548 Gusto ng Diyos Yaong May Pagpapasiya
Ⅰ
Dapat nating ipasiya na gaano man katindi
ating kapaligiran, mga problema,
gaano man tayo manghina,
manalig sa pagbabago ng ating disposisyon.
Kumpiyansa’y di dapat mawala
sa mga salita ng Diyos.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag, ayaw Niya.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag,
gusto Niya ‘yong may determinasyon.
Ⅱ
Kahit napakatindi ng katiwalian mo,
madalas kang lumihis ng landas,
lumaban sa Diyos, lumabag,
kahit may kalapastanganan sa puso mo,
tinitingnan lang Niya kung magbabago ka.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag, ayaw Niya.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag,
gusto Niya ‘yong may determinasyon.
Ⅲ
Diyos ay parang inang kasawia’t kahinaan
at pangangailangan ng anak ay nalalaman.
Nauunawaan Niya, problema’t kabiguan
sa pagbabago ng disposisyon.
Sinusuri Niya loobin nila.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag, ayaw Niya.
Nangako ang Diyos sa tao,
dapat mong ipasiyang tanggapin ito.
Ayaw Niya sa duwag,
gusto Niya ‘yong may determinasyon.
Ga’no kahina ka man,
ngalan ng Diyos ‘wag talikuran,
ni Siya’y iwanan, at maaari kang magbago.
Kung disposisyo’y nagbago, mabubuhay tayo.
Kung may pag-asang mabuhay,
may pag-asang maligtas.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Landas ng Pagsasagawa Tungo sa Pagbabago ng Disposisyon ng Isang Tao