1019 Ang Diyos ay Lumilikha ng Mas Magandang Bukas para sa Sangkatauhan
I
Sa mga magsasaka ng Canaan
na sumasalubong sa pagbabalik ng Diyos,
ipinagkakaloob N’ya magagandang bunga at nais lang tumagal
ang langit nang walang hanggan at sa tao
para manatili magpakailanman.
Nais ng Diyos na ang tao’t
kalangita’y magpahinga magpakailanman.
Nais Niyang makasama ang luntiang pino
sa habang panahon at humakbang sa perpektong panahon,
ibinibigay ang buong buhay Niya sa sangkatauhan.
Walang salita, Diyos ay nagtatrabahong mabuti para araruhin
ang magandang lupain ng pagmamahal para sa sangkatauhan.
Di Siya kailanman gumawa ng karampatang kahilingan sa tao,
palagi Siyang nagpapailalim sa mga
plano ng tao, at lumilikha
ng mas magandang bukas para sa sangkatauhan.
II
Ipinagkakaloob ng Diyos ang hantungan ng tao,
iniiwan ang lahat ng Kanyang kayamanan sa tao.
Itinatanim Niya ang binhi ng Kanyang buhay
sa loob ng bukirin ng puso ng tao,
naghahasik ng Kanyang buong buhay sa mga tao.
Iniiwan ng Diyos sa tao
ang walang-hanggang mga alaala,
iniiwan ang lahat ng Kanyang pag-ibig.
Ipinagkakaloob Niya sa tao
ang lahat ng minamahal sa Kanya ng tao.
Ipinagkaloob na ng Diyos
ang Kanyang kabuuan sa sangkatauhan,
ano pa ang maaaring ireklamo ng tao?
Ibinibigay ang buong buhay Niya sa sangkatauhan.
Walang salita, nagtatrabahong mabuti ang Diyos
para araruhin ang magandang lupain ng pagmamahal
para sa sangkatauhan.
Di Siya kailanman gumawa ng karampatang kahilingan sa tao,
palagi Siyang nagpapailalim sa mga plano ng tao,
at lumilikha ng mas magandang bukas para sa sangkatauhan.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Gawain at Pagpasok 10