Ang Mga Propesiya ng Pagbabalik ng Panginoon ay Natupad Na. Handa Ka na Bang Salubungin ang Pagparito ng Panginoon?
Tala ng Patnugot: Sa kabanata 22 ng Pahayag, ipinropesiya ito ng ilang beses, “Ako’y dumarating na madali.” Tiyak na ang bawat kapatid na taos-pusong naniniwala sa Panginoon ay umaasa na matanggap ang bumalik na Panginoong Jesus at kumain kasama Niya sa piging ng kasal. Kaya, ano ang dapat nating gawin upang maging handa nating tanggapin ang bumalik na Panginoon? Basahin ang sumusunod upang matuklasan ang sagot.
Ang Pagbabalik Ba ng Panginoon ay Maihahayag sa mga Pastor at Elder?
Sa mga nagdaang taon, ang mga sakuna sa buong mundo ay lumalala nang mas seryoso, maraming mga palatandaan at pangitain ang lumitaw nang magkakasunod, at ang mga propesiya na hinuhulaan ang pagbabalik ng Panginoon ay pangunahing natupad lahat. Maraming mga kapatid na taos-pusong naniniwala sa Panginoon ang nakadarama na maaaring bumalik na Siya. Ngunit, saan Siya nagpakita? Maraming nagnanais at naghahanap ng katotohanan ang nagsimulang maghanap para sa mga yapak ng Diyos. Gayunpaman may ilang mga kapatid na nagsasabing, “Ang mga pastor at elders ay naniwala sa Panginoon sa loob ng maraming taon, pamilyar sa Biblia, tinalikdan, gumugol, nagpagal, at gumawa para sa Panginoon, labis na nagdusa, at nagbayad ng mataas na halaga. Kapag ang Panginoon ay bumalik, tiyak na ihahayag muna Niya ang Kanyang sarili sa kanila, ngunit hindi pa inihayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa kanila, kaya paano Siya maaaring bumalik? Ang mga pastor at elder ay hindi sinabi sa atin na maghanap at mag-imbestiga, kaya ang dapat nating gawin ay manatili sa ating mga simbahan at hintayin ang paghahayag ng Panginoon ng Kaniyang sarili sa mga pastor at elder. Pagdating ng oras, tiyak na matatanggap natin ang bumalik na Panginoon.”
Mga kapatid, maaaring isipin natin na dahil ang mga pastor at elder ay naniwala sa Panginoon sa mahabang panahon, pamilyar sa Biblia, at nagtrabaho at naghirap nang husto para sa Panginoon, ihahayag Niya ang Kanyang sarili sa kanila pagdating Niya, ngunit mayroon bang batayan ang pananaw na iyan sa mga salita ng Panginoon? Naaangkop ba ito sa mga katotohanan ng gawain ng Diyos? Ang mga kapatid na pamilyar sa Biblia ay alam na si Jehova o ang Panginoong Jesus man ay hindi nagsabi ng gayong mga salita, at na ang Diyos ay hindi kailanman nagbigay ng paghahayag sa sinuman dahil sa paniniwala sa Diyos sa anumang haba ng panahon, madalas na pagbabasa ng Biblia, o pagdurusa sa gawain. Kung paanong ang Panginoong Jesus ay nagpakita at gumawa, ang mga punong saserdote, eskriba, at mga Fariseo ng Hudaismo ay naniwala sa Diyos nang buong henerasyon, alam ang bawat salita ng Banal na Kasulatan, naglingkod sa Diyos sa templo sa loob ng maraming taon, at naglakbay sa malalayong sulok ng mundo upang ipangaral ang kautusan ni Jehova. Sa ibang mga tao, tila sila ang pinaka-kwalipikadong tumanggap ng mga paghahayag ng Diyos, ngunit inihayag ba ng Panginoong Jesus ang Kanyang sarili sa kanila? Hindi! Mula sa oras na Siya ay opisyal na nagsimulang magsalita at gumawa pagkatapos ng Kanyang kamatayan, muling pagkabuhay, at pag-akyat sa langit, ni hindi Niya kailanman ipinahayag ang Kanyang sarili sa alinman sa mga pinuno ng Hudaismo. Mula rito, makikita natin na ang ating paniniwala na ang Panginoon ay ihahayag ang Kanyang sarili sa mga yaong pamilyar sa Biblia at nagpapagal at gumagawa para sa Kanya ay talagang hindi umaayon sa katotohanan, o hindi rin ito umaayon sa mga katunayan ng gawain ng Diyos. Puro ito nakabatay sa mga kuru-kuro at imahinasyon ng tao.
Ipapakita Ba ng Diyos ang Kanyang Sarili sa Tao Pagdating Niya upang Gumawa?
Marahil ang ilang mga kapatid ay magtatanong, “Kung ang ating pananaw na ‘ang Panginoon ay ihahayag ang Kanyang sarili sa mga pastor at elder’ ay hindi tama, kung gayon, anong uri ng mga tao ang pagpapakitaan ng Panginoon ng Kanyang sarili sa Kaniyang pagbabalik?”
Sa totoo lang, hindi ihahayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa sinuman, na isang katunayan na maaari nating makita mula sa nakaraang gawain ng Diyos. Nang magpakita at gumawa ang Panginoong Jesus, wala ni isa sa Kanyang mga disipulo tulad nina Pedro, Mateo, Santiago, Juan, Nathanael, o maging ang babaeng Samaritano ang nagpasyang sumunod sa Panginoong Jesus matapos na ihayag Niya ang Kanyang sarili sa kanila. Narinig nila ang mga sermon ng Panginoong Jesus, nakita ang Kanyang mga mahimalang gawain at gawa, nagpasyang mapakumbabang maghanap, at pagkatapos mula sa Kanyang mga salita at gawain ay natukoy na ang Panginoong Jesus ay ang paparating na Mesiyas. Nasabi lamang ni Pedro, “Ikaw ang Cristo, Ang anak ng Diyos na buhay” (Mateo 16:16) pagkatapos sundan ang Panginoong Jesus nang ilang panahon, nakikita ang awtoridad at kapangyarihan sa Kanyang mga salita at gawain, nakikita na ang lahat ng mayroon ang Panginoon at ano Siya ay isang bagay na hindi maaaring taglayin ng sinumang tao, at sa gayon ay tinatanggap ang kaliwanagan ng Banal na Espiritu. Noon lamang niya nakilala ang Panginoong Jesus bilang Cristo.
Ang mga pinunong relihiyoso ng Hudaismo, gayunman, ay naniniwalang lahat na dahil sa kanilang mga taon ng paglilingkod kay Jehova, pagdating sa panahon ng paniniwala sa Diyos, ang dami ng pagdurusa na tiniis, at ang halagang binayaran nila, sila ang pinaka-kwalipikadong tumanggap ng paghahayag ng Panginoon, ngunit ang Panginoong Jesus ay hindi kailanman naghayag ng Kanyang sarili sa kanila, at sa halip ay nagpahayag ng mga salita upang ipangaral ang daan ng pagsisisi. Nakita ng mga relihiyosong pinuno ng Hudaismo na ang Kanyang mga salita at gawain ay may awtoridad at kapangyarihan, ngunit hindi sila naghanap o nagsiyasat. Sa halip, dahil sa kanilang mayabang na disposisyon, matigas ang ulo nilang nanatili sa kanilang sariling mga kuru-kuro at imahinasyon, malupit na kinondena at hinusgahan ang mga salita at gawain ng Panginoon dahil sa paglagpas sa Lumang Tipan ng Biblia, at batay sa katunayang iyon, tinanggihan nila na ang Panginoong Jesus ay Diyos Mismo. Bilang karagdagan sa kanilang kalikasan ng pagkamuhi at pagkasuklam sa katotohanan, nang makita nila na mas paparaming mga mananampalataya sa Judaismo ay nakikinig sa mga sermon ng Panginoong Jesus at sumusunod sa Kanya, upang maprotektahan ang kanilang sariling katayuan at kabuhayan, hibang na nilabanan nila Siya, nag-imbento ng lahat ng uri ng mga kuro-kuro upang siraang-puri at lapastanganin Siya, at sa huli ay nakipagsabwatan sa pamahalaang Romano upang Siya ay ipako sa krus, sa gayon ay sinaktan ang disposisyon ng Diyos, kung saan sila ay sinumpa at pinarusahan ng Diyos.
Sabi ng mga salita ng Diyos, “Marami pa ngang naniniwala na anupaman ang bagong gawain ng Diyos, kailangan itong patunayan ng mga propesiya, at na sa bawat yugto ng gayong gawain, lahat ng sumusunod sa Kanya nang may ‘tapat’ na puso ay kailangan ding pakitaan ng mga paghahayag; kung hindi, ang gawaing iyon ay hindi maaaring maging gawain ng Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Dagdag pa ang kakatwang puso ng tao at ang likas niyang pagkasuwail sa pagpapahalaga sa sarili at kahambugan, lalong nagiging mas mahirap para sa kanya na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi sinisiyasat nang mabuti ng tao ang bagong gawain ng Diyos, ni hindi niya ito tinatanggap nang mapagkumbaba; sa halip, ugali niya ang manlait habang hinihintay niya ang mga paghahayag at patnubay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng mga naghihimagsik at lumalaban sa Diyos? Paano makakamit ng gayong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?” (“Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?”).
Malinaw na sinasabi sa atin ng mga salita ng Diyos na ang gawain ng Diyos ay hindi maaaring limitahan ng sinuman. Gumagawa ang Diyos sa anumang paraan na nais Niya, kaya kung hinihiling natin na dapat ihayag sa atin ng Diyos ang Sarili Niya, na dapat Niyang makuha ang ating pagsang-ayon, hindi ba ito ay sobrang pagmamataas, pagpapahalaga sa sarili, at kawalang-katwiran? Mula sa mga salita ng Diyos at sa mga katotohanan ng Kanyang gawain, maaari nating makita na hindi pinapaniwala ng Diyos ang sinuman sa Kanya o sundan Siya sa pamamagitan ng paghahayag ng Kanyang sarili sa kanila. Ipinahayag lamang ng Diyos ang katotohanan upang matupad ang Kanyang gawain, at gawin ang mga tao na makilala at sundin Siya sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain. Ang sinumang mapagpakumbabang naghahanap, naghahangad ng katotohanan, at nakikinig sa tinig ng Diyos ay makikilala ito sa pamamagitan ng Kanyang mga salita at gawain, sinusundan ang mga yapak ng Cordero, at nakakamit ang kaligtasan ng Diyos. Ang mga yaong kalikasan ay mapagmataas at nagpapahalaga sa sarili, na hindi nagmamahal ng katotohanan, na walang takot sa Diyos sa kanilang mga puso, at naghihintay lamang na ihayag ng Panginoon ang Kanyang sarili sa kanila, kahit na marinig nila ang tinig ng Diyos, ay hindi makikilala ito bilang gayon, at sa huli, sapagkat nilalabanan nila ang gawain ng Diyos, ay maaabandona at mapaparusahan ng Diyos.
Ang Landas sa Masayang Pagtanggap ng Pagbabalik ng Panginoon sa mga Huling Araw
Sa mga huling araw, ano ang dapat nating gawin upang matanggap ang Panginoon at kumain kasama Niya sa piging ng kasal? Tingnan muna natin ang maraming mga talata sa Biblia na tumutukoy sa katanungang ito.
“Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni’t ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagka’t hindi Siya magsasalita ng mula sa Kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13).
“Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
“Datapuwa’t pagkahating gabi ay may sumigaw, Narito, ang kasintahang lalake! Magsilabas kayo upang salubungin siya” (Mateo 25:6).
“Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinoman ay duminig ng Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kaniya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20).
“Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Pahayag 2:7).
Malinaw na sinasabi ng salita ng Diyos na sa mga huling araw, babalik Siya upang magsalita ng higit pang mga salita na papatnubay sa atin upang maunawaan at makamit ang lahat ng katotohanan. Sa mga huling araw, sa pagbabalik ng Panginoon, Kakatok Siya sa ating mga pintuan sa pamamagitan ng pagsasalita. Kung maririnig natin ang ibang nangangaral tungkol sa pagbabalik ng Panginoon, dapat tayong maging aktibo na maghanap at magsiyasat, at pagkatapos nating makilala ang tinig ng Diyos, magagawa nating tanggapin at sumunod. Ang mga makakagawa nito ay mga matatalinong dalaga, yaong mga sumusunod sa mga yapak ng Panginoon at kumakain kasama Niya sa piging ng kasal. Malinaw na ang susi sa kung kaya nating sundin ang mga yapak ng Diyos at matanggap ang pagbabalik ng Panginoon ay kung maaari tayong mapagpakumbabang hanapin ang katotohanan, maging matalinong dalaga, at pakinggan ang tinig ng Diyos.
Kaya, paano natin makikilala ang tinig ng Diyos? Ang pakikinig sa tinig ng Diyos ay nangangailangan ng pagdama nito sa ating espiritu, o tulad ng kasabihan, “kapag gumagalaw ang kaluluwa, alam ng puso.” Ang salita ng Diyos ay ang katotohanan, mayroon itong awtoridad at kapangyarihan, hindi ito masasalita ng sinumang tao, at ang mga may puso at espiritu ay lubos na madarama ang mga bagay na ito. Nagtitiwala ako na lahat tayo ay may magkakatulad na damdamin at karanasan sa pagbabasa ng mga salita ni Jehova at ng Panginoong Jesus. Sa bawat bagong panahon na nagsisimula ang Diyos, Siya ay dumarating upang gumawa ng isang bagong yugto ng gawain. Hindi tulad ng mga propeta, na para sa mga tiyak na layunin nay tumatanggap ng mga paghahayag ng Diyos, nagpapalaganap ng ilang hanay ng Kanyang salita, at pagkatapos ay tapos na, ang Diyos ay nagsasalita ng maraming salita, nagpapahayag ng maraming katotohanan, nagbibigay sa mga tao ng buhay, itinuturo ang mga landas ng pagsasanay para sa bagong panahon, ibinubunyag ang mga misteryo, at nagbibigay ng mga propesiya batay sa mga pangangailangan ng tiwaling sangkatauhan. Gayundin, ang Diyos ay ang Panginoon ng nilikha, minamasdan Niya ang mga puso ng mga tao, nakikita Niya ang ating mga tiwaling kalikasan, at kayang Niyang ilantad ang katiwalian na nakatago sa kailaliman ng ating mga puso. Ito ang lahat ng mga espesyal na katangian ng salita ng Diyos. Tulad nang dumating ang Panginoong Jesus, ginawa Niya ang karagdagang gawain ng pagtubos batay sa kautusan, ipinahayag ang daan ng “Mangagsisi kayo; sapagka’t malapit na ang kaharian ng langit” (Mateo 4:17), at itinuro sa atin ang mga bagay tulad ng kung paano aminin ang ating mga kasalanan, magsisi, maging mapagparaya, maging matiyaga, magdusa, at pasanin ang krus , at ihayag ang mapagmahal, maawain na disposisyon ng Diyos. Inihayag din ng Panginoong Jesus ang misteryo ng kaharian ng langit at ang mga kondisyon para sa pagpasok sa kaharian ng langit, tulad ng, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa Akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng Aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21). Inilantad din Niya ang kalikasan at diwa ng mga Fariseo sa pamamagitan ng pagsasabi ng mga bagay tulad ng “Sa aba ninyo, mga eskriba at mga Fariseo, mga mapagpaimbabaw!” (Mateo 23:13) at “Kayong mga ahas, kayong mga lahi ng mga ulupong, paanong mangakawawala kayo sa kahatulan sa impierno?” (Mateo 23:33). Mula sa mga salitang ipinahayag ng Panginoong Jesus makikita natin na lahat ng mga salita ng Panginoon ay katotohanan, na ang lahat ay nagmula sa Diyos, at walang anuman ang mabibigkas ng isang miyembro ng tiwaling sangkatauhan.
Sa katulad na paraan, kung nais nating matanggap ang bumalik na Panginoon sa mga huling araw, dapat tayong makinig gamit ang ating puso sa tinig ng Diyos. Kapag ang ilang mga tao ay ipinangangaral ang pagbabalik ng Panginoon, dapat nating tingnan kung ang anumang partikular na mga salita ay ang katotohanan, kung sila ay nagmula sa Diyos, kung mayroon silang awtoridad at kapangyarihan, kung ibinubunyag nila ang mga tiwaling disposisyon na nakatago sa kailaliman ng puso ng mga tao, at kung binibigyan tayo ng praktikal na mga landas ng pagsasagawa at nilulutas ang ating mga paghihirap at pagkalito. Dapat nating paniwalaan na sa pamamagitan ng mapagpakumbabang paghahanap, natitiyak nating makilala ang tinig ng Diyos, matanggap ang bumalik na Panginoon, at kumain kasama Niya sa piging ng kasal. Tulad ng sinabi ng Panginoon, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27).
Salamat sa Diyos sa Kanyang patnubay. Sumaatin nawa ang Diyos, tulutan tayong marinig ang mga salitang binigkas ng Banal na Espiritu sa mga iglesia, at masayang tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon! Amen!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.