656 Ang Pasakit ng mga Pagsubok ay Pagpapala ng Diyos
I
Huwag masiraan ng loob, huwag manghina,
at gagawing malinaw ng Diyos
ang mga bagay-bagay para sa iyo.
Ang daan tungo sa kaharian ay ‘di gaanong patag;
walang gano’n kasimple!
Nais mong madaling dumating sa ‘yo
ang mga pagpapala, ‘di ba?
Ngayon, lahat ay haharap
sa mapapait na pagsubok.
Kung wala’ng mga gan’tong pagsubok,
puso n’yong nagmamahal sa Diyos, ‘di titibay
at ‘di kayo magkakaro’n
ng tunay na pag-ibig sa Kanya.
Kahit mga pagsubok na ‘to’y
binubuo lamang ng maliliit na pangyayari,
dapat lahat ay dumaan sa mga iyon;
ang antas ng kahirapan ng mga pagsubok
ay mag-iiba sa bawat tao.
Ito’y biyaya ng Diyos,
at ilan ba sa inyo’ng
humihingi ng pagpapala Niya?
Lagi n’yong iniisip na ang ilang mabubuting salita’y
pagpapala ng Diyos,
ngunit, ‘di ni’yo kinikilala’ng
kapaitan bilang Kanyang pagpapala.
II
Yaong nakikibahagi sa kapaitan ng Diyos
tiyak makikibahagi sa Kanyang katamisan.
Iyan ang pangako ng Diyos
at pagpapala Niya sa inyo.
Huwag mag-atubiling kaini’t inumin
at tamasahin ang salita ng Diyos.
Paglipas ng dilim, liwanag ay dumarating.
Pinakamadilim bago magbukang-liwayway;
tapos unti-unting nagliliwanag ang kalangita’t
araw ay sumisikat. Huwag matakot o mahiya.
Ang masunuri’t nagpapasakop
ay tatanggap ng mga dakilang pagpapala.
Sa iglesia, manindigan sa inyong patotoo,
itaguyod ang katotohanan;
ang tama ay tama, at ang mali ay mali.
Huwag malito sa itim at puti.
Dapat lumaban kay Satanas
at dapat lubusan ninyong magapi ito
upang ito’y ‘di na babangong muli.
Dapat lumaban kay Satanas
at dapat lubusan ninyong magapi ito
upang ito’y ‘di na babangong muli.
III
Dapat ninyong ibigay ang lahat
maprotektahan lang ang patotoo ng Diyos.
Ito’ng dapat na layon ng mga kilos niyo—
huwag kalimutan ito.
Ngunit ngayon, kayo’y kulang
sa pananampalataya’t
kakayahang makita’ng pagkakaiba
ng mga bagay-bagay
at ‘di maunawaan ang
mga salita’t layunin ng Diyos.
Pero, huwag mag-alala;
lahat ay nagpapatuloy
ayon sa mga hakbangin ng Diyos.
Gumugol ng higit na panahon
sa harapan ng Diyos,
huwag bigyang-halaga’ng pagkai’t kasuotan.
Madalas na hanapin ang mga layunin ng Diyos,
at malinaw Niyang ipakikita sa iyo
kung ano ang mga iyon.
Unti-unti mong masusumpungan
ang mga layunin ng Diyos sa lahat ng bagay,
kaya makagagawa Siya sa lahat
nang walang hadlang.
Ito’y magbibigay-kasiyahan sa Kanyang puso,
at kalooban Niya’y matutupad.
Ito’y magbibigay-kasiyahan sa Kanyang puso,
at kalooban Niya’y matutupad.
Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pagbigkas ni Cristo sa Pasimula, Kabanata 41