Kabanata 32
Ano ang liwanag? Dati-rati, aktuwal ninyong itinuring ang pagbabago ng gawain ng Banal na Espiritu bilang liwanag. May tunay na liwanag sa lahat ng oras: pagkakamit kung ano ang Diyos sa pamamagitan ng paglapit sa Akin at pakikipagniig sa Akin; pagkakaroon ng kabatiran sa mga salita ng Diyos at pagkaarok sa mga layunin ng Diyos sa Kanyang mga salita, ibig sabihin, habang kinakain at iniinom ang mga ito, nadarama ninyo ang Espiritu sa mga salita ng Diyos at tinatanggap ang mga salita ng Diyos sa loob ninyo; naaarok ninyo kung ano Siya sa pamamagitan ng karanasan; at tinatanggap ninyo ang pagtanglaw ng Diyos habang nakikipagbahaginan sa Kanya—ang lahat ng ito ay liwanag. Gayundin, habang nagmumuni-muni at nagninilay-nilay, nabibigyang-liwanag ka at nagkakamit ng bagong kabatiran sa mga salita ng Diyos sa anumang oras. Kung naaarok mo ang salita ng Diyos at nararamdaman mo ang bagong liwanag, hindi ka ba magkakaroon ng lakas sa iyong paglilingkod? Tunay kayong pinahihirapan sa pag-aalala tungkol sa paglilingkod! Iyan ay dahil hindi pa ninyo naarok ang realidad, at wala kayong tunay na karanasan o kabatiran. Kung mayroon kang tunay na kabatiran, hindi mo ba malalaman kung paano maglingkod? Kapag nangyayari sa iyo ang ilang bagay, dapat mong masigasig na maranasan ang mga ito. Kung sa isang maluwag at maginhawang kapaligiran ay maaari ka ring mamuhay sa liwanag ng mukha ng Diyos, makikita mo ang mukha ng Diyos araw-araw. Kung nakita mo ang mukha ng Diyos at nakipagbahaginan ka sa Diyos, hindi ka ba magkakaroon ng liwanag? Hindi kayo pumapasok sa realidad, at palagi kayong naghahanap sa panlabas; bunga nito, wala kayong natatagpuan at naaantala ang inyong paglago sa buhay.
Huwag ninyong ituon ang pansin sa panlabas; sa halip, lumapit lang kayo sa Diyos sa loob ninyo, makipagbahaginan nang may sapat na lalim, at arukin ang mga layunin ng Diyos. Hindi ba’t magkakaroon kayo ng landas sa inyong paglilingkod kung gayon? Kailangan ninyong masigasig at nakatutok na makinig sa Aking mga salita. Gawin ang lahat ng bagay ayon lang sa Aking mga salita, at pumasok ayon sa mga landas na itinuturo Ko. Kung gayon, hindi ba’t magkakaroon kayo ng landas? Kung matatagpuan mo ang landas upang makapasok sa realidad, magkakaroon ka rin ng landas para maglingkod sa Diyos. Simple lang ito! Mas lumapit sa presensiya ng Diyos, mas magnilay-nilay sa mga salita ng Diyos, at makakamtan mo ang kulang sa iyo. Magkakaroon ka rin ng bagong kabatiran at bagong kaliwanagan, at magkakaroon ka ng liwanag.