Pagpasok sa Buhay III

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 444

Paano dumarating ang isang tao sa pagkaunawa sa mga detalye ng espiritu? Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa tao? Paano gumagawa si Satanas sa tao? Paano gumagawa ang masasamang espiritu sa tao? Anu-ano ang mga pagpapamalas? Kapag may nangyayari sa iyo, ito ba ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at dapat mo ba itong sundin o tanggihan? Sa aktwal na pagsasagawa ng mga tao, maraming lumilitaw mula sa kalooban ng tao na palaging pinaniniwalaan ng mga tao na nagmumula sa Banal na Espiritu. Ang ilang bagay ay mula sa masasamang espiritu, ngunit iniisip pa rin ng mga tao na ang mga ito ay nagmula sa Banal na Espiritu, at may mga pagkakataon na ginagabayan ang mga tao ng Banal na Espiritu mula sa loob, ngunit natatakot ang mga tao na ang gayong paggabay ay nagmumula kay Satanas, kaya’t hindi sila nangangahas na sumunod, samantalang sa realidad ang paggabay na iyon ay ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu. Kaya, maliban na lang kung titingnan ng isang tao ang pagkakaiba, walang paraan na makaranas sa kanyang praktikal na karanasan; kung hindi titingnan ang pagkakaiba, walang paraan ng pagkakamit ng buhay. Paano gumagawa ang Banal na Espiritu? Paano gumagawa ang masasamang espiritu? Ano ang galing sa kalooban ng tao? At ano ang galing sa paggabay at kaliwanagan ng Banal na Espiritu? Kung nauunawaan mo ang mga pagpaparisan ng paggawa ng Banal na Espiritu sa loob ng tao, magagawa mong palaguin ang iyong kaalaman at makikita ang mga pagkakaiba sa iyong pang-araw-araw na buhay at sa panahon ng iyong praktikal na mga karanasan; makikilala mo ang Diyos, magagawa mong maunawaan at mahiwatigan si Satanas; hindi ka malilito sa iyong pagsunod o paghahabol, at ikaw ay magiging isang tao na ang mga iniisip ay malinaw, at siyang sumusunod sa gawain ng Banal na Espiritu.

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay isang uri ng maagap na paggabay at positibong kaliwanagan. Hindi nito pinahihintulutan ang mga tao na maging pasibo. Sila ay dinudulutan nito ng kaaliwan, binibigyan sila ng pananampalataya at katatagan, at binibigyang-kakayahan sila na hangaring na gawing perpekto ng Diyos. Kapag gumagawa ang Banal na Espiritu, nagagawa ng mga tao na aktibong pumasok; hindi sila pasibo o napipilitan, kundi kumikilos nang may sariling pagkukusa. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa, ang mga tao ay nagagalak at handa, nakahandang sumunod at masaya sa pagpapakumbaba. Bagama’t sila ay nasasaktan at marupok sa loob, mayroon silang katatagan na makipagtulungan, nagdurusa sila nang may kagalakan, nagagawa nilang sumunod, at sila ay walang bahid ng kalooban ng tao, walang bahid ng pag-iisip ng tao, at tiyak na walang bahid ng mga pagnanasa at mga motibasyon ng tao. Kapag nararanasan ng mga tao ang gawain ng Banal na Espiritu, sila ay lalo nang banal sa loob. Isinasabuhay niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu ang pag-ibig ng Diyos at ang pag-ibig ng kanilang mga kapatid; nagagalak sila sa mga bagay na ikinagagalak ng Diyos, at kinasusuklaman ang mga bagay na kinasusuklaman ng Diyos. Ang mga taong inaantig ng gawain ng Banal na Espiritu ay mayroong normal na pagkatao, at patuloy silang naghahangad sa katotohanan at nagtataglay ng pagkatao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng mga tao, ang kanilang kalagayan ay pabuti nang pabuti, at ang kanilang pagkatao ay lalong nagiging normal, at bagama’t ang ilan sa kanilang pakikipagtulungan ay maaaring hangal, ang kanilang mga motibasyon ay tama, ang kanilang pagpasok ay positibo, hindi nila tinatangkang makagambala, at walang masamang pag-iisip sa loob nila. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay normal at tunay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa tao alinsunod sa mga tuntunin ng normal na buhay ng tao, at nagsasakatuparan Siya ng kaliwanagan at paggabay sa loob ng mga tao alinsunod sa aktwal na paghahangad ng normal na mga tao. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa mga tao, ginagabayan at nililiwanagan Niya sila alinsunod sa mga pangangailangan ng normal na mga tao. Nagkakaloob Siya para sa kanila ayon sa kanilang mga pangangailangan, at positibo Niyang ginagabayan at nililiwanagan sila ayon sa kung ano ang wala sa kanila, at ayon sa kanilang mga kakulangan. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang liwanagan at gabayan ang mga tao sa tunay na buhay; kapag nararanasan lamang nila ang mga salita ng Diyos sa kanilang aktwal na buhay saka nila nagagawang makita ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung, sa kanilang pang-araw-araw na mga buhay, ang mga tao ay nasa isang positibong kalagayan at mayroong normal na espirituwal na buhay, tinataglay nila ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa gayong kalagayan, kapag kinakain nila at iniinom ang mga salita ng Diyos, mayroon silang pananampalataya; kapag sila ay nananalangin, sila ay inspirado; kapag mayroong nangyayari sa kanila, sila ay hindi pasibo; at habang nangyayari ang mga bagay-bagay, nagagawa nilang makita ang mga aral sa mga bagay na iyon na hinihingi sa kanila ng Diyos na matutuhan. Sila ay hindi pasibo o mahina, at bagama’t mayroon silang mga tunay na paghihirap, nakahanda silang sundin ang lahat ng pagsasaayos ng Diyos.

Anong mga epekto ang nakakamit ng gawain ng Banal na Espiritu? Maaaring ikaw ay hangal, at maaaring hindi ka nakakahiwatig, ngunit kailangan lamang gumawa ang Banal na Espiritu para magkaroon ka ng pananampalataya, at palagi mong madarama na hindi mo maiibig nang sapat ang Diyos. Magiging handa kang makipagtulungan, gaano man katindi ang mga paghihirap na darating. Ang mga bagay-bagay ay mangyayari sa iyo at hindi magiging malinaw sa iyo kung ang mga ito ay galing sa Diyos o mula kay Satanas, ngunit magagawa mong maghintay, at hindi ka magiging pasibo o walang-ingat. Ito ang normal na gawain ng Banal na Espiritu. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob mo, nakakaranas ka pa rin ng mga tunay na paghihirap: May mga pagkakataon na mapapaluha ka, at may mga pagkakataon na magkakaroon ng mga bagay na hindi mo kayang mapagtagumpayan, ngunit lahat ng ito ay isang yugto lamang ng karaniwang gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi mo napagtagumpayan ang mga paghihirap na iyon, at bagama’t, sa panahong iyon, ikaw ay mahina at puno ng reklamo, nagawa mo pa rin pagkatapos na ibigin ang Diyos nang may lubos na pananampalataya. Hindi ka mapipigilan ng iyong pagiging pasibo na magkaroon ng mga normal na karanasan, at anuman ang sinasabi ng ibang tao, at kung paano ka nila inaatake, nagagawa mo pa ring ibigin ang Diyos. Sa panahon ng pananalangin, palagi mong nadarama na sa nakalipas ay masyadong malaki ang pagkakautang mo sa Diyos, at ikaw ay nagpapasya na palugurin ang Diyos at talikdan ang laman tuwing nahaharap kang muli sa gayong mga bagay. Ipinakikita ng kalakasang ito na naroroon ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob mo. Ito ang normal na kalagayan ng gawain ng Banal na Espiritu.

Anong gawain ang nagmumula kay Satanas? Sa gawain na nagmumula kay Satanas, ang mga pangitain sa loob ng mga tao ay malabo; ang mga tao ay walang normal na pagkatao, ang mga motibasyon sa likod ng kanilang mga pagkilos ay mali, at bagama’t nais nilang ibigin ang Diyos, palaging mayroong mga pagbibintang sa loob nila, at ang mga pagbibintang at mga saloobing ito ay nagsasanhi ng patuloy na panghihimasok sa loob nila, pinipigilan ang paglago ng kanilang buhay at pinahihinto sila sa pagharap sa Diyos sa normal na kalagayan. Na ang ibig sabihin, sa sandaling ang gawain ni Satanas ay nasa loob ng mga tao, ang kanilang mga puso ay hindi kayang maging panatag sa harap ng Diyos. Hindi alam ng gayong mga tao kung ano ang gagawin sa kanilang mga sarili—kapag nakakakita sila ng mga taong sama-samang nagtitipon, nais nilang tumakbo palayo, at hindi nila nagagawang ipikit ang kanilang mga mata kapag nananalangin ang iba. Sinisira ng gawain ng masasamang espiritu ang normal na ugnayan sa pagitan ng tao at ng Diyos, at ginugulo ang dating mga pangitain ng mga tao o ang kanilang dating landas ng pagpasok sa buhay; sa kanilang mga puso hindi nila kailanman kayang mapalapit sa Diyos, at palaging nangyayari ang mga bagay-bagay na nagdudulot ng paggambala sa kanila at gumagapos sa kanila. Ang kanilang mga puso ay hindi kayang makasumpong ng kapayapaan at sila’y iniiwan na walang lakas na ibigin ang Diyos at ang kanilang mga espiritu’y lumulubog. Ganoon ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas. Ang mga pagpapamalas ng gawain ni Satanas ay ang mga sumusunod: hindi kayang manindigan at tumayong saksi, na nagiging sanhi upang ikaw ay maging isang tao na may mali sa harap ng Diyos at yaong walang katapatan sa Diyos. Kapag nanghihimasok si Satanas, naiwawala mo ang pag-ibig at katapatan sa Diyos sa loob mo, ikaw ay tinatanggalan ng isang normal na kaugnayan sa Diyos, hindi mo hinahangad ang katotohanan o ang pag-unlad ng sarili mo; ikaw ay umuurong at nagiging pasibo, nagpapasasa ka, hinahayaan mo ang malayang paglaganap ng kasalanan at hindi namumuhi sa kasalanan; higit pa roon, ginagawa kang napakasama ng panghihimasok ni Satanas; nagiging sanhi ito upang ang pag-antig ng Diyos ay maglaho sa loob mo at itinutulak ka nitong magreklamo tungkol sa Diyos at kalabanin Siya, na umaakay sa iyong mag-alinlangan sa Diyos; mayroon pang panganib na tatalikuran mo ang Diyos. Ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 445

Kapag mayroong nangyayari sa iyo sa iyong pang-araw-araw na buhay, paano mo dapat alamin kung ito ay mula sa gawain ng Banal na Espiritu o mula sa gawain ni Satanas? Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay normal, ang kanilang mga espirituwal na buhay at ang kanilang mga buhay sa laman ay normal, at ang kanilang katwiran ay normal at maayos. Kapag sila ay nasa ganitong kalagayan, ang kanilang nararanasan at nalalaman sa loob ng kanilang mga sarili ay masasabi sa pangkalahatan na nagmumula sa pagiging naantig ng Banal na Espiritu (ang pagkakaroon ng mga kabatiran o pagtataglay ng mababaw na kaalaman kapag kinakain at iniinom nila ang mga salita ng Diyos, o pagiging tapat sa ilang bagay, o pagkakaroon ng lakas upang ibigin ang Diyos sa ilang bagay—ang lahat ng ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu). Ang gawain ng Banal na Espiritu sa tao ay natatanging normal; ang tao ay walang kakayahan na madama ito, at tila nakikita sa pamamagitan ng tao mismo, bagaman ito sa katunayan ay gawain ng Banal na Espiritu. Sa pang-araw-araw na buhay, ang Banal na Espiritu ay gumagawa kapwa ng malaki at ng maliit na gawain sa bawat isa, at ang lawak lamang ng gawaing ito ang nagkakaiba. Ang ilang tao ay may mahusay na kakayahan, at nauunawaan nila ang mga bagay-bagay nang mabilis, at ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang matindi sa loob nila. Samantala, ang ilang tao ay may mahinang kakayahan, at mas matagal bago nila maunawaan ang mga bagay-bagay, ngunit inaantig sila ng Banal na Espiritu sa loob at nagagawa rin nila na maging tapat sa Diyos—ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa lahat ng taong naghahangad sa Diyos. Kapag, sa pang-araw-araw na buhay, hindi kinakalaban ng mga tao ang Diyos o naghihimagsik laban sa Diyos, hindi gumagawa ng mga bagay na salungat sa pamamahala ng Diyos at hindi nanghihimasok sa gawain ng Diyos, sa bawat isa sa kanila ang Espiritu ng Diyos ay gumagawa sa mas malaki o mas maliit na saklaw; inaantig Niya sila, nililiwanagan sila, binibigyan sila ng pananampalataya, binibigyan sila ng lakas, at pinakikilos sila upang mas maagap na pumasok, hindi maging tamad o mag-imbot sa mga kasiyahan ng laman, maging handang magsagawa ng katotohanan, at nananabik para sa mga salita ng Diyos. Lahat ng ito ay gawain na nagmumula sa Banal na Espiritu.

Kapag ang kalagayan ng mga tao ay hindi normal, sila ay tinatalikdan ng Banal na Espiritu; sa kanilang mga isipan sila ay malamang na magreklamo, ang kanilang mga motibasyon ay mali, sila ay tamad, nagpapasasa sila sa laman, at ang kanilang mga puso ay naghihimagsik laban sa katotohanan. Lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas. Kapag ang mga kalagayan ng mga tao ay hindi normal, kapag sila ay madilim sa loob at naiwala na ang kanilang normal na katwiran, napabayaan na ng Banal na Espiritu, at hindi nararamdaman ang Diyos sa loob ng kanilang mga sarili, ito ay kung kailan gumagawa si Satanas sa loob nila. Kung ang mga tao ay palaging mayroong lakas sa loob nila at palaging minamahal ang Diyos, sa pangkalahatan, kapag may mga nangyayari sa kanila, ang mga iyon ay mula sa Banal na Espiritu, at sinumang makatagpo nila, ang pagtatagpo ay ang resulta ng pagsasaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, kapag ikaw ay nasa isang normal na kalagayan, kapag ikaw ay nasa loob ng dakilang gawain ng Banal na Espiritu, imposible para kay Satanas na gawin kang nag-aalinlangan. Sa saligang ito, masasabi na ang lahat ay nagmumula sa Banal na Espiritu, at bagama’t maaaring mayroon kang hindi tamang mga iniisip, nagagawa mong itakwil ang mga ito at hindi mo sinusunod ang mga ito. Lahat ng ito ay nagmumula sa gawain ng Banal na Espiritu. Sa anong mga sitwasyon nanghihimasok si Satanas? Madali para kay Satanas na gumawa sa loob mo kapag ang iyong mga kalagayan ay hindi normal, kapag ikaw ay hindi pa naaantig ng Diyos at walang paggawa ng Diyos, kapag ikaw ay tuyo at tigang sa loob, kapag ikaw ay nananalangin sa Diyos ngunit walang natatarok na anuman, at kapag kinakain at iniinom mo ang mga salita ng Diyos ngunit hindi naliliwanagan o napapalinaw. Sa ibang pananalita, kapag ikaw ay iniwan na ng Banal na Espiritu at hindi mo nararamdaman ang Diyos, nangyayari sa iyo ang maraming bagay na nagmumula sa tukso ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, si Satanas ay kasabay ring gumagawa. Inaantig ng Banal na Espiritu ang loob ng tao, habang kasabay na nanghihimasok si Satanas sa tao. Gayunpaman, ang gawain ng Banal na Espiritu ang nangunguna, at ang mga tao na normal ang mga kalagayan ay nakapagtatagumpay; ito ang tagumpay ng gawain ng Banal na Espiritu laban sa gawain ni Satanas. Habang gumagawa ang Banal na Espiritu, naroon pa rin ang tiwaling disposisyon sa loob ng mga tao; gayunpaman, sa panahon ng gawain ng Banal na Espiritu, madali para sa mga tao na tuklasin at kilalanin ang kanilang pagkamapanghimagsik, mga motibasyon, at mga karumihan. Saka pa lamang nakakaramdam ang mga tao ng pagsisisi at nagiging handang magsisi. Sa gayon, ang kanilang mapanghimagsik at tiwaling mga disposisyon ay unti-unting naitatakwil sa loob ng gawain ng Diyos. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal; habang Siya ay gumagawa sa mga tao, mayroon pa rin silang mga suliranin, lumuluha pa rin sila, nagdurusa pa rin sila, mahihina pa rin sila, at marami pa rin ang hindi malinaw sa kanila, ngunit sa ganitong kalagayan nagagawa nilang pigilan ang kanilang mga sarili na dumausdos pabalik, at naiibig nila ang Diyos, at bagama’t lumuluha sila at nababalisa sa loob, nagagawa pa rin nilang purihin ang Diyos; ang gawain ng Banal na Espiritu ay natatanging normal, at kahit katiting ay hindi higit sa natural. Karamihan sa mga tao ay naniniwala na, sa sandaling magsimulang gumawa ang Banal na Espiritu, ang mga pagbabago ay mangyayari sa kalagayan ng mga tao at ang mahahalagang bagay sa kanila ay tinatanggal. Ang gayong mga paniniwala ay may kamalian. Kapag ang Banal na Espiritu ay gumagawa sa loob ng tao, ang mga pasibong bagay ng tao ay naroroon pa rin at ang kanyang tayog ay nananatiling gaya nang dati, ngunit nakakamit niya ang pagpapalinaw at kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at kaya ang kanyang kalagayan ay nagiging mas maagap, ang mga kalagayan sa loob niya ay nagiging normal, at nagbabago siya nang mabilis. Sa mga tunay na karanasan ng mga tao, pangunahin nilang nararanasan ang gawain ng Banal na Espiritu o ni Satanas, at kung hindi nila kayang tarukin ang mga kalagayang ito at hindi inaalam ang pagkakaiba, ang pagpasok sa mga tunay na karanasan ay hindi maaari, lalo pa ang mga pagbabago sa disposisyon. Kaya, ang susi sa pagdanas sa gawain ng Diyos ay ang magawang makilatis ang gayong mga bagay; sa ganitong paraan, mas magiging madali para sa kanila na danasin ito.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 446

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay pinahihintulutan ang mga tao na makagawa ng positibong pagsulong, samantalang ang gawain ni Satanas ay ginagawa silang negatibo at umuurong, naghihimagsik sa Diyos at nilalabanan Siya, nawawalan ng pananampalataya sa Kanya, at nagiging mahina sa pagganap sa kanilang tungkulin. Lahat ng nagmumula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu ay talagang likas; hindi ito ipinipilit sa iyo. Kung magpapasakop ka rito, magkakaroon ka ng kapayapaan; kung hindi, pupunahin ka pagkatapos. Kapag mayroong kaliwanagan ng Banal na Espiritu, walang anuman sa ginagawa mo ang panghihimasukan o pipigilan; ikaw ay palalayain, magkakaroon ng isang landas sa pagsasagawa sa iyong mga pagkilos, at hindi ka mapapasailalim sa anumang mga pagbabawal, kundi magagawang kumilos ayon sa kalooban ng Diyos. Ang gawain ni Satanas ay nagsasanhi sa iyo ng panghihimasok sa maraming bagay; inaalisan ka nito ng ganang manalangin, ginagawa kang masyadong tamad para kainin at inumin ang mga salita ng Diyos, at walang kagustuhang isabuhay ang buhay ng iglesia, at ihinihiwalay ka nito mula sa espirituwal na buhay. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay hindi nanghihimasok sa iyong pang-araw-araw na buhay at hindi nanghihimasok sa iyong pagpasok sa isang normal na espirituwal na buhay. Hindi mo kayang mahiwatigan ang maraming bagay sa mismong sandaling nangyayari ang mga ito, gayunman, pagkalipas ng ilang araw, mas lumiliwanag ang puso mo at mas lumilinaw ang isipan mo. Nagkakaroon ka ng kaunting pagkaunawa sa mga bagay tungkol sa espiritu, at unti-unti ay nakakaya mong mahiwatigan kung ang isang kaisipan ay nagmumula sa Diyos o mula kay Satanas. Ang ilang bagay ay malinaw na gumagawa sa iyo na tutulan ang Diyos at maghimagsik laban sa Diyos, o pigilin ka mula sa pagsasagawa ng mga salita ng Diyos; ang mga bagay na ito ay mula lahat kay Satanas. Ang ilang bagay ay hindi kitang-kita, at hindi mo masasabi kung ano ang mga ito sa sandaling iyon; pagkatapos, makikita mo ang kanilang mga palatandaan at pagkatapos ay magsasagawa ng paghiwatig. Kung nahihiwatigan mo nang malinaw kung alin ang mga bagay na mula kay Satanas at alin ang pinapatnubayan ng Banal na Espiritu, hindi ka kaagad-agad maililigaw sa iyong mga karanasan. May mga pagkakataon, kapag hindi mabuti ang iyong kalagayan, na mayroon kang partikular na mga iniisip na nag-aalis sa iyo sa iyong pasibong kalagayan. Ipinakikita nito na kahit na ang iyong kalagayan ay hindi kaaya-aya, ang ilan sa iyong mga iniisip ay maaari pa ring manggaling sa Banal na Espiritu. Hindi ito ang kaso na kapag ikaw ay pasibo, ang lahat ng iyong mga iniisip ay ipinadadala ni Satanas; kung iyan ay totoo, kailan mo magagawang lumipat sa isang positibong kalagayan? Dahil pasibo ka sa loob ng ilang panahon, binibigyan ka ng pagkakataon ng Banal na Espiritu na magawang perpekto; inaantig ka Niya, inaalis ka sa iyong pasibong kalagayan, at pumapasok ka sa isang normal na kalagayan.

Dahil nalalaman mo kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang gawain ni Satanas, kaya mong ihambing ang mga ito sa iyong sariling kalagayan sa panahon ng iyong mga karanasan, at sa iyong sariling mga karanasan, at sa ganitong paraan magkakaroon ng higit na marami pang katotohanan na may kaugnayan sa prinsipyo sa iyong mga karanasan. Dahil naunawaan mo na ang mga katotohanang ito tungkol sa prinsipyo, magagawa mong mapamahalaan ang iyong aktwal na kalagayan, magagawa mong makita ang pagkakaiba ng mga tao at ng mga pangyayari, at hindi mo kakailanganing gumugol ng napakatinding pagsisikap para makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, iyon ay hangga’t ang iyong mga motibasyon ay tama, at hangga’t ikaw ay nakahandang maghanap at magsagawa. Ang wika na gaya nito—wika na nauugnay sa mga prinsipyo—ay dapat maitampok sa iyong mga karanasan. Kung wala ito, ang iyong mga karanasan ay mapupuno ng panghihimasok ni Satanas at ng hangal na kaalaman. Kung hindi mo nauunawaan kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu, hindi mo nauunawaan kung paano magdasal sa Diyos o kung paano ka dapat pumasok, at kung hindi mo nauunawaan kung paano kumikilos si Satanas para linlangin at hadlangan ang mga tao, hindi mo nalalaman kung paano tatanggihan si Satanas at maninindigan sa iyong patotoo. Kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu at kung paano kumikilos si Satanas ay mga bagay na dapat maunawaan ng mga tao, at mga bagay ito na dapat maranasan sa pananalig ng mga tao sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Gawain ng Banal na Espiritu at ang Gawain ni Satanas

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 447

Anong mga aspeto ang kabilang sa normal na pagkatao? Kabatiran, pakiramdam, konsiyensya, at pag-uugali. Kung maaari kang magkamit ng normalidad sa bawat isa sa mga aspetong ito, magiging katanggap-tanggap ang iyong pagkatao. Dapat kang maging kawangis ng isang normal na tao, at dapat kang maging kamukha ng isang nananampalataya sa Diyos. Hindi mo kailangang gumawa ng napakarami, o makibahagi sa diplomasya; kailangan mo lamang maging isang normal na tao, na may pakiramdam ng isang normal na tao, para maunawaan ang mga bagay-bagay, at makamukha man lamang ng isang normal na tao. Sapat na iyon. Lahat ng kinakailangan sa iyo ngayon ay naaayon sa iyong mga kakayahan; hindi ito pagtatangkang padapuin ang isang pato sa isang dapuan. Walang mga salita o gawaing walang kabuluhan na isasagawa sa iyo. Lahat ng kapangitang ipinahayag o ibinunyag sa iyong buhay ay kailangang maalis. Nagawa kayong tiwali ni Satanas at umaapaw sa inyo ang lason ni Satanas. Ang tanging hinihiling sa iyo ay alisin ang tiwali at napakasamang disposisyong ito. Hindi ka hinihilingang maging isang taong may mataas na ranggo, o isang sikat o dakilang tao. Walang kabuluhan iyan. Ang gawaing ginawa sa inyo ay isinasaalang-alang ang likas sa inyo. Ang hinihingi Ko sa mga tao ay itinatakda ng mga hangganan. Kung nagsasagawa ka sa paraan at tono ng pagsasalita ng mga intelektuwal, hindi ito mangyayari; hindi mo ito magagawa. Ayon sa inyong kakayahan, dapat ay magawa man lamang ninyong magsalita nang may karunungan at maingat at ipaliwanag ang mga bagay-bagay nang malinaw at nauunawaan. Iyon lamang ang kailangan para makatugon sa mga kinakailangan. Kung, kahit paano, magtamo kayo ng kabatiran at pakiramdam, puwede na iyan. Ang pinakamahalaga ngayon mismo ay itakwil ang iyong tiwali at napakasamang disposisyon. Kailangan mong itakwil ang kapangitang nakikita sa iyo. Paano ka magsasalita tungkol sa pinakadakilang pakiramdam at pinakadakilang kabatiran, kung hindi mo itatakwil ang mga ito? Maraming tao, nang makita na nagbago na ang kapanahunan, ang walang anumang kapakumbabaan o pasensya, at baka wala rin silang anumang pagmamahal o kagandahang-asal ng isang banal. Kakatwa ang ganitong mga tao! Mayroon man lamang ba silang kahit katiting na normal na pagkatao? Mayroon ba silang anumang patotoong maibabahagi? Lubos silang walang kabatiran o pakiramdam. Mangyari pa, kailangang itama ang ilang aspeto ng pagsasagawa ng mga tao na lihis at mali; ang dati nilang mahigpit na espirituwal na buhay at hindi kanais-nais na anyo, halimbawa—lahat ng ito ay kailangang baguhin. Ang pagbabago ay hindi nangangahulugan na hahayaan kang magpakasama o magpasasa sa laman, na sinasabi ang anumang naisin mo. Hindi ka dapat magsalita nang basta-basta. Ang magkaroon ng pananalita at tikas ng isang normal na tao ay ang magsalita nang may pagkakaugnay-ugnay, na sinasabing “oo” kapag “oo” ang ibig mong sabihin, at “hindi” kapag “hindi” ang ibig mong sabihin. Sabihin ang totoo at magsalita nang angkop. Huwag manloko, huwag magsinungaling. Kailangang maunawaan ang mga limitasyong maaaring maabot ng isang normal na tao tungkol sa pagbabago ng disposisyon. Kung hindi, hindi ka makakapasok sa realidad.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagpapataas ng Antas ng Kakayahan ay Alang-alang sa Pagtanggap ng Pagliligtas ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 448

Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ay, sa totoo lang, ang pagsasakatuparan ng lahat ng likas sa kalooban ng tao, na ibig sabihin ay, yaong posible para sa tao. Noon lamang natutupad ang kanyang tungkulin. Ang mga depekto ng tao sa kanyang paglilingkod ay unti-unting nababawasan sa pamamagitan ng umuunlad na karanasan at ng proseso ng pagpapailalim niya sa paghatol; hindi ito nakapipigil o nakakaapekto sa tungkulin ng tao. Yaong mga tumitigil sa paglilingkod o sumusuko at umuurong dahil sa takot na maaaring may mga sagabal sa kanilang paglilingkod ang pinakamatinding karuwagan sa lahat. Kung hindi kayang ipahayag ng mga tao ang nararapat nilang ipahayag habang naglilingkod o makamit kung ano ang likas na posible para sa kanila, at sa halip ay nagbibiru-biruan at gumagawa lamang para matapos na, naiwala na nila ang tungkuling dapat taglayin ng isang nilalang. Ang gayong mga tao ay kilala bilang “mga walang-kabuluhan”; sila ay mga walang-silbing yagit. Paano matatawag nang wasto na mga nilalang ang gayong mga tao? Hindi ba mga tiwali silang nilalang na maningning sa labas ngunit bulok sa loob? Kung tinatawag ng isang tao ang kanyang sarili na Diyos subalit hindi niya magawang ipahayag ang katauhan ng pagka-Diyos, gawin ang gawain ng Diyos Mismo, o katawanin ang Diyos, walang-dudang hindi siya Diyos, sapagkat wala siyang diwa ng Diyos, at yaong likas na nakakamit ng Diyos ay hindi umiiral sa kanyang kalooban. Kung mawala sa tao ang likas na makakamit niya, hindi na siya maituturing na tao, at hindi siya karapat-dapat na tumayo bilang isang nilalang o humarap sa Diyos at paglingkuran Siya. Bukod pa riyan, hindi siya karapat-dapat na tumanggap ng biyaya ng Diyos o mabantayan, maprotektahan, at magawang perpekto ng Diyos. Maraming hindi na pinagtiwalaan ng Diyos ang tuluyan nang nawalan ng biyaya ng Diyos. Hindi lamang nila hindi kinasusuklaman ang kanilang mga pagkakamali, kundi tahasan nilang ipinalalaganap ang ideya na ang daan ng Diyos ay mali, at yaong mga suwail ay ikinakaila pa ang pag-iral ng Diyos. Paano magkakaroon ng karapatan ang gayong mga tao, na nagtataglay ng gayong pagkasuwail, na matamasa ang biyaya ng Diyos? Yaong mga hindi gumagawa ng kanilang tungkulin ay napakasuwail sa Diyos, at malaki ang pagkakautang sa Kanya, subalit tumatalikod sila at ipinangangalandakan na mali ang Diyos. Paano magiging karapat-dapat ang gayong uri ng tao na magawang perpekto? Hindi ba sa kanila magsisimula ang pag-aalis at pagpaparusa? Ang mga taong hindi gumagawa ng kanilang tungkulin sa harap ng Diyos ay nagkasala na ng pinaka-kahindik-hindik na krimen, kung saan kahit kamatayan ay hindi sapat na kaparusahan, subalit may gana pa silang makipagtalo sa Diyos at makipagtagisan sa Kanya. Ano ang halaga ng gawing perpekto ang gayong mga tao? Kung nabibigo ang mga tao na tuparin ang kanilang tungkulin, dapat silang surutin ng kanilang budhi at makadama ng pagkakautang; dapat nilang kasuklaman ang kanilang kahinaan at kawalang-silbi, ang kanilang pagkasuwail at pagkatiwali, at bukod pa riyan, dapat nilang ibigay ang kanilang buhay sa Diyos. Saka lamang sila magiging mga nilalang na tunay na nagmamahal sa Diyos, at ang gayong mga tao lamang ang karapat-dapat na magtamasa ng mga pagpapala at pangako ng Diyos, at magawa Niyang perpekto. At paano naman ang nakararami sa inyo? Paano ninyo tinatrato ang Diyos na namumuhay sa piling ninyo? Paano ninyo nagampanan ang inyong tungkulin sa Kanyang harapan? Nagawa ba ninyo ang lahat ng ipinagawa sa inyo, kahit na ang kapalit nito ay ang sarili ninyong buhay? Ano ang inyong naisakripisyo? Hindi ba marami kayong natanggap mula sa Akin? Nakakahiwatig ba kayo? Gaano kayo katapat sa Akin? Paano ninyo Ako napaglingkuran? At paano na ang lahat ng Aking naipagkaloob sa inyo at nagawa para sa inyo? Nasuri na ba ninyo ang lahat ng ito? Nahusgahan na ba ninyong lahat at naikumpara ito sa kakatiting na konsensya sa inyong kalooban? Sino ang magiging karapat-dapat sa inyong mga salita at pagkilos? Karapat-dapat kaya ang napakaliit na sakripisyo ninyo sa lahat ng Aking naipagkaloob sa inyo? Wala Akong ibang magagawa at buong-puso na Akong naging tapat sa inyo, subalit nagkikimkim kayo ng masasamang layon at wala kayong interes sa Akin. Iyan ang lawak ng inyong tungkulin, ng inyong tanging tungkulin. Hindi ba ganito? Hindi ba ninyo alam na lubos kayong bigong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang? Paano kayo maituturing bilang isang nilalang? Hindi ba malinaw sa inyo ang inyong ipinapahayag at isinasabuhay? Nabigo kayong tuparin ang inyong tungkulin, ngunit hinahangad ninyong matamo ang pagpaparaya at saganang biyaya ng Diyos. Ang gayong biyaya ay hindi naihanda para sa mga walang-silbi at hamak na katulad ninyo, kundi para sa mga yaong walang hinihinging kapalit at malugod na nagsasakripisyo. Ang mga taong katulad ninyo, na mga walang kabuluhan, ay lubos na hindi karapat-dapat na matamasa ang biyaya ng langit. Hirap at walang-katapusang kaparusahan lamang ang makakasama ninyo sa araw-araw! Kung hindi ninyo kayang maging tapat sa Akin, ang inyong kapalaran ay magiging isang pagdurusa. Kung hindi ninyo kayang managot sa Aking mga salita at Aking gawain, ang kahihinatnan ninyo ay isang kaparusahan. Lahat ng biyaya, pagpapala, at kamangha-manghang buhay sa kaharian ay hindi magkakaroon ng kinalaman sa inyo. Ito ang katapusang nararapat na mapasainyo at ang bunga ng inyong sariling kagagawan!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 449

Hindi lamang hindi sinisikap ng mga mangmang at mayayabang ang kanilang makakaya, ni hindi nila ginagampanan ang kanilang tungkulin, nakalahad pa ang kanilang mga palad para sa biyaya, na para bang karapat-dapat sila sa kanilang hinihingi. At kung bigo silang matamo ang kanilang hinihingi, lalo pa silang nagiging hindi matapat. Paano maituturing na makatwiran ang gayong mga tao? Mahina ang inyong kakayahan at wala kayong katwiran, ganap kayong walang kakayahang tuparin ang tungkuling dapat ninyong gawin sa gawain ng pamamahala. Bumaba na ang inyong kahalagahan. Ang kabiguan ninyong suklian Ako sa pagpapakita sa inyo ng gayong biyaya ay isa nang pagpapakita ng sukdulang pagkasuwail, na sapat upang kayo ay isumpa at nagpapamalas ng inyong karuwagan, kawalan ng kakayahan, kababaan, at pagiging hindi karapat-dapat. Paano kayo nagkaroon ng karapatang patuloy na ilahad ang inyong mga kamay? Ang inyong mga pagkakamali at kabiguan ay hindi kayo makatulong ni katiting sa Aking gawain, hindi ninyo kayang maging matapat, at hindi kayo makatayong saksi para sa Akin, kundi sa halip ay tinutuligsa ninyo Ako, nagkakalat kayo ng mga kasinungalingan tungkol sa Akin, at nagrereklamo kayo na hindi Ako matuwid. Ito ba ang bumubuo sa inyong katapatan? Ito ba ang bumubuo sa inyong pagmamahal? Ano ang iba pang gawaing magagawa ninyo na higit kaysa rito? Paano kayo nakatulong sa lahat ng gawaing nagawa? Gaano kalaki ang inyong nagugol? Nagpakita na Ako ng malaking pagpaparaya dahil hindi Ko kayo sinisisi, subalit patuloy pa rin kayong hindi nahihiyang mangatwiran sa Akin at magreklamo tungkol sa Akin nang lihim. Mayroon ba kayong kahit katiting na bahid ng pagkamakatao? Bagama’t ang tungkulin ng tao ay nababahiran ng pag-iisip ng tao at ng kanyang mga kuru-kuro, kailangan mong gawin ang iyong tungkulin at ipakita ang iyong katapatan. Ang mga karumihan sa gawain ng tao ay isang isyu ng kanyang kakayahan, samantalang, kung hindi ginagawa ng tao ang kanyang tungkulin, nagpapakita ito ng kanyang pagkasuwail. Walang kaugnayan sa pagitan ng tungkulin ng tao at kung siya ay pinagpala o isinumpa. Ang tungkulin ay kung ano ang nararapat tuparin ng tao; ito ang tungkuling bigay sa kanya ng langit, at hindi dapat umasa sa gantimpala, mga kondisyon, o mga dahilan. Saka lamang niya nagagawa ang kanyang tungkulin. Ang mapagpala ay kapag ang isang tao ay nagawang perpekto at nagtatamasa ng mga biyaya ng Diyos matapos magdanas ng paghatol. Ang maisumpa ay kapag ang disposisyon ng isang tao ay hindi nagbabago matapos silang magdanas ng pagkastigo at paghatol, iyon ay kapag hindi pa sila nagawang perpekto kundi pinarusahan. Ngunit napagpala man sila o naisumpa, dapat tuparin ng mga nilalang ang kanilang tungkulin, gawin ang dapat nilang gawin, at gawin ang kaya nilang gawin; ito ang pinakamaliit na bagay na dapat gawin ng isang tao, isang taong naghahanap sa Diyos. Hindi mo dapat gawin ang iyong tungkulin para lamang mapagpala, at hindi ka dapat tumangging kumilos dahil sa takot na maisumpa. Sasabihin Ko sa inyo ang isang bagay na ito: Ang pagganap ng tao sa kanyang tungkulin ang dapat niyang gawin, at kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin, ito ang kanyang pagkasuwail. Sa pamamagitan ng proseso ng paggawa ng kanyang tungkulin unti-unting nagbabago ang tao, at sa pamamagitan ng prosesong ito niya ipinamamalas ang kanyang katapatan. Sa gayon, kapag mas nagagawa mo ang iyong tungkulin, mas maraming katotohanan kang matatanggap, at magiging mas totoo ang iyong pagpapahayag. Yaong mga gumagawa para matapos na lamang ang kanilang tungkulin at hindi hinahanap ang katotohanan ay aalisin sa bandang huli, sapagkat ang gayong mga tao ay hindi ginagawa ang kanilang tungkulin sa pagsasagawa ng katotohanan, at hindi isinasagawa ang katotohanan sa pagtupad ng kanilang tungkulin. Sila yaong mga nananatiling hindi nagbabago at isusumpa. Hindi lamang marumi ang kanilang mga pagpapahayag, kundi masama ang lahat ng kanilang ipinapahayag.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Ministeryo ng Diyos na Nagkatawang-tao at ng Tungkulin ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 450

Kung wala kang kaalaman tungkol sa gawain ng Diyos, hindi mo malalaman kung paano makipagtulungan sa Diyos. Kung hindi mo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Diyos, at wala kang kamalayan kung paano gumagawa si Satanas sa tao, hindi ka magkakaroon ng landas para magsagawa. Hindi ka tutulutan ng masigasig na paghahangad lamang na makamit ang mga resultang hinihingi ng Diyos. Ang gayong paraan ng pagdanas ay katulad ng kay Lawrence: hindi gumagawa ng anumang mga pagtatangi at nagtutuon lamang sa karanasan, lubos na walang kamalayan kung ano ang gawain ni Satanas, kung ano ang gawain ng Banal na Espiritu, kung ano ang kalagayan ng tao nang walang presensya ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang gustong gawing perpekto ng Diyos. Anong mga prinsipyo ang dapat tanggapin kapag nakikitungo sa iba’t ibang uri ng mga tao, paano maunawaan ang kalooban ng Diyos sa kasalukuyan, paano malaman ang disposisyon ng Diyos, at kanino, anong mga sitwasyon, at saang kapanahunan nakadirekta ang habag, kamahalan, at katuwiran ng Diyos—wala siyang pagkaunawa sa anuman sa mga ito. Kung hindi marami ang pangitain ng mga tao bilang pundasyon para sa kanilang mga karanasan, hindi na kailangang pag-usapan ang buhay, at lalo na ang karanasan; maaaring buong kahangalang patuloy nilang harapin at tiisin ang lahat ng bagay. Napakahirap na gawing perpekto ang gayong mga tao. Masasabi na kung wala kang anuman sa mga pangitaing binabanggit sa itaas, sapat nang katibayan iyan na isa kang hangal, para kang isang haligi ng asin na palaging nakatayo sa Israel. Ang gayong mga tao ay walang silbi, walang kuwenta! Ang ilang tao ay pikit-matang nagpapasakop lamang palagi, kilala nila palagi ang kanilang sarili at lagi nilang ginagamit ang sarili nilang mga paraan ng pagkilos kapag nakikitungo sa mga bagong bagay, o gumagamit sila ng “karunungan” upang harapin ang maliliit na bagay na hindi na kailangang banggitin pa. Ang gayong mga tao ay walang pang-unawa, at parang likas sa kanila ang isuko ang kanilang sarili sa pagpapahirap, at gayon sila palagi; hindi sila nagbabago kailanman. Ang ganitong mga tao ay mga hangal na wala ni katiting na pang-unawa. Hindi nila sinusubukan kailanman na gumawa ng mga hakbang na angkop sa mga sitwasyon o sa iba’t ibang tao. Ang gayong mga tao ay walang karanasan. Nakakita na Ako ng ilang tao na lubhang nakatali sa pagkakilala nila tungkol sa kanilang sarili na kapag naharap sa mga taong nakukubabawan ng masasamang espiritu, nagyuyuko sila ng ulo at umaamin sa kanilang mga kasalanan, na hindi nangangahas na tumayo at isumpa ang mga ito. At kapag naharap sa malinaw na gawain ng Banal na Espiritu, hindi sila nangangahas na sumunod. Naniniwala sila na ang masasamang espiritu ay nasa mga kamay rin ng Diyos, at wala ni katiting na lakas ng loob na tumayo at labanan ang mga ito. Ang gayong mga tao ay nagdadala ng kahihiyan sa Diyos, at lubos na walang kakayahang magdala ng mabigat na pasanin para sa Kanya. Ang mga hangal na iyon ay hindi gumagawa ng anumang mga pagtatangi. Ang gayong paraan ng pagdanas, samakatuwid, ay dapat iwaksi, sapagkat hindi ito katanggap-tanggap sa mga mata ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Karanasan

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 451

Sa kasalukuyang daloy, lahat niyaong mga tunay na nagmamahal sa Diyos ay may pagkakataon na magawa Niyang perpekto. Maging sila man ay bata o matanda, basta’t pinananatili nila sa kanilang puso ang pagsunod sa Diyos at paggalang sa Kanya, sila ay kaya Niyang gawing perpekto. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao ayon sa kanilang iba’t ibang mga tungkulin. Basta’t ginugugol mo ang lahat ng iyong kalakasan at nagpapasakop sa gawain ng Diyos, ikaw ay magagawa Niyang perpekto. Sa kasalukuyan wala sa inyong perpekto. Kung minsan nagagampanan ninyo ang isang uri ng tungkulin, at sa ibang pagkakataon nagagampanan ninyo ang dalawa. Hangga’t ginagawa ninyo ang lahat ng inyong makakaya upang gugulin ang inyong sarili para sa Diyos, sa kahuli-hulihan kayo ay mapeperpekto ng Diyos.

Ang mga kabataan ay may kakaunting pilosopiya para mabuhay, at sila ay kulang sa karunungan at kabatiran. Ang Diyos ay dumating upang gawing perpekto ang karunungan at kabatiran ng tao. Ang salita Niya ay nagpupuno sa kanilang mga kakulangan. Gayunpaman, ang mga disposisyon ng kabataan ay hindi matatag, at dapat mapabagong-anyo ng Diyos. Ang mga kabataan ay may mas kaunting mga relihiyosong kuru-kuro at mas kaunting pilosopiya para mabuhay; sila ay nag-iisip tungkol sa lahat ng bagay sa mga simpleng termino, at ang kanilang mga pagmumuni-muni ay hindi kumplikado. Ito ang bahagi ng kanilang pagkatao na hindi pa nahubog, at ito ay isang kapuri-puring bahagi; subali’t ang kabataan ay ignorante at kulang sa karunungan. Ito ay isang bagay na kailangang maperpekto ng Diyos. Ang pagperpekto ng Diyos ay magbibigay-kakayahan sa inyo na mapaunlad ang pagkilatis. Makakaya ninyong malinaw na maunawaan ang maraming espirituwal na bagay, at unti-unting maging isang taong nababagay para gamitin ng Diyos. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae ay mayroon ding kanilang tungkulin na gagampanan, at sila ay hindi iniiwan ng Diyos. Ang mas matatandang kapatid na lalaki at babae rin ay may mga kapwa kanais-nais at mga hindi-kanais-nais na aspeto. Sila ay may mas maraming pilosopiya para mabuhay at may mas maraming relihiyosong kuru-kuro. Sa kanilang mga kilos, sila ay kumakapit sa maraming mahigpit na kinasanayan, bilang mahihilig sa mga alituntunin na inilalapat nila nang mekanikal at walang kaluwagan. Ito ay hindi isang kanais-nais na aspeto. Gayunpaman, itong mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay nananatiling kalmado at matatag anuman ang nangyayari; ang kanilang mga disposisyon ay matatag at sila ay walang mapupusok na damdamin. Maaaring mabagal sila sa pagtanggap ng mga bagay-bagay, subali’t ito ay hindi isang malaking pagkukulang. Hanggang kaya ninyong magpasakop; hangga’t kaya ninyong tanggapin ang kasalukuyang mga salita ng Diyos at hindi sinusuri ang mga salita ng Diyos; hangga’t ang inyong layon lamang ay pagpapasakop at pagsunod, at hindi nanghuhusga sa mga salita ng Diyos o nagkikimkim ng iba pang mga masamang kaisipan tungkol sa kanila; hangga’t inyong tinatanggap ang Kanyang mga salita at isinasagawa ang mga ito—kung gayon, dahil nasusunod ang lahat ng kundisyong ito—kayo ay kayang maperpekto.

Maging kayo man ay mas bata o mas matandang kapatid na lalaki o babae, nalalaman ninyo ang tungkulin na dapat ninyong gampanan. Yaong mga nasa kanilang kabataan ay hindi mapagmataas; yaong mga mas matatanda ay hindi walang-kibo, ni paurong sila. Higit pa, nakakaya nilang gamitin ang lakas ng bawa’t isa upang mapunan ang kanilang mga kahinaan, at nagagawa nilang maglingkod sa isa’t isa nang walang pagtatangi. Isang tulay ng pagkakaibigan ang nabubuo sa pagitan ng mas bata at mas matatandang kapatid na lalaki at babae, at dahil sa pag-ibig ng Diyos nagagawa ninyong mas mabuting maintindihan ang isa’t isa. Hindi hinahamak ng mga nakababatang kapatid na lalaki at babae ang mga mas matandang kapatid na lalaki at babae, at ang mga nakatatandang kapatid na lalaki at babae ay hindi mapagmagaling: Hindi ba ito isang may pagkakasunduang pagsasama? Kung lahat kayo ay mayroong ganitong paninindigan, kung gayon ang kalooban ng Diyos ay tiyak na matutupad sa inyong henerasyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 452

Sa hinaharap, kung ikaw man ay pagpapalain o isusumpa ay pagpapasiyahan batay sa inyong mga kilos at asal ngayon. Kung kayo ay gagawing perpekto ng Diyos, iyon ay tiyak ngayon na, sa panahong ito; hindi na magkakaroon ng iba pang pagkakataon sa hinaharap. Ngayon din, nais talaga kayong gawing perpekto ng Diyos, at ito ay hindi isang paraan ng pagsasalita. Sa hinaharap, kung anumang mga pagsubok ang sumapit sa inyo, anumang mga pangyayari ang maganap, o anumang mga sakuna ang dumating sa inyo, kayo ay nais na gawing perpekto ng Diyos; ito ay isang tiyak at hindi mapagdududahang katunayan. Mula saan ito kayang makita? Nakikita ito sa katunayan na ang salita ng Diyos, sa lahat ng kapanahunan at mga henerasyon, ay hindi kailanman nakarating sa gayong kataas na tugatog na gaya ngayon. Ito ay nakapasok sa pinakamataas na kinasasaklawan, at ang gawain ng Banal na Espiritu sa buong sangkatauhan ngayon ay hindi pa kailanman nangyari. Halos walang sinuman mula sa mga henerasyong lumipas ang nakaranas nito; kahit na sa panahon ni Jesus wala ang mga pahayag ng panahon ngayon. Ang mga salitang sinabi sa inyo, kung ano ang naiintindihan ninyo, at mga bagay na inyong nararanasan ay nakaabot lahat sa isang bagong tugatog. Hindi kayo umaalis sa gitna ng mga pagsubok at mga pagkastigo, at ito ay sapat na upang patunayan na ang gawain ng Diyos ay umabot na sa hindi pa narating na kaluwalhatian. Ito ay hindi isang bagay na kayang gawin ng tao, ni ito ay isang bagay na pinananatili ng tao; nguni’t sa halip ito ay gawain ng Diyos Mismo. Kaya, mula sa maraming katotohanan ng gawain ng Diyos makikita na nais gawing perpekto ng Diyos ang tao, at tiyak na kaya Niya kayong gawing ganap. Kung makaya ninyong makita ito, kung makaya ninyong magkaroon ng bagong pagtuklas na ito, hindi ninyo na hihintayin ang ikalawang pagdating ni Jesus; sa halip, ay hahayaan ninyong gawing ganap kayo ng Diyos sa kasalukuyang panahon. Kaya, nararapat na ang bawa’t isa sa inyo ay gawin ang lubos na makakaya at huwag maglimita ng pagpupunyagi upang kayo ay maaaring gawing perpekto ng Diyos.

Sa mga panahong ito hindi mo dapat na pansinin ang mga negatibong bagay. Una, isantabi mo at huwag pansinin ang anumang bagay na nakakapagparamdam sa iyo ng negatibo. Kapag nangangasiwa ka ng mga bagay-bagay, gawin mo ang gayon taglay ang isang puso na naghahanap at nag-aapuhap, isang pusong nagpapasakop sa Diyos. Sa tuwing nakakatuklas kayo ng kahinaan sa loob ninyo nguni’t hindi sumasailalim sa kontrol nito at inyong ginagampanan ang tungkulin na dapat ninyong gawin, ito ay isang positibong kilos na pasulong. Halimbawa, ang iyong mga mas matandang kapatid na lalaki at babae ay may mga relihiyosong kuru-kuro, nguni’t nakakaya mong manalangin, magpasakop, kumain at uminom ng salita ng Diyos, at kumanta ng mga himno…. Ibig sabihin nito, anuman ang kaya mong gawin, anumang tungkulin ang kaya mong gampanan, ilagay ang iyong lahat-lahat dito nang may buong lakas na maaari mong tipunin. Huwag maghintay nang walang-kibo. Ang mabigyang-kasiyahan ang Diyos sa paggawa ng iyong tungkulin ay ang unang hakbang. Pagkatapos kapag kaya mo nang maintindihan ang katotohanan at pumasok sa realidad ng salita ng Diyos, ikaw ay nagawa nang perpekto ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa Pagganap ng Bawat Isa sa Kanilang Tungkulin

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 453

Ang lahat ng nakapagpasya na ay maaaring maglingkod sa Diyos—subalit kailangan na iyong mga masusing pinangangalagaan lamang ang kalooban ng Diyos at nauunawaan ang kalooban ng Diyos ang mga karapat-dapat at may karapatang maglingkod sa Diyos. Natuklasan Ko na ito sa inyo: Maraming tao ang naniniwala na hangga’t sila ay masigasig na nagpapalaganap ng ebanghelyo para sa Diyos, humahayo para sa Diyos, gumugugol ng kanilang mga sarili at isinusuko ang mga bagay-bagay para sa Diyos, at iba pa, ito ay paglilingkod sa Diyos. Mas marami pang relihiyosong tao ang naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugan ng pagbibitbit ng Bibliya habang paroo’t parito, pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit at pagliligtas sa mga tao sa pamamagitan ng panghihikayat sa kanila na magsisi at magtapat. Marami ring opisyal ng relihiyon ang nag-iisip na ang paglilingkod sa Diyos ay binubuo ng pangangaral sa mga kapilya matapos makakuha ng mataas na edukasyon at magsanay sa seminaryo, at pagtuturo sa mga tao sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga kasulatan ng Bibliya. Higit pa rito, may mga tao sa naghihirap na mga rehiyon na naniniwalang ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugang pagpapagaling sa maysakit at pagpapalayas ng mga demonyo sa kanilang mga kapatid o pananalangin para sa kanila, o paglilingkod sa kanila. Sa gitna ninyo, marami ang naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugan ng pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, pananalangin sa Diyos araw-araw, pati na ang pagbisita at paggawa ng mga gawain sa mga iglesia saanman. May ibang mga kapatid na naniniwala na ang paglilingkod sa Diyos ay nangangahulugan ng hindi pag-aasawa kailanman o pagkakaroon ng pamilya at paglalaan ng kanilang buong sarili sa Diyos. Ngunit iilang tao ang nakakaalam kung ano talaga ang kahulugan ng paglilingkod sa Diyos. Bagaman ang mga naglilingkod sa Diyos ay kasingdami ng mga bituin sa kalangitan, ang bilang ng mga direktang makapaglilingkod, at mga may kakayahang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, ay kakaunti—hamak na kakaunti. Bakit Ko sinasabi ito? Sinasabi Ko ito dahil hindi ninyo naiintindihan ang diwa ng pariralang “paglilingkod sa Diyos,” at kakaunti ang nauunawaan ninyo sa kung paano maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos. May agarang pangangailangan na maunawaan ng mga tao kung anong uri talaga ng paglilingkod sa Diyos ang maaaring maging kaayon ng Kanyang kalooban.

Kung nais ninyong maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, kailangan muna ninyong maunawaan kung anong klaseng mga tao ang nakalulugod sa Diyos, kung anong uri ng mga tao ang kinamumuhian ng Diyos, kung anong uri ng mga tao ang ginagawang perpekto ng Diyos, at kung anong uri ng mga tao ang karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. Kahit ang kaalamang ito man lamang ay dapat na masangkapan kayo. Dagdag pa rito, dapat ninyong malaman ang mga mithiin ng gawain ng Diyos, at ang gawain na gagawin ng Diyos ngayon mismo. Matapos unawain ito, at sa pamamagitan ng patnubay ng mga salita ng Diyos, dapat muna kayong magkaroon ng pagpasok, at tumanggap muna ng atas ng Diyos. Kapag nagkaroon na kayo ng aktwal na karanasan sa mga salita ng Diyos, at kapag tunay na ninyong nalalaman ang gawain ng Diyos, kayo ay magiging karapat-dapat na maglingkod sa Diyos. At kapag kayo ay naglilingkod sa Kanya, binubuksan ng Diyos ang inyong espirituwal na mga mata, at tinutulutan kayong magkaroon ng higit na pagkaunawa sa Kanyang gawain at mas malinaw itong makita. Kapag pumasok ka sa realidad na ito, ang iyong mga karanasan ay magiging mas malalim at tunay, at ang lahat sa inyo na nagkaroon na ng ganoong mga karanasan ay magagawang lumakad sa mga iglesia at maghandog ng panustos sa inyong mga kapatid, upang ang bawa’t isa sa inyo ay makahuhugot ng lakas sa isa’t isa upang mapunan ang inyong sariling mga kakulangan, at makapagtamo ng mas mayamang kaalaman sa inyong mga espiritu. Matapos makamit ang epektong ito, saka lamang ninyo makakayang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos at magagawang perpekto ng Diyos sa panahon ng inyong pagseserbisyo.

Ang mga naglilingkod sa Diyos ay dapat mga kaniig ng Diyos, dapat ay nakalulugod sila sa Diyos, at may kakayahan ng sukdulang katapatan sa Diyos. Kumikilos ka man sa pribado o sa harap ng publiko, nagagawa mong makamit ang kagalakan ng Diyos sa harap ng Diyos, nagagawa mong manindigan sa harap ng Diyos, at paano ka man tratuhin ng ibang mga tao, lagi mong tinatahak ang landas na dapat mong tahakin, at masusing pinangangalagaan ang pasanin ng Diyos. Tanging ganitong mga tao ang mga kaniig ng Diyos. Na nagagawa ng mga kaniig ng Diyos na direktang maglingkod sa Kanya ay dahil nabigyan na sila ng dakilang atas ng Diyos at pasanin ng Diyos, nagagawa nilang damahin ang puso ng Diyos bilang kanila, at akuin ang pasanin ng Diyos bilang kanila, at hindi nila isinasaalang-alang ang kanilang mga inaasahan sa hinaharap: Kahit na wala silang mga inaasahan, at hindi sila makikinabang, sila ay palaging maniniwala sa Diyos nang may mapagmahal na puso. At dahil dito, ang ganitong uri ng tao ay kaniig ng Diyos. Ang mga kaniig ng Diyos ay Kanya ring mga pinagkakatiwalaan; ang mga pinagkakatiwalaan lamang ng Diyos ang maaaring makibahagi sa Kanyang pagkabalisa, at sa Kanyang mga saloobin, at bagaman ang kanilang laman ay makirot at mahina, natitiis nila ang kirot at tinatalikdan iyong gustung-gusto nila upang mapasaya ang Diyos. Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin sa gayong mga tao, at kung ano ang nais gawin ng Diyos ay pinatutunayan sa patotoo ng ganoong mga tao. Sa gayon, nakalulugod ang mga taong ito sa Diyos, sila ay mga tagapaglingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang sariling puso, at ang mga tao lamang na tulad nito ang maaaring mamuno kasama ng Diyos. Kapag ikaw ay tunay na naging kaniig ng Diyos ay kung kailan ka talaga mamumuno na kasama ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 454

Nagawa ni Jesus na tapusin ang atas ng Diyos—ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan—dahil ibinigay Niya ang masusing pangangalaga sa kalooban ng Diyos, nang walang pansariling mga plano at pagsasaayos. Kaya, ganoon din, Siya ay kaniig ng Diyos—ang Diyos Mismo—na isang bagay na nauunawaan ninyong lahat nang napakaigi. (Ang totoo, Siya ang Diyos Mismo na pinatotohanan ng Diyos. Binabanggit Ko ito rito upang gamitin ang katunayan ni Jesus upang isalarawan ang usapin.) Nagawa Niyang ilagay ang plano ng pamamahala ng Diyos sa pinakasentro, at palaging nanalangin sa Ama sa langit at hinangad ang kalooban ng Ama sa langit. Nanalangin Siya at nagsabi: “Diyos Ama! Ganapin ang Iyong kalooban, at kumilos hindi ayon sa Aking mga kagustuhan kundi ayon sa Iyong plano. Maaaring mahina ang tao, ngunit bakit Ka dapat mag-alala para sa kanya? Paano magiging karapat-dapat ang tao sa Iyong pag-aalala, ang tao na tulad ng isang langgam sa Iyong kamay? Sa Aking puso, nais Ko lamang na tuparin ang Iyong kalooban, at nais Ko na Iyong magawa ang nais Mong gawin sa Akin ayon sa Iyong sariling mga kagustuhan.” Habang nasa daan patungong Jerusalem, si Jesus ay nagdurusa, na para bang isang kutsilyo ang pinipilipit sa Kanyang puso, subalit wala Siya ni bahagya mang intensyon na hindi tuparin ang Kanyang salita; palaging mayroong isang makapangyarihang puwersang humihimok sa Kanya pasulong sa kung saan Siya ipapako sa krus. Sa huli, Siya ay ipinako sa krus at naging wangis ng makasalanang laman, tinatapos ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Nakawala Siya sa mga gapos ng kamatayan at ng Hades. Sa harap Niya, ang mortalidad, impiyerno, at Hades ay nawalan ng kapangyarihan, at nalupig Niya. Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon, sa kabuuan nito ay palagi Niyang ginawa ang Kanyang makakaya upang tuparin ang kalooban ng Diyos ayon sa gawain ng Diyos sa panahong iyon, hindi kailanman isinaalang-alang ang Kanyang pansariling pakinabang o kawalan, at palaging inisip ang kalooban ng Diyos Ama. Kaya, matapos na Siya ay nabautismuhan, sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na lubos Kong kinalulugdan.” Dahil sa Kanyang serbisyo sa harap ng Diyos na kaayon ng kalooban ng Diyos, inilagay ng Diyos ang mabigat na pasanin ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kanyang mga balikat at ipinasakatuparan iyon sa Kanya, at Siya ay kuwalipikado at nararapat na tumapos sa mahalagang gawaing ito. Sa kabuuan ng Kanyang buhay, tiniis Niya ang di-masusukat na pagdurusa para sa Diyos, at Siya ay tinukso ni Satanas nang di-mabilang na beses, ngunit hindi Siya kailanman pinanghinaan ng loob. Binigyan Siya ng Diyos ng gayong napakalaking gawain dahil may tiwala ang Diyos sa Kanya, at minamahal Siya, kaya nga personal na sinabi ng Diyos: “Ito ang sinisinta Kong Anak, na lubos Kong kinalulugdan.” Sa panahong iyon, si Jesus lamang ang maaaring tumupad sa atas na ito, at ito ay isang praktikal na aspeto ng pagkumpleto ng Diyos sa Kanyang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan sa Kapanahunan ng Biyaya.

Kung, katulad ni Jesus, nagagawa ninyong masusing pangalagaan ang pasanin ng Diyos, at talikuran ang inyong laman, ipagkakatiwala sa inyo ng Diyos ang Kanyang mahahalagang gawain, upang inyong matugunan ang mga kondisyong kinakailangan sa paglilingkod sa Diyos. Sa gayong mga kalagayan lamang kayo mangangahas magsabi na ginagawa ninyo ang kalooban ng Diyos at tinatapos ang Kanyang atas, at saka lamang kayo mangangahas magsabi na kayo ay tunay na naglilingkod sa Diyos. Kumpara sa halimbawa ni Jesus, nangangahas ka bang sabihin na ikaw ay kaniig ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ginagawa mo ang kalooban ng Diyos? Nangangahas ka bang sabihin na ikaw ay tunay na naglilingkod sa Diyos? Ngayon, hindi mo nauunawaan kung paano paglingkuran ang Diyos, ikaw ba ay nangangahas sabihin na kaniig ka ng Diyos? Kung sinasabi mong naglilingkod ka sa Diyos, hindi mo ba Siya nilalapastangan? Pag-isipan ito: Ikaw ba ay naglilingkod sa Diyos, o sa iyong sarili? Naglilingkod ka kay Satanas, ngunit nagmamatigas kang sabihin na naglilingkod ka sa Diyos—sa ganito, hindi mo ba nilalapastangan ang Diyos? Maraming tao sa Aking likuran ang nagnanasa sa mga pakinabang ng katayuan, nagpapakasasa sila sa pagkain, mahilig silang matulog at masusing pinangangalagaan ang laman, palaging natatakot na wala nang pag-asa para sa laman. Hindi nila ginagampanan ang kanilang nararapat na tungkulin sa iglesia, bagkus ay sinasamantala ang iglesia, o kaya ay pinagsasabihan ang kanilang mga kapatid gamit ang Aking mga salita, umaaktong panginoon sa iba mula sa mga posisyon ng awtoridad. Palaging sinasabi ng mga taong ito na ginagawa nila ang kalooban ng Diyos at palaging sinasabi na sila ay mga kaniig ng Diyos—hindi ba ito katawa-tawa? Kung ikaw ay may mga tamang intensyon, ngunit hindi magawang maglingkod ayon sa kalooban ng Diyos, ikaw ay nagpapakahangal; ngunit kung ang iyong mga intensyon ay hindi tama, at sinasabi mo pa rin na ikaw ay naglilingkod sa Diyos, ikaw ay isang taong sumasalungat sa Diyos, at nararapat kang parusahan ng Diyos! Wala Akong simpatya sa mga ganoong tao! Sa sambahayan ng Diyos, nagsasamantala sila, palaging nagnanasa ng mga kaginhawahan ng laman, at walang pagsasaalang-alang sa mga interes ng Diyos. Palagi nilang hinahanap kung ano ang mabuti para sa kanila, at hindi nila iniintindi ang kalooban ng Diyos. Hindi nila tinatanggap ang pagsusuri ng Espiritu ng Diyos sa anumang ginagawa nila. Palagi nilang minamaniobra at nililinlang ang kanilang mga kapatid, at sila’y doble-kara, tulad ng isang soro sa ubasan, palaging nagnanakaw ng mga ubas at tinatapak-tapakan ang ubasan. Maaari bang maging mga kaniig ng Diyos ang gayong mga tao? Ikaw ba ay angkop na tumanggap ng mga pagpapala ng Diyos? Hindi ka umaako ng pasanin para sa iyong buhay at sa iglesia, ikaw ba ay angkop na tumanggap ng atas ng Diyos? Sino ang mangangahas na magtiwala sa isang katulad mo? Kapag ikaw ay naglilingkod nang ganito, maaari bang ipagkatiwala ng Diyos sa iyo ang mas malaking gawain? Hindi ba ito magdudulot ng mga pagkaantala sa gawain?

Sinasabi Ko ito upang inyong malaman kung anong mga kondisyon ang dapat matupad upang maglingkod na kaayon ng kalooban ng Diyos. Kung hindi ninyo ibinibigay ang inyong puso sa Diyos, kung hindi ninyo binibigyan ng masusing pangangalaga ang kalooban ng Diyos katulad ni Jesus, hindi kayo mapagkakatiwalaan ng Diyos, at hahatulan ng Diyos sa huli. Marahil ngayon, sa iyong paglilingkod sa Diyos, palagi kang nagkikimkim ng intensyong linlangin ang Diyos at palagi Siyang pinakikitunguhan nang basta-basta. Sa madaling salita, ano’t anuman, kung dinadaya mo ang Diyos, malupit na paghatol ang darating sa iyo. Dapat ninyong samantalahin na kakapasok pa lamang ninyo sa tamang landas ng paglilingkod sa Diyos para ibigay muna ang inyong puso sa Diyos, nang walang nahahating katapatan. Ikaw man ay nasa harap ng Diyos, o nasa harap ng ibang tao, ang iyong puso ay dapat laging nakabaling sa Diyos, at dapat determinado kang mahalin ang Diyos katulad ng ginawa ni Jesus. Sa ganitong paraan, gagawin kang perpekto ng Diyos, upang ikaw ay maging tagapaglingkod ng Diyos na kaayon ng Kanyang puso. Kung talagang nais mong magawang perpekto ng Diyos, at upang ang iyong serbisyo ay maging kaayon ng Kanyang kalooban, dapat mong baguhin ang iyong mga dating pananaw tungkol sa pananampalataya sa Diyos, at baguhin ang dating paraan ng iyong paglilingkod sa Diyos, nang sa gayon ay higit ka pang magawang perpekto ng Diyos. Sa ganitong paraan, hindi ka tatalikuran ng Diyos, at katulad ni Pedro, pangungunahan mo ang mga nagmamahal sa Diyos. Kung ikaw ay mananatiling hindi nagsisisi, magiging katulad ng kay Judas ang katapusan mo. Ito ay dapat na maunawaan ng lahat ng naniniwala sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maglingkod na Kaayon ng Kalooban ng Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 455

Mula pa sa simula ng gawain Niya sa buong sansinukob, ang Diyos ay nagtalaga na ng maraming tao upang paglingkuran Siya, kabilang na ang mga taong may iba’t ibang kalagayan sa buhay. Ang layunin Niya ay tuparin ang Kanyang kalooban at tapusin nang maayos ang Kanyang gawain sa lupa; ito ang layunin ng Diyos sa pagpili ng mga taong maglilingkod sa Kanya. Dapat maunawaan ng bawat taong naglilingkod sa Diyos ang kalooban Niya. Sa pamamagitan ng gawain Niyang ito, mas nakikita ng mga tao ang karunungan at ang walang hanggang kapangyarihan ng Diyos, at ang mga prinsipyo ng Kanyang gawain sa lupa. Ang Diyos ay tunay na pumarito sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain, upang makipag-ugnayan sa mga tao, upang mas malinaw nilang malaman ang Kanyang mga gawa. Ngayon, kayo, na grupong ito ng mga tao, ay mapalad na maglingkod sa praktikal na Diyos. Ito ay di-masusukat na pagpapala para sa inyo—tunay ngang iniangat kayo ng Diyos. Sa pagpili ng isang tao na maglilingkod sa Kanya, ang Diyos ay laging may sariling mga prinsipyo. Ang paglilingkod sa Diyos ay hinding-hindi gaya ng iniisip ng tao, na tungkol lamang sa pagkakaroon ng sigasig. Ngayon nakikita ninyo na ang lahat ng naglilingkod sa harap ng Diyos ay ginagawa ito dahil taglay nila ang patnubay ng Diyos at ang gawain ng Banal na Espiritu, at dahil sila ay mga taong naghahangad na matamo ang katotohanan. Ang mga ito ang pinakamababang kondisyon para sa lahat ng nagsisilbi sa Diyos.

Ang paglilingkod sa Diyos ay hindi isang simpleng gawain. Ang mga taong hindi nagbabago ang tiwaling disposisyon ay hindi kailanman maaaring maglingkod sa Diyos. Kung ang disposisyon mo ay hindi pa nahatulan at nakastigo ng mga salita ng Diyos, ang disposisyon mo ay kumakatawan pa rin kay Satanas, na nagpapatunay na pinaglilingkuran mo ang Diyos ayon sa iyong mabubuting layunin, na ang paglilingkod mo ay batay sa iyong satanikong kalikasan. Naglilingkod ka sa Diyos gamit ang likas mong pagkatao, at ayon sa mga personal mong kagustuhan. Dagdag pa rito, lagi mong iniisip na ang mga bagay na handa kang gawin ay ang mga bagay na nakalulugod sa Diyos, at ang mga bagay na hindi mo nais gawin ay ang mga bagay na kinapopootan ng Diyos; lubos kang gumagawa nang naaayon sa sarili mong mga kagustuhan. Matatawag ba itong paglilingkod sa Diyos? Sa huli, ang disposisyon mo sa buhay ay hindi magbabago ni katiting; sa halip, magiging mas matigas ang ulo mo dahil sa paglilingkod mo, at sa gayon ay mapapalalim ang iyong tiwaling disposisyon. Dahil dito, mabubuo sa iyong kalooban ang mga alituntunin sa paglilingkod sa Diyos na ang pangunahing batayan ay ang sarili mong pagkatao, at mga karanasang mula sa iyong paglilingkod ayon sa sarili mong disposisyon. Ito ang mga karanasan at mga aral ng tao. Ito ang pilosopiya ng tao sa pamumuhay sa mundo. Ang mga taong tulad nito ay maitutulad sa mga Pariseo at mga pinuno ng relihiyon. Kung hindi sila kailanman magigising at magsisisi, tiyak na magiging mga huwad na Cristo at mga anticristo sila na manlilinlang sa mga tao sa mga huling araw. Magmumula sa ganitong mga tao ang nabanggit na mga huwad na Cristo at mga anticristo. Kung ang mga naglilingkod sa Diyos ay sumusunod sa sarili nilang pagkatao at kumikilos ayon sa sarili nilang kalooban, nanganganib silang mapalayas anumang oras. Sa mga naglilingkod sa Diyos na gumagamit ng mga karanasan nila sa loob ng maraming taon upang makuha ang puso ng ibang tao, mapangaralan at makontrol sila, at magkaroon ng mataas na katayuan—at hindi kailanman nagsisisi, hindi kailanman nagtatapat ng kanilang mga kasalanan, hindi kailanman tinatalikuran ang mga benepisyo ng posisyon—ang mga taong ito ay babagsak sa harap ng Diyos. Sila ay mga kauri ni Pablo, nagpapalagay na nakatataas sila at ipinangangalandakan ang kanilang mga kuwalipikasyon. Hindi gagawing perpekto ng Diyos ang mga taong tulad nito. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay humahadlang sa gawain ng Diyos. Ang mga tao ay palaging kumakapit sa nakalipas. Kumakapit sila sa mga kuru-kuro ng nakalipas, sa lahat ng bagay mula sa nakaraan. Malaking sagabal ito sa kanilang paglilingkod. Kung hindi mo kayang iwaksi ang mga ito, magiging hadlang ang mga ito sa buong buhay mo. Hindi ka pupurihin ng Diyos ni katiting, kahit pa mabali ang mga binti mo sa pagtakbo o ang likod mo sa paggawa, kahit pa mapatay ka sa paglilingkod mo sa Diyos. Sa kabaligtaran: sasabihin Niya na ikaw ay isang masamang tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 456

Simula ngayon, pormal na gagawing perpekto ng Diyos ang mga walang kuru-kuro tungkol sa relihiyon, ang mga handang isantabi ang mga lumang bersyon ng sarili nila, at ang mga sumusunod sa Diyos sa isang matapat na pamamaraan. Gagawin Niyang perpekto ang mga nananabik sa mga salita ng Diyos. Ang mga taong ito ay dapat manindigan at maglingkod sa Diyos. Sa Diyos, mayroong walang-katapusang kasaganaan at walang-hangganang karunungan. Ang Kanyang kahanga-hangang gawain at mahahalagang salita ay naghihintay na matamasa ng mas marami pang tao. Sa ngayon, ang mga taong may mga kuru-kuro tungkol sa relihiyon, ang mga nag-aakalang nakatataas sila, at ang mga hindi maisantabi ang kanilang mga sarili ay nahihirapang tanggapin ang mga bagong bagay na ito. Walang pagkakataon ang Banal na Espiritu na gawing perpekto ang mga taong ito. Kung ang isang tao ay hindi pa nagpapasyang sumunod, at hindi nauuhaw sa mga salita ng Diyos, wala siyang paraan para tanggapin ang mga bagong bagay na ito; siya ay patuloy lamang na magiging mas mapanghimagsik, patuloy na magiging mas tuso, at dahil dito ay hahantong siya sa maling daan. Sa paggawa Niya ng Kanyang gawain ngayon, mas maraming iaangat ang Diyos na mga tao na tunay na nagmamahal sa Kanya at kayang tumanggap ng bagong liwanag, at lubos Niyang pababagsakin ang mga pinuno ng relihiyon na nagpapalagay na nakatataas sila; hindi Niya nais ang ni isa sa mga matitigas ang ulo na lumalaban sa pagbabago. Nais mo bang maging isa sa mga taong ito? Naglilingkod ka ba ayon sa sarili mong mga kagustuhan, o sa hinihiling ng Diyos? Isa itong bagay na dapat ay ikaw mismo ang makaalam. Isa ka bang pinuno ng relihiyon, o isa ka bang bagong-silang na sanggol na ginawang perpekto ng Diyos? Gaano karami sa paglilingkod mo ang pinupuri ng Banal na Espiritu? Gaano karami rito ang hindi man lamang pagkakaabalahang tandaan ng Diyos? Gaano kalaking pagbabago ang naganap sa buhay mo bilang resulta ng lahat ng taon mo ng paglilingkod? Malinaw ba sa iyo ang lahat ng ito? Kung tunay kang nananampalataya, iwawaksi mo ang mga dati mong kuru-kuro tungkol sa relihiyon na mula pa sa nakalipas, at paglilingkuran mo nang mas mabuti ang Diyos sa isang bagong paraan. Hindi pa huli ang lahat para manindigan ngayon. Kayang mapawalan ng saysay ng mga dating kuru-kuro tungkol sa relihiyon ang buhay ng isang tao. Ang karanasang natatamo ng isang tao ay maaaring maglayo sa kanya sa Diyos at magpagawa sa kanya ng mga bagay-gabay ayon sa sarili niyang pamamaraan. Kung hindi mo isasantabi ang mga bagay na ito, magiging sagabal ang mga ito sa paglago mo sa buhay. Palaging ginagawang perpekto ng Diyos ang mga naglilingkod sa Kanya, at hindi Niya sila pinalalayas nang basta-basta na lamang. Kung tunay mong tinatanggap ang paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos, kung maisasantabi mo ang mga dati mong gawi at alituntuning pangrelihiyon, at makahihinto ka sa paggamit sa mga dati mong kuru-kuro tungkol sa relihiyon bilang panukat ng mga salita ng Diyos sa kasalukuyan, saka ka lamang magkakaroon ng kinabukasan. Ngunit kung kumakapit ka sa mga lumang bagay, kung pinahahalagahan mo pa rin ang mga ito, walang paraan para mailigtas ka. Hindi pinapansin ng Diyos ang ganitong mga tao. Kung talagang nais mong magawang perpekto, dapat kang magpasya na ganap na talikuran ang lahat ng bagay mula sa nakaraan. Kahit pa tama ang nagawa noon, kahit pa ito ay gawain ng Diyos, dapat mo pa ring magawang isantabi ito at ihinto ang pagkapit dito. Kahit pa malinaw na gawain ito ng Banal na Espiritu, tuwirang ginawa ng Banal na Espiritu, ngayon ay dapat mo itong isantabi. Hindi mo ito dapat panghawakan. Ito ang hinihingi ng Diyos. Ang lahat ng bagay ay dapat mapanibago. Sa gawain ng Diyos at mga salita ng Diyos, hindi Niya tinutukoy ang mga lumang bagay na naganap noon, hindi Niya hinuhukay ang lumang almanak; ang Diyos ay isang Diyos na palaging bago at hindi kailanman luma, at hindi Siya kumakapit kahit sa sarili Niyang mga salita mula sa nakaraan—na nagpapakita na ang Diyos ay hindi sumusunod sa anumang mga alituntunin. Kaya kung ikaw, bilang isang tao, ay palaging kumakapit sa mga bagay mula sa nakaraan, kung tumatanggi kang pakawalan ang mga ito, at mahigpit mong ginagamit ang mga ito na para bang pormula, samantalang ang Diyos ay hindi na gumagawa gamit ang mga paraang ginamit Niya noon, hindi ba’t nakagagambala ang mga salita at kilos mo? Hindi ka ba naging kaaway ng Diyos? Hahayaan mo bang masira ang buong buhay mo dahil sa mga lumang bagay na ito? Ang mga lumang bagay na ito ay gagawin kang isang taong humahadlang sa gawain ng Diyos—ito ba ang uri ng tao na nais mong maging? Kung talagang hindi mo iyon ninanais, itigil mo agad ang iyong ginagawa at mag-iba ka ng landas; magsimula kang muli. Hindi tatandaan ng Diyos ang paglilingkod mo noon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kailangang Maalis ang Paglilingkod na Pangrelihiyon

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 457

Hinggil sa gawain, naniniwala ang tao na ang gawain ay pumaroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng dako, at gumugol para sa Kanyang kapakanan. Bagama’t ang paniniwalang ito ay tama, masyado itong may pinapanigan; ang hinihiling ng Diyos sa tao ay hindi lamang ang magparoo’t parito para sa Diyos; higit pa rito, ang gawaing ito ay may kinalaman sa ministeryo at pagtustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatid, kahit pagkaraan nitong lahat ng taon ng karanasan, ang hindi nakaisip na gumawa para sa Diyos, dahil ang gawaing iniisip ng tao ay hindi tumutugma sa hinihiling ng Diyos. Samakatuwid, hindi interesado ang tao sa anupamang patungkol sa gawain, at ito mismo ang dahilan kaya medyo may pinapanigan din ang pagpasok ng tao. Dapat ninyong simulang lahat ang inyong pagpasok sa paggawa para sa Diyos, upang mas mainam ninyong maranasan ang lahat ng aspeto ng karanasan. Ito ang dapat ninyong pasukin. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagparoo’t parito para sa Diyos, kundi sa kung ang buhay ng tao at ang isinasabuhay ng tao ay nagbibigay ng kasiyahan sa Diyos. Ang gawain ay tumutukoy sa paggamit ng tao ng kanilang katapatan sa Diyos at sa kanilang kaalaman sa Diyos upang magpatotoo tungkol sa Diyos, at magministeryo din sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at ito ang dapat maunawaan ng lahat ng tao. Maaaring sabihin ng isang tao na ang pagpasok ninyo ang inyong gawain, at na naghahangad kayong pumasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Ang pagdanas sa gawain ng Diyos ay hindi lamang nangangahulugan na marunong kayong kumain at uminom ng Kanyang salita; ang mas mahalaga, kailangan ninyong malaman kung paano magpatotoo tungkol sa Diyos at makapaglingkod sa Diyos at makapagministeryo at makapaglaan sa tao. Ito ang gawain, at ito rin ang inyong pagpasok; ito ang dapat isakatuparan ng bawat tao. Marami ang nakatuon lamang sa pagparoo’t parito para sa Diyos at pangangaral sa lahat ng dako, subalit hindi pinapansin ang kanilang personal na karanasan at kinaliligtaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang dahilan kaya yaong mga naglilingkod sa Diyos ay naging yaong mga lumalaban sa Diyos. Ang mga taong ito, na naglilingkod na sa Diyos at nagmiministeryo sa tao sa loob ng napakaraming taon, ay itinuring na lamang na pagpasok ang paggawa at pangangaral, at walang sinumang nagturing sa kanilang indibiduwal na espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, itinuring na nila ang kaliwanagang natatamo nila mula sa gawain ng Banal na Espiritu bilang puhunan para magturo sa iba. Kapag nangangaral, lubha silang nabibigatan at tinatanggap nila ang gawain ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito ay inilalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Sa sandaling ito, yaong mga gumagawa ay kampante na, na para bang naging indibiduwal na espirituwal na karanasan na nila ang gawain ng Banal na Espiritu; pakiramdam nila ay nabibilang sa kanilang indibiduwal na pagkatao ang lahat ng salitang kanilang sinasambit, ngunit para bang ang sarili nilang karanasan ay hindi kasinglinaw ng kanilang nailarawan. Bukod dito, bago magsalita ay wala silang malay kung ano ang kanilang sasabihin, ngunit kapag gumagawa sa kanila ang Banal na Espiritu, tuluy-tuloy na dumadaloy palabas ang kanilang mga salita. Matapos kang makapangaral nang minsan sa gayong paraan, pakiramdam mo ay hindi kasingliit ng iyong akala ang iyong aktwal na katayuan, at tulad sa isang sitwasyon kung saan ilang beses nang gumawa sa iyo ang Banal na Espiritu, saka mo nalalaman na mayroon ka nang tayog at nagkakamali kang maniwala na ang gawain ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at iyong sariling pagkatao. Kapag palagi mo itong nararanasan, magiging pabaya ka tungkol sa iyong sariling pagpasok, magiging tamad nang hindi mo napapansin, at hindi mo na pahahalagahan kahit kaunti ang iyong sariling pagpasok. Dahil dito, kapag nagmiministeryo ka sa iba, kailangan mong malinaw na makatukoy sa pagitan ng iyong tayog at ng gawain ng Banal na Espiritu. Mas mapapadali nito ang iyong pagpasok at maghahatid ng higit na pakinabang sa iyong karanasan. Kapag itinuring ng tao na indibiduwal nilang karanasan ang gawain ng Banal na Espiritu, pinagmumulan ito ng kabuktutan. Kaya nga sinasabi Ko, anumang tungkulin ang inyong ginagampanan, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang mahalagang aral.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 458

Gumagawa ang isang tao upang palugurin ang kalooban ng Diyos, upang dalhin ang lahat ng kaayon ng puso ng Diyos sa Kanyang harapan, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawain ng Banal na Espiritu at patnubay ng Diyos sa tao, at sa gayon ay napeperpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Samakatuwid, mahalagang ganap ninyong malinawan ang diwa ng gawain. Bilang isang taong kinakasangkapan ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat na gumawa para sa Diyos, ibig sabihin, lahat ay may pagkakataong kasangkapanin ng Banal na Espiritu. Gayunman, may isang punto kayong kailangang matanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawaing itinagubilin ng Diyos, nabigyan na ng pagkakataon ang tao na kasangkapanin ng Diyos, ngunit ang sinasabi at alam ng tao ay hindi ang buong tayog ng tao. Ang tanging magagawa ninyo ay mas alamin ang inyong mga kakulangan habang ginagawa ninyo ang inyong gawain, at tanggapin ang higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu. Sa ganitong paraan, mas mahusay kayong makakapasok sa paggawa ng inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang patnubay na nagmumula sa Diyos bilang sarili nilang pagpasok at bilang isang bagay na likas sa kanilang kalooban, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Ang kaliwanagang ibinibigay ng Banal na Espiritu sa tao ay nagaganap kapag siya ay nasa normal na kalagayan; sa gayong mga pagkakataon, madalas mapagkamalan ng tao ang kaliwanagang natatanggap niya bilang sarili niyang aktwal na tayog, dahil ang paraan na nagbibigay ng liwanag ang Banal na Espiritu ay lubhang normal, at ginagamit Niya kung ano ang likas sa kalooban ng tao. Kapag gumagawa at nagsasalita ang tao, o kapag nagdarasal sila at gumagawa ng kanilang mga espirituwal na debosyon, biglang lumilinaw sa kanila ang isang katotohanan. Gayunman, ang totoo ay nakikita lamang ng tao ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu (natural, ang kaliwanagang ito ay konektado sa pakikipagtulungan ng tao) at hindi kumakatawan sa tunay na tayog ng tao. Pagkaraan ng isang panahon ng karanasan kung saan nakakaharap ng tao ang ilang paghihirap at pagsubok, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng gayong mga pangyayari. Noon lamang matutuklasan ng tao na ang kanyang tayog ay hindi gaanong mataas, at lumalabas lahat ang pagkamakasarili, personal na mga pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao. Pagkaraan lamang ng ilang ulit na mga karanasang katulad nito matatanto ng marami sa mga napukaw sa loob ng kanilang espiritu na ang kanilang naranasan noong araw ay hindi ang sarili nilang indibiduwal na realidad, kundi isang panandaliang pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at na natanggap lamang ng tao ang liwanag na ito. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, kadalasa’y sa malinaw at kaibang paraan, nang hindi ipinaliliwanag kung paano nangyari ang mga bagay-bagay o kung saan patungo ang mga ito. Ibig sabihin, sa halip na isama ang mga paghihirap ng tao sa paghahayag na ito, tuwiran Niyang inihahayag ang katotohanan. Kapag naharap ang tao sa mga paghihirap sa proseso ng pagpasok, at pagkatapos ay isinasama niya ang kaliwanagang bigay ng Banal na Espiritu, nagiging aktwal na karanasan ito ng tao. … Samakatuwid, kasabay ng pagtanggap ninyo sa gawain ng Banal na Espiritu, dapat ninyong higit na pahalagahan ang inyong pagpasok, na nakikita kung ano talaga ang gawain ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, gayundin ang pagsasama ng gawain ng Banal na Espiritu sa inyong pagpasok, upang magawa kayong perpekto ng Banal na Espiritu sa mas marami pang paraan at upang ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay magawa sa inyo. Habang nararanasan ninyo ang gawain ng Banal na Espiritu, makikilala ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong sarili, at bukod pa riyan, sa gitna ng napakaraming ulit na matitinding pagdurusa, magkakaroon kayo ng normal na relasyon sa Diyos, at ang relasyon ninyo ng Diyos ay mas magkakalapit araw-araw. Pagkaraan ng napakaraming pagkakataon ng pagtatabas at pagpipino, magkakaroon kayo ng tunay na pagmamahal sa Diyos. Kaya kailangan ninyong matanto na ang pagdurusa, pananakit, at mga kapighatian ay hindi dapat katakutan; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawain ng Banal na Espiritu ngunit hindi ng inyong pagpasok. Pagdating ng araw na tapos na ang gawain ng Diyos, mawawalan ng kabuluhan ang inyong pagpapagal; bagama’t naranasan ninyo ang gawain ng Diyos, hindi ninyo makikilala ang Banal na Espiritu o hindi pa kayo nagkakaroon ng sarili ninyong pagpasok. Ang kaliwanagang ginagawa ng Banal na Espiritu sa tao ay hindi upang panatilihin ang hilig ng tao, kundi upang magbukas ng landas para sa pagpasok ng tao, gayundin upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula sa puntong ito ay magkaroon ng pagpipitagan at pagsamba sa Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 2

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 459

Mas kakaunti ang paglihis sa gawain ng mga nagdaan sa pagtatabas, pakikitungo, paghatol at pagkastigo, at ang pagpapahayag ng kanilang gawain ay mas lalong tumpak. Ang mga umaasa sa kanilang naturalesa sa gawain ay nakakagawa ng medyo malalaking pagkakamali. Ang gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto ay labis na nagpapahayag ng kanilang naturalesa, na nagiging isang malaking balakid sa gawain ng Banal na Espiritu. Gaano man kagaling ang kakayahan ng isang tao, kailangan din silang magdaan sa pagtatabas, pakikitungo, at paghatol bago nila magawa ang gawain ng tagubilin ng Diyos. Kung hindi pa sila dumaan sa gayong paghatol, ang kanilang gawain, gaano man kahusay ginawa, ay hindi maaaring umayon sa mga prinsipyo ng katotohanan at palaging isang produkto ng kanilang sariling naturalesa at kabutihan bilang tao. Ang gawain ng mga nagdaan na sa pagtatabas, pakikitungo, at paghatol ay mas lalong tumpak kaysa sa gawain ng mga hindi pa natabasan, napakitunguhan, at nahatulan. Yaong mga hindi pa nagdaan sa paghatol ay walang ipinapahayag kundi ang laman at mga saloobin ng tao, na may kahalong maraming katalinuhan at likas na talento ng tao. Hindi ito ang tumpak na pagpapahayag ng tao sa gawain ng Diyos. Yaong mga sumusunod sa gayong mga tao ay inihaharap sa kanila ng kanilang likas na kakayahan. Dahil napakaraming ipinapahayag ng mga ito na kabatiran at karanasan ng tao, na halos walang kaugnayan sa orihinal na layunin ng Diyos at masyadong lihis dito, ang gawain ng ganitong uri ng tao ay hindi maaaring dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos, kundi sa halip ay dinadala sila sa harap ng tao. Kaya, ang mga hindi pa dumaan sa paghatol at pagkastigo ay hindi karapat-dapat na magsagawa ng gawaing tagubilin ng Diyos. Ang gawain ng isang karapat-dapat na manggagawa ay maaaring dalhin ang mga tao sa tamang daan at pagkalooban sila ng mas malaking pagpasok sa katotohanan. Ang kanyang gawain ay maaaring dalhin ang mga tao sa harap ng Diyos. Dagdag pa rito, ang gawaing kanyang ginagawa ay maaaring mag-iba-iba sa bawat indibiduwal at hindi nakatali sa mga tuntunin, na nagtutulot sa mga tao na magkaroon ng laya at kalayaan, at binibigyan sila ng kakayahan na unti-unting lumago sa buhay at magkaroon ng mas malalim na pagpasok sa katotohanan. Ang gawain ng isang manggagawang hindi karapat-dapat ay malayung-malayo. Ang kanyang gawain ay kalokohan. Maaari lamang niyang dalhin ang mga tao sa mga tuntunin, at ang hinihingi niya sa mga tao ay hindi nag-iiba-iba sa bawat indibiduwal; hindi siya gumagawa ayon sa aktuwal na mga pangangailangan ng mga tao. Sa ganitong uri ng gawain, napakaraming tuntunin at napakaraming doktrina, at hindi nito madadala ang mga tao sa realidad, ni sa normal na pagsasagawa ng paglago sa buhay. Maaari lamang nitong bigyang-kakayahan ang mga tao na sumunod sa ilang tuntunin na walang halaga. Ang gayong uri ng paggabay ay maaari lamang iligaw ng landas ang mga tao. Inaakay ka niya na maging katulad niya; madadala ka niya tungo sa kung ano ang mayroon siya at ano siya. Upang matalos ng mga tagasunod kung karapat-dapat ang mga pinuno, ang mahalaga ay tumingin sa landas na kanilang tinatahak at sa mga resulta ng kanilang gawain, at tingnan kung ang mga tagasunod ay tumatanggap ng mga prinsipyo alinsunod sa katotohanan, at kung tumatanggap sila ng mga paraan ng pagsasagawa na angkop sa kanilang pagbabago. Dapat mong makilala ang pagkakaiba sa pagitan ng naiibang gawain ng iba’t ibang uri ng mga tao; hindi ka dapat maging hangal na tagasunod. May epekto ito sa pagpasok ng mga tao. Kung hindi mo magawang kilalanin kung aling pamunuan ng tao ang may landas at alin ang wala, madali kang malilinlang. Lahat ng ito ay may tuwirang epekto sa iyong sariling buhay. Napakaraming naturalesa sa gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto; napakarami nitong kahalong kagustuhan ng tao. Ang kanilang pagkatao ay naturalesa—ang kanilang likas na pagkatao nang isilang. Hindi iyon buhay matapos mapakitunguhan o realidad matapos mabago. Paano masusuportahan ng gayong tao ang mga nagsisikap sa buhay? Ang buhay na orihinal na taglay ng tao ay ang kanyang likas na talino o talento. Ang ganitong uri ng talino o talento ay medyo malayo sa eksaktong mga hinihingi ng Diyos sa tao. Kung ang isang tao ay hindi pa nagawang perpekto at hindi pa natatabas o napapakitunguhan ang kanyang tiwaling disposisyon, magkakaroon ng malaking puwang sa pagitan ng kanyang ipinapahayag at ng katotohanan; ang kanyang ipinapahayag ay mahahaluan ng malalabong bagay, tulad ng kanyang imahinasyon at karanasan ng isang panig lamang. Bukod pa rito, paano man siya gumagawa, pakiramdam ng mga tao ay walang pangkalahatang layunin at walang katotohanang angkop para sa pagpasok ng lahat ng tao. Karamihan sa hinihingi sa mga tao ay hindi nila kayang gawin, na para bang mga pato sila na pinadadapo sa mga sanga. Ito ang gawain ng kagustuhan ng tao. Ang tiwaling disposisyon ng tao, kanyang mga saloobin, at kanyang mga kuru-kuro ay laganap sa lahat ng bahagi ng kanyang katawan. Ang tao ay hindi isinisilang na may likas na ugali na isagawa ang katotohanan, ni wala siyang likas na ugali na unawain nang tuwiran ang katotohanan. Idagdag pa riyan ang tiwaling disposisyon ng tao—kapag gumagawa ang ganitong uri ng natural na tao, hindi ba ito nakakagambala? Ngunit ang isang taong nagawang perpekto ay may karanasan sa katotohanan na dapat maunawaan ng mga tao, at kaalaman tungkol sa kanilang mga tiwaling disposisyon, kaya nga ang malabo at di-totoong mga bagay sa kanyang gawain ay unti-unting nababawasan, nababawasan ang mga pagkahalo ng tao, at lalo pang napapalapit ang kanyang gawain at paglilingkod sa mga pamantayang kinakailangan ng Diyos. Sa gayon, nakapasok na ang kanyang gawain sa realidad ng katotohanan at naging makatotohanan na rin ang kanyang gawain. Ang mga saloobin sa isipan ng tao lalo na ay sagabal sa gawain ng Banal na Espiritu. Mayaman ang imahinasyon at makatwirang lohika ng tao, at nagkaroon na siya ng mahabang karanasan sa pangangasiwa sa mga kaganapan. Kung ang mga aspetong ito ng tao ay hindi dumaraan sa pagtatabas at pagwawasto, lahat ng ito ay mga balakid sa gawain. Samakatuwid, hindi maisasagawa ng gawain ng tao ang pinakamataas na antas ng katumpakan, lalo na ng gawain ng mga taong hindi nagawang perpekto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain ng Diyos at Gawain ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 460

Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa tungkol sa maraming kalagayang kalalagyan ng mga tao kapag isinasagawa ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Partikular na, yaong mga nag-uugnayan sa paglilingkod sa Diyos ay dapat magkaroon ng mas matinding pagkaunawa tungkol sa mga kalagayang ito. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming karanasan o pamamaraan para makapasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may pinapanigan. Kung hindi mo alam ang iyong tunay na kalagayan at hindi mo nauunawaan ang mga prinsipyo ng katotohanan, hindi posibleng magkamit ng pagbabago sa disposisyon. Kung hindi mo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu o nauunawaan ang ibinubunga nito, mahihirapan kang mahiwatigan ang gawain ng masasamang espiritu. Kailangan mong ihayag ang gawain ng masasamang espiritu, pati na rin ang mga kuru-kuro ng tao, at tumbukin ang pinakabuod ng usapin; kailangan mo ring banggitin ang maraming paglihis sa pagsasagawa ng mga tao at ang mga problemang maaaring umiiral sa kanilang pananampalataya sa Diyos, upang mapansin nila ang mga ito. Kahit paano, huwag mo silang bigyan ng dahilan para maging negatibo o walang kibo. Gayunpaman, kailangan mong maunawaan ang mga paghihirap na talagang umiiral para sa karamihan, hindi ka dapat maging hindi makatwiran o “tangkaing turuan sila ng isang bagay na ayaw nilang matutuhan”; kahangalan iyan. Para malutas ang maraming paghihirap na nararanasan ng mga tao, kailangan mo munang maunawaan ang pag-unlad ng gawain ng Banal na Espiritu; kailangan mong maunawaan kung paano isinasagawa ng Banal na Espiritu ang gawain sa iba’t ibang mga tao, kailangan mong maunawaan ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga tao at ang kanilang mga pagkukulang, at kailangan mong makita nang malinaw ang mga pangunahing usapin ng problema at malaman ang pinagmulan nito, nang hindi lumilihis o nagkakamali. Ang ganitong uri lamang ng tao ang karapat-dapat na makipag-ugnayan sa paglilingkod sa Diyos.

Nagagawa mo man o hindi na maunawaan ang mga pangunahing usapin at makita nang malinaw ang maraming bagay ay nakasalalay sa iyong sariling mga karanasan. Ang paraan ng iyong pagdanas ay siya ring paraan ng iyong pag-akay sa iba. Kung nauunawaan mo ang mga titik at doktrina, maaakay mo ang iba na maunawaan ang mga titik at doktrina. Ang paraan ng iyong pagdanas sa realidad ng mga salita ng Diyos ang magiging paraan ng iyong pag-akay sa iba na makapasok sa realidad ng mga pahayag ng Diyos. Kung nagagawa mong unawain ang maraming katotohanan at malinaw kang nagtatamo ng kabatiran sa maraming bagay mula sa mga salita ng Diyos, may kakayahan kang akayin ang iba na maunawaan din ang maraming katotohanan, at yaong mga inaakay mo ay magkakaroon ng malinaw na pagkaunawa sa mga pangitain. Kung magtutuon ka sa pag-unawa sa mga damdaming di-pangkaraniwan, gagawin din iyon ng mga inaakay mo. Kung kinaliligtaan mong magsagawa, at sa halip ay binibigyang-diin mo ang talakayan, yaong mga inaakay mo ay magtutuon din sa talakayan, nang hindi man lamang nagsasagawa o nagkakaroon ng anumang pagbabago sa kanilang mga disposisyon; magiging masigasig lamang sila kunwari, nang hindi isinasagawa ang anumang mga katotohanan. Ibinibigay ng lahat ng tao sa iba kung ano ang mayroon sila mismo. Ang uri ng tao ang tumutukoy sa landas kung saan nila inaakay ang iba, gayundin ang uri ng mga tao na inaakay nila. Upang maging tunay na akmang kasangkapanin ng Diyos, hindi lamang kayo kailangang magkaroon ng hangarin, kundi kailangan din ninyo ng malaking kaliwanagan mula sa Diyos, patnubay mula sa Kanyang mga salita, karanasang mapakitunguhan Niya, at pagpipino ng Kanyang mga salita. Kung gagawin ninyo itong pundasyon, sa karaniwang mga pagkakataon, dapat kayong magtuon ng pansin sa inyong mga obserbasyon, saloobin, pagbubulay-bulay, at konklusyon, at maging abala sa pagtanggap o pag-aalis nang naaayon dito. Lahat ng ito ay mga landas para sa inyong pagpasok sa realidad, at bawat isa sa mga ito ay lubhang kailangan. Ganito gumagawa ang Diyos. Kung gagamitin mo ang pamamaraang ito ng paggawa ng Diyos, magkakaroon ka ng mga pagkakataon araw-araw na magawa ka Niyang perpekto. At anumang oras, malupit man o kanais-nais ang iyong sitwasyon, sinusubok ka man o tinutukso, gumagawa ka man o hindi, at namumuhay ka man nang mag-isa o bahagi ka ng isang grupo, palagi kang makahahanap ng mga pagkakataon para magawang perpekto ng Diyos, nang hindi pinalalampas ni isa sa mga ito. Magagawa mong tuklasin ang mga ito at sa ganitong paraan, masusumpungan mo ang lihim sa pagdanas ng mga salita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 461

Sa panahong ito, maraming taong hindi pumapansin sa mga aral na dapat matutunan habang nakikipag-ugnayan sa iba. Natuklasan Ko na marami sa inyo ang hindi man lamang matuto ng mga aral habang nakikipag-ugnayan sa iba; karamihan sa inyo ay nakapagkit sa sarili ninyong mga pananaw. Kapag gumagawa sa iglesia, sinasabi mo ang gusto mong sabihin at sinasabi ng iba pa ang gusto nila, at walang kaugnayan ang isa sa isa pa; ni hindi ka aktwal na tumutulong. Kayong lahat ay masyadong nakatuon sa pagpapaabot lamang ng sarili ninyong mga kabatiran o sa pagpapalaya ng mga “bigat” na dala ninyo sa inyong kalooban, nang hindi naghahangad ng buhay kahit sa pinakamaliit na paraan. Mukhang ginagawa mo lamang ang gawain nang walang gana, laging naniniwala na dapat kang tumahak sa sarili mong landas anuman ang sabihin o gawin ng iba; iniisip mong dapat kang magbahagi ayon sa paggabay sa iyo ng Banal na Espiritu, anuman ang sitwasyon ng iba. Hindi ninyo nagagawang tuklasin ang mga kalakasan ng iba, at ni hindi rin ninyo kayang suriin ang inyong sarili. Ang pagtanggap ninyo sa mga bagay-bagay ay talagang lihis at mali. Masasabi na kahit ngayon ay madalas pa rin kayong magmagaling, na para bang nagbalik kayo sa dating sakit na iyon. Hindi kayo nakikipag-usap sa isa’t isa sa isang paraang lubos na hayagan, halimbawa, tungkol sa uri ng kinalabasang natamo ninyo sa paggawa sa ilang iglesia, o tungkol sa kundisyon ng iyong kalooban kamakailan, at iba pa; sadyang hindi kayo nag-uusap kailanman tungkol sa gayong mga bagay. Talagang hindi kayo lumalahok sa mga pagsasagawa tulad ng pagbitaw sa sarili ninyong mga haka-haka o pagtalikod sa inyong sarili. Iniisip lamang ng mga lider at manggagawa kung paano mapapanatiling hindi negatibo ang kanilang mga kapatid at kung paano nila magagawang sumunod nang masigla. Gayunman, iniisip ninyong lahat na sapat nang sumunod lamang nang masigla, at higit sa lahat, hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng kilalanin ang inyong sarili at talikdan ang inyong sarili, lalong hindi ninyo nauunawaan ang kahulugan ng maglingkod sa pakikipag-ugnayan sa iba. Iniisip lamang ninyo na loobin ninyo mismong suklian ang Diyos sa Kanyang pagmamahal, na loobin ninyo mismong isabuhay ang estilo ni Pedro. Maliban sa mga bagay na ito, wala na kayong iba pang iniisip. Sinasabi pa ninyo na, anuman ang gawin ng ibang mga tao, hindi ka pikit-matang magpapasakop, at na anumang klase ang mga tao, hahanapin mo mismo ang pagpeperpekto ng Diyos, at magiging sapat na iyon. Gayunman, ang totoo ay hindi matibay na naipahayag ang iyong kagustuhan sa anumang paraan sa realidad. Hindi ba lahat ng ito ang uri ng pag-uugaling ipinapakita ninyo sa panahong ito? Mahigpit na kumakapit ang bawat isa sa inyo sa sarili ninyong kabatiran, at hangad ninyong lahat na magawang perpekto. Nakikita Ko na nakapaglingkod kayo sa loob ng napakatagal na panahon nang walang gaanong nagawang pag-unlad; lalo na, sa aral na ito ng pagtutulungan nang may pagkakaisa, wala talaga kayong nakamit na anuman! Kapag nagpupunta sa mga iglesia nangungusap ka sa sarili mong paraan, at nangungusap ang iba sa kanilang paraan. Bihirang magkaroon ng pagtutulungang may pagkakaisa, at mas totoo pa nga ito sa mga alagad na nakakababa sa iyo. Ibig sabihin, bihirang maunawaan ng sinuman sa inyo kung ano ang paglilingkod sa Diyos, o kung paano dapat maglingkod ang isang tao sa Diyos. Naguguluhan kayo at itinuturing ninyong maliliit na bagay ang ganitong uri ng aral. Maraming tao pa ngang hindi lamang bigong isagawa ang aspetong ito ng katotohanan, kundi sadya ring gumagawa ng mali. Kahit ang mga naglingkod na nang maraming taon ay nag-aaway-away at nagpaplano laban sa isa’t isa at naiinggit at nakikipagkumpitensya; kanya-kanya sila, at ni hindi sila nagtutulungan. Hindi ba kumakatawan ang lahat ng bagay na ito sa inyong aktwal na tayog? Kayong mga tao na sama-samang naglilingkod araw-araw ay parang mga Israelita, na direktang naglingkod sa Diyos Mismo araw-araw sa templo. Paano nangyari na kayong mga tao, na naglilingkod sa Diyos, ay walang ideya kung paano mag-ugnayan o paano maglingkod?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 462

Ang hinihingi sa inyo ngayon—magtulungan nang may pagkakaisa—ay katulad ng paglilingkod na hiningi ni Jehova sa mga Israelita: Kung hindi, tumigil na lang kayo sa paglilingkod. Dahil kayo ay mga taong tuwirang naglilingkod sa Diyos, kailangan ay mayroon man lang kayong kakayahang maging tapat at magpasakop sa inyong paglilingkod, at kailangan din kayong matuto ng mga aral sa praktikal na paraan. Lalo na para sa inyo na gumagawa sa iglesia, mangangahas ba ang sinuman sa mga kapatid na nakakababa sa inyo na iwasto kayo? Mangangahas ba ang sinuman na sabihin sa inyo nang harapan ang mga pagkakamali ninyo? Nakatataas kayo sa lahat ng iba pa; namumuno nga kayo bilang mga hari! Ni hindi nga kayo nag-aaral o pumapasok sa ganitong mga uri ng praktikal na mga aral, subalit nagsasalita pa rin kayo tungkol sa paglilingkod sa Diyos! Sa kasalukuyan, hinihilingan kang mamuno sa ilang iglesia, ngunit hindi mo lamang hindi isinusuko ang iyong sarili, kundi kumakapit ka pa sa sarili mong mga haka-haka at opinyon, na nagsasabi ng mga bagay na gaya ng, “Sa tingin ko dapat gawin ang bagay na ito sa ganitong paraan, dahil sinabi na ng Diyos na hindi tayo dapat pigilan ng iba at na sa mga panahong ito ay hindi tayo dapat magpasakop nang pikit-mata.” Samakatuwid, bawat isa sa inyo ay kumakapit sa sarili ninyong opinyon, at walang sinumang sumusunod sa isa’t isa. Bagama’t malinaw ninyong alam na hindi sumusulong ang inyong paglilingkod, sinasabi pa rin ninyo, “Sa nakikita ko, hindi nalalayo ang paraan ko sa nararapat. Ano’t anuman, may panig ang bawat isa sa atin: Magsalita ka tungkol sa panig mo, at magsasalita ako tungkol sa akin; magbahagi ka tungkol sa mga pangitain mo, at magsasalita ako tungkol sa aking pagpasok.” Hindi ninyo kailanman inaako ang responsibilidad para sa maraming bagay na dapat iwasto, o sadyang hinahayaan lamang ninyo, ibinubulalas lamang ng bawat isa sa inyo ang sarili ninyong mga opinyon at maingat na pinoprotektahan ang sarili ninyong katayuan, reputasyon, at kahihiyan. Walang sinuman sa inyo ang handang magpakumbaba, at alinmang panig ay hindi magkukusang isuko ang sarili at magpuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa upang mas mabilis na umunlad ang buhay. Kapag sama-sama kayong nag-uugnayan, dapat kayong matutong maghangad ng katotohanan. Maaari ninyong sabihing, “Hindi malinaw ang pagkaunawa ko sa aspetong ito ng katotohanan. Ano ang karanasan mo rito?” O, maaari mong sabihing, “Mas marami kang karanasan kaysa sa akin sa aspetong ito; maaari mo ba akong gabayan nang kaunti?” Hindi ba iyon magandang paraan ng pagtrato roon? Nakinig na kayo sa maraming sermon, at may kaunting karanasan sa paglilingkod. Kung hindi kayo natututo sa isa’t isa, nagtutulungan, at nagpupuno sa mga pagkukulang ng isa’t isa kapag gumagawa kayo ng gawain sa mga iglesia, paano kayo matututo ng mga aral? Tuwing may nakakaharap kayong anuman, dapat kayong magbahaginan sa isa’t isa upang makinabang ang buhay ninyo. Bukod pa roon, dapat kayong magbahaginang mabuti tungkol sa lahat ng uri ng bagay bago gumawa ng anumang mga desisyon. Sa paggawa lamang nito kayo umaako ng responsibilidad para sa iglesia sa halip na kumilos lang nang walang interes. Matapos ninyong bisitahin ang lahat ng iglesia, dapat kayong magtipun-tipon at magbahaginan tungkol sa lahat ng isyung natutuklasan ninyo at anumang mga problemang naranasan ninyo sa inyong gawain, at pagkatapos ay dapat kayong mag-usap-usap tungkol sa kaliwanagan at pagtanglaw na inyong natanggap—kailangang-kailangan ang pagsasagawang ito ng paglilingkod. Kailangan kayong magtulungan nang maayos para sa layunin ng gawain ng Diyos, para sa kapakinabangan ng iglesia, at upang hikayating sumulong ang inyong mga kapatid. Dapat kayong makipag-ugnayan sa isa’t isa, na bawat isa’y sinususugan ang iba at humahantong sa mas magandang resulta ng gawain, upang maalagaan ang kalooban ng Diyos. Ito ang tunay na pagtutulungan, at ang mga gumagawa lamang nito ang magtatamo ng tunay na pagpasok. Habang nagtutulungan, maaaring hindi naaangkop ang ilan sa mga salitang sinasabi mo, ngunit hindi iyon mahalaga. Magbahaginan kayo tungkol doon kalaunan, at magtamo ng malinaw na pagkaunawa rito; huwag itong kaligtaan. Pagkatapos ng ganitong uri ng pagbabahaginan, mapupunan ninyo ang mga pagkukulang ng inyong mga kapatid. Kapag mas nilaliman ninyo nang ganito ang pagkilos sa inyong gawain, at saka kayo magtatamo ng mas magagandang resulta. Bawat isa sa inyo, bilang mga taong naglilingkod sa Diyos, ay kailangang maipagtanggol ang mga interes ng iglesia sa lahat ng inyong ginagawa, sa halip na isipin lamang ang sarili ninyong mga interes. Hindi katanggap-tanggap na kumilos nang mag-isa, na sinisiraan ang bawat isa. Ang mga taong gayon ang ugali ay hindi angkop na maglingkod sa Diyos! Ang gayong mga tao ay may napakasamang disposisyon; wala sila ni katiting na pagkamakatao. Siyento por siyentong Satanas ang mga iyon! Mga hayop sila! Kahit ngayon, nangyayari pa rin sa inyo ang gayong mga bagay; inaatake pa ninyo ang isa’t isa kapag nagbabahaginan kayo, at sadyang naghahanap ng mga dahilan at namumula ang buong mukha habang pinagtatalunan ninyo ang isang maliit na bagay, ayaw kalimutan ng sinuman sa inyo ang inyong sarili, ikinukubli sa isa’t isa ang mga iniisip nila, masusing pinanonood ang kabilang panig at laging nakahanda. Angkop bang maglingkod sa Diyos ang ganitong uri ng disposisyon? Kaya ba ng gawaing tulad ng sa iyo na tustusan ng anuman ang iyong mga kapatid? Hindi mo lamang hindi nagagabayan ang mga tao patungo sa tamang landas ng buhay, kundi ikinikintal mo pa ang sarili mong mga tiwaling disposisyon sa iyong mga kapatid. Hindi mo ba sinasaktan ang iba? Ang sama-sama at bulok na bulok ng konsiyensya mo! Hindi ka pumapasok sa realidad, ni hindi mo isinasagawa ang katotohanan. Dagdag pa riyan, hindi ka na nahiyang ipakita sa iba ang iyong likas na kademonyohan. Hindi ka talaga marunong mahiya! Ipinagkatiwala na sa iyo ang mga kapatid na ito, subalit dinadala mo sila sa impiyerno. Hindi ka ba isang taong bulok na ang konsiyensya? Wala ka talagang hiya!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Maglingkod Gaya ng Ginawa ng mga Israelita

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 463

Nagagawa mo bang ipabatid ang disposisyong ipinahayag ng Diyos sa bawat kapanahunan sa isang kongkretong paraan, gamit ang wikang angkop na nagpapahayag ng kabuluhan ng kapanahunan? Ikaw ba, na nakakaranas ng gawain ng Diyos sa mga huling araw, ay may kakayahan na detalyadong ilarawan ang matuwid na disposisyon ng Diyos? Malinaw at tumpak ka bang makapagpapatotoo tungkol sa disposisyon ng Diyos? Paano mo ipapasa ang iyong nakita at naranasan sa mga taong nakakaawa, dukha, at tapat na relihiyosong mga mananampalataya na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran at naghihintay sa iyo na akayin sila? Anong klaseng mga tao ang naghihintay sa iyo na akayin sila? Naiisip mo ba? Alam mo ba ang pasaning nasa iyong mga balikat, ang iyong atas, at ang iyong responsabilidad? Nasaan ang iyong pakiramdam ng makasaysayang misyon? Paano ka magsisilbi nang sapat bilang isang panginoon sa susunod na kapanahunan? Mayroon ka bang matibay na paninindigan ng pagiging panginoon? Paano mo ipaliliwanag ang panginoon ng lahat ng bagay? Ito ba talaga ang panginoon ng lahat ng nabubuhay na nilalang at lahat ng pisikal na bagay sa mundo? Ano ang mga plano mo para sa pagsulong ng susunod na yugto ng gawain? Ilang tao ang naghihintay sa iyo na maging pastol nila? Mabigat ba ang iyong gawain? Sila ay dukha, kaawa-awa, bulag, at nalilito, dumaraing sa kadiliman—nasaan ang daan? Lubha silang nananabik sa liwanag, tulad ng isang bulalakaw, upang biglang bumulusok at itaboy ang mga puwersa ng kadiliman na nang-api sa tao sa loob ng maraming taon. Sino ang makakaalam kung gaano sila sabik na umaasa, at gaano sila nananabik, araw at gabi, para dito? Kahit sa isang araw na nagdaraan ang kumikinang na liwanag, ang mga taong ito na labis na nagdurusa ay nananatiling nakakulong sa isang madilim na piitan nang walang pag-asang mapalaya; kailan sila titigil sa pagluha? Grabe ang kasawian ng marurupok na espiritung ito na hindi kailanman napagkalooban ng kapahingahan, at matagal nang patuloy na nakatali sa kalagayang ito ng walang-awang mga gapos at malamig na kasaysayan. At sino na ang nakarinig sa ingay ng kanilang pagdaing? Sino na ang nakakita sa kanilang kaawa-awang kalagayan? Naisip mo na ba kung gaano kalungkot at kabalisa ang puso ng Diyos? Paano Niya matitiis na makita ang inosenteng sangkatauhan, na nilikha ng sarili Niyang mga kamay, na nagdaranas ng gayong paghihirap? Kunsabagay, ang sangkatauhan ang kapus-palad na mga biktimang nalason na. At bagama’t nanatiling buhay ang tao hanggang sa araw na ito, sino ang makakaalam na matagal nang nalason ng masamang nilalang ang sangkatauhan? Nalimutan mo na ba na isa ka sa mga biktima? Hindi ka ba handang patuloy na mabuhay, dala ng iyong pagmamahal sa Diyos, upang iligtas ang mga natirang buhay na ito? Hindi ka ba handang ilaan ang lahat ng iyong lakas upang suklian ang Diyos, na nagmamahal sa sangkatauhan na parang sarili Niyang laman at dugo? Kapag nasabi at nagawa na ang lahat, paano mo bibigyang-kahulugan ang pagkakasangkapan ng Diyos sa iyo upang maipamuhay mo ang iyong pambihirang buhay? Talaga bang mayroon kang matibay na pasya at tiwala na ipamuhay ang makabuluhang buhay ng isang taong madasalin at mapaglingkod sa Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Asikasuhin ang Misyon Mo sa Hinaharap?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 464

Ang tao ay naniniwala sa Akin, ngunit hindi nila kayang magpatotoo sa Akin, ni magpatotoo para sa Akin bago Ko ipakilala ang Aking sarili. Nakikita lamang ng mga tao na nahihigitan Ko ang mga nilikha at lahat ng banal na tao, at nakikitang hindi kayang gawin ng mga tao ang gawaing ginagampanan Ko. Samakatuwid, mula sa mga Hudyo hanggang sa mga tao ng kasalukuyang panahon, lahat ng nakakikita sa Aking maluwalhating mga gawa ay napupuno ng walang iba kundi pagkamausisa tungo sa Akin, at wala ni isang bibig ng nilikha ang nagawang magpatotoo sa Akin. Tanging ang Aking Ama ang nagpatotoo sa Akin, at gumawa ng landas para sa Akin sa gitna ng lahat ng nilalang; kung hindi Niya ginawa iyon, kahit na papaano Ako gumawa, hindi kailanman malalaman ng tao na Ako ang Panginoon ng sangnilikha, dahil ang alam lamang ng tao ay kumuha sa Akin at wala siyang pananampalataya sa Akin dahil sa Aking gawain. Kilala lamang Ako ng tao dahil wala Akong kasalanan at hindi makasalanan sa anumang bahagi, dahil naipapaliwanag Ko ang maraming misteryo, dahil nakahihigit Ako sa karamihan, o dahil nakinabang nang malaki sa Akin ang tao, ngunit kaunti ang naniniwalang Ako ang Panginoon ng sangnilikha. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na hindi alam ng tao kung bakit siya may pananampalataya sa Akin; hindi niya alam ang layunin o kahalagahan ng pagkakaroon ng pananampalataya sa Akin. Ang realidad ng tao ay kapos, kung saan siya ay halos hindi karapat-dapat magpatotoo sa Akin. Masyadong kaunti ang tunay ninyong pananampalataya at masyadong kaunti ang inyong natamo, kaya masyadong kaunti ang inyong patotoo. Bukod diyan, masyadong kaunti ang inyong nauunawaan at masyadong marami ang inyong kakulangan, kung saan halos hindi kayo karapat-dapat magpatotoo sa Aking mga gawa. Matindi nga ang inyong pagpapasya, ngunit nakatitiyak ba kayo na matagumpay kayong makapagpapatotoo sa diwa ng Diyos? Ang naranasan at nakita ninyo ay higit pa sa mga santo at propeta mula sa lahat ng kapanahunan, ngunit kaya ba ninyong magbigay ng patotoo na higit pa sa mga salita ng mga dating santo at propetang ito? Ang ipinagkaloob Ko sa inyo ngayon ay higit pa kay Moises at higit pa kay David, kung kaya’t hinihiling Ko na ang inyong patotoo ay malampasan ang kay Moises at ang inyong mga salita ay maging higit pa kay David. Sandaang beses ang Aking ibinibigay sa inyo—kaya’t hinihiling Ko rin sa inyo na katumbas noon ang ibalik sa Akin. Dapat ninyong malaman na Ako ang nagkakaloob ng buhay sa sangkatauhan, at kayo ang tumatanggap ng buhay mula sa Akin at dapat magpatotoo sa Akin. Ito ang inyong tungkulin na Aking ipinapadala sa inyo at nararapat ninyong gawin para sa Akin. Ipinagkaloob Ko na sa inyo ang lahat ng Aking kaluwalhatian, ipinagkaloob Ko sa inyo ang buhay na hindi kailanman natanggap ng hinirang na bayan, ang mga Israelita. Kung tutuusin, dapat kayong magpatotoo sa Akin at italaga ang inyong kabataan at ialay ang inyong buhay sa Akin. Ang sinumang pagkalooban Ko ng Aking kaluwalhatian ay dapat na magpatotoo sa Akin at mag-alay ng kanilang buhay para sa Akin. Matagal Ko na itong naitadhana. Mapalad kayo na ipinagkakaloob Ko ang Aking kaluwalhatian sa inyo, at ang inyong tungkulin ay magpatotoo sa Aking kaluwalhatian. Kung maniniwala kayo sa Akin upang magtamo lamang ng mga pagpapala, walang gaanong magiging kabuluhan ang Aking gawain, at hindi ninyo maisasakatuparan ang inyong tungkulin. Ang nakita lamang ng mga Israelita ay ang Aking awa, pag-ibig, at kadakilaan, at ang nasaksihan lamang ng mga Hudyo ay ang Aking tiyaga at pagtubos. Kaunting-kaunti lamang ang nakita nila sa gawain ng Aking Espiritu; sa puntong ang naunawaan nila ay pawang katiting lang ng narinig at nakita ninyo. Nahigitan ng nakita ninyo maging ang mga pinunong saserdote sa gitna nila. Ang mga katotohanan na inyong naunawaan ngayon ay higit sa kanila; ang nakita ninyo ngayon ay higit pa sa nakita noong Kapanahunan ng Kautusan, pati na rin sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang naranasan ninyo ay higit pa maging sa naranasan nina Moises at Elias. Sapagkat ang naunawaan lamang ng mga Israelita ay ang batas ni Jehova, at ang nakita nila ay ang likuran lamang ni Jehova; ang naunawaan lamang ng mga Hudyo ay ang pagtubos ni Jesus, ang natangap nila ay ang biyaya lamang na ipinagkaloob ni Jesus, at ang nakita nila ay ang larawan lamang ni Jesus sa loob ng tahanan ng mga Hudyo. Ang nakikita ninyo ngayon ay ang kaluwalhatian ni Jehova, ang pagtubos ni Jesus, at ang lahat ng Aking mga gawa sa araw na ito. Gayundin, narinig na ninyo ang mga salita ng Aking Espiritu, pinahalagahan ang Aking karunungan, nasaksihan ang Aking kamanghaan, at natutunan ang Aking disposisyon. Nasabi Ko na rin sa inyo ang lahat ng Aking plano ng pamamahala. Ang nasaksihan ninyo ay hindi lamang isang mapagmahal at maawaing Diyos, kundi isang Diyos na puspos ng katuwiran. Nakita na ninyo ang Aking nakamamanghang gawain at nalaman ninyong puno Ako ng kamahalan at poot. Higit pa rito, batid ninyong minsan na Akong nagdala ng Aking nag-aalab na poot sa sambahayan ng Israel, at ngayon, nakarating na ito sa inyo. Higit pa ang nauunawaan ninyo sa Aking mga misteryo sa langit kaysa kina Isaias at Juan; higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking pagiging kaibig-ibig at pagiging kagalang-galang kaysa sa lahat ng banal ng mga nakaraang kapanahunan. Ang natanggap ninyo ay hindi lamang ang Aking katotohanan, ang Aking daan, at ang Aking buhay, kundi isang pangitain at pahayag na higit pa kaysa kay Juan. Naunawaan ninyo ang higit na maraming misteryo, at nasaksihan na rin ang Aking tunay na mukha; higit pa ang natanggap ninyo sa Aking paghatol at higit pa ang nalalaman ninyo tungkol sa Aking matuwid na disposisyon. Kung kaya, kahit na ipinanganak kayo sa mga huling araw, ang inyong pang-unawa ay sa nauna at nakalipas, at naranasan na rin ninyo ang mga bagay sa kasalukuyan, at ang lahat ng ito ay personal Kong ginawa. Hindi labis ang hinihingi Ko sa inyo, sapagkat napakarami Ko nang naibigay sa inyo, at marami na ang nakita ninyo sa Akin. Samakatuwid, hinihiling Ko sa inyong magpatotoo para sa Akin sa mga banal ng mga nagdaang kapanahunan, at ito lamang ang nais ng Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 465

Batid mo na ba talaga ngayon kung bakit ka naniniwala sa Akin? Alam mo na ba talaga ang layunin at kabuluhan ng Aking gawain? Batid mo na ba talaga ang iyong tungkulin? Batid mo na ba talaga ang Aking patotoo? Kung naniniwala ka lamang sa Akin, ngunit walang bakas ng Aking kaluwalhatian o patotoo sa iyo, matagal na kitang inalis kung gayon. Para sa mga nakakaalam ng lahat ng bagay, sila’y lalo pang mga tinik sa Aking mata, at sa Aking tahanan, mga hadlang lamang sila sa Aking daan, sila ay mga panirang damo na dapat ay ganap na matahip palayo sa Aking gawain, wala silang silbi, wala silang halaga, at matagal Ko na silang kinasusuklaman. Madalas bumabagsak ang Aking poot sa lahat ng walang patotoo, at hindi kailanman lumilihis sa kanila ang Aking pamalo. Matagal Ko na silang ibinigay sa mga kamay ng masama; at wala na sa kanila ang Aking mga pagpapala. Kapag dumating ang araw, ang kanilang pagkastigo ay magiging mas mabigat pa kaysa sa pagkastigo sa mga hangal na babae. Ngayon, ginagampanan Ko lang ang gawaing tungkulin Kong gampanan; pagbubungkus-bungkusin ko ang mga trigo, kasama ng mga panirang damo. Ito ang Aking gawain ngayon. Itatahip ang mga panirang damo sa panahon ng Aking pagtatahip, pagkatapos ang mga butil ng trigo ay iipunin sa kamalig, at ang mga panirang damo na natahip na ay itatapon sa apoy upang sunugin hanggang maging alabok. Ang Aking gawain ngayon ay igapos lang ang lahat ng tao sa mga bigkis, iyon ay, upang ganap na lupigin sila. Saka Ko sisimulan ang magtahip upang ibunyag ang katapusan ng lahat ng tao. Kung kaya’t dapat mo nang malaman kung paano mo Ako dapat bigyang-kaluguran ngayon, at kung paano mo dapat itakda sa tamang landas ang iyong pananampalataya sa Akin. Ang nais Ko ay ang iyong katapatan at pagkamasunurin ngayon, ang iyong pag-ibig at patotoo ngayon. Kahit na hindi mo pa alam sa sandaling ito kung ano ang patotoo o kung ano ang pag-ibig, dapat mong ibigay sa Akin ang iyong lahat-lahat, at ibigay sa Akin ang tanging kayamanan na mayroon ka: ang iyong katapatan at pagkamasunurin. Dapat mong malaman na ang patotoo ng Aking paggapi kay Satanas ay nasa katapatan at pagkamasunurin ng tao, gayundin ang patotoo sa Aking ganap na paglupig sa tao. Ang tungkulin ng iyong pananampalataya sa Akin ay ang magpatotoo sa Akin, maging tapat sa Akin lamang, at maging masunurin hanggang sa huli. Bago Ko simulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain, paano ka magpapatotoo sa Akin? Papaano ka magiging tapat at masunurin sa Akin? Itinatalaga mo ba ang iyong buong katapatan sa iyong tungkulin o basta ka na lang susuko? Mas nanaisin mo bang magpasakop sa bawat pagsasaayos Ko (maging ito man ay kamatayan o pagkawasak), o tumakas sa kalagitnaan upang maiwasan ang Aking pagkastigo? Kinakastigo kita upang ikaw ay magpatotoo sa Akin, at maging tapat at masunurin sa Akin. Higit pa rito, ang pagkastigo sa kasalukuyan ay upang ilantad ang susunod na hakbang ng Aking gawain at upang pahintulutang sumulong nang walang hadlang ang gawain. Kaya itinatagubilin Ko sa iyo na maging matalino at huwag tratuhin ang iyong buhay o ang kahalagahan ng iyong pag-iral na parang walang kabuluhang buhangin. Malalaman mo bang tiyak kung ano ang darating na gawain Ko? Alam mo ba kung paano Ako gagawa sa mga darating na araw at kung paano malalantad ang Aking gawain? Dapat mong malaman ang kabuluhan ng iyong karanasan sa Aking gawain, at bukod pa rito, ang kabuluhan ng iyong pananampalataya sa Akin. Marami na Akong nagawa; paano Ako susuko sa kalagitnaan ayon sa iyong palagay? Malawak na ang gawaing nagampanan Ko; paano Ko iyon mawawasak? Sa katunayan, naparito Ako upang wakasan ang kapanahunang ito. Ito ay totoo, ngunit higit pa rito, dapat mong malaman na magsisimula Ako ng isang bagong kapanahunan, upang magsimula ng bagong gawain, at, higit sa lahat, upang palaganapin ang ebanghelyo ng kaharian. Kaya dapat mong malaman na ang gawain ngayon ay para lamang simulan ang isang kapanahunan, at upang ilatag ang pundasyon para sa pagpapalaganap ng ebanghelyo sa panahong darating at sa pagwawakas sa kapanahunan sa hinaharap. Ang Aking gawain ay hindi kasing pangkaraniwan tulad ng iniisip mo, hindi rin ito kasing walang halaga o walang kahulugan gaya ng pinaniniwalaan mo. Samakatuwid, dapat Ko pa ring sabihin sa iyo: Dapat mong ibigay ang iyong buhay sa Aking gawain, at bukod dito, dapat mong italaga ang iyong sarili sa Aking kaluwalhatian. Matagal Ko nang hinahangad na magpatotoo ka sa Akin, at higit Kong hinahangad na palaganapin mo ang Aking ebanghelyo. Dapat mong maunawaan kung ano ang nasa Aking puso.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Alam Mo sa Pananampalataya?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 466

Bagama’t ang inyong pananampalataya ay lubhang taos-puso, walang sinuman sa inyo ang may kakayahang ikuwento Ako nang buung-buo, walang sinumang makapagbigay ng buong patotoo sa lahat ng katotohanang nakikita ninyo. Pag-isipan ninyo ito: Ngayon, karamihan sa inyo ay pabaya sa inyong mga tungkulin, sa halip ay hinahangad ninyo ang laman, binibigyang-kasiyahan ang laman, at nagpapasasa sa pagpapakasaya sa laman. Kakaunti ang taglay ninyong katotohanan. Kung gayon, paano ninyo mapapatotohanan ang lahat ng nakita ninyo? Tiwala ba kayo talaga na maaari kayong maging mga saksi Ko? Kung dumating ang isang araw na hindi mo mapatotohanan ang lahat ng nakita mo ngayon, nawalan ka na ng silbi bilang isang nilalang, at mawawalan na ng anumang kahulugan ang iyong buhay. Hindi ka magiging karapat-dapat na maging tao. Masasabi pa na hindi ka magiging tao! Napakalaki ng nagawa Kong gawain sa inyo, ngunit dahil wala kang natututuhan sa kasalukuyan, wala kang kamalayan sa anuman, at hindi ka epektibo sa iyong mga pagsusumikap, kapag panahon na para palawakin Ko ang Aking gawain, tititig ka lamang sa kawalan, walang imik at lubos na walang-silbi. Hindi ka ba nito gagawing makasalanan habampanahon? Pagdating ng panahong iyon, hindi mo ba madarama ang pinakamatinding pagsisisi? Hindi ka ba malulungkot? Hindi Ko ginagawa ang lahat ng Aking gawain ngayon nang dahil sa katamaran at pagkainip, kundi upang maglatag ng isang pundasyon para sa Aking gawain sa hinaharap. Hindi naman sa wala na Akong patutunguhan at kailangan Kong makabuo ng isang bagay na bago. Dapat mong maunawaan ang gawaing ginagawa Ko; hindi ito isang bagay na ginagawa ng isang batang naglalaro sa kalye, kundi isang gawaing ginagawa bilang kinatawan ng Aking Ama. Dapat ninyong malaman na hindi Ako Mismo ang gumagawa ng lahat ng ito; sa halip, kinakatawan Ko ang Aking Ama. Samantala, ang inyong papel ay ang sumunod nang mahigpit, tumalima, magbago, at magpatotoo. Ang dapat ninyong maunawaan ay kung bakit kayo dapat maniwala sa Akin; ito ang pinakamahalagang tanong na dapat maunawaan ng bawat isa sa inyo. Ang Aking Ama, alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian, ay itinadhana kayong lahat para sa Akin mula sa sandaling nilikha Niya ang mundo. Para iyon sa kapakanan ng Aking gawain, at para sa kapakanan ng Kanyang kaluwalhatian, kaya Niya kayo itinadhana. Dahil sa Aking Ama kaya kayo naniniwala sa Akin; dahil sa pagtatadhana ng Aking Ama kaya ninyo Ako sinusunod. Wala sa mga ito ang nagmula sa sarili ninyong pagpapasiya. Ang mas mahalaga pa ay nauunawaan ninyo na kayo ang siyang ipinagkaloob sa Akin ng Aking Ama para magpatotoo sa Akin. Dahil ipinagkaloob Niya kayo sa Akin, dapat kayong sumunod sa mga daan na ipinagkakaloob Ko sa inyo, gayundin sa mga daan at sa mga salitang itinuturo Ko sa inyo, sapagkat tungkulin ninyong sumunod sa Aking mga daan. Ito ang orihinal na layunin ng inyong pananampalataya sa Akin. Samakatuwid, sinasabi Ko sa inyo ito: Kayo ay mga tao lamang na ipinagkaloob ng Aking Ama sa Akin upang sumunod sa Aking mga daan. Gayunman, naniniwala lamang kayo sa Akin; hindi kayo sa Akin sapagkat hindi kayo nanggaling sa pamilyang Israelita, at sa halip ay kauri kayo ng sinaunang ahas. Ang hinihiling Ko lamang na gawin ninyo ay magpatotoo para sa Akin, ngunit ngayon ay kailangan kayong lumakad sa Aking mga daan. Lahat ng ito ay para sa kapakanan ng patotoo sa hinaharap. Kung magiging mga tao lamang kayo na nakikinig sa Aking mga daan, hindi kayo magkakaroon ng halaga, at ang kabuluhan ng pagkakaloob sa inyo ng Aking Ama sa Akin ay mawawala. Ang pilit Kong sinasabi sa inyo ay ito: Dapat kayong lumakad sa Aking mga daan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ano ang Pagkaunawa Mo sa Diyos?

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 467

Paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa loob ng iglesia sa ngayon? Mayroon ka bang matatag na pagkaunawa sa tanong na ito? Ano ang pinakamalalaking paghihirap ng iyong mga kapatid? Ano ang pinakakulang sa kanila? Sa kasalukuyan, may ilang tao na negatibo sa gitna ng mga pagsubok, at ang ilan ay nagrereklamo pa. Ang ibang mga tao ay hindi na sumusulong pa sapagkat ang Diyos ay tapos nang magsalita. Ang mga tao ay hindi pa nakapasok sa tamang landas ng paniniwala sa Diyos. Hindi nila kayang mamuhay nang mag-isa, at hindi nila mapanatili ang kanilang sariling espirituwal na buhay. Ang ilang tao ay sumusunod at nagpapatuloy nang may sigla, at handang magsagawa kapag nagsasalita ang Diyos, ngunit kapag hindi nagsasalita ang Diyos, hindi na sila sumusulong. Hindi pa rin naiintindihan ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso at wala silang likas na pagmamahal para sa Diyos; noong araw sumunod sila sa Diyos dahil napilitan sila. Ngayon mayroong ilang tao na sawa na sa gawain ng Diyos. Hindi ba nanganganib ang gayong mga tao? Napakaraming taong nabubuhay sa isang kalagayang makaraos lang. Bagama’t kumakain at umiinom sila ng mga salita ng Diyos at nagdarasal sa Kanya, ginagawa nila iyon nang walang sigasig, at wala na silang sigla na tulad ng dati. Karamihan sa mga tao ay hindi interesado sa gawain ng pagpipino at pagperpekto ng Diyos, at talagang parang palaging walang sigla ang kanilang kalooban. Kapag nadaraig sila ng mga paglabag, hindi nila nadarama na may utang na loob sila sa Diyos, ni wala silang kamalayan na magsisi. Hindi nila hinahanap ang katotohanan o iniiwan ang iglesia, at sa halip ay naghahangad lamang sila ng mga panandaliang kasiyahan. Ang mga taong ito ay hangal, at napakabobo! Pagdating ng panahon, palalayasin silang lahat, at wala ni isa ang maliligtas! Palagay mo ba kung naligtas ang isang tao nang minsan ay palagi na silang ligtas? Puro kalokohan ang paniniwalang iyan! Lahat ng hindi naghahangad na makapasok sa buhay ay kakastiguhin. Karamihan sa mga tao ay lubos na walang interes sa pagpasok sa buhay, sa mga pangitain, o sa pagsasagawa ng katotohanan. Hindi nila hinahangad na makapasok, at tiyak na hindi nila hinahangad na makapasok nang mas malalim. Hindi ba nila sinisira ang kanilang sarili? Sa ngayon, may isang bahagi ng mga tao na ang mga kalagayan ay laging paganda nang paganda. Habang lalong gumagawa ang Banal na Espiritu, lalo silang nagkakaroon ng tiwala; habang lalong nadaragdagan ang kanilang karanasan, lalo nilang nadarama ang malalim na hiwaga ng gawain ng Diyos. Habang nakakapasok sila nang mas malalim, lalo silang nakakaunawa. Nadarama nila na napakadakila ng pag-ibig ng Diyos, at napapanatag at naliliwanagan ang kanilang kalooban. May pagkaunawa sila sa gawain ng Diyos. Sila ang mga taong ginagawaan ng Banal na Espiritu. Sinasabi ng ilang tao: “Bagama’t walang mga bagong salita mula sa Diyos, kailangan ko pa ring hangaring lumalim pa ang pagkaalam ko sa katotohanan, kailangan kong maging masigasig tungkol sa lahat ng bagay sa aking aktuwal na karanasan at pumasok sa realidad ng mga salita ng Diyos.” Ang ganitong uri ng tao ay nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu. Bagama’t hindi ipinakikita ng Diyos ang Kanyang mukha at nakatago Siya mula sa bawat tao, at bagama’t hindi Siya bumibigkas ni isang salita at may mga pagkakataon na dumaranas ang mga tao ng kaunting pagpipino ng kalooban, hindi pa lubusang iniwan ng Diyos ang mga tao. Kung hindi mapanatili ng isang tao ang katotohanang dapat nilang isagawa, hindi nila tataglayin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa panahon ng pagpipino, ng hindi pagpapakita ng Diyos ng Kanyang Sarili, kung wala kang tiwala kundi sa halip ay sumusukut-sukot ka, kung hindi ka nakatuon sa pagdanas ng Kanyang mga salita, tumatakas ka mula sa gawain ng Diyos. Kalaunan, isa ka sa mga palalayasin. Yaong mga hindi naghahangad na makapasok sa salita ng Diyos ay hindi maaaring tumayong saksi para sa Kanya. Ang mga taong nagagawang patotohanan ang Diyos at palugurin ang Kanyang kalooban ay lubos na umaasang lahat sa kanilang siglang hangarin na matamo ang mga salita ng Diyos. Ang gawaing ginagampanan ng Diyos sa mga tao una sa lahat ay upang tulutan silang makamit ang katotohanan; ang paghikayat sa iyo na maghangad ng buhay ay para sa kapakanan ng pagpeperpekto sa iyo, at lahat ng ito ay upang gawin kang angkop na kasangkapanin ng Diyos. Ang iyong hinahangad lamang ngayon ay ang makinig sa mga hiwaga, makinig sa mga salita ng Diyos, magpista ang iyong mga mata, at tumingin sa paligid upang makita kung may anumang bago o uso, at sa gayon ay masiyahan ang iyong pag-uusisa. Kung ito ang layunin sa iyong puso, walang paraan para matugunan mo ang mga hinihiling ng Diyos. Yaong mga hindi naghahangad ng katotohanan ay hindi makakasunod hanggang sa kahuli-hulihan. Sa ngayon, hindi sa walang ginagawa ang Diyos, kundi sa halip ay hindi nakikipagtulungan ang mga tao sa Kanya, dahil sawa na sila sa Kanyang gawain. Nais lamang nilang marinig ang mga salitang binibigkas Niya upang magkaloob ng mga pagpapala, at ayaw nilang makinig sa mga salita ng Kanyang paghatol at pagkastigo. Bakit kaya? Ito ay dahil ang mga pagnanais ng mga tao na magtamo ng mga pagpapala ay hindi pa natutupad at sa gayon ay naging negatibo at mahina sila. Hindi sa sadyang hindi tinutulutan ng Diyos ang mga tao na sundan Siya, ni sadya Siyang nagpapadala ng mga dagok sa sangkatauhan. Ang mga tao ay negatibo at mahina dahil lamang sa ang kanilang mga layunin ay hindi wasto. Ang Diyos ay ang Diyos na nagbibigay ng buhay sa tao, at hindi Niya maaaring dalhin ang tao sa kamatayan. Ang pagiging negatibo, mga kahinaan, at pagbalik ng mga tao sa dati ay pawang sarili nilang kagagawan.

Ang kasalukuyang gawain ng Diyos ay naghahatid sa mga tao ng kaunting pagpipino, at yaon lamang mga nakakayang manindigan kapag tinatanggap nila ang pagpipinong ito ang magkakamit ng pagsang-ayon ng Diyos. Gaano man Niya ikubli ang Kanyang Sarili, sa hindi man pagkibo o hindi paggawa, maaari ka pa ring maghangad nang may sigla. Kahit sinabi ng Diyos na itatakwil ka Niya, susunod ka pa rin sa Kanya. Ito ang pagtayong saksi para sa Diyos. Kung ikukubli ng Diyos ang Kanyang Sarili sa iyo at titigil ka sa pagsunod sa Kanya, pagtayong saksi ba ito para sa Diyos? Kung ang mga tao ay hindi talaga papasok, wala silang aktuwal na tayog, at kapag nakasagupa talaga sila ng isang matinding pagsubok ay matutumba sila. Kapag hindi nagsasalita ang Diyos, o gumagawa nang hindi naaayon sa iyong sariling mga pagkaintindi, bumabagsak ka. Kung kasalukuyang kumikilos ang Diyos ayon sa iyong sariling mga pagkaintindi, kung napapalugod Niya ang iyong kalooban at nagagawa mong manindigan at magpatuloy nang may sigla, ano ang magiging pundasyon ng iyong buhay? Sinasabi Ko na maraming taong nabubuhay sa paraang lubos na umaasa sa pag-uusisa ng tao. Talagang hindi tapat sa puso nila ang maghangad. Lahat ng mga hindi naghahangad na makapasok sa katotohanan kundi umaasa lang sa kanilang pag-uusisa sa buhay ay kasuklam-suklam na mga tao, at nanganganib sila! Ang iba’t ibang klase ng gawain ng Diyos ay isinasagawang lahat upang maperpekto ang sangkatauhan. Gayunman, palaging nag-uusisa ang mga tao, gusto nilang makibalita tungkol sa tsismis, nag-aalala sila tungkol sa mga kasalukuyang nangyayari sa ibang bansa—halimbawa, nag-uusisa sila tungkol sa nangyayari sa Israel, o kung may lindol sa Ehipto—palagi silang naghahanap ng anumang mga bagong bagay para mapalugod ang kanilang makasariling mga pagnanasa. Hindi nila hinahangad ang buhay, ni hindi nila hinahangad na maperpekto. Hinahangad lamang nilang dumating ang araw ng Diyos nang mas maaga upang magkatotoo ang kanilang magandang pangarap at matupad ang kanilang maluluhong pagnanasa. Ang ganitong klaseng tao ay hindi praktikal—sila ay mga taong hindi wasto ang pananaw. Paghahangad lamang sa katotohanan ang pundasyon ng paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos, at kung hindi hinahangad ng mga tao na makapasok sa buhay, kung hindi nila hinahangad na mapalugod ang Diyos, sasailalim sila sa kaparusahan. Yaong mga parurusahan ay ang mga hindi pa nagtaglay ng gawain ng Banal na Espiritu sa panahon ng gawain ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 468

Paano dapat makipagtulungan ang mga tao sa Diyos sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Kasalukuyang sinusubok ng Diyos ang mga tao. Hindi Siya bumibigkas ni isang salita, kundi ikinukubli Niya ang Kanyang Sarili at hindi Siya tuwirang nakikipag-ugnayan sa mga tao. Sa tingin, mukhang wala Siyang ginagawa, ngunit ang totoo ay gumagawa pa rin Siya sa kalooban ng tao. Sinumang naghahangad na makapasok sa buhay ay mayroong isang pananaw para sa kanilang paghahangad sa buhay, at wala silang mga pag-aalinlangan kahit hindi nila lubos na nauunawaan ang gawain ng Diyos. Sa gitna ng mga pagsubok, kahit kapag hindi mo alam kung ano ang nais gawin ng Diyos at kung anong gawain ang nais Niyang isakatuparan, dapat mong malaman na ang mga layunin ng Diyos para sa sangkatauhan ay palaging mabuti. Kung hahanapin mo Siya nang may isang tapat na puso, hindi ka Niya iiwan kailanman, at sa huli ay tiyak na gagawin ka Niyang perpekto, at dadalhin Niya ang mga tao sa isang angkop na hantungan. Paano man kasalukuyang sinusubok ng Diyos ang mga tao, darating ang araw na maglalaan Siya sa mga tao ng isang angkop na kahihinatnan at bibigyan sila ng angkop na ganti batay sa kanilang nagawa. Hindi aakayin ng Diyos ang mga tao sa isang partikular na punto at pagkatapos ay iwawaksi lang sila at babalewalain. Ito ay dahil ang Diyos ay mapagkakatiwalaan. Sa yugtong ito, ginagawa ng Banal na Espiritu ang gawain ng pagpipino. Pinipino Niya ang bawat tao. Sa mga hakbang ng gawain na itinatag ng pagsubok na kamatayan at ng pagsubok na pagkastigo, ang pagpipino ay isinagawa sa pamamagitan ng mga salita. Para maranasan ng mga tao ang gawain ng Diyos, kailangan muna nilang maunawaan ang Kanyang kasalukuyang gawain at kung paano dapat makipagtulungan ang sangkatauhan. Tunay ngang ito ay isang bagay na dapat maunawaan ng lahat. Anuman ang gawin ng Diyos, pagpipino man iyon o kahit hindi Siya nagsasalita, wala ni isang hakbang ng gawain ng Diyos ang nakaayon sa mga pagkaintindi ng sangkatauhan. Bawat hakbang ng Kanyang gawain ay sumisira at tumatagos sa mga pagkaintindi ng mga tao. Ito ay Kanyang gawain. Ngunit kailangan mong maniwala na, dahil nakaabot na ang gawain ng Diyos sa isang tiyak na yugto, hindi Niya papatayin ang buong sangkatauhan anuman ang mangyari. Nagbibigay Siya kapwa ng mga pangako at mga pagpapala sa sangkatauhan, at lahat niyaong sumusunod sa Kanya ay makakamtan ang Kanyang mga pagpapala, ngunit yaong mga hindi ay aalisin ng Diyos. Nakasalalay ito sa iyong paghahangad. Ano’t anuman ang mangyari, kailangan mong maniwala na kapag nagwakas na ang gawain ng Diyos, bawat tao ay magkakaroon ng isang angkop na hantungan. Ang Diyos ay naglaan sa sangkatauhan ng magagandang pangarap, ngunit kung walang paghahangad ay hindi makakamit ang mga ito. Dapat mo nang magawang makita ito ngayon—ang pagpipino at pagkastigo ng Diyos sa mga tao ay Kanyang gawain, ngunit para sa mga tao, kailangan nilang hangaring baguhin ang kanilang disposisyon sa lahat ng oras. Sa iyong praktikal na karanasan, kailangan mo munang malaman kung paano kumain at uminom ng mga salita ng Diyos; kailangan mong hanapin sa Kanyang mga salita kung ano ang dapat mong pasukin at ang sarili mong mga pagkukulang, dapat mong hangaring makapasok sa iyong praktikal na karanasan, at kunin ang bahagi ng mga salita ng Diyos na dapat isagawa at subukang gawin iyon. Ang pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay isang aspeto. Bukod pa rito, ang buhay ng iglesia ay kailangan ding panatilihin, kailangan mong magkaroon ng isang normal na espirituwal na buhay, at kailangan mong magawang iabot sa Diyos ang lahat ng iyong kasalukuyang kalagayan. Paano man magbago ang Kanyang gawain, dapat manatiling normal ang iyong espirituwal na buhay. Mapapanatili ng isang espirituwal na buhay ang iyong normal na pagpasok. Anuman ang gawin ng Diyos, dapat ay ipagpatuloy mo ang iyong espirituwal na buhay nang walang gambala at gampanan mo ang iyong tungkulin. Ito ang dapat gawin ng mga tao. Ito ay gawaing lahat ng Banal na Espiritu, ngunit samantalang para sa mga may normal na kalagayan ito ay pagpeperpekto, para sa mga may abnormal na kalagayan ito ay isang pagsubok. Sa kasalukuyang yugto ng gawaing pagpipino ng Banal na Espiritu, sinasabi ng ilang tao na napakadakila ng gawain ng Diyos at na talagang kailangan ng mga tao ng pagpipino, kung hindi ay magiging napakababa ng kanilang tayog at wala silang magiging paraan para masunod ang kalooban ng Diyos. Gayunman, para sa mga yaon na hindi maganda ang kalagayan, nagiging dahilan ito upang hindi sundan ang Diyos, at dahilan upang huwag dumalo sa mga pagtitipon o kumain at uminom ng salita ng Diyos. Sa gawain ng Diyos, anuman ang gawin Niya o anumang mga pagbabago ang gawin Niya, kailangang panatilihin ng mga tao ang isang normal na espirituwal na buhay. Marahil ay hindi ka naging maluwag sa kasalukuyang yugtong ito ng iyong espirituwal na buhay, ngunit wala ka pa ring gaanong natamo, at wala kang gaanong napala. Sa ganitong klaseng mga sitwasyon, kailangan mo pa ring sundin ang mga patakaran; kailangan mong sundin ang mga patakarang ito upang hindi ka mawalan sa iyong buhay at mapalugod mo ang kalooban ng Diyos. Kung abnormal ang iyong espirituwal na buhay, hindi mo mauunawaan ang kasalukuyang gawain ng Diyos, at sa halip ay palagi mong madarama na ito ay lubos na hindi kaayon ng iyong mga kuru-kuro, at bagama’t handa kang sundan Siya, wala kang sigla ng kalooban. Kaya, anuman ang kasalukuyang ginagawa ng Diyos, kailangang makipagtulungan ang mga tao. Kung hindi makikipagtulungan ang mga tao, hindi magagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang gawain, at kung wala sa puso ng mga tao ang makipagtulungan, mahihirapan silang makamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung nais mong taglayin ang gawain ng Banal na Espiritu sa iyong kalooban, at kung nais mong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos, kailangan mong panatilihin ang iyong orihinal na katapatan sa harap ng Diyos. Ngayon, hindi mo kailangang magkaroon ng mas malalim na pag-unawa, mas mataas na teorya, o iba pang gayong mga bagay—ang kailangan lamang ay pagtibayin mo ang salita ng Diyos sa orihinal na pundasyon. Kung hindi nakikipagtulungan ang mga tao sa Diyos at hindi naghahangad ng mas malalim na pagpasok, kukunin ng Diyos ang lahat ng bagay na dating kanila. Sa kanilang kalooban, palaging sakim ang mga tao sa kariwasaan at mas gustong tamasahin kung ano ang nariyan na. Nais nilang makamit ang mga pangako ng Diyos nang walang anumang kapalit. Ito ang maluluhong ideyang isinasaloob ng sangkatauhan. Ang pagkakamit ng buhay mismo nang walang anumang kapalit—ngunit mayroon bang anumang bagay na naging ganito kadali? Kapag ang isang tao ay naniniwala sa Diyos at naghahangad na pumasok sa buhay at naghahangad ng pagbabago sa kanilang disposisyon, kailangan nilang magbayad ng halaga at matamo ang isang kalagayan kung saan palagi nilang susundin ang Diyos, anuman ang Kanyang gawin. Ito ay isang bagay na kailangang gawin ng mga tao. Kahit sundin mo ang lahat ng ito bilang isang patakaran, kailangan mong laging panindigan ito, at gaano man katindi ang mga pagsubok, hindi mo maaaring bitiwan ang iyong normal na kaugnayan sa Diyos. Dapat mong magawang manalangin, mapanatili ang iyong buhay-iglesia, at hindi iwanan kailanman ang iyong mga kapatid. Kapag sinubok ka ng Diyos, dapat mo pa ring hanapin ang katotohanan. Ito ang pinakamaliit na kinakailangan para sa isang espirituwal na buhay. Ang palaging naising maghangad, at sikaping makipagtulungan, gamitin ang lahat ng iyong lakas—magagawa ba ito? Kung gagawin itong pundasyon ng mga tao, magkakaroon sila ng paghiwatig at pagpasok sa realidad. Madaling tanggapin ang salita ng Diyos kapag ang iyong sariling kalagayan ay normal; sa ganitong mga sitwasyon parang hindi mahirap isagawa ang katotohanan, at nadarama mo na dakila ang gawain ng Diyos. Ngunit kung hindi maganda ang iyong kalagayan, gaano man kadakila ang gawain ng Diyos at gaano man kagandang magsalita ang isang tao, hindi mo papansinin. Kapag ang kalagayan ng isang tao ay abnormal, hindi makakagawa sa kanila ang Diyos, at hindi nila mababago ang kanilang disposisyon.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 469

Kung ang mga tao ay walang anumang tiwala, hindi madali para sa kanila na magpatuloy sa landas na ito. Nakikita ng lahat ngayon na ang gawain ng Diyos ay hindi umaayon sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng mga tao kahit kaunti. Napakarami nang nagawa ng Diyos at bumigkas na Siya ng napakaraming salita, at bagamat maaaring kilalanin ng mga tao na ang mga ito ay ang katotohanan, malamang pa ring lumitaw sa kanila ang mga kuru-kuro tungkol sa Diyos. Kung nais ng mga tao na maunawaan ang katotohanan at makamit ito, dapat silang magkaroon ng tiwala at determinasyon na manindigan sa nakita na nila at sa natutuhan na nila mula sa kanilang mga karanasan. Anuman ang gawin ng Diyos sa mga tao, kailangan nilang panindigan ang taglay nila mismo, maging taos sa harap ng Diyos, at manatiling tapat sa Kanya hanggang sa pinakahuli. Ito ang tungkulin ng sangkatauhan. Kailangang panindigan ng mga tao yaong dapat nilang gawin. Kinakailangan sa paniniwala sa Diyos ang pagsunod sa Kanya at pagdanas ng Kanyang gawain. Napakalaki ng nagawa ng Diyos—masasabi na para sa mga tao lahat ng ito ay pagpeperpekto, pagpipino, at bukod pa rito, pagkastigo. Wala pa ni isang hakbang ng gawain ng Diyos na nakaayon sa mga pagkaintindi ng tao; ang natamasa ng mga tao ay ang mababagsik na salita ng Diyos. Kapag pumarito ang Diyos, dapat matamasa ng mga tao ang Kanyang kamahalan at Kanyang poot. Gayunman, gaano man kabagsik ang Kanyang mga salita, pumarito Siya para iligtas at gawing perpekto ang sangkatauhan. Bilang mga nilalang, dapat tuparin ng mga tao ang mga tungkuling dapat nilang tuparin, at tumayong saksi para sa Diyos sa gitna ng pagpipino. Sa bawat pagsubok dapat nilang panindigan ang pagpapatotoong dapat nilang gawin, at gawin iyon nang lubhang matunog para sa Diyos. Ang isang taong gumagawa nito ay isang mananagumpay. Paano ka man pinuhin ng Diyos, nananatili kang puno ng tiwala at hindi nawawalan ng tiwala sa Kanya. Ginagawa mo ang dapat gawin ng tao. Ito ang hinihingi ng Diyos sa tao, at dapat magawa ng puso ng tao na lubos na bumalik at bumaling sa Kanya sa bawat sandaling lumilipas. Ito ay isang mananagumpay. Yaong mga tinutukoy ng Diyos na mga “mananagumpay” ay yaong mga nagagawa pang tumayong saksi at mapanatili ang kanilang tiwala at katapatan sa Diyos kapag nasa ilalim sila ng impluwensya ni Satanas at nilulusob ni Satanas, ibig sabihin, kapag nasa gitna sila ng mga puwersa ng kadiliman. Kung nagagawa mo pa ring magpanatili ng isang dalisay na puso sa harap ng Diyos at ng tunay na pagmamahal para sa Diyos anuman ang mangyari, ikaw ay tumatayong saksi sa harap ng Diyos, at ito ang tinutukoy ng Diyos na pagiging isang “mananagumpay.” Kung napakaganda ng iyong paghahangad kapag pinagpapala ka ng Diyos, ngunit umuurong ka kapag wala ang Kanyang mga pagpapala, kadalisayan ba ito? Yamang nakatitiyak ka na ang landas na ito ay totoo, kailangan mo itong sundan hanggang sa dulo; kailangan mong panatilihin ang iyong katapatan sa Diyos. Yamang nakita mo na ang Diyos Mismo ay naparito sa lupa upang gawin kang perpekto, dapat mong ibigay nang lubusan ang iyong puso sa Kanya. Kung masusundan mo pa rin Siya anuman ang Kanyang gawin, magpasya man Siya ng isang hindi kaaya-ayang kahihinatnan para sa iyo sa pinakadulo, ito ay pagpapanatili ng iyong kadalisayan sa harap ng Diyos. Ang pag-aalay ng isang banal na espirituwal na katawan at isang dalisay na birhen sa Diyos ay nangangahulugan ng pagpapanatili ng isang pusong taos sa harap ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang katapatan ay kadalisayan, at ang kakayahang maging taos sa Diyos ay pagpapanatili ng kadalisayan. Ito ang dapat mong isagawa. Kapag dapat kang manalangin, manalangin ka; kapag dapat kang makitipon sa pagbabahagi, gawin mo iyon; kapag dapat kang umawit ng mga himno, umawit ka ng mga himno; at kapag dapat mong talikdan ang laman, talikdan mo ang laman. Kapag ginagampanan mo ang iyong tungkulin, hindi ka natataranta; kapag nahaharap ka sa mga pagsubok naninindigan ka. Ito ang katapatan sa Diyos. Kung hindi mo paninindigan ang dapat gawin ng mga tao, lahat ng dati mong pinagdusahan at pinagpasyahan ay nawalan ng saysay.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 470

Sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, may isang paraan na dapat makipagtulungan ang mga tao. Pinipino ng Diyos ang mga tao upang magkaroon sila ng pagtitiwala sa gitna ng mga pagpipino. Ginagawang perpekto ng Diyos ang mga tao upang magkaroon sila ng pagtitiwala na gawing perpekto ng Diyos at maging handang tanggapin ang Kanyang mga pagpipino at ang pakikitungo at pagtatabas ng Diyos. Gumagawa ang Espiritu ng Diyos sa mga tao upang bigyan sila ng kaliwanagan at pagpapalinaw, at upang makipagtulungan sila sa Kanya at magsagawa. Ang Diyos ay hindi nagsasalita sa mga oras ng pagpipino. Hindi Niya ipinaparinig ang Kanyang tinig, ngunit mayroon pa ring gawaing dapat gawin ang mga tao. Dapat mong panindigan ang natamo mo na, dapat mo pa ring magawang manalangin sa Diyos, maging malapit sa Diyos, at tumayong saksi sa harap ng Diyos; sa ganitong paraan magagampanan mo ang iyong tungkulin. Dapat makita ninyong lahat nang malinaw mula sa gawain ng Diyos na kinakailangan sa Kanyang mga pagsubok sa tiwala at pagmamahal ng mga tao na lalo pa silang manalangin sa Diyos, at na mas madalas nilang lasapin ang mga salita ng Diyos sa Kanyang harapan. Kung nililiwanagan ka ng Diyos at ipinauunawa sa iyo ang Kanyang kalooban, subalit hindi mo isinasagawa ang anuman dito, wala kang mapapala. Kapag isinasagawa mo ang mga salita ng Diyos, dapat ay magawa mo pa ring manalangin sa Kanya, at kapag nilalasap mo ang Kanyang mga salita dapat kang humarap sa Kanya at maghangad at maging buo ang iyong tiwala sa Kanya, nang walang bahid ng pananamlay o panlalamig. Yaong mga hindi nagsasagawa ng mga salita ng Diyos ay masiglang-masigla sa mga oras ng pagtitipon, ngunit nagdidilim ang mundo pagkauwi nila. Mayroong ilan na ni ayaw magtipun-tipon. Kaya, kailangan mong makita nang malinaw kung anong tungkulin ang dapat tuparin ng mga tao. Maaaring hindi mo alam kung ano talaga ang kalooban ng Diyos, ngunit maaari mong gampanan ang iyong tungkulin, maaari kang manalangin kung kailan nararapat, maaari mong isagawa ang katotohanan kung kailan nararapat, at maaari mong gawin ang nararapat gawin ng mga tao. Maaari mong panindigan ang iyong orihinal na pananaw. Sa ganitong paraan, mas magagawa mong tanggapin ang susunod na hakbang ng gawain ng Diyos. Kapag tago ang paraan ng paggawa ng Diyos, problema iyan kung hindi ka maghahanap. Kapag Siya ay nagsasalita at nangangaral sa oras ng mga pagpupulong, masigasig kang nakikinig, ngunit kapag hindi Siya nagsasalita, wala kang sigla at umuurong ka. Anong klaseng tao ang kumikilos nang ganito? Ito ay isang taong sumusunod lamang sa karamihan. Wala silang paninindigan, walang patotoo, at walang pananaw! Ganito ang karamihan sa mga tao. Kung magpapatuloy ka sa gayong paraan, balang araw kapag nagkaroon ka ng matinding pagsubok, babagsak ka sa kaparusahan. Ang pagkakaroon ng paninindigan ay napakahalaga sa proseso ng pagperpekto ng Diyos sa mga tao. Kung wala kang duda sa anumang hakbang ng gawain ng Diyos, kung ginagampanan mo ang tungkulin ng tao, kung tapat mong pinaninindigan ang ipinagagawa sa iyo ng Diyos, ibig sabihin, natatandaan mo ang mga payo ng Diyos, at anuman ang Kanyang gawin sa kasalukuyan ay hindi mo kinalilimutan ang Kanyang mga payo, kung wala kang duda tungkol sa Kanyang gawain, nananatili kang naninindigan, pinaninindigan mo ang iyong patotoo, at tagumpay ka sa lahat ng pagkakataon, sa bandang huli ay gagawin kang perpekto ng Diyos at gagawin kang isang mananagumpay. Kung nagagawa mong manindigan sa bawat hakbang ng mga pagsubok ng Diyos, at kung kaya mo pa ring manindigan hanggang sa pinakahuli, ikaw ay isang mananagumpay, isa kang taong nagawa nang perpekto ng Diyos. Kung hindi mo kayang manindigan sa kasalukuyan mong mga pagsubok, mas mahihirapan ka sa hinaharap. Kung sasailalim ka lamang sa kakaunting pagdurusa at hindi mo hahangaring matamo ang katotohanan, wala kang mapapala sa huli. Maiiwan kang walang-wala. May ilang tao na isinusuko ang kanilang paghahangad kapag nakikita nila na hindi nagsasalita ang Diyos, at nawiwindang ang kanilang puso. Hindi ba hangal ang gayong tao? Ang ganitong klaseng mga tao ay walang realidad. Kapag nagsasalita ang Diyos, hindi sila mapakali, mukhang abala at masigla sa tingin, ngunit ngayong hindi Siya nagsasalita, tumitigil silang maghanap. Ang ganitong klaseng tao ay walang kinabukasan. Sa mga oras ng pagpipino, kailangang pumasok ka mula sa isang positibong pananaw at matuto ng mga aral na dapat mong matutuhan; kapag nagdarasal ka sa Diyos at nagbabasa ng Kanyang salita, dapat mong ihambing ang sarili mong kalagayan dito, tuklasin ang iyong mga pagkukulang, at makita na marami ka pang aral na dapat matutuhan. Habang lalong nagiging taimtim ang iyong paghahanap kapag sumasailalim ka sa pagpipino, lalo mong masusumpungan na may pagkukulang ka. Kapag dumaranas ka ng mga pagpipino, marami kang nakakaharap na problema; hindi mo nakikita nang malinaw ang mga ito, nagrereklamo ka, ibinubunyag mo ang iyong sariling laman—sa pamamagitan lamang nito mo matutuklasan na napakarami mong tiwaling disposisyon sa iyong kalooban.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 471

Ang gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nangangailangan ng malaking tiwala, tiwalang mas malaki pa kaysa kay Job. Kung walang tiwala, hindi magagawang magpatuloy ng mga tao na magkaroon ng karanasan at hindi rin sila magagawang perpekto ng Diyos. Pagdating ng panahon ng matitinding pagsubok, magkakaroon ng mga tao na aalis ng mga iglesia—ang ilan ay dito, ang ilan ay doon. Magkakaroon ng ilan na medyo maganda naman ang nagawa sa kanilang paghahangad sa nakaraang mga araw at hindi magiging malinaw kung bakit hindi na sila naniniwala. Maraming bagay ang mangyayari na hindi mo mauunawaan, at hindi maghahayag ang Diyos ng anumang mga tanda o hiwaga, ni gagawa ng anumang higit sa karaniwan. Ito ay upang makita kung kaya mong manindigan—ang Diyos ay gumagamit ng mga katotohanan upang pinuhin ang mga tao. Hindi ka pa gaanong nagdusa. Sa hinaharap kapag dumating ang matitinding pagsubok, sa ilang lugar ay aalis ang bawat tao sa iglesia, at yaong mga nakapalagayan mo na ng loob ay aalis at tatalikuran ang kanilang pananampalataya. Magagawa mo bang manindigan sa panahong iyon? Hanggang ngayon, ang mga pagsubok na iyong nakaharap ay maliliit lamang, at marahil ay halos hindi mo na nagawang tiisin ang mga iyon. Kabilang sa hakbang na ito ang mga pagpipino at pagpeperpekto sa pamamagitan lamang ng mga salita. Sa susunod na hakbang, ang mga katotohanan ay darating sa iyo upang pinuhin ka, at pagkatapos ay mamemeligro ka. Kapag talagang naging seryoso na iyon, papayuhan ka ng Diyos na magmadali at umalis, at tatangkain ng mga relihiyosong tao na akitin kang sumama sa kanila. Ito ay upang makita kung kaya mong magpatuloy sa landas, at lahat ng bagay na ito ay mga pagsubok. Ang kasalukuyang mga pagsubok ay maliliit, ngunit darating ang araw na magkakaroon ng mga tahanan kung saan ang mga magulang ay hindi na naniniwala, at magkakaroon ng ilan kung saan ang mga anak ay hindi na naniniwala. Magagawa mo pa bang magpatuloy? Habang lalo kang sumusulong, lalong titindi ang iyong mga pagsubok. Isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawaing pinuhin ang mga tao ayon sa kanilang mga pangangailangan at sa kanilang tayog. Sa yugto ng pagpeperpekto ng Diyos sa sangkatauhan, imposibleng patuloy na lumaki ang bilang ng mga tao—liliit lamang ito. Sa pamamagitan lamang ng mga pagpipinong ito magagawang perpekto ang mga tao. Ang pakikitungo, pagdidisiplina, pagsubok, pagkastigo, pagsumpa—kaya mo bang tiisin ang lahat ng ito? Kapag nakakakita ka ng isang iglesia na partikular na maganda ang sitwasyon, kung saan lahat ng kapatid ay naghahangad nang may matinding sigla, ikaw mismo ay nahihikayat. Kapag dumating ang araw na nakaalis na silang lahat, ang ilan sa kanila ay hindi na naniniwala, ang ilan ay umalis na upang magnegosyo o mag-asawa, at ang ilan ay umanib na sa relihiyon; magagawa mo bang manindigan sa panahong iyon? Magagawa mo bang panatilihing hindi naaapektuhan ang iyong kalooban? Ang pagpeperpekto ng Diyos sa sangkatauhan ay hindi isang napakasimpleng bagay! Siya ay gumagamit ng maraming bagay upang pinuhin ang mga tao. Ang tingin ng mga tao rito ay mga pamamaraan, ngunit sa orihinal na layunin ng Diyos ay ni hindi man lang mga pamamaraan ang mga ito, kundi mga katotohanan. Sa huli, kapag napino na Niya ang mga tao kahit paano at wala na silang anumang mga reklamo, ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay makukumpleto. Ang dakilang gawain ng Banal na Espiritu ay ang gawin kang perpekto, at kapag hindi Siya gumagawa at ikinukubli ang Kanyang Sarili, iyon ay higit na para sa layunin ng pagpeperpekto sa iyo, at sa ganitong partikular na paraan makikita kung may pagmamahal ang mga tao sa Diyos, kung may tunay na tiwala sila sa Kanya. Kapag ang Diyos ay nagsasalita nang malinaw, hindi mo na kailangang maghanap; kapag nakakubli Siya, saka mo lamang kailangang maghanap at mangapa. Dapat mong magawang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang, at anuman ang kahinatnan mo sa hinaharap at ang iyong hantungan, dapat mong magawang maghangad ng kaalaman at pagmamahal sa Diyos sa mga taon ng iyong buhay, at paano ka man tratuhin ng Diyos, dapat mong magawang iwasan na magreklamo. May isang kondisyon para gumawa ang Banal na Espiritu sa kalooban ng mga tao. Kailangan nilang mauhaw at maghangad at hindi mawalan ng sigla o magduda tungkol sa mga kilos ng Diyos, at kailangan nilang magawang panindigan ang kanilang tungkulin sa lahat ng oras; sa ganitong paraan lamang nila makakamit ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa bawat hakbang ng gawain ng Diyos, ang kinakailangan sa sangkatauhan ay malaking tiwala at pagharap sa Diyos upang maghangad—sa pamamagitan lamang ng karanasan matutuklasan ng mga tao kung gaano kaibig-ibig ang Diyos at kung paano gumagawa ang Banal na Espiritu sa mga tao. Kung hindi ka daranas, kung hindi ka mangangapa, kung hindi ka maghahangad, wala kang mapapala. Kailangan mong mangapa sa pamamagitan ng iyong mga karanasan, at sa pamamagitan lamang ng iyong mga karanasan mo makikita ang mga kilos ng Diyos at makikilala ang Kanyang pagiging kamangha-mangha at mahiwaga.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Panatilihin ang Iyong Katapatan sa Diyos

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 472

Itinutulot ng Diyos na pagdaanan mo ang lahat ng uri ng tagumpay at kabiguan, pagkadismaya, pagsubok, at maraming pagkabigo at dagok. Sa huli, habang itinutulot na pagdaanan mo ang mga bagay na ito, ipapakita sa iyo ng Diyos na ang lahat ng Kanyang sinabi ay tama at ang katotohanan. Kasabay nito, ipapakita Niya sa iyo na maling lahat ang sarili mong mga paniniwala, kuru-kuro, imahinasyon, kaalaman, teorya, pilosopiya, at ang mga bagay na natutunan mo sa mundo at itinuro ng iyong mga magulang, na hindi ka magagabayan ng mga bagay na ito sa tamang landas sa buhay, at na hindi ka maaakay ng mga ito para maunawaan ang katotohanan at makalapit sa harapan ng Diyos. Kung namumuhay ka pa rin ayon sa mga bagay na ito, tinatahak mo ang landas ng kabiguan, pati na ang landas ng paglaban at pagtataksil sa Diyos. Sa huli, ipapakita ito sa iyo ng Diyos nang malinaw. Ang prosesong ito ay isang bagay na dapat mong maranasan, at sa ganitong paraan lamang makakamit ang mga resulta, pero masakit na bagay rin itong makita para sa Diyos. Mapaghimagsik at may mga tiwaling disposisyon ang mga tao, kaya dapat nilang danasin ang ilang paghihirap, at dapat nilang pagdaanan ang mga dagok na ito. Kung wala ang mga paghihirap na ito, hindi magkakaroon ng paraan upang sila ay madalisay. Kung ang isang tao ay tunay na minamahal ang katotohanan, at tunay na nakahandang tanggapin ang iba’t ibang uri ng pagliligtas ng Diyos, at magbayad ng halaga, hindi na niya kailangang magdusa nang husto. Hindi talaga gusto ng Diyos na magdusa nang husto ang mga tao, at hindi Niya gustong dumaan sila sa napakaraming dagok at kabiguan. Gayunpaman, masyadong mapaghimagsik ang mga tao, ayaw gawin ang sinasabi sa kanila at ayaw magpasakop, hindi nila nagagawang tahakin ang tamang landas o pumili ng mas maikling daan; ang kaya lang nila ay gawin kung anong gusto nila, magrebelde sa Diyos at labanan Siya. Tiwali ang mga tao. Maipapasa lamang ng Diyos ang mga tao kay Satanas at mailalagay ang mga tao sa sari-saring kapaligiran para lagi silang isaayos, hinahayaan ang mga tao na magkamit ng lahat ng uri ng karanasan at leksyon mula sa mga ito at mapagtanto ang diwa ng lahat ng uri ng masasamang bagay. Pagkatapos niyon, kapag kagyat na nagbabago ang mga tao, natutuklasan nilang ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, at inaamin nilang ang mga salita ng Diyos ang katotohanan, na ang Diyos ang realidad ng lahat ng positibong bagay, at na ang Diyos ang Siyang tunay na nagmamahal, nagmamalasakit, at makapagliligtas sa mga tao. Ayaw ng Diyos na magdusa nang husto ang mga tao, pero masyadong mapaghimagsik ang mga tao, gusto nilang lumiko ng landas, at gusto nilang pagdusahan ang mga paghihirap na ito. Walang magawa ang Diyos kundi ilagay ang mga tao sa iba’t ibang kapaligiran para lagi silang isaayos. Hanggang saan naisasaayos ang mga tao, sa huli? Hanggang sa saklaw na sasabihin mong, “Naranasan ko na ang lahat ng uri ng sitwasyon, nauunawaan ko na ngayon. Bukod sa Diyos, wala nang tao, usapin o bagay na makapagpapaunawa sa akin sa katotohanan, na makapagpapatamasa sa akin ng katotohanan, makapaghihikayat sa akin na pumasok sa realidad ng katotohanan. Kung magagawa kong masunurin na magsasagawa ayon sa mga salita ng Diyos, masunuring mananatili sa lugar ng tao, tatalima ayon sa katayuan at tungkulin ng isang nilalang, masunuring tatanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pagsasaayos ng Diyos, hindi na magkakaroon ng reklamo o magagarbong paghahangad tungkol sa Diyos, at tunay na magpapasakop sa harap ng Panginoon ng paglikha, saka lamang ako magiging isang tao na tunay na nagpapasakop sa Diyos.” Kapag narating na nila ang antas na ito, totoong yuyukod na ang mga tao sa harap ng Diyos, at hindi na kailangang magsaayos ng Diyos ng iba pang mga sitwasyon upang maiparanas sa kanila. Kaya aling landas ang nais ninyong tahakin? Sa kanilang mga pansariling paghahangad, wala isa mang may nais na magdanas ng mga dagok, kabiguan, kagipitan, pagkasiphayo, at mga unos. Ngunit walang ibang paraan. Ang mga tao ay mayroong satanikong kalikasan, masyado silang mapaghimagsik, napakamasalimuot ng kanilang mga saloobin at pananaw. Araw-araw, sa puso mo ay palaging may pagtatalo, galit, at hindi ito mapalagay. Kaunting katotohanan lamang ang nauunawaan mo, mababaw ang pagpasok mo sa buhay, at wala kang lakas upang madaig ang iyong mga kuru-kuro, imahinasyon, at ang mga tiwaling disposisyon ng laman. Maaari mo lamang tahakin ang karaniwang daan: ang palagiang maranasan ang pagkabigo at pagkadismaya, at palagiang mabuwal, siklot-siklot ng hirap, nakalublob sa putik, hanggang sa sumapit ang araw na sasabihin mong, “Pagod na ako, sawa na ako, ayaw kong mabuhay nang ganito. Ayaw kong maranasan ang mga kabiguang ito, ibig kong humarap sa Lumikha nang may pagsunod. Dapat kong pakinggan ang mga salita ng Diyos, dapat kong gawin ang sinasabi Niya. Ito lamang ang tamang landas sa buhay.” Sa araw na ganap kang kumbinsido at aminin ang pagkatalo, saka ka lamang haharap sa Diyos. Nangyari bang nalaman mo ang isang bagay tungkol sa disposisyon ng Diyos mula rito? Ano ang saloobin ng Diyos sa tao? Anuman ang gawin ng Diyos, ninanais Niya ang pinakamainam para sa tao. Anuman ang kapaligirang itinakda Niya o hinihingi Niyang gawin mo, lagi Niyang nais na makita ang pinakamagandang kalalabasan. Sabihin nang nagdaraan ka sa kung ano at nahaharap ka sa mga dagok at kabiguan. Hindi nais ng Diyos na makita kang pinanghihinaan ng loob kapag ikaw ay nabibigo at pagkatapos ay iisipin mong tapos ka na, na naagaw ka na ni Satanas, at pagkatapos ay susukuan mo na ang iyong sarili, hindi na muling babangon pa, at masasadlak ka sa panlulumo—hindi nais ng Diyos na makita ang kinalabasang ito. Ano ang nais makita ng Diyos? Maaaring nabigo ka na sa bagay na ito ngunit nagagawa mong hanapin ang katotohanan at pagnilay-nilayan ang iyong sarili, makita ang dahilan ng iyong pagkabigo; tinatanggap mo ang aral mula sa kabiguang ito at umuunlad ka dahil dito, natatanto mo na maling kumilos sa ganyang paraan, na nasa pagsasagawa lamang ayon sa mga salita ng Diyos ang tama. Natatanto mong, “Masama ako at may mga tiwaling satanikong disposisyon. Suwail ako, malayo ako sa matutuwid na tao na binabanggit ng Diyos, at wala akong pusong may takot sa Diyos.” Nakita mo na ang katunayang ito nang malinaw, alam mo na ang katotohanan ukol sa bagay na ito, at sa pamamagitan ng dagok na ito, ng kabiguang ito, naging matino ka at naging husto ang pag-iisip. Ito ang gusto ng Diyos na makita. Ano ba ang kinakatawan ng pagiging nasa hustong pag-iisip? Ibig sabihin nito ay maaari kang makamit ng Diyos, na maaari kang maligtas, na maaari kang makapasok sa realidad ng katotohanan, at na tinahak mo ang landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Umaasa ang Diyos na makita ang mga tao na tahakin ang tamang landas. Ginagawa ng Diyos ang mga bagay-bagay nang may mabusising mga layunin, at ang lahat ng ito ay ang nakatago Niyang pagmamahal, pero madalas na hindi ito napagtatanto ng mga tao. Ang mga tao ay makikitid ang utak at puno ng kakitiran ng pag-iisip. Sa sandaling hindi nila matamasa ang biyaya at mga pagpapala ng Diyos, sinisisi nila ang Diyos, nagiging negatibo, at nagagalit. Pero hindi nakikipagtalo ang Diyos sa mga tao, tinatrato lang Niya sila na gaya ng isang batang paslit at hindi Niya sila sineseryoso. Inilalatag Niya ang mga kapaligirang nagbibigay ng kaalaman sa tao kung paano natatamo ang biyaya at mga pagpapala at nauunawaan kung ano ang kabuluhan ng biyaya sa tao, at kung ano ang matututuhan ng tao mula rito. Sabihin nang gusto mong kumain ng isang bagay na sinasabi ng Diyos na masama sa iyong kalusugan kapag kinain nang labis. Hindi ka nakikinig, bagkus ay iginigiit mong kainin iyon, at hinahayaan ng Diyos na malaya kang pumili. Dahil dito, nagkasakit ka. Matapos maranasan ito nang ilang ulit, saka mo nauunawaan na ang mga salita ng Diyos ang tama, na ang lahat ng sinasabi Niya ay totoo, at dapat kang magsagawa ayon sa Kanyang mga salita. Ito ang tamang landas. Kaya nga ano ang kinahihinatnan ng mga dagok, kabiguan at pagdurusang ito na pinagdaraanan ng mga tao? Pinahahalagahan mo ang mabusising layunin ng Diyos, at naniniwala at nakatitiyak ka rin na tama ang mga salita ng Diyos, na lahat ng ito ay praktikal; lumalago ang iyong pananampalataya sa Diyos. May isa pa ring bagay: Sa pamamagitan ng pagdanas sa panahong ito ng kabiguan, natatanto mo ang pagkatotoo at katumpakan ng mga salita ng Diyos, nakikita mo na ang mga salita ng Diyos ay ang katotohanan, at nauunawaan mo ang prinsipyo ng pagsasagawa ng katotohanan. Kaya nga, makabubuti para sa mga tao na magdanas ng kabiguan—bagama’t isang bagay rin ito na masakit, isang bagay na nagpapahinahon sa kanila. Ngunit kung dahil sa gayong pagpapahinahon ay makababalik ka sa harap ng Diyos sa dakong huli, mauunawaan ang Kanyang mga salita, at matatanggap ang mga ito sa iyong puso bilang ang katotohanan, kaya nakikilala mo ang Diyos, kung gayon ang ganoong pagpapahinahon, mga dagok at kabiguan ay hindi naranasan nang walang saysay. Ito ang resulta na nais makita ng Diyos.

—Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Paano Matukoy ang Kalikasan at Diwa ni Pablo

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 473

Kailangan mong tandaan na ang mga salitang ito ay sinalita na ngayon: Kalaunan, daranas ka ng mas matinding paghihirap at mas matinding pagdurusa! Ang magawang perpekto ay hindi isang simple o madaling bagay. Kahit paano kailangan mong taglayin ang pananampalataya ni Job, o marahil ay mas malaki pang pananampalataya kaysa sa kanya. Dapat mong malaman na ang mga pagsubok sa hinaharap ay magiging mas matindi kaysa sa mga pagsubok kay Job, at na kailangan ka pa ring sumailalim sa pangmatagalang pagkastigo. Simpleng bagay ba ito? Kung hindi madaragdagan ang iyong kakayahan, kung kulang ang iyong kakayahang umunawa, at kung kakaunti ang iyong nalalaman, sa panahong iyon ay hindi ka magkakaroon ng anumang patotoo, kundi ikaw ay magiging isang biro, isang laruan para kay Satanas. Kung hindi mo mapanghawakan ang mga pangitain ngayon, ni wala ka man lang pundasyon, at ikaw ay iwawaksi sa hinaharap! Walang bahagi ng daan na madaling tahakin, kaya huwag mo itong balewalain. Timbangin mong mabuti ito ngayon at gumawa ng mga paghahanda upang matahak mo nang wasto ang huling bahagi ng landas na ito. Ito ang landas na kailangang tahakin sa hinaharap, ang landas na kailangang tahakin ng lahat ng tao. Huwag mong hayaang mabalewala ang kaalamang ito; huwag mong isipin na nagsasayang lang Ako ng oras sa sinasabi Ko sa iyo. Darating ang araw na magagamit mo sa kabutihan ang lahat ng ito—hindi maaaring sambitin ang Aking mga salita nang walang kabuluhan. Ito ang panahon para sangkapan ang iyong sarili, ang panahon upang ihanda ang daan para sa hinaharap. Dapat mong ihanda ang landas na dapat mong tahakin kalaunan; dapat kang mag-alala at mabalisa tungkol sa kung paano mo magagawang manindigan sa hinaharap, at maghandang mabuti para sa iyong landas sa hinaharap. Huwag maging matakaw at tamad! Kailangan mong gawin talaga ang lahat ng makakaya mo para magamit nang husto ang iyong oras, upang makamit mo ang lahat ng iyong kailangan. Ibinibigay Ko sa iyo ang lahat upang ikaw ay makaunawa. Nakita na ng sarili ninyong mga mata na wala pang tatlong taon, napakarami Ko nang nasabi at napakarami Ko nang nagawa. Ang isang dahilan kaya Ako gumagawa sa ganitong paraan ay dahil napakalaki ng pagkukulang ng mga tao, at ang isa pa ay dahil sa napakaikli ng panahon; hindi na maaaring magkaroon pa ng anumang mga karagdagang pagkaantala. Iniisip mo na kailangan munang makamit ng mga tao ang perpektong kalinawan ng kalooban bago sila makapagpatotoo at makasangkapan—ngunit hindi kaya napakabagal niyon? Kaya, gaano katagal ba kita kailangang samahan? Kung magpapasama ka sa Akin hanggang sa tumanda na Ako at pumuti ang buhok, imposible iyan! Sa pagdanas ng mas matinding paghihirap, makakamtan ang tunay na pagkaunawa sa kalooban ng lahat ng tao. Ito ang mga hakbang ng gawain. Kapag lubos mo nang nauunawaan ang mga pangitaing ating ibinahagi ngayon at nagtamo ka ng tunay na tayog, anumang mga hirap ang danasin mo sa hinaharap ay hindi ka mabibigatan, at magagawa mong tiisin ang mga iyon. Kapag natapos Ko na ang huling hakbang na ito ng gawain at natapos Kong sambitin ang huling mga salita, sa hinaharap ay kakailanganing tahakin ng mga tao ang sarili nilang landas. Tutuparin nito ang mga salitang sinabi Ko noon: Ang Banal na Espiritu ay may isang tagubilin para sa bawat isang tao, at gawaing gagawin sa bawat isang tao. Sa hinaharap, tatahakin ng lahat ang landas na dapat nilang tahakin, na inaakay ng Banal na Espiritu. Sino ang magagawang magmahal sa iba habang nagdaranas ng paghihirap? Bawat indibiduwal ay may sariling pagdurusa, at bawat isa ay may sariling tayog. Walang tayog ninuman ang kapareho ng iba. Hindi magagawang mahalin ng mga lalaki ang kanilang asawa, o ng mga magulang ang kanilang mga anak; walang sinumang magagawang magmahal sa iba. Hindi iyon magiging kagaya ngayon, na posible pa ring magmahalan at magsuportahan. Iyon ang magiging panahon na bawat uri ng tao ay ilalantad. Ibig sabihin, kapag hinampas ng Diyos ang mga pastol, magsisikalat ang mga tupa ng kawan, at sa panahong iyon ay hindi kayo magkakaroon ng tunay na lider. Magkakawatak-watak ang mga tao—hindi iyon magiging kagaya ngayon, na maaari kayong magtipun-tipon bilang isang kongregasyon. Sa hinaharap, ipapakita ng mga walang gawain ng Banal na Espiritu ang tunay na kulay nila. Ipagbibili ng mga lalaki ang kanilang asawa, ipagbibili ng mga babae ang kanilang asawa, ipagbibili ng mga anak ang kanilang mga magulang, at uusigin ng mga magulang ang kanilang mga anak—ang puso ng tao ay hindi maaarok! Ang tanging magagawa ay kumapit ang isang tao sa kung ano ang mayroon siya, at tahakin nang wasto ang huling bahagi ng landas. Sa ngayon, hindi ninyo ito malinaw na nakikita; hindi malinaw sa inyong lahat ang hinaharap. Hindi madaling maranasan nang matagumpay ang hakbang na ito ng gawain.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Mo Dapat Tahakin ang Huling Bahagi ng Landas

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 474

Karamihan sa mga tao ay naniniwala sa Diyos alang-alang sa kanilang hantungan sa hinaharap, o para sa pansamantalang kaluguran. Para sa mga hindi pa napasailalim sa kahit anong pakikitungo, naniniwala sila sa Diyos upang makapasok sa langit, upang magkamit ng mga gantimpala. Hindi sila naniniwala sa Diyos upang magawang perpekto, o gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Na ibig sabihin ay na karamihan sa mga tao ay hindi naniniwala sa Diyos upang tuparin ang kanilang mga responsibilidad, o tapusin ang kanilang tungkulin. Bihirang maniwala ang mga tao sa Diyos upang mamuhay nang makabuluhan, ni walang mga naniniwala na, dahil buhay ang tao, dapat niyang mahalin ang Diyos dahil itinalaga ng Langit at kinikilala ng lupa na gawin iyon, at ito ang likas na misyon ng tao. Sa ganitong paraan, bagama’t pinagsisikapan ng bawat isa sa iba’t ibang mga tao ang sarili nilang mga mithiin, ang layunin ng kanilang pagsisikap at ang motibo sa likod nito ay magkakaparehong lahat, at, bukod pa riyan, para sa karamihan sa kanila ang mga layon ng kanilang pagsamba ay malaki ang pagkakapareho. Sa nakaraang ilang libong taon, maraming mananampalataya ang nangamatay na, at marami nang namatay at muling isinilang. Hindi lamang isa o dalawang tao ang naghahanap sa Diyos, ni hindi isa o dalawang libo, subalit karamihan sa mga taong ito ay nagsisikap para sa kapakanan ng sarili nilang mga inaasam o kanilang maluluwalhating pag-asa para sa hinaharap. Yaong matatapat kay Cristo ay iilan lamang at malalayo ang agwat sa isa’t isa. Namatay pa nga ang maraming debotong mananampalataya na nabitag sa sarili nilang mga patibong, at ang bilang ng mga taong naging matagumpay, bukod pa riyan, ay lubhang kakaunti. Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng mga tao kung bakit sila nabibigo, o ang mga lihim ng kanilang tagumpay. Yaong mga nahuhumaling sa paghahanap kay Cristo ay hindi pa rin nagkaroon ng kanilang sandali ng biglang kabatiran, hindi pa nila narating ang kailaliman ng mga hiwagang ito, dahil hindi talaga nila alam. Bagama’t pinagsisikapan nila ang kanilang hinahangad na matamo, ang landas na kanilang tinatahak ay ang landas ng kabiguan na minsang tinahak ng kanilang mga ninuno, at hindi ang landas ng tagumpay. Sa ganitong paraan, paano man sila naghahanap, hindi ba nila tinatahak ang landas patungong kadiliman? Hindi ba mapait na bunga ang kanilang natatamo? Mahirap mahulaan kung ang mga taong tumutulad sa mga nagtagumpay sa nakalipas na mga panahon ay hahantong sa mabuting kapalaran o sa kapahamakan sa huli. Gaano pa kaya kasahol ang mga posibilidad, kung gayon, para sa mga taong naghahangad sa pamamagitan ng pagsunod sa mga yapak ng mga nabigo? Hindi ba mas malaki ang posibilidad na sila ay mabigo? Ano ang halaga ng landas na kanilang tinatahak? Hindi ba sila nag-aaksaya ng kanilang panahon? Tagumpay man o bigo ang mga tao sa kanilang pinagsisikapan, may isang dahilan, sa madaling salita, kaya nila iyon ginagawa, at hindi totoo na ang kanilang tagumpay o kabiguan ay matutukoy sa paghahangad kung paano nila gusto.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 475

Ang pinakamahalagang kailangan sa pananampalataya ng tao sa Diyos ay na mayroon siyang matapat na puso, at na lubos niyang inilalaan ang kanyang sarili, at tunay siyang sumusunod. Ang pinakamahirap para sa tao ay ibigay ang kanyang buong buhay kapalit ng tunay na pananampalataya, at sa pamamagitan nito ay matamo niya ang buong katotohanan, at magampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ito ang hindi kayang matamo ng mga nabibigo, at lalo pang hindi ito natatamo ng mga hindi makasumpong kay Cristo. Dahil ang tao ay hindi magaling sa buong paglalaan ng kanyang sarili sa Diyos, dahil ang tao ay hindi handang gampanan ang kanyang tungkulin sa Lumikha, dahil nakita na ng tao ang katotohanan ngunit iniiwasan ito at tumatahak sa kanyang sariling landas, dahil laging naghahanap ang tao sa pamamagitan ng pagsunod sa landas ng mga nabigo na, dahil laging sinusuway ng tao ang Langit, sa gayon, laging nabibigo ang tao, laging natatangay sa panlilinlang ni Satanas, at nabibitag sa sarili niyang patibong. Dahil hindi kilala ng tao si Cristo, dahil hindi sanay ang tao sa pag-unawa at pagdanas ng katotohanan, dahil masyadong sinasamba ng tao si Pablo at masyadong mapag-imbot sa langit, dahil laging hinihiling ng tao na sundin siya ni Cristo at inuutus-utusan niya ang Diyos, sa gayon yaong mga dakilang tao at yaong mga nakaranas na ng mga pagbabagong nangyayari sa mundo ay mortal pa rin, at namamatay pa rin sa gitna ng pagkastigo ng Diyos. Ang masasabi Ko lamang tungkol sa gayong mga tao ay na namamatay sila sa kalunus-lunos na paraan, at na ang bunga para sa kanila—ang kanilang kamatayan—ay hindi walang katwiran. Hindi ba ang kanilang kabiguan ay lalo pang hindi mapapalampas sa batas ng Langit? Ang katotohanan ay nagmumula sa mundo ng tao, subalit ang katotohanang nasa tao ay ipinapasa ni Cristo. Ito ay nagmumula kay Cristo, ibig sabihin, mula sa Diyos Mismo, at hindi ito isang bagay na kaya ng tao. Subalit si Cristo ay naglalaan lamang ng katotohanan; hindi Siya pumaparito upang magpasiya kung ang tao ay magiging matagumpay sa kanyang paghahangad na matamo ang katotohanan. Sa gayon nangangahulugan ito na ang tagumpay o kabiguan sa katotohanan ay dahil lahat sa pinagsisikapang matamo ng tao. Ang tagumpay o kabiguan ng tao sa katotohanan ay hindi nagkaroon ng kinalaman kay Cristo kailanman, kundi sa halip ay nalalaman sa pamamagitan ng kanyang paghahangad. Ang hantungan at tagumpay o kabiguan ng tao ay hindi maaaring isisi sa Diyos, para ang Diyos Mismo ay magpasan nito, dahil hindi ito isang bagay na para sa Diyos Mismo, kundi direkta itong nauugnay sa tungkuling dapat gampanan ng mga nilalang ng Diyos. Karamihan sa mga tao ay mayroon talagang kaunting kaalaman tungkol sa pinagsisikapan at hantungan nina Pablo at Pedro, subalit wala ibang alam ang mga tao bukod sa mga kahihinatnan nina Pedro at Pablo, at wala silang alam tungkol sa lihim sa likod ng tagumpay ni Pedro, o sa mga kakulangang humantong sa kabiguan ni Pablo. Kaya nga, kung kayo ay lubos na walang kakayahang makakita sa kakanyahan ng kanilang pinagsisikapan, mabibigo pa rin ang pinagsisikapan ng karamihan sa inyo, at kahit may kaunti sa inyo na magtatagumpay, hindi pa rin sila makakapantay ni Pedro. Kung ang landas ng iyong pagsisikap ang siyang tama, may pag-asa kang magtagumpay; kung ang landas na iyong tinatahak sa paghahangad ng katotohanan ay mali, hindi mo makakayang magtagumpay magpakailanman, at hahantong sa katapusang katulad ng kay Pablo.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 476

Si Pedro ay isang taong ginawang perpekto. Matapos makaranas ng pagkastigo at paghatol, at sa gayo’y magtamo ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, saka lamang siya lubos na nagawang perpekto; ang landas na kanyang tinahak ay ang landas para magawang perpekto. Na ibig sabihin ay, sa simula pa lamang, ang landas na tinahak ni Pedro ay yaong tama, at ang nagganyak sa kanya para manampalataya sa Diyos ay yaong tama, kaya nga siya ay naging isang taong ginawang perpekto at tumahak siya sa isang bagong landas na hindi pa dating natahak ng tao kailanman. Gayunman, ang landas na natahak ni Pablo sa simula pa lamang ay ang landas na pasalungat kay Cristo, at dahil lamang sa ninais ng Banal na Espiritu na kasangkapanin siya, at samantalahin ang kanyang mga talento at lahat ng kanyang kakayahan para sa Kanyang gawain, gumawa siya para kay Cristo sa loob ng ilang dekada. Isa lamang siyang tao na kinasangkapan ng Banal na Espiritu, at hindi siya kinasangkapan nang dahil sa maganda ang tingin ni Jesus sa kanyang pagkatao, kundi dahil sa kanyang mga talento. Nakagawa siya para kay Jesus dahil siya ay pinabagsak, hindi dahil masaya siyang gawin iyon. Nagawa niya ang gayong gawain dahil sa kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu, at ang gawaing kanyang ginawa ay hindi kumakatawan sa anumang paraan sa kanyang pinagsisikapang matamo, o sa kanyang pagkatao. Ang gawain ni Pablo ay kumatawan sa gawain ng isang lingkod, na ibig sabihin ay na ginawa niya ang gawain ng isang apostol. Si Pedro, gayunpaman, ay kaiba: Gumawa rin siya ng ilang gawain; hindi ito kasindakila ng gawain ni Pablo, ngunit gumawa siya habang pinagsisikapan ang kanyang sariling pagpasok, at ang kanyang gawain ay kaiba sa gawain ni Pablo. Ang gawain ni Pedro ay ang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Hindi siya gumanap sa papel ng isang apostol, kundi gumawa habang pinagsisikapang mahalin ang Diyos. Ang gawain ni Pablo ay naglaman din ng personal na pinagsisikapan niyang matamo: Ang kanyang pinagsisikapan ay walang iba kundi para sa kapakanan ng kanyang mga inaasam para sa hinaharap, at ng kanyang paghahangad sa isang magandang hantungan. Hindi siya tumanggap ng pagpipino sa panahon ng kanyang gawain, ni hindi siya tumanggap ng pagtatabas at pakikitungo. Naniwala siya na basta’t ang gawaing kanyang ginawa ay nakatupad sa naisin ng Diyos, at lahat ng kanyang ginawa ay nakalugod sa Diyos, isang gantimpala ang naghintay sa kanya sa huli. Walang personal na mga karanasan sa kanyang gawain—lahat ng iyon ay para sa sariling kapakanan nito, at hindi isinagawa sa gitna ng paghahangad ng pagbabago. Lahat sa kanyang gawain ay isang transaksyon, hindi ito naglaman ng anuman sa tungkulin o pagpapasakop ng isang nilalang ng Diyos. Habang patuloy ang kanyang gawain, walang nangyaring pagbabago sa dating disposisyon ni Pablo. Ang kanyang gawain ay paglilingkod lamang sa iba, at hindi kayang magdulot ng mga pagbabago sa kanyang disposisyon. Isinagawa ni Pablo ang kanyang gawain nang tuwiran, nang hindi siya nagagawang perpekto o napapakitunguhan, at siya ay naganyak ng gantimpala. Iba si Pedro: Isa siyang taong sumailalim na sa pagtatabas at pakikitungo at sumailalim na sa pagpipino. Ang layunin at pangganyak ng gawain ni Pedro ay talagang naiiba kaysa kay Pablo. Bagama’t hindi gumawa si Pedro ng maraming gawain, ang kanyang disposisyon ay sumailalim sa maraming pagbabago, at ang kanyang hinanap ay ang katotohanan, at tunay na pagbabago. Ang kanyang gawain ay hindi isinagawa para lamang sa kapakanan ng gawain mismo. Bagama’t maraming gawaing ginawa si Pablo, lahat ng iyon ay gawain ng Banal na Espiritu, at kahit nakipagtulungan si Pablo sa gawaing ito, hindi niya ito naranasan. Kaya gumawa si Pedro ng mas kakaunting gawain ay dahil lamang sa hindi gumawa ng maraming gawain ang Banal na Espiritu sa pamamagitan niya. Ang dami ng kanilang gawain ay hindi tinukoy kung sila man ay ginawang perpekto; ang pinagsikapan ng isa ay upang tumanggap ng mga gantimpala, at ng isa naman ay upang magkaroon ng sukdulang pagmamahal sa Diyos, at gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, hanggang sa maaari na niyang isabuhay ang isang kaibig-ibig na imahe upang mapalugod ang naisin ng Diyos. Sa panlabas na anyo sila ay magkaiba, gayundin ang kanilang mga kakanyahan. Hindi mo matutukoy kung sino sa kanila ang ginawang perpekto batay sa kung gaano karami ang ginawa nilang gawain. Hinangad ni Pedro na isabuhay ang larawan ng isang taong nagmamahal sa Diyos, maging isang taong sumunod sa Diyos, maging isang taong tumanggap ng pakikitungo at pagtatabas, at maging isang taong gumanap sa kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Nagawa niyang italaga ang kanyang sarili sa Diyos, ilagak ang kanyang kabuuan sa mga kamay ng Diyos, at sundin Siya hanggang kamatayan. Iyon ang kanyang ipinasiyang gawin at, bukod pa riyan, iyon ang kanyang nakamit. Ito ang pangunahing dahilan kaya iba ang kanyang kinahinatnan sa kinahinatnan ni Pablo. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu kay Pedro ay upang gawin siyang perpekto, at ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu kay Pablo ay ang kasangkapanin siya. Iyan ay dahil ang kanilang likas na pagkatao at kanilang mga pananaw tungo sa paghahangad ay hindi pareho. Pareho nilang taglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Inangkop ni Pedro ang gawaing ito sa kanyang sarili, at ibinigay rin ito sa iba; samantala, si Pablo naman ay nagkaloob lamang ng kabuuan ng gawain ng Banal na Espiritu sa iba, at walang natamo mismo mula rito. Sa ganitong paraan, matapos niyang maranasan ang gawain ng Banal na Espiritu sa loob ng maraming taon, halos walang ipinagbago si Pablo. Nanatili pa rin siya halos sa kalagayan ng kanyang likas na pagkatao, at siya pa rin ang dating Pablo. Kaya lamang, matapos magtiis ng paghihirap sa maraming taon ng paggawa, natuto siyang “gumawa,” at natutong magtiis, ngunit ang kanyang dating likas na pagkatao—ang likas niyang hilig na makipagpaligsahan at pumatay—ay nanatili pa rin. Matapos gumawa sa loob ng napakaraming taon, hindi niya alam ang kanyang tiwaling disposisyon, ni hindi niya naalis sa kanyang sarili ang kanyang dating disposisyon, at malinaw pa rin iyong nakita sa kanyang gawain. Mas marami lamang siyang karanasan sa paggawa, ngunit hindi siya kayang baguhin ng gayon katiting na karanasan at hindi kanyang baguhin ang kanyang mga pananaw tungkol sa pag-iral o sa kabuluhan ng kanyang pinagsisikapang matamo. Bagama’t gumawa siya sa loob ng maraming taon para kay Cristo, at hindi na muling inusig ang Panginoong Jesus kailanman, sa kanyang puso ay walang pagbabago sa kanyang kaalaman tungkol sa Diyos. Nangangahulugan ito na hindi siya gumawa upang ilaan ang kanyang sarili sa Diyos, kundi sa halip ay napilitan siyang gumawa para sa kapakanan ng kanyang hantungan sa hinaharap. Sapagkat, sa simula, inusig niya si Cristo, at hindi siya nagpasakop kay Cristo; siya ay likas na isang rebelde na sadyang kumontra kay Cristo, at isang taong walang alam tungkol sa gawain ng Banal na Espiritu. Nang halos patapos na ang kanyang gawain, hindi pa rin niya alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumilos lamang sa sarili niyang kusa batay sa kanyang sariling pagkatao, nang hindi nagbibigay ni kaunting pansin sa kalooban ng Banal na Espiritu. Kaya nga ang kanyang likas na pagkatao ay napopoot kay Cristo at hindi sumunod sa katotohanan. Ang isang taong kagaya nito, na tinalikdan na ng gawain ng Banal na Espiritu, na hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu, at kumontra din kay Cristo—paano kaya maililigtas ang gayong tao? Maaari mang mailigtas ang tao o hindi ay hindi nakasalalay sa kung gaano karaming gawain ang kanyang ginagawa, o kung gaano siya nakalaan, kundi sa halip ay natutukoy sa kung alam niya o hindi ang gawain ng Banal na Espiritu, kung kaya niya o hindi na isagawa ang katotohanan, at kung nakaayon o hindi ang kanyang mga pananaw sa pagsisikap na matamo ang katotohanan.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 477

Bagama’t naganap ang likas na mga paghahayag nang magsimula nang sundan ni Pedro si Jesus, sa simula pa lamang, isa na siyang tao na likas na handang magpasakop sa Banal na Espiritu at maghanap kay Cristo. Ang kanyang pagsunod sa Banal na Espiritu ay dalisay: Hindi siya naghangad ng katanyagan at yaman, kundi sa halip ay naganyak siya ng pagsunod sa katotohanan. Bagama’t tatlong beses ikinaila ni Pedro na kilala niya si Cristo, at bagama’t tinukso niya ang Panginoong Jesus, ang gayong maliit na kahinaan ng tao ay walang kinalaman sa kanyang likas na pagkatao, at hindi ito nakaapekto sa kanyang pinagsikapang matamo sa hinaharap, at hindi nito mapatunayan nang sapat na ang kanyang panunukso ay gawa ng isang anticristo. Ang normal na kahinaan ng tao ay isang bagay na karaniwan sa lahat ng tao sa mundo—inaasahan mo ba na maiiba si Pedro kahit paano? Hindi ba may ilang pananaw ang mga tao tungkol kay Pedro dahil gumawa siya ng ilang hangal na pagkakamali? At hindi ba labis na hinahangaan ng mga tao si Pablo dahil sa lahat ng gawaing kanyang ginawa, at lahat ng liham na kanyang isinulat? Paano makakaya ng tao na matukoy ang diwa ng tao? Siguro naman ang mga totoong matitino ay may nakikitang isang bagay na gayon kawalang-halaga? Bagama’t hindi nakatala sa Bibliya ang maraming taon ng masasakit na karanasan ni Pedro, hindi nito pinatutunayan na hindi nagkaroon ng mga tunay na karanasan si Pedro, o na hindi ginawang perpekto si Pedro. Paano lubos na maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Ang mga nakatala sa Bibliya ay hindi personal na pinili ni Jesus, kundi pinagsama-sama ng mga sumunod na henerasyon. Dahil doon, hindi ba pinili ang lahat ng nakatala sa Bibliya ayon sa mga ideya ng tao? Bukod pa riyan, ang mga kinahinatnan nina Pedro at Pablo ay hindi lubos na nakalahad sa mga liham, kaya hinuhusgahan ng tao sina Pedro at Pablo ayon sa kanyang sariling mga pananaw, at ayon sa kanyang sariling mga kagustuhan. At dahil napakaraming gawaing ginawa si Pablo, dahil napakarami ng kanyang mga “ambag,” nakuha niya ang tiwala ng masa. Hindi ba nagtutuon lamang ang tao sa mga kababawan? Paano makakayang matukoy ng tao ang diwa ng tao? Bukod pa riyan, dahil inidolo si Pablo nang ilang libong taon, sino ang mangangahas na padalus-dalos na tanggihan ang kanyang gawain? Si Pedro ay isa lamang mangingisda, kaya paano magiging kasindakila ng kay Pablo ang kanyang ambag? Pagdating sa mga ambag na ginawa nila, dapat ay unang ginantimpalaan si Pablo bago si Pedro, at siya dapat ang higit na karapat-dapat na magtamo ng pagsang-ayon ng Diyos. Sino ang makakaisip na, sa Kanyang pagtrato kay Pablo, pinagawa lamang siya ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang mga talento, samantalang ginawang perpekto ng Diyos si Pedro. Hindi nangyari na nakagawa ang Panginoong Jesus ng mga plano para kina Pedro at Pablo sa simula pa lamang: Sila, sa halip, ay ginawang perpekto o pinagawa ayon sa kanilang likas na pagkatao. Kaya nga, ang nakikita ng mga tao ay panlabas lamang na mga ambag ng tao, samantalang ang nakikita ng Diyos ay ang diwa ng tao, gayundin ang landas na tinatahak ng tao sa simula pa lamang, at ang pangganyak sa likod ng pinagsisikapang matamo ng tao. Sinusukat ng mga tao ang isang tao ayon sa kanilang mga kuru-kuro, at ayon sa sarili nilang pang-unawa, subalit ang huling kahihinatnan ng isang tao ay hindi natutukoy ayon sa kanyang mga panlabas na katangian. Kaya nga sinasabi ko na kung ang landas na iyong tinatahak sa simula pa lamang ay ang landas ng tagumpay, at ang iyong pananaw tungo sa pagsisikap ay yaong tama sa simula pa lamang, katulad ka ni Pedro; kung ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan, anuman ang halagang iyong binabayaran, ang iyong katapusan ay magiging katulad pa rin ng kay Pablo. Ano’t anuman, ang iyong patutunguhan, at magtagumpay ka man o mabigo, ay kapwa natutukoy sa kung ang landas na iyong hinahangad ay yaong tama o hindi, sa halip na ang iyong debosyon, o ang halaga na iyong binabayaran. Ang mga kakanyahan nina Pedro at Pablo, at ang mga layuning kanilang pinagsisikapang matupad, ay magkaiba; hindi kaya ng tao na tuklasin ang mga bagay na ito, at ang Diyos lamang ang maaaring makaalam sa kabuuan ng mga iyon. Sapagkat ang nakikita ng Diyos ay ang diwa ng tao, samantalang walang alam ang tao tungkol sa sarili niyang kakanyahan. Walang kakayahan ang tao na mamasdan ang kakanyahan ng kalooban ng tao o ng kanyang totoong tayog, at sa gayon ay wala siyang kakayahang tukuyin ang mga dahilan ng kabiguan at tagumpay nina Pablo at Pedro. Ang dahilan kaya sinasamba ng karamihan ng tao si Pablo at hindi si Pedro ay dahil kinasangkapan si Pablo para sa gawaing pampubliko, at nahihiwatigan ng tao ang gawaing ito, kaya nga kinikilala ng tao ang “mga tagumpay” ni Pablo. Ang mga karanasan ni Pedro, samantala, ay hindi nakikita ng tao, at yaong kanyang hinangad ay hindi kayang matamo ng tao, kaya nga walang interes ang tao kay Pedro.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 478

Ginawang perpekto si Pedro sa pamamagitan ng pagdanas ng pakikitungo at pagpipino. Sabi niya, “Kailangan kong bigyang-kasiyahan ang naisin ng Diyos sa lahat ng oras. Sa lahat ng aking ginagawa, ang hangad ko lamang ay mabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos, at kung ako man ay kinakastigo o hinahatulan, masaya pa rin akong gawin iyon.” Ibinigay ni Pedro ang lahat-lahat niya sa Diyos, at lahat ng kanyang gawain, mga salita, at buong buhay ay alang-alang sa pagmamahal sa Diyos. Isa siyang taong naghangad ng kabanalan, at nang lalo siyang nakaranas, lalong lumago ang kanyang pagmamahal sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso. Si Pablo, samantala, ay gumawa lamang ng panlabas na gawain, at bagama’t nagsumikap din siya nang husto, ang kanyang mga pagpapagal ay para magawa nang wasto ang kanyang gawain at sa gayon ay magtamo ng gantimpala. Kung nalaman lamang niya na hindi siya tatanggap ng gantimpala, isinuko na sana niya ang kanyang gawain. Ang pinahalagahan ni Pedro ay ang tunay pagmamahal sa kanyang puso, at yaong praktikal at maaaring makamit. Hindi niya pinahalagahan kung tumanggap man siya ng gantimpala, kundi kung ang kanyang disposisyon ay maaaring mabago. Ang pinahalagahan ni Pablo ay ang magsumikap pa nang husto, pinahalagahan niya ang panlabas na gawain at debosyon, at tungkol sa mga doktrinang hindi naranasan ng normal na mga tao. Hindi niya pinahalagahan ang mga pagbabago sa kanyang kaibuturan ni sa tunay na pagmamahal sa Diyos. Ang mga karanasan ni Pedro ay upang magkamit ng tunay na pagmamahal at totoong kaalaman tungkol sa Diyos. Ang kanyang mga karanasan ay upang higit siyang mapalapit sa Diyos, at magkaroon ng isang praktikal na pamumuhay. Ang gawain ni Pablo ay ginawa dahil doon sa ipinagkatiwala sa kanya ni Jesus, at upang matamo ang mga bagay na kanyang inasam, subalit walang kaugnayan ang mga ito sa kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili at sa Diyos. Ang kanyang gawain ay para lamang matakasan ang pagkastigo at paghatol. Ang hinangad ni Pedro ay dalisay na pagmamahal, at ang hinangad naman ni Pablo ay ang korona ng katuwiran. Naranasan ni Pedro ang maraming taon ng gawain ng Banal na Espiritu, at nagkaroon ng isang praktikal na kaalaman tungkol kay Cristo, gayundin ang isang malalim na kaalaman tungkol sa kanyang sarili. Kaya nga, ang kanyang pagmamahal sa Diyos ay dalisay. Ang maraming taon ng pagpipino ay nagpayaman sa kanyang kaalaman tungkol kay Jesus at sa buhay, at ang kanyang pagmamahal ay isang pagmamahal na walang kundisyon, isa iyong pagmamahal na kusang-loob, at wala siyang hiniling na anuman bilang kapalit, ni hindi siya umasa sa anumang mga pakinabang. Gumawa si Pablo nang maraming taon, subalit hindi siya nagkaroon ng malaking kaalaman tungkol kay Cristo, at ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili ay napakaliit. Wala talaga siyang pagmamahal kay Cristo, at ang kanyang gawain at ang daan na kanyang tinahak ay upang magkamit ng huling putong. Ang kanyang hinangad ay ang pinakamagandang korona, hindi ang pinakadalisay na pagmamahal. Hindi siya aktibong naghangad, kundi wala lamang siyang kibo; hindi niya ginampanan ang kanyang tungkulin, kundi napilitan sa kanyang pagsisikap matapos mahuli ng gawain ng Banal na Espiritu. Kaya nga, ang kanyang pagsisikap ay hindi nagpapatunay na siya ay karapat-dapat na nilalang ng Diyos; si Pedro ang karapat-dapat na nilalang ng Diyos na gumanap ng kanyang tungkulin. Iniisip ng tao na lahat ng nag-aambag sa Diyos ay dapat tumanggap ng gantimpala, at na kapag mas malaki ang ambag, mas iniisip nila na dapat silang makatanggap ng paglingap ng Diyos. Ang diwa ng pananaw ng tao ay transaksyonal, at hindi siya aktibong naghahangad na gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Para sa Diyos, kapag mas naghahangad ang mga tao na tunay na mahalin ang Diyos at lubos na sundin ang Diyos, na nangangahulugan din ng paghahangad na gampanan ang kanilang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos, lalo nilang nagagawang makamit ang pagsang-ayon ng Diyos. Ang pananaw ng Diyos ay upang hilingin na mabawi ng tao ang kanyang orihinal na tungkulin at katayuan. Ang tao ay isang nilalang ng Diyos, kaya nga hindi dapat magmalabis ang tao sa paghingi ng anuman sa Diyos, at wala na siyang dapat gawin maliban sa gampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nilalang ng Diyos. Ang mga patutunguhan nina Pablo at Pedro ay nasukat ayon sa kung kaya nilang gampanan ang kanilang tungkulin bilang mga nilalang ng Diyos, at hindi ayon sa laki ng kanilang ambag; ang kanilang mga hantungan ay natukoy ayon doon sa kanilang hinangad sa simula pa lamang, hindi ayon sa kung gaano karaming gawain ang kanilang ginawa, o sa pagtantiya ng ibang mga tao sa kanila. Kaya nga, ang paghahangad na aktibong gampanan ang tungkulin ng isang tao bilang isang nilalang ng Diyos ang landas tungo sa tagumpay; ang paghahangad sa landas ng tunay na pagmamahal sa Diyos ang pinakatamang landas; ang paghahangad sa mga pagbabago sa dating disposisyon ng isang tao, at paghahangad ng dalisay na pagmamahal sa Diyos, ang landas tungo sa tagumpay. Ang landas na iyon tungo sa tagumpay ang landas ng pagbawi sa orihinal na tungkulin gayundin sa orihinal na anyo ng isang nilalang ng Diyos. Ito ang landas ng pagbawi, at ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos mula simula hanggang katapusan. Kung ang paghahangad ng tao ay nababahiran ng personal na maluluhong paghiling at hindi makatwirang mga pag-asam, ang epektong natatamo ay hindi ang mga pagbabago sa disposisyon ng tao. Salungat ito sa gawain ng pagbawi. Walang duda na hindi ito ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu, kaya nga nagpapatunay ito na ang ganitong klaseng paghahangad ay hindi sinang-ayunan ng Diyos. Ano ang kabuluhan ng isang paghahangad na hindi sinang-ayunan ng Diyos?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 479

Ang gawaing ginawa ni Pablo ay ipinakita sa harap ng tao, ngunit kung gaano kadalisay noon ang kanyang pagmamahal sa Diyos at gaano niya minahal ang Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso—ang mga bagay na ito ay hindi nakikita ng tao. Namamasdan lamang ng tao ang gawaing kanyang ginawa, kung saan nalalaman ng tao na tiyak na siya ay kinasangkapan ng Banal na Espiritu, kaya nga iniisip ng tao na mas mabuti si Pablo kaysa kay Pedro, na mas dakila ang kanyang gawain, sapagkat nagawa niyang tustusan ang mga iglesia. Umasa lamang si Pedro sa kanyang mga personal na karanasan at iilang tao lamang ang natamo sa kanyang panaka-nakang gawain. Mula sa kanya iilan lamang ang di-gaanong kilalang mga sulat, ngunit sino ang nakakaalam kung gaano kadakila ang kanyang pagmamahal sa Diyos sa kaibuturan ng kanyang puso? Araw-araw, gumawa si Pablo para sa Diyos: Basta’t may gawaing gagawin, ginawa niya iyon. Nadama niya na sa ganitong paraan ay magkakamit siya ng korona, at mabibigyang-kasiyahan ang Diyos, subalit hindi siya naghanap ng mga paraan para baguhin ang kanyang sarili sa pamamagitan ng kanyang gawain. Anuman sa buhay ni Pedro na hindi nagbigay-kasiyahan sa naisin ng Diyos ay nakaligalig sa kanya. Kung hindi iyon nakalugod sa naisin ng Diyos, nakadama siya ng taos na pagsisisi, at naghanap ng angkop na paraan para mapagsikapan niyang mapalugod ang puso ng Diyos. Kahit sa pinakamaliit at pinaka-walang-kabuluhang mga aspeto ng kanyang buhay, kusa pa rin niyang pinalugod ang naisin ng Diyos. Gayon din siya katindi pagdating sa kanyang dating disposisyon, laging mahigpit sa kanyang mga hinihingi sa kanyang sarili upang sumulong nang mas malalim sa katotohanan. Hinangad lamang ni Pablo ang mababaw na reputasyon at katayuan. Hinangad niyang ipagyabang ang kanyang sarili sa harap ng tao, at hindi naghangad na sumulong nang mas malalim sa kanyang pagpasok sa buhay. Ang kanyang pinahalagahan ay ang doktrina, hindi ang realidad. Sabi ng ilang tao, “Napakaraming ginawa ni Pablo para sa Diyos, bakit hindi siya naalaala ng Diyos? Gumawa lamang si Pedro ng kaunting gawain para sa Diyos, at hindi malaki ang iniambag sa mga iglesia, kaya bakit siya ginawang perpekto?” Minahal ni Pedro ang Diyos kahit paano, na siyang kinailangan ng Diyos; ang gayong mga tao lamang ang may patotoo. At ano naman ang kay Pablo? Gaano minahal ni Pablo ang Diyos? Alam mo ba? Para saan ba ginawa ang gawain ni Pablo? At para saan ginawa ang gawain ni Pedro? Hindi gaanong marami ang ginawang gawain ni Pedro, ngunit alam mo ba kung ano ang nasa kaibuturan ng kanyang puso? Ang gawain ni Pablo ay ukol sa pagtustos sa mga iglesia, at sa suporta ng mga iglesia. Ang naranasan ni Pedro ay mga pagbabago sa kanyang disposisyon sa buhay; naranasan niyang mahalin ang Diyos. Ngayong alam mo na ang mga pagkakaiba sa kanilang mga kakanyahan, makikita mo kung sino, sa bandang huli, ang tunay na naniwala sa Diyos, at sino ang hindi tunay na naniwala sa Diyos. Ang isa sa kanila ay tunay na nagmahal sa Diyos, at ang isa pa ay hindi tunay na nagmahal sa Diyos; ang isa ay sumailalim sa mga pagbabago sa kanyang disposisyon, at ang isa pa ay hindi; ang isa ay mapagpakumbabang naglingkod, at hindi madaling napansin ng mga tao, at ang isa pa ay sinamba ng mga tao, at naging dakila sa paningin nila; ang isa ay naghangad ng kabanalan, at ang isa pa ay hindi, at bagama’t hindi siya marumi, hindi siya nag-angkin ng isang dalisay na pagmamahal; ang isa ay nag-angkin ng totoong pagkatao, at ang isa pa ay hindi; ang isa ay nag-angkin ng katinuan ng isang nilalang ng Diyos, at ang isa pa ay hindi. Gayon ang mga pagkakaiba sa mga kakanyahan nina Pablo at Pedro. Ang landas na tinahak ni Pedro ay ang landas ng tagumpay, na siya ring landas ng pagkakamit ng pagbawi sa normal na pagkatao at pagbawi sa tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Kinakatawan ni Pedro ang lahat ng taong tagumpay. Ang landas na tinahak ni Pablo ay ang landas ng kabiguan, at kinakatawan niya ang lahat ng nagpapasakop lamang at ginugugol ang kanilang sarili nang paimbabaw, at hindi tunay na nagmamahal sa Diyos. Kinakatawan ni Pablo ang lahat ng hindi nagtataglay ng katotohanan. Sa kanyang paniniwala sa Diyos, hinangad ni Pedro na bigyang-kasiyahan ang Diyos sa lahat ng bagay, at hinangad na sundin ang lahat ng nagmula sa Diyos. Wala ni katiting na reklamo, nagawa niyang tanggapin ang pagkastigo at paghatol, gayundin ang pagpipino, kapighatian at kakulangan sa kanyang buhay, at walang isa man dito na maaaring magpabago sa kanyang pagmamahal sa Diyos. Hindi ba ito ang sukdulang pagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito ang katuparan ng tungkulin ng isang nilalang ng Diyos? Sa pagkastigo man, paghatol, o kapighatian, lagi kang may kakayahang maging masunurin hanggang kamatayan, at ito ang dapat makamit ng isang nilalang ng Diyos, ito ang kadalisayan ng pagmamahal sa Diyos. Kung makakamtan ng tao ang ganito, siya ay isang angkop na nilalang ng Diyos, at wala nang ibang mas nagbibigay-kasiyahan sa naisin ng Lumikha. Ipagpalagay nang nakakagawa ka para sa Diyos, subalit hindi ka sumusunod sa Diyos, at hindi mo kayang tunay na mahalin ang Diyos. Sa ganitong paraan, hindi mo lamang hindi natupad ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, kundi ikukondena ka rin ng Diyos, dahil ikaw ay isang taong hindi nagtataglay ng katotohanan, na walang kakayahang sumunod sa Diyos, at suwail sa Diyos. Pinahahalagahan mo lamang ang paggawa para sa Diyos, at hindi mo pinahahalagahan ang pagsasagawa ng katotohanan o pagkilala sa iyong sarili. Hindi mo nauunawaan o nakikilala ang Lumikha, at hindi mo sinusunod o minamahal ang Lumikha. Ikaw ay isang taong likas na suwail sa Diyos, kaya nga ang gayong mga tao ay hindi minamahal ng Lumikha.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 480

Sabi ng ilang tao, “Gumawa si Pablo ng napakaraming gawain, at bumalikat siya ng mabibigat na pasanin para sa mga iglesia at nag-ambag nang malaki sa mga iyon. Pinagtibay sa labintatlong sulat ni Pablo ang 2,000 taon ng Kapanahunan ng Biyaya, at pumapangalawa lamang sa Apat na Ebanghelyo. Sino ang maikukumpara sa kanya? Walang sinumang makaintindi sa Pahayag ni Juan, samantalang ang mga sulat ni Pablo ay nagbibigay-buhay, at ang gawaing kanyang ginawa ay kapaki-pakinabang sa mga iglesia. Sino pa ang maaaring makagawa ng gayong mga bagay? At ano ang gawaing ginawa ni Pedro?” Kapag sinusukat ng tao ang iba, ginagawa niya iyon ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ginagawa Niya iyon ayon sa likas na pagkatao ng tao. Sa mga naghahangad ng buhay, si Pablo ay isang taong hindi alam ang sarili niyang diwa. Hindi siya mapagpakumbaba o masunurin, sa anumang paraan, ni hindi niya alam ang kanyang kakanyahan, na salungat sa Diyos. Kaya nga, siya ay isang taong hindi pa sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Iba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga pagkakamali, kahinaan, at tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya nga nagkaroon siya ng isang landas ng pagsasagawa na naging daan upang magbago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa sa mga mayroon lamang doktrina ngunit hindi nagtaglay ng realidad. Yaong mga nagbabago ay mga baguhan na naligtas na, sila yaong mga karapat-dapat sa pagsisikap na matamo ang katotohanan. Ang mga taong hindi nagbabago ay kabilang sa mga natural na laos na; sila yaong mga hindi naligtas, ibig sabihin, yaong mga kinamuhian at tinanggihan ng Diyos. Hindi sila maaalaala ng Diyos gaano man kadakila ang kanilang gawain. Kapag ikinumpara mo ito sa sarili mong pagsisikap, kapareho ka man ni Pedro o ni Pablo sa huli ay dapat maging malinaw. Kung wala pa ring katotohanan sa iyong hinahanap, at kung kahit ngayon ay mayabang ka pa rin at walang-pakundangan na kagaya ni Pablo, at magaling ka pa ring magsalita at mayabang na katulad niya, walang duda na isa kang masamang tao na nabibigo. Kung hinahangad mo ang hinangad ni Pedro, kung hinahangad mo ang mga pagsasagawa at tunay na mga pagbabago, at hindi ka mayabang o matigas ang ulo, kundi hinahangad mong gampanan ang iyong tungkulin, ikaw ay magiging nilalang ng Diyos na kayang magtagumpay. Hindi alam ni Pablo ang sarili niyang kakanyahan o katiwalian, lalong hindi niya alam ang sarili niyang pagsuway. Hindi niya binanggit kailanman ang kanyang kasuklam-suklam na paglaban kay Cristo, ni hindi siya masyadong nagsisi. Nag-alok lamang siya ng maikling paliwanag at, sa kaibuturan ng kanyang puso, hindi siya lubusang nagpasakop sa Diyos. Bagama’t nahulog siya sa daan patungong Damasco, hindi siya tumingin sa kanyang sariling kaibuturan. Kuntento na siyang patuloy lamang na gumawa, at hindi niya itinuring na pinakamahalaga sa mga problema ang kilalanin ang kanyang sarili at baguhin ang kanyang dating disposisyon. Masaya na siya sa pagsasalita lamang ng katotohanan, sa pagtustos sa iba bilang pampalubag sa sarili niyang konsiyensya, at sa pagtigil sa pag-usig sa mga disipulo ni Jesus upang aliwin ang kanyang sarili at patawarin ang kanyang sarili para sa kanyang nakaraang mga kasalanan. Ang mithiing kanyang pinagsikapang matamo ay walang iba kundi isang korona sa hinaharap at panandaliang gawain, ang mithiing kanyang pinagsikapang matamo ay saganang biyaya. Hindi siya naghangad ng sapat na katotohanan, ni hindi siya naghangad na maunawaan nang mas malalim ang katotohanang hindi niya naunawaan noon. Samatuwid ay masasabi na ang kanyang kaalaman tungkol sa kanyang sarili ay mali, at hindi siya tumanggap ng pagkastigo o paghatol. Hindi komo nakaya niyang gumawa ay mayroon siyang kaalaman tungkol sa kanyang sariling likas na pagkatao o kakanyahan; ang kanyang tuon ay nasa panlabas na mga pagsasagawa lamang. Ang kanyang pinagsumikapan, bukod pa riyan, ay hindi pagbabago, kundi kaalaman. Ang kanyang gawain ay ang lubos na resulta ng pagpapakita ni Jesus sa daan patungong Damasco. Hindi iyon isang bagay na orihinal niyang naipasiyang gawin, ni hindi ito gawaing naganap matapos niyang matanggap ang pagtatabas ng kanyang dating disposisyon. Paano man siya gumawa, hindi nagbago ang kanyang dating disposisyon, kaya nga ang kanyang gawain ay hindi naging bayad para sa dati niyang mga kasalanan kundi gumanap lamang ng isang papel sa mga iglesia noong panahong iyon. Para sa isang taong tulad nito, na ang dating disposisyon ay hindi nagbago—ibig sabihin, hindi nagkamit ng kaligtasan, at lalo pang walang taglay na katotohanan—talagang wala siyang kakayahang maging isa sa mga tinanggap ng Panginoong Jesus. Hindi siya isang taong puno ng pagmamahal at pagpipitagan kay Jesucristo, ni hindi siya isang taong bihasa sa paghahanap sa katotohanan, lalong hindi siya isang taong naghanap sa hiwaga ng pagkakatawang-tao. Isa lamang siyang taong sanay sa panlilinlang, at hindi susuko sa sinumang nakatataas sa kanya o taglay ang katotohanan. Kinainggitan niya ang mga tao o ang mga katotohanang taliwas sa kanya, o laban sa kanya, na mas gusto yaong mga taong may talento na nagpakita ng magandang imahe at nagtataglay ng malalim na kaalaman. Ayaw niyang makihalubilo sa mga taong maralita na naghanap sa tunay na daan at walang ibang pinahalagahan kundi ang katotohanan, at sa halip ay pinagkaabalahan lamang niya ang nakatatandang mga tao mula sa mga relihiyosong organisasyon na nagsalita lamang tungkol sa mga doktrina, at may saganang kaalaman. Wala siyang pagmamahal sa bagong gawain ng Banal na Espiritu at hindi niya pinahalagahan ang paggalaw ng bagong gawain ng Banal na Espiritu. Sa halip, pinaburan niya yaong mga panuntunan at doktrina na mas nakatataas kaysa mga pangkalahatang katotohanan. Sa kanyang likas na diwa at sa kabuuan ng kanyang hinangad, hindi siya karapat-dapat na matawag na isang Kristiyano na naghanap sa katotohanan, lalong hindi siya isang tapat na lingkod sa bahay ng Diyos, sapagkat masyado siyang mapagpaimbabaw, at napakatindi ng kanyang pagsuway. Bagama’t kilala siya bilang isang lingkod ng Panginoong Jesus, hindi man lamang siya akmang pumasok sa tarangkahan ng kaharian ng langit, sapagkat ang kanyang mga kilos mula simula hanggang katapusan ay hindi matatawag na matuwid. Maaari lamang siyang ituring na mapagpaimbabaw, at gumawa ng kasamaan, subalit gumawa rin para kay Cristo. Bagama’t hindi siya matatawag na masama, maaari siyang angkop na tawagin na isang taong gumawa ng kasamaan. Marami siyang ginawang gawain, subalit hindi siya kailangang hatulan batay sa dami ng gawaing kanyang ginawa, kundi sa kalidad at kakanyahan lamang nito. Sa paraang ito lamang posibleng malaman ang pinag-ugatan ng bagay na ito. Naniwala siya noon pa man: “Kaya kong gumawa, mas mahusay ako kaysa sa karamihan ng mga tao; isinasaalang-alang ko ang pasanin ng Panginoon nang higit kaninuman, at walang sinumang nagsisisi nang lubos na katulad ko, sapagkat ang nasinagan ako ng dakilang liwanag, at nakita ko na ang dakilang liwanag, kaya nga mas malalim ang aking pagsisisi kaysa kaninuman.” Sa panahong iyon, ito ang nasasaloob ng kanyang puso. Sa katapusan ng kanyang gawain, sinabi ni Pablo: “Pinagbuti ko ang paglaban, natapos ko na ang aking lakbayin, at may nakalaan sa akin na isang korona ng katuwiran.” Ang kanyang laban, gawain, at lakbayin ay lubos na para sa kapakanan ng korona ng katuwiran, at hindi siya aktibong sumulong. Bagama’t hindi siya pabigla-bigla sa kanyang gawain, masasabi na ang kanyang gawain ay ginawa para lamang punan ang kanyang mga pagkakamali, punan ang mga panunumbat ng kanyang konsiyensya. Inasam lamang niyang kumpletuhin ang kanyang gawain, tapusin ang kanyang lakbayin, at pagbutihin ang kanyang paglaban sa lalong madaling panahon, upang matamo niya ang kanyang inaasam na korona ng katuwiran nang mas maaga. Ang kanyang inasam ay hindi upang makilala ang Panginoong Jesus sa kanyang mga karanasan at tunay na kaalaman, kundi upang tapusin ang kanyang gawain sa lalong madaling panahon, upang matanggap niya ang mga gantimpalang nakamit ng kanyang gawain para sa kanya nang makilala niya ang Panginoong Jesus. Ginamit niya ang kanyang gawain upang aliwin ang kanyang sarili, at makipagkasunduan kapalit ng isang korona sa hinaharap. Ang kanyang hinanap ay hindi ang katotohanan o ang Diyos, kundi ang korona lamang. Paano makakaabot sa pamantayan ang gayon pagsisikap? Ang kanyang pangganyak, kanyang gawain, ang halagang kanyang ibinayad, at lahat ng kanyang pagsisikap—lumaganap sa lahat ng iyon ang kanyang kamangha-manghang mga pantasya, at gumawa siya ayon lamang sa kanyang sariling mga hangarin. Sa kabuuan ng kanyang gawain, wala ni katiting na pagkukusa sa halagang kanyang ibinayad; pumasok lamang siya sa isang kasunduan. Ang kanyang mga pagsisikap ay hindi kusang ginawa upang gampanan ang kanyang tungkulin, kundi kusang ginawa upang makamit ang layunin ng kasunduan. May anumang halaga ba ang gayong mga pagsisikap? Sino ang pupuri sa kanyang maruruming pagsisikap? Sino ang may interes sa gayong mga pagsisikap? Ang kanyang gawain ay puno ng mga pangarap para sa hinaharap, puno ng kamangha-manghang mga plano, at walang anumang landas para mabago ang disposisyon ng tao. Napakalaking bahagi ng kanyang kabutihan ay pagkukunwari; ang kanyang gawain ay hindi tumustos ng buhay, kundi isang paimbabaw na kabutihan; pakikipagkasunduan iyon. Paano maaakay ng gawaing gaya nito ang tao tungo sa landas ng pagbawi sa kanyang orihinal na tungkulin?

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 481

Lahat ng hinangad ni Pedro ay kaayon ng puso ng Diyos. Hinangad niyang isakatuparan ang naisin ng Diyos, at kahit nagdusa at nahirapan, naging handa pa rin siyang tuparin ang naisin ng Diyos. Wala nang hihigit pang paghahangad ng isang mananampalataya ng Diyos. Ang hinangad ni Pablo ay may bahid ng kanyang sariling laman, ng kanyang sariling mga kuru-kuro, at ng kanyang sariling mga plano at pakana. Hindi siya karapat-dapat na nilalang ng Diyos sa anumang paraan, hindi siya isang taong naghangad na tuparin ang naisin ng Diyos. Hinangad ni Pedro na magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos, at bagama’t ang gawaing kanyang ginawa ay hindi malaki, ang pangganyak sa likod ng kanyang pagsisikap at ang landas na kanyang tinahak ay tama; bagama’t hindi siya nakakuha ng maraming tao, nagawa niyang sundan ang daan ng katotohanan. Dahil dito masasabi na siya ay isang karapat-dapat na nilalang ng Diyos. Ngayon, kahit hindi ka isang manggagawa, dapat mong magawang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring magpasakop sa lahat ng pagsasaayos ng Diyos. Dapat mong masunod ang anumang sinasabi ng Diyos, at maranasan ang lahat ng klase ng mga kapighatian at pagpipino, at bagama’t ikaw ay mahina, sa puso mo ay dapat mo pa ring magawang mahalin ang Diyos. Yaong mga nananagot para sa sarili nilang buhay ay handang gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at ang pananaw ng gayong mga tao tungkol sa paghahangad ang siyang tama. Sila ang mga taong kailangan ng Diyos. Kung marami kang ginawang gawain, at nakamit ng iba ang iyong mga turo, ngunit ikaw mismo ay hindi nagbago, at hindi nagbahagi ng anumang patotoo, o nagkaroon ng anumang tunay na karanasan, sa gayo’y sa katapusan ng iyong buhay, wala pa rin sa iyong mga nagawa ang nagpapatotoo, nagbago ka na nga ba? Isa ka bang taong naghahangad na matamo ang katotohanan? Sa pahanong iyon, kinasangkapan ka ng Banal na Espiritu, ngunit nang kasangkapanin ka Niya, ginamit Niya ang bahagi mo na maaaring gamitin para gumawa, at hindi Niya ginamit ang bahagi mo na hindi magagamit. Kung hinangad mong magbago, unti-unti kang magagawang perpekto habang kinakasangkapan ka. Subalit walang tinatanggap na responsibilidad ang Banal na Espiritu kung makakamit ka o hindi sa huli, at depende ito sa pamamaraan ng iyong paghahangad. Kung walang mga pagbabago sa iyong personal na disposisyon, iyan ay dahil mali ang iyong pananaw tungo sa paghahangad. Kung hindi ka gantimpalaan, sarili mo nang problema iyon, at dahil hindi mo mismo naisagawa ang katotohanan at hindi mo matupad ang naisin ng Diyos. Kaya nga, wala nang mas mahalaga pa kaysa sa personal mong mga karanasan, at walang mas mahalaga kaysa sa personal mong pagpasok! Sa huli ay sasabihin ng ilang tao, “Napakarami kong nagawang gawain para sa Iyo, at bagama’t maaaring wala akong nagawang naging tanyag, naging masigasig pa rin ako sa aking mga pagsisikap. Hindi Mo ba ako maaaring papasukin na lamang sa langit para kainin ang bunga ng buhay?” Kailangan mong malaman kung anong uri ng mga tao ang Aking nais; yaong mga hindi dalisay ay hindi pinapayagang makapasok sa kaharian, yaong mga hindi dalisay ay hindi pinahihintulutang dungisan ang banal na lupain. Bagama’t maaaring marami kang nagawang gawain, at gumawa ka sa loob ng maraming taon, sa huli kung kalunus-lunos pa rin ang iyong karumihan, hindi katanggap-tanggap sa batas ng Langit na nais mong pumasok sa Aking kaharian! Mula sa pundasyon ng mundo hanggang ngayon, hindi Ako kailanman nakapag-alok ng madaling daan patungo sa Aking kaharian para sa mga sumisipsip sa Akin. Ito ay isang panuntunan sa langit, at walang sinumang makasusuway rito! Kailangan mong hangarin ang buhay. Ngayon, yaong mga gagawing perpekto ay kauri ni Pedro: Sila yaong mga naghahangad ng mga pagbabago sa kanilang sariling disposisyon, at handang magpatotoo sa Diyos at gampanan ang kanilang tungkulin bilang nilalang ng Diyos. Ang ganitong mga tao lamang ang gagawing perpekto. Kung umaasa ka lang sa mga gantimpala, at hindi mo hinahangad na baguhin ang iyong sariling disposisyon sa buhay, lahat ng iyong pagsisikap ay mawawalan ng saysay—at ito ay isang katotohanang hindi mababago!

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Araw-araw na mga Salita ng Diyos  Sipi 482

Mula sa pagkakaiba sa mga kakanyahan nina Pedro at Pablo dapat mong maunawaan na lahat ng hindi naghahangad ng buhay ay gumagawa nang walang saysay! Naniniwala ka sa Diyos at sumusunod sa Kanya, kaya nga sa puso mo ay kailangan mong mahalin ang Diyos. Kailangan mong isantabi ang iyong tiwaling disposisyon, kailangan mong hangaring matupad ang naisin ng Diyos, at kailangan mong gampanan ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos. Dahil naniniwala at sumusunod ka sa Diyos, dapat mong ialay ang lahat sa Kanya, at hindi ka dapat gumawa ng mga personal na pagpili o paghingi, at dapat mong makamit ang katuparan ng naisin ng Diyos. Dahil ikaw ay nilikha, dapat mong sundin ang Panginoong lumikha sa iyo, sapagkat ikaw ay likas na walang kapamahalaan sa iyong sarili, at walang kakayahang kontrolin ang sarili mong tadhana. Dahil isa kang taong naniniwala sa Diyos, dapat kang maghangad ng kabanalan at pagbabago. Dahil ikaw ay isang nilalang ng Diyos, dapat kang sumunod sa iyong tungkulin, at manatili sa iyong lugar, at huwag kang lumampas sa iyong tungkulin. Ito ay hindi upang pigilan ka, o supilin ka sa pamamagitan ng doktrina, kundi sa halip ay ang landas na makakatulong upang magampanan mo ang iyong tungkulin, at makakamit ito—at dapat makamit—ng lahat ng gumagawa ng katuwiran. Kung pagkukumparahin mo ang mga kakanyahan nina Pedro at Pablo, malalaman mo kung paano ka dapat maghangad. Sa mga landas na tinahak nina Pedro at Pablo, ang isa ay ang landas para magawang perpekto, at ang isa pa ay ang landas ng pag-aalis; sina Pedro at Pablo ay kumakatawan sa dalawang magkaibang landas. Bagama’t bawat isa ay tumanggap ng gawain ng Banal na Espiritu, at bawat isa ay nagtamo ng kaliwanagan at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu, at bawat isa ay tinanggap yaong naipagkatiwala sa kanila ng Panginoong Jesus, hindi pareho ang naging bunga sa bawat isa: Ang isa ay totoong nagbunga, at ang isa pa ay hindi. Mula sa kanilang mga kakanyahan, sa gawaing kanilang ginawa, yaong ipinahayag nila nang tahasan, at sa kanilang naging katapusan, dapat mong maunawaan kung aling landas ang dapat mong tahakin, aling landas ang dapat mong piliing lakaran. Nilakaran nila ang dalawang malinaw na magkaibang landas. Sina Pablo at Pedro, sila ang perpektong halimbawa ng bawat landas, kaya nga mula pa sa simula ay itinalaga na sila upang sumagisag sa dalawang landas na ito. Ano ang mahahalagang punto ng mga karanasan ni Pablo, at bakit hindi siya nagtagumpay? Ano ang mahahalagang punto ng mga karanasan ni Pedro, at paano niya naranasan ang magawang perpekto? Kung pagkukumparahin mo kung ano ang pinahalagahan ng bawat isa sa kanila, malalaman mo kung anong klaseng tao talaga ang nais ng Diyos, ano ang kalooban ng Diyos, ano ang disposisyon ng Diyos, anong klaseng tao ang gagawing perpekto sa huli, at anong klaseng tao rin ang hindi gagawing perpekto; malalaman mo kung ano ang disposisyon ng mga gagawing perpekto, at ano ang disposisyon ng mga hindi gagawing perpekto—ang mga isyung ito ng kakanyahan ay makikita sa mga karanasan nina Pedro at Pablo. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay, kaya nga ginagawa Niyang sumailalim ang lahat ng nilikha sa Kanyang kapamahalaan at magpasakop sa Kanyang kapamahalaan; uutusan Niya ang lahat ng bagay, para lahat ng bagay ay nasa Kanyang mga kamay. Lahat ng nilikha ng Diyos, pati na ang mga hayop, halaman, sangkatauhan, kabundukan at mga ilog, at mga lawa—lahat ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Lahat ng bagay sa kalangitan at sa lupa ay kailangang sumailalim sa Kanyang kapamahalaan. Hindi sila maaaring magkaroon ng anumang pagpipilian at kailangang magpasakop ang lahat sa Kanyang mga pagsasaayos. Ito ay iniutos ng Diyos, at ito ang awtoridad ng Diyos. Inuutusan ng Diyos ang lahat, at inaayos at inihahanay ang lahat ng bagay, na bawat isa ay nakabukod ayon sa uri, at pinaglaanan ng sarili nilang posisyon, ayon sa kalooban ng Diyos. Gaano man iyon kalaki, walang anumang bagay ang makakahigit sa Diyos, lahat ng bagay ay nagsisilbi sa sangkatauhang nilikha ng Diyos, at walang anumang bagay ang nangangahas na sumuway sa Diyos o humingi ng anuman sa Diyos. Kaya ang tao, bilang isang nilalang ng Diyos, ay kailangan ding gampanan ang tungkulin ng tao. Siya man ang panginoon o tagapag-alaga ng lahat ng bagay, gaano man kataas ang katayuan ng tao sa lahat ng bagay, maliit na tao pa rin siya sa ilalim ng kapamahalaan ng Diyos, at isang tao lamang na walang kabuluhan, isang nilalang ng Diyos, at hindi mangingibabaw sa Diyos kailanman. Bilang isang nilalang ng Diyos, dapat hangaring gampanan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang ng Diyos, at hangaring mahalin ang Diyos nang hindi pumipili ng iba pa, sapagkat ang Diyos ay karapat-dapat sa pagmamahal ng tao. Yaong mga naghahangad na mahalin ang Diyos ay hindi dapat maghangad ng anumang personal na mga pakinabang o hangarin yaong personal nilang inaasam; ito ang pinakatamang paraan ng paghahangad. Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka masunurin kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o aalisin ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao.

—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao

Sinundan: Pagpasok sa Buhay II

Sumunod: Pagpasok sa Buhay IV

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito