Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Nilalaman

Tatlong Babala

Bilang isang mananampalataya ng Diyos, nararapat kayong maging tapat lamang sa Kanya at ihanay ang iyong puso sa Kanya sa lahat ng mga bagay. Gayunman, kahit naiintindihan ng lahat ang doktrinang ito, hindi sapat kumatawan ang mga ito maging gaano man ito kalinaw at naging batayan ng katotohanan para sa tao, dahil sa kanilang mga paghihirap, gaya ng kamangmangan, kahangalan, at katiwalian. Samakatuwid, bago matukoy ang inyong katapusan, nararapat lamang na sabihin ko ang ilang mga bagay na lubhang napakahalaga para sa inyo. Bago ako magpatuloy, kailangang maintindihan ninyo muna ang mga ito: Ang mga sasabihin ko ay ang mga katotohanang nakatuon sa buong sangkatauhan, hindi lamang sa partikular na tao o klase ng tao. Samakatuwid, pagtuunan lamang ng pansin ang pagtanggap ng Aking mga salita sa makatotohanang pananaw, at panatilihin ang ugali ng konsentrasyon at katapatan. Huwag balewalain ang alinman sa mga salita at katotohanang Aking sasabihin, at huwag isaalang-alang ang Aking mga salita nang may panghahamak. Sa inyong buhay nakikita kong karamihan sa inyong mga ginagawa ay walang kaugnayan sa katotohanan, samakatwid Hinihiling ko na kayo ay maging tagapaglingkod sa katotohanan at huwag maging alipin ng kasamaan at kapangitan. Huwag apakan ang katotohanan o dungisan ang alinmang sulok ng tahanan ng Diyos. Ito ang Aking babala para sa inyo. Ngayon sisimulan ko ng magsalita tungkol sa paksang dapat talakayin:

Una sa lahat, para sa kapakanan ng inyong kapalaran, kailangan ninyong pagsikapan na kayo ay aprobado ng Diyos. Ibig sabihin, Dahil tanggap ninyo na kayo ay kabilang sa tahanan ng Diyos, nararapat ninyong dalhin ang kapayapaan ng isip at kasiyahan sa Diyos sa lahat ng bagay. Sa ibang salita, dapat may prinsipyo ang inyong mga ikinikilos at sumusunod sa katotohanan. Kung hindi ito abot ng iyong abilidad, tatanggihan at kamumuhian ka kung ganon ng Diyos at hahamakin ng lahat. Habang nasa ganitong kalagayan ka, hindi ka maaaring mapabilang sa tahanan ng Diyos. Ito ang pakiramdam kapag hindi kinikilala ng Diyos.

Pangalawa, kailangan ninyong malaman na gusto ng Diyos ang matapat na tao. Ang Diyos ay may pamantayan ng katapatan, kaya ang Kanyang salita ay palaging mapagkakatiwalaan. At saka, ang Kanyang mga pagkilos ay walang mali at hindi mapag-aalinlanganan. Ito ang dahilan kung bakit gusto ng Diyos ang mga lubos na matapat sa Kanya. Ang ibig-sabihin ng katapatan ay ang ibigay ang inyong puso sa Diyos; hindi kailanman pinalalabas na Siya ay huwad sa anumang bagay; maging bukas sa Kanya sa lahat ng mga bagay, hindi kailanman itatago ang katotohanan; hindi kailanman gagawa ng bagay na mapanlinlang sa mga nakatataas at mandaraya ng mga nasa ibaba; at hindi kailanman gagawa ng isang gawain upang magpa-awa lamang sa Diyos. Sa madaling salita, ang pagiging matapat ay ang pagpigil ng karumihan sa inyong mga kilos at salita, ang hindi manlinlang ng Diyos o tao. Ang sinasabi ko ay simple ngunit lubhang mahirap para sa inyo. Karamihan ay mas nanaising maparusahan sa impiyerno kaysa magsalita at kumilos nang buong katapatan. Ang iba ay napapaisip na may iba akong binabalak para sa mga hindi mapagkakatiwalaan. Syempre, naiintindihan ko ang napakalaking paghihirap na dinaranas ng pagiging isang matapat na tao. Matatalino kayong lahat at sanay nang manghusga ng kapwa mula sa inyong pananaw kung kaya’t mas napadali nito ang Aking gawain. Dahil ang bawat isa sa inyo ay nagtatago ng lihim sa inyong mga puso, kung gayon, ipadadala ko ang bawat isa sa inyo sa kapahamakan upang dumaan sa isang “pagsubok” sa pamamagitan ng apoy, upang pagkatapos nito ay lubos nang nakatuon ang inyong paniniwala sa Aking mga salita. Sa huli, ipipilit ko ang mga salitang “Ang Diyos ay Diyos ng katapatan” sa iyong bibig, at inyong hahampasin ang inyong mga dibdib at sabay taghoy ng “palihis yaong puso ng tao.” Ano ang magiging lagay ng inyong isipan? Pakiwari ko’y hindi kayo magpapadala sa makasariling pamamaraan kagaya ninyo ngayon. At lalong hindi kayo “lubhang napakalalim upang maunawaan” kagaya ninyo ngayon. Ang iba ay mahinhin kung kumilos at partikular na “maayos makitungo” sa harap ng Diyos, at nagiging suwail at hindi mapigilan sa harap ng Espiritu. Ibibilang niyo ba ang ganitong klase ng tao sa hanay ng mga matapat? Kung ipokrito at kaisa ka sa mga sanay “makipagsosyalan,” masasabi kong isa ka sa tiyak na hindi seryoso sa Diyos. Kung ang iyong mga salita ay puno ng palusot at walang kabuluhang pangangatwiran, masasabi kong ayaw mong isagawa ang katotohanan. Kung marami kang hindi mailarawang katapangan at tumatangging ilantad ang iyong mga lihim—iyong paghihirap—sa kapwa upang hanapin ang daan tungo sa liwanag, masasabi ko na isa ka sa mga taong hindi madaling makatatanggap ng kaligtasan at hindi kaagad makakaahon sa kadiliman. Kung ang paghahanap ng daan tungo sa katotohanan ay nakalulugod sa iyo nang mabuti, kung gayon, ikaw ay isa sa madalas na nabubuhay sa kaliwanagan. Kung nagagalak kang maging taga-serbisyo sa tahanan ng Diyos, nagsisikap at matapat sa gawain sa kabila ng karimlan, laging nagbibigay at hindi nanghihingi, masasabi ko na ikaw ay tapat na santo, sapagkat hindi ka naghihintay ng gantimpala at matapat na tao lamang. Kung gusto mong maging tapat, kung handang ibigay ang iyong lahat, handang isakripisyo ang iyong buhay at maging saksi ng Diyos, matapat at iniisip ang kaligayahan ng Diyos, hindi isinaalang-alang at kumukuha ng para sa sarili, masasabi ko na ang gayong mga tao ay nagtataglay ng kaliwanagan at mabubuhay magpakailanman sa kaharian. Dapat mong malaman kung mayroong totoong pananampalataya at katapatan sa iyong kalooban, kahit sa iyong talaan ay nagdusa ka para sa Diyos, at kahit isinuko nang buo ang iyong mga sarili sa Diyos. Kung may kakulangan ka sa mga ito, kung gayon nananatili sa iyong kalooban ang pagiging suwail, mapanlinlang, kasakiman, at pagkaligalig. Dahil ang iyong puso ay hindi matapat, hindi mo kailanman natanggap ang pagkalugod ng Diyos at hindi kailanman nabuhay sa liwanag. Ang iyong magiging kapalaran ay nakabatay sa kung ikaw ay may pusong matapat at sing-pula ng dugo, at dalisay na kaluluwa. Kung ikaw ay isa sa mga taong sobrang hindi matapat, na pusong may masamang hangarin, at maruming kaluluwa, kung gayon ang talaan ng iyong tadhana ay tiyak nang nasa lugar kung saan ang tao ay pinarusahan. Kung ipinapahayag mo na ikaw ay labis na matapat, ngunit hindi kailanman kumikilos at binabanggit ang salita ng katotohanan, naasahan mo pa rin ba na gagantimpalaan ka ng Diyos? naasahan mo pa rin ba na ikaw ang katangi-tangi sa mata ng Diyos? Ang pag-iisip bang ito ay hindi kahibangan? Nililinlang mo ang Diyos sa lahat ng bagay, kaya paanong tatanggapin ng tahanan ng Diyos ang mga tulad mong marumi ang kamay?

Ang pangatlong bagay ay ito: Ang lahat ng mananampalataya sa Diyos ay lumaban at nilinlang ang Diyos sa ilang punto sa kanilang pinagdaanan. Ang ilan sa masasamang gawain ay hindi naitala bilang pagkakasala, ngunit ang ilan ay walang kapatawaran; sapagkat karamihan dito ay lumabag sa administratibong kautusan, na itinuturing na paglabag sa disposisyon ng Diyos. Marami sa mga nababahala sa kanilang sariling mga kapalaran ay maaaring magtanong kung anong mga gawaing iyon. Dapat ninyong malaman na kayo ay likas na mayabang at mapagmataas, at ayaw magpasakop sa katotohanan. Samakatuwid, sasabihin ko sa inyo nang paunti-unti matapos ninyong pagnilay-nilayan ang inyong mga sarili. Hinihikayat ko kayong mas unawain nang mabuti ang nilalaman ng administratibong kautusan at alamin ang disposisyon ng Diyos. Kung hindi, mahihirapan kayong panatilihing tikom ang inyong mga labi at ang malayang pagwasiwas ng inyong mga dila na may matinis na pananalita. Walang kamalay-malay na nasasaktan ninyo ang disposisyon ng Diyos at nahulog sa kadiliman, nawalay sa presensya at liwanag ng Banal na Espiritu. Sapagkat kayo ay walang konsiyensya sa inyong mga ikinikilos. Kung iyong gagawin o sasabihin ang hindi dapat, kung gayon ikaw ay makatatanggap ng karampatang ganti. Dapat malaman mo na kahit walang konsiyensya ang iyong mga salita at kilos, ang Diyos ay lubhang may prinsipyo sa dalawang ito. Ang dahilan ng natanggap mong ganti ay dahil nasaktan mo ang Diyos, hindi ang tao. Kung, sa iyong buhay, marami ang iyong naging paglabag sa disposisyon ng Diyos, mahahantong ka kung gayon sa pagiging anak ng impiyerno. Para sa tao ito ay maaaring makita na ikaw ay nakagawa lamang ng iilang mga gawa na hindi naaayon sa katotohanan at wala nang iba. Alam mo ba, na sa mata ng Diyos, ikaw ay kabilang na sa mga wala nang paghahandog ng kasalanan? Sa paglabag mo sa administratibong kautusan ng Diyos nang higit isang beses at walang tanda ng pagsisisi, samakatuwid wala kang pagpipilian kundi ang mahulog sa impiyerno kung saan pinarurusahan ng Diyos ang tao. Noong panahon na sumusunod pa sila sa Diyos, may kaunting bilang ng mga tao na sumusuway sa mga alituntunin, ngunit matapos silang aksyunan at magabayan, unti-unti nilang natuklasan ang kanilang sariling katiwalian, at nagbalik sa tamang landas ng katotohanan, at nanatiling marunong makibagay hanggang sa ngayon. Ang ganitong mga tao ang siyang mananatili hanggang sa katapusan. Ang mga may katapatan ang aking hinahanap; kung ikaw ay matapat at kumikilos nang may prinsipyo, gayon ikaw ay maaaring maging pinagkakatiwalaan ng Diyos. Kung sa iyong mga ikinikilos ay hindi mo nalabag ang disposisyon ng Diyos, at hinahanap ang kalooban ng Diyos at may pusong gumagalang sa Diyos, kung gayon ang iyong pananampalataya ay akma sa pamantayan. Sa mga taong walang paggalang at pusong nanginginig sa takot para sa Diyos ay madaling magkasala sa administratibong kautusan ng Diyos. Marami ang naglilingkod sa Diyos dahil sa simbuyo ng damdamin, at walang alam sa administratibong kautusan ng Diyos, at lalong hindi nauunawaan ang mga implikasyon ng Kanyang salita. Sa kabila ng kanilang mabuting intensyon, madalas nilang gawin ang bagay na umaantala sa pamamahala ng Diyos. Ang mga nakagawa ng seryosong pag-antala ay napalayas at nawalan ng pagkakataong sumunod pa sa Kanya; sila ay itinaboy sa impiyerno at hindi na muling nagkakaroon ng kahit anong kinalaman sa tahanan ng Diyos. Ang mga taong ito ay nagtratrabaho sa tahanan ng Diyos nang may mabuti ngunit ignoranteng mga intensyon at nauuwi sa pagpukaw sa disposisyon ng Diyos. Dinadala ng mga tao ang kanilang paraan ng paglilingkod sa mga opisyal at mga panginoon sa tahanan ng Diyos, nang may mapagmalaking pag-aakala na ang mga naturang paraan ay maaaring gamitin dito. Hindi nila naisip kailanman na ang Diyos ay walang disposisyon na parang sa tupa ngunit tulad ng sa leon. Samakatuwid, ang mga nag-uugnay ng kanilang sarili sa Diyos sa unang pagkakataon ay walang kakayahang makipag-usap sa Kanya, sapagkat ang puso ng Diyos ay hindi tulad ng sa tao. Tanging pagkatapos iyong mauunawaan ang maraming katotohanan, saka mo lamang patuloy na makikilala ang Diyos. Ang kaalaman na ito ay hindi mga sulat o doktrina, ngunit maaaring gamitin bilang kayamanan ng iyong pagtitiwala sa Diyos at bilang katibayan na nalulugod Siya sa iyo. Kung ikaw ay salat sa tunay na kaalaman at hindi handa sa katotohanan, gayon ang iyong serbisyong puno ng damdamin ang siyang magdadala sa iyo ng labis na pagkamuhi at pagkapoot ng Diyos. Ngayon ay dapat maunawaan mo na ang pananampalataya sa Diyos ay hindi simpleng pag-aaral lamang ng teolohiya.

Bagama’t ang Aking payo ay maikli lamang, ang lahat ng mga inilarawan ko ang siyang labis na kulang sa inyo. Dapat ninyong malaman na ang aking mga sinasabi ngayon ay para sa kapakanan ng Aking huling gawain sa mga tao, upang tukuyin ang katapusan ng tao. Hindi ko nanaisin pang gumawa ng maraming gawain na wala namang silbi, ni hindi ko gustong ipagpatuloy pa na pangunahan ang mga taong walang saysay gaya ng inanod na kahoy, at lalong hindi ang mga may nakatatakot na mga intensyon. Marahil isang araw ay mauunawaan ninyo ang maalab na layunin ng Aking mga salita at ang mga naitulong ko sa sangkatauhan. Marahil panghahawakan ninyo isang araw ang isang prinsipyong magbibigay sa inyo ng kakayahang magpasya sa inyong katapusan.