417 Ibinibigay ng Diyos sa Tao ang Kailangan Nila Ayon sa Kanilang mga Pagsamo
Ⅰ
Matapos likhain ng Diyos ang tao,
pinagkalooban Niya sila ng mga espiritu,
at sinabi sa kanila na kung hindi sila tatawag sa Kanya,
sila’y malalayo sa Kanyang Espiritu,
at ang “makalangit na pagsasahimpapawid”
ay hindi matatanggap sa lupa.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati’y ‘di Siya “naninirahan” sa kanila,
pero sa pagsamo nila’y tinutulungan sila.
Sila’y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at ‘di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
Ⅱ
Pag wala ang Diyos sa espiritu ng tao,
isang bakanteng upuan ang naiiwan.
Sinasamantala ni Satanas na pumasok.
Ngunit kapag nakipag-ugnayan sila
sa Diyos sa kanilang puso,
si Satanas ay natataranta
at nagmamadaling tumakas.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati’y ‘di Siya “naninirahan” sa kanila,
pero sa pagsamo nila’y tinutulungan sila.
Sila’y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at ‘di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
Ⅲ
Kung tao’y laging nakikipag-ugnayan
sa Espiritu ng Diyos,
di mangangahas si Satanas na humadlang.
Kung wala ang paghadlang ni Satanas,
ang mga tao’y mamumuhay nang normal,
at makakikilos ang Diyos sa kanila
nang walang anumang sagabal.
Sa ganitong paraan, ang nais gawin ng Diyos
ay makakamit sa pamamagitan ng sangkatauhan.
Sa mga pagsamo ng sangkatauhan,
ibinibigay sa kanila ng Diyos ang kanilang kailangan.
Dati’y ‘di Siya “naninirahan” sa kanila,
pero sa pagsamo nila’y tinutulungan sila.
Sila’y nagiging malakas dahil sa tibay ng kalooban,
at ‘di nangangahas lumapit dito si Satanas
para maglaro ayon sa gusto nito.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 17