Bakit Nagkakasakit ang Tao? Paano Natin Hahanapin ang Kalooban ng Diyos sa Pagkakasakit?
Ang kasabihang “Nagkukumahog sa paghahanap ng manggagamot tuwing ikaw ay maysakit” ay direktang sumasalamin sa mga pakiramdam ng mga tao ng pagkabalisa, kawalang magawa at pagkataranta kapag sila ay may sakit. Bilang mga Kristiyano, bagaman alam natin na ang lahat ay nilikha ng Diyos, na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ang bawat hininga at na ang Diyos ay pinamumunuan at isinasaayos ang buhay at kamatayan ng tao, nakakaramdam pa rin tayo ng pagkalito sa kung ano ang gagawin kapag hinarap ng karamdaman. Kaya naman ako’y naguguluhan sa bagay na ito: Kapag ang karamdaman ay dumating sa atin, paano natin dapat danasin ito upang makaya itong harapin nang kalmado at upang magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos? Ako’y madalas na nanalangin at nagsaliksik sa Diyos tungkol dito, at ako’y nagsaliksik at nakipagbahagian kasama ng mga kapatid hanggang, kalaunan, naunawaan ko: Kapag tayo ay nagkasakit, tanging sa pag-unawa sa kung ano ang intensyon ng Diyos sa likod ng ating pagkakasakit at sa pagkatuto ng apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa natin malulutas ang ating pakiramdam ng kabalisahan, pagkataranta at kawalang magawa, at magkaroon ng tunay na pananampalataya sa Diyos. Kaya dito ay ibabahagi ko ang aking maliit, simpleng konting pag-unawa kasama ang mga kapatiran sa pag-asa na ito ay makakatulong sa inyong lahat.
1. Unawain ang Pinagmulan ng Karamdaman at Huwag Magreklamo sa Diyos
Kapag tayo ay nagkasakit, lahat ay magkakaroon ng kanilang sariling mga ideya tungkol dito, ang ibang mga kapatiran ay magrereklamo tungkol sa kanilang karamdaman, nagsasabi ng mga bagay gaya ng: “Paano ko nakuha ang karamdamang ito gayong ako’y naniniwala sa Diyos?” at “Bakit ang Diyos ay hindi ako binabantayan at pinoprotektahan?” Mayroon ding mga kapatiran na mag-iisip na sila ay nagkasakit dahil hindi nila napasaya ang Diyos sa ilang paraan at ang Diyos ay hindi masaya sa kanila, at sa gayon sila ay nalulugmok at sumusuko, sila ay nagkakaroon ng maling pagkaunawa at sinisisi ang Diyos sa kanilang negatibong kalagayan…. Ito ang mga pagpapahayag ng mga kalagayan na maaari tayong magkaroon kapag tayo’y nagkasakit, at ito lahat ay dulot ng hindi natin maunawaan ang pinagmulan ng karamdaman. Sa totoo lang, kahit ano pang uri ng karamdaman ang ating sapitin, hindi natin dapat sisihin ang Diyos o magkaroon ng maling pag-unawa sa Diyos, dahil ang karamdaman ay mula kay Satanas, dahil ito ay dumating pagkatapos tayong gawing tiwali ni Satanas. “Ano ang pinagmulan ng habambuhay na paghihirap mula sa kapanganakan, kamatayan, karamdaman, at pagtanda na tinitiis ng mga tao? Ano ang naging dahilan para magkaroon ng mga bagay na ito ang mga tao? Wala namang ganitong mga bagay ang mga tao noong una silang likhain, hindi ba? Saan, kung gayon, nagmula ang mga bagay na ito? Umiral ang mga bagay na ito matapos tuksuhin ni Satanas ang mga tao at naging masama ang kanilang laman. Ang pananakit ng pantaong laman, ang mga hirap at kahungkagan nito, gayon din ang napakamiserableng mga problema sa mundo ng mga tao ay dumating lamang matapos nagawa nang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Matapos gawing tiwali ni Satanas ang mga tao, sinimulan nitong pahirapan sila. Kaya naman, mas lalo silang naging masama. Ang mga karamdaman ng sangkatauhan ay lalo pang lumubha, at ang kanilang pagdurusa ay lalo pang lumala. … Sa gayon, ang pagdurusang ito ay ibinagsak ni Satanas sa mga tao” (Ang Salita, Vol. III. Ang mga Diskurso ni Cristo ng mga Huling Araw. Ang Kabuluhan ng Pagtikim ng Diyos ng Pagdurusa sa Mundo).
Tulad ng alam nating lahat, si Adan at Eba sa umpisa ay nakinig sa salita ng Diyos at tumalima sa Kanya at nanirahan sila sa Hardin ng Eden sa ilalim ng kalinga at proteksyon ng Diyos at talagang malaya mula sa alalahanin; wala silang alam na karamdaman o kamatayan, mas lalo na ang kahit anong pagka-bahala o pag-aalala. Kalaunan, si Adan at Eba ay tinukso ni Satanas sa pagkain ng prutas mula sa puno ng karunungan ng mabuti at masama, na ipinagbawal sa kanila ng Diyos na kainin, at kaya sila ay lumayo at pinagtaksilan ang Diyos, naiwala nila ang kalinga at proteksyon ng Diyos at sila ay nahulog sa ilalim ng dominyon ni Satanas. Dahil dito, ang karamdaman, pag-aalala, kahungkagan, kamatayan at iba pa ay dumating sa sangkatauhan. Sa libu-libong mga taon, si Satanas ay gumagamit ng mga maling paniniwala at kasinungalingan ng tanyag at dakilang mga tao upang linlangin at itiwali ang tao, halimbawa ang ateismo, materyalismo at ebolusyonismo, pati na rin ang samu’t saring mga satanikong pilosopiya gaya ng “Bawat tao para sa kanyang sarili, at bahala na ang iba,” “Hindi pa nagkaroon kailanman ng sinumang Tagapagligtas,” “Ang tadhana ninuman ay nasa kanyang sariling kamay,” “Namamatay ang tao para sa pera, namamatay ang ibon para sa pagkain” “Kung walang hirap, walang sarap,” “Kailangan mo mapagtagumpayan ang sarili mong kaligayahan,” “Pera ang nagpapaikot sa mundo.” Si Satanas ay palaging tinuturuan ng doktrina ang mga tao gaya ng mga heresiya at kasinungalingan gamit ang mga paraan gaya ng edukasyon sa mga paaralan, impluwensya ng magulang at komunikasyon sa panlipunang mga kapaligiran. Kapag tayo ay nalason at naimpluwensyahan ng mga heresiya at kasinungalingan na ito, sa gayon ay ikakaila natin ang pag-iral ng Diyos at ang dakilang kapangyarihan ng Diyos, hindi na tayo naniniwala na ang Diyos ang nagtutustos sa atin at nagbibigay sa atin, at hindi na tayo naniniwala na ang Diyos ang namamahala sa bawat kapalaran natin. Sa halip, umaasa tayo sa samu’t saring mga maling paniniwala, kasinungalingan, pilosopiya, at mga kasabihan ni Satanas upang mabuhay at tinatangkilik natin ang pera, naging malapit sa banidad, at hinahangad natin ang katanyagan, kayamanan at katayuan. Upang makamit ang mas mataas na antas ng materyal na kaligayahan, naglalaan tayo ng lahat ng ating pag-iisip, pinapahirapan ang mga utak, nagmamadali sa kung saan-saan at nagsisikap nang husto, at nagbabayad tayo ng kahit anong halaga, kapalit man ito ng ating kalusugan. Kapag tayo ay nagsikap ngunit ang ating paghahangad sa pera, katanyagan, kayaman, at estado ay hindi nasiyahan, tayo ay nagiging balisa, galit, at yamot, at maaari pang maging dismayado sa buhay. Ang pangmatagalan na pakiramdam ng pang-aapi at sakit sa buhay ay hindi lamang tayo nagagawang pagod pareho sa katawan at isipan at nagdudulot sa atin na maranasan ang labis na paghihirap, ngunit maaari ring magdulot sa ating mga katawan na maranasan ang lahat ng uri ng iba’t ibang kondisyon, gaya ng pagkahilo at pagsikip ng dibdib, neurasthenia at, sa malubhang mga kaso, magkaroon ng karamdaman gaya ng depresyon, altapresyon at sakit sa puso. Upang makapasok sa mabuting paaralan at umangat sa madla, ang ilang mga estudyante ay inilulublob ang kanilang mga sarili nang husto sa kanilang pag-aaral at tuluyang ibinuhos ang lahat sa pag-aaral nang mabuti, at sa gayon sa murang edad ay nagkakaroon ng cervical spondylosis at neurasthenia; kapag bumagsak sila sa kanilang mga pagsusulit sa pagpasok sa kolehiyo, ang ilang mga estudyante ay hindi ito kinakaya, nalulugmok sila sa bawat araw at nagkakaroon ng matinding depresyon. Mayroon ding maraming mga tao na, upang kumita ng maraming pera at umangat sa rurok, ay sinosobrahan sa trabaho ang mga sarili nang higit sa kakayahan ng katawan upang dumanas at magkaroon ng mga problema sa kanilang likuran, kanilang mga binti, kanilang mga leeg at kanilang mga balikat, kanilang tiyan, at kanilang mga puso, at maaari pa na mamatay sa sobrang pagod. Ito ay ilan lang sa mga halimbawa, at mula rito makikita natin na ang karamdaman ay resulta ng katiwalian at pasakit na dulot sa atin ni Satanas, at ito rin ay resultang dulot sa atin ng ating pagtanggi sa Diyos, pag-iwas at pagtaksil sa Diyos, at ang ating paghahangad ng kayamanan, katanyagan at katayuan sa pamamagitan ng pag-asa sa ating sariling pagsisikap. Sa gayon, kapag tayo ay nagkasakit sa hinaharap, dapat tayong maging makatwiran at kunin ang tamang pamamaraan upang kaharapin ito, at hindi natin dapat sisihin o magkaroon ng maling pagkaunawa sa Diyos.
2. Sa Pamamagitan ng Pagsunod sa Batas ng Buhay na Iniatas ng Diyos, Mababawasan Natin ang Pagkakataon ng Pagkakasakit
Minsan, nagkakasakit tayo dahil nilabag natin ang batas ng buhay na iniatas ng Diyos para sa tao. Sabi ng salita ng Diyos, “Nakalipas na ang ilang libong taon, at tinatamasa pa rin ng sangkatauhan ang liwanag at hangin na ipinagkaloob ng Diyos, hinihinga pa rin ang hininga na inihinga ng Diyos Mismo, tinatamasa pa rin ang mga bulaklak, ibon, isda at mga insektong nilikha ng Diyos, at tinatamasa ang lahat ng bagay na ibinigay ng Diyos; patuloy pa rin ang araw at gabi sa pagpapalitan sa isa’t isa; ganoon pa rin ang paghahalinhinan ng apat na panahon…. Ang bawat uri ng buhay na nilalang sa gitna ng lahat ng bagay ay umaalis at bumabalik, at muling umaalis pagkatapos, milyun-milyong pagbabago ang nangyayari sa isang kisap-mata—ngunit ang hindi nagbabago ay ang kanilang mga likas na pag-uugali at ang mga batas ng pananatiling buhay. Nabubuhay sila sa ilalim ng panustos at pagpapakain ng Diyos, at walang sinuman ang makakapagbago ng kanilang mga likas na pag-uugali, at walang sinuman ang makakasira sa kanilang mga patakaran ng pananatiling buhay” (Ang Salita, Vol. II. Ukol sa Pagkakilala sa Diyos. Ang Diyos Mismo, ang Natatangi I).
Nilikha ng Diyos ang lahat ng mga bagay sa langit at lupa at nilikha rin Niya ang sangkatauhan. Ang Diyos ay naglatag din ng mga panuntunan at batas ng buhay para sa sangkatauhan at sa lahat ng mga bagay. Halimbawa, iniatas ng Diyos sa sangkatauhan na tayo ay kumain ng tatlong beses sa isang araw, magtrabaho sa umaga at magpahinga sa gabi, at kumain ng pagkain na ipinagkaloob ng Diyos para sa atin nang naaayon sa mga panahon, at iba pa. Tanging sa pagsunod sa mga batas ng buhay na inilatag ng Diyos sa tao, sa pagtatamasa sa pang-araw-araw na tinapay na ipinagkaloob sa atin ng Diyos at sa pamumuhay sa mundo sa isang maayos na paraan tayo makakaiwas sa ilang mga karamdaman, at tayo sa gayon ay natural na magkakaroon ng malusog na mga katawan. Tayo ay mas lalong nagagawang tiwali ni Satanas, gayunman, walang lugar para sa Diyos sa ating mga puso. Upang paluguran ang ating pisikal na mga pagnanasa, madalas na nilalabag natin ang mga batas ng buhay na iniatas ng Diyos sa tao at hindi tayo namumuhay ng maayos na mga buhay, at ito sa isang banda ay nagdulot sa ating mga katawan na kapitan ng lahat ng uri ng karamdaman. Halimbawa, ang ilang mga tao ay madalas na naglalaro ng mga games sa kanilang mga telepono o sila ay nasa labas nagsasaya hanggang madaling araw o buong magdamag, at ang hindi regular na mga buhay at mga pamamaraan ng trabaho at pahinga ay nagdulot sa kanila na magkaroon ng sakit sa endocrine, nananamlay, pinsala sa atay at iba pa, na sa katagalan ay humahantong sa samu’t saring mga pisikal na mga problema. Ang ilang mga tao ay nagnanasa ng pisikal na kaligayahan at, upang paluguran ang kanilang gana sa pagkain, sila ay madalas gumagawa ng gayong mga bagay gaya ng pagkain at pag-inom hanggat gusto nila, kumakain sila ng pagkain na hindi napapanahon o pagkain na hilaw, malamig o mamantika, at sila ay kumakain pa ng junk foods sa mahabang panahon, na pagkatapos ay humahantong sa mga kakulangan sa nutrisyon at pagbaba ng panlaban ng katawan, at nagkakaroon sila ng enteritis, mga problema sa sikmura, at sakit sa puso at utak. Ang ilan ay nagkakaroon ng altapresyon, diabetes, hyperlipemia at pati kanser, at iba pa. Lalo na sa panahong ito ng modernong siyensya at teknolohiya, ang mga tao ay mabibili ang mga gusto nila na hindi man lang lumalabas ng kanilang mga tahanan. Ang pag-upo sa harap ng kompyuter sa mahabang panahon sa isang posisyon ay maaaring magdulot ng mahinang sirkulasyon, pamamaga at pananakit ng likod, binti, leeg at balikat at, sa mas malalang mga kaso, maaaring magdulot ng cervical spondylosis at pagbukol ng lumbar disc. Ang mga halimbawa na ito ay lahat mapait na bunga ng paglabag ng batas ng buhay na iniatas ng Diyos sa atin. Sa gayon, dapat tayong sumunod sa batas ng buhay na iniatas ng Diyos at, ayon sa ating mga indibidwal na pagkakataon, gumawa ng nararapat na pagsasaayos sa pamamaraan ng trabaho at pahinga upang tayo ay nagtatrabaho sa umaga at nagpapahinga sa gabi, at tayo ay dapat patuloy na mag-ehersisyo at lumabas sa sariwang hangin nang mas madalas. Tungkol sa pagkain, hindi dapat tayo magtuon sa lasa, ngunit sa nutrisyon. Namumuhay sa ganitong klase ng regular, maayos na buhay ay makakabawas sa pagkakaroon ng karamdaman.
3. Maging Payapa sa Harapan ng Diyos at Magnilay sa Iyong Sarili, at Magkumpisal at Magsisi sa Diyos
Sabi ng Diyos, “Paano dapat nararanasan ang pagsisimula ng karamdaman? Dapat kang humarap sa Diyos upang manalangin at hangaring maunawaan ang Kanyang kalooban, at suriin kung ano nga ba ang nagawa mong mali, o kung anong mga tiwaling disposisyon ang nasa loob mo na hindi mo malutas. Hindi mo malulutas ang iyong mga tiwaling disposisyon nang walang sakit. Ang mga tao ay dapat na mapalakas ng sakit; sa ganoon lamang sila hihintong maging imoral at mamumuhay sa harap ng Diyos sa lahat ng oras. Laging mananalangin ang mga tao kapag naharap sa pagdurusa. Hindi nila maiisip ang pagkain, kasuotan, o kasayahan; sa kanilang puso, mananalangin sila at susuriin kung nakagawa ba sila ng anumang kamalian sa panahong ito. Kadalasan, kapag naghihirap ang tao sa malalang sakit o ilang kakaibang karamdaman, at nagdudulot ito ng matinding sakit sa kanila, ang mga bagay na ito ay hindi aksidenteng nangyayari; ikaw man ay may sakit o malusog, ang kalooban ng Diyos ang nasa likod ng lahat ng ito” (“Tingnan ang Lahat ng Bagay sa Pamamagitan ng mga Mata ng Katotohanan”). Ang mga salita ng Diyos ay ipinapakita sa atin ang landas ng pagsasagawa tungkol sa kung paano dapat danasin ang karamdaman. Bagaman ang ilang mga karamdaman ay dulot ng batas ng kalikasan, mayroon ding iba na hindi nangyari nang walang dahilan, at ang mabuting intensyon at kalooban ng Diyos ay nasa likuran ng mga karamdamang ito, dahil sila ay isinaayos ng Diyos upang ang ating katiwalian at pagiging mapanghimagsik ay malinis at mabago. Dahil tayo ay malalim na natiwali ni Satanas at tayo ay nababalot ng gayong satanikong mga disposisyon gaya ng pagiging arogante at mapagmataas, buktot at mapanlinlang at masama at mabangis, tayo ay madalas na hindi kayang pigilan ang ating mga sarili sa pagkakasala at paglaban sa Diyos. Halimbawa, habang tayo ay gumagawa at nangangaral para sa Diyos, madalas tayong nagyayabang at ipinagmamapuri ang ating mga sarili tungkol sa kung gaano tayo nagdusa, gaano kalayo na ang ating narating at gaano karaming trabaho na ang ating natapos, na nagdudulot sa mga kapatiran na hangaan at tingalain tayo, at wala silang lugar para sa Diyos sa kanilang mga puso. Minsan, upang mapanatili ang ating karangalan at katayuan, hindi natin maiwasang magsinungaling at mandaya ng ibang mga tao, at madalas tayong nagsasabi ng isang bagay sa harapan ng mga tao at iba naman sa kanilang mga likuran. Minsan, kapag nakita natin ang ating mga katrabaho na mas magaling sa pagbibigay ng sermon sa atin at ang mga kapatiran ay lahat gustong marinig sila, nakakaramdam tayo ng inggit at pagkainis, at ayaw natin na mayroong mas magaling o mas malakas sa atin, sukdulan na nagagawa nating husgahan, maliitin at isantabi sila. Minsan, ang ating mga puso ay maaaring maakit sa mga masamang kalakaran at kumakapit sa pera at tinatamasa ang materyal na mga bagay, nilalayuan ang Diyos at hindi hinahangad ang katotohanan. Ang mga ito ay mga halimbawa lamang. Upang gisingin tayo at hindi na kahit kailan magrebelde o lumalaban sa Kanya, at sa gayon hindi na tayo nalilinlang at nasasaktan sa ilalim ng sakop ni Satanas, ang Diyos ay gumagamit ng pagpipino ng karamdaman upang magawa tayong magnilay at makilala ang ating mga sarili at nang tayo ay bumalik sa Kanya sa tamang oras. Tinutupad nito mismo ang mga salita ng Diyos sa Biblia: “Sapagka’t pinarurusahan ng Panginoon ang Kaniyang iniibig” (Hebreo 12:6). Sa gayon, kapag tayo ay nagkasakit, dapat tayong lumapit sa Diyos, magdasal at hanapin ang kalooban ng Diyos, magnilay sa ating relasyon sa Diyos at kung tayo ba ay may nagawa anuman laban sa Diyos o kung nakagawa tayo ng kahit anong laban sa kalooban at mga kahilingan ng Diyos. Sa panahon ng ating pagdarasal, paghahanap at pagninilay, ang Diyos ay liliwanagan at gagabayan tayo upang magawa nating makita ng malinaw ang ating katiwalian at pagiging mapanghimagsik, habang kasabay nito ay maunawaan ang katuwiran at kabanalan ng Diyos, upang maunawaan na ang Diyos ay kinamumuhian ang pamumuhay natin sa kasalanan at nagagalak kapag naisasagawa natin ang Kanyang mga salita at nabubuhay sa Kanyang mga salita para maisabuhay ang wangis ng isang tao. Mula rito, nagagawa nating pahalagahan ang masigasig na pagsisikap ng Diyos upang iligtas tayo, at ang ating mga puso ay hindi mapigilang galangin Siya, nagagawa nating kamuhian ang ating tiwaling mga disposisyon nang higit pa at sa gayon mapagpapasyahan nating hangarin ang katotohanan nang mabuti, magsisi at magbago.
Minsan kong narinig ang isang kapatid na nagbigay paliwanag ng kanyang mga karanasan ukol dito. Isang araw, ang sister ay biglang nagkaroon ng sipon. Siya ay nagkaroon ng lagnat na may taas na 39 digri, at ang kanyang kondisyon ay hindi bumuti kahit pagkatapos niyang maturukan at uminom ng gamot. Hindi niya maiwasang magtaka: “Ang sipon ko ay hindi gumagaling, hindi kaya ito ay dahil may nagawa akong isang bagay na laban sa kalooban ng Diyos?” Ang sister ay lumapit sa Diyos para hanapin ang Kanyang kalooban, at siya ay nagnilay sa kanyang sitwasyon sa nakalipas na ilang araw. Naisip niya na, simula ng kinuha niya ang posisyon bilang pinuno ng iglesia, nagagawa niyang magbigay ng mga sermon at nakapagsasagawa ng ilang mga gawain, at nagagawa niyang lutasin ang ilang mga paghihirap at problema ng mga kapatid, at kaya pakiramdam niya na tila siya ay magaling sa paghahangad ng katotohanan, higit sa kahit na sino, at siya ay madalas na sobrang nalulugod sa kanyang sarili at hinahangaan ang kanyang sarili nang labis. Nang ang mga katrabaho niya ay itinuro ang ilang mga kakulangan niya sa kanyang trabaho, kahit na mukhang tinanggap niya ito sa panlabas, ang puso niya ay hindi ito matanggap, at minsan ay sinubukan din niyang bigyan ng katwiran ang kanyang mga kilos sa kanyang mga katrabaho. Kapag ang mga katrabaho niya ay gumawa ng ilang makatwirang mga mungkahi tungkol sa gawain sa iglesia, hindi siya naghanap o nagbulay-bulay para makita kung ang mga mungkahi ng kanyang mga katrabaho ay ayon ba sa katotohanan o hindi, sa halip siya ay kumapit sa kanyang sariling mga pananaw at tinanggihan ang mga pananaw at opinyon ng kanyang mga katrabaho. Ito ay nagdulot sa kanya na hindi makagawa nang matiwasay kasama ang kanyang mga katrabaho, at nagdulot ng mga hadlang sa mga gawain ng iglesia. Pagkatapos niyang magnilay sa sarili, napagtanto ng sister na siya ay naging mapagmataas at mayabang, na hindi niya tinanggap o nagpasakop sa katotohanan, na wala siyang puso na may takot sa Diyos at na hindi lang napinsala ang buhay niya ngunit na inaantala niya ang gawain ng iglesia. Napagtanto ng sister na siya ay isang tao na natiwali ni Satanas, at kung hindi dahil sa paggabay ng Diyos, hindi siya talagang makakapagsagawa ng anumang trabaho. Na siya ay nakakagawa ng maliit na trabaho at nakalulutas ng ilang mga paghihirap at problema ng kanyang mga kapatid ay ganap na dahil sa gawain ng Diyos, at ang kanyang mga pagtatangka na nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos ay kinasuklaman Niya. Kasabay nito , ang kapatid ay nagawa ring maunawaan na ang kalooban ng Diyos ay upang magawa niyang hangarin ang katotohanan sa panahon ng pagsasagawa niya ng kanyang tungkulin, upang gumawa nang may pagtutulungan kasama ng mga kapatid, upang dalhin ang kalakasan ng lahat upang mamunga, upang ang lahat ay matuto sa kalakasan ng bawat isa at, magkakasama, tuparin ang gawain na itinagubilin ng Diyos sa kanila na gawin, dahil tanging sa paraan na ganoon magagawa nang mas mabuti ang gawain ng iglesia. Pagkatapos niyang maunawaan ito, ang sister ay nakaramdam ng labis na pagkahiya at pagsisisi, at nagmadali siyang nagsisi at nagkumpisal ng kanyang kasalanan sa Diyos. Sa gayon siya ay nagsagawa ng pagiging isang matapat na tao na ayon sa mga salita ng Diyos at naging mas bukas sa kanyang mga kapatid tungkol sa kanyang sariling katiwalian. Pagkatapos, nang siya ay nagsagawa ng gawain sa iglesia at nang matagumpay niyang nalutas ang mga problema ng kanyang mga kapatid, inihahandog niya ang kanyang pasasalamat at papuri sa Diyos at kinikilala na ang kaluwalhatian ay sa Diyos. Sa paggawa kasama ng kanyang mga katrabaho, hanggat ang kahit anong mungkahi ng kanyang mga katrabaho ay nakaayon sa katotohanan at kapaki-pakinabang sa gawain ng iglesia, palagi niya itong tinatanggap. Nang ang sister ay nagsimulang magsagawa sa ganitong paraan, ang kalagayan niya ay nalutas at, nang hindi niya namamalayan, ang karamdaman niya ay bumuti. Pagkatapos ng karanasang ito, Naunawaan ng sister na ang pagpipino ng karamdaman at sakit ay napakakapaki-pakinabang sa mga tao, dahil sa katunayan ito ay ang tunay na pagmamahal at proteksyon ng Diyos sa tao. Sa panahon ng kanyang karanasan, nagtamo siya ng ilang kaalaman tungkol sa matuwid na disposisyon ng Diyos: Habang siya ay namumuhay sa katiwalian, walang kamalayan na kailangan niyang magbago ng direksyon, ang Diyos ay ginamit ang kanyang karamdaman upang disiplinahin siya at udyukan siya upang payapain ang kanyang puso at magnilay sa kanyang sarili; nang siya ay bumalik sa Diyos, ang Diyos ay ginabayan siya at niliwanagan siya upang makilala ang kanyang sariling tiwaling disposisyon at maunawaan ang kalooban ng Diyos; nang siya ay nagsisi sa Diyos at nagsimulang isagawa ang katotohanan, natamasa niya ang gawain ng Banal na Espiritu at ang kanyang karamdaman ay unti-unting bumuti. Ang sister ay nagsimulang pahalagahan na ang Diyos ay nasa tabi natin, praktikal na gumagawa upang iligtas tayo mula sa katiwalian. Naunawaan din niya na, kapag ang karamdaman ay dumating sa atin, sa pamamagitan ng pagdarasal sa Diyos at pagkatutong maunawaan ang kalooban ng Diyos at sa pamamagitan ng pagninilay at pagkilala sa ating mga sarili, sa gayon ay matututo tayo ng maraming mga aral mula rito—ang karamdaman ay talagang isang napakahusay na pagkakataon sa atin para makapasok sa katotohanan.
4. Sa Panahon ng Pagpipino ng Karamdaman, Magkaroon ng Pananalig at Tumayong Saksi para sa Diyos
Mayroon isang pares ng mga kasabihan na ganito, “Kapag ang magulang ay nagkasakit nang matagal, kahit ang pinakatapat na anak ay iiwan ang tabi ng kanilang kama,” at “Ang panahon ay ibinubunyag ang puso ng tao.” Nang tayo ay nagsimula pa lang magkasakit, mayroon pa tayong pananalig na sapitin ito; nakakapagdasal tayo sa Diyos at sinusuri ang ating mga sarili para sa mga suliranin at nakakapagtuon tayo kung paano lulutasin ang ating maling kalagayan. Subalit kung ang ating karamdaman ay nagpatuloy at hindi bumuti, sa gayon marahil ay magsisimula tayong gumawa ng hindi makatwirang mga hiling sa Diyos at maaari pang sisihin at magkaroon ng hindi tamang pagkaunawa sa Diyos. Kaya paano natin dapat maranasan ang sitwasyong gaya nito? Ano ang kalooban ng Diyos? Sabi ng salita ng Diyos, “At Aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy, at sila’y dadalisayin ko na parang pilak na dalisay, at sila’y susubukin Ko na parang pagsubok sa ginto. Sila’y magsisitawag sa Aking pangalan, at akin silang didinggin” (Zacarias 13:9). Mula sa mga salita ng Diyos nauunawaan natin na, sa proseso ng pagliligtas ng Diyos sa atin, ang Diyos ay magsasaayos ng lahat ng uri ng mga sitwasyon upang subukin at pinuhin tayo, sa gayon ay inilalantad at dinadalisay ang ating tiwaling mga disposisyon at ang kaimbihan sa ating pananampalataya. Sa parehong oras, Siya ay nagsasaayos ng mga sitwasyon upang gawing perpekto ang ating pananampalataya sa Kanya at pagmamahal para sa Kanya. Ang karamdaman ay isang paraan kung saan pinipino tayo ng Diyos at, habang dinaranas natin ito, dapat nating panatilihin ang ating pananalig sa Diyos. Kung ang ating karamdaman ay bumuti man o hindi, hindi tayo dapat gumawa ng hindi makatwirang mga kahilingan sa Diyos, bagkus ay kailangang patuloy na tumayo sa lugar ng isang nilikha, magpasakop sa mga pagsasaayos at pagtatalaga ng Diyos at tumayong saksi sa Diyos.
Gaya ng naitala sa Biblia, halimbawa, si Job ay sumunod sa daan ng Diyos, at natakot siya sa Diyos at nilayuan ang kasamaan. Ang Diyos ay pinuri ang pananampalataya ni Job at tinawag si Job na perpektong tao sa Kanyang mga mata. Si Satanas, gayunman, ay hindi kumbinsido, at gusto nito na ikaila at pagtaksilan ni Job ang Diyos, at sa gayon ay tinukso nito si Job nang maraming beses at nagdulot sa kanyang katawan na mapuno ng masasakit na pigsa, mula sa tuktok ng kanyang ulo hanggang sa talampakan ng kanyang mga paa. Bagaman si Job ay nasa matinding sakit, hindi niya sinisi ang Diyos, ngunit sa halip ay sinabi ang ganitong makatwirang bagay, “Tatanggap ba tayo ng mabuti sa kamay ng Diyos, at hindi tayo tatanggap ng masama?” (Job 2:10) at tumayong matibay sa kanyang patotoo sa Diyos. Habang sumasailalim sa ganitong pagsubok, nagawang iwasan ni Job na magsalita ng makasalanan dahil, sa kanyang araw-araw na buhay, pinahahalagahan niya mula sa kalooban ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos, ang pagiging makapangyarihan at soberanya ng Diyos gayon din ang pagmamahal ng Diyos sa tao; alam niya nang lubos na siya ay nilikhang nilalang lamang at kailangan niyang magpasakop sa mga pagsasaayos ng Diyos. Kahit na ang sakit sa pangangatawan ay nagdulot sa kanya na magdusa ng napakatinding paghihirap, palagi siyang may takot sa Diyos sa kanyang puso, nagawa rin niyang matanggap at sumunod nang taos-puso sa kung ano ang nangyayari sa kanya, hindi siya nahadlangan ng kanyang karamdaman at, sa huli, si Satanas ay lumayo sa kahihiyan. Ang Diyos sa gayon ay pinuri si Job at nagpakita sa kanya sa hangin at kinausap siya. Ang pananampalataya ni Job sa Diyos ay nadalisay sa gayong mga pagsubok, pinahalagahan at nasiyahan sa gayong mga pagsubok, at ang kanyang puso ay napuno ng kapayapaan at ligaya. Makikita natin mula sa mga pagsubok ni Job na ang ilang karamdaman ay ang mga pagsubok ng Diyos, ngunit dahil mayroon tayong mga tiwaling disposisyon, masasabi rin na sila ay mga tukso ni Satanas. Si Satanas ay nais gamitin ang karamdaman upang wasakin ang ating pananampalataya sa Diyos, upang sisihin natin ang Diyos, pagtaksilan ang Diyos at iwanan ang Diyos. Subalit ang karunungan ng Diyos ay nagpapamalas batay sa mga mapanlinlang na pakana ni Satanas at, gamit ang karamdaman, ang Diyos ay pineperpekto ang ating pananampalataya sa Kanya. Naniniwala tayo na ang ating mga kapalaran ay nasa kamay ng Diyos at na ang Diyos ang nagpapasya kung kailan tayo ipinanganak, kailan mamamatay at anong mga karamdaman ang ating makukuha, at ang pagpiling ipagkatiwala sa Diyos ang lahat at magpasakop sa mga pagsasaayos at pagtatalaga ng Diyos ang pinakamainam na pagpili na ating magagawa. Sa ganitong paraan, magagawa nating magpasakop sa mga pagsasaayos at pagtatalaga ng Diyos, hindi na tayo nahahadlangan ng karamdaman, at makakaya nating patuloy na tumayo sa lugar ng isang nilikhang nilalang upang sambahin ang Diyos; maaari tayong mas mapalapit sa Diyos tulad ng dapat nating gawin at hangarin ang katotohanan nang mabuti tulad ng nararapat; maaari tayong magsumikap na tuparin ang tungkulin ng nilikhang nilalang at mahaharap natin ito nang kalmado kahit na alisin man ng Diyos ang karamdaman o hindi; kahit na tayo ay magkasakit man sa ating buong buhay, hindi tayo magrereklamo. Ito ang pagsaksi na kailangan nating taglayin sa harap ng Diyos, at sa pagsasagawa sa ganitong paraan, ang ating mga puso ay makakaramdam ng kaluwagan at kapayapaan.
Sa huli, kailangan nating alalahanin na, sa pagsusuri ng ating mga sarili at pagdanas ng gawain ng Diyos kapag tayo ay nagkasakit, maaari nating piliin na maghanap ng medikal na tulong o malampasan ito sa pamamagitan ng pag-asa sa ating pananampalataya—walang batas tungkol dito. Ang pinakamahalaga ay nagagawa nating matamo ang katotohanan mula rito at ang ating mga buhay ay makita ang ilang progreso at umani ng ilang mga resulta.
Mga kapatid, sa pamumuhay sa mundong ito tayo ay makaka-engkwentro ng mga bagay na hindi natin inaasahan sa bawat araw, gaya ng paghihirap sa karamdaman, mga kakulangan sa buhay, pag-uusig ng ating mga pamilya at paninirang-puri ng makamundong mga tao, at iba pa. Bilang mga Kristiyano, paano tayo dapat maghanap at maunawaan ang kalooban ng Diyos at matuto sa mga aral upang matamo ang katotohanan sa lahat ng uri ng mga pagsubok ay isang bagay na dapat nating hanapin at pasukin. Umaasa ako na ang apat na mga prinsipyo ng pagsasagawa na napagbahagian natin sa itaas ay makatulong sa inyo na mapagtagumpayan ang hadlang ng karamdaman, at tunay kong hinihiling na ang mga kapatid ay maunawaan ang kalooban ng Diyos, matamo ang katotohanan at tumayong saksi sa bawat pagsubok. Naway gabayan at pagpalain tayo ng Diyos. Amen.
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.