Kabanata 34

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang makapangyarihan sa lahat, nakakamit ang lahat, at ganap na totoong Diyos! Hindi lamang Niya hawak ang pitong bituin, Siya ay pinagkalooban ng pitong Espiritu, may pitong mata, binubuksan ang pitong selyo, at binubuksan ang balumbon, ngunit higit pa riyan, pinamamahalaan Niya ang pitong salot at ang pitong mangkok, at inihahayag ang pitong kulog. Matagal na panahon na rin ang nakakalipas nang pinatunog Niya ang pitong trumpeta! Ang lahat ng bagay na nilikha Niya at ginawang ganap ay dapat na magbigay-papuri sa Kanya, bigyan Siya ng kaluwalhatian, at dakilain ang Kanyang trono. O, Makapangyarihang Diyos! Ikaw ang lahat. Natapos Mo ang lahat, at sa Iyo, lahat ay ganap, maliwanag, napalaya, malaya, malakas, at makapangyarihan! Walang anumang natatago o nakukubli; sa Iyo, ang lahat ng hiwaga ay nahahayag. Higit pa rito, Iyong hinatulan ang mga kawan ng Iyong mga kaaway, inihahayag Mo ang Iyong kamahalan, ipinamamalas ang Iyong nagngangalit na apoy, ipinakikita ang Iyong poot, at bukod dito, ipinakikita Mo ang Iyong walang katulad, walang hanggan, at labis na walang katapusang kaluwalhatian! Dapat gumising ang lahat ng mga tao upang magbunyi at umawit nang walang pasubali, pinupuri itong makapangyarihan, ganap na tunay, laging buhay, masagana, maluwalhati at totoong Diyos na mula sa kawalang-hanggan hanggang sa kawalang-hanggan. Dapat patuloy na dakilain ang Kanyang trono, purihin at luwalhatiin ang Kanyang banal na pangalan. Ito ang walang hanggang kalooban Ko—ng Diyos, at walang katapusang pagpapala na Kanyang inihahayag at ipinagkakaloob sa atin! Sino sa atin ang hindi nagmamana nito? Upang manahin ang pagpapala ng Diyos, dapat dakilain ang Kanyang banal na pangalan at lumapit upang pumalibot sa Kanyang trono sa pagsamba. Lahat ng humaharap sa Kanya na may ibang mga motibo at ibang mga pakay ay tutunawin ng Kanyang nagngangalit na apoy. Ngayon ay ang araw na ang Kanyang mga kaaway ay hahatulan, at sa araw din na ito, sila ay malilipol. Higit pa rito, iyan din ang araw na Ako, ang Makapangyarihang Diyos, ay mabubunyag at dito makakamit ang kaluwalhatian at karangalan. O, lahat ng tao! Mabilis na bumangon upang dakilain at malugod na tanggapin ang Makapangyarihang Diyos na mula pa sa simula hanggang sa magpakailanman ay naghahatid sa atin ng kagandahang-loob, nagpapatupad ng kaligtasan, nagkakaloob sa atin ng mga pagpapala, ginagawang ganap ang Kanyang mga anak, at matagumpay na nakakamtan ang Kanyang kaharian! Ito ang kamangha-manghang gawa ng Diyos! Ito ang walang hanggang itinadhana at pagsasaayos ng Diyos—na Siya Mismo ay dumating upang iligtas tayo, upang gawin tayong ganap, at upang dalhin tayo sa kaluwalhatian.

Lahat ng hindi tumatayo at nagpapatotoo ay ang mga ninuno ng mga bulag at ang mga hari ng kamangmangan. Sila ang magiging mangmang magpakailanman, ang walang-hanggang mga hangal: ang patay magpakailanman na bulag. Para sa kadahilanang ito kaya dapat gumising ang ating mga espiritu! Dapat bumangon ang lahat ng tao! Ipagbunyi, purihin, at dakilain nang walang katapusan ang Hari ng kaluwalhatian, ang Ama ng awa, ang Anak ng pagtubos, ang masaganang pitong Espiritu, ang Makapangyarihang Diyos na nagdadala ng maringal na nagngangalit na apoy at matuwid na paghuhukom, at Siyang lubos na sapat, masagana, makapangyarihan sa lahat, at kumpleto. Dadakilain magpakailanman ang Kanyang trono! Dapat makita ng lahat ng tao na ito ay ang karunungan ng Diyos; ito ang Kanyang kamangha-manghang landas tungo sa kaligtasan, at ang katuparan ng Kanyang maluwalhating kalooban. Kung hindi tayo babangon at magpapatotoo, kapag ang sandali ay lumipas na, wala nang balikan. Nakasalalay sa kasalukuyang yugtong ito ng ating paglalakbay kung pagpapala o kamalasan man ang ating makakamit, batay sa kung ano ang ating ginagawa, kung ano ang ating iniisip, at kung ano ang isinasabuhay natin ngayon. Paano kayo dapat kumilos? Magpatotoo at dakilain ang Diyos magpakailanman, dakilain ang Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw—ang walang hanggan, natatangi, at totoong Diyos!

Mula ngayon, dapat mong makita nang malinaw na lahat ng hindi nagpapatotoo para sa Diyos—hindi nagpapatotoo dito sa natatangi at totoong Diyos, gayundin ang mga nagkikimkim ng mga pag-aalinlangan tungkol sa Kanya—silang lahat ay may-sakit at patay at ang mga sumusuway sa Diyos! Napatunayan na ang mga salita ng Diyos mula sa sinaunang mga panahon: Ang hindi natitipon sa Akin ay kakalat, at ang hindi panig sa Akin ay laban sa Akin; ito ay isang di-mababagong katotohanan na iniukit sa bato! Ang mga hindi nagpapatotoo sa Diyos ay mga kampon ni Satanas. Dumating ang ganitong mga tao upang gambalain at linlangin ang mga anak ng Diyos, at upang gambalain ang pamamahala Niya; dapat silang iwasto gamit ang espada! Naghahanap ng kanilang sariling pagkawasak ang lahat ng nagpapakita sa kanila ng mabubuting hangarin. Dapat mong pakinggan at paniwalaan ang mga binibigkas ng Espiritu ng Diyos, lakarin ang landas ng Espiritu ng Diyos at isabuhay ang mga salita ng Espiritu ng Diyos. Dagdag dito, dapat mong dakilain ang trono ng makapangyarihang Diyos hanggang sa katapusan ng panahon!

Ang Makapangyarihang Diyos ay ang Diyos ng pitong Espiritu! Ang may pitong mata at pitong bituin ay Siya rin; binubuksan Niya ang pitong selyo, at ang buong kasulatan ay iniladlad na Niya! Pinatunog na Niya ang pitong trumpeta, at hawak Niya ang pitong mangkok at pitong salot, na pakakawalan ayon sa Kanyang kalooban. O, ang pitong kulog na lagi nang nakasara! Dumating na ang panahon upang buksan ang mga ito! Siya na maglalabas sa pitong kulog ay nagpakita na sa ating harapan!

Makapangyarihang Diyos! Sa Iyo, ang lahat ay napalaya at malaya; walang mga hirap, at ang lahat ay dumadaloy nang maayos! Walang nangangahas na humadlang o pumigil sa Iyo, at ang lahat ay nagpapasakop sa Iyo. Sinumang hindi nagpapasakop ay mamamatay!

Makapangyarihang Diyos, ang Diyos na may pitong mata! Lahat ay ganap na malinaw, lahat ay maliwanag at lantad, lahat ay nabunyag at nailatag. Sa Kanya, lahat ay may linaw ng kristal, at hindi lamang ang Diyos Mismo ang ganito, kundi ganito rin ang Kanyang mga anak. Walang isa man, walang bagay, at walang anuman ang maikukubli sa harap Niya at ng Kanyang mga anak!

Ang pitong bituin ng Makapangyarihang Diyos ay maliwanag! Ginawa Niyang perpekto ang iglesia; pinatatatag Niya ang Kanyang mga sugo ng iglesia, at ang buong iglesia ay nakapaloob sa Kanyang pagtutustos. Binubuksan Niya ang lahat ng pitong selyo, at Siya Mismo ang nagdudulot na makumpleto ang Kanyang plano ng pamamahala at ang Kanyang kalooban. Ang kasulatan ay ang mahiwagang wikang espirituwal ng Kanyang pamamahala at Kanya na itong binuksan at ibinunyag!

Dapat marinig ng lahat ng tao ang Kanyang pitong tumataginting na trumpeta. Sa Kanya, lahat ay nahahayag, hindi na kailanman muling ikukubli, at wala nang dalamhati. Lahat ay nahahayag at lahat ay matagumpay!

Bukas, maluwalhati, at matagumpay na mga trumpeta ang pitong trumpeta ng Makapangyarihang Diyos! Ang mga ito rin ang mga trumpeta na humahatol sa Kanyang mga kaaway! Sa gitna ng Kanyang tagumpay, ang Kanyang tambuli ay dinadakila! Kanyang pinaghaharian ang buong sansinukob!

Inihanda na Niya ang pitong mangkok ng mga salot, nakapuntirya sa Kaniyang mga kaaway, at ang mga ito ay pinakakawalan sa isang matinding agos, at ang mga kaaway na iyon ay masusunog sa liyab ng Kanyang nagngangalit na mga apoy. Ipinakikita ng Makapangyarihang Diyos ang kapangyarihan ng Kanyang awtoridad, at nalilipol ang lahat ng Kanyang mga kaaway. Hindi na sasarhan sa harap ng Makapangyarihang Diyos ang pangwakas na pitong kulog; lahat ng iyon ay nabunyag! Lahat ng ito ay nabunyag! Pinapatay Niya ang Kanyang mga kaaway gamit ang pitong kulog, pinatitibay ang mundo at ito ay pinaglilingkod Niya sa Kanya, at hindi na kailanman wawasakin!

Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos! Dinadakila Ka namin magpakailanman! Karapat-dapat Ka sa walang katapusang papuri, walang hanggang pagkilala at pagdakila! Hindi lamang gagamitin para sa Iyong paghatol ang Iyong pitong kulog, ngunit higit na gagamitin ito para sa Iyong kaluwalhatian at awtoridad, upang makumpleto ang lahat ng bagay!

Nagdiriwang ang lahat ng tao sa harap ng trono, dinadakila at pinupuri ang Makapangyarihang Diyos, ang Cristo ng mga huling araw! Niyayanig ng kanilang mga tinig na parang kulog ang buong sansinukob! Walang pasubaling umiiral ang lahat ng bagay dahil sa Kanya, at bumabangon dahil sa Kanya. Sino ang nangangahas na hindi kilalanin na lubos na nagmula sa Kanya ang lahat ng kaluwalhatian, karangalan, awtoridad, karunungan, kabanalan, tagumpay, at mga pahayag? Ito ang katuparan ng Kanyang kalooban, at ito ang huling kaganapan ng pagbubuo ng Kanyang pamamahala!

Sinundan: Kabanata 33

Sumunod: Kabanata 35

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Mga Setting

  • Teksto
  • Mga Tema

Mga Solidong Kulay

Mga Tema

Font

Font Size

Espasyo ng Linya

Espasyo ng Linya

Lapad ng pahina

Mga Nilalaman

Hanapin

  • Saliksikin ang Tekstong Ito
  • Saliksikin ang Aklat na Ito