127 Nais Kong Maging Katapatang-loob ng Diyos

1 O Diyos! Nananabik ang puso kong makita Ka. Kahit hindi ko nakikita ang mukha Mo, nagdadasal at lumalapit ang puso ko sa Iyo sa lahat ng oras, at ako’y nabibigyan ng kaliwanagan ng mga salita Mo araw-araw. Alam kong ang mga salita Mo ang katotohanan at lubhang napakahalaga; ang mamuhay sa harapan Mo ang pinakamalaking pagpapala. Nakikita kong ang pagiging matuwid at kabanalan Mo ay napakakaibig-ibig. O Diyos! Nais kong maging katapatang-loob Mo.

2 O Diyos! Tanging ang mga salita Mo lang ang makapagbabago sa akin. Inihahayag ng mga salita Mo na ang sangkatauhan ay labis ang katiwalan, mapagmataas at nag-aakalang mas matuwid kaysa sa iba, at puno ng mga satanikong disposisyon. Sa pagmalas sa pagiging matuwid Mo, yumuyuko ako sa pagsamba sa Iyo. Ang paghatol at pagkastigo Mo ang nagligtas sa akin. Hinding-hindi na ako mamumuhay sa mga satanikong pilosopiya. Ang paghatol Mo ay pag-ibig; ito’y isang pagpapala. Nakakamit ko ang katotohanan at, sa puso ko, umiibig ako sa Iyo.

3 O Diyos! Ikaw ang naglilinis at nagliligtas sa akin, isang napakasuwail at tiwaling tulad ko. Pinagpala ako na makapagpatotoo at makapaglingkod sa Iyo ngayon; ito ang pambihirang biyaya at pag-ibig Mo. Nais kong ibigin Ka nang buong katapatan at maging katapatang-loob Mo, para dakilain Ka at magpatotoo sa Iyo magpakailanman, at paglingkuran ka buong buhay ko!

Sinundan: 126 Ang mga Nagmamahal sa Diyos ay Namumuhay sa Liwanag

Sumunod: 128 Ako’y Labis na Malapit sa Diyos

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito