79. Mga Pagpapalang Dala ng Karamdaman

Ni Xiao Lan, Tsina

Noong 2014, nilikha ng Partido Komunista ang Mayo 28 na Kaso ng Zhaoyuan at nagsimulang siraan ang Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos gamit ito. at kaliwa’t kanan nilang inaresto ang mga kapatid. Karamihan sa mga pinuno ng simbahan sa lugar namin ay nadakip at ang ilan sa mga kapatid na bago pa lamang nananampalataya ay namuhay sa takot at pagiging negatibo. Sa mapanganib na panahon na ito ako naitaas na maging responsable para sa gawain ng ilang simbahan. Inisip ko sa sarili ko na ang maging pinuno sa panahon ng krisis ay isang malaking responsibilidad, at hindi ko pupwedeng biguin ang Diyos. Kaya’t itinutok ko ang aking sarili sa aking tungkulin at hinarap ang panganib na kahit anong sandali ay maaari akong arestuhin. Pakiramdam ko ay sasang-ayunan ng Diyos ang pagprotekta ko sa gawain ng simbahan sa ganoong panahon ng panganib at tiyak na magiging karapat-dapat ako sa pagliligtas ng Diyos at pagpasok sa Kanyang kaharian. Ngunit bigla-bigla na lang, nagkasakit ako nang malubha.

Isang gabi noong Oktubre 2014, bigla ko na lamang naihulog ang aking mangkok sa sahig habang ako’y kumakain ng hapunan. Akala ko dahil lamang iyon sa aking kawalang-ingat, kaya’t dali-dali ko itong dinampot at sinubukan kong kumuha ng pamunas upang linisin ang aking mga kamay nang mapagtanto ko na wala akong control sa aking mga kamay at hindi ko madampot ang pamunas. Di naglaon ay ganap nang nawalan ng pakiramdam ang aking mga kamay at paa at nakaupo lang ako sa upuan at hindi gumagalaw. Nagmadali ang aking pamilya na kunin ang presyon ng aking dugo, na yun pala ay mahigit 200 na. Uminom ako ng pampababa ng presyon ngunit wala itong nagawang anuman. Litung-lito ako at nagtataka kung paano nangyari iyon. Hindi ko alam kung malubha ba ang lagay ko. Ngunit pagkatapos ay naisip ko na labis akong nagsikap sa tungkulin ko sa lahat ng taon ko sa pananampalataya kaya’t sigurado ako na matatanggap ko ang biyaya ng Diyos at hindi maaari na malubha ang lagay ko. Kahit na ako’y may karamdaman, inisip ko na siguradong poprotektahan ako ng Diyos at pagagalingin. Naging mas kalmado ako nang maisip ko iyon. Pagkagising ko noong sumunod na umaga, sinimulan kong igalaw nang dahan-dahan ang aking mga kamay at paa at nakita kong normal ang pakiramdam sa kanang bahagi ng aking katawan ngunit manhid ang aking kaliwang braso at binti. Wala akong maramdaman kahit kaunti. Agad akong natigilan: Bakit hindi kumpleto ang aking paggaling? Paralisado ba ang kalahati ng katawan ko? Kung ganoon, wala nang paraan upang maisagawa ko pa ang aking tungkulin. Napaisip ako kung wala na akong silbi at aalisin na, at kung magkagayon, may pagkakataon pa ba ako na maligtas? Ngunit naisip ko rin na napakalubha ang nangyari sa akin kaya’t kahit kalahati lamang ang aking paggaling magdamag siguradong pagpapala ito na galing sa Diyos. Kung pinagaling nga ako ng Diyos, ang paggaling ko ay magiging simple na lang, di ba? Pakiramdam ko ay nasa akin ang proteksiyon ng Diyos at hindi ko kailangang mag-alala masyado.

Pumunta ako sa doktor noong umagang iyon, at pagkatapos ng CT scan, seryosong sinabi ng doktor na, “Nagkaroon ka ng intracranial hemorrhage sa kanang bahagi na may 10 ml na dugo. Kung tumaas lang nang kaunti ang lugar ng pagdurugo, iyon na ang bahagi para sa pasasalita. Nawalan ka na sana ng kakayahang magsalita at baka naging gulay ka na. Yamang nangyari ito kagabi, lubos kang mapalad na nakarating ka pa rito. Kailangan mong magpagamot agad.” Nagpatuloy siya’t sinabi na mag-uumpisa raw sila sa infusion at maingat nilang gagawin ang paggamot. Kung hindi matutunaw ang namuong dugo sa aking utak, kakailanganin nila akong operahan sa utak. Naging blanko ang isipan ko nang marinig kong banggitin ang “brain hemorrhage.” Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na magiging ganito ito kaseryoso. wala pa nga akong 50 taong gulang, kaya kung hindi magiging matagumpay ang paggamot sa akin at mananatiling paralisado ang kalahati ng katawan ko o magiging ganap akong isang paralisadong zombie, anong uri ng napakahirap na buhay iyon? At lubhang mapanganib ang operasyon sa utak at baka ikamatay ko pa iyon. Kaya’t maliligtas pa kaya ako at makakapasok sa kaharian ng Diyos? Ibinigay ko ang lahat sa mga taon ng aking pananampalataya, kaya’t hindi ko naintindihan kung bakit ako nagkaroon ng ganoon kaseryoso na problema sa kalusugan. Bakit hindi ako pinoprotektahan ng Diyos? Lalo akong nababahala habang lalo ko iyong iniisip at ni hindi ako makakain ng pananghalian. Noong mga ikalimang araw ko na sa ospital, isang matandang babae sa katabi kong kama ang lumala ang kalagayan at kinailangang ilipat sa ibang ospital. Kinabahan na naman ako nang makita ko ito. Parehong araw kaming ipinasok sa ospital at nakakapaglakad pa siya noon, ngunit ngayon ay nililipat na siya gamit ang de-gulong na kama. Mukhang hindi mo masasabi kung makakaligtas ba ang isang tao sa ganito o hindi, at napaisip ako kung maaari din akong lumala.

Kahit matapos ang halos isang linggo sa ospital, wala pa rin ako talagang nararamdaman sa aking kaliwang binti. Inisip ko, “Bakit hindi ako binabantayan ng Diyos? Wala akong magagawang kahit na anong tungkulin sa ganito kakritikal na oras, kaya’t nawalan na ba ako ng pagkakataon para maligtas?” Ang pag-iisip na ito ay nagdala ng nginig sa aking puso at nagsimula akong umiyak nang umiyak. Nagsikap ako nang sobra sa siyam na taon ko sa pananampalataya, at wala akong hinayaan na pumigil sa akin. Kailanman ay hindi ako nagdalawang-isip na harapin ang kahit na anong uri ng paghihirap o suliranin na lumitaw sa simbahan, at hindi ako umurong kahit na kinaharap ko ang tunay na panganib na maaresto. Patuloy kong ginampanan ang aking tungkulin. Sa paglipas ng mga taon bilang isang pinuno, mas nagdusa at nag-isip ako kaysa sa ibang mga kapatid. Naisip ko na sa pagbibigay ko ng labis-labis at sa ganoong uri ng sakripisyo, dapat akong pagpalain ng Diyos. Bakit ako bigla-biglang nagkasakit nang ganito? Paanong hindi ako pinrotektahan ng Diyos? Kapag hindi ako gumaling at hindi ko na magampanan ang aking tungkulin, maliligtas pa kaya ako? Kung hindi, nasayang lang kaya ang taon-taon na pagsasakripisyo at pagsisikap ko? Pakiramdam ko’y hindi sana ako nagbigay nang sobra kung alam ko lang na mangyayari pala ito. Palala nang palala ang pagiging miserable ko. Ni hindi ko na gustong manalangin o pagnilayan ang mga salita ng Diyos. Balisang-balisa na ang pakiramdam ko, at hindi ko na namalayan na nadaganan ko na pala ng aking ulo ang kamay ko na tumatanggap ng infusion, at natanggal ang karayom, na nagpamaga sa aking kamay. Nahapis ako nang makita ko ang aking namamagang kamay. Inisip ko ang aking mga kapatid na punong-puno ng sigla, nagbabahagi ng ebanghelyo, at ginagawa ang kanilang mga tungkulin, habang ako ay naiwang nakahiga sa ospital at hindi makagawa ng kahit na anong tungkulin. Hindi nga ba na ako’y tuluyan nang walang silbi? At sa panahong dapat ay pinapalaganap ang ebanghelyo, ang lahat ng iba ay nagagawa ang kanilang tungkulin at iba pang mabubuting gawa habang ako ay malamang na mapapaalis. Pakiramdam ko’y hindi pala talaga ako ililigtas ng Diyos. Nang gabing iyon, pabaling-baling ako sa kama at hindi makatulog. Lugmok sa pagdurusa, dumulog ako sa Diyos na umiiyak at nagdasal: “O, Diyos ko, nahihirapan talaga ako ngayon. Alam kong pinahintulutan Niyo itong mangyari sa akin at hindi ko dapat Kayo hindi maunawaan. Gabayan Niyo po ako na maintindihan ang Inyong kalooban upang makapagpasakop ako sa Inyong pamumuno at mga pagsasaayos.”

Isang kapatid ang pinadalhan ako ng MP5 player habang ako’y nasa ospital, at kapag natutulog na ang lahat, nilalagay ko sa tainga ko ang earphones at nakikinig ako sa mga salita ng Diyos. Naging malaking tulong sa akin ang isa sa mga sipi. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Para sa lahat ng mga tao, ang pagpipino ay napakasakit, at napakahirap tanggapin—ngunit sa panahon ng pagpipino ginagawang payak ng Diyos ang Kanyang matuwid na disposisyon sa tao, at isinasapubliko ang Kanyang mga hinihingi para sa tao, at nagbibigay ng mas maraming kaliwanagan, at mas maraming pagtatabas at pakikitungo; sa pamamagitan ng paghahambing sa mga katunayan at sa katotohanan, binibigyan Niya ang tao ng higit na kaalaman sa sarili niya at sa katotohanan, at binibigyan ang tao ng higit na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa gayon ay pinahihintulutan ang tao na magkaroon ng mas tunay at mas dalisay na pag-ibig sa Diyos. Iyon ang mga layunin ng Diyos sa pagsasakatuparan ng pagpipino. Lahat ng gawain na ginagawa ng Diyos sa tao ay may sariling mga layunin at kabuluhan; ang Diyos ay hindi gumagawa ng walang kabuluhang gawain, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang pakinabang sa tao. Ang pagpipino ay hindi nangangahulugan ng pag-aalis sa mga tao mula sa harap ng Diyos, at ni nangangahulugan ng pagwasak sa kanila sa impiyerno. Sa halip, nangangahulugan ito ng pagbabago sa disposisyon ng tao sa panahon ng pagpipino, pagbabago sa kanyang mga intensyon, sa kanyang dating mga pananaw, pagbabago sa kanyang pag-ibig sa Diyos, at pagbabago sa kanyang buong buhay. Ang pagpipino ay isang totoong pagsubok sa tao, at isang anyo ng totoong pagsasanay, at sa panahon lamang ng pagpipino magagampanan ng kanyang pag-ibig ang likas nitong tungkulin(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Pagpipino Maaaring Magtaglay ang Tao ng Tunay na Pag-ibig). Habang pinagninilayan ko ito, napagtanto ko na kapag sinusubok at pinipino ng Diyos ang mga tao, hindi ito para tanggalin sila, kundi ito’y upang dalisayin at baguhin sila. Ngunit hindi ko hinahanap ang kalooban ng Diyos o sinusubukang maintindihan ang Kanyang gawain. Mula nang ako’y ma-stroke, mali na ang pag-unawa ko sa Diyos at sinisisi ko na Siya. Naging hangal ako! Kaya’t nanalangin ako sa Diyos. Handa akong magpasakop, magbasa ng mga salita ng Diyos upang magnilay-nilay at makilala ang sarili, at matuto ng aral.

Nabasa ko ito sa salita ng Diyos, “Ang pinakamalungkot na bagay tungkol sa paniniwala ng sangkatauhan sa Diyos ay na isinasagawa ng tao ang kanyang sariling pamamahala sa gitna ng gawain ng Diyos subalit hindi pinapansin ang pamamahala ng Diyos. Ang pinakamalaking kabiguan ng tao ay nasa kung paanong ang tao, kasabay ng paghahangad na magpasakop sa Diyos at sambahin Siya, ay bumubuo ng sarili niyang mainam na patutunguhan at nagpaplano kung paano matatanggap ang pinakamalaking pagpapala at pinakamagandang patutunguhan. Kahit nauunawaan ng isang tao kung gaano sila kahabag-habag, kasuklam-suklam, at kaawa-awa, ilan ang madaling makakatalikod sa kanilang mga mithiin at inaasam? At sino ang nagagawang pahintuin ang sarili nilang mga hakbang at patigilin ang pag-iisip lamang sa kanilang sarili? Kailangan ng Diyos yaong mga makikipagtulungan nang husto sa Kanya upang tapusin ang Kanyang pamamahala. Kailangan Niya yaong mga magpapasakop sa Kanya sa pamamagitan ng paglalaan ng kanilang buong isipan at katawan sa gawain ng Kanyang pamamahala. Hindi Niya kailangan ang mga taong maglalahad ng kanilang mga kamay para mamalimos sa Kanya araw-araw, lalong hindi Niya kailangan yaong mga nagbibigay ng kaunti at pagkatapos ay naghihintay na magantimpalaan. Kinamumuhian ng Diyos yaong mga gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga sa kanilang mga tagumpay. Kinamumuhian Niya yaong mga taong walang damdamin na minamasama ang gawain ng Kanyang pamamahala at nais lamang pag-usapan ang tungkol sa pagtungo sa langit at pagtatamo ng mga pagpapala. Higit pa ang pagkasuklam Niya sa mga nagsasamantala sa pagkakataong hatid ng gawaing Kanyang ginagawa sa pagliligtas sa sangkatauhan. Iyon ay dahil hindi kailanman nagmalasakit ang mga taong ito sa nais ng Diyos na makamit at makuha sa pamamagitan ng gawain ng Kanyang pamamahala. Ang inaalala lamang nila ay kung paano nila magagamit ang pagkakataong laan ng gawain ng Diyos upang magtamo ng mga pagpapala. Wala silang malasakit sa puso ng Diyos, dahil lubos silang abala sa sarili nilang mga inaasam at kapalaran. Yaong mga minamasama ang gawain ng pamamahala ng Diyos at wala ni katiting na interes kung paano inililigtas ng Diyos ang sangkatauhan at sa Kanyang kalooban ay ginagawa lamang kung ano ang ikinasisiya nila sa isang paraan na hiwalay sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Ang kanilang pag-uugali ay hindi natatandaan ni inaprubahan ng Diyos—lalong hindi pinapaboran ng Diyos(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Apendise 3: Maaari Lamang Maligtas ang Tao sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos). Inilantad ng mga salita ng Diyos ang mismo kong kalagayan. Noong una akong naging mananampalataya, nakita ko kung ano ang ipinangako ng Diyos sa tao at naisip ko na hangga’t nagtatrabahabo tayo nang mabuti at gumagawa ng mga sakripisyo para sa Diyos, maliligtas tayo at makakapasok sa kaharian ng Diyos. Kaya’t inialay ko ang aking sarili nang buong-buo sa aking tungkulin at kahit ano pang pagdaanan na mahihirap na kondisyon. Kapag nakararanas ng paghihirap ang ibang mga miyembro ng simbahan, nagmamadali akong suportahan sila at tulungan. Patuloy ko pa ngang ginampanan ang aking tungkulin kahit na kinakaharap ko ang tunay na panganib ng pagkaaresto. Akala ko na ang ganitong uri ng sakripisyo ay aani ng proteksyon at mga pagpapala ng Diyos para sa akin, at magkakaroon ako ng lugar sa kaharian ng langit. Nang ako’y magkasakit at kinaharap ko ang posibilidad na maging paralisado ang kalahati ng katawan ko, pakiramdam ko’y hindi ako pinrotektahan o pinagpala ng Diyos at nawala sa akin ang pagkakataon kong magkaroon ng magandang kinabukasan at hantungan. Napuno ako ng reklamo at gusto ko pa ngang mabayaran, at binilang ko ang lahat ng aking nagawa. Nangangatwiran ako sa Diyos, nakikipagtalo sa Kanya, at sinusubukan kong gamitin ang lahat ng aking isinakripisyo bilang puntos na pabor sa akin. Napuno ako ng maling pagkaunawa at paglaban sa Diyos. Ako mismo ang tinutukoy ng Diyos nang sinabi Niya na “yaong mga nagbibigay ng kaunti at pagkatapos ay naghihintay na magantimpalaan” at “yaong mga gumagawa ng maliit na kontribusyon at pagkatapos ay namamahinga sa kanilang mga tagumpay”? Sa harap ng malubhang sakit, ang aking mga natatagong motibo at ang transaksyonal na pananaw sa likod ng mga sakripisyo ko sa pananampalataya ay nagsilabasang lahat. Hindi ko ginagawa ang aking tungkulin upang hanapin ang katotohanan at iwaksi ang katiwalian kundi gusto kong gamitin ang anyong nagsusumikap ako bilang kapalit ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos, kapalit ng mga pagpapala ng kaharian. Nakikipagpalitan ako sa Diyos, ginagamit Siya, at dinaraya. Papaano magiging karapat-dapat sa kaharian ng Diyos ang isang oportunistang tulad ko? Kung hindi pa dahil sa stroke na iyon, ganap na akong nalinlang ng lahat ng pagsisikap ko na pakitang-tao lamang at hindi ko nakilala ang mga kasuklam-suklam kong motibo na maghangad lamang ng mga pagpapala, o ang kalabnawan ng aking pananampalataya. Patuloy ko sanang nilabanan ang Diyos sa aking pananampalataya nang wala akong kaalam-alam kung ano ang ginagawa ko.

Patuloy akong nagnilay-nilay sa aking sarili pagkatapos noon, at kung bakit parati akong nakikipagpalitan sa Diyos sa aking tungkulin. Nabasa ko ito sa mga salita ng Diyos habang ako’y naghahanap: “Ang lahat ng tiwaling tao ay nabubuhay para sa kanilang mga sarili. Ang bawat tao para sa kanyang sarili at bahala na ang iba—ito ang buod ng kalikasan ng tao. Ang mga tao ay naniniwala sa Diyos para sa kanilang sariling mga kapakanan; tinatalikuran nila ang mga bagay-bagay, ginugugol ang kanilang mga sarili para sa Kanya, at tapat sa Kanya, nguni’t ang lahat ng mga bagay na ito ay ginagawa pa rin nila para sa kanilang sariling mga kapakanan. Sa kabuuan, lahat ito ay ginagawa para sa layuning magkamit ng mga pagpapala para sa kanilang mga sarili. Sa lipunan, ang lahat ay ginagawa para sa pansariling pakinabang; ang paniniwala sa Diyos ay ginagawa para lamang magkamit ng mga pagpapala. Alang-alang sa pagtatamo ng mga pagpapala kaya tinatalikuran ng mga tao ang lahat at nakatatagal sa matinding pagdurusa. Ang lahat ng ito ay katibayang batay sa karanasan ukol sa tiwaling kalikasan ng tao(“Ang Pagkakaiba sa Pagitan ng Panlabas na mga Pagbabago at mga Pagbabago sa Disposisyon” sa Mga Talaan ng mga Pananalita ni Cristo ng mga Huling Araw). Ipinakita sa akin ng mga salita ng Diyos ang ugat ng aking transaksyonal na saloobin sa aking pananampalataya. Ang mga kasabihang tulad ng “Ang bawat tao para sa kanyang sarili, bahala na ang iba,” at “Wag tumulong kung walang kapalit” ay mga satanikong ideya na nakaugat na nang malalim sa aking puso at naging mga batas na ng pananatiling buhay para sa akin. Sa lahat ng ginawa ko, ang pansarili kong pakinabang ang naging unang-una sa lahat kaya’t pakiramdam ko na dapat lang na gantimpalaan ako para sa aking naiambag. Kahit sa gawain ko para sa Diyos, sinusubukan ko lang makipagpalitan sa Kanya at inakala ko na ang paghahangad ko ng mga pagpapala sa aking pananampalataya ay natural lamang. Noong nagka-stroke ako pagkatapos kong magsipag nang sobra at gumawa ng maraming sakripisyo, at napagtanto ko na pupwede akong mamatay kahit na anong sandali, nawalan ako ng pag-asa na maligtas, na magkaroon ng magandang kalalabasan at hantungan, kaya’t dali-dali kong sinalungat ang Diyos at sinisi Siya. Binibilang ko ang lahat ng aking ginawa, nakikipagtalo sa Diyos, at kinakalaban Siya. Nakita ko na namumuhay pala ako sa mga lason ni Satanas. Hindi ako namumuhay nang may anumang wangis ng tao, At kung hindi ako magsisisi, hindi magtatagal ay aalisin ako at parurusahan.

May dalawa pa akong sipi ng salita ng Diyos na binasa kalaunan na nagbigay sa akin ng pagkaunawa sa mali kong pananaw sa paghahangad sa aking pananampalataya. “Kapag sinusukat ng tao ang iba, ginagawa niya iyon ayon sa kanilang naging ambag. Kapag sinusukat ng Diyos ang tao, ginagawa Niya iyon ayon sa likas na pagkatao ng tao. Sa mga naghahangad ng buhay, si Pablo ay isang taong hindi alam ang sarili niyang diwa. Hindi siya mapagpakumbaba o masunurin, sa anumang paraan, ni hindi niya alam ang kanyang kakanyahan, na salungat sa Diyos. Kaya nga, siya ay isang taong hindi pa sumailalim sa mga detalyadong karanasan, at isang taong hindi nagsagawa ng katotohanan. Iba si Pedro. Alam niya ang kanyang mga pagkakamali, kahinaan, at tiwaling disposisyon bilang isang nilalang ng Diyos, kaya nga nagkaroon siya ng isang landas ng pagsasagawa na naging daan upang magbago ang kanyang disposisyon; hindi siya isa sa mga mayroon lamang doktrina ngunit hindi nagtaglay ng realidad. Yaong mga nagbabago ay mga baguhan na naligtas na, sila yaong mga karapat-dapat sa pagsisikap na matamo ang katotohanan. Ang mga taong hindi nagbabago ay kabilang sa mga natural na laos na; sila yaong mga hindi naligtas, ibig sabihin, yaong mga kinamuhian at tinanggihan ng Diyos. Hindi sila maaalaala ng Diyos gaano man kadakila ang kanilang gawain. Kapag ikinumpara mo ito sa sarili mong pagsisikap, kapareho ka man ni Pedro o ni Pablo sa huli ay dapat maging malinaw(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). “Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak. Kung hinahangad mo ang mga pagpapala ng laman, at isinasagawa mo ang katotohanan ng sarili mong mga kuru-kuro, at kung walang pagbabago sa iyong disposisyon, at hindi ka masunurin kailanman sa Diyos na nasa katawang-tao, at nabubuhay ka pa rin sa kalabuan, siguradong dadalhin ka sa impiyerno ng iyong hinahangad, sapagkat ang landas na iyong tinatahak ay ang landas ng kabiguan. Kung gagawin kang perpekto o aalisin ay depende sa iyong sariling paghahangad, na ibig ding sabihin ay ang tagumpay o kabiguan ay depende sa landas na tinatahak ng tao(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Nang pinag-isipan ko pa ito nang mas mabuti, nagbigay-liwanag talaga ito sa akin. Kapag tinitimbang ng Diyos ang isang tao, hindi ito nakabase sa kung ano ang naiambag niya sa panlabas, kundi nakabase ito sa kanyang saloobin at pananaw sa harap ng mga bagay-bagay, sa kung ano ang kanyang paninindigan, at kung kaya niyang isagawa ang katotohanan at magpasakop sa Diyos. Ngunit inakala ko na hangga’t nagsasakripisyo at nagsisipag ang isang tao, magagalak ang Diyos dito at pagpapalain siya, at sa gayon ay magkakaroon siya ng magandang hantungan. Hindi ba’t tunay itong salungat sa mga salita ng Diyos? Noong Kapanahunan ng Biyaya, nagpunta si Pablo sa kalakhan ng Europa na nagbabahagi ng ebanghelyo ng Panginoon. Nagdusa siya nang labis, tinapos ang maraming gawain, at nagtatag ng napakaraming simbahan. Ngunit lahat ng kanyang ginawa ay hindi dahil sa pagpapasakop niya sa Diyos o sa pagtupad niya sa tungkulin ng isang nilalang. Ito ay upang personal siyang pagpalain at gantimpalaan. Kaya nga, pagkatapos ng napakaraming paglalakbay at pagsisipag, sinabi niya, “Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo, iningatan ko ang pananampalataya: Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran” (2 Timoteo 4:7–8). Si Pablo ay lantarang nanghihingi ng korona sa Diyos. Ang kanyang mga sakripisyo ay hindi taos-puso at hindi nanggaling sa pagpapasakop sa Diyos. Sa huli, hindi lang siya hindi nakapasok sa kaharian, kundi pinarusahan siya. Sa aking pananampalataya, hindi ako nakatingin sa mga bagay na galing sa katotohanan at sa mga prinsipyo sa mga salita ng Diyos, kundi sinusukat ko ang gawain ng Diyos ayon sa lohika ni Satanas at isang transaksyonal na saloobin. Katawa-tawa ako rito. Sinasabi ng mga salita ng Diyos, “Kung hinahangad mo ang katotohanan, kung isinasagawa mo ang katotohanan, at kung nagtatamo ka ng pagbabago sa iyong disposisyon, tama ang landas na iyong tinatahak(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Tagumpay o Kabiguan ay Depende sa Landas na Tinatahak ng Tao). Napagtanto ko na kailangan kong hanapin ang katotohanan at ituon ang aking pansin sa pagkilala sa aking sarili sa proseso ng paggawa ko ng aking tungkulin, upang maitama ko ang mga mali kong pananaw, mga mali kong motibo at ang tiwali kong disposisyon, makamit ang pagsunod sa Diyos, at magawa ko ang aking tungkulin nang isinasaalang-alang ang kalooban ng Diyos at wala nang iba pa. Ito lamang ang tanging paraan upang mailigtas ng Diyos. Nang mapagtanto ko ang lahat ng ito, nanalangin ako: “Kahit ano pa man ang mangyari sa aking kalusugan, handa akong magpasakop. Kung mabubuhay ako at makakalabas sa ospital, gagawin ko ang aking tungkulin upang suklian ang pagmamahal ng Diyos hangga’t may hininga pa akong nalalabi!”

Sa ikalabindalawang araw ko sa ospital, nagtanong ako kung pupwede nila akong suriin dahil baka pwede na akong lumabas, at pagkatapos ng isang pagsusuri, sinabi ng doktor na, “Huminto na ang pagdurugo ngunit ang mga buo-buong dugo ay hindi pa tuluyang natutunaw. Magandang-maganda na ito para sa 12 araw lang na gamutan.” Natuwa ako nang marinig ito, at nagpasalamat ako sa Diyos sa pagprotekta Niya sa akin. Sinabihan din ako ng doktor na pagkalabas ko ng ospital, kailangan kong pagtuunan ng pansin ang aking paggaling at huwag pagurin ang sarili, at ang mga ugat ko sa utak ay talagang marupok, kaya’t siguraduhin kong hindi ako matutumba, kung hindi, ang kahihinatnan ng pangalawang stroke ay talagang nakakatakot. Noong araw na nakauwi na ako, nakakuha ako ng mensahe na nagsasabing si Sister Zhang, isang kapatid na nakatrabaho ko, ay lumabas apat na araw na ang nakararaan ngunit hindi pa nakakabalik sa bahay ng kanyang host. Malamang sa malamang ay naaresto siya. Nakakabahala talagang marinig ito. Ibig sabihin nito, lahat ng lugar ng pagtitipon na napuntahan niya at mga tahanan kung saan nakatago ang mga alay sa simbahan ay nasa panganib, kaya kailangan silang agad sabihan na mag-ingat sila. Ngunit kasama dito ang napakaraming lugar, at dahil kakalabas ko pa lang sa ospital, hindi makakayanan ng katawan ko ang lahat ng paggalaw-galaw. Bakit hindi na lang ito nangyari bago o pagkatapos nito? Bakit kailangang ngayon pa mangyari sa panahong napakakritikal? Kung magkakaroon ako ng isa pang stroke, baka hindi na ako makakatayo, at ang paglabas upang masabihan ang lahat ng taong ito ay talagang mapanganib. Kung ako ay madadakip, makakayanan ba ng katawan ko ang malupit na pagpapahirap ng mga pulis? Iyon na siguro ang aking magiging katapusan. Ngunit ako lamang at si Sister Zhang ang nakakaalam kung saan nakatira ang mga kapatid na ito, kaya’t kung hindi ko sila pupuntahan para sabihan, at madakip sila at kunin ng mga pulis ang mga alay sa Diyos, malaking kawalan ito. Sa labis na pag-aalala, naisip ko ang naging dasal ko bago ako lumabas ng ospital, na kung mabubuhay ako at makakalabas ng ospital, ilalaan ko ang aking sarili sa aking tungkulin at susuklian ko ang pag-ibig ng Diyos hanggang sa aking huling hininga. Ngayon na may nangyayari, paano ko nakalimutan ang aking pangako nang ganun-ganun na lang? Dumapa ako sa harapan ng Diyos at nanalangin, “O, Diyos ko, alam kong pinagmamasdan Ninyo ako, tinitingnan kung anong ugali ang mayroon ako. Handa akong itaguyod ang gawain ng sambahayan ng Diyos at gawin ang aking tungkulin.” Naisip ko rin ang nangyari noong ipako sa krus ang Panginoong Jesus, na siyang umantig talaga sa akin. Pumunta ang Panginoong Jesus sa lugar kung saan Siya ipapako nang hindi lumilingon, para lang iligtas ang sangkatauhan, at nagdusa Siya ng di-mawaring paghihirap at pagpapahiya. Napakadakila ng pagmamahal ng Diyos para sa sangkatauhan. Isinuko Niya ang buhay Niya para sa atin, kaya’t bakit hindi ko kayang bitawan ang mga pansarili kong interes at protektahan ang gawain ng simbahan upang masuklian ang pag-ibig ng Diyos? Bilang isang nilalang, hindi ko pwedeng tamasain lang ang biyaya ng Diyos at walang isipin kundi ang pansarili kong mga pagpapala. Kung hindi ko gagawin ang aking tungkulin, ni hindi ako karapat-dapat na tawaging tao. Dahil nahimok ako ng mga salita ng Diyos, nagsimula akong gumawa ng mga pagsasaayos upang asikasuhin ang mga bagay-bagay. Kung kailan papunta na ako sa bahay ng ikalawang host, napag-alaman ko na hindi pala dinakip si Sister Zhang. Lubos akong nagpasalamat sa Diyos. Lalo rin akong nakaramdam ng kapayapaan dahil naitama ko ang aking mga motibo at pananaw at naisagawa ko ang katotohanan.

Napakabilis na dumaan ang anim na taon. Hindi pa ako lubusang magaling, ang kaliwang kamay at paa ko ay may pamamanhid pa rin, ngunit alam ko na ang aking kalusugan ay nasa mga kamay ng Diyos. Ang hindi ko lubusang paggaling ay nagsisilbing pagprotekta sa akin, bilang isang paalala na huwag gawing tungkol lamang sa pagtatamo ng mga pagpapala ang aking mga pagsisikap, at huwag mapunta sa maling landas tulad ni Pablo. Nagdusa ako sa lahat ng ito, ngunit natulungan ako nitong mas maunawaan ang aking katiwalian at karumihan at maitama ang aking mga maling pananaw sa paghahangad at sa pagiging pinagpala. Naintindihan ko na sa aking pananampalataya, dapat ay hangarin ko ang katotohanan at ang pagpapasakop sa Diyos, at ang paggawa ng tungkulin ng isang nilalang. Mayroon akong tamang pakay sa aking hangarin ngayon—ang karamdaman na ito ay naging isang natatagong pagpapala! Hindi ko kailanman makakamit ang lahat ng ito sa isang matiwasay na kapaligiran. Salamat sa Diyos para sa Kanyang pagliligtas!

Sinundan: 78. Mga Aral na Natutuhan Mula sa Pagkakaroon ng Kanser sa Atay

Sumunod: 80. Paggugol ng Kalakasan ng Kabataan sa Loob ng Bilangguan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

88. Ang Hirap ng Kulungan

Ni Xiao Fan, TsinaIsang araw noong Mayo 2004, dumadalo ako sa isang pagtitipon kasama ng ilang kapatid nang biglang pumasok ang mahigit 20...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito