993 Dapat Ninyong Pahalagahan ang Araw ng Kaluwalhatian ng Diyos

I

‘Di pinahahalagahan ng tao’ng

pagdating ng Diyos,

ni itinatangi ang araw ng Kanyang l’walhati.

‘Di ‘kinagagalak

na tanggapin Kanyang pagkastigo,

lalong ‘di nila handang

ibalik sa Kanya ang luwalhati.

Ang lason ng masama

ay hindi nila handang iwaksi.


Ang Diyos ay tinatangkang dayain ng tao,

taglay ang masasayang mukha’t

ngiti tulad ng dati,

wala silang malay

sa lalim ng dalamhating sasapit

‘pag lumisan sa kanila ang luwalhati ng Diyos.


Wala silang malay

‘pag sumapit ang araw ng Diyos,

mas magiging mahirap ito sa kanila

kaysa sa panahon ni Noe.


‘Di nila alam gaano dumilim ang Israel

nang lumisan dito ang luwalhati ng Diyos.

Sa bukang-liwayway, malilimutan ng tao

kung gaano kahirap lagpasan ang gabi.

Pagkanlong muli ng araw at pagbalik ng dilim,

sila’y muling mananaghoy,

mga ngipi’y magngangalit sa karimlan.


II

Nalimot niyo ba

nang lumisan luwalhati ng Diyos sa Israel,

kung gaano nagtiis ang mga Israelita?

Panahon na

upang makita kaluwalhatian ng Diyos,

panahon na upang ibahagi

ang araw ng Kanyang luwalhati.


Mananaghoy ang tao sa dilim

‘pag nilisan ng luwalhati ng Diyos

ang maruming lupain.

Ngayon ang araw

ng luwalhati at gawain ng Diyos,

ito rin ang araw na walang pagdurusa ang tao,

dahil hindi Niya ibabahagi

ang panahon ng hirap at dusa sa kanila.

Nais lamang Niyang

ganap na lupigin ang sangkatauhan

at ganap na talunin

ang masama sa sangkatauhan.


‘Di nila alam gaano dumilim ang Israel

nang lumisan dito ang luwalhati ng Diyos.

Sa bukang-liwayway, malilimutan ng tao

kung gaano kahirap lagpasan ang gabi.

Pagkanlong muli ng araw at pagbalik ng dilim,

sila’y muling mananaghoy,

mga ngipi’y magngangalit sa karimlan.


Hango sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Kahulugan ng Maging Isang Tunay na Tao

Sinundan: 992 Ang Tatlong Babala ng Diyos sa Tao

Sumunod: 994 Inaakay ng Diyos ang mga Tao sa Tamang Landas ng Buhay

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito