291 Pinakadalisay ang Pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos

1 O Diyos! Naging tao Ka at isinuko ang lahat upang iligtas ang sangkatauhan. Hindi Mo pa kailanman naranasan ang init kasama ng mga tao o nakamit ang kanilang katapatan. Matapos matikman ang lahat ng kapaitan ng mundo, deka-dekada Kang tahimik na gumawa. Ang lahat ng salitang ipinahayag Mo ay ang katotohanan, ipinagkakaloob sa sangkatauhan ang daan ng buhay na walang hanggan. Gayunman, hindi ito alam ng mga tao; sinusumpa at sinisiraan Ka nila, tumatangging tanggapin ang Iyong pagliligtas. Nagtiis Ka na ng kahihiyan, ngunit inaantig Mo pa rin ang mga tao sa pamamagitan ng pag-ibig, hangga’t maaari ay inililigtas ang sangkatauhan. O Diyos! Nang walang pag-iimbot, ibinigay Mo na sa sangkatauhan ang buong pag-ibig Mo. Sa langit at sa lupa, tanging Ikaw ang pag-ibig; pinakadalisay ang pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos.

2 O Diyos! Ang lahat ng katotohanang ipinahahayag Mo upang humatol at kumastigo ay para iligtas ang sangkatauhan. Ibinubunyag ng Iyong mga salita ang kalikasan ng tao; dinadalisay ng mga paghihirap at pagsubok ang katiwalian ng tao. Isinasaayos Mo ang mga tao, pangyayari, at bagay upang tulungan kaming maunawaan ang katotohanan. Gayunman, hindi namin nauunawaan ang Iyong kalooban; nagkikimkim kami ng mga kuru-kuro, at hindi makapagpasakop sa Iyong mga pagsasaayos. May katigasan ang ulo at suwail, iniiwasan namin ang Iyong paghatol; tunay na wala kaming katuturan, paulit-ulit Kang sinasaktan. Noon pa ma’y mapagpaubaya at mapagtiis Ka na, pinalulusog at dinidiligan kami; may malay na ngayon ang aming manhid na mga puso. O Diyos! Ginawa Mo na ang lahat ng Iyong makakaya upang iligtas kami, isinakripisyo ang Iyong buhay. Sa langit at sa lupa, tanging Ikaw ang pag-ibig; pinakadalisay ang pag-ibig ng Makapangyarihang Diyos. Makapangyarihang Diyos! Pinakakarapat-dapat Ka sa pagmamahal ng tao; palagi kaming magmamahal at magpapatotoo sa Iyo.

Sinundan: 289 Palaging Nakabantay ang Diyos sa Tao

Sumunod: 292 Natunaw Na ng Pag-ibig ng Diyos ang Aking Puso

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito