23. Nasa Bingit ng Kapahamakan

Ni Zhang Hui, Tsina

Noong 2005, kakatanggap ko pa lang no’n ng gawain ng Makapangyarihang Diyos, nag-ebanghelyo ako sa kapatid sa dati kong simbahan. Isang hapon, dumating sina Pastor Li at Kasamang Wang sa bahay ko. Kumakabog ang dibdib ko. “Bakit kaya sila nagpunta? Alam ba nilang tinanggap ko na ang Makapangyarihang Diyos? No’ng tinanggap ng ibang miyembro ng simbahan ang Makapangyarihang Diyos, nagsimula sila ng tsismis, at tinakot ang mga miyembrong iyon. Anong klaseng pamamaraan ang gagamitin nila laban sa akin?” Di nagtagal, dumating ang mga anak kong lalaki at babae. Nalito ako nang oras na ’yun. Sabi ng mga anak ko, talagang abala raw sila, kaya bakit pareho silang pumunta ngayong araw? Inayos ba ito ni Pastor Li? Napagtanto kong dati na nila itong pinaghandaan. Nagdasal ako kaagad sa Diyos: “O Diyos, hindi ko alam kung anong susubukan nila sa’kin. Napakaliit ng tayog ko para harapin ito. Pakiusap, gabayan Mo ako at tulungang manatiling matatag sa tamang landas.” Mas kumalma ako pagkatapos kong magdasal sa Diyos.

Pagkatapos noon, ngumiti si Pastor Li at sinabing, “Brother Zhang, narinig kong tinanggap mo na ang Kidlat ng Silanganan. Totoo ba ’yun, ha? Ga’no man karaming katotohanan ang mayroon dito, ’di natin ito puwedeng tanggapin. Maraming taon na tayong naniniwala sa Panginoon, at nangaral para sa Kanya. Alam nating ang Panginoong Jesus ay ipinako sa krus at naging handog para sa kasalanan, na tumubos sa’tin sa kasalanan. Kailangan nating panindigan ang pangalan at landas ng Panginoon sa lahat ng oras. Hindi tayo pwedeng maniwala sa ibang Diyos. Sa pag-alis sa Panginoong Jesus at paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, hindi mo ba pinagtataksilan ang Panginoon?”

Tahimik lang ako, at sinabi ko nang mahinahon, “Pastor Li, kailangang tingnan natin ang ebidensya, di basta-basta kondenahin ’to. Hindi mo pa sinusuri ang Kidlat ng Silanganan o binabasa ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, kaya pa’no mo nasabing ipinagkakanulo ko ang Panginoon dahil sa pagtanggap dito? Alam mo ba kung sa’n nanggagaling ang katotohanan at sinong nagpapahayag nito? Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay(Juan 14:6). Sa Diyos galing ang katotohanan. Pa’no mo nasabing ga’no man ito katotoo, hindi natin ito puwedeng tanggapin? Di ba ’yon sadyang paglaban sa katotohanan at sa Diyos? Mabibilang pa ba tayong mga naniniwala? Marami akong nabasang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at nakita kong katotohanan silang lahat, na naghahayag sila ng maraming katotohanan at misteryo. Lahat ng pagkalito ko sa mga taon ng paniniwala ko ay nalutas sa pamamagitan ng mga salita Niya. Matatag akong naniniwala na Siya ang pagbabalik ng Panginoong Jesus. Ang pagsunod sa Kanya’y ang pagsalubong sa pagdating ng Panginoon! Sinasabi mong ang pananampalataya sa Makapangyarihang Diyos ay pagkakanulo sa Panginoong Jesus. Umaayon ba ito sa katotohanan? Nang dumating para gumawa ang Panginoong Jesus, marami ang umalis sa templo para sumunod sa Kanya. Ibig bang sabihin no’n, ipinagkanulo nila ang Diyos na Jehova? Kahit na ang gawain Niya ng pagtubos ay iba sa gawain ng pagpapahayag ng kautusan na ginawa ng Diyos na Jehova, at nagbago rin ang pangalan ng Diyos, ang Panginoong Jesus at si Jehova ay iisa at parehong Diyos. Hindi nila ipinagkakanulo ang Diyos na Jehova, kundi sinusundan nila ang mga yapak ng Kordero at nagkakamit ng pagliligtas. Ang mga naniwala sa Diyos na Jehova ngunit hindi tinanggap ang Panginoong Jesus ang mga tumatalikod sa Diyos at nagkakanulo sa Kanya. Ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay iba mula sa Panginoong Jesus at nagbago ang pangalan ng Diyos, ngunit Sila ay iisang Diyos. Gumagawa lang ang Diyos ng magkakaibang gawain sa magkakaibang kapanahunan. Ginawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, na nagpapatawad lang sa kasalanan natin. Di Niya nilutas ang makasalanang kalikasan ng tao. Kaya ipinangako Niyang babalik Siyang muli para gawin ang gawain ng paghatol. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, ipinapahayag ang mga katotohanan para hatulan tayo sa pundasyon ng pagtubos ng Panginoon para lutasin ang ating mga satanikong disposisyon at ganap tayong iligtas sa kasalanan upang makamit ng Diyos. Tinutupad ng gawain at mga salita Niya ang mga propesiya ng Panginoong Jesus. Ang paniniwala ko sa Makapangyarihang Diyos ay hindi pagkakanulo sa Panginoong Jesus kundi pagsunod sa mga yapak ng Kordero. Hindi ba ang paniniwala sa Panginoong Jesus nang hindi tinatanggap ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ay nagtutulad din sa’tin sa mga Fariseo, na naniwala lamang sa Diyos na Jehova at itinanggi ang Panginoong Jesus? Iyon ang mga tipo ng taong nilalabanan at ipinagkakanulo ang Panginoon! Dapat maayos ninyong tingnan ang gawain ng Makapangyarihang Diyos at nang makita ninyo kung ang mga salita Niya’y ang tinig ng Diyos. Wag n’yong basta hatulan at kondenahin ito, o baka kondenahin kayo sa pagtutol sa Panginoon!”

Mukhang hindi komportable si Pastor Li, kaya inayos ni Kasamang Wang ang mga bagay-bagay: “Tutol kami sa Kidlat ng Silanganan at ayaw naming masangkot ang miyembro namin do’n para protektahan ang simbahan at bantayan ang kawan. Pa’no kami isusumpa ng Panginoon? Pakiramdam ni Pastor Li na responsable siya sa buhay mo. Ayaw niyang tahakin mo ang maling landas! Naging isa kang katrabaho, at marami kang nagawa para sa simbahan. Nirerespeto at pinagkakatiwalaan ka ng lahat. Alam mo, sila’y talagang madidismaya kung aalis ka para manalig sa Makapangyarihang Diyos!” Pagkatapos, nagmadaling makisali si Pastor Li, “Tama ang sinabi ni Kasamang Wang. Nagtrabaho ka nang husto sa lahat ng taong iyon. Bukod pa rito’y nakagawa ka na ng pangalan. Kung tatalikuran mo na lang iyon, sayang naman! Kaya bumalik ka na. Naghihintay ang lahat para sa iyo. Nagtayo ang simbahan natin ng isang retirement home. Magbibigay ng tulong-pinansiyal ang mga grupo ng relihiyon sa ibang bansa. Kung babalik ka, bibigyan ka namin agad ng kotse. Kung gusto mong pangasiwaan ang retirement home, o ang simbahan, o pangalagaan ulit ang pananalapi ng simbahan, ikaw ang bahala.”

Habang mas nakikinig ako sa kanila, mas nararamdaman kong parang may mali. Pa’no yun nasabi ng mga mananampalataya? Naisip ko ang panunukso ng diyablo sa Panginoong Jesus na mababasa sa Biblia: “Muling dinala Siya ng diablo sa isang bundok na lubhang mataas, at ipinamalas sa Kaniya ang lahat ng mga kaharian sa sanglibutan, at ang kaluwalhatian nila; At sinabi niya sa Kaniya, Lahat ng mga bagay na ito ay ibibigay ko sa Iyo, kung Ikaw ay magpapatirapa at sasambahin Mo ako” (Mateo 4:8–9). Hindi ba’t lahat ng sinasabi nila’y may eksaktong parehong pakiramdam, parehong tono sa sinabi ni Satanas? Naisip ko, “Pakana ito ni Satanas!” “Inaakit nila ako palayo sa tamang landas gamit ang katayuan at pera, para ipagkanulo ang Makapangyarihang Diyos. Binibitag nila ako para makuha ako!” Mahigit sampung taon na ’kong nananampalataya at napakaswerte kong masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Alam kong hindi ako makukuha ni Satanas. Kaya naman sinabi ko, “Narinig ko na ang tinig ng Diyos at nahanap ko na ang daan ng buhay na walang-hanggan. Pinipili kong sumunod sa Diyos. Huwag na kayong magsalita pa. Hindi ko lilisanin ang Makapangyarihang Diyos.”

At nagsimulang umiyak ang anak kong babae’t sinabing, “Pa, makinig ka naman sa’kin kahit saglit! Kamamatay lang ni Mama. Sobra na ang pagdurusa natin. Sa paniniwala mo sa Kidlat ng Silanganan at kapag pinalayas ka sa simbahan, pati kami, lalayuan din ng mga kapatid!” Ayokong nakikitang umiiyak nang gano’n ang anak kong babae. Nagkaro’n ng pagtatalo sa kalooban ko. “Kung papayag akong muling sumali sa simbahan, hindi ako itataboy at mapapanatili ko ang posisyon ko, ngunit pagsasara iyon ng pinto sa Panginoon. Iyon ay malubhang pagkakanulo!” Walang madaling pagpipilian. Sa gitna ng pasakit na ito, tahimik akong tumawag sa Diyos: “Makapangyarihang Diyos, naiipit ako sa dalawang sitwasyon. Bigyan Mo ako ng pananampalataya’t lakas para hindi na ako mangamba, at para magkaro’n ako ng paninindigan at sundin Ka.” Naisip ko ang ilan sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos na nabasa ko pagkatapos: “Dapat gising kayo at naghihintay sa lahat ng oras, at dapat kayong mas manalangin sa harapan Ko. Dapat ninyong makilala ang iba’t ibang balak at mga tusong pakana ni Satanas, makilala ang mga espiritu, makilala ang mga tao, at makayang makilatis ang lahat ng uri ng tao, pangyayari, at bagay(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 17). Binigyan ako nito ng lakas at inalerto na kinakailangan kong isagawa ang pagkilatis. Nasa likod ng kinakaharap ko ang mga pakana ni Satanas. Ginagamit niya ang katayuan at relasyon ng pamilya para akitin at atakehin ako, gambalain ang isip ko sa layuning ipagkanulo ko ang Diyos. Hindi ako maaaring mahulog sa patibong niya! Sabi ko sa mga anak ko, “Tiningnan ko na ito at malinaw ang lahat. Ang Makapangyarihang Diyos ang totoong Diyos, at ang mga salita at gawain Niya ang tamang landas. Inasam natin ang pagdating ng Panginoon sa mga taong ito. Ngayong dumating na Siya at ipinapahayag ang mga katotohanan para sa paghatol Niya, kailangan nating makasabay sa gawain Niya, at tanggapin ang paghatol at paglilinis ng Diyos para makapasok tayo sa kaharian ng Diyos. Hindi tayo dapat matakot na tanggihan ng iba, kundi matakot na alisin tayo ng Panginoon, ng hindi tayo ma-rapture. Iiyak tayo at magngangalit ang mga ngipin pagdating ng kalamidad! Dapat ninyong tingnan ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Maririnig ninyo ang tinig ng Diyos sa mga ito. At mapapatunayan ninyong ang Makapangyarihang Diyos ay si Cristo ng mga huling araw!” Tumigil na ang mga anak kong ipilit ang isyu, at tahimik akong nagpasalamat sa gabay ng Diyos.

Hindi sila nagpatinag, kundi galit silang umalis. Bumalik sila para tuksuhin ako gamit ang isang potensyal na pag-aasawa. Sabi ni Pastor Li, “Kamamatay lang ng asawa mo, may asawa na ang anak mong babae, at laging wala ang anak mong lalaki. Napakahirap siguro para sa’yo na laging mag-isa. Dapat, may nandito para ipagluto ka. Wala ring asawa si Sister Wang na galing sa simbahan. May kaya siya sa buhay, gusto ng mga tao, at masigasig sa pananampalataya. Hindi ba maganda kung magkakasama kayo, naroon para sa isa’t isa, at magkasamang paglilingkuran ang Panginoon?” Nang gabing iyon, tinawagan ako ni Sister Wang at pilit niya akong hinihimok na huwag nang maniwala sa Kidlat ng Silanganan. At kung kulang daw ang pera ko para sa kasal ng anak kong lalaki, magsabi lang daw ako. Nagdalawang-isip ako nang marinig ko ang mga sinabi niya. Noong may sakit ang asawa ko, naaksidente ang anak kong babae habang bumibili siya ng gamot para sa asawa ko. Nagpunta si Sister Wang para parehong alagaan ang asawa’t anak kong babae. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa kanya. Masasaktan ko ba ang damdamin ni Sister Wang kung hindi ko susundin ang payo niya? Ngunit ang pagprotekta sa relasyon namin ay maituturing na pagkakanulo sa Panginoon. Nabagabag talaga ako, at nagdasal ako sa Diyos. Medyo nahirapan ako roon, pero marahan ko siyang hinindian.

Dumating si Pastor Li at nakita niya ako habang nagtatrabaho ako sa bukid. Sabi niya, “Brother Zhang, kung hindi na para sa’yo, isipin mo na lang ang mga anak mo. Ikakasal na ang anak mong lalaki, at ang pamilya ng mapapangasawa niya’y mananampalataya. Kapag nalaman nila na naniniwala ka sa Makapangyarihang Diyos, papayagan pa rin ba nila ang anak nilang ikasal sa anak mo? Hindi ba ito makapipinsala sa kasal ng anak mo? Dapat mo pa itong pag-isipan.” Dito, naisip ko, “Tinatakot mo ako gamit ang kasal ng anak ko para tuluyan mo akong mailayo sa tunay na daan. Kasuklam-suklam iyan!” Diretsa kong sinabi sa kanya, “Ang pananampalataya ko sa Makapangyarihang Diyos ay pagpapasya ko. Wala itong kinalaman sa kasal ng anak ko. Isa pa, kung magiging maayos ang kasal niya’y nasa mga kamay na ng Diyos. Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Panginoong Jesus na nagbalik at susunod ako sa Kanya hanggang sa huli. Di naiintindihan ng mga anak ko, pero balang araw maiintindihan nila.” No’ng una, akala ko puro salita lang ang kayang gawin ni Pastor Li, pero ang nakakagulat, ginamit niya ang gano’ng bagay para ipagkanulo ko ang Makapangyarihang Diyos.

Nagpunta ako sa welding shop ang anak ko matapos ng ilang araw. Magkasalubong ang kilay niyang sinabing, “Pa, sabi ng fiancee ko, nagpunta si Pastor Li sa pamilya niya at sinabing naniniwala ka sa Kidlat ng Silanganan. Sabi niya, kung hindi mo raw isusuko ’yan, hindi na matutuloy ang kasal.” Nangilabot ako at galit na galit ang pakiramdam ko. Talagang ginagamit ni Pastor Li ang kasal ng anak ko para takutin ako. Paanong makakagawa nu’n ang mananampalataya? Napakabigat talaga sa loob ko na makitang nanlulupaypay ang anak ko. Labing-walong araw na lang bago ang kasal nilang dalawa. Talaga bang hindi na iyon matutuloy nang gano’n-gano’n na lang? Napuno ng luha ang mga mata ko sa isiping iyon. Nagpatuloy pa siya, “Pa, sinabi niya rin na may tatlo siyang kundisyon sa pagpapakasal sa’kin. Una, ang putulin ang ating relasyon bilang mag-ama. Pangalawa, ang hindi ka alagaan sa pagtanda mo. Pangatlo, ang putulin ang lahat ng ugnayan ko sa pamilya. Wala na sa’tin si Mama. Tigilan mo na ang paniniwala riyan alang-alang sa pamilya natin.” Nang marinig ko ’yun at nang makita ko ang mukha niyang puno ng sakit, para ring sinaksak ang puso ko. Dahil lang naniwala ako sa Makapangyarihang Diyos, tinatrato ako ng mga pastor tulad ng isang kaaway at pinipilit ang anak ko na putulin ang ugnayan sa’kin. Nakakasuklam talaga ’yan! Sinabi ko sa anak ko, “Anak, matanda ka na at hindi mo na ’ko kailangan para alagaan ka. Gusto ko lang isagawa ang pananampalataya ko at sundin ang Diyos sa mga natitirang araw ko. Sana, maintindihan mo ako.” Tapos, tumalikod na ako at umalis sa shop pagkatapos no’n. Pagbalik sa bahay, lumapit ako sa Diyos sa panalangin: “Makapangyarihang Diyos! Ginagamit ng pastor ang bawat panlilinlang sa libro para guluhin at pilitin ako. Puputulin ng anak ko ang lahat ng ugnayan niya sa’kin. Sobrang nanghihina ako ngayon. Gabayan at bigyan Mo ako ng pananampalataya.”

Nang sumunod na araw, pinuntahan ako ni Brother Lin at sinabi ko kung ano na ang nangyayari. Binasa niya ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos para sa’kin. “Sa bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa gitna ng mga tao, sa panlabas ay mukha itong pag-uugnayan sa pagitan ng mga tao, na para bang mula sa pagsasaayos ng tao, o mula sa panghihimasok ng tao. Ngunit sa likod ng mga eksena, ang bawat hakbang ng gawain, at lahat ng nangyayari, ay isang pustahan na ginawa ni Satanas sa harap ng Diyos, at hinihingi sa mga tao na manindigan sa kanilang patotoo sa Diyos. Gaya nang si Job ay sinubukan, halimbawa: Sa likod ng mga eksena, nakikipagpustahan si Satanas sa Diyos, at ang nangyari kay Job ay mga gawa ng tao, at panghihimasok ng mga tao. Sa likod ng bawat hakbang ng gawaing ginagawa ng Diyos sa inyo ay ang pakikipagpustahan ni Satanas sa Diyos—sa likod ng lahat ng ito ay isang labanan. … Kailangan ng mga taong magbayad ng isang tiyak na halaga sa kanilang mga pagsisikap sa lahat ng kanilang ginagawa. Kung walang aktwal na paghihirap, hindi nila mabibigyang-kasiyahan ang Diyos, hindi man lamang sila kalapitan sa pagbibigay-kasiyahan sa Diyos, at nagbubuga lamang sila ng mga hungkag na kasabihan!(Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal Lamang sa Diyos ang Tunay na Pananampalataya sa Diyos). Nung sinabi niya ang tungkol sa espirituwal na labanan sa konteksto ng mga salitang ito ng Diyos, naintindihan kong kapag pinipigilan, ginugulo, at pinipilit tayo ng pastor, pwedeng mukha itong gawa ng tao, pero si Satanas ito na ginagambala tayo. Kung sa’n man gumagawa ang Diyos, andun si Satanas na nakikialam. Kinamumuhian niya ang gawain ng Diyos na pagliligtas sa tao, kaya gumagamit ito ng mga pakana para pigilan ang tao sa pagsunod sa Diyos, upang dalhin ang mga tao sa impiyerno kasama nito. Sinubukan ni Pastor Li at ng iba pa na pigilan ako mula sa tamang landas, at muli’t muli nila ’kong ginugulo, bibigyan daw nila ako ng kotse, ipapamahala sa’kin ang pananalapi ng simbahan o ng retirement home. Nag-alok din sila na hanapan ako ng asawa. Nang walang gumana sa mga ’yon, ginamit nila ang kasal ng anak ko para takutin ako. Pareho nilang sinubukan ang gantimpala at ang parusa.

Nagbahagi pa si Brother Lin sa’kin: “Nang nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, kinamuhian ng mga pinuno ng Hudyong pananampalataya ang katotohanan at ang Diyos. Batid nilang mayroong awtoridad ang daan ng Panginoong Jesus. Hindi lang sila tumanggi na tingnan ito, kundi hibang pang nilabanan, kinondena, at nilapastangan Siya. Ginawa nila ang lahat upang pigilan ang mga tao sa pagsunod sa Kanya at naging sangkot sa Kanyang pagkakapako sa krus. Ginawa nila ito dahil natatakot silang mawala ang katayuan at pamumuhay nila kapag sumunod ang mga tao sa Panginoong Jesus. Tulad ng nasusulat sa Biblia, ’Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka’t ang taong ito’y gumagawa ng maraming tanda. Kung Siya’y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa Kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa. … Kaya’t mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay Siya’ (Juan 11:47, 48, 53). Dumating ang Diyos sa mga huling araw para gawin ang paghatol upang linisin at iligtas ang sangkatauhan. Alam ng relihiyosong pastor na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay ang katotohanan, pero hindi nila hinahanap o sinisiyasat ito. Galit nilang nilalabanan at kinokondena Siya, at pinipigilan ang ibang sumunod sa Kanya. Pa’nong naiba ang diwa nila sa mga Fariseong lumaban sa Panginoong Jesus? Kinondena at isinumpa na noon ng Panginoong Jesus ang mga ipokritong iyon. Sabi ng Panginoong Jesus, ‘Datapuwa’t sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t sinasarhan ninyo ang kaharian ng langit laban sa mga tao: sapagka’t kayo’y hindi na nagsisipasok, at ang nagsisipasok man ay ayaw ninyong bayaang mangakapasok(Mateo 23:13). ‘Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw! Sapagka’t inyong nililibot ang dagat at ang lupa sa paghanap ng isa ninyong makakampi; at kung siya’y magkagayon na, ay inyong ginagawa siyang makaibayo pang anak ng impiyerno kaysa sa inyong sarili(Mateo 23:15). Inilalantad din ng mga salita Niya ang diwa at pinanggagalingan ng paglaban ng mga relihiyosong pinuno sa Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, ‘Mayroong mga nagbabasa ng Biblia sa mga malalaking iglesia at nagsasalaysay nito nang buong araw, ngunit wala ni isa sa kanila ang nakauunawa sa layunin ng gawain ng Diyos. Wala ni isa sa kanila ang nakakilala sa Diyos, lalong wala ni isa sa kanila ang nakaayon sa kalooban ng Diyos. Lahat sila ay walang halaga, masasamang tao, bawat isa ay nagpapakataas upang pangaralan ang Diyos. Sadya nilang sinasalungat ang Diyos kahit na dala-dala nila ang Kanyang bandila. Sinasabi nilang sila ay nananampalataya sa Diyos, subalit kumakain pa rin sila ng laman at umiinom ng dugo ng tao. Ang lahat ng ganitong tao ay mga diyablong lumalamon sa kaluluwa ng tao, mga pinunong demonyo na sadyang humahadlang sa mga sumusubok na tumapak sa tamang landas, at mga balakid na nakasasagabal sa mga naghahanap sa Diyos. Sila ay tila may “mahuhusay na konstitusyon,” ngunit paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay walang iba kundi mga anticristo na umaakay sa mga tao na manindigan laban sa Diyos? Paano malalaman ng kanilang mga tagasunod na sila ay mga nabubuhay na diyablo na nakatuon sa paglamon ng mga kaluluwa ng tao?’” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Lahat ng Taong Hindi Nakakakilala sa Diyos ay mga Taong Sumasalungat sa Diyos). Matapos basahin ito, mas naintindihan ko ang mala-demonyong kalikasan ng mga relihiyosong pinuno na napopoot sa katotohanan. Nilalabanan at kinokondena nila ang Makapangyarihang Diyos at inuusig ang mga kapatid na nagpapatotoo sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, para panatilihin ang kapangyarihan sa mga tupa ng Diyos magpakailanman. Gusto nilang angkinin ang mga tupa ng Diyos, upang mahigpit nilang makontrol ang mga ito. Pinipigilan nila ang mga mananampalatayang makapunta sa kaharian ng Diyos. Mapupunta sila sa impyerno at hinihila ang iba pa kasama nila. Talagang isa silang pangkat ng mga demonyo! Kung ’di ko naranasan nang personal ang mga pagsisikap ng mga pastor na hadlangan ako, kung ’di dahil sa Diyos na nagkatawang-tao na nagpapakita’t gumagawa, inilalantad ang masasamang tagapaglingkod at mga nagtatagong anticristo sa mga iglesia, di ko makikita ang mala-demonyo nilang diwa ng paglaban sa Diyos. Nailigaw at nasira na sana nila ako nang di ko nalalaman. Nakita ko ang kanilang mga mapagkunwari’t nakakakilabot na mukha at mas tumatag ang pananampalataya kong sundan ang Makapangyarihang Diyos.

Patuloy kong ibinahagi ang ebanghelyo sa mga kapatid mula sa dati kong iglesia. Isang umaga, nung nasa pagtitipon kami, dumating ulit sa bahay ko si Pastor Li at ang mga tauhan niya, at sinabing, “Paulit-ulit na naming sinabi sa’yong talikdan ang Kidlat ng Silanganan. Hindi ka lang tumangging makinig, ninanakaw mo pa ang tupa ko at ipinapangaral ang Kidlat ng Silanganan sa kanila. Gusto mo ba talagang labanan ako sa ganitong paraan?” Sinabi ko, “Pastor Li, hindi tamang sabihin mo ’yan. Ang iglesia ay sa Diyos, at ang kawan ay sa Kanya rin. Isa ka lang pastor. Pa’no mo nasabing sa’yo ang mga tupa? Ibinabahagi ko ang ebanghelyo sa mga kapatid para marinig nila ang tinig ng Diyos at bumalik sa harap ng Kanyang trono. Tama at nararapat ito. Bakit mo hahadlangan iyon, ha? Ang lahat ay nanghihina’t negatibo. Sila’y espirituwal na tigang at nasa kadiliman. At wala silang nakukuhang panustos sa buhay. Binigkas ng Makapangyarihang Diyos ang mga salita, ang daan sa walang-hanggang buhay. Bakit ayaw mong basahin ito ng mga tao? Bakit mo tatanggalin ang karapatan at kalayaan nilang tingnan ang tunay na daan? Sa pagpigil sa kanilang gawin iyon, hindi ba’t hinahayaan mong mamatay sila sa uhaw at iniiwan silang nakakulong sa relihiyon? Yun ba’y pagiging isang mabuting tagapaglingkod o masama?” Mabilis na nagbago ang mukha ni Pastor Li at galit na siyang sumigaw, “Wala nang sinumang makakatulong sa iyo. Kung hindi mo kami susundin, maghintay ka lang, mapaparusahan ka sa impyerno!” Sinabi ko, “Wala kang karapatang sabihin kung mapupunta ba ’ko sa impyerno. Ni hindi mo alam kung pa’no kilalanin ang tinig ng Diyos o salubungin Siya. Pa’no mo maaakay ang iba sa Kanyang kaharian? Si Cristo lang ng mga huling araw ang pintuan natin papunta sa kaharian ng langit. Nakita ko ang landas ng buhay na walang hanggan sa pamamagitan Niya. Ang responsibilidad sa buhay ko’y nakasalalay sa Diyos, hindi sa’yo.” Pagkatapos kong sabihin iyon, wala na silang nagawa kaya bigo silang umalis doon. Simula noon, wala nang pumunta ulit para gambalain ako.

Nagtamo ako ng kaunting pagkakilala sa mga pakana ni Satanas matapos kong pagdaanan ang espirituwal na labanang ito. Nakita ko ring ang mga pastor at elder sa relihiyon ay mga mapagkunwaring Fariseo lang, na sila’y mga anticristong itinatanggi at nilalabanan si Cristo. Napalaya na ako mula sa mga paghihigpit nila. Inakay ako ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos upang magtagumpay laban kay Satanas at matatag na tumayo sa tunay na daan. Pag binabalikan ko ang lahat ng pinagdaanan ko, lahat iyon ay isang malaking pagsubok para sa’kin. Naglalakad ako sa gilid ng buhay at kamatayan. Kung wala ang patnubay ng mga salita ng Diyos, ’di ko makikita ang mga pakana ni Satanas. Kung sinundan ko ang laman at yumuko kay Satanas, umaalis sa tamang landas magiging malalang pagtataksil iyon sa Diyos. Nagkasala sana ako sa disposisyon ng Diyos at nawalan ng pagkakataon sa kaligtasan. Nasa bingit talaga ako ng kapahamakan! Nagpapasalamat ako sa proteksyon at pagliligtas ng Diyos!

Sinundan: 22. Pagtakas mula sa “Lungga ng Tigre”

Sumunod: 24. Sino ang Hadlang Sa Daan Patungo sa Makalangit na Kaharian?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

40. Pag-uwi

Ni Muyi, South Korea “Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay malayang ipinagkaloob sa tao at bumabalot sa tao; ang tao ay inosente at...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito