Isang Kahihiyan Mula sa Aking Nakaraan
Ni Li Yi, TsinaNoong Agosto 2015, lumipat kami ng pamilya ko sa Xinjiang. Nabalitaan kong nagpatupad doon ang Partido Komunista ng...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Noong Marso ng nakaraang taon, itinalaga ako ng iglesia bilang superbisor sa isang iglesia. Natuwa talaga ako dahil naisip ko na ang mapili na maging superbisor ay nangangahulugan na siguradong nangingibabaw ako sa mga grupong iyon at mas magaling kaysa sa iba. Palihim din akong nanumpa na magsisikap ako simula ngayon para ipakita sa mga kapatid na naaangkop ako sa posisyon.
Sa unang araw ko bilang superbisor, sinabi sa akin ng kapareha ko na si Chen Ming, “Hindi nakakakuha ng magagandang resulta ang ilang grupo. Kailangan nating makipagtipon sa kanila at magbahagi kaagad bukas.” Medyo nataranta ako nang sinabi niya iyon, dahil hindi ko pa rin kabisado ang estado ng gawain ng kada grupo at hindi malinaw sa akin ang mga isyu at problema ng bawat isa. Kung hindi matutugunan ng pagbabahagi ko ang kanilang kalagayan at hindi malulutas ang kanilang mga problema, ano kaya ang iisipin nila sa akin? Iisipin ba nila na hindi ko kayang lutasin ang mga praktikal na isyu at hindi ako angkop maging superbisor? Naisipan kong hilingin kay Chen Ming na ipagpaliban ang pagtitipon nang ilang araw. Pero naaapektuhan kamakailan ang pagganap ng mga grupo at hindi na maaaring ipagpaliban pa ang isyu. Kaya, ano ang dapat kong gawin? Habang nababahala ako sa desisyong ito, nagpadala sa akin si Chen Ming ng isang file na may ulat ng kasalukuyang pag-usad ng bawat grupo. Nagmadali akong pag-aralan ang ulat at naghanda para sa pagtitipon bukas.
Kinabukasan sa pulong, sinabi ng isang brother na kasisimula pa lang niyang magsanay sa pagbabahagi ng ebanghelyo at hindi siya sigurado kung malinaw niyang napapabulaanan ang iba’t ibang relihiyosong kuru-kuro, kaya tinalakay niya ang kanyang pagkaunawa at hiniling sa amin na tukuyin ang anumang pagkakamali sa kanyang pag-iisip. Naisip ko, “Kailangan ko itong maingat na suriin at ipakita sa mga kapatid na may ilang ideya ang superbisor na ito na nararapat tandaan.” Kaya pinagtuunan ko ng pansin ang pagbabahagi niya at pagkatapos itong pag-isipan nang mabuti, sinabi ko, “Sa tingin ko, maayos naman ang pagbabahagi mo at magagawa mong lutasin ang isyu.” Pero sa sandaling sinabi ko iyon, sinabi rin ni Chen Ming: “Hindi ka nagbigay ng malinaw na paliwanag sa pangunahing puntong ginamit para tugunan ang kuru-kurong ito. Medyo malabo ito at hindi madaling maunawaan ng mga tao.” Pagkatapos niyon, ibinahagi niya ang ilang mas magandang punto ng kanyang pagkaunawa sa problema. Nang makita ko kung gaano kapraktikal at labis na naaangkop ang pagbabahagi ni Chen Ming, at kung paano tumango-tango ang lahat bilang pagsang-ayon, namula agad ang mukha ko. Naisip ko, “Ano ang iisipin sa akin ng mga kapatid na ito? Iisipin ba nila na hindi gaanong mahusay ang bagong na-promote na superbisor na ito, dahil hindi ko man lang makita ang ganoon kahalatang problema?” Sa sandaling naisip ko ang mga ito, hindi ko alam kung ano ang sasabihin at sobra akong napahiya. Hindi ako naglakas-loob na tumingin sa mata ng kahit kanino at itinuon ko na lang ang mga mata ko sa kompyuter. Pakiramdam ko ay bumagal ang takbo ng oras. Pagkatapos na pagkatapos niyon, nagsimulang magbahaginan ang mga kapatid sa isa pang isyu. Talagang kinabahan ako at nag-alala kung ano ang iisipin nila sa akin kung mali na naman ang mga ideya ko. Iisipin ba nila na hindi ako magaling sa pagsusuri ng mga problema at kukuwestiyunin ang aking kakayahan na maglingkod bilang superbisor? Nang maisip ko ito, hindi na ako nangahas na magbahagi ng anumang mga opinyon. Naisip ko, “Hahayaan ko na si Chen Ming muna ang magsalita at ibubuod ko na lang ang anumang sasabihin niya. Sa ganoong paraan, kahit papaano ay hindi ako magsasabi ng mali at hindi ako mamaliitin ng sinuman.” Pero sa pagtataka ko, habang mas iniiwasan kong masiyasat, lalo akong nalalantad. Nang sandaling iyon, tinanong ako ng isang sister, “Malulutas ba ng pagbabahaging ito ang isyu?” Sumagot ako na maaari itong malutas, pero pagkasagot ko, biglang nagsalita si Chen Ming, “Medyo sobrang pinasimple ang pagbabahagi mo. Hindi mo malinaw na pinabulaanan ang relihiyosong kuru-kurong ito at mayroon pa ring ilang aspeto na kailangang matugunan.” Pagkatapos niyang ibahagi ang kanyang mga opinyon, naisip ko, “Tama si Chen Ming tungkol sa mga isyung iyon. Muli nitong nailantad na hindi tama ang pananaw ko.” Para akong lantarang sinampal sa mukha at sumama ang loob ko. Nagbahagi ako ng dalawang magkasunod na maling opinyon. Ano kaya ang iisipin ng mga kapatid sa akin ngayon? Iisipin ba nila na hindi sapat ang aking pagganap, dahil wala akong kabatiran sa pagbabahagi ng ebanghelyo, at magtataka ba sila kung paano ako napili bilang superbisor? Habang mas naiisip ko ito, mas lumalala ang pakiramdam ko—sobrang nakakahiya ito at gusto ko na lang gumapang sa ilalim ng bato at magtago. Kalaunan, kapag tinatalakay ang iba pang mga isyu sa gawain, wala na akong ganang pag-isipan ito nang mabuti, kaya basta-basta na lang akong nagbibigay ng ilang komento pagkatapos magbahagi ng kanyang opinyon si Chen Ming. Kung minsan, wala talaga akong sinasabi. Lumipas ang buong araw nang ganun-ganon lang at nakonsensya ako at nakaramdam ng kahungkagan. Alam na alam ko na hindi nakakakuha ng mga resulta ang grupong ito sa kanilang gawain. Naharap ang mga kapatid sa mga problema sa kanilang mga tungkulin, at kailangan kong hanapin ang katotohanan kasama ang lahat para lutasin ang kanilang mga isyu. Pero dahil mali ang mga opinyon na ibinahagi ko, hindi na ako naglakas-loob na magsabi ng kahit ano. Iniiwasan ko ang responsibilidad ko! Kaya nanalangin ako sa Diyos at naghanap, tinatanong sa Kanya kung aling aspeto ng katotohanan ang dapat kong pasukin para malutas ang aking isyu.
Kinabukasan, sa aking mga debosyonal, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nakatulong sa akin na maunawaan ang aking kalagayan. Sabi ng mga salita ng Diyos, “Ang mga tao mismo ay mga nilikha. Kaya ba ng mga nilikha na magkamit ng walang-hanggang kapangyarihan? Kaya ba nilang maging perpekto at walang anumang mali? Kaya ba nilang maging mahusay sa lahat ng bagay, maunawaan ang lahat ng bagay, makilatis ang lahat ng bagay, at makaya ang lahat ng bagay? Hindi nila kaya. Gayunman, sa kalooban ng mga tao, mayroong mga tiwaling disposisyon, at isang malalang kahinaan: Sa sandaling matuto sila ng isang kasanayan o propesyon, pakiramdam ng mga tao ay may kakayahan sila, na sila ay mga taong may katayuan at may halaga, at na sila ay mga propesyonal. Gaano man sila kapangkaraniwan, nais nilang lahat na ipresenta ang kanilang sarili bilang sikat o katangi-tanging indibidwal, na gawing medyo tanyag na tao ang kanilang sarili, at ipaisip sa mga tao na perpekto sila at walang kapintasan, wala ni isang depekto; sa mga mata ng iba, nais nilang maging sikat, makapangyarihan, o dakilang tao, at gusto nilang maging napakalakas, kaya ang anumang bagay, nang walang hindi nila kayang gawin. Pakiramdam nila, kapag humingi sila ng tulong sa iba, magmumukha silang walang kakayahan, mahina, at mas mababa, at na hahamakin sila ng mga tao. Sa dahilang ito, palagi nilang nais na patuloy na magkunwari. … Anong klaseng disposisyon ito? Walang hangganan ang kayabangan ng gayong mga tao, nawalan na sila ng buong katinuan. Ayaw nilang maging katulad ng iba, ayaw nilang maging karaniwang mga tao, normal na mga tao, bagkus ay nais nilang maging superhuman, katangi-tanging indibidwal, o kahanga-hanga. Napakalaking problema nito! Patungkol sa mga kahinaan, mga pagkukulang, kamangmangan, kahangalan, at kawalan ng pang-unawa sa loob ng normal na pagkatao, babalutan nila ang lahat ng iyon, hindi ipapakita sa ibang mga tao, pagkatapos ay patuloy silang magpapanggap” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Limang Kondisyong Dapat Matugunan para Makapagsimula sa Tamang Landas ng Pananalig sa Diyos). Malinaw na inilantad ng mga salita ng Diyos ang aking kasalukuyang kalagayan. Inkala ko na bilang superbisor, kailangan kong magkaroon ng kabatiran sa bawat problema, at lahat ng opinyon ko ay dapat bumubuo ng mahahalagang kontribusyon, kaya nagpanggap ako na naiintindihan ko ang lahat at may kabatiran sa lahat ng aspeto ng gawain para makuha ang respeto ng mga kapatid. Sa mga pagtitipon, palagi akong nag-aalala na hindi ko magagawang lutasin ang mga isyu, at iisipin ng lahat na hindi ako angkop sa aking posisyon. Tapos, kapag mali ang sinasabi ko, lalo akong nag-aalala na baka mamaliitin ako ng iba. Para protektahan ang aking reputasyon at katayuan bilang superbisor, nagbalatkayo ako at hindi kaagad ibinahagi ang mga pananaw ko. Tuso pa akong nagplano na hintaying matapos magsalita ang kapareha ko para makapagbuod ako, para itago mula sa iba ang aking mga kakulangan. Kapag pinag-uusapan ng mga kapatid ang mga isyu na mayroon sila sa kanilang gawain, wala na akong ganang magbahagi pa at ang naiisip ko lang ay ang sarili kong katayuan at reputasyon. Ni katiting ay hindi ko natupad ang aking tungkulin at mga responsibilidad. Ang totoo, isa lang akong karaniwang nilikha, hindi isang taong may maraming kaalaman o kakayahan. Napakaraming katotohanan ang hindi ko naunawaan, mga isyu na hindi ko natukoy at madalas na mali ang mga opinyon ko. Pero normal lang ang lahat ng ito. Kailangan kong magkaroon ng wastong saloobin sa sarili kong mga kakulangan; kapag nakakakita ako ng mga paglihis sa sarili ko, dapat kong kilalanin at ituwid ang mga ito. Tama man o mali ang mga ideya at pananaw ko, dapat kong ibuhos ang sarili ko sa gawain at tuparin ang aking mga responsibilidad. Pagkatapos kong maituwid ang aking pag-iisip, nagsimula akong sadyang magtapat tungkol sa aking katiwalian at mga kakulangan at ipakita sa lahat ng kapatid ang totoong ako. Kapag tinatalakay ang mga isyu, nagkokomento lang ako sa kung ano ang nalalaman ko at hindi na ako napipigilan.
Gayunpaman, kalaunan, isang insidente ang naganap na nagpabalik sa akin sa dati kong kalagayan. Isang beses, dumalo kami sa pagtitipon ng ibang grupo. Nasa masamang kalagayan ang isa sa mga sister—mula nang matanggal, nasadlak na siya sa pagiging depensibo at maling pagkaunawa. Gusto kong talakayin ang kalooban ng Diyos sa kanya, pero naisip ko kung paanong wala akong anumang karanasan sa mga bagay na ito at nag-alala ako na kung hindi ako praktikal na magbabahagi, sasabihin ng mga kapatid na nagbibigkas lang ako ng kaalaman sa doktrina at walang anumang realidad ng katotohanan. Pero dahil alam kong responsibilidad kong magbigay ng pagbabahagi, nagpatuloy ako at tinalakay lang sa kanya kung ano ang nalalaman ko. Gayunpaman, pagkatapos ng pagbabahagi, mukha pa ring inapi ang sister. Nang sandaling iyon, pumalit si Chen Ming at nagsimulang magkuwento tungkol sa kung paanong noong natanggal siya, pinagnilayan niya ang kanyang tiwaling disposisyon sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at kung paano niya naunawaan at kinamuhian ang kanyang sarili, nakahanap ng landas ng pagsasagawa, at paano siya nagsisi at nagbago. Sa pamamagitan nito, natutunan niya na ang kabiguan at pagkatanggal ay lahat mga uri ng pagliligtas at pagmamahal ng Diyos. Tumango ang sister bilang pagsang-ayon habang nagsasalita si Chen Ming at pagkatapos ay sinabi, “Nasa parehong kalagayan ako ngayon. Binigyan ako ng pagbabahagi mo ng landas para makasulong.” Pagkarinig nito, agad akong natuwa para sa kanya na naunawaan niya ang kalooban ng Diyos, pero medyo sumama rin ang loob ko dahil ipinagpalagay ko na tiyak na iisipin ng iba na binibigkas ko lang ang kaalaman sa doktrina at hindi angkop na maging superbisor. Sa sumunod na ilang araw, paglutas man ito ng mga problema sa gawain o mga isyu sa kalagayan ng mga kapatid, patuloy akong nag-aalala na hindi makakalutas ang pagbabahagi ko kaya nanatili akong medyo tahimik. Kahit na kapag ibinabahagi ko ang mga iniisip ko, kailangan kong pag-isipan ito nang paulit-ulit hanggang sa nakakapagod na at kung minsan ay tinatanong ko muna si Chen Ming, nagbabahagi lang ako kapag sumasang-ayon siya sa mga ideya ko. Ang totoo, mayroon akong kaunting kabatiran sa iba’t ibang isyu at may sarili akong mga pananaw at ideya, pero dahil nag-aalala ako na malalantad ko ang mga kakulangan ko kung mali ang sasabihin ko, hindi na ako nangahas na magsabi ng kahit ano. Kalaunan, lumapit ako sa Diyos sa panalangin, sinasabing, “Mahal na Diyos! Kamakailan ay napipigilan ako ng katayuan at reputasyon sa aking tungkulin. Nag-aalala ako na kung hindi magiging maganda ang pagbabahagi ko, hindi ko malulutas ang mga isyu kaya hindi ako naglalakas-loob na magbahagi. Hindi ko na tinutupad ang mga responsibilidad ko at talagang nakokonsensya ako. Pakiusap, bigyang-liwanag at gabayan Mo po ako para mapagnilayan at makilala ang sarili ko, para makalaya ako sa kasalukuyang kalagayang ito.” Pagkatapos magdasal, nakita ko ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ginagawa ng ilang tao ang kanilang tungkulin nang sapat na responsable at sinasang-ayunan sila ng mga hinirang ng Diyos, kaya’t nililinang sila ng iglesia para maging mga lider o manggagawa. Pagkatapos magtamo ng katayuan, nagsisimula silang makaramdam na namumukod-tangi sila sa karamihan at iniisip nila, ‘Bakit ako ang pinili ng sambahayan ng Diyos? Hindi ba’t dahil mas mahusay ako kaysa sa inyong lahat?’ Hindi ba’t parang ganito ang sasabihin ng isang bata? Ito ay pagiging isip-bata, katawa-tawa, at kawalang-muwang. Sa katunayan, ni katiting ay hindi sila mas mahusay kaysa sa ibang tao. Sadyang natutugunan lang nila ang mga pamantayan para malinang sila ng sambahayan ng Diyos. Makakaya man nilang pasanin ang responsabilidad na ito o hindi, ang gawin nang maayos ang tungkuling ito o tapusin ang ipinagkatiwalang ito ay ibang usapan na. Kapag ang isang tao ay nahalal ng mga kapatid na maging lider, o itinaas ng ranggo ng sambahayan ng Diyos para gawin ang isang gawain o gampanan ang isang tungkulin, hindi ito nangangahulugan na mayroon siyang espesyal na katayuan o posisyon, o na ang mga katotohanang nauunawaan niya ay mas malalim at mas marami kaysa sa ibang mga tao—lalo nang hindi ito nangangahulugan na ang taong ito ay nagpapasakop sa Diyos, at hindi Siya pagtataksilan. Tiyak na hindi rin ito nangangahulugan na kilala niya ang Diyos, at may takot siya sa Diyos. Sa katunayan, hindi niya natamo ang anuman dito; ang pagtaas ng ranggo at paglilinang ay pagtataasng ranggo at paglilinang lamang sa prangkang salita, at hindi katumbas nito na pauna na siyang itinalaga at sinang-ayunan ng Diyos. Ang pagtaas ng kanyang ranggo at paglilinang sa kanya ay nangangahulugan lamang na itinaas na siya ng ranggo, at naghihintay na malinang. At ang huling kalalabasan ng paglilinang na ito ay depende sa kung hinahangad ng taong ito ang katotohanan, at kung kaya niyang piliin ang landas ng paghahangad ng katotohanan. … Kaya ano ang layunin at kabuluhan ng pagtataas ng ranggo at paglilinang sa isang tao? Ito ay na ang taong iyon, bilang isang indibiduwal, ay itinaas ng ranggo para masanay, para mas madiligan at maturuan, para maipaunawa sa kanya ang mga prinsipyo ng katotohanan, at ang mga prinsipyo ng paggawa ng iba’t ibang bagay, at ang mga prinsipyo, kaparaanan, at sistema ng paglutas sa iba’t ibang problema, gayundin, kapag nahaharap siya sa iba’t ibang uri ng sitwasyon at mga tao, paano mamahala at makipag-ayos sa mga ito alinsunod sa kalooban ng Diyos, at sa paraan na pumoprotekta sa mga interes ng sambahayan ng Diyos. Ipinahihiwatig ba nito na ang taong may talento na itinataas ng ranggo at nililinang ng sambahayan ng Diyos ay sapat ang kakayahang gawin ang kanyang gawain at gampanan ang kanyang tungkulin sa oras ng pagtataas ng ranggo at paglilinang o bago ang pagtataas ng ranggo at paglilinang? Siyempre hindi. Samakatuwid, hindi maiiwasan na, sa panahon ng paglilinang, mararanasan ng mga taong ito ang maiwasto, matabas, mahatulan at makastigo, malantad at maging ang mapalitan; ito ay normal, at ito ang ibig sabihin ng sanayin at linangin” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). “Lahat ay pantay-pantay sa harap ng katotohanan. Ang mga itinataas ng ranggo at nililinang ay hindi gaanong nakahihigit sa iba. Ang lahat ay naranasan ang gawain ng Diyos sa loob ng halos parehong panahon. Ang mga hindi pa naitataas ng ranggo o nalilinang ay dapat ding hanapin ang katotohanan habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin. Walang sinumang maaaring magkait sa iba ng karapatang hanapin ang katotohanan. Ang ilang tao ay mas masigasig sa paghahanap nila ng katotohanan at may kaunting kakayahan, kaya sila itinataas ng ranggo at nililinang. Ito ay dahil sa mga kinakailangan ng gawain ng sambahayan ng Diyos. Bakit may gayong mga prinsipyo ang sambahayan ng Diyos sa pagtataas ng ranggo at paggamit ng mga tao? Dahil may pagkakaiba-iba sa kakayahan at personalidad ng mga tao, at pumipili ang bawat tao ng magkakaibang landas, ito ay humahantong sa magkakaibang kahihinatnan sa pananalig ng mga tao sa Diyos. Iyong mga naghahangad sa katotohanan ay naliligtas at nagiging mga tao ng kaharian, habang iyong mga hindi talaga tinatanggap ang katotohanan, na hindi matapat sa kanilang tungkulin, ay itinitiwalag. Nililinang at ginagamit ng sambahayan ng Diyos ang mga tao batay sa kung hinahangad nila ang katotohanan, at sa kung matapat sila sa kanilang tungkulin. Mayroon bang pagkakaiba sa herarkiya ng iba’t ibang tao sa sambahayan ng Diyos? Sa ngayon, walang herarkiya sa katayuan, posisyon, halaga, o titulo ng iba’t ibang tao. Kahit man lang sa panahon na gumagawa ang Diyos para iligtas at gabayan ang mga tao, walang pagkakaiba ang ranggo, posisyon, halaga, o katayuan sa pagitan ng iba’t ibang tao. Ang tanging mga bagay na nagkakaiba ay nasa paghahati ng gawain at sa mga tungkuling ginagampanan” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, natutunan ko na ang dahilan kung bakit ako naging pasibo, negatibo at takot sa pagbabahagi ay dahil inilagay ko ang sarili ko sa pedestal bilang superbisor. Inakala ko na ang pagka-promote ko bilang superbisor ay nangangahulugan na mas mahusay ako kaysa sa iba, may magandang kabatiran nagtataglay ng mga natatanging interpretasyon ng mga isyu, at na mas magaling kaysa sa iba ang pagganap ko sa gawain. Kaya, pagkatapos tanggapin itong papel ng pagiging superbisor, palagi kong gustong ipakita sa lahat kung gaano ako nangingibabaw sa lahat ng bagay at ganap na may kakayahang gawin ang trabahong ito. Gusto kong makuha ang respeto at pagsang-ayon ng lahat. Kapag hindi tama ang mga pananaw na ibinabahagi ko at hindi ko nalulutas ang mga isyu ng mga tao sa mga pagtitipon, nag-aalala ako na baka sabihin ng lahat na hindi ako angkop na maging superbisor kung kaya nagsisimula akong magpanggap; nagiging tahimik at natatakot akong magsalita. Umiiwas pa nga ako na magbahagi kahit malinaw kong nakikita ang mga isyu ng iba. Kapag nagsasalita man ako, nag-iisip muna ako nang matagal at mabuti o hinihingi ang pagsang-ayon ng kapareha ko; kung hindi, hindi ako nagkukusang magbigay ng mga ideya ko o gumawa ng aksyon. Medyo naging pasibo ako sa aking tungkulin. Inakala ko na ang natanggap ko mula sa Diyos ay isang titulo, hindi tungkulin o responsibilidad. Ganap akong nakulong at nakontrol ng katayuan. Sa katunayan, hindi ako napili bilang superbisor dahil sa mas mahusay ako kaysa sa iba o mas maraming nauunawaan, at hindi sa dahil naaangkop ako sa posisyon. Nililinang ako ng iglesia batay sa aking kakayahan at mga talento, sinasanay ako na lumutas ng mga problema gamit ang katotohanan at mangasiwa sa mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo, at tinutugunan ang aking mga kakulangan para maunawaan ko ang katotohanan at makapasok sa realidad sa lalong madaling panahon. Pero walang katiyakan na magagawa ko nang maayos ang aking tungkulin at matutupad ang aking mga responsibilidad. Ang susi ay kung kaya kong tahakin ang landas ng paghahanap sa katotohanan o hindi at gawin ang aking tungkulin ayon sa hinihingi ng Diyos. Pero mali ang inakala ko na mas magaling na ako kaysa sa iba dahil ginawa akong superbisor, at na mayroon akong mas mataas na katayuan kaysa sa iba. Wala akong kamalayan sa sarili ko, at masyadong katawa-tawa ang mga ideya ko!
Kalaunan, nakita ko ang isa pang sipi ng mga salita ng Diyos na lubusang nakaantig sa akin: “Naniniwala ang mga anticristo na kung palagi nilang gustong magsalita at magbukas ng kanilang puso sa iba, malalaman ng lahat ang kanilang kalooban at makikita na hindi sila malalim, kundi mga ordinaryong tao lamang, at hindi na sila igagalang. Ano ang ibig sabihin kapag hindi na sila iginagalang ng iba? Ibig sabihin ay wala na silang matayog na puwang sa puso ng iba, at na sila ay tila karaniwan, simple, at ordinaryo. Ito ang ayaw makita ng mga anticristo. Kaya nga, kapag nakikita nila ang iba na laging inilalantad nang husto ang kanilang sarili at sinasabi na sila ay naging negatibo at suwail sa Diyos, at sa mga bagay kung saan sila nagkamali kahapon, at na ngayon, nagdurusa sila at may pasakit dahil hindi sila naging matapat na tao, hindi sinasabi ng mga anticristo ang gayong mga bagay, kundi itinatago ito sa kaibuturan ng kanilang kalooban. Mayroong ilan na nagsasalita nang bahagya dahil kulang ang kanilang kakayahan at simple ang kanilang isipan, at wala gaanong mga saloobin, kaya kakaunti ang mga salitang kanilang sinasabi. Ang kauri ng mga anticristo ay hindi rin gaanong nagsasalita ngunit hindi ito ang dahilan kung bakit—sa halip, ito ay isang problema sa kanilang disposisyon. Hindi sila gaanong nagsasalita kapag nakikita nila ang iba, at kapag nagsasalita ang iba tungkol sa isang bagay, hindi sila basta-basta nagbibigay ng opinyon. Bakit hindi sila nagbibigay ng kanilang mga opinyon? Una sa lahat, tiyak na wala sa kanila ang katotohanan at hindi nila nalalaman ang kabuluhan ng anumang bagay; kapag nagsasalita na sila, nagkakamali sila, at nakikita ng iba ang kanilang tunay na pagkatao. Kaya, nananahimik sila at humihinahon, kaya hindi sila maarok ng iba nang tama, at iniisip pa ng iba na sila ay matalino at pambihira. Sa ganitong paraan, walang mag-iisip na wala silang kuwenta. Dagdag pa, nakikita ang kanilang kalmado at mahinahong kilos, gaganda ang opinyon ng mga tao sa kanila, at hindi mangangahas na maliitin sila. Ito ang katusuhan at kasamaan ng mga anticristo…. Alam nila ang kanilang sariling sukat, at mayroon silang iba pang mapanlinlang na motibo, ang pinakanakakahiya sa lahat: Nais nilang maging mataas ang pagtingin sa kanila. Hindi ba lubhang kasuklam-suklam iyan?” (Ang Salita, Vol. IV. Paglalantad sa mga Anticristo. Ikaanim na Aytem). Inihayag sa akin ng mga salita ng Diyos na hindi madali para sa mga anticristo na magbahagi ng kanilang mga pananaw. Natatakot sila na sa sandaling ibahagi nila ang kanilang mga pananaw, makikita ng lahat kung ano talaga sila at mawawala ang kanilang katayuan at reputasyon sa mata ng ibang tao. Dahil dito, nananatili silang walang kibo para walang makahalata sa kanila. Ito ang masamang disposisyon ng isang anticristo. Napagtanto ko na ganoon din ang kinikilos ko noong mga panahong iyon. Nag-aatubili akong magbahagi ng mga pananaw pagkatuklas sa mga isyu dahil ang totoo ay may kasuklam-suklam akong layon sa isip ko: gusto kong itago ang aking mga kakulangan at magkunwari bilang isang kapuri-puring tao na nakakaunawa sa katotohanan. Gusto kong makuha ang paghanga at papuri ng mga kapatid. Palagi akong nag-aalala na magkakamali ako kung masyado akong magsasalita, at pagkatapos ay makikita ng lahat ang tunay kong kulay, mawawalan sila ng respeto sa akin at iisipin nila na hindi ako angkop na maging superbisor. Para mapanatili ang aking katayuan at reputasyon, kapag nagkakaproblema ang mga kapatid sa kanilang mga tungkulin, kakaunti lang ang ibinabahagi ko o umiiwas ako sa pagbabahagi para itago ang aking mga kakulangan, at huwag hayaang makita ako ng iba sa kung ano talaga ako. Talagang isa itong mapanlinlang na disposisyon. Itinalaga ako ng iglesia na maglingkod bilang superbisor para hanapin ko ang katotohanan upang malutas ang mga praktikal na isyu, at makipagtulungan sa mga kapatid para tuparin ang aming mga tungkulin. Pero upang mapanatili ang aking katayuan at reputasyon, at itago mula sa iba ang aking mga kakulangan, napabayaan kong gampanan ang aking mga tungkulin at responsibilidad at hinangad ko lang na ipangalandakan ang aking mga kalakasan para hangaan at sambahin ako ng iba. Tinatahak ko ang anticristong landas ng paglaban sa Diyos! Noong oras na iyon, medyo natakot ako, kaya’t lumapit ako sa Diyos sa panalangin, hinihiling sa Kanya na gabayan ako para makahanap ng landas ng pagsasagawa.
Kalaunan, nakita ko ang dalawa pang sipi ng mga salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “May ilang tao na itinataas ng ranggo at nililinang ng iglesia, at mabuting bagay ito, isa itong magandang pagkakataon para masanay. Masasabi na itinaas at biniyayaan sila ng Diyos. Kaya, paano nila dapat gampanan ang kanilang tungkulin? Ang unang prinsipyo na dapat nilang sundin ay ang maunawaan ang katotohanan. Kapag hindi nila nauunawaan ang katotohanan, dapat nilang hanapin ang katotohanan, at kung hindi pa rin nila nauunawaan matapos ang paghahanap, maaari silang humanap ng isang taong nakakaunawa sa katotohanan para makipagbahaginan at maghanap kasama niya, na magiging dahilan para mas mapabilis at tama sa oras ang paglutas sa problema. Kung tututok ka lang sa paggugol ng mas maraming oras sa pagbabasa ng mga salita ng Diyos nang mag-isa, at sa paggugol ng mas maraming oras sa pagninilay sa mga salitang ito, para makamit ang pagkaunawa sa katotohanan at malutas ang problema, napakabagal nito; ayon nga sa kasabihan, ‘Kailangan makaisip agad ng solusyon para sa problema.’ Pagdating sa katotohanan, kung nais mong umunlad kaagad, dapat mong matutuhan kung paano magtrabaho nang matiwasay kasama ng iba, at magtanong ng mas maraming katanungan, at mas maghanap pa. Saka lamang mabilis na lalago ang iyong buhay, at magagawa mong malutas ang mga problema sa oras, nang walang anumang pagkaantala sa alinman. Dahil katataas pa lang ng ranggo mo at nasa probasyon ka pa rin, at hindi mo tunay na nauunawaan ang katotohanan o taglay ang realidad ng katotohanan—dahil wala ka pa rin ng tayog na ito—huwag mong isipin na ang pagkakataas ng iyong ranggo ay nangangahulugang taglay mo na ang realidad ng katotohanan; hindi iyon ganoon. Ito ay dahil lang may nadarama kang pasanin sa gawain at nagtataglay ka ng kakayahan ng isang lider kaya ka napiling itaas ng ranggo at linangin. Kailangan may ganito kang pag-unawa. Kung, matapos na itaas ng ranggo at gamitin, maupo ka sa posisyon ng lider o manggagawa at maniwala na taglay mo ang realidad ng katotohanan, at na isa kang taong naghahangad ng katotohanan—at kung, kahit ano pa ang mga problemang mayroon ang mga kapatid, nagkukunwari kang nauunawaan mo, at na espirituwal ka—kung gayon ay isa itong kahangalan, at katulad ito ng kapaimbabawan ng mga Pariseo. Dapat magsalita at kumilos ka nang totoo. Kapag hindi mo nauunawaan, maaari ka namang magtanong sa iba o maghanap ng mga kasagutan at pagbabahaginan sa Itaas—walang nakakahiya tungkol sa alinman dito. Kahit hindi ka magtanong, malalaman pa rin ng Itaas ang totoo mong tayog, at malalaman na wala sa iyo ang realidad ng katotohanan. Ang marapat mong gawin ay ang maghanap at makipagbahaginan; ito ang katuturan na dapat makita sa normal na pagkatao, at ang prinsipyo na dapat sundin ng mga lider at manggagawa. Hindi ito isang bagay na dapat ikahiya. Kung iniisip mo na kapag naging lider ka na ay nakakahiyang palaging magtanong sa ibang mga tao o sa Itaas, o na hindi maunawaan ang mga prinsipyo, at kung magkukunwari ka dahil dito, na nagpapanggap na nauunawaan mo, na alam mo, na kaya mo ang gawain, na kaya mong gawin ang anumang gawain ng iglesia, at hindi mo kailangan ang kahit sino para magpaalala o magbahagi sa iyo, o kahit sino para tustusan o suportahan ka, mapanganib ito, at masyado itong mayabang at mapagmagaling, masyadong walang katuturan. Ni hindi mo nga alam ang sarili mong katangian—at hindi ka ba nito ginagawang hangal? Ang gayong mga tao ay hindi talaga natutugunan ang mga pamantayan ng pagtataas ng ranggo at paglinang ng sambahayan ng Diyos, at sa malao’t madali ay papalitan o papalayasin sila” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). “Kayo man ay itinaguyod o nilinang bilang mga lider o manggagawa, o kayo man ay mga indibidwal na may talento sa iba’t ibang propesyon, lahat kayo ay ordinaryo, lahat kayo ay nagawang tiwali ni Satanas, at wala ni isa sa inyo ang nakakaunawa sa katotohanan. Kaya, wala ni isa sa inyo ang dapat magbalatkayo o magtago; sa halip, dapat matuto kayong magtapat sa pakikipagbahaginan. Kung hindi kayo nakakaunawa, aminin ninyong hindi kayo nakakaunawa. Kung hindi ninyo alam gawin ang isang bagay, aminin ninyong hindi ninyo alam gawin ito. Anuman ang mga problema o paghihirap na lumitaw, lahat ay dapat sama-samang magbahaginan at maghangad sa katotohanan para makahanap ng solusyon. Sa harap ng katotohanan, ang bawat tao ay katulad ng isang sanggol, bawat tao ay naghihikahos, kahabag-habag, at lubos na walang-wala. Ang kailangang gawin ng mga tao ay magpasakop sa harap ng katotohanan, magkaroon ng mapagpakumbaba at nananabik na puso, maghanap at tumanggap sa katotohanan, at pagkatapos ay magsagawa sa katotohanan at makapagpasakop sa Diyos. Sa paggawa nito, makakapasok ang mga tao sa realidad ng katotohanan ng mga salita ng Diyos habang ginagampanan ang kanilang mga tungkulin at sa kanilang tunay na buhay. Lahat ay pantay-pantay sa harap ng katotohanan” (Ang Salita, Vol. V. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa. Ang mga Responsabilidad ng mga Lider at Manggagawa 5). Sa pamamagitan ng pagninilay sa mga salita ng Diyos, nakahanap ako ng landas ng pagsasagawa. Dapat kong talakayin kung ano ang nauunawaan ko at magkaroon ng tamang saloobin sa aking mga kakulangan, umiiwas sa pagbabalatkayo at pagkukunwaring nakakaunawa. Kung hindi ko nauunawaan ang isang bagay, dapat akong maghanap at makipagbahaginan sa iba. Sa pamamagitan lamang ng pagtutulungan natin magagawa nang maayos ang ating mga tungkulin. Lagi kong sinisikap na itago ang aking mga kakulangan at hindi ko lang talaga kayang harapin ang katunayan na may problema ako, hindi ko rin hinanap ang katotohanan para lutasin ang aking problema. Hinding-hindi ako mapapabuti sa ganitong paraan, o magiging epektibo sa aking tungkulin. Dumaan ako sa ilang balakid at kabiguan noong panahong iyon na naglantad sa mga pagkukulang ko, pero dahil dito, nagkaroon din ako ng kamalayan sa sarili kong katangian, upang sa hinaharap ay magagawa kong magtrabaho at kumilos sa makatwirang paraan, matutong makipagtulungan sa iba, hanapin ang katotohanan at pangasiwaan ang mga bagay-bagay ayon sa prinsipyo. Ang lahat ng ito ay magiging napakalaking pakinabang. Pagkatapos niyon, naging mas bukas ako sa aking mga pagtitipon kasama ang lahat ng grupo.
Sa isang pagtitipon, napansin kong nagkukumpitensiyahan ang dalawang sister para sa karangalan at pakinabang at gusto kong maghanap ng ilang salita ng Diyos para magbahagi sa kanila. Pero naisip ko, “Mayroon akong kaunting karanasan sa bagay na ito, pero wala akong malalim na pagkaunawa rito. Mamaliitin ba nila ako kung masyadong mababaw ang pagbabahagi ko at sasabihing hindi ako kwalipikadong maging superbisor? Siguro hindi ako dapat magbahagi sa kanila.” Nang sandaling iyon, napagtanto ko na muli na naman akong nagpapanggap. Naalala ko ang isang sipi ng mga salita ng Diyos na nabasa ko ilang araw na ang nakalipas: “Dapat maunawaan ng lahat ng nananalig sa Diyos ang Kanyang kalooban. Yaon lamang mga tumutupad nang wasto sa kanilang mga tungkulin ang makalulugod sa Diyos, at sa pagkumpleto lamang ng mga atas na ipinagkakatiwala Niya sa kanila magiging kasiya-siya ang pagganap ng isang tao sa kanilang tungkulin. … Kaya, ano ang pamantayang kailangang tugunan para maisagawa ang atas ng Diyos, at magampanan ang iyong tungkulin nang tapat at maayos? Iyon ay ang gawin ang iyong tungkulin nang buong puso, nang buong kaluluwa, nang buong pag-iisip, at nang buong lakas mo” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ano ba Talaga ang Inaasahan ng mga Tao Para Mabuhay?). Dahil tinanggap ko ang tungkuling ito, dapat ko itong gampanan sa abot ng aking makakaya. Napansin kong nasa masamang kalagayan ang mga sister, kaya dapat kong gawin ang lahat ng aking makakaya para magbahagi sa katotohanan at suportahan sila, na magbibigay-daan sa kanila na magkaroon ng kamalayan sa kanilang mga tiwaling disposisyon, para matigil ang kanilang pakikipagkumpitensya para sa karangalan at pakinabang at magawang tuparin nang normal ang kanilang mga tungkulin. Tanging sa paggawa nito ko matutupad ang aking tungkulin. Napagtanto ko na ang pagbabahagi sa katotohanan para lutasin ang mga isyu ay isang magandang bagay—ito ay patotoo tungkol sa Diyos at nagdadala ng mga tao sa harapan Niya—pero itinuturing ko lang ito bilang paraan ng pagtamo ng paghanga. Naging sobra akong kamuhi-muhi at nasusuklam ako sa sarili ko. Ayaw kong patuloy na mamuhay sa ganoong paraan. Gusto ko lang tuparin ang aking mga tungkulin at responsibilidad at magbahagi sa lahat ng nakikita at nauunawaan ko, para bigyan ang mga sister ng praktikal na tulong. Nang makapagdesisyon na ako, nakakita ako ng ilang sipi ng mga salita ng Diyos na ibabahagi sa kanila. Namangha ako nang magkaroon ng kaunting kamalayan ang mga sister sa kanilang kalagayan pagkatapos nilang makinig. Nang makita ko kung paano sila nagkaroon ng kamalayan sa sarili at naging handang magsisi, nagpasalamat ako sa Diyos. Pagkatapos niyon, tinalakay namin ang iba pang isyu na mayroon sila sa kanilang gawain at binigay ko ang opinyon ko sa bagay na ito. Nagpahayag din ang ilang lider ng grupo ng kanilang mga pananaw. Pagkatapos magbahagi, nagkaroon ang lahat ng mas malinaw at mas tumpak na pagkaunawa at nabawasan ang anumang mga paglihis. Maganda sa pakiramdam ang pagsasagawa sa ganitong paraan at mas naging magaan at malaya ang pakiramdam ko. Mula noon, napabuti nang husto ang aking pag-iisip sa mga sumusunod na pagtitipon: Hindi ko na inilalagay ang sarili ko sa pedestal bilang superbisor at tumigil na ako sa pagpapanggap. Tinatalakay ko lang ang sa abot ng nalalaman ko at sinasabi ang anumang naiisip ko. Labis itong nakapagpapalaya. Napagtanto ko rin na kapag ginagamit ko ang tamang pag-iisip, hindi inaalala ang iisipin sa akin ng iba, at pinatatahimik ang aking isipan para pagnilayan ang mga isyu, nagkakaroon ako ng mas malalim na kabatiran sa mga problema at nakakapagbahagi nang mas malinaw. Sa ilang sitwasyon, kusa na lang lumalabas mula sa akin ang isang pagbabahagi, nang hindi ko man lang muna napag-iisipan. Alam ko na ito ang kaliwanagan at patnubay ng Banal na Espiritu. Bagamat hindi palaging tumpak ang aking mga opinyon, hindi na ako napipigilan at itinutuwid ko na lang ang mga kamalian ko kapag lumilitaw ang mga ito. Lahat ito ay sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos kaya ko nakamit ang pagbabagong ito. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Li Yi, TsinaNoong Agosto 2015, lumipat kami ng pamilya ko sa Xinjiang. Nabalitaan kong nagpatupad doon ang Partido Komunista ng...
Ni Serena, Timog Korea Noong Setyembre 2021, inayos ng iglesia na makilahok ako sa proyekto ng paggawa ng isang bagong video—isang proyekto...
Ni Xiaoli, Tsina Noong Pebrero 2023, napili ako bilang isang lider ng iglesia, na pangunahing responsable para sa gawain ng pagdidilig....
Ni Gao Ying, TsinaTinanggap ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw noong 2008. Sa pagbabasa ng salita ng Diyos,...