134 Ang Diwa ng Diyos ay Hindi Nababago
Disposisyon at diwa ng Diyos ay ‘di nababago.
Pagbabago sa ngalan at gawain Niya’y
‘di ibig sabihing diwa Niya’y nabago na.
I
Kung sinasabi mong
‘di nagbabago ang gawain ng Diyos,
pa’no Niya magagawang
tapusin ang anim-na-libong-taong plano Niya?
Alam mong ang Diyos ay ‘di nababago,
ngunit alam mo rin bang
laging bago’t ‘di kailanman luma ang Diyos?
Kung ‘di Siya nagbabago,
pa’no Niya naakay ang tao hanggang sa ngayon
at nagawa’ng gawain sa dal’wang panahon?
Gawain Niya’y laging sumusulong,
likas na disposisyon Niya’y
unti-unting ‘binubunyag sa buong sangkatauhan.
Disposisyon at diwa ng Diyos ay ‘di nababago.
Pagbabago sa ngalan at gawain Niya’y
‘di ibig sabihing diwa Niya’y nabago na.
Sa madaling salita,
ang Diyos ay laging magiging Diyos,
at ito’y ‘di kailanman magbabago.
II
Disposisyon ng Diyos ay nakatago
mula sa tao sa simula.
Tao’y sadyang walang kaalaman
tungkol sa Kanya.
Kaya gamit ng Diyos ang gawain Niya
upang ibunyag ito sa tao.
Ngunit ‘di ibig sabihing ito’y
nagbabago sa bawat panahon.
‘Di sa ito’y nagbabago pagka’t
nagbabago’ng kalooban ng Diyos.
Sa halip, hakbang-hakbang itong ‘binubunyag,
upang makilala Siya ng tao.
Ngunit ‘di ito patunay
na ang disposisyon ng Diyos
ay ‘di likas o nagbago sa mga kapanahunan.
Disposisyon at diwa ng Diyos ay ‘di nababago.
Pagbabago sa ngalan at gawain Niya’y
‘di ibig sabihing diwa Niya’y nabago na.
Sa madaling salita,
ang Diyos ay laging magiging Diyos,
at ito’y ‘di kailanman magbabago.
III
‘Binubunyag ng Diyos sa tao
kung ano Siya sa paglipas ng panahon,
pagka’t isang panaho’y ‘di kayang magpahayag
ng buong disposisyon Niya.
“Diyos ay laging bago, ‘di kailanman luma”
ay tumutukoy sa gawain Niya.
“‘Di nababago ang Diyos” ay tumutukoy
sa kung ano Siya’t ano’ng mayro’n Siya.
‘Di maibabatay ang anim na libong taong gawain
sa isang punto,
o malimitahan ng mga patay na salita.
Kahangalan ng tao’y ganito.
Diyos ay ‘di kasingpayak ng ‘pinapalagay ng tao,
at gawain Niya’y ‘di hihinto
sa anumang panahon.
Disposisyon at diwa ng Diyos ay ‘di nababago.
Pagbabago sa ngalan at gawain Niya’y
‘di ibig sabihing diwa Niya’y nabago na.
Sa madaling salita,
ang Diyos ay laging magiging Diyos,
at ito’y ‘di kailanman magbabago.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3