345 Bakit Masyado Kang Mapagmataas?
I
‘Wag isiping alam mo ang lahat;
lahat ng nakita mo na
ay ‘di pa bahagi ng plano
ng pamamahala ng Diyos.
Bakit mayabang,
sa katiting na talento at kaalaman?
‘Di ito sapat kay Jesus na gamitin
kahit ‘sang segundo.
Mga narinig, nakita at naisip mo sa buong buhay
ay maliit sa gawain Niya sa isang saglit!
Mas mabuting ‘wag mayabang kung mamimintas,
dahil ‘di mo kapantay ang langgam!
II
Laman ng tiyan mo’y mas kaunti kaysa sa langgam.
‘Wag isiping dahil sa titulo’t karanasan
maaari ka nang magmayabang.
‘Di ba katayuan at karanasan mo’y
dahil sa mga salita ng Diyos?
Nakamit ba’ng mga ito dahil sa ‘yong pagsisikap?
Ngayon nagiging tao’ng Diyos,
sa gayon konsepto mo’y ‘di mabilang.
Kuru-kuro mo’y walang katapusan.
Kung walang pagkakatawang-tao Niya,
ika’y walang konseptong gan’to.
‘Di ba rito mula ang mga kuru-kuro mo?
Mga narinig, nakita’t naisip mo sa buong buhay
ay maliit sa gawain Niya sa isang saglit!
Mas mabuting ‘wag mayabang kung mamimintas,
dahil ‘di mo kapantay ang langgam!
III
Kung ‘di naging tao si Jesus,
pagkakatawang-tao ba’y malalaman?
Ang una’y nagbigay-kaalaman,
ngayon, ikalawa’y hinahatulan?
Ba’t sa halip na sumunod ay mapanuri?
Humarap sa nagkatawang-taong Diyos,
hahayaan ka bang Siya’y saliksikin?
Masasaliksik mo’ng kasaysayan ng pamilya mo,
ngunit kung titingnan mo’ng sa “Diyos,”
Diyos ng ngayon ba’y papayag na gawin mo ‘to?
‘Di ka ba nagiging bulag,
at hinahamak ang sarili mo?
Mga narinig, nakita’t naisip mo sa buong buhay
ay maliit sa gawain Niya sa isang saglit!
Mas mabuting ‘wag mayabang kung mamimintas,
dahil ‘di mo kapantay ang langgam!
Mga narinig, nakita’t naisip mo sa buong buhay
ay maliit sa gawain Niya sa isang saglit!
Mas mabuting ‘wag mayabang kung mamimintas,
dahil ‘di mo kapantay ang langgam!
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ginagawang Ganap ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao