15. Alam Ko na Ngayon ang Bagong Pangalan ng Diyos
Naniniwala ako sa Panginoon at dumadalo sa mga pagtitipon kasama ang mga magulang ko mula pa nung maliit ako, kaya sa Kristiyanong paaralan ako nagkolehiyo. Minsan sa klase namin, sinabi ng pastor, “Nakasulat sa kabanata 13, bersikulo 8 ng Mga Hebreo, ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman.’ Ang Panginoong Jesus ang tanging Tagapagligtas. Hindi magbabago ang Kanyang pangalan kailanman. Sa pagtitiwala lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus tayo maliligtas….” Nang marinig ko ito, matibay kong pinaniwalaan na maliligtas lamang tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus, at hindi natin maitatatwa ang Kanyang pangalan kailanman. Sa labas ng klase, Naging aktibo ako sa fellowship, Bible study at mga gospel group. Dinaluhan ko lahat ng sermon o pagtitipon. Kalaunan natuklasan ko na paulit-ulit lang ang sinasabi ng mga pastor at elder. Walang anumang bago, at hindi nabusog ang aking espiritu. Ilang kapatid ang nanlamig na at huminto sa pagpunta sa mga pagtitipon at kaunting tulong o suporta lang ang natanggap nila. May mga napapaidlip habang nasa pulong at may mga nagbebenta ng insurance o paninda pagkatapos ng pulong. Nang makita ko ang sitwasyong ito sa simbahan, nagalit ako at nadismaya. Naisip ko, “Kung walang hangad na umunlad sa espirituwalidad ang isang Kristiyano at laging materyal na bagay at pera lang ang gusto matatawag pa ba siyang Kristiyano? Nakikita ito ng mga pastor at elder, pero wala silang pakialam. Nakaayon ba iyan sa kalooban ng Panginoon? Ganyan ba ang pagsamba sa Diyos?” Dahil hindi ako espirituwal na nabusog sa mga pagtitipon sa matagal na panahon, nanghina ang aking espiritu. Naging abala rin ako sa trabaho, kaya tuluyan na akong hindi nakadalo. Ikinalungkot ko ito, kaya binasa ko ang Biblia sa bahay at nagdasal sa Panginoon, dahil ramdam ko nawalan na ako ng layunin at pag-asa, naligaw at walang magawa.
Pagkatapos noong Oktubre 2017, Nakilala ko sina Sister Li at Sister Wang mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa online. Nakita ko na praktikal at makabuluhan ang pagbabahagi nila ng mga salita ng Panginoon. Matagal na akong naniniwala sa Panginoon at wala pa akong napakinggan na nagbahagi ng Kanyang mga salita nang ganoon kalinaw. Nadama kong ginabayan sila ng Banal na Espiritu. Kaya, madalas ko silang kinausap online.
Medyo nahuli akong maglog-in sa isang pagtitipon, pero pagkalog-in ko, narinig ko agad si Sister Li na nagsasabing, “Ang plano ng pamamahala ng Diyos ay hinati sa tatlong kapanahunan, at gumagawa Siya ng bagong gawain at may bagong pangalan sa bawat kanapahunan. Ginagamit Niya ang Kanyang pangalan para baguhin ang kapanahunan at katawanin ang Kanyang gawain. Sumusulong ang Kanyang gawain at nagbabago ang Kanyang pangalan kasabay ng bagong gawain. Sa Kapanahunan ng Kautusan, Inihayag ng Diyos ang mga batas at kautusan taglay ang pangalang Jehova. Nang tapusin Niya ang Kapanahunan ng Kautusan at gawin ang pagtubos sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi na Jehova ang pangalan Niya, kundi Jesus. Ngayon sa mga huling araw, ang gawain ng Diyos ay susulong na muli, at gagawin niya ang gawain ng paghatol simula sa bahay ng Diyos batay sa gawain ng pagtubos ni Jesus. Tinapos Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at sinimulan ang Kapanahunan ng Kaharian, at kasamang nabago rito ang Kanyang pangalan. Hindi na Jesus, kundi Makapangyarihang Diyos.” Nang marinig kong sinabi niya na nabago ang pangalan ng Diyos, naisip ko, “Imposible ’yan. Malinaw na sinabi ng Biblia, ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13:8). Ang pangalan ng Panginoong Jesus ay ’di kailanman mababago, pero sinasabi mo na nagbago na ngayon ang pangalan ng Diyos? Kung hindi tayo tumatawag kay Jesus kapag nagdarasal at sa halip ay sa Makapangyarihang Diyos, nakaayon ba iyan sa Biblia?” Ipinaliwanag ito sa akin ni Sister Li sa isang analohiya: “Sister Zhao, kung ikaw ang ginawa ng kumpanya ninyo na head sa pagpaplano sa buong taon, tapos ay ginawa kang manager nang isang taon, at tapos ay ginawa kang director, mababago na ang titulo mo ayon sa mga pangangailangan sa trabaho mo. Kapag nagbago ang trabaho mo, nagbabago rin ang titulo mo. Dati, ang tawag sa iyo ng mga tao ay head of planning o manager. pero ngayon tatawagin ka na nilang director. Maaaring tawagin ka nila sa iba’t ibang titulo, pero mababago ka rin ba? Hindi ba’t ikaw pa rin ikaw? Ganyan ang pagbabago ng Diyos ng pangalan sa bawat kapanahunan, Magkakaiba ang gawain ng Diyos at nagbabago ang Kanyang pangalan, ngunit Siya ay iisang Diyos pa rin”. Nagsimula nang maging malinaw sa akin ang lahat. Pero nung naisip ko ang pagbabago ng pangalan ni Jesus, hindi ko matanggap. Naisip ko, “Wala akong pakialam sa sinasabi n’yo, ang pangalan pa rin ng Panginoong Jesus ang gusto ko. Hindi n’yo ako basta makukumbinsi.” Bin-lock ko online si Sister Li pagkatapos ng pagtitipon.
Pero nung sumunod na gabi. dalawang sister ang pumunta sa akin para iparangaral ang ebanghelyo ng Makapangyarihang Diyos ng mga huling araw. Para sa akin, hindi dapat palitan ang pangalan ni Jesus, kaya medyo mabigat ang loob ko sa kanila. ayokong marinig ang anumang sasabihin nila. Nang papaalis na sila, sinabi nila, “Sister, Sabi ng Panginoong, ‘Magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan’ (Mateo 7:7). Hindi namin alam kung bakit ayaw mo itong tanggapin, pero nasiyasat mo na ba talaga ito?” Pagkaalis nila, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi nila. Hindi ako mapakali. Inisip ko ang mga narinig ko sa Ang iglesia ng Makapangyarihang Diyos at kung paano nabusog ang aking espiritu. Alam kong ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos na binasa nila ang katotohanan at ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Kung naghahanap ako ng katotohanan bakit ko sila tinatanggihan? Naaalala ko ang ibinahagi ni Sister Li sa isang pagtitipon, “Naririnig ng mga tupa ng Diyos ang Kanyang tinig. Kung gusto nating salubungin ang pagbalik ng Panginoon, dapat matutuhan nating dinggin ang Kanyang tinig. Sinunod ng matatalinong dalaga ang Panginoon dahil natutuhan nilang dinggin ang Kanyang tinig Tulad din ito ni Pedro sa Kapanahunan ng Biyaya. Di ba’t sinunod niya ang Panginoon dahil narinig Niya ang Kanyang tinig at nakilala ang tinig ng Diyos?” Nang matanto ko ito, nagmamadali kong kinuha ang aking Biblia at binuklat sa Aklat ng Pahayag kabanata 3, bersikulo 20–22, kung saan sinasabi, “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko. … Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia.” Pinagnilayan ko ang dalawang bersikulong ito. Sinabi ng Panginoon na mangungusap ang Banal na Espiritu sa mga huling araw, at dapat tayong makinig sa Kanyang mga salita. Mapalad akong marinig na nagbalik na ang Panginoon, kaya bakit tinutulutan kong pigilin ako ng sarili kong pagkaunawa at magbingi-bingihan sa anumang hindi ko maunawaan? “Kung hindi ko maunawaan ngayon ang pagbabago ng pangalan ng Diyos,” naisip ko, “dapat siyasatin at unawain ko muna ito, bago ako magpasiya kung ano ang gagawin.” Binasa ko ito sa Mateo kabanata 7, bersikulo 7: “Magsihingi kayo, at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’y mangakasusumpong; magsituktok kayo, at kayo’y pagbubuksan.” Naisip ko, “Kung talagang nagbalik ang Panginoon at kumakatok sa pintuan ko at hinayaan kong mabulag at mabingi ako ng pagkaunawa ko kaya wala akong makita o marinig at hindi ko binuksan ang pinto, tatalikdan ba ako ng Panginoon?” Hindi ako makatulog nang gabing iyon. Hindi ako mapalagay dahil tinanggihan ko ang ebanghelyo. Ang tanong ko, “Nagkamali ba ako? Ang Makapangyarihang Diyos ba talaga ang nagbalik na Panginoong Jesus?” Habang nasasaisip ito, nagdasal ako sa Panginoon, humiling na gabayan at liwanagin Niya ako.
Pagkatapos, pinuntahan ko ang official website ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, na Ebanghelyo ng Pagbaba ng Kaharian. Pagkatapos ay nagbasa ako ng sipi tungkol sa mga pangalan ng Diyos: “Sabi ng ilan, ang pangalan ng Diyos ay hindi nagbabago. Kung gayon, bakit naging Jesus ang pangalan ni Jehova? Ipinropesiya na darating ang Mesiyas, kaya bakit dumating ang isang taong nagngangalang Jesus? Bakit nagbago ang pangalan ng Diyos? Hindi ba matagal nang isinagawa ang gawaing iyon? Maaari bang hindi makagawa ang Diyos ng mas bagong gawain ngayon? Ang gawain ng kahapon ay maaaring baguhin, at ang gawain ni Jesus ay maaaring sumunod mula roon kay Jehova. Kung gayon, hindi ba maaaring sundan ng ibang gawain ang gawain ni Jesus? Kung ang pangalan ni Jehova ay maaaring palitan ng Jesus, hindi ba maaaring palitan din ang pangalan ni Jesus? Walang kakaiba rito; kaya lang napakakitid ng isipan ng mga tao. Ang Diyos ay palaging magiging Diyos. Paano man magbago ang Kanyang gawain, at paano man maaaring magbago ang Kanyang pangalan, hindi magbabago ang Kanyang disposisyon at karunungan kailanman. Kung naniniwala ka na ang Diyos ay maaari lamang tawagin sa pangalang Jesus, napakalimitado ng iyong kaalaman” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?). Medyo naantig ako matapos basahin ito. Inisip ko kung paaanong ang pangalan ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan ay Jehova at sa pangalang ito inakay ng Diyos ang mga Israrelita. Gayunman, nang dumating ang Panginoong Jesus para gawin ang Kanyang gawain, hindi ba’t pinalitan ng Jesus ang pangalan ng Diyos mula sa dating Jehova? Ang tanong ko, “Ano ang dahilan nito? Talaga bang may bagong pangalan ang Panginoon sa mga huling araw? Kung ang Makapangyarihang Diyos ay ang nagpakita na Panginoong Jesus at hindi ko siniyasat o inalam ito, kung nawala ko ang pagkakataong salubungin ang Panginoon, isa akong hangal!” Kaya nagpasiya ako agad na siyasatin ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Kinontak ko online si Brother Chen mula sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos. Sa isang pagtitipon, sinabi ko sa kanya na nalilito ako. Sabi ko, “Sabi sa Biblia: ‘Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman’ (Mga Hebreo 13:8). Ang pangalan ni Jesus ay di mababago. Kung darating Siya ngayon, tatawagin pa rin Siyang Jesus. Paano magiging Makapangyarihang Diyos ang pangalan niya? Lagi akong nadarasal at tumatawag sa pangalan ng Panginoong Jesus, kaya paano ako magdadasal sa ibang pangalan?” Pagkatapos ay pinadalhan ako ni Brother Chen ng dalawang sipi ng mga salita ng Diyos: “Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay hindi nagbabago. Ito ay tama, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nagbabagong diwa at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang diwa ay nagbago; sa madaling salita, ang Diyos ay palaging magiging Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano ng pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi nagbabago ang Diyos magpakailanman, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, magagawa ba Niyang akayin ang sangkatauhan hanggang sa kasalukuyang panahon? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit nagawa na Niya ang gawain sa dalawang kapanahunan? … At dahil dito, ang mga salitang ‘Ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma’ ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang ‘Ang Diyos ay hindi nagbabago’ ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon ang Diyos at kung ano Siya. Anupaman, hindi mo maaaring ibatay ang anim na libong taong gawain sa iisang punto, o limitahan ito gamit ang mga patay na salita. Ganito ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi kasingpayak ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatagal sa isang kapanahunan lamang. Ang pangalang Jehova, halimbawa, ay hindi maaaring laging kumatawan sa pangalan ng Diyos; maaari ding gawin ng Diyos ang Kanyang gawain sa pangalan na Jesus. Isa itong tanda na ang gawain ng Diyos ay laging kumikilos nang pasulong” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3).
Matapos magbasa, ibinahagi ito ni Brother Chen: “Ang mga salitang ‘ang Diyos ay hindi mababago’ ay tumutukoy sa disposisyon at diwa ng Diyos. Hindi ibig sabihin niyan hindi na mababago ang pangalan ng Diyos kailanman. Ang Diyos ay laging bago at hindi naluluma, Ang Kanyang gawain ay laging sumusulong, at ang Kanyang pangalan ay kasabay na nagbabago ng Kanyang gawain. Ngunit mabago man ang pangalan ng Diyos. Hindi kailanman mababago ang Kanyang disposisyon at Ang Diyos ay Diyos magpakailanman, at ito ang hindi magbabago. Kung hindi natin nauunawaan ang tinutukoy ng ‘di-mababago ang Diyos’, o nauunawaan na ang gawain ng Diyos ay palaging bago at hindi kailanman naluluma, nililimitahan natin ang gawain ng Diyos ayon sa ating pagkaunawa at nilalabanan at hinuhusgahan pa ang Diyos. Ang mga Fariseo ay kumapit sa Banal na Kasulatan, at naghintay sa Mesias, Ngunit nang dumating ang Panginoon, ang pangalan Niya ay hindi Mesias, kundi Jesus, kaya kanilang itinatwa at kinundena Siya. Bagama’t alam Nila ang Kanyang mga salita at gawain at may awtoridad at kapangyarihan, hindi nila siniyasat ito, kundi sinalungat at kinundena pa. Sa huli, nakipagsabwatan sila sa mga taga Roma para maipako si Jesus sa krus, at gumawa ng kahila-hilakbot na kasamaan. Kung kakapit tayo sa Bilia ngayon, at maniniwalang hindi mababago ang pangalan ni Jesus at na Siya lamang ang Tagapagligtas, at itatatwa at kukundenahin ang gawain ng Makapangyarihang sag Diyos, Di ba’t para na rin tayong mga fariseo niyan? Malamang na labanan natin ang Diyos at magkasala sa Kanyang disposisyon.”
Naunawaan ko na kapag sinabi sa Biblia, “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman.” tinutukoy lamang nito ang disposisyon at diwa ng Diyos, at hindi nangangahulugang hindi na magbabago ang pangalan ng Diyos kailanpaman. Nakita ko na ang mga sermon ng pastor ay batay sa kanilang sariling pagkaunawa at imahinasyon, at hindi rin talaga nila nauunawaan ang Biblia.
Pagkatapos ay binasa sa akin ni Brother Chen ang dalawang sipi mula sa mga salita ng Diyos: “Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya gagawin ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya mananatili sa dati? Ang pangalan na Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya tatawagin pa rin ba Siya sa parehong pangalan pagbalik Niya sa mga huling araw? Gagawin pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lamang si Jehova at si Jesus, subalit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba’t ito ay sa kadahilanang magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos, sa Kanyang kabuuan, ang iisang pangalan lamang? Dahil dito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, at nararapat Niyang gamitin ang pangalang ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang kapanahunan. Dahil walang anumang pangalan ang maaaring ganap na kumatawan sa Diyos Mismo, at ang bawat pangalan ay maaari lamang kumatawan sa pansamantalang aspeto ng disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan; ang kailangan lang nitong gawin ay kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3). “‘Jehova’ ang pangalang ginamit Ko noong panahon ng Aking gawain sa Israel, at ang ibig sabihin nito ay ang Diyos ng mga Israelita (mga taong hinirang ng Diyos) na maaaring maawa sa tao, sumpain ang tao, at gabayan ang buhay ng tao; ang Diyos na nagtataglay ng dakilang kapangyarihan at puspos ng karunungan. Si ‘Jesus’ ay si Emmanuel, na ang ibig sabihin ay ang handog dahil sa kasalanan na puspos ng pagmamahal, puspos ng habag, at tumutubos sa tao. Ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, at kumakatawan Siya sa Kapanahunan ng Biyaya, at maaari lamang Niyang katawanin ang isang bahagi ng gawain ng plano ng pamamahala. … Ang pangalan ni Jesus ay umiral upang tulutan ang mga tao sa Kapanahunan ng Biyaya na muling maisilang at maligtas, at isang partikular na pangalan para sa pagtubos sa buong sangkatauhan. Sa gayon, ang pangalang Jesus ay kumakatawan sa gawain ng pagtubos, at ipinahihiwatig ang Kapanahunan ng Biyaya. Ang pangalang Jehova ay isang partikular na pangalan para sa mga tao ng Israel na namuhay sa ilalim ng kautusan. Sa bawat kapanahunan at bawat yugto ng gawain, ang Aking pangalan ay hindi walang batayan, kundi may kinakatawang kabuluhan: Bawat pangalan ay kumakatawan sa isang kapanahunan. Ang ‘Jehova’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Kautusan at ito ang pamimitagan na ipinantawag ng mga tao ng Israel sa Diyos na kanilang sinamba. Ang ‘Jesus’ ay kumakatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ito ang pangalan ng Diyos ng lahat ng tinubos noong Kapanahunan ng Biyaya. Kung nananabik pa rin ang tao sa pagdating ni Jesus na Tagapagligtas sa mga huling araw, at inaasahan pa rin na darating Siya sa imaheng Kanyang tinaglay sa Judea, tumigil na sana ang buong anim-na-libong-taong plano ng pamamahala sa Kapanahunan ng Pagtubos, at hindi na susulong pa. Ang mga huling araw, bukod diyan, ay hindi sana darating, at hindi sana nawakasan ang kapanahunan kailanman. Iyon ay dahil si Jesus na Tagapagligtas ay para lamang sa pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan. Ginamit Ko ang pangalang Jesus para lamang sa kapakanan ng lahat ng makasalanan sa Kapanahunan ng Biyaya, at hindi ito ang pangalang gagamitin Ko upang wakasan ang buong sangkatauhan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).
Pagkatapos ay ibinahagi ito ni Brother Chen: “Ang plano ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong kapanahunan. Ginagawa Niya ang isang yugto ng gawain at inihahayag ang isang bahagi ng Kanyang disposisyon sa bawat panahon. Ang pangalan na ginagamit Niya sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang gawain at disposisyon sa kapanahunang iyan, ngunit hindi nito maikakatawan ang kabuuan ng Diyos. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang pangalan ng Diyos ay Jehova. Kinatawan ng pangalang ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan gayundin ang maringal, puno ng galit, maawain at mga mapanumpang aspeto ng Kanyang disposisyon. Ginamit ng Diyos ang pangalang Jehova upang ipahayag ang mga batas at kautusan at gabayan ang buhay ng mga tao sa mundo. Disiplinado ang mga tao at alam ng lahat kung paano sambahin ang Diyos. Ngunit sa katapusan ng kapanahunang iyan, ang mga tao ay lalo pang ginawang tiwali ni Satanas, at hindi na makasunod sa mga batas at kautusan. Lahat ay nanganib na maparusahan at mapatay. Upang iligtas ang tao mula sa mga batas, ang Diyos ay naging laman at ginawa ang gawain ng pagtubos sa pangalang Jesus, na nagpasimula sa Kapanahunan ng Biyaya at nagtapos sa Kapanahunan ng Kautusan. Ibinigay ng Panginoong Jesus ang pagkakataong magsisi, nagpagaling ng mga maysakit at nagtaboy ng mga demonyo, at nagpatawad ng mga kasalanan. Inihayag din Niya ang maawain at mapagmahal na disposisyon ng Diyos, at sa huli Siya ay ipinako sa Krus at ang gawaing tubusin ang sangkatauhan ay natapos na. Lahat ng tumatanggap kay Jesus bilang kanilang Tagapagligtas, na nagdarasal sa Kanyang pangalan, at nagtatapat at nagsisisi, ay mapapatawad sa kanilang mga kasalanan at matatamo ang kapayapaan at galak na ipinagkaloob ng Panginoon. Dahil ginawa ni Jesus ang gawain ng pagtubos, hindi ang paghatol at paglinis sa sangkatauhan sa mga huling araw, at kahit napatawad tayo sa ating mga kasalanan dahil sa ating pananampalataya, nananatili pa rin tayong makasalanan. Paulit-ulit pa rin tayong nagkakasala at nagtatapat. Nagsisinungaling at nanlilinlang pa rin tayo Hangad natin ay materyal na bagay, tayo’y mainggitin at magagalitin, at iba pa., Bihag na tayo ng kasalanan, at hindi makatakas. Kaya, upang maligtas tayo mula sa mga gapos ng kasalanan at malinis tayo at maging marapat na makapasok sa Kanyang kaharian Ang Diyos ay muling naging laman sa mga huling araw upang humatol at maglinis. Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Kaharian at tinapos ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kanyang bagong pangalan ay Makapangyarihang Diyos. Katuparan ito ng mga propesiya sa Pahayag: ‘Ako ang Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, ngayon at nang nakaraan at sa darating, ang Makapangyarihan sa lahat’ (Pahayag 1:8). ‘Ang magtagumpay, ay gagawin Kong haligi sa templo ng Aking Diyos, at hindi na siya lalabas pa doon: at isusulat Ko sa kanya ang pangalan ng Aking Diyos, at ang pangalan ng bayan ng Aking Diyos, ang bagong Jerusalem, na mananaog buhat sa langit mula sa Aking Diyos, at ang Aking sariling bagong pangalan’ (Pahayag 3:12).”
Namulat ako at nakitang binabago ng Panginoon ang Kanyang pangalan sa mga huling araw! Kung nabasa ko na ito noon, bakit hindi ko naunawaan? Malinaw na ipinropesiya nito na magkakaroon ng bagong pangalan ang Panginoon—Ang Makapangyarihan—kapag dumating Siyang muli sa mga huling araw. Pero ang alam ko noon pa man na “Si Jesucristo ay Siya ring kahapon at ngayon, at magpakailanman” (Mga Hebreo 13:8), at naniwala ako na hindi magbabago ang pangalan ni Jesus. Tinanggihan at sinalungat ko ang gawain ng Diyos sa mga huling araw. Napakamangmang ko! Alam ko na ngayon na binabago ng Diyos ang Kanyang pangalan sa tuwing magsisimula Siya ng bagong gawain at ginagamit Niya ito upang baguhin ang kapanahunan at katawanin ang Kanyang gawain at disposisyon sa kapanahunang iyon. Natanto ko na mahalaga ang pangalang taglay ng Diyos sa bawat kapanahunan. Kung nanatili ang pagkaunawa ko na hindi mababago ang pangalan ng Diyos at darating bilang si Jesus sa mga huling araw, paano susulong ang gawain ng Diyos? Mananatili na lang itong Kapanahunan ng Biyaya, di ba? Nang matanto ko ito, Wala na akong pagdududa sa bagong pangalan ng Diyos sa mga huling araw—Makapangyarihang Diyos.
Pagkatapos ay binasa sa akin ni Brother Chen ang mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Minsan na Akong nakilala bilang Jehova. Tinawag din Akong ang Mesiyas, at tinawag Akong minsan ng mga tao na Jesus na Tagapagligtas nang may pagmamahal at paggalang. Gayunman, ngayon ay hindi na Ako ang Jehova o Jesus na nakilala ng mga tao noong araw; Ako ang Diyos na bumalik na sa mga huling araw, ang Diyos na magbibigay-wakas sa kapanahunan. Ako ang Diyos Mismo na nagbabangon mula sa dulo ng daigdig, puno ng Aking buong disposisyon, at puspos ng awtoridad, karangalan, at kaluwalhatian. Hindi nakipag-ugnayan sa Akin ang mga tao kailanman, hindi Ako nakilala kailanman, at palagi nang walang-alam tungkol sa Aking disposisyon. Mula sa paglikha ng mundo hanggang ngayon, wala ni isa mang tao na nakakita sa Akin. Ito ang Diyos na nagpapakita sa tao sa mga huling araw ngunit nakatago sa tao. Nananahan Siya sa piling ng tao, tunay at totoo, tulad ng nagniningas na araw at naglalagablab na apoy, puspos ng kapangyarihan at nag-uumapaw sa awtoridad. Wala ni isa mang tao o bagay na hindi hahatulan ng Aking mga salita, at wala ni isa mang tao o bagay na hindi padadalisayin sa pamamagitan ng pagliliyab ng apoy. Sa huli, lahat ng bansa ay pagpapalain dahil sa Aking mga salita, at dudurugin din nang pira-piraso dahil sa Aking mga salita. Sa ganitong paraan, makikita ng lahat ng tao sa mga huling araw na Ako ang Tagapagligtas na nagbalik, at na Ako ang Makapangyarihang Diyos na lumulupig sa buong sangkatauhan. At makikita ng lahat na minsan na Akong naging handog dahil sa kasalanan para sa tao, ngunit na sa mga huling araw ay nagiging mga ningas din Ako ng araw na tumutupok sa lahat ng bagay, gayundin ang Araw ng katuwiran na nagbubunyag sa lahat ng bagay. Ito ang Aking gawain sa mga huling araw. Ginamit Ko ang pangalang ito at taglay Ko ang disposisyong ito upang makita ng lahat ng tao na Ako ay isang matuwid na Diyos, ang nagliliyab na araw, ang nagniningas na apoy, at upang lahat ay sambahin Ako, ang iisang tunay na Diyos, at upang makita nila ang Aking tunay na mukha: Hindi lamang Ako ang Diyos ng mga Israelita, at hindi lamang Ako ang Manunubos; Ako ang Diyos ng lahat ng nilalang sa buong kalangitan at sa lupa at sa karagatan” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Nakabalik Na ang Tagapagligtas Sakay ng Isang “Puting Ulap”).
Pagkatapos ay ibinahagi ito ni Brother Chen: “Sa mga huling araw, pinasimulan ng Makapangyarihang Diyos ang gawain ng paghatol sa Kapanahunan ng Kaharian at inihahayag ang lahat ng katotohanang kailangan para malinis at maligtas ang sangkatauhan. Inihahayag Niya ang mga misteryo ng pamamahala ng Diyos upang iligtas ang tao, at ang pagtiwali ni Satanas sa sangkatauhan at ang ugat ng pagkakasala at pagsalungat ng tao laban sa Diyos. Hinahatulan Niya ang pagiging suwail at masama ng sangkatauhan, at ipinapakita ng Kanyang mga salita kung paano mababago ng tao ang kanilang disposisyon. Lahat ng tumatanggap sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at sumasailalim sa paghatol, pagkastigo, pagsubok, at pagdalisay ng mga salita Niya, yaong iwinaksi ang kasalanan at nalinis, ay makakaligtas sa mga kalamidad. Aakayayin sila ng Diyos sa Kanyang kaharian upang matamasa nila ang Kanyang mga pagpapala at pangako. Yaong masasama, anticristo at di-nananmpalataya na tumatanggi sa gawain ng Makapangyarihang Diyos, at nilalabanan, kinukundena, nilalapastangan, at sinisiraang-puri Siya ay mananangis at magngangalit ang mga ngipin sa malalaking kalamidad, at lilipulin ng Diyos. Tinaglay ng Diyos ang pangalang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw upang magpakita sa tao na taglay ang Kanyang matuwid na disposisyon na hindi nangungunsinti ng kasalanan upang linisin at iligtas ang tao, at alisin sa atin ang ating tiwaling disposisyon at akayin tayo sa kaharian ng Diyos. Pinagbubukod-bukod din ng Diyos ang bawat isa ayon sa kanilang uri at winawakasan ang masamang kapanahunang ito, at kinukumpleto ang Kanyang 6,000-taong pamamahala at pagliligtas sa tao. Ito’y upang ipakita rin sa lahat na Hindi lang gumagawa ang Diyos ng panuntunan, kundi nangungusap at kumikilos din Siya upang gabayan ang tao. Maaari Siyang ihandog dahil sa kasalanan ng tao, at Kanyang malilinis at mapapasakdal sila. Ang Diyos ang Una at ang Huli. Walang makauunawa ng Kanyang kahanga-gawang mga gawa, pagiging makapangyarihan o karununungan. Ito ang kahalagahan ng pagtataglay Niya ng pangalang Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian. Lahat ng tumatanggap ng gawain ng Diyos, nagdarasal sa pangalan Niya at nagbabasa ng Kanyang mga salita ay magtatamo ng gawain ng Banal na Espiritu at ang panustos ng tubig na buhay. Subalit ang kapanglawan sa mga iglesia ng Kapanahunan ng Biyaya ay hindi pa nangyari noon. Nanlamig ang mga mananampalataya, walang masabi ang mga mangangaral, at walang naaantig sa panalangin Dumarami ang naaakit sa mga materyal na bagay. Hindi nila sinundan ang mga yapak ng Cordero, hindi nila tinanggap ang paghatol ng Makapangyarihang Diyos, kaya hindi nila matatamo ang panustos ng tubig na buhay. Sa kadiliman sila masasadlak at walang matatakbuhan.”
Ipinakita sa akin ng ibinahagi ni Brother Chen na ang Makapangyarihang Diyos, si Jehova, at si Jesus ay iisang Diyos. Iba-iba ang pangalan ng Diyos para sa gawain sa iba’t ibang kapanahunan, Paano man nabago ang Kanyang pangalan, hindi nagbabago ang kanyang pagkakilalanlan at diwa. Ang Diyos ay Diyos. Ang pangalan ng Diyos sa bawat kapanahunan ay mahalaga. Ang pagtataglay ng Diyos ng pangalang Makapangyarihang Diyos sa Kapanahunan ng Kaharian at paghatol simula sa bahay ng Diyos ay mahalaga para maging malaya tayo sa kasalanan at maligtas ng Diyos! Naisip ko kung bakit ’di nabusog ang aking espiritu sa mga pagtitipon at sermon nang maraming taon. Nanghina ang pananampalataya ng mga kapatid, at walang masabi ang mga mangangaral. Iyon ay dahil lumayo na ang Banal na Espiritu. Hindi tayo sumusunod sa mga yapak ng Cordero, di napalakas ng mga salita ng Diyos ngayon, kaya sa kadiliman tayo nasadlak. Nang sandaling iyon, natiyak ko na ang Makapangyarihang Diyos ay ang panginoong Jesus na nagbalik at tinanggap ko na ang Makapangyarihang Diyos. Mula noon, nagdasal na ako sa pangalan ng Makapangyarihang Diyos at binasa ang Kanyang mga salita araw-araw. Ako’y nadiligan ng Kanyang tubig na buhay at nagpakabusog sa piging ng Cordero. Salamat sa Makapangyarihang Diyos!