Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos App

Pakinggan ang tinig ng Diyos at salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus!

Hinihikayat namin ang mga naghahanap ng katotohanan na kontakin kami.

Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Laki ng Font

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

0 (Mga) Resulta ng Paghahanap

Walang nakitang mga resulta.

Ano ang Inyong Naibigay-ganti sa Diyos

Bilis

Ano ang Inyong Naibigay-ganti sa Diyos

I

Ang Diyos ay nakapiling ninyo

sa ilang taglagas at tagsibol.

Namuhay Siya sa piling ninyo nang matagal.

Sa harap N'ya ilan sa inyong

masasamang gawa ang nakakalusot?

Taos-puso n'yong salita, umaalingawngaw 'to sa tainga ng Diyos.

Hindi mabilang ang milyon-milyon sa inyong mga kagustuhan,

sa dambana N'ya ang mga ito'y nilalagay.

Subalit walang pag-aalay, walang patak ng katapatan

sa dambana N'ya nilalagay ninyo.

Nasaan ang mga bunga ng inyong paniniwala?

Natanggap ninyo walang katapusang biyaya ng Diyos,

nakita ang Kanyang makalangit na mga hiwaga.

Naipakita ng Diyos sa inyo liyab ng langit,

ngunit hindi maatim na kayo ay sunugin.

Gaano karami ang inyong ibinalik sa Diyos?

Gaano karami ang kusang-loob na naibigay ninyo sa Kanya?

II

Hawak ang pagkaing ibinigay ng Diyos sa iyo,

inihahandog mo ito sa Kanya,

sinasabing ito ang iyong gantimpala sa pagpapagal,

naibigay mo sa Kanya lahat na mayroon ka.

Paanong 'di mo alam

na lahat ng ibinibigay mo sa Diyos, lahat ng ambag mo

ay lahat mga bagay na iyong ninakaw mula sa Kanyang altar.

Ngayon ibinibigay mo ang mga ito sa Diyos.

Hindi mo ba Siya dinadaya?

Nalulugod S'ya sa nasa dambana N'ya

at 'di pagbalik ng pagpapagal na binibigay mo.

Natanggap ninyo walang katapusang biyaya ng Diyos,

nakita ang Kanyang makalangit na mga hiwaga.

Naipakita ng Diyos sa inyo liyab ng langit,

ngunit hindi maatim na kayo ay sunugin.

Gaano karami ang inyong ibinalik sa Diyos?

Gaano karami ang kusang-loob na naibigay ninyo sa Kanya?

III

Talagang nangangahas kayong dayain ang Diyos,

kaya paano N'ya kayo mapapawalang-sala?

Paano pa ito matatagalan ng Diyos?

Kanyang ibinigay ang lahat sa inyo.

Kanyang binuksan ang lahat sa inyo.

Tinutustusan N'ya pangangailangan ninyo,

at nabuksan N'ya ang mga mata ninyo.

Subalit ipinagwawalang-bahala ninyo

ang inyong konsensya at dinadaya Siya.

Natanggap ninyo walang katapusang biyaya ng Diyos,

nakita ang Kanyang makalangit na mga hiwaga.

Naipakita ng Diyos sa inyo liyab ng langit,

ngunit hindi maatim na kayo ay sunugin.

Gaano karami ang inyong ibinalik sa Diyos?

Gaano karami ang kusang-loob na naibigay ninyo sa Kanya?

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sinundan:Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin

Sumunod:Ang Makahulugang Ibig Sabihin ng Poot ng Diyos

Baka Gusto Mo Rin