Ang Nararapat na Isangkap sa Isang Katanggap-tanggap na Pastol

Kailangan mong magkaroon ng pagkaunawa tungkol sa maraming kalagayang kalalagyan ng mga tao kapag isinasagawa ng Banal na Espiritu ang gawain sa kanila. Partikular na, yaong mga nag-uugnayan sa paglilingkod sa Diyos ay dapat magkaroon ng mas matinding pagkaunawa tungkol sa mga kalagayang ito. Kung nagsasalita ka lamang tungkol sa maraming karanasan o pamamaraan para makapasok, ipinakikita nito na ang karanasan mo ay masyadong may pinapanigan. Kung hindi mo alam ang iyong tunay na kalagayan at hindi mo nauunawaan ang mga katotohanang prinsipyo, hindi posibleng magkamit ng pagbabago sa disposisyon. Kung hindi mo alam ang mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu o nauunawaan ang ibinubunga nito, mahihirapan kang mahiwatigan ang gawain ng masasamang espiritu. Kailangan mong ihayag ang gawain ng masasamang espiritu, pati na rin ang mga kuru-kuro ng tao, at tumbukin ang pinakabuod ng usapin; kailangan mo ring banggitin ang maraming paglihis sa pagsasagawa ng mga tao at ang mga problemang maaaring umiiral sa kanilang pananampalataya sa Diyos, upang mapansin nila ang mga ito. Kahit paano, huwag mo silang bigyan ng dahilan para maging negatibo o walang kibo. Gayunpaman, kailangan mong maunawaan ang mga paghihirap na talagang umiiral para sa karamihan, hindi ka dapat maging hindi makatwiran o “tangkaing turuan sila ng isang bagay na ayaw nilang matutuhan”; kahangalan iyan. Para malutas ang maraming paghihirap na nararanasan ng mga tao, kailangan mo munang maunawaan ang pag-unlad ng gawain ng Banal na Espiritu; kailangan mong maunawaan kung paano isinasagawa ng Banal na Espiritu ang gawain sa iba’t ibang mga tao, kailangan mong maunawaan ang mga paghihirap na kinakaharap ng mga tao at ang kanilang mga pagkukulang, at kailangan mong makita nang malinaw ang mga pangunahing usapin ng problema at malaman ang pinagmulan nito, nang hindi lumilihis o nagkakamali. Ang ganitong uri lamang ng tao ang karapat-dapat na makipag-ugnayan sa paglilingkod sa Diyos.

Nagagawa mo man o hindi na maunawaan ang mga pangunahing usapin at makita nang malinaw ang maraming bagay ay nakasalalay sa iyong sariling mga karanasan. Ang paraan ng iyong pagdanas ay siya ring paraan ng iyong pag-akay sa iba. Kung nauunawaan mo ang mga salita at doktrina, maaakay mo ang iba na maunawaan ang mga salita at doktrina. Ang paraan ng iyong pagdanas sa realidad ng mga salita ng Diyos ang magiging paraan ng iyong pag-akay sa iba na makapasok sa realidad ng mga pahayag ng Diyos. Kung nagagawa mong unawain ang maraming katotohanan at malinaw kang nagtatamo ng kabatiran sa maraming bagay mula sa mga salita ng Diyos, may kakayahan kang akayin ang iba na maunawaan din ang maraming katotohanan, at yaong mga inaakay mo ay magkakaroon ng malinaw na pagkaunawa sa mga pangitain. Kung magtutuon ka sa pag-unawa sa mga damdaming di-pangkaraniwan, gagawin din iyon ng mga inaakay mo. Kung kinaliligtaan mong magsagawa, at sa halip ay binibigyang-diin mo ang talakayan, yaong mga inaakay mo ay magtutuon din sa talakayan, nang hindi man lamang nagsasagawa o nagkakaroon ng anumang pagbabago sa kanilang mga disposisyon; magiging masigasig lamang sila kunwari, nang hindi isinasagawa ang anumang mga katotohanan. Ibinibigay ng lahat ng tao sa iba kung ano ang mayroon sila mismo. Ang uri ng tao ang tumutukoy sa landas kung saan nila inaakay ang iba, gayundin ang uri ng mga tao na inaakay nila. Upang maging tunay na akmang kasangkapanin ng Diyos, hindi lamang kayo kailangang magkaroon ng hangarin, kundi kailangan din ninyo ng malaking kaliwanagan mula sa Diyos, patnubay mula sa Kanyang mga salita, karanasang mapakitunguhan Niya, at pagpipino ng Kanyang mga salita. Kung gagawin ninyo itong pundasyon, sa karaniwang mga pagkakataon, dapat kayong magtuon ng pansin sa inyong mga obserbasyon, saloobin, pagbubulay-bulay, at konklusyon, at maging abala sa pagtanggap o pag-aalis nang naaayon dito. Lahat ng ito ay mga landas para sa inyong pagpasok sa realidad, at bawat isa sa mga ito ay lubhang kailangan. Ganito gumagawa ang Diyos. Kung gagamitin mo ang pamamaraang ito ng paggawa ng Diyos, magkakaroon ka ng mga pagkakataon araw-araw na magawa ka Niyang perpekto. At anumang oras, malupit man o kanais-nais ang iyong sitwasyon, sinusubok ka man o tinutukso, gumagawa ka man o hindi, at namumuhay ka man nang mag-isa o bahagi ka ng isang grupo, palagi kang makahahanap ng mga pagkakataon para magawang perpekto ng Diyos, nang hindi pinalalampas ni isa sa mga ito. Magagawa mong tuklasin ang mga ito at sa ganitong paraan, masusumpungan mo ang lihim sa pagdanas ng mga salita ng Diyos.

Sinundan: Ang Isang Taong Nagkakamit ng Kaligtasan ay Yaong Nakahandang Isagawa ang Katotohanan

Sumunod: Tungkol sa Karanasan

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito