Madalas Akong Maubusan ng Pasensya at Kinagagalitan ang Iba Nang Basta-basta. Ano ang Dapat Kong gawin?

Hunyo 16, 2021

Katanungan: Kahit na naging mananampalataya ako ng Panginoon sa loob ng maraming taon, nabubuhay pa rin ako sa paulit-ulit na pagkakasala at pagtatapat at pagiging mainitin ng ulo. Sa bahay man o sa kumpanya, kapag nagsasabi ang iba o gumagawa ng isang bagay na hindi ko gusto, hindi ko mapigilang mag-init ang aking ulo—ito ang bumabagabag sa akin nang husto. Nais kong hanapin kung paano mareresolba ang aking pagkagalit at tumigil sa pagkakasala at kung paano isasagawa ang mga turo ng Panginoon.

Kasagutan: Hello, ang problemang inilarawan mo ay karaniwan sa mga mananampalataya. Kung nais nating maresolba ang ating pagkagalit, dapat muna nating tuklasin ang pinagmumulan ng ating galit. Sa katunayan, ito ay dahil kinokontrol tayo ng ating makasalanang kalikasan kaya madalas tayong magalit at ibinubunyag ang pagiging mainitin ng ulo kapag nahaharap sa mga bagay na salungat sa ating mga ideya. Halimbawa, dahil kinokontrol tayo ng ating kalikasang mapagmataas at may labis na pagtingin sa sarili, lagi nating iniisip na ang ating sariling mga opinyon ay kumpleto at pinakatama, ninanais na magkaroon ng panghuling salita sa lahat ng bagay at ninanais ang iba na kumilos ayon sa ating mga hinihiling. Kapag ang ating mga pamilya, mga kaibigan o katrabaho ay gumawa ng isang bagay na salungat sa ating sariling mga ideya o hindi nakikinig sa atin, magagalit tayo at papagalitan sila, hindi kayang pigilan ang ating sarili. Bilang karagdagan, dahil makasarili tayo at sakim, lahat ng ginagawa natin ay para sa sarili nating pakinabang, at sa oras na ang ating interes ay nasira, hindi na natin makokontrol ang ating galit at ibinubunyag ang pagiging mainitin ng ating ulo. … Kung hindi malulutas ang ating makasalanang kalikasan, walang paraan para sa atin na maresolba ang ating galit. Kapag nahaharap sa mga bagay na hindi natin gusto, kahit na pagsikapan nating pigilan ang ating sarili, sandali lamang natin napipigilan ang ating mga sarili at pagkatapos ay mawawalan na tayo ng pagtitimpi sa susunod.

Marahil ay magtatanong ang ilang tao, “Pagkatapos nating tanggapin ang pagtubos ng Panginoong Jesus, hindi ba’t napatawad na ang ating mga kasalanan? Bakit kaya pa rin nating magalit nang hindi sinasadya, bakit tayo nasa ilalim ng pagkontrol ng ating makasalanang kalikasan at hindi makatakas sa gapos ng kasalanan?” Tingnan natin ang dalawang sipi ng mga salita ng Diyos, at pagkatapos ay mauunawaan natin. Sabi ng Diyos, “Ang mga kasalanan ng tao ay maaaring mapatawad sa pamamagitan ng handog para sa kasalanan, ngunit walang paraan ang tao para lutasin ang suliranin kung paano siya hindi na muling magkakasala at kung paanong ang kanyang makasalanang kalikasan ay ganap na maiwawaksi at mababago. Ang mga kasalanan ng tao ay napatawad dahil sa gawain ng pagpapapako sa krus ng Diyos, ngunit ang tao ay patuloy na namuhay sa dati niyang tiwaling maka-satanas na disposisyon. Dahil dito, ang tao ay dapat na ganap na mailigtas mula sa kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon upang ang makasalanang kalikasan ng tao ay maaaring ganap na maiwaksi at hindi na kailanman muling mabubuo, at sa gayon ay tinutulutang mabago ang disposisyon ng tao. Kakailanganin nito na maunawaan ng tao ang landas ng paglago sa buhay, ang daan ng buhay, at ang daan upang baguhin ang kanyang disposisyon. Kakailanganin din na ang tao ay kumilos alinsunod sa landas na ito, nang sa gayon ang disposisyon niya ay unti-unting mababago at makakapamuhay siya sa ilalim ng sikat ng liwanag, upang ang lahat ng ginagawa niya ay maging kaayon ng kalooban ng Diyos, upang maiwaksi niya ang kanyang tiwaling maka-satanas na disposisyon, at upang makalaya siya mula sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas, at sa gayon ay ganap na makalaya mula sa kasalanan. Saka lamang matatanggap ng tao ang ganap na kaligtasan.”

Bagama’t maraming gawaing ginawa si Jesus sa tao, kinumpleto lamang Niya ang pagtubos sa buong sangkatauhan at naging handog dahil sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis ang lahat ng tiwaling disposisyon ng tao. Ang lubos na pagliligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang kinailangan ni Jesus na maging handog dahil sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas malaki pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang maka-Satanas na tiwaling disposisyon. Kaya nga, ngayong napatawad na ang tao sa kanyang mga kasalanan, nagbalik na ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay naghatid sa tao sa isang mas mataas na dako. Lahat ng nagpapasakop sa Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at matatamo nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

Malalaman natin mula sa mga salitang ito ng Diyos na sa Kapanahunan ng Biyaya, isinagawa ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan, na nagpahintulot sa sangkatauhan na mapatawad sa mga kasalanan at makatakas mula sa pagkondena at pagsumpa ng mga kautusan. Hanggat tinatanggap natin ang kaligtasan ng Panginoong Jesus at nananalangin sa Kanya upang magtapat, ang ating mga kasalanan ay patatawarin ng Panginoon at makakatamo tayo ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Kanya. Ang ginawa ng Panginoong Jesus ay upang mapatawad ang mga kasalanan ng tao at palayain ang tao mula sa pagkondena ng mga batas. Ngunit ang ating makasalanang kalikasan ay umiiral pa rin, na mas malalim kaysa sa kasalanan at mas mahirap na iresolba, at ang ugat na dahilan ng ating paggawa ng mga kasalanan at paglaban sa Diyos. Lahat tayo ay may personal na karanasan dito: Gaano man natin subukan na pigilan ang ating laman, hindi natin kayang isagawa ang mga salita ng Panginoon at hindi kayang kontrolin ang ating galit, sundin ang Diyos at maging tapat na tao. Kapag nahaharap tayo sa mga bagay na nakakaapekto sa ating sariling interes, nagsasabi tayo ng mga kasinungalingan at nanlilinlang; kapag ang mga natural o gawa ng taong mga sakuna ay dumarating sa atin, kapag nahaharap tayo sa mga pagsubok at pagdurusa, magdadahilan tayo sa Diyos, nilalabanan ang Diyos, at sinisisi at pinagtataksilan pa Siya, at marami pang iba. Makikita na kung ang ating makasalanang kalikasan ay hindi pa rin mareresolba, habang buhay tayong mabubuhay sa patuloy na pagkakasala at pagkatapos ay pagtatapat at hindi makakawala mula sa mga gapos at pagpipigil ng kasalanan.

Minsang sinabi ng Diyos, “Kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t Ako’y banal(Levitico 11:45). “Ang bawa’t nagkakasala ay alipin ng kasalanan. At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man(Juan 8:34–35). Naitala sa Mga Hebreo 10:26-27: “Sapagka’t kung ating sinasadya ang pagkakasala pagkatapos na ating matanggap ang pagkakilala sa katotohanan, ay wala nang haing natitira pa tungkol sa mga kasalanan, Kundi isang kakilakilabot na paghihintay sa paghuhukom, at isang kabangisan ng apoy na lalamon sa mga kaaway.” Ang Diyos ay banal at matuwid, kaya ang mga taong patuloy na nagkakasala at lumalaban sa Diyos ay hindi makakapasok sa kaharian ng langit. Samakatuwid, ayon sa Kanyang plano ng pamamahala upang iligtas ang sangkatuhan at ang aktwal na mga kinakailangan ng tiwaling sangkatauhan, magpapahayag ang Diyos ng katotohanan sa mga huling araw upang isagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos at upang resolbahin ang pangunahing problema na ang mga tiwaling sangkatauhan ay kinokontrol ng kanilang satanikong kalikasan. Iyon ang paraan kung paano unti-unting mapapalaya ng mga tao ang kanilang sarili mula sa kanilang satanikong disposisyon, malinis at makapasok sa kaharian ng langit. Tulad ito ng ipinropesiya ng Panginoong Jesus: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan(Juan 16:12–13). “Ang nagtatakuwil sa Akin, at hindi tumatanggap sa Aking mga pananalita, ay mayroong isang hahatol sa kaniya: ang salitang Aking sinalita, ay siyang sa kaniya’y hahatol sa huling araw(Juan 12:48). At nasusulat sa 1 Peter 4:17, “Sapagka’t dumating na ang panahon ng pasimula ng paghuhukom sa bahay ng Diyos.” Sabi sa Pahayag 22:14, “Mapapalad ang nangaghuhugas ng kanilang damit, upang sila’y magkaroon ng karapatan sa punong kahoy ng buhay, at makapasok sa bayan sa pamamagitan ng mga pintuan.” Malinaw na tanging sa pagtanggap sa gawain ng paghatol na ginagawa ng nagbalik na Panginoon natin mareresolba ang ating pagkagalit, lubusang maaalis ang mga gapos at paghadlang ng mga kasalanan, at malilinis ang ating makasalanang kalikasan.

Ngayon, tanging Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ang hayagang nagpapatotoo na ang Panginoong Jesus ay nagbalik na. Ipinahayag Niya ang katotohanan at isinagawa ang gawain ng paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos upang ganap na malinis ang sangkatauhan at mailigtas sila mula sa mga gapos ng kasalanan nang minsanan, sa gayo’y tinutupad ang mga propesiya ng pagbabalik ng Panginoong Jesus upang ipahayag ang katotohanan at gawin ang gawain ng paghatol. Kung gayon ay paano isinasagawa ng Makapangyarihang Diyos, Cristo ng mga huling araw, ang gawain ng paghatol upang linisin ang mga tao. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos. Ang idinudulot ng gawain ng paghatol ay ang pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa katotohanan tungkol sa kanyang sariling pagkasuwail. Ang gawain ng paghatol ay nagbibigay-daan sa tao na magtamo ng malawak na pagkaunawa sa kalooban ng Diyos, sa layunin ng gawain ng Diyos, at sa mga hiwagang hindi niya maunawaan. Tinutulutan din nito ang tao na makilala at malaman ang kanyang tiwaling diwa at ang mga ugat ng kanyang katiwalian, gayundin para matuklasan ang kapangitan ng tao. Ang mga epektong ito ay bunga lahat ng gawain ng paghatol, sapagkat ang diwa ng gawaing ito ay ang mismong gawain ng pagbubukas ng katotohanan, ng daan, at ng buhay ng Diyos sa lahat ng may pananampalataya sa Kanya. Ang gawaing ito ay ang gawain ng paghatol na ginagawa ng Diyos.

Ipinapakita ng mga salita ng Diyos sa atin na ginagamit ng Diyos ang katotohanan na Kanyang ipinahayag sa mga huling araw upang hatulan ang tiwaling sangkatauhan, iyon ay, ginagamit Niya ang katotohanan upang linisin ang tiwaling sangkatauhan sa kanilang satanikong mga disposisyon at upang lutasin ang kanilang problema sa kanilang kalikasan: paglaban sa Diyos. Sa gawain ng paghatol ng mga huling araw, nagpapahayag ang Makapangyarihang Diyos ng mga salita upang ibunyag ang mga misteryo ng 6,000-taong plano ng pamamahala at ipinapakita sa atin ang landas ng pagdadalisay at kaligtasan sa ating pananampalataya. Sa parehong oras, lubusan Niyang ibinubunyag ang katotohanan tungkol sa ating katiwalian na gawa ni Satanas, at ang ating satanikong kalikasan at mga disposisyon. Sa pamamagitan ng paghahayag at paghatol ng mga salita ng Diyos, makikita natin nang malinaw kung paano tayo malalimang natiwali ni Satanas, na napupuno tayo ng satanikong mga disposisyon ng pagmamataas, kasamaan at pagiging mapanlinlang, at walang pagpapakatao sa paraan ng ating pamumuhay. Pagkatapos ay magsisimula tayong magsisi at handa nang tanggapin ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, mga pagsubok at pagpipino, at handa ng hangarin ang katotohanan at ang pagbabago sa disposisyon at kumilos nang naaayon sa mga salita ng Diyos. Unti-unti, mapapalaya natin ang ating mga sarili mula sa mga pagkontrol at paghadlang ng ating tiwaling satanikong disposisyon. Ito ay nakakamit sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo ng mga salita ng Diyos.

Gawin akong halimbawa. Kapag ako ay nakikipag-usap sa aking mga kaibigan at pamilya, sa oras na magsalita sila o kumilos sa paraan na hindi ko gusto, magagalit ako nang husto at ihahayag ang pagiging mainitin ng dugo nang ‘di sinasadya. Bawat oras pagkatapos kong magalit, pagsisisihan kong hindi ko pinigilan ang aking galit at pagkatapos ay mananalangin ako sa Diyos upang ipagtapat ang aking mga kasalanan. Gayunpaman, pagkatapos, uulitin ko na naman ang mga dati kong pagkakamali. Nagdurusa talaga ako, ngunit gaano ko man sikaping pigilan ang aking sarili, hindi ko pa rin kayang lutasin ang aking pagkagalit. Isang beses, nawalan ng trabaho ang aking kapatid at sobra akong nabalisa. Humingi ako ng tulong sa ibang tao at sa wakas ay nakahanap ng trabaho para sa aking kapatid. Akala ko ay talagang magiging masaya ang aking kapatid, ngunit sa pagkagulat ko, sinabi niyang gusto niya ng madaling trabaho na may mataas na sweldo at pagkatapos ay tinanggihan niya ang alok na trabaho nang hindi sinasabi sa akin. Lubos akong nagalit nang malaman ko ito at pinagalitan ang aking kapatid na hindi niya pinahalagahan ang aking kabutihan. Nagsikap akong maghanap ng trabaho para sa kanya, ngunit tinanggihan niya ang alok na trabaho bago pa man ito talakayin sa akin, hindi man lang ako inisip. Matapos kong magalit sa aking kapatid, sumama ang aking loob at naisip ko na hindi ko dapat siya tinrato sa ganoong paraan. Pagkatapos ay humarap ako sa Diyos upang manalangin sa Kanya at hanapin kung paano mareresolba ang problema kong ito. Paglaon, nabasa ko ang isang sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, “Sa sandaling magkaroon ng katayuan ang isang tao, madalas ay mahihirapan na siyang kontrolin ang kanyang damdamin, kaya’t masisiyahan siyang samantalahin ang mga pagkakataon upang ipahayag ang kanyang pagkayamot at ilabas ang kanyang mga nadarama; madalas siyang magpupuyos sa matinding galit nang walang malinaw na dahilan, nang sa gayon ay maihayag ang kanyang kakayahan at maipaalam sa ibang tao na ang kanyang katayuan at pagkakakilanlan ay iba roon sa mga ordinaryong tao. Siyempre, ang mga tiwaling tao na walang anumang katayuan ay malimit ding mawalan ng kontrol. Ang kanilang galit ay kadalasang dulot ng pinsala sa kanilang mga pansariling kapakanan. Upang mapangalagaan ang kanilang sariling katayuan at dignidad, madalas na nailalabas ng tiwaling sangkatauhan ang kanilang mga nararamdaman at naibubunyag ang kanilang mapagmataas na kalikasan. Ang tao ay magpupuyos sa galit at ilalabas ang kanyang mga nadarama upang maipagtanggol at mapagtibay ang pag-iral ng kasalanan, at ang mga pagkilos na ito ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng tao ang kanyang pagkayamot; puno ang mga ito ng karumihan, ng mga pakana at mga intriga, ng katiwalian at kasamaan ng tao; at higit sa lahat, puno ang mga ito ng mga matayog na mithiin at pagnanasa ng tao.

Sa pamamagitan ng paghatol at paghahayag ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, naunawaan ko na ang aking pagkagalit ay nagmula sa pagkontrol ng aking mapagmataas at mayabang na tiwaling kalikasan. Nahimok ng aking mapagmataas na disposisyon, naniwala akong sukdulan ang aking kahalagahan, nais ko lagi na pamunuan ang iba, at binigyan ng malaking kahalagahan ang aking interes, mukha at katayuan. Sa sandaling ang salita o gawa ng ibang tao ay nakaapekto sa aking sariling interes, mukha at katayuan, magagalit ako upang ipahayag ang aking kayamutan at upang ipakita ang aking kapangyarihan upang makinig ang iba sa akin. Natanto ko na ang rason kung bakit sumiklab ang aking galit at pinagalitan ko ang aking kapatid na babae ay dahil hindi siya nakinig sa akin ngunit tinanggihan ang alok na trabaho nang hindi muna sumasangguni sa akin, at naisip ko na tinatrato niya akong hindi mahalaga. Akala ko maganda ang aking intensyon at gumawa ng mga matinding pagsisikap upang tulungan ang aking kapatid, kaya kung ang trabahong nahanap ko ay nababagay man sa kanya o hindi, dapat siyang makinig at sumunod sa akin nang walang kondisyon, at dapat niya akong pasalamatan. Ako ay naging mapagmataas at hindi makatwiran, at kumilos ayon sa aking satanikong disposisyon. Ang aking ginawa ay nakakasuklam para sa Diyos at hindi katanggap-tanggap para sa iba. Nang matanto ko ito, tunay kong kinamuhian ang aking sarili at napuno ako ng pagsisisi, at hindi na nais pang mamuhay sa disposisyon ni Satanas.

Pagkatapos, nang makita ko ang aking kapatid na babae na gumagawa ng isang bagay na hindi ko gusto, nanalangin ako sa Diyos at kumalma upang pagnilayan ang aking sarili, at pagkatapos ay nakipag-usap ako sa kanya nang kalmado. Unti-unti, nakatamo ako ng ilang pagbabago.

Mababaw man ang aking karanasan, talagang natutunan ko mula rito na wala tayong paraan upang maresolba ang ating sariling tiwaling disposisyon. Tanging ang gawain ng paghatol at pagkastigo ng Diyos sa mga huling araw ang makakapagligtas sa atin mula sa gapos at pinsala ng tiwaling disposisyon at makakapagpabago at maglilinis sa atin.

Tala ng Patnugot: Nagtitiwala ako na sa pamamagitan ng pagbabasa sa artikulong ito ay mahahanap mo na ngayon ang landas ng pagresolba sa pagkagalit. Kung nais mong matuto nang higit pa o kung may mga katanungan ka, mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng live chat.

Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.

Kaugnay na Nilalaman

Paliwanag sa Mateo 6:9–10: Alam Mo ba ang Tungkol sa mga Misteryo sa Panalangin ng Panginoon?

Maraming kapatid na lalaki at babae ang naniniwalang ang kaharian ng Diyos ay nasa langit, ngunit sinasabi sa Panalangin ng Panginoon, “Dumating nawa ang kaharian mo. Gawin nawa ang iyong kalooban, kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa” (Mateo 6:10). Malinaw na sinasabi sa atin ng Diyos na ang kaharian ng Diyos ay darating sa lupa, at ang kalooban ng Diyos ay masusunod sa lupa. Bakit ganito? Ang kaharian ba ng Diyos ay nasa langit o nasa lupa?