Pagkilala ng mga Huwad na Cristo Mula sa Tunay na Cristo
Ngayo’y gusto kong sabihin kung paano makilala ang mga huwad na Cristo mula sa tunay na Cristo. Maaaring itanong ng ilan kung ano ang kinalaman niyan sa ating pananampalataya sa Diyos. Malaki. Alam ba ng lahat kung sino si Cristo? Kung alam mo nga na si Cristo ang Tagapagligtas na pumarito sa lupa, ngayong parating na ang mga kalamidad at narito na ang mga huling araw, palagay mo ba kailangan mo ng isang Tagapagligtas? Kung kailangan mo ng isang Tagapagligtas, alam mo ba kung sino ang kailangan mo para iligtas ka? Alam mo ba kung paano salubungin ang Tagapagligtas? Palagay mo ba’y mahalaga ito at may kaugnayan sa iyo? Bilang isang halimbawa, 2,000 na ang nakararaan, pumarito ang ating Tagapagligtas na si Jesus upang tubusin ang sangkatauhan, at ipahayag ang maraming katotohanan. Alam ng mga Judio noon na ang Kanyang mga salita ay may awtoridad at kapangyarihan, at pawang katotohanan lamang. Ngunit dahil hindi Siya pinangalanang Mesiyas at hindi Niya sila iniligtas mula sa pamumuno ng mga Romano na tulad ng inakala nila, hindi nila kinilala ang Panginoong Jesus bilang Cristo. Isinumpa at nilapastangan nila Siya, sinasabing nanlilinlang Siya ng mga tao at sa huli ay ipinako Siya sa krus nang buhay. Ano ang mga ibinunga nito? Simpleng bagay bang ipako ng mga Judio sa krus ang Diyos na nagkatawang-tao? Tiyak na isinumpa ito ng Diyos. Alam natin na makalipas ang 60 taon, nilipol ni Tito ng Roma ang bansang Israel. Gaano katagal naging wasak na bansa ang Israel? Halos 2,000 taon! Dahil ipinako nila sa krus ang Tagapagligtas, napakabigat ang naging kapalit nito sa mga Israelita. Kung gayon, mahalaga bang salubungin ang Tagapagligtas? Sino ang maaatim na magkasala sa Tagapagligtas sa lupa? Kung hindi mo Siya kilala o tanggap, kundi kinakalaban at tinutuligsa mo pa Siya, tapos ka na—tapos na tapos ka na, at siguradong masasawi ka. Kung nais mong maligtas at malagpasan ang mga kalamidad, kailangan mong tanggapin ang Tagapagligtas! Narito ngayon ang Makapangyarihang Diyos, at Siya ang Tagapagligtas na pumarito, na nagpapahayag ng mga katotohanan at gumagawa ng gawain ng paghatol sa mga huling araw upang iligtas ang sangkatauhan mula sa kasalanan at mga kalamidad. Ngunit makikilala mo ba Siya? Tatanggapin mo ba Siya? Kahit maraming kumikilala na ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ay may kapangyarihan at awtoridad, kapag nakita nila na hindi Siya pumarito sakay ng ulap at hindi Siya tinatawag na Panginoong Jesus, matatag silang tumatangging tanggapin ang Makapangyarihang Diyos. Sumusunod pa sila sa mundo ng mga relihiyon, na tinutuligsa at nilalapastangan Siya, sinasabi na ang pagparito ng Panginoon na nagkatawang-tao ay isang huwad na Cristo, na ito ay isang panlilinlang. At ang layunin ng mga puwersang anticristo sa mga relihiyon ay katulad ng sa mga demonyo ng Partido Komunista, hibang na tinutugis si Cristo, sinisikap na wasakin Siya. Inuusig nila ang mga nagbabahagi ng ebanghelyo ng kaharian ng Diyos at nasasabik na lubos na wasakin Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos at ilayo ang Diyos sa sangkatauhan. Ito’y paggawa ng malaking kasalanan na pagpapakong muli ng Diyos sa krus, at siguradong isusumpa at parurusahan sila ng Diyos. Tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Sa aba nilang mga nagpapako sa Diyos sa krus” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Masama ay Tiyak na Parurusahan). “Saanman nagpapakita ang pagkakatawang-tao ay nalilipol ang kaaway sa lugar na iyon. Unang pupuksain ang Tsina; wawasakin ito ng kamay ng Diyos. Hindi talaga maaawa ang Diyos doon” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Pakahulugan sa mga Hiwaga ng “Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob”, Kabanata 10). Kaya, ang ugali ng mga tao sa Tagapagligtas ang nagpapasiya kung makakaligtas sila o malilipol.
Ngayo’y alam na ng lahat na ang magawang salubungin ang Tagapagligtas ay nauugnay sa tagumpay o kabiguan ng isang tao na manampalataya, at nauugnay sa huling kahihinatnan at hantungan nila! Kaya, sa pagpapatuloy, pag-usapan natin kung paano babalik ang Tagapagligtas sa mga huling araw. Batay sa tradisyonal na mga haka-haka sa mundo ng mga relihiyon, tiyak na darating ang Panginoon sakay ng ulap at dadalhin ang mga mananampalataya sa kalangitan upang salubungin Siya. Malaking pagkakamali ito. Haka-haka lang ito ng tao at ni katiting ay hindi umaayon sa mga salita ng Panginoon. Personal na ipinropesiya ng Panginoong Jesus “ang pagparito ng Anak ng tao,” “ang Anak ng tao ay mahayag,” “ang Anak ng tao ay darating,” at “ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan.” Paulit-ulit Niyang binigyang-diin “ang Anak ng tao,” na nagpapakita na pagbalik ng Panginoon, Siya ay muling magkakatawang-tao bilang Anak ng tao, at ito ang pagpapakita ni Cristo sa sangkatauhan. Talagang totoo iyan. Maaaring itanong ng ilan, “Kung ito ang Anak ng tao na nagkatawang-tao, Siya rin ba ang Panginoong Jesus? Mukha siguro Siyang isang karaniwang tao. May mga tao sa buong mundo na nagsasabing sila ang nagbalik na Cristo. Sinasabi ng ilan na ang isang tao ay si Cristo, sinasabi ng ilan na ang isa pang tao ang Cristo. Kaya alin ang totoo, at alin ang huwad? Paano natin maaaring salubungin ang Tagapagligtas?” Dito natitigilan ang karamihan sa mga tao kapag hinahanap nila ang tunay na daan. Sa katunayan, hindi mahirap ang tanong na ito. Basta’t taimtim nating pinagninilayan ang mga propesiya ng Panginoong Jesus, makikita natin ang landas. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan” (Juan 16:12–13). “Datapuwat pagkahating gabi ay may sumigaw, ‘Narito, ang kasintahang lalaki! Magsilabas kayo upang salubungin Siya’” (Mateo 25:6). “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). “Narito Ako’y nakatayo sa pintuan at tumutuktok: kung ang sinuman ay duminig sa Aking tinig at magbukas ng pinto, Ako’y papasok sa kanya, at hahapong kasalo niya, at siya’y kasalo Ko” (Pahayag 3:20). “Kung magkagayon, kung may magsabi sa inyong sinumang tao, Narito ang Cristo, o, Nariyan; huwag ninyong paniwalaan. Sapagkat may magsisilitaw na mga bulaang Cristo, at mga bulaang propeta, at mangagpapakita ng mga dakilang tanda at mga kababalaghan; ano pa’t ililigaw, kung maaari, pati na’ng mga hirang” (Mateo 24:23–24). Nagsalita nang napakalinaw ang Panginoon. Pagbalik ng Panginoong Jesus sa mga huling araw, bibigkas Siya ng marami pang mga salita at gagabayan ang tao na makaunawa at makapasok sa lahat ng katotohanan. Kaya paulit-ulit Niyang ipinaalala sa mga tao na ang susi sa pagsalubong sa Panginoon ay ang pakinggan ang tinig ng Diyos. At kung pakikinggan nating magpatotoo ang isang tao na “ang kasintahang lalaki,” kailangan nating maging matatalinong dalaga, at hangarin at pakinggan ang tinig ng Diyos. Iyan lang ang paraan ng pagbati sa Panginoon. Ito ang tanging landas sa pagsalubong sa Kanyang pagbalik. Dumating na si Cristo sa mga huling araw, kaya siyempre ay nagpapahayag Siya ng iba pang mga katotohanan para sa kaligtasan ng sangkatauhan, ngunit umaasa lang ang mga huwad na Cristo sa pagpapakita ng ilang tanda at kababalaghan para iligaw ang mga tao. Ito ay isang mahalagang prinsipyong sinabi sa atin ng Panginoong Jesus sa pagkilala sa mga huwad na Cristo mula sa tunay na Cristo. Ayon sa prinsipyong ito, malalaman natin kung ito ay isang tunay o huwad na Cristo kung nagpapahayag siya ng katotohanan. Kung kaya niya, si Cristo nga ito. Ang mga hindi makapagpahayag ng katotohanan ay mga huwad na Cristo. Kung sinasabi ng isang tao na siya si Cristo ngunit hindi siya makapagpahayag ng anumang katotohanan, sa halip ay umaasa sa mga tanda at kababalaghan, walang dudang ito ang mukha ng masamang espiritu, isang huwad na Cristo na dumating para iligaw ang mga tao. Kapag susundin natin ang mga salita ng Panginoong Jesus para makilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad, napakasimple nito, hindi ba? Ngunit sa kasamaang-palad, hindi hinahangad ng mga kasapi sa relihiyon ang katotohanan o ang tinig ng Diyos ayon sa mga salita ng Panginoon. Kaya sa takot na mailigaw ng isang huwad na Cristo, ni hindi nila hahangarin ang pagpapakita at gawain ng Panginoon. Hindi mo ba sinasaktan ang sarili mo kung sinasaktan mo ang iba, maingat ka sa maliliit na bagay pero hindi sa malalaking bagay? Bulag silang kumakapit sa Banal na Kasulatan tungkol sa pagdating ng Panginoon na sakay ng ulap, tinutuligsa at tinatanggihan ang gawain ni Cristo ng mga huling araw. Dahil dito, nawawalan sila ng pagkakataong salubungin ang Tagapagligtas at sila’y napapahamak. Hindi ba iyan ang resulta ng kanilang kahangalan at kamangmangan? Tinutupad nito ang mga talata sa Biblia: “Ang mangmang ay namamatay sa kakulangan ng pag-unawa” (Kawikaan 10:21). “Ang Aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman” (Hosea 4:6).
Tungkol naman sa kung paano malaman ang tunay na Cristo mula sa mga huwad, pag-usapan natin ang mga detalye sa paksa ayon sa mga salita ng Makapangyarihang Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Tinatawag na Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, at si Cristo ay ang katawang-taong isinuot ng Espiritu ng Diyos. Hindi katulad ng sinumang tao sa laman ang katawang-taong ito. Ang kaibhang ito ay dahil hindi sa laman at dugo si Cristo; Siya ay ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay kapwa may normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Hindi taglay ng sinumang tao ang pagka-Diyos Niya. Ang normal na pagkatao Niya ang nagpapanatili sa lahat ng normal na gawain Niya sa katawang-tao, habang isinasakatuparan ng pagka-Diyos Niya ang gawain ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Diwa ni Cristo ay ang Pagsunod sa Kalooban ng Ama sa Langit).
“Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Cristo, at kaya ang Cristo na kayang magbigay ng katotohanan sa tao ay tinatawag na Diyos. Walang pagmamalabis rito, sapagkat taglay Niya ang diwa ng Diyos, at taglay Niya ang disposisyon ng Diyos, at karunungan sa Kanyang gawain, na hindi kayang abutin ng tao. Ang mga tumatawag sa sarili nila na Cristo, subalit hindi naman kayang gawin ang gawain ng Diyos, ay mga manlilinlang. Hindi lamang pagpapakita ng Diyos sa lupa si Cristo, kundi partikular din na katawang-taong tinaglay ng Diyos habang ginagawa at tinatapos Niya ang Kanyang gawain sa tao. Hindi maaaring palitan ang katawang-taong ito ng kahit na sinumang tao, kundi isang katawang-taong sapat na makakayanan ang gawain ng Diyos sa lupa, at maipapahayag ang disposisyon ng Diyos, at kakatawan nang mahusay sa Diyos, at makapagbibigay ng buhay sa tao. Sa malao’t madali, babagsak lahat ng nagpapanggap na Cristo, sapagkat bagama’t inaangkin nilang sila si Cristo, hindi nila taglay ang diwa ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na hindi kayang tukuyin ng tao ang pagiging-tunay ni Cristo, ngunit sinasagot at pinagpapasyahan ito ng Diyos Mismo” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
“Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng diwa ng Diyos, at Siya na Diyos na nagkatawang-tao ay magtataglay ng pagpapahayag ng Diyos. Dahil ang Diyos ay naging tao, ilalahad Niya ang gawaing layon Niyang gawin, at dahil ang Diyos ay naging tao, ipapahayag Niya kung ano Siya, at magagawa Niyang ihatid ang katotohanan sa tao, pagkalooban siya ng buhay, at ituro ang daan para sa kanya. Ang katawang-tao na walang diwa ng Diyos ay tiyak na hindi ang Diyos na nagkatawang-tao; walang duda ito. Kung layon ng tao na magsiyasat kung ito ang katawang-tao ng Diyos, kailangan niyang patunayan ito mula sa disposisyon na Kanyang ipinapahayag at sa mga salitang Kanyang sinasambit. Ibig sabihin, patunayan kung ito nga ang katawang-tao ng Diyos o hindi, at kung ito nga ang tunay na daan o hindi, kailangan itong matukoy batay sa Kanyang diwa. Kaya nga, sa pagtukoy kung ito ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, ang sagot ay nasa Kanyang diwa (Kanyang gawain, Kanyang mga pagbigkas, Kanyang disposisyon, at maraming iba pang aspeto), sa halip na sa panlabas na anyo. Kung ang susuriin lamang ng tao ay ang Kanyang panlabas na anyo, at dahil dito ay hindi napansin ang Kanyang diwa, ipinapakita niyan na ang tao ay mangmang at walang alam” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Paunang Salita).
“May ilang sinasaniban ng masasamang espiritu at malakas na sumisigaw ng, ‘Ako ang Diyos!’ Ngunit sa katapusan, sila ay nabubunyag dahil sila ay mali sa kanilang kinakatawan. Kinakatawan nila si Satanas, at hindi sila binibigyang-pansin ng Banal na Espiritu. Gaano man kataas ang pagpapahalaga mo sa iyong sarili o gaano ka man kalakas sumigaw, ikaw ay isang nilalang pa rin at isa na nabibilang kay Satanas. … Hindi mo kayang maghatid ng mga bagong landas o kumatawan sa Espiritu. Hindi mo kayang ipahayag ang gawain ng Espiritu o ang mga salita na sinasabi Niya. Hindi mo kayang gawin ang gawain ng Diyos Mismo o yaong sa Espiritu. Ang karunungan, pagiging kamangha-mangha, at pagiging di-maarok ng Diyos, at ang buong disposisyon sa pagkastigo ng Diyos sa tao—lahat ng ito ay higit sa iyong kakayahang magpahayag. Kaya walang saysay na angkinin mo na ikaw ang Diyos; magkakaroon ka lamang ng pangalan ngunit hindi ng diwa. Dumating na ang Diyos Mismo, ngunit walang nakakakilala sa Kanya, gayunman patuloy Siya sa Kanyang gawain at ginagawa ang gayon sa pagkatawan sa Espiritu. Tawagin mo man Siyang tao o Diyos, ang Panginoon o Cristo, o tawagin Siyang kapatid na babae, hindi ito mahalaga. Ngunit ang gawaing ginagawa Niya ay yaong sa Espiritu at kumakatawan sa gawain ng Diyos Mismo. Wala Siyang pakialam sa pangalan na itinatawag sa Kanya ng tao. Puwede bang matukoy ng pangalang iyon ang Kanyang gawain? Anuman ang itawag mo sa Kanya, sa pananaw ng Diyos, Siya ang nagkatawang-taong laman ng Espiritu ng Diyos; kinakatawan Niya ang Espiritu at sinasang-ayunan ng Espiritu. Kung hindi mo kayang gumawa ng daan para sa isang bagong kapanahunan, o dalhin ang dati sa katapusan, o maghatid ng isang bagong kapanahunan o gumawa ng bagong gawain, hindi ka maaaring tawaging Diyos!” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 1).
“Kung, sa panahon ngayon, may lumitaw na isang tao na kayang magpakita ng mga tanda at kababalaghan, magpalayas ng mga demonyo, magpagaling ng mga maysakit, at magsagawa ng maraming himala, at kung sinasabi ng taong ito na siya si Jesus na naparito, isang huwad ito na gawa ng masasamang espiritung gumagaya kay Jesus. Tandaan ito! Hindi inuulit ng Diyos ang parehong gawain. Nakumpleto na ang yugto ng gawain ni Jesus, at hindi na muling isasagawa ng Diyos ang yugtong iyon ng gawain. Ang gawain ng Diyos ay hindi maipagkakasundo sa mga haka-haka ng tao; halimbawa, ipinropesiya sa Lumang Tipan ang pagparito ng isang Mesiyas, at ang resulta ng propesiyang ito ay ang pagparito ni Jesus. Dahil nangyari na ito, magiging mali na muling may pumaritong isa pang Mesiyas. Pumarito nang minsan si Jesus, at magiging mali kung paparitong muli si Jesus sa pagkakataong ito. Mayroong isang pangalan para sa bawat kapanahunan, at bawat pangalan ay may paglalarawan ng kapanahunang ito. Sa mga haka-haka ng tao, kailangang laging magpakita ang Diyos ng mga tanda at kababalaghan, kailangang laging magpagaling ng mga maysakit at magpalayas ng mga demonyo, at kailangang laging maging katulad lamang ni Jesus. Subalit sa pagkakataong ito, hindi ganoon ang Diyos. Kung, sa mga huling araw, nagpakita pa rin ang Diyos ng mga tanda at mga kababalaghan, at nagtaboy pa rin ng mga demonyo at nagpagaling ng mga maysakit—kung gagawin Niya ang ginawa mismo ni Jesus—uulitin ng Diyos ang parehong gawain, at mawawalan ng kabuluhan o halaga ang gawain ni Jesus. Sa gayon, isinasagawa ng Diyos ang isang yugto ng gawain sa bawat kapanahunan. Kapag natapos na ang bawat yugto ng Kanyang gawain, agad itong ginagaya ng masasamang espiritu, at matapos simulang sundan ni Satanas ang mga yapak ng Diyos, nag-iiba ng pamamaraan ang Diyos. Kapag natapos na ng Diyos ang isang yugto ng Kanyang gawain, ginagaya ito ng masasamang espiritu. Kailangang maging malinaw sa iyo ang tungkol dito” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Pag-alam sa Gawain ng Diyos Ngayon).
Matapos itong basahin, hindi ba mas malinaw na sa atin kung ano si Cristo, at kung paano natin malalaman ang tunay na Cristo mula sa mga huwad? Si Cristo ang Diyos na nagkatawang-tao, ang Espiritu ng Diyos na nabibihisan ng laman bilang Anak ng tao. Sa tingin, si Cristo ay isang karaniwan at normal na tao lang. Ngunit ang Kanyang diwa ay ibang-iba sa diwa ng isang karaniwang tao. Nasa kalooban ni Cristo ang Espiritu ng Diyos, Siya ang sagisag ng Espiritu ng Diyos, kaya mayroon Siyang banal na diwa. Ang totoo, si Cristo ang nag-iisang tunay na Diyos, ang Panginoon ng paglikha! Kayang ipahayag ni Cristo ang katotohanan, at ang disposisyon ng Diyos at kung ano ang mayroon Siya at kung ano Siya saanman, anumang oras. Magagawa Niya ang gawain ng pagtubos sa tao gayundin ang gawain ng paghatol at pagpapadalisay sa tao. Maliban kay Cristo, walang nilikhang tao, anghel, o satanikong masamang espiritu ang maaaring magpahayag ng katotohanan, lalo na ang magligtas sa sangkatauhan. Walang anumang pagdududa tungkol dito. Kaya, ang susi sa pagkilala sa tunay na Cristo mula sa mga huwad ay ang makita kung nagpapahayag sila ng katotohanan, kung magagawa nila ang gawain ng pagliligtas sa tao. Ito ang pinakamahalaga at pangunahing prinsipyo. Alam nating lahat na ipinahayag ng Panginoong Jesus ang maraming katotohanan at ipinangaral ang daan tungo sa pagsisisi, at isinagawa Niya ang maraming tanda at kababalaghan, na tumapos sa gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Pinasimulan Niya ang Kapanahunan ng Biyaya at winakasan ang Kapanahunan ng Kautusan. Ang mga salita ng Panginoon ay may napakalaking kapangyarihan at awtoridad at puno ng disposisyon ng Diyos, ng kung ano ang mayroon Siya at ano Siya. Taos-puso nating alam na ang Panginoong Jesus ang Cristo sa katawang-tao, ang pagpapakita ng Diyos. Dumating na ang Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, na nagpapahayag ng milyun-milyong salita ng katotohanan, at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Ang Kanyang mga salita ay hindi lang naglantad ng mga hiwagang nasa loob ng Biblia, kundi maging ng 6,000-taon ng plano ng pamamahala ng Diyos. Kabilang dito ang mga layunin ng plano ng pamamahala ng Diyos, ang katotohanan sa loob ng tatlong hakbang ng Kanyang gawain, kung paano ginagawang tiwali ni Satanas ang sangkatauhan, kung paano gumagawa ang Diyos sa paisa-isang hakbang para iligtas ang sangkatauhan, ang mga hiwaga ng pagkakatawang-tao, ang katotohanan sa loob ng Biblia, bawat uri ng kahihinatnan ng tao, kung paano naitatatag ang kaharian ni Cristo sa lupa, at iba pa. Lahat ng hiwagang ito ay nalantad na. Hinahatulan at inilalantad din ng Makapangyarihang Diyos ang likas na pagiging makasalanan at pagkalaban sa Diyos at ang tiwaling disposisyon ng tao. Nagbibigay Siya ng landas para maiwaksi ang katiwalian at malinis, at iba pa. Napakasagana ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, at lahat ng ito ay mga hiwaga at katotohanang noon lang narinig ng mga tao. Lubhang nagpapamulat ng mga mata at kasiya-siya ang mga ito, at sinumang nagbabasa ng mga ito ay aaminin na katotohanan talaga ang mga ito. Ang hinirang na mga tao ng Diyos ay sumasailalim sa paghatol ng Kanyang mga salita at nauunawaan ang maraming katotohanan; unti-unting nalilinis ang kanilang katiwalian, matunog na nagpapatotoo sa pagwawaksi ng kasalanan at pagtatagumpay laban kay Satanas. Tinutupad nito ang propesiya ng Panginoong Jesus na: “Mayroon pa Akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, ngunit ngayon ay hindi ninyo mangatitiis. Gayon ma’y kung Siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan Niya kayo sa buong katotohanan: sapagkat hindi Siya magsasalita ng mula sa Kanyang sarili; kundi ang anomang bagay na Kanyang marinig, ang mga ito ang Kanyang sasalitain: at Kanyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating” (Juan 16:12–13). Patunay ito na ang Makapangyarihang Diyos “ang Espiritu ng katotohanan.” Siya ang pagpapakita ni Cristo sa mga huling araw, ang Tagapagligtas na pumarito sa lupa.
Ngayon palagay ko’y dapat malinawan ang lahat na ang Makapangyarihang Diyos ay si Cristo, ang Tagapagligtas. Hindi lang ito salita, kundi napatunayan ito batay sa mga katotohanang ipinapahayag Niya at gawaing ginagawa Niya. Paano naman ang mga huwad na Cristo? Palagi silang humihiyaw ng, “Ako si Cristo.” Tanungin ninyo sila, “Maipapahayag mo ba ang katotohanan? Maihahayag ba ninyo ang katotohanan ng katiwalian ng tao? Maililigtas ba ninyo ang sangkatauhan mula sa kasalanan?” Hindi nila magagawa ni isa. Natutulala sila sa mga tanong na ito. Ang mga huwad na Cristo ay walang iba kundi mga huwad na Satanas o masasamang espiritu, ganap na walang buhay at diwa ng Diyos. Kaya, hindi nila maipapahayag ang katotohanan kailanman o magagawa ang gawaing linisin at iligtas ang sangkatauhan. Ang magagawa lang nila ay magpakalat ng mga maling doktrina na mukhang tama o magpakita ng ilang tanda at kababalaghan para lokohin ang mga tao. Ang ilang huwad na Cristo ay may ilang kaloob, at maaaring magsulat ng sarili nilang mga aklat, at maipaliwanag ang kaalaman nila tungkol sa Biblia. Ngunit lahat ng ibinabahagi nila ay mga ideya at teorya ng tao, at gaano man kagaling ang mga iyon sa pandinig ng tao, hindi totoo ang mga iyon. Hindi matutustusan ng mga iyon ang buhay ng tao o matutulungan ang mga tao na makilala ang Diyos at malaman ang katotohanan, at lalong hindi tayo maililigtas ng mga iyon mula sa kasalanan para maging malinis tayo. Malinaw ang katotohanan ito. Ang huwad na Cristo ay ganap na walang alam na katotohanan, ngunit ambisyoso sila, at gusto nilang sambahin sila ng mga tao na parang Diyos. Kaya ano ang ginagawa nila? Ginagaya nila ang gawain ng Diyos noon, nagpapakita ng ilang simpleng tanda at kababalaghan para magkunwaring Cristo, at inililigaw ang iba sa ilang maliliit na pabor. Kung hindi mahal ng isang mananampalataya ang katotohanan, kundi gusto lang nilang mabusog at mabiyayaan, at paggawa ng mga tanda at kababalaghan ang tangi nilang pamantayan sa paghatol kung Diyos ang isang tao, madali silang mailigaw. Sa katunayan, ang maloloko lang ng mga huwad na Cristo ay ang mahihina ang utak at hangal. Ang mga tupa ng Diyos, ang matatalinong dalaga, ay hindi mapapaniwala ng huwad na Cristo kailanman, dahil mahal nila ang katotohanan at pinakikinggan nila ang tinig ng Diyos. Kapag narinig nila ang tinig ng Diyos, tinatanggap nila at sinusunod ito. Matagal na itong natukoy ng Diyos. Tulad ng sabi ng Panginoong Jesus, “Dinirinig ng Aking mga tupa ang Aking tinig, at sila’y Aking nakikilala, at sila’y nagsisisunod sa Akin” (Juan 10:27). “Ang Aking Ama, na sa kanila ay nagbigay sa Akin, ay mas dakila kaysa sa lahat; at hindi sila maaagaw ninuman sa kamay ng Aking Ama” (Juan 10:29).
Ngayon palagay ko’y malinaw na sa ating lahat kung paano makilala ang tunay na Cristo mula sa mga huwad na Cristo. Si Cristo ang Diyos sa katawang-tao, ang katotohanan, ang daan, at ang buhay. Ang banal na diwa ni Cristo ay pangunahing naipapamalas sa kakayahan Niyang ipahayag ang katotohanan at gawin ang sariling gawain ng Diyos. Gaano man Siya mukhang hindi kapansin-pansin, at walang kapangyarihan at katayuan, tinanggap man Siya o tinanggihan ng mga tao, basta’t naipapahayag Niya ang katotohanan, ang disposisyon ng Diyos, at kung ano ang mayroon at ano ang Diyos, at nagagawa Niya ang gawaing magligtas, Siya ang pagpapakita ng Diyos. Walang duda ito. Ang mga katotohanang ipinahayag ng Makapangyarihang Diyos, ang Kanyang gawaing humatol at linisin ang sangkatauhan ay lubos na nagpapatunay na Siya ang Diyos sa katawang-tao, na Siya ang pagpapakita ni Cristo. Kailangan nating tanggapin at sundin ang Cristo ng mga huling araw, ang Makapangyarihang Diyos, para matamo ang katotohanan, ganap na maligtas, at makapasok sa kaharian ng Diyos. Ngunit ngayong nakikita ng maraming tao ang mga pastor at lider ng mga relihiyon at ang satanikong rehimen ng Partido Komunista na hibang na kinokontra at tinutuligsa ang Makapangyarihang Diyos, kaya iniisip nila na hindi ang gawain ng Makapangyarihang Diyos ang tunay na daan. Ang katwiran nila ay: Kung ito ang gawain ng Diyos, magiging maayos ang lahat, at ang lahat ay lubos na makukumbinsi. Ang pagtingin dito sa ganitong paraan ay malaking kahangalan! Kabiguan itong makita na ang tao ay lubha nang nagawang tiwali hanggang sa sila ay maging kaaway ng Diyos at mawalan na ng puwang para sa Diyos. Sinalubong ba ng mga tao ang Panginoong Jesus nang Siya ay pumarito? Hindi ba’t nakisanib ng puwersa ang mga Judio sa pamahalaang Romano para ipako Siya sa krus? Masasabi mo ba na ang gawain ng Panginoong Jesus ay hindi ang tunay na daan? At paano tinatrato ng mga tao ang Makapangyarihang Diyos, ngayong pumarito na Siya sa mga huling araw? Ginagawa ng mga anticristo sa mundo ng mga relihiyon ang lahat para labanan at tuligsain Siya, hibang Siyang tinutugis ng satanikong rehimen ng CCP, ginagamit ang lahat ng taktika para puksain ang pagpapakita at gawain ng Diyos. Tinutupad nito ang iprinopesiya ng Panginoong Jesus na: “Sapagkat gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwat kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakwil ng lahing ito” (Lucas 17:24–25). Ano ang kahulugan nito? Lagi nang nilulupig ang tunay ng daan! Nagpapahayag ng katotohanan si Cristo para iligtas ang tao, kaya hindi maiiwasan na Siya’y kontrahin, tuligsain, at tugisin ng masasamang puwersa ni Satanas. Kung may nagsasabi na si Cristo ang isang tao, ngunit hindi niya ipinapahayag ang katotohanan at hindi siya tinatanggihan ng henerasyong ito, kung hindi siya hibang na tinutuligsa at inaatake ng mga puwersa ni Satanas, patunay iyan na hindi siya si Cristo. Higit sa anupaman, kinamumuhian ni Satanas ang pagpapakita at gawain ng Diyos, at ang pagparito ng Tagapagligtas. Alam ni Satanas na kapag dumating ang Tagapagligtas, may tsansang maligtas ang mga tao, na maunawaan ang katotohanan at ang mga panlilinlang ni Satanas. Sa gayo’y maaari silang makakilala, tumanggi rito, ganap na bumaling sa Diyos at maangkin ng Diyos. Pagkatapos ay lubusan nang nagapi si Satanas, at malapit na ang huling araw nito. Palagay mo ba’y makakampante si Satanas diyan? Kung hindi mo ito uunawain, at sa halip ay kumakapit ka lang sa sarili mong mga haka-haka at hindi mo sinisiyasat ang gawain ng Makapangyarihang Diyos, o nakikisama ka pa sa mga puwersa ng anticristo sa mundo ng mga relihiyon, na tumutuligsa at lumalaban sa Makapangyarihang Diyos, kalunus-lunos ang mga ibubunga nito. Tingnan natin kung ano ang sinasabi ng Makapangyarihang Diyos. “Pinakakatawa-tawang mga tao sa mundo ang mga nagnanais na makamit ang buhay nang hindi umaasa sa katotohanang sinabi ni Cristo, at mga namumuhay sa guni-guni ang mga hindi tumatanggap sa daan ng buhay na dinala ni Cristo. Kaya naman sinasabi Ko na kamumuhian ng Diyos magpakailanman ang mga taong hindi tumatanggap kay Cristo ng mga huling araw. Si Cristo ang pasukan ng tao patungo sa kaharian sa mga huling araw, at walang sinuman ang makalalampas sa Kanya. Kung hindi sa pamamagitan ni Cristo, walang magagawang perpekto ng Diyos. Naniniwala ka sa Diyos, kaya dapat mong tanggapin ang Kanyang mga salita at sundin ang Kanyang daan. Hindi mo maaaring isipin lamang ang magkamit ng mga pagpapala kung wala ka namang kakayahang tumanggap ng katotohanan at wala kang kakayahang tumanggap ng pagtustos ng buhay. Darating si Cristo sa mga huling araw upang mabigyan ng buhay ang lahat ng tunay na naniniwala sa Kanya. Alang-alang sa pagtatapos ng lumang kapanahunan at pagpasok sa bago ang Kanyang gawain, at ang Kanyang gawain ang landas na dapat tahakin ng lahat ng papasok sa bagong kapanahunan. Kung wala kang kakayahang kilalanin Siya, at sa halip ay kinokondena, nilalapastangan, o inuusig pa Siya, kung gayon ay nakatadhana kang masunog nang walang-hanggan at hindi ka kailanman makapapasok sa kaharian ng Diyos. Dahil ang Cristong ito ang Mismong pagpapahayag ng Banal na Espiritu, ang pagpapahayag ng Diyos, ang Siyang pinagkatiwalaan ng Diyos na gawin ang Kanyang gawain sa lupa. Kaya naman sinasabi Ko na kung hindi mo matatanggap ang lahat ng ginagawa ni Cristo ng mga huling araw, kung gayon ay nilalapastangan mo ang Banal na Espiritu. Maliwanag sa lahat ang ganting matatanggap ng mga lumalapastangan sa Banal na Espiritu. Sinasabi Ko rin sa iyo na kung nilalabanan mo si Cristo ng mga huling araw, kung tinatanggihan mo nang may paghamak si Cristo ng mga huling araw, wala nang iba pa ang makapagpapasan sa mga kahihinatnan para sa iyo. Higit pa rito, simula sa araw na ito ay hindi ka na magkakaroon ng isa pang pagkakataong makamit ang pagsang-ayon ng Diyos; kahit na subukan mo pang makabawi, hindi mo na mapagmamasdan muli ang mukha ng Diyos kahit kailan. Sapagkat hindi isang tao ang nilalabanan mo, hindi isang mahinang nilalang ang tinatanggihan mo nang may paghamak, kundi si Cristo. Alam mo ba ang kahihinatnan nito? Hindi isang maliit na pagkakamali ang magagawa mo, kundi isang karumal-dumal na krimen. Kaya naman pinapayuhan Ko ang lahat na huwag ilabas ang mga pangil ninyo sa harap ng katotohanan, o gumawa ng walang-ingat na mga pamumuna, dahil ang katotohanan lamang ang makapagdadala sa iyo ng buhay, at wala nang iba pa kundi katotohanan ang makapagdudulot sa iyo na muli kang isilang at mapagmasdang muli ang mukha ng Diyos” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Tanging si Cristo ng mga Huling Araw ang Makapagbibigay sa Tao ng Daan ng Buhay na Walang Hanggan).
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.