Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit

Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo. Pagkatao man o pagka-Diyos man Niya ito, kapwa nagpapasakop ang mga ito sa kalooban ng Ama sa langit. Ang Espiritu ang diwa ni Cristo, ibig sabihin ay ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang diwa Niya ay ang sa Diyos Mismo; hindi gagambalain ng diwang ito ang sarili Niyang gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na sisira sa sarili Niyang gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang mga salita na sumasalungat sa sarili Niyang kalooban. Samakatuwid, ganap na hindi gagawa kailanman ang Diyos na nagkatawang-tao ng kahit anumang gawaing gumagambala sa sarili Niyang pamamahala. Ito ang dapat maunawaan ng lahat ng mga tao. Ang diwa ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao, at para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Katulad nito, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas din ang tao, at alang-alang ito sa kalooban ng Diyos. Yamang nagkatawang-tao ang Diyos, napagtatanto Niya ang diwa Niya sa loob ng Kanyang katawang-tao, na sapat ang katawang-tao Niya upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, ang lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinalitan ng gawain ni Cristo habang nasa panahon ng pagkakatawang-tao, at ang nasa kaibuturan ng lahat ng gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Hindi ito maaaring maihalo sa gawain mula sa anumang ibang kapanahunan. At yamang nagiging katawang-tao ang Diyos, gumagawa Siya sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang dumarating Siya sa katawang-tao, tinatapos Niya sa gayon sa katawang-tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Espiritu ng Diyos man ito o si Cristo man ito, kapwa Sila ang Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Humahawak ng awtoridad ang mismong pinakadiwa ng Diyos, ngunit nagagawa Niyang lubusang magpasakop sa awtoridad na nagmumula sa Kanya. Gawain man ito ng Espiritu o gawain ng laman, hindi sumasalungat ang isa sa isa. Ang Espiritu ng Diyos ay ang awtoridad sa buong sangnilikha. Nagtataglay din ng awtoridad ang katawang-taong may diwa ng Diyos, ngunit maaaring gawin ng Diyos sa katawang-tao ang lahat ng gawaing sumusunod sa kalooban ng Ama sa langit. Hindi ito matatamo o maiisip ng sinumang tao. Ang Diyos Mismo ay awtoridad, ngunit maaaring magpasakop ang katawang-tao Niya sa Kanyang awtoridad. Ito ang ipinahihiwatig kapag sinasabing “Sumusunod si Cristo sa kalooban ng Diyos Ama.” Isang Espiritu ang Diyos at makakayang gawin ang gawain ng pagliligtas, tulad ng maaaring maging tao ang Diyos. Sa ano’t anuman, ang Diyos Mismo ang gumagawa ng sarili Niyang gawain; ni hindi Siya nanggagambala o nanggugulo, lalong hindi Siya nagsasakatuparan ng gawaing sumasalungat sa mismong gawain, dahil magkatulad ang diwa ng gawaing ginagawa ng Espiritu at ng katawang-tao. Espiritu man ito o ang katawang-tao, gumagawa ang dalawa upang tuparin ang isang kalooban at upang pamahalaan ang kapwa gawain. Bagama’t may dalawang magkaibang katangian ang Espiritu at ang katawang-tao, magkatulad ang kanilang mga diwa; kapwa sila may diwa ng Diyos Mismo, at ng pagkakakilanlan ng Diyos Mismo. Hindi nagtataglay ang Diyos Mismo ng mga sangkap ng pagsuway; mabuti ang Kanyang diwa. Siya ang pagpapahayag ng lahat ng kagandahan at kabutihan, gayundin ng lahat ng pagmamahal. Kahit sa katawang-tao, hindi gumagawa ang Diyos ng anumang sumusuway sa Diyos Ama. Maging kabayaran man ang paghahain ng Kanyang buhay, buong puso Siyang handa na gawin ito, at wala na Siyang ibang pipiliin. Hindi nagtataglay ang Diyos ng mga sangkap ng pagmamagaling o pagpapahalaga sa sarili, o yaong sa kapalaluan at pagmamataas; hindi Siya nagtataglay ng mga sangkap ng kabuktutan. Nagmumula kay Satanas ang lahat-lahat ng sumusuway sa Diyos; si Satanas ang pinagmumulan ng lahat ng kapangitan at kabuktutan. Ang dahilan ng pagkakaroon ng tao ng mga katangiang kahalintulad ng kay Satanas ay dahil nagawa nang tiwali at nilinlang na ni Satanas ang tao. Hindi nagawang tiwali ni Satanas si Cristo, kaya’t ang mga katangian ng Diyos ang tangi Niyang inaangkin, at wala sa mga katangian ni Satanas. Gaano man kahirap ang gawain o gaano man kahina ang katawang-tao, ang Diyos, habang nabubuhay Siya sa katawang-tao, ay hindi kailanman gagawa ng anumang bagay na gagambala sa gawain ng Diyos Mismo, lalo na tatalikdan sa pagsuway ang kalooban ng Diyos Ama. Higit pa Niyang pipiliin na magdusa ng mga pasakit ng laman kaysa pagtaksilan ang kalooban ng Diyos Ama; tulad ito ng sinabi ni Jesus sa panalangin, “Ama, kung maaari, hayaan Mong lumampas mula sa Akin ang sarong ito: gayon man hindi ayon sa kalooban Ko, kundi ang ayon sa kalooban Mo.” Gumagawa ng sarili nilang mga pagpipilian ang mga tao, ngunit hindi si Cristo. Bagama’t mayroon Siyang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, hinahangad pa rin Niya ang kalooban ng Diyos Ama, at tinutupad kung ano ang ipinagkakatiwala sa Kanya ng Diyos Ama, mula sa pananaw ng katawang-tao. Isang bagay ito na hindi maaaring matamo ng tao. Ang nanggagaling kay Satanas ay hindi maaaring magkaroon ng diwa ng Diyos; maaari lamang itong magkaroon ng isang sumusuway at lumalaban sa Diyos. Hindi ito ganap na makasusunod sa Diyos, lalo na ang kusang loob na pagsunod sa kalooban ng Diyos. Lahat ng mga tao maliban kay Cristo ay maaaring gawin iyang lumalaban sa Diyos, at wala ni isang tao ang tuwirang makagagawa sa gawaing ipinagkatiwala ng Diyos; wala ni isa ang makakayang ituring ang pamamahala ng Diyos bilang sarili niyang tungkuling gagampanan. Pagpapasakop sa kalooban ng Diyos Ama ang diwa ni Cristo; katangian ni Satanas ang pagsuway sa Diyos. Hindi magkaayon ang dalawang katangiang ito, at hindi matatawag na Cristo ang sinumang may mga katangian ni Satanas. Ang dahilan na hindi magagawa ng tao ang gawain ng Diyos bilang kahalili Niya ay dahil walang anumang diwa ng Diyos ang tao. Gumagawa ang tao para sa Diyos alang-alang sa mga pansariling kapakinabangan at sa mga panghinaharap na pag-asam ng tao, ngunit gumagawa si Cristo upang gawin ang kalooban ng Diyos Ama.

Pinamamahalaan ng Kanyang pagka-Diyos ang pagkatao ni Cristo. Bagama’t nasa katawang-tao Siya, hindi lubusang katulad ng isang tao ng laman ang Kanyang pagkatao. May sarili Siyang namumukod-tanging katangian, at pinamamahalaan din ito ng pagka-Diyos Niya. Walang kahinaan ang pagka-Diyos Niya; tumutukoy sa Kanyang pagkatao ang kahinaan ni Cristo. Sa ilang antas, napipigil ng kahinaang ito ang pagka-Diyos Niya, ngunit nakapaloob sa isang tiyak na saklaw at oras ang gayong mga takda, at hindi walang hangganan. Pagdating ng oras upang isakatuparan ang gawain ng Kanyang pagka-Diyos, ginagawa ito nang hindi alintana ang pagkatao Niya. Ang pagkatao ni Cristo ay ganap na pinangangasiwaan ng Kanyang pagka-Diyos. Bukod sa normal na buhay ng pagkatao Niya, ang lahat ng iba pang mga kilos ng Kanyang pagkatao ay naiimpluwensyahan, naaapektuhan, at napapatnubayan ng pagka-Diyos Niya. Bagama’t may pagkatao si Cristo, hindi ito nakakagulo sa gawain ng pagka-Diyos Niya, at ito ay tiyak na tiyak na dahil pinangangasiwaan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao; bagama’t hindi nagkagulang ang pagkatao Niya sa kung paano ito umaasal sa iba, hindi ito nakaaapekto sa normal na gawain ng pagka-Diyos Niya. Kapag sinasabi Kong hindi pa nagawang tiwali ang Kanyang pagkatao, ang ibig Kong sabihin ay maaaring tuwirang atasan ng pagka-Diyos ni Cristo ang Kanyang pagkatao, na Siya ay nagtataglay ng mas higit na katuturan kaysa sa taglay ng karaniwang tao. Nababagay nang higit sa lahat ang pagkatao Niya na mapangasiwaan ng pagka-Diyos sa Kanyang gawain; ang pagkatao Niya ay magagawa nang higit sa lahat na magpahayag ng gawain ng pagka-Diyos, at magagawa nang higit sa lahat na magpasakop sa ganoong gawain. Habang gumagawa ang Diyos sa katawang-tao, hindi Niya nakakaligtaan ang tungkuling dapat tuparin ng tao sa laman; nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit nang may tunay na puso. May diwa Siya ng Diyos, at ang pagkakakilanlan Niya ay ang sa Diyos Mismo. Nangyari lamang na dumating Siya sa lupa at naging isang nilikhang katauhan na may panlabas na balat ng isang nilikhang katauhan, at nagtataglay ngayon ng pagkataong hindi Niya dating taglay. Nagagawa Niyang sambahin ang Diyos sa langit; ito ang katauhan ng Diyos Mismo at walang katulad sa tao. Ang pagkakakilanlan Niya ay Diyos Mismo. Sumasamba Siya sa Diyos mula sa pananaw ng katawang-tao; samakatuwid, ang mga salitang “Sumasamba si Cristo sa Diyos sa langit” ay hindi mali. Ang hinihingi Niya sa tao ay ang mismong Sarili Niyang katauhan; natamo na Niya ang lahat ng Kanyang hinihiling sa tao bago ang paghiling ng ganoon sa kanila. Hindi Siya kailanman gagawa ng mga hiling sa iba samantalang Siya Mismo ay malaya mula sa mga ito, dahil ang lahat ng ito ang bumubuo sa Kanyang katauhan. Paano man Niya isinasakatuparan ang Kanyang gawain, hindi Siya kikilos sa paraang sumusuway sa Diyos. Anupaman ang hilingin Niya sa tao, walang hiling na lalagpas sa kayang matamo ng tao. Ang lahat ng ginagawa Niya ay yaong tumutupad sa kalooban ng Diyos at alang-alang sa Kanyang pamamahala. Higit sa lahat ng mga tao ang pagka-Diyos ni Cristo; samakatuwid, Siya ang pinakamataas na awtoridad ng lahat ng mga nilikhang katauhan. Ang pagka-Diyos Niya ang awtoridad na ito, ibig sabihin ay ang disposisyon at katauhan ng Diyos Mismo, na tumutukoy sa Kanyang pagkakakilanlan. Samakatuwid, gaano man kakaraniwan ang pagkatao Niya, hindi maikakaila na nasa Kanya ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; sa kung anumang pananaw man Siya nagsasalita at paano man Siya sumusunod sa kalooban ng Diyos, hindi maaaring sabihin na hindi Siya ang Diyos Mismo. Malimit na itinuturing ng mga taong hangal at mangmang na isang kapintasan ang karaniwang pagkatao ni Cristo. Paano man Niya ipinahahayag at ibinubunyag ang katauhan ng Kanyang pagka-Diyos, hindi magagawa ng tao na kilalanin na Siya ay si Cristo. At higit na ipinakikita ni Cristo ang pagsunod at pagpapakumbaba Niya, lalong nagiging bahagya ang pagturing ng mga hangal na tao kay Cristo. Mayroon pa nga yaong mga nag-uugali ng saloobin ng pagbubukod at paghamak sa Kanya, subalit inilalagay sa hapag yaong mga “dakilang tao” ng matatayog na larawan upang sambahin. Ang paglaban at pagsuway ng tao sa Diyos ay nagmumula sa katunayan na ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay nagpapasakop sa kalooban ng Diyos, gayundin na mula sa pangkaraniwang pagkatao ni Cristo; ito ang pinagmumulan ng paglaban at pagsuway ng tao sa Diyos. Kung si Cristo ay ni walang anyo ng Kanyang pagkatao o hindi hinanap ang kalooban ng Diyos Ama mula sa pananaw ng isang nilikhang katauhan, ngunit sa halip ay nagtaglay ng isang sukdulang pagkatao, higit sa malamang na walang magiging pagsuway sa hanay ng tao. Ang dahilan na laging nahahanda ang tao na maniwala sa isang hindi nakikitang Diyos sa langit ay dahil walang pagkatao ang Diyos sa langit, ni hindi Siya nagtataglay ng kahit isang katangian ng isang nilikha. Samakatuwid, lagi Siyang itinuturing ng tao nang may pinakadakilang pagpapahalaga, ngunit may tinataglay na saloobin ng paghamak kay Cristo.

Bagama’t nagagawa ni Cristo sa lupa na gumawa sa ngalan ng Diyos Mismo, hindi Siya dumarating na may layuning ipakita sa lahat ng mga tao ang larawan Niya sa katawang-tao. Hindi Siya dumarating upang makita Siya ng lahat ng mga tao; dumarating Siya upang pahintulutan ang tao na maakay ng kamay Niya, at sa gayon ay makapasok ang tao sa bagong kapanahunan. Ang katungkulan ng katawang-tao ni Cristo ay para sa gawain ng Diyos Mismo, iyon ay para sa gawain ng Diyos sa katawang-tao, at hindi upang bigyang kakayahan ang tao na lubusang maunawaan ang diwa ng katawang-tao Niya. Paano man Siya gumagawa, wala sa ginagawa Niya ang lumalampas sa matatamo ng katawang-tao. Paano man Siya gumagawa, ginagawa Niya ito sa katawang-tao na may normal na pagkatao, at hindi lubos na ibinubunyag sa tao ang totoong mukha ng Diyos. Dagdag dito, ang gawain Niya sa katawang-tao ay hindi kailanman kahima-himala o hindi matataya tulad ng maiisip ng tao. Bagama’t kinakatawan ni Cristo ang Diyos Mismo sa katawang-tao at isinasakatuparan mismo ang gawain na dapat gawin ng Diyos Mismo, hindi Niya ikinakaila ang pag-iral ng Diyos sa langit, ni mainit Niyang ipinahahayag ang sarili Niyang mga gawa. Sa halip, nananatili Siyang nakakubli, mapagpakumbaba, sa loob ng Kanyang laman. Bukod kay Cristo, yaong mga huwad na umaangking sila si Cristo ay hindi nagtataglay ng Kanyang mga katangian. Kapag magkatabing inihahambing sa mapagmataas at sariling pagdadakila ng disposisyon ng mga huwad na Cristo, nagiging malinaw kung anong uring katawang-tao ang tunay na Cristo. Lalong huwad sila, lalong ipinagpaparangya ng mga ganitong huwad na Cristo ang mga sarili nila, at mas may kakayahan silang gumawa ng mga tanda at mga kababalaghan upang linlangin ang tao. Walang mga katangian ng Diyos ang mga huwad na Cristo; hindi nadudungisan si Cristo ng kahit anong sangkap na pagmamay-ari ng mga huwad na Cristo. Nagkakatawang-tao lamang ang Diyos upang buuin ang mga gawain ng katawang-tao, hindi lamang upang pahintulutang makita Siya ng mga tao. Sa halip, hinahayaan Niyang ang gawain Niya ang magpatunay ng Kanyang pagkakakilanlan, at hinahayaang yaong ibinubunyag Niya na magpatunay sa Kanyang diwa. Hindi walang batayan ang diwa Niya; hindi kinamkam ng Kanyang kamay ang pagkakakilanlan Niya; matutukoy ito sa pamamagitan ng Kanyang gawain at Kanyang diwa. Bagama’t may diwa Siya ng Diyos Mismo at may kakayahang gawin ang gawain ng Diyos Mismo, Siya pa rin, sa dakong huli, ay katawang-tao, hindi katulad ng Espiritu. Hindi Siya Diyos na may mga katangian ng Espiritu; Siya ay Diyos na may balat ng katawang-tao. Samakatuwid, gaano man Siya kanormal at gaano man Siya kahina, at paano man hinahangad Niya ang kalooban ng Diyos Ama, hindi maikakaila ang pagka-Diyos Niya. Umiiral sa loob ng nagkatawang-taong Diyos hindi lamang ang normal na pagkatao at ang mga kahinaan nito; umiiral din ang kahanga-hanga at pagiging di-maarok na pagka-Diyos Niya, pati na rin ang lahat ng mga gawa Niya sa katawang-tao. Samakatuwid, kapwa umiiral ang pagkatao at pagka-Diyos sa loob ni Cristo, kapwa sa aktwal at praktikal. Kahit paano, hindi ito isang bagay na hungkag o kahima-himala. Dumarating Siya sa lupa na may pangunahing layunin ng pagsasakatuparan ng gawain; kinakailangang magtaglay ng isang normal na pagkatao upang maisakatuparan ang gawain sa lupa; kung hindi, gaano pa man kadakila ang kapangyarihan ng pagka-Diyos Niya, hindi mailalagay sa mabuting paggagamitan ang unang tungkulin nito. Bagama’t napakahalaga ng Kanyang pagkatao, hindi ito ang Kanyang diwa. Ang pagka-Diyos ang diwa Niya; samakatuwid, ang sandaling magsisimula na Siyang gampanan ang ministeryo Niya sa lupa ay ang sandaling magsisimula na Siyang ipahayag ang katauhan ng Kanyang pagka-Diyos. Umiiral ang pagkatao Niya upang mapanatili lamang ang normal na buhay ng Kanyang katawang-tao upang maisakatuparan ng Kanyang pagka-Diyos ang gawain bilang normal sa katawang-tao; ang pagka-Diyos ang lubos na nangangasiwa sa gawain Niya. Kapag nagawa na Niyang ganap ang Kanyang gawain, natupad na Niya ang Kanyang ministeryo. Ang dapat malaman ng tao ay ang kabuuan ng Kanyang gawain, at sa pamamagitan ng gawain Niya na nabibigyang daan Niya ang tao na makilala Siya. Sa buong takbo ng Kanyang gawain, lubusan Niyang ipinahahayag ang katauhan ng pagka-Diyos Niya, na hindi isang disposisyong nadudungisan ng pagkatao, o isang katauhang nadudungisan ng kaisipan at asal ng tao. Kapag dumating na ang oras na ang lahat ng ministeryo Niya ay nagwakas na, perpekto at ganap na Niyang naipahayag ang disposisyong dapat Niyang ipahayag. Hindi ginagabayan ang Kanyang gawain ng tagubilin ng sinumang tao; ang pagpapahayag ng disposisyon Niya ay ganap na malaya rin, at hindi masusupil ng isip o malilinang ng kaisipan, ngunit likas na ibinubunyag. Isang bagay ito na walang tao ang makapagtatamo. Kahit malupit ang kapaligiran o hindi kanais-nais ang mga kalagayan, nagagawa Niyang ipahayag ang Kanyang disposisyon sa naaangkop na oras. Ang Isang si Cristo ay ipinahahayag ang katauhan ni Cristo, samantalang yaong mga hindi ay hindi nagtataglay ng disposisyon ni Cristo. Samakatuwid, kahit na nilalabanan Siya ng lahat o may mga kuru-kuro sa Kanya, walang makapagkakaila batay sa mga kuru-kuro ng tao na ang disposisyong ipinahahayag ni Cristo ay ang sa Diyos. Ang lahat ng yaong mga hinahangad si Cristo nang may tunay na puso o sadyang hinahanap ang Diyos ay aamining si Cristo Siya batay sa pagpapahayag ng pagka-Diyos Niya. Hindi nila kailanman ipagkakaila si Cristo sa batayan ng kahit anumang aspeto Niyang hindi umaayon sa mga kuru-kuro ng tao. Bagama’t napakahangal ng tao, tiyak na alam ng lahat kung ano ang kalooban ng tao at kung ano ang nagmumula sa Diyos. Nangyayari lamang na maraming tao ang sinasadyang nilalabanan si Cristo bilang bunga ng sarili nilang mga pakay. Kung hindi dahil dito, wala kahit isang tao ang magkakaroon ng dahilang ikaila ang pag-iral ni Cristo, dahil totoong umiiral ang pagka-Diyos na ipinahayag ni Cristo, at maaaring masaksihan ang gawain Niya ng mata lamang.

Ang gawain at pagpapahayag ni Cristo ang tumutukoy sa Kanyang diwa. Nagagawa Niyang kumpletuhin nang may tunay na puso yaong ipinagkatiwala sa Kanya. Nagagawa Niyang sambahin nang may tunay na puso ang Diyos sa langit, at hinahangad ang kalooban ng Diyos Ama nang may tunay na puso. Natutukoy ang lahat ng ito ng diwa Niya. At gayundin ang likas na pagsisiwalat Niya ay natutukoy ng Kanyang diwa; ang dahilan na tinatawag Ko itong ang “likas na pagsisiwalat” Niya ay dahil hindi panggagaya ang pagpapahayag Niya, o bunga ng pinag-aralan ng tao, o bunga ng maraming taong paglilinang ng tao. Hindi Niya ito natutuhan o ginayakan ang sarili Niya nito; sa halip, likas ito sa loob Niya. Maaaring ikaila ng tao ang Kanyang gawain, ang Kanyang pagpapahayag, ang Kanyang pagkatao, at ang Kanyang buong buhay ng normal na pagkatao, ngunit walang makapagkakailang sinasamba Niya ang Diyos sa langit nang may tunay na puso; walang makapagkakailang dumating Siya upang tuparin ang kalooban ng Ama sa langit, at walang makapagkakaila sa katapatan ng paghahanap Niya sa Diyos Ama. Bagama’t hindi kaaya-aya sa mga pandama ang Kanyang larawan, hindi nagtataglay ng pambihirang pagmamagaling ang pagtatalakay Niya, at hindi kasingnakawawasak ng lupa o nakayayanig ng langit ang gawain Niya na tulad ng inaakala ng tao, Siya talaga si Cristo, na tumutupad nang may tunay na puso sa kalooban ng Ama sa langit, ganap na nagpapasakop sa Ama sa langit, at masunurin hanggang kamatayan. Ito ay sapagkat ang diwa Niya ay ang diwa ni Cristo. Mahirap para sa tao na paniwalaan ang katotohanang ito, ngunit ito ay katunayan. Kapag ganap nang natupad ang ministeryo ni Cristo, magagawang makita ng tao mula sa gawain Niya na ang Kanyang disposisyon at katauhan ay kumakatawan sa disposisyon at katauhan ng Diyos sa langit. Sa oras na iyon, makapagpapatunay ang kalahatan ng gawain Niya na Siya talaga ang Salitang nagiging katawang-tao, at hindi katulad ng laman at dugong tao. Bawat hakbang ng gawain ni Cristo sa lupa ay may kinakatawang kabuluhan, ngunit ang tao na nakararanas sa aktwal na gawain ng bawat hakbang ay hindi magagawang maunawaan ang kabuluhan ng gawain Niya. Lalo na ito sa ilang mga hakbang ng gawaing isinasakatuparan ng Diyos sa ikalawang pagkakatawang-tao Niya. Karamihan sa yaong mga nakaririnig o nakakikita lamang sa mga salita ni Cristo subalit hindi pa Siya kailanman nakikita ay walang mga kuru-kuro sa gawain Niya; yaong mga nakakita na kay Cristo at nakarinig sa mga salita Niya, gayundin ang nakaranas ng gawain Niya, ay nahihirapang tanggapin ang Kanyang gawain. Hindi ba ito dahil hindi ayon sa panlasa ng tao ang kaanyuan at ang normal na pagkatao ni Cristo? Yaong mga tinatanggap ang gawain Niya pagkaraang umalis si Cristo ay hindi magkakaroon ng ganoong mga paghihirap, dahil tinatanggap lamang nila ang gawain Niya at hindi nakikipag-ugnayan sa normal na pagkatao ni Cristo. Hindi magagawang ilaglag ng tao ang mga kuru-kuro niya sa Diyos at sa halip ay marubdob Siyang sinusuri; dahil ito sa katotohanang nakatuon lamang ang tao sa kaanyuan Niya at hindi magagawang makilala ang diwa Niya batay sa Kanyang gawain at mga salita. Kung ipipikit ng tao ang mga mata niya sa kaanyuan ni Cristo o iiwasang talakayin ang pagkatao ni Cristo, at magsasalita lamang sa pagka-Diyos Niya, na ang gawain at mga salita ay hindi matatamo ng kahit sinumang tao, mababawasan ng kalahati ang mga kuru-kuro ng tao, kahit sa saklaw na malulutas ang lahat ng mga paghihirap ng tao. Sa panahon ng gawain ng nagkatawang-taong Diyos, hindi Siya pagtitiisan ng tao at puno ito ng maraming mga kuru-kuro tungkol sa Kanya, at pangkaraniwan ang mga pagkakataon ng paglaban at pagsuway. Hindi magagawang pagtiisan ng tao ang pag-iral ng Diyos, magpakita ng kaluwagan sa kababaang-loob at pagiging kubli ni Cristo, o magpatawad sa diwa ni Cristo na sumusunod sa Ama sa langit. Samakatuwid, hindi Siya maaaring manatili kasama ng tao sa kawalang-hanggan pagkaraan Niyang matapos ang gawain Niya, dahil hindi handa ang tao na pahintulutan Siya na mamuhay kaagapay nila. Kung hindi magagawa ng tao na magpakita ng kaluwagan sa Kanya sa panahon ng gawain Niya, paano nila magagawang pagtiisan Siyang mamuhay na kaagapay nila pagkaraan Niyang matupad ang Kanyang ministeryo, habang pinagmamasdan Niya silang unti-unting nararanasan ang Kanyang mga salita? Hindi ba sa gayon marami ang mahuhulog nang dahil sa Kanya? Pinahihintulutan lamang Siya ng tao na gumawa sa lupa; ito ang pinakamalaking saklaw ng kaluwagan ng tao. Kung hindi sa gawain Niya, matagal na Siyang pinalayas ng tao mula sa lupa, kaya gaano kaunti ang ipakikita nilang kaluwagan sa sandaling matapos na ang gawain Niya? Kung gayon, hindi ba Siya ipapapatay ng tao at pahihirapan Siya hanggang sa mamatay? Kung hindi Siya tinawag na Cristo, hindi Siya maaaring gumawa sa gitna ng sangkatauhan; kung hindi Siya gumawang may pagkakakilanlan ng Diyos Mismo, at sa halip ay gumawa lamang bilang isang normal na tao, hindi pagtitiisan ng tao ang pagbigkas Niya ng kahit isang pangungusap, lalong hindi na pagtitiisan ang pinakabahagyang piraso ng gawain Niya. Kaya maaari lamang Niyang dalhin ang pagkakakilanlang ito kasama Niya sa Kanyang gawain. Sa ganitong paraan, mas makapangyarihan ang gawain Niya kaysa sa kung hindi Niya ito ginawa, dahil handang sumunod ang lahat ng mga tao sa katayuan at dakilang pagkakakilanlan. Kung hindi Niya dinala ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo habang gumagawa Siya o lumalabas bilang Diyos Mismo, hindi man lamang Siya magkakaroon ng pagkakataong gumawa. Sa kabila ng katotohanang may diwa Siya ng Diyos at ng katauhan ni Cristo, hindi nagluluwag ang tao at hindi Siya pinahihintulutang magaang na isakatuparan ang gawain sa gitna ng sangkatauhan. Dinadala Niya sa Kanyang gawain ang pagkakakilanlan ng Diyos Mismo; bagama’t dose-dosenang ulit na mas makapangyarihan ang ganoong gawain kaysa sa ginawa nang walang ganoong pagkakakilanlan, hindi pa rin lubusang masunurin ang tao sa Kanya, dahil nagpapasakop lamang ang tao sa Kanyang katayuan at hindi sa Kanyang diwa. Kung gayon, kapag marahil isang araw ay bumaba si Cristo mula sa kinatatayuan Niya, mapahihintulutan ba Siya ng tao na manatiling buhay ng kahit isang araw? Handang mamuhay ang Diyos sa lupa kasama ang tao upang makita Niya ang ihahatid na mga dulot ng gawain ng kamay Niya sa susunod na mga taon. Gayunman, hindi magawa ng tao na tiisin ang presensya Niya kahit isang araw man lamang, kaya magagawa lamang Niyang sumuko. Ito na ang pinakamalaking saklaw ng kaluwagan at biyaya ng tao na pahintulutan ang Diyos na gawin sa gitna ng tao ang gawaing dapat Niyang gawin at upang tuparin ang ministeryo Niya. Bagama’t yaong mga Siya Mismong nalupig na Niya ay nagpapakita sa Kanya ng ganoong biyaya, pinahihintulutan pa rin nila Siyang manatili lamang hanggang sa matapos ang gawain Niya, at hindi na lalampas pa rito. Kung ganito, paano na yaong mga hindi pa Niya nalulupig? Hindi ba’t ang dahilang tinatrato ng tao ang Diyos na nagkatawang-tao sa ganitong paraan ay sapagkat Siya si Cristong may balat ng normal na tao? Kung mayroon lamang Siyang pagka-Diyos at hindi isang normal na pagkatao, hindi ba pinakamadaling malulutas ang mga paghihirap ng tao? Atubiling kinikilala ng tao ang pagka-Diyos Niya at hindi nagpapakita ng interes sa balat Niya ng isang karaniwang tao, sa kabila ng katotohanang ang diwa Niya ay ganap nang tulad ng kay Cristo na nagpapasakop sa kalooban ng Ama sa langit. Sa ganoon, maaari lamang Niyang itigil ang gawain Niya ng pagiging nasa gitna ng tao upang ibahagi sa kanila ang kapwa mga galak at mga kalungkutan, dahil hindi na maaaring magparaya ang tao sa pag-iral Niya.

Sinundan: Ang Gawain ng Diyos at ang Pagsasagawa ng Tao

Sumunod: Pagpapanumbalik ng Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito