Pagpapakita at Gawain ng Diyos
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 46
Nakarating na ang papuri sa Sion at lumitaw na ang tirahan ng Diyos. Ang maluwalhating banal na pangalan, na pinupuri ng lahat ng bayan, ay lumalaganap. Ah, Makapangyarihang Diyos! Ang Pinuno ng sansinukob, ang Cristo ng mga huling araw—Siya ang sumisikat na Araw na sumikat sa Bundok ng Sion, na nangingibabaw sa pagiging maharlika at karangyaan sa buong sansinukob …
Makapangyarihang Diyos! Tumatawag kami sa Iyo sa kagalakan; sumasayaw at umaawit kami. Tunay na Ikaw ang aming Manunubos, ang dakilang Hari ng sansinukob! Nakagawa Ka na ng isang pangkat ng mga mananagumpay at natupad Mo na ang plano ng pamamahala ng Diyos. Magsisiparoon sa bundok na ito ang lahat ng bayan. Luluhod ang lahat ng bayan sa harapan ng luklukan! Ikaw ang kaisa-isang tunay na Diyos at karapat-dapat Ka sa kaluwalhatian at karangalan. Buong kaluwalhatian, papuri, at awtoridad ang mapasa-luklukan! Dumadaloy mula sa luklukan ang bukal ng buhay, dinidiligan at pinakakain ang maraming tao ng Diyos. Nagbabago ang buhay araw-araw; sinusundan tayo ng bagong liwanag at mga paghahayag, patuloy na nagdudulot ng mga bagong kabatiran tungkol sa Diyos. Sa gitna ng mga karanasan, nagiging lubos na tiyak tayo tungkol sa Diyos. Ang Kanyang mga salita ay patuloy na naipapamalas, naipapamalas sa mga taong tama. Tunay ngang labis tayong pinagpala! Nakikipagkita sa Diyos nang harapan araw-araw, nakikipag-ugnayan sa Diyos sa lahat ng bagay, at ibinibigay sa Diyos ang kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng bagay. Pinagbubulay-bulayan nating mabuti ang salita ng Diyos, payapang nakahimlay ang ating mga puso sa Diyos, at sa paraang ito ay lumalapit tayo sa harapan ng Diyos, kung saan tinatanggap natin ang Kanyang liwanag. Sa bawat araw, sa ating buhay, mga kilos, salita, kaisipan, at ideya, nabubuhay tayo ayon sa salita ng Diyos, kayang kumilala sa lahat ng oras. Ginagabayan ng salita ng Diyos ang sinulid papasok sa karayom; nang di-inaasahan, nalalantad sa liwanag ang mga bagay na nakatago sa ating kalooban, nang sunud-sunod. Ang pakikisalamuha sa Diyos ay hindi nagpapaantala; inilalantad ng Diyos ang ating mga kaisipan at ideya. Sa bawat sandali nabubuhay tayo sa harap ng luklukan ni Cristo kung saan sumasailalim tayo sa paghatol. Nananatiling sakop ni Satanas ang bawat bahagi sa loob ng ating katawan. Ngayon, upang mabawi ang kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos, kailangang linisin ang Kanyang templo. Upang ganap na maangkin ng Diyos, kailangan nating makibaka sa pagitan ng buhay at kamatayan. Kapag naipako na sa krus ang dati nating sarili, saka lamang maghahari nang kataas-taasan ang muling nabuhay na Cristo.
Naghahanda ngayon ng isang pagsalakay ang Banal na Espiritu sa bawat sulok natin upang makidigma para mabawi tayo! Basta’t handa tayong itakwil ang ating sarili at makipagtulungan sa Diyos, tiyak na paliliwanagin at dadalisayin ng Diyos ang ating kalooban sa lahat ng oras, at babawiing muli yaong nasakop na ni Satanas, upang magawa tayong ganap ng Diyos sa lalong madaling panahon. Huwag mag-aksaya ng panahon—mabuhay sa bawat sandali ayon sa salita ng Diyos. Mapatatag na kasama ng mga banal, madala sa kaharian, at pumasok sa kaluwalhatian kasama ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 1
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 47
Nagkahugis na ang iglesia ng Philadelphia, na ganap na dahil sa biyaya at awa ng Diyos. Nagkakaroon ng pagmamahal sa Diyos ang puso ng napakaraming banal, na hindi nag-aalinlangan sa kanilang espirituwal na paglalakbay. Matatag sila sa kanilang pananampalataya na nagkatawang-tao na ang nag-iisang tunay na Diyos, na Siya ang Pinuno ng sansinukob, na nag-uutos sa lahat ng bagay: Pinagtibay ito ng Banal na Espiritu, kasintatag ito ng kabundukan! Hindi ito magbabago kailanman!
O, Makapangyarihang Diyos! Ngayon ay Ikaw ang nagbukas sa aming mga espirituwal na mata, na tinutulutang makakita ang bulag, makalakad ang pilay, at mapagaling ang mga ketongin. Ikaw ang nagbukas sa durungawan sa langit, na tinutulutan kaming mahiwatigan ang mga hiwaga ng espirituwal na dako. Naturuan ng Iyong mga banal na salita at naligtas mula sa aming pagkatao, na ginawang tiwali ni Satanas—ganyan ang Iyong di-masukat na dakilang gawain at Iyong di-masukat na matinding awa. Kami ay Iyong mga saksi!
Matagal Kang nanatiling nakatago, nang mapagkumbaba at tahimik. Naranasan Mo ang muling pagkabuhay mula sa kamatayan, sa pagdurusa ng pagpapapako sa krus, sa mga kagalakan at kalungkutan ng buhay ng tao, at sa pag-uusig at kahirapan; naranasan at nalasap Mo ang pasakit ng mundo ng tao, at tinalikdan Ka ng kapanahunan. Ang Diyos na nagkatawang-tao ay ang Diyos Mismo. Alang-alang sa kalooban ng Diyos, iniligtas Mo kami mula sa tumpok ng dumi, at inaalalayan kami gamit ang Iyong kanang kamay, at malayang ibinigay sa amin ang Iyong biyaya. Tiniis ang mga pasakit, ihinubog Mo ang Iyong buhay sa amin; ang halagang binayaran Mo gamit ang Iyong dugo, pawis at luha ay kumikislap sa mga banal. Kami ang produkto ng[a] Iyong napakaingat na pagsisikap; kami ang halagang binayaran Mo.
O, Makapangyarihang Diyos! Dahil sa Iyong kabutihang-loob at awa, sa Iyong katuwiran at pagiging maharlika, sa Iyong kabanalan at pagpapakumbaba kaya yuyukod sa Iyong harapan ang lahat ng bayan at sasambahin Ka nang walang-hanggan.
Ngayon ay nagawa Mo nang ganap ang lahat ng iglesia—ang iglesia ng Philadelphia—at sa gayon ay natupad ang Iyong 6,000-taong plano ng pamamahala. Maaaring mapagpakumbabang magpasakop ang mga banal sa Iyong harapan, na nakaugnay sa espiritu at sumusunod nang may pagmamahal, nakaugnay sa pinagmumulan ng bukal. Dumadaloy nang walang-tigil ang buhay na tubig ng buhay, at hinuhugasan at nililinis ang lahat ng putik at maruming tubig sa iglesia, muling dinadalisay ang Iyong templo. Nakilala na namin ang praktikal na tunay na Diyos, naipamuhay ang Kanyang mga salita, nakilala ang aming sariling mga gawain at tungkulin, at nagawa ang lahat ng makakaya namin upang gugulin ang aming sarili para sa iglesia. Laging tahimik sa Iyong harapan, kailangan naming sundin ang gawain ng Banal na Espiritu, kung hindi ay mahahadlangan namin ang kalooban Mo. Nagmamahalan ang mga banal, at mapupunan ng mga kalakasan ng ilan ang mga pagkukulang ng iba. Kaya nilang lumakad sa espiritu sa lahat ng oras, na naliliwanagan at tinatanglawan ng Banal na Espiritu. Isinasagawa nila kaagad ang katotohanan pagkatapos na maunawaan ito. Sumasabay sila sa bagong liwanag at sumusunod sa mga yapak ng Diyos.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos; ang pagpapaubaya na Siya ang kumontrol ay paglakad na kasama Niya. Lahat ng ating sariling ideya, kuru-kuro, opinyon, at sekular na gawain ay nawawalang parang bula gaya ng usok. Hinahayaan nating maghari nang kataas-taasan ang Diyos sa ating espiritu, lumalakad na kasama Niya at sa gayon ay nangingibabaw, nadaraig ang mundo, at malayang lumilipad at lumalaya ang ating espiritu: Ito ang kinalalabasan kapag naging Hari ang Makapangyarihang Diyos. Paano tayong hindi sasayaw at aawit ng mga papuri, mag-aalay ng ating mga papuri, mag-aalay ng mga bagong himno?
Talagang maraming paraan para purihin ang Diyos: pagtawag sa Kanyang pangalan, paglapit sa Kanya, pag-iisip sa Kanya, pagbabasa nang padalangin, pagbabahaginan, pagmumuni-muni at pagbubulay-bulay, pagdarasal, at pag-awit ng mga papuri. Sa ganitong mga uri ng papuri ay mayroong kagalakan, at mayroong pagpapahid ng langis; mayroong kapangyarihan sa papuri, at mayroon ding pasanin. Mayroong pananampalataya sa papuri, at mayroong bagong kabatiran.
Aktibong makipagtulungan sa Diyos, makipag-ugnayan sa paglilingkod at maging isa, tuparin ang mga layunin ng Makapangyarihang Diyos, magmadaling maging isang banal na espirituwal na katawan, tapakan si Satanas, at wakasan ang kapalaran ni Satanas. Ang iglesia ng Philadelphia ay nadala na sa presensya ng Diyos at naipakita sa Kanyang kaluwalhatian.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 2
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “ang produkto ng.”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 48
Ang matagumpay na Hari ay nakaupo sa Kanyang maluwalhating luklukan. Natapos na Niya ang pagtubos at naakay na ang lahat ng Kanyang tao upang magpakita sa kaluwalhatian. Hawak Niya ang sansinukob sa Kanyang mga kamay at sa Kanyang banal na karunungan at kapangyarihan ay naitayo at napatatag Niya ang Sion. Sa Kanyang pagiging maharlika hinahatulan Niya ang makasalanang sanlibutan; hinatulan na Niya ang lahat ng bansa at lahat ng bayan, ang lupa at ang mga dagat at lahat ng bagay na nabubuhay roon, gayundin sila na lasing sa alak ng kalaswaan. Tiyak na hahatulan sila ng Diyos, at tiyak na magagalit Siya sa kanila at sa ganito mahahayag ang pagiging maharlika ng Diyos, na ang paghatol ay agad-agad at ipinatutupad nang walang pagkaantala. Tiyak na susunugin ng apoy ng Kanyang poot ang kanilang karumal-dumal na mga krimen at sasapit sa kanila ang kalamidad anumang sandali; wala silang landas na matatakasan at walang lugar na mapagtataguan, sila ay tatangis at magngangalit ang kanilang mga ngipin at magdadala sila ng pagkawasak sa kanilang sarili.
Ang matagumpay na mga anak, na pinakamamahal ng Diyos ay tiyak na lalagi sa Sion, at hindi na lilisanin ito kailanman. Ang maraming bayan ay makikinig na mabuti sa Kanyang tinig, uunawain nilang mabuti ang Kanyang mga kilos, at ang mga tunog ng kanilang papuri sa Kanya ay hindi titigil kailanman. Nagpakita na ang nag-iisang tunay na Diyos! Makatitiyak tayo tungkol sa Kanya sa espiritu at susundan natin Siyang mabuti; magmamadali tayong sumulong nang buo nating lakas at hindi na mag-aalinlangan. Ang katapusan ng mundo ay nalalantad sa ating harapan; pinatitindi pa ngayon ng pagkakaroon ng wastong buhay-iglesia at maging ng mga tao, kaganapan, at bagay sa ating paligid ang ating pagsasanay. Bilisan natin ang pagbawi sa ating puso na labis na nagmamahal sa mundo! Bilisan natin ang pagbawi sa ating pananaw na lubhang nalalabuan! Pigilan natin ang mga hakbang natin, upang hindi tayo lumampas sa mga hangganan. Pigilan natin ang ating bibig upang makapamuhay tayo ayon sa salita ng Diyos, at hindi na tayo makipagtalo pa tungkol sa mga natamo at nawala sa atin. Ah, kalimutan na ninyo ito—ang sakim na pagkahilig ninyo sa sekular na mundo at sa kayamanan! Ah, palayain ninyo ang inyong sarili mula rito—sa pagkatali sa inyong asawa at mga anak na babae at lalaki! Ah, talikuran na ninyo ang mga ito—ang inyong mga pananaw at pagtatangi! Ah, gising; maikli ang panahon! Tumingala, tumingala, mula sa espiritu, at hayaang Diyos ang kumontrol. Anuman ang mangyari, huwag kayong tumulad sa asawa ni Lot. Kaawa-awa ang maitakwil! Talagang kaawa-awa! Ah, gising!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 3
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 49
Nagbabago ang mga bundok at mga ilog, umaagos ang mga batis sa daanan ng mga ito, at hindi nagtatagal ang buhay ng tao gaya ng daigdig at himpapawid. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang buhay na walang-hanggan at muling pagkabuhay, na nagpapatuloy sa pagdaan ng mga henerasyon, nang walang hanggan! Ang lahat ng bagay at pangyayari ay nasa Kanyang mga kamay, at si Satanas ay nasa ilalim ng Kanyang paa.
Ngayon, sa pamamagitan ng itinalagang pagpili ng Diyos, na inililigtas Niya tayo mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Satanas. Talagang Siya ang ating Manunubos. Ang walang-hanggang muling pagkabuhay ni Cristo ay ginawa na sa loob natin, kaya natatadhana tayong maugnay sa buhay ng Diyos, upang tayo’y tunay na makaharap sa Kanya, kainin Siya, inumin Siya, at tamasahin Siya. Ito ang di-makasariling handog na ginawa ng Diyos sa halaga ng dugo ng Kanyang puso.
Dumarating at lumilipas ang mga panahon, dumaraan sa hangin at nagyeyelong hamog, sinasalubong ang napakaraming pasakit, pag-uusig, at kapighatian sa buhay, napakaraming pagtanggi at paninirang-puri ng mundo, napakaraming huwad na paratang ng pamahalaan, ngunit hindi nababawasan ni katiting ang pananampalataya ng Diyos ni ang paninindigan Niya. Buong-pusong nakatalaga sa kalooban ng Diyos, at sa pamamahala at plano ng Diyos, upang maisakatuparan ang mga ito, isinasantabi Niya ang Kanyang sariling buhay. Para sa lahat ng Kanyang mga tao, ginagawa Niya ang lahat-lahat, maingat silang pinapakain at dinidiligan. Gaano man tayo kamangmang, o gaano man kasutil, dapat magpasakop lamang tayo sa harapan Niya, at babaguhin ang ating dating kalikasan ng buhay ng muling pagkabuhay ni Cristo…. Para sa mga panganay na anak na ito, walang kapaguran Siyang gumagawa, ipinagpapaliban ang pagkain at pahinga. Ilang araw at gabi, sa gitna ng gaano katinding nakapapasong init at nagyeyelong lamig, buong-puso Siyang nagbabantay sa Sion.
Ang mundo, tahanan, gawain at lahat na, na lubusang tinalikdan, nang may kasiyahan, nang kusang-loob, at ang mga makamundong kasiyahan ay walang kinalaman sa Kanya…. Ang mga salita mula sa Kanyang bibig ay humahagupit sa atin, inilalantad ang mga bagay na nakatago nang malalim sa ating mga puso. Paano tayong hindi makukumbinsi? Ang bawat pangungusap na lumalabas sa Kanyang bibig ay maaaring magkatotoo sa atin anumang oras. Anumang ating gawin, sa Kanya mang presensya o tago sa Kanya, walang hindi Niya nalalaman, walang hindi Niya nauunawaan. Ang lahat ay tunay na mahahayag sa harapan Niya, sa kabila ng ating mga sariling plano at pagsasaayos.
Nakaupo sa harapan Niya, nasisiyahan ang ating espiritu, panatag at mahinahon, ngunit laging nakakaramdam ng kahungkagan at malaking pagkakautang sa Diyos: Isa itong himalang hindi mailarawan sa isip at imposibleng makamit. Ang Banal na Espiritu ay sapat na upang patunayan na ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos! Ito’y katunayan na di-mapagdududahan! Tayo sa pangkat na ito ay pinagpala sa paraang hindi mailalarawan! Kung hindi dahil sa biyaya at awa ng Diyos, mapupunta lamang tayo sa kapahamakan at susunod kay Satanas. Tanging ang Makapangyarihang Diyos ang makapagliligtas sa atin!
Ah! Ang Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw itong nagmulat sa aming espirituwal na mga mata, na nagtutulot sa aming mamasdan ang mga hiwaga ng espirituwal na mundo. Walang hangganan ang tanawin ng kaharian. Maging mapagbantay tayo habang naghihintay. Hindi na masyadong malayo pa ang araw na iyon.
Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot, at maaari lamang mamatay ang mga tao, na walang pag-asa na manatiling buhay.
Ah! Makapangyarihang Diyos, ang praktikal na Diyos! Ikaw ang aming matibay na muog. Ikaw ang aming kanlungan. Nag-uumpukan kami sa ilalim ng mga pakpak Mo, at hindi kami maaabot ng sakuna. Ganito ang Iyong maka-Diyos na pag-iingat at pangangalaga.
Itinataas naming lahat ang aming mga tinig sa awitin; umaawit kami sa pagpuri, at ang tunog ng aming papuri ay umaalingawngaw sa buong Sion! Inihanda na para sa atin ng Makapangyarihang Diyos, ng praktikal na Diyos, ang maluwalhating hantungang iyon. Maging mapagbantay—oh, magbantay! Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa labis na huli ang oras.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 5
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 50
Mula pa noong panahong ang Makapangyarihang Diyos—ang Hari ng kaharian—ay nasaksihan, ang saklaw ng pamamahala ng Diyos ay ganap nang nabunyag sa buong sansinukob. Hindi lamang sa Tsina nasaksihan ang pagpapakita ng Diyos, kundi nasaksihan ang pangalan ng Makapangyarihang Diyos sa lahat ng bansa at lahat ng lugar. Silang lahat ay tumatawag sa banal na pangalang ito, naghahangad na makisalamuha sa Diyos sa anumang posibleng paraan, inuunawa ang kalooban ng Makapangyarihang Diyos at nagkakaisang naglilingkod sa Kanya sa loob ng iglesia. Ganito ang kahanga-hangang paraan ng paggawa ng Banal na Espiritu.
Ang mga wika ng iba’t ibang bansa ay magkakaiba, ngunit iisa lamang ang Espiritu. Pinagsasama ng Espiritung ito ang mga iglesia sa buong sansinukob at lubos na kaisa sa Diyos, nang walang kahit kaunting pagkakaiba. Ito ay isang bagay na hindi mapagdududahan. Tinatawag na sila ngayon ng Banal na Espiritu at ginigising sila ng Kanyang tinig. Ito ang tinig ng habag ng Diyos. Tumatawag silang lahat sa banal na pangalan ng Makapangyarihang Diyos! Nagpupuri rin sila at umaawit. Hindi kailanman maaaring magkaroon ng anumang paglihis sa gawain ng Banal na Espiritu; gagawin ng mga taong ito ang lahat upang sumulong sa tamang landas, hindi sila umuurong—nagpapatung-patong ang mga kababalaghan. Ito ay isang bagay na mahirap isipin at imposibleng alamin ng mga tao.
Ang Makapangyarihang Diyos ang Hari ng buhay sa sansinukob! Nakaupo Siya sa maluwalhating trono at hinahatulan ang sanlibutan, nangingibabaw sa lahat, at pinaghaharian ang lahat ng bansa; lumuluhod ang lahat ng lahi sa Kanya, nananalangin sa Kanya, lumalapit sa Kanya at nakikipag-usap sa Kanya. Gaano katagal man kayong naniniwala sa Diyos, gaano man kataas ang inyong katayuan o gaano man kalayo ang agwat ng inyong paglilingkod, kung sumasalungat kayo sa Diyos sa inyong mga puso, kailangan kayong hatulan at kailangan kayong magpatirapa sa harapan Niya, nang dumaraing ng masakit na pagsusumamo; ito talaga ang pag-aani ng mga bunga ng inyong sariling mga gawa. Ang tunog ng pagtangis na ito ang tunog ng pinapahirapan sa lawa ng apoy at asupre, at ito ang iyak ng kinakastigo ng bakal na pamalo ng Diyos; ito ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 8
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 51
Nagpakita na ang Diyos sa lahat ng iglesia. Ang Espiritu ang nagsasalita; Siya ay isang naglalagablab na apoy, may kamahalan, at humahatol. Siya ang Anak ng tao, na may suot na damit na hanggang paa, at may bigkis ang dibdib na isang pamigkis na ginto. Ang Kanyang ulo at Kanyang buhok ay mapuputing gaya ng puting balahibo ng tupa, at ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy; ang Kanyang mga paa ay katulad ng pinong tanso, na gaya ng dinalisay sa isang lutuang-bakal; at ang Kanyang tinig ay gaya ng lagaslas ng maraming tubig. At sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin: at sa Kanyang bibig ay lumabas ang isang matalas na tabak na may dalawang talim, at ang Kanyang mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi!
Nasaksihan na ang Anak ng tao, at lantaran nang nahayag ang Diyos Mismo. Lumabas na ang kaluwalhatian ng Diyos, sumisikat nang matindi gaya ng mainit na araw! Ang Kanyang maluwalhating mukha ay nagliliyab sa nakakasilaw na liwanag; kaninong mga mata ang nangangahas na tratuhin Siya nang may paglaban? Ang paglaban ay humahantong sa kamatayan! Wala ni katiting na awang ipinapakita sa anumang iniisip ninyo sa inyong puso, anumang salitang binibitawan ninyo, o anumang inyong ginagawa. Mauunawaan at makikita ninyong lahat kung ano na ang inyong nakamtan—wala maliban sa Aking paghatol! Mapapanatili Ko ba ito kapag hindi kayo nagsisikap na kumain at uminom ng Aking mga salita, at sa halip ay walang-pakundangan ninyong inaabala at winawasak ang Aking pagtatayo? Hindi Ako magdadahan-dahan sa pagtrato sa ganitong uri ng tao! Kapag mas lumala ang ugali mo, matutupok ka sa apoy! Nagpapakita ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa isang espirituwal na katawan, nang wala ni katiting na laman o dugo na nagdurugtong mula ulo hanggang paa. Higit pa Siya sa mundong sansinukob, nakaupo sa maluwalhating luklukan sa ikatlong langit, nangangasiwa sa lahat ng bagay! Nasa Aking mga kamay ang sansinukob at lahat ng bagay. Kapag sinabi Ko, mangyayari iyon. Kapag itinalaga Ko, iyon ang mangyayari. Nasa ilalim ng Aking mga paa si Satanas; nasa walang-hanggang kalaliman ito! Kapag lumalabas ang Aking tinig, lilipas ang langit at lupa at mauuwi sa wala! Paninibaguhin ang lahat ng bagay; ito ay isang di-mababagong katotohanan na talagang tama. Nadaig Ko na ang mundo, maging ang lahat ng masama. Nakaupo Ako rito at nakikipag-usap sa inyo, at lahat ng may pandinig ay dapat makinig at lahat ng nabubuhay ay dapat itong tanggapin.
Magwawakas ang mga araw; mauuwi sa wala ang lahat ng bagay sa mundong ito, at isisilang na muli ang lahat ng bagay. Tandaan ito! Huwag itong kalimutan! Hindi maaaring magkaroon ng kalabuan! Ang langit at ang lupa ay lilipas, datapuwa’t ang Aking mga salita ay hindi lilipas! Hayaang muli Ko kayong payuhan: Huwag tumakbo nang walang kabuluhan! Gising! Magsisi at malapit na ang pagliligtas! Nagpakita na Ako sa gitna ninyo, at pumailanlang na ang Aking tinig. Pumailanlang na ang Aking tinig sa inyong harapan; araw-araw ay hinahamon kayo nito, nang harapan, at sariwa at bago ito araw-araw. Nakikita mo Ako at nakikita kita; palagi kitang kinakausap, at magkaharap tayo. Magkagayunman, tinatanggihan mo Ako at hindi mo Ako kilala. Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, subalit nag-aatubili pa rin kayo! Nag-aatubili ka! Kumapal ang puso mo, nabulag na ni Satanas ang iyong mga mata, at hindi mo makita ang Aking maluwalhating mukha—nakakaawa ka! Nakakaawa!
Naipadala na ang pitong Espiritu sa harapan ng Aking luklukan sa lahat ng sulok ng daigdig at ipadadala Ko ang Aking Sugo upang magsalita sa mga iglesia. Matuwid Ako at tapat; Ako ang Diyos na sumusuri sa pinakamalalalim na bahagi ng puso ng tao. Nagsasalita ang Banal na Espiritu sa mga iglesia, at mga salita Ko ang lumalabas mula sa kalooban ng Aking Anak; lahat ng may pandinig ay dapat makinig! Lahat ng nabubuhay ay dapat tumanggap! Kainin at inumin lamang ang mga ito, at huwag magduda. Tatanggap ng malalaking pagpapala ang lahat ng nagpapasakop at tumatalima sa Aking mga salita! Tiyak na magkakaroon ng bagong liwanag, bagong kaliwanagan, at mga bagong kabatiran ang lahat ng taimtim na naghahanap sa Aking mukha; magiging sariwa at bago ang lahat. Lilitaw ang Aking mga salita sa iyo anumang oras, at bubuksan ng mga ito ang mga mata ng iyong espiritu para makita mo ang lahat ng hiwaga ng espirituwal na dako at makita na ang kaharian ay nasa gitna ng tao. Pumasok sa kanlungan, at mapapasaiyo ang lahat ng biyaya at pagpapala; hindi ka magagalaw ng taggutom at salot, at hindi ka masasaktan ng mga lobo, ahas, tigre at leopardo. Sasama ka sa Akin, lalakad kang kasama Ko, at papasok tayo sa kaluwalhatian!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 52
Makapangyarihang Diyos! Hayagang nagpapakita ang Kanyang maluwalhating katawan, lumilitaw ang banal na espirituwal na katawan at Siya ang ganap na Diyos Mismo! Parehong nagbago ang mundo at ang katawang-tao, at ang Kanyang pagbabagong-anyo sa bundok ay ang persona ng Diyos. Suot Niya ang gintong korona sa Kanyang ulo, ang Kanyang kasuotan ay puting-puti, may bigkis ang dibdib ng isang pamigkis na ginto at ang mundo at ang lahat ng bagay ay tuntungan ng Kanyang paa. Ang Kanyang mga mata ay gaya ng ningas ng apoy, sa loob ng Kanyang bibig ay may isang matalas na tabak na tigkabila’y talim at sa Kanyang kanang kamay ay may pitong bituin. Ang daan patungo sa kaharian ay walang hangganan ang ningning at lumilitaw at kumikinang ang Kanyang kaluwalhatian; masaya ang mga bundok at nagtatawanan ang katubigan, at ang araw, buwan, at mga bituin ay umiinog na lahat sa mahusay na pagkakaayos ng mga ito, sinasalubong ang natatangi at totoong Diyos na ang matagumpay na pagbabalik ay ihinahayag ang pagtatapos ng Kanyang anim-na-libong-taon na plano ng pamamahala. Lahat ay naglulundagan at nagsasayawan sa galak! Magbunyi! Nakaupo ang Diyos na makapangyarihan sa lahat sa Kanyang maluwalhating luklukan! Umawit! Ang matagumpay na bandila ng Makapangyarihan ay itinataas sa maringal at kahanga-hangang Bundok ng Sion! Nagbubunyi ang lahat ng bansa, nag-aawitan ang lahat ng tao, masayang tumatawa ang Bundok ng Sion, at lumitaw na ang kaluwalhatian ng Diyos! Ni hindi ko kailanman pinangarap na makikita ko ang mukha ng Diyos, subalit ngayon nakita ko na ito. Kaharap Siya araw-araw, binubuksan ko sa Kanya ang aking puso. Sagana ang ibinibigay Niyang pagkain at inumin. Buhay, mga salita, mga pagkilos, mga kaisipan, mga ideya—pinagliliwanag ng Kanyang maluwalhating liwanag ang lahat ng ito. Nangunguna Siya sa bawat hakbang ng daan, at sumasapit kaagad ang Kanyang paghatol sa anumang pusong naghihimagsik.
Kumakain, naninirahan, at nabubuhay na kasama ng Diyos, ang makasama Siya, magkasamang naglalakad, magkasamang nasisiyahan, magkasamang nagkakamit ng kaluwalhatian at mga pagpapala, kabahagi sa Kanyang paghahari, at magkasamang nabubuhay sa kaharian—ah, napakasaya! Ah, napakatamis! Kaharap natin Siya araw-araw, kausap Siya araw-araw at palaging nag-uusap, at pinagkakalooban ng bagong kaliwanagan at mga bagong kabatiran araw-araw. Nabuksan ang ating espirituwal na mga mata at nakikita natin ang lahat; ibinubunyag sa atin ang lahat ng hiwaga ng espiritu. Talagang masayang mabuhay nang banal; tumakbo nang mabilis at huwag tumigil, patuloy na sumulong—mayroon pang mas kamangha-manghang buhay sa hinaharap. Huwag masiyahan sa tamis lamang; patuloy na hangaring makapasok sa Diyos. Siya ay sumasaklaw sa lahat at masagana, at mayroon Siya ng lahat ng klaseng bagay na wala tayo. Aktibong makipagtulungan at pumasok sa Kanya, at wala nang magiging katulad ng dati kailanman. Magiging dakila ang ating buhay, at walang tao, pangyayari, o bagay ang makagagambala sa atin.
Kadakilaan! Kadakilaan! Tunay na kadakilaan! Nasa kalooban ang dakilang buhay ng Diyos, at talagang nakapahinga na ang lahat ng bagay! Nalalagpasan natin ang mundo at ang mga makamundong bagay, na walang nadaramang pagkatali sa mga asawa o mga anak. Nalalagpasan natin ang pagkontrol ng sakit at mga kapaligiran. Hindi nangangahas si Satanas na gambalain tayo. Ganap na nalalagpasan natin ang lahat ng kalamidad. Tinutulutan nito ang Diyos na maghari! Tinatapakan natin si Satanas, sumasaksi tayo para sa iglesia, at lubos nating inilalantad ang pangit na mukha ni Satanas. Ang pagtatayo ng iglesia ay na kay Cristo, at lumitaw na ang maluwalhating katawan—ganito ang mabuhay sa pagdadala!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 15
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 53
Makapangyarihang Diyos, Walang-hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan, ang ating Diyos ang Hari! Itinatapak ng Makapangyarihang Diyos ang Kanyang mga paa sa Bundok ng mga Olibo. Anong ganda nito! Makinig! Nilalakasan nating mga tagapagbantay ang ating mga tinig; sama-sama tayong umaawit, dahil nakabalik na ang Diyos sa Sion. Nakikita ng sarili nating mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem. Magsaya at umawit nang sama-sama, dahil naaliw na tayo ng Diyos at natubos na ang Jerusalem. Nailantad na ng Diyos ang Kanyang banal na bisig sa mga mata ng lahat ng bansa, nagpakita na ang tunay na persona ng Diyos! Nakita na ng lahat ng dulo ng mundo ang pagliligtas ng ating Diyos.
O, Makapangyarihang Diyos! Ang pitong Espiritu ay naipadala na mula sa Iyong trono papunta sa lahat ng iglesia upang ibunyag ang lahat ng Iyong mga hiwaga. Habang nakaupo Ka sa Iyong trono ng kaluwalhatian, napamahalaan Mo ang Iyong kaharian at nagawa itong matatag at matibay gamit ang katarungan at katuwiran, at nalupig Mo ang lahat ng bansa sa Iyong harapan. O, Makapangyarihang Diyos! Nakalagan Mo na ang bigkis ng mga hari, nabuksan Mo na nang maluwang ang mga tarangkahan ng lungsod sa Iyong harapan, upang hindi na kailanman magsara. Sapagka’t ang Iyong liwanag ay dumating na at ang Iyong kaluwalhatian ay sumisikat at nagniningning. Binabalot ng kadiliman ang lupa at ang makapal na karimlan ay nasa ibabaw ng mga bayan. O, Diyos! Ikaw, gayunpaman, ay nagpakita na at pinagliwanag ang Iyong ilaw sa amin, at ang Iyong kaluwalhatian ay makikita sa amin; lahat ng bansa ay lalapit sa Iyong liwanag at ang mga hari sa Iyong kaningningan. Tumitingala Ka at tumitingin sa paligid: natitipon ang Iyong mga anak na lalaki sa Iyong harapan, at mula sila sa malayo; ang Iyong mga anak na babae ay dala-dala sa kanilang mga bisig. O, Makapangyarihang Diyos! Hawak na kami ng Iyong dakilang pag-ibig; Ikaw ang nangunguna sa aming pagsulong sa daan patungo sa Iyong kaharian, at ang Iyong mga banal na salita ang tumatagos sa amin.
O, Makapangyarihang Diyos! Nagpapasalamat kami at nagpupuri sa Iyo! Hayaan Mo kaming tumingala sa Iyo, sumaksi sa Iyo, magtaas sa Iyo, at magsiawit sa Iyo taglay ang isang taos, payapa, at nakatuong puso. Hayaan Mo kaming magkaisa ang isipan at maitayong sama-sama, at nawa sa lalong madaling panahon ay gawin Mo kaming mga kaayon ng Iyong puso, na Iyong gagamitin. Maisakatuparan nawa nang walang hadlang sa lupa ang Iyong kalooban.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 25
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 54
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang makapangyarihan sa lahat, nakakamit ang lahat, at ganap na totoong Diyos! Hindi lamang Niya hawak ang pitong bituin, Siya ay pinagkalooban ng pitong Espiritu, may pitong mata, binubuksan ang pitong selyo, at binubuksan ang balumbon, ngunit higit pa riyan, pinamamahalaan Niya ang pitong salot at ang pitong mangkok, at inihahayag ang pitong kulog. Matagal na panahon na rin ang nakakalipas nang pinatunog Niya ang pitong trumpeta! Ang lahat ng bagay na nilikha Niya at ginawang ganap ay dapat na magbigay-papuri sa Kanya, bigyan Siya ng kaluwalhatian, at dakilain ang Kanyang trono. O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang lahat. Natapos Mo ang lahat, at sa Iyo, lahat ay ganap, maliwanag, napalaya, malaya, malakas, at makapangyarihan! Walang anumang natatago o nakukubli; sa Iyo, ang lahat ng hiwaga ay nahahayag. Higit pa rito, Iyong hinatulan ang mga kawan ng Iyong mga kaaway, inihahayag Mo ang Iyong kamahalan, ipinamamalas ang Iyong nagngangalit na apoy, ipinakikita ang Iyong poot, at bukod dito, ipinakikita Mo ang Iyong walang katulad, walang hanggan, at labis na walang katapusang kaluwalhatian! Dapat gumising ang lahat ng mga tao upang magbunyi at umawit nang walang pasubali, pinupuri itong makapangyarihan, ganap na tunay, laging buhay, masagana, maluwalhati at totoong Diyos na mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Dapat patuloy na dakilain ang Kanyang trono, purihin at luwalhatiin ang Kanyang banal na pangalan. Ito ang walang hanggang kalooban Ko—ng Diyos, at walang katapusang pagpapala na Kanyang inihahayag at ipinagkakaloob sa atin! Sino sa atin ang hindi nagmamana nito? Upang manahin ang pagpapala ng Diyos, dapat dakilain ang Kanyang banal na pangalan at lumapit upang pumalibot sa Kanyang trono sa pagsamba. Lahat ng humaharap sa Kanya na may ibang mga motibo at ibang mga pakay ay tutunawin ng Kanyang nagngangalit na apoy. Ngayon ay ang araw na ang Kanyang mga kaaway ay hahatulan, at sa araw din na ito, sila ay malilipol. Higit pa rito, iyan din ang araw na Ako, ang Makapangyarihang Diyos, ay mabubunyag at dito makakamit ang kaluwalhatian at karangalan. O, lahat ng tao! Mabilis na bumangon upang dakilain at malugod na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos na mula pa sa simula hanggang sa magpakailanman ay naghahatid sa atin ng kagandahang-loob, nagpapatupad ng kaligtasan, nagkakaloob sa atin ng mga pagpapala, ginagawang ganap ang Kanyang mga anak, at matagumpay na nakakamtan ang Kanyang kaharian! Ito ang kamangha-manghang gawa ng Diyos! Ito ang walang hanggang itinadhana at pagsasaayos ng Diyos—na Siya Mismo ay dumating upang iligtas tayo, upang gawin tayong ganap, at upang dalhin tayo sa kaluwalhatian.
Lahat ng hindi tumatayo at nagpapatotoo ay ang mga ninuno ng mga bulag at ang mga hari ng kamangmangan. Sila ang magiging mangmang magpakailanman, ang walang-hanggang mga hangal: ang patay magpakailanman na bulag. Para sa kadahilanang ito kaya dapat gumising ang ating mga espiritu! Dapat bumangon ang lahat ng tao! Ipagbunyi, purihin, at dakilain nang walang katapusan ang Hari ng kaluwalhatian, ang Ama ng awa, ang Anak ng pagtubos, ang masaganang pitong Espiritu, ang Makapangyarihang Diyos na nagdadala ng maringal na nagngangalit na apoy at matuwid na paghuhukom, at Siyang lubos na sapat, masagana, makapangyarihan sa lahat, at kumpleto. Dadakilain magpakailanman ang Kanyang trono! Dapat makita ng lahat ng tao na ito ay ang karunungan ng Diyos; ito ang Kanyang kamangha-manghang landas tungo sa kaligtasan, at ang katuparan ng Kanyang maluwalhating kalooban. Kung hindi tayo babangon at magpapatotoo, kapag ang sandali ay lumipas na, wala nang balikan. Nakasalalay sa kasalukuyang yugtong ito ng ating paglalakbay kung pagpapala o kamalasan man ang ating makakamit, batay sa kung ano ang ating ginagawa, kung ano ang ating iniisip, at kung ano ang isinasabuhay natin ngayon. Paano kayo dapat kumilos? Magpatotoo at dakilain ang Diyos magpakailanman, dakilain ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw—ang walang hanggan, natatangi, at totoong Diyos!
Mula ngayon, dapat mong makita nang malinaw na lahat ng hindi nagpapatotoo para sa Diyos—hindi nagpapatotoo dito sa natatangi at totoong Diyos, gayundin ang mga nagkikimkim ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Kanya—silang lahat ay may-sakit at patay at ang mga sumusuway sa Diyos! Napatunayan na ang mga salita ng Diyos mula sa sinaunang mga panahon: Ang hindi natitipon sa Akin ay kakalat, at ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin; ito ay isang di-mababagong katotohanan na iniukit sa bato! Ang mga hindi nagpapatotoo sa Diyos ay mga kampon ni Satanas. Dumating ang ganitong mga tao upang gambalain at linlangin ang mga anak ng Diyos, at upang abalahin ang pamamahala Niya; dapat silang patayin! Naghahanap ng kanilang sariling pagkawasak ang lahat ng nagpapakita sa kanila ng mabubuting hangarin. Dapat mong pakinggan at paniwalaan ang mga binibigkas ng Espiritu ng Diyos, lakarin ang landas ng Espiritu ng Diyos at isabuhay ang mga salita ng Espiritu ng Diyos. Dagdag dito, dapat mong dakilain ang trono ng makapangyarihang Diyos hanggang sa katapusan ng panahon!
Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos ng pitong Espiritu! Ang may pitong mata at pitong bituin ay Siya rin; binubuksan Niya ang pitong selyo, at ang buong kasulatan ay iniladlad na Niya! Pinatunog na Niya ang pitong trumpeta, at hawak Niya ang pitong mangkok at pitong salot, na pakakawalan ayon sa Kanyang kalooban. O, ang pitong kulog na lagi nang nakasara! Dumating na ang panahon upang buksan ang mga ito! Siya na maglalabas sa pitong kulog ay nagpakita na sa ating harapan!
Makapangyarihang Diyos! Sa Iyo, ang lahat ay napalaya at malaya; walang mga hirap, at ang lahat ay dumadaloy nang maayos! Walang nangangahas na humadlang o pumigil sa Iyo, at ang lahat ay nagpapasakop sa Iyo. Sinumang hindi nagpapasakop ay mamamatay!
Makapangyarihang Diyos, ang Diyos na may pitong mata! Lahat ay ganap na malinaw, lahat ay maliwanag at lantad, lahat ay nabunyag at nailatag. Sa Kanya, lahat ay may linaw ng kristal, at hindi lamang ang Diyos Mismo ang ganito, kundi ganito rin ang Kanyang mga anak. Walang isa man, walang bagay, at walang anuman ang maikukubli sa harap Niya at ng Kanyang mga anak!
Ang pitong bituin ng Makapangyarihang Diyos ay maliwanag! Ginawa Niyang perpekto ang iglesia; pinatatatag Niya ang Kanyang mga sugo ng iglesia, at ang buong iglesia ay nakapaloob sa Kanyang pagtutustos. Binubuksan Niya ang lahat ng pitong selyo, at Siya Mismo ang nagdudulot na makumpleto ang Kanyang plano ng pamamahala at ang Kanyang kalooban. Ang kasulatan ay ang mahiwagang wikang espirituwal ng Kanyang pamamahala at Kanya na itong binuksan at ibinunyag!
Dapat marinig ng lahat ng tao ang Kanyang pitong tumataginting na trumpeta. Sa Kanya, lahat ay nahahayag, hindi na kailanman muling ikukubli, at wala nang dalamhati. Lahat ay nahahayag at lahat ay matagumpay!
Bukas, maluwalhati, at matagumpay na mga trumpeta ang pitong trumpeta ng Makapangyarihang Diyos! Ang mga ito rin ang mga trumpeta na humahatol sa Kanyang mga kaaway! Sa gitna ng Kanyang tagumpay, ang Kanyang tambuli ay dinadakila! Kanyang pinaghaharian ang buong sansinukob!
Inihanda na Niya ang pitong mangkok ng mga salot, nakapuntirya sa Kaniyang mga kaaway, at ang mga ito ay pinakakawalan sa isang matinding agos, at ang mga kaaway na iyon ay masusunog sa liyab ng Kanyang nagngangalit na mga apoy. Ipinakikita ng Makapangyarihang Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad, at nalilipol ang lahat ng Kanyang mga kaaway. Hindi na sasarhan sa harap ng Makapangyarihang Diyos ang pangwakas na pitong kulog; lahat ng iyon ay nabunyag! Lahat ng ito ay nabunyag! Pinapatay Niya ang Kanyang mga kaaway gamit ang pitong kulog, pinatitibay ang mundo at ito ay pinaglilingkod Niya sa Kanya, at hindi na kailanman wawasakin!
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos! Dinadakila Ka namin magpakailanman! Karapat-dapat Ka sa walang katapusang papuri, walang hanggang pagkilala at pagdakila! Hindi lamang gagamitin para sa Iyong paghatol ang Iyong pitong kulog, ngunit higit na gagamitin ito para sa Iyong kaluwalhatian at awtoridad, upang makumpleto ang lahat ng bagay!
Nagdiriwang ang lahat ng tao sa harap ng trono, dinadakila at pinupuri ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw! Niyayanig ng kanilang mga tinig na parang kulog ang buong sansinukob! Walang pasubaling umiiral ang lahat ng bagay dahil sa Kanya, at bumabangon dahil sa Kanya. Sino ang nangangahas na hindi kilalanin na lubos na nagmula sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian, karangalan, awtoridad, karunungan, kabanalan, tagumpay, at mga pahayag? Ito ang katuparan ng Kanyang kalooban, at ito ang huling kaganapan ng pagbubuo ng Kanyang pamamahala!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 34
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 55
Pitong kulog ang nagmumula sa trono, niyayanig ang sansinukob, pinababagsak ang langit at lupa, at umaalingawngaw sa buong himpapawid! Lubhang tumatagos ang tunog sa tainga, at ang mga tao ay hindi makatatakas ni makapagtatago mula rito. Sumasambulat ang kidlat at kulog, ang langit at lupa ay nababago sa isang iglap, at ang mga tao ay nasa bingit ng kamatayan. Pagkatapos, isang marahas na bagyong maulan ang humahagupit sa buong kalawakan na singbilis ng kidlat, na bumabagsak mula sa himpapawid! Sa pinakamalalayong sulok ng lupa, na kasing lubusan ng isang pagbuhos, walang naiiwan kahit na isang mantsa habang hinuhugasan nito ang lahat mula ulo hanggang paa, walang anumang maitatago mula rito ni hindi matatabingan ang sinumang tao mula rito. Ang mga dagundong ng kulog, gaya ng mga kislap ng kidlat, ay kumikislap nang may matinding liwanag at pinanginginig ang mga tao sa takot! Ang matalas na tabak na may dalawang talim ay pinababagsak ang mga anak ng pagsuway, at nahaharap ang kaaway sa sakuna nang walang masisilungan; nahihilo sila sa karahasan ng hangin at ulan, at, sumusuray mula sa hagupit, sila’y kaagad na bumabagsak na patay sa umaagos na mga tubig at inaanod palayo. Kamatayan lamang ang naroon at wala silang anumang pag-asang mabuhay. Ang pitong kulog ay nagmumula sa Akin at ipinararating nila ang Aking hangarin, na pabagsakin ang pinakamatatandang anak ng Ehipto, upang parusahan ang masama at linisin ang Aking mga iglesia, upang ang lahat ay maugnay sa isa’t isa, kumilos nang totoo sa kanilang sarili, at maging kaisang-puso Ko, at upang ang lahat ng iglesia sa buong sansinukob ay maitayo bilang isa. Ito ang Aking layunin.
Ang kulog ay dumadagundong, at ang mga tunog ng pagtangis ay sumusunod dito. Ang ilan ay nagigising mula sa kanilang pagkakatulog, at, matinding nahihintakutan, malalim nilang sinasaliksik ang kanilang mga kaluluwa at dali-daling bumabalik sa harap ng trono. Tumitigil sila sa palasak na panlilinlang at mga mapangahas na gawain, hindi pa gaanong huli para sa gayong mga tao na magising. Nagmamasid Ako mula sa trono. Tinitingnan Ko ang kaibuturan ng mga puso ng mga tao. Inililigtas Ko ang mga masigasig at marubdob na nagnanasa sa Akin, at kinaaawaan Ko sila. Aking ililigtas tungo sa kawalang-hanggan ang mga nagmamahal sa Akin sa kanilang mga puso nang higit kaysa lahat ng iba pa, ang mga nakakaunawa sa Aking kalooban at sumusunod sa Akin hanggang sa katapusan ng daan. Hahawakan silang ligtas ng Aking kamay, upang hindi nila harapin ang tagpong ito at hindi sila mapunta sa kapahamakan. Ang ilan ay may paghihirap sa kanilang mga puso na hindi nila maibubulalas kapag nakikita nila ang tanawing ito ng gumuguhit na kidlat, at sukdulan ang kanilang panghihinayang. Kung magpipilit silang kumilos nang ganito, lubhang huli na para sa kanila. O, ang lahat at ang bawat bagay! Lahat ng ito ay mangyayari. Ito rin ay isa sa Aking mga paraan ng pagliligtas. Inililigtas Ko ang mga nagmamahal sa Akin at pinababagsak ang masama, ginagawa Kong matibay at matatag ang Aking kaharian sa lupa, at ipinaaalam sa lahat ng mga bansa at mga bayan, sa lahat sa sansinukob at sa mga hangganan ng lupa, na Ako ay kamahalan, Ako ay nagngangalit na apoy, Ako ay Diyos na nagsasaliksik sa kaloob-loobang puso ng bawat tao. Mula sa sandaling ito, ang paghatol ng malaking puting trono ay hayagang ibinubunyag sa masa, at sa lahat ng tao, ipamamalita na ang paghatol ay nagsimula na! Walang alinlangan na lahat ng nagsasalita nang hindi taos-puso, lahat ng nag-aalinlangan at hindi nangangahas na maging tiyak, lahat ng nagsasayang ng panahon na nakakaunawa sa Aking mga inaasam ngunit hindi handang isagawa ang mga iyon—silang lahat ay dapat mahatulan. Dapat ninyong maingat na siyasatin ang inyong sariling mga intensiyon at mga motibo, at lumagay sa inyong dapat kalagyan; isagawa nang lubusan ang Aking mga sinasabi, bigyang-halaga ang inyong mga karanasan sa buhay, at huwag kumilos nang masigasig sa panlabas lamang, kundi ang inyong mga buhay ay gawing malago, may kahustuhan, matatag, at may karanasan—sa ganitong paraan lamang kayo magiging kaayon ng Aking puso.
Itatwa sa mga alagad ni Satanas at sa masasamang espiritu na gumagambala at sumisira doon sa Aking mga itinatayo ang anumang pagkakataon para samantalahin ang mga bagay-bagay para sa kanilang kalamangan. Dapat silang higpitan nang mabuti at mapigilan; mahaharap lamang sila sa pamamagitan ng paggamit ng matalas na espada. Ang mga pinakamasasama ay dapat na mabunot kaagad upang mapigilan ang mga kaguluhan sa hinaharap. At ang iglesia ay magawang perpekto, malaya sa anumang kapansanan, at ito ay magiging malusog, puno ng sigla at lakas. Kasunod ng gumuguhit na kidlat, dumadagundong ang mga kulog. Hindi kayo dapat magpabaya, at hindi kayo dapat sumuko, kundi gawin ang lahat ng inyong makakaya para makahabol, at tiyak na inyong makikita kung ano ang ginagawa ng Aking kamay, kung ano ang sinasadya Kong makamit, kung ano ang Aking itatapon, kung ano ang Aking pineperpekto, kung ano ang Aking binubunot, kung ano ang Aking pinababagsak. Ang lahat ng ito ay magaganap sa harap ng inyong mga paningin upang inyong makita nang malinaw ang Aking pagiging makapangyarihan sa lahat.
Mula sa trono hanggang sa sansinukob at sa mga kadulu-duluhan ng lupa, ang pitong kulog ay umaalingawngaw. Ang isang malaking pangkat ng mga tao ay maliligtas at magpapasakop sa harap ng Aking trono. Sumusunod sa liwanag ng buhay na ito, naghahanap ang mga tao ng paraan upang mabuhay at hindi nila maiwasang lumapit sa Akin, upang lumuhod sa pagsamba, at gamit ang kanilang mga bibig ay tumawag sa pangalan ng totoong Diyos na makapangyarihan sa lahat, at isatinig ang kanilang mga pagsamo. Ngunit sila na tumututol sa Akin, sila na pinatitigas ang kanilang mga puso, ang kulog ay umaalingawngaw sa kanilang mga tainga, at walang dudang sila ay dapat mapahamak. Ito lamang ang huling kalalabasan para sa kanila. Ang Aking minamahal na mga anak na matagumpay ay mananatili sa Sion, at makikita ng lahat ng tao kung ano ang kanilang makakamit, at malaking kaluwalhatian ang magpapakita sa harap ninyo. Ito ay isa talagang malaking pagpapala at katamisan na mahirap masabi.
Ang lagapak ng pitong kulog na lumalabas ay kaligtasan nilang mga nagmamahal sa Akin, nilang nagnanasa sa Akin nang may tapat na mga puso. Silang nabibilang sa Akin at silang Aking itinalaga na at hinirang ay makakayang lahat na sumailalim sa Aking pangalan. Maririnig nila ang Aking tinig, na siyang pagtawag ng Diyos sa kanila. Ipakita sa mga nasa kadulu-duluhan ng lupa na Ako ay matuwid, Ako ay tapat, Ako ay mapagmahal na kabaitan, Ako ay kahabagan, Ako ay kamahalan, Ako ay nagngangalit na apoy, at, sa kahuli-hulihan, Ako ay walang-awang paghatol.
Ipakita sa lahat na nasa mundo na Ako ang tunay at ganap na Diyos Mismo. Lahat ng tao ay ganap na napapaniwala at walang sinumang nangangahas na muling lumaban sa Akin, ni hatulan Ako o siraan Akong muli. Kung hindi, sila ay agad na dadatnan ng mga sumpa at sasapit sa kanila ang sakuna. Makakatangis lamang sila at mapagngangalit ang kanilang mga ngipin, dahil idinulot nila ang kanilang sariling pagkawasak.
Ipaalam sa lahat ng tao, ipaalam ito sa buong sansinukob at sa mga dulo ng lupa, sa bawat sambahayan at lahat ng tao: Ang Makapangyarihang Diyos ang nag-iisang tunay na Diyos. Lahat ay isa-isang luluhod para sumamba sa Akin, at kahit ang mga batang katututo pa lamang magsalita ay sisigaw ng “Makapangyarihang Diyos”! Makikita ng mga nanunungkulang nagtataglay ng kapangyarihan gamit ang kanilang sariling mga mata ang tunay na Diyos na nagpapakita sa harapan nila, at sila rin ay magpapatirapa sa pagsamba, na nagsusumamo para sa habag at kapatawaran, ngunit ito ay totoong huli na, dahil ang sandali ng kanilang pagpanaw ay nakarating na. Dapat na lamang silang tapusin at hatulan na mapunta sa walang-hanggang hukay. Dadalhin Ko ang buong kapanahunan sa katapusan, at lalo pang palalakasin ang Aking kaharian. Lahat ng bansa at mga bayan ay magpapasakop sa Aking harapan magpasawalang-hanggan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 35
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 56
Ang Makapangyarihang tunay na Diyos, ang Haring nakaluklok sa trono, ang namumuno sa buong sansinukob, humaharap sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat nang may kaluwalhatian ng Diyos. Makikita iyon ng lahat ng may buhay sa sansinukob at hanggang sa mga kadulu-duluhan ng lupa. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagbukas na ng kanilang mga pantabing sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos, at sila’y muling nabuhay, na parang gumigising mula sa isang panaginip, na parang sila’y mga usbong na sumisibol sa lupa!
Ah! Ang nag-iisang tunay na Diyos ay nagpapakita sa harap ng sanlibutan. Sinong mangangahas na lumapit sa Kanya nang may pagtutol? Ang lahat ay nanginginig sa takot. Ang lahat ay lubusang naniniwala, at ang lahat ay paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran. Ang lahat ng tao’y lumuluhod sa harap Niya, at ang lahat ng bibig ay sumasamba sa Kanya! Ang mga kontinente at mga karagatan, ang mga bundok, ang mga ilog—lahat ng bagay ay nagpupuri sa Kanya nang walang katapusan! Dumarating ang tagsibol kasama ang maiinit na simoy ng hangin, na nagdadala ng pinong ulan ng tagsibol. Tulad ng lahat ng tao, ang agos ng mga batis ay dumadaloy nang may dalamhati at galak, lumuluha dahil sa utang na loob at paninisi sa sarili. Ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga alon at mga daluhong, lahat ay umaawit, pinupuri ang banal na pangalan ng tunay na Diyos! Ang tunog ng papuri ay umaalingawngaw nang napakalinaw! Ang mga dating bagay na minsang ginawang tiwali ni Satanas—bawat isa ay muling gagawing bago at iibahin at papasok sa isang bagung-bagong kaharian …
Ito ang banal na trumpeta, at nagsimula na itong tumunog! Pakinggan mo ito. Yaong tunog na napakatamis ay ang pagbigkas ng trono, na ibinabalita sa bawat bansa at bayan na sumapit na ang panahon, na sumapit na ang kawakasan ng lahat. Tapos na ang Aking plano ng pamamahala. Ang Aking kaharian ay lantaran nang nagpakita sa lupa. Ang mga kaharian sa mundo ay naging Aking kaharian, Ako na siyang Diyos. Ang Aking pitong trumpeta ay tumutunog mula sa trono, at anong mga kababalaghan ang magaganap! Ang mga tao mula sa mga wakas ng lupa ay magmamadaling magsama-sama mula sa bawat direksyon nang may lakas ng isang daluyong at kapangyarihan ng mga kidlat at kulog….
Tinitingnan Ko nang may galak ang Aking bayan, na nakikinig sa Aking tinig at nagtitipon mula sa bawat bansa at lupain. Lahat ng tao, na laging pinananatili ang tunay na Diyos sa kanilang mga bibig, ay nagpupuri at lumulukso sa tuwa nang walang katapusan! Nagpapatotoo sila sa sanlibutan, at ang tunog ng kanilang patotoo sa tunay na Diyos ay gaya ng dumadagundong na tunog ng maraming katubigan. Lahat ng tao ay magsisiksikan sa Aking kaharian.
Tumutunog ang Aking pitong trumpeta, na gumigising sa mga natutulog! Bumangon ka agad, hindi pa huli ang lahat. Tingnan mo ang iyong buhay! Buksan mo ang iyong mga mata at tingnan kung anong oras na ngayon. Ano pa ang dapat hanapin? Ano pa ang dapat pag-isipan? At ano pa ang pumipigil? Hindi mo ba kailanman naisaalang-alang ang kaibahan ng halaga ng pagkakamit ng Aking buhay at pagkakamit ng lahat ng bagay na minamahal at kinakapitan mo? Tigilan mo na ang katigasan ng ulo at paglalaro. Huwag mong palampasin ang pagkakataong ito. Ang sandaling ito ay hindi na muling darating! Agad kang tumayo, sanayin mo ang pagpapagana sa iyong espiritu, gumamit ka ng sari-saring kasangkapan para mahalata at mahadlangan ang bawat pakana at panlilinlang ni Satanas, at magtagumpay ka laban kay Satanas, upang mas lumalim ang iyong karanasan sa buhay at maisabuhay mo ang Aking disposisyon, upang gumulang at magkaroon ng maraming karanasan ang iyong buhay, at palagi kang makasunod sa Aking mga yapak. Hindi pinanghihinaan ng loob, hindi mahina, laging sumusulong, paisa-isang hakbang, tuluy-tuloy hanggang sa dulo ng daan!
Kapag tumunog muli ang pitong trumpeta, ito ang magiging panawagan para sa paghatol, paghatol sa mga anak ng paghihimagsik, paghatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at bawat bansa ay susuko sa harap ng Diyos. Ang maluwalhating mukha ng Diyos ay tiyak na magpapakita sa harap ng lahat ng bansa at lahat ng lahi. Bawat isa’y lubos na mapapaniwala, at sisigaw sa tunay na Diyos nang walang katapusan. Ang makapangyarihang Diyos ay lalo pang magiging maluwalhati, at Ako at ang Aking mga anak ay magsasalo sa kaluwalhatian at magsasalo sa paghahari, hinahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng lahi, pinarurusahan ang masama, inililigtas at kinahahabagan ang mga taong nabibilang sa Akin, at ginagawang matibay at matatag ang kaharian. Sa pamamagitan ng tunog ng pitong trumpeta, napakaraming tao ang maliligtas, na babalik sa harap Ko upang lumuhod at sumamba na may patuloy na pagpupuri!
Kapag muli pang tumunog ang pitong trumpeta, ito ang magiging pagtatapos ng kapanahunan, ang pagtunog ng trumpeta ng tagumpay laban sa diyablong si Satanas, ang pagpupugay na nagbabalita ng pagsisimula ng hayagang pamumuhay sa kaharian sa lupa! Sadyang napakatayog na tunog, itong tunog na umaalingawngaw sa palibot ng trono, itong pagtunog ng trumpetang yumayanig sa langit at lupa, na siyang tanda ng tagumpay ng Aking plano ng pamamahala, na siyang paghatol kay Satanas; hinahatulan nito ang matandang mundong ito ng ganap na kamatayan, na bumalik sa walang-hanggang kalaliman! Ang pagtunog na ito ng trumpeta ay nagbabadya na magsasara na ang tarangkahan ng biyaya, na ang buhay ng kaharian ay magsisimula na sa lupa, na tama at marapat. Inililigtas ng Diyos yaong mga nagmamahal sa Kanya. Sa sandaling bumalik sila sa Kanyang kaharian, ang mga tao sa lupa ay haharap sa taggutom at salot, at ang pitong mangkok at pitong salot ng Diyos ay magaganap nang sunud-sunod. Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit hindi lilipas ang Aking salita!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 36
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 57
Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng walang maliw at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan makakamit ng tao ang buhay, at ito lamang ang tanging landas kung saan makikilala ng Diyos at masasang-ayunan ng Diyos ang tao. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka kailanman magiging karapat-dapat pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat kapwa ka bulag na tagasunod at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kontrolado ng mga tuntunin, ng mga titik, at iginapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakamit ang buhay ni makakamit ang walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay sapagkat ang mayroon lamang sila ay malabong tubig na kinapitan ng libu-libong taon sa halip na tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Mananatili magpakailanman na mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno ang mga hindi natustusan ng tubig ng buhay. Kung gayon, paano nila mapagmamasdan ang Diyos? Kung nagsisikap ka lamang na panghawakan ang nakaraan, nagsisikap lamang na panatilihin ang mga bagay sa kung ano sila sa pamamagitan ng hindi paggalaw, at hindi sinusubukang baguhin ang nakasanayan na at itapon ang kasaysayan, kung gayon hindi ka ba magiging palaging laban sa Diyos? Malawak at makapangyarihan ang mga hakbang ng gawain ng Diyos, tulad ng rumaragasang mga alon at dumadagundong na mga kulog—subalit nakaupo kang walang imik na naghihintay ng pagkawasak, nakakapit sa kahangalan mo at walang ginagawa. Sa ganitong paraan, paano ka maituturing na isang taong sumusunod sa mga yapak ng Kordero? Paano mo mabibigyang-katwiran na ang Diyos na kinakapitan mo ay isang Diyos na laging bago at hindi kailanman naluluma? At paano ka maihahatid ng mga salita sa mga nanilaw mong mga libro patawid sa panibagong kapanahunan? Paano ka maaakay ng mga ito para mahanap mo ang mga hakbang ng gawain ng Diyos? At paano ka nila madadala paakyat sa langit? Ang hawak mo sa mga kamay mo ay ang mga titik na magbibigay lamang ng panandaliang ginhawa, hindi ang mga katotohanang kayang magbigay ng buhay. Ang mga banal na kasulatang binabasa mo ay pinagyayaman lamang ang dila mo at hindi mga salita ng pilosopiyang makatutulong sa pag-unawa mo sa buhay ng tao, lalong hindi mga landas na makapaghahatid sa iyo sa pagiging perpekto. Hindi ba nagdudulot sa iyo na magmuni-muni ang pagkakaibang ito? Hindi ba nito naipapaunawa sa iyo ang mga hiwagang napapaloob dito? May kakayahan ka bang dalhin ang sarili mo sa langit upang makipagkita sa Diyos nang ikaw lang? Kung walang pagdating ng Diyos, kaya mo bang dalhin ang sarili mo sa langit upang matamasa ang kasiyahang pampamilya kasama ang Diyos? Nananaginip ka pa rin ba ngayon? Imumungkahi Ko, kung gayon, na ihinto mo ang pananaginip at tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan para makita kung sino ngayon ang nagpapatupad sa gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay.
Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 58
Na ang Aking mga misteryo ay ibinubunyag at bukas na namamalas, at hindi na nakatago, ay lubusang dahil sa Aking biyaya at awa. Higit pa rito, na ang Aking salita ay lumilitaw sa gitna ng mga tao, at hindi na natatakpan, ay dahil din sa Aking biyaya at awa. Mahal Ko ang lahat na taos-pusong gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at inilalaan ang kanilang mga sarili sa Akin. Galit Ako sa mga isinilang mula sa Akin pero hindi Ako kilala, at lumalaban pa sa Akin. Hindi Ko tatalikuran ang sinuman na taos-pusong para sa Akin; sa halip, dodoblehin Ko ang mga pagpapala ng taong iyon. Parurusahan Ko nang doble yaong mga walang utang na loob at lumalabag sa Aking kabaitan, at hindi Ko sila basta hahayaan nang ganoon na lamang. Sa Aking kaharian, walang kabuktutan o panlilinlang, at walang kamunduhan; iyon ay, walang amoy ng bangkay. Sa halip, ang lahat ay pagkamatuwid at katuwiran; ang lahat ay pagkabusilak at katapatan, na walang nakatago o lingid. Ang lahat ay sariwa, ang lahat ay kasiyahan, at ang lahat ay pagpapahusay. Ang sinumang nangangamoy-patay pa rin ay hindi maaaring manatili sa Aking kaharian, at sa halip ay pamumunuan ng Aking bakal na pamalo. Ang lahat ng walang-katapusang misteryo, mula noong unang panahon hanggang kasalukuyan, ay ganap na ibinubunyag sa inyo—ang pangkat ng mga taong nakamit Ko sa mga huling araw. Hindi mo ba nararamdamang pinagpala ka? Higit pa rito, ang mga araw kung kailan lantarang ibubunyag ang lahat ay ang mga araw kung kailan kayo’y magiging bahagi ng Aking paghahari.
Ang pangkat ng mga taong tunay na naghahari ay umaasa sa Aking predestinasyon at pagpili, at ganap na walang kalooban ng tao rito. Ang sinumang nangangahas na makibahagi rito ay kailangang makaranas ng pagpaparusa mula sa Aking kamay, at ang gayong mga tao ay magiging pakay ng Aking nag-aalab na poot; ito ay isa pang panig ng Aking katuwiran at kamahalan. Nasabi Ko nang pinaghaharian Ko ang lahat ng bagay, Ako ang marunong na Diyos na may hawak ng buong kapangyarihan, at Ako ay mahigpit sa lahat; ganap Akong walang awa, at ganap na walang personal na damdamin. Tinatrato Ko ang lahat (kahit na gaano siya kahusay magsalita, hindi Ko siya bibitawan) gamit ang Aking katuwiran, pagkamatuwid, at kamahalan, habang binibigyang-kakayahan ang lahat na makita nang mas malinaw ang pagiging kamangha-mangha ng Aking mga gawa, pati na rin ang kahulugan ng Aking mga gawa. Isa-isa, pinarusahan Ko ang masasamang espiritu para sa lahat ng uri ng pagkilos na kanilang ginagawa, ibinubulid silang isa-isa sa walang-hanggang kalaliman. Ang gawaing ito ay tinapos Ko bago nagsimula ang panahon, iniwan ang mga ito na walang posisyon, iniwan ang mga ito na walang lugar para gawin ang kanilang gawain. Wala sa Aking mga piniling tao—yaong mga paunang-itinadhana at pinili Ko—ang maaaring sapian ng masasamang espiritu kailanman, at sa halip ay laging magiging banal. Samantalang ang mga hindi paunang-itinadhana at napili, ipapasa Ko sila kay Satanas, at hindi Ko na sila hahayaang manatili. Sa lahat ng aspeto, nakapaloob sa Aking mga atas administratibo ang Aking katuwiran at Aking kamahalan. Wala Akong pakakawalan kahit isa sa mga kinikilusan ni Satanas, kundi itatapon sila kasama ang kanilang mga katawan sa Hades, dahil galit Ako kay Satanas. Hindi Ko ito basta-basta pakakawalan, kundi ganap itong wawasakin, hindi ito binibigyan ng bahagya mang pagkakataong gawin ang gawain nito. Ang lahat ng sinira na ni Satanas sa anumang paraan (iyon ay, ang mga layon ng sakuna) ay nasa ilalim ng mahusay na pagsasaayos ng Aking sariling kamay. Huwag mong isiping ito ay nangyari bunga ng kabangisan ni Satanas; alamin mo na Ako ang Makapangyarihang Diyos na namumuno sa buong sansinukob at sa lahat ng bagay! Para sa Akin, walang problemang hindi nalulutas, at lalo nang walang anumang bagay na hindi nagagawa o anumang salitang hindi nabibigkas. Ang mga tao ay hindi dapat kumilos bilang Aking mga tagapayo. Mag-ingat kang maibagsak ng Aking kamay at maitapon sa Hades. Sinasabi Ko ito sa iyo! Ang mga aktibong nakikipagtulungan sa Akin ngayon ay ang pinakamatatalino, at maiiwasan nila ang mga kawalan at matatakasan ang sakit ng paghatol. Lahat ng ito ay Aking mga pagsasaayos, paunang-itinadhana Ko. Huwag kang magkomento nang bulgar at huwag kang magsalita nang pabalang, iniisip na ikaw ay napakagaling. Hindi ba’t ang lahat ng ito ay sa pamamagitan ng Aking paunang pagtatadhana? Kayo, na magiging mga tagapayo Ko, ay mga walang hiya! Hindi ninyo alam ang inyong sariling tayog; kung gaano ito kababa! Magkagayon man, akala ninyo ay maliit na bagay lamang ito, at hindi ninyo nakikilala ang inyong mga sarili. Lagi na lamang, hindi kayo nakikinig sa Aking mga salita, na nagsasanhi para mawalan ng kabuluhan ang Aking maiingat na pagsisikap, at hindi man lamang napapagtanto na ang mga ito ay mga pagpapamalas ng Aking biyaya at awa. Sa halip, sinusubukan ninyong ipakita ang inyong sariling katalinuhan nang paulit-ulit. Natatandaan niyo ba ito? Anong pagkastigo ang dapat matanggap ng mga tao na nag-aakalang napakagaling nila? Walang pakialam at hindi tapat sa Aking mga salita, at hindi isinasapuso ang mga ito, ginagamit ninyo Ako bilang pagpapanggap para gawin ang ganito at ganyan. Mga masasamang tao! Kailan ninyo makakayang ganap na isaalang-alang ang Aking puso? Wala kayong pagsasaalang-alang dito kaya’t ang pagtawag sa inyo na “masasama” ay hindi pagmamaltrato sa inyo. Talagang bagay na bagay ito sa inyo!
Ngayon, ipinakikita Ko sa inyo, isa-isa, ang mga bagay na dati ay nakatago. Ang malaking pulang dragon ay itinatapon sa walang-hanggang kalaliman at lubusang winawasak, dahil talagang walang kuwentang panatilihin pa ito; ibig sabihin ay hindi nito napagsisilbihan si Cristo. Pagkatapos nito, mawawala na ang mga pulang bagay; unti-unti, magugunaw ang mga ito hanggang sa mawala. Ginagawa Ko ang sinasabi Ko; ito ang kaganapan ng Aking gawain. Alisin ang mga pantaong kuru-kuro; lahat ng nasabi Ko, Aking nagawa. Ang lahat ng nagmamarunong ay nagdadala lang ng kapahamakan at pagkadusta sa kanilang sarili, at ayaw mabuhay. Samakatuwid, bibigyang-kasiyahan Kita, at tiyak na hindi Ko pananatilihin ang mga gayong tao. Pagkatapos nito, ang populasyon ay aangat sa kahusayan, habang ang mga di-aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay tatangayin papunta sa kawalan. Ang mga sinang-ayunan Ko ay silang mga gagawin Kong perpekto, at wala Akong itatakwil ni isa. Walang mga pagsasalungatan sa Aking sinasabi. Ang mga hindi aktibong nakikipagtulungan sa Akin ay magdurusa ng higit pang pagkastigo, bagaman, sa kahuli-hulihan ay tiyak na ililigtas Ko sila. Gayunpaman, pagdating ng panahong iyon, ang lawak ng kanilang mga buhay ay magiging iba. Gusto mo bang maging ganoong tao? Bumangon ka at makipagtulungan sa Akin! Tiyak na hindi Ko tatratuhin nang masama ang sinumang matapat na gumugugol ng kanilang mga sarili sa Akin. Sa mga yaon naman na taos-pusong naglalaan ng kanilang mga sarili sa Akin, ipagkakaloob Ko ang lahat ng Aking pagpapala sa iyo. Ialay mo nang lubusan ang iyong sarili sa Akin! Kung ano ang iyong kinakain, kung ano ang iyong isinusuot, at ang iyong kinabukasan ay lahat nasa Aking mga kamay; isasaayos Ko ang lahat nang tama, upang magkaroon ka ng walang-humpay na pagtatamasa, na hindi mo mauubos kailanman. Ito ay dahil sinabi Ko, “Sa mga taong taos-pusong gumugugol para sa Akin, ikaw ay tiyak na labis Kong pagpapalain.” Ang lahat ng pagpapala ay darating sa bawat taong taos-pusong gumugugol ng kanyang sarili para sa Akin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 70
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 59
Ipinagbubunyi Ako ng mga tao, pinupuri Ako ng mga tao; lahat ng bibig ay tinatawag ang nag-iisang tunay na Diyos, lahat ng tao ay tumitingala upang masdan ang Aking mga gawa. Ang kaharian ay bumababa sa mundo ng mga tao, ang Aking persona ay mayaman at sagana. Sino ang hindi magagalak dito? Sino ang hindi sasayaw sa galak? O, Sion! Itaas ang iyong matagumpay na bandila upang ipagbunyi Ako! Awitin ang iyong awit ng tagumpay upang ipalaganap ang Aking banal na pangalan! Lahat ng nilikha hanggang sa mga dulo ng daigdig! Magmadaling linisin ang inyong sarili na magagawa kayong mga alay sa Akin! Mga konstelasyon ng kalangitan! Magmadaling bumalik sa inyong lugar upang ipakita ang Aking dakilang kapangyarihan sa kalawakan! Ako ay nakikinig sa tinig ng mga tao sa lupa, na ibinubuhos ang kanilang walang-hanggang pagmamahal at pagpipitagan sa Akin sa awit! Sa araw na ito, kung kailan lahat ng nilikha ay muling nabubuhay, Ako ay bumababa sa mundo ng mga tao. Sa sandaling ito, sa sandaling ito mismo, lahat ng bulaklak ay mag-uunahang mamukadkad, lahat ng ibon ay sabay-sabay na aawit, lahat ng bagay ay manginginig sa galak! Sa tunog ng pagpupugay ng kaharian, bumabagsak ang kaharian ni Satanas, nawasak sa dagundong ng awit ng kaharian, hindi na babangong muli kailanman!
Sino sa lupa ang nangangahas na bumangon at lumaban? Habang Ako ay bumababa sa lupa, dala Ko ay pagsunog, dala Ko ay poot, dala Ko ay lahat ng klaseng kapahamakan. Ang mga kaharian sa lupa ay Akin nang kaharian ngayon! Sa kalangitan, gumugulong at umaalon ang mga ulap; sa ilalim ng langit, ang mga lawa at mga ilog ay rumaragasa at kumakatha ng isang nakaaantig na himig. Naglalabasan ang nagpapahingang mga hayop mula sa kanilang lungga, at lahat ng tao ay ginigising Ko mula sa kanilang pagtulog. Dumating na rin sa wakas ang araw na pinakahihintay ng napakaraming tao! Inaalay nila ang pinakamagagandang awit sa Akin!
Sa magandang sandaling ito, sa napakasayang panahong ito,
matunog ang papuri sa lahat ng dako, sa kalangitan sa itaas at sa lupa sa ibaba. Sino ang hindi masasabik dito?
Kaninong puso ang hindi gagaan? Sino ang hindi mapapaiyak sa tagpong ito?
Ang langit ay hindi na ang dating langit, ito na ngayon ang langit ng kaharian.
Ang lupa ay hindi na ang dating lupa, ito na ngayon ay lupang banal.
Pagkaraan ng isang malakas na ulan, lubusang naging bago ang maruming sinaunang mundo.
Nagbabago ang kabundukan … nagbabago ang katubigan …
nagbabago rin ang mga tao … nagbabago ang lahat ng bagay….
Ah, tahimik na kabundukan! Magbangon at magsayawan para sa Akin!
Ah, payapang katubigan! Patuloy na umagos nang malaya!
Kayong mga taong may mga pangarap! Gumising kayo at habulin ito!
Narito na Ako … at Ako ang Hari….
Buong sangkatauhan ay makikita sa sarili nilang mga mata ang Aking mukha, maririnig ng sarili nilang mga tainga ang Aking tinig,
mamumuhay sila mismo ng buhay sa kaharian….
Kaytamis … kayganda….
Di-malilimutan … imposibleng malimutan….
Sa pagsusunog ng Aking poot, nagpupumiglas ang malaking pulang dragon;
sa Aking maringal na paghatol, ipinapakita ng mga diyablo ang kanilang tunay na anyo;
sa Aking mahihigpit na salita, lahat ng tao ay nahihiya, at walang mapagtaguan.
Ginugunita nila ang nakaraan, paano nila Ako tinuya at pinagtawanan.
Hindi nagkaroon ng pagkakataon kailanman na hindi sila nagpasikat, ni ng pagkakataon na hindi nila Ako sinusuway.
Ngayon, sino ang hindi umiiyak? Sino ang hindi nakararamdam ng pagsisisi?
Puno ng iyakan ang buong mundo ng sansinukob …
puno ng mga ingay ng kagalakan … puno ng halakhakan….
Walang-katulad na galak … galak na walang-katulad….
Tumatagiktik ang mahinang ulan … mabibigat na tuklap ng pumapagaspas na niyebe….
Sa kalooban ng mga tao, magkahalong lungkot at saya … naghahalakhakan ang ilan …
humihikbi ang ilan … at nagbubunyi ang ilan….
Para bang nalimutan ng lahat … kung ito’y tagsibol na makulimlim at maulan,
isang tag-araw ng namumukadkad na mga bulaklak, isang taglagas ng masasaganang ani,
o isang taglamig na sinlamig ng nagyelong hamog at yelo, walang nakakaalam….
Tinatangay ng hangin ang mga ulap sa langit, nagngangalit ang dagat sa lupa.
Ikinakaway ng mga anak na lalaki ang kanilang mga bisig … iginagalaw ng mga tao ang kanilang mga paa sa pagsayaw….
Gumagawa ang mga anghel … nag-aakay ang mga anghel….
Abalang-abala ang mga tao sa lupa, at nagpaparami ang lahat ng bagay sa lupa.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Awit ng Kaharian
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 60
Bawat tao sa sangkatauhan ay dapat pumayag na masuri ng Aking Espiritu, dapat nilang siyasating mabuti ang bawat salita at kilos nila, at, bukod pa riyan, dapat nilang tingnan ang Aking kamangha-manghang mga gawa. Ano ang pakiramdam ninyo sa panahon ng pagdating ng kaharian sa lupa? Kapag dumaloy ang Aking mga anak at mga tao sa Aking luklukan, pormal Kong sinisimulan ang paghatol sa harap ng malaking luklukang maputi. Ibig sabihin, kapag sinisimulan Ko ang Aking gawain sa lupa nang personal, at kapag ang panahon ng paghatol ay malapit nang magwakas, sinisimulan Kong ituon ang Aking mga salita sa buong sansinukob, at inilalabas ang tinig ng Aking Espiritu sa buong sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, huhugasan Ko nang malinis ang lahat ng tao at bagay kasama ang lahat ng nasa langit at nasa lupa, kaya’t ang lupain ay hindi na marumi at malaswa, kundi isang banal na kaharian. Paninibaguhin Ko ang lahat ng bagay, upang mailaan ang mga iyon para magamit Ko, upang hindi na mag-amoy lupa ang mga iyon, at hindi na mabahiran ng lasa ng lupa. Sa lupa, nangapa na ang tao para sa mithiin at mga pinagmumulan ng Aking mga salita, at naobserbahan na ang Aking mga gawa, subalit walang sinumang tunay na nakaalam sa pinagmumulan ng Aking mga salita, at walang sinumang tunay na nakakita sa pagiging kamangha-mangha ng Aking mga gawa. Ngayon lamang, na personal Akong pumaparito sa tao at binibigkas ang Aking mga salita, nagkaroon ng kaunting kaalaman ang tao tungkol sa Akin, na nag-aalis sa puwang na sakop “Ko” sa kanilang isipan, at sa halip ay lumilikha ng isang puwang para sa praktikal na Diyos sa kanilang kamalayan. Ang tao ay may mga kuru-kuro at puno ng pag-uusisa; sino ang hindi magnanais na makita ang Diyos? Sino ang hindi magnanasang makaharap ang Diyos? Subalit ang tanging sumasakop sa isang tiyak na puwang sa puso ng tao ay ang Diyos na sa pakiramdam ng tao ay malabo at mahirap unawain. Sino ang makatatanto nito kung hindi Ko sinabi sa kanila nang malinaw? Sino ang tunay na maniniwala, nang may katiyakan at walang bahid ng pagdududa, na Ako ay talagang umiiral? May malaking pagkakaiba sa pagitan ng “Ako” sa puso ng tao at ng “Ako” ng realidad, at walang sinumang may kakayahang ikumpara ang mga ito. Kung hindi Ako naging tao, hindi Ako kailanman makikilala ng tao, at kahit nakilala niya Ako, hindi ba isang kuru-kuro pa rin ang gayong pagkakilala? Bawat araw ay naglalakad Ako sa gitna ng walang-tigil na daloy ng mga tao, at bawat araw ay kumikilos Ako sa kalooban ng bawat tao. Kapag Ako ay tunay na nakikita ng tao, makikilala niya Ako sa Aking mga salita, at maiintindihan ang mga kaparaanan ng Aking pagsasalita gayundin ang Aking mga layon.
Kapag ang kaharian ay pormal na dumarating sa lupa, ano, sa lahat ng bagay, ang hindi tahimik? Sino, sa lahat ng tao, ang hindi natatakot? Lumalakad Ako sa lahat ng dako ng mundong sansinukob, at lahat ng bagay ay personal Kong ipinlano. Sa panahong ito, sino ang hindi nakakaalam na ang Aking mga gawa ay kamangha-mangha? Sinusuportahan ng Aking mga kamay ang lahat ng bagay, subalit nangingibabaw rin Ako sa lahat ng bagay. Ngayon, hindi ba ang Aking pagkakatawang-tao at ang Aking personal na presensya sa tao ang totoong kahulugan ng Aking pagpapakumbaba at pagiging tago? Sa tingin, maraming taong pumapalakpak at pumupuri na Ako ay marilag, ngunit sino ang tunay na nakakakilala sa Akin? Ngayon, bakit Ko hinihiling na kilalanin ninyo Ako? Hindi ba ang layunin Ko ay ipahiya ang malaking pulang dragon? Ayaw Kong pilitin ang tao na purihin Ako, kundi hikayatin siyang kilalanin Ako, na magiging daan upang mahalin niya Ako, at sa gayon ay purihin Ako. Ang gayong papuri ay karapat-dapat sa katawagan nito, at hindi hungkag na pananalita; ganitong papuri lamang ang maaaring umabot sa Aking luklukan at pumailanlang sa kalangitan. Dahil natukso at nagawang tiwali na ni Satanas ang tao, dahil nadala na siya sa pamamagitan ng mga kuru-kuro at pag-iisip, naging tao Ako upang personal na lupigin ang buong sangkatauhan, upang ilantad ang lahat ng kuru-kuro ng tao, at upang basagin ang iniisip ng tao. Dahil dito, hindi na muling nagmamalaki ang tao sa Aking harapan, at hindi na muling naglilingkod sa Akin gamit ang sarili niyang mga kuru-kuro, at sa gayon ay ganap nang naiwaksi ang “Ako” sa mga kuru-kuro ng tao. Kapag dumarating ang kaharian, ang una Kong ginagawa ay simulan ang yugtong ito ng gawain, at ginagawa Ko iyon sa Aking mga tao. Bilang Aking mga tao na isinilang sa bansa ng malaking pulang dragon, tiyak na hindi lamang maliit, o isang bahagi, ng kamandag ng malaking pulang dragon ang nasa inyong kalooban. Sa gayon, ang yugtong ito ng Aking gawain una sa lahat ay nakatutok sa inyo, at ito ay isang aspeto ng kabuluhan ng Aking pagkakatawang-tao sa Tsina. Karamihan sa mga tao ay hindi kayang maintindihan kahit ang kapiraso ng mga salitang Aking sinasambit, at kapag nagagawa nila, malabo at magulo ang kanilang pagkaunawa. Ito ay isang pagbabago sa pamamaraan ng Aking pagsasalita. Kung nabasa ng lahat ng tao ang Aking mga salita at naunawaan ang kahulugan ng mga iyon, sino sa mga tao ang maliligtas, at hindi itatapon sa Hades? Kapag nakikilala at sinusunod Ako ng tao, iyon ang panahon na nagpapahinga Ako, at iyon mismo ang sandali na naiintindihan ng tao ang kahulugan ng Aking mga salita. Ngayon, napakababa ng inyong tayog—halos nakakaawa iyon sa kababaan, ni hindi man lamang karapat-dapat na ipagmalaki—at lalo pa ngang napakababa ng inyong kaalaman sa Akin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 11
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 61
Kapag kumikidlat mula sa Silangan, na siya rin mismong sandali na nagsisimula Akong bigkasin ang Aking mga salita—kapag kumikidlat, ang buong sansinukob ay nagliliwanag, at nagbabago ng anyo ang lahat ng bituin. Ang buong sangkatauhan ay para bagang napagbukud-bukod. Sa ilalim ng kinang ng sinag ng liwanag na ito mula sa Silangan, nahayag ang buong sangkatauhan sa kanilang orihinal na anyo, nasisilaw ang mga mata, hindi tiyak ang gagawin, at hindi pa rin gaanong sigurado kung paano itatago ang kanilang mga pangit na hitsura. Para din silang mga hayop na nagsisitakas mula sa Aking liwanag upang magkubli sa mga kuweba sa bundok—subalit wala ni isa sa kanila ang maaaring maglaho mula sa sakop ng Aking liwanag. Lahat ng tao ay labis na namamangha, lahat ay naghihintay, lahat ay nagmamasid; sa pagdating ng Aking liwanag, nagagalak ang lahat sa araw na sila ay isinilang, at isinusumpa rin ng lahat ang araw na sila ay isinilang. Ang magkakasalungat na damdamin ay imposibleng bigkasin; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay nagbubuo ng mga ilog, at natatangay ng rumaragasang tubig, naglalaho nang walang bakas sa isang iglap. Minsan pa, palapit nang palapit ang Aking araw sa buong sangkatauhan, minsan pang pumupukaw sa sangkatauhan, na nagbibigay sa sangkatauhan ng isa pang bagong simula. Tumitibok ang puso Ko at, sa pagsunod sa mga ritmo ng tibok ng Aking puso, naglulundagan sa galak ang kabundukan, nagsasayawan sa galak ang katubigan, at humahampas ang mga alon sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa puso Ko. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruming bagay hanggang sa maging abo sa ilalim ng Aking tingin; nais Kong maglaho ang lahat ng anak ng pagsuway mula sa Aking harapan, at hindi na umiral pa kailanman. Hindi lamang Ako nakagawa ng isang bagong simula sa tirahan ng malaking pulang dragon, nagsimula na rin Akong pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. Hindi maglalaon, ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; hindi maglalaon, ang mga kaharian sa lupa ay magwawakas na lahat magpakailanman dahil sa Aking kaharian, dahil nakamtan Ko na ang tagumpay, dahil nakabalik na Ako nang matagumpay. Naubos na ng malaking pulang dragon ang lahat ng paraang maiisip upang sirain ang Aking plano, sa pag-asang mabura ang Aking gawain sa lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa mapanlinlang na mga pakana nito? Maaari ba Akong matakot hanggang sa mawalan Ako ng tiwala dahil sa mga banta nito? Hindi pa nagkaroon kailanman ng kahit isang nilalang sa langit o sa lupa na hindi Ko nahawakan sa palad ng Aking kamay; gaano pa ito higit na totoo sa malaking pulang dragon, ang kasangkapang ito na nagsisilbing mapaghahambingan sa Akin? Hindi ba isa rin itong bagay na paiikutin sa Aking mga kamay?
Nang magkatawang-tao Ako sa mundo ng tao, dumating na ang sangkatauhan, sa ilalim ng Aking patnubay, nang hindi sinasadya sa araw na ito at dumating nang hindi sinasadya upang makilala Ako. Ngunit, hinggil sa kung paano tahakin ang landas sa hinaharap, walang sinumang may ideya, walang sinumang nakakaalam—at lalo pang walang sinumang may ideya kung saang direksyon sila dadalhin ng landas na iyon. Sa pagbabantay lamang sa kanila ng Makapangyarihan sa lahat matatahak ng sinuman ang landas hanggang wakas; sa paggabay lamang ng kidlat sa Silangan matatawid ng sinuman ang pintuan papasok sa Aking kaharian. Sa mga tao, wala pa ni isang nakakita sa Aking mukha kailanman, isang nakakita sa kidlat sa Silangan; paano pa kaya magkakaroon ng isang taong nakarinig sa mga pagbigkas mula sa Aking luklukan? Sa katunayan, noon pa mang unang panahon, wala pa ni isang taong tuwirang nakipag-ugnayan sa Aking persona; ngayon lamang nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao, ngayong naparito na Ako sa mundo, na makita Ako. Ngunit kahit ngayon, hindi pa rin Ako kilala ng mga tao, tulad ng tinitingnan lamang nila ang Aking mukha at naririnig lamang ang Aking tinig subalit hindi nauunawaan ang ibig Kong sabihin. Ganito ang lahat ng tao. Bilang isa sa Aking mga tao, wala ba kayong nadaramang matinding karangalan kapag nakikita ninyo ang Aking mukha? At wala ba kayong nadaramang labis na kahihiyan dahil hindi ninyo Ako kilala? Naglalakad Ako sa piling ng mga tao, at namumuhay Ako sa piling ng mga tao, sapagkat Ako ay naging tao at naparito Ako sa mundo ng tao. Ang Aking layunin ay hindi lamang upang masilayan ng sangkatauhan ang Aking katawang-tao; ang mas mahalaga, ito ay upang makilala Ako ng sangkatauhan. Bukod pa riyan, sa pamamagitan ng Aking nagkatawang-taong laman, hahatulan Ko ang sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan; sa pamamagitan ng Aking nagkatawang-taong laman, igugupo Ko ang malaking pulang dragon at sisirain Ko ang kuta nito.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 12
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 62
Ipinagdiriwang ng mga tao sa buong sansinukob ang pagdating ng Aking araw, at lumalakad ang mga anghel sa piling ng lahat ng tao Ko. Kapag nagsasanhi ng kaguluhan si Satanas, ang mga anghel, dahil sa kanilang paglilingkod sa langit, ay laging tumutulong sa Aking mga tao. Hindi sila nalilinlang ng diyablo dahil sa kahinaan ng tao ngunit, dahil sa mabangis na pagsalakay ng mga puwersa ng kadiliman, lalo silang nagsisikap na maranasan ang buhay ng tao sa kabila ng hamog. Nagpapasakop ang lahat ng Aking tao sa ilalim ng Aking pangalan, at walang sinumang nag-aaklas upang lantaran Akong kalabanin. Dahil sa pagpapagal ng mga anghel, tinatanggap ng tao ang Aking pangalan, at lahat ay nasa gitna ng daloy ng Aking gawain. Bumabagsak ang sanlibutan! Paralisado ang Babilonia! Ah, ang relihiyosong mundo! Paanong hindi ito mawawasak ng Aking awtoridad sa lupa? Sino ang nangangahas pa ring sumuway at kumalaban sa Akin? Ang mga eskriba? Lahat ng opisyal ng mga relihiyon? Ang mga pinuno at awtoridad sa lupa? Ang mga anghel? Sino ang hindi nagdiriwang sa pagkaperpekto at kapuspusan ng Aking katawan? Sa lahat ng tao, sino ang hindi umaawit ng mga papuri sa Akin nang walang tigil, sino ang walang maliw ang kaligayahan? Naninirahan Ako sa lupain ng pugad ng malaking pulang dragon, subalit hindi ito nagiging sanhi na manginig Ako sa takot o tumakbo palayo, sapagkat lahat ng tao nito ay nagsimula nang masuklam dito. Hindi kailanman nagampanan ng anuman ang “tungkulin” nito sa harap ng dragon para sa kapakanan ng dragon; sa halip, lahat ng bagay ay kumikilos ayon sa nakikita nilang angkop, at bawat isa ay gumagawa sa sarili nitong paraan. Paanong hindi malilipol ang mga bansa sa mundo? Paanong hindi babagsak ang mga bansa sa lupa? Paanong hindi magbubunyi ang Aking mga tao? Paanong hindi sila aawit nang may kagalakan? Gawain ba ito ng tao? Mga kamay ba ng tao ang gumagawa nito? Ibinigay Ko sa tao ang ugat ng kanyang pag-iral, at pinagkalooban Ko siya ng mga materyal na bagay, subalit hindi siya nasiyahan sa kanyang kasalukuyang sitwasyon at hinihiling niyang makapasok sa Aking kaharian. Ngunit paano siya makakapasok sa Aking kaharian nang napakadali, nang walang isinasakripisyo, nang hindi handang ialay ang kanyang di-makasariling debosyon? Sa halip na maningil ng anuman sa tao, gumagawa Ako ng mga hinihingi sa kanya, upang mapuspos ng kaluwalhatian ang Aking kaharian sa lupa. Nagabayan Ko ang tao tungo sa kasalukuyang kapanahunan, umiiral siya sa ganitong kundisyon, at nabubuhay siya sa patnubay ng Aking liwanag. Kung hindi nagkaganito, sino sa mga tao sa lupa ang makakaalam sa kanilang mga inaasam? Sino ang makakaunawa sa Aking kalooban? Idinaragdag Ko ang Aking mga panustos sa mga kinakailangan ng tao; hindi ba ito naaayon sa mga batas ng kalikasan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 22
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 63
Sa kaharian, ang napakaraming bagay na nilikha ay nagsisimulang muling mabuhay at mabawi ang kanilang lakas sa buhay. Dahil sa mga pagbabago sa kalagayan ng daigdig, ang mga hangganan sa pagitan ng isang lupain at ng isa pa ay nagsisimula ring gumalaw. Nagpropesiya na Ako na kapag ang lupain ay nahiwalay sa lupain, at ang lupain ay sumama sa lupain, ito ang panahon na dudurugin Ko ang mga bansa nang pira-piraso. Sa panahong ito, paninibaguhin Ko ang lahat ng nilikha at hahati-hatiing muli ang buong sansinukob, sa gayon ay maisasaayos ang sansinukob at ang luma ay magiging bago—ito ang Aking plano at ito ang Aking mga gawa. Kapag bumalik na lahat ang mga bansa at mga tao sa mundo sa harap ng Aking luklukan, kukunin Ko ang lahat ng kasaganaan ng langit at ibibigay ito sa mundo ng tao, upang, dahil sa Akin, ang mundong iyon ay mapuno ng walang-kapantay na kasaganaan. Ngunit hangga’t patuloy na umiiral ang lumang mundo, ipupukol Ko ang Aking galit sa mga bansa nito, hayagang ipapahayag ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, at kakastiguhin ang sinumang lumalabag sa mga ito:
Kapag ibinabaling Ko ang Aking mukha sa sansinukob upang magsalita, naririnig ng buong sangkatauhan ang Aking tinig, at pagkatapos ay nakikita ang lahat ng Aking nagawa sa buong sansinukob. Yaong mga lumalaban sa Aking kalooban, ibig sabihin, yaong mga kumokontra sa Akin sa mga gawa ng tao, ay sasailalim sa Aking pagkastigo. Kukunin Ko ang napakaraming bituin sa kalangitan at paninibaguhin ang mga ito, at dahil sa Akin, ang araw at ang buwan ay mapapanibago—ang kalangitan ay hindi na magiging gaya ng dati at ang napakaraming bagay sa lupa ay mapapanibago. Lahat ay magiging ganap sa pamamagitan ng Aking mga salita. Ang maraming bansa sa loob ng sansinukob ay muling hahati-hatiin at papalitan ng Aking kaharian, kaya ang mga bansa sa ibabaw ng lupa ay maglalaho magpakailanman at lahat ay magiging isang kaharian na sumasamba sa Akin; lahat ng bansa sa lupa ay mawawasak at titigil sa pag-iral. Sa mga tao sa loob ng sansinukob, lahat ng nabibilang sa diyablo ay lilipulin, at lahat ng sumasamba kay Satanas ay isasadlak sa Aking naglalagablab na apoy—ibig sabihin, maliban doon sa mga sumusunod sa agos, lahat ay magiging abo. Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap. Lahat ng tao ay paghihiwa-hiwalayin ayon sa sarili nilang uri, at tatanggap ng mga pagkastigo na nararapat sa kanilang mga kilos. Lahat ng kumalaban sa Akin ay masasawi; yaon namang mga hindi Ako kasali sa kanilang mga gawa sa lupa, sila, dahil sa paraan ng pagpapawalang-sala nila sa kanilang sarili, ay patuloy na iiral sa lupa sa ilalim ng pamamahala ng Aking mga anak at Aking mga tao. Ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming tao at sa napakaraming bansa, at sa sarili Kong tinig, maririnig Ako sa ibabaw ng lupa, na ipinapahayag ang pagkumpleto ng Aking dakilang gawain para makita ng buong sangkatauhan sa sarili nilang mga mata.
Habang lumalakas ang Aking tinig, pinagmamasdan Ko rin ang kalagayan ng sansinukob. Sa pamamagitan ng Aking mga salita, nababagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nagbabago ang langit, gayundin ang lupa. Ang sangkatauhan ay inilalantad sa orihinal na anyo nito at, dahan-dahan, bawat tao ay nakahiwalay ayon sa kanilang uri, at nahahanap ang kanilang landas nang hindi namamalayan pabalik sa sinapupunan ng kanilang pamilya. Lubha itong makalulugod sa Akin. Malaya Ako sa pagkagambala at, hindi halata, naisasakatuparan ang Aking dakilang gawain, at binabagong lahat ang napakaraming bagay na nilikha. Nang likhain Ko ang mundo, ginawa Ko ang lahat ng bagay ayon sa kanilang uri, na isinasama ang lahat ng bagay na magkakapareho ang anyo sa kauri ng mga ito. Habang nalalapit ang pagtatapos ng Aking plano ng pamamahala, ipanunumbalik Ko ang dating kalagayan ng paglikha; ipanunumbalik Ko ang lahat ng bagay sa orihinal nitong ayos, na gumagawa ng malaking pagbabago sa lahat ng bagay, upang lahat ng bagay ay mabalik sa pinagmulan ng Aking plano. Dumating na ang panahon! Ang huling yugto ng Aking plano ay malapit nang matupad. Ah, maruming lumang mundo! Tiyak na sasailalim ka sa Aking mga salita! Tiyak na mawawalan ka ng halaga ayon sa Aking plano! Ah, ang napakaraming bagay ng paglikha! Magtatamo kayong lahat ng bagong buhay ayon sa Aking mga salita—mapapasainyo ang inyong Panginoong makapangyarihan sa lahat! Ah, dalisay at walang-bahid dungis na bagong mundo! Tiyak na muli kang mabubuhay sa loob ng Aking kaluwalhatian! Ah, Bundok ng Sion! Huwag nang manahimik—nakabalik na Ako nang matagumpay! Mula sa gitna ng paglikha, sinisiyasat Ko ang buong daigdig. Sa lupa, nagsimula na ng bagong buhay at nagkamit na ng bagong pag-asa ang sangkatauhan. Ah, Aking mga tao! Paanong hindi kayo muling mabubuhay sa loob ng Aking liwanag? Paanong hindi kayo magtatalunan sa galak sa ilalim ng Aking patnubay? Nagsisigawan sa saya ang mga lupain, namamaos sa masayang paghalakhak ang katubigan! Ah, ang nabuhay na mag-uling Israel! Paanong hindi ka magmamalaki dahil sa Aking itinakdang hantungan? Sino ang napaiyak? Sino ang napahagulgol? Ang dating Israel ay nawala na, at ang Israel sa ngayon ay nagbangon na, nang tuwid at matayog sa mundo, at nakatayo sa puso ng buong sangkatauhan. Tiyak na matatamo ng Israel ngayon ang pinagmumulan ng pag-iral sa pamamagitan ng Aking mga tao! Ah, kasuklam-suklam na Ehipto! Siguro naman ay hindi ka na laban sa Akin? Paano mo nagagawang samantalahin ang Aking awa at sinusubukang takasan ang Aking pagkastigo? Paanong hindi ka makairal sa loob ng Aking pagkastigo? Lahat ng Aking minamahal ay tiyak na mabubuhay nang walang hanggan, at lahat ng laban sa Akin ay tiyak na kakastiguhin Ko nang walang hanggan. Sapagkat Ako ay isang mapanibughuing Diyos at hindi Ko basta patatawarin ang mga tao sa lahat ng kanilang nagawa. Babantayan Ko ang buong daigdig at, habang nagpapakita sa Silangan ng mundo nang may katuwiran, kamahalan, poot, at pagkastigo, ihahayag Ko ang Aking sarili sa napakaraming hukbo ng sangkatauhan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 64
Kapag ang mga anghel ay tumutugtog ng musika ng papuri sa Akin, hindi nito mapigilang pukawin ang Aking awa sa tao. Biglang napupuspos ng kalungkutan ang puso Ko, at imposibleng mapawi Ko sa Aking sarili ang masakit na damdaming ito. Sa mga kagalakan at kalungkutan ng mahiwalay at pagkatapos ay makasamang muli ang tao, hindi namin nagawang magpalitan ng mga damdamin. Magkabukod sa langit sa itaas at sa lupa sa ibaba, bihira Kong makatagpo ang tao. Sino ang makakahulagpos sa paggunita sa mga dating damdamin? Sino ang makakapigil sa pag-alaala sa nakaraan? Sino ang hindi aasam sa pagpapatuloy ng mga damdamin ng nakaraan? Sino ang hindi mananabik sa Aking pagbalik? Sino ang hindi aasam na makasama Akong muli ng tao? Labis na nababagabag ang puso Ko, at labis na nag-aalala ang espiritu ng tao. Bagama’t magkapareho sa espiritu, hindi kami maaaring magkasama nang madalas, at hindi namin makikita nang madalas ang isa’t isa. Sa gayon ay puno ng dalamhati at walang sigla ang buhay ng buong sangkatauhan, sapagkat lagi nang nananabik ang tao sa Akin. Para bang ang mga tao ay mga bagay na bumagsak mula sa langit; isinisigaw nila ang Aking pangalan sa lupa, tumitingala sila sa Akin mula sa lupa—ngunit paano nila matatakasan ang mga panga ng gutom na gutom na lobo? Paano sila makakahulagpos mula sa mga banta at panunukso nito? Paanong hindi isasakripisyo ng mga tao ang kanilang sarili dahil sa pagsunod sa pagkakaayos ng Aking plano? Kapag malakas silang nagmamakaawa, inilalayo Ko ang Aking tingin mula sa kanila, hindi Ko na matiis na tingnan pa sila; ngunit paanong hindi Ko maririnig ang kanilang mga pag-iyak? Itatama Ko ang mga kawalang-katarungan sa mundo ng tao. Gagawin Ko mismo ang Aking gawain sa buong mundo, pagbabawalan Ko si Satanas na muling saktan ang Aking mga tao, pagbabawalan Ko ang mga kaaway na muling gawin ang anumang gusto nila. Magiging Hari Ako sa lupa at ililipat Ko ang Aking luklukan doon, papangyayarihin Kong magpatirapa sa lupa ang lahat ng kaaway Ko at paaaminin Ko sa mga krimen nila sa Aking harapan. Sa Aking kalungkutan, na may kahalong galit, tatapakan Ko ang buong sansinukob, na wala ni isang matitira, at sisindakin Ko ang puso ng Aking mga kaaway. Paguguhuin Ko ang buong mundo, at pababagsakin Ko ang Aking mga kaaway sa mga guho, upang mula ngayon ay hindi na nila magawang tiwali ang sangkatauhan. Buo na ang Aking plano, at hindi ito dapat baguhin ng sinuman, maging sino man sila. Habang naglilibot Ako sa maringal na seremonya sa ibabaw ng sansinukob, gagawing bago ang buong sangkatauhan, at lahat ay bubuhaying muli. Hindi na iiyak ang tao, hindi na sila hihingi ng tulong sa Akin. Sa gayon ay magagalak ang Aking puso, at babalik ang mga tao upang ipagdiwang Ako. Magbubunyi ang buong sansinukob, mula itaas hanggang ibaba, dahil sa kagalakan …
Ngayon, sa mga bansa ng mundo, ginagawa Ko ang gawaing naitakda Kong isakatuparan. Naglilibot Ako sa gitna ng sangkatauhan, ginagawa Ko ang lahat ng gawain sa loob ng Aking plano, at pinagwawatak-watak ng buong sangkatauhan ang iba’t ibang bansa ayon sa Aking kalooban. Nakatutok ang pansin ng mga tao sa lupa sa sarili nilang hantungan, sapagkat tunay ngang papalapit na ang araw at hinihipan ng mga anghel ang kanilang trumpeta. Hindi na magkakaroon ng mga pagkaantala, at dahil doon ay magsisimulang magsayawan sa galak ang lahat ng nilikha. Sino ang makapagpapalawig nang kusa sa Aking araw? Isang taga-lupa? O ang mga bituin sa himpapawid? O ang mga anghel? Kapag Ako ay gumagawa ng isang pahayag upang simulan ang pagliligtas sa mga tao ng Israel, nalalapit na ang araw Ko sa buong sangkatauhan. Kinatatakutan ng bawat tao ang pagbalik ng Israel. Kapag nagbalik ang Israel, iyon ang magiging araw ng Aking kaluwalhatian, at sa gayon, iyon din ang magiging araw kung kailan lahat ng bagay ay nagbabago at napapanibago. Sa napipintong pagdating ng matuwid na paghatol sa buong sansinukob, pinanghihinaan ng loob at natatakot ang lahat ng tao, dahil sa mundo ng tao, wala pang nakarinig tungkol sa katuwiran. Kapag nagpakita ang Araw ng katuwiran, magliliwanag ang Silangan, at pagkatapos ay liliwanagan nito ang buong sansinukob, na umaabot sa lahat. Kung talagang maisasagawa ng tao ang Aking katuwiran, ano ang dapat ikatakot? Hinihintay ng Aking mga tao ang pagsapit ng araw Ko, inaasam nilang lahat ang pagdating ng araw Ko. Hinihintay nila Akong maghiganti sa buong sangkatauhan at planuhin ang hantungan ng sangkatauhan sa Aking papel bilang Araw ng katuwiran. Nagkakahugis ang Aking kaharian sa ibabaw ng buong sansinukob, at sinasakop ng Aking luklukan ang puso ng milyun-milyong tao. Sa tulong ng mga anghel, malapit nang magtagumpay ang Aking dakilang gawain. Sabik na hinihintay ng lahat ng Aking mga anak at Aking mga tao ang Aking pagbalik, inaasam na muli nila Akong makasama, upang hindi na muling magkahiwalay kailanman. Paanong hindi mag-uunahan ang napakaraming tao ng Aking kaharian patungo sa isa’t isa sa masayang pagdiriwang dahil makakasama nila Akong muli? Isa kaya itong muling pagsasama na hindi kailangang tumbasan ng anumang halaga? Ako ay marangal sa mga mata ng lahat ng tao, ipinahahayag Ako sa mga salita ng lahat. Bukod pa riyan, sa Aking pagbalik, lulupigin Ko ang lahat ng puwersa ng kaaway. Dumating na ang panahon! Pakikilusin Ko ang Aking gawain, mamamahala Ako bilang Hari sa gitna ng mga tao! Pabalik na Ako! At paalis na Ako! Ito ang inaasam ng lahat, ito ang kanilang nais. Ipamamalas Ko sa buong sangkatauhan ang pagsapit ng Aking araw, at sasalubungin nilang lahat ang pagdating ng Aking araw nang may kagalakan!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 27
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 65
Sa araw na muling nabuhay ang lahat ng bagay, pumarito Ako sa piling ng tao, at nakagugol Ako ng kamangha-manghang mga araw at gabi kasama siya. Sa puntong ito lamang nadarama nang kaunti ng tao na madali Akong lapitan, at habang dumadalas ang pakikipag-ugnayan niya sa Akin, nakikita niya ang ilan ng kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako—dahil dito, nagtatamo siya ng kaunting kaalaman tungkol sa Akin. Sa lahat ng tao, nagtataas Ako ng Aking ulo at nagmamasid, at nakikita nila Akong lahat. Subalit kapag sumasapit ang kalamidad sa mundo, agad silang nababalisa, at naglalaho sa kanilang puso ang Aking larawan; takot na takot sa pagsapit ng kalamidad, hindi nila pinapansin ang Aking mga paghimok. Maraming taon Kong nakapiling ang tao, subalit palaging hindi niya ito namamalayan, at hindi niya Ako nakilala kailanman. Ngayon sinasabi Ko ito sa kanya mula sa sarili Kong bibig, at pinahaharap Ko ang lahat ng tao sa Akin para tumanggap ng isang bagay mula sa Akin, ngunit lumalayo pa rin sila sa Akin, kaya nga hindi nila Ako nakikilala. Kapag tumahak ang Aking mga yapak sa buong sansinukob at sa mga dulo ng daigdig, magsisimulang magnilay-nilay ang tao sa kanyang sarili, at lahat ng tao ay lalapit sa Akin at yuyuko sa Aking harapan at sasambahin Ako. Ito ang araw na magtatamo Ako ng kaluwalhatian, ang araw ng Aking pagbabalik, at ang araw din ng Aking paglisan. Ngayon, sinimulan Ko na ang Aking gawain sa buong sangkatauhan, pormal na Akong nagsimula sa buong sansinukob sa pagwawakas ng Aking plano ng pamamahala. Mula sa sandaling ito, sinumang hindi maingat ay nanganganib na malublob sa gitna ng walang-awang pagkastigo, at maaari itong mangyari anumang sandali. Hindi ito dahil sa wala Akong puso; sa halip, isang hakbang ito ng Aking plano ng pamamahala; kailangang magpatuloy ang lahat ayon sa mga hakbang ng Aking plano, at walang sinuman na maaaring baguhin ito. Kapag pormal Kong sinimulan ang Aking gawain, lahat ng tao ay gagalaw tulad ng Aking paggalaw, kaya mag-aabala ang mga tao sa buong sansinukob sa pagsabay sa Akin, mayroong “kasayahan” sa buong sansinukob, at nauudyukan Kong sumulong ang tao. Dahil dito, nilalatigo Ko ang malaking pulang dragon mismo hanggang sa magdeliryo ito at malito, at nakakatulong ito sa Aking gawain, at, kahit ayaw nito, hindi nito magawang sundin ang sarili nitong mga pagnanasa, kundi wala itong mapagpilian kundi magpasakop sa Aking pamamahala. Sa lahat ng plano Ko, ang malaking pulang dragon ang Aking panghambing, Aking kaaway, at Akin ding alipin; dahil dito, hindi Ko kailanman niluwagan ang Aking “mga kinakailangan” dito. Samakatuwid, ang huling yugto ng gawain ng Aking pagkakatawang-tao ay natatapos sa sambahayan nito. Sa ganitong paraan, mas nakakagawa ng maayos na paglilingkod ang malaking pulang dragon para sa Akin, at sa pamamagitan nito’y lulupigin Ko ito at tatapusin ang Aking plano. Habang gumagawa Ako, lahat ng anghel ay magsisimula sa pangwakas na pakikibaka na kasama Ko at magpapasyang tuparin ang Aking mga naisin sa huling yugto, kaya ang mga tao sa lupa ay susuko sa Aking harapan kagaya ng mga anghel, at mawawalan ng hangaring salungatin Ako, at hindi gagawa ng anumang pagsuway sa Akin. Ito ang mga dinamika ng Aking gawain sa buong sansinukob.
Ang layunin at kabuluhan ng Aking pagdating sa piling ng tao ay para iligtas ang buong sangkatauhan, para ibalik ang buong sangkatauhan sa Aking sambahayan, para pagsamahing muli ang langit at lupa, at para hikayatin ang tao na iparating ang “mga hudyat” sa pagitan ng langit at lupa, sapagkat iyon ang likas na tungkulin ng tao. Sa panahon nang likhain Ko ang sangkatauhan, naihanda Ko na ang lahat ng bagay para sa sangkatauhan, at kalaunan, tinulutan Ko ang sangkatauhan na matanggap, ayon sa Aking mga kinakailangan, ang mga kayamanang ibinigay Ko sa kanya. Kaya naman, sinasabi Ko na nasa ilalim ng Aking patnubay ang narating ng buong sangkatauhan ngayon. At lahat ng ito ay plano Ko. Sa buong sangkatauhan, hindi mabilang ang dami ng mga taong umiiral sa ilalim ng proteksyon ng Aking pagmamahal, at hindi mabilang ang dami ng namumuhay sa ilalim ng pagkastigo ng Aking poot. Bagama’t lahat ng tao ay nagdarasal sa Akin, hindi pa rin nila kayang baguhin ang kasalukuyan nilang kalagayan; kapag nawalan na sila ng pag-asa, maaari lamang nilang hayaang ang likas na takbo ng mga pangyayari at tumigil sa pagsuway sa Akin, sapagkat ito lamang ang magagawa ng tao. Pagdating sa kalagayan ng buhay ng tao, hindi pa natatagpuan ng tao ang tunay na buhay, hindi pa rin niya natatalos ang kawalan ng katarungan, lagim, at miserableng mga kundisyon ng mundo—kaya nga, kung hindi dahil sa pagsapit ng kalamidad, yayakapin pa rin ng karamihan sa mga tao ang Inang Kalikasan, at aabalahin pa rin ang sarili nila sa mga kasarapan ng “buhay.” Hindi ba ito ang realidad ng mundo? Hindi ba ito ang tinig ng kaligtasan na sinasabi Ko sa tao? Bakit, sa sangkatauhan, wala pang tunay na nagmahal sa Akin kailanman? Bakit minamahal lamang Ako ng tao sa gitna ng pagkastigo at mga pagsubok, subalit walang sinumang nagmamahal sa Akin habang nasa ilalim ng Aking proteksyon? Maraming beses Ko nang iginawad ang Aking pagkastigo sa sangkatauhan. Tinitingnan nila ito, ngunit pagkatapos ay hindi nila ito pinapansin, at hindi nila ito pinag-aaralan at pinag-iisipan sa oras na ito, kaya nga lahat ng sumasapit sa tao ay walang-awang paghatol. Isa lamang ito sa Aking mga pamamaraan ng paggawa, ngunit ito ay para baguhin pa rin ang tao at hikayatin siyang mahalin Ako.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 66
Naghahari Ako sa kaharian, at, bukod dito, naghahari Ako sa buong sansinukob; Ako’y kapwa Hari ng kaharian at Pinuno ng sansinukob. Mula sa oras na ito, titipunin Ko ang lahat ng hindi hinirang at sisimulan ang Aking gawain sa mga Hentil, at ibabalita Ko ang Aking mga atas administratibo sa buong sansinukob, upang matagumpay Kong masimulan ang susunod na hakbang ng Aking gawain. Gagamit Ako ng pagkastigo para ipalaganap ang Aking gawain sa mga Hentil, ibig sabihin, gagamit Ako ng puwersa laban sa lahat ng Hentil. Natural, ang gawaing ito ay isasagawa kasabay ng Aking gawain sa mga hinirang. Kapag namumuno at gumagamit ng kapangyarihan sa lupa ang Aking mga tao, iyon din ang araw na lahat ng tao sa lupa ay nalupig na, at, bukod dito, iyon ang panahon na magpapahinga Ako—at saka lamang Ako magpapakita sa lahat ng nalupig na. Nagpapakita Ako sa banal na kaharian, at itinatago ang Aking Sarili mula sa lupain ng karumihan. Lahat ng nalupig na at nagiging masunurin sa Aking harapan ay nakikita ang Aking mukha gamit ang sarili nilang mga mata, at naririnig ang Aking tinig gamit ang sarili nilang mga tainga. Ito ang pagpapala sa mga isinilang sa mga huling araw, ito ang pagpapalang Aking itinadhana, at hindi ito mababago ng sinumang tao. Ngayon, gumagawa Ako sa ganitong paraan alang-alang sa gawain ng kinabukasan. Lahat ng Aking gawain ay magkakaugnay, sa lahat ng ito, may isang panawagan at tugon: Hindi kailanman tumigil nang biglaan ang anumang hakbang, at hindi kailanman na naisakatuparan ang anumang hakbang nang hiwalay sa iba pa. Hindi ba ganoon iyon? Hindi ba ang gawain ng nakalipas ang pundasyon ng gawain ng ngayon? Hindi ba ang mga salita ng nakalipas ang pasimula sa mga salita ngayon? Hindi ba ang mga hakbang ng nakalipas ang pinagmumulan ng mga hakbang ng ngayon? Kapag pormal Ko nang binuksan ang balumbon, iyon ang panahon kung kailan kakastiguhin ang mga tao sa buong sansinukob, kapag isinailalim ang mga tao sa buong mundo sa mga pagsubok, at ito ang rurok ng Aking gawain; lahat ng tao ay nabubuhay sa isang lupaing walang liwanag, at lahat ng tao ay nabubuhay sa gitna ng mga banta sa kanilang paligid. Sa madaling salita, ito ang buhay na hindi pa kailanman naranasan ng tao mula noong panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyang araw, at walang sinuman sa buong kapanahunan ang “nagtamasa” kailanman ng ganitong uri ng buhay, kaya nga sinasabi Ko na nagawa Ko na ang gawaing hindi pa nagagawa kailanman. Ito ang tunay na kalagayan ng mga pangyayari, at ito ang nakapaloob na kahulugan. Dahil papalapit na ang Aking araw sa buong sangkatauhan, dahil hindi ito malayo sa tingin kundi nasa harap mismo ng mga mata ng tao, sino ang hindi matatakot dahil dito? At sino ang hindi matutuwa rito? Sa wakas, dumating na ang katapusan ng maruming lungsod ng Babilonia; nakitang muli ng tao ang isang bagung-bagong mundo, at ang langit at lupa ay nabago na at napanibago.
Kapag nagpapakita Ako sa lahat ng bansa at lahat ng tao, umiikot ang mga puting ulap sa himpapawid at binabalot Ako. Gayon din, nag-aawitan at nagsasayawan ang mga ibon sa lupa sa galak para sa Akin, na nagbibigay-diin sa kapaligiran sa lupa, at sa gayo’y sumisigla ang lahat ng bagay sa lupa, upang hindi na “dahan-dahang matangay pababa,” kundi sa halip ay mabuhay sa gitna ng kapaligirang puno ng sigla. Kapag Ako ay nasa mga ulap, di-gaanong nawawari ng tao ang Aking mukha at Aking mga mata, at sa oras na ito ay medyo takot siya. Noong araw, nakarinig na siya ng mga tala ng kasaysayan tungkol sa Akin sa mga alamat, at dahil dito ay medyo naniniwala at medyo nagdududa lamang siya sa Akin. Hindi niya alam kung nasaan Ako, o kung gaano kalaki ang Aking mukha—kasinglapad ba ito ng dagat, o walang-hangganang tulad ng mga luntiang pastulan? Walang sinuman ang nakaaalam ng mga bagay na ito. Kapag nakikita ngayon ng tao ang Aking mukha sa mga ulap, saka lamang niya nadarama na ang Ako na nasa alamat ay totoo, kaya nga siya ay medyo mas tanggap niya Ako, at dahil lamang sa Aking mga gawa kaya medyo nadaragdagan ang kanyang paghanga sa Akin. Ngunit hindi pa rin Ako kilala ng tao, at isang bahagi Ko lamang sa mga ulap ang kanyang nakikita. Pagkatapos noon, inuunat Ko ang Aking mga bisig at ipinapakita ang mga iyon sa tao. Namamangha ang tao, at itinatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig, takot na takot na mahampas ng Aking kamay, kaya nga dinaragdagan niya ng kaunting pagpipitagan ang kanyang paghanga. Ipinipirmi ng tao ang kanyang mga mata sa bawat kilos Ko, labis na natatakot na hahampasin Ko siya kapag hindi siya nakatingin—subalit hindi Ako nalilimitahan dahil sa pinagmamasdan Ako ng tao, at patuloy Kong ginagawa ang gawaing nasa Aking mga kamay. Sa lahat ng gawa lamang na Aking ginagawa nagkakaroon ng kaunting pagtanggap ang tao sa Akin, at sa gayo’y unti-unting lumalapit sa Aking harapan para makisama sa Akin. Kapag nahayag sa tao ang Aking kabuuan, makikita ng tao ang Aking mukha, at mula noon ay hindi na Ako magtatago o magkukubli ng Aking Sarili mula sa tao. Sa buong sansinukob, magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng tao, at lahat ng may laman at dugo ay mapagmamasdan ang lahat ng Aking gawa. Lahat ng nasa espiritu ay tiyak na mananahan nang payapa sa Aking sambahayan, at siguradong magtatamasa ng kamangha-manghang mga pagpapala kasama Ko. Lahat ng Aking kinakalinga ay tiyak na matatakasan ang pagkastigo at tiyak na maiiwasan ang hapdi ng espiritu at ang paghihirap ng laman. Magpapakita Ako nang hayagan sa lahat ng tao at mamumuno at gagamit ng kapangyarihan, upang hindi na lumaganap pa sa sansinukob ang amoy ng mga bangkay; sa halip, lalaganap ang Aking sariwang halimuyak sa buong mundo, dahil papalapit na ang Aking araw, gumigising ang tao, nasa ayos ang lahat sa lupa, at wala na ang mga araw ng pakikibaka sa lupa para mabuhay, sapagkat dumating na Ako!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 29
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 67
Pupunuin Ko ang pinakamataas na langit ng mga pagpapamalas ng Aking mga kilos at papangyayarihin Kong magpatirapa ang lahat ng bagay sa lupa sa ilalim ng Aking kapangyarihan, sa gayon ay ipatutupad Ko ang Aking plano para sa “pandaigdigang pagkakaisa” at papangyayarihin Kong magkakatotoo ang isang pangarap Kong ito, upang hindi na “magpapagala-gala” ang sangkatauhan sa balat ng lupa, kundi makatagpo ng akmang hantungan nang walang pagkaantala. Iniisip Ko ang sangkatauhan sa lahat ng paraan, ginagawa ito upang mamuhay ang buong sangkatauhan sa isang lupain ng kapayapaan at kaligayahan sa lalong madaling panahon, upang ang mga araw sa kanilang buhay ay hindi na maging malungkot at mapanglaw, at upang ang Aking plano ay hindi mawalan ng saysay sa ibabaw ng lupa. Dahil umiiral doon ang tao, itatatag Ko ang Aking bansa sa ibabaw ng lupa, sapagkat ang isang bahagi ng pagpapamalas ng Aking kaluwalhatian ay nasa ibabaw ng lupa. Sa langit sa itaas, ilalagay Ko sa ayos ang Aking lungsod para magawang bago ang lahat sa itaas at ibaba. Pagkakaisahin Ko ang lahat ng umiiral sa itaas at ibaba ng langit, upang lahat ng bagay sa lupa ay makaisa ng lahat ng nasa langit. Ito ang Aking plano; ito ang isasakatuparan Ko sa huling kapanahunan—huwag hayaang makialam ang sinuman sa bahaging ito ng Aking gawain! Ang pagpapalawak ng Aking gawain sa mga bansang Hentil ang huling bahagi ng Aking gawain sa lupa. Walang sinumang nakakaarok sa gawaing Aking gagawin, at dahil dito, medyo naguguluhan ang mga tao. At dahil abalang-abala Ako sa Aking gawain sa lupa, sinasamantala ng mga tao ang pagkakataong “maglaro.” Para mapigilan ang sobrang katigasan ng kanilang ulo, inilagay Ko na muna sila sa ilalim ng Aking pagkastigo para tiisin ang pagdidisiplina ng lawa ng apoy. Ito ay isang hakbang sa Aking gawain, at gagamitin Ko ang kapangyarihan ng lawa ng apoy upang isakatuparan ang hakbang na ito ng Aking gawain; kung hindi, magiging imposibleng isagawa ang Aking gawain. Papangyayarihin Kong magpasakop ang mga tao sa buong sansinukob sa harap ng Aking luklukan, na hinahati sila sa iba’t ibang kategorya ayon sa Aking paghatol, pinagbubukud-bukod sila ayon sa mga kategoryang ito, at bukod pa riyan ay inaayos Ko sila sa kanilang mga pamilya, upang tumigil ang buong sangkatauhan sa pagsuway sa Akin, at sa halip ay bumagsak sa isang masinop at maayos na plano ayon sa mga kategoryang Aking napangalanan—huwag hayaang gumalaw ang kahit sino! Sa buong sansinukob, nakagawa Ako ng bagong gawain; sa buong sansinukob, buong sangkatauhan ay natutulala at napipipi sa Aking biglang pagpapakita, ang kanilang mga abot-tanaw ay lubhang pinalawak ng Aking hayagang pagpapakita. Hindi ba gayon ang nangyari ngayon?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 43
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 68
Ipinalalaganap Ko ang Aking gawain sa mga bansang Hentil. Kumikislap ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob; taglay ng lahat ng tala-tala-tuldok-tuldok na tao sa loob nila ang Aking kalooban, at silang lahat ay pinapatnubayan ng Aking kamay at sinisimulan ang mga gawaing itinalaga Ko. Simula sa puntong ito, nakapasok na Ako sa isang bagong kapanahunan, na dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “bayang tinubuan,” sinimulan Ko ang isa pang bahagi ng gawain sa Aking orihinal na plano, para mas makilala Ako ng tao. Isinasaalang-alang Ko ang buong sansinukob at tinitiyak na[a] angkop ang pagkakataong ito para sa Aking gawain, kaya nagmamadali Ako sa lahat ng dako, na ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao. Tutal, ito naman ay isang bagong kapanahunan, at nagdala Ako ng bagong gawain upang madala ang mas maraming bagong tao sa bagong kapanahunan at maalis ang mas marami sa mga palalayasin Ko. Sa bansa ng malaking pulang dragon, nagawa Ko na ang isang yugto ng gawain na hindi maarok ng mga tao, na dahilan upang umindayog sila sa hangin, pagkatapos ay marami ang tahimik na natatangay ng ihip ng hangin. Tunay na ito ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ang kinasasabikan Ko at ito rin ang plano Ko. Sapagkat maraming masasamang nakapasok habang gumagawa Ako, ngunit hindi Ako nagmamadaling itaboy sila. Bagkus, ikakalat Ko sila pagdating ng tamang panahon. Pagkatapos lamang noon Ako magiging bukal ng buhay, na nagtutulot sa mga tunay na nagmamahal sa Akin na matanggap mula sa Akin ang bunga ng puno ng igos at ang halimuyak ng liryo. Sa lupain kung saan pansamantalang naninirahan si Satanas, ang lupain ng alikabok, walang nananatiling purong ginto, buhangin lamang, kaya nga, sa pagtugon sa mga sitwasyong ito, ginagawa Ko ang yugtong ito ng gawain. Dapat mong malaman na ang natatamo Ko ay puro at dalisay na ginto, hindi buhangin. Paano makakapanatili ang masasama sa Aking sambahayan? Paano Ko matutulutan ang mga soro na maging mga parasito sa Aking paraiso? Ginagamit Ko ang lahat ng maiisip na pamamaraan para itaboy ang mga ito. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang nakakaalam sa gagawin Ko. Para masamantala ang pagkakataong ito, itinataboy Ko ang masasama, at napipilitan silang umalis sa Aking harapan. Ito ang ginagawa Ko sa masasama, ngunit darating pa rin ang araw na maglilingkod sila sa Akin. Napakatindi ng pagnanasa ng mga tao sa mga pagpapala; kaya pumipihit Ako at ipinapakita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa mga Hentil, para mabuhay ang lahat ng tao sa sarili nilang mundo at husgahan ang kanilang sarili, habang patuloy Kong binibigkas ang mga salitang dapat Kong bigkasin, at ipinagkakaloob sa mga tao ang kanilang kailangan. Kapag natauhan na ang mga tao, matagal Ko nang naipalaganap ang Aking gawain. Pagkatapos ay ipapahayag Ko ang Aking kalooban sa mga tao, at sisimulan Ko ang ikalawang bahagi ng Aking gawain sa kanila, hinahayaan silang lahat na sundan Akong mabuti para makatugma sa Aking gawain, at hinahayaan ang mga taong gawin ang lahat ng kanilang magagawa upang maisagawang kasama Ko ang gawaing kailangan Kong gawin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Talababa:
a. Wala sa orihinal na teksto ang pariralang “tinitiyak na.”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 69
Walang sinuman ang may pananampalataya na makikita nila ang Aking kaluwalhatian, at hindi Ko sila pinipilit, kundi sa halip ay inaalis Ko ang Aking kaluwalhatian mula sa sangkatauhan at dinadala ito sa ibang mundo. Kapag muling nagsisi ang mga tao, kukunin Ko ang Aking kaluwalhatian at mas ipapakita ito sa mga may pananampalataya. Ito ang prinsipyong batayan ng Aking paggawa. Sapagkat may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang Canaan, at may isang panahon din na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang mga taong hinirang. Bukod pa rito, may isang panahon na iniiwan ng Aking kaluwalhatian ang buong mundo, kaya kumukulimlim ito at lumulubog sa kadiliman. Kahit ang lupain ng Canaan ay hindi makikita ang sikat ng araw; lahat ng tao ay mawawalan ng pananampalataya, ngunit walang makakatiis na iwan ang halimuyak ng lupain ng Canaan. Kapag nakapasok Ako sa bagong langit at lupa ay saka Ko kukunin ang isa pang bahagi ng Aking kaluwalhatian at ihahayag muna ito sa lupain ng Canaan, na magiging sanhi ng pagkislap ng liwanag sa buong mundo, na nakalubog sa napakadilim na gabi, upang maaaring lumapit sa liwanag ang buong mundo; upang maaaring humugot ng lakas mula sa kapangyarihan ng liwanag ang lahat ng tao sa buong mundo, na nagpapaibayo at muling nagpapakita ng Aking kaluwalhatian sa bawat bansa; at upang maaaring matanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong naparito sa mundo ng mga tao at matagal Ko nang dinala ang Aking kaluwalhatian mula sa Israel patungong Silangan; sapagkat ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan at ito ay dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa araw na ito. Ngunit sa Israel Ako lumisan at doon Ako nagmula nang dumating Ako sa Silangan. Kapag unti-unti nang pumuputi ang liwanag ng Silangan ay saka lamang magsisimulang magliwanag ang kadiliman sa buong mundo, at saka lamang matutuklasan ng tao na matagal Ko nang nilisan ang Israel at muli Akong bumabangon sa Silangan. Dahil minsan na Akong bumaba sa Israel at kalaunan ay nilisan Ko ito, hindi na Ako maaaring isilang na muli sa Israel, dahil namumuno ang Aking gawain sa buong sansinukob at, bukod pa rito, kumikidlat mula sa Silangan patungong Kanluran. Dahil dito bumaba na Ako sa Silangan at dinala Ko ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Dadalhin Ko sa lupain ng Canaan ang mga tao mula sa buong mundo, kaya nga patuloy Akong bumibigkas ng mga salita sa lupain ng Canaan upang kontrolin ang buong sansinukob. Sa pagkakataong ito, walang liwanag sa buong mundo maliban sa Canaan, at nanganganib na magutom at ginawin ang lahat ng tao. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay binawi Ko ito, sa paraang ito ay dinadala ang mga Israelita sa Silangan at ang buong sangkatauhan sa Silangan. Dinala Ko na silang lahat sa liwanag para muli nila itong makasama, at makasalamuha, at hindi na nila kailangan pang hanapin ito. Ipapakita Kong muli ang liwanag sa mga naghahanap dito at ang kaluwalhatiang tinaglay Ko sa Israel; ipapakita Ko sa kanila na matagal na Akong bumaba sakay ng puting ulap sa gitna ng sangkatauhan, ipapakita Ko sa kanila ang napakaraming puting ulap at kumpul-kumpol na saganang mga bunga, at, bukod pa rito, ipapakita Ko sa kanila ang Diyos na si Jehova ng Israel. Ipapakita Ko sa kanila ang Guro ng mga Hudyo, ang pinakahihintay na Mesiyas, at ang buong anyo Ko na pinag-uusig ng mga hari sa lahat ng panahon. Gagawa Ako sa buong sansinukob at magsasagawa Ako ng dakilang gawain, na inihahayag ang Aking buong kaluwalhatian at ang lahat ng Aking gawa sa tao sa mga huling araw. Ipapakita Ko ang kabuuan ng Aking maluwalhating mukha sa mga naghintay nang maraming taon para sa Akin, sa mga nanabik na pumarito Ako sakay ng puting ulap, sa Israel na nanabik na muli Akong magpakita, at sa buong sangkatauhan na umuusig sa Akin, para malaman ng lahat na matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, at wala na ito sa Judea. Sapagkat sumapit na ang mga huling araw!
Sa buong sansinukob ginagawa Ko ang Aking gawain, at sa Silangan, walang humpay ang mga dagundong ng kulog, niyayanig ang lahat ng bansa at denominasyon. Ang Aking tinig ang umakay sa lahat ng tao sa kasalukuyan. Idinudulot Ko na malupig ng Aking tinig ang lahat ng tao, upang madala sila sa daloy na ito, at magpasakop sa Aking harapan, sapagkat matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong mundo at muli itong inilabas sa Silangan. Sino ang hindi nasasabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi sabik na naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nananabik sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi hahanga sa kasaganaan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Manunubos? Sino ang hindi sumasamba sa Kanya na dakila ang kapangyarihan? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong mundo; haharapin Ko ang mga taong Aking hinirang at sasambit Ako ng iba pang mga salita sa kanila. Gaya ng malalakas na kulog na yumayanig sa mga bundok at ilog, sinasambit Ko ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay naging yaman na ng tao, at itinatangi ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikidlat mula sa Silangan patungo sa Kanluran. Ang Aking mga salita ay ayaw isuko ng tao at kasabay nito ay hindi rin niya ito maarok, kundi mas nagagalak dito. Natutuwa at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagparito, na tila ba kasisilang lamang ng isang sanggol. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa lahi ng mga tao para lumapit sila upang sambahin Ako. Taglay ang kaluwalhatiang nababanaag sa Akin at ang mga salita sa Aking bibig, pahaharapin Ko ang lahat ng tao sa Akin at makikita nila na kumikidlat mula sa Silangan at na bumaba na rin Ako sa “Bundok ng mga Olibo” sa Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa lupa, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo kundi bilang Kidlat ng Silanganan. Sapagkat matagal na Akong nabuhay na muli, at lumisan mula sa sangkatauhan, at pagkatapos ay muli Akong nagpakita nang may kaluwalhatian sa mga tao. Ako Siya na sinamba napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon, at Ako rin ang sanggol na tinalikuran ng mga Israelita napakahabang panahon na ang nakalipas bago ngayon. Bukod dito, Ako ang napakamaluwalhating Makapangyarihang Diyos ng kasalukuyang panahon! Palapitin ang lahat sa Aking luklukan at ipakita ang Aking maluwalhating mukha, iparinig ang Aking tinig, at patingnan ang Aking mga gawa. Ito ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang wakas at kasukdulan ng Aking plano, gayon din ang layunin ng Aking pamamahala: ang pasambahin sa Akin ang bawat bansa, ang kilalanin Ako ng bawat wika, ang isandig sa Akin ng bawat tao ang kanyang pananampalataya, at magpailalim sa Akin ang bawat tao!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nagpopropesiya na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 70
Sa loob ng ilang libong taon, pinanabikan na ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Pinanabikan na ng tao na mamasdan si Jesus na Tagapagligtas sakay ng isang puting ulap habang Siya ay bumababa, nang personal, sa gitna ng mga nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libu-libong taon. Hinangad na rin ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muli nilang makasama; ibig sabihin, inasam nilang bumalik si Jesus na Tagapagligtas, na nahiwalay sa mga tao sa loob ng libu-libong taon, at muling isakatuparan ang gawain ng pagtubos na Kanyang ginawa sa mga Hudyo, maging mahabagin at mapagmahal sa tao, patawarin ang mga kasalanan ng tao at pasanin ang mga kasalanan ng tao, at pasanin maging ang lahat ng paglabag ng tao at palayain ang tao mula sa kasalanan. Ang pinananabikan ng tao ay ang maging katulad ng dati si Jesus—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, mabait, at kapita-pitagan, na hindi kailanman napopoot sa tao, at hindi kailanman sinasaway ang tao, kundi pinatatawad at pinapasan ang lahat ng kasalanan ng tao, at mamamatay pa sa krus, tulad ng dati, para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulong sumunod sa Kanya, gayundin ang lahat ng banal na naligtas salamat sa Kanyang pangalan, ay desperadong nananabik sa Kanya at naghihintay sa Kanya. Lahat ng naligtas sa pamamagitan ng biyaya ni Jesucristo sa Kapanahunan ng Biyaya ay matagal nang nananabik sa masayang araw na yaon sa mga huling araw kung kailan si Jesus na Tagapagligtas ay bababa sakay ng isang puting ulap upang humarap sa lahat ng tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang inaasam ng lahat ng tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Lahat sa buong sansinukob na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay matagal nang desperadong nananabik na biglang dumating si Jesucristo upang tuparin ang sinabi ni Jesus habang nasa lupa: “Babalik Ako tulad ng Aking paglisan.” Naniniwala ang tao na, kasunod ng pagkapako sa krus at pagkabuhay na mag-uli, bumalik si Jesus sa langit sakay ng isang puting ulap upang umupo sa Kanyang lugar sa kanang kamay ng Kataas-taasan. Sa gayon ding paraan, bababang muli si Jesus sakay ng isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong matagal nang desperadong nananabik sa Kanya sa loob ng libu-libong taon, at na tataglayin Niya ang imahe at pananamit ng mga Hudyo. Matapos magpakita sa tao, pagkakalooban Niya sila ng pagkain, at pabubukalin ang tubig na buhay para sa kanila, at mamumuhay Siya sa piling ng tao, puspos ng biyaya at puspos ng pagmamahal, buhay at tunay. Ang lahat ng gayong kuru-kuro ang pinaniniwalaan ng mga tao. Subalit hindi ito ginawa ni Jesus na Tagapagligtas; ginawa Niya ang kabaligtaran ng inakala ng tao. Hindi Siya dumating sa mga naghangad sa Kanyang pagbalik, at hindi Siya nagpakita sa lahat ng tao habang nakasakay sa puting ulap. Dumating na Siya, ngunit hindi alam ng tao, at nananatili silang walang alam. Naghihintay lamang ang tao sa Kanya nang walang layon, nang hindi namamalayan na bumaba na Siya sakay ng isang “puting ulap” (ang ulap na Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, Kanyang buong disposisyon at lahat ng kung ano Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mananagumpay na Kanyang gagawin sa mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Sa kabila ng lahat ng pagsuyo at pagmamahal ng banal na Tagapagligtas na si Jesus sa tao, paano Siya makagagawa roon sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at maruruming espiritu? Bagama’t matagal nang hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga kumakain ng laman ng masasama, umiinom ng dugo ng masasama, at nagsusuot ng mga damit ng masasama, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na nanghuhuthot sa Kanya? Alam lamang ng tao na si Jesus na Tagapagligtas ay puspos ng pagmamahal at umaapaw ang habag, at na Siya ang handog dahil sa kasalanan, na puspos ng pagtubos. Gayunman, walang ideya ang tao na Siya ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamakatuwiran, kamahalan, galit, at paghatol, na nagtataglay ng awtoridad, at puno ng dignidad. Samakatuwid, bagama’t sabik na sabik ang tao at nagmimithi sa pagbalik ng Manunubos, at maging ang kanilang mga dalangin ay umaantig sa “Langit,” hindi nagpapakita si Jesus na Tagapagligtas sa mga naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 71
Ang anim-na-libong-taong plano ng pamamahala ng Diyos ay malapit na sa pagtatapos, at ang tarangkahan ng kaharian ay nabuksan na para sa lahat niyaong naghahanap ng Kanyang pagpapakita. Minamahal na mga kapatid, ano pa ang hinihintay ninyo? Ano ang hinahanap ninyo? Kayo ba ay naghihintay sa pagpapakita ng Diyos? Hinahanap ba ninyo ang Kanyang mga yapak? Talagang dapat kapanabikan ang pagpapakita ng Diyos! At talagang napakahirap masumpungan ang mga yapak ng Diyos! Sa kapanahunang tulad ngayon, sa mundong tulad nito, ano ang nararapat nating gawin upang masaksihan ang araw ng pagpapakita ng Diyos? Ano ang nararapat nating gawin upang makasabay sa mga yapak ng Diyos? Ang mga katanungang ganito ay kinakaharap ng lahat niyaong naghihintay na magpakita ang Diyos. Naisip na ninyo itong lahat nang hindi lamang miminsan—nguni’t ano ang kinalabasan? Saan nagpapakita ang Diyos? Nasaan ang mga yapak ng Diyos? Nakuha na ba ninyo ang sagot? Maraming tao ang sasagot nang ganito: “Ang Diyos ay nagpapakita sa gitna niyaong mga sumusunod sa Kanya at ang Kanyang mga yapak ay nasa ating kalagitnaan; ganyan lamang kapayak!” Kahit sino ay makapagbibigay ng mala-pormulang sagot, nguni’t naiintindihan ba ninyo kung ano ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos o ng Kanyang mga yapak? Ang pagpapakita ng Diyos ay tumutukoy sa Kanyang pagdating sa lupa upang gawin ang Kanyang gawain nang personal. Dala ang Kanyang sariling pagkakakilanlan at disposisyon, at sa pamamaraang likas sa Kanya, Siya ay bumababa sa sangkatauhan upang isakatuparan ang gawain ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Ang ganitong uri ng pagpapakita ay hindi isang klase ng seremonya. Ito ay hindi isang tanda, isang larawan, isang himala, o isang uri ng malaking pangitain, at lalong hindi ito isang prosesong pangrelihiyon. Ito ay isang tunay at aktwal na katunayan na nahihipo at nakikita ng sinuman. Ang ganitong uri ng pagpapakita ay hindi upang kumilos nang wala sa loob, o para sa anumang pangmadaliang pagsasagawa; sa halip, ito ay para sa isang yugto ng gawain sa Kanyang plano ng pamamahala. Ang pagpapakita ng Diyos ay laging makabuluhan at laging nagtataglay ng ilang kaugnayan sa Kanyang plano ng pamamahala. Ang tinatawag na pagpapakita rito ay lubos na naiiba mula sa uri ng “pagpapakita” kung saan ang Diyos ay gumagabay, umaakay, at nagliliwanag sa tao. Isinasakatuparan ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang dakilang gawain sa tuwing inihahayag Niya ang Sarili Niya. Ang gawaing ito ay naiiba mula sa gawain ng alinmang iba pang kapanahunan. Hindi ito kayang isipin ng tao, at hindi pa naranasan kailanman ng tao. Ito ay gawain na nagsisimula ng isang bagong kapanahunan at nagwawakas ng lumang kapanahunan, at ito ay isang bago at pinahusay na uri ng gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan; bukod dito, ito ay gawain na nagdadala sa sangkatauhan sa bagong kapanahunan. Ito ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos.
Sa sandaling naunawaan na ninyo kung ano ang kahulugan ng pagpapakita ng Diyos, paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos? Ang katanungang ito ay hindi mahirap ipaliwanag: Kung saan nagpapakita ang Diyos, masusumpungan ninyo roon ang Kanyang mga yapak. Tila napakadiretso ng ganitong paliwanag, nguni’t hindi ito madali sa realidad, sapagka’t maraming tao ang hindi nakakaalam kung saan nagpapakita ang Diyos, lalong hindi kung saan Niya nais, o kung saan Siya dapat, magpakita. Ang ilan ay pabigla-biglang naniniwala na kung saanman gumagawa ang Banal na Espiritu, doon nagpapakita ang Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saanman mayroong mga espirituwal na tao, doon nagpapakita ang Diyos. O kung hindi naman ay naniniwala sila na kung saanman mayroong mga taong bantog, doon nagpapakita ang Diyos. Sa ngayon, isantabi natin kung tama man o mali ang gayong mga paniniwala. Upang ipaliwanag ang ganitong tanong, kailangan muna nating magkaroon ng isang malinaw na layunin: Hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos. Hindi tayo naghahanap ng mga espirituwal na tao, lalong hindi natin hinahangad ang mga bantog; hinahangad natin ang mga yapak ng Diyos. Dahil dito, yamang hinahanap natin ang mga yapak ng Diyos, dapat nating hanapin ang kalooban ng Diyos, ang mga salita ng Diyos, ang mga pagpapahayag ng Diyos—sapagka’t kung saanman naroon ang mga bagong salita na binibigkas ng Diyos, naroon ang tinig ng Diyos, at kung saanman naroon ang mga yapak ng Diyos, naroon ang mga gawa ng Diyos. Kung saanman naroon ang pagpapahayag ng Diyos, doon nagpapakita ang Diyos, at kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon umiiral ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Sa paghahanap sa mga yapak ng Diyos, nabalewala na ninyo ang mga salitang “Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.” At kaya, maraming tao, kahit pa tumatanggap sila ng katotohanan, ang hindi naniniwala na nakita na nila ang mga yapak ng Diyos, at lalo nang hindi nila kinikilala ang pagpapakita ng Diyos. Napakatinding pagkakamali! Ang pagpapakita ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga kuru-kuro ng tao, at lalong hindi maaaring magpakita ang Diyos ayon sa utos ng tao. Ang Diyos ay gumagawa ng Kanyang sariling mga pagpapasya at Kanyang sariling mga plano kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain; bukod dito, Siya ay may sariling mga layunin, at sarili Niyang mga pamamaraan. Anupaman ang gawaing ginagawa Niya, hindi Niya kailangang talakayin ito sa tao o hingin ang payo nito, lalo na ang ipaalam sa bawat tao ang tungkol sa Kanyang gawain. Ito ang disposisyon ng Diyos, na dapat, higit pa rito, kilalanin ng lahat. Kung nais ninyong masaksihan ang pagpapakita ng Diyos, sundan ang mga yapak ng Diyos, kung gayon nararapat muna ninyong iwan ang inyong sariling mga kuru-kuro. Hindi mo dapat utusan ang Diyos na gawin ito o iyan, lalong hindi mo Siya dapat ikulong sa sarili mong mga hangganan at limitahan Siya sa sarili mong mga kuru-kuro. Sa halip, dapat ay inoobliga ninyo sa inyong mga sarili kung paano ninyo dapat hanapin ang mga yapak ng Diyos, kung paano ninyo dapat tanggapin ang pagpapakita ng Diyos, at kung paano kayo dapat magpasailalim sa bagong gawain ng Diyos: Ito ang dapat na gawin ng tao. Dahil ang tao ay hindi ang katotohanan, at hindi nagtataglay ng katotohanan, dapat siyang maghanap, tumanggap, at sumunod.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 72
Ikaw man ay isang Amerikano, Ingles, o anumang iba pang lahi, dapat kang humakbang palabas ng mga hangganan ng iyong sariling lahi, nang hinihigitan ang iyong sarili, at tingnan ang gawain ng Diyos mula sa estado ng isang nilalang. Sa ganitong paraan, hindi ka maglalagay ng mga hangganan sa mga yapak ng Diyos. Ito ay dahil, ngayon, maraming tao ang nag-iisip na imposibleng magpapakita ang Diyos sa isang partikular na bansa o sa gitna ng partikular na mga tao. Napakalalim ng kabuluhan ng gawain ng Diyos, at napakahalaga ng pagpapakita ng Diyos! Paano masusukat ang mga ito ng mga kuru-kuro at pag-iisip ng tao? At kaya sinasabi Ko, dapat kang kumawala sa iyong mga kuru-kuro tungkol sa lahi o katutubong pinagmulan upang hanapin ang pagpapakita ng Diyos. Sa ganitong paraan ka lamang hindi masisikil ng sarili mong mga kuru-kuro; sa ganitong paraan ka lamang magiging karapat-dapat na salubungin ang pagpapakita ng Diyos. Kung hindi, mananatili ka sa walang-hanggang kadiliman, at hindi kailanman makakamtan ang pagsang-ayon ng Diyos.
Ang Diyos ay ang Diyos ng buong lahi ng tao. Hindi Niya itinuturing ang Sarili Niya bilang pribadong pag-aari ng anumang bansa o lahi, kundi ginagawa ang Kanyang gawain nang ayon sa Kanyang plano, nang hindi nalilimitahan ng anumang anyo, bansa, o lahi. Marahil hindi mo kailanman naisip ang anyong ito, o marahil pagtanggi ang iyong saloobin sa anyong ito, o marahil ang bansa kung saan inihahayag ng Diyos ang Kanyang Sarili at ang mga tao kung kanino Niya inihahayag ang Kanyang Sarili ay nagkataon lamang na hindi makatarungan kung itrato ng lahat at nagkataon lamang na ang pinakapaurong sa lupa. Nguni’t ang Diyos ay taglay ang Kanyang karunungan. Sa Kanyang dakilang kapangyarihan at sa pamamagitan ng Kanyang katotohanan at Kanyang disposisyon, tunay na nakamit na Niya ang isang grupo ng mga tao na kaisa Niya sa pag-iisip, at ang isang grupo ng mga tao na nais Niyang gawing ganap—isang grupong nalupig Niya, na, dahil natiis na ang lahat ng uri ng mga pagsubok at mga kapighatian at lahat ng uri ng pag-uusig, ay makakasunod sa Kanya hanggang sa katapus-tapusan. Ang layunin ng pagpapakita ng Diyos, na hindi limitado sa anumang anyo o bansa, ay ang matapos Niya ang Kanyang gawain alinsunod sa Kanyang plano. Gaya lamang ito nang ang Diyos ay nagkatawang-tao sa Judea: ang Kanyang pakay ay tapusin ang gawain ng pagpapapako sa krus upang tubusin ang buong sangkatauhan. Nguni’t naniwala ang mga Hudyo na imposibleng magawa ito ng Diyos, at inisip nila na imposibleng magiging tao ang Diyos sa anyo ng Panginoong Jesus. Ang kanilang “imposible” ang naging batayan ng kanilang pagkondena at paglaban sa Diyos, at sa kahuli-hulihan ay humantong sa pagkawasak ng Israel. Ngayon, maraming tao ang nakagawa na ng parehong pagkakamali. Buong-kalakasan nilang ipinahahayag ang nalalapit na pagpapakita ng Diyos, nguni’t kasabay nito ay kinokondena nila ang Kanyang pagpapakita; ang kanilang “imposible” ang muling nagkukulong sa pagpapakita ng Diyos sa loob ng mga hangganan ng kanilang imahinasyon. At sa gayon nakita Ko na ang maraming tao na bumulalas sa pagtawa matapos matagpuan ang mga salita ng Diyos. Nguni’t hindi ba ang pagtawang ito ay walang ipinagkaiba sa pagkondena at paglapastangan ng mga Hudyo? Hindi kayo nagpipitagan sa presensya ng katotohanan, lalong hindi ninyo taglay ang saloobing naghahangad. Ang ginagawa lamang ninyo ay nagsusuri nang walang pakundangan at walang-pakialam na naghihintay lamang. Ano ang mapapala ninyo sa pagsusuri at paghihintay nang ganito? Inaakala ba ninyong tatanggap kayo ng personal na patnubay mula sa Diyos? Kung hindi mo mahiwatigan ang mga pagpapahayag ng Diyos, paano ka magiging karapat-dapat na saksihan ang pagpapakita ng Diyos? Kung saanman nagpapakita ang Diyos, doon ipinapahayag ang katotohanan, at magiging naroon ang tinig ng Diyos. Tanging iyong mga makakatanggap sa katotohanan ang makaririnig sa tinig ng Diyos, at tanging ang mga ganitong tao ang karapat-dapat na makasaksi sa pagpapakita ng Diyos. Pakawalan mo ang iyong mga kuru-kuro! Tumahimik ka at basahing mabuti ang mga salitang ito. Kung naghahangad ka sa katotohanan, liliwanagan ka ng Diyos at mauunawaan mo ang Kanyang kalooban at Kanyang mga salita. Pakawalan ninyo ang inyong mga pananaw tungkol sa “imposible”! Habang lalong naniniwala ang mga tao na imposible ang isang bagay, mas lalong maaari itong mangyari, sapagka’t ang karunungan ng Diyos ay mas mataas pa sa mga kalangitan, ang mga iniisip ng Diyos ay higit pa sa mga iniisip ng tao, at ang gawain ng Diyos ay lampas sa mga hangganan ng pag-iisip at mga kuru-kuro ng tao. Habang mas imposible ang isang bagay, lalong higit na mayroon itong katotohanang mahahanap; habang mas lampas sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao ang isang bagay, lalong higit na ito ay naglalaman ng kalooban ng Diyos. Ito ay dahil, kahit saan pa Niya ipinakikita ang Sarili Niya, ang Diyos ay nananatiling Diyos, at ang Kanyang diwa ay hindi kailanman magbabago dahil lamang sa lugar o paraan ng Kanyang pagpapakita. Ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling pareho saanman naroon ang Kanyang mga yapak, at nasaan man ang mga yapak ng Diyos, Siya ay ang Diyos ng buong sangkatauhan, gaya ng ang Panginoong Jesus ay hindi lamang ang Diyos ng mga Israelita, kundi ang Diyos din ng lahat ng tao sa Asya, Europa, at Amerika, at higit pa rito ay ang nag-iisa at natatanging Diyos ng buong sansinukob. Kaya hanapin natin ang kalooban ng Diyos at tuklasin ang Kanyang pagpapakita mula sa Kanyang mga pagpapahayag, at sabayan ang Kanyang mga yapak! Ang Diyos ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang Kanyang mga salita at ang Kanyang pagpapakita ay sabay na umiiral, at ang Kanyang disposisyon at mga yapak ay bukas sa sangkatauhan sa lahat ng sandali. Minamahal na mga kapatid, umaasa Akong makikita ninyo ang pagpapakita ng Diyos sa mga salitang ito, uumpisahan ninyong sundan ang Kanyang mga yapak sa paghakbang ninyo tungo sa isang bagong kapanahunan, at papasok kayo sa magandang bagong langit at lupa na naihanda na ng Diyos para sa mga naghihintay sa Kanyang pagpapakita!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 1: Ang Pagpapakita ng Diyos ay Naghatid ng Isang Bagong Kapanahunan
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 73
Ang Diyos ay walang-imik, at hindi pa nagpakita sa atin kailanman, subalit hindi pa humihinto ang Kanyang gawain kailanman. Sinusuri Niya ang buong kalupaan, at inuutusan ang lahat ng bagay, at minamasdan ang lahat ng salita at gawa ng tao. Idinaraos Niya ang Kanyang pamamahala sa maiingat na hakbang at ayon sa Kanyang plano, tahimik at hindi kapansin-pansin, subalit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong, nang paisa-isa, palapit nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang luklukan ng paghatol ay ipinadadala sa sansinukob na simbilis ng kidlat, na ang kasunod ay bumababa kaagad ang Kanyang luklukan sa ating kalagitnaan. Napakaringal ng tanawing iyon, napakarangal at napakataimtim na tagpo! Parang kalapati, at parang umaatungal na leon, dumarating ang Espiritu sa ating kalagitnaan. Siya ang karunungan, Siya ang pagiging matuwid at maharlika, at dumarating Siya nang patago sa ating paligid, na nagpapakita ng awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at, bukod pa riyan, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nagpapatuloy tulad ng dati, walang naiiba sa kanyang puso, at lumilipas ang mga araw tulad ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating piling, bilang isang taong katulad ng iba pang mga tao, bilang isa sa pinakahamak na mga tagasunod at isang ordinaryong mananampalataya. Mayroon Siyang sariling mga layunin; at, bukod pa riyan, mayroon Siyang pagka-Diyos na hindi taglay ng ordinaryong mga tao. Walang sinumang nakapansin sa pag-iral ng Kanyang pagka-Diyos, at walang sinumang nakahiwatig sa pagkakaiba sa pagitan ng Kanyang diwa at ng diwa ng tao. Namumuhay tayo na kasama Siya, malaya at walang takot, sapagkat sa ating paningin Siya ay isa lamang hamak na mananampalataya. Minamasdan Niya ang bawat kilos natin, at lahat ng ating mga iniisip at ideya ay nakalantad sa Kanyang harapan. Walang sinumang may interes sa Kanyang pag-iral, walang sinumang nakakaisip ng anuman tungkol sa Kanyang tungkulin, at, bukod pa riyan, walang sinumang may kahit katiting na hinala tungkol sa Kanyang identidad. Ipinagpapatuloy lamang natin ang ating mga pinagsisikapan, na para bang wala Siyang kinalaman sa atin …
Nagkataon, nagpapahayag ng sipi ng mga salita ang Banal na Espiritu “sa pamamagitan” Niya, at kahit parang hindi ito inaasahan, magkagayunman ay kinikilala natin ito bilang isang pagbigkas na nagmumula sa Diyos at tinatanggap ito kaagad mula sa Diyos. Iyon ay dahil, sino man ang nagpapahayag ng mga salitang ito, basta’t nagmumula ito sa Banal na Espiritu, dapat nating tanggapin ang mga ito at hindi natin maaaring tanggihan ang mga ito. Ang susunod na pagbigkas ay maaaring dumating sa pamamagitan ko, o sa pamamagitan mo, o sa pamamagitan ng ibang tao. Sino man iyon, lahat ay biyaya ng Diyos. Subalit sino man iyon, hindi natin maaaring sambahin ang taong ito, sapagkat anuman ang mangyari, hindi posibleng ang Diyos ang taong ito, ni hindi tayo mamimili sa anumang paraan ng isang ordinaryong taong kagaya nito na maging ating Diyos. Ang ating Diyos ay lubhang dakila at kagalang-galang; paano Siya maaaring katawanin ng isang napakahamak na tao? Bukod pa riyan, naghihintay tayong dumating ang Diyos at dalhin tayo pabalik sa kaharian ng langit, kaya paano makakaya ng isang napakahamak na tao ang gayon kahalaga at kahirap na gawain? Kung muling pumarito ang Panginoon, kailangan ay sakay Siya ng puting ulap, para makita Siya ng lahat ng tao. Napakaluwalhati siguro noon! Paano Siya posibleng palihim na makakapagtago sa isang grupo ng ordinaryong mga tao?
Subalit ang ordinaryong taong ito, na nakatago sa gitna ng mga tao, ang gumagawa ng bagong gawaing iligtas tayo. Hindi Siya nagbibigay sa atin ng anumang mga paliwanag, ni hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya naparito, kundi ginagawa lamang Niya ang gawaing layon Niyang gawin nang may maiingat na hakbang at ayon sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at pagbigkas ay lalo pang nagiging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at pagbabala, hanggang sa pagsaway at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maamo, hanggang sa mga salitang malupit at maringal—lahat ng iyon ay nagkakaloob ng awa sa tao at nagpapakaba sa kanya. Lahat ng Kanyang sinasabi ay tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan; ang Kanyang mga salita ay dumuduro sa ating puso, dumuduro sa ating espiritu, at iniiwan tayong puno ng matinding kahihiyan, na halos hindi natin malaman kung saan tayo magtatago. Nagsisimula tayong mahiwagaan kung talagang mahal tayo ng Diyos na nasa puso ng taong ito at kung ano talaga ang balak Niyang gawin. Marahil ay madadala lamang tayo matapos magtiis ng mga pagdurusang ito? Sa ating isipan, nagtutuos tayo … tungkol sa ating hantungan at tungkol sa ating kapalaran sa hinaharap. Gayunman, tulad ng dati, walang sinuman sa atin ang naniniwala na nagkatawang-tao na ang Diyos upang gumawa sa gitna natin. Kahit nasamahan Niya tayo sa matagal na panahon, kahit nagsalita na Siya ng napakaraming salita sa ating harapan, ayaw pa rin nating tanggapin ang gayon kaordinaryong tao bilang Diyos ng ating hinaharap, at lalong ayaw rin nating ipagkatiwala ang pagkontrol sa ating hinaharap at ating kapalaran sa hamak na taong ito. Mula sa Kanya nagtatamasa tayo ng walang-katapusang panustos ng tubig na buhay, at sa pamamagitan Niya ay nabubuhay tayo na kasama ang Diyos. Ngunit nagpapasalamat lamang tayo sa biyaya ng Panginoong Jesus sa langit, at hindi natin binibigyang-pansin kailanman ang damdamin ng ordinaryong taong ito na nagtataglay ng pagka-Diyos. Tulad ng dati, patuloy Niyang ginagawa ang Kanyang gawain na mapagkumbabang nakatago sa katawang-tao, na ipinapahayag ang nasa kaibuturan ng Kanyang puso, na para bang hindi Niya nadarama ang pagtanggi sa Kanya ng sangkatauhan, na para bang walang-hanggang pinatatawad ang pagiging isip-bata at kamangmangan ng tao, at mapagparaya sa walang-pakundangang pag-uugali ng tao sa Kanya.
Hindi natin alam, inakay na tayo ng hamak na taong ito nang paisa-isang hakbang tungo sa gawain ng Diyos. Nagdaranas tayo ng napakaraming pagsubok, nagpapasan ng napakaraming pagtutuwid, at nasusubok ng kamatayan. Nalalaman natin ang matuwid at maharlikang disposisyon ng Diyos, natatamasa rin natin ang Kanyang pag-ibig at awa, natututuhang pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at karunungan ng Diyos, nasasaksihan ang pagiging kaibig-ibig ng Diyos, at namamasdan ang sabik na hangarin ng Diyos na iligtas ang tao. Sa mga salita ng ordinaryong taong ito, nalalaman natin ang disposisyon at diwa ng Diyos, nauunawaan ang kalooban ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at nakikita ang landas tungo sa kaligtasan at pagiging perpekto. Ang Kanyang mga salita ay nagiging sanhi upang tayo ay “mamatay,” at nagiging sanhi upang tayo ay “ipanganak na muli”; ang Kanyang mga salita ay naghahatid sa atin ng ginhawa, subalit iniiwan din tayo na sinusurot ng ating budhi at may pakiramdam na may-pagkakautang; ang Kanyang mga salita ay naghahatid sa atin ng kagalakan at kapayapaan, ngunit pati na ng walang-katapusang pasakit. Kung minsan ay para tayong mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; kung minsan ay parang kinagigiliwan Niya tayo, at tinatamasa natin ang Kanyang magiliw na pagmamahal; kung minsan ay para tayong kaaway Niya, at sa ilalim ng Kanyang titig ay nagiging abo tayo dahil sa Kanyang galit. Tayo ang sangkatauhang iniligtas Niya, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na araw at gabi ay determinado Niyang hanapin. Maawain Siya sa atin, kinamumuhian Niya tayo, ibinabangon Niya tayo, inaaliw at pinapayuhan Niya tayo, ginagabayan Niya tayo, nililiwanagan Niya tayo, itinutuwid at dinidisiplina Niya tayo, at isinusumpa rin Niya tayo. Gabi’t araw, hindi Siya tumitigil sa pag-aalala tungkol sa atin, at pinoprotektahan at pinangangalagaan Niya tayo, gabi’t araw, na hindi kailanman umaalis sa ating tabi, kundi ibinubuhos ang lahat ng Kanyang pagsusumikap para sa atin at nagbabayad ng anumang halaga para sa atin. Sa loob ng mga pagbigkas ng maliit at ordinaryong katawang may laman, natamasa natin ang kabuuan ng Diyos at namasdan ang hantungang naipagkaloob sa atin ng Diyos. Sa kabila nito, nananatili pa rin ang kayabangan sa ating puso, at masigasig pa rin tayong umaayaw na tanggapin ang isang taong tulad nito bilang ating Diyos. Bagama’t nabigyan Niya tayo ng napakaraming manna, napakaraming matatamasa, wala sa mga ito ang makakaagaw sa lugar ng Panginoon sa ating puso. Iginagalang natin ang espesyal na identidad at katayuan ng taong ito nang may malaking pag-aatubili. Basta’t hindi Siya nagsasalita upang hilingin sa atin na kilalanin na Siya ang Diyos, hindi tayo kailanman magkukusang kilalanin Siya bilang ang Diyos na malapit nang dumating subalit matagal nang gumagawa sa gitna natin.
Patuloy ang Diyos sa Kanyang mga pagbigkas, na gumagamit ng iba’t ibang pamamaraan at pananaw upang pagsabihan tayo kung ano ang dapat nating gawin habang, kasabay nito, isinasatinig ang nilalaman ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan ng buhay, na ipinapakita sa atin ang daan na dapat nating tahakin, at binibigyang-kakayahan tayo na maunawaan kung ano ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, nagsisimula tayong magtuon sa tono at paraan ng Kanyang pagsasalita, at hindi sinasadyang nagsisimula tayong magkainteres sa kaloob-loobang damdamin ng ordinaryong taong ito. Nagsusumikap Siya sa paggawa para sa atin, nagtitiis ng puyat at gutom para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumaraing sa sakit para sa atin, nagdaranas ng kahihiyan para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at lumuluha at nagdurugo ang Kanyang puso dahil sa ating pagkamanhid at pagkasuwail. Ang ganitong pagiging kung ano Siya at mayroon Siya ay hindi angkin ng ordinaryong tao, ni hindi ito maaaring taglayin o makamit ng sinumang nilalang na ginawang tiwali. Siya ay nagpapakita ng pagpaparaya at pagtitiis na hindi taglay ng ordinaryong tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi isang bagay na ipinagkaloob sa sinumang nilalang. Walang sinuman maliban sa Kanya ang nakakaalam sa lahat ng ating iniisip, o may napakalinaw at ganap na pagkaintindi sa ating likas na pagkatao at diwa, o makakahatol sa pagkasuwail at katiwalian ng sangkatauhan, o nakapagsasalita sa atin at nakagagawa sa atin na kagaya nito sa ngalan ng Diyos sa langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang pinagkakalooban ng awtoridad, karunungan, at dangal ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos ay lumalabas, nang buung-buo, sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagpapakita sa atin ng daan at makapaghahatid sa atin ng liwanag. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapaghahayag ng mga hiwagang hindi pa naipaalam ng Diyos mula noong paglikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang makapagliligtas sa atin mula sa pagkaalipin kay Satanas at sa ating sariling tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos. Ipinapahayag Niya ang nasa kaibuturan ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Nagsimula na Siya ng isang bagong kapanahunan, isang bagong panahon, at nagpasimula ng isang bagong langit at lupa at bagong gawain, at naghatid Siya sa atin ng pag-asa, na nagwawakas sa ating naging pamumuhay sa kalabuan at hinahayaang lubos na mamasdan ng ating buong pagkatao, nang buong kalinawan, ang landas tungo sa kaligtasan. Nalupig na Niya ang ating buong pagkatao at naangkin ang ating puso. Mula noong sandaling iyon, nagkamalay na ang ating isipan, at tila muling nabuhay ang ating espiritu: Ang ordinaryo at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba Siya ang Panginoong Jesus, na lagi nang nasa ating isipan, sa paggising man o sa panaginip, at ating kinasasabikan gabi’t araw? Siya nga! Siya talaga! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Binigyan Niya tayo ng kakayahang muling mabuhay at makita ang liwanag at pinatigil na ang ating puso sa paglihis. Nagbalik na tayo sa tahanan ng Diyos, nagbalik na tayo sa harap ng Kanyang luklukan, kaharap natin Siya, nasaksihan na natin ang Kanyang mukha, at nakita na natin ang daan tungo sa hinaharap. Sa panahong ito, ganap na Niyang nalupig ang ating puso; hindi na tayo nagdududa kung sino Siya, hindi na tayo kumokontra sa Kanyang gawain at Kanyang salita, at nagpapatirapa tayo sa Kanyang harapan. Wala tayong ibang ninanais kundi sundan ang mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang magawa Niya tayong perpekto, at masuklian natin ang Kanyang biyaya, at masuklian ang Kanyang pagmamahal sa atin, at masunod ang Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos, at makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang matapos ang ipinagkakatiwala Niya sa atin.
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 4: Mamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 74
Ang Diyos at ang tao ay hindi maaaring banggitin nang magkapantay. Ang Kanyang diwa at Kanyang gawain ay pinakamahirap na maaarok at maintindihan ng tao. Kung hindi personal na ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain at sinasambit ang Kanyang mga salita sa mundo ng tao, hindi mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos kailanman. Kaya nga, kahit yaong mga naglaan na ng kanilang buong buhay sa Diyos ay hindi matatanggap ang Kanyang pagsang-ayon. Kung hindi sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain, gaano man kahusay gumawa ang tao, mababalewala iyon, dahil ang mga iniisip ng Diyos ay laging magiging mas mataas kaysa mga iniisip ng tao, at ang karunungan ng Diyos ay hindi kayang maintindihan ng tao. Kaya nga sinasabi Ko na yaong mga nagsasabing “lubos na nauunawaan” nila ang Diyos at ang Kanyang gawain ay walang kakayahan; lahat sila ay hambog at mangmang. Hindi dapat bigyang-kahulugan ng tao ang gawain ng Diyos; bukod pa riyan, hindi kayang ilarawan ng tao ang gawain ng Diyos. Sa mga mata ng Diyos, ang tao ay hamak na tulad ng isang langgam; kaya paano maaarok ng tao ang gawain ng Diyos? Yaong mga gustong magsabi na, “Ang Diyos ay hindi gumagawa sa ganito o ganoong paraan,” o “Ang Diyos ay ganito o ganoon”—hindi ba sila mayabang magsalita? Dapat nating kilalaning lahat na ang tao, na may laman, ay nagawang tiwali ni Satanas. Ang pinakalikas na pagkatao ng sangkatauhan ay laban sa Diyos. Hindi maaaring pumantay ang sangkatauhan sa Diyos, lalong hindi kaya ng sangkatauhan na umasang magpayo sa gawain ng Diyos. Patungkol sa kung paano ginagabayan ng Diyos ang tao, ito ang gawain ng Diyos Mismo. Akma na dapat magpasakop ang tao, nang hindi nagpapahayag ng ganito o ganoong pananaw, sapagkat ang tao ay alabok lamang. Yamang ang ating layunin ay hanapin ang Diyos, hindi natin dapat pangibabawin ang ating mga kuru-kuro sa gawain ng Diyos para isaalang-alang ng Diyos, lalong hindi natin dapat gamitin nang husto ang ating tiwaling disposisyon para sadyang labanan ang gawain ng Diyos. Hindi ba tayo gagawin niyan na mga anticristo? Paano nagagawa ng gayong mga tao na maniwala sa Diyos? Yamang naniniwala tayo na mayroong Diyos, at yamang nais nating palugurin Siya at makita Siya, dapat nating hanapin ang daan ng katotohanan, at dapat tayong humanap ng daan upang makaayon ng Diyos. Hindi tayo dapat makipagmatigasan sa paglaban sa Kanya. Anong kabutihan ang posibleng mangyari sa gayong mga pagkilos?
Ngayon, nakagawa na ang Diyos ng bagong gawain. Maaaring hindi mo magawang tanggapin ang mga salitang ito, at maaaring tila kakaiba ito sa iyo, ngunit ang ipapayo Ko sa iyo ay huwag ilantad ang iyong naturalesa, sapagkat yaon lamang mga tunay na nagugutom at nauuhaw sa katuwiran sa harap ng Diyos ang maaaring magtamo ng katotohanan, at yaon lamang mga tunay na matapat ang maliliwanagan at magagabayan Niya. Natatamo ang mga resulta sa pamamagitan ng paghahanap sa katotohanan nang may mahinahong kapanatagan, hindi sa pakikipag-away at pakikipagtalo. Kapag sinabi kong “ngayon, nakagawa ang Diyos ng bagong gawain,” tinutukoy Ko ang pagbabalik ng Diyos sa katawang-tao. Marahil ay hindi nakakaligalig sa iyo ang mga salitang ito; marahil ay kinamumuhian mo ang mga ito; o marahil pa nga ay may malaking interes ka sa mga iyon. Anuman ang sitwasyon, sana ay kayang harapin ng lahat ng tunay na nasasabik na magpakita ang Diyos ang katunayang ito at mabigyan ito ng kanilang maingat na pagsusuri, sa halip na magsalita nang patapos tungkol dito; iyan ang dapat gawin ng isang matalinong tao.
Hindi mahirap magsiyasat tungkol sa gayong bagay, ngunit kinakailangan nito na malaman ng bawat isa sa atin ang katotohanang ito: Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam. Hindi matutukoy ang diwa sa panlabas na anyo; bukod pa riyan, ang gawain ng Diyos ay hindi kailanman maaaring umayon sa mga kuru-kuro ng tao. Hindi ba ang panlabas na anyo ni Jesus ay salungat sa mga kuru-kuro ng tao? Hindi ba ang Kanyang mukha at pananamit ay hindi nakapagbigay ng anumang mga palatandaan tungkol sa Kanyang tunay na identidad? Hindi ba kinontra ng mga sinaunang Pariseo si Jesus dahil mismo sa tiningnan lamang nila ang Kanyang panlabas na anyo, at hindi nila isinapuso ang mga salitang nagmula sa Kanyang bibig? Inaasahan Ko na hindi na uulitin ng bawat isang kapatid na naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ang trahedya ng kasaysayan. Huwag kayong maging mga Pariseo ng makabagong panahon na muling magpapako sa Diyos sa krus. Dapat ninyong isiping mabuti kung paano malugod na sasalubungin ang pagbabalik ng Diyos, at dapat kayong magkaroon ng malinaw na isipan kung paano maging isang taong nagpapasakop sa katotohanan. Ito ang responsibilidad ng bawat isang naghihintay na bumalik si Jesus sakay ng ulap. Dapat nating kusutin ang ating espirituwal na mga mata para luminaw, at hindi tayo dapat malubog sa mga salita ng labis-labis na pantasya. Dapat nating pag-isipan ang praktikal na gawain ng Diyos, at tingnan ang praktikal na aspeto ng Diyos. Huwag magpatangay o magpadala sa inyong mga pangangarap nang gising, na laging nananabik sa araw na ang Panginoong Jesus, na nakasakay sa ulap, ay biglang bumaba sa inyo, at dalhin kayong mga hindi nakakilala o nakakita sa Kanya kailanman, at hindi nakakaalam kung paano gawin ang Kanyang kalooban. Mas mabuti pang pag-isipan ang mas praktikal na mga bagay!
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 75
Nais ba ninyong malaman ang pinag-ugatan ng paglaban ng mga Pariseo kay Jesus? Nais ba ninyong malaman ang diwa ng mga Pariseo? Puno sila ng mga pantasya tungkol sa Mesiyas. Bukod pa riyan, naniwala lamang sila na darating ang Mesiyas, subalit hindi nila hinahangad ang katotohanan ng buhay. Kaya nga, kahit ngayon ay hinihintay pa rin nila ang Mesiyas, sapagkat wala silang kaalaman tungkol sa landas ng buhay, at hindi nila alam kung ano ang landas ng katotohanan. Paano ninyo nasasabi na matatamo ng gayon kahangal, katigas ang ulo at kamangmang na mga tao ang pagpapala ng Diyos? Paano nila mamamasdan ang Mesiyas? Kinalaban nila si Jesus dahil hindi nila alam ang direksyon ng gawain ng Banal na Espiritu, dahil hindi nila alam ang landas ng katotohanang binanggit ni Jesus, at, bukod pa riyan, dahil hindi nila naunawaan ang Mesiyas. At dahil hindi pa nila nakita ang Mesiyas kailanman at hindi pa nila nakasama ang Mesiyas kailanman, nagawa nila ang pagkakamali na kumapit lamang sa pangalan ng Mesiyas habang kinakalaban ang diwa ng Mesiyas sa lahat ng posibleng paraan. Ang diwa ng mga Pariseong ito ay mga sutil, mapagmataas, at hindi sumunod sa katotohanan. Ang prinsipyo ng kanilang paniniwala sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang paniniwalang ito? Tinatanong Ko pa kayo: Hindi ba napakadali para sa inyo ang gawin ang mga pagkakamali ng mga sinaunang Pariseo, yamang wala kayo ni katiting na pagkaunawa kay Jesus? Kaya mo bang mahiwatigan ang daan ng katotohanan? Talaga bang magagarantiyahan mo na hindi mo lalabanan si Cristo? Nagagawa mo bang sundan ang gawain ng Banal na Espiritu? Kung hindi mo alam kung lalabanan mo si Cristo, sinasabi Ko na nabubuhay ka na sa bingit ng kamatayan. Yaong mga hindi nakakilala sa Mesiyas ay may kakayahang lahat na kalabanin si Jesus, na tanggihan si Jesus, na siraan Siya. Lahat ng taong hindi nakakaunawa kay Jesus ay kaya Siyang tanggihan at laitin. Bukod pa riyan, kaya nilang ituring na panlilinlang ni Satanas ang pagbalik ni Jesus, at mas maraming tao ang huhusga kay Jesus na nagbalik sa katawang-tao. Hindi ba kayo natatakot sa lahat ng ito? Ang kinakaharap ninyo ay magiging kalapastanganan sa Banal na Espiritu, pagwasak ng mga salita ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at pagtanggi sa lahat ng ipinapahayag ni Jesus. Ano ang mapapala ninyo kay Jesus kung litung-lito kayo? Paano ninyo mauunawaan ang gawain ni Jesus kapag bumalik Siya sa katawang-tao sakay ng puting ulap, kung nagmamatigas kayong huwag kilalanin ang inyong mga pagkakamali? Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap ng katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap, ay tiyak na lalapastangan sa Banal na Espiritu, at sila ang kategoryang pupuksain. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at nais lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa naman ninyo nasunod kailanman ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo natanggap kailanman ang katotohanang ipinahayag ni Jesus nang bumalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbalik ni Jesus sakay ng puting ulap? Ang kataimtiman ba ninyo sa paulit-ulit na paggawa ng mga kasalanan, at pagkatapos ay pangungumpisal ng mga iyon, nang paulit-ulit? Ano ang iaalay ninyong sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sakay ng puting ulap? Ang mga taon ba ng paggawa kung saan dinadakila ninyo ang inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang likas na kayabangan, na hindi sumusunod sa anumang katotohanan?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa
Araw-araw na mga Salita ng Diyos Sipi 76
Ang inyong katapatan ay sa salita lamang, ang inyong kaalaman ay intelektuwal at haka-haka lamang, ang inyong mga pagpapagal ay alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala ng langit, kaya nga paano kayo kailangang manampalataya? Kahit ngayon, nagbibingi-bingihan pa rin kayo sa bawat isang salita ng katotohanan. Hindi ninyo alam kung ano ang Diyos, hindi ninyo alam kung ano si Cristo, hindi ninyo alam kung paano magpitagan kay Jehova, hindi ninyo alam kung paano pumasok sa gawain ng Banal na Espiritu, at hindi ninyo alam kung paano makatukoy sa pagitan ng gawain ng Diyos Mismo at ng mga panlilinlang ng tao. Ang alam mo lamang ay husgahan ang anumang salita ng katotohanang ipinahayag ng Diyos na hindi naaayon sa iyong sariling mga kaisipan. Nasaan ang iyong kapakumbabaan? Nasaan ang iyong pagsunod? Nasaan ang iyong katapatan? Nasaan ang iyong hangaring hanapin ang katotohanan? Nasaan ang iyong pagpipitagan sa Diyos? Sinasabi Ko sa inyo, yaong mga naniniwala sa Diyos dahil sa mga tanda ay tiyak na nasa kategorya ng mga pupuksain. Yaong mga walang kakayahang tanggapin ang mga salita ni Jesus na nagbalik sa katawang-tao ay tiyak na mga anak ng impiyerno, mga inapo ng arkanghel, ang kategoryang isasailalim sa walang-hanggang pagkalipol. Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapasok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na “Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo” ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang. Pinapayuhan Ko kayo na tahakin nang maingat ang landas ng paniniwala sa Diyos. Huwag kayong magsalita nang patapos; bukod pa riyan, huwag kayong maging kaswal at walang-ingat sa inyong paniniwala sa Diyos. Dapat ninyong malaman na, kahit paano, yaong mga naniniwala sa Diyos ay dapat maging mapagpakumbaba at mapitagan. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit minamaliit ito ay mga hangal at mangmang. Yaong mga nakarinig sa katotohanan subalit walang-ingat na nagsasalita nang patapos o hinuhusgahan ito ay puno ng kayabangan. Walang sinumang naniniwala kay Jesus ang may karapatang sumpain o husgahan ang iba. Lahat kayo ay dapat magkaroon ng katinuan at maging mga taong tumatanggap sa katotohanan. Marahil, matapos marinig ang daan ng katotohanan at marinig ang salita ng buhay, naniniwala ka na isa lamang sa 10,000 ng mga salitang ito ang naaayon sa iyong mga paniniwala at sa Bibliya, at sa gayon ay dapat kang patuloy na maghanap sa ika-10,000 ng mga salitang ito. Pinapayuhan pa rin kita na maging mapagpakumbaba, huwag kang masyadong tiwala sa sarili, at huwag mong masyadong itaas ang sarili. Sa kaunting pagpipitagang taglay mo sa puso mo para sa Diyos, magtatamo ka ng higit na liwanag. Kung sinusuri mong mabuti at paulit-ulit na pinagninilayan ang mga salitang ito, mauunawaan mo kung katotohanan ang mga ito o hindi, at kung ang mga ito ay buhay o hindi. Marahil, dahil iilang pangungusap lamang ang nabasa, pikit-matang huhusgahan ng ilang tao ang mga salitang ito, na sinasabing, “Kaunting kaliwanagan lamang ito mula sa Banal na Espiritu,” o, “Huwad na Cristo ito na naparito upang linlangin ang mga tao.” Yaong mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nabubulagan ng kamangmangan! Kakaunti ang nauunawaan mo tungkol sa gawain at karunungan ng Diyos, at pinapayuhan kita na magsimulang muli sa wala! Huwag ninyong pikit-matang husgahan ang mga salitang ipinahayag ng Diyos dahil sa paglitaw ng mga huwad na Cristo sa mga huling araw, at huwag kayong maging isang taong lumalapastangan sa Banal na Espiritu dahil natatakot kayong malinlang. Hindi ba kaawa-awa naman iyon? Kung, matapos ang maraming pagsusuri, naniniwala ka pa rin na ang mga salitang ito ay hindi ang katotohanan, hindi ang daan, at hindi pagpapahayag ng Diyos, sa huli ay parurusahan ka, at mawawalan ka ng mga pagpapala. Kung hindi mo matatanggap ang katotohanang iyon na sinambit nang napakaliwanag at napakalinaw, hindi ba hindi ka akma sa pagliligtas ng Diyos? Hindi ba isa kang taong hindi sapat na pinagpalang makabalik sa harap ng luklukan ng Diyos? Pag-isipan mo ito! Huwag kang padalus-dalos at mapusok, at huwag mong ituring na laro ang paniniwala sa Diyos. Mag-isip ka alang-alang sa iyong patutunguhan, alang-alang sa iyong mga inaasam, alang-alang sa iyong buhay, at huwag kang maglaro sa sarili mo. Matatanggap mo ba ang mga salitang ito?
—Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa