31 Ang Paghatol ng Diyos sa Lahat ng Bansa at Tao
1 Lubusan nang naisakatuparan ang Aking kaharian, at hayagan na itong nakababa sa mundo; lalo itong nangangahulugan na ganap nang dumating ang Aking paghatol. Darating ang lahat ng uri ng sakuna, sunud-sunod; daranas ng mga kalamidad ang lahat ng bansa at lugar: Ang salot, taggutom, baha, tagtuyot, at mga lindol ay nasa lahat ng dako. Ang mga sakunang ito ay hindi lamang nangyayari sa isa o dalawang lugar, ni matatapos ang mga iyon sa loob ng isa o dalawang araw; bagkus, kakalat ang mga iyon sa palawak nang palawak na lugar, at titindi nang titindi. Sa loob ng panahong ito, lilitaw nang sunud-sunod ang lahat ng uri ng mga salot na insekto, at mangyayari ang kababalaghan ng kanibalismo sa lahat ng dako. Ito ang Aking paghatol sa lahat ng bansa at mga bayan.
2 Dapat umabot ang Aking pangalan sa lahat ng direksiyon at lahat ng dako, upang maaaring malaman ng bawat isa ang Aking banal na pangalan at makilala Ako. Malawak na lalaganap ang pangalan Ko pagkatapos ng mga sakuna, at kung hindi kayo maingat, mawawala sa inyo ang bahagi na para sa inyo. Hindi ba kayo natatakot? Umaabot ang Aking pangalan sa lahat ng relihiyon, lahat ng antas ng pamumuhay, lahat ng bansa at lahat ng denominasyon. Ito ang paggawa ng Aking gawain sa isang maayos na paraan, nang malapit na magkakaugnay; nangyayari ang lahat ng ito ayon sa Aking marunong na pagsasaayos. Ang inaasam Ko lamang ay na kaya ninyong sumulong sa bawat hakbang, nang malapit na sinusundan ang Aking mga yapak.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 65