253 Ang Diyos ang Panginoon ng Lahat ng Nilikha
I
Ang Diyos ay minsang nakilala bilang Jehova.
Tinawag din Siya na Mesiyas,
at minsan Siyang tinawag na Jesus na Tagapagligtas
nang may pagpapahalaga’t pagmamahal.
Gayunpaman, ngayon, ang Diyos
ay ‘di na si Jehova o si Jesus
na nakilala ng mga tao dati;
Siya ang Diyos na nagbalik sa mga huling araw,
ang Diyos na magwawakas ng panahon.
Siya ang Diyos Mismo na bumabangon
mula sa dulo ng lupa,
puspos ng kabuuang disposisyon ng Diyos,
puno ng awtoridad, karangala’t kaluwalhatian.
Ito’ng Diyos na nagpapakita sa mga huling araw
ngunit nakatago sa gitna ng mga tao.
Siya’y naninirahan sa gitna ng tao, tunay at totoo,
tulad ng nagniningas na araw at apoy,
puspos ng kapangyarihan
at punong-puno ng awtoridad.
Walang sinumang tao o anumang bagay
ang ‘di hahatulan ng Kanyang mga salita,
at walang sinumang tao o anumang bagay
ang ‘di dadalisayin sa pamamagitan
ng pagsunog ng apoy.
II
Kung Jesus pa rin ang tawag
sa Tagapagligtas sa mga huling araw,
at isinilang muli sa Judea’t doon gumawa,
magpapatunay ‘to na mga Israelita lang
ang nilikha ng Diyos at sila lang ang tinubos,
at wala S’yang kaugnayan sa Hentil.
‘Di ba’t sumasalungat ito sa sinabi ng Diyos na
"Ako ang Panginoong lumikha
ng langit at lupa at lahat ng bagay"?
Umalis ang Diyos sa Judea at ginagawa
ang Kanyang gawain sa mga Hentil
dahil hindi Siya Diyos lamang
ng mga tao sa Israel,
kundi Diyos ng lahat ng nilalang.
Nagpapakita ang Diyos sa mga Hentil
sa mga huling araw
dahil hindi lamang Siya si Jehova,
ang Diyos ng mga tao sa Israel,
kundi, bukod dito, dahil Siya ang Lumikha
ng lahat ng Kanyang mga pinili sa mga Hentil.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”