581 Magagawa Lamang Nang Maayos ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin Sa Pamamagitan ng Pagkilos Nang may mga Prinsipyo

1 Anumang tungkulin ang iyong tinutupad, dapat mong palaging hangaring arukin ang kalooban ng Diyos at unawain kung ano ang Kanyang mga ipinagagawa sa iyong tungkulin; saka mo lamang maisasagawa ang mga bagay-bagay sa isang maprinsipyong paraan. Sa pagganap sa iyong tungkulin, hindi ka talaga maaaring sumunod sa iyong personal na mga kagustuhan, sa paggawa lamang ng anumang gusto mong gawin, anumang magpapasaya sa iyo at komportable kang gawin, o anumang makakaganda sa iyo. Kapag puwersahan mong iginiit ang iyong mga kagustuhan sa Diyos o isinasagawa ang iyong mga kagustuhan na parang ang mga ito ang katotohanan, sinusunod ang mga ito na parang mga katotohanang prinsipyo, kung gayon hindi iyan pagtupad sa iyong tungkulin at ang pagganap sa iyong tungkulin sa ganitong paraan ay hindi maaalala ng Diyos. Mali ang ituring na katotohanan ang pinaniniwalaan mong tama, mabuti, at maganda.

2 Kahit maaaring iniisip minsan ng mga tao na tama ang isang bagay at na umaayon ito sa katotohanan, hindi ito agad nangangahulugan na umaayon ito sa kalooban ng Diyos. Habang mas iniisip ng mga tao na tama ang isang bagay, lalo dapat silang maging maingat at lalo nilang dapat hanapin ang katotohanan upang makita kung natutugunan ng iniisip nila ang mga hinihingi ng Diyos. Kung sumasalungat ito sa Kanyang mga hinihingi ay hindi iyon katanggap-tanggap kahit na sa palagay mo ay tama ito, at maaaring hindi umaayon sa katotohanan gaano mo man naiisip na tama ito. Ang pagtukoy mo ng tama at mali ay kailangang nakabatay sa mga salita ng Diyos lamang, at gaano mo man naiisip na tama ang isang bagay, kung hindi ito nakabatay sa mga salita ng Diyos, kailangan mo itong iwaksi. Ang isang tungkulin ay isang atas na ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao.at dapat iyong tuparin sa pamamagitan ng pagkilos alinsunod sa mga hinihiling at pamantayan ng Diyos, at sa pagbatay ng iyong pag-uugali sa mga katotohanang prinsipyo sa halip na sa mga pansariling hangarin ng tao. Sa ganitong paraan, aayon sa pamantayan ang pagtupad mo sa iyong mga tungkulin.

Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Sa Paghahanap Lamang ng mga Prinsipyo ng Katotohanan Magagampanan nang Mabuti ng Isang Tao ang Kanyang Tungkulin

Sinundan: 580 Ang Pagsasagawa ng mga Salita ng Diyos at Pagpapalugod sa Diyos ang Unahin

Sumunod: 582 Tanging ang mga Tapat ang Makakagawa ng Kanilang Tungkulin Nang Kasiya-siya

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito