Kabanata 36

Ang Makapangyarihang tunay na Diyos, ang Haring nakaluklok sa trono, ang namumuno sa buong sansinukob, humaharap sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at lahat ng nasa silong ng langit ay sumisikat nang may kaluwalhatian ng Diyos. Makikita iyon ng lahat ng may buhay sa sansinukob at hanggang sa mga kadulu-duluhan ng lupa. Ang mga bundok, ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga lupain, ang mga karagatan at lahat ng nabubuhay na nilalang ay nagbukas na ng kanilang mga pantabing sa liwanag ng mukha ng tunay na Diyos, at sila’y muling nabuhay, na parang gumigising mula sa isang panaginip, na parang sila’y mga usbong na sumisibol sa lupa!

Ah! Ang nag-iisang tunay na Diyos ay nagpapakita sa harap ng sanlibutan. Sinong mangangahas na lumapit sa Kanya nang may pagtutol? Ang lahat ay nanginginig sa takot. Ang lahat ay lubusang naniniwala, at ang lahat ay paulit-ulit na humihingi ng kapatawaran. Ang lahat ng tao’y lumuluhod sa harap Niya, at ang lahat ng bibig ay sumasamba sa Kanya! Ang mga kontinente at mga karagatan, ang mga bundok, ang mga ilog—lahat ng bagay ay nagpupuri sa Kanya nang walang katapusan! Dumarating ang tagsibol kasama ang maiinit na simoy ng hangin, na nagdadala ng pinong ulan ng tagsibol. Tulad ng lahat ng tao, ang agos ng mga batis ay dumadaloy nang may dalamhati at galak, lumuluha dahil sa utang na loob at paninisi sa sarili. Ang mga ilog, ang mga lawa, ang mga alon at mga daluhong, lahat ay umaawit, pinupuri ang banal na pangalan ng tunay na Diyos! Ang tunog ng papuri ay umaalingawngaw nang napakalinaw! Ang mga dating bagay na minsang ginawang tiwali ni Satanas—bawat isa ay muling gagawing bago at iibahin at papasok sa isang bagung-bagong kaharian …

Ito ang banal na trumpeta, at nagsimula na itong tumunog! Pakinggan mo ito. Yaong tunog na napakatamis ay ang pagbigkas ng trono, na ibinabalita sa bawat bansa at bayan na sumapit na ang panahon, na sumapit na ang kawakasan ng lahat. Tapos na ang Aking plano ng pamamahala. Ang Aking kaharian ay lantaran nang nagpakita sa lupa. Ang mga kaharian sa mundo ay naging Aking kaharian, Ako na siyang Diyos. Ang Aking pitong trumpeta ay tumutunog mula sa trono, at anong mga kababalaghan ang magaganap! Ang mga tao mula sa mga wakas ng lupa ay magmamadaling magsama-sama mula sa bawat direksyon nang may lakas ng isang daluyong at kapangyarihan ng mga kidlat at kulog, ang ilan ay maglalayag sa karagatan, ang ilan ay mag-eeroplano, ang ilan ay lulan ng mga sasakyan na may iba’t ibang hugis at laki, ang ilan ay nakakabayo. Tingnan mong mabuti. Makinig kang maigi. Itong mga nakasakay sa mga kabayong may iba’t ibang kulay, may masisiglang espiritu, makapangyarihan at maringal, na tila sumusuong sa larangan ng digmaan, ay walang-pakundangan sa kamatayan. Sa gitna ng mga kabayong humahalinghing at mga taong nagsisigawan para sa tunay na Diyos, napakaraming lalaki, babae, at bata ang matatapakan ng mga paa ng mga kabayo sa isang saglit. Ang ilan ay mamamatay, ang ilan ay maghihingalo, ang ilan ay maluluray-luray, na walang sinumang mag-aasikaso sa kanila, sumisigaw nang nagkukumahog, pumapalahaw sa sakit. Mga anak ng paghihimagsik! Hindi ba’t ito ang inyong huling kalalabasan?

Tinitingnan Ko nang may galak ang Aking bayan, na nakikinig sa Aking tinig at nagtitipon mula sa bawat bansa at lupain. Lahat ng tao, na laging pinananatili ang tunay na Diyos sa kanilang mga bibig, ay nagpupuri at lumulukso sa tuwa nang walang katapusan! Nagpapatotoo sila sa sanlibutan, at ang tunog ng kanilang patotoo sa tunay na Diyos ay gaya ng dumadagundong na tunog ng maraming katubigan. Lahat ng tao ay magsisiksikan sa Aking kaharian.

Tumutunog ang Aking pitong trumpeta, na gumigising sa mga natutulog! Bumangon ka agad, hindi pa huli ang lahat. Tingnan mo ang iyong buhay! Buksan mo ang iyong mga mata at tingnan kung anong oras na ngayon. Ano pa ang dapat hanapin? Ano pa ang dapat pag-isipan? At ano pa ang dapat kapitan? Hindi mo ba kailanman naisaalang-alang ang kaibahan ng halaga ng pagkakamit ng Aking buhay at pagkakamit ng lahat ng bagay na minamahal at kinakapitan mo? Tigilan mo na ang katigasan ng ulo at paglalaro. Huwag mong palampasin ang pagkakataong ito. Ang sandaling ito ay hindi na muling darating! Agad kang tumayo, sanayin mo ang pagpapagana sa iyong espiritu, gumamit ka ng sari-saring kasangkapan para mahalata at mahadlangan ang bawat pakana at panlilinlang ni Satanas, at magtagumpay ka laban kay Satanas, upang mas lumalim ang iyong karanasan sa buhay at maisabuhay mo ang Aking disposisyon, upang gumulang at magkaroon ng maraming karanasan ang iyong buhay, at palagi kang makasunod sa Aking mga yapak. Hindi pinanghihinaan ng loob, hindi mahina, laging sumusulong, paisa-isang hakbang, tuluy-tuloy hanggang sa dulo ng daan!

Kapag tumunog muli ang pitong trumpeta, ito ang magiging panawagan para sa paghatol, paghatol sa mga anak ng paghihimagsik, paghatol sa lahat ng bansa at lahat ng lahi, at bawat bansa ay susuko sa harap ng Diyos. Ang maluwalhating mukha ng Diyos ay tiyak na magpapakita sa harap ng lahat ng bansa at lahat ng lahi. Bawat isa’y lubos na mapapaniwala, at sisigaw sa tunay na Diyos nang walang katapusan. Ang makapangyarihang Diyos ay lalo pang magiging maluwalhati, at Ako at ang Aking mga anak ay magsasalo sa kaluwalhatian at magsasalo sa paghahari, hinahatulan ang lahat ng bansa at lahat ng lahi, pinarurusahan ang masama, inililigtas at kinahahabagan ang mga taong nabibilang sa Akin, at ginagawang matibay at matatag ang kaharian. Sa pamamagitan ng tunog ng pitong trumpeta, napakaraming tao ang maliligtas, na babalik sa harap Ko upang lumuhod at sumamba na may patuloy na pagpupuri!

Kapag muli pang tumunog ang pitong trumpeta, ito ang magiging pagtatapos ng kapanahunan, ang pagtunog ng trumpeta ng tagumpay laban sa diyablong si Satanas, ang pagpupugay na nagbabalita ng pagsisimula ng hayagang pamumuhay sa kaharian sa lupa! Sadyang napakatayog na tunog, itong tunog na umaalingawngaw sa palibot ng trono, itong pagtunog ng trumpetang yumayanig sa langit at lupa, na siyang tanda ng tagumpay ng Aking plano ng pamamahala, na siyang paghatol kay Satanas; hinahatulan nito ang matandang mundong ito ng ganap na kamatayan, na bumalik sa walang-hanggang kalaliman! Ang pagtunog na ito ng trumpeta ay nagbabadya na magsasara na ang tarangkahan ng biyaya, na ang buhay ng kaharian ay magsisimula na sa lupa, na tama at marapat. Inililigtas ng Diyos yaong mga nagmamahal sa Kanya. Sa sandaling bumalik sila sa Kanyang kaharian, ang mga tao sa lupa ay haharap sa taggutom at salot, at ang pitong mangkok at pitong salot ng Diyos ay magaganap nang sunud-sunod. Ang langit at lupa ay lilipas, ngunit hindi lilipas ang Aking salita!

Sinundan: Kabanata 35

Sumunod: Kabanata 37

Madalas nang mangyari ngayon ang mga sakuna. Paano natin masasalubong ang Panginoon at paano tayo maililigtas ng Diyos bago ang malalaking sakuna? Magkasama tayong magsiyasat upang mahanap ang landas.

Kaugnay na Nilalaman

Pagsasagawa (3)

Dapat kayong magkaroon ng kakayahan na mabuhay nang mag-isa, upang magawang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang mag-isa, upang...

Gawain at Pagpasok (3)

Malaki ang ipinagkatiwala ng Diyos sa mga tao at nagsalita na rin Siya tungkol sa kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Ngunit...

Tungkol sa Buhay ni Pedro

Si Pedro ang huwaran ng Diyos para sa sangkatauhan, isang inspirasyon na kilala ng lahat. Bakit kaya itinaas ng Diyos ang isang taong...

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito

Kontakin Kami Gamit ang Messnger