon ng pagkastigo), sinabi ng ilang tao sa huli: “Mahirap talagang maniwala sa Diyos!” Ang katotohanan na ginamit nila ang mga salitang, “mahirap talaga,” ay nagpapakita na ang mga gawa ng Diyos ay di-maarok, na ang gawain ng Diyos ay may dakilang kabuluhan at halaga, at na ang Kanyang gawain ay lubhang karapat-dapat na pahalagahan ng tao. Kung, pagkatapos Kong gumawa ng napakaraming gawain, wala ka ni katiting na kaalaman, magkakaroon pa ba ng halaga ang Aking gawain? Sasabihin mo dahil dito na: “Mahirap talagang maglingkod sa Diyos, lubhang kamangha-mangha ang mga gawa ng Diyos, at talagang matalino ang Diyos! Ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig!” Kung, matapos sumailalim sa isang panahon ng karanasan, nagagawa mong sabihin ang mga salitang iyon, pinatutunayan nito na natamo mo na ang gawain ng Diyos sa iyong kalooban. Balang araw, habang ipinalalaganap mo ang ebanghelyo sa ibang bansa at may nagtanong sa iyo: “Kumusta ang pananampalataya mo sa Diyos?” masasabi mong: “Ang mga kilos ng Diyos ay lubhang kagila-gilalas!” Madarama niya na ang iyong mga salita ay nagkukuwento ng mga tunay na karanasan. Ito ang tunay na pagpapatotoo. Sasabihin mo na puno ng karunungan ang gawain ng Diyos, at ang Kanyang gawain sa iyo ay totoong nakakumbinsi sa iyo at nakalupig sa puso mo. Palagi mo Siyang mamahalin dahil higit pa Siya sa karapat-dapat sa pagmamahal ng sangkatauhan! Kung masasabi mo ang mga bagay na ito, maaantig mo ang puso ng mga tao. Lahat ng ito ay pagpapatotoo. Kung nagagawa mong magbigay ng matunog na patotoo, na paluhain ang mga tao, ipinakikita nito na talagang isa kang taong nagmamahal sa Diyos, sapagkat nagagawa mong patotohanan na mahal mo ang Diyos, at sa pamamagitan mo, mapapatotohanan ang mga kilos ng Diyos. Sa iyong patotoo, nahihikayat ang iba na hangarin ang gawain ng Diyos, maranasan ang gawain ng Diyos, at sa anumang sitwasyong nararanasan nila, magagawa nilang manindigan. Ito lamang ang tunay na paraan ng pagpapatotoo, at ito mismo ang ipinagagawa sa iyo ngayon. Dapat mong makita na lubhang mahalaga ang gawain ng Diyos at karapat-dapat itong pahalagahan ng mga tao, na ang Diyos ay lubhang katangi-tangi at sagana; hindi lamang Siya nakapagsasalita, kundi nahahatulan din Niya ang mga tao, napipino ang kanilang puso, nadudulutan sila ng kagalakan, nakakamit sila, nalulupig sila, at nagagawa silang perpekto. Mula sa iyong karanasan makikita mo na ang Diyos ay lubhang kaibig-ibig. Kaya gaano mo kamahal ang Diyos ngayon? Masasabi mo ba talaga ang mga bagay na ito nang taos-puso? Kapag nagagawa mong ipahayag ang mga salitang ito mula sa kaibuturan ng iyong puso, magagawa mong magpatotoo. Kapag nakaabot na sa antas na ito ang iyong karanasan makakaya mong maging isang saksi para sa Diyos, at magiging karapat-dapat ka. Kung hindi ka umaabot sa antas na ito sa iyong karanasan, napakalayo mo pa rin. Normal para sa mga tao na magpakita ng mga kahinaan sa proseso ng pagpipino, ngunit pagkatapos ng pagpipino dapat mong masabi na: “Napakatalino ng Diyos sa Kanyang gawain!” Kung tunay na nagagawa mong magtamo ng praktikal na pagkaunawa sa mga salitang ito, ito ay magiging katangi-tangi sa iyo, at ang iyong karanasan ay magkakaroon ng halaga.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 512

Ano ang dapat mong hangarin ngayon? Kaya mo mang magpatotoo para sa gawain ng Diyos o hindi, nagagawa mo mang maging isang patotoo at isang pagpapakita ng Diyos o hindi, at angkop ka mang kasangkapanin Niya o hindi—ito ang mga bagay na dapat mong hangarin. Gaano karaming gawain ba ang talagang nagawa sa iyo ng Diyos? Gaano karami ba ang iyong nakita, gaano karami ang iyong nahawakan? Gaano karami ang iyong naranasan, at natikman? Nasubok ka man, napakitunguhan, o nadisiplina ng Diyos, naisagawa sa iyo ang Kanyang mga kilos at gawain. Ngunit bilang isang mananampalataya sa Diyos at bilang isang taong handang hangarin na magawa Niyang perpekto, nagagawa mo bang magpatotoo para sa gawain ng Diyos batay sa iyong praktikal na karanasan? Maisasabuhay mo ba ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng iyong praktikal na karanasan? Nagagawa mo bang maglaan para sa iba sa pamamagitan ng iyong sariling praktikal na karanasan, at gugulin ang iyong buong buhay sa pagpapatotoo sa gawain ng Diyos? Para makapagpatotoo sa gawain ng Diyos, kailangan mong umasa sa iyong karanasan, kaalaman, at sakripisyong nagawa. Saka mo lamang mapapalugod ang Kanyang kalooban. Ikaw ba ay isang taong nagpapatotoo sa gawain ng Diyos? Mayroon ka bang ganitong hangarin? Kung nagagawa mong magpatotoo sa Kanyang pangalan, at higit pa, sa Kanyang gawain, at kung naisasabuhay mo ang larawang kinakailangan Niya sa Kanyang mga tao, isa kang saksi para sa Diyos. Paano ka ba talaga nagpapatotoo sa Diyos? Ginagawa mo ito sa pamamagitan ng paghahangad at pananabik na isabuhay ang salita ng Diyos, at, sa pagpapatotoo sa pamamagitan ng iyong mga salita, pagtutulot sa mga tao na malaman ang Kanyang gawain at makita ang Kanyang mga kilos. Kung tunay mong hinahangad ang lahat ng ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung ang tanging hangad mo ay magawang perpekto ng Diyos at mapagpala sa pinakahuli, hindi dalisay ang pananaw ng iyong pananampalataya sa Diyos. Dapat mong hangarin kung paano makita ang mga gawa ng Diyos sa tunay na buhay, kung paano Siya mapapalugod kapag ibinubunyag Niya sa iyo ang Kanyang kalooban, at hangarin kung paano ka dapat magpatotoo tungkol sa Kanyang pagiging kamangha-mangha at karunungan, at kung paano magpatotoo kung paano ka Niya dinidisiplina at pinakikitunguhan. Lahat ng ito ay mga bagay na dapat mong pinagninilayan ngayon. Kung ang pagmamahal mo sa Diyos ay para lamang makabahagi ka sa kaluwalhatian ng Diyos matapos ka Niyang gawing perpekto, hindi pa rin ito sapat at hindi makakatugon sa mga kinakailangan ng Diyos. Kailangan mong magawang magpatotoo tungkol sa gawain ng Diyos, mabigyang-kasiyahan ang Kanyang mga hinihiling, at maranasan ang gawaing Kanyang nagawa sa mga tao sa praktikal na paraan. Pasakit man, mga luha, o kalungkutan, kailangan mong maranasan ang lahat ng ito sa iyong pagsasagawa. Layon nitong gawin kang perpekto bilang isang taong nagpapatotoo para sa Diyos. Ano nga ba, talaga, ang pumipilit sa iyo ngayon na magdusa at maghangad na magawang perpekto? Ang kasalukuyan mo bang pagdurusa ay alang-alang talaga sa pagmamahal sa Diyos at pagpapatotoo para sa Kanya? O alang-alang sa mga pagpapala ng laman, para sa iyong mga inaasam sa hinaharap at kapalaran? Lahat ng layunin, pangganyak, at mithiing hinahangad mong matamo ay kailangang maituwid at hindi maaaring gabayan ng iyong sariling kalooban. Kung hinahangad ng isang tao na magawang perpekto upang tumanggap ng mga pagpapala at maghari nang may kapangyarihan, samantalang hinahangad ng isa pang tao na magawang perpekto upang mapalugod ang Diyos, upang magbigay ng praktikal na patotoo sa gawain ng Diyos, alin sa dalawang paraang ito ng paghahangad ang pipiliin mo? Kung pipiliin mo ang una, napakalayo mo pa rin sa mga pamantayan ng Diyos. Sinabi Kong minsan na mahahayag sa buong sansinukob ang Aking mga kilos at na Ako ay mamamahala bilang Hari sa sansinukob. Sa kabilang dako, ang naipagkatiwala sa inyo ay ang lumabas upang magpatotoo sa gawain ng Diyos, hindi upang maging mga hari at magpakita sa buong sansinukob. Hayaang punuin ng mga gawa ng Diyos ang buong kosmos at kalangitan. Hayaang makita at kilalanin ng lahat ang mga ito. Binabanggit ang mga salitang ito patungkol sa Diyos Mismo, at ang dapat gawin ng mga tao ay ang magpatotoo para sa Diyos. Gaano karami na ngayon ang alam mo tungkol sa Diyos? Gaano karami na ang mapapatotohanan mo tungkol sa Diyos? Ano ang layunin ng Diyos sa pagpeperpekto sa tao? Kapag naunawaan mo na ang kalooban ng Diyos, paano ka dapat magpakita ng konsiderasyon sa Kanyang kalooban? Kung handa kang magawang perpekto at magpatotoo sa gawain ng Diyos sa pamamagitan ng iyong isinasabuhay, kung ito ang nag-uudyok sa iyo, walang napakahirap gawin. Ang kailangan ng mga tao ngayon ay pananampalataya. Kung ito ang nag-uudyok sa iyo, madaling pakawalan ang anumang pagkanegatibo, pagkabalintiyak, katamaran at mga kuru-kuro ng laman, mga pilosopiya sa buhay, masuwaying disposisyon, mga emosyon, at iba pa.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 513

Habang sumasailalim sa mga pagsubok, normal sa mga tao ang manghina, o maging negatibo ang kalooban, o hindi malinawan ang kalooban ng Diyos o ang landas ng kanilang pagsasagawa. Ngunit ano’t anuman, kailangan mong magkaroon ng pananampalataya sa gawain ng Diyos, at huwag itanggi ang Diyos, gaya ni Job. Bagama’t mahina si Job at isinumpa ang araw ng kanyang sariling pagsilang, hindi niya itinanggi na lahat ng bagay sa buhay ng tao ay ipinagkaloob ni Jehova, at na si Jehova rin ang Siyang babawi sa lahat ng ito. Paano man siya sinubok, pinanatili niya ang pananampalatayang ito. Sa iyong karanasan, anumang pagpipino ang pinagdaraanan mo sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, ang hinihiling ng Diyos sa sangkatauhan, sa madaling salita, ay ang kanilang pananampalataya at pagmamahal sa Kanya. Ang Kanyang ginagawang perpekto sa pamamagitan ng paggawa sa ganitong paraan ay ang pananampalataya, pagmamahal, at mga hangarin ng mga tao. Ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa mga tao, at hindi nila ito nakikita, hindi ito nadarama; sa gayong mga sitwasyon, kinakailangan ang iyong pananampalataya. Kinakailangan ang pananampalataya ng mga tao kapag may isang bagay na hindi nakikita ng mata lamang, at kinakailangan ang iyong pananampalataya kapag hindi mo mapakawalan ang iyong sariling mga kuru-kuro. Kapag hindi malinaw sa iyo ang gawain ng Diyos, ang kinakailangan mong gawin ay manampalataya at manindigan at tumayong saksi. Nang umabot si Job sa puntong ito, nagpakita sa kanya ang Diyos at nangusap sa kanya. Ibig sabihin, sa pananampalataya mo lamang makikita ang Diyos, at kapag mayroon kang pananampalataya gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung wala kang pananampalataya, hindi Niya ito magagawa. Ipagkakaloob sa iyo ng Diyos ang anumang inaasam mong makamtan. Kung wala kang pananampalataya, hindi ka magagawang perpekto at hindi mo makikita ang mga kilos ng Diyos, lalo na ang Kanyang pagiging makapangyarihan sa lahat. Kapag nananampalataya kang makikita mo ang Kanyang mga kilos sa iyong praktikal na karanasan, magpapakita sa iyo ang Diyos, at liliwanagan at gagabayan ka Niya sa iyong kalooban. Kung wala ang pananampalatayang iyon, hindi iyan magagawa ng Diyos. Kung nawala na ang pag-asa mo sa Diyos, paano mo mararanasan ang Kanyang gawain? Kung gayon, kapag lamang mayroon kang pananampalataya at hindi ka nagkikimkim ng mga pagdududa sa Diyos, kapag lamang mayroon kang tunay na pananampalataya sa Kanya anuman ang gawin Niya, saka ka Niya liliwanagan at tatanglawan sa iyong mga karanasan, at saka mo pa lamang makikita ang Kanyang mga kilos. Nakakamtan ang lahat ng ito sa pamamagitan ng pananampalataya. Nakakamtan lamang ang pananampalataya sa pamamagitan ng pagpipino, at kapag walang pagpipino, hindi magkakaroon ng pananampalataya. Ano ang tinutukoy ng salitang “pananampalataya”? Ang pananampalataya ay ang tunay na paniniwala at tapat na pusong dapat taglayin ng mga tao kapag hindi nila nakikita o nahahawakan ang isang bagay, kapag ang gawain ng Diyos ay hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao, kapag hindi ito kayang abutin ng tao. Ito ang pananampalatayang binabanggit Ko. Kailangang manampalataya ang mga tao sa mga panahon ng paghihirap at pagpipino, at ang pananampalataya ay isang bagay na sinusundan ng pagpipino; hindi mapaghihiwalay ang pagpipino at pananampalataya. Paano man gumawa ang Diyos, at anuman ang iyong sitwasyon, nagagawa mong hangarin ang buhay at hanapin ang katotohanan, at hangaring makaalam tungkol sa gawain ng Diyos, at magkaroon ng pag-unawa sa Kanyang mga kilos, at nagagawa mong kumilos alinsunod sa katotohanan. Ang paggawa nito ang kahulugan ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya, at ang paggawa nito ay nagpapakita na hindi ka nawalan ng pananampalataya sa Diyos. Magkakaroon ka lamang ng tunay na pananampalataya sa Diyos kung nagagawa mong piliting hangarin ang katotohanan sa pamamagitan ng pagpipino, kung nagagawa mong tunay na mahalin ang Diyos at hindi ka nagkakaroon ng mga pagdududa tungkol sa Kanya, kung isinasagawa mo pa rin ang katotohanan anuman ang gawin Niya upang mapalugod Siya, at kung nagagawa mong hangarin nang taos-puso ang Kanyang kalooban at isaalang-alang ang Kanyang kalooban. Noong araw, nang sinabi ng Diyos na mamumuno ka bilang isang hari, minahal mo Siya, at nang hayagan Siyang magpakita sa iyo, sinundan mo Siya. Ngunit ngayon nakatago ang Diyos, hindi mo Siya nakikita, at nagkaroon ka ng mga problema—nawawalan ka na ba ng pag-asa sa Diyos? Kaya nga, kailangan mong hangarin ang buhay at hangaring mapalugod ang kalooban ng Diyos sa lahat ng oras. Ang tawag dito ay tunay na pananampalataya, at ito ang pinakatunay at pinakamagandang uri ng pagmamahal.

Noong araw, lahat ng tao ay humaharap sa Diyos para gawin ang kanilang mga pagpapasya, at sinasabing: “Kahit wala nang ibang nagmamahal sa Diyos, kailangan ko Siyang mahalin.” Ngunit ngayon, sumasapit sa iyo ang pagpipino, at dahil hindi ito nakaayon sa iyong mga kuru-kuro, nawawalan ka ng pananampalataya sa Diyos. Tunay na pagmamahal ba ito? Nabasa mo na nang maraming beses ang mga gawa ni Job—nalimutan mo na ba ang mga iyon? Ang tunay na pagmamahal ay nabubuo lamang kapag may pananampalataya. Nagkakaroon ka ng tunay na pagmamahal para sa Diyos sa pamamagitan ng mga pagpipinong pinagdaraanan mo, at sa pamamagitan ng iyong pananampalataya ay nagagawa mong isaalang-alang ang kalooban ng Diyos sa iyong mga praktikal na karanasan, at sa pamamagitan din ng pananampalataya ay tinatalikdan mo ang iyong sariling laman at hinahangad mo ang buhay; ito ang dapat gawin ng mga tao. Kung gagawin mo ito, makikita mo ang mga kilos ng Diyos, ngunit kung wala kang pananampalataya, hindi mo makikita ang mga kilos ng Diyos o mararanasan ang Kanyang gawain. Kung gusto mong kasangkapanin ka at magawang perpekto ng Diyos, kailangan mong taglayin ang lahat: ang kahandaang magdusa, pananampalataya, pagtitiis, pagsunod, at kakayahang maranasan ang gawain ng Diyos, maunawaan ang Kanyang kalooban, maisaalang-alang ang Kanyang pighati, at iba pa. Hindi madaling gawing perpekto ang isang tao, at bawat isang pagpipinong nararanasan mo ay nangangailangan ng iyong pananampalataya at pagmamahal. Kung gusto mong magawang perpekto ng Diyos, hindi sapat ang magmadali lamang sa landas, ni sapat ang gugulin lamang ang iyong sarili para sa Diyos. Kailangan kang magtaglay ng maraming bagay upang maging isang tao na ginagawang perpekto ng Diyos. Kapag nagdurusa ka, kailangan mong magawang isantabi ang pag-aalala sa laman at huwag magreklamo laban sa Diyos. Kapag itinatago ng Diyos ang Kanyang Sarili mula sa iyo, kailangan mong magkaroon ng pananampalatayang sundan Siya, na mapanatili ang iyong dating pagmamahal nang hindi ito hinahayaang maging marupok o maglaho. Anuman ang gawin ng Diyos, kailangan kang magpasakop sa Kanyang plano at maging handang sumpain ang iyong sariling laman sa halip na magreklamo laban sa Kanya. Kapag nahaharap ka sa mga pagsubok, kailangan mong mapalugod ang Diyos, bagama’t maaaring mapait ang iyong pagluha o nag-aatubili kang mawalay sa anumang bagay na minamahal mo. Ito lamang ang tunay na pagmamahal at pananampalataya. Anuman ang aktuwal mong tayog, kailangan mo munang magkaroon kapwa ng kahandaang dumanas ng paghihirap at ng tunay na pananampalataya, at kailangan ka ring magkaroon ng kahandaang talikdan ang laman. Dapat ay handa kang magtiis ng personal na mga paghihirap at magdusa ng mga kawalan sa iyong mga personal na interes upang mapalugod ang kalooban ng Diyos. Kailangan mo ring magkaroon ng kakayahang taos na magsisi tungkol sa iyong sarili: Noong araw, hindi mo nagawang mapalugod ang Diyos, at ngayon, maaari kang magsisi sa iyong sarili. Hindi ka dapat magkulang sa anuman sa mga bagay na ito—sa pamamagitan ng mga bagay na ito, gagawin kang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo matutugunan ang mga pangangailangang ito, hindi ka magagawang perpekto.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 514

Ang isang taong naglilingkod sa Diyos ay hindi lamang dapat malaman kung paano magdusa para sa Kanya; higit pa riyan, dapat niyang maunawaan na ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay upang hangaring mahalin ang Diyos. Kinakasangkapan ka ng Diyos hindi lamang para pinuhin ka o para pagdusahin ka, kundi sa halip ay kinakasangkapan ka Niya upang malaman mo ang Kanyang mga kilos, malaman mo ang tunay na kabuluhan ng buhay ng tao, at lalo na, upang malaman mo na ang paglilingkod sa Diyos ay hindi madaling gawin. Ang pagdanas ng gawain ng Diyos ay hindi tungkol sa pagtatamasa ng biyaya, kundi sa halip ay tungkol sa pagdurusa para sa iyong pagmamahal sa Kanya. Yamang tinatamasa mo ang biyaya ng Diyos, kailangan mo ring matamasa ang Kanyang pagkastigo; kailangan mong maranasan ang lahat ng ito. Mararanasan mo ang kaliwanagan ng Diyos sa iyo, at mararanasan mo rin kung paano ka Niya pinakikitunguhan at hinahatulan. Sa ganitong paraan, ang iyong karanasan ay magiging malawak. Naisagawa ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol at pagkastigo sa iyo. Napakitunguhan ka na ng salita ng Diyos, ngunit hindi lamang iyan; naliwanagan at natanglawan ka rin nito. Kapag ikaw ay negatibo at mahina, nag-aalala ang Diyos para sa iyo. Lahat ng gawaing ito ay upang ipaalam sa iyo na lahat ng tungkol sa tao ay nasa loob ng mga pagsasaayos ng Diyos. Maaari mong isipin na ang paniniwala sa Diyos ay tungkol sa pagdurusa, o paggawa ng lahat ng bagay para sa Kanya; maaari mong isipin na ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay para mapayapa ang iyong laman, o upang maging maayos ang lahat sa buhay mo, o upang maging komportable at magaan ang lahat sa iyo. Gayunman, wala sa mga ito ang mga layuning dapat iugnay ng mga tao sa kanilang paniniwala sa Diyos. Kung naniniwala ka dahil sa mga layuning ito, mali ang iyong pananaw, at imposible ka talagang magawang perpekto. Ang mga kilos ng Diyos, ang matuwid na disposisyon ng Diyos, ang Kanyang karunungan, Kanyang mga salita, at Kanyang pagiging kamangha-mangha at di-maarok ay pawang mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao. Dahil sa pagkaunawang ito, dapat mong gamitin ito upang alisin sa puso mo ang lahat ng personal mong kahilingan, pag-asa, at kuru-kuro. Kapag inalis mo ang mga ito, saka mo lamang matutugunan ang mga kundisyong hinihiling ng Diyos, at sa pamamagitan lamang ng paggawa nito ka magkakaroon ng buhay at mapapalugod ang Diyos. Ang layunin ng paniniwala sa Diyos ay upang mapalugod Siya at maisabuhay ang disposisyon na Kanyang kinakailangan, upang maipamalas ang Kanyang mga kilos at kaluwalhatian sa pamamagitan ng grupong ito ng hindi karapat-dapat na mga tao. Ito ang tamang pananaw para sa paniniwala sa Diyos, at ito rin ang layuning dapat mong hangarin. Dapat ay mayroon kang tamang pananaw tungkol sa paniniwala sa Diyos at dapat mong hangaring matamo ang mga salita ng Diyos. Kailangan mong kainin at inumin ang mga salita ng Diyos at magawang isabuhay ang katotohanan, at lalo nang kailangan mong makita ang Kanyang praktikal na mga gawa, Kanyang kamangha-manghang mga gawa sa buong sansinukob, gayundin ang praktikal na gawaing Kanyang ginagawa sa katawang-tao. Maaaring pahalagahan ng mga tao, sa pamamagitan ng kanilang aktuwal na mga karanasan, kung paano talaga ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa kanila at kung ano ang Kanyang kalooban sa kanila. Ang layunin ng lahat ng ito ay upang alisin ang tiwali at napakasamang disposisyon ng mga tao. Dahil naiwaksi na ang lahat ng karumihan at kasamaan sa iyong kalooban, at naiwaksi na ang iyong mga maling layon, at nagkaroon ka na ng tunay na pananampalataya sa Diyos—sa pamamagitan lamang ng pagkakaroon ng tunay na pananampalataya mo maaaring tunay na mahalin ang Diyos. Maaari mo lamang tunay na mahalin ang Diyos sa pundasyon ng iyong paniniwala sa Kanya. Magtatamo ka ba ng pagmamahal sa Diyos nang hindi ka naniniwala sa Kanya? Yamang naniniwala ka sa Diyos, hindi ka maaaring maguluhan tungkol dito. Napupuno ng lakas ang ilang tao sa sandaling makita nila na ang pananampalataya sa Diyos ay maghahatid sa kanila ng mga pagpapala, ngunit nawawala ang lahat ng sigla sa sandaling makita nila na kailangan nilang dumanas ng mga pagpipino. Iyan ba ang paniniwala sa Diyos? Sa huli, kailangan kang ganap at lubos na makasunod sa harap ng Diyos sa iyong pananampalataya. Naniniwala ka sa Diyos ngunit mayroon ka pa ring mga hinihiling sa Kanya, marami ka pa ring mga relihiyosong kuru-kuro na hindi mo mabitawan, mga personal na interes na hindi mo mapakawalan, at naghahangad ka pa rin ng mga pagpapala ng laman at nais mong sagipin ng Diyos ang iyong laman, na iligtas ang iyong kaluluwa—lahat ng ito ay mga pag-uugali ng mga tao na may maling pananaw. Kahit may pananampalataya sa Diyos ang mga taong may mga relihiyosong paniniwala, hindi sila naghahangad na baguhin ang kanilang disposisyon at hindi sila naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, kundi ang tanging hinahangad nila ay ang mga interes ng kanilang laman. Marami sa inyo ang may pananampalatayang nabibilang sa kategorya ng mga relihiyosong pananalig; hindi iyan tunay na pananampalataya sa Diyos. Upang maniwala sa Diyos, kailangang magkaroon ang mga tao ng isang pusong handang magdusa para sa Kanya at kahandaang isuko ang kanilang sarili. Hangga’t hindi natutugunan ng mga tao ang dalawang kundisyong ito, walang bisa ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at hindi nila mababago ang kanilang disposisyon. Ang mga tao lamang na tunay na naghahanap sa katotohanan, naghahangad ng kaalaman tungkol sa Diyos, at naghahangad ng buhay ang mga tunay na naniniwala sa Diyos.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 515

Ang layunin ng gawaing pagpipino una sa lahat ay upang gawing perpekto ang pananampalataya ng mga tao. Sa huli, ang nakamtan ay na nais mong umalis ngunit, kasabay nito, hindi mo magawa; nagagawa pa ring manampalataya ng ilang tao kahit wala sila ni katiting na pag-asa; at ni hindi na umaasa man lang ang mga tao hinggil sa kanilang sariling mga inaasam sa hinaharap. Sa panahong ito lamang matatapos ang pagpipino ng Diyos. Hindi pa rin nakakarating ang tao sa yugtong mabitin sa pagitan ng buhay at kamatayan, at hindi pa nila natitikman ang kamatayan, kaya hindi pa tapos ang proseso ng pagpipino. Maging yaong mga nasa hakbang ng mga tagasilbi ay hindi pa lubos na napipino. Matindi ang pagpipinong pinagdaanan ni Job, at wala siyang nasandigan. Kailangang sumailalim sa mga pagpipino ang mga tao hanggang sa puntong wala na silang pag-asa at wala nang masandigan—ito lamang ang tunay na pagpipino. Sa panahon ng mga tagasilbi, kung palaging tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at anuman ang Kanyang ginawa at anuman ang Kanyang kalooban noon para sa iyo, sinunod mo palagi ang Kanyang mga plano, sa dulo ng landas ay mauunawaan mo ang lahat ng nagawa ng Diyos. Sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Job, at kasabay nito ay sumasailalim ka sa mga pagsubok kay Pedro. Noong sinubok si Job, tumayo siyang saksi, at sa huli, ipinakita sa Kanya si Jehova. Pagkatapos niyang tumayong saksi, saka lamang siya naging karapat-dapat na makita ang mukha ng Diyos. Bakit sinabing: “Nagtatago Ako mula sa lupain ng karumihan ngunit ipinakikita Ko ang Aking Sarili sa banal na kaharian”? Ibig sabihin niyan ay kapag ikaw ay banal at tumatayong saksi, saka ka lamang magkakaroon ng dangal na makita ang mukha ng Diyos. Kung hindi ka makatayong saksi para sa Kanya, wala kang dangal para makita ang Kanyang mukha. Kung aatras ka o magrereklamo laban sa Diyos sa harap ng mga pagpipino, sa gayon ay bigo kang tumayong saksi para sa Kanya at pinagtatawanan ka ni Satanas, hindi mo makakamtan ang pagpapakita ng Diyos. Kung katulad ka ni Job, na sa gitna ng mga pagsubok ay isinumpa ang kanyang sariling laman at hindi nagreklamo laban sa Diyos, at nagawang kamuhian ang kanyang sariling laman nang hindi nagrereklamo o nagkakasala sa pamamagitan ng kanyang mga salita, tatayo kang saksi. Kapag sumasailalim ka sa mga pagpipino kahit paano at kaya mo pa ring maging katulad ni Job, na lubos na masunurin sa harap ng Diyos at walang ibang mga kinakailangan sa Kanya o sarili mong mga kuru-kuro, magpapakita sa iyo ang Diyos. Ngayon ay hindi nagpapakita sa iyo ang Diyos dahil napakarami mong sariling mga kuru-kuro, personal na pagkiling, makasariling ideya, indibiduwal na pangangailangan at interes ng laman, at hindi ka karapat-dapat na makita ang Kanyang mukha. Kung makikita mo ang Diyos, susukatin mo Siya sa pamamagitan ng iyong sariling mga kuru-kuro, at dahil doon, ipapako mo Siya sa krus. Kung maraming bagay ang sumasapit sa iyo na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro ngunit nagagawa mong isantabi ang mga iyon at magtamo ng kaalaman tungkol sa mga kilos ng Diyos mula sa mga bagay na ito, at kung sa gitna ng mga pagpipino ay ipinapakita mo ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos, ito ay pagtayong saksi. Kung mapayapa ang iyong tahanan, natatamasa mo ang mga kaginhawahan ng laman, walang umuusig sa iyo, at sinusunod ka ng iyong mga kapatid sa iglesia, maipapakita mo ba ang iyong pusong nagmamahal sa Diyos? Mapipino ka ba ng sitwasyong ito? Makikita ang iyong pagmamahal sa Diyos sa pamamagitan lamang ng pagpipino, at magagawa kang perpekto sa pamamagitan lamang ng mga bagay na nangyayari na hindi nakaayon sa iyong mga kuru-kuro. Sa pamamagitan ng maraming salungat at negatibong bagay, at paggamit ng lahat ng uri ng pagpapakita ni Satanas—mga kilos nito, mga paratang, mga paggambala at panlilinlang—malinaw na ipinapakita ng Diyos sa iyo ang nakakatakot na mukha ni Satanas, at sa gayo’y ginagawang perpekto ang iyong kakayahang makilala si Satanas, upang kamuhian mo si Satanas at talikuran ito.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 516

Ang maraming karanasan mo sa kabiguan, kahinaan, mga panahon ng iyong pagiging negatibo, ay masasabi na pawang mga pagsubok ng Diyos. Ito ay dahil ang lahat ay nagmumula sa Diyos, at lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay. Mabigo ka man o manghina at magkamali, nakasalalay ang lahat sa Diyos at abot-kamay Niya. Mula sa pananaw ng Diyos, isang pagsubok ito sa iyo, at kung hindi mo mapapansin iyon, magiging tukso iyon. May dalawang klase ng kalagayang dapat mapansin ng mga tao: Ang isa ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at ang malamang na pinagmumulan ng isa pa ay si Satanas. Ang isa ay isang kalagayan kung saan tinatanglawan ka ng Banal na Espiritu at tinutulutan kang makilala ang iyong sarili, mamuhi at magsisi tungkol sa iyong sarili at magkaroon ng tunay na pagmamahal para sa Diyos, na italaga ang iyong puso sa pagpapalugod sa Kanya. Ang isa pa ay isang kalagayan kung saan kilala mo ang iyong sarili, ngunit negatibo ka at mahina. Maaaring sabihin na ang kalagayang ito ay ang pagpipino ng Diyos, at na panunukso rin ito ni Satanas. Kung napapansin mo na ito ang pagliligtas sa iyo ng Diyos at kung nadarama mo na malaki na ang iyong pagkakautang sa Kanya, at kung magmula ngayon ay susubukan mong suklian Siya at hindi ka na mahulog sa gayong kasamaan, kung ibubuhos mo ang iyong pagsisikap sa pagkain at pag-inom ng Kanyang mga salita, at kung palagi mong ituturing ang iyong sarili na may kakulangan, at may isang pusong nananabik, pagsubok nga ito ng Diyos. Kapag nagwakas na ang pagdurusa at sumusulong ka nang muli, aakayin, tatanglawan, liliwanagan, at pangangalagaan ka pa rin ng Diyos. Ngunit kung hindi mo ito napapansin at negatibo ka, na basta na lamang hinahayaang mawalan ka ng pag-asa, kung nag-iisip ka sa ganitong paraan, sumapit na sa iyo ang panunukso ni Satanas. Nang sumailalim si Job sa mga pagsubok, nagpustahan ang Diyos at si Satanas, at pinayagan ng Diyos si Satanas na pahirapan si Job. Kahit na ang Diyos ang sumusubok kay Job, si Satanas talaga ang lumukob sa kanya. Para kay Satanas, panunukso iyon kay Job, ngunit nasa panig ng Diyos si Job. Kung hindi nagkagayon, natukso na sana si Job. Sa sandaling matukso ang mga tao, nahuhulog sila sa panganib. Ang pagdaan sa pagpipino ay masasabing isang pagsubok mula sa Diyos, ngunit kung hindi mabuti ang kalagayan mo, masasabing panunukso ito mula kay Satanas. Kung hindi malinaw sa iyo ang pangitain, pagbibintangan ka ni Satanas at ikukubli ka sa aspeto ng pangitain. Bago mo pa malaman, matutukso ka na.

Kung hindi mo nararanasan ang gawain ng Diyos, hindi ka kailanman magagawang perpekto. Sa iyong karanasan, kailangan mo ring pumasok sa mga detalye. Halimbawa, anong mga bagay ang naghihikayat sa iyo na bumuo ng mga kuru-kuro at labis-labis na mga motibo, at anong klase ng mga angkop na pagsasagawa ang mayroon ka para lutasin ang mga problemang ito? Kung nararanasan mo ang gawain ng Diyos, nangangahulugan ito na maganda ang iyong tayog. Kung mukha ka lamang may lakas, hindi ito tunay na tayog at tiyak na hindi mo magagawang manindigan. Kapag nagagawa ninyong maranasan ang gawain ng Diyos at nagagawa ninyong maranasan at pagnilayan ito anumang oras at saanmang lugar, kapag nagagawa ninyong iwan ang mga pastol, at magsarili sa buhay na nakaasa sa Diyos, at nagagawa ninyong makita ang aktuwal na mga kilos ng Diyos—saka lamang matutupad ang kalooban ng Diyos. Sa ngayon, hindi alam ng karamihan sa mga tao kung paano dumanas, at kapag nagkakaroon sila ng problema, hindi nila alam kung paano nila ito haharapin; hindi nila kayang maranasan ang gawain ng Diyos, at hindi sila makapamuhay ng espirituwal na buhay. Kailangan mong tanggapin ang mga salita at gawain ng Diyos sa iyong praktikal na buhay.

Kung minsan binibigyan ka ng Diyos ng isang uri ng damdamin, isang damdaming nagsasanhi na mawala ang kagalakan ng iyong kalooban at ang presensya ng Diyos, kaya nakasadlak ka sa kadiliman. Isang uri ito ng pagpipino. Tuwing may ginagawa kang anuman, lagi itong nagugulo, o hindi ka makausad. Pagdidisiplina ito ng Diyos. Kung minsan, kapag matigas ang ulo mo at sumusuway ka sa Diyos, maaaring walang ibang nakakaalam niyon—ngunit alam iyon ng Diyos. Hindi ka makakaligtas sa Kanyang parusa, at didisiplinahin ka Niya. Napakadetalyado ng gawain ng Banal na Espiritu. Buong ingat Niyang pinagmamasdan ang bawat salita at kilos ng mga tao, bawat kilos at galaw, at bawat kaisipan at ideya nila upang magkaroon ng kamalayan ang mga tao sa kanilang sarili tungkol sa mga bagay na ito. May ginawa kang minsan at naging magulo iyon, ginawa mo ulit at naging magulo ulit iyon, at unti-unti mong mauunawaan ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa maraming beses na nadisiplina ka, malalaman mo kung ano ang gagawin upang umayon sa kalooban ng Diyos at kung ano ang hindi naaayon sa Kanyang kalooban. Sa huli, magkakaroon ka ng tumpak na mga tugon sa paggabay ng Banal na Espiritu sa iyong kalooban. Kung minsan magiging suwail ka at sasawayin ka ng Diyos sa iyong kalooban. Lahat ng ito ay nagmumula sa pagdidisiplina ng Diyos. Kung hindi mo pinahahalagahan ang salita ng Diyos, kung minamaliit mo ang Kanyang gawain, hindi ka Niya papansinin. Kapag lalo mong sineseryoso ang mga salita ng Diyos, lalo ka Niyang liliwanagan. Ngayon mismo, may ilang tao sa iglesia na magulo at nalilito ang pananampalataya, at marami silang ginagawang di-angkop at kumikilos sila nang walang disiplina, kaya’t ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi malinaw na nakikita sa kanila. Ang ilang tao ay iniiwanan ang kanilang mga tungkulin para kumita ng pera, lumalabas para magpatakbo ng negosyo nang hindi nadidisiplina; mas nanganganib ang gayong klaseng tao. Hindi lamang kasalukuyang wala sa kanila ang gawain ng Banal na Espiritu, kundi sa hinaharap, mahirap silang magawang perpekto. Maraming tao na hindi kinakikitaan ng gawain ng Banal na Espiritu at ng pagdidisiplina ng Diyos. Sila yaong ang kalooban ng Diyos ay hindi malinaw sa kanila at hindi nila alam ang Kanyang gawain. Ayos lang yaong mga kayang manindigan nang matatag sa gitna ng mga pagpipino, na sumusunod sa Diyos anuman ang Kanyang gawin, at nagagawa kahit paano na hindi umalis, o nagagawa ang 0.1% ng nagawa ni Pedro, ngunit wala silang halaga para kasangkapanin ng Diyos. Maraming taong agad na nakakaunawa sa mga bagay-bagay, may tunay na pagmamahal para sa Diyos, at nahihigitan ang antas ni Pedro, at ginagawa ng Diyos ang gawain ng pagpeperpekto sa kanila. Sumasapit sa gayong mga tao ang pagdidisiplina at kaliwanagan, at kung may anuman sa kanila na hindi naaayon sa kalooban ng Diyos, kaya nilang alisin iyon kaagad. Ang gayong mga tao ay ginto, pilak, at mahahalagang bato—napakalaki ng kanilang halaga! Kung nakagawa ang Diyos ng maraming uri ng gawain ngunit para ka pa ring buhangin o bato, wala kang halaga!

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 517

Kagila-gilalas at di-maarok ang gawain ng Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon. Gagawin Niyang perpekto ang isang grupo ng mga tao at aalisin ang ilang iba pa, sapagkat lahat ng uri ng mga tao ay nasa iglesia—mayroong mga nagmamahal sa katotohanan, at mayroong hindi; mayroong mga dumaranas ng gawain ng Diyos, at mayroong hindi; mayroong gumagawa ng kanilang tungkulin, at mayroong hindi; mayroong mga nagpapatotoo para sa Diyos, at mayroong hindi—at ang ilan sa kanila ay mga walang pananampalataya at masasamang tao, at tiyak na aalisin sila. Kung hindi mo malinaw na nalalaman ang gawain ng Diyos, magiging negatibo ka; ito ay dahil ang gawain ng Diyos ay makikita lamang sa iilang tao. Sa pagkakataong ito, magiging malinaw kung sino ang tunay na nagmamahal sa Diyos at sino ang hindi. Yaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay may gawain ng Banal na Espiritu, samantalang yaong mga hindi tunay na nagmamahal sa Kanya ay mabubunyag sa bawat hakbang ng Kanyang gawain. Sila ang magiging mga pakay ng pag-aalis. Mabubunyag ang mga taong ito sa pagpapatuloy ng gawain ng panlulupig, at sila ay mga taong walang halaga para gawing perpekto. Yaong mga nagawang perpekto ay nakamit na ng Diyos sa kanilang kabuuan, at may kakayahang mahalin ang Diyos tulad ni Pedro. Yaong mga nalupig ay walang kusang pagmamahal, kundi balintiyak na pagmamahal lamang, at sapilitan nilang minamahal ang Diyos. Yumayabong ang likas na pagmamahal sa pamamagitan ng pag-unawang nakamtan sa pamamagitan ng praktikal na karanasan. Saklaw ng pagmamahal na ito ang puso ng tao at hinihikayat sila nito na kusang maging tapat sa Diyos; nagiging pundasyon nila ang mga salita ng Diyos at nagagawa nilang magdusa para sa Diyos. Mangyari pa, ito ay mga bagay na taglay ng isang tao na nagawang perpekto ng Diyos. Kung ang hinahangad mo lamang ay ang malupig, hindi ka maaaring magpatotoo para sa Diyos; kung nakakamtan lamang ng Diyos ang Kanyang mithiing magligtas sa pamamagitan ng paglupig sa mga tao, matatapos ang trabaho sa hakbang ng mga tagasilbi. Gayunman, ang paglupig sa mga tao ay hindi ang huling mithiin ng Diyos, na ang gawing perpekto ang mga tao. Kaya sa halip na sabihing ang yugtong ito ang gawain ng panlulupig, sabihing ito ang gawain ng pagpeperpekto at pag-aalis. Hindi pa lubos na nalulupig ang ilang tao, at habang nilulupig sila, isang grupo ng mga tao ang magagawang perpekto. Ang dalawang pirasong ito ng gawain ay isinasakatuparan nang sabay. Hindi pa umaalis ang mga tao kahit sa loob ng napakahabang panahon ng gawain, at ipinakikita nito na ang mithiing manlupig ay nakamtan na—isang katunayan ito ng pagiging nalupig. Ang mga pagpipino ay hindi para malupig, kundi para magawang perpekto. Kung wala ang mga pagpipino, hindi magagawang perpekto ang mga tao. Kaya napakahalaga talaga ng mga pagpipino! Ngayon isang grupo ng mga tao ang ginagawang perpekto at nakakamit. Ang sampung pagpapalang binanggit dati ay inilaang lahat sa mga nagawang perpekto. Lahat ng tungkol sa pagbabago ng kanilang larawan sa lupa ay inilalaan sa mga nagawang perpekto. Yaong mga hindi nagawang perpekto ay hindi karapat-dapat na tumanggap ng mga pangako ng Diyos.

Hinango mula sa “Yaong mga Gagawing Perpekto ay Kailangang Sumailalim sa Pagpipino” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 518

Ang maniwala sa Diyos at makilala ang Diyos ay itinatalaga ng Langit at kinikilala ng mundo, at ngayon—sa isang kapanahunan kung kailan personal na ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ang Kanyang gawain—ay isang napakagandang pagkakataon para makilala ang Diyos. Ang pagpapalugod sa Diyos ay isang bagay na nakakamit sa pamamagitan ng pagbubuo ng pundasyon ng pag-unawa sa kalooban ng Diyos, at upang maunawaan ang kalooban ng Diyos, kailangang magkaroon ng kaunting kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kaalamang ito tungkol sa Diyos ang pangitain na kailangang taglayin ng isang naniniwala sa Diyos; ito ang batayan ng paniniwala ng tao sa Diyos. Kapag wala ang kaalamang ito, malabo ang pag-iral ng paniniwala ng tao sa Diyos, sa gitna ng hungkag na teorya. Kahit matibay ang pagpapasiya ng mga taong tulad nito na sundin ang Diyos, wala silang mapapala. Ang mga walang napapala sa daloy na ito ang mga aalisin—silang lahat ay mga mapagsamantala. Alinmang hakbang ng gawain ng Diyos ang iyong maranasan, dapat kang samahan ng isang makapangyarihang pangitain. Kung hindi, mahihirapan kang tanggapin ang bawat hakbang ng bagong gawain, dahil hindi kayang isipin ng tao ang bagong gawain ng Diyos, at lampas ito sa mga hangganan ng kanyang pagkaintindi. Kaya, kung walang pastol na mag-aalaga sa tao, kung walang pastol na magbabahagi tungkol sa mga pangitain, walang kakayahan ang tao na tanggapin ang bagong gawaing ito. Kung hindi makatanggap ng mga pangitain ang tao, hindi niya matatanggap ang bagong gawain ng Diyos, at kung hindi masunod ng tao ang bagong gawain ng Diyos, hindi mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, kaya nga ang kanyang pagkakilala sa Diyos ay mawawalan ng halaga. Bago isakatuparan ng tao ang salita ng Diyos, kailangan niyang malaman ang salita ng Diyos; ibig sabihin, kailangan niyang maunawaan ang kalooban ng Diyos. Sa ganitong paraan lamang maisasakatuparan ang salita ng Diyos nang tumpak at alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay isang bagay na kailangang taglayin ng lahat ng naghahanap sa katotohanan, at ito rin ang prosesong kailangang pagdaanan ng lahat ng nagsisikap na makilala ang Diyos. Ang proseso ng pag-alam sa salita ng Diyos ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos at pag-alam sa gawain ng Diyos. Kaya, ang pag-alam sa mga pangitain ay hindi lamang tumutukoy sa pagkilala sa pagkatao ng Diyos na nagkatawang-tao, kundi kabilang din ang pag-alam sa salita at gawain ng Diyos. Mula sa salita ng Diyos nauunawaan ng mga tao ang kalooban ng Diyos, at mula sa gawain ng Diyos nalalaman nila ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang Diyos. Paniniwala sa Diyos ang unang hakbang sa pagkilala sa Diyos. Ang proseso ng pagsulong mula sa paunang paniniwalang ito sa Diyos tungo sa pinakamalalim na paniniwala sa Kanya ay ang proseso ng pagkilala sa Diyos, ang proseso ng pagdanas ng gawain ng Diyos. Kung naniniwala ka lamang sa Diyos para maniwala sa Diyos, at hindi para makilala Siya, walang realidad sa iyong pananampalataya, at hindi maaaring maging dalisay ang iyong pananampalataya—walang duda ito. Kung, sa proseso kung saan nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, unti-unti niyang nakikilala ang Diyos, unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at lalong magiging totoo ang kanyang paniniwala. Sa ganitong paraan, kapag nagtatagumpay ang tao sa kanyang paniniwala sa Diyos, ganap na niyang nakamit ang Diyos. Kaya ginagawa ng Diyos ang lahat para maging tao sa ikalawang pagkakataon upang personal na gawin ang Kanyang gawain ay upang makilala at makita Siya ng tao. Pagkilala sa Diyos[a] ang huling epektong makakamtan sa katapusan ng gawain ng Diyos; ito ang huling kinakailangan ng Diyos sa sangkatauhan. Ginagawa Niya ito alang-alang sa Kanyang huling patotoo; ginagawa Niya ang gawaing ito upang sa wakas ay ganap na bumaling ang tao sa Kanya. Mamahalin lamang ng tao ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Diyos, at para mahalin ang Diyos kailangan niyang makilala ang Diyos. Paano man siya naghahangad, o ano man ang kanyang hangad na matamo, kailangan niyang magkaroon ng kaalaman tungkol sa Diyos. Sa paraang ito lamang mapapalugod ng tao ang puso ng Diyos. Sa pagkilala lamang sa Diyos magkakaroon ang tao ng tunay na pananampalataya sa Diyos, at sa pagkilala lamang sa Diyos siya tunay na maaaring magpitagan at sumunod sa Diyos. Ang mga hindi nakakakilala sa Diyos ay hindi kailanman tunay na makakasunod at magpipitagan sa Diyos. Ang pagkilala sa Diyos ay kinabibilangan ng pag-alam sa Kanyang disposisyon, pag-unawa sa Kanyang kalooban, at pag-alam kung ano Siya. Subalit alinmang aspeto ang mapag-alaman ng isang tao, kinakailangan sa bawat isa na magsakripisyo at maging handang sumunod ang tao, kung hindi ay walang sinumang patuloy na makakasunod hanggang wakas. Ang gawain ng Diyos ay lubhang hindi kaayon ng mga kuru-kuro ng tao. Ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang Diyos ay napakahirap malaman ng tao, at lahat ng sinasabi at ginagawa ng Diyos ay lubhang hindi maunawaan ng tao: Kung nais ng tao na sumunod sa Diyos subalit ayaw niyang sumunod sa Diyos, walang mapapala ang tao. Mula nang likhain ang mundo hanggang ngayon, marami nang nagawang gawain ang Diyos na hindi kayang unawain ng tao at nahihirapan silang tanggapin ito, at marami nang nasabi ang Diyos na nagpapahirap sa tao na maalis ang kanilang mga kuru-kuro. Ngunit hindi Niya itinigil kailanman ang Kanyang gawain nang dahil sa napakaraming paghihirap ng tao; sa halip, patuloy Siyang gumawa at nagsalita, at kahit maraming “mandirigma” ang nahulog sa tabing-daan, ginagawa pa rin Niya ang Kanyang gawain, at nagpapatuloy nang walang pahinga sa pagpili ng sunud-sunod na grupo ng mga tao na handang magpasakop sa Kanyang bagong gawain. Wala Siyang awa para doon sa nahulog na “mga bayani,” at sa halip ay pinahahalagahan Niya ang mga tumatanggap sa Kanyang bagong gawain at mga salita. Ngunit ano ang layunin ng Kanyang paggawa sa ganitong paraan, na paisa-isang hakbang? Bakit palagi Niyang inaalis ang ilang tao at hinihirang ang iba? Bakit palagi Niyang ginagamit ang gayong pamamaraan? Ang layunin ng Kanyang gawain ay upang tulutan ang tao na makilala Siya, at nang sa gayon ay makamit Niya sila. Ang prinsipyo ng Kanyang gawain ay upang gumawa sa mga yaon na nakakayang magpasakop sa gawaing Kanyang ginagawa ngayon, at hindi upang gumawa sa mga nagpapasakop sa gawaing Kanyang nagawa noong araw habang kinokontra ang gawaing Kanyang ginagawa ngayon. Ito ang dahilan kaya Niya inaalis ang napakaraming tao.

Hindi makakamit ang mga epekto ng aral ng pagkilala sa Diyos sa loob ng isa o dalawang araw: Kailangang mag-ipon ng mga karanasan, magdaan sa pagdurusa, at tunay na makapagpasakop ang tao. Una sa lahat, magsimula sa gawain at mga salita ng Diyos. Kailangan mong maunawaan kung ano ang kabilang sa kaalaman tungkol sa Diyos, paano makamit ang kaalamang ito, at paano makita ang Diyos sa iyong mga karanasan. Ito ang kailangang gawin ng lahat kapag kailangan pa nilang kilalanin ang Diyos. Walang sinumang maaaring makaunawa sa gawain at mga salita ng Diyos sa isang bagsakan, at walang sinumang maaaring magkamit ng kaalaman tungkol sa kabuuan ng Diyos sa loob ng maikling panahon. May kinakailangang proseso ng karanasan, na kung wala ay walang sinumang magagawang kilalanin ang Diyos o tapat Siyang sundin. Kapag mas maraming gawaing ginagawa ang Diyos, mas nakikilala Siya ng tao. Kapag mas salungat ang gawain ng Diyos sa mga kuru-kuro ng tao, mas napapanibago at lumalalim ang kaalaman ng tao tungkol sa Kanya. Kung mananatiling pirmihan at hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, walang gaanong malalaman ang tao tungkol sa Kanya. Sa pagitan ng panahon ng paglikha at ng kasalukuyan, ang ginawa ng Diyos noong Kapanahunan ng Kautusan, ang Kanyang ginawa noong Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kanyang ginagawa sa Kapanahunan ng Kaharian—kailangan ninyong malinawan nang husto ang mga pangitaing ito. Kailangan ninyong malaman ang gawain ng Diyos.

Hinango mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Talababa:

a. Ang nakasaad sa orihinal na teksto ay “Ang gawain ng pagkilala sa Diyos.”

Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 519

Nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, nakikilala ang kanyang sarili, inaalis ang kanyang tiwaling disposisyon, at hinahangad na lumago sa buhay, lahat alang-alang sa pagkilala sa Diyos. Kung hinahangad mo lamang na makilala ang iyong sarili at harapin ang iyong sariling tiwaling disposisyon, ngunit wala kang kaalaman tungkol sa gawaing ginagawa ng Diyos sa tao, kung gaano kadakila ang Kanyang pagliligtas, o kung paano mo nararanasan ang gawain ng Diyos at nasasaksihan ang Kanyang mga gawa, kalokohan ang karanasan mong ito. Kung sa palagay mo ay lumago na ang buhay ng isang tao dahil lamang sa nakakaya niyang isagawa ang katotohanan at magtiis, ibig sabihin ay hindi mo pa rin nauunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay o ang layunin ng Diyos sa pagpeperpekto sa tao. Balang araw, kapag ikaw ay nasa mga relihiyosong iglesia, kasama ng mga kasapi ng Iglesia ng Pagsisisi o ng Iglesia ng Buhay, marami kang matatagpuang relihiyosong mga tao, na ang mga panalangin ay naglalaman ng “mga pangitain” at naaantig, sa patuloy na pagsisikap nila sa buhay, at ginagabayan ng mga salita. Bukod pa rito, nagagawa nilang magtiis at talikuran ang kanilang sarili sa maraming bagay, at hindi patatangay sa laman. Sa oras na iyon, hindi mo masasabi ang pagkakaiba: Maniniwala ka na lahat ng kanilang ginagawa ay tama, na iyon ang likas na pagpapahayag ng buhay, at na kahabag-habag na ang pangalang kanilang pinaniniwalaan ay mali. Hindi ba kahangalan ang gayong mga pananaw? Bakit sinasabi na maraming tao ang walang buhay? Dahil hindi nila kilala ang Diyos, at sa gayon ay sinasabi na wala silang Diyos sa kanilang puso, at walang buhay. Kung umabot na ang iyong paniniwala sa Diyos sa punto kung saan kaya mong lubusang malaman ang mga gawa ng Diyos, ang realidad ng Diyos, at ang bawat yugto ng gawain ng Diyos, taglay mo ang katotohanan. Kung hindi mo alam ang gawain at disposisyon ng Diyos, may kulang pa rin sa iyong karanasan. Kung paano isinagawa ni Jesus ang yugtong iyon ng Kanyang gawain, paano isinasagawa ang yugtong ito, paano ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa Kapanahunan ng Biyaya at anong gawain ang ginawa, anong gawain ang ginagawa sa yugtong ito—kung wala kang lubos na kaalaman tungkol sa mga bagay na ito, hindi ka kailanman makatitiyak at palagi kang hindi mapapanatag. Kung, pagkaraan ng isang panahon ng karanasan, nagagawa mong malaman ang gawaing ginawa ng Diyos at ang bawat hakbang ng Kanyang gawain, at kung nagtamo ka na ng lubos na kaalaman tungkol sa mga layunin ng Diyos sa pagsambit ng Kanyang mga salita, at kung bakit napakarami Niyang nasambit na salita na hindi pa natutupad, maaari mong matapang at patuloy na sundan ang daan, malaya sa pag-aalala at pagpipino. Dapat ninyong makita kung paano nagtatagumpay ang Diyos sa napakarami sa Kanyang gawain. Ginagamit Niya ang mga salitang Kanyang sinasambit, pinipino ang tao at binabago ang kanyang mga kuru-kuro gamit ang maraming iba’t ibang klaseng salita. Lahat ng pagdurusang inyong natiis, lahat ng pagpipinong inyong napagdaanan, ang pakikitungong tinanggap na ninyo sa inyong kalooban, ang kaliwanagang inyong naranasan—nakamit na ang lahat ng ito gamit ang mga salitang nasambit ng Diyos. Bakit ba sumusunod ang tao sa Diyos? Sumusunod siya dahil sa mga salita ng Diyos! Masyadong mahiwaga ang mga salita ng Diyos, at bukod pa riyan ay maaari nitong antigin ang puso ng tao, ibunyag ang mga bagay na nakatago sa kaibuturan nito, ipabatid sa kanya ang mga bagay na nangyari noong araw, at tulutan siyang makita ang hinaharap. Kaya nagtitiis ng pagdurusa ang tao dahil sa mga salita ng Diyos, at ginagawa ring perpekto dahil sa mga salita ng Diyos: Saka lamang sumusunod ang tao sa Diyos. Ang dapat gawin ng tao sa yugtong ito ay tanggapin ang mga salita ng Diyos, at ginagawa man siyang perpekto o isinasailalim sa pagpipino, ang mga salita ng Diyos ang mahalaga. Ito ang gawain ng Diyos, at ito rin ang pangitaing dapat malaman ng tao ngayon.

Hinango mula sa “Ang mga Nakakakilala Lamang sa Diyos ang Maaaring Magpatotoo sa Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan: Pagpasok sa Buhay 3

Sumunod: Pagpasok sa Buhay 5

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Kabanata 9

Sa imahinasyon ng mga tao, ang Diyos ay Diyos, at ang mga tao ay mga tao. Hindi nagsasalita ang Diyos ng wika ng tao, ni hindi kaya ng mga...

Kabanata 13

Nakatago sa loob ng Aking mga salita at pagbigkas ang ilan sa Aking mga layon, ngunit walang nalalaman at nauunawaan ang mga tao tungkol sa...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger