Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

Tinutuya natin ang lahat ng laban sa Panginoong Jesus; sa katapusan, silang lahat ay pupuksain. Sino ang nagsabi sa kanila na huwag maniwalang Tagapagligtas ang Panginoong Jesus? Tiyak na may mga pagkakataong tayo ay natututo mula sa Panginoong Jesus at tayo ay mahabagin sa mundo, dahil hindi nila nauunawaan, at tayo ay nararapat na maging mapagparaya at mapagpatawad sa kanila. Ang lahat ng ating ginagawa ay alinsunod sa mga salita ng Biblia, dahil ang lahat ng hindi tumatalima sa Biblia ay maling pananampalataya, at isang masamang kulto. Ang mga ganoong paniniwala ay nakatanim nang malalim sa ating mga isipan. Ang ating Panginoon ay nasa Biblia, at kapag tayo ay hindi lalayo sa Biblia, tayo ay hindi rin malalayo sa Panginoon; kapag tayo ay sumunod sa mga alituntunin, tayo ay tiyak na maliligtas. Inuudyukan natin at inaalalayan ang bawat isa, at sa tuwing tayo ay magsasama-sama, inaasahan natin na ang lahat ng ating sinasabi at ginagawa ay alinsunod sa kalooban ng Panginoon, at maaaring tanggapin ng Panginoon. Sa kabila ng malubhang hamon ng ating kapaligiran, ang ating mga puso ay puno ng kasiyahan. Kapag ating iniisip ang mga pagpapala na madaling makamit, mayroon pa ba tayong hindi kayang talikuran? Mayroon pa ba tayong hindi kayang gawin upang maging bahagi nito? Ang lahat ng ito ay tiyak, at ang lahat ng ito ay pinagmamasdan ng mga mata ng Diyos. Tayo, isang dakot na mga nangangailangan na iniangat mula sa tambak ng dumi, ay walang pinagkaiba sa mga karaniwang tagasunod ng Panginoong Jesus: Tayo ay nangangarap ng pag-agaw sa alapaap, at pagiging-mapalad, at ng pamamahala sa mga bansa. Ang ating katiwalian ay nakalatag sa harap ng mga mata ng Diyos, at ang ating mga hangarin at kasakiman ay nahatulan sa mga mata ng Diyos. Gayunpaman, ang lahat ng ito ay pangkaraniwang nangyari, napakamakatuwiran, at wala sa atin ang nagtaka kung ang ating pananabik ay nararapat, wala rin sa atin ang nagduda tungkol sa katiyakan ng lahat ng ating pinanghahawakan. Sino ang maaaring makaalam ng kalooban ng Diyos? Hindi natin alam kung paano maghanap, o magsiyasat, o kahit maging abala sa landas na tinatahak ng tao. Dahil ang tanging inaalala natin ay kung kasama tayo sa mga sasalubong sa Panginoon, kung tayo ba ay pagpapalain, kung mayroon bang lugar para sa atin sa kaharian sa langit, at kung tayo ba ay may bahagi ng tubig mula sa ilog ng buhay at ang bunga mula sa puno ng buhay. Hindi ba tayo naniniwala sa Panginoon, at hindi ba tayo mga tagasunod ng Panginoon, para lamang sa kapakanan ng mga bagay na ito? Pinatawad na ang ating mga kasalanan, tayo ang nagsisi, ininom natin ang mapait na saro ng alak, at ating inilagay ang krus sa ating likuran. Sino ang makapagsasabi na ang ating pagdurusa ay hindi tatanggapin ng Panginoon? Sino ang makapagsasabi na tayo ay hindi nakapaghanda ng sapat na langis? Hindi natin nais na maging katulad ng mga birheng mangmang, o isa sa mga tinalikdan. Higit pa rito, tayo ay madalas nananalangin, at hinihingi sa Panginoon na tulungan tayo upang hindi malinlang ng mga bulaang Cristo, dahil ang sabi sa Biblia ay “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinomang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagka’t may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati ng mga hirang” (Mateo 24:23-24). Ating itinatak sa ating mga kaisipan ang mga bersikulo na ito ng Biblia, alam natin ang mga ito mula likod hanggang harap, at itinuturing natin itong mahalagang kayamanan, katulad ng buhay, at mga katibayan para sa ating pagkaligtas at pagsalubong sa Panginoon.

Sa loob ng libu-libong taon, ang mga nabubuhay ay namatay na, dala-dala ang kanilang mga inaasam at mga pangarap, at walang tunay na nakakaalam kung sila ay napunta sa kaharian ng langit. Ang mga patay ay nagbalik, at kanilang nakalimutan ang mga kwento na minsang nangyari, at patuloy pa ring sinusunod ang mga turo at mga paraan ng mga ninuno. At sa paglipas ng mga taon at pagdaan ng mga araw, walang nakakaalam kung ang ating Panginoong Jesus, ang ating Diyos, ay talagang tinatanggap ang ating mga ginagawa. Tiningnan lamang natin ang kalalabasan at nagpapapalagay kung ano ang mga maaaring mangyari. Ngunit, pinanatili ng Diyos ang Kanyang katahimikan, at hindi nagpakita sa atin, o nakipag-usap sa atin. At dahil doon, namimihasa tayong hinahatulan ang kalooban at disposisyon ng Diyos alinsunod sa Biblia at ang mga katibayan. Tayo ay nasanay sa katahimikan ng Diyos; tayo ay nasanay sa pagsukat ng mga tama at mali sa ating pag-uugali gamit ang ating sariling paraan ng pag-iisip; tayo ay nasanay sa paggamit ng ating kaalaman, pagkakaintindi, at pamantayang moral upang palitan ang mga kahilingan ng Diyos sa atin; tayo ay nasanay sa pagtamasa ng biyaya ng Diyos; tayo ay nasanay na ang Diyos ay nagbibigay ng tulong tuwing ito ay ating kailangan; tayo ay nasanay na inilalahad na lamang ang ating mga palad sa Diyos para sa lahat ng bagay, at inuutusan ang Diyos; tayo rin ay nasanay sa pagsunod sa mga doktrina, hindi binibigyang-pansin kung paano tayo pangunahan ng Banal na Espiritu; higit pa rito, tayo ay nasanay sa mga araw na ang ating sarili ang ating panginoon. Naniniwala tayo sa Diyos na ito, na hindi pa natin nakikita. Ang mga tanong katulad ng kung ano ang Kanyang disposisyon, ano ang Kanyang mga pag-aari at pagiging Siya, ano ang Kanyang imahe, kung makikilala ba natin Siya kapag Siya ay dumating, at marami pang iba—wala sa mga ito ang mahalaga. Ang mahalaga ay Siya ay nasa ating mga puso, na Siya ay ating hinihintay, at maaari nating isipin kung ano Siya. Pinahahalagahan natin ang ating paniniwala, at pinagyayaman ang ating espirituwalidad. Itinuturing nating dumi, at tinatapakan ang lahat ng nasa paanan. Dahil tayo ang mga tagasunod ng maluwalhating Panginoon, gaano man katagal at nakakapagod ang paglalakbay, anumang paghihirap at panganib ang ating sapitin, walang makapagpapahinto sa ating mga yapak habang tayo ay sumusunod sa Panginoon. “At ipinakita niya sa akin ang isang ilog ng tubig ng buhay, na maningning na gaya ng bubog, na lumalabas sa luklukan ng Dios at ng Cordero, Sa gitna ng lansangang yaon. At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang punong kahoy ng buhay, na namumunga ng labingdalawang iba’t ibang bunga, na namumunga sa bawa’t buwan: at ang mga dahon ng punong kahoy ay pangpagaling sa mga bansa. At hindi na magkakaroon pa ng sumpa: at ang luklukan ng Dios at ng Cordero ay naroroon: at siya’y paglilingkuran ng kaniyang mga alipin; At makikita nila ang kaniyang mukha; at ang kaniyang pangalan ay sasa kanilang mga noo. At hindi na magkakaroon pa ng gabi, at sila’y hindi nangangailangan ng liwanag ng ilawan, ni ng liwanag man ng araw; sapagka’t liliwanagan sila ng Panginoong Dios: at sila’y maghahari magpakailan kailan man” (Pahayag 22:1-5). Sa tuwing aawitin natin ang mga salitang ito, ang mga puso natin ay napupuno ng kagalakan at kasiyahan, at ang mga luha ay tumutulo mula sa ating mga mata. Salamat sa Panginoon sa pagpili sa atin, salamat sa Panginoon sa Kanyang biyaya. Tayo ay binigyan Niya ng makasandaang ulit ngayon, tayo ay binigyan Niya ng buhay na walang hanggan sa mundong darating, at kapag hiningi Niya ang ating mga buhay, ito ay ibibigay natin sa Kanya nang walang daing. Panginoon! Pakiusap na dumating Ka na! Huwag ka nang maantala ng isang minuto, dahil kami ay labis na naghahangad sa Iyo, at aming kinalimutan ang lahat para sa Iyo.

Ang Diyos ay walang imik, at hindi kailanman nagpakita sa atin, ngunit ang Kanyang gawain ay hindi huminto. Binabantayan Niya ang lahat ng lupain, at inuutusan ang lahat ng bagay, at pinagmamasdan ang lahat ng mga salita at gawa ng tao. Ang Kanyang pamamahala ay isinasagawa sa bawat hakbang at alinsunod sa Kanyang plano. Ito ay tahimik na nagpapatuloy, hindi masigabo, ngunit ang Kanyang mga yapak ay sumusulong nang palapit sa sangkatauhan, at ang Kanyang upuan sa paghatol ay lumawak hanggang pandaigdigan na kasing-bilis ng kidlat, kasunod nito ang pagpanaog ng Kanyang trono sa ating kalagitnaan. Isang makahari na tanawin yaon, isang marangal at taimtim na larawan. Katulad ng isang kalapati, at katulad ng umaatungal na leon, ang Espiritu at dumating sa ating kalagitnaan. Siya ay matalino, Siya ay matuwid at makahari, Siya ay tahimik na dumarating sa ating kalagitnaan na may angking awtoridad at puno ng pagmamahal at awa. Walang nakakaalam sa Kanyang pagdating, walang sumasalubong sa Kanyang pagdating, at higit sa lahat, walang nakakaalam sa lahat ng Kanyang gagawin. Ang buhay ng tao ay nananatiling hindi nagbabago; gayundin ang kanyang puso, at ang mga araw ay dadaan gaya ng dati. Ang Diyos ay namumuhay sa ating kalagitnaan katulad ng isang karaniwang tao, katulad ng isang hamak na tagasunod at karaniwang mananampalataya. Siya ay may sariling mga gawain, Kanyang sariling mga layunin, at higit sa lahat, Siya ay may pagka-Diyos na wala sa kahit na sinong karaniwang tao. Walang sinuman ang nakapansin sa Kanyang pagka-Diyos, at walang sinuman ang nakaramdam ng kaibahan ng Kanyang diwa at sa kung ano ang sa tao. Tayo ay namumuhay na kasama Siya, malaya at walang takot, dahil nakikita natin Siya bilang hindi hihigit sa isang hamak na mananampalataya. Pinapanood Niya ang lahat ng ating mga kilos, lahat ng ating mga kaisipan at mga kuro-kuro ay nakalatag sa Kanyang harapan. Walang sinuman ang nagkaroon ng hangarin sa Kanyang pag-iral, walang sinuman ang nakaisip ng Kanyang tungkulin, at higit sa lahat, walang sinuman ang mayroong hinala kung sino Siya. Ipinagpatuloy lamang natin ang ating mga gawain, na tila Siya ay walang kinalaman sa atin.

Kung sakali, ang Banal na Espiritu ay nagpahayag ng ilang salita “sa pamamagitan” Niya, at kahit na ito ay hindi inaasahan, kinikilala natin na ito ay mga pagbigkas ng Diyos, at ito ay bukas-palad nating tinatanggap mula sa Diyos. Iyon ay sa dahilang hindi alintana kung sino ang nagpapahayag ng mga salitang ito, hangga’t ito ay nagmumula sa Banal na Espiritu nararapat natin itong tanggapin, at hindi maaaring tanggihan. Ang susunod na pagbigkas ay maaaring sa pamamagitan ko, maaaring sa pamamagitan mo, o maaaring sa pamamagitan Niya. Hindi alintana kung sino ito, ang lahat ay dahil sa biyaya ng Diyos. Ngunit kahit na sino pa man iyon, hindi nararapat na sila ay sambahin, anuman ang mangyari, hindi sila maaaring maging Diyos, hindi tayo maaaring humanap at mamili ng isang karaniwang tao na katulad nito upang maging ating Diyos. Ang ating Diyos ay napakadakila at kagalang-galang; paano Siya kakatawanin ng isang hamak lamang? Higit sa lahat, hinihintay nating lahat ang pagdating ng Diyos upang tayo ay dalhin Niyang muli sa kaharian ng langit, kaya papaanong ang isang hamak na tao ay maging angkop para sa napakahalaga at napakahirap na gawain? Kapag nagbalik nang muli ang Panginoon, ito dapat ay sa puting ulap, nakikita ng lahat. Napakaluwalhati nito! Paano Siyang tahimik na makapagtatago sa kalagitnaan ng mga karaniwang kalipunan ng mga tao?

Ngunit ang karaniwang taong ito na nakatago sa mga tao ang siyang gumagawa ng bagong tungkulin ng pagliligtas sa atin. Hindi Niya nililinaw ang anumang bagay para sa atin, hindi rin Niya sinasabi kung bakit Siya dumating. Ginagawa Niya lamang ang mga gawain na kailangan Niyang gawin sa mga hakbang na alinsunod sa Kanyang plano. Ang Kanyang mga salita at mga pagbigkas ay naging mas madalas. Mula sa pag-aliw, pagpapayo, pagpapaalala, at mga babala, hanggang sa pagpapagalit at pagdidisiplina; mula sa tinig na banayad at maawain, hanggang sa mga salitang malupit at makahari—ang mga iyon ay parehong nagtatanim ng awa at pangamba sa tao. Lahat ng Kanyang sinasabi ay palaging tumatama sa mga lihim na nakatago sa ating kaibuturan. Ang Kanyang mga salita ay kumakagat sa ating mga puso, kumakagat sa ating mga kaluluwa, at iniiwan tayong napahiya at naaba. Tayo ay nagsisimulang magtaka kung talagang mahal tayo ng Diyos na nasa puso ng taong ito, at kung ano talaga ang Kanyang binabalak gawin. Marahil kailangan natin munang pagtiisan ang sakit na ito upang masalubong natin ang Panginoon? Sa ating mga isipan, ating tinutuos … tungkol sa hantungang parating, at tungkol sa ating hinaharap na kapalaran. Gayunman, wala sa atin ang naniniwala na ang Diyos ay nagkatawang-tao at gumawang kasama natin. Kahit na nakasama natin Siya sa matagal na panahon, kahit na Siya ay nagsalita nang madalas sa ating harapan, ayaw pa rin nating loobing tanggapin ang isang karaniwang tao bilang Diyos ng ating hinaharap, hindi rin natin maipagkatiwala ang pamamahala ng ating hinaharap at kapalaran sa isang hamak na tao. Mula sa Kanya ay ating tinatamasa ang walang tigil na agos ng buhay na tubig, at salamat sa Kanya tayo ay nabubuhay kasama ng Diyos. Tayo ay nagpapasalamat lamang sa biyaya ng Panginoong Jesus sa langit, at hindi kailanman nagbigay-pansin sa nararamdaman ng karaniwang taong ito na nagtataglay ng pagka-Diyos. Patuloy Niya pa ring ginagawa ang Kanyang gawain habang mapagkumbabang nasa katawang-tao, ipinapahayag ang boses ng Kanyang puso, na tila walang kamalay-malay sa hindi pagtanggap sa Kanya ng sangkatauhan, wari’y walang katapusang nagpapatawad sa kamusmusan at kamangmangan ng tao, at walang hanggang nagpaparaya sa kalapastanganan ng tao sa Kanya.

Walang tayong kaalam-alam, ang hamak na taong ito ay pinangunahan tayo sa hakbang-hakbang na pagpunta sa gawain ng Diyos. Nagdadaan tayo sa hindi mabilang na mga pagsubok, sumailalim sa napakaraming pagpaparusa, at sinubok ng kamatayan. Natutunan natin ang matuwid at makahari na disposisyon ng Diyos, matamasa, din, ang Kanyang pag-ibig at awa, pahalagahan ang dakilang kapangyarihan at talino ng Diyos, masaksihan ang kagandahan ng Diyos, at mapagmasdan ang Kanyang sabik na pagnanais na iligtas ang tao. Sa mga salita ng karaniwang taong ito, nalalaman natin ang katangian at diwa ng Diyos, at ating naiintindihan ang disposisyon ng Diyos, nalalaman ang kalikasan at diwa ng tao, at makita ang paraan ng kaligtasan at pagka-perpekto. Ang Kanyang mga salita ay ang dahilan ng ating kamatayan, at ang dahilan ng ating kapanganakang-muli; Ang Kanyang mga salita ay nagdudulot ng kaginhawahan, gayun pa man ay iniiwan din tayong nililigalig sa pagkakasala at ang pakiramdam ng may pagkakautang; Ang Kanyang mga salita ay nagbibigay ng kagalakan at kapayapaan, subalit ito’y nagbibigay din ng matinding kirot. Minsan tayo ay parang mga tupang kakatayin sa Kanyang mga kamay; minsan tayo ay Kanyang kinagigiliwan, at ating masayang tinatamasa ang Kanyang pagmamahal at pagsinta; minsan tayo ay parang Kanyang mga kaaway, naging abo dahil sa Kanyang galit sa Kanyang mga mata. Tayo ang sangkatauhan na Kanyang iniligtas, tayo ang mga uod sa Kanyang paningin, at tayo ang mga ligaw na tupa na Kanyang iniisip na hahanapin umaga man o gabi. Siya ay maaawain sa atin, tayo ay Kanyang kinamumuhian, tayo ay Kanyang iniaangat, tayo ay Kanyang inaaliw at pinapayuhan, tayo ay Kanyang ginagabayan, tayo ay Kanyang nililiwanagan, tayo ay Kanyang kinakastigo at dinidisiplina, at tayo rin ay Kanyang isinusumpa. Siya ay nag-aalala para sa atin sa gabi at araw, tayo ay Kanyang pinagtatanggol at pinangangalagaan sa gabi at araw, hindi Siya kailanman lumilisan sa ating tabi, at itinatalaga Niya ang lahat ng Kanyang pangangalaga sa atin at handang magdusa para sa atin. Sa mga salita ng maliit at karaniwang laman, tinamasa natin ang kabuuan ng Diyos, at namasdan ang hantungan na ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Ngunit sa kabila nito, nananatili ang kayabangan sa ating mga puso, at ayaw pa ring nating loobing masigasig na tanggapin ang taong ito bilang ating Diyos. Kahit na binigyan Niya tayo ng maraming manna, na ating tinatamasa, wala sa mga ito ang makakaagaw sa lugar ng Diyos sa ating mga puso. Ating pinararangalan ang natatanging pagkakakilanlan at katayuan ng taong ito sa pamamagitan lamang ng malaking pag-aatubili. Kapag Siya ay hindi nagsalita upang Siya ay ating makilala bilang Diyos, hindi rin natin Siya tatanggapin bilang ang Diyos na malapit nang dumating ngunit nagsasagawa na nang matagal sa ating kalagitnaan.

Nagpatuloy ang pagbigkas ng Diyos, at gumamit Siya ng iba’t-ibang paraan at pagtingin upang pagsabihan tayo kung ano ang nararapat gawin at ipahayag ang tinig ng Kanyang puso. Ang Kanyang mga salita ay nagdadala ng kapangyarihan sa buhay, at ipinakikita sa atin ang daan kung saan tayo ay maglalakad, at pinahihintulutang ating maintindihan ang katotohanan. Nagsisimula tayong maakit sa Kanyang mga salita, sinisimulan nating ituon ang ating isip sa himig at paraan kung papaano ang Kanyang pananalita, at wala tayong kamalay-malay na nagsisimulang maging mahilig sa tinig ng puso ng di-pansining taong ito. Siya ay gumagawa nang maingat na pagsisikap para sa atin, nawawalan ng tulog at gana para sa atin, umiiyak para sa atin, naghihinagpis para sa atin, dumadaing sa sakit para sa atin, nakararanas ng pagpapahiya para sa kapakanan ng ating hantungan at kaligtasan, at ang Kanyang puso ay dumudugo at lumuluha dahil sa ating pagiging manhid at pagkasuwail. Ang ganoong pagkatao at Kanyang mga pag-aari ay higit pa sa karaniwang tao, at hindi kailanman makakamit o matatamo ng sinumang ginawang tiwali. Siya ay may pagpaparaya at pagtitiis na hindi nakamit ng karaniwang tao, at ang Kanyang pagmamahal ay hindi taglay ng kahit na sinumang nilikhang tao. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang ipakita sa atin ang daan at magbigay ng kaliwanagan. Walang sinuman maliban sa Kanya ang kayang ibunyag ang mga hiwaga na hindi ipinaaalam ng Diyos sa mga nilikha hanggang ngayon. Walang sinuman maliban sa Kanya ang may kakayanang tayo ay iligtas mula sa pang-aalipin ni Satanas at ng ang ating tiwaling disposisyon. Kinakatawan Niya ang Diyos, at inihahayag ang tinig ng puso ng Diyos, ang mga pangaral ng Diyos, at ang mga salita ng paghatol ng Diyos sa buong sangkatauhan. Siya ay nagsimula ng bagong panahon, at nagdala ng bagong langit at lupa, bagong gawain, at Siya ay nagdala ng bagong pag-asa, at tinapos ang ating buhay sa kalabuan, at tayo ay hinayaang lubos na matanaw ang daan ng kaligtasan. Kanyang nilupig ang ating buong pagkatao, at nakamit ang ating mga puso. Mula sa sandaling iyon, ang ating mga isipan ay nagkamalay, at ang ating mga espiritu ay tila napanumbalik: Ang karaniwan at hamak na taong ito, na namumuhay kasama natin at matagal na nating tinanggihan—hindi ba’t Siya ang Panginoong Jesus, na laging nasa ating mga isipan, at ating inaasam sa gabi at araw? Ito ay Siya! Ito ay talagang Siya! Siya ang ating Diyos! Siya ang katotohanan, ang daan, at ang buhay! Tayo ay pinahintulutan Niyang mabuhay muli, na makita ang liwanag, at pinigilan ang ating mga puso sa paglihis. Tayo ay nagbalik sa tahanan ng Diyos, tayo ay nagbalik sa harap ng Kanyang trono, tayo ay harap-harapan sa Kanya, nasaksihan natin ang Kanyang mukha, at nakita na ang landas sa hinaharap. Sa panahong iyon, ang puso natin ay lubusang Niyang malulupig; hindi na tayo magdududa kung sino Siya, at hindi na tututulan ang Kanyang gawain at salita, at tayo ay luluhod, nang lubusan, sa Kanyang harapan. Tayo ay nagnanais ng walang anuman maliban sa pagsunod sa mga yapak ng Diyos sa nalalabing bahagi ng ating buhay, at upang tayo ay Kanyang gagawing perpekto, at upang masuklian natin ang Kanyang biyaya, upang masuklian natin ang Kanyang pag-ibig sa atin, at upang sundin ang Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos, at upang makipagtulungan sa Kanyang gawain, at gawin ang lahat ng ating makakaya upang lubusin ang Kanyang mga ipinagkatiwala sa atin.

Ang panlulupig ng Diyos sa atin ay parang paligsahan ng sining ng pakikipaglaban.

Ang bawat salita ng Diyos ay tumatama sa ating mortal na bahagi, at nililisan tayong malungkot at takot. Ibinubunyag Niya ang ating mga paniniwala, ibinubunyag ang ating mga guni-guni, at ibinubunyag ang ating tiwaling disposisyon. Sa pamamagitan ng lahat ng ating sinasabi at ginagawa, at lahat ng ating mga saloobin at mga kaisipan, ang ating kalikasan at diwa at naibubunyag sa pamamagitan ng Kanyang mga salita, iniiwan tayong napahiya at nanginginig sa takot. Sinasabi Niya ang lahat ng ating mga ginagawa, ang ating mga layunin at mga balak, maging ang ating tiwaling disposisyon na hindi pa natin natutuklasan, at nararamdaman natin na tila lubusan tayong nailantad, at higit nating nararamdaman na talagang nahikayat tayo. Tayo ay Kanyang hinahatulan sa ating pagsalungat sa Kanya, tayo ay Kanyang pinarurusahan dahil sa ating kalapastanganan at paghusga sa Kanya, at ipinararamdam Niya na sa Kanyang mga mata tayo ay walang kabuluhan, at tayo ang nabubuhay na Satanas. Ang ating mga pag-asa ay nawasak, hindi na tayo naglalakas-loob na gumawa ng anumang hindi makatuwirang pangangailangan at pagtatangka sa Kanya, at maging ang ating mga pangarap ay naglaho sa magdamag. Ito ang katotohanan na hindi natin inakala at wala sa atin ang makatatanggap. Sa isang sandali, ang mga isip natin ay tumabingi at hindi natin alam kung papaano magpapatuloy sa daan na hinaharap, hindi alam kung papaano magpapatuloy sa ating paniniwala. Tila ang ating pananampalataya ay bumalik sa umpisa, at tila hindi pa natin nakikilala ang Panginoong Jesus. Naguluhan tayo dahil sa lahat ng nakikita natin, at ating naramdaman na parang tayo ay naitangay ng alon. Nasira ang ating loob, tayo ay nabigo, at sa ating mga puso ay mayroong matigas na galit at kahihiyan. Sinubukan nating magbulalas, sinubukang maghanap ng daan palabas, at, higit sa lahat, tinangka natin na ipagpatuloy ang paghihintay sa ating Jesus na Tagapagligtas, at ibuhos ang ating mga damdamin sa Kanya. Bagaman may mga pagkakataong hindi man tayo mapagmayabang o mapagpakumbaba sa labas, sa ating mga puso tayo ay tinablan ng pakiramdam ng pagkawala na hindi tulad ng dati. Bagaman minsan maaaring tila tayo ay tiwasay sa panlabas, sa loob tinitiis natin ang mga lumiligid na dagat ng pagdurusa. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay binaklas ang lahat ng ating mga pag-asa at mga pangarap, iniwan tayong walang mga napakaluhong pagnanais, at ayaw loobing paniwalaan na Siya ang ating Tagapagligtas at may kakayanang tayo ay iligtas. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo at nagbukas ng malalim na agwat sa pagitan natin at Niya at walang sinuman ang nais tumawid. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ang unang pagkakataon na tayo ay nakaranas ng ganoon kalaking sagabal at ganoon kalaking kahihiyan. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay pinayagan tayo na lubusang pahalagahan ang karangalan ng Diyos at kawalang-pagpaparaya nito sa pagkakasala ng tao, paghahalintulad na kung saan tayo ay mababa at marumi. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay nagpatalos sa atin sa unang pagkakataon kung gaano tayo kayabang at kahambog, at kung papaanong kahit kailan ay hindi magiging kapantay ang tao sa Diyos, o nasa kaparis ng Diyos. Dahil sa Kanyang paghatol at pagkastigo tayo ay naghangad na hindi na muling mamuhay sa tiwaling disposisyon, at nagawang magnasa na tanggalin ang ganoong kalikasan at diwa sa lalong madaling panahon, at hindi na maging kinamumuhian Niya at nakapandidiri sa Kaniya. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay ginawa tayong masayang sumusunod sa Kanyang salita, at hindi na kailanman susuway laban sa Kanyang pamamatnugot at pagsasaayos. Ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay minsan pang tayo binigyan ng pagnanais na hanapin ang buhay, at ginawa tayong masaya na tanggapin Siya bilang ating Tagapagligtas.… Iniwan natin ang gawain ng panlulupig, lumabas mula sa impiyerno, lumabas mula sa lambak ng kamatayan.… Nakamit tayo, itong pangkat ng mga tao, ng Makapangyarihang Diyos! Siya ay nagtagumpay laban kay Satanas, at tinalo ang lahat ng Kanyang mga kaaway!

Tayo ay mga karaniwang kalipunan lang ng tao na nagtataglay ng tiwaling disposisyon ni Satanas, tayo ang mga itinalaga ng Diyos noon, at tayo ang mga nangangailan na iniangat ng Diyos mula sa tambak ng dumi. Minsan na nating tinanggihan at hinusgahan ang Diyos, ngunit ngayon tayo ay Kanyang nalupig. Tayo ay nakatanggap ng buhay at nakatanggap ng daan ng buhay na walang hanggan mula sa Diyos. Kahit saan man tayo sa lupa, sa kabila ng pag-uusig at kapighatian, hindi tayo maaaring hiwalay sa kaligtasan na mula sa Makapangyarihang Diyos. Dahil Siya ang ating Manlilikha, at ang ating tanging pagtubos!

Ang pag-ibig ng Diyos ay umaabot sa malayo katulad ng tubig sa batis, at ibinigay sa iyo, at sa akin, at sa kanya, at sa lahat ng tunay na naghahanap ng katotohanan at naghihintay sa Kanyang pagpapakita.

Katulad ng laging pagsunod ng buwan sa araw, ang gawa ng Diyos ay hindi matatapos, at matutupad sa iyo, sa akin, sa kanya, at sa lahat ng sumusunod sa yapak ng Diyos at tumatanggap sa Kanyang paghatol at pagkastigo.

Ipinahayag noong Marso 23, 2010