Bakit Kailangan ng Diyos ng Tatlong Yugto ng Gawain para Iligtas ang Sangkatauhan?
Alam nating lahat na 2,000 taon na ang nakararaan, nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea para tubusin ang sangkatauhan, at...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Sa mga huling araw, ang Panginoong Jesus ay nagbalik na sa laman at nagpahayag ng sampu-sampung milyong salita ng katotohanan, isinasagawa ang gawain ng “paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos.” Ang mga taong mula sa iba’t ibang bansa at lugar na naghahangad sa pagpapakita ng Diyos ay nabasa na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos at kinilala ang mga ito bilang tinig ng Diyos. Sila ay bumalik sa harap ng trono ng Makapangyarihang Diyos, nararanasan ang paghatol sa harap ng luklukan ni Cristo, at ang kanilang mga tiwaling disposisyon ay sumailalim na sa isang antas ng pagdadalisay. Gayumpaman, sa loob ng relihiyosong mundo, may ilang tao na kahit nakikita nilang ang Makapangyarihang Diyos ay nagpahayag ng napakaraming katotohanan, ay atubili pa ring tanggapin ito. Iniisip nila: “Sinabi ng Panginoong Jesus, ‘Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan…’ (Juan 3:36). Ang Panginoong Jesus ay ang Anak ng tao, Siya ang Cristo, at ang daan ng Panginoong Jesus ay ang daan ng buhay na walang hanggan. Naniniwala kami na hangga’t sumasampalataya kami sa Panginoong Jesus, makakamit namin ang buhay na walang hanggan. Bakit pa namin kailangang manampalataya sa Makapangyarihang Diyos? Sinasabi mo bang hindi kami makakapasok sa kaharian ng langit kahit na sumasampalataya kami sa Panginoong Jesus? Imposible. Hinding-hindi kami aabandonahin ng Panginoon.” Tama ba ang ganitong pananaw?
Totoong sinabi ng Panginoong Jesus: “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan,” pero sinabi rin Niya: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo kakayanin. Gayon man ay kapag Siya, ang Espiritu ng katotohanan, ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). Ano ang ibig sabihin ng Panginoong Jesus dito? Ibig sabihin, hindi sapat ang pagsampalataya lang kay Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya. Ang pinakamahalaga ay ang manampalataya sa pagbabalik ni Jesus, manampalataya sa ikalawang pagparito ng Panginoong Jesus, at manampalataya na dumating na ang Espiritu ng katotohanan para gabayan ang tao sa lahat ng katotohanan. Iyan ang pinakakritikal. Kaya, makatitiyak tayo na ang mga salita ng Panginoong Jesus, “Ang sumasampalataya sa Anak ay may buhay na walang hanggan,” ay maaarok sa ganitong paraan: Ang “pagsampalataya sa Anak” ay nangangahulugan hindi lang ng pagsampalataya sa Panginoong Jesus, kundi pati na rin ng pagsampalataya sa Anak ng tao na nagbabalik sa mga huling araw. Ito ay ang pagsampalataya sa lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa ganitong paraan lang tayo makapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Kung sumasampalataya lang tayo sa pangalan ng Panginoong Jesus mula sa Kapanahunan ng Biyaya, magiging imposible para sa atin na magkamit ng buhay na walang hanggan. Dahil sa Kapanahunan ng Biyaya, ginawa lang ng Panginoong Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Niya ginawa ang gawain ng paghatol. Kaya, limitadong-limitado ang nakamit ng mga tao sa pagsampalataya sa Panginoong Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya. Alam nating lahat na sa nakalipas na dalawang libong taon ng Kapanahunan ng Biyaya, bagama’t napatawad na ang mga kasalanan ng lahat ng mananampalataya sa Panginoon, namumuhay pa rin sila sa walang katapusang siklo ng pagkakasala sa araw at pagkukumpisal sa gabi. Gaano man nila subukang supilin ang kanilang mga katawan, hindi sila makalaya mula sa pagkakagapos ng kasalanan. Hindi ba’t isa itong katunayan? Walang sinumang nakakaunawa kung bakit nagkakaganito, pero ginawang ganap na malinaw ng Makapangyarihang Diyos ang bagay na ito.
Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Bagama’t dumating si Jesus sa gitna ng mga tao at gumawa ng maraming gawain, kinumpleto lamang Niya ang gawain ng pagtubos sa buong sangkatauhan at nagsilbi bilang handog para sa kasalanan ng tao; hindi Niya inalis sa tao ang lahat ng tiwaling disposisyon nito. Ganap na pagliligtas sa tao mula sa impluwensiya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan na si Jesus ay maging handog para sa kasalanan at pasanin ang mga kasalanan ng tao, kundi kinailangan din ng Diyos na gumawa ng mas dakila pang gawain upang ganap na alisin sa tao ang kanyang disposisyon na ginawang tiwali ni Satanas. Kaya, pagkatapos mapatawad ang tao sa mga kasalanan nito, nagbalik ang Diyos sa katawang-tao upang akayin ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan Niya ang gawain ng pagkastigo at paghatol. Ang gawaing ito ay nagdala sa tao sa isang mas mataas na antas. Lahat ng nagpapasakop sa ilalim ng Kanyang kapamahalaan ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at tatanggap ng mas malalaking pagpapala. Tunay silang mabubuhay sa liwanag, at makakamit nila ang katotohanan, ang daan, at ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita). “Ang alam mo lang ay bababa si Jesus sa mga huling araw, ngunit paano ba talaga Siya bababa? Ang isang makasalanang tulad ninyo, na katutubos pa lang, at hindi pa sumailalim sa pagbabago o sa pagpeperpekto ng Diyos—makakaayon ka ba sa mga layunin ng Diyos? Para sa iyo, na katulad pa rin ng dati, totoong ikaw ay iniligtas ni Jesus, at hindi ka nabibilang sa kasalanan dahil sa pagliligtas ng Diyos, ngunit hindi ito nagpapatunay na ikaw ay walang kasalanan o karumihan. Paano ka magagawang banal kung hindi ka sumailalim sa pagbabago? Sa loob, puno ka ng mga karumihan, at makasarili at mababang-uri ka, ngunit ninanais mo pa ring bumaba na kasama ni Jesus—hindi ka ganoon kasuwerte! Nalaktawan mo ang isang hakbang sa iyong pananampalataya sa Diyos; Natubos ka pa lang, ngunit hindi pa sumailalim sa pagbabago. Para makaayon ka sa mga layunin ng Diyos, kailangang ang Diyos Mismo ang gumawa ng gawain para baguhin at linisin ka; kung hindi, natubos ka lamang at hindi ka maaaring magawang banal. Sa ganitong kaso, hindi ka kalipikado na tamasahin ang magagandang pagpapala kasama ang Diyos, dahil napag-iwanan ka ng isang hakbang sa gawain ng Diyos na pamamahala sa tao, na ang pangunahing hakbang sa pagbabago at pagperpekto ng tao. Kaya ikaw, na isang makasalanang katutubos pa lang, ay walang kakayahang direktang tumanggap ng pamana ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tungkol sa mga Katawagan at sa Pagkakakilanlan). Napakalinaw ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Ang mga taong tumatanggap lang sa gawain ng pagtubos ng Panginoong Jesus ay napatawad lang ang mga kasalanan; hindi pa sila nalinis sa kanilang mga kasalanan at napabanal. Hindi nila makakamit ang pagsang-ayon ng Diyos, at tiyak na hindi sila kalipikadong magkamit ng buhay na walang hanggan. Para magkamit ng buhay na walang hanggan sa ating pananalig, dapat nating tanggapin ang gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw. Sa pamamagitan lang ng pagkalinis sa kasalanan, pagkaunawa sa mas maraming katotohanan, at pagtatamo ng mas matataas na katotohanan tayo makapamumuhay sa liwanag at magiging kalipikado na magmana ng mga pangako ng Diyos. Kaya, hindi makapagkakamit ng buhay na walang hanggan ang mga tao sa pagsasampalataya lang sa Panginoong Jesus. Dapat nilang salubungin ang pagbabalik ng Panginoong Jesus, tanggapin ang lahat ng katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, lutasin ang kanilang makasalanang kalikasan, at malinis sa kanilang mga kasalanan para magkamit ng pagbabago sa disposisyon. Sa gayon lang sila makapagkakamit ng buhay na walang hanggan. Sinumang nakakakita na nagpahayag ang Makapangyarihang Diyos ng napakaraming katotohanan pero tumatangging tanggapin ang mga ito ay tiyak na isang taong tutol sa katotohanan at namumuhi sa katotohanan. Ang mga taong ito ay aabandonahin at ititiwalag ng Diyos, at masasadlak sa mga sakuna. Iyan ang dahilan kung bakit sinasabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sinasabi Ko ito sa inyo: Ang mga taong hindi tumatanggap sa katotohanan, subalit pikit-matang naghihintay sa pagdating ni Jesus sakay ng puting mga ulap, ay tiyak na yaong lumalapastangan sa Banal na Espiritu, at tiyak na sila ang kategoryang pupuksain. Hinahangad lamang ninyo ang biyaya ni Jesus, at nais lamang ninyong tamasahin ang napakaligayang dako ng langit, subalit hindi pa ninyo kailanman nasunod ang mga salitang sinambit ni Jesus, at hindi pa ninyo kailanman natanggap ang katotohanang sinambit ni Jesus nang bumalik Siya sa katawang-tao. Ano ang panghahawakan ninyo bilang kapalit ng katunayan ng pagbalik ni Jesus sakay ng puting ulap? Ang sinseridad ba sa inyong paulit-ulit na pagkakasala, at pagkatapos ay sa paulit-ulit ding pagtatapat? Ano ang iaalay ninyo bilang sakripisyo kay Jesus na nagbabalik sakay ng puting ulap? Ang kapital ba ng maraming taon ng paggawa kung saan itinataas ninyo ang inyong sarili? Ano ang panghahawakan ninyo para pagkatiwalaan kayo ng nagbalik na si Jesus? Ang inyo bang mayabang na kalikasan, na hindi nagpapasakop sa anumang katotohanan?” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa). “Ang Cristo ng mga huling araw ay naghahatid ng buhay, at naghahatid ng pangmatagalan at walang katapusang daan ng katotohanan. Ang katotohanang ito ang landas kung saan nakakamit ng tao ang buhay, at ito ang tanging landas para makilala ng tao ang Diyos at masang-ayunan ng Diyos. Kung hindi mo hinahanap ang daan ng buhay na ibinigay ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay hindi mo kailanman makakamit ang pagsang-ayon ni Jesus, at hindi ka magiging kalipikado na pumasok sa pintuan ng kaharian ng langit, sapagkat pareho kang isang papet at bilanggo ng kasaysayan. Ang mga kinokontrol ng mga regulasyon, ng mga salita, at ng mga gapos ng kasaysayan ay hindi kailanman makakapagkamit ng buhay o ng walang-hanggang daan ng buhay. Ito ay dahil ang tanging mayroon sila ay maruming tubig na kanilang kinapitan sa loob ng libo-libong taon sa halip na ang tubig ng buhay na dumadaloy mula sa trono. Ang mga hindi natutustusan ng tubig ng buhay ay mananatiling mga bangkay, mga laruan ni Satanas, at mga anak ng impiyerno magpakailanman. Kung gayon, paano nila masisilayan ang Diyos? Naghahangad ka lang na kumapit sa nakaraan, na manatili sa iyong kinalalagyan at panatilihin ang mga bagay-bagay, at hindi naghahangad na baguhin ang kasalukuyang kalagayan at iwaksi ang kasaysayan, kung gayon, hindi ba’t palagi kang magiging kaaway ng Diyos? … Tingnan kung sino ang gumagawa ngayon—tingnan kung sino ang gumagawa ngayon ng gawain ng pagliligtas sa tao sa mga huling araw. Kung hindi mo gagawin, hindi mo kailanman makakamit ang katotohanan, at hindi mo kailanman makakamit ang buhay” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Alam nating lahat na 2,000 taon na ang nakararaan, nagpakita at gumawa ang Panginoong Jesus sa Judea para tubusin ang sangkatauhan, at...
Kapag binanggit ang tadhana, karamihan ng tao ay itinuturing na magkapareho ang pagkakaroon ng pera at katayuan, at ang pagiging matagumpay...
Sa mga huling araw, ang Tagapagligtas na Makapangyarihang Diyos ay naparito na sa lupa, nagpapahayag ng mga katotohanan, nagpapakita at...
Ang pinakamalaking pag-asa para sa mga mananampalataya sa Panginoon ay ang salubungin ang Kanyang pagbabalik at madala paitaas sa kaharian...