693 Nakakamit ng Diyos sa Huli Yaong mga Nagtataglay ng Katotohanan
1 Anong uri ng mga tao yaong mga naipanganak sa mga huling araw? Sila yaong mga napasailalim na sa libu-libong taon ng pagtitiwali ni Satanas, na napakalalim na ang pagkakagawang tiwali kaya hindi na sila mukhang tao. Pagkatapos dumanas ng paghatol, pagkastigo at paglalantad ng salita ng Diyos, pagkatapos na nalupig, natatamo nila ang katotohanan mula sa loob ng mga salita ng Diyos at taimtim na nahihikayat ng Diyos; natatamo nila ang isang pagkaunawa sa Diyos, at nakasusunod sila sa Diyos nang lubusan at napalulugod ang Kanyang kalooban. Sa katapusan, ang pangkat ng mga taong nakamit sa pamamagitan ng plano ng pamamahala ng Diyos ay magiging mga taong tulad nito. Sasabihin ba ninyong ang mga kayang palugurin ang kalooban ng Diyos ay ang mga hindi kailanman nagawang tiwali ni Satanas, o ang mga inililigtas sa huli? Ang mga taong kakamtin sa panahon ng buong plano ng pamamahala ay isang pangkat na nakakaunawa sa kalooban ng Diyos, na nakatatamo ng katotohanang galing sa Diyos, at nagtataglay ng uri ng buhay at wangis ng tao na kinakailangan ng Diyos.
2 Nang unang nilikha ang mga tao, mukha lamang silang tao at mayroong buhay. Subalit, hindi nila taglay sa kalooban nila ang kawangis ng taong hiningi ng Diyos at inasahang makamit nila. Ang pangkat ng mga tao na makakamit sa kahuli-hulihan ay yaong mga mananatili sa kahuli-hulihan, at ang mga iyon ay yaon ding kinakailangan ng Diyos, na kinasisiyahan Niya at nagpapalugod sa Kanya. Sa loob ng ilang libong taong plano ng pamamahala, ang mga taong ito ang mga pinakanagtamo, na nagmula sa pagdidilig ng Diyos at itinustos sa kanila sa pamamagitan ng Kanyang digmaan laban kay Satanas. Mas magaling ang mga tao sa pangkat na ito kaysa yaong mga nilikha ng Diyos noong pinakasimula; kahit dumaan sila sa katiwalian, hindi ito maiiwasan, at isang bagay na nasasaklawan ng plano ng pamamahala ng Diyos. Sapat nitong ibinubunyag ang Kanyang pagka- makapangyarihan sa lahat at karunungan, pati na rin ang katunayan na ang lahat ng naisaayos, plinano, at nakamit ng Diyos ang pinakamagaling.
Hango sa Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ikatlong Bahagi