Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 15

Sa kasalukuyan, palala nang palala ang mga trahedya. Hindi lang patuloy na kumakalat ang salot, kundi sumapit na rin sa mga tao ang taggutom. Pumutok na ang digmaan sa ilang lugar at mayroong kaguluhan sa maraming bansa sa buong mundo. Mayroon nang malawakang kawalan ng pagkakaisa. Sinabi noon na, “Umaalimpuyo ang mga apoy ng digmaan, napupuno ang hangin ng usok ng kanyon, nagbabago ang lagay ng panahon, nagbabago ang klima, lalaganap ang isang salot,” at ang hulang ito ay nagkakatotoo na. Lumalaganap ang salot at hindi humuhupa, at namumuhay sa peligro ang mga hindi nananalig. Ang bawat araw at taon ay mas malala kaysa sa nauna, at sumapit na sa kanila ang trahedya. Nais nilang lahat na makawala sa pagdurusang ito at matakasan ang mga araw ng trahedya. Umaasa silang lahat na sasagipin sila ng pamahalaan at ililigtas sila mula sa trahedya, pero ang pamahalaan ay parang isang kastilyong buhangin na hinahampas ng mga alon—walang kapangyarihan at ni hindi kayang iligtas ang sarili nito, lalo na ang sinumang iba pa. Anumang araw ngayon, maaaring bumagsak at mawasak ang pamahalaan; hindi ito maiiwasan. Nakita na ninyong lahat ang pinagdaraanan ng mga hindi nananalig—nagdurusa nga sila! Kumusta ang buhay ninyo sa panahong ito? Hindi ba’t mas maayos ang lagay ninyo kaysa sa kanila? (Oo.) Paanong mas maayos ang lagay ninyo? (Nagagawa pa rin naming sama-samang basahin ang salita ng Diyos at pagbahaginan ang katotohanan. Nagagawa pa rin namin ang aming tungkulin sa sambahayan ng Diyos at nahahangad pa rin naming makapasok sa buhay. Ang aming puso ay payapa at hindi balisa. Mas maayos ang lagay namin kaysa sa mga hindi nananalig.) Kahit papaano man lang, ang mga taong nananalig sa Diyos ay mas maayos ang lagay kaysa sa mga hindi nananalig dahil mayroon silang masasandigan. Naniniwala sila sa kataas-taasang kapangyarihan ng Diyos; naniniwala sila na ang lahat ng bagay ay nasa mga kamay ng Diyos, at naniniwala sila sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos. Dahil mayroon silang pananampalataya at tunay na pananalig sa Diyos, may tunay na bagay silang masasandigan, at nakararamdam sila ng seguridad. Ang mga taong taos-pusong nananalig sa Diyos ay nakararamdam ng tunay na suporta sa kanilang puso, pati na ng seguridad, kapayapaan, at kasiyahan, gaano man kamapanganib o kagulo ang mas malawak na kapaligirang nasa labas. Kaya naman, anumang sitwasyon ang maranasan nila, paano man magbago ang kapaligirang nasa labas, anuman ang mangyari, mayroon mang trahedya, digmaan o salot, at maging ito man ay malaking pangyayari o maliit na isyu, ang isang taong taos-pusong nananalig sa Diyos ay kayang igugol ang sarili niya sa pagganap ng kanyang tungkulin sa sambahayan ng Diyos, pagkain at pag-inom ng salita ng Diyos, pagdanas ng gawain ng Diyos, at paghahangad na makamit ang katotohanan dahil sumusunod sila sa Diyos at iniiwasan ang mga sekular na kalakaran. Nananatiling hindi nagbabago ang puntong ito. Ang pinakamahalagang bagay at ang pinakamahalagang mithiin na kailangan mong hangarin sa iyong pananalig sa Diyos ay hindi puwedeng magbago, at iyon ay ang paghahangad sa katotohanan, maayos na pagganap sa tungkulin ng isang tao at pagbibigay ng magandang patotoo tungkol sa Diyos. Hinding-hindi ito puwedeng magbago.

Paano man magbago ang mundo, paano man maglaban at mag-away ang mga puwersa ni Satanas, at gaano man maging magulo ang lipunan at mundong ito, ang mga napakahalagang problema gaya ng panlilinlang, paggawang tiwali, paggapos, at pagkontrol ni Satanas sa sangkatauhan ay nananatiling hindi nagbabago. Ang ibig sabihin, ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala na ikinikintal ni Satanas sa mga tao, at ang lahat ng kaisipan at salitang lumalaban sa Diyos at sumasalungat sa mga batas at regulasyon ng paglikha ng Diyos sa mga tao at sa lahat ng bagay, ay nananatiling hindi nagbabago. Sa isang punto, hindi pa nagbago ang mga satanikong bagay na ito. Sa isa pang punto, paano man magbago ang kalagayan at istraktura ng mundong ito, hindi pa naaalis ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala na malalim nang ikinintal ni Satanas sa puso ng mga tao. Hindi ito dahil nasa magulong kalagayan ang mundo, o dahil masama na ang lagay at wala nang kapangyarihan ngayon si Satanas para kontrolin ang mundo kung kaya’t nabura na sa puso ng mga tao ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala na ginagamit ni Satanas para linlangin at gawing tiwali ang mga tao. Hindi iyon ang kaso. Umiiral pa rin sa puso ng mga tao ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas, at walang sinuman na makaaalis ng mga iyon. Mula sa simula ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan, unti-unti nang malalim na nabaon sa puso at isipan ng bawat nilikhang tao ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas. Ang mga bagay na ito ay nananatiling hindi nagbabago sa puso at isipan ng mga tao hanggang ngayon. Kahit noong pagkatapos gumawa ng Diyos ng maraming taon ng gawain at magtustos Siya sa mga tao ng malaking bahagi ng katotohanan, hindi pa rin kayang tukuyin ng mga tao ang iba’t ibang kaisipan, opinyon, at kasabihan na ikinintal sa kanila ni Satanas, lalo na ang aktibong subukang tukuyin ang mga bagay na ito nang walang impluwensya ng mga bagay na nasa kapaligiran, o alisin ang mga ito sa kanilang puso. Hindi rin nila kayang maagap na tanggihan ang iba’t ibang kaisipan at pahayag na ikinintal sa kanila ni Satanas, kahit pa may pagtustos at paggabay ng salita ng Diyos. Bagamat noong simula ay pasibong nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, sa buong proseso ng paggawang tiwali ni Satanas sa sangkatauhan, nagsimulang mamuhay ang mga tao nang ayon sa disposisyon ni Satanas, at tiningnan nila ang mga bagay-bagay nang ayon sa pag-iisip at mga perspektiba ni Satanas. Unti-unti, nagsimulang lalo’t lalong aktibong makipagtulungan ang mga tao kay Satanas, at sila ay naging lalo’t lalong aktibo sa paglaban sa Diyos, paglayo sa Diyos, at pag-abandona sa Diyos, hanggang sa huli, ganap na silang kinontrol ni Satanas. Kapag ganap na ikinintal sa mga tao ang masasasama at katawa-tawang mga ideya at pananaw ni Satanas, sila ay ganap na nakukulong ni Satanas at nagiging mga alipin nito, o, sa mas tiyak na pananalita, sila ay nagiging sagisag ni Satanas. Kapag nangyari ito, ganap na isinasabuhay ng mga tao ang disposisyon ni Satanas. Hindi lamang sila namumuhay nang ayon sa pilosopiya at ideolohiya ni Satanas, kundi ang iba’t ibang kuru-kuro at pananaw na ikinintal sa kanila ni Satanas ay naging bahagi na ng kanilang kalikasan. Sa mas tiyak na pananalita, hindi lamang isinasabuhay ng mga tao ang wangis ni Satanas, kundi namumuhay sila bilang si Satanas, bilang ang diyablo. Kapag nangyari ito, hindi na pasibong ginagawang tiwali, iniimpluwensyahan, nililinlang o kinokontrol ni Satanas ang mga tao, kundi, sila ay lubusang pumapanig kay Satanas laban sa Diyos. Kapag nagawang tiwali ang mga tao hanggang sa antas na ito, maaari mong sabihin na sila ay naging isa nang labasan ni Satanas, at isang sagisag nito. Para mailigtas ng Diyos ang isang nilikha na isang labasan at sagisag ni Satanas, bukod pa sa pagtustos ng katotohanan at pagbubunyag ng iba’t ibang tiwaling disposisyon ng mga tao at ng mga pagkilos nilang nagrerebelde sa Diyos, mas mahalaga na mailantad at masuri ang mga kaisipan, perspektiba at pahayag na nasa kaibuturan ng puso ng mga tao at na kapareho ng kay Satanas. Magkakapareho lang ang mga kaisipan, perspektiba at pahayag ng mga tao at ni Satanas. Namumuhay si Satanas ayon sa mga bagay na ito, at kagaya nito, dahil malalim nang nagawang tiwali ni Satanas ang mga tao, sila rin ay natural na namumuhay ayon sa mga bagay na ito. Mismong dahil namumuhay ang mga tao ayon sa mga bagay na ito at na naiimpluwensyahan, nahihimok at nakokontrol sila ng mga perspektibang ito, kung kaya’t kahit matapos maunawaan ng mga tao ang isang bahagi ng katotohanan at malaman nila na ang Diyos ang Lumikha, ay hindi pa rin nila kayang yumukod sa harap Niya batay sa kanilang pananalig sa Diyos, o ganap na magpasakop sa Kanya, at hindi rin nila kayang sambahin Siya nang may tapat na puso. Ang dahilan kung kaya’t hindi magawang sambahin ng mga tao ang Diyos nang may tapat na puso ay dahil, sa kaibuturan ng kanilang puso at isipan, pinaghaharian at kontrolado pa rin sila ng iba’t ibang ideya at perspektiba ni Satanas. Ito ang dahilan kung kaya’t sa sandaling tanggapin ng mga tao ang gawain ng Diyos at malupig sila, bagamat kaya nilang tanggapin ang salita ng Diyos bilang buhay, hindi pa rin nila kayang lubusang talikdan ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas; hindi pa rin nila kayang lubusang makaalpas mula sa impluwensya ng kadiliman at maging tunay na masunurin sa Diyos, o na sambahin Siya. Kaya naman, para mailigtas ng Diyos ang sangkatauhan, ang isang punto ay kailangan Niyang ipahayag ang katotohanan para mahatulan at malinis ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao; magawa ang mga tao na maunawaan ang katotohanan, at makilala ang Diyos at masunod Siya; ituro sa mga tao kung paano sila dapat umasal at kung paano nila matatahak ang tamang landas; at sabihin sa mga tao kung paano nila dapat isagawa ang katotohanan, paano nila maayos na magagampanan ang kanilang tungkulin at kung paano sila makapapasok sa mga katotohanang realidad. Ang isang pang punto, kailangan Niyang ilantad ang mga ideya at pananaw ni Satanas. Kailangan Niyang ilantad at suriin ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao, upang matukoy ng mga tao ang mga ito. Pagkatapos, maaalis ng mga tao ang mga satanikong bagay na ito mula sa kanilang puso, malilinis sila at makakamit nila ang kaligtasan. Sa ganitong paraan, mauunawaan ng mga tao kung ano ang katotohanan, at matutukoy rin nila ang disposisyon ni Satanas, ang kalikasan ni Satanas at ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala nito. Kapag kinilala ng mga tao na ang Diyos ang Lumikha at may pananampalataya sila para sumunod sa Diyos, magagawa nilang makita ang kapangitan ni Satanas sa kaibuturan ng kanilang puso, at ganap na matatanggihan nila si Satanas. Pagkatapos, ang puso ng mga taong ito ay ganap na makababalik sa Diyos. Kahit papaano man lamang, kapag ang puso ng isang tao ay nagsisimula nang bumalik sa Diyos pero hindi pa ganap na nakababalik, ang ibig sabihin, kapag ang puso niya ay hindi pa pinaghaharian ng katotohanan, sa takbo ng kanyang buhay ay gagamitin niya ang salita ng Diyos upang tukuyin, suriin, at kilatisin ang lahat ng pahayag na ikinikintal ni Satanas sa mga tao at sa huli ay magagawa niyang iwan si Satanas. Sa ganitong paraan, liliit nang liliit ang lugar ni Satanas sa puso ng mga tao, hanggang sa ganap itong mawala. Mapapalitan ito ng salita ng Diyos, ng mga aral na ibinibigay ng Diyos sa mga tao, ng mga katotohanang prinsipyo na itinutustos ng Diyos, at iba pa. Ang buhay na ito ng pagiging positibo at ng katotohanan ay unti-unting magkakaugat sa mga tao at ookupa ng pinakamalaking lugar sa kanilang puso, at bilang resulta, magkakaroon ng kapamahalaan ang Diyos sa puso ng mga tao. Ibig sabihin, kapag ang iba’t ibang ideya, pananaw, maling pananampalataya at maling paniniwala na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao ay natukoy at nahalata, at nagawa ang mga tao na kamuhian at talikuran ang mga ito, ang katotohanan ang unti-unting ookupa sa puso ng mga tao. Unti-unti itong magiging buhay ng mga tao at aktibo silang tatalima at susunod sa Diyos. Paano man gumawa at umakay ang Diyos, magagawa ng mga tao na aktibong tanggapin ang katotohanan at ang salita ng Diyos at na magpasakop sa gawain ng Diyos. Bukod pa roon, sa pamamagitan ng karanasang ito ay aktibo nilang pagsusumikapan ang katotohanan at magtatamo sila ng pagkaunawa sa katotohanan. Ganito nagkakaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos ang mga tao, at habang lalong nagiging malinaw sa kanila ang katotohanan, lalong lumalaki ang kanilang pananampalataya. Kapag may tunay na pananampalataya sa Diyos ang mga tao, bumubuo rin ito sa kanila ng takot sa Diyos. Kapag may takot sa Diyos ang mga tao, may pagnanais silang makamit ang Diyos sa kaibuturan ng kanilang puso, at handa silang magpasakop sa Kanyang kapangyarihan. Nagpapasakop sila sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Diyos, at nagpapasakop sa mga plano ng Diyos para sa kanilang tadhana. Nagpapasakop sila sa bawat araw at sa lahat ng espesyal na sitwasyong itinakda ng Diyos para sa kanila. Kapag may ganitong kahandaan at pagkauhaw ang mga tao, aktibo rin nilang tatanggapin ang mga hinihingi ng Diyos sa kanila at magpapasakop sila sa mga ito. Habang lalong nagiging malinaw sa mga tao ang mga resulta nito, at lalong nagiging totoo, ang mga pahayag, ideolohiya at perspektiba ni Satanas ay mawawalan ng epekto sa puso ng mga tao. Sa madaling salita, mababawasan nang mababawasan ang kontrol at impluwensya ng mga pahayag, ideolohiya at perspektiba ni Satanas sa mga tao. Pagkatapos ng kaunting panahon ng pagpupunyagi, at pagkatapos ng kaunting panahon ng aktibong pakikipagtulungan at kapasyahan ng mga tao na magpasakop sa Diyos, magagawa nilang makawala sa pagkakagapos at pagkontrol ni Satanas. Pagdating nila sa puntong ito, nakatakas na ang mga tao sa kapangyarihan ni Satanas. Lubusan nilang iiwan ang mga pahayag, pag-iisip at perspektiba na ginamit ni Satanas para linlangin sila, at lalaki nang lalaki ang kanilang pananampalataya sa Diyos. Siyempre, ang epektong ito ay nakasalalay sa salita at gawain ng Diyos at lalo na sa paghahangad at pakikipagtulungan ng mga tao. Kung laging nakikinig sa katotohanan at sa mga sermon ang isang tao, pero wala pa rin siyang kamalayan sa mga ideya at perspektiba ni Satanas at hindi pa niya kinamumuhian ang mga bagay na ito, at kung ayaw niyang aktibong tukuyin, kilatisin, at iwan ang mga satanikong bagay na ito, bagkus ay pasibo niyang hinaharap o kaya ay hindi pinapansin ang mga ito, ang iba’t ibang ideya at pananaw ni Satanas ay mananatiling malalim na nakatanim sa taong iyon. Sa kanyang pang-araw-araw na pamumuhay at sa takbo ng kanyang buong buhay, hindi sinasadya pa rin siyang maiimpluwensyahan at makokontrol ng iba’t ibang kaisipan at perspektiba ni Satanas, at ang kanyang mga pananaw sa mga tao at bagay-bagay, at ang kanyang asal at mga kilos ay magmumula pa rin kay Satanas. Kung nagmumula kay Satanas ang lahat ng ito, ang iyong pananalig sa Diyos ay isa lamang pagkilala sa pag-iral ng Diyos, sa halip na tunay na pananampalataya, at hindi mo kailanman kikilalanin ang identidad at diwa ng Diyos. Siyempre, hindi kusang babaling sa Diyos ang iyong puso, at hindi mo magagawang ibalik sa Diyos ang iyong puso. Maaaring sabihin na hindi mo kayang magbigay ng ni katiting na tunay na debosyon sa tungkulin at mga obligasyong ibinigay sa iyo ng Diyos, at hindi mo kayang tunay na matakot sa Diyos, lalo na na maging tunay na masunurin sa Kanya. Ano ang malinaw na magiging resulta kung mabibigo kang maisakatuparan ang mga bagay na ito? Hindi ka ililigtas. Ito ba ang mangyayari? (Oo.) Ito ang mangyayari. Malinaw na ang mga kaisipan, pananaw at kuru-kuro na ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao at na malalim na itinatanim sa kanilang puso, ay mga bagay na humahadlang sa mga tao na makinig sa tinig ng Diyos, maniwala sa salita ng Diyos, tanggapin ang mga positibong bagay at lalo na na tanggapin ang katotohanan at makapasok sa katotohanan. Sa panlabas ay naiiba ang mga bagay na ito mula sa mga tiwaling disposisyon ng mga tao. Subalit, ang diwa ng mga ito ay bahagi ng kalikasan ni Satanas, ang mga ito ay mga bagay na ginagamit ni Satanas upang gawing tiwali ang mga tao. Kung titingnan mula sa labas, may malinaw na pagkakaiba ang masasamang pagkilos ni Satanas na ginagawang tiwali ang sangkatauhan at ang pagpapanggap ni Satanas na gumagawa ito ng mabuti, isang pagkakaiba na mahirap kilatisin para sa mga ordinaryong tao. Subalit, ang mga kahihinatnan ng panlilinlang ni Satanas at paggawang tiwali nito sa mga tao ay kitang-kita. Isang malinaw na katunayan na nagdulot ito sa kabuuan ng karaniwang lipunan na tanggihan, labanan at salungatin pa nga ang Diyos.

Ang satanikong disposisyong nasa loob ng mga tao ay ganap na resulta ng panlilinlang at paggawang tiwali sa kanila ni Satanas. Bukod pa roon, ang iba’t ibang satanikong maling pananampalataya, maling paniniwala, pilosopiya at mga batas na pinanghahawakan ng mga tao, pati na rin ang kanilang pananaw sa buhay at mga pinahahalagahan, ay lahat mga kongkretong pagpapamalas ng panlilinlang at paggawang tiwali ni Satanas. Sa madaling salita, matapos malinlang ni Satanas ang mga tao, at magawa silang talikuran at tanggihan ang Diyos, ganap nitong ikinikintal sa kanila ang lahat ng uri ng satanikong kaisipan, opinyon, maling pananampalataya at maling paniniwala. Bukod pa roon, hayagang nagpapakalat si Satanas ng maraming propaganda, kasama na ang lahat ng uri ng mga kuru-kuro, opinyon, at pahayag, na nagtuturo at nag-uudyok sa mga tao kung paano harapin ang lahat ng bagay, at na nagdudulot sa kanilang tanggapin ang lahat ng ito sa kanilang puso. Bilang resulta, iba’t ibang tiwaling satanikong disposisyon ang nabubuo sa loob nila. Ito ang paraang ginagamit ni Satanas para gawing tiwali ang mga tao. Ibig sabihin, kapag may kahungkagan sa kaibuturan ng kaluluwa ng mga tao, kapag hindi tama ang kanilang pag-iisip at kapag hungkag silang kagamitan, pumapasok sa puso nila ang iba’t ibang pahayag ni Satanas at namamalagi roon ang mga iyon. Halimbawa, kapag ang mga pahayag gaya ng “Kailanman ay hindi pa nagkaroon ng Tagapagligtas,” “Ang langit at lupa at lahat ng bagay ay nilikha ng kalikasan,” “Haharapin ko ang panganib para sa isang kaibigan,” “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal,” “Ang mga lalaki ay dapat matipuno,” at iba pa, ay nilikha, naiimpluwensyahan ng mga ito ang mga tao nang hindi nila namamalayan. Tinatanggap ng mga tao ang lahat ng uri ng mga ideya at opinyon mula kay Satanas nang walang anumang kamalayan sa masasamang puwersa, mga maling pananampalataya at maling paniniwala na ito, at nang walang anumang kakayahan na tukuyin ang mga ito o anumang kapangyarihan para labanan ang mga ito. Ang proseso kung saan tinatanggap ng mga tao ang mga satanikong ideya at pananaw na ito ay mismong ang proseso kung saan nililinlang, inuudyukan, at ginagawang tiwali ang mga tao. Halimbawa, kung isa kang babae na hindi alam ang tamang paraan kung paano dapat mamuhay ang isang babae, at kung anu-anong bagay ang dapat niyang gawin, isusulong ni Satanas ang mga maling pananampalataya at maling paniniwala nito, gaya ng “Ang isang babae ay kailangang maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, mamalagi sa bahay at hindi lumabas,” “Kabutihan sa isang babae ang pagiging walang kasanayan,” at iba pa. Iisipin mong may karunungan at maganda namang pakinggan ang mga ito, kaya tatanggapin mo ang mga ito. Kapag umiikot sa lipunan at sa mundo ang mga maling pananampalataya at maling paniniwalang ito, bilang isang babae ay tatanggapin mo ang mga ito at mahigpit mong iuutos sa sarili mo na isabuhay mo ang mga kasabihang ito. Una, ikukumpara mo sa mga ito ang sarili mo, sa paniniwalang dahil isa kang babae, kailangan mong maging malinis, mabait, malumanay, at mabuti ang asal, mamalagi sa bahay, maging isang mabuting babae walang kasanayan, at iba pa. Sa takbo ng prosesong ito, unti-unti kang mauudyukan, maiindoktrinahan, at maiimpluwensyahan ng mga pahayag, ideya at pananaw na umiikot sa lipunan, at kalaunan ay aabot sa punto na magiging bahagi ka na ng mga ito. Sa mas partikular na pananalita, matapos mong malinlang ng mga ideya at pananaw ni Satanas, magagapos at makokontrol ka ng mga ito, at sa kaibuturan ng iyong puso, uutusan mo ang iyong sarili at titingnan ang iba nang ayon sa mga ito, nang hindi mo namamalayan. Samakatuwid, sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay, ang mga ideya at pahayag na ito ay bubuo ng mga kaisipan at opinyon sa kaibuturan ng iyong puso, at pagkatapos ay gagamitin mo ang mga ito bilang pamantayan at batayan para sa iyong asal at pag-uugali. Ganito paunti-unting nagiging karaniwang kagawian sa lipunan at sa publiko ang iba’t ibang ideya at opinyon ni Satanas. Habang mas nagiging laganap sa lipunan ang kagawiang ito, at habang lumalaki ang populasyon na inuudyukan at ginagawa nitong bahagi nito, nagiging isang uri ito ng puwersa. Kapag nalikha na ang puwersang ito, ganap nang nakulong at nakontrol ng mga ideya at pananaw na ito ang sangkatauhan, o sa madaling salita, paghaharian na sila ng mga ito. Sa mas tiyak na pananalita, nabihag na ni Satanas ang mga tao. Halimbawa, sa mundo ni Satanas, “ang mga lalaki ay dapat matipuno, matibay at ambisyoso,” “ang mga lalaki ay dapat may matataas na ambisyon, pangarap at hindi natitinag na espiritu,” “ang mga lalaki ay dapat maglinang ng kanilang sarili, magtatag ng kanilang pamilya, mamuno ng bansa at magdala ng kapayapaan sa mundo,” “dapat matutunan ng mga lalaki na gumamit ng kapangyarihan, kontrolin ang sitwasyon, at mapangibabawan ang mundo,” “ang mga lalaki ay hindi madaling mapaluha,” at iba pa. Ang bawat lalaki ay nagagapos ng mga hinihingi, ideya at pananaw na ito mula pa sa simula. Ang mga lalaki at mga babae ay kapwa nalilimitahan at nagagapos ng iba’t ibang pahayag mula sa tradisyonal na kultura. Kung hindi alam ng mga lalaki kung paano dapat kumilos ang isang lalaki, o kung paano itatag ang sarili nila sa kanilang pamayanan, lipunan o bansa, tatanggapin nila ang mga ideya at pananaw na ito kapag narinig nila ito, nang hindi nila namamalayan. Unti-unti silang masasanay sa mga ito hanggang sa gamitin na nila ang mga ito bilang pamantayan at batayan para mahigpit na utusan ang sarili nila. Bukod pa roon, isasagawa nila ang mga ideya at pananaw na ito, mararanasan nilang maging ganoong tao sa realidad, at pagkatapos ay magiging isa silang halimbawa sa pamamagitan ng pagsisikap sa mga mithiing ito. Halimbawa, kailangang may matataas na ambisyon ang mga lalaki, kailangan nilang gumawa ng malalaking bagay at magkaroon ng mahalagang propesyon. Dapat ay wala silang mga relasyon na puno ng pagmamahal at hindi nila dapat gawing panghabambuhay na responsabilidad o mithiin na suportahan ang kanilang mga magulang o alagaan ang kanilang mga anak. Sa halip, kailangan nilang lawakan ang kanilang maaabot, pagsikapan ang kanilang mga hinahangad, matutunang kontrolin ang sitwasyon, at maging mang-agaw ng kapangyarihan para makontrol ang sangkatauhan at ang kababaihan. Tinanggap na ng mga tao ang mga kaisipan at pananaw na ito; nagsasagawa at namumuhay na sila ayon sa mga ito sa kanilang buhay, at hinahangad na nila ang mga mithiing kalakip ng mga ito. Bukod pa roon, kapag nabuo at nag-ugat na ang mga kaisipan at pananaw na ito sa kaibuturan ng puso ng mga tao, titingnan nila ang sangkatauhan, lipunan at ang buong mundo sa pamamagitan ng mga ito. Kapag napakalalim nang nag-ugat sa puso ng tao ang mga ito na hindi na maaalis ang mga ito, titingnan niya ang mga tao at bagay, aasal siya at kikilos nang ayon sa mga kaisipan at pananaw na “Ang mga lalaki ay dapat matipuno at matibay,” at iba pa. Ito ang pinagmumulan at pinag-uugatan ng pananaw ng mga lalaki sa mundo at ng pananaw nila sa buhay. Kapag ang mga lalaki ay tinitingnan ang mga tao at bagay, umaasal at kumikilos ayon sa mga kaisipan at pananaw na ikinintal sa kanila ni Satanas, ang mga kaisipan at pananaw na ito ay kumakalat sa mga tao at sa lipunan nang hindi napapansin, unti-unting pumapasok sa kaibuturan ng puso ng bawat tao—hindi lang ng mga lalaki, kundi ng mga babae rin. Kapag malalim na nakapasok ang mga bagay na ito sa puso ng bawat tao, at naikintal pa nga sa puso ng mga batang musmos na natututo pa lang magsalita, naging karaniwang kagawian na sa pamayanan at sa lipunan ang mga kaisipan at pananaw na ito. Bibilis nang bibilis ang pagkalat ng kagawiang ito, at lalaganap ito nang lalaganap hanggang sa alam na alam na ito ng lahat ng tao, at ganap na nila itong kinikilala at tinatanggap. Kapag umabot na ang mga bagay-bagay sa puntong ito, ang mga sosyologo, politiko at pinuno ng bansa, o sa mas tiyak na pananalita, ang mga diyablong hari na sumusunod kay Satanas, ay lalong patatatagin ang katayuan sa sangkatauhan ng mga kaisipan at pananaw na ito. Isusulat nila ang mga ito, at sistematikong malawak na ikakalat at isusulong ang mga pahayag na ito sa pamamagitan ng lahat ng uri ng mga nagkataong patunay, paborableng kondisyon, tao, pangyayari at bagay, upang lumaganap sa sangkatauhan ang mga pahayag na ito at makabuo ng isang lagay ng lipunan at isang di-nagbabagong pamantayan ng moralidad sa lipunan. Gamit ang pamantayang ito ng moralidad, kokontrolin at igagapos nila ang mga tao, at sa puntong ito ay makakamit ang mithiin ni Satanas. Kapag nakamit na ni Satanas ang mithiing ito, ang buong sangkatauhan, kasama ang kapwa mga lalaki at mga babae, ay nalinlang na, nagawa nang tiwali, at napagharian na ng mga ideya at pananaw na ito. Alam ba ninyo kung ano ang magiging mga kahihinatnan kapag nalinlang na, nagawa nang tiwali, at napagharian na ng mga kaisipan at pananaw ni Satanas ang sangkatauhan? Sa tingin ninyo, bakit isinusulong ni Satanas ang mga ideya, pahayag, maling pananampalataya at maling paniniwalang ito? Para lang ba ito gawing tiwali ang sangkatauhan? Para lang ba ito agawin ang mga tao? Sino ang target ng lahat ng ito? (Ang Diyos.) Tama, kailangang maging malinaw ito sa inyo. Sa lahat ng masasamang bagay na ginagawa ni Satanas, at lalo na sa lahat ng bagay na ginagawa ni Satanas upang linlangin, guluhin, kontrolin, at gawing tiwali ang sangkatauhan, ang mga tao ay mga gamit at instrumento lang sa pagseserbisyo. Sila ay mga kagamitan lang ni Satanas para maibuhos ang lahat ng kakayahan at kasanayan nito. Ang lahat ng bagay na ginagawa ni Satanas ay nakatuon sa Diyos sa halip na sa mga tao. Nais nitong salungatin ang Diyos at ang mga tao ay mga kagamitan o instrumento lamang nito para magawa ito. Kaya, bakit gusto ni Satanas na labanan ang Diyos? Bakit gusto nitong gawing tiwali nang ganito ang sangkatauhan? Ito ay dahil nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at gusto Niyang iligtas ito. Bakit hindi ginagawang tiwali ni Satanas ang mga hayop, halaman, o taga-ibang planeta? Dahil hindi sinusubukang iligtas ng Diyos ang mga hayop, halaman, o taga-ibang planeta, o ang anumang iba pang nilikha maliban sa mga tao. Sinusubukang iligtas ng Diyos ang mga taong nilikha Niya sa mundong ito. Sinusubukan Niyang makamit ang grupong ito ng mga tao sa mundo. Anong uri ng mga tao? Isang grupo ng mga taong sumusunod sa Diyos at na tapat hanggang kamatayan, na kaisa ng Diyos sa puso at isipan, at na may takot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Sila ang mga taong nais makamit ng Diyos. Bago magawa ng Diyos ang Kanyang gawain at makamit ang mga taong ito, sinusubukan ni Satanas na mauna at magawa silang tiwali. Sinasabi ni Satanas, “O Diyos, gusto Mo bang iligtas ang sangkatauhan? Kung ganoon, gagawin ko muna silang tiwali. Kapag nagawang tiwali ang mga tao hanggang sa puntong ganap na silang mala-demonyo sa halip na tao, hindi Mo na sila maililigtas. Hindi Ka magtatagumpay, at mabibigo Ka sa huli.” Ito ang mithiin ni Satanas. Balikan natin ang katanungan Ko kanina. Kapag ginagawang tiwali ni Satanas ang disposisyon ng tao, at isinusulong din nito ang iba’t ibang maling pananampatalaya at maling paniniwala at ang lahat ng uri ng mga ideya at pananaw upang linlangin, paralisahin, at kontrolin ang isipan at puso ng tao, ano ang layunin nito? Hindi ninyo masasagot iyan; hindi ninyo iyan nauunawaan. Hindi ang mga tao ang target ni Satanas kapag ginagawa nito ang lahat ng ito, bagamat ang mga tao ang ginagawang tiwali at kinokontrol nito. Sa halip, ang lahat ng ito ay nakatuon sa Diyos. Ano ang pinakamithiin o pinakaresulta ng paggawang tiwali ni Satanas sa mga tao? Ito ay ang magawa ang mga taong salungatin ang Diyos. Kapag ang mga tao ay naging ang mismong kabaligtaran ng Diyos, at ang Kanyang kalaban, naniniwala si Satanas na ang pakana at mga pagkakalkula nito para makinabang ito ay nagtagumpay na, at na ito ay sasambahin at susundin ng mga tao sa mundo. Kaya naman, kapag ang iba’t ibang kaisipan, pahayag, maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas ay malalim na nakabaon sa puso ng mga tao, hindi na sila maniniwalang umiiral ang Diyos, o tatanggap ng Kanyang mga pangangasiwa at pagsasaayos, o ng Kanyang kataas-taasang kapangyarihan. Ganap na tatanggihan at ipagkakanulo ng mga tao ang Diyos. Iniisip ni Satanas na sapat nang gawing tiwali ang mga tao hanggang sa puntong kaya na nilang tanggihan ang Diyos. Bakit? Dahil sa puntong ito, ang mga taong nais na iligtas ng Diyos ay lubusan at ganap nang nabihag at napagharian ni Satanas, at lubusan at ganap nang naging kabaligtaran ng Diyos. Ito ang layunin ni Satanas. Totoo ba na hindi pa ninyo ito naisip kailanman noon? (Oo.) Hindi ninyo nauunawaan. Iniisip ng mga tao, “Ginagawang tiwali ni Satanas ang mga tao para mahuli tayo, mabitag tayo, mapinsala tayo, mahayaan tayong mamatay, maipadala tayo sa impiyerno at mailayo tayo sa pagliligtas ng Diyos at sa tamang landas sa buhay. Pinagdurusa tayo ni Satanas.” Isang bahagi ito, pero isa lang itong nilalayong epekto na idinudulot ng lahat ng ginagawa ni Satanas, at sa katunayan ay hindi ito ang natatagong mithiin. Nauunawaan na ba ninyo ngayon kung ano iyong natatagong mithiin? Sabihin ninyo sa Akin, bakit nililinlang, kinokontrol, at ikinukulong ni Satanas ang isipan ng mga tao? (Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay nakatuon sa Diyos, at ang natatagong mithiin ay ang magawa ang lahat ng tao na talikuran ang Diyos.) Ano pa? (Dahil gusto ng Diyos na iligtas ang sangkatauhan, gusto silang gawing tiwali ni Satanas, at gawin silang talikuran ang Diyos, para hindi sila makatanggap ng pagliligtas ng Diyos. Gusto ni Satanas na wasakin ang plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan.) Ikinikintal ni Satanas sa mga tao ang lahat ng uri ng maling pananampalataya at maling paniniwala, at kapag malalim nang nag-ugat sa puso ng mga tao ang mga maling ideya at pananaw na ito, ang mga maling pananampalataya at maling paniniwalang ito, kinokontrol at ikinukulong ng mga ito ang isipan nila. Nagdudulot ito ng isang partikular na sitwasyon. Anong uri ng sitwasyon? Isang sitwasyon kung saan lubusan nang nabuo ang kabaligtaran ng Diyos, ang sangkatauhan ay naging isa nang puwersang ganap na laban sa Diyos, at masaya si Satanas. Ito ang mithiin na sinusubukang makamit ni Satanas. Ano ang layunin ni Satanas sa paggawa ng lahat ng ito? Ibuod ninyo ito sa isang pangungusap. (Ikinikintal ni Satanas sa mga tao ang lahat ng uri ng mga maling pananampalataya at maling paniniwala, at kapag malalim nang nag-ugat sa puso ng mga tao ang mga maling ideya at pananaw na ito, ang mga maling pananampalataya at maling paniniwalang ito, nabubuo ang isang sitwasyon kung saan ganap nang nabuo ang kabaligtaran ng Diyos, at ang mga tao ay naging mga tao nang lumalaban sa Diyos. Naging mga kaaway na sila ng Diyos, at nakamit na ni Satanas ang mithiin nito.) Ito ang kasagutan—hindi ba’t simple ito? (Oo.) Ito ang mithiin at resulta na nais makamit ni Satanas sa paggawang tiwali sa sangkatauhan.

Sa tingin ba ninyo ay alam ng Diyos ang mga bagay na ito na ginagawa ni Satanas upang gawing tiwali ang sangkatauhan? (Oo.) Kung gayon, bakit hinahayaan ng Diyos si Satanas na gawin ito? Gamitin ninyo ang nauunawaan ninyo tungkol sa katotohanan para ipaliwanag ito. Hindi ba’t mayroong kasabihan tungkol dito? “Ginagamit ang karunungan ng Diyos ayon sa panlilinlang ni Satanas.” Isa itong halimbawa ng pagkakatotoo ng kasabihan, hindi ba? (Oo.) Saka, ang parirala bang “Si Satanas ang mapaghahambinganan at nagsisilbing gamit-pangserbisyo sa gawain ng Diyos” ay mailalapat dito? (Oo.) Ang dalawang pahayag ay kapwa may kaugnayan at magagamit ang mga ito para ipaliwanag ang katanungang nasa itaas. Hindi ba? (Oo.) Ganoon nga. Kung may magtatanong nito, paano ninyo ito ipaliliwanag sa kanya? Kung malabo ninyo lang sasabihin na, “Ginagamit ang karunungan ng Diyos ayon sa panlilinlang ni Satanas,” malilito siya at hindi iyon mauunawaan. Alam ba ninyo kung paano ito ipapaliwanag nang mas detalyado? Madali itong ipaliwanag, hindi ba? Hinahayaan ng Diyos si Satanas na gawin ang mga bagay na ito na ginagawang tiwali ang sangkatauhan, hindi dahil hindi kaya ng Diyos na pigilan o asikasuhin ang mga ito, kundi sapagkat may dahilan. Ang dahilan ay na “Ginagamit ang karunungan ng Diyos ayon sa panlilinlang ni Satanas,” gaya ng sinabi Ko kanina. Ito ay hindi lamang isang pahayag o isang teorya, kundi isang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan, na makukumpirma ng katunayan na kayang iligtas ng Diyos ang tao matapos itong magawang tiwali ni Satanas. Ano ang layunin ni Satanas sa paggawang tiwali sa mga disposisyon ng tao at sa pagkintal sa mga tao ng lahat ng uri ng mga maling pananampalataya at maling paniniwala upang kontrolin at ikulong ang kanilang isipan? Ang pinakalayunin ba ay ang masupil ang gawain ng Diyos at magsanhi na mawala na parang bula ang Kanyang plano ng pamamahala? Ito ba ay panlilinlang ni Satanas? (Oo.) Ito ay panlilinlang ni Satanas. Ano ang iniisip ng Diyos kapag ginagawa ni Satanas ang ganoong mga panlilinlang? Ano ang ginagawa ng Diyos? Ano ang nasa isipan Niya? Paano naipamamalas ang Kanyang karunungan sa lahat ng ito? Ginagamit ng Diyos ang panlilinlang ni Satanas. Mayroong panlilinlang si Satanas. Sinasabi nito, “Inuudyukan ko at ginagawang tiwali ang mga tao hanggang sa maging kagaya ko na sila. Sila ay nagiging maliliit na Satanas na kapareho ko ng mga kaisipan at pananaw, na tinitingnan ang mga tao at bagay-bagay, umaasal, at kumikilos ayon sa aking satanikong perspektiba, at na laban sa Diyos. Gusto kong kunin ang lahat ng taong nilikha ng Diyos at gawin silang pag-aari ko, ni Satanas, nang masayang at maging walang saysay ang gawain ng Diyos sa mga tao. Tiyak na dahil dito ay mawawala na parang bula ang plano ng pamamahala ng Diyos.” Ito ba ay panlilinlang ni Satanas? (Oo.) Kung gayon, ano ang iniisip ng Diyos? At ano ang ginagawa Niya? Sinasabi ng Diyos, “Satanas, nagpapakalat ka ng mga maling pananampalataya at maling paniniwala para guluhin at linlangin ang mga tao, at gumagawa ka ng maraming bagay para guluhin at wasakin ang gawin ng Diyos. Magkikintal lang ito ng ilang maling pananampalataya at maling paniniwala sa mga tao, kung kaya’t mamumuhay sila ayon sa mga ito at sasalungat sa Diyos. Pagkatapos ay ibabatay Ko ang Aking mga salita at gawain sa pagkagawang tiwali sa sangkatauhan, ilalantad Ko ang mga maling pananampalatayang ginagamit mo upang gawing tiwali ang sangkatauhan, hahatulan Ko ang iba’t ibang tiwaling disposisyon ng mga tao at hahayaan Ko ang mga tao na matukoy ang iba’t ibang kaisipan at pahayag na ikinintal mo sa kanila. Sa ganitong paraan, hindi lamang mauunawaan ng mga tao ang katotohanan at ang Diyos, kundi matutukoy rin nila ang iba’t ibang pahayag, kaisipan at pananaw ni Satanas at mahahalata ang disposisyon, diwa, at iba’t ibang masasamang gawa ni Satanas. Gamit ang pagkaunawa sa katotohanan bilang kanilang pundasyon, magagawa ng mga tao na matukoy at tanggihan si Satanas nang mas tumpak at mas mariin. Sa negatibong banda, hindi na maloloko ni Satanas ang mga tao at hindi na sila mabibihag at malalamon nito sa ikalawang pagkakataon. Sa positibong banda, mas magagawa nilang paniwalaan at kumpirmahin ang pag-iral ng Diyos at ang Kanyang pagkakakilanlan, at ang katunayan na Siya ang may kataas-taasang kapangyarihan sa lahat ng nilalang at bagay. Matapos makamit ang dalawang bagay na ito, igagalang at tunay na susundin ng mga tao ang Diyos. Makukuha ng Diyos ang kanilang puso, o sa mas tumpak na pananalita, makakamit sila ng Diyos. Kapag naabot na ng mga tao ang puntong ito, hindi na sila malilinlang at magagamit ni Satanas. Bagkus, magagawa na nilang lubusang mapansin si Satanas, mahalata ito at matanggihan ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso. Ipagtatapat nila na sila ay mga nilikha ng Diyos, maluwag sa kalooban nilang tanggapin ang kataas-taasang kapangyarihan at mga pangangasiwa ng Lumikha, at sa gayon ay ganap na silang nakabalik sa Diyos.” Ito ang mismong pagsasaayos at plano ng Diyos. Siyempre, maaari ding sabihin na ito ang kaisipan at ideya na nasa kaibuturan ng puso ng Diyos. Ganito mag-isip ang Diyos, ganito kumilos ang Kanyang mga ideya, at ganito Niya ito pinangasiwaan. Habang si Satanas ay nililinlang at ginagawang tiwali ang mga tao, sistemakong isinasaayos ng Diyos ang lahat ng nilalang at bagay, at isinusulong ang Kanyang plano at pamamahala nang paisa-isang hakbang sa isang maayos na pamamaraan, patuloy hanggang ngayon. Ganap nang nagawang tiwali at napamahalaan ni Satanas ang mga tao. Subalit, isang hindi mapag-aalinlanganang katunayan na kapag ang sangkatauhang ito na napuspos at napuno na ng lahat ng uri ng mga lason ni Satanas ay tinawag ng Diyos at narinig ang Kanyang tinig, maaari pa rin silang lumapit sa Diyos, tanggapin ang Kanyang pagtawag, at maging handang tanggapin ang Kanyang paghatol at pagkastigo. Kahit pa kondenahin at isumpa ng Diyos ang gayong sangkatauhan dahil sa pagiging kauri ni Satanas at Kanyang kaaway, hindi nila Siya iiwan kailanman. Bagamat ang mga isipan at pananaw ng mga tao ay puno ng mga bagay na ikinintal sa kanila ni Satanas, na nagdudulot sa kanila na tingnan ang mga tao at bagay-bagay, na umasal, at kumilos sa paraan na labis pa ring naiimpluwensyahan at nakokontrol ng mga kaisipan at pananaw ni Satanas, ang kanilang puso ay lalong nagiging tunay at agarang bumabaling sa Diyos. Hindi ba’t isa itong hindi mapag-aalinlanganang katunayan? (Oo.) Bukod pa roon, sa nalalapit na panahon, kapag nailantad na ng Diyos ang lahat ng masasamang gawa ni Satanas, ang sangkatauhang ito na malalim nang nagawang tiwali ni Satanas ay magagawa nang ganap na itakwil si Satanas, tanggihan ito at ibalik ang kanilang puso sa Diyos. Lahat sila ay magiging handang matatag na sumunod sa Diyos nang ayon sa Kanyang kataas-taasang kapangyarihan, mga pangangasiwa at mga pagsasaayos. Ito ang direksyong tinatahak ng matagumpay na pagtatapos ng dakilang gawain ng Diyos, hindi ba? (Oo.) Lalo na pagkatapos magbahaginan tungkol sa ibig sabihin ng paghahangad sa katotohanan, mas maraming tao ang magkakaroon ng determinasyong tingnan ang mga tao at bagay-bagay, na umasal, at kumilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang kanilang pamantayan. Malakas man o mahina ang determinasyon ng mga tao, o nakapasok man sila o hindi sa realidad na ito—anupaman, ang katunayang ang gayong sangkatauhan na malalim nang nagawang tiwali ni Satanas ay may pagnanais at determinasyong talikuran ito, at tingnan ang mga tao at bagay-bagay, na umasal, at kumilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, gamit ang katotohanan bilang kanilang pamantayan, sa halip na ang iba’t ibang ideya at pananaw na ikinintal sa kanila ni Satanas, ay mismong tanda na nagwagi na ang Diyos. Kung gayon, naipahiya na si Satanas, hindi ba? (Oo.) Samakatuwid, ang pahayag na “Ginagamit ang karunungan ng Diyos ayon sa panlilinlang ni Satanas,” ay hindi lang mga hungkag na salita, kundi isang praktikal, obhetibo, at hindi mapag-aalinlanganang katotohanan. Ang lahat ng kasamaang ginagawa ni Satanas ay umabot na sa puntong nililinlang at kinokontrol na nito ang sangkatauhan. Naniniwala ito na nagulo at nawasak na nito ang gawain ng Diyos at na imposible para sa Diyos na ipagpatuloy ang Kanyang plano ng pamamahala. Samakatuwid, iniisip ni Satanas na nagwagi na ito. Subalit, hindi mapapabagal ni Satanas ang takbo ng plano ng pamamahala ng Diyos para iligtas ang sangkatauhan gaano man ito maging walang ingat, at hindi rin nito mahahadlangan ang malaking tagumpay ng plano ng pamamahala ng Diyos at ang pagkadaig Niya kay Satanas. Sa kasalukuyan, ang gawain ng Diyos ay lumaganap na sa buong sansinukob, at ang salita ng Diyos ay lumaganap na sa milyon-milyong tahanan. Ito ang patunay ng malaking tagumpay ng Diyos.

Kung may magtatanong uli sa inyo, “Bakit nililinlang, kinokontrol, at ikinukulong ni Satanas ang isipan ng mga tao? Bakit hinahayaan ng Diyos na gawin ito ni Satanas?” Masasagot ba ninyo ang mga katanungang ito? Kahit pa hindi ninyo ito maipaliwanag nang lubusan, kahit papaano man lang ay maibabahagi ninyo ang ilan sa inyong pagkaunawa. Bakit ginagawa ni Satanas ang lahat ng ito? Ano ang kabuluhan ng pagpayag ng Diyos na gawin nito ang lahat ng ito? Dapat ninyong pag-isipan ang mga bagay na ito at dapat ay may eksaktong kasagutan sa inyong puso. Anim na libong taon nang gumagawa ang Diyos upang mailigtas ang sangkatuhan. Hindi ito nauunawaan ng ilang tao at sinasabi nilang, “Anim na libong taon nang gumagawa ang Diyos? Hindi ba’t sobrang tagal naman noon?” Gaano man katagal abutin ang gawain ng Diyos, ang Kanyang mga pagkilos ay lahat may malaking kabuluhan. Hindi lamang ang tagal ng Kanyang gawain ang makabuluhan; ang mga pangwakas na resultang natatamo ng Kanyang gawain ay mas lalo pang makabuluhan. Kung hindi dahil sa katunayang anim na libong taon nang gumagawa ang Diyos upang mailigtas ang sangkatauhan, mapipigilan ng pagkamanhid at kapurulan ng isip ang mga tao na makilala ang Diyos o mailigtas Niya nang lubusan. Magagawa ba ng mga tao na matukoy ang mga anticristo at na makilala ang kalikasang diwa ng mga ito kung isa o dalawang beses lang nilang naranasan ang panlilinlang at panggugulo ng mga anticristo? Magiging sapat na ba ang tatlo o limang beses? Sa tingin Ko, hindi. Kailangang maranasan ito ng mga tao nang maraming beses hanggang sa lubusan na nilang nakita ang kalikasang diwa ng mga anticristo. Saka lamang nila tunay na matutukoy at ganap na matatalikuran ang mga anticristo. Sa partikular, kung sandali lang na nailantad ang mga tao sa mga di-makatwirang pang-aapi at malupit na pang-uusig ng malaking pulang dragon, hindi nila ito lubusang mararanasan, at agad nila itong malilimutan. Bilang resulta, hindi nila tunay na kamumuhian at tatanggihan ang malaking pulang dragon. Ang malupit na pang-uusig ni Satanas ay kailangang tumatak na parang marka sa puso ng mga tao, para kamuhian nila ito mula sa kaibuturan ng kanilang puso at malinaw nilang makita ang tunay nitong mukha. Kung sandali lamang na nausig ang isang tao nang isa o dalawang beses, magiging mahirap para sa kanya na kamuhian at talikdan si Satanas. Kapag nabigyan ng pagkakataon, mabuti ang sasabihin niya tungkol kay Satanas at pupurihin niya ito. Kailangang maibigay kay Satanas ang isang tao nang maraming beses para pagdusahan ang pagpapahirap at pagmamalupit nito bago niya malinaw na makikita ang kasamaan, kapangitan, kalupitan, at kawalan ng kahihiyan nito, at ganap itong maiwan. Kailangang-kailangan na maranasan ang mga bagay na ito sa loob ng mahabang panahon. Bilang halimbawa, sa paggawa ng bakal, hindi magagawa ang mabuting bakal kung sandali lang ito na nasa apoy; kailangang lubusang mapatibay ang bakal para makuha ang pinakamagagandang resulta. Ibig sabihin, ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay nangangailangan ng mahabang panahon; ang bawat yugto ay humihingi ng mahabang panahon. Kailangan itong magawa nang ganito; kung hindi, hindi makatatamo ng magandang resulta. Magkakaroon ng iba’t ibang antas ng mga pagbabago sa kaibuturan ng puso ng tao at sa tiwaling disposisyon ng sangkatauhan dahil sa impluwensya ng mas malalaking sitwasyon ng bawat kapanahunan, at ang bawat isa sa mga pagbabagong ito ay magkakaroon ng kaugnayan sa gawaing nais gawin ng Diyos sa mga tao sa bawat yugto. Ang dahilan kung kaya’t muling nagkatawang-tao ang Diyos sa mga huling araw para gumawa nang ganoon kalaki at kaya marami siyang sinasabi ay dahil sa huling yugtong ito, ang tiwaling disposisyon, mga kaisipan at pananaw, at ang mas malawak na kapaligiran at sitwasyon ng lipunan, ay lahat tumutugma sa sitwasyon ng gawain na nais gawin ng Diyos sa mga huling araw. Ang mga kalakaran, kagawian, pag-uulit-ulit, o sitwasyon sa lipunan, ang politikal na sitwasyon, o maging ang kapangyarihang politikal ng mga satanikong bansa ay lahat mga impluwensya sa mas malaking kapaligiran. Sa panahon kung kailan umiiral ang mga impluwensyang ito, ang lagay ng loob at tiwaling disposisyon ng mga tao, na ibig sabihin, ang kalagayan ng kalooban ng buong sangkatauhan ay mismong ang kinakailangan ng Diyos para sa Kanyang gawain. Ito ang pinakaangkop na oras para ipatupad ng Diyos ang Kanyang paghatol at pagkastigo upang maihayag ang Kanyang pagiging maharlika, pagiging matuwid, awa, at mapagmahal na kabaitan. Kapag nasa gulang na at ganap nang handa ang lahat ng impluwensyang ito, sisimulan na ng Diyos ang Kanyang gawain. Ito ang gawain na nais isakatuparan ng Diyos sa ilalim ng impluwensya ng mas malawak na kapaligiran. Sapat nang maunawaan ninyo ito. Ang ilang taong may mabuting kakayahan ay makauunawa, samantalang ang iba na walang karanasan ay baka hindi makaunawa. Sa partikular, ang mga hindi kayang maunawaan ang politikal na sitwasyon at ang diwa ng mga kalakaran sa lipunan, at na kulang pa sa gulang ang pag-iisip ay masisiyahan sa maliliit na karanasang espirituwal at mga hindi gaanong mahahalagang patotoo lamang, at baka hindi nila gaanong maunawaan ang mas malawak na sitwasyon ng politika at lipunan na may kinalaman sa gawain ng Diyos. Hindi mahalaga kung gaano ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito; magiging malinaw ang mga ito habang unti-unti ninyong mas nararanasan ang mga ito dahil may kinalaman ang mga ito sa plano ng pamamahala ng Diyos at sa gawain ng Diyos, na isang dakilang pangitain. Hindi na tayo magbabahaginan nang dagdag pa tungkol sa paksang ito dahil hindi pa kayo handa sa mas malalim na talakayan.

Noong nakaraan, natapos nating pagbahaginan ang pahayag tungkol sa wastong asal: “Gawin mo ang lahat ng makakaya mo para matapat na pangasiwaan ang anumang ipinagkatiwala sa iyo ng ibang tao.” Sunod naman nating pagbabahaginan ang pahayag na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Una sa lahat, dapat natin subukang malaman kung paano suriin ang maling pag-iisip at mga pananaw sa pahayag na ito tungkol sa wastong asal, at ang layunin ni Satanas sa paggawa nito. May kawikaang Tsino na nagsasabing, “Mahirap malaman ang mga totoong layunin ng isang tao,” kaya ano ang mga totoong layunin ni Satanas? Ito ang kailangan nating mailantad at masuri. “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” ay isa pang ideya at pahayag na ginagawa ni Satanas sa mga tao, at sa panlabas ay tila ba marangal ito; ito ay nakapupukaw at makapangyarihan. Kaya, ano ang masyadong kahanga-hanga sa pahayag na ito? Sulit ba na pahalagahan ito at isapuso? Sulit bang tingnan ang mga tao at bagay-bagay, na umasal at kumilos nang ayon sa ideolohikal na perspektibang ito? Mayroon ba itong anumang katotohanan? Isa ba itong positibong pahayag? Kung hindi ito positibong bagay o tamang pananaw, ano ang negatibong epekto nito sa mga tao? Ano ang layunin ni Satanas kapag gumagawa ito ng ganitong pahayag at ikinikintal sa mga tao ang ideyang ito? Paano natin ito dapat kilatisin? Kung kaya mo itong kilatisin, tatanggihan at aayawan mo ang pariralang ito mula sa kaibuturan ng iyong puso, at hindi ka na nito maiimpluwensyahan. Bagamat ang pariralang ito ay sasagi sa isip mo at gugulo sa kaibuturan ng puso mo paminsan-minsan, kung kaya mo itong kilatisin, hindi ka nito magagapos o matatali. Sa tingin ba ninyo ay may anumang katotohanan ang pahayag na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya”? Isa ba itong pahayag na may positibong epekto sa mga tao? (Hindi.) Nais ba ninyong maging maginoo? Mabuting bagay ba o masamang bagay ang maging maginoo? Mas mabuti bang maging maginoo o huwad na maginoo? Mas mabuti bang maging maginoo o kontrabida? Hindi pa ba ninyo napag-isipan ang mga isyung ito? (Hindi pa.) Bagamat hindi pa ninyo napag-isipan ang mga bagay na ito, isang bagay ang natitiyak: Madalas ninyong ginagamit ang salitang “maginoo,” sinasabi ang mga bagay na gaya ng, “Mas mabuti nang maging tunay na kontrabida kaysa huwad na maginoo,” at “Ang totoong maginoo ay masyadong mapagbigay ang espiritu na kung may makapagpapasama ng kanyang loob, hindi siya maghihinanakit at mapapatawad niya ang taong iyon. Iyan ang tinatawag na maginoo!” Ano ang pinatutunayan tungkol sa iyo ng katotohanang kaya mong sabihin ang mga bagay na ito? Pinatutunayan ba nito na ang maginoo ay may isang partikular na katayuan sa iyong mga kaisipan at pananaw, at na umiiral sa iyong isipan ang mga ideolohikal na kasabihan tungkol sa maginoo? Maaari ba natin itong sabihin? (Oo.) Sinasang-ayunan at hinahangaan mo ang mga tao sa lipunan na umaasal na maginoo o na tinatawag na maginoo, at nagsusumikap kang maging maginoo at maituring na maginoo, sa halip na kontrabida. Kung may magsasabing, “Isa kang tunay na kontrabida,” ay malulungkot ka nang labis. Subalit, kung may magsasabing, “Isa kang tunay na maginoo,” ay matutuwa ka. Ito ay dahil pakiramdam mo ay kung pinuri ka ng isang tao sa pamamagitan ng pagtawag sa iyo na maginoo, naiangat ang iyong karakter, at napagtibay ang iyong mga pamamaraan at metodo sa pag-asal at sa pagharap sa mga bagay-bagay. Siyempre, matapos mong makakuha ng ganitong pagtitibay sa lipunan, pakiramdam mo ay mayroon kang marangal na katayuan at hindi ka isang tao na may mababang uri o na mas mababa kaysa sa iba. Ang matuwid na maginoo, siya man ay kathang-isip lang o talagang umiiral, ay may tiyak na puwang sa kaibuturan ng puso ng mga tao. Kaya, nang tanungin Ko kayo kung alin ang mas mabuti, ang maginoo o ang kontrabida, wala sa inyong nangahas na sumagot. Bakit? Dahil naisip ninyo, “Paano Mo iyan nagawang itanong sa amin? Siyempre mas mabuti na maging maginoo kaysa kontrabida. Hindi ba’t ang isang maginoo ay mabuti, matuwid, at may mataas na moralidad? Ang sabihin na hindi mabuting maging maginoo ay taliwas sa sentido komun, hindi ba? Magiging taliwas ito sa normal na pagkatao, hindi ba? Kung ang isang maginoo ay hindi mabuti, ano na lang uri ng tao ang mabuti?” Kaya hindi kayo nangahas na sumagot, hindi ba? (Oo.) Kinukumpirma ba nito na may malinaw na pipiliin ang puso ninyo sa pagitan ng maginoo at ng kontrabida? Alin ang mas gusto ninyo? (Ang maginoo.) Kung gayon, ang layunin natin ay malinaw. Magtuon tayo sa pagtukoy at pagsuri sa isang maginoo. Walang may gusto sa kontrabida, malinaw naman iyan. Kaya ano ba mismo ang isang maginoo? Kung itatanong ninyo, “Mas mabuti bang maging maginoo o kontrabida?” Para sa Akin, malinaw ang kasagutan: Parehong masama ang mga ito, dahil parehong hindi positibong karakter ang maginoo at ang kontrabida. Iyon nga lang, hinuhusgahan ng mga tao ang pag-uugali, ang mga pagkilos, ang karakter at ang moralidad ng kontrabida bilang masama, kung kaya’t ayaw nila sa kanya. Kapag ang batayang moralidad at karakter ng kontrabida ay hayagang nakikita, nakikita siya ng mga tao bilang mas kontrabida pa nga. Subalit, mas madalas na ipinapakita ng isang maginoo ang kanyang eleganteng paraan ng pananalita at pagkilos, ang kanyang mabuting moralidad at pinong karakter, at nirerespeto siya ng mga tao at pakiramdam nila ay pinagyayaman niya sila. Bilang resulta, tinatawag nila siya na maginoo. Kapag ganito humaharap sa iba ang maginoo, siya ay pinupuri, hinahangaan, at tinitingala. Samakatuwid, gustung-gusto ng mga tao ang maginoo at ayaw nila sa kontrabida. Subalit, ano ang basehan ng pagtukoy ng mga tao kung ang isang tao ba ay maginoo o kontrabida? (Batay sa panlabas na pag-uugali nito.) Hinuhusgahan ng mga tao bilang marangal o mababa ang isang tao batay sa pag-uugali ng taong iyon, pero bakit hinuhusgahan ng mga tao ang iba batay sa kanilang pag-uugali? Ito ay dahil ang kakayahang taglay ng karamihan sa mga tao ay ganitong antas lamang ang kayang abutin. Kaya lang nilang makita kung mabuti ba o masama ang pag-uugali ng isang tao; hindi nila kayang malinaw na makita ang diwa ng taong iyon. Bilang resulta, kaya lang nilang tukuyin kung ang isang tao ay maginoo o kontrabida batay sa pag-uugali nito. Kaya, tama ba ang paraang ito ng pagkilatis? (Hindi.) Ganap itong mali. Kung gayon, tumpak bang tingnan ang isang maginoo bilang nagtataglay ng isang pinong karakter at mabuting moralidad? (Hindi.) Tama iyan, hindi iyon tumpak. Hindi tumpak na ipakahulugan na ang mga maginoo ay pino ang karakter, na sila ay moral, marangal at mabuti. Kaya, kung titingnan ito ngayon, positibo ba ang katawagang “maginoo”? (Hindi.) Hindi ito positibo. Ang isang maginoo ay hindi mas marangal kaysa sa isang kontrabida. Kaya, kung may magtatanong, “Mas mabuti bang maging maginoo o kontrabida?” Ano ang kasagutan? (Parehong masama.) Tumpak iyan. Kung may magtatanong kung bakit parehong masama ang mga iyon, simple lang ang kasagutan. Ang maginoo at ang kontrabida ay kapwa hindi positibong karakter; pareho silang hindi tunay na mabuting tao. Puno sila ng tiwaling disposisyon at lason ni Satanas. Kinokontrol at nilalason sila ni Satanas, at namumuhay sila ayon sa lohika at mga batas nito. Kaya, maaaring sabihin nang may katiyakan na, kahit na hindi isang mabuting tao ang kontrabida, hindi rin puwedeng maging positibong tao ang maginoo. Kahit pa nakikita ng iba ang maginoo bilang mabuting tao, nagpapanggap lang siya na mabuti. Hindi siya tapat na taong sinasang-ayunan ng Diyos, lalong hindi siya isang taong natatakot sa Diyos at umiiwas sa kasamaan. Ang maginoo ay medyo mas madalas nga lang na umaasal nang maayos at medyo mas madalang na umaasal nang masama habang ang kontrabida ay medyo mas madalas na umaasal nang masama at medyo mas madalang na umaasal nang maayos. Ang maginoo ay medyo mas nirerespeto habang ang kontrabida ay medyo mas kinamumuhian. Ito lang ang pagkakaiba sa pagitan ng maginoo at kontrabida. Kung huhusgahan ng mga tao ang mga ito ayon sa pag-uugali, ito ang tanging resultang makakamit nila.

Natutukoy ng mga tao kung ang isang tao ay maginoo ba o kontrabida batay sa pag-uugali nito. Maaari nilang sabihin, “Maginoo ang taong ito dahil marami siyang nagawa na para sa kapakinabangan ng lahat. Ganito ang naiisip ng lahat. Kaya, siya ay maginoo at isang taong may mataas na moralidad.” Kung sinasabi ng lahat na maginoo ang isang tao, nangangahulugan ba iyon na mabuting tao at positibong karakter ang taong iyon? (Hindi.) Bakit hindi? Dahil ang lahat ng tao ay tiwali, may mga tiwaling disposisyon at hindi nagtataglay ng mga katotohanang prinsipyo. Kaya, sinuman ang magsabi na maginoo ang isang tao, ang pahayag ay nagmumula kay Satanas, at nagmumula sa isang tiwaling tao. Ang pamantayan sa pagsusuri ng mga tao ay hindi tama, at samakatuwid, hindi rin tama ang resultang ibinibigay nito. Hindi kailanman nangungusap ang Diyos nang batay sa mga maginoo o kontrabida. Hindi Niya hinihingi sa mga tao na maging tunay na maginoo sa halip na huwad na maginoo, ni sinasabi kailanman na “Lahat kayo ay mga kontrabida. Ayaw Ko ng kontrabida, gusto Ko ng maginoo.” Sinasabi ba ito ng Diyos? (Hindi.) Hindi Niya sinasabi. Hindi kailanman sinusuri o tinutukoy ng Diyos kung mabuti ba o masama ang isang tao batay sa mga salita at kilos nito. Sa halip, sinusuri at tinutukoy Niya iyon ayon sa diwa nito. Ano ang ibig sabihin nito? Una, nangangahulugan ito na hinahatulan ang mga tao ayon sa kalidad ng kanilang pagkatao, at kung sila ba ay may konsiyensiya at katwiran. Pangalawa, hinahatulan sila batay sa kanilang saloobin sa katotohanan at sa Diyos. Ganito sinusuri at tinutukoy ng Diyos kung ang isang tao ay mas mataas ba o mas mababa kaysa sa iba. Samakatuwid, walang maginoo o kontrabida sa mga salita ng Diyos. Sa iglesia, sa mga taong inililigtas ng Diyos, hindi Niya hinihingi sa kanila na maging maginoo, o isinusulong ang ideya na maging maginoo, at hindi Niya hinihingi sa mga tao na punahin ang mga kontrabida. Tiyak namang hindi hinuhusgahan ng sambahayan ng Diyos kung sino ang may mataas na moralidad batay sa mga tradisyonal na pananaw pangkultura tungkol sa wastong asal. Hindi nito isinusulong at pinalalago ang sinumang maginoo, at pinaaalis at pinalalayas ang sinumang kontrabida. Isinusulong, pinalalago, pinaaalis o pinalalayas ng sambahayan ng Diyos ang mga tao ayon sa sarili nitong mga prinsipyo. Hindi nito tinitingnan ang mga tao ayon sa mga pamantayan at kasabihan tungkol sa wastong asal, at hindi nito isinusulong ang sinumang maginoo at tinatanggihan ang sinumang kontrabida. Sa halip, pinangangasiwaan nito ang lahat ng tao nang ayon sa salita ng Diyos at sa katotohanan. Ano ang tingin ninyo sa ilang tao sa iglesia na palaging nagsisikap maging maginoo? (Hindi sila mabuti.) Palaging hinuhusgahan ng ilang bagong mananampalataya ang mga tao nang ayon sa pamantayan ng isang maginoo o kontrabida. Kapag nakikita nilang tinatabasan at iwinawasto ng mga lider ng iglesia ang mga taong nagdudulot ng mga pagkagambala at pagkakagulo, sinasabi nila, “Hindi maginoo ang lider na ito! Kapag nakagawa ng maliit na pagkakamali ang isang kapatid, pinanghahawakan niya ito at hindi niya ito bibitiwan. Hindi mag-aabala rito ang isang maginoo. Ang isang maginoo ay magiging mapagparaya, mapagpatawad at mapagpalubag pa nga—magiging higit na mapagtanggap siya! Masyadong mahigpit sa mga tao ang lider na ito. Halatang-hala na isa siyang kontrabida!” Sinasabi ng mga taong ito na ang mga nagtatanggol sa mga interes ng sambahayan ng Diyos ay hindi maginoo. Sinasabi nila na ang mga gumagawa nang seryoso, metikuloso at responsable ay mga kontrabida. Ano ang tingin ninyo sa mga taong ganito tingnan ang iba? Tinitingnan ba nila ang mga tao nang ayon sa katotohanan o sa salita ng Diyos? (Hindi.) Hindi nila tinitingnan ang mga tao nang ayon sa katotohanan at sa salita ng Diyos. Bukod pa roon, kinukuha nila ang mga ideya, pananaw, metodo at kaparaanang ginagamit ni Satanas para suriin ang mga tao, at ipinalalaganap at ipinapakalat sa iglesia ang mga ito. Malinaw na ang mga ito ay mga kaisipan at pananaw ng mga hindi nananalig at ng mga walang pananampalataya. Kung hindi ka nangingilatis, at iniisip mong ang isang maginoo ay isang mabuting tao na may mataas na moralidad, at isang taong haligi ng iglesia, maaari ka nitong malinlang. Dahil magkapareho kayo ng mga kaisipan at pananaw, kapag may nagsabi o nagpahayag tungkol sa mga maginoo, tiyak na maaakit at maililigaw ka nang hindi mo nalalaman. Subalit, kung kinikilatis mo ang mga gayong bagay, tatanggihan mo ang mga gayong pahayag at hindi ka maililigaw ng mga ito. Sa halip, magpupumilit kang suriin ang mga tao at bagay-bagay at na husgahan ang tama at mali, nang ayon sa salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo. Pagkatapos ay makikita mo nang tumpak ang mga tao at bagay-bagay, at kikilos ka nang alinsunod sa kalooban ng Diyos. Ang mga walang pananampalataya na hindi naghahangad sa katotohanan, at ang mga hindi nangingilatis at hindi handang sumunod sa mga patakaran ng sambahayan ng Diyos, ay madalas nagbabanggit ng mga kaisipan at pananaw na nagmumula kay Satanas at na karaniwan sa mga hindi nananalig, para iligaw ang mga kapatid at guluhin ang kanilang pagkaunawa sa katotohanan. Kung hindi nangingilatis ang mga tao, bagamat maaaring hindi sila inililigaw o ginugulo ng mga taong iyon, madalas ay kokontrolin sila ng mga pahayag ng mga iyon, at iiwas silang kumilos o magsalita. Hindi sila mangangahas na itaguyod ang mga katotohanang prinsipyo, at hindi sila mangangahas na magpumilit na kumilos nang ayon sa mga hinihingi ng salita ng Diyos, lalo nang hindi sila mangangahas na ipagtanggol ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Idinudulot ba ito ng kawalan ng pagkilatis sa mga kaisipan at pahayag ni Satanas? (Oo.) Kitang-kita naman na ito ang dahilan. Ang mga katawagang “maginoo” at “kontrabida” ay walang bisa sa iglesia. Magaling magpanggap at magbalatkayo ang mga hindi nananalig. Isinusulong nila na maging maginoo kaysa kontrabida, at ginagamit nila ang mga pagkukunwaring ito sa kanilang buhay. Ginagamit nila ang mga bagay na ito upang mapatanyag nila ang sarili nila sa piling ng mga tao, upang malinlang ang ibang tao na ituring silang bantog at may mabuting reputasyon, at upang magkamit sila ng kasikatan at kayamanan. Sa sambahayan ng Diyos, ang lahat ng bagay na ito ay kailangang alisin at ipagbawal. Hindi dapat hayaang lumaganap ang mga ito sa sambahayan ng Diyos o sa mga taong hinirang ng Diyos, at hindi rin dapat bigyan ng pagkakataon ang mga ito na guluhin at iligaw ang mga hinirang ng Diyos. Ito ay dahil ang lahat ng ito ay nagmumula kay Satanas, walang basehan sa salita ng Diyos, at tiyak na hindi mga katotohanang prinsipyo na dapat sundin ng mga tao pagdating sa kung paano nila tingnan ang mga tao at bagay-bagay, kung paano sila umasal at kumilos. Samakatuwid, ang “maginoo,” “huwad na maginoo,” at “kontrabida” ay hindi ang mga tamang katawagan para tukuyin ang diwa ng isang tao. Malinaw Ko bang naipaliwanag ang katawagang “maginoo”? (Oo.)

Tingnan nating muli ang kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” para makita natin kung ano ba talaga ang ibig sabihin nito. Ang literal na kahulugan ng pariralang ito ay na kailangang seryosohin ng isang maginoo ang kanyang sinasabi. Gaya nga ng sinasabi ng kasabihan, ang isang tao ay kasingbuti lang ng kanyang salita; ang isang maginoo ay dapat sineseryoso ang kanyang sinasabi at tinutupad ang kanyang mga pangako. Samakatuwid, para maging isang ginoong may mataas na moralidad, na gusto ng marami at tinitingala, kailangang kumilos ang isang tao nang ayon sa kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Ibig sabihin, ang maginoo ay dapat mapagkakatiwalaan. Kailangan niyang umako ng responsabilidad para sa sinasabi at ipinapangako niya, at siguraduhin na tutuparin niya iyon. Hindi siya puwedeng umatras sa kanyang sinabi o mabigong tuparin ang kanyang mga pangako sa iba. Ang isang taong madalas na nabibigong tuparin ang kanyang mga pangako sa iba ay hindi isang maginoo o mabuting tao, kundi isang kontrabida. Ganito maipapakahulugan ang pariralang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Pangunahin nitong binibigyang-diin ang mga salita at kilos ng isang maginoo pagdating sa moralidad at pagiging mapagkakatiwalaan. Una, hayaan ninyo Akong magtanong, ano ang ibig sabihin ng “salita” sa “salita ng isang ginoo”? Nangangahulugan ito ng dalawang bagay: isa niyang pangako, o isang panata na gawin ang isang bagay. Gaya ng sinabi Ko noong nakaraan, ang mga maginoo ay hindi mabubuting tao, kundi mga ordinaryong tao na malalim na nagawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagdating sa diwa ng mga tao, ano ang mga pangunahing paraan na naipamamalas ng mga tao ang kanilang sarili sa mga bagay na kanilang ipinapangako? Ang pagsasalita nang mapagmataas, ang pagmamalabis, pagpuri sa kanilang sarili, pagsasabi ng mga hindi totoong bagay tungkol sa kanilang sarili, pagsasabi ng mga bagay na hindi tumutugma sa mga katunayan, pagsisinungaling, pagsasalita nang marahas at paglalabas ng sama ng loob. Ang lahat ng ito ay matatagpuan sa mga bagay na sinasabi at ipinapangako ng mga tao. Kaya, matapos sabihin ng isang tao ang mga bagay na ito, hinihiling mo sa kanya na gawin ang kanyang ipinangako, tuparin ang kanyang sinabi, at hindi umatras sa kanyang sinabi, at kung tutupad siya, iniisip mo na isa siyang maginoo at mabuting tao. Hindi ba’t katawa-tawa iyan? Kung maingat na sisiyasatin at susuriin ang mga sinasabi ng mga tiwaling tao sa araw-araw, matutuklasan mong ang lahat ng iyon ay mga kasinungalingan, hungkag na salita, o bahagyang katotohanan lamang. Wala ni isang salita ang tumpak, totoo o may katunayan. Sa halip, ang kanilang mga pahayag ay binabaluktot ang mga katunayan, nalilito sa kung alin ang tama at mali, at ang ilan pa nga sa mga iyon ay nagkikimkim ng masasamang layunin o mga satanikong panlilinlang. Kung tutuparin ang lahat ng salitang ito, magdudulot ito ng matinding kaguluhan. Huwag na nating pag-usapan kung ano ang mangyayari sa isang malaking grupo ng mga tao, pag-usapan na lang natin kapag mayroong diumano’y maginoo sa isang pamilya, na palaging gumagawa ng mga walang-pakundangang pahayag, at nagsasabi ng maraming walang katuturang teorya at mga mapagmataas, mali, masama, at malupit na salita. Kung sineseryoso niya ang kanyang sinasabi at ang kanyang salita ang kanyang garantiya, ano ang mga kahihinatnan? Magiging gaano kagulo ang pamilyang ito? Kagaya lang ito ng haring diyablo ng bansa ng malaking pulang dragon. Gaano man kakatawa-tawa o kasama ang mga patakaran nito, isinusulong pa rin nito ang mga iyon, at ang mga nasasakupan nito ay mahigpit na isinasakatuparan at ipinatutupad ang mga patakaran—walang nangangahas na salungatin o pigilan ang mga ito, na humahantong sa kaguluhan ng bansa. Bukod pa roon, papalapit na ang iba’t ibang sakuna, at nagsimula na ang paghahanda para sa digmaan. Ang buong bansa ay nalubog sa ganap na pagkalito. Kung matagal na maghahari sa isang bansa o nasyon ang isang diyablong lider, malalagay na matinding gulo ang mga tao ng bansang iyong. Magiging gaano kagulo ang mga bagay-bagay? Kung isasakatuparan at ipatutupad ng mga tao ang lahat ng di-makatwirang kalokohan, maling paniniwala at kasinungalingang inilalabas ng mga haring diyablo, may maidudulot ba itong anumang mabuti para sa sangkatauhan? Lalo at lalo lamang magiging magulo, madilim at masama ang sangkatauhan. Sa kabutihang palad, ang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” ay walang anuman kundi mga hungkag na salita; isa lamang itong retorika, hindi kaya ni Satanas na isakatuparan ito, at hindi nito kayang matamo ang sinasabi nito. Kaya, may kaunti pang kaayusan sa mundo at medyo matatag pa ang mga tao. Kung hindi nagkaganito, ang bawat sulok ng mundo ng tao, saanman na may mga maginoo, ay magiging magulo. Isa ito sa mga bagay na mali sa kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Mula sa perspektiba ng diwa ng mga tao, makikita natin na ang kanilang mga pananaw, mga sinasabi, at mga pangako ay hindi maaasahan. Ang isa pang mali rito ay na ang sangkatauhan ay kinokontrol ng ideolohikal na pananaw na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Iniisip nila, “Kailangan nating tuparin ang ating sinabi at gawin ang sinabi nating gagawin natin dahil ganito maging maginoo.” Pinangingibabawan ng ideolohikal na pananaw na ito ang pag-iisip ng mga tao at ito ang nagiging pamantayan kung paano nila tinitingnan, hinuhusgahan at inilalarawan ang isang tao. Ito ba ay angkop at tumpak? (Hindi, hindi ito tumpak.) Bakit ito hindi tumpak? Una, dahil ang sinasabi ng mga tao ay walang gaanong halaga at mga hungkag na salita, kasinungalingan at pagmamalabis lamang. Pangalawa, hindi makatarungang gamitin ang ideolohikal na pananaw na ito upang kontrolin ang mga tao at hingin sa kanilang tuparin ang kanilang sinabi. Madalas na ginagamit ng mga tao ang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” para sukatin ang pagiging mas mataas o mas mababa ng isang tao. Madalas na nag-aalala ang mga tao kung paano nila tutuparin ang kanilang mga pangako at nakokontrol sila nito, nang hindi nila napagtatanto. Kung hindi nila kayang tuparin ang kanilang mga pangako, hindi sila tinatrato nang patas at pinagagalitan sila ng iba, at mahirap para sa kanila na mapatanyag ang sarili nila sa pamayanan kung hindi nila matutupad ang isang maliit na bagay. Hindi ito makatarungan para sa mga taong ito at hindi ito makatao. Dahil sa kanilang mga tiwaling disposisyon, nagsasalita ang mga tao nang ayon sa mga kagustuhan nila, sinasabi ang anumang gusto nilang sabihin; wala silang pakialam kung gaano kakatawa-tawa o kasalungat sa mga katunayan ang kanilang mga pahayag. Ganito ang mga tiwaling tao. Natural para sa lahat na kumilos nang ayon sa sarili nitong disposisyon: kailangang matutong kumurok ang isang manok, kailangang matutong tumahol ang isang aso at na umalulong ang isang lobo. Kung ang isang bagay ay hindi tao, ngunit mahigpit pa rin itong pinagsasalita at pinagagawa ng mga pantaong bagay, labis itong mahihirapan. Taglay ng mga tao ang tiwaling disposisyon ni Satanas, isang disposisyon na mapagmataas at mapanlinlang, kaya natural para sa kanila na magsinungaling, magmalabis at mangusap ng mga hungkag na salita. Kung nauunawaan mo ang katotohanan at marunong kang kumilatis ng mga tao, ang lahat ng ito ay dapat mukhang normal at karaniwan sa iyo. Hindi mo dapat gamitin ang lihis na ideyang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” para tingnan ang mga tao at bagay-bagay, at para husgahan at ilarawan kung ang mga tao ay mabuti o mapagkakatiwalaan ba, o hindi. Ang paraang ito ng pagsusuri ay hindi tama, at hindi ito dapat gamitin. Ano ang tamang paraan? May tiwaling disposisyon ang mga tao, kaya normal para sa kanila na magmalabis at magsabi ng mga bagay na hindi sumasalamin sa kanilang aktuwal na sitwasyon. Kailangan mo itong harapin nang tama. Hindi mo dapat hingin sa isang tao na tuparin ang kanyang mga pangako nang ayon sa mga pamantayan ng isang maginoo, at tiyak na hindi mo dapat igapos ang iba o ang iyong sarili sa ideya na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Hindi ito tama. Dagdag pa, ang husgahan ang pagkatao at moralidad ng isang tao batay sa kung siya ba ay maginoo o hindi ay malaking pagkakamali, at hindi ito ang tamang pamamaraan. Ang batayan nito ay mali at hindi umaayon sa salita ng Diyos o sa katotohanan. Samakatuwid, anong uri man ng mga ideolohikal na pananaw ang ginagamit ng sekular na mundo upang husgahan ang isang tao, at kung isinusulong man ng sekular na mundo na maging maginoo o kontrabida, sa sambahayan ng Diyos, ang kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya” ay hindi isinusulong, hindi inirerekomenda na maging maginoo ang sinuman at tiyak na hindi hinihingi sa iyo na kumilos nang ayon sa kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Kahit pa mahigit mong hinihingi sa iyong sarili na maging maginoo, at isabuhay ang kasabihang “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya,” ano naman ngayon? Maaaring napakahusay mo itong ginagawa at isa kang mapagpakumbabang ginoo na tinutupad ang kanyang mga pangako at hindi kailanman nabibigong gawin ang kanyang sinabi. Subalit, kung hindi mo kailanman tinitingnan ang mga tao at bagay-bagay, kung hindi ka kailanman umaasal at kumikilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, o sumusunod sa mga katotohanang prinsipyo, isa kang ganap na walang pananampalataya. Kahit pa maraming tao na sumasang-ayon sa iyo at sumusuporta sa iyo, na nagsasabing maginoo ka, na hindi ka kailanman nabibigong tuparin ang iyong sinabi at na sineseryoso mo ang iyong mga pangako, ano naman ngayon? Nangangahulugan ba iyon na nauunawaan mo ang katotohanan? Nangangahulugan ba iyon na sinusunod mo ang pamamaraan ng Diyos? Gaano kahusay at kaangkop mo mang sinusunod ang moral na pahayag na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya,” kung hindi mo nauunawaan ang salita ng Diyos, at hindi ka nagmamasid at kumikilos nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, hindi mo matatamo ang pagsang-ayon ng Diyos.

Matapos na matukoy at masuri ang mga kamalian sa ideya na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya,” tingnan natin kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao pagdating sa kanilang mga salita at kilos. Anong uri ng tao ang hinihingi ng Diyos sa mga tao na maging? (Isang tapat na tao.) Tama iyan. Maging matapat, huwag magsinungaling, huwag mandaya, huwag maging mapanlinalng, at huwag manloko. Hanapin mo ang salita ng Diyos at ang mga katotohanang prinsipyo kapag kumikilos ka. Ito lang iilan-ilang bagay na ito; napakasimple nito. Kung magsasalita ka nang hindi matapat, iwasto mo ang iyong sarili. Kung ikaw ay magmamalabis, magsisinungaling o magsasalita nang higit sa iyong katayuan, magnilay-nilay ka at magkaroon ng kamalayan dito, at hanapin mo ang katotohanan para malutas ito. Kailangan mong magsabi ng mga bagay na nagpapakita ng iyong aktuwal na sitwasyon, ng pagkaunawa na nasa iyong puso at ng mga katotohanan. Bukod pa roon, kung kaya mong gawin ang mga bagay na ipinangako mo sa iba, gawin mo ang mga iyon. Kung hindi mo naman kaya, agad mong sabihin sa kanila. Sabihin mo, “Pasensiya ka na, hindi ko iyon kayang gawin. Wala akong kakayahan, at hindi ko iyon magagawa nang mabuti. Ayaw kitang maantala, kaya mas mabuti pang sa iba ka na lang humingi ng tulong.” Hindi mo kailangang laging tuparin ang iyong sinabi, maaari kang umatras sa iyong mga pangako. Basta maging tapat na tao ka. Maging tapat ka sa iyong mga sinasabi at ginagawa, sa halip na subukang manloko o manlinlang, at hanapin mo ang mga katotohanang prinsipyo sa lahat ng sitwasyon. Ganoon iyon kasimple; napakadali niyon. Mayroon bang anumang bahagi sa hinihingi ng Diyos na gawin ng mga tao na ginagawa silang magpanggap? Kahit kailan ba ay humingi Siya sa mga tao nang labis-labis, na gumawa sila nang higit sa kaya nilang pasanin o kayang gawin? (Hindi.) Kung hindi tinataglay ng mga tao ang kinakailangan pagdating sa kakayahan, abilidad na makaunawa, pisikal na enerhiya o lakas, sinasabi sa kanila ng Diyos na sapat nang gawin nila ang kanilang magagawa, na subukan ang lahat ng kanilang makakaya at na ibuhos ang kanilang lahat-lahat. Sinasabi mo, “Ibinigay ko na roon ang lahat ng mayroon ako, pero hindi ko pa rin matugunan ang mga hinihingi ng Diyos. Iyon na ang lahat ng aking makakaya pero hindi ko alam kung napalugod ba ang Diyos.” Ang totoo, sa paggawa nito ay natupad mo na ang mga hinihingi ng Diyos. Hindi binibigyan ng Diyos ang mga tao ng pasanin na masyadong mabigat para kayanin nila. Kung kaya mong magpasan ng isandaang libra, tiyak na hindi ka bibigyan ng Diyos ng pasanin na mas mabigat pa sa isandaang libra. Hindi ka Niya gigipitin. Ganito ang Diyos sa lahat ng tao. At hindi ka kokontrolin ng anuman—ng sinumang tao o anumang ideolohikal na pananaw. Ikaw ay malaya. Kapag may nangyayari, may karapatan kang mamili. Maaari mong piliin na magsagawa nang ayon sa salita ng Diyos, maaari mong piliin na magsagawa nang ayon sa mga pansarili mong ninanais, o, siyempre, maaari mong piliin na kumapit sa mga ideolohikal na pananaw na ikinintal sa iyo ni Satanas. Malaya kang piliin ang alinman sa mga pagpipiliang ito, pero kailangan mong umako ng responsabilidad para sa anumang pipiliin mo. Ipinapakita lamang sa iyo ng Diyos ang daan; hindi ka Niya pinipilit na gawin, o hindi gawin, ang isang bagay. Matapos ipakita sa iyo ng Diyos ang daan, ikaw na ang pipili. Buo ang iyong mga karapatang pantao, at mayroon kang ganap na kalayaang pumili. Puwede mong piliin ang katotohanan, ang iyong mga ninanasang pantao, o siyempre, ang mga ideolohikal na pananaw ni Satanas. Alinman ang piliin mo, ikaw ang magpapasan ng panghuling resulta; walang ibang papasan niyon para sa iyo. Kapag pumipili ka, hindi nangingialam ang Diyos sa anumang paraan, at hindi Siya gagawa ng anuman para pilitin ka. Maaari kang pumili kung paano mo gusto, anuman ang pagpiling iyon. Sa huli, ang Diyos ay hindi ka pupurihin, bibigyan ng malaking kalamangan, lalagyan ng magandang pakiramdam sa iyong puso, o gagawin kang makaramdam na labis kang marangal dahil lang pinili mo ang tamang landas at ang katotohanan. Hindi Niya gagawin iyon. Hindi ka rin agad na didisiplinahin o isusumpa ng Diyos kung pipiliin mo ang iyong mga pantaong ninanasa, o agad na pauulanan ng sakuna bilang parusa kahit pa kumilos ka nang walang ingat ayon sa mga ideya na ikinintal sa iyo ni Satanas. Habang pumipili ka, tumatakbo nang natural ang lahat ng bagay, at matapos mong pumili, patuloy na tatakbo nang natural ang lahat. Nagmamasid lang ang Diyos, pinapanood ang nangyayari, at tinitingnan ang dahilan, proseso at resulta. Siyempre, sa huli, kapag hinatulan ang mga tao at ang kanilang katapusan ay tinukoy, uuriin ng Diyos ang landas na iyong tinahak batay sa lahat ng iyong personal na pinili, titingnan Niya ang landas na ito bilang kabuuan para makita kung anong uri ka talaga ng tao, at mula rito, tutukuyin Niya kung anong uri ng katapusan ba ang dapat kang magkaroon. Iyan ang pamamaraan ng Diyos. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Kapag ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, hindi Niya kailanman hinahayaan ang isang pahayag, kasabihan, o ideolohikal na pananaw na maging kalakaran sa mga tao na kukulong at kokontrol sa kanilang mga kaisipan upang magawa nila nang hindi sinasadya ang nais ng Diyos na gawin nila. Hindi ito ang paraan ng Diyos ng paggawa. Binibigyan ng Diyos ang mga tao ng lubos na kalayaan at ng karapatang mamili, at tinatamasa nila nang buo ang mga karapatang pantao at ang ganap na kalayaang mamili. Sa bawat sitwasyong nakakaharap ng mga tao, puwede nilang piliin na tanggapin at gamitin ang mga ideolohikal na pananaw ni Satanas upang kilatisin at husgahan ang konstitusyon ng isang partikular na bagay, o puwede nilang piliin na gawin iyon nang ayon sa salita ng Diyos at mga katotohanang prinsipyo. Isa ba itong katunayan? (Oo.) Hindi pinipilit ng Diyos ang mga tao; ang ginagawa ng Diyos ay patas para sa lahat. Kalaunan, ang mga nagmamahal sa katotohanan at sa mga positibong bagay ay lalakad sa landas ng paghahangad sa katotohanan, makakamit ang katotohanan, magkakaroon ng pusong natatakot sa Diyos, makapagpapasakop nang tunay sa Diyos at maliligtas dahil minamahal nila ang katotohanan at ang mga positibong bagay. Iyon namang mga hindi nagmamahal sa katotohanan, at na palaging kumikilos nang walang-ingat nang ayon sa kanilang kagustuhan, nayayamot sila sa katotohanan at hindi nila iyon tinatanggap sa anumang paraan. Natatakot lang sila sa pagkastigo at paghatol ng Diyos, at natatakot sila na sila ay parurusahan, kaya sila ay mabigat ang kalooban na pakunwaring gumagawa ng kaunting gawain sa sambahayan ng Diyos, gumaganap ng kaunting serbisyo at nagpapakita ng kaunting mabuting pag-uugali. Subalit, hindi nila kailanman tinatanggap ang katotohanan o sinusunod ang pamamaraan ng Diyos, at wala sila sa landas ng paghahangad at pagsasagawa ng katotohanan. Bilang resulta, hindi nila kailanman mauunawaan ang katotohanan o mapapasok ang katotohanang realidad, at sa gayon ay mapalalampas nila ang pagkakataong maligtas. Ang karamihan sa mga taong ito ay mga tagapagsilbi. Kahit pa hindi sila gumagawa ng masama, hindi nagdudulot ng mga pagkagambala o pagkakagulo, at hindi sila pinalalayas o inaalis mula sa sambahayan ng Diyos gaya ng mga anticristo at masasama, sa huli, ang makukuha lang nila ay ang titulong “tagapagsilbi,” at hindi malinaw kung sila ba ay ititira. May isa pang grupo ng mga tao na nabibilang kay Satanas at na matigas ang ulong pinanghahawakan ang lahat ng ideya at pananaw nito. Mas gugustuhin pa ng mga taong ito na mamatay kaysa tanggapin ang katotohanan o sundin ang katotohanan at ang salita ng Diyos. Salungat pa nga sila sa lahat ng positibong bagay at sa Diyos. Dahil sila ay nanggagambala at nanggugulo sa gawain ng Diyos, gumagawa ng maraming kasamaan at lubusang ginagampanan ang papel ni Satanas, sa huli, ang ilan sa mga taong ito ay inaalis sa iglesia, at ang ilan ay itinitiwalag o inaalis ang pangalan nila sa talaan. Kahit pa mayroong ilan na nakaiiwas na maalis ang kanilang pangalan o maitiwalag, sa huli ay kailangan silang palayasin ng Diyos. Nawawalan sila ng pagkakataong maligtas dahil sadyang hindi nila tinatanggap ang katotohanan at ang pagliligtas ng Diyos, at sa huli ay wawasakin sila kasama ni Satanas kapag winasak na ang mundo. Kita mo, gumagawa ang Diyos sa isang malaya at nakapagpapalayang paraan, na ang lahat ng bagay ay natural ang pagtakbo. Gumagawa ang Diyos sa mga tao upang gabayan, bigyang-liwanag at tulungan sila, at kung minsan ay para paalalahanan, paginhawahin at hikayatin sila. Ito ang panig ng disposisyon ng Diyos na nagpapakita ng masaganang awa. Habang ipinapakita ng Diyos ang Kanyang awa, tinatamasa ng mga tao ang kasaganaan ng biyaya at mga pagpapala ng Diyos, at tinatamasa nila ang ganap na kalayaan at paglaya nang walang anumang pagkaramdam na kinokontrol o iginagapos sila, at tiyak na walang anumang pagkaramdam ng pagkakakulong ng anumang pahayag o ideolohikal na pananaw. Kasabay ng paggawa ng Diyos sa gawaing ito, nililimitahan Niya rin ang mga tao gamit ang mga administratibong patakaran at iba’t ibang sistema ng iglesia, at tinatabasan, iwinawasto, hinahatulan at kinakastigo Niya ang kanilang katiwalian at pagsuway. Dinidisiplina at itinutuwid pa nga Niya ang ilan sa kanila, o inilalantad at pinagagalitan sila gamit ang Kanyang mga salita, at gumagawa rin ng iba pang gawain. Subalit, habang tinatamasa ng mga tao ang lahat ng ito, tinatamasa rin nila ang masaganang awa at matinding galit ng Diyos. Kapag ang kabilang panig ng matuwid na disposisyon ng Diyos—ang matinding galit—ay nahayag sa mga tao, pakiramdam pa rin nila ay malaya at napalaya sila, hindi kinokontrol, iginagapos, o ikinukulong. Kapag nararanasan ng mga tao ang anumang aspeto ng matuwid na disposisyon ng Diyos at kumikilos ito sa kanila, sa katunayan ay madarama nila ang pagmamahal ng Diyos. Ang mga resultang matatamo sa kanila ay magiging positibo, may makakamit sila rito, at siyempre, sila ang pinakamakikinabang. Ganito gumagawa ang Diyos, hindi kailanman pinupuwersa, pinipilit, sinusupil o iginagapos ang mga tao, kundi pinararamdam sa kanila na sila ay malaya, libre, maginhawa at masaya. Tinatamasa man ng mga tao ang awa at mapagmahal na kabaitan ng Diyos o ang Kanyang pagiging matuwid at maharlika, sa huli, nakakamit nila ang katotohanan mula sa Diyos, nauunawaan ang kahulugan at halaga ng buhay, ang landas na dapat nilang tahakin at ang direksyon at mithiin ng pagiging tao. Napakarami nilang nakakamit! Namumuhay ang mga tao sa ilalim ng kapamahalaan ni Satanas, at sila ay nagagapos, nakukulong, at nalulumpo ng iba’t ibang maling ideya at pananaw na ikinikintal nito sa kanila. Hindi ito kayang tiisin, pero wala silang kapangyarihang makawala. Kapag lumalapit sa Diyos ang mga tao, palaging mananatiling pareho ang saloobin sa kanila ng Diyos, anumang uri ng saloobin ang mayroon sila sa Kanya. Ito ay dahil ang disposisyon at diwa ng Diyos ay hindi nagbabago. Palagi Siyang nagpapahayag ng katotohanan, at sa paggawa nito, inihahayag Niya ang Kanyang disposisyon at diwa. Ganito Siya gumawa sa mga tao. Ganap nilang tinatamasa ang mapagmahal na kabaitan at ang awa ng Diyos, pati na ang Kanyang pagiging matuwid at maharlika, at pinagpapala ang mga taong namumuhay sa kapaligirang ito. Kung, sa ganitong kapaligiran, ay hindi magagawa ng mga tao na hangarin, mahalin at sa huli ay makamit ang katotohanan, kung mapalalampas nila ang pagkakataong maligtas, at ang ilan pa nga ay maparurusahan at mawawasak gaya ni Satanas, may iisa lang na dahilan para dito, at ito ay isang katunayan. Ano sa tingin ninyo ito? Ang mga tao ay tatahak sa isang partikular na landas at magkakaroon ng isang partikular na katapusan ayon sa kanyang kalikasan. Ang panahon kung kailan tinutukoy ang katapusan ng bawat tao sa huli, ay ang panahon kung kailan sila pagsasama-samahin batay sa kanilang uri. Kung minamahal ng isang tao ang katotohanan at ang mga positibong bagay, kapag sa huli ay nangusap at gumawa ang Diyos, babalik siya sa Diyos at tatahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan gaano man karaming negatibong bagay ang ikinintal sa kanya ni Satanas. Subalit, kung ang isang tao ay hindi minamahal ang katotohanan at nayayamot dito, ang disposisyon niyang ito ay hindi magbabago at ito ang gagabay sa kanya, gaano man karami ang sabihin ng Diyos, gaano man kataos-puso ang Kanyang mga salita, gaano karaming gawain man ang gawin Niya, at gaano man kakamangha-mangha ang Kanyang mga tanda at himala. Mas lalo pang sukdulan ang masasamang tao. Hindi lang sila nayayamot sa katotohanan, kundi may diwa pa sila na masama at namumuhi sa katotohanan. Nilalabanan nila ang Diyos at nasa panig sila ni Satanas. Kahit pa manalig sila sa Diyos, kalaunan ay babalik sila kay Satanas. Ang tatlong uring ito ng mga tao ay lahat nakaranas ng katiwalian ni Satanas, at nalinlang at nakulong sila ng iba’t ibang pahayag at ideolohikal na pananaw ni Satanas. Kung gayon, bakit maliligtas sa huli ang ilang tao at ang iba ay hindi? Ito ay pangunahing nakasalalay sa landas na tinatahak ng mga tao at kung minamahal ba nila o hindi ang katotohanan. May kaugnayan ito sa dalawang bagay na ito. Kung gayon, bakit kaya ng ilang tao na mahalin ang katotohanan at ang iba ay hindi? Bakit kayang tahakin ng ilang tao ang landas ng paghahangad sa katotohanan, samantalang ang iba ay hindi, at ang ilan ay hayagan pa ngang nakikipagtalo sa Diyos at sinisiraan sa publiko ang katotohanan? Ano ang nangyayari dito? Natutukoy ba ito ng kanilang kalikasang diwa? (Oo.) Lahat sila ay nakaranas ng katiwalian ni Satanas, pero iba-iba ang diwa ng bawat tao. Sabihin ninyo sa Akin, ginagawa ba ng Diyos ang Kanyang gawain nang may karunungan? Kaya ba ng Diyos na maunawaan talaga ang sangkatauhan? (Oo.) Kung gayon, bakit binibigyan ng Diyos ang mga tao ng karapatan na pumili nang malaya? Bakit hindi sapilitang iniindoktrina ng Diyos ang lahat ng tao? Ito ay dahil gusto ng Diyos na uriin ang bawat tao ayon sa klase nito at nais Niyang ilantad silang lahat. Hindi gumagawa ng walang saysay na gawain ang Diyos; may mga prinsipyo sa likod ng lahat ng gawaing ginagawa ng Diyos, at ang gawaing ginagawa Niya sa isang tao ay batay sa kung anong uri ito ng tao. Paano naihahayag ang kategorya ng isang tao? Sa anong basehan sila pinaghahati-hati sa iba’t ibang kategorya? Ito ay batay sa mga bagay na gusto ng mga tao at sa landas na kanilang tinatahak. Hindi ba’t tama iyon? (Oo.) Inuuri ng Diyos ang mga tao batay sa kung ano ang gusto nila at sa landas na tinatahak nila, tinutukoy Niya kung sila ba ay maaaring maligtas batay sa kanilang kategorya, at gumagawa Siya sa kanila nang ayon sa kung maaari ba silang maligtas o hindi. Kagaya ito ng kung paanong ang ilang tao ay mahilig kumain ng matatamis na pagkain, ang ilan ay ng maaanghang, ang ilan ay ng maaalat at ang ilan ay ng maaasim. Kung ihahain sa mesa ang iba’t ibang uri ng mga pagkaing ito, hindi na kailangan pang sabihan ang mga tao kung alin ang dapat nilang kainin at kung alin ang hindi. Ang mahihilig kumain ng maaanghang na pagkain ay kakain ng maaanghang, ang mahihilig kumain ng matatamis ay kakain ng matatamis at ang mahihilig sa maaalat na pagkain at kakain ng maaalat. Puwede silang hayaang pumili nang malaya. Ang mga taong nananalig sa Diyos ay may karapatang piliin kung minamahal ba nila o hindi ang katotohanan at kung anong landas ang kanilang tatahakin, pero hindi sila ang magpapasya kung sila ba ay maliligtas o hindi at kung ano ang kanilang magiging katapusan sa huli. Nakikita mo ba na may mga prinsipyo sa likod ng gawain ng Diyos? (Oo.) May mga prinsipyo sa likod ng Kanyang gawain, at ang isa sa pinakadakilang prinsipyo ay ang hayaan ang mga tao na mauri ayon sa kanilang mga hinahangad at landas, at na hayaan na maging natural ang takbo ng lahat ng bagay. Palaging nabibigo ang mga tao na maunawaan ito, at itinatanong nila, “Palaging sinasabi na may awtoriad ang Diyos, pero nasaan iyon? Bakit hindi gumagawa ng kaunting sapilitang indoktrinasyon ang Diyos para maipakita ang Kanyang awtoridad?” Hindi ganoon ipinamamalas ang awtoridad ng Diyos; hindi ganoon ginagawa ng Diyos na makita ng mga tao ang Kanyang awtoridad.

Kaya na ba ninyo ngayong kilatisin ang pahayag tungkol sa moralidad na “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya”? Nauunawaan din ba ninyo kung ano ang hinihingi ng Diyos sa mga tao? (Oo.) Ano ang inyong pagkaunawa? (Hinihingi ng Diyos na maging tapat ang mga tao.) Napakasimple ng mga hinihingi ng Diyos sa mga tao. Hinihingi Niya na maging tapat ang mga tao, na harapin nila ang mga lumilitaw na usapin nang ayon sa mga katotohanang prinsipyo, na hindi sila magpanggap, na hindi lang sila magtuon sa panlabas na pag-uugali, kundi magtuon na gawin ang mga bagay-bagay nang ayon sa mga prinsipyo. Kung ang landas na iyong tinatahak ay tama, at ang mga prinsipyong ginagamit mo sa paghahangad kung paano umasal ay tama at umaayon sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, sapat na iyon. Hindi ba’t simple iyon? (Oo.) Hindi tinataglay o tinatanggap ni Satanas ang katotohanan, kaya nililinlang nito ang mga tao gamit ang mga pahayag na akala ng mga tao ay mabuti at tama, at ginagawa sila nitong magsikap na maging mga maginoo na mabuti ang pag-uugali, sa halip na mga kontrabida na gumagawa ng masasamang bagay. Mabilis na naililigaw ni Satanas ang mga tao dahil ang mga bagay na ito ay umaayon sa mga kuru-kuro at kagustuhan ng mga tao, at madali nila itong matanggap. Pinagagawa ni Satanas ang mga tao ng mga bagay na mukha lang mabuti. Hindi mahalaga kung gaano kasama ang isang bagay na nagawa mo nang hindi nakikita, kung gaano katiwali ang iyong disposisyon, o kung masama ka ba o hindi; basta’t pinagbalatkayo mo ang iyong panlabas na hitsura alinsunod sa mga pahayag at hinihingi ni Satanas, at tinatawag kang mabuting tao ng iba, isa kang mabuting tao. Ang mga hinihingi at pamantayang ito ay malinaw na hinihimok ang mga tao na maging mapanlinlang at masama, na magsuot ng maskara at pinipigilan sila ng mga ito na tumahak sa tamang landas. Samakatuwid, maaari ba nating sabihin na ang bawat ideya at pananaw na ikinikintal ni Satanas sa mga tao ay umaakay sa kanila sa sunud-sunod na maling landas? (Oo.) Ang gawaing nais gawin ng Diyos sa kasalukuyan ay ang hayaan ang mga tao na makilatis ang iba’t ibang maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas, na mahalata at tanggihan ito, at pagkatapos ay mahila pabalik ang mga tao mula sa iba’t iba nilang lihis na landas papunta sa tamang landas, para matingnan nila ang mga tao at bagay-bagay, at umasal at kumilos sila nang ayon sa mga prinsipyo. Wala ni isa sa mga prinsipyong ito ang nagmumula sa mga tao, kundi mga katotohanang prinsipyo ang mga ito. Kapag nauunawaan ng mga tao ang mga katotohanang prinsipyong ito, at kaya nilang isagawa ang mga ito at makapasok sa realidad ng mga ito, unti-unting maisasangkap sa mga taong ito ang mga salita at buhay ng Diyos. Kung ituturing ng mga tao ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, hindi na sila maililigaw ni Satanas at tatahak sa maling landas, sa landas ni Satanas, at sa landas na walang balikan. Hindi ipagkakanulo ng mga taong ito ang Diyos paano man sila linlangin at gawing tiwali ni Satanas. Paano man magbago ang mundo, at anong panahon man ang dumating, hindi mabubulok o masasawi ang kanilang buhay dahil taglay ng mga taong ito ang mga salita ng Diyos bilang kanilang buhay, at dahil hindi mabubulok o masasawi ang kanilang buhay, iiral sila kasama ng ganitong uri ng buhay at mabubuhay sila magpakailanman. Mabuti ba itong bagay? (Oo.) Kapag naligtas ang mga tao, sila ay labis na pinagpala!

Ano ang isang pinakamahalagang bagay para sa inyo sa kasalukuyan? Ito ay ang masangkapan ng higit pang katotohanan. Kapag nasangkapan ka ng higit pang katotohanan, at nadagdagan na ang iyong narinig, naranasan at nauunawaan, saka mo lamang magagawang tingnan ang mga tao at bagay-bagay, at umasal at kumilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, at malaman kung ano ba mismo ang mga katotohanang prinsipyo. Saka ka lang hindi maliligaw, at hindi mo ipapalit sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanang prinsipyo ang kalooban ng tao at ang mga ideya at pananaw na ikinintal sa iyo ni Satanas. Hindi ba’t ganito ang kaso? (Oo.) Samakatuwid, ang isa sa mga pinakamahalaga at pinakaagarang bagay na dapat ninyong gawin ngayon, ay ang masangkapan ng katotohanan at maunawaan ang higit pang mga salita ng Diyos. Kailangan mong igugol ang iyong sarili sa mga salita ng Diyos. Maraming bagay ang napapaloob sa mga salita ng Diyos, at maraming bagay na may katotohanan. Kailangan mong masangkapan ang iyong sarili ng lahat ng katotohanang ito nang walang pagkaantala. Kung hindi mo sasangkapan ang iyong sarili, hindi mo magagamit ang mga salita ng Diyos bilang pundasyon kapag may nangyayari, at haharapin mo na lang ang usapin nang ayon sa sarili mong kagustuhan. Bilang resulta, lalabagin mo ang mga prinsipyo, at ang iyong mga paglabag ay mananatili sa iyo bilang isang mantsa. Kung hindi mo alam kung paano hanapin ang katotohanan kapag may nangyayari, at hinaharap mo lang ito nang ayon sa sarili mong kagustuhan at para matamo ang sarili mong mga mithiin, at kung umaasa ka sa sarili mong kagustuhan at mayroon kang mga dumi pero hindi mo alam kung paano magnilay sa sarili at magkaroon ng kamalayan sa sarili, ni kung paano ihambing ang sarili mo sa mga salita ng Diyos, hindi mo makikilala ang iyong sarili, at hindi mo magagawang tunay na magsisi. Kung hindi ka tunay na magsisisi, ano ang magiging tingin sa iyo ng Diyos? Nangangahulugan ito na mayroon kang mapagmatigas na disposisyon at nayayamot ka sa katotohanan, na mag-iiwan ng isa pang mantsa, at na isa pang seryosong paglabag. Kapaki-pakinabang ba sa iyo na makaipon ng maraming mantsa at paglabag? (Hindi.) Hindi. Kung gayon, paano malulutas ang mga paglabag? Noong nakaraan, nagpahayag Ako ng isang kabanata na pinamagatang “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno.” Nangangahulugan ito na ang mga paglabag ay may direktang kaugnayan sa katapusan ng isang tao. Ano ang nangyayari sa mga taong palaging gumagawa ng mga paglabag? Sinasabi ng ilan sa kanila, “Hindi iyon sinadya. Hindi ko sinasadyang makagawa ng anumang masama noong panahong iyon.” Mabuti ba itong palusot? Kung hindi mo iyon sinasadya, hindi ba iyon paglabag? Hindi mo ba kailangang magnilay-nilay at magsisi? Hindi iyon intensyonal, pero hindi ba’t isa pa rin iyong paglabag? Hindi mo iyon sinasadya, pero nalabag mo ang disposisyon at mga atas administratibo ng Diyos, hindi ba? (Oo.) Isa itong katunayan, kaya isa iyong paglabag. Walang saysay na magpalusot. Sinasabi mo, “Bata pa ako. Wala akong masyadong pinag-aralan, at wala akong masyadong karanasan sa lipunan. Hindi ko alam na mali pala iyon—walang nagsabi sa akin.” O sinasabi mo, “Masyadong mapanganib ang sitwasyon. Ginawa ko iyon sa kasagsagan ng pangyayari.” Mabubuting dahilan ba ang mga ito? Wala alinman sa mga ito ang mabuting dahilan. Kung mayroon kang pagkakataong kumilos nang ayon sa sarili mong kagustuhan, mayroon ka ring pagkakataon na hanapin ang katotohanan, at dapat mong gamitin ang katotohanan bilang prinsipyo para sa iyong mga kilos. Kaya, bakit mo piniling kumilos nang ayon sa iyong kagustuhan samantalang mayroon ka namang pagkakataong hanapin ang katotohanan? Ang isang dahilan ay na masyadong mababaw ang iyong pagkakaunawa sa katotohanan, at kadalasan ay hindi mo pinahahalagahan ang paghahangad sa katotohanan at pagsasangkap sa iyong sarili ng mga salita ng Diyos. May isa pang dahilan at sitwasyon na totoo rin: Kadalasan ay ginagawa mo ang mga bagay-bagay nang wala sa puso mo ang Diyos o ang mga salita ng Diyos. Hindi kailanman naghari sa iyong puso ang mga salita ng Diyos. Nasanay ka nang maging sutil, at palagi mong inaakala na ikaw ang tama, palagi kang naghahari sa bawat usapin, at palagi mong ginagawa ang mga bagay-bagay nang ayon sa sarili mong mga kagustuhan. Sumasailalim ka lang sa proseso at mga pormalidad ng pagdarasal sa Diyos. Ang mga salita ng Diyos ay walang puwang sa puso mo at hindi ito kayang pamunuan, at ang Diyos ay walang puwang sa puso mo at hindi ito kayang pamunuan. Natural para sa iyo na ikaw ang mangasiwa sa lahat ng iyong ginagawa, at bilang resulta, nilalabag mo ang mga katotohanang prinsipyo. Isa ba itong paglabag? Ito ay tiyak—isa itong paglabag. Kung gayon, bakit ka nagpapalusot? Walang katanggap-tanggap na palusot. Ang isang paglabag ay isang paglabag. Kung makagagawa ka ng maraming paglabag, kung mapipinsala mo ang mga interes ng sambahayan ng Diyos at ang gawain ng iglesia, at kung kalaunan ay mapagsisiklab mo sa galit ang disposisyon ng Diyos, mapuputol ang pagkakataon mong maligtas. Isa itong tumpak na pagpapakahulugan sa “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno”; isa itong katunayan. Ang sanhi nito ay ang mga tiwaling disposisyon ng mga tao, na nagbubunga ng lahat ng uri ng pag-uugali, na siya namang nagtatakda ng landas na tinatahak ng mga tao. Idinudulot ng maling landas na ito na makagawa ang mga tao ng lahat ng uri ng mga paglabag sa mahahalaga at mga kritikal na sandali habang gumagawa sila ng kanilang tungkulin. Kung napakarami mong nagawang paglabag at naipon ang mga ito, mawawala na ang pagkakataon mong maligtas. Bakit ba palaging gumagawa ng mga paglabag ang mga tao? Ang pangunahing dahilan ay na hindi sila kailanman, o bibihira lang silang, nasasangkapan ng mga salita ng Diyos, at paminsan-minsan lang nilang ginagawa ang anumang bagay nang ayon sa mga salita ng Diyos o mga katotohanang prinsipyo—sa huli, palagi silang gumagawa ng mga paglabag. Kapag lumalabag ang mga tao, palagi nilang pinatatawad ang kanilang sarili at palagi silang nagdadahilan at nagpapalusot, gaya ng, “Hindi ko iyon sinasadya. Mabubuti ang mga layunin ko. Nangyari iyon dahil agaran ang sitwasyon. Nangyari iyon dahil sa taong ito. Nangyari iyon dahil sa lahat ng uri ng obhetibong mga dahilan …” Anuman ang dahilan, kung hindi mo hahangarin ang katotohanan, at hindi ka kikilos nang ayon sa mga salita ng Diyos at nang gamit ang katotohanan bilang iyong pamantayan, malamang ay lalabag ka at lalaban sa Diyos. Isa itong katotohanang hindi mapag-aalinlanganan. Ayon sa katunayang ito, ang iyong magiging katapusan ay magiging kagaya ng binanggit Ko dati: “Ang mga Paglabag ay Magdadala sa Tao sa Impiyerno.” Ito ang iyong magiging katapusan. Nauunawaan mo ba? (Oo, nauunawaan ko.)

Ang disposisyon ng ilang tao ay masyadong mapagmatigas, at masyado silang walang prinsipyo, na palagi nilang mapaghangad na iniisip, “Ang maliit na paglabag ay walang anuman. Hindi pinarurusahan ng Diyos ang mga tao. Siya ay maawain at mapagmahal, at mapagmatawad at mapagpasensiya sa mga tao. Ang araw ng Diyos ay malayo pa. Saka ko na hahangarin ang mga katotohanang ito na Kanyang ipinahayag, kapag may pagkakataon na ako. Bagamat taos-puso at nagmamadali ang tono ng Diyos nang bigkasin Niya ang mga salitang ito, marami pa ring magiging pagkakataon para manalig kami sa Diyos at maligtas.” Palagi silang mapagwalang-bahala, hindi kailanman nakararamdam ng pagmamadali, wala silang matinding pagnanais sa Diyos, o pagkauhaw sa katotohanan. Palaging mapagmatigas ang kanilang puso, at palagi nilang ganap na binabalewala ang katotohanan at ang mga hinihingi ng mga salita ng Diyos. Kung gagawin nila ang kanilang tungkulin nang may ganitong saloobin at habang nasa ganitong kalagayan, ano ang mangyayari sa huli? Palagi silang makagagawa ng mga paglabag at magkakaroon ng mga mantsa! Mapanganib para sa isang tao na palaging magkaroon ng mga mantsa at makagawa ng mga paglabag, ngunit hindi ito seryosohin, at hindi man lang mabahala tungkol dito. Dahil lang hindi ka kinokondena sa ngayon ng Diyos ay hindi nangangahulugan na hindi ka Niya kokondenahin sa hinaharap. Sa madaling salita, nasa panganib ang isang taong namumuhay sa gayong kalagayan. Hindi niya pinahahalagahan ang mga salita ng Diyos, ang pagkakataong maligtas, o ang pagkakataong gumawa ng kanyang tungkulin, at lalo na ang bawat sitwasyon na pinangasiwaan ng Diyos para sa kanya. Palagi siyang tatamad-tamad at walang pakialam, at ginagawa niya ang lahat nang walang ingat, nang walang paghihigpit at nang wala siya sa sarili. Ang ganitong uri ng tao ay nasa panganib. Ang ilang tao ay nasisiyahan pa rin sa kanilang sarili, iniisip na, “Kapag gumagawa ako ng mga bagay-bagay, kasama ko ang Diyos, taglay ko ang kaliwanagan at patnubay ng Diyos, paminsan-minsan ay taglay ko ang pagdidisiplina ng Diyos, at kasama ko Siya sa aking mga panalangin!” Masagana ang biyaya ng Diyos—tiyak na sapat para matamasa mo—maaari kang kumuha hanggat gusto mo at hindi ito mauubos, pero ano naman ngayon? Hindi kinakatawan ng biyaya ng Diyos ang katotohanan, at ang pagtatamasa mo sa biyaya ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan. May habag ang Diyos para sa bawat tao, pero hindi labis na maluwag ang habag ng Diyos. May habag ang Diyos sa buhay ng tao at sa bawat nilikha. Subalit, hindi ito nangangahulugan na wala Siyang mga prinsipyo sa Kanyang gawain, na wala Siyang matuwid na disposisyon, at na ang mga pamantayang hinihingi Niya sa mga tao at na ginagamit Niya para suriin sila ay magbabago. Nauunawaan mo ba? (Oo.) Pakiramdam mo ay hindi pa kailanman nagalit sa iyo ang Diyos, na palaging malumanay at mapagsaalang-alang sa iyo ang Diyos, at na labis ka Niyang inaalagaan, minamahal, at pinahahalagahan. Nadarama mo ang init ng Diyos, ang pagtustos ng Diyos, ang tulong ng Diyos, at maging ang pagtatangi at kagandahang-loob ng Diyos. Pakiramdam mo ay ikaw ang pinakamamahal ng Diyos, at na kahit pa iwan Niya ang iba ay hindi ka Niya iiwan kailanman. Kaya puno ka ng tiwala sa sarili, at pakiramdam mo ay para bang nabigyang-katwiran ka na hindi hangarin ang katotohanan, hindi magdusa at magbayad ng halaga habang gumagawa ka ng iyong tungkulin, at hindi maghanap ng pagbabago sa disposisyon. Tiyak na hindi ka iiwan ng Diyos. Ito bang matatag mong kumpiyansa ay batay sa mga salita ng Diyos? Kung isang araw ay talagang hindi mo madama ang presensiya ng Diyos, matataranta ang puso mo at iisipin mong, “Maaari kaya na tinalikuran na ako ng Diyos?” Dapat na maging malinaw sa iyo kung ano ang iyong magiging katapusan. Tiyak na hindi magiging maganda ang katapusan ng mga taong hindi naghahangad sa katotohanan at na masyadong nag-aakalang mas matuwid sila kaysa sa iba. Ang minimithi ng Diyos sa pagmamahal at pagpapahalaga sa mga tao, sa pagkakaroon ng habag sa mga tao, sa pagbibigay ng biyaya sa mga tao, o sa paborable o mapagbigay pa ngang pagtrato sa isang proporsyon ng mga tao, pati na ang diwa ng mga pagkilos na ito, ay tiyak na hindi para palayawin ka o pagpasasain ka, o para akayin ka sa maling landas o para iligaw ka, o para talikuran mo ang katotohanan at ang tunay na daan. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng lahat ng ito ay para alalayan ka sa paglalakad sa tamang landas, para mabigyan ka ng pusong may matinding pagnanais para sa Kanya, para madagdagan ang pananampalataya mo sa Kanya, at pagkatapos ay magkaroon ka ng puso na tunay na natatakot sa Kanya. Kung palagi mong gustong tamasahin ang pagpapalayaw ng Diyos at maging Kanyang alaga, sinasabi Kong nagkakamali ka. Hindi ka alaga ng Diyos, at ang Kanyang kagandahang-loob o pagtatangi para sa iyo ay tiyak na hindi pagpapalayaw o pagpapasasa. Ang layunin ng Diyos sa paggawa ng lahat ng ito ay para mapahalagahan mo ang mga salita ng Diyos, matanggap ang katotohanan, at mapalakas ka ng Kanyang kagandahang-loob at mga pagpapala, nang magkaroon ka ng kapasyahan at tiyaga na tahakin ang landas ng paghahangad sa katotohanan, at na tahakin ang tamang landas sa buhay. Siyempre, maaaring sabihin nang tiyak na kapag ipinahahayag ng Diyos ang mga katotohanang ito, natustusan ka na, nagkamit ka na ng buhay, at natamasa mo na ang Kanyang pagmamahal. Kung kaya mong pasalamatan ang Diyos para sa Kanyang kagandahang-loob, manindigan sa iyong tamang lugar, mas masangkapan ng mga salita ng Diyos, mas pahalagahan ang Kanyang mga salita, hanapin ang mga katotohanang prinsipyo kapag gumagawa ka ng iyong tungkulin, at pagsikapang tingnan ang mga tao at bagay-bagay at na umasal at kumilos nang ayon sa mga salita ng Diyos, hindi mo Siya nabigo. Subalit, kung sasamantalahin mo ang kagandahang-loob at pagtatangi sa iyo ng Diyos, kung babalewalain mo ang Kanyang habag sa iyo, kung ipipilit mong gawin ang mga bagay-bagay nang ayon sa sarili mong pamamaraan, at kung kikilos ka nang sutil at walang ingat, kung hindi mo kailanman sasangkapan ang iyong sarili ng mga salita ng Diyos, kung wala kang kagustuhang pagsikapan ang katotohanan, o hindi mo titingnan ang mga tao at bagay-bagay, at hindi ka aasal at kikilos nang ayon sa mga salita ng Diyos at nang gamit ang katotohanan bilang iyong pamantayan, maliban na lang para matamasa ang biyaya ng Diyos at masiyahan ka sa iyong sarili, kung magkakagayon, kapag hindi mo naabot ang mga inaasahan ng Diyos—ibig sabihin, kapag paulit-ulit na nadismaya sa iyo ang Diyos, sa malao’t madali ay mauubos ang biyaya, habag, at mapagmahal na kabaitan sa iyo ng Diyos. Ang araw na maubos ang mga bagay na iyon, ay ang araw na kukunin ng Diyos ang lahat ng biyaya. Kapag hindi mo man lang maramdaman ang presensiya ng Diyos, malalaman mo kung ano ba talaga ang nasa iyong kalooban. Magkakaroon ng kadiliman sa iyong kalooban. Malulungkot ka at hindi mapapakali, mag-aalala ka at makadarama ng kahungkagan. Madarama mo na hindi tiyak ang hinaharap. Matatakot ka at palaging mababalisa. Isa itong napakateribleng bagay. Samakatuwid, kailangang matutunan ng mga tao na pahalagahan ang lahat ng ibinigay sa kanila ng Diyos, pahalagahan ang tungkuling dapat nilang gampanan, at kasabay nito, matutunan kung paano Siya suklian. Sa katunayan, ang hinihiling ng Diyos na matutunan mo Siyang suklian ay hindi tungkol sa kung gaano kalaki ang iyong ambag sa ngalan Niya, o kung gaano katunog ang iyong patotoo para sa Kanya. Ang nais ng Diyos ay na tumahak ka sa tamang landas, sa landas na hinihingi Niyang tahakin mo. Sapat ang biyaya ng Diyos para matamasa ng mga tao. Hindi Siya maramot pagdating sa pagbibigay ng biyayang ito sa mga tao, at hindi Niya pagsisisihan ang pagbibigay Niya ng biyayang ito sa mga tao. Kung pinagpapala at mapagbigay sa isang tao ang Diyos, ito ay palaging ginagawa nang bukas sa kalooban. Bahagi ng Kanyang diwa, disposisyon at pagkakakilanlan na gawin Niya ito. Hindi Niya kailanman pinagsisisihan o pinanghihinayangan ang pagbibigay ng mga bagay na ito sa mga tao. Subalit, sabihin nating hindi alam ng mga tao kung alin ang tama at mali o kung paano pahalagahan ang mga pabor. Palagi nilang nabibigo ang Diyos at paulit-ulit Siyang nadidismaya sa kanila. Gaano man kalaki ang ibinayad ng Diyos o gaano man katagal Siyang naghintay, hindi pa rin Siya pinapansin ng mga tao at hindi pa rin nila nauunawaan ang mabubuti Niyang layunin. Hinahangad lang ng mga tao na matamasa ang biyaya ng Diyos—mas marami, mas mainam. Gaano karami mang biyaya at mga pagpapala ng Diyos ang natatamasa nila, hindi nila alam kung paano suklian ang pagmamahal ng Diyos, o kung paano ibalik sa Diyos ang kanilang puso at sumunod sa Kanya. Sa tingin ba ninyo ay mapalulugod ang Diyos kung tatratuhin Siya ng mga tao nang ganito? (Hindi.) Anong uri ng totoong saloobin ang dapat taglay ng isang tao para mapalugod ang Diyos? Kailangan ng mga tao na magsisi, magkaroon ng mga praktikal na pagpapamalas, at maayos na magampanan ang kanilang tungkulin. Hindi sila dapat kumapit sa iba’t ibang pangangatwiran at palusot. Ang biyaya, pagpapatawad, at habag ng Diyos para sa sangkatauhan ay hindi mga kapital na magagamit mo para magpakasasa ka, o mga palusot para magpakasasa ka. Anuman ang ginagawa ng Diyos, o anumang uri ng pagsisikap, halaga o kaisipan ang ginagawang puhunan ng Diyos sa mga tao, iisa lang ang Kanyang pangwakas na layunin. Ibig sabihin, umaasa Siyang ang mga tao ay babaling, at tatahak, sa tamang landas. Ano ang tamang landas? Ito ay ang hangarin ang katotohanan at mas masangkapan nito. Kung umaayon sa mga salita ng Diyos ang landas na tinatahak ng mga tao, at gamit nito ang katotohanan bilang pamantayan nito, ang halagang ginagawang puhunan ng Diyos sa mga tao at ang lahat ng inaasahan Niya sa kanila ay masusuklian. Sa tingin ba ninyo ay malaki ang hinihingi ng Diyos sa mga tao? (Hindi.) Hindi malaki ang hinihingi ng Diyos sa mga tao, at mayroon Siyang sapat na pasensiya at pagmamahal para hintaying bumalik ang mga tao. Kapag bumaling ka sa Diyos, hindi ka lang Niya bibigyan ng ilang biyaya at mga pagpapala, kundi tutustusan ka Niya, susuportahan at gagabayan ka sa katotohanan, sa buhay, at sa landas na iyong tinatahak. Gagawa ang Diyos ng mas dakila pang gawain sa iyo. Iyon ang pinananabikan Niya. Bago gawin ang gawaing ito, walang kapagurang ginagabayan ng Diyos ang mga tao, sinusuportahan sila, at pinagkakalooban sila ng biyaya at mga pagpapala. Ang lahat ng ito ay hindi ang orihinal na layunin ng Diyos, at hindi rin ito isang bagay na talaga namang gusto Niyang gawin. Subalit, wala siyang mapagpipilian kundi ang obligahin ang Kanyang sarili na magbayad ng anumang halaga para sa mga tao, at na gawin ang Kanyang gawain anuman ang mangyari. Ang nais ng Diyos sa huli, matapos Niyang gawin ang lahat ng gawaing ito, ay ang makita na kaya ng mga tao na bumalik. Kung nauunawaan ng mga tao ang Kanyang mga layunin at ang Kanyang pag-iisip, at kung bakit gusto Niya talagang gawin ito, makikilala ng mga tao ang Kanyang pagiging kaibig-ibig, magkakaroon sila ng kaunting tayog at magiging nasa wastong gulang na. Kapag nagsisimula na ang mga tao na maging metikuloso at pagsikapan ang bawat katotohanang itinustos sa kanila ng Diyos, at nagsisimula na silang makapasok sa realidad ng bawat katotohanan, nasisiyahan ang Diyos. Pagkatapos, hindi na Niya kailangang gawin ang simpleng gawain ng pagsama sa mga tao, at pag-aalo, pag-uudyok, at paghihikayat sa kanila. Sa halip, matutustusan Niya sila nang higit pa pagdating sa katotohanan, sa buhay, at sa landas na kanilang tinatahak. Makagagawa Siya ng mas dakila at mas kongkretong gawain sa mga tao. Bakit mas gusto ng Diyos na gawin ang ganitong uri ng gawain? Ito ay dahil habang ginagawa ang ganitong gawain, nakakakita Siya ng pag-asa sa mga tao, nakikita Niya ang kanilang kinabukasan at nakikita Niyang kaisa Niya ang mga tao sa puso at isipan. Hindi masusukat ang kadakilaan ng bagay na ito para sa mga tao at sa Diyos, at isa itong bagay na matagal na Niyang pinananabikan. Kapag tinatahak ng isang tao ang landas ng paghahangad sa katotohanan, unti-unti siyang magkakaroon ng lakas at totoong tayog na magagamit niya para labanan si Satanas, at mapaninindigan niya ang kanyang patotoo para sa Diyos, at magkakaroon ng higit na pag-asa ang Diyos na makakita ng isa pang nilikhang tao na naninindigan at lumalaban kay Satanas para sa Kanya. Ito ang kaluwalhatian ng Diyos. Habang ang mga tao ay tumataas ang tayog, lumalakas nang lumalakas, lalo at lalong nagpapatotoo at mas lalong natatakot at sumusunod sa Diyos, nangangahulugan ito na may pag-asa na magkakamit ang Diyos ng isang grupo ng mga mananagumpay at na maluluwalhatian Siya sa pamamagitan at kasama ng mga tao. Isa ba itong mabuting bagay? (Oo.) Ito ang pinananabikan ng Diyos, at ang Kanyang pag-asa at inaasahan para sa inyo. Matagal na Niya itong hinihintay. Kung nauunawaan ng mga tao ang puso ng Diyos at kaya nilang maging mapagsaalang-alang dito, pagsisikapan nila ang hinihingi Niya sa kanila, at magbabayad sila ng halaga para sa hinihingi Niya sa kanila. Pagsisikapan nila nang todo na makipagtulungan sa hinihingi sa kanila ng Diyos, tutuparin nila ang Kanyang mga kahilingan, at pagiginhawahin ang Kanyang puso. Subalit, kung ayaw mo itong gawin, hindi ka pipilitin ng Diyos. Sinasabi mo, “Bakit ba ayaw ko nito? Bakit ba ayaw kong gawin ang hinihingi ng Diyos? Bakit ba ako nababalisa, naaasiwa, at umaayaw na sumunod kapag inisiip kong tugunan ang mga hinihingi ng Diyos?” Hindi mo kailangang matugunan ang mga hinihingi ng Diyos; ito ay kusang-loob. May karapatan kang pumili, at ikaw ay malaya. Hindi pinipilit ng Diyos ang mga tao. Sinasabi Ko lang ito sa inyo para ganap ninyong maunawaan ang realidad ng nais maisakatuparan ng Diyos, ang responsabilidad na inyong pinapasan at kung ano ang inaasahan sa inyo ng Diyos. Malinaw ba ito? (Oo.) Mabuti na malinaw ito. Kung malinaw ito, magkakaroon ng kamalayan ang puso ng mga tao. Malalaman ng kanilang kalooban kung ano ang dapat nilang sunod na gawaan, kung ano ang gagawin at kung anong halaga ang kailangang ibayad; magkakaroon sila ng direksiyon.

Ngayon, ibinahagi Ko ang pahayag tungkol sa wastong asal na, “Ang salita ng isang ginoo ay ang kanyang garantiya.” Dahil napagbahaginan na noong nakaraan ang ilan pang ibang pahayag tungkol sa wastong asal na isinusulong ni Satanas, ginagawa nitong medyo mas madaling makilatis ang pahayag na ito. Alinmang pahayag tungkol sa moralidad iyon, pangunahing gusto ni Satanas na gumamit ng isang uri ng opinyon upang igapos at limitahan ang pag-uugali ng tao, at pagkatapos ay bumuo ng isang kalakaran sa lipunan. Sa paglikha ng kalakarang ito, nais nitong linlangin, kontrolin at ikulong ang isipan ng buong sangkatauhan, at sa gayon ay magawa ang buong sangkatauhan na talikuran ang Diyos. Kapag laban na sa Diyos ang mga tao, nais makita ni Satanas na wala nang paraan ang Diyos para kumilos sa mga tao o gumawa ng gawin. Ito ang mithiing nais na makamit ni Satanas, at ito ang diwa ng lahat ng bagay na ginagawa ni Satanas. Alinmang aspeto ng pag-uugali ang kinakatawan ng mga ito, o alinmang mga ideya at pananaw, ang mga pahayag na ito tungkol sa wastong asal na isinusulong ni Satanas ay, sa anumang kaso, walang kaugnayan sa katotohanan, at ang mga ito ay taliwas din sa katotohanan. Paano dapat harapin ng mga tao ang mga pahayag na ito tungkol sa moralidad na isinusulong ni Satanas? Isang napakasimple at pangunahing prinsipyo ay na ang anumang pahayag na nagmumula kay Satanas ay isang bagay na dapat nating ilantad, suriin, mahalata, at tanggihan. Dahil nagmumula kay Satanas ang mga ito, kung nahahalata ng puso natin ang mga ito, makokondena at matatanggihan natin ang mga ito. Hindi natin maaaring hayaan ang mga bagay na kay Satanas na umiral sa iglesia at linlangin, gawing tiwali, at guluhin ang mga taong hinirang ng Diyos. Kailangang makamit ang mithiin kung saan tinatanggihan si Satanas ng mga taong hinirang ng Diyos, at walang makikita sa kanila ni bahid ng mga maling pananampalataya at maling paniniwala ni Satanas. Sa halip na mga maling pananampalataya at maling paniniwala na ito, ang mga salita ng Diyos at ang katotohanan ang dapat na naghahari sa puso ng mga taong hinirang ng Diyos, at dapat na nagiging buhay nila. Ang ganitong uri ng sangkatauhan ang uri na nais makamit ng Diyos.

Dito natin tapusin ang pagbabahaginan ngayon.

Hulyo 9, 2022

Sinundan: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 14

Sumunod: Ang Kahulugan ng Paghahangad sa Katotohanan 16

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger