176 Ang Diyos ay Nagkatawang-tao Upang Gumawa Dahil sa Pangangailangan ng Tao
I
Walang kaugnayan ang Diyos
sa mga pabuya o pakinabang.
Walang ani sa hinaharap,
pagkakautang lang sa Kanya.
Ang ginagawa Niya para sa tao’y
hindi para sa Kanya,
kundi para lang sa tao.
Ang gawain ng Diyos sa katawang-tao
ay napakahirap,
ngunit sa huli’y mas maraming bunga
kaysa sa gawain ng Espiritu.
Katawang-tao’y ‘di makapagtaglay
ng pagkakakilanlan ng Espiritu,
pati na ang makapagsagawa
ng kahima-himala tulad ng Espiritu,
lalo na ang makapagtaglay
ng awtoridad ng Espiritu.
Ngunit ang diwa ng gawain
ng karaniwang laman ay
mas higit pa kaysa sa tuwirang
ginagawa ng Espiritu.
Katawang-tao Mismo’ng
sumasagot sa kailangan ng tao.
Ang tanging dahilan kaya pumarito
ang Diyos sa katawang-tao ay ang
mga pangangailangan ng tao at ‘di ng Diyos.
Mga pagpapasakit at paghihirap Niya’y
alang-alang sa tao’t
‘di para sa Diyos Mismo.
II
Sa lahat na’ng hanap ay katotohana’t
sabik sa pagpapakita ng Diyos,
gawain ng Espiritu’y makakapagbigay lang
ng pagpukaw o inspirasyon
at pagkaramdam ng pagkamanghang
‘di maipaliwanag,
pagkaramdam na Siya’y nangingibabaw
at dapat hangaan,
ngunit ‘di maaaring maabot ng sinuman.
Ngunit bigay ng gawain ng katawang-tao’y
salitang malilinaw at layuning tunay,
pagkaramdam na Siya’y tunay,
na Siya ay normal,
na Siya ay mapagkumbaba at Siya ay ordinaryo.
Ang tanging dahilan kaya pumarito
ang Diyos sa katawang-tao ay ang
mga pangangailangan ng tao at ‘di ng Diyos.
Mga pagpapasakit at paghihirap Niya’y
alang-alang sa tao’t
‘di para sa Diyos Mismo.
III
Kahit tao’y takot sa Kanya,
karamiha’y nakakaugnay sa Kanya.
Tao’y maa’ring makita’ng mukha Niya,
marinig ang tinig Niya’t
‘di kailangan tumingin sa Kanya sa malayo.
Katawang-taong ‘to’y madaling lapitan,
Siya’y ‘di malayo o ‘di maaarok,
bagkus ay nakikita’t nahahawakan,
dahil Siya’y nasa mundo ng tao.
Ang tanging dahilan kaya pumarito
ang Diyos sa katawang-tao ay ang
mga pangangailangan ng tao at ‘di ng Diyos.
Mga pagpapasakit at paghihirap Niya’y
alang-alang sa tao’t
‘di para sa Diyos Mismo.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao