Natagpuan Ko na sa Wakas ang Landas sa Pagpapadalisay
Ni Richard, USAIpinanganak ako sa isang Katolikong pamilya at noong labintatlong taong gulang ako ay nagsimula akong mag-aral ng katesismo...
Tinatanggap namin ang lahat ng naghahanap na nasasabik sa pagpapakita ng Diyos!
Kailan mo unang narinig ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw? Noong 2005 iyon, sa isang pagtitipon para sa pag-aaral ng Biblia. Noong panahong iyon, sinabi sa amin ng pari, “Ngayon, may isang denominasyon na tinatawag na ‘Kidlat ng Silanganan.’ Ipinapangaral nila na nagbalik na ang Diyos, gumagawa ng bagong gawain, at nagpayahag ng mga bagong salita. Sinasabi rin nila na hindi lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, ang ilan ay mga salita ng mga tao, at luma na ang Biblia.” Sinabi sa amin ng pari na imposible ito, na nasa Biblia ang lahat ng salita ng Diyos, at hindi umiiral ang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia. Binanggit niya rin si Pablo mula sa 2 Timoteo 3:16-17, sinasabing, “Ang lahat ng Kasulatan, na kinasihan ng Diyos, ay kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa pagsaway, sa pagwawasto, sa pagsasanay na nasa katarungan, upang ang tao ay maging ganap, lubos na nasasangkapan sa lahat ng mabubuting gawain.” Sabi niya, batay sa bersikulong ito, ang lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, na nangangahulugan na ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, dapat batay sa Biblia ang paniniwala sa Panginoon, at anumang lumalayo sa Biblia ay hindi paniniwala sa Diyos. Sinabi niya na anumang lumalayo sa Biblia ay erehiya at lumilinlang sa mga tao, at sinabi sa amin na anumang mangyari, hindi kami dapat maniwala. Hiniling niya rin sa amin na alagaang mabuti ang iglesia namin, at huwag hayaan ang aming mga mananampalataya na makipag-ugnayan sa mga nangangaral ng Kidlat ng Silanganan. Noong oras na iyon, sumang-ayon talaga ako sa mga pananaw ng pari, dahil nasusulat sa Biblia na ang lahat ng Kasulatan ay kinasihan ng Diyos. Hindi ba iyon nangangahulugan na ang lahat ng iyon ay salita ng Diyos? Sinasabi ng Kasulatan, maaaring lumipas ang langit at lupa, ngunit matutupad ang bawat salita ng Diyos, at hindi lilipas kailanman. Naisip ko, “Hindi nagbabasa ng Biblia ang Kidlat ng Silanganan, at lumayo na sila roon, kaya hindi ba nanlilinlang sila ng mga tao?” Naisip kong kailangan kong makipagtulungan sa pari para protektahan ang kawan at maiwasan na malinlang ang mga kapatid. Naisip ko, “Mas nauunawaan ng pari ang Biblia kaysa sa akin, at baka tama ang sinasabi niya, kaya dapat kong gawin ang sinasabi ng pari at sumunod sa Biblia anuman ang mangyari.” Iyon ang dahilan, kaya noong panahong iyon, madalas akong magsalita tungkol sa kung paano maging mapagbantay laban sa Kidlat ng Silanganan sa mga pagpupulong. Naisip ko rin na responsibilidad ko ito bilang isang mangangaral, at palagi akong maingat sa mga taong mula sa Kidlat ng Silanganan na pumupunta sa iglesia namin para mangaral. Nagulat ako nang hindi nagtagal, tinanggap ng nanay ko ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw.
Hindi nagtagal matapos niya iyong tanggapin, pumunta siya para ipangaral sa akin ang ebanghelyo. Pero nang narinig kong sabihin niyang Kidlat ng Silanganan iyon, mas lalo akong lumaban doon. Pinasinungalingan ko pa nga siya sa pagsasabing, “Ma, bakit kayo naniniwala sa Kidlat ng Silanganan? Palaging sinasabi ng pari na erehiya at lumalayo sa Biblia ang Kidlat ng Silanganan. Kung naniniwala kayo sa Kidlat ng Silanganan, ipinagkakanulo niyo ang Panginoon. Kailangan niyong ikumpisal ang mga kasalanan niyo sa Panginoon at magsisi.” Kung saan sumagot ang nanay ko, “Alam mo ba ang tunay na sitwasyon sa Kidlat ng Silanganan? Hindi ka pa nakarinig kailanman ng mga sermon ng Kidlat ng Silanganan o nakabasa ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos, ngunit bulag mong hinahatulan at kinokondena ito. Napakadaling labanan ang Diyos nang ganoon. May propesiya sa Biblia tungkol sa Kidlat ng Silanganan, ‘Sapagka’t tulad ng kidlat na gumuguhit mula sa silangan, at nakikita hanggang sa kanluran: gayundin ang pagdating ng Anak ng tao’ (Mateo 24:27).” Sinabi niya sa akin na ang Kidlat ng Silanganan ay ang pagpapakita at gawain ng Panginoon sa mga huling araw. Nang marinig kong sabihin iyon ng nanay ko, tumanggi akong pakinggan ang anuman doon. Pinasinungalingan ko pa nga siya ulit. Sabi ko, “Anuman ang sabihin niyo, lumalayo sa Biblia ang Kidlat ng Silanganan at hindi ang tunay na daan. Kung naniniwala tayo sa Panginoon at hindi nagbabasa ng Biblia, paniniwala pa rin ba iyon sa Panginoon? Ang paglayo sa Biblia ay pagkakanulo sa Panginoon.” Noong oras na iyon, nang makita ng nanay ko ang saloobin ko, umiling lang siya at hindi na nagsalita pa.
Pero hindi nagtagal, nalaman ng pari ko na naniniwala ang nanay ko sa Makapangyarihang Diyos. Matapos ang Misa isang araw, inanunsyo ng pari sa kongregasyon na naniniwala ang nanay ko sa Makapangyarihang Diyos, at pinagbawalan ang kongregasyon sa anumang pakikipag-ugnayan sa kanya, o makikibahagi sila sa kanyang kasamaan. Noong oras na iyon, naramdaman kong ginawa ito ng pari para protektahan ang kawan, kaya pumanig ako sa pari at sinubukang himukin ang mga kapatid. Sabi ko, “Ginagawa ito ng pari para sa kabutihan natin. Hindi tayo puwedeng makinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan. Kahit pa isang kamag-anak ang nangangaral sa atin, hindi tayo puwedeng maniwala roon. Kailangan nating kumapit sa Biblia at sa pangalan ng Panginoon. Tanging ang mga nagtitiis hanggang sa huli ang maliligtas.” Sinabi ko rin, “Ipinangaral iyon sa akin ng nanay ko, pero hindi ko iyon paniniwalaan kailanman.” Nang marinig ng mga kapatid na sabihin ko ito, sinabi rin nila na hindi sila makikinig sa mga sermon ng Kidlat ng Silanganan kailanman.
Matapos ang ilang panahon, pumunta uli ang nanay at ang ate ko sa bahay ko. Sa sandaling nakita ko sila, sabi ko, “Huwag niyo na ‘kong subukang himukin. Hindi ko babasahin kailanman ang libro ng Kidlat ng Silanganan. Nasa Biblia ang lahat ng salita ng Diyos. Paanong naging salita ng Diyos ang librong ito?” Sumagot ang ate ko, “Sinasabi mong hindi ito salita ng Diyos nang hindi mo man lang tinitingnan. Masyado naman iyong mapagmataas.” Sabi niya, “Ang Biblia ay patotoo lang sa Diyos, isang makasaysayang teksto na nagtatala ng mga salita at gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Kautusan at Kapanahunan ng Biyaya. Paano masusulat sa Biblia nang mas maaga ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ngayon, ang Makapangyarihang Diyos, ang Tagapagligtas, ay pumarito na, nagpahayag ng maraming salita, at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos. Nasa librong ito ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Walang taong makakapagbukas sa maliit na kasulatang nakabalumbon na nabanggit sa Pahayag. Mabubuksan lang iyon ng Cordero. Ngayon, pumarito na ang Makapangyarihang Diyos at binuksan ang kasulatang nakabalumbon, na ang librong, Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero.” Sabi niya, “Nilalaman ng librong ito ang mga salitang ipinahayag ng sariling bibig ng Diyos.” Nang marinig kong sabihin ito ng ate ko, naisip ko, “Talagang may kasulatang nakabalumbon na nabanggit sa Pahayag, kaya hindi lumalayo sa Biblia ang sinasabi niya.” Biglang hindi na nakakarimarim para sa akin ang libro, pero kung iisiping mabuti, parang hindi pa rin tama. Hindi nga talaga nila binabasa ang Biblia. Paano sila naniniwala sa Panginoon kung lumayo sila sa Biblia? Kaya patuloy akong tumanggi na basahin iyon. Sa wakas, matapos ang paulit-ulit na pagtatangka ng nanay at ate ko na himukin ako, wala na akong nagawa kundi ang nag-aatubiling hayaan sila na iwan ang libro para sa akin. Pero inisip ko ang tungkol sa sinabi ng ate ko tungkol sa kasulatang nakabalumbon sa Pahayag at na nilalaman ng librong ito ang mga salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw. Naisip ko, “Ang Pahayag ay patungkol sa paksa ng mga huling araw at tumatalakay ng mga pangitain. Kakaunti ang mga taong nangangahas na talakayin ito o kaya itong talakayin nang naiintindihan.” Naisip ko, napakalalim siguro ng nilalaman ng librong ito at tumatalakay ng mga misteryo, kaya gustung-gusto kong mabasa ang libro. Pero naisip ko rin na ang paniniwala sa Diyos ay nangangahulugang paniniwala sa Biblia. Gaano man kaganda ang isang libro, hindi iyon makakapalit sa Biblia. Kaya, noong oras na iyon, inalis ko sa isip ko ang ideya ng pagbabasa ng libro.
Hindi nagtagal, pumunta ulit ang nanay ko para ipangaral sa akin ang ebanghelyo, pero tumaon naman ito sa insidente ng sakit sa pag-iisip ng nakababata kong kapatid na lalake, kaya sinisi ko ang nanay ko sa paglitaw ng sakit niya. Sabi ko nawala na sa amin ang proteksyon ng Panginoon dahil ipinagkanulo niya ang Panginoon. Sinubukan ko siyang himukin na ikumpisal ang mga kasalanan niya sa Panginoon, magsisi, at sabay naming ipanalangin ang kapatid ko para hilingin sa Diyos na pagpalain ang kapatid ko ng mabilis na paggaling. Lumuluhang sumagot ang nanay ko, sinasabing, “Malungkot na malungkot din ako sa kalagayan ng kapatid mo, pero hindi tayo puwedeng maniwala sa Diyos para lang magkamit ng biyaya at mga pagpapala mula sa Kanya. Ang Diyos ang Lumikha, at kailangan nating maniwala sa Kanya binibigyan Niya man tayo o hindi ng biyaya at mga pagpapala. Kailangan nating maging tulad ni Job, na sumunod sa Diyos at pinuri ang pangalan Niya tumanggap man siya ng mga pagpapala o mga sakuna. Ito ang kahulugan ng tunay na pananampalataya.” Sabi niya hindi pagkakanulo sa Panginoon ang paniniwala sa Makapangyarihang Diyos, at iyon ay pagsunod sa mga yapak ng Cordero at pagtanggap sa Panginoon. Sabi niya wala siyang mga reklamo laban sa Diyos tungkol sa sakit ng kapatid ko, at anuman ang mangyari, susundin niya ang Diyos hanggang sa huli. Nang marinig kong sabihin iyon ng nanay ko, gulat na gulat ako. Naisip ko, ang tinalakay namin sa iglesia ay kung paano lang maniwala sa Diyos para magkamit ng mga pagpapala at biyaya, pero napakalalim ng pag-unawa ng nanay ko nang magsalita siya noong araw na iyon. Kaya naisip ko, nakuha niya ba ang bagay na ito sa librong iyon? At pagkatapos naisip ko, anong klaseng Diyos ba ang Makapangyarihang Diyos? Anong klaseng mga bagay ba ang sinasabi Niya? Matapos mangyari sa pamilya namin ang isang bagay na may napakalaking epekto, hindi lang walang mga reklamo ang nanay ko, nagkaroon pa siya ng ganoon kalakas na pananampalataya sa Diyos. Kaya mas lalo akong naging mausisa tungkol sa libro. Pero, naisip ko ulit ang sinabi ng pari ko, na anuman ang mangyari, hindi kami dapat magbasa ng mga libro ng Kidlat ng Silanganan, at sinumang magbasa ng mga iyon ay makukuha at hindi na makakabalik. Kaya nag-alangan pa rin ako, at muli kong inalis sa isip ko ang ideya ng pagbabasa noon.
Matapos iyon, pumunta ulit ang nanay ko para ipangaral sa akin ang ebanghelyo paminsan-minsan. Nagpatuloy ito sa loob ng pitong taon, pero hindi pa rin ako nangahas na magsiyasat. Setyembre iyon ng 2011. Noong panahong iyon, naramdaman kong tigang ang espiritu ko, at wala nang bagong maipapangaral. Nagbabasa ako ng lahat ng uri ng libro sa pagsesermon, pero walang nakatulong sa akin sa mga iyon. Sa tuwing nangangaral ako, lagi akong nababalisa. Hindi ko alam kung anong ipapangaral ko. Wala akong anumang ideya. Pero, bigla kong naalala ang librong ibinigay sa akin ng nanay ko at ang pag-unawa na ginamit ng nanay at ate ko sa pagsasalita, lahat ng iyon ay hindi ko pa naririnig noon, at labis akong naantig. Naisip ko, “Bakit hindi ko subukang basahin ang librong ito? Bakit hindi ko tingnan kung may makikita akong anumang bago para sa mga sermon ko?” Kaya, inilabas ko ang libro, at binuksan iyon, at napunta ako sa kabanatang tinatawag na “Tungkol sa Bibliya 3.” Tungkol sa sinabi noon, bakit hindi tayo manood ng isang bidyo ng pagbasa? “Ngayon, naniniwala ang mga tao na ang Bibliya ay Diyos, at na ang Diyos ay ang Bibliya. Kaya, naniniwala rin sila na lahat ng salita sa Bibliya ay tanging mga salita na binigkas ng Diyos, at lahat ng ito ay sinabi ng Diyos. Iniisip pa ng mga naniniwala sa Diyos na bagama’t lahat ng animnapu’t anim na aklat ng Luma at Bagong Tipan ay isinulat ng mga tao, lahat ng ito ay ipinagkaloob sa pamamagitan ng inspirasyon ng Diyos, at isang talaan ng mga pagbigkas ng Banal na Espiritu. Ito ang maling pagkaunawa ng tao, at hindi ito lubos na naaayon sa mga totoong nangyari. Sa katunayan, maliban sa mga aklat ng propesiya, karamihan sa Lumang Tipan ay talaan ng kasaysayan. Ang ilan sa mga sulat sa Bagong Tipan ay nagmula sa mga karanasan ng mga tao, at ang ilan ay nagmula sa kaliwanagan ng Banal na Espiritu; ang mga sulat ni Pablo, halimbawa, ay nagmula sa gawain ng isang tao, resulta ang lahat ng ito ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu, at isinulat para sa mga iglesia, at mga salitang nagpapayo at naghihikayat sa mga kapatid sa mga iglesia. Hindi ito mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu—hindi makapagsasalita si Pablo sa ngalan ng Banal na Espiritu, at hindi rin siya isang propeta, at lalong hindi siya nakakita ng mga pangitain na nakita ni Juan. Ang kanyang mga sulat ay isinulat para sa mga iglesia ng Efeso, Filadelfia, Galacia, at iba pang mga iglesia. Kaya ang mga sulat ni Pablo sa Bagong Tipan ay mga liham ni Pablo para sa mga iglesia, at hindi mga inspirasyon mula sa Banal na Espiritu, ni hindi ito mga tuwirang pagbigkas ng Banal na Espiritu. Mga salita lamang ito ng pagpapayo, pag-aliw, at paghihikayat na isinulat niya para sa mga iglesia habang ginagampanan ang kanyang gawain. Kaya isang talaan din ito ng karamihan ng ginawa ni Pablo sa panahong iyon. Isinulat ang mga ito para sa lahat na kapatid sa Panginoon, upang sundin ng mga kapatid sa iglesia sa panahong iyon ang kanyang payo at sumunod sila sa daan ng pagsisisi ng Panginoong Jesus. … Lahat ng sinabi niya na nakakapagpatibay at positibo sa mga tao ay tama, pero hindi nito kinatawan ang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at hindi nito maaaring katawanin ang Diyos. Napakasamang pagkaunawa at napakalaking kalapastangan sa Diyos ang tratuhin ng mga tao ang mga talaan ng mga karanasan at mga sulat ng isang tao bilang mga salitang sinabi ng Banal na Espiritu sa mga iglesia! Totoo iyan lalung-lalo na kapag nagmumula ito sa mga sulat ni Pablo para sa mga iglesia, sapagkat ang kanyang mga liham ay isinulat para sa mga kapatid batay sa mga kalagayan at sitwasyon ng bawat iglesia sa panahong iyon, at ginawa upang payuhan ang mga kapatid sa Panginoon, upang matanggap nila ang biyaya ng Panginoong Jesus. Ang kanyang mga sulat ay ginawa para pukawin ang mga kapatid noong panahong iyon. Masasabi na ito ang sarili niyang pasanin, at ang pasanin ding ibinigay sa kanya ng Banal na Espiritu; tutal naman, isa siyang apostol na namuno sa mga iglesia noong panahong iyon, na sumulat ng mga liham para sa mga iglesia at pinayuhan sila—iyon ang kanyang responsibilidad. Ang kanyang pagkakakilanlan ay sa isang naglilingkod lamang na apostol, at isa lang siyang apostol na isinugo ng Diyos; hindi siya isang propeta, ni isang manghuhula. Para sa kanya, ang sarili niyang gawain at ang buhay ng mga kapatid ang pinakamahalaga. Kaya hindi siya makapagsasalita sa ngalan ng Banal na Espiritu. Ang kanyang mga salita ay hindi mga salita ng Banal na Espiritu, at lalong hindi masasabi na mga salita iyon ng Diyos, sapagkat si Pablo ay wala nang iba pa kundi isang nilalang lamang ng Diyos, at tiyak na hindi ang pagkakatawang-tao ng Diyos. Ang kanyang pagkakakilanlan ay hindi kapareho ng kay Jesus. Ang mga salita ni Jesus ay mga salita ng Banal na Espiritu, ito ay mga salita ng Diyos, sapagkat ang Kanyang pagkakakilanlan ay iyong kay Cristo—ang Anak ng Diyos. Paano Siya magiging isang kapantay ni Pablo? Kung ituturing ng mga tao ang mga sulat o salita na katulad ng kay Pablo bilang mga pagbigkas ng Banal na Espiritu, at sinasamba ang mga ito bilang Diyos, masasabi lamang na masyado silang hindi maselan. Sa mas masakit na pananalita, hindi ba ito’y wala nang iba kundi paglapastangan sa Diyos?” (Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). “Ang pagsasabi na ang mga karanasan nina Pablo at Juan ay nahaluan ng kanilang mga sariling kabatiran ay hindi nangangahulugan na ang kanilang mga karanasan at kaalaman ay nagmula kay Satanas, kundi na mayroon lamang silang mga bagay na nagmula sa kanilang mga sariling karanasan at kabatiran. Ang kanilang kaalaman ay ayon sa nangyari sa kanilang mga aktwal na karanasan noong panahong iyon, at sino ang siguradong makapagsasabi na nagmula ang lahat ng ito sa Banal na Espiritu? Kung nagmula sa Banal na Espiritu ang lahat ng Apat na Ebanghelyo, bakit magkakaiba ang sinabi nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan tungkol sa gawain ni Jesus? Kung hindi kayo naniniwala rito, tingnan ninyo ang mga tala sa Bibliya kung paanong tatlong beses na itinanggi ni Pedro ang Panginoon: Magkakaiba ang lahat ng ito, at bawat isa ay mayroong kanya-kanyang mga katangian. … Basahin ninyo nang mabuti ang Apat na Ebanghelyo; basahin ninyo kung ano ang kanilang itinala tungkol sa mga bagay na ginawa ni Jesus, at ang mga salitang sinabi Niya. Ang bawat ulat ay talagang magkakaiba, at ang bawat isa ay mayroong sarili nitong pananaw. Kung ang isinulat ng mga may-akda ng mga aklat na ito ay nagmula lahat sa Banal na Espiritu, dapat magkakatulad at hindi pabago-bago ang lahat ng ito. Kaya bakit mayroong mga pagkakaiba?” (“Tungkol sa mga Pangalan at sa Pagkakakilanlan” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). Sa totoo lang, nakakabigla iyon. Iyon ang unang beses kong nakitang inilarawan sa ganitong paraan ang Biblia, na bukod sa mga libro ng propesiya at mga salita ng Panginoong Jesus sa Apat na Ebanghelyo, na mga salita ng Diyos, ang iba, gaya ng mga sulat ni Pablo, at ang mga talaan ng pangangaral ng Panginoong Jesus sa Apat na Ebanghelyo, ay sinulat lahat ng mga tao, at isang kasaysayan ng gawain ng Diyos at karanasan ng mga tao sa sarili nilang gawain. Mga salita ng tao ang lahat ng ito. At totoo, mga nilalang ang sangkatauhan, ang Diyos ang Lumikha, magkaiba ang kanilang katayuan at diwa. Hindi masasabing salita ng Diyos ang mga sulat na sinulat ng mga tao, at isang kalapastanganan ang pagtawag sa mga iyon na salita ng Diyos. Naisip ko kung paanong, sa loob ng maraming taon, naniwala akong lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos. Hindi ba nangangahulugan iyon na nilalapastangan ko ang Diyos? Pero, naisip ko ulit, “Kahit sinulat ng mga tao ang Biblia, kinasihan iyon ng Diyos, at may batayan sa Biblia para masabi iyon.” Kaya naisip ko, kailangan kong matatag na manindigan, at hindi ako puwedeng mag-alinlangan nang ganito. Pero, naalala ko ulit kung paanong sinabi ng Makapangyarihang Diyos na ang Apat na Ebanghelyo at ang mga sulat ng mga apostol ay mga indibiduwal na salaysay nila sa kung ano ang nakita nila at naranasan. Sino ang mangangahas na magsabing ang mga ito ay ganap na nagmula sa Banal na Espiritu? Tapos, naalala ko ang mga salita ni Pablo sa Biblia na nagsasabi kay Timoteo na uminom ng alak. Masama ang tiyan ni Timoteo at madalas dumanas ng pananakit ng tiyan, kaya sinabihan siya ni Pablo na uminom ng alak para malabanan ang lamig at panatilihing mainit ang tiyan niya. Naisip ko rin ang talaan ng kung paanong pinili ng Panginoon si Pedro. Naisip ko, “Kung ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos, lagpas iyon sa kakayahan ng mga tao na isulat, pero sentido komun ang pagmumungkahi ni Pablo na uminom ng alak para painitin ang tiyan. Hindi na iyon kailangang pagkasi. Hindi rin nangangailangan ng pagkasi ng Diyos ang pagsunod ni Pedro sa Panginoon. Sinulat lang ng iba kung paano siya sumunod sa Panginoon.” Kaya naisip ko, “Talaga nga kayang totoo ang sinasabi ng librong ito, na hindi lahat sa Biblia ay kinasihan ng Diyos? Paano iyon nangyari? Ang buong Biblia ay kinasihan ng Diyos at lahat iyon ay salita ng Diyos. Nanatili ang pananaw na ito sa loob ng dalawang libong taon. Hindi lang ang denominasyon ko ang tumatanggap sa pananaw na ito, ito ang iniisip ng buong relihiyosong mundo. Talaga bang nagkamali ang buong relihiyosong mundo tungkol dito?” Tapos naisip ko, “Pagdating sa kung paano tinawag si Pedro, inihahayag ng Ebanghelyo ni Mateo na personal siyang tinawag ng Panginoon, habang inihahayag ng Ebanghelyo ni Juan na ipinakilala ni Juan Bautista si Pedro sa Panginoon. Ibang istorya ang sinasabi ng bawat isa sa kanila.” Naisip ko, “Kung kinasihan ng Diyos ang Biblia, bakit iba-iba ang mga salaysay ng parehong mga bagay? Talaga bang kakasihan ng Diyos ang iba-ibang bagay sa iba-ibang tao?” Mula rito, nakita kong ang mga salita sa Biblia ay hindi mga salita ng Diyos lahat.
Noong sandaling iyon, agad kong napagtanto na ang pananaw na pinanghawakan ko nang maraming taon, na ang lahat ng mga salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, ay malaking pagkakamali. Kumapit ako sa pananaw na ito at ayaw bumitaw at tinuring ang mga salita ng mga tao sa Biblia bilang salita ng Diyos. Hindi ba ito paglaban at paglapastangan sa Diyos? Napakaraming gawain na ang ginawa ko at nakapagbigay ng napakaraming sermon, subalit tinuruan ko ang mga tao na sumunod sa mga salita ni Pablo at iba pang tao sa Biblia na para bang salita ang mga iyon ng Diyos, habang ipinapalagay na nagkaroon ako ng merito sa harap ng Diyos at na maaalala ng Diyos ang lahat ng ginawa ko. Naging napakabulag ko at mangmang! Iniligaw ko ang mga kapatid sa loob ng napakaraming taon. Hindi ba iniligaw ko ang lahat? Naisip ko, “Paano ako makakapanagot sa Diyos?” Nilabanan ko ang Diyos at nakagawa ng malaking kasamaan sa harap ng Diyos, at ang tanging naramdaman ko ay takot at sindak. Noong oras na iyon, lumuluha akong lumuhod sa harap ng Diyos at nanalangin para ikumpisal ang mga kasalanan ko. Sabi ko, “Panginoong Jesus, sa loob ng napakaraming taon, tinrato ko ang salita ng mga tao sa Biblia bilang sa Iyo. Nagkamali ako. Ikinukumpisal ko po ang mga kasalanan ko sa Iyo at nagsisisi. Pakiusap, maawa Ka po sa akin at patawarin ang mga kasalanan ko. Kung talaga pong nagbalik Ka bilang ang Makapangyarihang Diyos, nais ko iyong tanggapin. Bigyang-liwanag Mo po ako, para matukoy ko mula sa mga salitang ito kung Ikaw nga ito.”
Matapos manalangin, naging mas kalmado ako nang kaunti, at nagpasiya ako na maghanap sa mga salitang ito. Kalaunan, nagbasa ako ng ilang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang gawain ng Diyos sa bawat isang kapanahunan ay may malilinaw na hangganan; ginagawa lamang Niya ang gawain ng kasalukuyang kapanahunan, at hindi Niya isinasakatuparan nang maaga ang sumunod na yugto ng gawain kailanman. Sa ganitong paraan lamang maisusulong ang Kanyang gawaing kumakatawan sa bawat kapanahunan. Nagsalita lamang si Jesus tungkol sa mga tanda ng huling mga araw, paano maging mapagpasensya at paano maligtas, paano magsisi at mangumpisal, at kung paano magpasan ng krus at magtiis ng hirap; hindi Niya kailanman binanggit kung paano dapat pumasok ang tao sa huling mga araw, ni kung paano niya dapat hangaring palugurin ang kalooban ng Diyos. Sa gayon, hindi ba katawa-tawang saliksikin ang Bibliya para sa gawain ng Diyos sa mga huling araw? Ano ang makikita mo sa paghawak lamang nang mahigpit sa Bibliya? Isa mang tagapaglahad ng Bibliya o isang mangangaral, sino ang makakakita nang maaga sa gawain ngayon?” (“Paano Maaaring Tumanggap ng mga Paghahayag ng Diyos ang Taong Nililimitahan ang Diyos sa Kanyang mga Kuru-kuro?” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). “Sapagkat ang gawain ng Diyos ay palaging umuunlad, at ito ay hindi maaaring basta na lamang tumigil sa panahon nina Pablo at Pedro, o palagiang mananatili sa Kapanahunan ng Biyaya kung saan si Jesus ay ipinako sa krus. Kaya ang mga aklat na ito ay angkop lamang para sa Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa Kapanahunan ng Kaharian ng mga huling araw. Ang mga ito ay makapagtutustos lamang para sa mga mananampalataya ng Kapanahunan ng Biyaya, hindi para sa mga banal ng Kapanahunan ng Kaharian, at gaano man kainam ang mga ito, ang mga ito ay lipas pa rin” (“Tungkol sa Bibliya 4” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). “Kung nais mong makita ang gawain ng Kapanahunan ng Kautusan, at makita kung paano sinundan ng mga Israelita ang landas ni Jehova, dapat mong basahin ang Lumang Tipan; kung nais mong maunawaan ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, dapat mong basahin ang Bagong Tipan. Ngunit paano mo makikita ang mga gawain sa mga huling araw? Kailangan mong tanggapin ang pamumuno ng Diyos ng kasalukuyan, at pumasok sa gawain sa kasalukuyan, dahil ito ang bagong gawain, at wala pang nakapagtatala nito sa Bibliya. Ngayon, ang Diyos ay naging tao at pumili ng ibang hinirang na mga tao sa Tsina. Ang Diyos ay gumagawa sa mga taong ito, nagpapatuloy Siya mula sa Kanyang gawain sa daigdig, at nagpapatuloy mula sa gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Ang gawain sa kasalukuyan ay isang daan na hindi pa kailanman nalakaran ng tao, at daan na wala pang sinuman ang nakakita. Ito ay gawain na hindi pa kailanman nagawa—ito ang pinakabagong gawain ng Diyos sa mundo. Kaya ang gawain na hindi pa nagawa noon ay hindi kasaysayan, dahil ang ngayon ay ngayon, at hindi pa nagiging nakaraan. Hindi alam ng mga tao na ang Diyos ay nakagawa nang mas nakahihigit at mas bagong gawain sa mundo, at sa labas ng Israel, na lumampas na ito sa saklaw ng Israel, at lampas sa mga propesiya na ibinigay ng mga propeta, na ito ay bago at kahanga-hangang gawain na hindi sakop ng mga propesiya, at mas bagong gawain na lampas sa Israel, at gawain na hindi makikita o kaya ay magawang akalain ng mga tao. Paanong ang Bibliya ay naglalaman ng malinaw na mga talaan ng nasabing gawain? Sino ang maaaring makapagtala ng bawat isang bahagi ng gawain ngayon bago ito maganap, nang walang makakaligtaan? Sino ang maaaring makapagtala nitong mas makapangyarihan at mas may karunungang gawain na sumasalungat sa kinaugalian na nasa lumang inaamag na libro na iyon? Ang gawain sa kasalukuyan ay hindi kasaysayan, at dahil dito, kung nais mong lumakad sa bagong landas ngayon, kailangan mong lisanin ang Bibliya, dapat mong lagpasan ang mga aklat ng propesiya o kasaysayan na nasa Bibliya. Sa ganitong paraan ka lamang maaaring makalakad sa bagong landas nang maayos, at sa ganitong paraan ka lamang makakapasok sa bagong kaharian at sa bagong gawain. Dapat mong maunawaan kung bakit hinihiling ngayon na huwag mong basahin ang Bibliya, kung bakit mayroong ibang gawain na hiwalay sa Bibliya, kung bakit ang Diyos ay hindi na naghahanap ng mas bago at mas detalyadong pagsasagawa sa Bibliya, at kung bakit sa halip ay mayroong mas makapangyarihang gawain sa labas ng Bibliya. Ito ang lahat ng dapat ninyong maunawaan” (“Tungkol sa Bibliya 1” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). Dito, nakita ko na sa bawat yugto ng bagong gawain ng Diyos, lumilipas ang lumang gawain. Sa bawat bagong kapanahunan, gumagawa ng bagong gawain ang Diyos at may bagong mga hinihingi para sa mga tao, at ang ilan sa mga lumang tuntunin at patakaran ay hindi na kailangang sundin dahil lipas na ang mga iyon at hindi magagamit sa bagong kapanahunan. Ipinaalala nito sa akin na sa Lumang Tipang Kapanahunan ng Kautusan, ginamit ng Diyos si Moises para palaganapin ang batas na susundin. Kapag nilabag ninuman ang batas, kailangan nilang magsakripisyo para mabayaran ang kasalanan nila, kung hindi ay parurusahan sila. Ang mga tao ng kapanahunang iyon ay sumunod sa batas alinsunod sa mga hinihingi ng Diyos, at walang nangahas na lumabag doon. Sa panahon ng Bagong Tipan, pumarito ang Diyos sa katawang-tao at ipinako bilang isang handog para sa kasalanan para sa tao, na tumubos sa mga tao mula sa kalagayan ng kasalanan. Pag nagkasala ang isang tao, kailangan lang nilang manalangin sa pangalan ng Panginoon, mangumpisal, at magsisi. Tapos, patatawarin ang mga kasalanan nila, at hindi na kailangan ang mga handog, ni hindi sila kokondenahin ng Diyos sa kabiguan na sundin ang batas. Kaya, para sa mga tao sa panahon ng Bagong Tipan, hindi ba lipas na ang ilan sa mga hinihingi ng Lumang Tipan? Kung ang mga nasa panahon ng Bagong Tipan ay pinanatili ang mga tuntunin ng Lumang Tipan at tinanggihan ang mga salita at gawain ng Panginoong Jesus, hindi ba sila aalisin? Akala ko dati ang paniniwala sa Diyos ay nangangailangan ng pagsunod sa Biblia, at hindi tayo maaaring lumayo sa Biblia sa anumang pangyayari. Pero ngayon, gumagawa ang Diyos ng bagong gawain at nagpahayag ng bagong mga salita, kaya kung ipinilit ko na sumunod sa Biblia, hindi ba kumakapit lang ako sa luma? Akala ko ang paglayo sa Biblia ay nangangahulugan na hindi ako naniniwala sa Diyos. Pero kakatuwa ang pananaw na iyon, hindi ba? Sinabi rin ng mga siping ito na itinatala ng Luma at Bagong Tipan ang gawaing ginawa ng Diyos, at nang natapos ng Diyos ang gawain Niya, isinulat ng mga disipulo ang gawaing ginawa ng Diyos at mga salitang sinabi Niya, at pinagsama-sama ng mga sumunod na henerasyon ang mga talaang ito para likhain ang Biblia. Ipinangako ng Panginoon na paparito Siyang muli sa mga huling araw, kaya paanong ang mga bagong salita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay nasulat sa Biblia nang mas maaga? Habang lalo kong pinag-iisipan ang mga salitang ito, mas lalo kong napagtanto na naaayon ang mga ito sa mga katotohanan. Tama ang mga salitang ito, dahilan para mas lalo akong makatiyak na iiral sa labas ng Biblia ang mga bagong salita at gawain ng Diyos. Noon, ang akala ko wala nang mga salita ng Diyos sa labas ng Biblia. Mali iyon. Sarili ko iyong haka-haka at imahinasyon.
Sa loob ng dalawang libong taon, walang nakapagsuri ng Biblia nang lubusan at nang may ganoon katibay na batayan o nagawang ihayag ang mga misteryong ito. Paano iyon magagawa ng sinumang tao? Paano makapagsasalita ang isang tao nang may ganoong awtoridad? Hindi ba ito ang tinig ng Diyos? Nang sandaling iyon, masyado akong nasabik, na para bang binigyan ako ng isang kayamanan. Niyakap ko nang mahigpit sa mga braso ko ang libro ng mga salita ng Diyos at labis iyong pinahalagahan. Matapos iyon, patuloy kong binasa ang Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero. Mula umaga hanggang gabi, nagbasa ako habang nananalangin at naghahanap. Habang mas nagbabasa ako, mas nararamdaman kong kahanga-hanga ang mga salitang ito. Mga bagay iyon na hindi ko pa narinig o naunawaan sa mahigit dalawampung taon ng paniniwala sa Panginoon. Habang mas nagbabasa ako, mas lalong tumitindi ang pananabik na nararamdaman ko. Para bang isang apoy ang nagningas sa puso ko. Nang magsimula akong magbasa, ayaw ko nang tumigil. Napakarami kong nakamit mula sa ilang maiiksing sipi lang, at naramdaman kong baka ito nga ang mga salitang ipinahayag ng nagbalik na Panginoon. Noong oras na iyon, gusto kong yayain ang ilan sa kasamahan ko na maghanap kasama ko, pero napagtanto kong lahat ng kasamahan ko ay nakinig sa pari at tutol sa Kidlat ng Silanganan. Ayaw nilang magsiyasat nang may saloobin ng paghahanap, kaya isinuko ko na ang ideya ng paghahanap kasama nila. Sa halip, tahimik akong nanalangin sa Panginoon at hiniling sa Kanya na gabayan ako.
Matapos iyon, nabasa ko ang isang sipi ng salita ng Makapangyarihang Diyos. “Sa paghatol na nagsisimula sa bahay ng Diyos na nasabi sa mga nagdaang panahon, ang ‘paghatol’ sa mga salitang ito ay tumutukoy sa paghatol na ginagawa ng Diyos ngayon sa mga lumalapit sa harap ng Kanyang luklukan sa mga huling araw. Marahil ay may mga naniniwala sa ganoong higit-sa-karaniwang mga naguguni-guni gaya ng, sa pagdating ng mga huling araw, magtatayo ang Diyos ng malaking mesa sa mga kalangitan, na kung saan ang isang puting tapete ay ilalatag, at pagkatapos, nakaupo sa isang dakilang luklukan na ang lahat ng mga tao ay nakaluhod sa lupa, ibubunyag Niya ang mga kasalanan ng bawat tao at doon ay malalaman kung sila ay aakyat sa langit o itatapon sa lawa ng nagniningas na apoy at asupre. Anuman ang mga naguguni-guni ng tao, hindi nito mababago ang diwa ng gawain ng Diyos. Ang mga naguguni-guni ng tao ay walang iba kundi ang mga nabubuong kaisipan ng tao at nanggagaling sa utak ng tao, binuo at pinagtagni-tagni mula sa mga nakita at narinig ng tao. Samakatuwid Aking sinasabi, gaano man kaganda ang mga larawang naisip, ang mga ito ay mga iginuhit lamang na karikatura, at hindi maaaring humalili sa plano ng gawain ng Diyos. Kung tutuusin, ang tao ay nagawa nang tiwali ni Satanas, kaya papaano niya maaarok ang mga iniisip ng Diyos? … Naguguni-guni ng bawat tao na mapaghimala ang gawain ng paghatol ng Diyos. Alam mo ba, gayunman, na, noong matagal nang sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawain ng paghatol sa tao, nananatili kang tulog na tulog? Na, sa oras na inaakala mong ang gawain ng paghatol ng Diyos ay pormal nang nagsimula, nabago na ng Diyos ang langit at lupa? Sa oras na iyon, malamang ay noon mo pa lamang naintindihan ang kahulugan ng buhay, ngunit ang walang-awang gawain ng pagpaparusa ng Diyos ay magdadala sa iyo, na natutulog pa ring mahimbing, sa impiyerno. Saka mo lamang biglang mapagtatanto na ang gawain ng paghatol ng Diyos ay natapos na” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). Noong una kong nabasa ang siping ito, hindi ko ito naintindihan. Naisip ko, “Hindi ba’t ginawa ang gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw mula sa isang malaking puting trono habang hinahatulan Niya ang lahat? At ito ay may batayan sa Biblia. Paano ito nagmumula sa imahinasyon ng tao? At ito ang iniisip ng buong relihiyosong mundo.” Pero sinabi ng mga salitang ito na nagsimula na ang gawain ng paghatol ng Diyos. Para sa akin, parang binaligtad ng mga salitang ito ang pananaw ng buong relihiyosong mundo, kaya hindi ko ito matanggap agad-agad. Pero naisip ko ang sinasabi ng Biblia, “Ang titik ay pumapatay, ngunit ang Espiritu’y nagbibigay-buhay” (2 Corinto 3:6). Ibig sabihin nito hindi ako makakagawa ng mga tuntunin batay sa literal na kahulugan. Bukod pa roon, maaaring hindi talaga tama ang ipinapangaral ng relihiyosong mundo. Pinaniniwalaan ng relihiyosong mundo na ang lahat ng salita sa Biblia ay mga salita ng Diyos, pero hindi ba napatunayan nang mali ang pananaw na iyon? Naisip kong baka may isang misteryo sa mga salitang ito, kaya sa mga salitang ito, dapat kong hanapin kung paanong hinahatulan ng Panginoon ang lahat sa mga huling araw, sa halip na lubos na pagkatiwalaan ang pari at mga mangangaral. Kaya nanalangin ako sa Panginoon at hiniling sa Kanyang pangunahan ako.
Isang araw, nakita ko ang siping ito sa libro. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Gumagawa ba ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao o Siya’y gumagawa nang salungat sa mga kuru-kuro ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng kuru-kuro ng tao ay nagmumula kay Satanas? Hindi ba’t ginawa nang tiwali ni Satanas ang lahat ng tao? Kung ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain ayon sa mga kuru-kuro ng tao, hindi ba’t Siya ay magiging si Satanas? Hindi ba’t magiging kapareho lang Niya ng uri ang mga nilalang Niya? Dahil ang mga nilalang Niya ay nagawa na ngayong napakatiwali ni Satanas, na ang tao ay naging pagsasakatawan na ni Satanas, kung gagawa ang Diyos ayon sa mga bagay ni Satanas, hindi ba’t magiging kakampi Siya ni Satanas? Paano mauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos? Kaya, hindi kailanman gagawa ang Diyos ayon sa mga kuru-kuro ng tao, at hindi Siya kailanman gagawa sa mga paraan na iyong ipinapalagay” (“Ang Pangitain ng Gawain ng Diyos 3” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). Habang pinagninilayan ko ang mga salitang ito nang paulit-ulit, nakaramdam ako ng makadurog-pusong sakit at labis na pagkakonsiyensya. Talagang hindi gumagawa ang Diyos ng mga bagay ayon sa mga kuru-kuro o imahinasyon ng tao. Naalala ko na sinasabi sa Biblia, “O ang kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos! ‘Di maipaliwanag ang Kanyang mga paghatol, at ‘di maunawaan ang Kanyang mga pamamaraan! Sapagkat sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? O sino ang Kanyang naging tagapayo?” (Roma 11:33–34). “Sapagkat ang Aking mga pag-iisip ay hindi ninyo mga pag-iisip: ni hindi Ko mga kaparaanan ang inyong mga kaparaanan, sabi ng Panginoon. Sapagkat kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang Aking mga kaparaanan ay mas mataas din kaysa sa inyong mga kaparaanan, at ang Aking pag-iisip ay mas mataas kaysa sa inyong pag-iisip” (Isaias 55:8–9). Sa librong Mga Tanong at Sagot sa Patotoo ng Ebanghelyo ng Kaharian, sinasabi ng mga kapatid ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos sa kanilang pagbabahagi na inabangan ng lahat ng Israelita ang pagparito ng Mesiyas, pero dahil sa sarili nilang mga haka-haka at imahinasyon, inakala nilang isisilang ang Mesiyas sa palasyo pagparito Niya, na Siya ay magiging maharlika at hindi pangkaraniwan, at pangungunahan Niya sila sa labanan kagaya ni Haring David at sasagipin sila mula sa pamumuno ng Romano. Pero nang pumarito ang Panginoong Jesus, isinilang Siya sa isang sabsaban, hindi sa palasyo, at hindi Niya pinangunahan ang mga tao sa pagpunta sa digmaan, kundi sa halip, nagturo ng pagpapakumbaba at pasensya, at hiniling sa mga taong ikumpisal ang kanilang mga kasalanan at magsisi. Ito ay dahil hindi naaayon sa mga kuru-kuro ng tao ang pagparito ng Panginoong Jesus at hindi iyon gaya ng nakinita nila, na itinanggi nila Siya, siniraan Siya, inayawan Siya, at sa huli ay ipinako Siya sa krus, nagiging mga makasalanan magpakailanman na umaasam sa pagparito ng Mesiyas, subalit nilabanan at kinondena Siya. Nang mabasa ko ang mga salitang ito, naantig ako nang husto. Totoong hindi talaga natin maaarok ang mga iniisip ng Diyos, at lubos na higit pa sa imahinasyon ng mga tao ang gawain ng Diyos! Kailangan kong iisantabi ang sarili ko at seryosong hanapin kung paano ginagawa ng Panginoon ang gawain ng paghatol para makaiwas sa paggawa ng parehong pagkakamali gaya ng mga Israelita.
Kalaunan, nabasa ko ang dalawa pang sipi ng salita ng Diyos. Sabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang Cristo ng mga huling araw ay gumagamit ng iba’t ibang katotohanan para maturuan ang tao, para ibunyag ang diwa ng tao, at suriin ang kanyang mga salita at gawa. Ang mga salitang ito ay binubuo ng iba’t ibang katotohanan, gaya ng tungkulin ng tao, paano dapat sundin ng tao ang Diyos, paano dapat maging tapat ang tao sa Diyos, paano dapat isabuhay ng tao ang normal na pagkatao, gayundin ang karunungan at disposisyon ng Diyos, at iba pa. Ang mga salitang ito ay nakatuon lahat sa diwa ng tao at sa kanyang tiwaling disposisyon. Partikular na, yaong mga salitang naglalantad kung paano tinatanggihan ng tao ang Diyos ay sinasabi patungkol sa kung paano kinakatawan ng tao si Satanas, at naging puwersa ng kaaway laban sa Diyos. Sa pagsasakatuparan ng Kanyang gawain ng paghatol, hindi lamang basta nililinaw ng Diyos ang likas na pagkatao ng tao sa iilang salita lamang; inilalantad, pinakikitunguhan, at tinatabas Niya nang pangmatagalan. Ang lahat ng ganitong mga pamamaraan ng paglalantad, pakikitungo, at pagpupungos ay hindi maaaring mahalinhan ng mga ordinaryong salita, kundi ng katotohanang hindi man lang taglay ng tao. Ang ganitong klaseng mga pamamaraan lamang ang matatawag na paghatol; sa pamamagitan lamang ng ganitong uri ng paghatol masusupil ang tao at makukumbinsi nang husto tungkol sa Diyos, at bukod pa riyan ay makamtan ang tunay na pagkakilala sa Diyos” (“Ginagawa ni Cristo ang Gawain ng Paghatol sa Pamamagitan ng Katotohanan” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). “Naniniwala ang ilan na maaaring pumarito sa lupa ang Diyos sa isang hindi pa batid na panahon at magpakita sa tao, kung saan hahatulan Niya mismo ang buong sangkatauhan, susubukan ang bawat isa nang walang sinumang naiiwan. Hindi alam ng mga nag-iisip sa ganitong paraan ang yugtong ito ng gawain ng pagkakatawang-tao. Hindi paisa-isang hinahatulan ng Diyos ang tao, at hindi paisa-isang sinusubukan ang tao; hindi magiging gawain ng paghatol ang paggawa ng gayon. Hindi ba’t magkakatulad ang katiwalian ng lahat ng sangkatauhan? Hindi ba’t magkakatulad ang diwa ng lahat ng sangkatauhan? Ang hinahatulan ay ang tiwaling diwa ng sangkatauhan, ang diwa ng tao na ginawang tiwali ni Satanas, at ang lahat ng kasalanan ng tao. Hindi hinahatulan ng Diyos ang mga walang kapararakan at walang kabuluhang pagkakamali ng tao. Mapagkatawan ang gawain ng paghatol, at hindi ito isinasagawa para sa isang tiyak na tao. Sa halip, gawain ito na kung saan hinahatulan ang isang pangkat ng mga tao upang kumatawan sa paghatol sa lahat ng sangkatauhan. Sa pamamagitan ng personal na pagsasagawa ng Kanyang gawain sa isang pangkat ng mga tao, ginagamit ng Diyos sa katawang-tao ang Kanyang gawain upang kumatawan sa gawain ng buong sangkatauhan, upang unti-unting ipalaganap pagkaraan. Ganito rin ang gawain ng paghatol. Hindi hinahatulan ng Diyos ang isang tiyak na uri ng tao o isang tiyak na pangkat ng mga tao, bagkus ay hinahatulan ang hindi pagkamatuwid ng buong sangkatauhan—ang pagsalungat ng tao sa Diyos, halimbawa, o kawalang-galang ng tao sa Kanya, o paggambala ng tao sa gawain ng Diyos, at kung ano-ano pa. Ang hinahatulan ay ang diwa ng pagsalungat ng sangkatauhan sa Diyos, at ang gawaing ito ay ang gawain ng paglupig sa mga huling araw. Ang gawain at salita ng Diyos na nagkatawang-tao na nasaksihan ng tao ay gawain ng paghatol sa harap ng malaking puting trono sa mga huling araw, na naisip ng tao sa mga nakaraang panahon. Ang gawain na kasalukuyang ginagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay siyang-siyang paghatol sa harap ng malaking puting trono” (“Mas Kinakailangan ng Tiwaling Sangkatauhan ang Pagliligtas ng Diyos na Nagkatawang-tao” sa Ang Balumbon na Binuksan ng Cordero). Matapos mabasa ang mga salitang ito, natigilan ako. Noong nabasa ko lang ang pagbabahagi sa kung paano ginagawa ng Diyos ang gawain ng paghatol sa librong Mga Tanong at Sagot sa Patotoo ng Ebanghelyo ng Kaharian, saka ko lang naunawaan sa wakas. Noon, akala ko mauupo ang Diyos sa isang malaking puting trono habang nakaluhod sa harap Niya ang bawat tao, kung saan Niya hahatulan ang bawat tao para sa mga kasalanan nila. Pero sarili ko itong haka-haka at imahinasyon. Gaano katagal ang aabutin para hatulan ng Diyos nang ganoon ang bawat tao? Bakit gagawa ng ganoong walang silbing gawain ang Diyos? Hindi hinahatulan nang ganito ng Diyos ang mga tao sa Kanyang paghatol sa mga huling araw. Ipinapahayag Niya ang katotohanan para gawin ang gawain ng paghatol. Pinupuntirya Niya ang likas na pagiging makasalanan at mga satanikong disposisyon sa loob natin sa kung anong hinahatulan Niya at inihahayag para malutas ang mga problema ng pagkakasala at paglaban sa Diyos mula sa ugat. Kung tinatanggap lang natin ang pagtubos ng Panginoong Jesus nang hindi tinatanggap ang gawain ng paghatol sa mga huling araw, hinding-hindi malulutas ang ugat ng kasalanan natin, makukulong tayo sa siklo ng pagkakasala at pangungumpisal, at hindi natin matatakasan kailanman ang pagkakagapos ng kasalanan. Sinasabi ng Biblia, “Sapagkat ang mga kabayaran ng kasalanan ay kamatayan” (Roma 6:23) “Kung walang kabanalan, walang taong makakakita sa Panginoon” (Mga Hebreo 12:14). Napagtanto ko na kung naniniwala ako sa Panginoon nang hindi tinatanggap ang paghatol Niya sa mga huling araw, hindi ko kailanman matatakasan ang pagkakagapos ng kasalanan, hindi ako magiging karapat-dapat na makita ang mukha ng Panginoon, at hindi ako magiging kuwalipikado na iangat sa Kanyang kaharian. Naramdaman kong tunay na makabuluhan ang gawain ng paghatol ng Diyos. Noong oras na iyon, habang lalo kong binabasa ang mga salitang ito, mas nagiging maliwanag ang puso ko. Nakita kong ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos ang katotohanan, at walang mga espirituwal na tao sa relihiyosong mundo na makakapagpaliwanag nang malinaw kung paano hinahatulan ng Diyos ang mga tao pagbalik Niya. Ngayon, pumarito na ang Makapangyarihang Diyos, at gumagawa ng gawain ng paghatol na nagsisimula sa sambahayan ng Diyos, at nagpahayag ng napakaraming katotohanan para ibunyag ang lahat ng katotohanan at misteryong ito. May sinuman ba bukod sa nagbalik na Panginoon na nagsasalita sa Kanyang sariling mga salita ang makakapagpaliwanag nang napakalinaw sa mga bagay na ito? Ito ang gawain ng Diyos Mismo, at tanging ang Diyos Mismo ang nakakaalam ng mga bagay na ito. Kaya, matapos magsiyasat sa loob ng ilang panahon, paunti-unti, iwinaksi ng salita ng Diyos ang mga relihiyosong kuru-kurong ito na pinanghawakan ko. Simula ng panahong iyon, naging lubos akong kumbinsido sa bagong yugto ng gawain na ginagawa ng Makapangyarihang Diyos. Sa buong buhay ko, naging mapalad ako na marinig ang tinig ng Diyos at masalubong ang pagbabalik ng Panginoon. Ito ay talagang nakakaantig para sa akin, at parang gusto kong tumalon sa galak dahil dito!
Salamat sa Diyos! Kung hindi nagpahayag ang Diyos ng napakaraming bagong salita na tumulot sa akin na maunawaan ang katotohanan at mapagtanto na kumakapit ako sa mga nakakalinlang na haka-haka, marahil mamamatay ako nang hindi nagsisisi, nakikinig pa rin sa pari ko, at patuloy na tumatangging siyasatin ang bagong gawain ng Diyos. Noong oras na iyon, naisip ko na kailangan kong sabihin sa mga kapatid ang mabuting balita ng pagbabalik ng Panginoon, para makatakas sila sa panggagapos ng pari, huwag pagdusahan ang mga pagpigil ng mga relihiyosong kuru-kuro, at tanggapin ang pagbabalik ng Panginoon. Matapos iyon, ipinangaral ko ang ebanghelyo sa mga kapatid at nagdala ng dose-dosenang tao sa sambahayan ng Diyos mula sa orihinal kong denominasyon. Kung iisipin ang pitong taong iyon, hindi lang ako tumanggi na siyasatin ang gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw, tinaniman ko pa ang mga kapatid ng maraming haka-haka at mga kamalian na nagligaw sa kanila at humadlang sa kanila sa pagsisiyasat sa tunay na daan. Kapag iniisip ko kung paano ko nilabanan ang Diyos at gumawa ng ganoon kalaking kasamaan, nakakaramdam ako ng matinding pagsisisi. Hindi ko na magagawang burahin kailanman ang mantsa ng paghihimagsik at paglaban sa Diyos sa loob ng napakaraming taon. Napagtanto ko ngayon kung gaano ipinapahamak ng mga relihiyosong kuru-kurong ito ang mga tao! Kung hindi natin bibitawan ang mga relihiyosong kuru-kurong ito at hahanapin ang katotohanan, hindi natin matatanggap kailanman ang nagbalik na Panginoon. Nagpapasalamat ako na kinaawaan ako ng Diyos, tinulutan akong makatakas sa mga relihiyosong kuru-kurong ito, at binigyan ako ng magandang kapalaran na makabalik sa Makapangyarihang Diyos. Sa hinaharap, gagawin ko ang lahat ng magagawa ko para ipangaral ang ebanghelyo para suklian ang pagmamahal ng Diyos. Salamat sa Diyos!
Iba't ibang bihirang sakuna ang nangyayari ngayon, at ayon sa mga propesiya sa Bibliya, mas malalaking kalamidad pa ang darating. Kaya paano natin matatanggap ang proteksyon ng Diyos sa mga kapighatiang ito? Makipag-ugnayan sa amin, at tutulungan namin kayong mahanap ang daan.
Ni Richard, USAIpinanganak ako sa isang Katolikong pamilya at noong labintatlong taong gulang ako ay nagsimula akong mag-aral ng katesismo...
Ni Florence, Indonesia Sinunod ko ang mga magulang ko sa paniniwala sa Panginoon noong bata pa ako. Kalaunan, naging guro ako, at nagturo...
Ni Jianding, Estados Unidos Ipinanganak ako sa isang Katolikong pamilya, at mula sa murang edad ay tinuruan ako ng ina ko na magbasa ng...
Qingxin, Myanmar Parehong mga Kristiano ang ang aking mga magulang at mula pagkabata, nagsimula akong sumama sa kanila papunta sa iglesia...