352 Sino ang Nakaayon sa Diyos

Naipahayag na ng Diyos

‘di mabilang na mga salita,

Kanyang kalooba’t disposisyon,

gayunman ‘di kaya ng mga tao

na makilala, maniwala o sumunod sa Kanya.

Ang iniisip n’yo lang ay pagpapala’t gantimpala,

hindi kung paano makaayon sa Diyos

o ‘di maging Kanyang kaaway.

Labis na nasiphayo ang Diyos sa inyo,

napakarami N’yang naibigay na sa inyo,

pero kaunti lang ang natamo mula sa inyo.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?


Ang inyong kayabangan, kasakiman,

labis na paghahangad,

inyong pagkakanulo, pagsuway,

alin dito ang makatatakas sa pansin ng Diyos?

Siya’y inyong ipinapahiya, niloloko, dinaraya,

sinisingil, para sa mga sakripisyo’y kinikikilan Siya,

paano matatakasan ng lahat ng ito

ang Kanyang kaparusahan?

Ang inyong masamang gawain ay patunay

ng pakikipag-alitan n’yo sa Diyos

at ‘di n’yo pagtugma sa Kanya.

Ang mga nabubuhay sa Biblia o sa krus,

sa gitna ng batas o ayon sa doktrina,

o sa gitna ng gawaing ginagawa ngayon ng Diyos,

alin sa kanila ang nakaayon sa Kanya?


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Dapat Mong Hangarin ang Daan ng Pagiging Kaayon ni Cristo

Sinundan: 351 Napaka-kaunting Tao ang Kaayon ng Diyos

Sumunod: 353 Nasaan ang Katunayan na Kayo ay Magkaayon ng Diyos?

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito